#100tula
Explore tagged Tumblr posts
tugmataludtodtalata · 3 days ago
Text
100 TULA PARA SA KANYA
Sequel
#039 Laya Sa campus, muli kitang namataan. Kinakabahan ako kasi baka hindi mangyari ‘yong inaasahan kong mas magaang tinginan o batian─ Na hindi natin magawa nitong nakaraang nakagapos pa tayo sa nakaraan. Kaya sobra akong nagalak nang maramdaman ko ang presensya mo sa likod habang naglalakad. Nang lingunin kita, ikiniling mo ang iyong ulo Habang may tipid na ngiti sa labi─mapaglaro. Ikinaway ko ang kamay habang nakangiti rin sa’yo. Saglit lang ang tagpo pero binalot ng mainit na kung ano ang puso ko. Tapos na, tuluyan na nga tayong nakalaya. Tapos na, wala nang mga tanong pa. Tapos na─pero hindi ang pagkakaibigan natin. Masaya akong masaya ka. Masaya akong tayo’y malaya na.
2 notes · View notes
rickologyyy · 6 years ago
Text
Blog 94
There were sleepless nights
Tumblr media
1 note · View note
Photo
Tumblr media
Tula #3: Curfew
Gaya ng kwagong tulog sa umaga ngunit gising sa gabi
makapiling lang ang buwan sa kanyang tabi,
tataliwas ako sa dapat at tama
masilayan lang ang iyong mata.
-F
5 notes · View notes
kirisawaaaa · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Isang tula Tulang binubuo ng daan daang letra Na sinulat para sa iyo Bago pa binuo ang pelikulang ito... -kaheeeel (August 2017) #100TulaParaKayStella
3 notes · View notes
highestformoflove · 7 years ago
Text
Tula #1
Ang pait ng gabi. Sing pait ng mga salitang lumalabas sa labi mo. Mga salitang hindi totoo pero napapaniwala mo ko. Ang pait. At sana matapos na ang gabi.
082317
0 notes
ephemeral-blissfulness · 7 years ago
Text
Another day well-spent. Yani and I met around 10 am to watch 100Tula Para Kay Stella, movie started at 12 and ended at 2 pm. Anyway, we tried this new chicken place at The SM Annex, Ground Floor, kinda pricey for a big chunk of chicken but for experience sake, pweds na. Uh, for students you can watch movies for PPP ng 150 lang, 100 kapag sa province tas student. Anyway, mura lang naman. Lava cheese tarts are recommended, too!!!!! 80 per piece pero masarap promise 😭 Hiiiiii. Sup people.
3 notes · View notes
pabbythe-blog · 7 years ago
Text
Mukhang ito na ang midyang gagamitin ko para sa mga maisususlat ko. #InspiredByFidel #100Tula
1 note · View note
angelicafaymsan · 7 years ago
Text
Tula #2
Nandito na naman ako
Sa pahinang wala namang punto
Sa bahagi ng buhay kong gusto kong mabago
Maawa ka, hayaan mo namang ako.
Itong mga tugtog
Parang sa tenga koy kulog
Walang ritmo, walang buhay
Gaya ng mundo kong naghahanap ng kulay
0 notes
filipiniana028 · 7 years ago
Text
Madalas akong nakangiti pag kasama ka hindi ko alam ... kahit wala kang ginagawa yung pakiramdam na kasama ka. . . oo dun palang ansaya ko na Nagkukulitan at nagtatawanan nga harutang saan ba ang kapupuntahan? pwede bang itigil ang orasan at hayaan ang sayang walang hanganan Kaso oo .... mayroon palang katotohanan na ikaw at ako ay isa lang magkaibigan masakit pero oo yung nasaaking isipan ay ibang iba sa sinasabi ng katotohanan May mahal kang iba at kilala ko sya at ikaw ay sinaktan din nya ngunit ako ay nagpangap huh .... antanga kunwari push sakanila Pero sa totoo lang nagtatanong na ako sa isip ko kung bat di nalang ako ? ah kasi nga pala pareho tayo kaya pala imposible ang ako Tangina ansakit bat pa ko nging ganto parang imposible ang salitang gusto ... oo nabuhay ako na kunwari wala akong gusto Pero ansakit na hangang kelan ba ako ganto sa galing ko magtago nilakad pa kita sa iba gusto ko kasi sumaya ka gusto ko mahanap mo yung para sayo na maramdaman mo yung saya na wala ako Kaya kahit ansakit sakit na talaga push kita sa iba tapos ako eto mahal ka #100tula #Mac #mahalkita
0 notes
tugmataludtodtalata · 3 months ago
Text
100 TULA PARA SA KANYA
Sequel
#033 Update Ano’ng bago sa’yo? Masaya ka ba? Ano’ng bago sa’yo? Balita ko ni-hard launch mo na? Marami akong tanong. Mga tanong na alam kong kailanma’y hindi na magkakaroon ng sagot. Pero ang alam ko at sigurado ako, Masaya ako para sa’yo. Mas bukas ka na ngayon. Mas alam mo na ang gusto mo. Matapang ka na, hindi gaya noon Hindi mo 'ko kayang tingnan nang diretso. Nasa kalagitnaan ako ngayon ng paghilom. Mahirap, paminsan-minsan kang sumasagi sa isip ko. Pero ayos lang, matutuyo rin ‘to. ‘Pag nagkita tayo sa dulo, ayos na ang isang tango.
3 notes · View notes
Photo
Tumblr media
Tula #4: Love with No Light
I loved you like
how I love the moon
no matter how many times
she changes in front of my eyes.
-F
2 notes · View notes
tugmataludtodtalata · 9 months ago
Text
100 TULA PARA SA KANYA
Sequel
#025 Saluysoy Hindi ko alam ang mararamdaman, Namalayan ko na lang katapat na kita sa upuan. Nang mamataán ka namin, sigurado na akong pauupuin ka nila sa lamesa namin Pero kahit alam ko na, kinabahan pa rin ako. Humanga ako sa sarili ko, Ang galíng kong magmukhang wala lang. Ang galíng kong magpanggap na tumatawa at masayá sa harap n'yo. Ang galíng kong sumubo, ngumuya, at lumunok na parang walang tinik sa harap ko. Na parang wala ka sa harap ko. Na parang kumportable akong makita ka. Na parang hindi ako takot na magkatamaan táyo ng mata. Na parang ayos lang sa akin ang kinalalagyan nating dalawa. Siguro nga may pagpipilian naman ako, Puwede naman akong umalis, Káya ko namang lumayô, Pero ayokong magmukhang talo at naiinis. Sa lugar na maraming putaheng matutukoy, Sa lugar na pagdating ng mga tao'y tuloy-tuloy, Sa lugar na kalapit lang ng mga lumalangoy, Sa lugar na kung tawagin nila'y saluysoy.
3 notes · View notes
tugmataludtodtalata · 1 year ago
Text
100 TULA PARA SA KANYA
Sequel
#019
Tahimik Nakita kita no'ng nakaraan. Sumulyap ako, marahil mga dalawang beses, sinisigurado kung ikaw ba talaga. Nang makuntento nga akong ikaw 'yon, Nagmadali akong malampasan ka, ayokong mapansin mo pa. Pero nang matanaw kong unti-unti na kayong lumalayo, Tinanaw kita. Tumingkayad pa kasi natatabunan ka na ng iba pang nakapila sa sakayan. Napangiti ako. Ngiting alam kong mapait na gumuhit sa labi ko. Kuntento na nga ako. Kuntentong pagmasdan ka lang mula sa malayo. Kuntentong landas nati'y hindi na muling magtagpo... Kuntentong mahalin ka nang hindi sa 'yo sinasabi. Pag-ibig na mapagpalaya. Pag-ibig na tahimik.
4 notes · View notes
tugmataludtodtalata · 2 years ago
Text
tamà na.
ngayon lang nagkaroon ng sapat na lakas at tapang, ang plano ko talaga ay makarating ng isandaan. maihayag lahat ng maisip kong salita na hindi ko maipararating sa 'yo nang malaya. ngunit sa tingin ko, tamà na. napagtanto kong habang mas dumarami ang mga akdang hango sa isang masakit na pelikula, mas lalo lámang akong hindi makaaahon at patuloy na dadausdos sa malalim na balon.
4 notes · View notes
tugmataludtodtalata · 2 years ago
Text
100 TULA PARA SA KANYA
Sequel
#017
Mata
Kay tagal natin marahil hindi nagkita,
Subalit matagal ko ring inihanda ang magiging reaksyon kung sakaling aksidenteng magkásalubóng.
Kayâ nang mangyari ang hindi imposible,
Hindi na ako nagulat.
Hindi ko lang siguro maamin at sa labas ay parang wala lang sa akin
Subalit matagal kong inisip ang tagpong iyon.
Mali.
Hindi sadya, ngunit sa isip ay kay tagal namalagi.
Hindi ko sigurado o makapâ ang dahilan
Ang alam ko lang, kayâ ganoon ay dahil...
[Aaminin ko ba?]
Na-miss kita.
Oo, pangungulila.
Ang malinaw sa akin at siguro'y káya kong tanggapin
Ay dahil nangungulila ako sa atin.
Sa pagkakaibigan natin.
Bago pa naman kasi mas lumalim,
Matalik na kaibigan na kita kung ituring.
Ang nakalulutáng na tagpong iyon ay nasundan pa, ilang araw lámang ang lumipas.
Sa ikalawang pagkakataon, mula nang mag-face-to-face class,
Pinagtagpong muli ang ating mga landas.
'Wag kang mag-alala, hindi ko ito isinulat para muling buhayin at ibalik ang naiwaksi at nabali.
Ginawa ko 'to kasi kahit gaano ko kagustong magkuwento sa 'yo, puwede pero hindi ko gagawin, malabo.
Kahit gaano ko kagustong sabihin ang nasa isip ko, marami na'ng nagbago.
Sa dalawang pangyayaring iyon, hindi ko maipaliwanag pero kinabahan ako.
Lalo no'ng hulí.
Sa dalawang tagpong 'yon, hindi kailanman nagtamà ang paningin nating dalawa.
Laging nakatutok sa iba pa nating kasama.
Hindi ko alam sa iyo pero ako kahit hindi ako tuwirang tumingin o tumitig sa 'yo, alerto ako sa nahahagip ng gilid ng mata ko.
Ang lapit lang natin sa isa't isa pero kay layo rin.
Ang lapit lang natin sa isa't isa pero hindi makatingin.
Ang lapit lang natin sa isa't isa pero parang hindi magkakilala.
Ang lapit lang natin sa isa't isa pero nagawang hindi magtamà ang mga mata.
Hanggang sa magpaalam ka,
Kinawayan ka namin, kinawayan kita.
Hanggang sa mga sandaling iyon mailap ang tadhana,
Dahil sa mask na nakatakip sa 'yong mukha at sa sombrero mong suot, naubos na lahat ng tyansa.
Tumblr media
2 notes · View notes
tugmataludtodtalata · 2 years ago
Text
100 TULA PARA SA KANYA
Sequel
#016
Sakit
Simula nang araw na 'yon, hindi ko binasa at tiningnan
Ang mga katha mo
Nang purong masaya at payapa ang puso.
Laging may kirot,
Alinman sa simula, gitna o wakas,
Laging may kurot na dulot.
2 notes · View notes