Text
Vigan: Ang Tahanan Ng Arkitekturang Espanyol
Karamihan sa mga impluwensya ng mga espanyol ay unti unting nang naglalaho sa pagdaan ng panahon. Sa kabila ng kultura at lengguwahe na nanatili sa bansa, marami pa rin ang tila’y kinalimutan na. Isa na rito ang arkitekturang naging prominente sa mga panahong tayo’y sakop pa ng Espanya. Arkitekturang nagpasikat sa bansang Pilipinas, sapagkat ito’y natatangi sa Asya. Kaya naman hindi nakakagulat na napasama sa ‘7 Wonders of the World’ ang Vigan, na aming binisita noong Hunyo 12, 2022.
Sanggunian ng larawan: https://www.worktravelshoot.com/2015/09/vigan-heritage-village-quick-look.html
Bilang kabataan na mahilig sa kasaysayan, hindi lamang ng ibang mga bansa, ngunit lalo na ng sariling bansa, isa ang Vigan sa mga lugar na aking nais mapuntahan. Kaya naman laking tuwa ko nang ito ay matupad. Ito ang lahat ng mga pook na aming binisita sa Vigan, Ilocos Sur na aking mairerekomenda sa iba pang nagnanais bumisiti dito.
***
Sanggunian ng larawan: http://www.thechroniclesofmariane.com/2016/07/Vigan-Ilocos-Sur-Travel-Guide.html
Sa pagsisimula ng aming paglalakbay, ang unang lokasyon na aming pinuntahan ay ang Vigan Cathedral o mas kilala bilang Metropolitan Cathedral of the Conversion of St. Paul the Apostle is a Roman Catholic Cathedral upang makapagsimba habang kami’y bumibisita sa Vigan. Nakagawian na ng aking pamilya na dumalo ng misa sa mga lokal na simbahan. sa ganitong paraan, nagkakaroon kami ng ideya sa kanilang mga nakasanayang ritwal ng misa.
***
Sanggunian ng larawan: https://www.dreamstime.com/landscape-plaza-burgos-vigan-city-ilocos-sur-landscape-plaza-burgos-vigan-city-ilocos-sur-philippines-image238085302
Matapos ang misa, kami'y dumiretso sa Plaza Burgos upang makapag-almusal muna, kasama na rito ang kaunting pamamasyal at pagpapahinga dahil kami'y napagod sa mahabang byahe patungo rito. Ang pangalan nito ay nagmula kay Jose Burgos, isang pari na pinaratangan at pinatay noong panahon ng mg Espanyol. Kaya naman ang plaza na ito ay nagsisilbing pagpapasalamat at pagbibigay galang sa kanya.
***
Sanggunian ng larawan: http://philippinesplace.blogspot.com/2010/08/crisologo-museum.html
Matapos ang maikling pagpapahinga sa Plaza Burgos, kami'y nagtungo sa Crisologo Museum; ang tahanan ng mga memorabilia ng kasaysayan. Isa ito sa aking mga paboritong pinuntahan sa Vigan, sapagkat dito ko nakita ang iba't ibang kagamitan na siyang naging parte ng ating kasaysayan.
***
Sanggunian ng larawan: https://guidetothephilippines.ph/articles/what-to-experience/best-vigan-restaurants
Kami'y nagtanghalian sa Casa Vicente Restaurant. Dito makikita ang mga putaheng orihinal sa Ilocos Sur lalo na ang kanilang empanada na siyang dinadayo. Ngunit may kamahalan ang mga bilihin kaya para sa mga turistang nagbabadyet, mukhang hindi ito ang para sa inyo.
***
Sanggunian ng larawan: https://porkintheroad.blogspot.com/2016/12/the-enduring-heritage-of-burnay-pottery.html
Matapos ang napakasarap na tanghalian, sinubukan namin ang ilang aktibidad sa Vigan, tulad ng pottery sa Pagburnayan Jar Factory. Dito nasubukan ang aming kakayahang pansining. May iilan sa aking mga kasamahan ay nahirapan na ginawang katatawanan ng grupo. Dahil rito, masasabi kong ito ang pinakamasayang gawain na aming ginawa sa Vigan.
***
Sanggunian ng larawan: http://www.wolffchronicles.com/2014-2/july-2014/july-11-2014/
Ang huli naming pinuntahan ay ang pinakahihintay ng lahat na Calle Crisologo. Ito ay sikat sa preserbadong arkitekturang Espanyol na siyang dinadayo ng parehong mga Filipino at mga Banyaga. Lubusan akong namangha sa ganda ng mga detaly ng bawat estraktura. Nakakagalak isipin na sa kabila ng mahabang panahon, ang mga establishimento ay nananatili pa rin.
***
Dito nagtatapos ang aking lakbay sanaysay. Ako'y umaasa na kayo ay bumisita sa Vigan, Ilocos Sur upang masaksihan ang ganda ng tahanan ng arkitekturang Espanyol.
6 notes
·
View notes