#mga mananayaw
Explore tagged Tumblr posts
Text
ROMEO V. TABUENA Mga Mananayaw, akriliko sa entrepanyo, 1973 #artPH
#romeo tabuena#mga mananayaw#dancers#larawang-pinta#painting#akriliko sa entrepanyo#acrylic on panel#sining biswal#visual arts#filipino art#artPH
2 notes
·
View notes
Text
Mahiyaing Mananayaw (Cosplayer) Mga Sikat sa Cavitenos #Idol @kayro_17 Feature #MPK: Social media star, ibinida ang galing sa pagsayaw (Magpakailanman) @mpkgma https://www.youtube.com/watch?v=yYzpb9Gs6Ng
1 note
·
View note
Text
mananayaw ng dilim
sa pagpatay ng ilaw, 'wag ka sanang matakot
sa gabi lang sila nakakalayang lubos
magtatanghal ang multo't magtatanggal ng saplot
matapos mapagod sa mundong pasikot-sikot
daig pang buhay, araw-araw tinutubos
sa pagpatay ng ilaw, wala kang dapat ikatakot
mas malaya ang lipad kung walang nakabalot
na iniayon sa sabi-sabi na nagiging gapos
sa isang multong nanghihingi ng saplot
sa kahit sinong makakita, kahit anong iabot
makalimos lamang ng atensyong kapos
sa pagpatay ng ilaw, niyapos muli ng takot
magbigay sa iba, masaid, at maubos
bakit ang palabas na ito'y 'di matapos-tapos?
sa pagpatay ng ilaw, hindi ka ba natatakot
na isa ka lang ring multong may magarang saplot?
______________________________________________________
Ukol sa akda Ang akdang ito ay isang villanelle na tumatalakay sa identidad ng mga tao, ang pagiging tao ng bawat tao. Sa maghapong nakikihalubilo sa kapwa at nagpapanggap ng kung anumang ninanais nating maging sa harap ng iba, laging nananatili sa aking isip ang pagiging mas malaya kapag mag-isa na lamang ako sa silid. Tila isang multong lumilipad-lipad lang sa paligid, isang palaisipan sa akin ang katawang kinapapabilangan natin, na naghuhulmang buto't balat lamang ito kapag may nakakakita sa atin. Pero kapag tayo'y mag isa, malaya tayo sa sarili nating espasyo. Totoo nga ba tayong buhay kahit mag isa lamang?
Unang bersyon sa pagpatay ng ilaw, 'wag ka sanang matakot sa gabi lang sila nakakalayang lubos magtatanghal ang multo't magtatanggal ng saplot matapos mapagod sa mundong pasikot-sikot daig pang buhay, araw-araw tinutubos sa pagpatay ng ilaw, wala kang dapat ikatakot sa mga anino't engkantong nanghahablot ng mga kaluluwang naghihikahos na parang multong humihingi ng saplot sa kahit sinong makakita, kahit anong iabot makalimos lamang ng atensyong kapos sa pagpatay ng ilaw, niyapos muli ng takot magbigay sa iba, masaid, at maubos bakit ang palabas na ito'y 'di matapos-tapos sa pagpatay ng ilaw, hindi ka ba natatakot na isa ka lang ring multong may magarang saplot?
0 notes
Text
KULINARI NG PINAS
Bacolor, Pampanga https://www.bria.com.ph/articles/10-things-you-need-to-know-about-kapampangans/
Ayon sa Official Website ng Munisipalidad ng Bacolor, noong 1571, mayroon nang Bacolor bilang isang maunlad na pamayanan. Dumating ang mga Kastila sa pamumuno ni Ferdinand Blumentrit at natagpuan nila ang "Baculud," ang orihinal na pangalang nangangahulugang mataas na lugar.
Ang mga unang nanirahan sa Bacolor ay mga Malayans mula sa Atjeth Sumatra, pinamumunuan ni Panday Pira. Naitala ang opisyal na pagtatag ng Bacolor noong 1574 sa pamamagitan ng may-ari ng lupa na si Guillermo Manabat, kung saan ngayon matatagpuan ang San Guillermo Church.
https://philippinefaithandheritagetours.com/san-guillermo-ermitano-church-villa-de-bacolor-pampanga/
Binago ang pangalang Baculud tungo sa Bacolor nang dumating ang mga Kastila. Ito rin ay naging unang kabisera ng Pampanga mula 1698 hanggang 1904 bago itinalaga ang San Fernando bilang kabisera ng lalawigan noong Hulyo 1904.
Pampanga ang itinuturing na unang lalawigan na nag-organisa ng sibil na pamahalaan sa Pilipinas, ayon kay General Grant, ang Presidente ng Estados Unidos.
Ang Bacolor Festival ay ginugunita tuwing ika-10 ng Pebrero, at ang La Naval Fiesta ay ginaganap tuwing ika-3 Linggo ng Nobyembre.
La Naval Fiesta https://cbcpnews.net/cbcpnews/devotees-join-la-naval-procession/
Noong dekada 1990, naging sentro ng kasaysayan ng bansa ang Bacolor nang pumutok ang Bulkang Pinatubo at wasakin ang 95% ng buong bayan, kabilang ang 18 sa 21 barangay nito na dating maunlad.
https://news.abs-cbn.com/news/07/30/23/misa-sa-ilang-simbahan-sa-pampanga-tuloy-kahit-baha
Maraming kaugalian ang mga Kapampangan na tiyak ipagmamalaki at mas nakikilala ang Pampanga. Mapapansin agad ang kanilang pagiging makuwento dahil dito nila pinapakita ang kanilang pagmamahal at relasyon sa kapwa.
Bukod sa pagiging makuwento ang mga Kapampangan ay isang tunay na rehiliyoso. Ang kanilang pagmamahal sa Diyos, kaakibat ng kanilang pagmamahal sa kapwa, ay maaninag sa mga kaugaliang pag-dadasal, pag-aalay, at paggalang sa simbahan, mga ninuno at mga nakatatanda.
https://coconuts.co/manila/lifestyle/christmas-season-is-officially-here-stunning-parol-display-in-pampanga-goes-viral/
Ang kultura ng pamumuhay sa Pampanga ay simple tulad ng sa iba pang mga lalawigan. Ang pangunahing ikinabubuhay doon ay pagsasaka, mga industriyal na gawain, pangingisda, at paggawa ng mga dekorasyon para sa Pasko tulad ng nagniningningang mga parol.
https://blog.mabuhaytravel.uk/pampangas-best-authentic-foods-that-you-should-definitely-try/
Ang Pampanga ay tinaguriang "Sentro Ng Kulinara" ng Pilipinas dahil tahanan ito ng mahuhusay a kusinero na sinanay ng mga Espanyol sa panahong kolonyal.
Ang mga Kapampangan ay mahilig sa iba't ibang estilo o disenyo ng kasuotan para sa mga babae at lalaki. Halimbawa, ang mga babae ay mahilig sa iba't ibang disenyo ng bistida, habang ang mga kalalakihan naman ay kumportable sa pag-suot ng iba't ibang uri ng kamiseta depende sa okasyon. Ang kanilang pananamit ay simple ngunit may angking estilo, na nagbibigay-kulay sa kanilang pagsasagawa ng mga okasyon.
https://palibut.com/2022/12/10/sinukwan-festival-2022/
Ang Pampanga ay mayaman sa sining at kultura. Ang mga Kapampangan ay mahilig sa musika at sayaw, sila rin ay nagpapakita ng likas na yaman at kahusayan sa pagtatahi. May mga tradisyonal na sayaw tulad ng "Singkil," kung saan ang mga mananayaw ay sumasayaw sa ilalim at sa paligid ng mga patpat na inilalagay sa mga kamay. Mayroon din silang "Pandanggo sa Ilaw," isang sayaw na kinalalakipan ng mga makukulay na ilaw na dinadala ng mga mananayaw.
Ang sining at kultura ng mga Kapampangan ay nagpapakita ng kahusayan, kahusayan sa musika, sayaw, paglikha, at mga alamat na nagpapahayag ng kanilang identidad at pagmamahal sa kanilang lalawigan. Ito ay patuloy na nagbibigay-buhay sa kanilang kultura at nagpapamana sa mga susunod na henerasyon.
San Guillermo Parish, Bacolor Pampanga https://foursquare.com/v/san-guillermo-parish-church/4ce762d1948f224b4a0cea5d
Matatagpuan ang Simbahan ng San Guillermo sa Bacolor, Pampanga, Pilipinas, at ito ay itinawag kay San Guillermo, ang patron ng bayan.
Itinayo ang simbahan noong 1576 ng mga Paring Agustino, at ito rin ang panahon ng pagtatag ng bayan, kung saan naging kauna-unahang pari ng bayan si Padre Diego de Ochoa, OSA, dalawang taon matapos ang pagkakatayo ng simbahan.
Matagumpay na nakalampas ang simbahan sa maraming kalamidad sa mahabang panahon, kabilang na ang matitinding bagyo, lindol, at pati na rin ang pagsabog ng Mount Pinatubo noong 1991.
Gayunpaman, noong ika-3 ng Setyembre 1995, ang pag-agos ng lahar ang nagdulot ng pinakamalaking pinsala sa simbahan at buong bayan. Ang Bacolor ay natambakan ng 12 metro ng putik, mga bato, at iba't ibang abo mula sa pagsabog ng bulkan.
Gayunpaman, nagpatuloy ang mga serbisyo sa kalahating ibinaon na simbahan, at ito ay naging atraksyon para sa mga turista sa ilang panahon.
Ang kasaganahan ng dekorasyon ng simbahang Bacolor ay nagpapakita ng mataas na antas ng Baroque at Rococo.
Sa kabila ng pagkakasira nito, ang San Guillermo Parish ay naging simbolo ng pagtibay ng pananampalataya ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok. Nagpapatuloy itong makita sa mga pananampalatayan at tradisyon ng mga taga-Bacolor at mga kalapit-bayan.
1 note
·
View note
Text
Ang Enchanted Kingdom ay isang sikat na amusement park na matatagpuan sa Santa Rosa, Laguna, Philippines. Kilala ito sa mga nakakaaliw na rides, entertainment show, at family-friendly na kapaligiran. Ang pagbisita rito ay isang panaginip na natupad para sa akin, at hindi ako makapaghintay na ibahagi ang aking karanasan sa iba. Pagpasok ko pa lang sa Enchanted Kingdom, natulala ako sa makulay at masigla na kapaligiran. Ang parke ay puno ng sigla, at naririnig ko ang mga bata na nagtatawanan at nagsisisigawan sa tuwa habang sila ay sumasakay sa mga rides. Ang hangin ay napuno ng matamis na aroma ng cotton candy at popcorn, at hindi ko maiwasang maramdamang para akong bata muli. Isa sa mga unang rides na sinakyan ko ay ang Rio Grande Rapids, isang roller coaster na dadalhin ka sa mga loop at twists na napakabilis na bilis at ikay mababasa sap ag bagsak mo sa tubig. Ito ay isang kapana-panabik na karanasan, at hindi ko napigilang mapasigaw nang buong lakas habang ako ay tinutulak sa hangin at mabasa. Ang tanawin mula sa tuktok ng coaster ay kapansin-pansin, at nakikita ko ang buong parke na nakalat sa harapan ko. Ang isa pang highlight ng aking pagbisita sa Enchanted Kingdom ay ang Enchanted Rialto, isang 4D cinema na magdadala sa iyo sa isang kapanapanabik na biyahe sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang mga upuan ay gumagalaw kasama ang pelikula, na nagpaparamdam sa iyo na nariyan ka talaga. Pakiramdam ko ay lumilipad ako sa ibabaw ng Swiss Alps, nagsu-surf sa mga alon sa Hawaii, at naglalakbay sa mga pyramids sa Egypt. Isa sa mga pinakanakakahangang bahagi ng Enchanted Kingdom ay ang Ferris wheel. Ito ay ang pianakamapayapang rides na nasakyan ko. Ito ay sobrang laki na makikita mo ang magagandang tanawin pati narin ang buong bahagi ng Enchanted Kingdom. Ngunit ang Enchanted Kingdom ay hindi lamang tungkol sa mga rides at atraksyon. Mayroon ding iba't ibang palabas sa entertainment sa buong araw, na nagtatampok ng mga mananayaw, acrobat, at salamangkero. Kahanga-hanga ang mga palabas, at namangha ako sa talento at husay ng mga gumaganap. Sa pangkalahatan, ang aking pagbisita sa Enchanted Kingdom ay isang mahiwagang at hindi malilimutang karanasan. Tunay na naaayon ang parke sa pangalan nito, na may kaakit-akit na kapaligiran na nagdadala sa iyo sa isang mundo ng kasiyahan at kaaliwan. Lubos kong irerekomenda ito sa sinumang bumibisita sa Pilipinas, ikaw man ay naghahanap lamang ng isang masayang araw kasama ang pamilya at mga kaibigan. -Elsayed, Sherine
0 notes
Text
SHS DBTI–Makati: Ang Katotohanan (Deskriptibo)
ni Kyla Verdadero
"Huwag ang DB Boys, mga red flag yan!"
“Puso ay ingatan, DB Boys ay iwasan.”
Kapag ikaw ay babad sa internet kagaya ko, marahil ay dumaan na sa iyo ang katagang ito patungkol sa mga lalaking mag-aaral ng Don Bosco. Sa pagbasa nito, siguro ay naging masama ang imahen ng paaralang ito sa iyo. Ikaw ay maaaring nagdadalawang-isip sa pagpapatuloy ng pag-aaral dito. Kung iisipin, sino naman ang taong tutuloy rito, lalo na ang mga taong hindi pa miyembro ng komunidad ng DB kung mayroon kayong nakitang masama tungkol sa mga mag-aaral dito. Bilang bagong babaeng Bosconian na batay sa aking naging pagsusuri, ang katagang ito ay tinatabunan ang kagandahan at kabutihan ng mga estudyante, pati na rin ang mismong DBTI–Makati.
Ang hindi alam ng marami, sa paaralang ito ay mayroong samu't saring mga kalalakihan ang inyong matutunghayan. Mayroong atleta, musikero, lider, mang-aawit, mananayaw, misteryoso, henyo, tagataguyod, komedyante, tahimik, at marami pang ibang naka-iindak na mga personalidad. Ang simpleng pahayag na iyon ay hindi kailanman masusukat ang totoong isang Bosconian. Ang mas mabisang paraan upang mas makilala ang paaralan ay sa pamamagitan ng mismong pagpapatala sa DBTI–Makato. Huwag din mawala sa iyong isipan na maaaring mas makikilala mo ang ugali ng mga kapwa mag-aaral kapag malapit na kayo. Kung hindi kayo malapit sa isa’t isa, likas sa taong magsuot ng maskara sa mga taong hindi pa nila nakilala. Ngunit sa larangan ng Senior High School (SHS), hindi na lamang ito eksklusibo sa mga kalalakihan sapagkat nagkaroon na rin ng pagkakataon ang mga kababaihan na makapag-aral dito. Sa rasong sa SHS lamang naisakatuparan ang pagbabagong ito, bilang lamang ang mga kababaihan na makikita sa paaralan. Ang totoo rito, halos ng mga kalalakihan ay natatakot, nahihiya, o nawawala sa sarili kapag kaharap na kahit isang babae lamang ito. Sa huli, ang mga estudyante rito ay mababait, maka-Diyos, maginoo at marespeto sa kababaihan, at higit sa lahat, sila ay bukas sa mga bagong mag-aaral at ipararamdam nila na tila ito ang kanilang bagong tahanan. Sa Senior High School ng Don Bosco Technical Institute ng Makati, ang mga personalidad ng mga tao na naroon ay ang pinakadakilang kagandahan ng paaralang ito. Ang pagkakaroon ng kaibahan ay ang nagbibigay kulay sa kapaligiran ng DB.
SHS Marian Pilgrimage 2022
Sa usapang akademiko, mabibigyan ng pagkakataon ang mga estyudanteng makamtan ang kasanayan at karunungang nararapat na makatawan ng isang SHS na mag-aaral. Hindi lamang ang paraan ng nagbibigay ng labis-labis na mabibigat na gawain sa mga estudyante upang makuha ang layunin sapagkat mayroong mga kaganapan na upang mas mahasa ang mga ito kasama ang kanilang mga kapwa Bosconian. Ang mga kaganapan na ito ay mga Bosconian lamang din ang mismong utak sa mga masasaya at makabubuluhan upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa ating mga sarili at pati na rin sa kapwa mag-aaral. Ang mga Bosconian ay mahuhusay sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng mga aral at sa karanasang inihahandog ng DBTI–Makati sa mga mag-aaral. Sa madaling salita, ang mga kalalakihang mag-aaral ay mga bihasa na sa anumang gawain na mayroong kinalaman sa kanilang interest gamit ang mga oportunidad na nagbibigay-daan sa kanilang pag-unlad.
Sa pagwawakas sa artikulo na ito, maaaring hindi talaga sila tinadhana para sa isa’t isa kaya nakitaan ng “redflag” ang Bosconian na ito pero ang totoo, ang mga mag-aaral dito ay ang mga isa sa mga pinakamabuting tao na makikilala sa inyong buhay. Kaya, mapatala na kayo at kilalanin ang mga Bosconian na babago sa inyong buhay at ang DBTI–Makati na magbibigay ng bagong pagkakataon upang maging daan sa buhay na iyong ninanais.
—Kyla Verdadero, The Braga Gazette
Balik-Balay 2022, Batch 2024
0 notes
Text
Blog entry #3
The Chronicle of My Success Foretold.
Ako si Angelita Icamen Pallorina na ipinanganak noong Oktubre 23, 2002. Sa Lugar ng Pasig City, ako ay pangalawa at bunso sa aming mag kapatid. Noon pa man noong ako ay anim na taong gulang pa lamang ay mahilig na sa pag susulat, bagamat ito ay mga letra pa lamang at mga numero nakitaan na ako ng aking mga magulang ng potensyal at pag kakaroon ng pag ka hilig sa pag susulat. Lumipas ang ilang taon noong ako ay elementarya na sa Dr. Alejandro Albert Elementary School madalas na akong sumasali sa mga patimpalak na may kinalaman sa mga talento, pasulat man ito pasayaw o maging sa pag kanta. Halos lahat ng tao ay nahuhumaling sa angking kabibuhan na taglay ko, kaya naman lumipas ang ilang taon noong ako ay nasa pangatlong baitang na naisipan kong sumali sa organisasyon ng aming paaralan na tinatawag na "Book lovers Club" dahil sa kagustuhan kong maibahagi sa iba pang mga mag-aaral ang aking kaalaman sa pag babasa, at pag sulat nag pasya akong maging kabilang sa grupong iyon. Lumaon ang dalawang taon ako ay nasa ikalimang baitang na mas nahasa ang aking pag papamalas ng galing sa aking kapwa kamag aral at maging sa aking mga guro, naging mananayaw ako hanggang sa ako'y naging pang anim na baitang. Tunay ngang naisisiwalat ko ang aking talento di lamang sa pag basa at pag sulat kundi maging sa pag sasayaw at pag peperporm. Nag sekondarya ako sa paaralang Ramon Magsaysay na matatagpuan sa Espanya Manila. Sa paaralang iyon mas nahasa ang aking pag sulat sapagkat madalas akong sumasali ng mga "essay contest". Ang pag kakaroon ko ng kamalayan sa kung ano talaga ang gusto kong makamtan sa buhay ay nag sisimulan sa pag kabata, maaring na papayabong ito ay nabibigyang tuon kaya naman mas nag kakaroon ng tulay patungo sa kung ano ang nais ko sa buhay, konektado ang bawat hakbang na ginagawa ko sa aking mga karanasan. Pagtapos ng aking ikasampung baitang ako ay nag patuloy ng aking pag aaral sa Philippine College of Criminology dahil noon ako ay naguguluhan kung ako nga ba ay mag pupulis o ipag papatuloy ko ang aking nasimulan sa mundo ng pag sulat, pag basa at maging sa pag peperporm. Ako ay nag isip ng taimtim at nag tanong sa aking mga magulang upang maging gabay ko sa aking pipiliing landas. Lumaon ang ilang buwan ng aking pag iisip kung ano nga ba ang gusto kong tahaking landas nakapag pasya akong ituloy kung ano nga ba ang aking nasimulan. Ako ay nag bakasakali ng kolehiyo sa Unibersidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. At sa huli ako ay inilagay ng Diyos upang mag aral sa Paaralang tinitingala at pinapangarap ng mga estudyante na gustong mag aral sa PLM, lubos akong nag papasalamat sapagkat ako ay isa sa mga mapapalad na makapasok sa paaralang iyon. Ang unang pumasok sa isipan ko noong ako pa lamang ay nag papasya kung ano nga ba ang pipiliin kong kurso sa kolehiyo hindi na ako nag dalawang isip na piliin ang BAC o Bachelor of arts and communication sapagkat dito mas mahuhubog ang aking mga kakayahan sa pag peperporm, pagsulat at pag basa. Kalauna'y ako ay nasa sekondarya na bilang isang kolehiyo, ako ay sumali sa "The Communique" na bahagi ng aming kurso upang maipamalas ko ang aking galing sa pag susulat. Sa susunod na aking tatahaking landas ako ay magiging isang magaling na manunulat sa likod ng kamera.
0 notes
Video
tumblr
Unang Sayaw
Sa dinami dami ng araw na nagdaan, napagod na ako sa aking kakahiling,
Sa bawat 11:11 na dumaan sa bawat gabi,
sa mga pisong aking binato sa balon habang nakaekis ang aking mga daliri.
Hinihiling ang isang taong kahit kailan ay hindi mapapagod at pipiliing manatili.
Ilang tao na ang dumaan ngunit ay hindi naging sagot sa aking kahilingan.
Mga taong dumaan para magsilbing na lamang na leksyon at palaisipan.
At sa oras ng aking pagsuko ay tila nagbago ang takbo ng mundo,
Kahilingan na minimithi ay nasagot at iyong pagdating ang naging pamamagitan
Dumating ka sa panahon kung saan sinukuan ko na ang larangan ng pagsasayaw,
Kung saan ang bawat hawi ng kamay, bawat sipa at hakbang ng paa ay nawalan na ng kahulugan.
Sa larangang ito ay alam kong ika’y hindi na rin isang baguhan,
Tayo’y dalawang matapang na kaluluwang piniling sumugal habang bulag sa katotohanan,
Dalawang taong ginusto lamang maramdaman ang musika ng pagmamahal
Lumaban ngunit isinuko at iniwan.
Dating tapang ay napalitan ng takot at alinlangan,
Ang ating entablado ay wala nang laman kundi ay bakas ng kahapong pinipilit bitawan
Mahal, kung ito man ang iyong unang hakbang pabalik,
Ipikit mo ang iyong mga mata at damhin mo ang munting musika muli,
Mga mata mo ay sa akin mo ibaling at hayaan mong dalhin tayo ng ating mga paa.
Magsimula tayo sa ating unang hakbang, alam ko kung gaano ito nakakakaba
Sapagkat, sa bawat bagay na nagsisimula sa mundo ay sinusundan ng walang kasiguraduhan.
Huwag kang matakot, aking mahal, dahil sa iyong unang hakbang tungo sa kawalan ay naandito ako at hawak ang iyong mga kamay.
Dahil tayo ay dalawang mananayaw sa musikang hindi na bago sa ating pandinig,
Isang kantang nabibigyan ng buhay sa pamamagitan ng dalawang handang masugatan sa tinik
Huwag kang mag alala,
Dahil mula sa gabing ito,
Ipinapangako kong hindi mo na ito papakinggan mag isa,
Sabay tayong kakaliwa,
Sabay tayong kakanan,
Sa bawat ikot mo’y ako’y iyong madadatnan,
Nakadilat man o nakapikit, pagkalaglag mo ay aking laging sasaluhin
Sapagkat sa iyong unang hakbang, puso ko’y muling nabigyan ng tinig
Sa bawat kilos na nakalaan sa ritmo ng ating musika,
iyong ngiting nakatatak sa aking mata ay hindi hahayaang mawala
Makakaasa kang ang balsang aking ginawa para sa ating dalawa ay makakarating sa ating patutunguhan.
Hindi ito hahayaang lumubog at bawat alon ay lalabanan
Dahil mas malawak pa sa kahit anong dagat ang mga luhang tumulo galing sa mga napag iwanan.
Kaya mahal, kung ito man ang iyong unang hakbang,
Handa akong sumayaw muli habang ikaw ang aking katabi,
Mga paang pagod ay binigyan mo ng rason para maghilom at humakbang muli,
Mga kilos na noo’y nawalan na ng kahulugan ngayon ay nabigyan uli ng dahilan,
Puso ay handang sumubok muli at pangalan mo ang ipagsisigawan
Kaya mahal, kung ito man ang ating panibagong simula,
Kung ito man ang ating magiging unang sayaw,
Hihintayin ko na ikaw ay maging handa,
Dahil mas pipiliin ko pang ilagay ang puso ko sa linya para sa iyong pag ibig, kaysa sa tapusin ang musikang ito na hindi ikaw ang kapiling.
4 notes
·
View notes
Text
〖 ❝ 𝕸𝖚𝖘𝖎𝖈 𝖍𝖆𝖘 𝖓𝖔 𝖑𝖆𝖓𝖌𝖚𝖆𝖌𝖊 ❞ 〗
✦ ➸ Pag laki sa isang tahanan na bukas sa pagsasagawa at pagtuto ng mga gawain na hindi lamang pang Pilipino, kundi mga pandayuhang kultura na rin, hindi katanggi-tanggi para sa akin kung bakit napakaraming bagay ang aking nakakahiligang gawin at tangkilikin. Hindi ako agad agad nahuhumaling sa isang bagay ng basta basta... kailangan may sapat na dahilan upang magustuhan ko ito, dahil ang pagkakaroon ng hilig ay ang ating pampalipas oras at nasasakop nito ang karamihan sa ating iniisp kahit sa isang araw lamang.
✦ ➸ Ako ay isang KPOP Fan o ang tao na umiidolo, nagsusuporta at nagmamahal sa mga grupo o tao na nagpeperform mula sa bansang, Korea. Isang dahilan nito, ay maliban sa mga itsura, kanta, at ano mang performance nila ay naging fan ako ng KPOP ay dahil sa atensyon na nabibigay nila sa humahanga sa kanila, ano man ang lahi, ano mang pagkakaiba ng oras sa kanilang lugar at sa umiidolo sa kanila, kung paano sila kasayang pagmasdan at panoorin, at pagkatuto ng kanilang kuwento tungo sa kanilang mga pangarap.
Sa daan daang grupo na mayroon ngayon, karamihan dito ay sinusuportahan ko, ngunit isang grupo at isang soloist ang aking isinasapusong suportahan.
✦ ➸ Isa na rito ay ang SEVENTEEN...
Sila ay ibinubuo ng labing tatlong miyembro, na may napakagandang boses, napaka angas na rappers at lahat sila ay magagaling na mananayaw. Ang unang beses kong hangaan sila ay noong 2018, nang nanonood ako ng isang palabas sa Youtube ay naging ad ang music video ng kanta nila na " Thanks ", at sa umpisa pa lamang ay natuwa na ako sa kanta at napakaganda ng pagkakakuha ng music video nito. Ito ay hindi katulad ng ibang nakikita ko na kapag sa panlalaking grupo ay dark, powerful, at maskulado ang tema na ipinapakita, hindi tulad ng sa music video na ito ay tama lang at nakakalambot sa puso ang ipinapakita. Nang matapos ko panoorin ito ay naghanap pa ako ng maraming palabas na tungkol sa kanila, at isa isa ay napa-ibig ako sa kanilang lahat. Kung ako man ay mabibigyan ng pagkakataon na magbigay ng mensahe sa kanila, ang ipapahatid ko ay labis na pagpapasalamat sa saya na ibinigay nila sa akin, labis na kaba at lungkot kapag sila ay napapahamak, sa kilig na pinaparamdam nila, at lalo na sa halo halong emosyon noong nakita ko sila mula sa sarili kong mga mata at nasa harap ko. Sana ay panatilihin nila ang pagkakaroon ng pamilya ang turingan sa isa't isa at kahit sa mga humahanga sa kanila... na susuportahan ko sila hanggang sa makakaya ko, kung darating man ang panahon na kakailanganin kong bitawan ang pagiging fangirl ay nagpapasalamat ako sa kanila sa pagiging malaking parte ng aking kabataan. At dahil bata pa lamang ako at iilang taon pa lamang sila na grupo, inaasahan kong mahaba habang panahon pa ang pagsasamahan namin, at lulubusin ko ang bawat sandali nito.
youtube
✦ ➸ Ang isa ko pang hinahangaan ay si Chungha na isang KPOP soloist...
Siya ay isang napaka talentadong babae, mabait, maalalahanin, nakakatuwa, at masayahin. Dati siyang miyembro ng isang grupo na IOI, ngunit ito ay nawala rin matapos ng ilang taon, dahil sa kanilang kontrata sa kumpanya na napapailalim ng grupo. Matapos ang iilang buwan ay nagsimula siya muli at sunod sunod ang paghahakot ng iba't ibang karangalan. Hindi mapagkakait na karapat dapat itong mapa sa kamay niya ito, dahil halata naman sa mga kakayanan nito. Kaya niyang tumayo... magningning mag-isa, at nakukuha ang atensyon ng mga tao. Maliban sa kanyang mga talento ay may mabuti siyang puso, hindi niya nakakalimutan makipag kamustahan sa dati niyang miyembro at ipinapahalagahan niya ang bawat tao na sumusuporta sa kanya. Binibigyan niya ang mgasumusuporta sa kanya ng atensyon ng mga tao, mga backup dancers at iba pang staffs bilang pagbibigay pugay na sila rin ay may malaking ambag sa kanyang karera. Kung ako naman ay mabibigyan ng pagkakataon na magbigay ng mensahe kay Chungha, gusto ko magpasalamat rin sa pagpapasaya, performances na nakakapagpahanga sa akin, at pagpapalambot ng puso ko mula sa mga magagandang bagay na nasagawa niya na. Gusto kong makita siya kahit isang beses lamang sa buong buhay ko at paulanan siya ng magagandang bagay.
youtube
✦ ➸ Maliban sa KPOP, mahilig rin ako makinig ng mga American na mang-aawit, pero ang aking pinaka paborito ay si Taylor Swift. Kahit ang karamihan sa kaniyang mga kanta ay tungkol sa mga na- " sawi ", niloko o kahit ano pang termino na nasaktan sa pag-ibig, ay marami rin siyang kanta na naghihikayat sa mga tao tulad ng " Change " at " The Man ". Madami nang nangyari sa kaniyang buhay, ilang beses nang nakaranas ng pampublikong pambabatikos, pero nanatili siyang matatag sa mga mata ng mga tao at bumabawi na lamang sa paraan ng pagsusulat ng mga kanta. At ang mga kantang ito ay kaniya ring nakakamit ng karangalan... napakarami at napakalaking karangalan kaysa sa mga ibang mang-aawit. Ito ang hinahangaan ko sa kaniya, hindi lang sa mga kanta na isinusulat niya, hindi lang sa pag-aawit niya at mas lalong hindi lamang dahil maganda siya... kundi sa tibay ng loob niya para ipamukha sa mga nanakit sa kaniya ang kaniyang nakakamit sa buhay, na siya ay karapat dapat sa mga karangalan na nakukuha niya.
Ang mga bagay na nababanggit at nagagawa nilang mga iniidolo ko ay kadalasang nasasanay ko na ring gawin sa sarili kong pang araw araw na gawain, pero hindi ibig sabihin nito ay nakakalimutan ko na ang pagtatangkilik ng mga tao rito sa aking sariling bansa.
youtube
✦ ➸ Ang aking paboritong Pilipinong mang-aawit ay si Sarah Geronimo, kung saan bata pa lamang ako ay napapanood ko na siya sa iba't ibang pelikula, pero hindi ko agad nalaman na siya ay isang mang-aawit. Saka ko nalang nalaman na siya ay kumakanta noong nakita ko ito sa isang programa sa isang channel sa telebisyon. Matapos noon ay tinangkilik ko na ang mga kanta niya, kung saan marami rito ay iba iba ang ramdam. Mayroong pop, ballad, dance at marami pang iba na tiyak magugustuhan ng nakakarami lalo na sa napaka gandang boses nito. Naaalala ko pa noong dumalo ako sa concert niya at unang beses ko narinig ang kaniyang boses ng live. Lalong naghalo ang aking emosyon ng ang una pa niyang kinanta ay ang paborito kong kanta niya, ang " Dulo " na rearranged version napakaganda ng panibagong bersyon ng kanta na kung saan ako pa ay napaluha. Sa bagong yugto ng kaniyang buhay ay sana panatilihin niya ang pagiging masayahin, kwela at positibo kasama ng kaniyang pamilya.
youtube
" Music has no language ", ibig sabihin ay walang kinakailangang wika sa musika. Hangga't nasusuportahan ng awit ang nararamdaman natin ay mananatili parin itong musika ❣
- Smiley💛
2 notes
·
View notes
Text
Kulturang Pilipino: Mga kultura at tradisyon ng mga Pilipino
Nabuo ang kultura at tradisyon ng Pilipinas dahil sa mga pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito. Ang kulturang ito ang sumasalamin at nakadadagdag ng ganda sa bansang Pilipinas. At dahil rin dito kilala ang Pilipinas sa mga natatanging kultura at tradisyon.
Mga Kultura at Tradisyon
Ito ang mga ilan sa mga kultura at tradisyon ng mga Pilipino:
Pista
Ang pista ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan, ang mga makukulay na parada, mga katutubong seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan. Ang panahon ng kapistahan ay isa rin sa mga pinaka-inaabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo ng mga turista taun-taon.
Senakulo
Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o kaya'y sa bakuran ng simbahan. Ang magkakaibigan, magkakamag-anak, at magkakababayan ay magkikita-kita upang panoorin at palakasin ang loob ng mga tauhan sa dula.
Simbang Gabi
Ang Simbang Gabi ay isa sa mga pinakamatagal at pina-popular na kaugalian ng mga Pilipino tuwing Kapaskuhan. Ito ay kilala din sa tawag na Misa de Gallo na ang ibig sabihin ay "Mass of the Rooster" o Misa ng Tandang. Ang tradisyon na ito ay mahalaga sa bawat Pilipino sapagkat ito ay simbolo ng pagdating ni Hesucristo. Ang Simbang Gabi ay serye ng siyam na araw na nobena para kay Birheng Maria na nag-uumpisa tuwing Disyembre 16 at nagtatapos sa Disyembre 24.
Bayanihan
Ang Bayanihan ay ang sama-samang pagtutulungan ng mga magkakapitbahay o mga magkakabaranggay sa pagbuhat at karaniwang paglipat ng isang bahay, na noon ay kubo na gawa sa nipa at iba pang magagaan na materyales, ng kanilang kasamahan patungo sa isang bagong pwesto. Sinasalamin ng tradisyong ito ang pagkakabuklod-buklod at mapayapang pagsasama at sistema ng tulungan sa isang pamayanan.
Flores de Mayo
Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong buwan ng mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan at kabutihan.
Tinikling
Ang tinikling ay isa sa pinakakilalang katutubong sayaw ng Filipinas. Nagmula ang sayaw sa Leyte. Ang maingat na pag-iwas ng babae’t lalaking mananayaw sa nagpipingkiang kawayan ay halaw sa masigla ngunit mahinhing pag-iwas ng ibong tikling sa patibong na inilalatag ng mga magsasaka sa kanilang palayan.
Barong Tagalog at Baro't Saya
Ang Barong Tagalog ay isang binurdahang pantaas na baro at kinikilalang pambansang kasuotang panlalaki sa Pilipinas. Unang tinawag na baro ng Tagalog, ang kasuotang ito ay may apat na siglo na ring ginagamit sa bansa at patuloy na pinapaganda upang masabayan ang pagbabago ng lipunan. Kabilang ito sa mga popular na kasuotan para sa mga mahahalagang pagdiriwang at kasiyahan sa Pilipinas, gaya ng kasal, mga sagala, maging sa burol at paglilibing.
Ang Baro't Saya naman ay ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng manipis at binurdahang pang-itaas, at palda o saya na makulay at kadalasang guhitan. Gamit ang bakya bilang sapin sa paa, ang mga kababaihang nagsusuot nito ay may hawak ding abaniko upang gawing pantakip sa kanilang mukha o kaya'y sa kanilang dibdib. Ang pagsusuot nito ay alinsunod sa utos ng mga Espanyol na takpan at damitan ang hubad na katawan ng mga katutubo, lalo na ng mga kababaihan, sa kanilang pagdaong sa bansa.
19 notes
·
View notes
Photo
PHOTO SOURCE: 2:22 Film
THE AERIAL BALLET DANCE (ART)
Isa sa paborito kong art performance ay ang “aerial ballet’ kung saan ang mananayaw ay sumasayaw sa ere sa pamamagitan o tulong ng makapal at mahabang tela. Una kong nakita ang sayaw na ito sa pelikulang 2:22. Habang pinapanood ko iyon ay tila namangha ako, hindi ko maipaliwanag, tila iba ang naibibigay na pakiramdam ng sayaw na ito sa kanilang mga manonood, lalo na siguro kung sa personal ito makikita.
Para sa akin, ang gandang pagmasdan ng mga mananayaw dahil sa pagkabanayad ng kanilang galaw at tila ba mararamdaman o maiintindihan mo rin ang gusto nilang ipahiwatig kahit hindi sila gumagamit ng salita. Kapag sinamahan pa nila ng angkop na musika ay mas lalong gumaganda ang pagpapalabas ng sayaw na ito.
Isa rin sa dahilan kung bakit na gustuhan ko ito ay dahil sa ideyang paglipad, dahil karamihan naman sa atin ay minsan na ring pinangarap na makalipad. Iba kasi pakiramdam ng ganoon, hindi ba?. Yung tipong kapag kaya mong lumipad, parang malaya ka, yung parang kaya mong gawin ang lahat o abutin lahat ng gusto mo.
Pangarap ko rin na balang araw, hindi lang ako makapanood ng aerial ballet sa pelikula o telebisyon kung hindi sa personal na. Sapagkat ang ganitong pagkukuwento o pagpapahayag ng damdamin gamit ang pagsayaw sa ere ay labis na nakakaantig para sa akin.
1 note
·
View note
Text
BLOG #1: Sining, Kultura at Wika: Puso’t Diwa ng Pilipinas
Noong ako ay isang manunugtog ng Baliktanaw Rondalla, namulat ang aking kaisipan sa paglaganap ng nasyonalismo hinggil sa larangan ng sining at kultura. Sa paraan ng pagtugtog, nakilala ko ang iba’t ibang mga sayaw na sumasalamin sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Isa rito ang Binasuan mula sa Bayambang, Pangasinan. Ito ay isinasayaw tuwing mga kasalan at pista.
Ang terminong “binasuan” ay nangangahulugang “gamit ang o sa pamamagitan ng baso” at may pahiwatig ng maligayang pagtatagay kung nagdiriwang. Sa sayaw, tinutukoy nito ang mahirap na tungkuling timbangin ang tatlong basong may laman na alak o anumang likido, na nakapatong sa noo at sa dalawang palad ng isang babae habang sumasayaw. Isinasagawa ang naturang paninimbang habang masining na umiikot-ikot, ikinukunday ang mga bisig, o gumugulong sa sahig o entablado ang mananayaw.
Katulad ng Binasuan, dapat din nating ipagdiwang ang ating sariling wika, ang Filipino. Maaari itong maipakita, mapanatili at mapaunlad sa pamamagitan ng sining. Ngunit hindi lamang sa buwan ng Agosto dapat itong ginugunita at tinatangkilik, kundi sa araw-araw rin bilang pamamahagi na tayo ay mga makabayang Pilipino.
Sa panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon noong 1935, nagsimula ang mithiing bumuo ng isang pambansang wika na siyang magbubuklod sa buong bansa. Dahil dito, iniatas sa Kongreso ang “magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika” sa bisa ng Saligang Batas ng 1935.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), “ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa ‘pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.’ Sa madali’t salita, Tagalog ang napili.”
Bilang mga Pilipino, tungkulin nating panatalihing gising ang diwa ng Sining, Kultura at Wikang Pilipino. Sa gayon ay maisasabuhay natin ang pagiging makabayan hindi lamang para sa kasalukuyan, ngunit para rin sa mga susunod na henerasyon.
Sanggunian:
Philippine Cultural Education (https://philippineculturaleducation.com.ph/binasuan)
Komisyon sa Wikang Pilpino (https://cfo.gov.ph/pagdiriwang-ng-buwan-ng-wika-2021)
1 note
·
View note
Text
hingang pahinga
Habang nakalutang ang magkakalayong daliri’t pinakikiramdaman lang ang paligid, lalamunin ng dibdib ang bigat ng paghinga’t marahang hahayaang lumawak sa loob hanggang sa umabot sa pag-ahon ng mga balikat at kapag umabot na sa lalamunan—ay bibitiwan at saka iimpis ang lahat sa paglabas ng hininga.
Mananatiling tahimik ngunit sa kawalan ng tinig ay mas maririnig ang pagkalabog ng nadadabog na pulso, ng dugo sa puso. Ang tensyong namuo sa ilang linggong pagod ay gumagapang mula abdo paitaas, padaan sa akyat-babang buto-buto’t likuang braso parating sa pinakadulo—imbentong lobo.
Kusa nang sumasabay sa ritmo ng hinga ang aking mga kamay na parang beteranong mananayaw. Umaalpas ang minsang bigat na tila nangawit na espiritung nakapasan. Ang mabilis na pintig ay tuluyan na ring babagal, kakalma, at parang luluwag ang suot na kamiseta sa gaan ng pakiramdam.
Ilan pang hinga at mamamasa na ang talukap ng nakapikit pa ring mga mata at saka maiisip—antok.
______________________________________________________
Ukol sa pagsasanay Ito ang pinakaunang pagsasanay namin sa klase. Dito ko nakuha ang paglalaan ng oras sa pagtukoy kung anong tunay na nararamdaman: anong parte ng katawan ang nakadarama ng tensyon at paano ang nagiging daloy nito paloob at palabas. Mahirap ang nagsusulat na laging sa isip lang nanggagaling, mahalaga ang pasensyosong pagtukoy sa kung gaano kalalim at gaano katindi ang mga pandamang nagbubunga sa isang emosyon. Ito ang mga detalyeng tayo lamang ang makapagbibigay--taong buhay at nakakaramdam.
1 note
·
View note
Photo
“Naniniwala ako na alipin ng pagbabago ang larangan ng sining. Tulad ng isang tula na pwede mong baguhin ang mga salita. Tulad ng isang larawan, pwede mong kulayan ng iba. Tulad ng isang kanta, pwede mong baguhin ang tono at mga lirika. Tulad ng isang sayaw, pwede mong baguhin ang indak at sigla.
Ngunit mananatili pa rin itong maganda at pumu-pukaw. Kabaligtaran sa mga manunulat, pintor, dibuhista at mananayaw. Sila ang alipin ng sining.
Kahit anong pagbabago ng landas, hindi magbabago ang hangarin. Babalik at babalik pa rin. Sa larangan ng sining.” -- Larangan ng Sining, LAH
17 notes
·
View notes
Text
Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya ni Rebecca de Dios
Ako si Rebecca, labing-anim na taong gulang, anak ng mag-asawang OFW na kapwa nagtatrabaho sa Barcelona, Espanya. Walong taon na rito sina nanay at tatay subalit ito pa lang ang unang pagkakataong naisama nila ako. Nagkaton kasing nagbago ang school calendar ng unibersidad na papasukan ko. Sa halip na sa nakasanayang Hunyo ay sa buwan ng Agosto pa magbubukas ang klase kaya sinamantala namin ang mahaba-habang bakasyon mula sa Abril hanggang huling linggo ng Hulyo upang sa halip na sila ang umuwi sa Pilipinas ay ako ang pinapunta nila sa Barcelona, isa sa pinakakilalang lungsod sa Espanya.
Sa isang malaking hotel sa Barcelona nagtatrabaho ang aking magulang. Bago pa ako dumating ay inayos na nila ang oras ng kanilang pagpasok upang lagi akong may makasamang isa sa kanila. Magkaiba ang kanilang shift sa trabaho subalit nagawan nila ng paraang tuwing Sabado at Linggo ay maging libre sila pareho para makasama ako. Dahil dito, napasyalan namin ang magagandang lugar sa mga lungsod ng Madrid, Seville, Toledo, at Valencia. Sa apat na buwan ng pamamalagi ko sa Espanya at pamamasyal namin sa iba't ibang lungsod dito ay marami akong natutuhan at naranasan sa kanilang mga kaugalian, kultura, at tradisyon.
Klima at Panahon
Sa unang buwan ng aking pagbisita (Abril hanggang Hunyo) ay nakaranas ako ng katamtamang panahon. Subalit sa buwan ng Hulyo gayundin daw sa buwan ng Agosto (na hindi ko na inabot) na itinuturing na tag-init sa kanila ay sadyang napakainit ng panahong maihahambing sa ating nararanasan sa Pilipinas sa mga buwan ng Marso at Abril. Sa mga panahong ito'y napakaraming turista ang dumarayo sa Espanya lalo na sa Lungsod ng Barcelona upang mapasyalan ang kanilang magagandang dalampasigang nasa baybayin ng Dagat Mediterranean.
Kultura at tradisyon
Isa sa ipinagmamalaki ng mga Espanyol ay ang kanilang mayamang kultura at tradisyong nag-uugat pa sa malayong nakaraan. Napakarami nilang museo at mga teatro kung saan masasalamin ang kanilang kasaysayan. May mga araw at oras silang nakalaan para sa libreng pagpasok sa mga museo. Halimbawa, napasok namin nang libre ang Reina Sofia sa Madrid, isang museong tanyag sa buong mundo. Libreng nakapapasok dito ang publiko sa mga araw ng Lunes, Miyerkoles, Huwebes, at Biyernes mula ikapito hanggang ikasiyam ng gabi. Libre rin ang pagpasok dito mula 2:30 ng hapon kapag araw ng Sabado at kapag Linggo, libre ito mula umaga hanggang 2:30 ng hapon. Sa pamamasyal namin sa iba't ibang museo nakita ko ang mga obra maestra ng mga tanyag na alagad ng sining tulad nina Salvador Dali, Pablo Picasso, Joan Miro, Antoni Tapies, at iba pa. Ang isa pang tanyag na museong napasok di nnamin nang libre ay ang National Art Museum of Catalonia kung saan ang gusali pa lang ay kahanga-hanga na. Bahagi rin ng kanilang makulay na kultura ang pagsasagawa ng bullfight kung saan ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng lakas sa isang toro gayunding ang pagsayaw ng flamenco, na labis kong nagustuhang panoorin dahil sa kahanga-hangang bilis ng paa ng mga mananayaw na tila nakaangat sa hangin at hindi lumalapat sa sahig.
Ang mga tahanan at Gusali.
Ang isa sa pinakamagagandang bagay na nakita ko sa Espnaya ay ang kanilang mga gusali. Marami na ring makabagong tahanan at gusali subalit ipinagkakapuri nila ang mga gusaling naitayo pa noong gitnang panahon at nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng kanilang lugar. Ilan sa mg aito ang Palacio Real sa Madrid, ang Toledo's Ancient Rooftops sa Toledo, isa sa pinakamatandang lungsod sa Espanya kung saan matatagpuan ang lumang bahay at makasaysayang mga gusali, at ang hindi pa natatapos na Basilica de la Sagrada Familia, isang UNESCO World Heritage Site na sinasabing sinimulang gawin sa pamumuno ng tanyag na arkitektong si Antoni Gaudi noon pang 1883. Ang lumang gusaling dinisenyo rin ni Gaudi sa Barcelona tulad ng Casa Vicens, Casa Battlo, Guell Pavillions, at iba pa ay isa-isa rin naming pinasyalan. Ang bawat gusali ay may taglay na kasaysayang maiuugnay sa kasaysayan ng lungsod at maging ng bansa.
Wika
Ang kanilang wikang pambansa ay Spanish o Castilian na tinatawag naman nating Espanyol. Mayroon din silang ilang diyalektong ginagamit ng ilang pangkat tulad ng Galician, Catalan, at Basque. Ang Ingles ay nauunawaan ng ilang subalit ang pagsasalita nito ay hindi gaanong laganap. Sabi ng aking magulang, mas kakaunting Espanyol daw ang nakapagsasalita ng English kompara sa ibang mga bansa sa Europa. Gayunpaman, sa hotel kung saan sila nagtatrabaho ay mahuhusay sa Ingles ang kanilang mga katrabahong Espanyol dahil ang karamihan sa kanilang mga bisita ay mga turistang mula sa iba't ibang panig ng mundo. Kung titira ka sa nang matagalan sa bansang ito ay kailangan mong matuto ng wikang Espanyol dahil ang halos lahat ng mababasa tulad ng mga babala sa daan, mga paskil o signages, mga pangalan ng produkto, at mahahalagang dokumento ay nasusulat sa kanilang wika. Natuwa lang ako dahil may mga salita silang agad kong naintindihan tulad ng mga salitang bano, calle, ventana, coche, at iba pa. Nasakop nga pala nila tayo sa loob ng mahigit na tatlong daang taon kaya naman marami silang naging impluwensiya sa ating kultura kasama na ang ating wika.
Relihiyon o Pananampalataya
Ang isa sa mga bagay na kapansin-pansin sa Espanya ay ang pagkakaroon ng naglalakihang Simbahang katoliko sa halos lahat ng dako kaya't ang dayuhang manggagawa tulad ng aking magulang na naghahanap ng masisimbahan ay tiyak na hindi mahihirapan. Nakararami pa rin sa mga Espanyol ang Katoliko na nasa humigit kumulang na 80% hanggang 90% ng populasyon subalit marami na ring ibang relihiyon o pananampalataya ang laganap dito tulad ng Islam at ng ibang pananampalatayang Kristiyano gaya ng mga Protestante, Jehova's Witnesses, Mormons, at iba pa. Gayunpaman, sa aming pagsisimba ay napansin kong di tulad ng ating bansa, hindi napupuno ang mga simbahan. Ayon sa aking magulang, kahit malaki ang bilang ng mga Katoliko ay marami sa kanila ang hindi regular na nagsisimba at nagsasagawa lamang ng mga ritwal ng simbahan tulad ng pagbibinyag, pagpapakasal, at pagbabasbas sa namatay.
Ang Kanilang Pagkain at Iba Pang Kaugalian
Kung may isang bagay na labis na naiiba o natatangi sa mga Espanyol, ito ay ang kanilang mga kaugaliang kaugnay ng pagkain. Ang kanilang almusal na tinatawag nilang El Desayuno ay karaniwang kapeng may gatas at tinapay lang. Magaan lang ito dahil sa bandang ikasampu o ikalabing-isa ng umaga ay muli silang kakain. Karaniwang tapas ang kinakain nila s aoras na ito. Ang tapas ay mga pagkaing nakalagay sa maliliit na lalagyan tulad ng platito na maaaring damputin lang (fingerfood) tulad ng pritong maliliit na pusit, tinapay na may nakapatong na kamatis at keso, nakatuhog na tuna at olive, at iba pa. Sa kanila pala natin nakuha ang nakaugalian nating pagkain sa pagitan ng agahan at tanghalian.
Ang kanilang tanghalian na tinatawag nilang la comida ang pinakamalaki nilang kain sa maghapon. Maraming putahe ang nakahanda para sa kanilang tanghalian at hindi sila nawawalan ng tinapay sa kanilang hapag. Tinapay ang kanilang pinakakanin at ito ang ginagamit nila upang masimot ang sarta sa kanilang pinggan. Ang ilang putaheng paborito nila ay kilala rin natin tulad ng paella, gambas, conchinillo asado (na kahawig ng ating lechon de leche), at iba pa. Naglalaan sila ng dalawang hanggang tatlong oras para sa pananghalian dahil bukod sa marami silang nakahandang pagkain para rito ay nakaugalian din nilang magkaroon ng siesta o sandaling pagtulod o pagpapahinga pagkatapos kumain. Ang buong bansa ay nagis-siesta kaya't karaniwang nagasasara ang mga tindahan, paaralan, at pagawaan mula ikaisa hanggang ikaapat na hapon para sa mahabang pananghalian at siesta. Gayunpaman, napansin kong sa Barcelona at sa Madrid na pinakamalaki nilang lungsod at may pinakamaraming dayuhan ay bukas ang malalaking supermarket at mga tindahan maging sa mga oras na ito.
Pagsapit ng ikalima o ikalima't kalahati ng hapon ay muli silang kumakain ng tinatawag nilang La Merienda (sa kanila pala galing ang katawagan nating meryenda). Magaan lang ang pagkaing ito na karaniwang tinapay na may palaman. Ikasiytang naman ng gabi ang karaniwang oras ng kanilang hapunang tinatawag nilang La Cena. Mas kaunti ang pagkaing nakahain na minsa'y pritong itlog o isda at ensaladang gulay lang./ Hindi rin nawawala ang paborito nilang minatamis na karaniwang gawa sa itlog at gatas na tinatawag naman nating leche flan.
Kung ikokompara ang oras ng ating hapunan sa kanila ay masasabing huli na ang ikasiyam ng gabi subalit hindi pa rito nagtatapos ang maghapon ng mga Espanyol. Pangkaraniwan na sa kanila ang lumabas pa pagkatapos ng hapunan at maglakad-lakad (tinatawag nilang paseo) at dumaan sa mga restaurant o bar. Umuuwi lang sila upang matulog kapag maghahatinggabi o lagpas hatinggabi na. Sa mga araw na walang pasok ay inaabot sila ng ikatlo o ikaapat ng umaga sa labas ng tahanan at bago umuwi ay karaniwang kumakain uli sila ng churros o tila pahabang donuts na prinito at binudburan ng asukal. Isinasawsaw nila ito sa mainit at malapot na tsokolate. Naiisip kong ang hilig nating mga Pilipino sa pagkain ay namana natin sa mga Espanyol na sumakop sa atin subalit kahit anong gawin kong paggaya sa kaugalian nila kaugnay ng pagkain at pagtulog ay hindi ko talaga kaya. Maging ang magulang kong walong taon na rito ay hindi rin magawa ang nakagawiang ito ng mga Espanyol lalo na ang oras ng pagtulog dahil na rin sa regular na oras ng trabaho nila sa hotel.
Isports
Kung sa Pilipinas ay may basketball court sa halos lahat ng sulok ng barangay, sa espanya ay soccer o football naman ang tanyag na laro at nilalaro o nilalahukan ng halos lahat ng kabataan saanmang bahagi ng bansa. hindi makokompleto ang kanilang linggo kung hindi sila makakapanod ng paborito nilang koponan ng soccer. Ang Real Madrid, isang koponan ng soccer na nakabase sa Madrid, Espanya ang itinuturing na pinakapopular na soccer club sa buong mundo na may mahigit na 228 milyong tagasuporta.
Kasuotan
Napansin kong higit na pormal ang pananamit ng mga Espanyol kumpara sa atin. tanging mga kabataan ang nakita kong nakasuot ng pantalong maong at t-shirt lalo na sa Lungsod ng Madrid. Ang mga nakatatandang abbae ay karaniwang nakasuot ng blusa at palda o bestida. Ang kalalakihan ay karaniwan namang nakasuot ng mayu kuwelyong pang-itaas, pantalong slacks (hindi maong), at sapatos na balat. Sa aming pag-ikot ay halos wala akong nakitang naka-rubber o tennis shoes maliban sa mga turistang namamasyal sa mga baybayin ng Barcelona. Sa loob ng simbahan ay pormal ang pananamit. Katunayan, mayoon silang dress code at ipinagbabawal ang mga damit o kasuotang hindi angkop sa simbahang itinututring na banal na lugar. sa pamamasyal nila pagkatapos ng hapunan ay maayos at pormal din ang kanilang pananamit.
Napakarami kong natutuhan sa apat na buwang patira sa Espanya. Marami silang mga kaugaliang nahahawig sa atin dahil na rin sa impluwensiya ng matagal nilang pananakop subalit nanatili silang iba at natatangi sa maraming bagay. Ipinagpapasalamat ko kina nanay at tatay ang pagkakataong ibinigay nila sa akin upang matuto ng maraming bagay at lalong maging bukas at gumagalang sa pagkakaiba-iba ng mga tao at lahi sa mundo.
35 notes
·
View notes
Text
Mga Inaabangang Food Festival Sa Pilipinas
Hindi lamang minamahal ang Pilipinas sa pagkakaroon ng mga magagandang beach at kamangha-manghang mga tanawin kundi pati na rin sa pagkakaroon ng mga natatanging food festivals na ipinagdiriwang nang taonan.
Narito ang ilan sa mga food festivals sa bansa na inaabangan ng lokal at mga turista.
Longganisa Festival
Saan: Vigan, Ilocos Sur
Kailan: Enero
Nag-aalok ang Vigan ng kanilang sariling natatanging food festival, at unique na longganisa. Ang Vigan longganisa ay isang lokal na sausage na nailalarawan sa natatanging kumbinasyon ng maanghang na karne, suka, at maraming bawang. Ito ay taunang selebrasyon mula Enero 16-27.
Ang food festival na ito ay karaniwang ipinagdiriwang sa ika-22 ng Enero upang magkatugma sa anibersaryo ng pagdedeklara ng bayan ng Vigan sa Enero 22, 2001. At bawat taon ay isang palabas ng mga kumpetisyon sa sayaw mula sa mga paaralan, makulay na mga costume, live music, maluhong parada at syempre ang specialty sa Vigan,their very own version of longganisa.
Ang lungsod ng Vigan ay umakit ng libu-libong lokal at internasyonal na mga bisita upang sumali sa taunang pagdiriwang ng lungsod. Sa pamamagitan ng isang malawak na hanay ng mga restawran, chef at iba pang mga mahilig sa pagpapakita ng kanilang sariling mga recipe para sa sariling sausage ng Vigan sa mga cook-fests at mga fairs sa kalye, ang festival ay naglalayong makilala ang pagkakaiba ng longganisa at merkado ang mga ito nang mas malawak at ligtas.
Suman Festival
Saan: Baler, Aurora
Kailan: Pebrero
Ang Suman ay isang malagkit na rice cake na maaaring magpa-wow sa iyo sa masarap na lasa nito. Para sa karamihan, inihahain ito na nakabalot sa dahon ng saging. Ito ay isang standout na meryenda sa Pilipinas, regular na ihinahanda sa talahanayan ng Pasko, at iba’t ibang pagdiriwang at pambihirang mga kaganapan.
Ang mga naninirahan sa Aurora Province ay nag-aalok ng isang matamis na pagdiriwang. Tuwing Pebrero, ang mga indibidwal ng Baler ay nakaugaliang alalahanin ang Saint Isidore. Ikinakabit nila ang kanilang mga suman sa isang maliit na kawayan at inihahagis ito mula sa mga bintana habang ang prusisyon ay dumadaan. Isinasagawa ang food festival, Suman Festival, na ito kasabay ang Aurora Day – iyon ay isang perpektong pamamaraan upang bigyang galang ang Lady Aurora Quezon habang nilalasap ang kanilang matamis na kakanin. Karaniwan, ang isang parada ay nagtatampok ng mga detalyadong floats, exhibits, fairs, at kahit na mga kumpetisyon. Makakakita ka ng mga bahay na pinalamutian ng malagkit na rice cake sa oras na ito. Ang Antipolo ay mayroon ding katulad na kaganapan tuwing buwan ng Mayo.
Kesong Puti Festival
Saan: Sta. Cruz, Laguna
Kailan: Mayo
Ito ay isang food festival na itinatampok ang isang paboritong palaman sa pandesal, ang kesong puti na gawa sa gatas ng kalabaw. Ito ang pangunahing produkto ng kalakalan ng Sta. Cruz sa Laguna. Ang pagdiriwang ay karaniwang tumatagal ng anim na araw, kaya maraming mga kaganapan at aktibidad, kabilang ang mga nakakatuwang race at kesong puti cook offs upang ipakita ang maraming mga paraan na maaari mong gamitin ang kesong puti sa iyong pagluluto.
Ang Kesong Puti ay isang sariwang malambot na puting keso na gawa sa gatas ng Philippine water buffalo o carabao. Karaniwan, ito ay nakabalot sa berdeng dahon ng saging upang masimulan ang proseso ng pagbuburo. Ang industriya ng keso ay isa sa mga pangunahing mapagkukunan ng kita sa Sta. Cruz, Laguna.
Manggahan Festival
Saan: Guimaras, Western Visayas
Kailan: Mayo
Isang food festival na tampok ang isang masarap at masustansyang prutas, ang manga! Sikat ang Pilipinas sa ating mga matamis na mangga. Ang lalawigan na 15 minutos ang layo sa pamamagitan ng bangka mula sa Iloilo ay kilalang pinanggagalingan ng mga pinakamatatamis na manga sa bansa. Ang buwanang pagdiriwang ay nangyayari sa Mayo na may kasamang mga cultural shows, eat-all-you-can mangoes, trade fair at iba pang mga aktibidad na kinalalahokan ng mga mamamayan.
Ang Zambales ay may kaparehas ding food festival na itinatampok ang mangga. Ito ay tinatawag nilang Dinamulag festival na isinasagawa tuwing buwan Abril.
Festival ng Lanzones
Saan: Camiguin, Hilagang Mindanao
Kailan: Oktubre
Ipinagdiriwang ng food festival na ito ang masaganang ani ng isa sa pangunahing ani ng isla, ang mga lanzones. Ito ay apat na araw ng pagdiriwang. Ang mga mananayaw ay sinasamahan ng mga Diwata, na pinaniniwalaang nagbibigay ng matamis na lasa ng lanzones.
Balut Festival
Saan: Pateros, Taguig
Kailan: Abril
Ang food festival na ito ay isa sa mga pinakatanyag na Pilipinong delicacy na kilala sa buong mundo. At maaari mong matikman ang ilan sa mga pinakamahusay na luto sa Pateros, kung saan mayroon silang isang food festival na tinatawag na Balut sa Puti festival upang ipagdiwang ito. May mga paligsahan sa pagluluto sa pagitan ng mga nangungunang chef ng mga barangay, isang paligsahan sa pagkain ng balut, at mga pagtatanghal ng mga mag-aaral. Minsan ang pagdiriwang na ito ay isinasagawa sa buwan ng Marso.
Ang Balut ay isang pangkaraniwang ulam sa Asya kung saan ang embryo ng isang pato ay pinakuluan para sa 15-20 minuto bago kainin sa loob ng shell. Ang meryenda ay mayaman sa protina at samakatuwid ay itinuturing na isang malusog na meryenda. Ang meryenda sa Pilipinas at sa buong Asya ay ibinebenta bilang isang street food.
Ang food festival na ito ay isang highlight ng bayan ng Pateros. Ang pagdiriwang ay nakatulong sa pagpapabuti ng imahe ng bayan at pagtaguyod ng imahe ng industriya. Ang mga bisita at lokal ay nagtitipon sa mga kalye upang makipag-usap nang sama-sama upang mag-enjoy ng inumin, pagkain, at ang highlight ng okasyon, Balut.
Lechon Festival
Saan: Balayan Batangas
Kailan: June 24
Ang Parada ng Lechon ay isang food festival na gingawa sa Balayan Batangas. Ang pagdiriwang ay ginaganap taun-taon sa Hunyo 24 kasabay ng kapistahan ng San Juan (Saint John the Baptist).
Ang Lechon ay isa sa Batangas delicacy, at maging sa iba pang mga lalawigan sa Pilipinas. Ito ang pangunahing ulam na karamihan sa mga Batagueños para sa mga pagdiriwang o fiestas. Ayon sa matandang residente, ang lechon ay ihinahanda na bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. Ang ulam ay naging isang simbolo ng tradisyon ng Batangas upang maghatid ng lechon sa panahon ng pagdiriwang.
Paghahanda ng Baboy para sa Parada
Ang baboy ay inilalagay sa isang roasting pit. Ang baboy ay inihurnong, hanggang maging crispy ang balat nito, ginagawa ito nang hindi bababa sa 5 oras.
Kapag handa na ang mga lechon, dinala sila sa simbahan ng Immaculate Conception. Habang nasa parada ang mga bystander ay nagwiwisik ng tubig sa mga kalahok. Ang mga bystander ay libre upang kumuha ng isang piraso ng lechon habang nasa parada. Ginagawa nitong kapana-panabik at pambihira ang okasyon.
Nais mo bang matikman mga masasarap na pagkaing ito. Lipad na sa Pilipinas! Tawag sa No. 1 travel agency, ang Mabuhay Travel! Makipag ugnayan sa aming mga friendly at well experienced travel consultants para sa mga cheap fares ninyo.
Read More:- https://blog.mabuhaytravel.uk/2020/05/08/mga-inaabangang-food-festival-sa-pilipinas/
This Article, Information & Images Source (copyright) :- https://blog.mabuhaytravel.uk
#travel#Mabuhaytravel#Philippines#Travellers#beautifuldestinations#Travelinsurance#MabuhayTravelblog#bloggers#ecotourism
2 notes
·
View notes