#LAKBAY
Explore tagged Tumblr posts
Text
BATYAWAN
LORENZO CAJURAO
Ito ang aking lakbay sanaysay ating balikan ang aking pag lalakbay samahan niyokong alamin at sariwain ang mga alaalang hindi malilimutan, karanasan at kaalaman na aking natutunan sa akin pinaroonan.
isang malalim na gabi ang hindi ko malilimutan nag pasya ang aking mga kaibigan na pumunta sa bundoc ng sapang balas upang doon ay mag lakad tumakbo at kumain ng agahan. kami ay nag kita kita bago pa man pumutok ang araw kami ay tumakbo at tumingin ng magandang tanawin at kumuha ng mga larawan sa sapang balas. kumain ng agahan kasama ng aking mga kaibigan nag saya at sinulit ang aming "bonding"
biglang nag aya ang aking kaibigan na si ailyn na kami ay pumunta sa lugar kung saan maganda ang kapaligiran at may roong magandang falls na maari naming pag liguan. Ang aking isang kaibigan ay mag sabi na magandang pumunta sa batchawan zambes. unang beses kong narinig ang lugar na iyon at ayon sa kanilang kwento ay maganda ang lugar at masarap puntahan dahil sa trill at tarik ng lugar. akoy nagalak at pumayag agad na puntahan ang lugar. kami ay nag lakad papunt roon dumaan kami sa pita dahit doon ay may short cut na daan sabi ay pedeng lakarin at hindi na kailangang gumamit ng sasakyan. nang nag simula kaming mag lakad ay pinag uusapan na namin kung kailan uli kami babalik roon kahit hindi pa kami nakakadating sa aming destinasyon. lumipas ang isang oras ng aming pag lakakad nag simula kami g magutom at mauhaw ngunit tuloy pa din ang aming pag lalakad dahil ang aming kalkulasyon ay 1 hangang 2 oras ang lakaran patungo doon. 3 oras na ang nakalipas ay hindi pa din nmin natatagpuan ang lugar. nag iba na din ang daan na aming mga dinadaanan tila b naging lupa at mabato ang lugar madamo at mapuno. walang bahay sa paligid at wala ding bakas ng agos ng tubig o batis kayat alam nmin na malayo pa ang falls.
Mayroon kaming nakasalubong katutubo sa daan kami ay nag tanong sakanya kung saan ba ang batyawan siya ay napa ngiti at sinabi sa amin na ala pa sa kalahati ang aming nalalakad patungo doon. na dadaan pa kmi bangin at isang bundok para makarating doon. alam nmin na hirap siya mag tagalog ngunit sa kanyang kabaitan ay sinubukan niyang makipag usap sa amin. napansin ko din ang kanyang dalang buslo at kawayan iba din ang kanyang damit na gawa sa tela na may ibat ibang linya at kulay. dahil sa gutom at uhaw kami ay nag tanong na rin ng mga pedeng kuhanan o bilhan ng pag kain o lahit maiinom man lang. ngunit wala daw tindahan doon pero may malapit na patubigan na pedeng kuhanan ng tubig. sinamahan niya kami doon at nakakita ng isang manipis na tubo na naka baoon sa lupa at may umaagos na tubig sa dulo nito .
Kami ay nakapag hilamos at naka inom ng tubog dito ngunit alam nmin na malayo pa ang aming lalakbayin kayat inibig naming kumuha o mag baon ng tubig. hindi nmin alam kung malinis o madumi ang tubig ngunit dahil sa uhaw ay hindi na kami nag tanong at uminom na kami. muka naman itong malinis dahilukang ito ay nang gagaling sa ilalim ng lupa o free flow.... kumuha ng itak ang katutubo at nag taga ng kawayan ang dulo nito ay tinangal ngunit iniwan ang kabilang dulo nito.. ito ang inabot saamin para gawing buslo ng tubig para aming mabaon ang tubig... tinuruan din kami nitong kumuha ng mga bunga ng prutas at itinuro ang mga prutas na bawal kainin... binigyan niya kami ng kanya kanya mga pat pat na nag silbjng pambugaw sa mga hayop at tungkod sa aming pag lalakbay... doon ko napag tanto ang importansya at pag papahalaga sa tubig at pag kain.. dahil doon bawat patak ay mahalaga bawat prutas na aming makuha ay malaking tulong upang mapawi ang aming gutom. doon ko din natutunan ang pagiging maparaan at madiskarte ay magalaga.doon ko napag tanto ang buhay ng maging katutubo na lahata ay dapat pag hirapan at lahat ay dapat pahalagahan. matapos ang 6 na oras na pag lalakad ay narating nmin ang batyawan maganda at kakaiba ang lugar sa aming pag baba nakita namin ang kabighabighaning falls at ilog na napaka linaw ng tubig maliit na kweba at napaka tahimik na kapaligiran ang lugar ay nababalot ng hiwaga at katahimikan... walang kalat o anumang bakas ng tao sa lugar... akoy na mangha sa aking nakita at nalaman kung gaano ka hiwaga ang kalikasan akl ay namangha sa ganda nito at nagulat na may roon pa palang mga ganoong lugar sa panahon ngyon na hindi pa pinupuntahan ng tao... akoy humihiling na manatili ang ganda at malayo sa tao ang batyawan falls upang mareserba amg taglay na ganda nito... kamiy naligo at nag saya ngunit iningatan din nmin ang aming mga kalat sa lugar nilinks nin lahat ng aming kalat bago umalis. ito ang lugar na marahil hindi ko malilimutan halong hiking saya at kaalaman ang aking napulot sa lag punta sa lugar. hindi ko ito malilimutan sa taglay nitong ganda at sa mga aral na aking natutunan sa aking pag lalakbay patungo sa lugar. alam ko na hindi kona mababalikan ang lugar dahil sa layo nito ngunit akoy masaya at naranasan kong mag lakbay dito... matapos noon ay sumakaay na kami sa sasakyan pauwi dahil hindi na namin kakayanin ang pabalik. pumunta kami sa isang barangay doon kung saan may roong tricycle na masasakyan at 3 oras ang aming byahe pababa...
Ito ay isang pang yayari sa aking buhay na mag mamarka at mg sisilbing tanda ng pag papahaga sa katutubo at sa mga kahalagahan ng mga bagay sa paligid. napag tanto ko na madami pa tayong pedeng mapuntahan sa ating bansa ating tankilikin muna at alamin ang mga natatagong hiwaga ng ating bansa at kapaligiran bago natin tangkilikin ang pag punta sa ibang bansa. hangang dito nlng ang aking pg lalakbay sanay ating tandaan pangalagaan at pahalagahan ang mga bagay na madami tayo ngunit kulang o kaunti sa iba.
1 note
·
View note
Text
ERWIN MALLARI Lakbay-tanaw, pangulay na tinutubigan, 2024 #artPH
#erwin mallari#lakbay-tanaw#fieldtrip#field trip#painting#pangulay na tinutubigan#watercolor#watercolour#sining biswal#visual arts#filipino art#artPH
5 notes
·
View notes
Text
We had a field trip yesterday and there was a lego wall template and some lego bricks. So my friend and I tried making Kenny for fun (we tried our best)
#random#friends#cute#fyp#legos#south park#kenny mccormick#memes#funny#Lakbay Museo#field trip#tumblr fyp
4 notes
·
View notes
Text
Paglalakbay sa Sinagtala: Isang Pagsilip sa Kandungan ng Diwa
Sa sinag ng araw, at sa pag-awit ng hangin, sumalubong sa amin ang kapayapaan at kasiyahan sa aming paglalakbay sa Sinagtala sa Orani, Bataan. Kasama ang aming mga pinakamamahal na kaibigan, nagtungo kami sa lugar na ito hindi lamang upang makalimutan ang aming mga alalahanin, kundi upang pagnilayan ang ganda ng kalikasan at pagtibayin ang aming samahan bilang selebrasyon ng kaarawan ng aming kaibigan.
Ang aming paglalakbay sa Sinagtala ay isang pagtuklas ng mga bagong karanasan at pagkakaibigan. Sa oras ng paglalakbay patungo sa resort, ang aming mga kwento at tawanan ay nagbigay-buhay sa aming biyahe. Sa pagdating namin, ang kagandahan ng kalikasan ay agad kaming hinangaan. Ang mga bundok at kagubatan na nagbibigay buhay sa paligid ay tila nagsalita ng kapayapaan at katahimikan.
Ang Sinagtala ay isang paraiso ng mga aktibidad at kasiyahan. Ang aming grupo ay hindi nag-atubiling sumubok ng iba't ibang mga atraksyon tulad ng zipline, giant swings at hiking trails. Sa bawat hakbang, ang aming mga puso'y nababalot ng kasiyahan at pagkamangha sa ganda ng kalikasan. Ang pagiging magkaibigan ay lumalim habang nagtutulungan at nagbibigayan ng lakas sa bawat hamon na aming hinaharap.
Sa paglubog ng araw, sa ilalim ng mga bituin at sa liwanag ng buwan, kami'y nagtipon sa likod ng napakagandang tanawin. Ang aming mga puso'y nag-alab sa tawanan, kwento, pagkakaibigan at saya ng selebrasyon. Sa bawat kuwento ng kabataan at mga pangarap, ang aming samahan ay lalong nagpatibay.
Hindi lamang kami namangha sa ganda ng kalikasan kundi naging napakaliwanag din ng aming mga gabi sa mga magagandang tutulugan na handog ng lugar. Ang mga kubol at mga kubo na nakatayo sa ilalim ng mga bituin ay nagbigay sa amin ng kakaibang karanasan ng pagtulog sa ilalim ng langit, habang ang aming mga kwarto ay puno ng kaginhawahan at kagandahan, isang pahingahang hatid ng ganda ng kalikasan. Sa bawat gabi, kami'y nababalot ng kapayapaan at kasiyahan, naglalaro ang aming mga panaginip sa ilalim ng malamlam na ilaw ng mga bituin.
At ang nakamamanghang kagandahan ng tanawin sa paglubog ng araw, pati na rin sa paglipas nito sa umaga. Samahan pa ng nag-iinit na kape kasabay ng naglalamigang mga hangin. Ang mga tanawin sa Sinagtala ay isang pangarap na masaksihan, lalo na sa mga oras ng pag-aalab ng silahis ng araw. Sa bawat pagbubukang-liwayway, ang bukirin at mga bundok ay lumalabas sa kanilang kahanga-hangang anyo, nililinaw ng sinag ng umaga ang lahat ng kulay at ganda ng kalikasan sa paligid. Ito ay isang magandang paalala sa amin ng bagong simula, at nagbibigay ng bagong lakas at pag-asa para sa mga bagong karanasan na nag-aabang sa aming paglalakbay.
Isa sa mga kapana-panabik na pasilidad na aming nadiskubre ay ang kanilang mga pribadong pool na nag-aalok ng kasiyahan at kaginhawaan. Ang mga pribadong pool na ito ay hindi lamang nagbibigay sa amin ng pagkakataon upang magpahinga at mag-relax nang hindi na kailangang lumayo, kundi nagbibigay din ng pananatiling seguridad para sa aming mga kasiyahan. Sa bawat hagod ng tubig, kami'y nag-aabang sa pagdating ng gabi upang muling maranasan ang kahanga-hangang tanawin ng mga bituin habang nasa gitna ng kasiyahan at kapayapaan.
Ang di-malilimutang karanasan ay ang kanilang masarap at nakakabusog na umagahan na handog ng Sinagtala Cafe. Ang kanilang almusal ay hindi lamang nagbibigay sa amin ng pagkakataon na simulan ang araw nang may lakas at enerhiya, kundi nagbibigay din ng pagkakataon na masiyahan sa masarap na lutong-Pilipino na hatid ng lugar. Ang pagpapasarap sa aming umaga sa pamamagitan ng pagkain ng masarap na almusal ay nagbibigay sa amin ng lakas at sigla para sa aming mga aktibidad sa buong araw, habang nagbibigay rin ito ng panibagong karanasan sa aming paglalakbay sa Sinagtala.
Sa bawat yugto ng aming paglalakbay sa Sinagtala, ang bawat sandali ay puno ng kasiyahan, pagmamahal sa kalikasan, at bagong karanasan na nagpapayaman sa aming pagkakaibigan. Sa paglubog ng araw at pagtunog ng mga ibon sa umaga, ang Sinagtala ay isang lugar ng kagandahan at kapayapaan na hindi malilimutan.
Sa huli, ang aming paglalakbay sa Sinagtala ay hindi lamang isang biyahe, kundi isang paglalakbay ng puso at isipan. Sa pagtuklas ng mga lihim ng kalikasan at pagpapalakas ng samahan, ang Sinagtala ay naging isang bahagi ng aming mga alaala at pangarap.
Kaya sa susunod na pagkakataon na kami'y maglalakbay, ang aming mga puso ay palaging maglalakbay pabalik sa Sinagtala, sa pangako ng liwanag, kasiyahan, at kagandahan na naghihintay para sa amin doon. Dahil sa Sinagtala, ang bawat paglalakbay ay nagiging isang alamat, isang kuwento ng pag-asa at kasiyahan na hindi matutumbasan ng kahit anong ganda.
Kaya't sa susunod na pagkakataon, samahan n'yo kaming muling tangkilikin ang ganda at kagandahan ng Sinagtala sa Orani, Bataan. Doon, sa piling ng kalikasan, ay masusumpungan ang tunay na kapayapaan at kaligayahan.
1 note
·
View note
Text
ANG AKING SARILING LAKBAY NA SANAYSAY
ANVAYA COVE
MORONG BATAAN
Napakasarap maglakbay kung saan-saan. Ang paglalakbay ay isa sa pinakamasayang gaqib lalo na kapag kasama natin ang ating mga pamilya at mga kaibigan. Naghahanap ka ng lugar kung saan ika’y makakapag pahinga at malayo sa stress o mga problema?Sa tingin ko ay ang lugar na ito ay isa sa mga lugar na aking tatawagin na paraiso. Hindi man gaanong kalayuan ang lugar na aming pinuntahan ay nagdulot pa rin ito ng kasiyahan at mga mensahe ng pangyayari sa bawat isa. Mula sa Rizal Dinalupihan Bataan, umalis kami sa aming tahanan ng 5am upang hindi mahuli sa aming biyahe. Sumakay kami sa aming sariling kotse papunta olongapo papuntang Morong humigit kumulang isang oras ang aming biyahe at sa wakas nakarating kami sa Anvaya cove napakainit dahil tanghaling tapat ngunit ang tanawin ay sobrang nakakabighani.Tanaw ang mga tabi-tabing mga bundok at bumungad samin ang malinis na beach. Gusto ko na kaagad lumangoy dahil sa sobrang linaw ng tubig na talagang nakakasabik subalit kailagan pa namin mag check-in sa kanilang hotel. Masasabi kong napakaswerte namin at konti ang tao ng araw na yun dahil siguro weekdays.Mas na nagsaya ako dahil ramdam ko ang kalikasan at ang katahimikan malayo sa mga problema.
Sa tatlong araw na pananatili namin sa Anvaya Cove ay tila nakakanitin na para lang ayaw ko ng bumalik sa Dinalupihan.Sa unang araw namin doon ay mayroong nag-tour sa amin sa residensyal na pinapaaunlad ng Anvaya upang tingin ng lupa para pag-investan kung sakali.Pag balik namin ay umupo kami sa beach upang enjoyin ang simoy ng hangin.Nag lakad-lakad kami at napansin namin ang napakaraming restawran sa loob katulad ng Extremely Expresso, Texas joe at iba pa, kaya pala bawal ang magpaso ng pagkain dito. Lumipas ang araw namin ng masaya at lumangoy maghapon at umuwi ng pagod at masaya.
1 note
·
View note
Text
Bateryang Empatetiko: Ang Kawaning Ingat-Yaman ng PKA
Ni Maya Ozo | Nobyembre 9, 2024
Magtatatlong taon nang bahagi ng Pamunuan ng Kamag-Aral (PKA) si Jorge Angelo “Gelo” Parreño ng 10-Lauan sa UP Integrated School at nasa huli na niyang termino. Sa iilang taon niya sa pamumuno, napagtanto niya na sa kaniyang todong pagsisipag at paglilingkod sa iba, mas nawawalan siya ng lakas— parang baterya.
Isa si Gelo sa mga kasalukuyang miyembro ng PKA – at itinuturing niya itong pinakamahalagang gampanin niya. Kahit na taunang binabalikan ito ni Gelo, hindi ito nangangahulugang wala na siyang nararanasang paghihirap. Bilang baterya ng PKA, may mga oras na malaki ang ambag niya sa pagpapaandar ng organisasyon, ngunit may mga oras din na kinakailangan niyang magpalakas muli.
Sa kasalukuyang termino, Assistant Treasurer si Gelo – isang posisyon na ibinalik ng Senior Council (SC) ngayong akademikong taon. Sa lahat ng posisyong pinasok niya, pinakamahirap ang naging lakbay niya sa posisyong ito. Bago pa inilunsad ang halalan, hindi nakapasok si Gelo bilang kandidato. Resulta ito ng kaniyang pagliban ng ilang linggo na sanhi ng mga isyung pangkalusugan. Pagbukas muli ng paaralan sa panibagong akademikong taon, hinirang siya ng SC sa naturang posisyon upang makumpleto ang organisasyon. Ika ni Gelo, mahalaga pa rin ang kaniyang papel sa PKA pagkat maraming ginagawa ang Treasurer. Ito raw ang isa sa mga posisyong hindi talagang makakapagpasa ng trabaho dahil sa kaban na hawak nito. Dahil sa kaniya, mas nasisigurado sila sa bawat desisyong-pinansyal. Bukod pa rito, binibigyang-halaga nila ang opinyon ng isa’t isa.
Full Charge
Nagsimulang maging student-leader si Gelo noong unang tapak niya sa hayskul. Naging Public Relations Officer siya ng Freshman Association at naimbitahang maging PKA Marshall Boy ng partidong “Tanglaw” noong 2022. Ito ang kauna-unahang taon niya sa PKA, at itinuturing niyang pinakamalaking tagumpay sa UPIS ang pagkapanalo niya rito. Ika niya, “Nagsimula siya ng chain of events,” sa kaniyang pakikilahok sa PKA. Inihayag ni Gelo na nagustuhan niya ito bilang unang posisyon na nahawakan niya sa PKA dahil nagsilbi itong introduksyon sa kabuuang sistema ng organisasyon.
Sa sumunod na taon, nagtagumpay naman siya sa pagiging Business Manager ng partidong “Hayo”. Ang posisyong ito ang naging paborito niya dahil sa malikhaing aspeto ng trabaho. Nagkaroon siya ng pagkakataong sanayin ang kaniyang kalayaan at pagkamalikhain sa iba’t ibang paraan para makapangalap ng pondo ang PKA. Ngunit, sinigurado niya na mainam pa rin para sa mga estudyante ang mga halaga ng kaniyang pinagdedesisyunan.
Lowbat
“There’s a likely chance na…masayang lang ‘yung effort namin… although, part ‘yun ng job, nakakapanghina pa rin.”
Ibinahagi ni Gelo na mula sa higit dalawang taon niyang karanasan, ang huling mga panahon ng pagpaplano at pagsasalang ng mga ideya ang bahagi ng trabaho na hindi niya gaanong nagugustuhan. Nagkakaroon din ng mga pagkakataong nahihirapan ang PKA na sumulong ng panibago at progresibong ideya dahil sa nakatatag na tradisyon sa paaralan. Dito niya naunawaan na bilang PKA, kahit nasa inyo ang responsibilidad at pamumuno, may mga oras talaga na mawawalan kayo ng lakas o kapangyarihan – kapangyarihan sa sariling trabaho at kapangyarihan sa sariling oras na inilaan na lang sa pagtatrabaho.
Charging
“Kung ano ‘yung talagang makakabuti sa iba, kahit medyo nakakadulot ‘yun ng hirap sa akin, I do it.”
Sa halip na maging negatibo si Gelo sa lahat ng kaniyang pinagdaanan, isa sa mga pinakapinahalagahan niya ang pagkabigo. Itinuturing niya ang lahat ng kaniyang karanasan bilang oportunidad na matuto at lumago bilang lider-estudyante. Kahit na may mga sandali na nakakapanghina, dinadala niya ang bawat karanasan at pagkabigo at ginagamit ito upang mas mapabuti ang kaniyang trabaho sa hinaharap.
Tumatakbo siya bawat taon dahil nais niyang makapag-ambag at magkaroon ng impluwensiya sa mga pagbabago sa UPIS. Naniniwala siya na pinakamahalagang aspeto ng pagiging PKA ang katunayang estudyante rin sila. Kaya nilang tugunan ang mga isyung sila mismo ang nakararanas.
Ang tanging araw kung kailan maipapakita ang lahat ng kanilang pinaghirapan at pinagplanuhan ang paboritong bahagi ni Gelo ng pagiging miyembro ng PKA. Dahil dito, makikita ng bawat estudyante ang lahat ng pinlano para sa kanila mismo, kaya may isang katuparan siya sa paglunsad ng bawat pagdiriwang. Ito naman daw ang tunay na layunin niya para sa komunidad ng UPIS– ang mabigyan ang mga mag-aaral ng kaligayahan at pagpapahinga sa kabila ng matrabahong akademikong taon.
Ayon kay Gelo, “Nag-a-adapt kami with any situation. Kaya sana, mas ma-recognize iyon… Understand na lang din na mahirap mag-expect ng full-on perfect plan and execution, lalo na kung student din talaga kami.” Kaya naman, hinihiling niya na maunawaan ng buong komunidad na hindi sila perpekto at mas bigyang-halaga ang gawi ng organisasyon. Bukod pa rito, handa ang PKA na makinig sa anumang saloobin na mayroon ang mga estudyante.
Recharged: Planong Kabuluhan Aaksyunan
Sa kabila ng lahat, naniniwala si Gelo na mayroong utak at puso ang bawat gawi niya. At, kung may pagkakataon, uulitin niya ang lahat ng naranasan niya dahil sa mga natutuhan niya mula dito. Bahagi na ito ng kaniyang identidad at nais hikayatin ang mga gustong sumabak sa pagiging lider-estudyante.
Bilang huling termino niya sa PKA, tanging hangad niyang makita ang bagong henerasyon na makuha ang natutuhan mula sa kanila at bumuo ng sariling mga tangka para sa komunidad. Nais niyang makagawa ng sariling sistema at makita ang mga tagumpay ng mga sumusunod na termino dahil naniniwala siya sa kakayahan nila.
Ika nga ni Gelo, “Although PKA is one whole unit, hindi dapat pare-pareho ‘yung mga PKA.”
Ang batang maliit na may malaking puso
Si Gelo ang nagmimistulang baterya ng PKA. Ang mindset niyang gawing masaya ang pagtatrabaho ang tanging nagpapakilos sa kaniya. Naniniwala siyang, “Everyone needs to get ‘high’ on something or someone.” Kung sa PKA, puro nasa katwiran ang kaniyang pag-iisip, sa panig ng sariling oras, tunay na namumuhay siya sa kaniyang emosyon at pagiging empatetiko. At, mataas ang pangarap niya para sa kaniyang kinabukasan– na siyang inspirasyon niya sa buhay. Ibig niyang gawing inspirasyon ang pagkakaroon ng mas maalam at mabuting buhay sa hinaharap at manatiling optimistiko. Si Gelo ang nagmimistulang baterya ng PKA– ang tunay na nagpapaliwanag at nagbibigay-halaga sa bawat sistema nito. Kahit minsan kinakailangan niya magpahinga at mag-recharge, patuloy pa rin siyang umuusad at nagtatrabaho para sa kabutihan ng lahat.
2 notes
·
View notes
Text
"Lakbay-Aral na tumatak sa aking isipan"
Sa bawat destinasyon, mayroong mga aral na nag-aabang na ating tuklasin at pag-aralan. Sa bawat kalye na tatahakin, mayroong kwento at kaugnayan sa kultura na ating susuungin. Sa bawat talaan at palatandaan, mayroong kaalaman na naghihintay na ating saliksikin at unawain.
Nais kong magpasalamat sa pagkakataon na makapaglakbay kasama kayo. Ang makasama kayo sa aking tabi ay nagdagdag ng kulay at saya sa bawat sandali ng ating paglalakbay.
Sa bawat tanawin na ating pinuntahan at bawat karanasang pinagsaluhan, lalo ko naramdaman ang halaga ng ating pagkakaibigan. Ang mga kwentuhan, tawanan, at mga bagong kaalaman na ating natutunan ay hindi lamang nagbigay sa atin ng mga alaala kundi pati na rin nagpalakas sa ating samahan.
Salamat sa iyong pagsama sa mga oras na puno ng pagtuklas at pakikipagsapalaran. Nawa'y patuloy tayong magtagumpay sa mga susunod pang paglalakbay, anuman ang hatid ng bukas.
3 notes
·
View notes
Text
314 | ISANG MATA SA ISANG LIBONG PANGAMBA
Alas dos pa lamang ay mulat na ang mga mata kong malabo. Tumingin ako sa aking katabi, "Maaga pa, mamaya na" ang tangi kong naisip nang makita kong yapos nito ang kaniyang kasintahan. Napatawa na lamang ako nang maalalang kay tagal kong hinintay na dumating ang araw na ito, kinailangan pa naming sumabak sa ilang aktibidad at iraos ang aming pagsusulit. Ipinikit ang aking mga mata, na hindi rin nag-tagal sapagkat nagising ako sa ingay ng mga kubyertos, "Late na pala" bulong ko sa aking isip. Pinilit kong ibangon ang aking sarili upang dumeretsyo sa banyo, ginising ko ang aking kaluluwa nang maramdaman ko ang malamig na tubig na bumabalot sa aking katawan. Mabilis at malinis kong isinuot ang bagong plantya kong uniporme, tiniyak kong baunin ang sweater na aking magiging kaantabay sa lamig ng sasakyan naming bus. Nang makarating sa eskwelahan, nakita ko ang mga puyat at antok pang itsura ng aking mga kabata, sa kabila nito, nangingibabaw pa rin at ingay sa kanila, sa bawat boses ay maririnig mo ang kwento mula sa gabi bago ang araw na iyon, na ayon sa tala nila, ay pinalubutan ng eksaytment at sari-saring pangyayari.
Tahimik ang byahe at ang bawat isa ay nasa isang mahimbing na tulog, tila ba ihinahanda ang sarili sa lakbay na aming tatalakayin sa araw na itinakda. Nasilaw ako sa maliwanag at napakagandang tanawin ng unang destinasyon, naroon ang simbahang kasalukuyang naglalahad ng misa. Maraming balakid ang pag tahak namin sa daan, marami rin kaming pinuntahan kagaya ng; munumento ni rizal, museyo ng koleksyon, at ang hindi kapani-paniwalang pabrika ng tinapay, na ang gumagawa ay ang mga awtomating makina. Ngunit ang hinihintay ng lahat, ang huling destinasyon sa ika-apatnapu't araw ng marso, ang Enchanted Kingdom sa Laguna. Dito, puno ng hiyawan at kasiyahan, mula sa rides at ilan pang maaring aktibidad, hanggang sa mga nagsasarapang pagkain nito. Bago ang lahat, una akong dumayo sa food court, upang libangin ang akin tiyan sa matagal na byaheng nakakagutom ng sikmura. Ang malinis kong uniporme at sweater ay madumihan mula sa sauce ng burger na aking binili, kasabay din nito ang ice cream na aking nabili sa Dairy Queen, natapon pa ito sa dulo ng aking sapatos. Ngunit 'di ko mapigilang tumawa sapagkat ito ay dahilan ng aking pagmamadali, upang subukan ang mga "nakakatakot" na rides ng lugar na ito.
Alas singko nang hapon, marami na akong nasakyan, at ang bawat isa dito, ay kaabibat ang aking mga kaibigan. Ngunit, aking itatala ang tatlo sa hindi ko malilimutang ekspiryens. Huli ko mang sinubok ang Alcatraz, ay masasabi kong kaunahan ito sa aking itatala hindi lamang sa'yo, kundi pati na rin sa mga taong magtatanong kung naranasan ko na ba ang bagsik ng lugar na ito. Kasama ang ilang guro at ang mga minimahal kong kabata, nag simula ang kaba namin sa pag bili ng tikets, "Oh kay dami namin, malaki siguro ang sahod ng mga mananakot na ito" nakatutuwang salita sa isip ko. Nang pumasok kami, nababalot ang lugar ng usok, madilim dito, ngunit hindi iyon nagging dahilan upang mawalay kami sa isa't-isa. Base sa bilis ng paglalakad ng tatlong guro sa aking harapan, ay mukhang nagagalak na silang matapos ito at makalabas. Sa mga pagkakataon iyon, may mga naganap na takbuhan, tulakan, sigawan, at takutan, naipit pa nga ako sa isang sulok dahil sa gulat ng mga nauuna sa akin, ngunit sa kabila ng lahat na ito, nagkaroon ako ng 'di malilimutang halakhakan kaakibat ang mga taong hindi ko inaakalang makakasama ko.
Habang ako ay nasa pila ng Vikings, ang aking puso ay nagugulumihanan sa kaba. Ngunit sa sandaling ito ay hindi ko napigilang hindi magtungo sa aming patutunguhan. Sa aking pag-upo dito, ang kaba ay unti-unting napalitan ng kasiyahan. Sa isang arko, pumatak ang kalembang at dumaus-os ang aking katawan nang mag simulang umandar ang makinang kay kalawang. Karamiha'y kinabahan, nagsimulang sumigaw at kumapit sa bisig ng mga taong hindi pamilyar sa sinasakyan. Ako'y nasa dulo ng barko, at sa bawat pag-hagis nito sa ere, tila bumabalik ako sa aking kabataan. Ang bawat sigaw at hiyaw ay nagpaparamdam ng kasiyahan at ligaya. Hindi maikakailang nagkaroon ako ng hindi malilimutang ala-ala, lalo na't ang karanasang ito ay tumatak sa'kin nang kasama ang aking mga minamahal na kaibigan at guro.
Hindi nagtagal, sinubukan din namin ang Drop Tower, ang kaba sa aking sistema ay hindi mawari. Tila lumilipad ang aking puso, sa pagpatak ng bawat segundo ay para bang bumibilis ang pag-akyat nito sa pinaka taas. Nang makarating kami sa tuktok, aking nakita ang kay gandang tanawin. Ang araw na kay pula, ay umaaktong dilim sa pag-bulag nito sa akin. Kinuha ko ang huling hininga bago pag handaan ang pag-patak nito, nadama ko ang lamig ng aking mga kamay at ng nanginginig kong mga paa. Ang aking puso ay nanlalamig sa takot nang biglang bumagsak ito, pinakawalan ko ang sigaw na matagal ko nang tinatago mula sa linya, hanggang sa pag upo ko sa aking kinalagyan. Sa muli kong pag tapak sa maduming sahig, at sa pg alis ko sa aming sinasakyan, ang kaba ay naglaho na, at ang kaisipang ako'y lumilipad sa mga segundong iyon ay nananatili sa aking puso hanggang sa pagkakataong ito.
Kung inyong tutuklasin, maaring makita ninyo ang ilang letrato na mukhang pitik mula sa digital na kamera. Ito, ay ang mga bakas na naroroon ako, na kabilang din ako sa mga nag hintay upang humantong kami sa huling destinasyon ng edukasyonal na paglalakbay, at higit sa lahat, na ako ang kanilang pang-samantalang retratista sa mga momentong sila ay nakangiti. Sa mga letratong iyon, nabubuhay kong muli ang mga ala-alang tatatag hindi lamang sa kanila at sa'king isip, kundi pati na rin sa iyo, na aking mambabasa. Pinag sisisihan kong hindi ako nahagip sa mga letratong nakakagalak na balikan, upang mahinuha ang panahon, oras, at pangyayari sa mga sandaling iyon. Ngunit, hindi ko kailanmang ikakaila na ipinagmamalaki ko ang aking sarili sa pagkuha ng ilang letratong tiyak na nakapag pasaya sa mga grupo at tao na aking pinitikan.
Alas otso na, lumipas na ang oras mula nang ang araw ay mamahinga, sumapit ang gabing napupuno ng malamig na simoy ng hangin. Narinig ko ang mga tawang nanggagaling sa aking mga kaklase habang naglalakad kami palabas; kwento mula sa mga unang rides na kanilang sinakyan at kung paano sila nagkaron ng tila masaya sabay ang nakakatakot na eskpiryens na mga sandali sa katirikan ng araw. Sa huli kong pag sulyap sa lugar na iyon, naalala ko ang hindi lamang kami nag-saya, bumalik din sa aking sistema ang pagod, init, at inip na niranas ko sa paglalakad, pag-hahanap sa aking mga kaibigan at kaklase, pati na rin ang paghihintay sa linya ng bawat rides sinakyan namin, na para bang walang katapusan ang haba. Ngunit sa kabila ng lahat ng nito, ang aking puso ay napuno ng kasiyahan at pasasalamat, nagbukas para sa akin ang pinto patungo sa isang kakaibang karanasan,at ang karanasang iyon ay hindi lamang simpleng paglibot sa isang pook libangan, kundi isang paglalakbay sa mga ala-alang mabaon man sa nakaraan, ay hinding hindi malilimutan ng aking isipan.
Aking mga kabata, at ikaw, na patuloy ang pag-basa sa sanaysay ng aking lakbay, nais kong malaman mo na babalik at babalikan ko ito. Kahit ilang beses pa, sa iba’t ibang oras, pahanon, o sa susunod na habang buhay, hihilingin ko na muling maranasan ang pinaka unang pagkakataon na tumapak ako sa lugar na iyon. Ito ay isa pa lamang, isang mata pa lamang na nagtatala ng kuwento tungkol sa mga pangyayari na sila naman ang nakaranas. Maaaring sa kanilang sanaysay, iba naman, iba namang pangyayari at emosyon ang naisulat sa takdang ito. Ngunit hanggang dito na lamang tayo, dito na magtatapos ang tala ng aking mga munting pangamba at karanasan.
Ako muli, ang inyong pang-samantalang retratista.
3 notes
·
View notes
Text
The Lithographer has completely inconsistent hair, but based on the fact he is an artist constantly scrambling between feast and famine due to some combo of bad luck and trying to fight the establishment, it might just be a side effect of that.
Diamine Lilac Satin & Vinta Inks Lakbay 1861
10 notes
·
View notes
Text
SINING NG ILOCOS
Sa pagbigay ng pagkakataon na muling makumpleto ang pamilya ko, hindi namin ito sinayang at nagplanong maglakbay. Noong February 2024, napagdesisyunan ng aking pamilya na libutin at pasyalan ang lugar ng Ilocos, bago muling umalis ng bansa ang aking tatay.
Alas-otso ng umaga nang magsimula kami patungo sa una naming pupuntahan, ang Vigan City. Ang binalak ng aking pamilya na puntahan sa Vigan City ay ang kilalang Calle Crisologo, kung saan ipinagmamalaki nito ang mga siglong lumang bahay na bato, magagandang tungsten lamp, at ang paggamit nito sa mga karwahe o kalesa na hinihila ng kabayo bilang transportasyon.
Mga alas-dos ng hapon kami nakarating sa Vigan City at nagcheck-in muna kami sa isang Airbnb na Happy Grey Hotel upang makapagpahinga nang saglit. Paglipas ng ilang oras na pahinga, nag-ayos na muli kami para sana pumunta sa Baluarte Resort and Mini Zoo, ngunit sarado na ito nung kami ay makarating. Kaya naman, dumiretso na kami sa Calle Crisologo nang mga alas-singko ng hapon. Pag-apak ko pa lamang ay manghang-mangha ako sa ganda ng mga bahay doon. Naglakad-lakad kami at ninais naming sumakay sa kalesa. Sumakay kami ng aking mga kapatid at ang isa kong pinsan sa karwahe o kalesa. Sa halagang dalawang daan ay inikot na kami sa mga lugar sa Calle Crisologo at makikita talagang makaluma ang mga bahay doon, ganoon din ang mga kainan, banko, at bilihan ng medisina. Pagkatapos kaming ilibot ay bumili kaming ang dirty ice cream na kilala rin doon. Nagikot-ikot muli kami para makabili ng mga pasalubong at mga souvenirs. Binilhan ko ang mga kaibigan ko ng mga pasalubong ko sa kanila. Ilang oras din kaming naglilibot sa Calle Crisologo at naisipan na naming umalis. Ang kasunod na pinuntahan namin ay ang Musical Dancing Fountain sa kanilang plaza. Bilib na bilib akong panuorin ang paggalaw ng tubig at ang mga ilaw. Pagkatapos ng show ay nag-hapunan kami sa isang sea food restaurant. Umuwi na kami at napagpasyahang magpahinga para sa muling paglakbay kinabukasan.
Alas-sais ng umaga, naglakbay kami papunta naman sa Bangui kung saan nandoon ang sikat na mga windmill. Apat na oras ang byahe papunta doon ngunit hindi ko ito naramdaman dahil sa ganda ng mga dagat at tanawin na nadadaanan namin. Pagkarating naming doon, kumuha lamang kami ng litrato at nilusong ko ang aking mga paa sa dagat. Ang panandaliang oras na iyon ay nakakawala ng pagod at problema, kasama ko lamang ang hangin, dagat, at ang aking pamilya. Napagdesisyunan naming umalis na dahil din mainit. Sinagad na namin at tumungo pa sa Pagudpud sa Patapat Viaduct. Sumaglit lamang kami doon para lamang pagmasdan ang tanawin at kumuha muli ng litrato. Naglakbay na kami pabalik para kumain dahil nakakaramdam na kami ng gutom. Kasunod ng pagkain namin, ay nilakbay namin pabalik ang Rock Formation, isang tourist attraction sa Ilocos. Mga alas-dos ng tanghali kami nakarating doon kaya init na init kami pero hindi naming sinayang ang bawat oras kaya itinuloy namin ito. Lumakad kami ng konti para makalapit sa Rock Formation at kumuha ulit ng mga litrato. Ayan ang huli naming pinuntahan bago kami umuwi. Sa lakbay namin pauwi ay kumain kami sa Jollibee sa may La Union. Tuloy-tuloy na ang byahe naming pauwi at umabot kami ng alas-dose ng madaling araw para makarating sa aming tahanan.
Ang kamakailan na paglalakbay na ito ay naging isang magandang ala-ala na madadala ko habang buhay. Lahat kami ay umuwing may bitbit na memoryang hindi malilimutan. Ang paglalakbay na ito ay nagsilbi na oras namin para sa isa’t-isa. Ang tanging hiling ko na lamang ay maulit muli ang ganitong uri ng paglalakbay sa panahon na kami ay makumpleto muli.
2 notes
·
View notes
Text
Testing out some inks and drew the silly man for fun. Glitter juice themed skrunkle
Ink is Vinta Lakbay, a very shimmery ink! (Even more in person!)
#welcome home#wally darling#meanwhile have this tiny doodle#glitter#shimmer#shimmer inks#vinta inks#he's so glittery I love it#welcome home fanart
10 notes
·
View notes
Text
sa Lovey kong mahal,
ayokong mabuhay nang wala ka.
minsa'y nakakatuwang laru-laruin sa isip ang mga bagay-bagay na atin nang nakakasagupa sa lakbay ng ating buhay buhat ng tayo'y magkakilala.
ang dami nang mga unos at tagumpay na ating natamasa. masaya ako dahil may ikaw na aking kasama upang pagsaluhan ang lahat ng ibinabato ng mundo sa buhay ko.
hindi ko mawari kung papaanong ituloy ang paghinga kapag ang mukha mo ay hindi ko makita sa isang buong maghapon.
malaking pagsubok sa akin ang papaanong sabayan ang paglipas ng panahon kung wala ka sa piling ko na aking lakas, inspirasyon at saya.
hindi tayo perpekto at masaya ako sa kung ano man ang kaya nating maibahagi sa isa't-isa.
sabi nila ang swerte ko sa'yo, hindi sila nagkamali. hindi ako makakahanap pa ng tulad mo.
patuloy kong hahanapin ang piyesa mo na syang bubuo sa akin kung sakaling ikaw ay mawala na sa piling ko.
anong gagawin ko wala ka?
1 note
·
View note
Text
Lakbay Sa Tagaytay
Isa sa nakakabighaning lugar sa Pilipinas ay ang Tagaytay, kilala ito sa magagandang tanawin, masasarap na pagkain at may kalamigan ng panahon. Ang Tagaytay ay isang lugar na kung saan masarap ang simoy ng hangin at may maraming Magandang tanawin. Kung talagang gusto mong madama ang malamig na panahon ng Tagaytay, kung gayon ang pinakamahusay na oras upang pumunta sa Tagaytay ay sa mga mas malamig na buwan ng taon, iyon ay, mula Nobyembre hanggang Pebrero.
Maraming p’wedeng puntahan sa Tagaytay tulad ng Fantasy World, Picnic Grove at Twin Lakes Hotel. Isa ang mga ito sa magagandang tanawin sa Tagaytay na kailangan mong puntahan at makita. Ang Fantasy World ay abandonadong theme park na kung saan p’wede pang puntahan at libutin upang makita ang magagandang estraktura ng parke, ito ay matatagpuan sa Diokno Highway, Lemery, Batangas. Ang Picnic Grove naman ay matatagpuan sa Tagaytay-Calamba Road, Tagaytay City, Cavite na kung saan ito ang lugar para sa mga taong kailangan ng mapayapang lugar, puno ito ng magagandang tanawin na siguradong mamahalin ng iyong isip at puso, mayroon din ditong mga fun activities na siguradong masasayahan ka’t gusto mo pa balikan. Ang Twin Lakes Hotel naman ay isa sa magagandang hotel sa ating bansa, ito ay matatagpuan sa Tagaytay - Nasugbu Hwy, Laurel, Batangas, mayroon din itong magandang tanawin at masasarap na pagkain. At syempre, sa daming p’wedeng puntahan, kailangan mong subukan ang buko pie at ube jam ng Tagaytay, p’wede itong pasalubong na tiyak magugustuhan ng mga mahal mo sa buhay, nagbibigay ng masarap na lasa ang buko pie na galing sa Tagaytay, malambot ito at malasa na tiyak mabibitin ka. Sa pangkaragdagan, pagbyahe pa lamang sa Tagaytay ay makakatanaw ka na ng magagandang tanawin, maraming bulaklak na bihira mo makita sa araw-araw, pagbabyhae mo pa lamang malalasap mo na ang malamig na simoy ng hangin na nakakapagpagaan ng loob. Pag-byahe mo pa lamang masisiyahan ka na at matatanggal ang pagod.
(imahe mula sa lakad pilipinas)
Ang unang pasyal ko sa Tagaytay ay noong panahong wala akong problema, hindi pa gaanong bukas ang isipan ko at wala pa akong kaalam-alam sa nangyayari sa ating mundo. Makalipas ang ilang taon, unti unti akong namumulat sa mundo, napuno ako ng problema sa larangan ng edukasyon, nagkaroon ako ng depresyon at napuno ako ng kalungkutan, ngunit nawala ang lahat ng iyon. Sa paglakbay namin sa Tagaytay ng ilang araw, nakatanaw ako ng magagandang tanawin na nakapagbukas sa puso ko, nakapagpagaan sa bigat na nararamdaman ko, nakahinga ako nang maluwag at napamahal ako. Bilang estudyante, umalis akong puno ng puot at bumalik ako ng bukas ang puso’t magaan ang pakiramdam, bumalik akong masaya at handa na sa haharapin kong problema.
Sa ilang araw ng aming paglalakbay, tumatak sa isip ko na sa bawat oras, may mga taong nahihirapan at kailangan ng pahinga, kailangan makakita ng tanawin na nakakapagpagaan sa loob. Tumatak sa isip ko na kahit sa ilang araw, kahit sa maigsing paglalakbay, sasaya tayo. Hindi lang magagandang tanawin na lugar ang makakapagpagaan sa loob natin, sa aming paglalakbay nakatanaw rin kami ng masasayang pamilya na naglalakbay tulad namin, masasayang tao na tila walang problema at masaya sa ginagawa. Tumatak din sa aking isipan na kailangan nating alagaan ang ating kalikasan, karamihan sa atin ay magandang kalikasan ang gamot para sa sarado’t mabigat na pakiramdam, kailangan natin protektahan ang ating kalikasan para sa atin at para rin sa ibangh tao.
Ang mga lugar na aking tinala, sa aming paglalakbay, maraming nakita at napasaya. Sa aming paglalakbay sa Tagaytay, tiyak matutulungan kayo nito, lalo na ang mga taong kailangan ng mapayapang lugar, kailangan magpahinga at kailangan makakita ng magagandang tanawin, oras na para kayo naman ang maglakbay sa Tagaytay.
2 notes
·
View notes
Text
03/13/2023
Food Wanderer x Lakbay Museo
Dare I say eating insects, vinegar tasting, and lambanog drinking is something I’d ever do. Well cheers to a fun experience.
4 notes
·
View notes
Text
Vigan: Ang Tahanan Ng Arkitekturang Espanyol
Karamihan sa mga impluwensya ng mga espanyol ay unti unting nang naglalaho sa pagdaan ng panahon. Sa kabila ng kultura at lengguwahe na nanatili sa bansa, marami pa rin ang tila’y kinalimutan na. Isa na rito ang arkitekturang naging prominente sa mga panahong tayo’y sakop pa ng Espanya. Arkitekturang nagpasikat sa bansang Pilipinas, sapagkat ito’y natatangi sa Asya. Kaya naman hindi nakakagulat na napasama sa ‘7 Wonders of the World’ ang Vigan, na aming binisita noong Hunyo 12, 2022.
Sanggunian ng larawan: https://www.worktravelshoot.com/2015/09/vigan-heritage-village-quick-look.html
Bilang kabataan na mahilig sa kasaysayan, hindi lamang ng ibang mga bansa, ngunit lalo na ng sariling bansa, isa ang Vigan sa mga lugar na aking nais mapuntahan. Kaya naman laking tuwa ko nang ito ay matupad. Ito ang lahat ng mga pook na aming binisita sa Vigan, Ilocos Sur na aking mairerekomenda sa iba pang nagnanais bumisiti dito.
***
Sanggunian ng larawan: http://www.thechroniclesofmariane.com/2016/07/Vigan-Ilocos-Sur-Travel-Guide.html
Sa pagsisimula ng aming paglalakbay, ang unang lokasyon na aming pinuntahan ay ang Vigan Cathedral o mas kilala bilang Metropolitan Cathedral of the Conversion of St. Paul the Apostle is a Roman Catholic Cathedral upang makapagsimba habang kami’y bumibisita sa Vigan. Nakagawian na ng aking pamilya na dumalo ng misa sa mga lokal na simbahan. sa ganitong paraan, nagkakaroon kami ng ideya sa kanilang mga nakasanayang ritwal ng misa.
***
Sanggunian ng larawan: https://www.dreamstime.com/landscape-plaza-burgos-vigan-city-ilocos-sur-landscape-plaza-burgos-vigan-city-ilocos-sur-philippines-image238085302
Matapos ang misa, kami'y dumiretso sa Plaza Burgos upang makapag-almusal muna, kasama na rito ang kaunting pamamasyal at pagpapahinga dahil kami'y napagod sa mahabang byahe patungo rito. Ang pangalan nito ay nagmula kay Jose Burgos, isang pari na pinaratangan at pinatay noong panahon ng mg Espanyol. Kaya naman ang plaza na ito ay nagsisilbing pagpapasalamat at pagbibigay galang sa kanya.
***
Sanggunian ng larawan: http://philippinesplace.blogspot.com/2010/08/crisologo-museum.html
Matapos ang maikling pagpapahinga sa Plaza Burgos, kami'y nagtungo sa Crisologo Museum; ang tahanan ng mga memorabilia ng kasaysayan. Isa ito sa aking mga paboritong pinuntahan sa Vigan, sapagkat dito ko nakita ang iba't ibang kagamitan na siyang naging parte ng ating kasaysayan.
***
Sanggunian ng larawan: https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/best-vigan-restaurants
Kami'y nagtanghalian sa Casa Vicente Restaurant. Dito makikita ang mga putaheng orihinal sa Ilocos Sur lalo na ang kanilang empanada na siyang dinadayo. Ngunit may kamahalan ang mga bilihin kaya para sa mga turistang nagbabadyet, mukhang hindi ito ang para sa inyo.
***
Sanggunian ng larawan: https://porkintheroad.blogspot.com/2016/12/the-enduring-heritage-of-burnay-pottery.html
Matapos ang napakasarap na tanghalian, sinubukan namin ang ilang aktibidad sa Vigan, tulad ng pottery sa Pagburnayan Jar Factory. Dito nasubukan ang aming kakayahang pansining. May iilan sa aking mga kasamahan ay nahirapan na ginawang katatawanan ng grupo. Dahil rito, masasabi kong ito ang pinakamasayang gawain na aming ginawa sa Vigan.
***
Sanggunian ng larawan: http://www.wolffchronicles.com/2014-2/july-2014/july-11-2014/
Ang huli naming pinuntahan ay ang pinakahihintay ng lahat na Calle Crisologo. Ito ay sikat sa preserbadong arkitekturang Espanyol na siyang dinadayo ng parehong mga Filipino at mga Banyaga. Lubusan akong namangha sa ganda ng mga detaly ng bawat estraktura. Nakakagalak isipin na sa kabila ng mahabang panahon, ang mga establishimento ay nananatili pa rin.
***
Dito nagtatapos ang aking lakbay sanaysay. Ako'y umaasa na kayo ay bumisita sa Vigan, Ilocos Sur upang masaksihan ang ganda ng tahanan ng arkitekturang Espanyol.
6 notes
·
View notes
Text
Lakbay Sanaysay – Ang Dalampasigan sa Morong
Noong ika-22 ng Mayo, taon 2021 ay pumunta kami sa Morong Bataan. Kasama ko ang aking pamilya noong nagpunta kami sa isa sa mga dalampasigan ng Morong. Maaga akong gumising upang mag-ayos ng aking mga kagamitan na dadalhin sa aking paglalakbay. Matapos iyon ay kaagad na kaming lumisan sa aming tahanan upang magpunta sa aming patutunguhan.
Halos kumulang dalawang oras bago kami makarating sa aming destinasyon. Nang kami ay makarating na, kaagad kaming tumuloy sa aming silid upang ibaba ang aming mga gamit. Tanghali na nang kami ay makarating kaya nagpasya ang aking mga magulang na magtanghalian muna bago kami dumiretso sa dalampasigan. Sa sobra kong pananabik, hindi ko napigilan ang aking sarili at bumaba ako para tingnan ang dalampasigan. Sa aking paglabas ay bumungad saken ang nakakasilaw at nakakasunog ng balat na sinag ng araw. Kasabay nito ang pagsalubong saakin ng napakalakas ngunit napakalambing na yakap ng simoy ng hangin. Maririnig mo rin ang tunog ng mga naghahampasang alon at ang mga ingay ng mga taong masayang nag-e-enjoy sa kanilang pamamalagi sa dalampasigan ng Morong. Ako ay lalong nanabik sa aking Nakita ngunit matapos nito ay kaagad na akong umakyat pabalik upang magtanghalian.
Matapos magtanghalian ay sinabihan kami ng aking ama na magpahinga muna o magpababa ng kinain bago lumangoy at maglaro sa dalampasigan. Labag man sa aking kalooban ay sumunod parin ako dahil ito ang makakabuti saakin. Habang naglilibot sa loob ng hotel, natanaw ko ang mga istante ng libro kung saan nakita ko ang libro tungkol sa kasaysayan ng Morong. Kung titingnan naman natin ang kasaysayan ng Morong, Bataan, ayon sa aking nabasa, ang salitang Morong ay nagmula sa salitang Espanyol na moron. Ang ibig sabihin ng moron ay "isang hangal na tao" o "isang hangal na lugar." Mabuti nalang at sumang-ayon ang Kongreso na palitan ang pangalan ng Moron, Bataan. Si Pangulong Ramon Magsaysay mismo ang naglabas ng Executive Order Blg. 4, na pinalitan ang pangalan ng Moron, Bataan at gawing itong Morong, Bataan. Marami akong natutunan sa libro na iyon ngunit dali dali na akong bumalik sa aming silid dahil baka hinahanap na ako ng aking mga magulang.
Matapos ang pahinga ay bumaba na kami upang enjoyin ang kagandahan ng dalampasigan. Kami ng aking mga kapatid ay naglaro ng buhangin sa tabing dagat. Matapos noon ay naglaro kami sa mga alon. Sumakay rin kami sa bangka kasama ang aking pamilya. Isa sa aking masasabi ay nakakahilo ang mga alon ng dagat kapag ikaw ay nakasakay sa bangka. Ngunit hindi ako nagpatinag sa nakakahilong alon, patuloy parin akong nageenjoy sa aking mga nakikita. Marami akong nakitang mga iba’t - ibang uri at kulay ng isda. May mga nakita rin akong pawikan, kung saan sikat at kilala ang Morong Bataan. Marami rin akong nakitang dikya na palutang lutang lamang sa dagat. Dumaan kami sa isang kweba kung saan ikaw ay pwedeng mag dive at lumangoy sa loob nito. Ngunit dahil sa malalakas na alon ay nagpasya kaming huwag nang bumaba.
Matapos iyon ay bumalik na kami sa dalampasigan upang masaksihan ang paglubog ng araw. Sa paglubog ng araw, makikita mo ang repleksiyon nito sa dagat na nakapagdaragdag ng kagandahan nito. Ako ay nabighani at namesmerized sa tanawing ito. Pinanood ko ang paglubog ng araw habang dahan-dahan itong nagpaalam saakin. Kumagat na ang dilim at kami ay bumalik na sa aming silid. Sa aking sobrang pagod, agad akong nakatulog ng mahimbing. Hindi man dito nagtatapos ang aking magagandang karanasan, ngunit masaya parin ako dahil marami akong natutunan at naranasan na kalianman ay hindi ko malilimutan.
Ang tabing dagat sa Morong, Bataan ay isa lamang sa mga lugar na aking napuntahan na sobrang memorable para saakin. Dito ako unang nakaranas na sumakay ng bangka at marami pang ibang karanasan. Sa aking paglalakbay sa lugar na ito, masasabi kong masaya at nakakapagod ang aking karanasan dito at nais kong bumalik at maulit muli ang karanasan na ito.
2 notes
·
View notes