#namiss daw nila mga ganto ko
Explore tagged Tumblr posts
mapungayy · 16 days ago
Text
tapos ko na lutuin yung chili garlic naka 10 tub dn ako, bukas ubos to.
0 notes
being-in-the-mom3nt · 2 years ago
Text
ZAMBALES 2023! 🫶🌊☀️🥂🎶
Unang dagat sa 2023!
Feb 18-19, pre-bday celebration ko na to with friends. Sa totoo lang, gusto sana namin to biglaan bago ang birthday ko. Pero that week rin ay sobrang hectic ng sched ng ibang friends, at bonus na nakapasa ng job interview si Pao. So na move and sa wakas natupad din ang drawing! Kinaumagahan nung alis di ko sila nirereplyan agad kasi nagprep and gawa ako ng spam musubi. Ang epic lang kasi sinubukan ko yung may cheese on top, e nagmamadali na ko since malelate na kami, ayun di ko napatay agad sa oven. Natosta yung ibabaw hahaha pero masarap pa rin. Then nung otw na, yung pinaka mahalaga pa talaga na tent nakalimutan ko! So bumalik pa kami ☹️🥺
Sobrang thankful ako kasi I'm with friends na super love ako. Di lang yung sumama sa Zambales, even them na hindi present sa vid. Love na di man verbally, pero feel na feel ko to the point na kahit di ko sila laging kasama ay mga good memories (na may kalokohan syempre) at laughtrips ang naaalala ko. Yung pag magfaflashback sobrang matatouch ako even sa small things they did to me. Dito pala sa trip namin, ang bait ni Soj kasi sa pagda-drawing pa lang ang dami na niyang suggestions. siya din usually nag iinitiate ng mga magandang gawin at puntahan. Tho nakakahiya, kaya sa tent pitching ako naman tumoka. Nagkaconflict nga lang sa bahay (samin na lang sorry), pero tinuloy pa rin namin. Ayun worth it naman hahahaha
More on tambay sa tabing-dagat, nagtayo ng tent, magbasa/chika, maligo sa dagat, abangan ang sunset, lakad-lakad hanap ng food, magkape! At magukulele jam sa gabi, picture here and there. At pinakilala pala kami nila ate Mabel and kuya Rodel sa asosasyon ng mga riders (EAGR) na inisponsor-an namin dati ng mga baked products ko nung active pa rin ako magbake. Bigla ko tuloy namiss maging busy at gumawa ng cookies tyaka banana cake! Anywaaayyy parang for me that time, maliit na bagay lang yun. Nahiya nga ko kasi yun lang naambag ko. Tapos ayoko rin sana magpakita hahaha medyo di na ko sanay makisalamuha masyado sa mga bagong tao. Pero naibroadcast na daw na ipapakilala ako ganun e baka sila ate at kuya naman yung magmukhang sinungaling dun kaya ayun nagpakita ako. Pero syempre nagpasama ako kila Pao and Soj. Grabe din nun kasi nag iinuman sesh kami nung gabi, tapos ang layo pa nung resort na venue nung sa EAGR. Tanggal amats namin e nagising sa lakad hahahahaha tapos kaliwa't kanan yung soundtrip mga parang bar na may nagpeperform, or parang iba chill lang, yung ibang group may dalang speaker pa tapos inuman lang din.
Tapos ang galing kasi saktong bago kami magpakita, konting steps na lang biglang may fireworks! Ang galing nung timing kasi ang lapit talaga namin and ilang seconds before kami iintroduce nung nagstart yun. Feeling ko para sakin yun e kasi magbibirthday na ko HAHAHA char. Nung New Year di ako nanood ng ganun. Kaya ang amazing.
Nung pinakilala na kami, nahiya ako kasi pinakausap sakin yung president ata nun and may isa pang di ko na matandaan pero kinakausap ko rin out of courtesy. Medyo tanders na sila pero nakakatuwa na parang kinakausap nila akong madam ganun hahaha tapos ako na medyo di prepared, kino-compliment ko naman sila tyaka encourage na magkaroon pa ng maraming projects since mahilig din sila tumulong sa komunidad. Naappreciate ko naman din yung pag welcome tho habang tumatagal kami dun, paulit-ulit lang yung usapan na sa ganto ganyan magandang pumunta sa Zambales. Buti to the rescue sila kuya Rodel and Pao hinila na ko sa usapan kasi di ako talaga marunong mag cut ng convo hahahaha. enjoy naman talaga, yung paghiga lang namin sa tent na hindi pantay dahil wala kaming sapin + magdamag nagkakaraoke sa kabilang resort at hilik ng kapit-bahay HAHAHAHA.
Sa food, nasulit naman, sakto lang yung prices unlike Elyu na mas mahal para sakin. Yung pag stay namin over all satisfied ako kasi yung shared bathroom nila madami at di pahirapan kung pipila. Yun lang medyo malayo sa location ng tent pero sa ambiance (sunset! Winner talaga) at basta friends kasama mo hindi talaga nakakaboring.
P.S.
Medyo nagpanic kami nung pauwi kasi nung dumaan kami sa duty free sa Subic, nilapitan kami nung traffic officer nila dun at pinagilid yung sasakyan. pero nalusutan po ng aming team 😆. Yung mga chocolates naman sabi mura daw dun, parang konti lang difference. Smooth naman yung byahe tyaka puro kami stopover ihi break at para lang bumili ng pasalubong at tupig!
Grateful for the friendships and sana more travels to come!
1 note · View note
annetanga · 5 years ago
Text
February 7, 2020
40th Monthsary gone wrong. Umuwi ako laguna for him. Kasi ang tagal na namin hindi nagkikita. Ang dami niya dahilan kesyo sa nCov or etiher wala siyang pera. Kaya ako nalang. Pagbaba ko bus nakita ko na siya agad. Syempre nakamask siya. Bago pa ko magsalita alcohol agad bungad sakin. Masakit kasi nung naghihintay kami ng jeep ang sungit niya. Tapos lagi niya ko pinagmamadali maglakad kasi gawa ng jeep. Ang ayoko lang iniiwan niya ako sa likod. Na dati hindi niya ginagawa. Hindi man lang niya ko hawakan sa kamay. Talagang literal na iwan. Pano nalang kung nawala ako sa likod niya. baka siya pa galit? Nung time na to dami ko naiisip kung bakit siya nagbago. Akala ko nga pagkakita niya sakin ngingiti siya. Bagkus simangot lang . Buong byahe di kami gaanong nagusap. Takot din ako kasi isang tanong ko lang sisigawan nako. Simpleng tanong lang parang ang laking mali para sakanya. kaya nanahimik nalang ako. Naiiyak at naiisip ko bakit naging ganto. Pagdating sa Mcdo :( As usual masungit pa din. Feeling hindi namiss, hindi special, hindi girlfriend. Fastforward >> Sa bahay nila. ok ok naman. Kain kain. At hanggang hiniram ko cp niya. Tinignan ko history niya. Laking gulat ko may twitter??? Grabe. Pagbukas ko its alleah. Hahaha. Exit ko na sana kasi hindi naman niya finafollow. Pero ung instinct ko sinabing tignan ang messages. At dun ko nakita LAHAT LAHAT na panloloko niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Reality hits me. Naisip ko kaya siguro ganito na niya ako cold tratuhin dahil may iba na. Lalo nung nakita ko ung pictures nila? Na MASAYA? Sobrang sakit na napatanong ako sa sarili ko kung pangit nako, pangit at kapalit palit. Anong kulang sakin para ako lokohin? Binigay ko naman lahat pero INULIT NIYA NANAMAN FOR THE 4th/5th Time. Sobrang sakit. Tapos umamin pa siya kung anong mga ginawa nila. Para kong pinatay ng paulit ulit. Ung sabi nila hindi naman ako dapat mainsecure sa iba kasi nasakin na daw lahat. Mabait, mapagbigay at grabe kung magmahal. Loyal pa. Pinaramdam niya sakin ganon maging walang kwenta. Basta. Hindi ko na alam ayoko na. Buong gabi lang kaming nagiyakan. Tapos siya masakit pa tiyan. Parang required kapang alagaan siya kahit niloko ka na at ginawang tanga. Bonus na ung 3hrs kong sleep dito. Buti nakatulog pa rin. At kinabukas mejo naguusap na kami. Para bang naprogram nanaman sa utak ko na papatanga ka nanaman o tapusin na. Sa totoo lang nalilito na din ako sa sarili ko. At may nalaman nanaman akong may tinatago pa pala siya. Un ay ang pagsama niya pa sa Ek kahit nandon ung babaeng un. At pakikipagkita sa mga kaibigan niyang dapat matagal niya ng wala. Ng dahil sa twitter ganto nangyari. "Ngayon pa talagang nagrereview ako?" Ang sakit para sakin bakit natempt siyang imessage ung babaeng sumira ng lahat sakin. Sumira ng tiwala sa sarili ko. Sa relasyon namin. Naiiyak nanaman ako habang tinatype to.. Kasi last year ganto din halos. Mas MALALA lang ngayon. Whats more pa :( ~ Sa ngayon naguusap pa rin kami. Sabi niya magbabago na DAW talaga siya at magpapakatotoo. Pero unlike my last posts here. Baka after 1week balik na sa dati. Naiiyak ako sa katangahan ko. Pero promise ko sa sarili ko na hindi niya nagawang maging consistent ngayon sa sinasabi niya papatayin ko nalang sarili ko. Kahit mahirap at masakit. Pagod na pagod nako. At hindi ko na alam kung tama paba to....
3 notes · View notes
goldengoateee · 6 years ago
Text
DRACARYS
may 20 2019
Last episode of game of thrones, the finale. Eto na yung finale ng GOT na hindi ka hype hype, nice. E kase naman ang daming spoiler.
Okay, so gumising ako around 10am may muta may dry na laway at gutom na gutom. Gusto ko puntahan si Jang kase kukunin yung clearance para mag pa sign sa arki. Kaso nga lang tulog pa sya or nag bolong sya with her family kase andyan din si Chato and family from davao. So I decided na antayin sya magising para malaman ko if ano ba talaga gagawin. Im shy kasi na mag go dun and tulog pa si Jang.
Nagising na si Jang and I started na mag ready maligo and all and magbili whiskas for her baby juancho, her cat btw. Dumating ako dun and nakita ko si Jang nasa store. Nung nakita ko sya akala ko naligo na sya nun and nka pag ayos ng sakto. Kase gandang ganda ako sa kanya nung nakita ko sya that time. I mean nagagandahan talaga ako sa kanya man pero di ko lang sinasabi sa kanya kasi ayaw nya maniwala??? ewaann di ko alam ee  if maniwala ba sya or not pero nagagandahan talaga ako sa kanya, I swear. Bahala na kayo di maniwala na si maganda si jang mukhang suwang kayo ni thanos. Okay so, pagdating ko nag bantay kami sa store with reymar yun kasi dumating din sya pra manood ng GOT fucking finale. Theeeeen yung papasok na sana kami sa bahay kase tapos na mag duty si jang. Timing andun umupo si kuya Ken sa labas ng store which is asawa ni Diche/Chato ate ni jang. Gusto ko talaga makipag chika2 sa kanya, so thats the right timing.
Okay fast forward. Nanood na na kami ng GOT and fast forward again namatay si Dany, wow watta story. Annndd nakita ko si Jang umiiyak na. Dun palang namatay si Dany naiiyak na ako and nakita ko pansi Jang iyak ng iyak mas nagiging water eyes ko, sheet. Pinigilan ko lng self ko and nag try ako mag comfort kay jang pero tinaymingan ko lang ang hawak, kase andun si kuya Geh andun si miko andun si rey andun si Inoh, like baka ano isipin nila ._. (di na ako mag explain kung sino2 yan sila)
And right after nun natapos yun 6pm plus siguro tapos nag paalam na kami ni rey umuwi. fast forward umuwi na ako lagpas na ako ng footbridge, naglakad lang yun ako that time kase wala na  masyado bike ganung oras din. Bigla nag chat si Jang na balik daw ako sa kanila para mag eat, sabi ni Diche tapos nagulat ako kasi first time yun na umuwi na ako tas ipabalik ako, ako nun like wow na touch yun ako sa moment na yun. (shet naiiyak ako i mean atm while typing this hahahaha) So ayun nag isip ako if babalik paba ako kase nahihiya talaga ako. Btw pina tikim ni kuya Ken yung bbq na gawa nya before ako umalis, grabe ang sarap. Back to the topic, nahihiya talaga ako kasi, pero ayaw ko mag decline sa mga offers sa family ni jang din. Kasi ang reason is makahiya nga nag offer ang tao and idecline mo so just grab it nalang diba and I enjoy ang moment.
So bumalik ako going kila Jang yung andun na ako aa road papasok kila jang, mix feeling yung na feel ko @@ like shet ano gawin ko entrada pagbalik ko ano sasabuhin ko right after pagharap ko dun sa store, ichachat ko ba si jang para lalabas sya? para sunduin ako? And di lang yun ang nasa isip ko. Pumasok sa isip ko na namiss ko talaga family ko na kumpleto kami, that moment na naisip ko yan naiiyak ako palapit sa gate nila Jang. Like naiiyak ako na totouch ako and all and feeling grateful kasi tanggap ako ng family ni Jang and it means a lot para sa akin. (shet umiiyak ako now btw).  Like di ko yan na feefeel sa sarili ko na family dito sa zamboanga sa side ni papa feeling ko si ako tanggap. Yan sarili ko na kadugo di ko lang man na feel na napaka open sa akin di same sa na feefeel ko sa family ni Jang, kaya napaka grateful ko talaga it means a lot sa akin. So yun watery eye ako nung andun na talaga ako sa harap  ng store ang ginawa ko is "Buuuweeenas" with smiling face pero umupo ako sa bench agad pinahid ko  watery eye ko. Like shet, no dont cry Jowzef naiiyak kana kanina nakita si jang naiiyak nanaman ako ulit that moment aa labas ng store and ngyon naga type sa mga words nato umiiyak na talaga, aaaahhh im just so happy. Yung pumasok ako sa store nag chika kami ni jang and naiiyak ako bigla nung na realize ko na ang bait ng ate ni jang, like 1st time kasi yun nangyari na umalis na ako and pinabalik ako para mag dinner, like happy talaga ako. Di yun normal dinner lang din kasi kasi andun si Diche and family nya and family ni jang and mga kasama pa sa bahay like feeling ko kasama din ako sa bahay na yun feeling ko member din ako ng family, like im so happpyyy super. Like nag lalakad yun ako pauwi sa bahay naiisip ko, okay back to solo flight sa bahay, pero no pinapabalik ako para mag dinner kasama ang parang second home ko na, yes second home yan na feefeel ko pagnasa kila jang ako feeling ko nasa bahay lang din talaga ako. And yun after ng kainan is nag kwento ako with kuya geh and mama ni jang. Like yun ang pinakamatagal na chika namin sa mama ni jang kasi nahihiya talaga yan ako sa mama nya. Like grabe the way magsalita mama ni jang is parang close lang kami ba :<<< like happy talaga ako. Then dumating papa ni jang nag expect ako na may sasabihin sa akin pero wala naman. Natuwa naman ako dun na wala syang sinabi i mean gusgo ko mag kwento kami  pero okay na yun wla sya sinabi. natatakot kasi ako sa papa nya *insert nervous laughter* hehe. Tapos hinatid ako ni kuya geh pauwi. 
Then fast forward, like atm. Sinulat ko to kase gusto ko to ikwento ni jang pero di ko alam paano annnd isang reason is na badtrip sya sa akin. like dun ako nag start naiiyak na like kanina lang before ako nag sulat neto. Naiiyak ako and na guiguilty kase na sasad na nga ang tao dumagdag pa ako ba. I could have done better ba. Sa mga words ko :< 
Sinabi ko sa kanya kanina na ang ganda ng day ngayon pero pangit talaga nangyari before kami matutulog. 
Aannd thats it. First time ko gumawa ng ganto like ganto kahabang kwento so yun, thats it na.   
Ang title dracarys is because dany died, big deal din yun so dont bother na to fight me sa title kase, thats her favorite GOT character. HER. wala na ako ibang HER, si Jang lang, kaya dont fight me.
Fuck you suwang ni thanos.
1 note · View note
cbg-eja · 4 years ago
Text
Friday - September 4 - Day 7
BIEN: 3:00 am nagising ako then nag text ako sayo about sa pag lipat ko around 3:41 am alam mo naman na yung sinabi ko na ang laking pag babago sakin to and I want you to know and be part of it. You’re very special kaya sakin kung gusto mong balikan text ko ito yun:
“Hi d, good morning! I just want you to know that I’m moving na sa San Ildefonso, Bulacan on September 14, sinabi ni Boss Rene to kahapon at gustong gusto ko na sabihin na sayo and ikaw ang unang makaalam the moment na sinabi nya yun but nahihiya talaga ako mag text or mag chat cause of our situation, ngayon lang ako nag karon ng lakas ng loob. Nag pahanap na ako ng apartment dun and mag lilipat na ako on September 13 ihahatid naman ako ni papa. Hindi pa naman ako SMFI but pinapadeploy na ako dun until maturnover si Tarlac Production sa SMFI dun palang effectivity na magiging SMFI ako basta sabi ni Boss Rene pag may kailangan sya na hindi nila kaya pabalikin nya daw ako Hahaha yun lang naman, naisip ko lang kasi parang ang laking pag babago sakin to and I just want you to know and to be part of it. I really miss you. This is just an update no need to reply.
PS: dadalhin ko yung binigay mong kape sa Bulacan ah pero di pa napunta si Sir Buen e kaya hindi ko pa nakukuha”
Nagulat lang ako kasi nag reply ka agad tas kinamusta kita then nag send ka ng link ng Tumblr alam mo naman my thoughts on that ito yun kung gusto mo balikan d, tas nakakarelate din ako sa mga nakalagay dun yung ayaw pa mag basa ng convo sa Viber dahil masasad, nag work out din ako Hahaha 😂
“Binabasa ko yung mga nakalagay sa sinend mong link sa tumblr and hindi ko maiwasang ma sad, maluha and matuwa. I hate na hindi kita macomfort when you having a hard time lalo na sa work. Di naman natin maiiwasan sa work yun d turo sakin ni Boss and yun naman ginawa mo na nag sabi ka kila Ate Jess and Ate Carol but mas maganda siguro if sa immediate superior mo ikaw mag sabi, pag nahihirapan na ako wag na wag kong kikimkimin, ipaalam ko daw sakanya agad kasi kapag kinimkim ko daw yun at nag ka problema mas lalo daw ako mapapahamak so mas maganda na sabihin na may problema or nahihirapan ako para maaga palang magagawan na ng paraan pero syempre gawin muna natin lahat ng makakaya natin before telling our higher ups maiintindihan din naman nila yun because nanggaling rin naman rin sila jan. Alam kong kayang kaya mo yan d. I believe in you, you can do it! Wag kalang mag paapekto sa ibang tao, just do you and wag ka mahiya mag sabi sa mga higher ups mo oke? Wag ka mag alala sakin inaalagan ko sarili ko ne ikaw jan mag iingat ka lagi at pansin ko late kana umuuwi from work basta mag iingat ka lagi sa pag uwi and don’t forget to wear your glasses. I can’t stop thinking about you. Miss you ulit d. Kung may gusto ka namang ipaalam or itanong kagaya nung bracelet idaan mo sa story sa ig di ba may pool dun Hahaha
”Super sad nung IDK You Yet na song d nakakaiyak Hahaha tas di na pala ako nakatulog nun simula nung nagising ako then shinare ko din yung Day 1 sa diary ko. Your thoughts please Hahaha
Saw your ig story yung convo nyo ni Pau yung may video ka na parang minimiddle finger mo sya Hahaha sabi ko ano kaya pinag uusapan nitong mga murit na to Hahaha 😂 then yung story mong parepareho kayong naka black and yung note sayo ni Ate Carol which is relatable Hahaha basta lagi ko inaabangan kung ano ganap sayo d para di kita masyadong mamiss
Nag email ka pala today sakin regarding additional quotation sa Sumilao. Lagi ako napapangiti pag nakikita ko pangalan mo sa email ko hayyss kakamiss ka
Finished S5 today S6 naaaaa balak ko simulan pag nakalipat na akong Bulacan para iwas mabaliw Hahaha 😂
Ayun nag post ka sa tumbler na late kana nakauwi then yung na feefeel mo yung parang 1st week of ecq, yung song na Tryng My Best grabe nakakaiyak di ko kayang pakinggan ng paulit ulit and as always I wanna hear your stories and comfort you pero di ko magawa hays nakakasad ☹ namimiss talaga kita sobra
Nag text ka ng 10:44 pm na gusto mo makipag usap and we talked more than 4hrs. 10:49 pm up to 3:00 am and sinabi ko narin sayo my thoughts on this ito yun d:
“Nag papasalamat talaga ako at nakapag usap tayo. I really needed that to survive. Sana naman wag ka masyado mag pa stress sa work d para hindi ka nahihirapan, alam mo namang nahihirapan din ako pag nakikita kang nahihirapan. As always, alam kong kayang kaya mo yan, you can do it! fight fight fight lang tayo neee. Osige na good night d!
”Gusto ko lang din sana sabihin sayo na naiintindihan ko yung sinabi mong iniisip mo rin mararamdaman ng ex ko pag agad nating tinuloy to kaya din natin ginagawa tong one month and ugali mo naman talaga yun d and turo din ni mama mo yun kaya I’m patiently waiting lang talaga until such time na di mo na iisipin yun and don’t worry about me moving on sakanya alam mo naman kwento namin d, hindi naman sa mabilis or madali but wala naman na talaga ako nararamdaman para sakanya.
Sobrang saya and thankful ako at nakapag usap tayo d namiss ko boses mo tawa mo pang aasar mo lahat!! Thank you talaga sana lagi ka pagod para makapag usap tayo Hahaha 😂 jk basta wag ka masyado mag pa stress sa work neee gisingin nalang kita bukassss wag mo silent phone mo muriiittt
----------------
DIANE: 10:09// Jgh potek, biglang nagPR for swab site ng Bataan at 5:30 kakastress. Friday pa. Nakakapagod nanaman. Ganto ung feeling ko nung 1st weeks of ecq, the stress in consuming me and I’m dead tired. Thank God for ate carol and ate jess, ang hirap ng walang boss haha. At the end of the day iniisip ko na lang you’re cheering me up. Read your message again kaninang umaga and somehow I felt okay. Thanks for messaging me b, my heart is full and I really appreciate it. I wanna hear your voice but i gotta deal with my own shit hayyy i wanna breathe
0 notes
rig0 · 8 years ago
Text
ang lakas ko uminom pero sobrang bihira lang ako maging wasted. so dahil nag celebrate ng birthday yung batchmate ko noong high school, nagkaayaan kami na pumunta ng antipolo. wala namang bayad at libre lahat. may sasakyan, kumpleto ang pagkain, may alak siyempre at may yosi. at dahil nga wasted ako kagabi, gusto ko lang i-share mga kagaguhan ko na sobrang nakakahiya tangina ko diba. at oo, naaalala ko lahat kaya hindi ko alam kung matatawa ako o ano.
1. ang dami kong pasa sa katawan dahil ilang beses ako nadulas sa sobrang kulit ko. tapos yung mga gago kong kasama tinawanan lang ako ng tinawanan.
2. may muntik na ako makaaway dahil tinatrash talk ko siya. ang hilig kasi mangealam sa trip ko anak ng pota sinabihan ko tuloy ng “bobo mo” haha tapos 3ggered siya ih. tho naging oks naman kami kasi nga close naman kami.
3. nilaklak ko na halos lahat ng mga hard liquor na walang chaser. fuck diba gusto ko lang talaga mag walwal ng sobra kaso nasobrahan ata.
4. tapos noong nakatulog na ako, tinatawanan nila ako ulit. bakit? dahil ngiti daw ako ng ngiti tapos umaktong may kahalikan ako. ang gago diba? pati ba naman sa panaginip laplapan pa rin iniisip ko.
5. dahil galing ng ibang bansa yung kaibigan ko, may mga chocolates siyang dala. tapos pinamigay niya sa amin at ang ending ako lang ang kumain halos dahil sarap na sarap ako eh. kaya eto ngayon may tonsillitis ako ngayon.
6. ginising na nila ako at sobrang bangag pa rin ako at gusto ko pa sana matulog kaso sinasampal na nila ako. (SOBRANG MAHIRAP AKONG GISINGIN I FUCKING SWEAR HAHA)
7. pagkauwi ko sa bahay bahong baho si mama sakin dahil nangangamoy alak daw buong pagkatao ko. (kahit naligo naman ako tangina hahaha ang lakas ng kapit)
8. at panghuli, kakagising ko lang kanina at masasabi kong sobrang saya kaso ang sakit sakit ng katawan ko. mukhang magkakatrangkaso pa ako pero k lang bihira lang naman ako magkasakit eh. 
yun lang, wala naman tong sense pero isa to sa mga moment ng buhay ko na itetreasure ko. aww qt ko haha bye. hay pero namiss ko si crush sa office hay bat ganto ang gulo dami ko iniisip habang nag sswim tapos pinapatungga lang nila ako ng pinapatungga. may isa doon suka ng suka yuck lang buti na lang ako kaya ko mag control. hindi ko lang talaga mapigilan na hindi mag kulit at magsabi ng kung ano ano haha gago ko. 
ps: kaya kayo pag iinom kayo dapat alam niyo pa rin yung ginagawa niyo. wag niyong idahilan na ganto at ganyan at siyempre mag control ok? tnx
43 notes · View notes
afoolwhoplaysitcool · 6 years ago
Photo
Tumblr media
saw this on facebook. i remember my jowa.
we had a fight (one of our worst fight, i think). away talaga to the point na nakipagbreak na ko sa kanya. and he hate that, ayaw niya nung mga impulsive break ups. para sa kanya, kapag isa sa amin nakipagbreak, that’s it. end. nakipagbreak ako and inaya ko yung guy bestfriend ko na uminom somewhere. nagmemessage siya sa akin, asking me kung hindi na ba kami mag uusap, hindi ako nagrereply. after non, 3 days hindi kami nag uusap. nagmemessage ako sa kanya, nagsosorry ako. i got no reply. syempre kinakabahan ako, kasi nga i know him, ayaw niya ng ganto. so, hinahanda ko na sarili ko na maybe tapos na nga kami.
third day ng hindi namin pag uusap, nagmessage siya sa akin nung gabi na may inom daw sila ng tropa niya, pinapaalam niya lang sa akin. dalawang jeep lang yun from our house. so ako tinake ko na yung chance na puntahan siya para makapag-usap kami. on my way there, nagmessage ako kung pwede ba kami mag-usap, sabi niya iinom daw muna sila. sabi ko sige, antayin ko siya. andun ako sa mcdo na malapit sa iniinuman nila, kinakabahan. sabi niya sunduin nalang daw niya ko. sabi ko wag na. but he insisted. umalis nalang ako ng mcdo, tapos naglakad na para salubungin nalang siya. nakikita ko na siya malayo palang. sobra na yung kaba ko. ineexpect ko na, na ang bungad niya sa akin is “ayoko na.” pa-iyak na ko. pero nung nasa harap na niya ko. hindi niya na ko pinagsalita. HE HUGGED ME SO TIGHT. tapos paulit ulit nalang siya na namiss niya ko. wala na ko nasabi, iyak nalang ako nang iyak.
i’m so lucky to have him. hindi niya ko sinusukuan kahit ganito ako. i’m the worst girlfriend, but he always choose to stay.
0 notes
nothin---g · 8 years ago
Text
June 5 2017
Actually tungkol sa kanya ‘to kasi yung ibang nangyari ngayong araw parang hindi magandang ikwento kasi alam mo yon nakakairita lang. So ayon tanggap na tanggap ko nang ‘friend‘ lang ang turing niya sa’kin or basta kahit ano man na hindi lalagpas sa gusto kong mangyare.
Recess non bumaba ako para chumika kasi ganto talaga pag babae kahit 1 month mo lang hindi nakita parang ang dami mo ng namiss. Habang kausap ko nga si friend nandun siya sa may pinto, aware akong napatingin siya sa’kin sabay pumasok siyang room. Paglingon ko sa loob ng room nila nakalingon siya sa’min so putangina kilig naman ang gaga pero hindi ko na siya ginawang big deal kumbaga sige ittry ko ng ikeep lahat sa sarili ko para hindi na ako umasang may ‘something‘.
Nung vacant, nilapitan ako nung friend ko sabi niya sa’kin “kio hindi kita pinapaasa sa sasabihin ko ha“ so nagtaka ako kung tungkol saan. Kinwento niya na nung pumunta siya sa section nila ano nagtanong siya sa kanya kung nasaan daw yung friend niya ang sagot daw ni ano “si kio?“. Nagtaka yung friend ko kasi hindi niya alam kung tinatanong ba daw non kung nasaan ako o ano pagtapos ngumiti lang daw, sabi ko na lang baka namiss ako as a friend or talagang magulo lang siya.
Uwian nung tumambay ulit ako sa room nila kasi nandon pa yung isa kong friend (lanjo daming friends) sabay ang daming beses na nagkatinginan kami aba’y gago pero eto malupet kinausap niya ako kasi natanong niya na yung dalawa kong kasama about don sa larong nilalaro nila sa loob, mga 2 beses nangyare. Doon sa pangalawa nasagot ko na yung tanong niya pati nashock ako kasi nasagot ko at nagkausap kami. Idagdag mo pa yung fact na kaya na namin ulit maging malapit sa isa’t-isa.
4 notes · View notes
falseq0d · 5 years ago
Text
time check: 3:11am
i don’t even know if this is right na i’ll post this pero kasi i’m kind of overthinking. actually, i’m crying right now as i type this. i just wanna write it here na lang kasi ang bigat sa feeling. as in ang bigat na ang hirap huminga. di ko nga alam bat bigla bumigat feeling ko eh. 
kanina kasi, i’m scrolling sa twitter. tapos, i saw this video. actually familiar yung mag-jowa na yun kasi nakikita ko sila sa tiktok. tapos ang cute kasi yung lalaki para siyang big baby eh. one second into the video, i immediately remembered celine. syempre, i messaged her agad pero kasi she fell asleep kasi masakit nga raw head niya. tapos idk what got into my mind pero i checked my wattpad again. tapos i just checked saglit yung inbox namin ni celine dun. after that, sa telegram naman ako nagpunta. and then i decided na balikan from the start yung conversation namin ni celine dun. nung una, wala pa ako masyadong nafifeel na heavy. i mean siguro dun lang na-trigger. 
syempre when a special person enters into your life, and then when the both of you felt that you have a mutual feeling, diba parang nasa honeymoon phase na rin ‘yun? i mean kahit na mutual understanding kayo, you both love each other eh. so syempre, that is telling something. anyway, i just got emotional nung nag backread ako saglit. mas natrigger yung heavy feeling ko lalo nung binalikan ko tumblr acc ni celine. i can’t explain this heavy feeling pero parang mixed emotions sya about different stuff eh. heavy feeling siya not because my thoughts are starting to eat me alive again, pero heavy feeling siya kasi i miss celine. it’s possible eh, you’re allowed to miss a person even though you’re with them naman. 
i want to try to organize my thoughts as i am writing this, but i think that i’ll just keep this disorganized. because my thoughts are disorganized right now. there’s so much that i want to say that i feel like i won’t be able to voice it all out. i want to write this all out on a paper but i just feel like it’ll take too much of my time. i’ll try to start my acads na rin kasi after this blog. 
nung una naman kasi, natutuwa pa ako sa mga nakikita ko. kasi parang nagbabasa ka ng transition ng relationship nyong dalawa. di ko alam kung ano meron sakin pero basta something triggered me. i felt this really heavy feeling in my chest that i didn’t know na i’m crying na pala. a lot of thoughts started to enter my mind. bigla ko naisip if napapasaya or napapatawa ko pa ba si celine just like before. alam ko naman kasi na sa lahat ng relationship, mayroong tinatawag na honeymoon phase eh. ‘yun yung phase na parang super clingy kayo sa isa’t isa. alam mo yung parang mawala ka lang saglit, miss niyo na isa’t isa ganun. celine kind of told me na she’s over that phase na raw. idk if she’s talking about the honeymoon phase exactly pero ayun yung naintindihan ko sa reply nya. bigla ko tuloy naalala yung sinabi ng prof ko sa ethics. sabi niya, kaya raw madalas nag aaway ang mga mag shota kasi mali yung sinasabi kadalasan. dapat daw kasi “ayun kasi yung pagkakaintindi ko sa sinabi mo” and sabihin and hindi “ayun kasi yung sinabi mo”. syempre nga naman kasi, magkaibang salita talaga yun. anyway hindi yung “maybe she’s over with the honeymoon phase” already yung thought na nakapagbigay ng heavy feeling. normal naman kasi ‘yun eh. ako minsan feeling ko tapos na rin ako sa phase na yan. ang paulit ulit lang kasi na nagrereplay sa utak ko ngayon yung thought na napapasaya/tawa ko pa ba si celine just like before. hindi ko rin alam kung bakit ‘yan yung naiisip ko eh. pero bigla ko lang namiss talaga kapag halos everyday, may blog siya about sa mga ginagawa namin. hindi naman yun yung main point ko pero parang ewan. di ko rin alam. sa totoo lang, minsan dun sa mga kwento niya ako bumabase kung gaano ko siya napapasaya. sobrang weird ng utak ko minsan ‘tol. pero mas pinapahalagahan ko parin yung mga small things. ewan ko, sobrang miss ko na talaga si celine. lalo na talaga kapag miss niya ako. or kapag kunwari, makatulog lang ako, sinasabi na niya na miss niya ako. idk what the fuck is up with my mind pero madalas nafifeel ko na talaga na nakakasawa na ako. or maybe she doesn’t love/like me that much na. since wala namang tao ang nakakaalam sa blog na to except celine, mas dadagdagan ko pa mga sasabihin ko. idk din naman if binabasa pa ni celine mga blogs ko. feel ko kasi lately, hindi na. anyway simula nung nalaman ko na nag-uusap pa rin pala sila ni seph, mas nag-ooverthink ako lalo. na baka kaya siya ganyan sakin lately kasi mas inaabangan niya si seph kesa sakin. or siguro mas narerekindle yung old vibe nila kaya ayan parang naiiwan na ako. minsan iniisip ko na lang na wala akong karapatan para maramdaman to pero kasi ang heavy talaga sa feeling. basta simula nung nalaman ko yun. alam ko rin na mali ‘to pero kasi nalaman ko ‘yan talaga nung nagstalk ako sa account ni celine sa twitter. triple yung sakit nun kasi una, nag uusap pa rin pala sila ng ex niya. eh ano laban ko sakanya diba? eto lang naman ako. masyadong mataas si seph sakin. pangalawa, kapag sa twitter niya pala, friend lang tingin niya sakin. i dont blame her kasi wala naman kaming label talaga pero kasi alam mo yun masakit pa rin. sa dump twitter ko kasi, grabe show off ko kay celine. di ko yun sinasabi sakanya pero as in grabe show off ko sakanya. yung mga taong nagfafollow sa account ko na yun, mga closest friends ko lang. alam kong wala ako karapatan pero masakit talaga sya kasi ang tingin nya lang sakin, friend nya lang pala. dahil dun minsan iniisip ko na siguro pag nakukwento ako ni celine sa friends nya, friend lang din ako. pero di ko na pinapansin yang thought na yan. pangatlo, eto yung pinakamasakit sa lahat ng nalaman ko, nagsasabi parin pala siya ng i love you sa ex niya. nawasak buong pagkatao ko. iba kasi tingin ko sa i love you. it takes some guts to say that. and you’ll say that pag love mo talaga person. nawasak din ako kasi parang may tweet akong nakita nun tas parang about sa pag live in, tas sabi ni celine sa ex nya “next year!”. eh sobrang sakit sa part ko kasi when i confronted her, sabi nya nga sa akin, naghihintayan sila. i cant help but to feel like im just a rebound. yun yung nafeel ko. na maybe she doesn’t really love me, or maybe i’m just a convenience to her. di ko alam pero ayan yung mga umuulit na thoughts sa utak ko. yung mga nilalagay ko dito na naiisip ko, alam na ni celine yun kasi nasabi ko na yung iba sakanya. i know na nasaktan ko si celine sa mga words ko nung araw/gabi na yun pero kasi nasaktan talaga ako. na sobrang sakit di ako makakilos ng maayos. di ako makakain. di ako makatulog. sobrang nawalan ako ng gana. pumasok din sa utak ko na baka pansamantala lang ako. ang gara nga eh, ganto rin yung nangyari nun samin ni nicka dati nung hindi pa officially kami eh. anyway, sobrang tanga ko na talaga. mahal ko sarili ko pero sumusugal pa rin ako. wala akong magagawa, mahal ko si celine eh. kagaya nga nung sinabi ko sakanya, peace and chaos nararamdaman ko sa araw araw lately. ginugulo ako ng overthinking thoughts ko eh. mahal ko sarili ko pero i’m willing to give my best pieces to celine, para malaman nya kung ano deserve nya. sobrang self destructing ng ginagawa ko. parang wala akong pake kahit maubos ako. alam kong di tama yun pero kasi, kay celine ako sumasaya eh. i don’t want to let her go. kahit na di man nya ako piliin, ayaw kong kumawala sakanya. naging parte na sya ng sarili ko eh, sobrang naging parte na siya. kay celine lang ako sumaya ng ganto. ng sobra sobra. alam mo yung siya yung blink of light na makikita mo kapag lahat ng bagay sa paligid mo, madilim? ganun siya eh. ganun yung impact niya sa buhay ko. iba yung comfort niya sa akin. parang wala akong pake kahit madurog ako ng sobra sobra kasi mahal ko siya. ilang beses ko na to sinasabi sa sarili ko na mali, pero wala ako magagawa. mahal ko siya. lahat naman ng tao dumating na sa point na to eh, yung magpapakatanga ka ng sobra. ayaw ko rin iwanan si celine kasi feeling ko lahat na lang ng tao, iniiwan siya. gusto ko malaman niya na kahit anong mangyari, nandito lang ako palagi sa kanya. sobrang willing ako na intindihin sya kahit anong mangyari. alam mo yung kahit kilala ko na sya talaga, gusto ko pa rin sya makilala. gusto ko malaman kung ano ba talaga nangyari sa past niya. alam ko na sobrang hirap mag open up si celine pero sana makarating ako sa point na yun. kasi kung naiintindihan ko siya, mas lalo ko pa siyang maiintindihan. 
ngayon nga, alam ko na marami ring iniisip si celine ngayon. sana, nakakabasa ako ng isip ng tao. para hindi siya nag-iisa sa mga iniisip niya. i know i told her na i’m just here, pero syempre. there’s a wall pa rin and i understand her kasi hirap nga siya mag open up. pero sana kahit konti, magbigay siya ng thoughts sa mga naiisip niya. alam kong she hates it when she opens up too much, ayun kasi yung naalala ko sa blog niya. pero sana talaga kahit konti, i-share niya sakin yun kasi sobrang hirap sa pakiramdam kapag dinadala mo lang lahat ng naiisip mo. nilalamon ka ng thoughts mo eh. anxiety. lahat na. and yung state na ‘yun, hindi maganda. i just want to let her know na i am always here, and that i love her. and i am always ready to listen. para lang makatulong ako na ma-lessen yung iniisip and thoughts niya kahit papano. i super super want to understand and know her more. i mean i already know and understand her, pero mas gusto ko pa more than that. it feels like i’ll never get tired knowing her, alam mo yun? kasi alam ko na ang taong hinahanap niya lang yung iintindi sakanya. yung genuine na makikinig sakanya at makakaintindi sakanya. kasi sabi nga niya, hindi niya gusto when kinakaawaan siya ng tao. ngayon ang nararamdaman ko, sana magsabi siya sakin. sana i-voice out niya thoughts niya sa akin kahit kaunti, kahit papano. kasi i want to help. i want her to know that she’s not alone. i know for myself na she’s tired carrying all of these, and i wanna help her kahit papaano to lessen those thoughts. para hindi na siya kainin ng anxiety niya. she’s had enough. and it’s too much na. yung too much na na yun, masyado nang enough. hindi na niya deserve masaktan pa. kasi i know na hanggang ngayon may trauma parin siya, i may not know the whole backstory, but i can feel na that trauma really shattered her. yung reblog nya sa account nya na she’s lost, yes she is lost. medyo matagal na rin niya sinasabi sakin yan and nakapagkwento sya sakin ng kaunti about that. sinabi niya kasi sakin dati pa na namimiss na niya yung dati niyang sarili. and right now, she is lost. i badly want to help her. hindi ko man mabigay sakanya yung exact answer na hinahanap nya, but gusto ko siya samahan. i want to accompany her and not leave her. i know that my baby is strong, pero sometimes hindi masama na samahan mo rin ang isang tao. i badly want to lessen what she’s feeling. nasasaktan ako kapag nasasaktan siya eh. 
i know for myself din na there are thoughts na dapat sinasarili na lang, pero i just want to let celine know na i’m just here. i know for a fact na she doesn’t like it talaga when she’s opening up because she’s used in listening and she feels that she’ll stay that way, but celine deserves to be heard. alam kong paulit ulit na to but she’s had enough bullshit. and she doesn’t deserve that. 
never naman naging toxic si celine sa akin eh. she’s my brightest star. i may not be her favorite or her brightest star, but atleast she loves me. and that’s the most important part for me. all these months naman na we’re talking, she didn’t make me feel na she doesn’t love me eh. kasi she’s more on the little things. and little things matter the most kasi yun yung bagay na nagsasabi sayo na love ka talaga ng isang tao. 
hindi ko rin alam kung ano meron sa sarili ko, pero iba talaga si celine. sa lahat ng tao na nameet ko, para sa akin, siya yung nagsstand out. 
and hell, tinamaan talaga ako ng lintek. 
time check: 5:02 am. end. 
0 notes
justfuckingbreathejanice · 6 years ago
Text
Hoooooy ang tahimik ng buhay ko kanina buong maghapon alam nyo kung bakit. Syempre dahil di ko nakasama sila Danica. Buong maghapon ko sila di nakasama. HAHAHAHAHAHA. Umaga pa lang kasi by group na yung seat plan. E hindi ko naman sila ka group diba? Kaya ayon busy sa mga activity kaya di kami nakakapag usap usap. Buong araw pa kami ng ganto, I mean iisang subject lang kaya di talaga kami nakapag usap usap. Ako nga 10 pa lang nag lunch na, sila Angela kasabay ko mag lunch. Pero pinuntuhan ko sila isa isa nagpaalam ako na mauuna na ko kumain. Pinuntuhan ko si Ukie, Berna, syaka syempre si Danica. Di ko sila nakasabay ngayon sa lahat. Maliban kay Ukie na nagpasama sakin bumili siomai nung after ko kumain. Ayun lang yon sya lang nakasama ko tapos sobrang saglit lang non. Kasi sila Danica nag pra-practice pa para sa gagawin nila. Tapos yun na nga, mga 11 balik klase na ulit. Nakatapos na sila Berna at Danica sa activity. Nagpa lunch break ulit mga CI namin (ps. mga anim CI namin kanina na nagbabantay at nag ja-judge samim 😌) sabi mga 1 daw babalik sila. 12-1 naging lunch namin. Sila Ukie kakain na, magkasabay sila ni Danica. Nanghiram pa tinidor Danica 😤😂 Tapos sa iba yata sila kakain, inaaya ako ni Ukie na sumama sakanila pero syempre leader ako sa grupo namin kaya di pwedeng mawala ako kasi nag pra-practice pa kami huhuhuhu. Lumapit naman ako kila Ukie pati si Danica sinasabi na sakin na sumama ako sakanila pero di talaga. Hahahahaha. Syaka nakakain naman na ko non. Hha. Hanggang sa natapos ulit yung break time namin na di kami masyado nakapag usap usap. Kahit sila Donna sobrang di ko sila nakausap. Si Donna nga nung umaga ko lang yata nakausap e hahahahaha. ☹ ayyy hindi pala sinamahan pa pala namin si Donna nung uwian bumili pr uniform hahahaha. Basta yon hanggang sa mag uwian dun ko lang ulit sila nakausap lahat. Hahahahaha. wala e, kasabay ko sila umuwi kaya kasama ko pa din sila. Hha. So yon nung uwian na, namiss ko manakit kaya si Danica napag iinitan ko. HAHAHAHAHA sya lang naman kasi nasasaktan ko 😂 Edi kung ano ano ginagawa ko sakanya, maya maya gumaganti na sya. E hindi din ako papayag na di sya magantihan kaya ayon nagsasakitan kaming dalawa. Hahahahahaha. Hanggang sa pinipigilan na kami ni Jermaine. Ewan ko pero medyo hyper ako nung nakasama ko sila. Wala kasi ako mabugbog sa mga ka grupo ko. HAHAHAHAHA. Basta nakailanh bugbugan kami. Hanggang sa di nanaman kami nagpapansinan. Hahahahaha. Di kami nagpansinan nung nandon na kami sa bilihan ng pe uniform. Tapos nung palabas na kami sa gate. May itatanong sya sakin di ko sya pinapansin. HAHAHAHAHAHAHA. sabi nya "di wag kaya ko naman gawin to mag isa" HAHAHAHAHAHAHAHA. Sabi sakin ni ukie lagi ko daw inaaway si Danica 😂 Nung magpapaprint na kami sa labas tinanong ako ni Jermaine bati ba kayo ha? Sabi ko "oo, abnormal lang naman yan hahahahaha" tas yon bugbugan na ulit. Sabi ni Danica sige nga saktan mo si Ukie. Ako naman umaakto lang na sasaktan ko si Ukie. HAHAHAHA kasi di ko kaya saktan Ukie, pag sinaktan ko sya mas masasaktan ako. Hha. Pero sabi ni Ukie pwede mo kong saktan pag nasaktan mo Jermaine. Ayyy puteeeek mas mahirap gaain yon. Hahahahaha. Di ko na sinasaktan si Jermaine kaai madali lang sya masaktan at pag nasaktan sya iiyak sya. Kaya di ko sinasaktan yan. Hahahahahaha. E wala ko ulit masaktan kaya sabi ko kay Ukie pili ka kay Danica at Berna kung sino gusto mong saktan ko kasi silang dalawa lang naman pwede ko saktan dito. Tapos sabi ni Danica hoooy mas kawawa naman ako kay Berna, ako kaya lagi sinasaktan mo. HAHAHAHAHA. tawang tawa ko kaya binatukan ko yata sya tapos sabi nya sakin "Alam mo kanina ang payapa ng buhay ko" HAHAHAHAHAHA at dun ko na din na realize na ang payapa ng buhay ko kanina 😂 Pero masaya ako kanina kasi puro kalokohan ka grupo ko tas si bebang din nakaharutan ko kanina. Sadyang wala lang ako nabugbog kanina hahaahahaha.
0 notes
yangmasu · 7 years ago
Text
Our Love Story
I remember nung una kitang nakilala. Because of your 20pesos our love story started. Nag overnight kayo sa bahay namin kasi nga friend kayo ng kapatid ko. Hahaha thanks to him for bringing you in our house! Charot!😀 Naalala mo pa ba yun? Nung nawala yung pera mo? 20 pesos pamasahe mo. Hahaha so hinanap mo pero di mo nakita. Hanggang sa umalis kayo wala pa din. I ask u that time. "Anong hinahanap mo?" Sagot mo sakin "Yung pera ko nawawala" snob ka that time. Kaya nang umalis na kayo hinanap ko. Gabi na nun so madilim talaga pero di ako tumigil hanggat diko nakikita yun hihi at nung nakita ko na I was so damn happy that time! Binigay ko kay mama yun sabi ko "Dun po yan sa lalake na nawalan ng pera" sabi ni mama ibabalik nya daw yun sayo pagbumalik ulit kayo samin. I ask ur name sa kapatid ko sabi nya pa. "Sino ba dun?* sabi ko naman " yung pogi" hahaha days past bumalik kayo sa bahay. OverNight ulit! Hahaha at nung time na binigay na sayo ni mama ang pera. Nakaligo kana nun, at nakapagbihis na din habang ang iba nyo pang kasamahan naghihilik pa hahahaha. At nung inabot mo yung pera ngumiti ka sakin! Grabeee! Kinilig ako! Love at first smile? Ganun nga siguro yun! Hihi nagwawalis ako nun nasa sala tayo. At nung nakauwi na kayo sabi ni mama halata daw masyado na crush kita kaya inamin ko na din sa kanila hahaha sumayaw ulit kayo sa plaza nun kaya pumunta kami at overnight ulit kayo samin hahaha di ako mapakali nun kasi nga kinikilig ako! Kachat ko pa bbybest ko nun yung crush mo hahaha at sabi mo nabasa mo yung convo namin kasi hiniram mo phone ng kapatid ko haha paGC kasi yun naming tatlo! May chat pa ko dun na rerapin kita hahaha nakakahiya yun sobra! Tuloy ko naaa! Hahaha Pasukan na sa school nagpapatulong ako kina diana at JD para mapalapit sayo hahaha prends kumbaga! Hahaha pumunta kaming boulevard nun sumama ako dipa ko nun pinapayagan pero pinilit ko si mama for u pero ikaw ang di pumunta. Bday nun ni Ellaine. At nung pauwi na kami di pa din kita nakita kaya ang lungkot ko nun. Syempre umasa ako eh! Hahahaha nung nagpapatulong ako sakanila ganto galawan ko *bigay mo number ko kunyare text nya ko chuchu...* pero nakasave na nun number mo sakin ayaw lang kita itext syempre kunyare Maria Clara ako hahaha December 18, 2015 first chat natin. Hahaha naifloodlikes kita nun kaya nagchat ka ng *thanks sa FL* hahaha kilig na kilig ako nun parang hihimatayin! Ganern! Hahahah nagreply ako ng *welcome* tas emoji lang nireply mo kaya yun lang din nireply ko hahahaha December 25, 2015 manunuod kami ng sine that time kaya tinext kita! Oo ako na nagtext at sabi sakin nila JD ayaw mo daw akong itext! Hahahaha so ayun na nga text ko *Hi ninong! Gift ko* hahahaha akala mo naman inaanak talaga makaninong ano? Hahahaha char! Dun na nagumpisa lahat. Tas uso sa room namin tawagan ng MAHAL kaya pati sayo mahal na din tinatawag ko pero ikaw walang balik hahaha ako unang nag iloveyou! Buset enoh! Ako na una nagtext ako pa unang nag iloveyou! Hahaha nawala ang pagka Maria Clara ko dun ah! Hahahaha wala kang balik nyan! Hahaha tas lagi tayong magkasama sa school tuwing recess kaya andaming nagtatanong kung anong meron satin? Na tayo mismo di alam kung ano nga ba hahaha katagalan nag iloveyoutoo kana din! Sa wakas! Hahaha pati mga teachers nagtatanong na din hahaha nagsinungaling pa tayo kay Mam Cha! Hahaha sabi natin Jan. 15 tayo! Eh di naman. Hahaha January 18, 2016 M.U na tayo! Yes! M.U kasi nga ayoko na magpaligaw. Sa una lang kasi mag ieffort pag manliligaw pa tas pag kayo na wala na. Hahaha (sorry kung may mga date ako na nakalimutan ha! Bukas chicheck ko) so yun... Masaya tayo we celebrate our M.Usarry hahaha alam mo una kasi ayokong ientertain ka kasi magkaklase at magkaibigan kayo nung crush ko. Ayoko na isipin ng ibang tao kaya ako lumalapit sayo para mapalapit sa kanya. Pati sina mama yan din inisip kaya iyak lang ako ng iyak that time. Dunno what to do. Dunno pano ko hahanapan ng paraan para sabihin na di iyun ang intention ko. Pero dahil nanaig ang pagmamahal ko.... March 17, 2016 naging tayo! Nasa harap natin si micah at jonalyn nung tinaning moko nyan! Hahaha tas kinabukasan nilipat natin ng March 18, 2016 kasi nga December 18 unang chat at January 18 M.U natin at sobrang mahalaga satin ang 18 kaya nilipat natin ng March 18, 2016. Official na yan! Hahaha Yah! Legal tayo samin at sainyo. Una mo palang post sa wall ko "M" lang hahaha means Mahal❤ dipa nun alam sainyo kasi bawal ka hahaha para ka ding babae. Pareho tayong panganay. Ganern! Hahaha ansaya natin pareho nun hahaha first monthsarry was our first kiss sa boulevard! Yah! Nagkiss tayo! As in lips! Hahaha di ko makakalimutan yun! Eh kasi naman! My first! And guess what? Hahaha failed! Diko alam gagawin ko nung una hahaha pero nakakasabay na din naman ako sinasabayan ko ginagawa mo hahaha at yun natuto ako! Hahaha at nung pauwi na tayo since first kiss ko yun tulala ako hahaha (pag naaalala ko nakakatawa at nakakahiya!) Hahaha muntik pako masagasaan nun ng tricycle sa pagkakatulala ko hahaha buti nalang nahila mo ko kundi patay nako! Char! Hahaha panay ang sorry mo that time kasi nga tulala na ko hahaha hanggang sa makauwi panay sorry mo through chat and text hahaha masaya tayo everytime na nagcecelebrate tayo ng monthsarry natin❤😘 April 1, 2016 2nd time ng kiss haha buset! Yah! Naalala ko! Hahaha April 10, 2016 dumami na! Hahahaha September 8, 2016 pinakilala mo na ko senyo. Pumunta ako sainyo. Nagkakasakit ka nun kaya binisita kita. Bumili ako ng pizza hahaha kabang kaba pa ko nun kasi syempre makakaharap ko na pamilya mo! Hahaha pero masaya tayo nun. Kasi tanggap ako ng pamilya mo. Pareho pa nga sila ng sinabi ni mama diba? Nung pumunta ka din samin. Haha (diko natandaan date) *Wag lang magkakamali ng maaga. Kung magkamali layas sa pamamahay* yan lagi nilang paalala. But we already know that, right? We know our limitations! Alam natin kung hanggang saan at hanggang kailan hahaha char! Kanta yan hahahaha September 12, 2016 maulan nun at kumikidlat pero dinalaw moko sa bahay. Hihi namiss mo na kasi ko at miss na din kita❤ sobrang lakas ng ulan at kidlat nun pero pumunta at safe kang nakarating. September 24, 2016 naging ninong ka ng kapatid ko hahaha inaasar pa nga kita nun sa ninang eh hahaha kumain tayo nun pagkatapos diba? Sa mang inasal. At take note ha! Buong pamilya ko at ikaw!❤ oh nga pala! April 5, 2016 we talk about our future babies hihi Xian Isaac ang gusto mong name na lalake at sa babae naman Ziana Faith❤ November 18, 2016 eight months na natin hihi lagi tayo sa boulevard yun lang kasi pasyalan dito satin hahaha at kada magkikita tayo nagbibigayan tayo nun ng 10pesos diba para sa anniversary natin💕 pero nababawasan yung ipon natin hahahaha at nung nakaipon tayo ng malaki binigay ko yun sayo para makasama ka sa tour diba? Hihi ansaya ko nun kasi nakita kitang masaya😘❤ At dumating na anniversary natin! March 18, 2017 yiieeeee!💕 Nanunod tayo ng sine. Syempre nakapag ipon tayo eh hahaha "Beauty and the Beast" pinanuod natin hahaha actually naboboringan ako nun kasi parang walang thrill pero nung nag umpisa na at nasa kalagitnaan na sinasabayan mo mga sinasabi pati ang pag kanta hahaha kaya nung nakita kitang masaya nun sumaya na din ako hahaha sabi mo favorite mo yun kaya natuwa ako na sumaya ka😍 August 24, 2017 birthday mo. Nagprepare ako ng surprise sayo pero pinaiyak moko that time kasi inaway moko! Hahahaha buset ka talaga! Hilig mong paiyakin ako! Hahaha pero niyakap moko nun. Box yun na may laman na flattops at isang pillow. Hihi heart yung mata nun emoji ganto oh "😍" hahaha tas naging okay ang lahat haha Tumatagal masaya tayo. Pareho tayong nag eeffort. Binigyan moko nung unang singsing kaso sinira mo din hahaha maluwag sakin yun sobra. February 14 yata yun diko matandaan ang date 2017 may bago kang binigay. Pa card sya may mssg tas sa gili nakalagay "pull this" at nung hinila ko singsing na bago hihi medyo maluwag padin sakin pero kasya naman hahaha. Ilang beses na din tayong nagpagawa ng couple shirt pero di mo masuot yung una. Nung nasa school tayo nun binigyan kita gift ko sayo. Pero di mo sinuot. Na malikmata yata akako nun kaya nagbihis ako at nung pagkakita ko sayo iba pala suot mo grabe iyak ko nun at bihis agad ako hahaha sorry ka ng sorry nun at sinasabi ko na okay lang pero parang pinupunit ng maliit na piraso yung puso ko nun. Basta madami na tayong pinag daanan, isa na yung paghihiwalayin tayo ng pamilya ko kasi panay na ang gala kp hahahaha gala na daw ako. Duh! Idol ko kaya si Dora hahaha charot! Pero matatag tayo at nakayanan natin. Hihi lumaban tayo ng magkasama. Pareho tayong kumapit sa isat isa.❤ Madami na tayong pinangako. "Lifetime tayong magmamahalan" "walang iwanan at sukuan at sawaan" yan yung mahalaga sa pangako natin😘 pero madami pa yan. Hahaha Diko na kkwento lahat ha. Nakalimutan ko ibang date eh! Hihi so yun... Birthday ko naaa! My 18th birthday. I'm so fucking excited😍 I'm expecting too much that time so nasaktan din ako ng sobra! Hahaha lahat ng iniexpect ko bumaliktad. Hahaha pero happy naman ako kasi may gift sya sakin. Iniexpect ko kasi magdedebut ako maski simple lang. Hahahaha Pero lahat ay okay na hahahaha Yung mssg mo nung first anniversary natin at 18th birthday ko nakasave sa phone ko hihi Masaya naman tayo, nagmamahalan, nag aaway at tampuhan pero nagkakaayos din. Matatag tayo at kumakapit sa isa't isa❤ Hanggang sa sumuko ako. Oo ako ang sumuko. Pero kasalanan mo din naman yun diba? Dalwang beses at kasalanan mo yun kung bakit. Dunno the date at ano ang dahilan kasi sabi mo mga ganyung bagay dapat kinakalimutan na pero alam mo at alam ko na kasalanan mo yun hahaha pero May 18, 2018 nagpakaba sakin. Kada monthsarry natin dapat talaga may LSM. Meron ka naman pero diko makakalimutan yung mssg mo na yun sabi mo dun "Isa pang pagsuko pagbibigyan na kita" grabe! Kaya nawalan ako ng gana na magLSM sayo ng sweet dahil dun. Halata naman diba? Nahalata mo nga eh hahaha syempre diko iniexpect yun! Kasi lagi mong sinasabi at pangako din natin na "Pag sumuko ang isa, yung isa naman ipapaalala lahat ng mga masasayang nangyare at mananatiling nakakapit" kaya biglang bigla ako dun. Iyak ako ng iyak. Hahahaha lagi naman diba? Haha char! Sana ikaw na talaga habambuhay ha!❤ Lahat nalalagpasan natin ng magkasama. Masaya tayo sobra😍💕 hanggang sa...
0 notes
hellodeepestdelusion-blog · 7 years ago
Text
04.18.18
April 17 pinagiisipan ko na kung itutuloy ko pa ba yung pagpunta ko sa inyo kasi alam kong malaki yung galit mo sakin nung huli tayong nagkausap.
Malaki rin yung kasalanan ko kasi pinangunahan kita sa mga bagay na dapat ikaw ang may hawak. Dala na rin siguro ng sakit na tumatak nung nalaman kong kaya pala hindi na kayang ayusin kasi meron ng iba. 
Nung una naman kasi Paolo, sinusubukan naman natin diba? Kahit alam nating nahihirapan tayo. Pero pagkaraan nung linggong kinaya natin bigla ka nalang nanlamig, dun na ako kinutuban na parang ako nalang yung sumusubok umayos nung nabuo natin. Hindi nga ako nagkamali. Pero ayos lang, nung blinock na kita unti unti ko ng tinanggap. Lagi kong sinasabi diba basta masaya ka, eto na, masaya ka na. Gusto nalang kita makasama sa Anniversary natin kasi diba yon yung hinihintay nating dalawa? May plano pa nga tayong magstaycation non diba? Pero hanggang plano nalang pala, natanggal na yung kulay nung plano kasi bumitaw ka.
Gumising ako ng maaga, kinausap ko na si Tita kung pwede ba kitang madalaw pero sabi may pasok ka. Kaya kinaya ko ng madaling araw. Pero kahit naman walang pasok, kahit siguro kung tayo pa, madaling araw kong ipupull off yung surprise ko para sayo. Na tipong paggising mo puro regalo na sa kama mo, papaulanan pa kita ng letters. Sandamakmak. Pero uuwi din ako, kasi gusto ko tatawagan kita kapag nakita mo na tapos dun kita babatiin ng
“Happy Anniversary Mahal!
   Nagustuhan mo ba?”
Ang saya siguro sa pakiramdam na babatiin mo din ako habang hawak mo yung telepono ng nakangiti, no?
Pumunta ako ng Jollibee, inorder ko yung meal na lagi kong nakikita sa story mo. Feeling ko kasi favorite mo. Dumaretso na ako sainyo after. Walang kain kain, sugod na agad sainyo; sabik na akong makita ka. 
Pagkarating ko sainyo hindi na ako nagayos ng mukha, alam kong sanay ka na sa itsura ko, lalo na’t may mga araw na mukha natin ang bumubungad agad pagkanagising tayo sa umaga. 
Ginising ka ni tita, pinabubuksan sayo yung pinto, naramdaman kong tumayo ka na dun palang huminga na ako ng malalim, inihahanda ko na yung ngiti ko na sasalubong sayo. Nabuksan mo na. Hindi ko alam kung anong naramdaman mo non kasi inaantok ka pa, halata nung tinitigan ko ang iyong mga mata. 
Sumandal ka, tinanong mo ko habang nakapikit ka “San ka galing? Ang aga mo ah?” Sinagot kita ng naaayon sa tanong mo. Konting minuto ang nakalipas, tinulugan mo lang ako. Pero bilang tao na nakasama mo sa loob ng 10 buwan, alam kong walang bago. Kaya hinayaan lang kita, alam kong pagod kang magpuyat. Kasi dati kapag kausap mo ko anong oras na tayo natutulog, kaya malamang kayo rin ng bago mo. 
Nakaupo lang ako kasi sabi mo magpahinga muna ako kasi nagbitaw ako ng salitang “dinaan ko lang ‘to, pauwi na rin ako.”
Nakaupo ako. Nakapikit ka. Naalala ko dati kapag nauuna akong gumising tinititigan lang kita, tapos kapag kikilos ako, hinihigit mo ako pabalik sayo kasi gusto mo nakayakap ka lang sakin. 
Nakakapanibagong titigan ka habang natutulog, namiss ko yon.
Pumasok na si tita sa kwarto mo sabay gising ulit sayo kasi nga daw may bisita ka, bakit ka daw natutulog. Gumising ka ng konti pero natulog ka ulit. Inaasar pa tayo ni tita na Happy Anniversary daw, tumawa lang ako. Pero gusto kong umiyak kasi masmasarap pakinggan yon kung may “tayo”.
Pinahiga mo ako sabi mo matulog muna ako kasi inaantok ka pa rin, humiga ako sa paanan mo. Tapos medyo parang nasipa mo ako, ‘di nagtagal pinatabi mo na ako sayo. Hindi ako sanay na magkatabi tayo pero walang yakap yakap o miski akbay habang natutulog tayo. Pero okay lang sabi ko “parte lang ‘to, ayos lang ako.” 
Nagising ako pero hindi ako sanay sa left kasi lagi akong nasa right side mo, kaya ginising kita, sabi ko “palit tayo, hindi ako sanay dito, ang init.”  Pumayag ka naman tapos natulog ulit tayo. Nagising ako afterwards kasi instinct ng utak ko yon lalo na’t alam kong sinabi sayo ni tita na lakarin mo na yung sa MCL para makapasok ka na. Ginising kita, dating gawi hinawakan ko yung mukha mo sabay sabi ng “Gising ka na, pupunta ka pa bang school?” nagulat ka nilayo mo yung mukha mo, tapos medyo napahinto ka lang tapos bigla mo akong sinunggab ng yakap. Tumigil yung mundo ko ng saglit, tapos napuno ng luha yung mata ko. Niyakap kita pabalik kasi matagal ko ng hinintay na maramdaman yung init ng pagmamahal mo kahit nung mga panahon na yon yung yakap mo maligamgam nalang. Hindi na nagbabaga, hindi na nakakapaso. 
   Ilang minuto lang din halos yung tinagal nung kapit mo, tapos bumitaw ka na agad. Parang isang taon na pinagkasya sa 4 na minutong higpit. 
Nagising na tayo, kumain ka na pagkatapos mong manood ng mga videos sa Facebook kasi pinaalala ko. Tinanong mo kung kumain na ako, syempre hindi, pero syempre hindi ko sasabihin sayong hindi. 
 “Oo”
“Sure ka?”
“Oo nga”
“Wala akong kasabay”
“Kaya mo na yan”
Nakain ka lang. First time nating hindi magsabay. Ay mali, first time pala nung sinamahan mo akong kumain kasi ako lang magisa pero break na tayo non. Paputol putol kain mo, as usual. Pinilit mo pang isubo yung burger sakin kahit na sinabi kong ayoko. Namiss ko yon.
 Kain, FB tapos kapag tinatanong kita nakain ka ulit. Hanggang sa nagising na yung kuya mo, medyo kinabahan pa ako non. Alam mo namang hindi ako sanay sa lakasan ng boses pagdating sa pamilya kaya grabe yung kabog ng dibdib ko non pero chill lang at the same time. Pagkatapos mong kumain sinubukan kong magpaalam sayo. Na aalis na ako kasi anong oras na, ‘di ko lang masabi na baka kasi hindi ka komportable na kasama mo ako sa silid na dapat hindi na. Pumayag ka. Humingi ako ng yakap na pwede kong baunin habang naghihintay sayo na maging okay ka.
Pagkayakap ko sayo hindi ko na napigilan. Nilabas ko lahat sayo habang nakabalot yung braso ko balikat mo at nakasandal yung ulo ko sa ulo mo. Humingi ako ng tawad, nagpasalamat sa pagtitiis, tapos pinaalala ko yung letter mong binigay mo sakin nung 6 months pa lang tayo. Sabi mo pa don,
“Walang susuko, ang sumuko panget.”
tapos sinabi ko sayo na, 
“Alam ko na kung bakit ang ganda ko.”
Hinampas mo ako ng pabiro, pero dun ka na rumupok. Nagsalita ka pero pamilyar yung tono. Tono na nahihirapan ka na, tono na nasasaktan ka pa rin.
Sinabi mo pa sakin “Alam mo nalungkot ako nung nakita ko kung anong araw ngayon. Chinat ko si Trixie sabi ko ‘Trixie bakit ganon? Nasad ako.’ Sayang.” Habang umiiyak ka. Nakayakap lang ako sayo non, nagsosorry habang umiiyak din ako.
Sinabi mo na sinubukan mo naman, na binigay mo lahat. Na tiniis mo. Na napuno ka na. Paulit ulit kong sinabi sayo na oo alam ko, sorry Paolo, naiintindihan kita. Marami pa tayong napagusapan pero yan yung tumatak. 
Hindi ako umalis, nanatili ako. Dahil alam kong kailangan kong sulitin yung araw na kasama kita dahil alam kong malabo pa sa pagpapatakbo ni Digong sa gobyerno yung maulit yon muli. Habang tumatagal ako sa kwarto mo, natututunan mo na ulit kung paano maging komportable kasama ng presensya ko. Unti unti ka ng nagkwento, unti unti mo na akong pinagkatiwalaan sa mga bagay na hindi ko na deserve malaman.Nakwento mo na ginusto mong magpakamatay, na minsan gusto mo mabangga ka nalang bigla. Sa dami ng problema mo gusto mo nalang itigil yung tibok ng puso mo. Na sabi mo buti walang blade dyan sa inyo kasi kung meron matagal mo ng sinulatan ng linya yang galang galangan mo. Binaggit mo pa sakin na sinubukan mo pang gamitin yung dulo ng toothpaste pero wala kang napala kung ‘di hapdi at gasgas lang. Pinangaralan kita, sinabi ko na marami kang makakausap para maayos yung problema. Sabi ko pa nga “Sira ka na, oo. Pero lahat ng nasisira nabubuo.” sabi mo, “hindi pa ako handa.” Sinabi ko na oo, naiintindihan kita. Lahat naman tayo dadating dyan. Naniniwala ako na babalik ka. Biniro pa kita ng “Basta kapag gusto mo magkaanak, text mo lang ako.” sabi mo “Sira ka talaga.” pero sinabi mo sakin na gusto mo magkapamilya. Dun nabuo yung tiwala ko na baka ngayon lang yan. Pero nasira nung sinabi mong “Pero pano kung ganto talaga ako?” natahimik ako pero sabi ko “Edi ganyan ka, wala naman  tayong magagawa don.” sabi mo wala naman kasing mali sa desisyon mong maging ganyan pero sabi ko “Maaaring wala para sayo, pero sa mata ng ibang tao meron.” 
Nakwento ko rin kung gano nasaktan yung ate mo lalo na yung mama mo. Sinabi ko sayo kung gano ka nila kamahal. Pero alam mo kung anong bago don? Yung nandon ka lang tapos nakikinig ka. Napagusapan natin si Nichol. Mukhang okay naman kayo. Nagbibiruan pa tayo na sabi mo hindi naman pala masakit sa pwet. Tapos sunod sunod na yung joke natin na kahit masakit marinig ng tenga ko kinakabig ko nalang sa puso ko sabay preno gamit ng utak pero nakikita mo akong naluluha kaya tinitigil mo na. 
Nakakatuwa kasi parang bumalik lang tayo sa simula, na magkaibigan tapos nagsasabihan ng lahat. Pinipilit kong ipitin yung sakit kasi gusto kong makita mo na pwede mo pa rin ako takbuhan kahit lintik na yung nangyayari. 
Bago ako magpaalam ulit tinanong kita “Hindi ka ba nagtataka?”, tinanong mo ako “Saan?”, “Kung bakit hindi ko sinusuot yung bigay mong kwintas?”, “Bakit?”, “Kasi balak ko syang isuot ngayon.” huminto ako sabay labas nung kwintas na nagtatago sa damit ko sabay tinanong kita, “Bagay ba?”. Hindi ka sumagot, yumakap ka lang sabay umiyak ka. Nadala ako, umiyak na rin ako. Tinanong ulit kita, sinabi mo “Oo.”
Hindi ulit ako umalis.
Habang magkayakap tayo ng nakahiga at nasa taas kita, tinanong mo sakin kung hindi ba ako natuturn-off  sayo kasi nakadalawang boyfriend ka na. Sa totoo lang hindi, yan yung sinabi ko sayo. Nagtataka ka pa non kasi halata namang nandidiri na ako. Sabi ko sayo na kung yung family background mo nga niyakap ko yung taong dahilan pa kaya ng pagyakap ko yung hindi ko matatanggap? 
Naging open tayo sa isa’t isa at yon yung hindi matatawaran na regalo na natanggap ko sa Anniversary natin. Tinanong ulit kita “Kung hindi tayo naghiwalay ano kaya ganap ngayon?” sabi mo “May susundo sayong grab, tapos pagsusuotin kita ng formal wear. Ihahatid ka sa hotel. Nandun ako. Planado na yun eh.” tapos ngumiti ka, napapikit ako napayakap nalang ako sayo habang naiyak ako. Umiyak ka rin. 
Madami pa tayong napagusapan. Isama mo pa yung “Biggest Dream” mo. Nagulat ako non nanlaki mata ko kasi alam mo naman yung asar ko sayo dati pero nilinaw mo na hindi yon yung tinutukoy mo. Sinabi mo na natanggap na yung scholarship mo sa Benilde, na yung nanalo ka sa WSB; eto yung pinapangarap mo matagal na, at yung pwede kang makalipad ng Australia para sa laban mo. Kasi willing yung isa mong tita na bayaran yung ticket mo, si Ati. Wala akong ibang reaksyon kung ‘di ngiti. Sobrang saya ko para sayo, pero sobrang lungkot ko kasi ako dapat yung kasama mo sa pagdanas ng mga bagay na yon. Kasi halos parte din ako ng pangarap mo noon. 
Hindi ko malilimutan yung hinalikan mo ako una sa pisngi nung una kong paalam na hindi naman ako umalis. Nung pangalawang paalam ko chinempuhan mo yung labi ko humalik ka ng mabilis. Nanginig yung buong katawan ko dahil nanghina ako, napayakap nalang ako ng mahigpit sayo. Dalawang buwan kong hindi naranasan yon Paolo. Dalawang buwan kong hinintay yon galing sayo. Kinalas ko yung yakap ko sayo sabay hinalikan mo ulit ako, pero yung halik na makahulugan. Yung hindi blangko. matagal, madiin, may konting daloy ng pagmamahal akong naramdaman. Marami pang nangyari. Mga bagay na magiging dahilan kung bakit hahawak ako ng bote kapag sasapit ng ika-18 ng buwan.
Ang saya na nakasama kita. 
Salamat at binigay mo yung araw na hindi ko naman hiningi sayo.
Namiss ko yung paggising ko sayo at pagsagot mo sakin ng “10 mins pa wait”, “5 mins pa”, at “last na”. Niyakap mo pa nga ako non habang tulog ka. Hinihigit mo ako tulad ng nakasanayan. Tapos nung tatanggalin ko kasi aayusin ko bigla mong pinigil yung kamay ko. Tapos pinatong mo sa hita ko yung kamay mo. Ang sakit na Paolo.
 Salamat sa date natin yung sa food street sainyo. Hindi man natuloy yung fine dining natin atleast kumain tayo ng kwek kwek, pizza roll, at foot long. Sumakay tayo ng tricycle. Magkatabi. Pero hindi magkahawak ng kamay. Walang pagsandal ng ulo. Pero naguusap tayo. Dumating na yung oras na kailangan ko na ulit tumungtong sa labas ng buhay mo. Narating ko na siguro yung pansamantalang dulo ng kwento. Aasa ako na may maitutuloy pa tayo. Bago ako bumaba ng tricycle, nilapit mo yung pisngi mo. Dating gawi. Hahalik ako sayong pisngi. Nakakapanibago nga lang kasi dati labi. 
Hindi ko alam kung pinahalik mo ako sa pisngi mo bilang simbolo ng “Oo tangina miss na miss na kita.” o para lang mabuo yung foreplay nating “Nagcecelebrate naman tayo ng Anniversary, part na ‘to.” 
Ang dami ko pang tanong pero sa ngayon okay na ‘to. Hindi mo man ako nakantahan bago ako matulog pero at least nakantahan mo ako nung nandon ako sainyo. Sapat na yung naramdaman kong may pake ka. Sapat na Mahal. Sapat na para magpatuloy ako. 
Hinabol mo ako ng tingin nung bumaba ako. Sabi mo “Text mo ako kapag nakauwi ka na ha?”. Napangiti ako. Tumango nalang ako. Naglakad lakad ako, nung binalik ko yung tingin ko, wala na yung tricycle na sinasakyan mo.
Nagkausap pa tayo nung gabi...
Nakainom na ako. Lasing na ako sa ideya ng kayo, at ako. Lasing na ako sa ideya ng pagmamahal. Nilasing ako ng emosyon ko. Natandaan ko na sinabi mo sakin nung araw na yon habang magkasama tayo na alagaan ko yung sarili ko. Tintext mo ako at may parte don
“Lagi ko sinasabi sayo wag mo pababayaan sarili mo ha. Hindi ako walang pake may pake pa rin ako”.
Nabuhayan ako ng konti pero hanggang dun nalang yon.
Nagtext na ako na nakauwi na ako galing inuman. At nagreply ka ng late kasi sabi mo dun lang nagbukas phone mo. 
“Buti safe ka. Btw thank you sa foods and sa effort. Naappreciate ko yun. Ingat lagi ha?”
Hinawakan ko ng mahigpit yung phone ko. Ngumiti nalang ako. Hindi na ako sumagot. Masyado ng masakit. Pero eto lang maipagmamalaki ko sa araw na yon.
Yun lang yung natatanging araw na hindi tayo nagaway dalawa :)
Happy Anniversary Mahal, hihintayin kita.
 Sana matapos ka na sa kanya. 
Mahal na mahal kita, sobra.
Tumblr media
0 notes
engrsariesantiago · 8 years ago
Text
Thesis Life as ECE
Development of an Electronic Notice Board for ——- ; Jehan Martinez and Sarah Lynn Santiago
THESIS TITLE DEFENSE
It was on our second semester during our fourth year. Sinabihan na kaming lahat na malapit na kaming mag title defense para hindi na kami sumabay or makisiksik sa schedule ng mga graduating from our department - ECE, EE and COE. Syempre, since wala kang idea sa gagawin mo, all we did was research for possible thesis titles. Ang dami naming nahanap ng thesis partner ko online pero lahat yun rejected. Mga kaklase namin unti unti ng naaapprove yung title or topic na gusto nila. Araw-araw kaming pabalik balik sa dalawang advisers ng ECE, lahat rejected. One time, nasabihan pa kami ng, “Hindi yan pwede eh kaya ng gawin yan ng mga highschool ngayon.” Nashock talaga kami dun kasi iba na pala highschool ngayon ha, kaya na mag Android based. Charot! So ayun na nga, pag walang klase, nagreresearch kami sa may graba (boarding house ng kaklase namin) kasi walking distance lang siya from school tapos pasok ng school para magpacheck, pag rejected balik, laging ganun. Until, tinanong na kami ni Sir C, “Wala na ba kayong maisip or mahanap na title?” We answered na wala na talaga with matching pagod na pagod na expression kasi lakad ng lakad. Lol. So, binigyan kami ni Sir ng possible topic, all we need to do was research hanggang sa may napakita kaming proofs na ganto ganyan, na ito yun ito yan.
Fast forward… Defense na. Batch namin yung nauna kasi dapat present ang technical critic namin na si Sir O. (Uggghhh, namimiss ko na si Sir O. Isa kasi siya sa kakampi namin sa dept namin. Huhuhuhu i crei) I cant remember kung anong date yun basta nakapagdefense kami and wala namang problem sa batch namin, approved lahat kaso sinuggest ng panel namin na baguhin yung thesis title namin to Local TV Station kasi misleading daw yung title namin.
OUTLINE DEFENSE
Eto na, 5th year na kami. For outline, dapat plantsado na yung plano niyo for your thesis. Alam mo na dapat yung possible materials na gagamitin, softwares na gagamitin, places kung san kayo magiinstall and a lot more. Of course, wala pa rin kaming idea so all we did was ask for help or copies ng mga thesis ng naunang batch samin. Mababait naman sila and close naman namin so, tinutulungan din kami and yung thesis namin is a development of one of the thesis ng recently hired na instructor. 2 years ahead yung batch nila samin. Eto na yung time na nagpapaturo kami kung san-san. Natambay sa mga faculty. Di na halos natutulog para makapagpaturo online sa mga ECE graduates ng school namin. Pakapalan na ng mukha kumbaga.
Fast forward… Defense na. Excited na kami kasi yung mga morning batch, petiks lang daw yung defense nila. Afternoon batch kami. Una kami sa afternoon. May umupong bagong panel samin, as in saming magpartner lang ha. Yes, part siya ng department namin pero EE siya. Pumalit saglit sa department chair namin kasi busy daw ata sa meeting. We can say na isa siya sa ka-close naming professor kasi lagi niya kaming pinagtri-tripan ni Jehan. So ayun na nga, presentation ng ppt, explain ng outline namin and sagot ng questions. Hanggang sa nagsalita si Sir R. BOOM! Ang dami niyang pinansin sa outline namin, bakit ganto bakit ganyan, nasaan yung ganto ganyan, dapat may kasama ng ganto ganyan kasi outline na, bakit analog pa rin pero going na tayo sa digital TV ganern. Yes, ngangerz kami pero revision lang naman ng outline namin, ilagay lang daw namin yung mga hinahanap ni Sir. As soon as paglabas namin, nakangiti na lang mga kaklase namin and sinasabi na “Grabe!” “Nasabon kayo ah!” “Di na namin kayo narinig na nagsalita ah puro si Sir R nalang.” Hahahaha!
Nahirapan kaming ayusin yung outline namin kasi ang daming pinaayos samin kahit na kami yung pinaggayahan ng outline papers ng mga kaklase namin pero at the same time, kahit isa kami sa huli, good thing siya kasi nalelessen yung bigat para sa final part ng thesis namin kaya thankful kami kahit sobra kaming nasabon that time.
And yes, happy ako na ka-close pa rin namin si Sir R. Gulat nga ako nung kinwento ni Mam V na si Sir daw yung nagsabi na icheck si Santiago sa list ng board passers kasi nga adviser siya ng kuya ko. Singit lang talaga to. Namiss ko bigla si Sir eh. Hahahahah!
FINAL DEFENSE
ETO NA TALAGAAAAAAAAA, GRADUATING NA KAMI. Eto na yung time na pagkapasok na pagkapasok palang namin galing sa semestral break, sinabihan agad kami na pwede ng magsimulang magfinal defense by next week. So kami, napa-woah. Eh yung moment na yun, nagpreprepare palang kami ng materials para sa thesis namin and after a month pa or 2 months ata yung dating ng pinaship namin na modules from abroad kasi not available sa local yung module na mas makakapagpaganda or stable ng signal namin. By the way, yung thesis po namin is dapat makapagbroadcast ng kung anek na playing sa input which is my laptop sa buong school. Bale, may sarili kaming channel. Nakapagbroadcast kami ng something about sa school, about sa recent achievements or board passers pati nga picture ng klase namin binroadcast namin. Lol. So yun nga, wala pang ready by november kasi hindi po siya ganun kadali lalo pa’t may mga pamatay pa kaming subjects na tutulungan kang mabaliw sa hirap. Charot! Hahahaha!
Pag syempre natapos na yung prototype, may testing pa yan. By january, testing na kami. Akala namin makakapagtest na agad agad. Yun pala kelangan pa namin magpapirma sa kung anek anek kasi magiinstall kami ng antenna sa tatlong building ng school namin. Isa para sa transmitter (highest building inside our campus) at dalawa para sa key points ng campus namin, dulo dulo kumbaga. (No need to explain why kasi mas mahabang usapan pa and technical things yung dapat iexplain.) So ayun na nga, ECE week nun pero di kami nakakapagenjoy kasi nagaasikaso kami ng thesis, paalis alis kasi kami. Laging wala kasi yung mga dapat pumirma hanggang sa finally, napirmahan lahat at pwede na kaming magsimula ng installation ng antennas namin. Unfortunately, ayaw gumana sa school. Walang narereceive yung TV and mobile phone na may built in na TV pero umiinit transmitter namin, so meaning nagtatransmit siya. Eto yung time na kung kani kanino na kami nanghiram ng TV and phone para sa testing. Buti nalang may mga mababait ang puso at nagpahiram. After ng isang problem, eto naman yung time na kami lang ni Jehan yung magbubuhat ng TV and mga gamit namin kung san san para lang makapagtest. Yes, buhat namin yung TV, laptop na mabigat haaa, extension na sobrang haba, transmitter namin na dapat pagkaingat ingatan at mga antenna. So ayun na, nasanay na kaming magbuhat ng mabigat, maarawan, matuyuan ng pawis dahil sa thesis namin na kelangan ng buhat at lakad kung san san. Kaya thankful kami sa mga boylet namin, RJ and JV kasi pag pwede silang tumulong, pupunta sila samin para samahan kami. Thankful din kami lalo kay Charice. Sobraaaa! Nung di pa kasi okay thesis nila, sinasamahan niya muna kami para magbantay ng thesis namin kasi kelangan naming mag-ikot. If mababasa niyo man to, thank you so much.
By february, ready for evaluation na kami kasi naayos na namin. Bago magsimulang magpaevaluate, dapat makita muna ng panel na working siya and okay na. Ang saya namin nun kasi puro magagandang feedbacks lang yung sinasabi nila pwera sa misleading daw ULI yung title namin, ibalik daw sa notice board, ganun. Ang isang problem is, wala yung isang panel, so kami yung lalapit para ipatingin sakanya. Eto na naman si problema. Hahahahaha. Ayaw niyang pumunta sa building kung san nakabased yung TV namin and antenna. Magtayo daw kami ng bagong antenna just for him and gumawa kami ng panibagong video na ibroadcast. Wala na kaming extrang antenna that time. Wala kaming sample pictures ng mga passers nun kahit batch yun nina Kuya. (Ang ginawa nalang namin nagpicture sa mga tarp o kaya nagstalk sa kanila. Lol.) Kulang na rin sa oras. Wala pang pasok kinabukasan nun. Di ko makakalimutan yung iyak ko na yun. Wala na kong pake kahit makita ako ng mga kaklase kong naiyak. By His grace, nagbigay siya ng magpapahiram ng antenna, so nabuhayan na naman kami kaso di stable yung signal ng antenna kaya sabi ko kay Jeh, uuwi ako, babaklasin ko antenna namin. Umuwi ako, sinamahan ako ni RJ. Trike kami pauwi ng Kaytapos. Binaklas namin sa taas yung antenna namin tutal okay lang kay mudrakelz yun kasi kami naman ni Jeh gumawa ng antenna na yun. Bale, nakapaginstall na though sobrang hirap magevaluate kasi sobrang lakas ng hangin kaya ang ginawa namin, isa yung magpepresent ke Sir A, isa yung hahawak sa antenna which is nakakaground siya. Promise! Tiis ganda. Lol. So, okay na yung panibagong installation kaso nagrequest uli si Sir na bakit ganun yung TV namin, may likod pa. Wala daw bang mahanap na maganda gandang TV? Hahaha eto na naman ang luha namin. By His grace uli, may nagpahiram ng flat screen TV at dinala sa school. Okay na working na. Hayaan lang daw namin na magpresent yung thesis namin dun. Madaming napormahan, nagalingan at natuwa. Dumaan yung ibang panel, bakit daw namin ginawa yun, sumagot nalang kami na pinagawa ni ano. Ngumiti nalang adviser namin na parang sinasabi na kaya niyo yan. Ang saya saya namin kasi si Sir A napasabi ng, “Ahh, maganda naman pala yung quality eh.” After niyang makita yun, nagligpit agad kami at ready to start our evaluation na. Natapos agad yung evaluation namin by ilang days lang ata yun. Di ko na maalala. Hahaha.
Fast forward… Nag-aayos na kami ng papers ganun. Isa kami sa nauuna. I can still remember nung first day na magpapacheck kami ng papel namin, tinawagan ako ng kaklase namin, saying… “Sarah, kayo nalang yung aabot. Pati ata sina Joice. Suko na kami. Wala ng pag-asang aabot kami. Galingan niyo. Wag kayong susuko para may gumraduate sa atin ng on time.” By those words, naluluha kami ni Jehan habang nag-eedit ng papers. Yes, nalulungkot kami pero hindi dapat namin indahin kasi kelangan. Mind over matter nalang to. Physically tired and emotionally tired na kaming lahat. Fast forward… Defense na. And oo, una kami sa ECE. Yung panel, nagandahan sa thesis namin, pinakita namin yung proofs na okay ang prototype namin. Patapos na sana yung def, minor revisions nalang sana ang problema namin kaso itong si Sir A na nagpahirap samin sa evaluation, ang daming pinuna. Dapat daw ganto, dapat daw ganyan. So in the end, kelangan naming pumunta ng NTC Batangas for permit sa thesis namin. Ayaw niyang tanggapin yung binigay naming proof na pumunta kami dun. Pumunta kami ng NTC Imus, nagbigay ng mas maayos na permit, ayaw pa rin niya. Tapos nagpadagdag pa siya na imultisim daw namin yung ginawa namin. Araw araw na kaming naiyak sa adviser namin and sa faculty namin. Pasuko na ko, kako ayoko na. Buti nalang nandiyan si Jeh to cheer me up. Lagi kaming nagdadasal to help us and of course by His grace, madaming tumulong samin.
Yes, isa kami sa kamuntik muntikang di gumraduate on time. Out of 26, 10 lang sa batch namin ang nakagraduate on time.
Kaya sa mga kaklase kong hanggang ngayon ay lumalaban pa para sa thesis nila at para makagraduate na, hayaan niyo lang mga sasabihin ng iba. Eh ano? Alam ba ng mga taong yan kung ano pinagdaanan ng batch natin? Alam ba nila yung mga sinasabi ng isang prof natin para mas ma-down tayo? Alam ba ng mga nasa paligid natin kung gaano kahirap ang kurso na napili natin? Alam ba nila kung gaano tayo lumalaban para lang makagraduate? Alam ba nila na lahat ginagawa natin makuha lang yung diploma na yun? Hindi. Hindi nila alam. Hindi nila alam yung pakiramdam. Kaya kapit lang tayo lagi sa Kanya. Sa mga madami namang comments jan, ngitian niyo lang tapos sabay sabi ng, “In His perfect timing, makakagraduate din ako.”
- Engr. Sarah Lynn Santiago
0 notes
tamadnablogger · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Advance Valentines Celebration
Sunday morning nag simba kami, nag punta kong Calamba kasi sabi niya advance celeb daw ng valentines kasi di kami makakapag meet ng miskong Valentines because of his exam.
After ng church dapat kakain kami somewhere eh may stall ng siomai house kumain muna ko kasi namiss ko yun huhu fav ko eh after ko kumain sabi niya gusto ko ba daw yun na yung lunch namin tas sa bahay na lang nila kami kumain sabi ko oo naman favy ko eh! Nag order siya limang order then umuwi na kami. Kumain kami tapos binuksan niya yung mga gift ko sa kanya nakakatawa hahahaha. Nag gift kasi ako yung maiba naman, niregaluhan ko siya ng brief na bench, tapos wallet couple kami tas may nilagay ako sa loob na malupet ba bagay HAHAHAHA tatlong toot para I love you HAHAHA tapos Kisses tska letter. Sinuot niya agad yung brief grabe tapos rumampa siya sa bahay nila ng naka brief lang hahahaha andon sina ate at kuya niya pati gf ng kuya niya. Napaka lakas talaga eh. Kinuha niya na din yung swimsuit na binili niya sakin yun na lang daw valentines gift niya sakin nag sosorry pa nga siya kasi wala siyang pa valentines gift. Ayos lang naman sakin yon I dont need those things ang gusto ko lang yung love niya and makasama siya. Tapos sabi ko suot niya muna hahahaha ayon sinuot nga hahahaha.
Mga after lunch tambay kami sa terrace ayon nag feeling manikurista hahahaha then pumasok na kami sa sala nanood kami tv. Tulog din ako saglit tapos Pinanood namin yung kay Liza, Enrique tska Gerald, nakalimutan ko na title eh! Basta yun pinagsasabihan ako habang nanonood na kesyo daw yung sinasabi niya yung pagiging malapit ko sa lalaki kong tropa specifically sa bestf kong lalaki hahaha mamaya daw mafall ako at magkatuluyan kami and happy ending like what we’ve watch dun sa.movie nagkatuluyan yung lagi magkasama and yung boyf niya iniwan. Sabi ko yaan mo na di ko naman gusto yun, sabay sabi niya edi pala kung gusto ko daw pala yung bestf ko iiwan ko daw siya, sabi ko eh di ko naman gusto so hindi tas inulit niya ulit sabi ko oo pero di ko naman gusto kaya di yon mang yayari. Gulat ako! Biglang umiyak di ko na naman alam gagawin ko eh, biglang batulo na yung luha! Namisunderstood niya akala niya ipagpapalit ko siya don, sabi niya iiwan ko daw pala siya edi ako paliwanag, ganto ganyan. Di ko naman kasi talaga gusto yon, at never mangyayari yon. I will never replace him nor leave him kasi he’s all I want eh and only him. ayun napatahan ko naman ang cute cute niya talaga eh hanga talaga ko na sobra sa lalaking to kaya mahal na mahal ko to. Tpos yon inayusan niya naman ako ng buhok tapos tska muka hahaha cutie eh.
Ayun after namin sa house nila pumunta kami sm kain kain then hinatid niya na ko sa terminal. Hayy masaya ko at nakasama ko siya that day, happy naman ako lagi pag kasama yon. Pero may sad part sakin non kasi nga advance celeb yon so meaning we cant celebrate mismo sa araw ng valentines kasi nga because of his exams eh gabi pa tapos non acads muna kami before landi hahaha. Pero ayos lang love ko pa din naman siya.
0 notes