#mga letra
Explore tagged Tumblr posts
Text
Ako si Hudas at ako'y isang makasalanang nilalang, isa akong sinungaling at mapagtungayaw. Ngunit ako'y tao lamang at mapusok sa buhay at sa aking pag-ibig. Handa akong hamakin ang lahat para lamang siya ay mapasakin— hindi siya para sa Diyos. Siya ay akin at ako'y handang pumatay. Kibit-balikat at walang pagsisisi kong ipagkakanulo ang sakaniya'y magtatangkang magligtas.
Ako si Hudas, ang panganay na anak ni Divina, na apo ni Lolita, na anak ni Alejandra at isa akong sinungaling, mapagtungayaw, at mapagkanulo. Hindi ako papatay ngunit handa akong sambahin ka at linisan ang mga paa mo sa pamamagitan ng mga labi ko.
12 notes
·
View notes
Text
#162 Hindi makapaniwala Naubusan ng salita Dagat ng mga letra Natuyot nang bigla Hindi ito posible 'Di pa 'to nangyayari O baka nga posible Ayaw ko na mangyari
- NANG NATUYOT ANG DAGAT
25 notes
·
View notes
Note
Sir/Maam, una sa lahat. Gusto kong sabihin na lubos akong humahanga sa iyong mga akda. Pero hindi ko alam kung bakit yung iba ay hindi maintindihan, tipong kahit katiting na ideya ay wala akong makuha. Pero kahit na ganun, ang sarap basahin ng mga sinulat mo. Para akong sanggol na nakikinig sa aking Tatay na kumakarga sa akin. Tuwang sa tunog at huni na nililikha ng kanyang bunganga, samantalang ako ay tuwang-tuwa.
Kung maari lang sana maipaliwanag mo ang ilan sa mga mahirap unawain pero ang sarap basahin. Tulad ng sa tulang "Kaklase" Salamat po.
Uy, mapakatindi nun ah.
Halatang may pinagmanahan.
Bago pa man maligaw ang mga salita sa tunay na paksa. IIlawan ko na ang mga letra para lubos mong mabasa ang tunay nitong patama. Dun sa tulang "Kaklase", dun sa huling bahagi. Ang ibig sabihin nun ay tapos na ang maliligayang araw. Huli na e. Nasa huling bahagi yun kasi nga nahuli na yung nakaranas nun. Hinuli na ng alagad ng batas. Sa mga kamay sasabit Mabilis na lalapit Walang ingat mapipiit Mundo mo ay liliit Yan yun. "Sa mga kamay sasabit" ibig sabihin nun ay napusasan. " Mabilis na lalapit " diba kapag may operasyon ang mga alagad ng batas lalo na kapag Raid ng mga Drug Den. Mabilis ang mga pagkilos nila. Tipong ikakagulat ng nalang ng mga tulak e. CHECK MATE! Kapag ilegal ang gawain, lalo na kung kumikita ng pera. Yun ang madalas na hinahanap at hinuhuli. Kaya naman "Walang ingat mapipiit". Kapag hindi nila ginalingan at kulang ang pag-iingat sureball, huli na, kulong talaga. Syempre kapag himas rehas na, ipagkakait na nila sayo ang kalayaan na ilusyon lamang. Hindi ko alam kung may kulungan na maluwang, malaki ang espasyo. Pero kasi hanggang dun nalang sila e. Tanging yun nalang ang mundo na pwedeng nilang lakaran. Kaya "Mundo mo ay liliit".hh
Nga pala, ang kahulugan ko sa pamagat na "Kaklase". Medyo baduy siguro, pero parang "Kauri" lang yan e, pareho kayo ng uri. "Kaklase" kasi iisa ang inyong klase, as in classification. Kapwa-adik pinakamagandang halimbawa.
O kaya kabaduyan, kapareho natin na baduy. Hahahaha Ayan, kaibigan, sana ay iyong naibigan, at ikaw ay naliwanagan. Huling bahagi lang talaga ang hinimay ko ang kahulugan. Para naman sa mga gustong humagad at maghangad Ang kahihinatnan ay alam na nila agad kahit hindi sumagad *** *** *** *** Isisiwalat ko sana ang sekreto ko e. Kapag ibinahagi ko yung sekreto na yun, mawawalan ako ng sekreto. Sayang naman, diba. Sekreto na ang tagal mong tinago, madalas kapag sinabi mo na, sobrang dami ng makakaalam. kahit na ang totoo ay isang tao lang naman ang iyong pinagsabihan. Mababaw man o malalim. Ang sekreto para sa akin ay kayamanan.
2 notes
·
View notes
Text
Pilit kong tinatapos ang mga naiwang tula
Noong mga panahon na ang puso'y akin pa
Nagbabakasakaling matapos ang nararamdaman
Kasabay ng isa-isang pagkaubos ng mga letra
Kaya pasensya ka na kung ikaw pa rin ang laman
Ng bawat kataga sa ibabaw ng linya
Hinahapo man ang hininga ay nagpupumiglas
Sa isang nakaraang hindi na mababalikan
At kung sakaling nauna ka na sa bagong aklat
Kung saan ang ako ay hindi mo na kita
Sana'y hindi mo limutan na tunay kitang minahal
Kahit ang ating kinahantungan ay hindi altar
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makata#makalaya#manunula#manunulat#filipino writer#writers and artists#writers on tumblr#poets#poets on tumbler#poets and poetry#writers#lihim#liham
7 notes
·
View notes
Text
Isang daang araw ng mga tula para sa kanya. Ika-apat na araw: Langit ang sukatan Sa pagsapit ng dilim.
Langit at luhang lihim.
Papatak sa payapang tubig ng damdamin.
Nakahit isang letra dimasulat ng pag-amin.
Kung langit ang sukatan nitong pagtingin.
Bakit tuluyan paring na huhulog sa lalim ng bangin.
Kung langit ang sukatan nitong agwat natin.
Hindi ako mapapagod na ika’y tanawin. Dahil sa bawat layo ng pagitan natin. Langit lang ang sukatan ng pusong sana'y palarin
7 notes
·
View notes
Text
Ang REYNA
Last saturday (February 25,2023)
Exactly 8:17pm narinig ko ang boses ng reyna ng live una kong narinig ang boses nya tumayo ang balahibo ko at iba't-ibang reaction ang nadama ko. Kinilig , nastarstruct , na-mesmerized ako sakanya. Sa bawat kanta nya salita nya hininga nya galaw nya hindi ko mapigilan ang saya nararamdaman ng puso ko.
Isa sya sa iniidolo ko , isa sya sa nakakatanggal ng stress ko sa buhay pag stress ako nanunuod ako ng mga videos nya sa youtube at ang aking stress ay napapawi. Nakakapag bigay sya ng inspirasyon sa akin. Nakakapag bigay sya ng saya sa buhay ko.
Sa loob ng entablado ng gabing yun lahat ay masaya, masayang nakikinig sa mga kanta nya , masaya sa pag kekwento nya. At sa bawat bigkas nya ng letra ng kanta lahat ay humihiyaw. Sa bawat kembot ng bewang nya lahat ay kinilikilig. Minsan nga hindi ko na din alam ang aking kasarian dahil sakanya sa sobrang dyosa nya naiinlove ako sa kanya (Pero babae po ako) hahahaha.
Nagbigay sya ng concert na napaka ganda. May saya may lungkot at sa bawat kanta damang-dama mo kung paano nya ekwento ang kanta sa pamamagitan ng kanta yung emosyon nya madadala ka maiiyak ka. Damang-dama mo bawat lyrico ng kanta dahil napakalinis nya magbigkas.
Ang saya ko lang kasi totoo pala ang sinasabi nila noh? Na Dreams really do come true. (I think in the right time) and that night was the right time for me na makita ang nag-iisang reyna ang reyna ng lahat ng reyna. Sa sobrang excited ko na makita sya hindi ko sya matitigan nung sa meet and greet na. Nakita ko sya ng malapitan wala akong sinabi sa sarili ko kundi ANG DYOSA NYA TALAGA sya yung tao na hindi tumatanda ang bata nya tignan Vampire ka ate? At ang bango bango nya pa at eto pa everytime na tinataas nya kamay nya ang kinis ng kili-kili nya I would like to say na Mas maliwanag pa ang kili-kili ng Reyna kaysa sa kinabukasan ko. Sobrang bait nya dahil alam ko na pagod na ang reyna pero ang haba ng pila ng M&G pero tinapos nya yun lahat , lahat ng taong nakapila dun nakipag picture sya nakipag kwentuhan sya nakikinig sya sa mga kwento ng bawat fans nya. Niyayakap nya ng mahigpit ang bawat isa game na game sya sa lahat ng erequest ng fans nya. Makikita mo sa ngiti nya na napaka genuine totoong totoo ang ngiti nya (tinatanong ko sa sarili ko hindi ba napapagod si reyna sa pag ngiti?)
Nung gabi na yun, Yun ang pinaka Masayang nangyari sa buhay ko yun ang pinaka masayang event na pinuntahan ko yun ang gabi na wala akong inisip kundi masaya ako kinilig ako buong pagkatao ko nung gabi na yun sobrang saya walang mapaglagyan ng saya ko. (Eto ang kauna-unahang concert na napuntahan ko) Thank you Reyna.
To our Queen,
Maraming salamat sa naibibigay mong saya sa akin
Maraming salamat dahil ikaw ang inspiration sa akin
Maraming salamat sa boses mo
Maraming salamat dahil totoo kang tao sa mga humahanga sayo.
Maraming salamat dahil ikaw ang nagpapawi ng depression ko.
Maraming salamat dahil pinag patuloy mo pa din na kumanta ka kahit nasa point ka before ng buhay mo na ayaw mo na.
Maraming salamat kay Mang Gerry at Mommy V dahil kong hindi dahil sa kanila walang REGINA ENCARNACION ANSONG VELASQUEZ sa buhay namin.
PS: Pasensya na Reyna hindi ako makakapanuod ng repeat concert mo sa april kasi lilipad ako papuntang HK gusto ko sana ecancel yung flight ko kaso para makapanuod ng concert mo ulit. Kaso hindi pwede talaga. Bawi ako sa 35th m, Reyna. (Sana makaduet kita reyna kahit hindi maganda boses ko)
Maraming salamat Reyna. ❤️
8 notes
·
View notes
Text
Naranasan niyo na rin ba 'yung mag-open up kayo tungkol sa problema ninyo, kahit kanino---nanay mo, best friend mo, o kaya sa random stranger na naka-connect mo sa Omegle, sa hinaba-haba ng litanya mo---pagsasaad ng hinagpis, lungkot, at pagkapoot mo, tapos sasabihin lang sa'yo na "manalangin ka..."?
What the heck, 'di ba?
Sa aking experience, maaaring oo. Hindi ko matandaan exactly kung may nagsabi na sa akin ng ganyang linya noong nag-open up ako tungkol sa problema ko sa lovelife, o 'di kaya sa pera. Malamang, pati sa academics.
Malamang, meron nga.
Ewan, dahil siguro likas na relihoyoso ang mga Pilipino. Lahat tayo ay tinuruan paano magdasal ng rosaryo, paano magdasal ng "Angel of God" nung mga bata pa tayo (tinanong ko noon sa nanay ko bakit walang pakpak si Angel Locsin eh angel din naman siya), at makakalimutan ba natin 'yung pagkakataong sobrang curious tayo sa lasa ng ostiya?
Relihoyoso tayo. Hindi man laging mabuti, alam natin na may Diyos na alam ang lahat ng ating ginagawa. Relihoyoso tayo, ngunit hindi maka-Diyos.
Marahil, sa panahon ngayon, inutil na advice ito. Aminin man natin o hindi, malayo na tayo sa Diyos. Hindi na tayo pala-simba gaya noon, hindi na rin tayo required um-attend ng misa dahil hindi na tayo sa Catholic school nag-aaral.
---
Hindi maiiwasan na may dumating na dagok sa buhay. Natural lang iyan, ginusto mo man o hindi. May pagkakataong dini-dissociate ko ang sarili ko sa mundo, dahil hindi ko alam kung paano i-figure out ang mga nangyayaring mga bagay. Binabagabag ako ng mga bagay ng hindi ko naman kontrolado, at hinahayaan kong ako'y maging dehado kahit wala namang rason para matalo.
Baduy mang isipin, gaano ka man ka-walanghiya o ka-demonyo, alam nating iba ang pakiramdam ng manalangin. Bilang agnostic, parang tropa lang ako kung mag-sabi ako sa Diyos.
"Ikaw na bahala sa akin, God."
"Sana tulungan mo ako, God."
"God, pilitin mo akong kayanin ko."
Iba ang dasal sa panalangin, iba ang panalangin sa kahilingan, at iba ang kahilingan sa pagsusumamo.
Walang dasal ang iminime-memorya. Walang panalangin ang isinasalita. Walang kahilingan na lahat ay natutupad. At walang pagsusumamo ang hindi nabibigyang-kasagutan.
Totoo nga, iba ang luwag sa dibdib na tila pasan ay daigdig kapag tumalima ka sa Diyos. Minsan, hindi man alam ng dila mo ang mga tamang salita, higit na malinaw kung nanggagaling ito mula sa puso. Alam ng Diyos na pagod ka, alam ng Diyos na malaki ang problema mo, at alam ng Diyos na kailangan mo ng kapayapaan.
Nawa'y sa ating dalangin, hindi lamang ito galing sa isip. Nawa'y sa ating dasal, hindi lamang ito simpleng salita na ating sinasambit.
Nawa'y sa ating pagsusumamo, hindi man perpekto ang mga letra, ay makamit nawa natin ang kapayapaan at kapanatagan ng ating mga puso.
2 notes
·
View notes
Text
"TULA PARA KAY LOLA"
Naalalan mo paba ang nakaraan lola?
Lubos na pagmamahal ang iyong nilaan
hatid sundo sa paaralan,
Kulang na saya na iyong pinunan,
Masayang magkukwentuhan,
Hanggang maka uwi sa tahanan.
Luto moy aking hinahanap-hanap,
Simple man pero ngunit para sakin ay ito na'y masarap.
Ako iyo'y pinagpupuyatan,
Lagnat ay gumaling lang,
Ikaw ay laging nandiyan.
Iola
Apat na letra,
Isang salita,
pero sa buhay ko Siya ay mahalaga.
Oh! Aking mahal na lola
Salamat sa pag-aaruga,
Salamat sa pag ganap mo bilang aking Ina,
Salamat sa lahat mo'ng ginawa.
Sa aking paglalakbay,
Isa Ka narin sa aking gabay.
Pasensiya minsan matigas ulo ko, at hindi nakikinig sa iyo.
Mga problemang nagdaraan,
nandiyan Ka para Ito ay lutasan.
Sa lahat ng aking pangangailangan, narito Ka para ako'y tulungan.
Salamat sa lahat mo'ng paghihirap para sa akin, Hindi Ka tumitigil sa pag- alaga sa akin.
Ako'y babawi sayo, lahat ng sakripisyo mo"y susuklian ko.
Salamat sa lahat lola, at mahal na mahal kita.
5 notes
·
View notes
Text
TULA PARA KAY MAPA
Keisha Mae F. Dejamo
Empower Technology
12- Sagittarius
Ma, Pa ang ibig sabihin ay Mama at Papa. apat-apat na mga letra, paulit-ulit binibigkas ng mga anak sa tuwing sila'y nangangailangan. Ma, Pa mga dakilang bayani ng aking puso, nagbigay karangalan sa munti kung buhay. Kayo'y dahilay upang ako'y mag pursigi sa aking kinabukasan.
Ma, Pa hindi man kayo perpekto sa tingin ng ibang tao, pero kayo'y perpekto sa aking mga mata. Dugo't pawis inalay niyo upang kami'y mapasabuti. Kayo ang buhay ko, mismo aking dugo ay nagsasabi kayo ang aking mga magulang. Ma, Pa wag kayo'y mag-aalala sakin dahil kayo ang ginawa kong inspirasyon sa araw-araw ng aking paglalakbay.
Kayo'y nagbigay daan sa aking tatahakin kasama ang diyos na may kapal. Salamat sa panginoon dahil kayo ang binigay sakin ng diyos bilang isang magulang. Pangako sainyo hinding-hindi ko kayo susukuan, dahil hindi rin ninyo ako sinukuan pagpakailan man.
Mahal na mahal ko kayo Ma, Pa.
2 notes
·
View notes
Text
I know what I want, I know EXACTLY what I want kaya sobrang frustrating kapag sinasabihan ako na sana di na ko nagshift. KASI ALAM KO, ALAM NA ALAM KONG MAS GUSTO KO MAGPROGRAM kesa gumawa ng pelikula. Mas naiintindihan ko ang mga linya ng karakter sa VSCode kesa sa mga letra ng salita sa isang script. Alam kong para ako sa STEM. Oo siguro maaari ako maging creative paminsan, pero mas gusto ko magsolve ng math problems. putangina.
Siguro kung nakakuha ako ng sapat na suporta nung first year, siguro kung nagkwento ako sa isang kaibigan at humagulhol nang sobrang lakas, baka kinaya ko. Baka after non, kaya ko na ulit. :)
Kaso hindi ko kaya non eh. Di pa ko ganun kavulnerable para umiyak sa ibang tao, para magmukhang mahina, at para aminin na hirap na ko, pero gusto ko to eh.
Pwede ko pa rin naman tuloy yon, pwedeng pwede pa. Kaya ko to, kaya ko to :)
2 notes
·
View notes
Text
At kung sa aking huling hininga'y ikaw ay sisilay. Payapa akong hihimlay.
15 notes
·
View notes
Text
#155
Pandinig ko'y hinagod
Sirang plaka, sirang plaka
Kaluluwa'y napagod
'Di mahanap ang musika
Salita, nakikita, sa bawat pagbuka
Mga letra, lumilipad, tila ibong malaya
Paulit-ulit, nakakapagod, nawalan ng halaga
Sabihin, paano, makinig sa sirang plaka?
Humihina, lumalakas, madalas ay tahimik
Minamasdan ang pagkawala ng bawat salita
Mga nota, lumilipad, tila ibong malaya
Sa kalagitnaan ng kawalan, tumigil lang bigla
Binalot ng katahimikan ang inakalang musika
Minamasdan ang pagkawala ng liriko sa paningin
Tila ibong mga nota, nilipad na ng hangin
Nang marating ang kawalan, bigla kong narinig
Estrangherong komposisyon, mga luha sa sahig
Bakit bumabalik matagal nang kinalimutan
Hirap intindihin, sirang plaka, sirang plaka
- SIRANG PLAKA
Isang tula, iba't ibang bersiyon.
8 notes
·
View notes
Text
Kwento sa Pangalan ni Ayo.
(Nasanay)
Nasanay ako sa tayo. Kaya nakalimutan kong meron pa ring ikaw at ako. Ikaw na may sariling buhay sa labas ng tayo. Ako na mas madalas magkaroon ng sariling mundo sa mga halusinasyon at imahinasyon sa utak ko that keep on running without fail.
Tulog na nga lang ang pahinga ko, e. Ikaw yung inaasahan kong pahinga pag hindi ako nahihimbing sa kama but when you said that you were tired; nalunod ako.
Nung una akala ko nakakatakot malunod. Best experience pala. Kasi naman, natuto kong huminga. Natuto kong sumuporta sa sarili ko ng hindi umaasa sa'yo. Na hindi humahawak sa tayo na binuo natin. Na hindi kumakapit sa mga pangako mo.
Bakit ko kasi nakalimutang 'ako' lang pala nung una kaya lang dumating ka? Dumating ka ng inaasahan ko na 'di tulad ng sa iba; unexpected daw. Alam mo bang bumuo pa ako ng outline kung paano natin patatakbuhin ang tayo?
Hindi ako nagtagumpay doon, huh? Kaya siguro dinahan dahan mong inalis ang letter t sa tayo. Naging Ayo. Kaya yun ang ginamit kong pangalan.
Kaso habang tumatagal inalis mo rin ang letter y. Natira na lang sakin ang a at o.
Ginising mo na lang ako isang araw na bibigyan mo ako ng letter k. Sabi mo sa akin, k ka na ba? Sana k ka na.
Para nga tayong nasa show ni Kris Aquino, yung 'Game Knba?' Patawa.
Kaya mo pala sinabing sana k ka na kasi...aalis k na. Gusto ko sanang mag mura kasi para kang nag spray ng alcohol sa sugat ko.
Naalala mo yun nung nasa Muzon tayo? Winisikan mo ng alcohol yung sugat ko sa braso na gumasgas sa alambre.
Sabi mo kasi mabilis lang gagaling. Tama ka nga. Natuyo agad ang sugat kaya nawala na yung hapdi.
Nung binigay mo sa akin yung letter k sabi mo, hawakan kong mabuti. Kaya Kumapit ako ngayon sa letter k.
Sa sobrang pagkapit ko sa binigay mo, hindi ko na napansin na unti unti ka na rin nawawala.
Ang natira na lang sa akin ay tatlong letra. A, k, at o.
Hindi na kita hinanap. Bakit pa? Nakikita naman kita palagi. Hindi ka rin naman nawawala. Umalis ka lang naman sa loob ng tayo na binuo natin, e.
Kaya yun. Yung dating tayo. Naging pangalan ko pa sa facebook when you remove the letter t.
Tinanggal mo yung letter y tapos pinalitan mo ng k.
Nung sinabi ko sa'yo okay na ako. Sabi mo, "Mainam. Tapos na ako sa'yo."
Manhid na yata ako nang marinig ko yan. Hindi na kita iniyakan, e.
Hilig mo sa slowburn. Parang yosi. Dahan dahan nasusunog at dahan dahan rin pumapatay. Buti na lang buhay pa ako kahit patay na yung tayo. Kasi sa pagmamanipula mo ng mga letra sa binuo nating tayo; ang natira na lang ay ako.
Ako na si Ayo na may binubuong mundo sa labas ng tayo. K na rin ito, at least nagtira ka para sa ako.
Ako na gamit mo sa sarili. At ako na gamit ko para sabihing ako na lang mag-isa kasi wala ka na.
Salamat nalang sa tayo, dun nabuo ang pangalang Ayo. Pipilitin kong sabihin ito ng walang halong pait. "Thank you kasi sa pagkawala mo may bago na akong pangalan."
Isang paalala na hindi na ako buo dahil hindi na (t)Ayo kumpleto.
K lang. Nasanay na ako.
2 notes
·
View notes
Text
Paalam na, muling mamaalam
Sa lahat ng pagdududa halina’t ating simulan
Ang pagtayo ng ating bagong simula
Na ang lahat ng pangamba’y bibitawan na
Iyon ang huling mga katagang naisulat
Bago tuluyang nagwakas ang lahat
Hindi na nahabol ang inanod na pag asa
Hindi na nailathala ang huling mga letra
Siguro'y hindi itinadhanang maipinta
Ang kulay pula ay nauwi sa puting bandera
Pagsuko na nga lang ata ang huling baraha
Bago maubos ang natitirang tinta ng atin dusa
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#makata#tagalog spoken words#tagalog thoughts#poet#writers on tumblr#writers and artists#filipino writers#sulat#liham#lihim
11 notes
·
View notes
Text
MANGHUHULA
Hindi naman ako manghuhula para pabunutin mo ng mga baraha at ibulong ang mga gusto mo sabihin habang nalayo ka’t ako naman ay gusto humakbang papalapit sa ‘yo. Wala ka pa rin bang balak magkaroon ng lakas kahit matagal ka nang nalulunod sa mga alak na kanina mo pa nilalaklak? Hindi naman ako manghuhula para malaman ang mga gusto mo– miski ako pa ang binabanggit sa mga bulong mong hindi makarating sa mga tenga ko. Mahirap ba ang magsulat at bumigkas ng mga letra gamit ang bibig mo para malaman ko ano ang kailangan mo?
Hindi ako bibigay, kung 'di ka madudulas. Wala kang mapapala sa ‘kin kung wala akong mapapala sa ‘yo, wala akong aaminin sa mga pari na nasa simbahan kung wala ka ring aaminin sa kanila; pareho tayong mamumuti kaysa sa uwak kung pareho lang din tayong naghihintayan kung sa ano na ang dapat aminin sa isa’t isa. Hindi ako bibigay, kung 'di ka madudulas. Kumapit ka nang mahigpit sa mga bakal na pumapaligid sa ‘yo baka mas may ibubulong pa sila sa nararamdaman nilang pagkaka-ipit sa sitwasyon kaysa sa nakahawak sa kanilang tao.
Ako na nga’ng mauunang kumawala kaysa sa mga salita na pilit mong tinatago. Baka sakaling mas maging payapa pa ang pagiging manghuhula ko kaysa sa hintayin kang magsalita na para bang may milagro ang panginoon. Ako na nga’ng mauuna lumisan, baka mapisil pa ang dila’t ako ang madulas sa ating dalawa.
0 notes
Text
Sukdulan
Sa bandang huli mahal mangangako parin ako sayo, mangangako akong sa pagkakataong ito ay sarili ko naman ang pipiliin ko. Mangangako akong makikinig na sa mga payo mo, mga payong nag silbing daan upang mapag tanto kong may halaga rin pala ako. Mahal, mangangako akong hindi na muling lilingunin ang anino mo kapag nagbabadyang salubungin ng pangungulila ang rurok ng damdamin ko. Nangangako ako na patuloy akong lalago Kahit hindi na pangalan mo ang gusto kong mag may ari ng apelyido ko. Nangangako ako na kakainin ko parin and mga paborito mong pagkain kahit na sa susunod ay mag isa nalang ako. Nangangako akong susuutin ko parin ang damit na siningahan mo dahil naiyak ka sa palabas habang magkasama tayo. Nangangako akong hindi ko susunugin ang mga liham mo bagkos ay isasauli ko ang mga ito sayo. Nang sa gayon ay masasabi mong buo na ang pagmamahal na igagawad mo sa susunod na makikilala mo dahil alam kong bawat letra, bawat kataga ay may kalakip na pagmamahal mula sayo. Nangangako akong pagbibigyan at uunawain ko paring kahit kailan ay hindi mo ako magiging una dahil hanggang paborito mo lang naman ako, na parang ang pinaguusapan lang ay ang lila mong kwaderno. Nangangako akong sa pagkakataong ito ay tapos na ako. Tapos na akong tumangis habang lingkis lingkis ang unang kapit na kapit parin ang amoy ng paborito mong pabango Kahit na ilang besesko nang nabasa at binilad sa araw. Tapos na akong kumapit sa kamay mong hindi naman naging totoong akin at tapos na akong magpaalalang tatabihan parin kita sa mga malulungkot mong araw dahil mahal, tapos na ako. Tapos na gaya ng pag tapos ko sa liham na ito.
6.25.18
Marahuyo
Arcanelily
0 notes