#Lakbay Sanaysay
Explore tagged Tumblr posts
g--brielle28 · 2 years ago
Text
ANG AKING SARILING LAKBAY NA SANAYSAY
ANVAYA COVE
MORONG BATAAN
Tumblr media Tumblr media
Napakasarap maglakbay kung saan-saan. Ang paglalakbay ay isa sa pinakamasayang gaqib lalo na kapag kasama natin ang ating mga pamilya at mga kaibigan. Naghahanap ka ng lugar kung saan ika’y makakapag pahinga at malayo sa stress o mga problema?Sa tingin ko ay ang lugar na ito ay isa sa mga lugar na aking tatawagin na paraiso. Hindi man gaanong kalayuan ang lugar na aming pinuntahan ay nagdulot pa rin ito ng kasiyahan at mga mensahe ng pangyayari sa bawat isa. Mula sa Rizal Dinalupihan Bataan, umalis kami sa aming tahanan ng 5am upang hindi mahuli sa aming biyahe. Sumakay kami sa aming sariling kotse papunta olongapo papuntang Morong humigit kumulang isang oras ang aming biyahe at sa wakas nakarating kami sa Anvaya cove napakainit dahil tanghaling tapat ngunit ang tanawin ay sobrang nakakabighani.Tanaw ang mga tabi-tabing mga bundok at bumungad samin ang malinis na beach. Gusto ko na kaagad lumangoy  dahil sa sobrang linaw ng tubig na talagang nakakasabik subalit kailagan pa namin mag check-in sa kanilang hotel. Masasabi kong napakaswerte namin at konti ang tao ng araw na yun dahil siguro weekdays.Mas na nagsaya ako dahil ramdam ko ang kalikasan at ang katahimikan malayo sa mga problema.
 Sa tatlong araw na pananatili namin sa Anvaya Cove ay tila nakakanitin na para lang ayaw ko ng bumalik sa Dinalupihan.Sa unang araw namin doon ay mayroong nag-tour sa amin sa residensyal na pinapaaunlad ng Anvaya upang tingin ng lupa para pag-investan kung sakali.Pag balik namin ay umupo kami sa beach upang enjoyin ang simoy ng hangin.Nag lakad-lakad kami at napansin namin ang napakaraming restawran sa loob katulad ng Extremely Expresso, Texas joe at iba pa, kaya pala bawal ang magpaso ng pagkain dito. Lumipas ang araw namin ng masaya at lumangoy maghapon at umuwi ng pagod at masaya.
1 note · View note
krstnns · 9 months ago
Text
Paglalakbay sa Sinagtala: Isang Pagsilip sa Kandungan ng Diwa
Tumblr media
Sa sinag ng araw, at sa pag-awit ng hangin, sumalubong sa amin ang kapayapaan at kasiyahan sa aming paglalakbay sa Sinagtala sa Orani, Bataan. Kasama ang aming mga pinakamamahal na kaibigan, nagtungo kami sa lugar na ito hindi lamang upang makalimutan ang aming mga alalahanin, kundi upang pagnilayan ang ganda ng kalikasan at pagtibayin ang aming samahan bilang selebrasyon ng kaarawan ng aming kaibigan.
Tumblr media Tumblr media
Ang aming paglalakbay sa Sinagtala ay isang pagtuklas ng mga bagong karanasan at pagkakaibigan. Sa oras ng paglalakbay patungo sa resort, ang aming mga kwento at tawanan ay nagbigay-buhay sa aming biyahe. Sa pagdating namin, ang kagandahan ng kalikasan ay agad kaming hinangaan. Ang mga bundok at kagubatan na nagbibigay buhay sa paligid ay tila nagsalita ng kapayapaan at katahimikan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Sinagtala ay isang paraiso ng mga aktibidad at kasiyahan. Ang aming grupo ay hindi nag-atubiling sumubok ng iba't ibang mga atraksyon tulad ng zipline, giant swings at hiking trails. Sa bawat hakbang, ang aming mga puso'y nababalot ng kasiyahan at pagkamangha sa ganda ng kalikasan. Ang pagiging magkaibigan ay lumalim habang nagtutulungan at nagbibigayan ng lakas sa bawat hamon na aming hinaharap.
Tumblr media
Sa paglubog ng araw, sa ilalim ng mga bituin at sa liwanag ng buwan, kami'y nagtipon sa likod ng napakagandang tanawin. Ang aming mga puso'y nag-alab sa tawanan, kwento, pagkakaibigan at saya ng selebrasyon. Sa bawat kuwento ng kabataan at mga pangarap, ang aming samahan ay lalong nagpatibay.
Tumblr media Tumblr media
Hindi lamang kami namangha sa ganda ng kalikasan kundi naging napakaliwanag din ng aming mga gabi sa mga magagandang tutulugan na handog ng lugar. Ang mga kubol at mga kubo na nakatayo sa ilalim ng mga bituin ay nagbigay sa amin ng kakaibang karanasan ng pagtulog sa ilalim ng langit, habang ang aming mga kwarto ay puno ng kaginhawahan at kagandahan, isang pahingahang hatid ng ganda ng kalikasan. Sa bawat gabi, kami'y nababalot ng kapayapaan at kasiyahan, naglalaro ang aming mga panaginip sa ilalim ng malamlam na ilaw ng mga bituin.
Tumblr media Tumblr media
At ang nakamamanghang kagandahan ng tanawin sa paglubog ng araw, pati na rin sa paglipas nito sa umaga. Samahan pa ng nag-iinit na kape kasabay ng naglalamigang mga hangin. Ang mga tanawin sa Sinagtala ay isang pangarap na masaksihan, lalo na sa mga oras ng pag-aalab ng silahis ng araw. Sa bawat pagbubukang-liwayway, ang bukirin at mga bundok ay lumalabas sa kanilang kahanga-hangang anyo, nililinaw ng sinag ng umaga ang lahat ng kulay at ganda ng kalikasan sa paligid. Ito ay isang magandang paalala sa amin ng bagong simula, at nagbibigay ng bagong lakas at pag-asa para sa mga bagong karanasan na nag-aabang sa aming paglalakbay.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Isa sa mga kapana-panabik na pasilidad na aming nadiskubre ay ang kanilang mga pribadong pool na nag-aalok ng kasiyahan at kaginhawaan. Ang mga pribadong pool na ito ay hindi lamang nagbibigay sa amin ng pagkakataon upang magpahinga at mag-relax nang hindi na kailangang lumayo, kundi nagbibigay din ng pananatiling seguridad para sa aming mga kasiyahan. Sa bawat hagod ng tubig, kami'y nag-aabang sa pagdating ng gabi upang muling maranasan ang kahanga-hangang tanawin ng mga bituin habang nasa gitna ng kasiyahan at kapayapaan.
Tumblr media
Ang di-malilimutang karanasan ay ang kanilang masarap at nakakabusog na umagahan na handog ng Sinagtala Cafe. Ang kanilang almusal ay hindi lamang nagbibigay sa amin ng pagkakataon na simulan ang araw nang may lakas at enerhiya, kundi nagbibigay din ng pagkakataon na masiyahan sa masarap na lutong-Pilipino na hatid ng lugar. Ang pagpapasarap sa aming umaga sa pamamagitan ng pagkain ng masarap na almusal ay nagbibigay sa amin ng lakas at sigla para sa aming mga aktibidad sa buong araw, habang nagbibigay rin ito ng panibagong karanasan sa aming paglalakbay sa Sinagtala.
Tumblr media
Sa bawat yugto ng aming paglalakbay sa Sinagtala, ang bawat sandali ay puno ng kasiyahan, pagmamahal sa kalikasan, at bagong karanasan na nagpapayaman sa aming pagkakaibigan. Sa paglubog ng araw at pagtunog ng mga ibon sa umaga, ang Sinagtala ay isang lugar ng kagandahan at kapayapaan na hindi malilimutan.
Sa huli, ang aming paglalakbay sa Sinagtala ay hindi lamang isang biyahe, kundi isang paglalakbay ng puso at isipan. Sa pagtuklas ng mga lihim ng kalikasan at pagpapalakas ng samahan, ang Sinagtala ay naging isang bahagi ng aming mga alaala at pangarap.
Kaya sa susunod na pagkakataon na kami'y maglalakbay, ang aming mga puso ay palaging maglalakbay pabalik sa Sinagtala, sa pangako ng liwanag, kasiyahan, at kagandahan na naghihintay para sa amin doon. Dahil sa Sinagtala, ang bawat paglalakbay ay nagiging isang alamat, isang kuwento ng pag-asa at kasiyahan na hindi matutumbasan ng kahit anong ganda.
Kaya't sa susunod na pagkakataon, samahan n'yo kaming muling tangkilikin ang ganda at kagandahan ng Sinagtala sa Orani, Bataan. Doon, sa piling ng kalikasan, ay masusumpungan ang tunay na kapayapaan at kaligayahan.
1 note · View note
09452443275 · 2 years ago
Text
Tumblr media
BATYAWAN
LORENZO CAJURAO
Ito ang aking lakbay sanaysay ating balikan ang aking pag lalakbay samahan niyokong alamin at sariwain ang mga alaalang hindi malilimutan, karanasan at kaalaman na aking natutunan sa akin pinaroonan.
isang malalim na gabi ang hindi ko malilimutan nag pasya ang aking mga kaibigan na pumunta sa bundoc ng sapang balas upang doon ay mag lakad tumakbo at kumain ng agahan. kami ay nag kita kita bago pa man pumutok ang araw kami ay tumakbo at tumingin ng magandang tanawin at kumuha ng mga larawan sa sapang balas. kumain ng agahan kasama ng aking mga kaibigan nag saya at sinulit ang aming "bonding"
biglang nag aya ang aking kaibigan na si ailyn na kami ay pumunta sa lugar kung saan maganda ang kapaligiran at may roong magandang falls na maari naming pag liguan. Ang aking isang kaibigan ay mag sabi na magandang pumunta sa batchawan zambes. unang beses kong narinig ang lugar na iyon at ayon sa kanilang kwento ay maganda ang lugar at masarap puntahan dahil sa trill at tarik ng lugar. akoy nagalak at pumayag agad na puntahan ang lugar. kami ay nag lakad papunt roon dumaan kami sa pita dahit doon ay may short cut na daan sabi ay pedeng lakarin at hindi na kailangang gumamit ng sasakyan. nang nag simula kaming mag lakad ay pinag uusapan na namin kung kailan uli kami babalik roon kahit hindi pa kami nakakadating sa aming destinasyon. lumipas ang isang oras ng aming pag lakakad nag simula kami g magutom at mauhaw ngunit tuloy pa din ang aming pag lalakad dahil ang aming kalkulasyon  ay 1 hangang 2 oras ang lakaran patungo doon.  3 oras na ang nakalipas ay hindi pa din nmin natatagpuan ang lugar. nag iba na din ang daan na aming mga dinadaanan tila b naging lupa at mabato ang lugar madamo at mapuno. walang bahay sa paligid at wala ding bakas ng agos ng tubig o batis kayat alam nmin na malayo pa ang falls.
Mayroon kaming nakasalubong katutubo sa daan kami ay nag tanong sakanya kung saan ba ang batyawan siya ay napa ngiti at sinabi sa amin na ala pa sa kalahati ang aming nalalakad patungo doon. na dadaan pa kmi bangin at isang bundok para makarating doon. alam nmin na hirap siya mag tagalog ngunit sa kanyang kabaitan ay sinubukan niyang makipag usap sa amin. napansin ko din ang kanyang dalang buslo at kawayan iba din ang kanyang damit na gawa sa tela na may ibat ibang linya at kulay. dahil sa gutom at uhaw kami ay nag tanong na rin ng mga pedeng kuhanan o bilhan ng pag kain o lahit maiinom man lang. ngunit wala daw tindahan doon  pero may malapit na patubigan na pedeng kuhanan ng tubig. sinamahan niya kami doon at nakakita ng isang manipis na tubo na naka baoon sa lupa at may umaagos na tubig sa dulo nito .
Kami ay nakapag hilamos at naka inom ng tubog dito ngunit alam nmin na malayo pa ang aming lalakbayin kayat inibig naming kumuha o mag baon ng tubig. hindi nmin alam kung malinis o madumi ang tubig ngunit dahil sa uhaw ay hindi na kami nag tanong at uminom na kami. muka naman itong malinis dahilukang ito ay nang gagaling sa ilalim ng lupa o free flow.... kumuha ng itak ang katutubo at nag taga ng kawayan ang dulo nito ay tinangal ngunit iniwan ang kabilang dulo nito.. ito ang inabot saamin para gawing buslo ng tubig para aming mabaon ang tubig... tinuruan din kami nitong kumuha ng mga bunga ng prutas at itinuro ang mga prutas na bawal kainin... binigyan niya kami ng kanya kanya mga pat pat na nag silbjng pambugaw sa mga hayop at tungkod sa aming pag lalakbay... doon ko napag tanto ang importansya at pag papahalaga sa tubig at pag kain.. dahil doon bawat patak ay mahalaga bawat prutas na aming makuha ay malaking tulong upang mapawi ang aming gutom. doon ko din natutunan ang pagiging maparaan at madiskarte ay magalaga.doon ko napag tanto ang buhay ng maging katutubo na lahata ay dapat pag hirapan at lahat ay dapat pahalagahan. matapos ang 6 na oras na pag lalakad ay narating nmin ang batyawan  maganda at kakaiba ang lugar sa aming pag baba nakita namin ang kabighabighaning falls at ilog na napaka linaw ng tubig maliit na kweba at napaka tahimik na kapaligiran ang lugar ay nababalot ng hiwaga at katahimikan... walang kalat o anumang bakas ng tao sa lugar... akoy na mangha sa aking nakita at nalaman kung gaano ka hiwaga ang kalikasan akl ay namangha sa ganda nito at nagulat na may roon pa palang mga ganoong lugar sa panahon ngyon na hindi pa pinupuntahan ng tao... akoy humihiling na manatili ang ganda at malayo sa tao ang batyawan falls upang mareserba amg taglay na ganda nito... kamiy naligo at nag saya ngunit iningatan din nmin ang aming mga kalat sa lugar nilinks nin lahat ng aming kalat bago umalis. ito ang lugar na marahil hindi ko malilimutan halong hiking saya at kaalaman ang aking napulot sa lag punta sa lugar. hindi ko ito malilimutan sa taglay nitong ganda at sa mga aral na aking natutunan sa aking pag lalakbay patungo sa lugar. alam ko na hindi kona mababalikan ang lugar dahil sa layo nito ngunit akoy masaya at naranasan kong mag lakbay dito... matapos noon ay sumakaay na kami sa sasakyan pauwi dahil hindi na namin kakayanin ang pabalik. pumunta kami sa isang barangay doon kung saan may roong tricycle na masasakyan at 3 oras ang aming byahe pababa...
Ito ay isang pang yayari sa aking buhay na mag mamarka at mg sisilbing tanda ng pag papahaga sa katutubo at sa mga kahalagahan ng mga bagay sa paligid. napag tanto ko na madami pa tayong pedeng mapuntahan sa ating bansa ating tankilikin muna at alamin ang mga natatagong hiwaga ng ating bansa at kapaligiran bago natin tangkilikin ang pag punta sa ibang bansa. hangang dito nlng ang aking pg lalakbay sanay ating tandaan pangalagaan at pahalagahan ang mga bagay na madami tayo ngunit kulang o kaunti sa iba.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
feonaraine · 2 years ago
Text
Vigan: Ang Tahanan Ng Arkitekturang Espanyol
Karamihan sa mga impluwensya ng mga espanyol ay unti unting nang naglalaho sa pagdaan ng panahon. Sa kabila ng kultura at lengguwahe na nanatili sa bansa, marami pa rin ang tila’y kinalimutan na. Isa na rito ang arkitekturang naging prominente sa mga panahong tayo’y sakop pa ng Espanya. Arkitekturang nagpasikat sa bansang Pilipinas, sapagkat ito’y natatangi sa Asya. Kaya naman hindi nakakagulat na napasama sa ‘7 Wonders of the World’ ang Vigan, na aming binisita noong Hunyo 12, 2022.
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://www.worktravelshoot.com/2015/09/vigan-heritage-village-quick-look.html
Bilang kabataan na mahilig sa kasaysayan, hindi lamang ng ibang mga bansa, ngunit lalo na ng sariling bansa, isa ang Vigan sa mga lugar na aking nais mapuntahan. Kaya naman laking tuwa ko nang ito ay matupad. Ito ang lahat ng mga pook na aming binisita sa Vigan, Ilocos Sur na aking mairerekomenda sa iba pang nagnanais bumisiti dito.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: http://www.thechroniclesofmariane.com/2016/07/Vigan-Ilocos-Sur-Travel-Guide.html
Sa pagsisimula ng aming paglalakbay, ang unang lokasyon na aming pinuntahan ay ang Vigan Cathedral o mas kilala bilang Metropolitan Cathedral of the Conversion of St. Paul the Apostle is a Roman Catholic Cathedral upang makapagsimba habang kami’y bumibisita sa Vigan. Nakagawian na ng aking pamilya na dumalo ng misa sa mga lokal na simbahan. sa ganitong paraan, nagkakaroon kami ng ideya sa kanilang mga nakasanayang ritwal ng misa.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://www.dreamstime.com/landscape-plaza-burgos-vigan-city-ilocos-sur-landscape-plaza-burgos-vigan-city-ilocos-sur-philippines-image238085302
Matapos ang misa, kami'y dumiretso sa Plaza Burgos upang makapag-almusal muna, kasama na rito ang kaunting pamamasyal at pagpapahinga dahil kami'y napagod sa mahabang byahe patungo rito. Ang pangalan nito ay nagmula kay Jose Burgos, isang pari na pinaratangan at pinatay noong panahon ng mg Espanyol. Kaya naman ang plaza na ito ay nagsisilbing pagpapasalamat at pagbibigay galang sa kanya.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: http://philippinesplace.blogspot.com/2010/08/crisologo-museum.html
Matapos ang maikling pagpapahinga sa Plaza Burgos, kami'y nagtungo sa Crisologo Museum; ang tahanan ng mga memorabilia ng kasaysayan. Isa ito sa aking mga paboritong pinuntahan sa Vigan, sapagkat dito ko nakita ang iba't ibang kagamitan na siyang naging parte ng ating kasaysayan.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/best-vigan-restaurants
Kami'y nagtanghalian sa Casa Vicente Restaurant. Dito makikita ang mga putaheng orihinal sa Ilocos Sur lalo na ang kanilang empanada na siyang dinadayo. Ngunit may kamahalan ang mga bilihin kaya para sa mga turistang nagbabadyet, mukhang hindi ito ang para sa inyo.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: https://porkintheroad.blogspot.com/2016/12/the-enduring-heritage-of-burnay-pottery.html
Matapos ang napakasarap na tanghalian, sinubukan namin ang ilang aktibidad sa Vigan, tulad ng pottery sa Pagburnayan Jar Factory. Dito nasubukan ang aming kakayahang pansining. May iilan sa aking mga kasamahan ay nahirapan na ginawang katatawanan ng grupo. Dahil rito, masasabi kong ito ang pinakamasayang gawain na aming ginawa sa Vigan.
***
Tumblr media
Sanggunian ng larawan: http://www.wolffchronicles.com/2014-2/july-2014/july-11-2014/
Ang huli naming pinuntahan ay ang pinakahihintay ng lahat na Calle Crisologo. Ito ay sikat sa preserbadong arkitekturang Espanyol na siyang dinadayo ng parehong mga Filipino at mga Banyaga. Lubusan akong namangha sa ganda ng mga detaly ng bawat estraktura. Nakakagalak isipin na sa kabila ng mahabang panahon, ang mga establishimento ay nananatili pa rin.
***
Dito nagtatapos ang aking lakbay sanaysay. Ako'y umaasa na kayo ay bumisita sa Vigan, Ilocos Sur upang masaksihan ang ganda ng tahanan ng arkitekturang Espanyol.
6 notes · View notes
gianni-quiambao · 2 years ago
Text
Lakbay Sanaysay – Ang Dalampasigan sa Morong
Noong ika-22 ng Mayo, taon 2021 ay pumunta kami sa Morong Bataan. Kasama ko ang aking pamilya noong nagpunta kami sa isa sa mga dalampasigan ng Morong. Maaga akong gumising upang mag-ayos ng aking mga kagamitan na dadalhin sa aking paglalakbay. Matapos iyon ay kaagad na kaming lumisan sa aming tahanan upang magpunta sa aming patutunguhan.  
Tumblr media
Halos kumulang dalawang oras bago kami makarating sa aming destinasyon. Nang kami ay makarating na, kaagad kaming tumuloy sa aming silid upang ibaba ang aming mga gamit. Tanghali na nang kami ay makarating kaya nagpasya ang aking mga magulang na magtanghalian muna bago kami dumiretso sa dalampasigan. Sa sobra kong pananabik, hindi ko napigilan ang aking sarili at bumaba ako para tingnan ang dalampasigan. Sa aking paglabas ay bumungad saken ang nakakasilaw at nakakasunog ng balat na sinag ng araw. Kasabay nito ang pagsalubong saakin ng napakalakas ngunit napakalambing na yakap ng simoy ng hangin. Maririnig mo rin ang tunog ng mga naghahampasang alon at ang mga ingay ng mga taong masayang nag-e-enjoy sa kanilang pamamalagi sa dalampasigan ng Morong. Ako ay lalong nanabik sa aking Nakita ngunit matapos nito ay kaagad na akong umakyat pabalik upang magtanghalian.
Tumblr media
Matapos magtanghalian ay sinabihan kami ng aking ama na magpahinga muna o magpababa ng kinain bago lumangoy at maglaro sa dalampasigan. Labag man sa aking kalooban ay sumunod parin ako dahil ito ang makakabuti saakin. Habang naglilibot sa loob ng hotel, natanaw ko ang mga istante ng libro kung saan nakita ko ang libro tungkol sa kasaysayan ng Morong. Kung titingnan naman natin ang kasaysayan ng Morong, Bataan, ayon sa aking nabasa, ang salitang Morong ay nagmula sa salitang Espanyol na moron. Ang ibig sabihin ng moron ay "isang hangal na tao" o "isang hangal na lugar." Mabuti nalang at sumang-ayon ang Kongreso na palitan ang pangalan ng Moron, Bataan. Si Pangulong Ramon Magsaysay mismo ang naglabas ng Executive Order Blg. 4, na pinalitan ang pangalan ng Moron, Bataan at gawing itong Morong, Bataan. Marami akong natutunan sa libro na iyon ngunit dali dali na akong bumalik sa aming silid dahil baka hinahanap na ako ng aking mga magulang.
Tumblr media
Matapos ang pahinga ay bumaba na kami upang enjoyin ang kagandahan ng dalampasigan. Kami ng aking mga kapatid ay naglaro ng buhangin sa tabing dagat. Matapos noon ay naglaro kami sa mga alon. Sumakay rin kami sa bangka kasama ang aking pamilya. Isa sa aking masasabi ay nakakahilo ang mga alon ng dagat kapag ikaw ay nakasakay sa bangka. Ngunit hindi ako nagpatinag sa nakakahilong alon, patuloy parin akong nageenjoy sa aking mga nakikita. Marami akong nakitang mga iba’t - ibang uri at kulay ng isda. May mga nakita rin akong pawikan, kung saan sikat at kilala ang Morong Bataan. Marami rin akong nakitang dikya na palutang lutang lamang sa dagat. Dumaan kami sa isang kweba kung saan ikaw ay pwedeng mag dive at lumangoy sa loob nito. Ngunit dahil sa malalakas na alon ay nagpasya kaming huwag nang bumaba.
Tumblr media Tumblr media
Matapos iyon ay bumalik na kami sa dalampasigan upang masaksihan ang paglubog ng araw. Sa paglubog ng araw, makikita mo ang repleksiyon nito sa dagat na nakapagdaragdag ng kagandahan nito. Ako ay nabighani at namesmerized sa tanawing ito. Pinanood ko ang paglubog ng araw habang dahan-dahan itong nagpaalam saakin. Kumagat na ang dilim at kami ay bumalik na sa aming silid. Sa aking sobrang pagod, agad akong nakatulog ng mahimbing. Hindi man dito nagtatapos ang aking magagandang karanasan, ngunit masaya parin ako dahil marami akong natutunan at naranasan na kalianman ay hindi ko malilimutan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang tabing dagat sa Morong, Bataan ay isa lamang sa mga lugar na aking napuntahan na sobrang memorable para saakin. Dito ako unang nakaranas na sumakay ng bangka at marami pang ibang karanasan. Sa aking paglalakbay sa lugar na ito, masasabi kong masaya at nakakapagod ang aking karanasan dito at nais kong bumalik at maulit muli ang karanasan na ito.
Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
princessbalawag · 6 days ago
Text
I am sharing 'Don marcelino D-WPS Office.docx' with you from WPS Office
WPS Office: Complete office suite with PDF editor
Lakbay Sanaysay
Here's the link to the file:
Open in APP:
0 notes
mykelantoni · 7 months ago
Text
Lakbay sanaysay
Mykel Antoni M. Sambillo G11 - C1 - STEM
Una ay siguradong muling mag-kikita
Pumunta kami sa BGC taguig, kung saan nandoon ang aking tito na galing America, bagaman isang beses lang kaming nag-kita nung araw na yon, ay sigurado kaming mag papamilya na makikita pa namen sya, hindi lang noon.
Sa aming paglalakbay sa lungsod, isa sa mga pinakamahalagang bahagi ang pagtikim ng masasarap at kakaibang pagkain na handog ng siyudad. Hindi lang ito simpleng kainan; ito ay isang paglalakbay ng kalamnan at panlasa. Mula sa mga klasikong kainan hanggang sa mga modernong restawran, ang lungsod ay sagana sa masasarap na pagkain na nagmumula sa iba't ibang kultura at tradisyon. Ang bawat kagat ay parang isang pahina ng istorya, nagpapakilala sa amin sa iba't ibang panig ng mundo. Talagang nakakatuwa at nakakatakam ang mga pagkaing matatagpuan dito, na patunay ng yaman at kagandahan ng kultura ng aming lungsod.
Tumblr media
Ang lugar ay napakaganda, isang nakakapanibagong pakiramdam. Itsura pa lamang ay alam mo ng gugustuhin mong tumira dito.
Sa aming paglalakad, nadiskubre namin ang mga magagandang tanawin at makasaysayang lugar na nagpapahiwatig ng mayamang kasaysayan ng aming lungsod. Bawat kanto at bawat eskinita ay nagtatago ng mga kuwento at alaala na nagbibigay buhay sa aming paglalakbay.
Tumblr media
Doon nga ay nag-kita kami ng aking tito na si Tito Ian, kumain kami sa labas, kung saan parang 'bonding' na rin namin iyon, bagaman noon lang namin sya naka samang kumain, ay masaya at kapani-panibaong pakiramdam pa din iyon.
Ngunit higit sa lahat, ang pinakamahalaga sa akin ay ang panahon na aming ibinahagi habang kumakain kami kasama ang aming tito. Sa hapag-kainan, mas pinatatag ang aming samahan habang nagkukuwentuhan kami at nagtatawanan. Ang pagkikita namin ay hindi lamang tungkol sa pag-uwi ng aming tito mula sa ibang bansa, ngunit tungkol din ito sa pagkakataon na muling magsama-sama at magbahagi ng mga espesyal na sandali.
Tumblr media
Doon nga ay pumunta kami sa iba't ibang lugar sa BGC, isa na sa pinuntahan namin ang SM na malapit, kung saan ay naka-usap at nakatawanan namin sya. Hirap man kami mag-usap nung una ay nalagpasan namin iyon nung pahuli at sa huli ay marami kaming napag kwentuhan.
Ang paglalakbay na ito ay hindi lamang simpleng paglalakad sa lungsod, ito ay isang paglalakbay ng puso at damdamin. Sa bawat hakbang na aming tinahak, mas lumalim ang aming pagkakaunawaan at pagmamahalan bilang pamilya. At sa mga araw na susunod, kahit pa malayo na ang aming tito, mananatili ang mga alaala ng aming pagkikita na nagpapalakas sa aming puso at nagbibigay saysay sa aming buhay.
Tumblr media
Hindi kami tumigil at patuloy kaming nag-ikot kasama ang aking tito sa iba't ibang parte ng lugar, kung saan kami ay kumukuha ng mga larawan para aming matitingnan sa hinaharap.
Sa pagdating ng panahon na kailangan na naming magpaalam sa aming lungsod, mayroon kaming bitbit na mga alaala at mga puso na puno ng pasasalamat. Ang aming paglalakbay ay hindi lamang isang simpleng pag-libot sa lungsod, ito ay isang pagtuklas ng mga bagong karanasan, mga espesyal na sandali, at higit sa lahat, pagmamahal para sa isa't isa.
Tumblr media
1 note · View note
louisenicolemendoza · 7 months ago
Text
Lakbay Sanaysay: Ala-ala ng aming pamilya sa Laguna
Ang paglalakbay ay pinaka masayang gawin kung kasama natin ang pamilya at mga kaibigan. Mga plano na kapag natuloy ay tunay na nakakatuwa. Maraming nabubuong alaala at pagsasamahan tuwing tayo ay naglalakbay. Ika-18 ng Mayo 2016 napagdesisyunan namin na mamasyal sa Nuvali sa Santa Rosa, Laguna na kung saan sama-sama kaming lahat na pamilya ang pumunta doon. Tandang-tanda ko pa ang bakasyon na 'yun dahil na-kompleto kami sa unang pagkakataon. Buong pamilya namin ay sama-samang gumawa ng memories.
Ang lugar na ito ay kilala bilang una at pinakamalaking eco-community sa Pilipinas. Ito ay isang 2,290 ektarya sa isang luntiang kapaligiran na puno ng libu-libong puno at ibon. May mga aktibidad din katulad ng pagpapakain ng mga isda, Sightseeing, Bird Watching, at marami pang iba, ngunit pag papakain lamang ng isda ang naexperience dahil naglibot libot pa kami sa lugar na iyon.
Sa bawat sandali na pananatili namin sa lugar na iyon, ay tila nakakabitin na para bang ayaw ko ng bumalik sa aking Bayan. Sobrang nakakapagod ang nagging paglalakbay ngunit napalitan naman ito nang hinding makakalimutan na karanasan. Sa aming paglalakbay hindi ko maiwasang magbaliktanaw sa aming nagging at magandang karanasan. At gusto kong balik balikan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
luismiguel06 · 9 months ago
Text
Ang Masaganang Tanawin Sa Lugar ng Bicol
Tumblr media
Dito nag simula ang lahat Lubao to Sorsogon ang byahe dito. Grabe ang layo ng byahe, sumakay kami ng bus at ito'y umalis ng 8pm at nang makarating kami ng Sorsogon ay kinaumagahan na sakto sa tinatawag nilang "CROSSING". Kaya naman, kung ikaw ay mahina sa byahe damihan muna ang iyong supot.
Tumblr media
Ito ang tinatawag nilang "CROSSING" na kung saan pag dineretso mo ang byahe marating mo ang dulo ng Sorsogon. Kung ikaw naman ay naliko sa pakanan na direksyon ika'y mapupunta sa tinatawag nilang "Bayan Castilla". Ito'y simpleng pamayanan sa Sorsogon na kung saan maunlad ang pamumuhay marahil nadin sa likas na ganda at yaman ng kapaligiran.
Tumblr media
Nakasanayan na nga dito ng matatanda ang mag inom ng maaga kaya naman kapag gising mo at ikaw ay nalabas sa bakuran tiyak may makakasalubong kang inaakay, ganun paman likas pading masiyahin ang mga tao dito.
Tumblr media
Ito naman ang Pier na kung saan nag bababa ng milyong milyon na sako ng semento. Dito din isinasakay sa lugar na ito ang mga pam-pasaherong bus at itatawid naman ng roro sa kalipat na probinsya. Madalas mo din makikita dito ang mga sasakyang militar na pang dagat na kung saan ay nag mamasid o nag babantay ng karagatan.
Tumblr media
Ito ay ang Parola ang nag sisilbing ilaw sa dalampasigan ng Castilla. ito ay naitayo nung panahon pa ng mga hapon at nag silbing gabay ng mga taong tumatawid sa mga katabing bayan. Alam niyo ba na ang taga bukas nito kada gabi ay isang matanda na nakatira sa kalapit nitong posisyon?
Tumblr media
Ito ay tinatawag saamin na Baluko na kahawig ng tahong ngunit mas malaki siya kung ihahalintulad. Ito ay napakasarap lalo na kung ito ay ililuto sa pamamaraan ng mga taga bicol.
Tumblr media
Ito ay ang Rest Arra na kung saan naka hubog siya sa porma ng isang alimango. At ito ay nag sisilbing pahingahan ng mga turista na dumadayo upang makita ang magandang tanawin ng Sorsogon.
Tumblr media
Mayaman ang Sorsogon Bicol sa mga tradisyon na kakaiba. Marahil laman din ng mga ibang impormasyon na nag lalaman ng katatakutan itong lugar. Bagamat, isang linggo lang kami napunta sa lugar na ito marami akong natutunan at pahahalagahang bagay na hindi ko malilimutan. Maraming Salamat. At sana ay marami kayong natutunan sa bilang lakbay sanaysay ko sa probinsya ng aking lolo. Halina't samahan niyo uli ako sa aking mga susunod pang paglalakbay.
1 note · View note
emar123x456 · 1 year ago
Text
Emar A. Rapal HUMSS 12-Silva
LAKBAY SANAYSAY
Tumblr media
Bais Dolphin Watching and Manjuyod Sandbar Tour Naghahanap ka ba ng isang lugar upang magpalamig, at magsaya kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya? Pumunta kayo sa Bais Dolphin Watching and Manjuyod Sandbar Tours, maglakbay nang 1.5 oras lamang mula sa Dumaguete patungong Bais. Maaari kang maglakad sa kabuuan ng Manjuyod White Sandbar at makalangoy sa malinaw at kristal na tubig ng Bais Bay. Isang kamangha-manghang patutunguhan ng turista na dapat maranasan ng lahat ng hindi hihigit sa isang beses sa kanilang buhay.
Tumblr media
Maraming turista ang pumupunta sa Pilipinas upang makakita ng mga kakaibang lugar at mga kakaibang hayop. Ang Bais Dolphin Watching and Manjuyod Sandbar Tours ay tutulong sakanila na maranasan iyon. Sa halagang P2,500 hanggang P5,000 ay makakalibot ka na sa bangka upang Makita ang magagandang tanauin. Nagbabase ang presyo sa bilang ng mga tao sa grupo.
Tumblr media
Hindi lang paglilibot ang mararanasan mo kundi maaari mo ring panoorin ang mga lumba-lumba nang malapitan. Hindi mo nga lang mahahawakan ang mga ito pero pwede mong obserbahan sila sa isang ligtas na distansya at kunan ng mga larawan habang sila ay tumatalon sa hangin at nakikipaglaro sa isa’t isa. Pinapayagan rin ang paglabas mula sa bangka at lumangoy sa dagat. Mapupunta ka sa mababaw na lugar malapit sa Manjuyod Sandbars kung saan maaari kang sumakay ng mga sasakyang pang-tubig. Kailangan mong magbayad upang sumakay dito at nagbabase ang presyo sa kung ilang tao ang sasakay sa doon. Para sa turista na nais na mag- relaks sa masayang kapaligiran katulad dito, ito ang magandang lugar para sakanila. Itong lugar ay puno ng katahimikan na maaaring makatulog sa loob ng ilang minuto. Sa kabuuan, isa ito sa pinakamagandang patutunguhan ng turista sa Negros Oriental. Itong lugar ay nirerekumenda ko sa mga turistang nais bumisita dito.
1 note · View note
fie-ng · 1 year ago
Text
Lakbay Sanaysay
PUERTO PRINCESA
PALAWAN
Tumblr media
Ito Yung Lugar na gusto kong puntahan balang araw, Ang Lugar Ng Puerto princesa sa palawan. Kilala ito bilang "GREEN CITY IN THE PHILIPPINES" na makikita sa Isla ng PALAWAN. Ito ay natagpuan noon 1872 at nai-deklarang lungsod noong Hunyo 21 1961. Mayroon itong populasyon na 22,673 ka tao kaya ang lungsod na ito ang idineklara na may pinaka onting populasyon sa buong pilipinas. Kahit kaunti lang ang tao dito, ito parin ang pangalawa sa pinaka malaking lungsod na kasunod sa Davao. Mayroon itong laking 2381.02 square kilometers.
Tumblr media Tumblr media
Yan naman Si Lucilo R. Bayron isang mayor ng Puerto princesa at Maria Nancy A. Socrates bilang isang vice Mayor. Sa Puerto Princesa ang kanilang kultura ay malalim at mayaman. Ito ay nagtataglay ng mga elemento mula sa mga katutubong tribu na naninirahan sa lalawigan tulad ng mga Batak, Tagbanua, at Palaw'an. Ang mga ito ay ng kanilang mga tradisyon, wika, sining, musika, sayaw, at paniniwala. Bukod sa mga katutubong tribu, ang Puerto Princesa ay may iba't ibang impluwensiya mula sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at pati na Ito ay naging tahanan para sa mga migrante mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, na nagdala ng kanilang sariling kultura at tradisyon.
Tumblr media
Ilan sa mga tradisyon ng Puerto Princesa ay ang Kagueban (Feast of the Forest).Tuwing buwan ng Hunyo, ito ay isang pagdiriwang na naglalayong ipakita ang kahalagahan ng pagsugpo sa illegal logging at pangangalaga sa kalikasan. Mayroon din silang tradisyunal na sayaw tulad ng Kuratsa, Subli, at Kudang. Isang sikat na tradisyon din ang Palawan's Kasadyaan Festival, kung saan ipinapakita ang kagandahan at yaman ng kultura ng Puerto Princesa.
Tumblr media
Isa din sa pagdidiriwang sa Puerto princesa ang "Kaamulan Festival". Ito ang pinakamalaking pagdiriwang sa Puerto Princesa, na ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Pebrero. Ito ay isang buong lungsod na nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon. Sa Puerto princesa hindi rin maiiwasan nito ang tropical na klima. Ito ay maalinsangan at mainit sa panahon ng tag-araw, at may mga pag-ulan at mga bagyo sa mga buwan ng tag-ulan. Ang mga gastusin naman sa Puerto Princesa ay maaaring magkakaiba depende sa plano ng bawat Isa katulad ng:
Accommodation
ang mga presyo ng mga hotel o mga accommodation sa Puerto Princesa ay maaaring magkakaiba depende sa uri ng accomodation na gusto ninyo.
Pagkain
Ang mga restawran sa Puerto Princesa ay nag-aalok ng iba't ibang uri ng pagkain mula sa lokal hanggang sa internasyonal. Ang gastusin sa pagkain ay maaaring magkakaiba depende sa inyong gusto at budget.
Transportasyon: Ang Puerto Princesa ay mayroong mga tricycle at jeepney bilang pangunahing paraan ng transportasyon sa loob ng syudad. Ang gastusin sa transportasyon ay maaaring magkakaiba depende sa mga lugar na pupuntahan ninyo at sain ninyo.
Tours at Activities
Ang mga tour packages at activities sa Puerto Princesa ay nag-aalok ng mga aktibidad tulad ng city tour, underground river tour, island hopping, at mga adventure activities. Meron ding lokal na crafts, keychains, t-shirts, at iba pa. Ang gastusin sa mga souvenir at pasalubong ay maaaring magkakaiba depende sa mga bibilhin ninyo at sa inyong budget. Kaya gusto Kong pumunta sa Puerto princesa para maranasan ko Rin Ang buhay nila Doon at mga tanawin na magaganda.
.
.
0 notes
maribelcompacion · 1 year ago
Text
Exploring the Magnificence of Eiffel Tower
Eiffel tower is located Champ de Mars, 5 Av. Anatole France, 75007 Paris, France
Tumblr media
Dream Destination: Eiffel Tower
The Eiffel Tower, or La Tour Eiffel as the French call it, is undoubtedly one of the most iconic landmarks in the world. Located in Paris, France, this architectural marvel is a symbol of love, romance, and a testament to human craftsmanship. As an avid traveler, I have always dreamt of visiting the Eiffel Tower, and the time has finally come to turn this dream into a reality. In this lakbay sanaysay, I will take you on a virtual journey to explore the history, expenses, route, rules and regulations, culture, tradition, pagdiriwang (celebration), and climate surrounding the Eiffel Tower.
History:
The Eiffel Tower was designed by Gustave Eiffel and was completed in 1889. Initially, it was constructed as the entrance arch for the Exposition Universelle, a world fair held to commemorate the 100th anniversary of the French Revolution. The tower stands at a staggering height of 324 meters, making it the tallest man-made structure at the time of its completion. Originally intended to be a temporary structure, the Eiffel Tower has now become an irreplaceable part of the Parisian skyline and a symbol of French ingenuity.
Who Designed the Eiffel Tower?
Who designed the Eiffel Tower and how did it get its name? The tower was designed by two engineers named Emile Nouguier and Maurice Koechlin, who worked for an entrepreneur named Gustave Eiffel. Eiffel did not design the tower, but his name was still attached to it. Nouguier and Koechlin's design was very innovative for the time because no similar tower had ever been built. There were significant doubts as to whether the design would actually hold up, but the construction ended up being a success. The men who built the Eiffel Tower had a perilous job working on tiny platforms very high in the air. Workers went on strike during construction to request better pay, shorter work hours, and hazard pay.
Tumblr media
Travel Route from the Philippines to Eiffel tower in Champ de Mars, 5 Av. Anatole France, 75007 Paris, France:
Tumblr media
Expenses:
To embark on a journey to the Eiffel Tower, one must consider the expenses involved. The first expense to factor in is the flight ticket to Paris. Depending on your location, this can vary greatly. Accommodation should also be taken into consideration, with options ranging from budget-friendly hostels to luxurious hotels. The cost of entry to the Eiffel Tower varies depending on the level you wish to visit, with the top level being the most expensive. Additionally, meals should be budgeted for, with a range of dining options available in Paris. For budget meals, one can opt for local street food or cafes that offer affordable yet delicious cuisine. Lastly, a trip to the Eiffel Tower would be incomplete without purchasing souvenirs to commemorate the adventure. A budget should be allocated to ensure you bring back a few memorable keepsakes.
Route:
When planning a trip to the Eiffel Tower, it is essential to consider the most convenient and scenic route. The city of Paris is well-connected with an extensive transportation network. One popular way to reach the Eiffel Tower is by taking the Paris Metro, which can bring you directly to the tower's doorstep. For a more picturesque experience, one can choose to take a leisurely stroll along the Seine River, enjoying the views of Paris as you approach the Eiffel Tower. There are also several hop-on-hop-off buses that offer a convenient way to explore the city's landmarks, including the Eiffel Tower.
Rules and Regulations/ Dos and Don'ts:
To ensure a pleasant visit to the Eiffel Tower, it is important to be aware of the rules and regulations in place. One must adhere to the designated entrances and exits and follow the security procedures. Climbing the Eiffel Tower on foot is not permitted, and visitors are required to use the elevators or stairs provided. Drones are also prohibited within the tower's premises. While it is encouraged to take photographs, selfie sticks and tripods may not be used on the tower's platforms. Additionally, it is important to respect other visitors, keep the premises clean, and avoid any reckless behavior that may jeopardize your safety and the safety of others.
Culture:
French culture is rich in art, literature, fashion, and culinary experiences. Paris, being the capital of France, embodies all these cultural aspects. For art enthusiasts, the city is home to numerous museums, including the Louvre, where the famous Mona Lisa resides. Literature lovers can explore famous bookstores such as Shakespeare and Company. Fashion enthusiasts can marvel at the numerous luxury stores lining the streets. And for food lovers, Paris offers a plethora of culinary delights, from classic French cuisine to international flavors.
Tradition and Pagdiriwang:
Parisians enjoy many traditions and celebrations throughout the year. From Bastille Day, the French national day, to Christmas markets and fashion weeks, there is always something happening in the city. The Eiffel Tower itself is a focal point for many celebrations, particularly during New Year's Eve, when a spectacular fireworks display illuminates the Parisian sky.
Climate:
Paris experiences a temperate climate, with warm summers and chilly winters. It is advisable to plan your visit according to the season and pack appropriate clothing. Spring and autumn offer mild temperatures which are ideal for outdoor exploration, while winter brings a magical charm as the city is adorned with Christmas lights. Summer can be hot and crowded, but it also offers longer daylight hours for a more immersive experience.
In conclusion, the Eiffel Tower is truly a dream destination for travelers around the world. Its rich history, magnificent architecture, and cultural significance make it a must-visit landmark. By understanding the expenses, planning the route, familiarizing oneself with the rules and regulations, appreciating the local culture and traditions, and considering the climate, one can have a truly unforgettable experience at the Eiffel Tower.
Enjoy your journey to the Magnificence of Eiffel Tower
References:
1. Tucker, K. (2021, May 25). Eiffel Tower: History, Architecture, and Facts. History. https://www.history.com/topics/landmarks/eiffel-tower
2. Broude, B. (2021, June 9). Eiffel Tower: An Ultimate Guide to Visiting the Symbol of France. Culture Trip. https://theculturetrip.com/europe/france/paris/articles/eiffel-tower-an-ultimate-guide/
3. Paris Tourist Office. (n.d.). The Eiffel Tower. ParisInfo. https://en.parisinfo.com/paris-museum-monument/71337/Tour-Eiffel
#travel #traveling
1 note · View note
gwenhoyohoy · 1 year ago
Text
LAKBAY SANAYSAY
Dream Destination: South Korea
Tumblr media
Isang araw ako'y naglakbay patungo sa bansang puno ng kasaysayan, sining, at kagandahan. Ang aking layunin ay maranasan ang kasaysayan at kultura ng isa sa mga pinakapinagkakaguluhan at pinararangalan ngayon, ang bansang South Korea. Sa paglalakbay na ito, ako'y nagtungo sa mga kilalang lugar at nakatagpo ng mga taong nagbigay buhay sa bawat sulok ng bansang ito.
Ang aking unang pagdaong ay sa Seoul, ang makulay na kapital ng South Korea. Sa gitna ng modernong arkitektura, natagpuan ko ang mga labi ng kasaysayan. Sa Gyeongbokgung Palace, nadama ko ang kahalagahan ng kanilang kultura at ang taglay nitong yaman na hindi kayang burahin ng panahon. Sa bawat hakbang, ako'y nadala sa panahon ng mga Haring Joseon, na kung saan ang kanilang mga palasyo ay saksi sa kasaysayan ng kanilang lahi.
Sa aking paglalakbay, hindi ko rin pinalagpas ang pagkakataon na masubukan ang kanilang klasikong pagkain. Ang bulgogi, bibimbap, at kimchi ay ilan lamang sa mga hinanda ng mga lokal na kusinero na nagdulot sa akin ng kakaibang lasa at kasiyahan. Sa bawat kagat, naramdaman ko ang pagmamahal ng mga Koreans sa kanilang tradisyonal na lutuin, na puno ng lasa at damdamin.
Pagkatapos ng makulay na karanasan sa Seoul, nagdesisyon akong maglakbay patungo sa probinsya ng Jeonju, na kilala bilang Food Capital of South Korea. Naroon, ako'y inanyayahan ng isang lokal na pamilya na matutunan ang sikreto ng kanilang pamosong bibimbap. Kasama sila, natutunan ko ang tamang paraan ng paghahanda ng bibimbap, mula sa paggawa ng sahog hanggang sa pagkakaluto ng kanilang espesyal na sangkap. Sa bawat galak ng pamilyang iyon habang nagluluto, nadama ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malasakit at pagmamahalan sa loob ng isang tahanan.
Isa sa mga hindi malilimutang karanasan sa aking paglalakbay ay ang pagbisita sa mga kilalang K-drama filming locations. Sa Nami Island, nadama ko ang kilig at saya na dala ng mga eksena sa mga paboritong K-drama. Ang lugar ay puno ng mga puno ng kahoy na nagbibigay ng romantikong atmospera, tila ba ako'y isa sa mga karakter sa isang K-drama na nagmamahalan sa gitna ng kagubatan. Sa Petite France, isang temang Pranses na pook na kilala sa mga K-drama tulad ng "My Love from the Star," natutunan ko ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kultura ng iba't ibang bansa.
Sa pagtatapos ng aking paglalakbay sa South Korea, ako'y umalis ng may pusong puno ng pasasalamat at kasiyahan. Ang bansang ito ay hindi lamang puno ng makasaysayang mga lugar at delectable na kainan, kundi higit sa lahat, ito'y tahanan ng mga taong puno ng pagmamahal sa kanilang kultura at kasaysayan. Ang aking paglalakbay sa South Korea ay hindi lamang nagbigay sa akin ng magandang karanasan, kundi nagbukas din sa akin ng mga pinto patungo sa kultura ng ibang bansa. Sa bawat karanasang ito, ako'y nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng pagtangkilik at pagpapahalaga sa iba't ibang kultura, marami rin akong nakilalang tao at nagkaroon ng kakaibang pagmamahal sa bansang South Korea na hindi kayang burahin ng panahon. Hanggang dito nalang ang aking paglalakbay
1 note · View note
ejayyyyysworld · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“Lakbay Sanaysay sa lalawigan ng Laguna at bayan ng Calamba”
Hot Springs at Nature Escapes
Higit pa sa makasaysayang kahalagahan nito, ipinagmamalaki ng Calamba ang mga natural na kababalaghan na magpapabighani sa mga mahilig sa kalikasan. Isa sa mga pinapahalagahan na ari-arian ng bayan ay ang Los Baños Hot Springs and Resorts. Matatagpuan sa kalapit na bayan ng Los Baños, nag-aalok ang geothermal wonderland na ito ng nakakarelaks na pagtakas mula sa pagmamadali at pagmamadali ng buhay sa lungsod. Magbabad sa nakapagpapasiglang tubig ng mga hot spring, na kilala sa kanilang mga therapeutic benefits dahil sa mayaman nitong mineral content. Ang mga malalagong hardin at luntiang kapaligiran ay nagbibigay ng perpektong backdrop para sa isang matahimik na bakasyon.
Para sa mga naghahanap ng pakikipagsapalaran, ang Mount Makiling, isang hindi aktibong bulkan, ay nag-aalok ng mga mapaghamong hiking trail at isang pagkakataong tuklasin ang magkakaibang flora at fauna ng rehiyon. Ang Makiling Botanic Gardens, na matatagpuan sa paanan ng bundok, ay isang mahusay na panimulang punto para sa mga paglalakad sa kalikasan at panonood ng ibon.
Calamba: Isang Paglalakbay sa Kasaysayan at Kalikasan
Matatagpuan sa puso ng Pilipinas, ang lalawigan ng Laguna ay isang treasure trove ng natural na kagandahan at kahalagahan sa kasaysayan. Sa loob ng lalawigang ito matatagpuan ang isang bayan na nagtataglay ng isang espesyal na lugar sa puso ng mga Pilipino - ang Calamba. Kilala bilang bayang sinilangan ng pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal, ang Calamba ay nag-aalok ng kakaibang timpla ng mga makasaysayang lugar at mga natural na kababalaghan na ginagawa itong destinasyon na dapat puntahan para sa mga manlalakbay na naghahanap ng mas malalim na pag-unawa sa kultura at pamana ng Pilipinas.
Ang Calamba ay matatagpuan humigit-kumulang 54 kilometro sa timog ng Maynila, na ginagawa itong madaling mapupuntahan para sa parehong lokal at internasyonal na mga turista. Habang naglalakbay ka patungo sa bayang ito, sasalubungin ka ng mayayabong na halaman, niyog, at tahimik na tubig ng Laguna de Bay, na nagbibigay ng magandang panimula sa kung ano ang naghihintay sa iyo sa Calamba.
Ang aking sa loobin sa bayan ng calamba ay napaka ganda, maaliwalas ang paligid at mahusay maki bagay ang mga tao napaka ganda magmula sa mga hotsprings tulad ng 88hotspring sa calamba napaka ganda dito at napaka nature friendly talaga napaka raming maipagmamalaki sa bayan ng calamba dahil isa ito sa napaka gandang bayan na napuntahan ko!.
1 note · View note
johncarlodumasis25 · 2 years ago
Text
Tumblr media
LAKBAY SANAYSAY: BUSINESS TRIP
Bilang isang batang lumaki sa isang negosyanteng pamilya dito ko naranasan maging isang Independent na bata, bumabyahe ako nang mag isa kapag may Business Meeting o Business Trip at dahil dito ay nakahiligan ko na rin ang pag punta sa mga malalayomg lugar at isa na dito ang Maynila.
Tumblr media
Sa byahe nararanasan ko ang mga bagay na hindi ko nararanasan kapag ako ay nasa bahay lang kaya sulit talagang bumyahe kapag naka Business Class ka sa eroplano. Kagaya nang mga pagkain na inihahain sayo tuwing oras na nang pag kain.
Tumblr media
Kakaiba din ang mga inumin na iyong matitikman at masaya ako na nakakaranas ako nang ganito sa kabila nang hirap at pagod noong kami ay walang wala pa.
Tumblr media
At sa kahiligan kong mag lakbay ay naging pangarap ko na din ang maging isang Piloto. At sa aking pag punta nang maynila ay ginawa ko itong oportunidad para makunan ko ang sarili ko ng litrato bilang isang memorya nang aking tagumpay at pagsisikap at pangarap sa buhay.
0 notes
sharelynnn · 2 years ago
Text
Tumblr media
LAKBAY SANAYSAY: SA KABUKIRAN
Bilang isa sa mga kabataan ngayon ay ang hilig kong gawin o aming gawin ay ang paglalakbay. Dito ay maaliwalas ang presko ang hangin na iyong malalanghap. Pwede mong dalhin ang iyong pamilya, kaibigan, at Ibang pang mahahalagang tao sa iyong buhay. Makikita ninyo rito ang magagandang tanawin na pwede ninyong pakunan nang mga litrato na magiging ala-ala ninyo sa lugar na ito. At ito ang lugar ng Brgy. Kinawal T'bolok, South Cotabato.
1 note · View note