#papaya pilipinas
Explore tagged Tumblr posts
crazyhomecooking · 2 years ago
Photo
Tumblr media
👩🏻‍🍳Traversing Marikina Public Market my happy place. Enjoyed much all the street food we got with. Mostly what I miss so much from home. Leaving abroad for more than 36 years, coming back home for a vacation to experience all the foodstuff that I miss. Nothing can compare the feeling and satisfaction. € € € € € #streetfood #marikinafoodies #marikina #marikinacity #marikinamade #marikinafoodtrip #marikinaeats #alimango #hito #bangus #chickenfeet #papaya #saba #saging #pilipinas #pinoy #pinoyfood #pinoytravel #pinoyfoodie #pinoygram #travelblogger #travel #palengke #traveler #vlog #vloggers #vlogging #icook #itravelforfood #i (hier: Marikina Public Market) https://www.instagram.com/p/Cpj2J1jNjBg/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
kalakian · 2 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hindi ito native sa Pilipinas sa pagkakaalam ko. Ang tanda ko ay native ito sa Africa ngunit kumalat na rin sa Asya. Maraming nagbubulak na kapok ngayon sa Unibersidad ng Pilipinas. Minsan naming napag-usapan kung ano ang tawag rito. Maliliit iyong nasa UP at TechnoHub kaya no’ng sabihin ng mga katrabaho ko na kapok o capok ang tawag dito, inakala kong iba pa ito sa tinatawag naming buyboy. 
Naghagilap ako online at nakita kong may mga kapok palang maliliit at mayroon ring malalaki. ‘Yung mga buyboy sa amin ay pumuputok rin kapag tuyot nang tuluyan iyong bunga, ngunit hindi ito tulad ng kapok na maliliit na kadalasan ay pumuputok nang tuluyan. Hindi ko ibig sabihin na talaga namang may pagputok na nagaganap, ha? Ang wari ko lamang ay kusang bumubukas ang bunga at lumalabas ang tinatawag nilang silk cotton na s’ya nga pala ay ang pinakamagaang na fiber ‘di umano. 
Sa sobrang lambot nito, nagnenenok nami ng pamilya ko minsan ng bunga, tinatanggalan namin ng buto ay s’yang inilalagay sa loob ng punda upang gawing unan. Napakalambot nga nito. Maganda pa ang mga bulaklak kapag bago ito mamunga.
Kapag hilaw pa ang buyboy ay luntian ang kulay ng bunga nito, matubig at mabigat rin kaya naman mapanganib tumambay sa ilalaim ng puno ng buyboy kapag hilaw pa ang bunga nito. 
Matayog rin ang puno nito. Diretso at kung ilalarawan ko ang mga buyboy sa amin, sila ay may kaunting luntian na kaliskis na kung tag-init ay nagiging kulay kayumanggi tulad ng bunga nito.
Nakaka-miss lang kasi pinutol na noong kapit bahay namin ang mga puno sa paligid ng bahay nila upang palakihin pang husto ang nakilang tahanan. Kasama sa mga naputol na puno ay ang papaya na tumubo dahil sa pagtatapon ng nanay ko ng mga buto sa lupa nila. Naputol rin ang nakatagilid na puno ng mangga roon na s’yang madalas kong akyatin noong bata pa ako. Mayroon rin silang mga puno ng sampalok dati, puno ng bayabas at puno ng niyog. 
Sa totoo lang, pianghihinayangan ko talaga ‘yon.
1 note · View note
farmdelosreyestedeschi · 4 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
salad papaya,Salat PAPAYA, super, fresh, Super, Yummy menu delicious masarap                                                                                                           Farm family Tedeschi, punta bulocawe, Carles, iloilo, Philippines
1 note · View note
solrazo · 3 years ago
Text
WHEN QUEENS COME TOGETHER - AWRA WINS!
WHEN QUEENS COME TOGETHER – AWRA WINS!
That One Beautiful Awra Day: Binibining Pilipinas at the Silka Cosmetique Asia Corporation Plant It happened because of their kindred purpose. For decades, Binibining Pilipinas Charities, Inc. has been at the forefront of discovering and nurturing accomplished, beautiful Filipinas for the national and world stage of beauty pageants. Cosmetique Asia Corporation, makers of SILKA, the country’s…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
veganfoodconfidential · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Green, young Papaya in Coconut Cream and Moringa Leaves, splashed with a bit of white vinegar to add a bit of tanginess to it. Thanks to my sister who actually cooked this for me lolz. #veganfoodconfidential . . . . . . . . . . #vegan #plantbased #plantbaseddiet #omad #whatveganseat #papaya #greenpapaya #filipinofood #filipinoveganfood #veganfoodporn #vegansoflaguna #philippines #filipina #pinoyfood #veganfoodshare #dinner #pilipinas #easydinner #moringa #malunggay #vegansofphilippines (at Villa Teresita Private Pool) https://www.instagram.com/p/B7VfUzIq7pe/?igshid=1600o4k9rzaho
0 notes
cerealboxd · 3 years ago
Text
Tara na sa Vigan!
Tumblr media
Nais niyo bang makahanap ng lugar na may magagandang tanawin at malalim na kasaysayan? Huwag nang maghanap sa iba, dahil ang inyong hinahanap ay nasa lugar ng Vigan.
Ang Vigan, Ilocos Sur, ay isa sa mga pianakamagandang bakasyunan sa bansa ng Pilipinas. Ayon sa UNESCO (n.a.), ang Vigan ay ang pinakamabisang halimbawa ng isang planadong kolonyal na bayan ng Espanya sa Asya.  Ito ay itinatag noong ika-16 na siglo sa panahon ng mga Espanyol. Sinasalamin ng arkitektura nito ang pagsasama-sama ng mga elemento ng kultura mula sa iba't ibang bansa, tulad ng Tsina at Europa, na nagreresulta kultura at tanawin na walang katulad sa ibang bansa galing Silangan at Timog-Silangang Asya. 
Lugar na Matutulugan 
Tumblr media
Sa aming paglalakbay, ang Hotel Luna ay ang lugar na aming tinuluyan upang magpahinga. Upang makatuloy dito, kinakailangan na magpareserba agad upang maayos ang pagpapanatili sa inyong napiling kwarto. Ang kalidad ng kwarto na aming tinuluyan sa hotel na ito ay maayos at kumpleto; ang mga kama ay komportableng higaan at ang banyo ay kumpleto ang kagamitan. 
Mga Pasyalan
Tumblr media
Bantay Belfry
Ang istrakturang ito ay makikita sa distrito ng Bantay sa Vigan sa tabi ng national highway. Ito ay itinayo noong 1591 at ito ay nakatayo sa itaas ng isang burol, Ang arkitektura ng lugar na ito ay nakakamangha dahil sa bukod-tangi nitong mga disenyo na nagbibigay impormasyon sa kultura ng lugar noong unang panahon. Maaaring umakyat dito at makita ang lungsod ng Vigan sa isang mataas na tanawin. 
Tumblr media
Baluarte Zoo
Ang Baluarte Zoo ay isang magandang pasyalan sa mga nais makakita ng iba���t ibang hayop mula sa mga napakaraming lugar. Mayroon din itong mga nakakamanga na istraktura na maaaring pagmasdan habang naglilibot. Sa mga nais magpahinga, mayroongmga tindahan ng mga masasarap na pagkaing Ilokano dito at mga pasalubong na pwedeng dalhin sa pag-uwi. 
Mga Pagkain
Tumblr media
Longganisa
Ang Longganisang Vigan ay ang isa sa aking mga paboritong pagkain sa Pilipinas. Sa mga nais pumunta ng Vigan, hindi dapat kalimutan ang pagtikim sa delikasiyang ito dahil ito ay isa sa mga pinakabukod-tanging longganisa sa rehiyon ng Ilokos.  Imbis na matamis ang lasa, ang rekadong ginagamit nila dito ay bawang na nagreresulta sa mayaman at masarap nitong lasa. 
Tumblr media
Empanada
Tulad ng longganisa, ang Empanadang Vigan ay isang bukod-tanging interpretasyon ng mga Ilokano sa pagkain na empanada. Ang labas nito ay malutong at ang loob nito ay mayroong itlog, piling karne, at gadgad na papaya o tauge. Masarap ito at mayaman sa iba’t ibang lasa dahil sa mga rekadong nasa loob ng empanada.
Link ng pinagkuhanan sa mga imaheng ginamit:
Vigan - https://trip101.com/article/best-things-to-do-in-vigan-philippines Hotel Luna - https://www.agoda.com/hotel-luna_3/hotel/ilocos-sur-ph.html?cid=1844104 Bantay Belfry - https://www.nomadicexperiences.com/2015/06/bantay-church-bell-tower-ilocos-sur.html Baluarte Zoo - https://jontotheworld.com/baluarte-zoo-vigan-ilocos-sur/ Longganisa - https://www.lakadpilipinas.com/2014/09/vigan-longanisa-ilocos.html Empanada - https://www.pinterest.ph/pin/188729040612088493/
3 notes · View notes
armipey · 4 years ago
Text
Tumblr media
Gawa nina Theo Allen T. Nacu at Armhie Fhey C. Sacramento
Tumblr media
          Bata pa lamang ako ay interesado na akong makapunta sa iba’t ibang lugar upang malaman ang mga pangyayaring naganap doon at ang mga masasarap na pagkain na natatangi sa bawat lugar. Noon pa man, gusto ko nang lakbayin ang bawat sulok ng Ilocos Sur upang malaman ko kung ano ang mga mahahalagang nangyari roon at kung anu-ano ba ang aking makikita roon na talagang makakapagpagalak sa akin.
Tumblr media Tumblr media
          Naaalala ko pa noong panahon na litong-lito ako kung saan nga bang parte ng Pilipinas nakapwesto ang Ilocos Sur, tinawanan pa nga ako ng aking ina noong sinabi ko sa kanya na ito ay nasa bandang Visayas. Ang Ilocos Sur ay isang probinsya na matatagpuan sa lungsod ng Vigan na makikita naman sa rehiyon ng Ilocos na nasa isla ng Luzon. Ang Ilocos Sur ay may kabuuang 2,579.60 kilometro kwadrado at mahigit kumulang 20% ang sakop ng probinsyang ito sa buong rehiyon ng Ilocos. Ang dayalektong kalimitang ginagamit ng mga taong naririhan rito ay Ilocano. Ngunit mayroon pa rin naming ibang lengguwahe o dayalekto na ginagamit ng mga tao rito. Ang mga ito ay English, Tagalog, Chinese, Pangasinense, Kankanai, Tinggian, Muslim, at Visaya.
Tumblr media
Dahil nga ang Vigan sa Ilocos Sur ay naging parte na ng Unesco World Heritage List, napakarami ng mga bagay at lugar na maaaring mapuntahan upang makita ang mga natatanging kultura rito. Noong kami ay nagpunta rito, hindi mapagkakaila na talagang inalagaan ang mga bagay na makakapagpaalala sa pagsakop ng Espanya sa lugar na ito. Ang kasaysayan ay talagang naroon pa rin, hindi ito nawala at kitang-kita ito sa mga monumento at mga pagkakatayo ng mga bahay at gusali.
Tumblr media
          Noong pag-apak ko sa lupa ng Vigan, isa sa pinakamasaysayang lugar sa Ilocos Sur, hindi ako magkamayaw dahil sa aking galak. Tila bang ako’y namumuhay pa sa nakaraang panahon. May mga kalesa, ang mga gusali ay hindi ganoon kamoderno at makikta mong may halo talagang kultura ng Espanya rito. Ang lugar na aming pinuntahan ay ang Calle Crisologo, na tinatawag ding Cobblestone Street, dito makikita ang makukulay na heritage houses na talagang nakatatag na rito mula pa noon. Ito ay inalagaang mabuti kung kaya’t napakaayos pa ng itsura nito. Ngunit bago pa man maging Calle Crisologo ang pangalan ng kalyeng ito, tinawag muna itong Escolta de Vigan nang matagpuan ito ni Juan de Salcedo noong 1572. Ayon sa ilang mga mamamayan na nakasalamuha namin sa kalyeng ito, noong panahon pa raw ng mga Espanyol, ang lugar na ito ay naging sentro ng kalakan ng mga tiga ibang lugar. Mayroon pa nga silang nababanggit na istorya na tila ba teleserye dahil sa nangyari. May mga Pilipina at Hapon na nagkaibigan sa kasagsagan ng pananakop. Ito raw ay mahigpit na ipinagbabawal ngunit matindi raw talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Hindi ko ito makalimutan dahil na rin siguro sa aking galak na marinig kong may love story palang nabuo noong mga panahong iyon habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig.
Tumblr media
          Makikita rin sa Calle Crisologo ang mga tindahan ng mga pasalubong na pagkain at kagamitan. Napakaganda ng mga tinda rito, ngunit naaalala kong may kamahalan ang mga ito kaya iilan lamang ang pasalubong na nabili namin mula sa tindahang ito. Mayroon pang hanay ng nagtitinda sa kahabaan ng kalyeng ito ngunit halos pare-pareho lamang ang aking nakikitang tinitinda nila.
Tumblr media
          Hindi ko na rin pinalagpas ang pagkakataon na makasay sa kalesa. Tuwing naaalala ko ang pangyayaring ito, nakakaramdam ako ng awa para sa mga kabayong naamasada roon. Napakaganda ng ideya na sumakay sa kalesa, magpanggap na nasa sinaunang taon ka pa; ngunit pag naiisip ko na ang mga kabayo ay nasa ilalim na sobrang init na sikat ng araw at mabibigat pa ang mga pasaherong sinasakay nito. Pero napapaisip din ako dahil ang kalesa ang nagsisilbing pamumuhay ng ilang mamamayang tiga-Ilocos Sur. May kamahalan din ang pagsakay sa kalesa ngunit masasabi ko na sulit naman ito dahil iba ang pakiramdam kapag naranasan mong sumakay sa isang kalesa. Talagang iba ang nabibigay na kaligayahan ng pagsakay dito.
Tumblr media
          Pagkatapos ng aming maikling pagsakay sa kalesa, dinala naman kami ng aming mga nahihiwagaang isipan sa isa pa sa mga kilalang atraksyon sa Vigan, ito ay ang kanilang mga liit-liit na mga museong naglalahad ng mga buhay ng mga prominenteng tao at kasaysayan ng kani-kaniyang lugar tulad na lamang ng tanyag na bahay ni Padre Burgos.
          Ang bahay na ito ay kilala sa pagiging ancestral house ng mga Burgos at ang lugar ng kapanganakan ng Padre. Ito ay isang dalawang palapag na museo na naglalaman ng kultura ng Ilocos, Kankanay, at Itneg. Sa pagpapakita ng kanilang mga sari-saring kagamitan tulad ng mga platong kahoy, kabaong na yari sa nara, burial chairs, tambur o mga kasangkapang pangmusika, at marami pang iba, naipaparating ang makulay ng kultura hindi lamang ng mga Ilocano kung hindi pati na rin ang mga Pilipino.  Ang museo ay mayroon ring lamang dioramas na nagpapakita ng mga local na pagtitipon, litrato ng mga indibidwal na may malaking ambag sa sosyo-kultural na paglago ng rehiyon. At syempre, hindi mawawala ang mga memorabilia ni Padre Burgos at ng kanyang pamilya na nanirahan sa tahanan.
Tumblr media
          Ilang liko lamang mula sa kilalang museo ay dinala naman kami ng kutsero ng kalesa sa isa pa sa mga tanyag na museo sa loob ng Ilocos Sur, ang Museo ng Crisologo. Ang Museo ng Crisologo ay isa ring ancestral house ng kilalang dating kinatawan ng Ilocos Sur na si Floro Crisologo at ng kanyang pamilya. Ang mga Crisologo ay isa sa mga pinaka tanyag na political family sa probinsya ng kanilang panahon. Ngayon, ang bahay ay nagsisilbing daan upang bisitahin ang nakaraan gamit, memorabilia, kasangkapan, at ang bahay na minsang tinirahan ng mga Crisologo. Sa dinami-dami ng mga kagamitan sa museo, ang pumukaw ng aking pansin ay ang pulang sasakyang ito. Si Gobernador Carmeling Crisologo ay tinambangan sa pulang Chevrolet na ito noong Mayo 10, 1961 sa Bacsil, San Juan, Ilocos Sur. Sa kabutihang palad, siya ay nakaligtas mula sa nabanggit na insidente.
Tumblr media
          Sa totoo lamang, ito ay isang nakakapangilabot na memorabilia para sa akin. Hindi ko pa rin lubos isipin na kahit sila ay mga kilalang tao, nakasabit pa rin ang kani-kaniyang mga memorabilia na naiwan sa mga nagdaang taon tulad na lamang ng pantalong sinuot ng kinatawan noong siya ay barilin sa simbahan, sasakyang ginamit noong ang gobernadora ay tinambangan. Ngunit ito ay mga bagay na may makukulay na nakaraan at kwentong marahil hindi alam ng karamihan, ito pa rin ay isang karanasang nagbukas sa aking isipan sa ‘lakbay-nakaraang’ ito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
          Hindi lamang mga museyo at mga kalyeng puno ng istoryang pang-kasaysayan ang mayroon ang Ilocos, matatagpuan rin dito ang nagsasarapang mga pagkain tulad na lamang ang kanilang empanada at longganisa. Ang empanada ay isang sikat na street food na kalimitang makikita sa mga kalye ng Vigan, Ilocos Sur. Ito ay may dough na gawa sa dinurog na kanin at atsuete para sa kilala nitong kahel na kulay, luntian o hindi pa hinog na papaya, vigan longanissa, at isang itlog na inilagay sa gitna ng filling at isinalang sa kumukulong mantika upang maging malutong. Sa pag kagat mo ng empanada ay siguradong malalasahan ang malutong na dough, malasang Vigan longganisa, at sariwang-sariwang murang papaya na magdadagdag ng “freshness” sa naturang pagkain.
Tumblr media
          Sa kabilang banda naman, ang Vigan longganisa, tulad ng mga kilala nating longanissa ay mayroon palaman na baboy na mayroong kasamang pampalasa at maraming bawang na nagdadala ng kilala nitong lasa at amoy. Napakasarap nito mag-isa ngunit hindi dapat ito palagpasin ng hindi nalalagyan ng sukang Iloko. Unang kagat pa lamang ay malalasahan mo na ang bawang at siguradong susundan ito ng iba’t iba pang panlasa na ginamit sa baboy sa loob ng longanissa. Tunay ngang napakasarap ng empanada at longganisa sa kahabaan ng kalye at kung papaanong hindi lamang masarap na pagkain ang dala nito kung hindi pati na rin ang kwento ng mga cobblestone pathways sa klaye.
Tumblr media
          Nang tumagal-tagal ang aming paglalakad sa kahabaan ng Calle Crisologo, napunta naman kami sa isa pa sa mga tanyag na pagkain pinasikat ng Ilocos Sur, ang kilalang Pinakbet Pizza. Aming pinuntahan ang orihinal na gumagawa ng tinaguriang “vegetarian pizza”, ang Café Leona. Ang pizza ang may lamang kamatis, talong, sitaw, bulaklak at mismong bunga ng kalabasa, at higit sa lahat, ampalaya. Kung kaya’t bagamat hindi ako mahilig sa mga gulay, ako pa rin ay magiliw na naghintay sa pizza dahil interesado akong matikman ito at kung tunay nga bang nabago nito ang lasa ng gulay at ito ay napasarap. Tunay nga! Ng aking tikman ang isang slice ng pizza ay napatunayan ko na ito ay hindi lamang masarap kundi masustansya rin.
Tumblr media
          Tila hindi pa nakuntento ang aming mga kalamnan sa naturang pizza kung kaya’t naghanap pa kami ng kakainin sa kilalang Vigan at natagpuan naman naming ang miki noodles. Ang miki ay isang kilalang sabaw sa Ilocos na may lamang pancit na gawa sa itlog, chicken stock, at para sa kaniyang kilalang kahel na kulay ay mayroon rin itong dinurog na atsuete. Sinangkapan rin ito ng bagnet na nagpalasa at nagbigay ng lutong sa sabaw kung kaya’t mas masarap at mas malasa ito. Napakasarap ng sabaw na ito ay perfect na kasabay ng Vigan longganisa at empanada habang ikaw ay nakaupo sa cobblestone cafes ng kilalang kalye.
Tumblr media
          Bagaman marami dito ay sa kahabaan lamang ng Calle Crisologo matatagpuan, sigurado naman akong mabubusog ang iyong tiyan at mapupuno pa ito ng makukulay na kwento mula sa mga tindera ng mga kainan at karinderya. Halos lahat ng aming natikman mula sa paglalakbay na ito ay nirekomenda sa amin ng mga nakatira roon ang pinagmamalaking empanada at longganisa ang Ilocos Sur. Talaga nga namang hindi ka magsisisi at babalik-balikan mo ang mga ito. Naaalala ko pa na nagbilin ako sa aking ina na bumili siya ng sariwang longganisa para mayroon kaming iuuwi at iluluto sa bahay.
Tumblr media Tumblr media
          Sa aming paglalakbay sa loob ng tatlong araw, tila napakaraming kwentong, karanasan, at panlasa ang nagbalik sa akin sa aking kabataan sa Ilocos at nakapagbukas ng aking isipan hindi lamang sa nakaraang mga nangyari dala ng kilalang Calle Crisologo at Museo ng Burgos at Crisologo ngunit pati na rin ang aking pinagmulan. Bagamat lingid sa inyong kaalaman, ako ay isang Ilokano kung kaya’t habang nararamdaman ko na tila ba ako ay isang dayuhan sa aking sariling bayan ay hindi pa rin maalis ang aking pagmamalaki sa aking pinagmulan. Sapagkat sa bawat sulok, kalye, at hapagkainan ng Ilocos Sur ay mayroon kang bagong malalaman hindi lamang mula sa kasaysayan ng mga Ilokano kung hindi pati na rin ang kanilang mga kasanayan kung bakit isa ang Ilocos at Ilocano sa mga tanyag na rehiyon sa Pilipinas. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili ng aming paglalakbay patungo sa Vigan, Ilocos Sur kung kaya’t sa aking pagbabalik sa aming tahanan ay may bitbit akong mga bagong kwento, karanasan, panlasa, at mga natutunan na kumilala sa aking nakaraan at patuloy na huhubugin ako sa kasalukuyan at kinabukasan.
Mga Sanggunian:
https://www.lakwatserangligaw.com/2015/10/what-to-see-in-ilocos-sur.html
http://tourism-philippines.com/ilocos-sur/
http://laoag.china-consulate.org/eng/lqjs/gsgk_1/t315270.html
https://www.phbus.com/blog/tourist-spots-vigan-city-2021/
https://www.zenrooms.com/blog/post/calle-crisologo/
https://www.ivanhenares.com/2009/06/longganisa-vigan.html
http://tourism-philippines.com/ilocos-sur/
https://tinyurl.com/4666xajp
https://tinyurl.com/29cg97gj
https://tinyurl.com/w63c4psj
https://tinyurl.com/4vskqu79
https://tinyurl.com/156svrse
https://tinyurl.com/12gl66qd
https://tinyurl.com/5fzxk5jy
https://tinyurl.com/ik4qrewg
2 notes · View notes
mrsjaycaycapz · 6 years ago
Text
How I combat colorism and decolonizing myself.
Colorism- discrimination based off of skin tone
Decolonization- the undoing of colonization
When I think of my morena skin tone, I would think my skin is more towards the middle. It is not as dark as the skin tones of my Pilipinx friends growing up in school, but it is not paper white either. So although I KNOW for a fact I am not the darkest Pilipina in the world and have not felt the discrimination or was bullied for my skin tone (maybe because I grew up with most of my friends bring Pilipinx, multiracial/ethnic backgrounds). 
BUT I do want to talk about it because I think it is important. Because I did unintentionally feed into this colonized mentality that light/white skin was more beautiful (and I use the term beautiful because this is how I personally associate skin colors like how others may see skin tone as a form of categorizing someone by class). 
I bought and used whitening soap when I was younger. Not for my skin but for my armpits. Although I DO think that doesn’t necessarily mean much harm since it was not used or intended for my skin, I still was a consumer of papaya soap and put my money towards that product. 
In college when i would edit my photos I would unintentionally use filters that would make my skin whiter. I always chose filters that made me feel beautiful. It was only till I asked my sister to start editing my photos and told me she would choose filters that would darken or highlight my skin tone that I realized that I chose filters that would lighten it. I have made the conscious decision to either choose filters that does not whiten or lighten my skin or no filter at all. 
I think three QUOTES that I appreciate from two different celebrities that highlight moena skin is James Reid and Shay Mitchell. James Reid is a Pilipino actor and Shay Mitchell is a Candian Pilipina who is an actress. 
When asked to describe his perfect Filipina girl he said this: “One – dark skin. I love dark skin. I don’t care what they say.”-James Reid
The naturally morena Shay says: “I’m such a big promoter (now) of embracing what you’re born with. Especially for the Filipinos here, I know that it might be in to change color and everything, but I’m gonna say that you have to embrace it. I don’t want young girls trying to change skin color because why? Because who said its more beautiful?”- Shay Mitchell
and
“I was actually surprised to see a lot of advertisements for skin whitening here(Philippines) I hope a lot of girls would embrace their [natural] color [instead]”-Shay Mitchell
I love tags like #magandagmorenx and celebrating darker skin tones now in mass media. Although I am sure we still have a long way to go, I think we are in a better step to the right direction. Now I hope and actively want to see people of color especially darker skin tones being portrayed in media. I love seeing it and want to see more. 
0 notes
Photo
Tumblr media
Frappuccinos, frappé, batido, mag-ilas na manliligaw, milksake, malamig na froccino, Oras ng paghahanda: 10 minuto                                                                                                                                 INGREDIENTS: 2 ½ tasa ng unsweetened vanilla almond milk 2 tasang frozen organic strawberries (unsweetened) 1 tasa ng natural greek yogurt na walang taba ¾ kutsarita ng Stevia extract ½ kutsarita ng vanilla paste (Ginamit ko ito sa bahay!) 1 tasa ng ice cubes                                                                                                                                 INDICATIONS: Sa isang mataas na bilis ng blender, idagdag ang lahat ng mga sangkap. Gumalaw hanggang makinis. Palamigin para sa isang pangalawang pagkakataon o maghatid kaagad sa natural na whipped cream. (Frappuccinos, froccinos cold frappe, kaktel ng gatas na may sariwang gatas sa hayop o halaman flavors: almond gatas, gatas ng baka, gatas ng kambing, gatas ng tupa, kastanyas gatas, obena gatas, toyo gatas, bigas gatas) (Frappuccinos, froccinos malamig, smoothies, milkshakes, sariwang prutas at gulay sa mga sumusunod na flavors: presa, saging, niyog, mangga, papaya, banilya, mansanas, peras, cigliegia, dalanghita, lemon, kalamansi, sava banana, nacciole, almendras, mga pasas , puting kakaw, mapait na kakaw, tsokolate, gatas, krim, krema, pumada ,nutella,.toblerone chocolate , tofu , )                                                                                                                                       Frappuccinos, frappé, batido, smoothie, milksake, cold froccino, Preparation time: 10 minutes                                                                                                                       INGREDIENTS: 2½ cups of unsweetened vanilla almond milk 2 cups of frozen organic strawberries (unsweetened) 1 cup of natural greek yogurt without fat ¾ teaspoon of Stevia extract ½ teaspoon of vanilla paste (I used it at home!) 1 cup of ice cubes                                                                                                                       INDICATIONS: In a high speed blender, add all the ingredients. Stir until smooth. Refrigerate for a second time or serve immediately with natural whipped cream. (Frappuccinos, froccinos cold frappe, milkshake with fresh animal or vegetable milk in flavors: almond milk, cow milk, goat milk, sheep milk, hazelnut milk, oat milk, soy milk, rice milk) (Frappuccinos, froccinos cold, frappe, milkshake, fruits and vegetables fresh in taste: Strawberry, banana, coconuts, mango, papaya, vanilla, apple, pear, cherry, mandarin, lemon, kalamansi, banana sava, naciole, almonds, raisins , white cocoa, bitter cocoa, chocolate,nutella,toblerone chocolate , tofu , )                                                                                                                                                                                                                                                                             Frappuccinos , frappé, batido,frullato ,milksake,froccino cold, Tempo di preparazione: 10 minuti                                                                                                                     INGREDIENTI: 2½ tazze di latte di mandorla vaniglia non zuccherato 2 tazze di fragole bio congelate (non zuccherate) 1 tazza di yogurt greco naturale senza grassi ¾ cucchiaino di Estratto di Stevia ½ cucchiaino di pasta di vaniglia (ho usato in  casa !) 1 tazza di cubetti di ghiaccio                                                                                                                     INDICAZIONI: In un frullatore ad alta velocità, aggiungere tutti gli ingredienti. Mescola fino a che liscio. Mettere in frigorifero per un secondo momento o servire immediatamente con panna montata naturale. ( Frappuccinos,froccinos cold frappe,milkshake con latte fresco animale o vegetale nei gusti : latte di mandorla, latte mucca,latte capra,latte pecora,latte di nocciole,latte avena,latte di soia,latte di riso) (Frappuccinos,froccinos cold ,frappe,milkshake,frutta e verdura fresca nei gusti:Strawberry,banana,coconuts,mango,papaya,vaniglia,mela,pera,cigliegia,mandarino,limone,kalamansi,banana sava,noccoiole,mandorle,uva passa,cacao bianco,cacao amaro,chocolate nutella ,toblerone chocolate, tofu ,)
0 notes
farmdelosreyestedeschi · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
joriveradongon · 8 years ago
Photo
Tumblr media
#pilipinas #pasalubong of mostly fresh fruits from home: variety of #mango, #papaya, #avocado, local #banana. #yum #mangan #buhayofw #balikbayan #eathealthy #fresh #tropical
0 notes
tatadjohnwilliam-blog · 8 years ago
Text
magagandang tanawin sa nuevaecija
Tumblr media
–Minalungao National Park-
Pambansang Liwasan ng Minalungao ay isang protektadong lugar ng Pilipinas na matatagpuan sa munisipalidad ng General Tinio, Nueva Ecija sa Gitnang Luzon. Ang parke ay sumasakop ng isang lugar ng 2,018 ektarya nakasentro sa kahabaan ng nakamamanghang Peñaranda River bordered sa magkabilang panig sa pamamagitan ng hanggang sa 16 metrong mataas limestone pader sa paanan ng Sierra Madre hanay ng bundok. Ito ay itinatag noong 1967 sa pamamagitan ng kabutihan ng Republic Act No. 5100.
Ang parke ay itinuturing bilang isa sa ilang mga natitirang natural na kapaligiran sa rehiyong ito sa hilaga ng Manila. Ito ay na-promote sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan bilang isang ecotourism destination. Ito ay mayroong berdeng malinis na ilog at natatanging mga batong nabuo. Ang isang sistema ng hindi pa napupuntahan na ilalim ng lupa at kweba din ay kinilala bilang mga potensyal na atraksyon. Mga Pasilidad para sa picnic, paglangoy, pangingisda, raft riding at talampas diving may ganito rin pa na ilagay up upang makahatak ng mga bisita.
Tumblr media
–San Jose City  Cathedral-
Ang Diyosesis ng San Jose sa Pilipinas  ay isang teritoryo ng pari o obispo o diocese ng Latin Rite ng Roman Catholic Church sa Pilipinas.Ito ay itinatag noong 1984, na dati ay bahagi ng diyosesis ng Cabanatuan. Ito ay isang supragan ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan.
Dito ginanap ang unang obispo noong  Marso 2011 sa pangunguna ng Apostolic Nuncio sa Pilipinas. At ang ito ay ipinagdiriwang ang Silver anibersaryo nito ng canonical pagtayo noong Hulyo 14, 2009. Sa Abril 20, Pope Benedict XVI pinangalanan nito ikatlong obispo, Most Rev. Mylo Hubert C. Vergara, tulad ng mga obispo ng Pasig. Sa kasalukuyan, ang diocese ay kilala sa pamamagitan ng kanyang ika-apat na obispo Karamihan Rev.Roberto Calara Mallari DD, dating Katulong na Obispo ng arkdyosis ng San Fernando, Pampanga.
Ang diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija, ay nilikha sa Pebrero 16, 1984 sa pamamagitan ng Pope John Paul II at canonically itinayo noong Hulyo 14, 1984. teritoryo nito ay kinuha mula sa Diyosesis ng Cabanatuan kung saan sa parehong oras ng dibisyon na binubuo ng buong probinsya ng Nueva Ecija.
Labing-anim na parokya, sa labas ng apatnapu’t isa parokya ng Diocese ng Cabanatuan ay nasa sa diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija. 80 porsiyento ng mga tao ay mga Romano Katoliko at ang natitirang bahagi ng 20 porsiyento ay mga miyembro ng iba’t ibang mga sekta at denominasyon.
Tumblr media
-Dupinga River-
Ang Dupinga marahil ang pinaka tanyag sa bayan ng Gabaldon pagdating sa turismo. Ito kasi ang pinaka-madaling puntahan mula sa bawat sulok na manggaling sa Cabanatuan, Laur o Dingalan.
Ang Dupinga ay lugar ng mga Dumagat (lumad) dito sila ang nangunang nanahan at nagpapatuloy magpa-hanggang sa ngayon subalit sa kadahilanang dumadami ang pumupunta at nakaka diskubre sa lugar tumataas din ang demand na magdagdag ng mga kubo kaya naman pumasok ang mga nakatira sa kalapit na barangay na hindi katutubo at nag umpisang magtayo ng kanya-kanyang kubo. Ang ibang Dumagat naman ay nagbebenta ng kanilang lupa kaya sa ngayon ay hati ang lugar para sa mga katutubong Dumagat at sa mga hindi katutubo.
Tumblr media
-Gabaldon Falls-
Waterfall na ito ay isang maikling 3km hike mula sa bayan ng Gabaldon. Ang tubig ay mula sa bundok Sierra Madre sa itaas nito. Ang tubig ay malamig, malinaw at malinis, ito ay aktwal na naiinom. Ang Gabaldon ay kilala para sa kanyang malinis na pinagkukunan ng tubig. Sa katunayan, ang mga naninirahan ang nagwagi ng isang award ng pamahalaan para sa pagkakaroon ng malinis na pinagkukunan ng tubig sa Pilipinas! Marahil na sa likod ng Sierra Madre ay tiyak na hindi tinatablan ng sibilisasyon. Umaasa kami na ito ay mananatiling ganito.
Sa gitna ito na kaloob ng kalikasan, ang mga lalawigan ay pinagpala sa kamangha-manghang tanawin ng Gabadon Falls. Ipinangalan sa bayan ng Gabaldon kung saan ito ay natagpuan, ang sampung-paa talon ay napapaligiran ng malaking bato pagbuo at rippling tubig malamig na malamig. Ito ay matatagpuan sa loob ng 200 ektaryang Sabani Estate Agricultural College.
Ang mga nakatagong Gabaldon Falls ay mahaba ay isang napaboran destinasyon sa mga turista para sa kahanga-hangang tanawin nito. Ang mainam at malinaw spring water ay mula sa Sierra Madre at may tapat na paraan ng pagkilala bilang ang cleanest pinagmulan natural na tubig sa Pilipinas.
Tumblr media
-Pajanutic Falls-
Pajanutic Falls ay matatagpuan sa Carranglan, Nueva Ecija. Matatagpuan sa Mejedigan, Carranglan, ang lugar ay may lawak na 1.5 ektarya. Ito ay may waterfalls na may 15 metro ang taas na napapalibutan ng mga berdeng dahon. Ito ay isang magandang lugar para sa picnic at ekskursyon. Ito ay maaaring mapuntahan sa pamamagitan ng transportasyon at 15 kilometro ang layo mula sa Poblacion.
Tumblr media
-Buburayok Spring-
Sa Rizal, ang Buburayok Springs sa may paanan ng Mount Amorong ay isang mainit na bukal na pinaniniwalaang nakagagamot. Matatagpuan din dito ang General Luna Falls na may 100 piye ang taas na umaagos pababa sa mabatong pader ng bundok.
Tumblr media
-Dalton Pass-
Dalton Pass, tinatawag din na Balete Pass, ay isang zigzag road at mountain pass na nagdurugtong sa mga probinsya ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya, sa central Luzon isla ng Pilipinas.
Ang tuktok ng Dalton pass ay sa paligid ng 3,000 talampakan (910 m) sa elevation, : 517 na matatagpuan sa Caraballo Sur (mountain range) at ang Sierra Madre (mountain range). Ang puno ng ilog ng Digdig River nagmula sa timog lamang ng pass na ito. : 517 ang Balete Ridge ay nagsisimula sa dalawang milya sa kanluran-hilagang-kanluran ng pass, na may isang mataas na punto sa Mt. Imugan (5580 talampakan), at umaabot ng siyam na milya sa silangan-timog-silangan, kung saan ito ay nagtatapos sa Mt. Kabuto (4,600 talampakan).
Tumblr media
-Eco Park-
Sa lugar na ito maraming magagandang lugar na maaari mong makita ang.Ito ay ang perpektong lugar upang bisitahin dahil sa kanyang  malamig na tubig,  karamihan ay sinasabing  ang Eco Park sa Gabaldon ay mabilis na pagkakaroon ng mabuting pangalan bilang isa sa mga pinakamahusay na mga  turista sa Nueva Ecija. Ang pagkakaroon ng iba-iba na impluwensya mula sa iba’t ibang mga tribo at mga komunidad, tinatangkilik Nueva Ecija isang buhay ng kapaligiran, na kung saan ay tiyak maraming turista ang pupunta. Pero bukod sa maayos at magandang lalawigan na ito, ipinagmamalaki rin ng maraming mga nakatagong kayamanan pati na rin ang mga lokal na tourist spot na hindi mo dapat makaligtaan. Tayo’y umaasa lamang sa tamang maintenance nito ,sang ayon ang karamihan bilang ang lugar ay talagang maganda at ito ay perpekto para sa mga naghahanap para sa isang murang paraan upang magsaya kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Tumblr media
-Munoz-
Muñoz, opisyal ng Science City of Muñoz, ay isang lungsod sa lalawigan ng Nueva Ecija, Central Luzon, Pilipinas, nakatayo 147 kilometro (91 mi) sa hilaga ng kabisera Manila. Dahil sa mayaman topograpiya nito at tropikal na klima, ito ay tahanan sa agrikultura pananaliksik at teknolohiya center, nakatuon sa ang produksyon ng impormasyon at teknolohikal na breakthroughs upang itaguyod rural development, produktibo at seguridad sa pagkain ngayon.
Mula sa kanyang mababang-loob pinagmulan bilang “Sitio Papaya”, ito ay pinalitan bilang Muñoz noong 1886 sa karangalan ng Spanish Governor Don Francisco Muñoz. Ito ay sa 1913, sa ilalim ng Executive Order No. 72, kapag Muñoz ay ipinahayag bilang isang bago at independiyenteng munisipalidad.
Tumblr media
-Pantabangan Dam-
Pantabangan Dam ay isang lupa-fill dike dam sa Pampanga River na matatagpuan sa Pantabangan sa Nueva Ecija lalawigan ng Pilipinas. Ang multi-purpose dam nagbibigay ng tubig para sa patubig at hydroelectric power generation habang nito reservoir, Pantabangan Lake, affords pagkontrol sa baha. Reservoir ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaki sa Timog-silangang Asya at din ang isa sa mga cleanest sa Pilipinas. Konstruksiyon sa dam ay nagsimula noong 1971 at ito ay kumpleto sa 1977.
Tumblr media
-Gross Ostrich Farm-
Gross Ostrich Farm San Leonardo, Nueva Ecija – Matatagpuan sa Brgy. Tagumpay, San Leonardo, Gross Ostrich Farm lumalaki, breed at propagates import ostriches parehong para sa mga tao consumption at para sa turismo tulad ng pagbebenta ng mapalamuting itlog, katad wallets, makukulay na balahibo at iba pang pamamagitan ng mga produkto. Maabot Ostriches taas ng tungkol sa 7 – 8 mga paa, may bigat 110-130 kg, ay tumatakbo sa isang bilis ng 60 km / h, ay may isang habang-buhay ng 50 – 80 na taon at isang pag-aanak buhay ng 20 – 25 na taon.
Ang sakahan gumagawa fillet karne sa P600 / kl, steak sa P500 / kl at gumalaw magprito sa P400 / kl. On-site farm pagbisita upang makita ang “big bird” sa kanilang natural na tirahan ay inayos para sa mga mag-aaral at propesyonal magkamukha.
Tumblr media
-Mt. Olivette-
Isang daang-step baitang ang humahantong sa mga simbahan na binuo sa pamamagitan ng mga espirituwal na komunidad Adarnista sa bundok. Madalas puntahan ng mga Pilgrim na maligo sa at uminom ng tubig ng bukal sa kanyang paniniwalang ito sa panggamot.
1 note · View note
thefashiondork · 7 years ago
Text
Skin Genie + Esfolio +It‘s Skin Items from BeautyMNL REVIEW!
Tumblr media
Magandang araw mga ka-Dorks! Nandito ako ngayon para sa aking kauna-unahang REVIEW! At ang napili ko para sa aking kauna-unahang review ay isang Beauty Review. Sana ay makatulong ito sa inyo!
So ang ating ire-review ngayon ay mga produkto galing BeautyMNL. Ang BeautyMNL ay isa sa mga sikat na lokal na online beauty shop ngayon. Para sa kanila, ang kagandahan ng mga Pilipina magkaka-iba sapagkat ang Pilipinas daw ay isang tribo ng mga morena, mestiza at chinita.
Ang BeautyMNL ay nag-aalok ng LIBRENG SHIPPING kapag bibili ka ng katumbas sa P1,500 na mga produkto galing sa kanila.
Pang-walong beses ko na yata itong order mula sa BeautyMNL. Ngayon ang binili ko ay ang Hair Growth Booster ng Skin Genie, Blueberry Foam Cleanser ng Esfolio at ang Power 10 Formula: WH Effector ng It’s Skin.
Kapag dumating ang order niyo, ganito ang kanyang itsura. Nakalagay ang iyong mga pinamili sa isang ziplock na bag.
Tumblr media
Ang iyong mga pinamli ay nakabalot sa isang bubble wrap kaya malabong magasgasan o masira ang mga ito.
Tumblr media
1. Hair Growth Booster ng Skin Genie - 5ml (P120)
Tumblr media
Ayon sa produkto, nakaka-tulong daw ito sa pagpapakapal ng pilik mata at kilay. Nako-kontrola rin daw nito ang pagkalagas ng buhok.
SANGKAP: Filtered Virgin Coconut Oil, Argan Oil, Elimi, Panthenol, Vit E, Fulvic Acid, Chamomile.
Ang Skin Genie ay isang pinoy na brand. Hindi ito ang unang produkto na binili ko sa galing sa kanila dahil nakabili na rin ako ng Lip Tint sa halagang P80 lang!
Mula sa mga nabasa kong mga reaksyon sa produktong ito, sobrang epektibo raw nito. Kakapal daw talaga ang iyong pilik mata at kilay.
Inilalagay ko ito pagkatapos maghilamos at bago matulog. Pangatlong araw ko pa ngayon itong ginagamit kaya hindi ko nakikita yung resulta. Babalitaan ko na lang kayo pagkatapos ng 30 araw para sa resulta!
2. Blueberry Foam Cleanser ng It’s Skin (P299)
Tumblr media Tumblr media
A nutrient-packed foaming cleanser that boosts skin firmness. Gently cleanses and rejuvenates with blueberry fruit extract; smoothens, softens, and nourishes; removes excess sebum and dirt from pores; detoxifies with healing grapefruit extract; promotes skin health with euterpe oleracea fruit extract; whitens and brightens with papaya fruit extract; boosts elasticity with hydrolyzed collagen.
Ang Esfolio ay isang brand galing Korea na naitatag noong 2011.
Maraming foam cleanser na ang nasubukan ko. Halos iba’t ibang foam cleanser ang ginagamit ko kada 3 buwan. Sa lahat ng nasubukan ko, ilan lang ang naging epektibo.
Ang pinaka-unang foam cleanser na nagamit ko ay ang Every Month Foam Cleanser #8 ng Etude House na may sangkap din na blueberry. At naging resulta nito ay napaka-epektibo. Lumiwanag at bumalik sa natural na kulay ang aking balat.
Babalitaan ko na lang kayo sa resulta pagkalipas ng isang linggo. Sana pareho rin ang magiging resulta nito sa naunang foam cleanser na nagamit ko!
3. Power 10 Formula: WH Effector ng It’s Skin (P599)
Tumblr media
Lightens and brightens with arbutin and morus alba; inhibits melanin formation as it penetrates into the skin layers; evens out pigmented skin tone; moisturizes deeply for plumper, smoother, and softer skin with a radiant glow; dermatologist-tested and gentle on sensitive skin; free from alcohol and colorants.
SANGKAP: Water, Butylene Glycol, Glycerin, Polyglutamic Acid, PEG-60 Hydrogenated Castor Oil, Ascorbyl Tetraisopalmitate, Carbomer, Methylparaben, Triethanol amine, Acrylates/C10-30 alkyl acrylate crosspolymer, Camellia Sinensis Leaf Extract, Chlorphenesin, Fragrance, Disodium EDTA
Ang It’s Skin ay isa sa mga sikat na brand sa South Korea dahil sa magandang kalidad ng kanilang mga produkto.
Tumblr media
Ang WH Effector ay isa lamang sa 13 na effectors ng It’s Skin: Power 10 Formula. Ang pinakamabenta ay ang VC Effector. Ito sana ang bibilhin ko, pero dahil mabenta nga ito, naubusan na ng stock.
Ayon sa mga komento at naging reaksiyon ng mga tao, epektibo raw ito sa pagpapa-kupas ng mga dark spots at ng mga peklat mula sa tigyawat.
Nilalagay ko ito sa mukha ko pagka-tapos ng toner. Hindi ko pa masyado nakikita yung resulta kasi pangatlong beses ko pa ito nagagamit.
At diyan nagtatapos ang ating review! Gagawa ako ng part 2 nito kapag nansilabasan na ang mga resluta nito sa mukha ko. At baka ibabahagi ko sa inyo ang aking Skin Care Routine.
Kung nais niyong bumili, ang BeautyMNL ang saktong tindahan para sa inyo.
Hanggang sa muli, mga ka-Dorks!
0 notes
replica-web-blog · 8 years ago
Text
BIOTECHNOLOGY AND GENETIC ENGINEERING: A Discussion with Dr. Maribel Zaporteza
Genetically modified organisms or GMOs have emerged in different parts of the globe and are now used not only for scientific exhibition, but also to solve economic problems in various countries. There are groups from these areas as well who do not approve on its emergence in the market.
According to Dr. Maribel Zaporteza, the Deputy Program Director of the Philippine Genome Center, a genetic engineering is a process of placing a specific trait or gene to an organism using biotechnology. The organism then will have changes in its component and system, like immunity from diseases, higher nutritional value, and others.
“Ang genetic engineering ay nadiskubre noong dekada 70 sa pagbuo ng tinatawag na recombinant DNA molecule,” she said.
[Genetic engineering was discovered in 70s with the formation of the recombinant DNA molecule.]
A deoxyribonucleic acid or DNA is a double stranded bio-molecule which is found in the nucleus of cells. It is the hereditary material and it contains the genetic information of organisms. It has the components called the nitrogen bases: adenine (A), thymine (T), cytosine (C), and guanine (G). These forms the DNA sequence which shows the information of the specific organism like the color of the eyes, height, and hair color.
The process involves the cutting of DNA sequence through the restriction enzyme and putting them back together with the new trait using the ligase, a DNA-joining enzyme. Through this process, various combination in the DNA will be present.
“Ang genetic modification o DNA evolution ay sadyang nangyayaring natural. Kaya nagkakaroon ng iba’t ibang species ay dahil sa pagbabago ng sequence ng kanilang DNA na namamana nila sa kanilang mga magulang. Para sa akin, ang biotechnology ay ang pag-harness lamang ng kaalamang ito sa paggamit natin sa pangangailangan ngayon,” she added.
[Genetic modification or DNA evolution occurs naturally. The reason why there are different species is because of the changes in the sequence of their DNA which are inherited from their parents. For me, biotechnology is just making use of this knowledge for good use.]
GMOs are not created that easily and not every organism is supposed to undergo genetic engineering. There has to be a goal and a specific case to prove why it has to be done. There is a long process involving laboratory tests, as well as safety checks.
According to Dr. Zaporteza, the number of crops that farmers get from the traditional farming is not going to be enough for the growing population of the Philippines, thus, the use of GMOs are highly recommended.
In agriculture, various GMOs are now approved and served in markets such as Bt corn, Bt cotton, Bt eggplant, GM soybeans, and virus-resistant papaya. Biotechnology has not only influenced the agriculture sector but also the field of medicine. There are different antibiotics and vaccines produced to cure (if not, prevent) some diseases.
“Ang biotechnology ay kaalinsabay natin sa pagde-develop ng mas maganda, mas magaling, at mas madaling buhay. Kumbaga, ito ay isang instrument na pwede nating gamitin para mapaunlad ang Pilipinas,” she said.
[We are with biotechnology in developing a better and easier life. In other words, it is an instrument which we can use to help the Philippines grow.]
0 notes
cristan5 · 8 years ago
Text
red paper bag 03
Tumunog yung alarm clock. Bumangon agad ako. Sabi ko na nga ba. Bumalik na kasi ang lahat sa dati. Ang ayos ng kwarto. Ang pwesto ng sapatos sa ilalim ng kama. Ang maliit na lamesa at ang mga librong di ko pa natatapos basahin sa ibabaw nito. Nakakapanghinayang. Di ko rin alam kung bakit. Malaking parte naman ng utak ko ang nagsasabing panaginip lang ang lahat. Umupo ulit ako sa gilid ng kama. Nakatulala sa wala. Sabay buntong hininga moment. Wrong move. Di pa nga pala akong nagsisipilyo. Nang maka-recover na ako sa hilo, tuluyan na akong naligo, syempre nag-toothbrush, nagbihis at umalis ng bahay.
Habang naglalakad papunta sa sakayan, hindi pa rin ako mapakali. Pilit kong inaalala yung mga detalye. Kaso parang habang hinihila ko sila pabalik, lalo namang lumalayo. Ito siguro yung proverbial na buhangin sa iyong palad. O bigas sa iyong chopstick. Hindi ko alam. Basta ang ibig kong sabihin, kahit anong pilit ko, kusang nawawala.
Ilang jeep na ang dumaan, hindi man lang ako nag-abalang lumingon o tignan ang sign sa harap nito. Ewan. Siguro baka sa loob-loob ko, gusto kong bilangin ang mga nakalampas na sasakyan, bilang improvised na tupa, hanggang sa makatulog. Baka sakaling masundan ang panaginip kanina. Baka masingitan ng mga romantikong tagpo na mababasa mo lang sa mga pocketbooks o barubal na tabloid. Baka sa isang eksena, biglang uulan at pareho kaming mai-stranded sa waiting shed tapos magkukwentuhan kami ng tungkol sa kung anu-anong bagay hanggang sa tumila ang mga patak ng ulap. O baka sa gitna ng isang klase, magiging magka-partner kami sa isang experiment, report o project. Kahit ano. Kahit pa ako ang maging guinea pig o crash test dummy. Baka sa sobrang tamis at matinding pagnanais, maging permanente na ang pansamantalang atras ng oras. At baka sa pagkakataong yun, maka-tsamba ako.
Pagtingin ko sa relo, medyo alanganin na pala. Agad kong itinaas ang kanina pa nakayukong ulo mula sa pagkakatitig sa semento, pinara ang pinakaunang jeep na dumaan, naupo, nagbayad at tumingin sa labas ng bintana. Ayoko nang magisip. Baka hindi kayanin ng marupok kong utak at tuluyan itong bumigay. Inaliw ko na lang akng aking sarili sa pamamagitan ng pagaayos ng aking sling bag. Sabit sa kaliwanag balikat. Lipat sa kanang balikat. Pulupot sa leeg. Lahat ng posibleng paraan ng pagsabit nito sa aking katawan ay ginawa ko na. Madistract lang. Kaso mukhang nagdistract din yung ale sa tapat ko. Kapansin-pansin ang pag-aalala/nerbiyos sa kanyang mukha habang binibigyan ako ng mabibilis na lingon. Lalo na ang biglaan niyang paglipat ng kinauupuan mga ilang metro ang layo sa akin. Dahil dun, mas pinili ko nang manahimik. Baka pababain pa kasi ako. O mas malala, buhatin ng mga kapwa ko pasahero at itapon palabas ng jeep habang matulin ang andar nito sa pagaakalang may sapak ako sa utak o may masamang balak.
Hindi ko ma-gets kung bakit medyo matindi pa rin ang impact niya sa akin hanggang ngayon. Matagal na rin naman yun di ba? At isa pa, nabuhay nga ako ng ganito katagal nang wala siya, ngayon pa ba naman ako mag-iinarte at sasabihing siya ang mundo ko, na sa kanya umiikot ang mundo ko o na ang mundo ko at ang axis na iniikutan nito ay parehong siya. Malaking ka-draguhan naman yun.  At baka ma-misinterpret niya pa na ang ibig kong sabihin ay mukha siyang globo. Mahirap na. Wala na rin naman kaming komunikasyon. Kaya malabo na ang posibilidad na tawagan ko siya bigla, sa isang maulan na madaling araw, habang nasa impluwensiya ng alkohol at hindi mapigilan ang pagsilip sa nakaraan. Isa pa, sa dinami-dami ng taong nakakasalubong ko sa MRT, mall, palengke o pampublikong kubeta, ay bakit kahit minsan, kahit sandali lang, hindi siya isa sa mga yun. Mali pala yung huling halibawa dahil hiwalay ang CR ng babae at lalaki. Hindi ko alam kung kailangan ko ba itong isangguni sa law of probability o sumuko na lang at sabihing baka hindi lang talaga nakatadhana na muling magtagpo ang landas namin. Mas madali yung pangalawa. Hindi kailangan ng math.
Baka sadyang may mga bagay lang na mahirap kalimutan. Mga bagay na nagkaroon ng pambihirang kalabit sa puso o isip natin. Hindi madaling iwan habang umuusad sa kasalukuyan. Halos imposibleng ipagpag. Daig pa ang balakubak. Malaglag man sa ulo mo, kakapit naman sa balikat o dibdib. Sana nga lang ang mga alaalang ganito ay may katapat na dandruff shampoo o lighter fluid. Na kapag ayaw mo na, pwedeng isabon para mawala o kung gusto mo ng may thrill, ay sindihan hanggang maabo. Kaso wala eh. Ganun talaga yata. Gaya ng amoy ng paborito mong ulam na madalas lutuin ng ermats mo, tunog ng laruang eroplano na natanggap mo bilang pinakaunang regalo o kahihiyan na mula sa tawanang iyong natamo nang minsan kang nalasing at sumuka, may mga memoryang matindi pa sa madikit na pulang asukal ng bananacue. At bawal ito sa mga tulad kong kasing tibay lang ng mumurahing pustiso ang puso.
Napatid lang ang hakbang ng pagiisip ko nang biglang huminto ang jeep dala ng isang malabing na tinig ng pag-para. Nakayuko at marahang lumakad ang babae papunta sa estribo para bumaba. Hindi ko na masyadong binigyan ng pansin. Normal lang naman yun. Buti sana kung sa bintana siya dumaan o di kaya ay gumulong pababa. Kaso bago pa ata tuluyang maka-apak ang dalaga sa semento ay nagmamadaling pinaandar ng dragong driver ang sasakyan. Napakapit siya at tuluyang nabitiwan ang mga dalang gamit. Agad sinita ng ibang pasahero ang nangyari at huminto naman ang jeep. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Tumulong ba at damputin ang mga nahulog niyang dala o hintayin ang matinding ratsada ng bibig niya na puno ng mura, panlalait at ilang english sentences hanggang sa matunaw ang driver at sipsipin ng lupa? Nakaka-excite kasi. Parang eksena lang sa telenovela.
Nabigo ako. At medyo nadisappoint. Kasi umiling lang yung babae at tuluyang bumaba saka nagsimulang damputin ang nabitiwan niyang gamit. Napaka kalmado niya. Pambihira. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung dala ng selective at panakanakang konsensya o sadyang sabog lang, pero bumaba na din ako at tinulungan siya. Pangako. Walang halong malisya o balak na humirit ng ‘naniniwala ka ba sa love at first sight?’ pagkatapos.
Hindi ko na siya tinignan. Basta sinabi ko lang, ‘miss, tulungan na kita’. Ang term na ‘miss’ kasi ang pinaka-safe sa lahat kung hindi mo kilala ang kausap. Baka ma-offend kasi kapag ‘ate’, ‘manang’ o ‘ale’ ang gamitin ko. Kung sakaling married naman siya at may mga anak, tunog compliment ang dating.
Hindi siya sumagot. Hindi ko na rin inantay. Basta dumampot na lang ako ng ilang notebook at mga papel. Hindi ko alam kung papasok ba siya sa eskwela o ipapakilo ang mga yun sa junkshop. Ang dami eh. Sa kabila ng pagmamadali ko, parang may kung anong nakasulat sa isang folder gamit ang itim na marker ang tumawag sa atensyon ko. Pilit kong binalikan. Bahala na kung magalit siya at isiping pakialamero ako. Malinaw  pa sa sikat ng araw. Pangalan niya. Pangalan ng babaeng kausap ko kanina lang para ibalik ang pesteng notebook niya, ilang taon na dapat ang nakakalipas. Umiling ako. Nagkataon lang siguro. Tutal, ang dami namang tao sa Pilipinas ang may ganoong pangalan. Tumayo ako, pinagpagan ang ilang naalikabukang folder at humarap sa kanya. Kanina pa pala siya nakatingin sa akin at nakangiti.
‘Hi’ daw, kasunod ng pagbanggit ng pangalan ko. ‘Ha?’ lang ang naisagot ko. Inayos niya ang kanyang mahaba at derechong buhok. Muntik na akong mapamura at mapaatras sa kalapit na kanal. Siya nga. Siya nga yun. Imposibleng hindi. Kinumusta niya ako. Hindi ako nakasagot. Baka kasi ilusyon lang din ito dala ng pagiisip ko kanina. O baka nakatulog ulit ako kakabilang ng jeep sa kalye at natuloy ang panaginip. Napilitan lang akong kumilos nang kunin niya sa akin ang mga gamit niya.
Napatanong na din ako ng ‘musta?’. Pinaikli, para cool. Pero siguro natural na reaksyon lang yun ng bibig ko para masalisihan ko siya ng matatagal na titig habang pinagkukumpara ang itsura niya noon sa dating niya ngayon. Mas mahaba na ang buhok niya. Dating kulot, naging straight. Salamat Ricky Reyes siguro. Mas pumuti siya. Baka nanalo ng lifetime supply ng papaya soap o papel de liha. Pero ganun pa rin ang boses. Ganun pa rin ang ngiti. Ganun pa rin ang epekto niya sa akin.
Hindi ko na narinig yung sinagot niya. O kung ilang sandali na ba ang lumipas. Basta parang nagkukwento siya tungkol sa isang bagay na naalala niya noong magkaklase pa kami. Tumangu-tango lang ako sabay ngiti na tila nang-iinis. Maya-maya pa, sinapak niya ako sa braso. Bakit daw ngayon lang ako nagpakita sa kanya. Kung alam niya lang. Na nagkita kami kanina lang.
Pasakay daw siya ng isang tricycle. Nag-volunteer na akong dalhin ang mga gamit niya at ihatid siya sa sakayan. Kahit pa siguro kailangang bumili ng ticket para masamahan siya saglit ay pipila at bibili ako. Mga tatlong rolyo ang dami. O kaya yung tipong ride-all-you-can. Konting kwento sa kasalukuyang trabaho, ilang update sa iba pa naming kaklase at marami-maraming bato ng kantyaw ng pagtaba, pagputi at pagiging mayaman na, ang sumunod. Tinanong ko din siya kung bakit ngayon ko lang siya nakasabay samantalang iyon naman ang ruta ko araw-araw. Kakalipat niya lang daw ng bahay, ilang sakay mula sa tinitirahan ko. Pinigilan kong sumuntok sa hangin na simbolo ng tagumpay with matching ‘yes!’.
Nagpalitan kami ng cellphone number. Hindi pa sana sapat yun kaso nahiya na akong kunin ang address, SSS number at blood type niya para matuntun ko siya kung sakaling gumuho lahat ng cellsite mamayang hapon. Mahirap na. Sa panahon ngayon, wala nang imposible. Bago siya tuluyang pumasok sa bakanteng tricycle, may ikukwento daw siyang medyo weird. Akala ko sasabihin niyang napanaginipan niya ako kagabi na sasagutin ko naman ng buong katotohanan na ‘oo, ako rin’. Kaso hindi pala. Sabi niya, kaninang umaga, habang inihahanda ang mga papeles niya para sa isang report sa trabaho, nakita niya ang isang lumang notebook na akala niya matagal na niyang naiwala. Weird daw dahil pagkatapos nun, nagkita naman kami. Nagkibit balikat lang ako dahil posibleng mangyari naman talaga yun kahit kanino. Sabi ko, baka na-misplaced niya lang at aksidenteng natagpuan. Sabi naman niya, naiwan na daw niya yun sa school noon pang magkaklase kami. Biglang lumabas sa bibig ko ang tanong na ‘yung maraming sulat ng stabilo boss?’. Biglang kumunot ang noo niya, nag-isip at tila ilang linggo nang constipated. ‘Paano mo nalaman?’, pabalik niyang tanong sa akin.
Alam kong mahabang paliwanagan ang susunod kapag sinabi ko ang totoo. At baka matakot lang siya kung ikukwento ko at isiping naging paksa siya ng isang wet dream ko. Kaya nagdahilan na lang ako na nakita ko na ang notebook na yun dati pa. Tumango siya na tila tinanggap ang punyemas na paliwanag ko saka nagpaalam. Sabi ko, text text na lang. Ngumiti siya. Ewan ko kung ‘oo ba, gusto ko yun’ ba ang ibig sabihin nun o ‘mukha mo, ungas, hindi ako magrereply’.
Malas. Kulang ang sandaling usapan para mag sink-in sa akin ang sunod-sunod na hindi maipaliwanag na pangyayari.
Malas. Late na ako.
0 notes
18megapixel-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Sometimes,good things happen in goodbyes just like the sunset is more colorful than sunrise. 📷🐾📸🌅🌎 for more travel and photography contents please visit: http://18megapixel.com #18megapixel #mikeesphoto #mikelthephotographer #roadtripsofmikee #adventuresofmikee #travelblogger #mikeestraveldiaries #travelph #exploreph #itsmorefuninthephilippines #philippines🇵🇭 #canon #canonphotos #canoneos60d #canonph #naturephotography #nature #camping #camp #beachcamp #pilipinas #instablog #instaphoto #photooftheday #photoblogger #earth #sunset #sun #colors #chasingthesun #dusk (at Layag-Layag Beach Camp Papaya Cove)
0 notes