#patibong
Explore tagged Tumblr posts
onewordenglish · 23 days ago
Text
Ang dali mong makalimot, sana di nalang tayo umabot dito.
3 notes · View notes
hanrinz · 6 months ago
Note
whatifmissniyaako
📦📦📦
1 note · View note
ilaw-at-panitik · 1 year ago
Text
At ano ang talumpati at pangako ng pulitika kundi ampaw na ambag lamang sa pambansang pagsulong? Ang pulis ay ganid, ang militar ay nagpaparusa, sa bawat sandali ang ligaya ay isang patibong.
Cirilo F. Bautista, mula sa "Sa Aking Ikalimampung Taon" sa Tinik sa Dila: Isang Katipunan ng mga Tula (University of the Philippines Press, 2003)
13 notes · View notes
bdsrsated · 1 month ago
Text
Sir Hubert Hernandez nag pa sign vinyl record ng Patibong By Gracenote at Backspace Record (The Best Company For Vinyl, Cassette Tape and CD) Mga Idol kong OPM @moonstar88band @gracenotejam @eunicejorge @backspacerrecords @mayshie @herberthernandez886 @bonsundiang @buddyzabala @jazzjorgebass @ejpichay @tatsiballs #BDMS #BILL #BackspaceRecord Moonstar88 and Gracenote Sana Magkaroon ng CD or Cassette Tape Ang Lourdes 2088 at Patibong po Congrats po sa Gracenote New Release Album po Thank you po sa Autograph mga Idol ko po
1 note · View note
veryriskey · 4 months ago
Text
Tumblr media
Muli akong nakatagpo ng isang tulang hindi ko isinulat, ngunit agaran kong nasaulo. Muling nakapakinig ng isang kantang paulit-ulit na inaawit sa kung saan man mapunta.
Muli akong nakatagpo ng pag-ibig sa katauhan mo.
At nang minsang sabihin kong pag-ibig, ito ay ang kahandaan kong samahan ka sa kung saan. Kahit na masakit na ang binti, apuyin ng lagnat o ulanin nang bahagya ay ayos lang. Ito ay ang makinig sa samu't saring kuwento tungkol sa mga bagay-bagay na nakasalamuha mo sa araw-araw. Sa mga kuwento mula noong iyong pagkabata, hanggang sa mga kuwentong paulit-ulit mong binabanggit.
Ang pag-ibig sa hugis ng pagpunas ng tagaktak ng pawis sa aking sentido at pisngi. Ang pag-ubos ng pagkain kung ika'y busog na. Ang pagyapos sa harap ng maraming tao, Paghawak sa kamay sa gitna ng gulo. Ang paghalik sa noo bago magpaalam upang umuwi na tayo.
At ang iba pang maliliit na detalyeng kusang kinabisado ng puso ko, Mula nang magtama ang ating mga mata sa daan, at magdikit ang mga kamay nang minsang magkasalubong sa pasilyo.
Kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan ko babalikan kung paano ako nahulog sa patibong ni Kupido, Nang minsang akitin ako ng tinig na parang anghel na umaawit sa langit.
Muli kong natagpuan ang tunay, at wagas na pag-ibig sa mga letra ng iyong pangalan. At habangbuhay kong pipiliing makita ang pag-ibig na ito sa pagmulat ng aking mga mata sa umaga, sa iyong mga ngiti at tawa.
Palagi kitang pipiliing makasama.
At ikaw lang pipiliin kong makasalo sa pag-ibig na ito.
1 note · View note
ronalarcio · 6 months ago
Text
Ang Pagsilang
Inakay na munting naligaw sa gubat, ang hinahanap ko’y ang sariling pugad; ang dating pugad ko noong mapagmalas nang uupan ko na ang laman ay ahas.
Oh! ganito pala itong Daigdigan, marami ang sama kaysa kabutihan; kung hahanapin mo ang iyong kaaway, huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.
Ako’y parang bato na ibinalibag, ang buong akala’y sa langit aakyat; nang sa himpapawid ako’y mapataas, ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay, sarili mong bigat ay paninimbangan, kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan, kung ikaw’y masama’y kinapopootan.
At gaya ng isdang malaya sa turing ang langit at lupa’y nainggit sa akin; subalit sa isang mumo lang ng kanin, ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.
At sa pagkabigo’y nag-aral na akong mangilag sa mga patibong sa mundo; kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.
Ang buhay ng tao ay parang kandila habang umiikli’y nanatak ang luha; buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda, ang luksang libinga’y laging nakahanda.
Ang palad ay parang turumpong mabilog, lupa’y hinuhukay sa ininug-inog; subalit kung di ka babago ng kilos, sa hinukayan mo’y doon mahuhulog. Subject of the Poem: "Ang Pagsilang" (The Birth) delves into the theme of hope and renewal, using the metaphor of childbirth to symbolize the dawn of a new era in Philippine history.
Message of the Poem: "Jose Corazon De Jesus uses childbirth imagery to communicate a message of hope and change. The poem makes the argument that the arrival of a new age offers hope for advancement and development, just as a newborn symbolizes the promise of a better future. De Jesus most likely wanted the Filipino people to read this poem and see it as an opportunity to embrace regeneration and take an active role in determining their country's future. It acts as a call to action, imploring readers to contribute to the creation of a more just, free, and prosperous society. In general, "Ang Pagsilang" inspires Filipinos to overcome obstacles and work for a better tomorrow by highlighting their tenacity and resolve."
0 notes
ampersiah · 8 months ago
Text
Takot na akong sumintang muli — tila ba pati sarili ay tumatangging magpamalas ng isa na namang pighati. Hindi yata para sa akin ang pag-ibig bilang isang umiiwas sa pagpapalagayang-loob na para bang isa itong patibong. Hindi na kaya ng damdamin na masumbatan, at mabugbog sa mga salitang mayroon namang katotohanan pero bakit mas gusto ko pang lumubog? Hapong-hapo na magpaliwanag sa mga taong pilit na umiintindi, at sumusubok na tiyaking ang loob mo’y panatag—ngunit sa huli ay gagamitin laban sa iyo. Hindi ako perpekto, mahirap basahin, walang alam sa kagustuhan, at tumutulak ng tao palayo. Oo, batid ko. Batid kong mabigat akong irugin. Batid kong mahirap akong mahalin. Araw-araw naman kung ako nito ay bangungutin. Sinusubukan ko naman, pero nakakapanghina ng loob na palaging gusot ang pag-unawa sa iyo ng tao. Bawat pagdating ng araw, lalong nawawala ang amor ko sa pag-asang maiintindihan pa ang bakas ng mga yapak ko. At tila ba walang nakakapansin ng pag-usad ko...sabagay, mali mo lang naman ang nakikita nila, pero kapag umangat ka, lalapit sila sa iyo na animo’y isa kang artista. Nakakapanlinlang ang pagmamahal na walang pasubali, huwag naman sanang banggitin kung hindi kayang panindigan. Madali sa akin ang paggiliw na walang takda pero ang kapalit, wala akong sigasig sa paraan ng pagpapakita nito.
Dahil sobra-sobra na ang pagmamahal sa akin, maaaring hindi ko na ito hangarin. Gayunpaman, marahil ay sa katiting na nawa, hiling ko pa rin hanggang ngayon na ako ay maunawaan.
At kung mahalin man, sana ay batid mong isa akong lason. Ani nga ng mga dati kong kasintahan, kawawa naman ang kung sino mang nanaisin na ako’y samahan, bagaman isa lamang akong hamak na adelpa sa harding puno ng mirasol, gumamela, at sampaguita.
&.
0 notes
mswonderfulliteraryworks · 10 months ago
Text
INANG BAYAN
SIMULA NG KATAPUSAN
Ni: Me-an C. Bongue
Wala nang pag-asa!
Huwag mong isiping
May darating pang magandang bukas.
Bumagsak na ang Pilipinas!
Nagkakamali ka nang sabihin mong
Uunlad pa ang ating bansa.
Pabayaan na lang natin ang susunod na henerasyon.
Maling-mali na
Ilaban natin ang ating pagmamay-ari!
Magpaubaya na lang tayo.
Hindi nararapat na
Kamtin natin ang kasaganaan.
Mahihina tayong mga Pilipino!
Isang kasinungalingan na
Magtatagumpay tayo!
Hindi importante ang mangyayari sa hinaharap.
Huwag kang maniniwalang
Kaya nating baguhin ang kinabukasan!
(Basahin simula sa ibaba paitaas)
PALAHAW NG NAGHIHINGALONG BANOY
Ni: Me-an C. Bongue
Isang batalyon ng serpyente ang naghihimagsik,
Upang sakupin ang bansang sa kayamana’y hitik.
Ang kawawang banoy ayun nga’t sa pugad ay pumanhik,
Pinuluputan ng lubid at sa patibong ay nasungkit.
Marahil ay mapagbalat-kayo ang mga lahing gahaman,
Sa una’y isang kalapati ngunit kalauna’y nagiging buwayang suwapang.
Mga Pilipino’y nababaon sa utang pagkat sariling yama’y iba ang nakikinabang.
Naghihingalong banoy sa kawalan, kailan kaya malulunasan!
Huwag nating hayaang lunurin ng kasawian ang hinaharap,
Humakbang tayo’t tanggalin sa pagkakagapos ang banoy upang makalipad;
Ikumpas ang pakpak, lipulin ang mga seryenteng makamandag—
Nang magandang kinabukasa’y maikuwentas sa bayan kong liyag!
ANG WIKA NI RIZAL
Ni: Me-an C. Bongue
Pagmasdan mo ang mga kabataan sa kasalukuyan,
Kung ikukumpara noon ay napakalaki ng kaibahan.
Sa agos ng teknolohiya ay inanod ang nakaraan,
Nagbago ang lahat at naibaon sa limot ang dating nakasanayan.
Walang masama sa bagong bihis ng mundo,
Wala sa modernisasyon ang mali kundi sa mga tao,
Mga kabataan ngayo’y napapabayaan na ng husto,
Walang paggalang sa magulang at nasasangkot sa iba't ibang bisyo!
May mga nagbebenta ng panandaliang aliw para lamang sa kaunting salapi,
Malalaswang kasuotan na halos hubad na’t walang pagtitimpi.
Gala dito, gala doon— tapos gabi na kung umuwi;
Pinag-aral na ng magulang, sakit pa ng ulo ang 'sinukli!
Kung ganito ang kahihinatnan, paano na ang natitirang pag-asa ng bayan!
Kung mapapariwara ang kabataan, paano na ang kinabukasan!
Ituwid natin sila’t itanim sa isip ang sinabi ni Rizal—
“Kabataan ang pag-asa ng bayan”, ito ang laging ikintal.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
http://culturalcenter.gov.ph
1 note · View note
junijurokunisenyon · 2 years ago
Text
Setyember 21, 2020
alas cinco: trese ng hapon
may posibilidad ba na kahit malayang nakakalipad ang mga ibon sa kalangitan, naiisip pa rin nila kung ano ang halaga nila sa mundo? kung para saan ba sila nabubuhay? o kung para kanino? ...alam ba nila purpose nila? o ang mga bagay na dapat nilang gawin? kung gano'n, lubos akong naiinggit sa existence nila. at least sila, may dahilan. ako, kahit paulit-ulit akong kainin ng kalungkutan sa gilid, lamunin ng boredom hindi ko pa rin alam kung totoo ngang may patutunguhan ako. wala akong ideya, wala ring clue. ang tanging bagay na nakakapag bigay lang ng buhay sa 'kin ngayon, ay ang mumunting mensahe ng mga kantang naririnig ko sa araw-araw. mga bagay na nag e-exist para sa 'kin, at mga pagkaing binibili ni mama para kainin ko. notebook na nag lalaman ng mahahabang tula, istorya, liham at liriko. ang araw, ulap at buwan na tunay akong naiintindihan. mga memes na kailangan kong makita sa social media, at mga artist na kailangan ng suporta ko para sa kanila. wala akong kahulugan, wala akong saysay at mas lalong wala akong kalalagyan sa nakikita ko ngayon sa buhay ko. wala akong halaga sa mga bagay na hindi ko nahahawakan at mga senyales na walang ibang ibig-sabihin kun 'di ang pighati. mula sa kalayuan ng buhay ko, kanin na kakainin ko, ang nakaraan at hinaharap, wala pa rin akong nakikitang clue sa mga patibong na nakakasakit na sa 'kin ngayon. malalim at malayo ang tingin ko sa mga bagay kaya ganito ako nasasaktan dahil alam kong wala pa rin kinabukasan 'yung mga bagay na hinihiling ko simula kahapon. ilang pag kakataon pa ba ang gugugulin ko para makuha ang lahat ng 'yon? simula kasiyahan, pag tanggap at pag mamahal. napapagod na akong mangarap. napapagod na akong mag isip ng mga bagay na hindi ko rin naman matutupad, mga bagay na walang kasiguraduhan at bihirang makapag bigay sa 'kin ng kasiyahan. mga bagay na panandalian, kahit na sobrang tagal kong pinag hirapan. sana matapos na ang lahat. kasi napapagod na ako, alam kong wala akong mararating sa ganito, ngunit wala akong paraan para matapos na 'to. sana mag karo'n na ng kahulugan ang lahat. sana mag karo'n na ako ng purpose, sana maging mahalaga na rin ako. sana, kahit hindi man ngayon, ibigay naman sa 'kin kahit katiting lang. wala naman ata akong pag kukulang. sadyang excited lang ako kasi nga buryong-buryo na rin ako. haaay. *nag tigil*
0 notes
girlinbrokenmirrorsworld · 2 years ago
Text
Wrong Choices/diversions in life.
Before pandemic my life was normal.Lahat ay maayos.Pero dahil sa mga maling disesyon ko kaya ako natrap sa sitwasyong ito.maraming nangyari maraming pangyayari na hindi ko kontrolado.Naiisip ko makalabas paba kaya ako? Makakaahon pa kaya ako?Nakakapagod Pero kailangan lumaban sa laban na ako lang ang nakakaalam.Hindi ko Alam kung hanggang kailan ako makakalaban o lalaban Pero alam ko sa saeili ko pagod na pagod na ako.Lahat ng mga disesyon ko sa buhay ngayon parang mali.
May mga Problemang nasosolosyunan sa maling paraan nga lang.Mahirap ma trap sa patibong na ikaw din ang may kagagawan.Alam mo kung anong magiging kalalabasan, Pero Ewan ba, at bakit hindi ka naghahanap ng Daan na malalabasan?
Dumating ng Pag-ibig sa maling tao at lugar.Hindi ko Alam kung hanggang kailan at kung hanggang saan ako liliparin ng hangin ng kasalanan,Pero batid Kong ang lahat ng itoy Mali at dapat nang tigilan.
Mahirap mamalimos ng pagmamahal,ng Oras at panahon.Pero pinili mo yan,panindigan mo yan Pero ang tanong "Hanggang Kailan?at Hanggang Saan?"
0 notes
seikimachan · 2 years ago
Text
Whenever I read a psychological report from a certain annulment case especially when I worked in a law office:
Sometimes, ok lang na walang magkagusto sau not because of who you are...
Kaya sinasabi niiya na may gusto sya sau kse gagamitin ka lang for their own benefit due to your abilities, skills and intelligence... as in indirectly na ipinaparamdam niya sau 😅
As in pakikiligin ka lang niya para mafall ka sa kanyang patibong tapos igo-ghosting ka lang in the end... ang idadahilan nya eh ayaw nya na masaktan ka 🤮
Gaslighting ng mga taong may narcissistic personality disorder na kesyo religious na Christian daw, noh? PWE‼️🤣
Thankful ako kay Brent dahil sa mga news report nya na tagos sa emotions ko 😁 #TeamPisces ♓🐟
Tumblr media
0 notes
poemsforyourthought · 5 years ago
Photo
Tumblr media
(revised version of 'Dilim')
1 note · View note
mgamanunulatngmaximilian · 2 years ago
Text
Ang Sampung Dalaga
Tumblr media
Bood:
Isang malaking kasalan ang inihanda, kaya nagsagawa din sila ng kanilang pag-uusap at paghahanda kung ano ang dadalhin, kung saan at kailan magaganap ang kasalan.
Sa wakas dumating na ang araw na kinasasabikan ng lahat. Sa labas ng tahanan ng binatang ikakasal ay may sampung dalaga itinalagang magdala ng ilawan at maghintay sa lalaking ikakasal.
Ang lima sa dalagang ito ay matatalino. Nagdala sila ng sobrang langis, habang ang limang hangal naman ay hindi nag baon ng sobrang langis.
Nang maghating gabi na'y dumating na ang lalaking ikakasal.
Agad inayos ng sampung dalaga ang kanilang ilawan.
Sa matagal na paghihintay ay naubos ang langis ng ilawan ng limang dalagang hangal.
Nanghingi sila sa limang matatalino dalaga ngunit kasya lamang ang sobrang langis para sakanila ang kanilang dinala. Pinapunta nila ito sa tindahan para bumili; agad naman silang nagsilakaran.
Pagbalik nila'y sirado na ang tarangkahan. Sila ay nasa labas at nagmamakaawang papasukin. Hindi na sila pinapasok.
Wala silang nagawa kundi pagsisihan ang hindi paghahanda para sa pangyayaring ito.
Ang Kahon ni Pandora
Tumblr media
Bood:
Noong unang panahon, sa lugar sa ibabaw ng mga ulap kung saan naninirahan ang dakilang pinuno, si Zeus ang pinakamalakas sa lahat. May magkapatid na sina Prometheus at Epimetheus. Sila'y Titan na sumanib sa mga Olimpian na pinamumunuan ni Zeus. May kapangyarihan silang lumikha ng mga tao.
Isang araw, may hinarap silang problema at yun ang pang proteksiyon sa mga taong naninirahan sa mundo.
Pinuntahan ni Prometheus si Zeus at humingi ng apoy na kapangyarihan para ibigay sa mga tao pang proteksiyon sa tag-lamig. Subalit hindi siya pinayagan ni Zeus.
Sinuway niya si Zeus at nagtungo kay Hephaestos, dios ng apoy at bulkan, at nagnakaw ng kapangyarihang apoy. Binigay niya ito sa mga tao. Nalamanan ito ni Zeus at pinarusahan si Prometheus. Kinulong siya ng mahabang taon. Sa kabilang dako ang kapatid niyang si Epimetheus ay ipinakasal kay Pandora; isa itong patibong ni Zeus para parusahan ang magkakapatid.
Pagkatapos ng kasal nila'y hinandogan si Pandora ng isang kahon binilinan na "huwag itong bubuksan."
Lumipas ang panahon ay kinain na ng pag kausisa si Pandora, at hindi na niya napigilan ang kanyang sarili: binuksan niya ang kahon at agad nag siliparan palabas ang mga itim na insekto na kumakatawan sa mga kasamaan sa mundo.
Subalit napakawalan man ni Pandora ang lahat ng masasamang bagay sa mundo ay nagawa rin niyang palabasin ang kulisap.
Ang pag-asa.
Mga Aral na Maaaring Matutunan
Tumblr media
Sa buhay, may mga bagay na nangyayari na hindi natin inaasahan. Minsan, marahil dahil sa biro ng tadhana, ang mga ito ay nangyayari sa oras na tayo ay pinakamasaya. Sa oras na iniisip natin na, ito na; wala nang mangyayari pa; walang makakakuha ng sayang ito mula sa atin. Na ito ay mananatili kahit hindi pilitin.
Ngunit nalaman namin na hindi ito ang palaging kalabasan. Bilang mga bata pa, hindi namin napagtanto na maaaring ilusyon lang ang lahat ng alam namin — o lahat ng aming pinaniniwalaan. Ibinunyag ito ng paaralan sa amin sa murang edad: makakamit namin ang lahat ng aming pangarap. Ibinunyag rin nito na dapat hindi kami maging kampante sa oras na naabot na namin ang mga ito.
Hindi ito nangyari sa paraan na iniisip niyo.
Mga minamahal naming mambabasa, sa blog na ito ay tatalakayin natin ang dalawang pinakawili-wiling kwento na maaaring nabasa ng iba sa inyo sa Grade 10: Ang Kahon ni Pandora at Ang Parabula ng Sampung Dalaga.
Tumblr media
Dismaya. Ito ang naramdaman ng isa sa amin pagkatapos basahin ang unang kwento aming tinalakay: Ang Kahon ni Pandora. Marahil dahil isa siyang babae, hindi nawala sa isipan niya, pagkatapos man ng pag-uusap tungkol sa kwento, ang isa sa mga mensahe na maaaring naparating nito sa mga kabataan: ang lahat ng kasakiman sa mundo ay nagmula sa babae.
Nabatid naman ng iba sa amin ang isa pang mensahe ng kwento.
Ito ay ang pagkahulog sa tukso.
Nahulog si Pandora sa tukso nang binuksan niya ang kahon. Alam niya na hindi ito maaaring gawin, ngunit ginawa pa rin niya upang pawiin ang kuryusidad. Madali namin itong naugnay sa buhay namin. Bilang mga bata, marami kaming hindi pang alam at hiling na alamin. Ang resulta nito ay may mga bagay kaming nagagawa para sa mga ito, mabuti man sila o hindi.
Makikita rin ito sa Parabula ng Sampung Dalaga. Hindi ang konsepto ng tukso ngunit ang konsepto ng tamang pagdedesisyon. Napagtanto ng limang matatalinong dalaga ang maaaring mangyari kaya't naghanda sila para dito.
Habang binabasa namin ang parabula, naintindihan na namin na sa huli, may mangyayari talaga dahil sa aksyon na kinuha ng limang hangal na dalaga. Ipinagpatuloy pa rin namin ang pagbasa, maaaring dahil inisip namin na hindi ito mangyayari.
Ito ay nangyari. Nahuli ang limang hangal na dalaga, at hindi sila nakilala ng ikakasal.
Sa buhay, minsan ay ganito ang pag-iisip natin. Maaaring tama tayo na wala naman talagang mangyayari kahit hindi tayo nag desisyon ng tama. Maaaring hindi. Subalit hindi ba't mas mabuti na hindi ito tanggalin sa pagdedesisyon para sa kinabukasan, para sa gagawin? Hindi ba't ito ay mas magandang pagharap sa parating?
11 notes · View notes
torpengromantiko · 3 years ago
Text
"AKIN KA LANG HA"
ISANG PATIBONG NA KASINUNGALINGAN. HAHAHA.
13 notes · View notes
churrostic · 3 years ago
Text
Manibela
Manibela
Kahit kalian hindi ko idederetso
Ikakaliwa kung kailangan
Ikakanan kung gusto
 .
.
.
Patibong ang pagiging matuwid
Kaya ibabaliko
Wala akong mapili
Kundi ito lang
.
.
.
ililigaw ng matagal
pero makakarating din
kailangan mag intay
upang makapunta sa kaparoroonan
5 notes · View notes
lihimlihamtinta · 3 years ago
Text
Sa iyong mga ngiti ay nahulog nanaman
Hinihila ako sa patibong ng 'yong ganda
Wala na ata akong takas sa nararamdaman
Nakangiting tatalon muli sa kawalan
Kahit alam kong wala itong patutunguhan
Kahit alam kong 'di maaring magtapat
Mga puso nating tila salungat
Hayaan mo akong mangarap sa'yo sinta
5 notes · View notes