#mapaglaro
Explore tagged Tumblr posts
tugmataludtodtalata · 16 days ago
Text
100 TULA PARA SA KANYA
Sequel
#039 Laya Sa campus, muli kitang namataan. Kinakabahan ako kasi baka hindi mangyari ‘yong inaasahan kong mas magaang tinginan o batian─ Na hindi natin magawa nitong nakaraang nakagapos pa tayo sa nakaraan. Kaya sobra akong nagalak nang maramdaman ko ang presensya mo sa likod habang naglalakad. Nang lingunin kita, ikiniling mo ang iyong ulo Habang may tipid na ngiti sa labi─mapaglaro. Ikinaway ko ang kamay habang nakangiti rin sa’yo. Saglit lang ang tagpo pero binalot ng mainit na kung ano ang puso ko. Tapos na, tuluyan na nga tayong nakalaya. Tapos na, wala nang mga tanong pa. Tapos na─pero hindi ang pagkakaibigan natin. Masaya akong masaya ka. Masaya akong tayo’y malaya na.
2 notes · View notes
panaghoy · 2 years ago
Text
Mahalaga para sa atin ang petsa na ito. Sa araw na ito, limang taon na ang nakalilipas, pareho nating ipinagdiwang ang karangalang natamo mula sa katagumpayan ng ating pagsisikap sa kolehiyo.
Sa iisang bulwagan, magkahiwalay na humihiyaw ang ating mga puso sa labis na kagalakan. Nasa iisang lugar, ngunit may kanya-kanyang mundo kung saan ang isa't isa ay hindi kabilang. Wala parehong kamalay-malay na ang araw ding ito ang mitsa na maghuhudyat ng mabubuo nating pagmamahalan.
Kung iisipin, sadya nga pala talagang mapaglaro ang kapalaran. Biruin mo, sa ating apat na taon sa kolehiyo kung saan ay nagkaroon ng ilang pagkakataon kung saan tayo ay nagkatagpo, tila ba sadyang iniwasan ni kupido na panain ang ating mga puso. At kung kailan tayo na ay nakapagtapos, doon lamang niya ginawa ang kanyang trabaho. Sa itinakdang panahon ng kapalaran, ang atin ding mga puso ay tuluyang nagkatagpo.
Kaya't kahit bigyan ng pagkakataon, hinding-hindi ko nanaisin na baguhin ang ating kwento. Ang iyong muntik nang hindi pagtanggap ng karangalan, ang pagpuwesto sa atin sa parehong hilera ng mga upuan, ang ating kaswal na pagbati sa tagumpay ng bawat isa, ang iyong pag-aakala na ikaw ay tinatawag ng ating propesor subalit ako pala--lahat iyon, sa aking palagay, ay ang mga daang inilatag upang ating matagpuan ang isa't isa.
At ngayon, limang taon na nga ang lumipas. Marami na tayong nabuong kwento na magkasama, at maraming bubuuin pa. Ngunit saan man tayo pagparin pa ng kapalaran, sana ay lagi mong tandaan na ikaw sa akin ay mahalaga. At sa bawat tagumpay, kabiguan, o kahit maging sa mga araw na tila hindi natin nalalaman kung saan papunta, lagi mong tandaan na ikinararangal at tinatangi kita.
ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜒᜆ
.
11 notes · View notes
idun-haveone · 2 years ago
Text
Tawagin mo'kong Lucia,
ang babaeng umiibig sayo ng palihim.
At ikaw naman si ador,
ang minamahal ko mula sa malayo.
Hindi ito isang kwento ng pagmamahalan,
sapagkat niminsan ay hindi mo naman ako nakilala.
Bagkus isa itong kwento nang patagong pag-ibig.
Mula sa simula hanggang sa kung paano ito nagwakas.
Buwan ng Mayo noon,
katirikan ng araw bandang alas-dos ng hapon.
Nakapila ako sa loob ng isang paaralan para mag-enroll.
Hindi ko naman talaga gusto mag-aral doon, ngunit yun lang ang pinakamalapit sa bayan namin.
Ngunit hindi ko, inaakala na makikilala ko ang taong magiging dahil para gustuhin kong makapasok sa paaralan na 'yon.
Tahimik akong nagbabasa ng e-book sa cellphone ko,
nang may biglang bumunggo sa akin at naging dahilan para malaglag ang cellphone ko.
Hindi ikaw 'yon huwag kang mag-alala pero isa sa mga kaharutan mo noon.
Kung tama ang tanda ko si Roy yun.
Nag-sorry naman s'ya, at tinanggap ko iyon kasama ang pag-abot nya sa cellphone kong nalaglag.
At sa pag-abot ko, ay siya rin na pagkahagip ng paningin ko sa gwapo mong mukha.
Oo, gwapo ka. Mestiso na may mamula-mulang mga labi, mapupungay na mga mata at matangos na ilong.
Kinikilig ako noon, pero syemper hindi ako nagpahalata.
Magpapasalamat sana ako at magpapakilala na rin,
ngunit noon ako'y mahimasmasan wala na kayo sa harap ko.
Naglalakad na kayo palayo.
Napapaisip ka na siguro kung kaylan 'yon nangyari.
Year 2008, magse-second year college ka na noon sa kursong Engineering. At ako naman, ay in-coming 1st year sa kursong Accountancy.
Lumipas ang dalawang buwan pagkatapos ng mga pangyayari noong enrollment, at nakita ko kayong muli na magkakaibigan.
Nakaupo sa pinakasulok ng Canteen at mga nagtatawanan.
Mag-isa lang ako noon, kahit ayaw ko sa ma-ingay at pinili kong umupo malapit sa inyo.
Pinili ko yung parteng malaya kitang mapagmamasdan,
na walang ibang taong makakakita sa ginagawa ko,
kahit kayo mismo ay hindi ninyo ako napapansin.
At simula noon ay naging ganoon na ang naging routine ko sa araw-araw ang panoorin ka, hindi lang sa loob ng canteen kundi sa kahit saan na lugar na maaari kitang tanawin mula sa malayo.
Ang panoorin ka mula sa bulwagan ng paaralan,
tuwing hinihintay mo ang kung sino man na bago mong kasintahan.
Hanggang sa mag-uwian ay pinapanood kita, at hinahatid ng tanaw ang papalayo mong saksakayan.
Sa loob ng apat na taon ay gano'n ang naging takbo ng buhay ko,
nagawa kong mahalin ka ng lihim, panoorin ng tahimik.
At samahan sa bawat masasaya at malulungkot na tagpo ng buhay mo.
Nakita kong paano ka naging masaya sa tuwing napapasagot mo,
ang bawat naging kasintahan mo. At kung paano ka nadudurog sa tuwing na tatapos ang mga naging relasyong mo.
Dahil sa iba't ibang dahilan.
Nagiging masaya,malungkot at paulit-ulit akong nadudurog noon.
Masaya para sa kaligayahan mo, ngunit malungkot at durog para sa kabiguan ko.
At mas lalong nalulungkot at nadudurog para sa mga kabiguan mo.
Hanggang sa dumating ang araw ng pagtatapos,
magkasunod ang araw ng graduation natin.
Kaya naman noon araw na nakuha ko ang Diploma ko,
ay s'ya rin na araw na nag-desisyon akong umamin sayo.
Sa araw ng graduation mo, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.
Sa pag-uwi ko sa aming tahanan kasama ang akin mga magulan,
ay laking gulat ko na andoon ka.
Nakatayo sa sulok ng bahay namin at katabi ang nakakatanda kong kapatid.
Magkahawak ang inyong mga kamay, at masayang nag-uusap.
Napatingin kayo sa kinaroroonan, lumapit kayo sa akin.
At para akong nawawalan ng buhay nang ipakilala ng ate bilang kasintahan nya.
Ngumiti at nag-Hi laman ako sa iyo, at dali-daling nagpaalam na ako ay papasok na sa kwarto ko. Dahil, biglang sumakit ang ulo ko.
Pero ang totoo, yung puso ko ang masakit.
Tila nadudurog ito, nang ilang libong beses.
Oo, na andiyan dito ka ngayon sa tahanan namin.
Kilala mo na ako, ngunit hindi biglang babaeng nagmamahal sayo.
Kundi biglang nakakabatang kapatid ng bago mong kasintahan.
8 notes · View notes
impostoryy · 2 years ago
Text
bata, dahan-dahan
Oo, ang pagtatanim ay 'di biro
na kapag inapakan ni delubyo
parang buhay na maglalaho
oo, ang panaho'y mapaglaro
sa lansangan— h'wag kang tatago
bata, h'wag sayangin bawat sigundo
mahalaga ang oras— yan ay ginto
pulutin mo upang magbunga ng talino
makipag patentiro ka kay kamalasan
takasan mo nang may katatagan
sa hamon ng buhay— ibuhos ang kalakasan
gamiting sandata ang 'yong kaalaman
bata, dahan-dahan, daan-daan na ang
may pasan-pasan at pasa-pasang
dulot nang saktan sila ng kasa-kasamang
walang ginawa kundi pagsawaan ka lang
malabong umalingawgaw ang batingaw
'di mo mararanasang sa saya ay sumigaw
[ O ] ang puti mang kasuotan 'di masisilayan
pagka't isa ka lang parausan sa oras ng kalibugan
-impostor
2 notes · View notes
stellaraify · 6 months ago
Text
celeste and jesse irl
oo paboritong pelikula ko ang i’m drunk i love you. ikaw ba naman magkaroon ng 7 years unrequited love. kaunti nalang malalapasan ko na ang 7 years na pagmamahal ni carson kay dio, pero ayoko na paabutin yun dun.
isa pa sa mga paborito kong pelikula ang meet me in st. gallen. siguro mas dito na ako makakarelate ngayon. kabisado ko pa nga linyahan ni celeste dun. 
“tama ka, i made you my ideal man kaya di ka pwedeng masira sa’kin” 
it hits me nung binitawan ni celeste ang linyang yan. napasabi pa ako ng “same teh” kasi same talaga ng naranasan ko yung nangyayari sa kanila ni jesse. the no-label shits. but behind that pa-joke na pagsabi nun, i was hurt. masakit kasi ganun talaga ginawa ko. i choose to see the good in him. walang wala sa akin lahat ng kagaguhan and the disrespect. hindi ko magawang magalit sakanya kasi pinili ko naman ‘to. i choose to stay kahit na sobrang labo. urong sulong ganun. 
“baka ganito talaga tayo. dumadaan lang. never to stay”
the moment my tears decided to fall was when celeste said that line. na realize ko ganun din siguro kami. we are meant to meet at some points (yes, POINTS) of our life and make each other happy. tapos pag nawala na yung thrill, balik strangers ulit. hindi talaga siguro kami meant to stay with each other. kaya pakyu sa mga horoscope shits na nagsasabi na good combi ang gemini at cancer (somehow it gives me hope)
after crying one night before kasi hindi ko talaga alam kung kaya ko na siya i-let go, naalala ko si celeste. after that night i watched the movie again and decided that i will be like celeste. mapaglaro ang araw na yun, i attended the 6pm mass sa st. jude. umupo pa ako sa pinakaunahang sit. jokes on me kasi ang homily is about letting go. it’s like the universe is telling me to do it. i take that as a sign and tell myself na baka it’s time to cut the thin thread. baka hanggang dito nalang talaga itong kung ano man ito (situationship or what) 
totoo nga ang sinabi nila, may dalawa lang outcome ang ganitong set-up. it’s either you’ll end up with each other or you’re gonna walk away with a broken heart. the sad part is, i’m the latter. pero sabi nga ni jesse, 
“you don’t break hearts on christmas day, bawal yun” 
kaya ‘di ko na paabutin ‘tong pasko. i’m finally setting myself free 🌻
0 notes
sharpthoughtsfromsoul · 9 months ago
Text
Be with funny humans
Ngayong nag-ttrabaho ka na at kumukita kahit paano, medyo ngayon mo na lang nagegets yung mga taong gusto sumama lagi dun sa mga komedyante and masayin.
Bakit?
Kasi kapag tapos na yung saya, babalik na naman tayo sa lugar kung saan kailangan nating makipag sapalaran para mabuhay.
Gawin yung mga bagay na ayaw naman talaga natin pero kailangan dahil may mga bayaring hindi nauubos pero yung pasensya natin paubos na.
Makipagkapwa tao sa mga taong panget kabonding pero kailangan.
Panandaliang saya para makalimot sa mga bagay na masalimuot na nangyayari sa atin.
Kaya siguro maraming nahuhumaling sa sex, video games, party, alak, kasi kahit saglit lang nagagawa nitong itabi ang mga bagay na laging umiikot sa ating isipan.
Kahit saglit ay natutulungan tayong kalimutan ang bigat na ating pasan.
Kaya kahit ako, kahit may pinagdadaan at gustong makamit sa buhay at least paminsan minsan pinipilit ko paring ngumiti kahit napakahirap na ng mundo.
This is a note from a person who try and failed try and failed on trying to pursue the things he loves todo. Pero ang tadhana ay sadyang mapaglaro at lagi tayong ibinababa.
Pero siguro isa lamang ito sa mga pagsubok na kailangang pagdaanan para lalo kang pagtibayin ng panahon.
0 notes
secret-letter-department · 9 months ago
Text
mga damdaming isinulat. 🫂
sa katotohanan? lahat ng nararamdaman ko‚ ibinaon ko na sa lupa. hindi ko tinapon‚ tinalikuran o tinakbuhan. binaon ko kung saan ko puwedeng balikan sa oras na tanggap ko na dadating at aalis lamang ang mga tao. pero‚ sabi nga nila; it’s for the ‘ experience ’ parang ang sakit naman ng pina-experience ninyo sa akin. ang dami daming bagay na p’wede‚ bakit ikakasakit pa talaga ng mental health ko? kaya siguro masakit dahil ikaw ‘yan. hindi ko ineexpect na ikaw? mawawala pa sa akin? kung babalikan ko lang ang mga buwan na tayo pa‚ tatawanan ko ang iniisip kong mga bagay na related diyan. pero ngayon‚ nag katotoo. hindi din naman natin masisisi kung may pinagsawaan‚ may iba pang dahilan. napagod? possible. nawalan ng gana? possible rin. pero ang atin? dahil lang sa sinabi ng magulang. kaya mahirap‚ mahirap tanggapin na hanggang dito lang tayo kung tayo mismo ang may gusto na may maayos tayong dulo. pero hindi naman natin masisisi ang sarili. ang masisisi rito ang nag laro sa atin‚ ang tadhana. alam na ngang hindi tayo puwede‚ pinag tagpo pa. masyado nga talagang mapaglaro.
0 notes
journalnijanang · 11 months ago
Text
Maraming Pagkukulang | Part I
Valentine's Day ngayon, pero ngayon mag-isa na naman ako. Kasalanan ko rin naman. Dapat naging okay na lang ako ngayong araw, dapat hindi ko na lang dinamdam yung mga naramdaman ko kanina. May date naman ako kanina eh, pero dahil sa lack of judgement ko, nawala. Ganito naman ako palagi, red flag din naman ako na maituturing-minsan feel ko nga malala pa. Pero sa kabila nun, umaasa rin ako na meron ding makakaintindi sakin-meron naman-kaso ito ako, minsan may kwenta, madalas, walang kwenta. Ang dami kong regrets ngayong araw, to be honest. Marami ring mga di magandang nangyari sa akin na hindi ko inaasahan na mangyayari sakin nang sabay-sabay na naman. Minsan talaga mapaglaro ang tadhana, minsan nakakaoverwhelm yung mga ganap, minsan parang mapapasabi ka na lang ng, "totoo ba 'to, nangyayari ba talaga sakin 'to ngayon?" Pero may ganun talaga eh, at ayan yung nangyari sakin ngayong araw. Kanina napagtanto ko na ayaw ko pala sa araw na 'to-ngayon nalaman ko na bitter pala ako-hindi ako proud dito pero bitter pala talaga ako. Kanina lang ako nainis sa paligid. Kanina ko naramdaman na bitter ako sa araw ng mga puso, na ayaw ko palang nakakakita ng mga magsing-irog na nagdedate, nag-uusap, nagyayakapan, naghahalikan, naghahawakan ng kamay-pati yung mga magsing-irog na nagbigayan ng bulaklak, kahit chocolates pa yan. Kanina ko napagtanto ko rin na mag-isa nga pala ako, na ito ang iniwan ng mundo sakin, ang pag-iisa. May kasama naman ako, masaya naman din ako, pero nalungkot talaga ako na parang sinasampal ako ng tadhana at sinasabihan ng, "hoy! single ka, wag kang magfeeling diyan!" Totoo naman, pero ang bitter ko, kasi just this year, early this year, nawala yung mahal ko, nagbreak kasi kami. Pero we are still together, but not in that context, pero ang importante masaya kami. Pero gaya nga ng sabi ko, ito na naman ako, walang kwenta sa araw na 'to. Dahil sa lack of judgement ko and insensitivity, hindi naging successful yung araw na 'to. Sobrang dami ko pang plinano sa araw na 'to kaso dahil sa ginawa ko, nawala lahat. Kasalanan ko talaga ito eh. Kung bakit ba kasi nag-inarte pa ako, kung bakit pa kasi pinili kong maging miserable kung pwede naman akong maging masaya. Bakit nga ba? Ang masaklap pa nun, nanakawan pa ako malapit sa Recto-PHP 9500 yun-di yun biro. Pero ang mas masakit pa dun, may isang taong parang hindi naniniwala sa mga sinabi ko. Siguro yun ang mas masakit. Tapos may coding at thesis pa kaming kailangan na tapusin kasi need na ng isang professor-ang hirap. Anxiety attacks na naman. Pero ayun, sa kabila nun, napaisip ako, hindi ba ako kapani- paniwala? Tingin ba ng tao sakin sinungaling ako? Pero ang mas tumatakbo sa isip ko eh yung tanong na, "bakit ko naman gagawin yun sa taong mahal ko? bakit naman ako magsisinungaling eh nagpapa-impress nga ako sa kanya para balikan niya ako?" Pero yan ba talaga yung tanong, or nagooverthink na naman ako. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam. Minsan magulo na rin utak ko, pero one thing is for sure, mahal ko talaga yung taong mahal ko ngayon. At sobrang nalulungkot ako at sobrang nagiguilty sa ginawa ko ngayong araw-na nasira ko ang araw naming dalawa. Sa lahat na lang talaga ng ginawa ng Diyos-ako ang may problema.
0 notes
mga-salita-ni-kiro · 11 months ago
Text
Siguro, hindi na ikaw ang hinahanap-hanap ko ngayon.
Hindi na ikaw mismo, kundi ang konsepto na lang ng kung ano tayo noon.
Tadhana sa atin ay naging mapaglaro.
Sa kabila ng lahat, tayong dalawa ay pinagtagpo.
Naniwala naman ako, sa mundo at lalong-lalo na sayo.
Pero oras ay nagsalita na, at tayong dalawa pala ay biktima lamang nito. 
Mga takas at tago na halik.
Mga yakap na sabik na sabik.
Sayo at sa pagmamahal mo ay naging adik.
Kaya hindi ko kinaya, noong hindi ka na bumalik.
Kiro - Konsepto, 2 AM
0 notes
klvre · 1 year ago
Text
maayos naman na lahat ng mga bagay sa paligid ko. nakakatuwa lang dahil lumipas ang mga buwan na mas lalo akong binabago ng panahon. pero hindi nababago ang tampok sa mga sinusulat ko, dahil ikaw pa rin ang sentro nito. sa bawat pahina ng mga natirang papel dito ay gusto kita sulatan, o isulat man lang ang pangalan mo doon. ewan ko ba, mapaglaro talaga ang isip at pati mga kamay ko na tanging gusto lamang ay hawakan ka uli.
(putangina di pako prepared bukas sa interview mamatay na sana ako huhu)
0 notes
funbcanna · 1 year ago
Text
Mga Grupo ng Edad ng Diverse at Libangan sa Libangan sa Pilipinas
Tumblr media
Ang Pilipinas ay isang bansang kilala sa mayamang pagkakaiba-iba ng kultura at masiglang tradisyon, at ang pagkakaiba-iba na ito ay umaabot sa kaharian ng kapaligiran sa paglilibang. Sa buong iba't ibang mga pangkat ng edad, mula sa bata hanggang sa mga matatanda, ang isang kamangha-manghang tapiserya ng mga aktibidad sa paglilibang at libangan ay pinagtagpi, na sumasalamin sa parehong tradisyon at pagiging moderno. Ang artikulong ito ay sumasalamin sa multifaceted na mundo ng kapaligiran sa paglilibang sa Pilipinas, na ginalugad kung paano nakikibahagi ang mga tao ng iba't ibang henerasyon sa kanilang mga paboritong pastime.
Pagpapahalaga sa Kultura sa pamamagitan ng Tradisyunal na Sining
Sa gitnang edad na demograpiko, ang isang malalim na ugat na aplikasyon para sa tradisyonal na sining at kultura ay nagiging kaganapan. Ang henerasyong ito ay naghahanap ng paglilibang sa mga aktibidad na kumokonekta sa kanila sa kanilang pamana. Ang mga tradisyunal na form ng sayaw tulad ng Tinikling at Singkil ay hindi lamang perpekto ngunit isang paraan upang ipagdiwang ang pagkakakilanlan sa kultura. Marami sa pangkat ng edad na ito ay nakikibahagi sa mga workshop at klase upang malaman ang mga tradisyunal na tema ng sining, na nagpapalusog ng isang pagmamalaki at nilalaman ng kanilang kultura. Bukod dito, masaya silang dumalo sa mga pagdiriwang ng kultura at mga kaganapan na nagpapakita ng tradisyonal na musika, sayaw, at likha, na nagbibigay ng puwang para sa komersyal na pagdiriwang at isang tulay sa kanilang mga ugat.
Mga Pursuits sa Family-Centric Leisure
Ang konsepto ng pamilya ay pinakamahalaga sa kulturang Pilipino, at ito ay binigkas sa mga pagpipilian sa paglilibang ng mas matandang henerasyon. Ang mga matatanda ay nakatagpo ng labis na kagalakan sa paggugol ng kalidad ng oras sa kanilang mga pinalawak na pamilya. Ang mga aktibidad sa paglilibang ay madalas na umiikot sa mga komunal, pagtitipon ng pamilya, at paglalakbay. Ang mga tradisyunal na laro tulad ng "Piko" at "Luksong Tinik" ay nagdadala ng nostalgia at pagiging mapaglaro sa mga pagtitipon na ito, pinalakas ang mga bono na pinagsama ang pamilya. Nagtatampok din ang paghahardin at pagkukuwento sa kanilang mga sandali sa paglilibang, habang pinapasa nila ang karunungan ng ninuno at mga kuwento sa mga mas batang henerasyon.
Masigla na Kabataan at Mundo ng Digital Entertainment
Ang mga mas batang henerasyon sa Pilipinas, lalo na sa kanilang mga kabataan at maagang twenties, ay malalim na nalubog sa digital na edad. Ang kanilang mga ginustong mga tala sa paglilibang ay sumasalamin sa impression na ito, habang nakikipag-ugnayan sila sa isang kalakal ng mga pagpipilian sa digital na kapaligiran. Ang mga platform tulad ng Instagram, TikTok, at YouTube ay naging kanilang virtual na palaruan, nag-aalok ng mga puwang upang maipahayag ang kalidad, kumonekta sa mga mambabasa, at manatiling pag-update sa mga uso. Ang online gaming ay tumaas din sa katanyagan bilang isang aktibidad sa paglilibang sa signal, na may mga paligsahan sa esports na nakakuha ng malaking pagsunod. Sa gitna ng malawak na hanay ng mga pagpipilian sa digital na paglilibang, isang kilalang kalakaran ay ang paglago ng tanyag sa mga online casino, tulad ng PH365, na nag-aalok ng isang maginhawa at nakaka-engganyong avenue na pinasadya sa kanilang mga ginustong tech-savvy.
Mga Pag-urong ng Kalikasan at Mga Aktibong Pagsusubaybay
Sa buong lahat ng mga pangkat ng edad, ang likas na kagandahan ng Pilipinas ay may hawak na hindi mapaglabanan na akit. Ang mga indibidwal na may iba't ibang edad ay naghahanap ng kanlungan sa kalikasan, kung ito ay isang matahimik na pag-atras sa beach o isang malakas na paglalakad sa pamamagitan ng malago na mga landscape. Ang mga bata, nasa gitnang edad, at matatanda lahat ay nakakahanap ng pag-aliw at kaguluhan sa pagyakap sa kalikasan. Para sa mga mas bata na henerasyon, madalas na tungkol sa mga karanasan sa adrenaline-fueled tulad ng talampas sa diving o zip-lining, habang ang gitnang may edad na ilaw ay pumipili para sa mapayapang paglalakad sa kalikasan at birdwatching. Ang mga matatanda ay nakakahanap ng katahimikan sa matahimik na paligid, madalas na nakikibahagi sa gamot at banayad na ehersisyo ng dagat.
1 note · View note
theoriginal-lemon-head · 1 year ago
Text
fate is so mapaglaro
0 notes
wordsineversaidxxx · 2 years ago
Text
Mapaglaro talaga hay potaenang buhay to di nakikisama haha tangina
0 notes
meyngirl · 2 years ago
Text
MY TUMOR SHRANK.
Sobrang kabado ako palagi.
You know how much this scares me.
Over 2 years since last check-up ko, last pa is nung kasama kita.
Sobrang kabado ako sa magiging resulta. But I was kinda positive na hindi sya lumala or what kasi chinecheck ko naman sya from time to time and minsan wala ako makapa.
I thought wala na sya. Pero nandun pa din pala. But this time maliit na sya. Halos nangalahati. From 3cm to 1.7cm na lang sya. 🥹
This is good news right? Naiiyak ako ngayon. Sobrang thankful ko kay Lord. Kahit na may mga thoughts ako before na gusto ko na mawala. Hindi nya ako pinapakinggan. Lol.
Natatakot ako alam mo ba. Kasi, ngayon ko lang ginugusto ienjoy ang buhay. Natatakot ako na baka kung kelan very optimistic ako, tsaka ako bigyan ng sakit.
If ever that happens, I’ll be devastated. Mapaglaro kasi tadhana diba. Madalas ganon ang nangyayari. May mga kakilala ako na ganon ang nangyari.
Ewan ko ba, advance ako mag isip.
Isa yan sa mga rason kung bakit nadelay nang ganito katagal tong pagpapa check ko. I am just so happy na baliktad sya sa mga madalas naiisip ko.
Sobrang thankful ako kay Lord. Hindi nya ako pinapabayaan.
Magpapacheck-up pa din ako. Ibabalik ko results ko sa Doctor ko. Justo to make sure and malaman ano pwede pa gawin. If tatanggalin na pa din sya or what.
Ayun lang. I am just happy. 🥹
0 notes
zup-its-elle · 2 years ago
Text
060323// Today is 3rd of June. I'm lying on my bed, nothing to worry about; but a lot to think of. Iniisip ko kung ano iyong babaunin ko the next few days, kung paano ko pagkakasyahin iyong natitira kong pera dahil petsa de peligro na. Pero hindi ako nagaalala kasi alam ko I got myself. I can handle myself. Na kaya ko lahat nang mag-isa kahit wala sila, na kahit wala siya, kahit wala iyong iba.
I always dream of being like this. Malaya sa lahat. Malaya sa mga tao at lugar na nakasanayan ko na. Lagi kong gustong lumayo, eh. Minsan naisip ko, baka tinatakasan ko iyong version ng sarili ko sa panahon na iyon kaya umaasa ako na kapag nasa ibang lugar na ako, baka mabago ko iyong tadhana ko. Mapaglaro lang siguro ang pagkakataon dahil kahit lumalayo ako, kahit iba na iyong mga nakakasama ko, ako pa rin pala iyong taong iyon. It's still the same. I'm still the same.
Gustong-gusto ko nang matupad lahat ng pangarap ko. Lahat ng gusto ko, iyong mga iniisip kong mangyari, gusto ko sa isang iglap makakamit ko na lahat. Ang hirap na kasi palang maging ganito. Na parang ang lungkot-lungkot ko. Na kahit hindi naman ako ganoon kaproblemado sa buhay kasi I am not being obliged by my parents, I have a work naman na maliit lang iyong sahod pero masaya, I have friends, I have these little things to keep me going. Maybe, I don't have something to look forward to? Parang wala na. And that sucks.
I always tell people around me to keep going, that everything will be alright, na it's just a bad day and not a bad life. Pero iyong totoo? I really don't know what to think anymore, what to do. How to start the plans to achieve the goals in mind. Nababaliw na ako thinking iyong mindset ko is just the same mindset I had when I was 16 years old. Hindi ako napapagod sa buhay pero napapagod na akong ilaban iyong sarili ko na there's more to life to cheers for.
I just don't want to talk anymore. Gusto ko na lang umiyak kasi for me, it's a failure to be me.
1 note · View note
mga-salita-ni-kiro · 11 months ago
Text
Salamat sa oras, sa isang saglit.
Tayo ay nagkausap ulit.
Sarili ko naman ay hindi na ipipilit.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na nakausap ka, na para bang ako ay nasa langit.
Boses mo ay hinahanap-hinap pa rin. 
Musika sa aking tainga at tila ang sarap paulit-ulitin. 
Kahit malayo, pakiramdam ay malapit ka lang sa akin. 
Mundo ay huminto saglit, at pansamantalang naging atin. 
Sa isang iglap, naputol na ang linya ng tawag at sa mapait na reyalidad ng buhay ay bumalik.
Inaamin ko na noong sinabi mo na tayo ay magkita, kahit bawal ay ako'y nasabik.
Pinigilan ang sarili, at baka mas lalo pa na matakam sa iyong mga halik.
Salamat na lang din na nakausap kita kahit saglit, pati na din sa pag-unawa ng kasintahan mo ngayon na si Vic.
Buhay ay sadyang madaya.
Oras naman ay sadyang walang awa.
Sadya naman na mapaglaro ang tadhana.
Pero ang mahalin ka at kahit sa malayo pa, hinding-hindi ako mapapagod at magsasawa.
Kiro - Saglit, 3 AM
0 notes