#mangiyak-iyak na ko pero sabi mo ay
Explore tagged Tumblr posts
raccoonskoodilypoopdungeon · 3 months ago
Text
been listening to parokya ni edgar a lot lately and buloy is so emicole i think
Tumblr media
3 notes · View notes
lacorbeaucramoisiii · 6 years ago
Text
Life sucks.
3rd year college, i was diagnosed of having mitral valve prolapse. And that year was hella a rollercoaster ride for me. Sobrang daming lab test na pinagdaanan ko and fortunately sa lahat ng sakit at iyak na napagdaanan ko ang resulta ay ‘mild’ level palang yung sakit ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos na dun palang at di na sana mapunta sa “severe”, dahil yun na rin ang ikinatatakot ko. Ilang years na ako sobrang dalang uminom ng kape or anything na may caffeine kasi bawal ako. Pero ang di ko talaga maiwasan mga alcoholic beverages iniiwasan ko rin naman pero minsan di talaga mas lalo pag may problema ako or sa family, kahit inaatake na ako at nasa peak na ako ng sobrang palpitation sige parin makalimutan lang ang problema, Dalawang gamot ang tinatake ko, yung isa beta blocker at yung isa naman pampaluwag sa paghinga at pampakalma, pang habang buhay ko na tong iinumin tong mga gamot ko. Sa lumipas na mga taon, mas lumala na yung insomnia ko di ko alam pero feeling ko sa gamot ko na rin. Di na ako makatulog, minsan 3 or 4am na ako makakatulog tapos gigising rin ako ng 5 or 6am. Pagnapapagod ako ng sobra dun umaatake palpitations ko as in sobrang bilis ng tibok tapos di ako makahinga. Ang maahirap kasi sobrang random ako atakihin, walang oras na pinipili. One time mangiyak iyak na ako sa shuttle kasi inatake ako, nanlalamig na buo kong katawan parang hihimatayin na ako eh nasa kalagitnaan kami ng skyway kaya di ako makapara. Buti na lang may tinuro yung cardiologist ko na breathing exercise pag di ako makahinga. After ng araw na yun paraang natrauma ako sumakay sa fx or shuttle pero nilabanan ko na lang takot ko kasi yun ang main transpo ko papasok ng school, wala ng iba. Impiyerno bawat araw na lumilipas di ko alam kung kailan ule ako susumpungin. Yung taon after ng graduation ko, ilang weeks after grad hinire na agad ako ng prof ko nagwork ako sa kaniya for four months as design associate, dun na nagstart lumala lalo yung sakit ko. Hindi ako maarte sa trabaho, kahit ano gagawin ko pero siyempre alam ko yung limitation ko pero minsan kasi di narin ako makahindi, kung kilala mo ko simula bata pa ako, i tend to please everyone kasi, hindi ko kayang humindi, ayaw ko kasi masaktan or madown yung mga taong nasa paligid ko kaya hanggat maari or kaya ko pa gagawin ko ang isang bagay. All-around ang work ko sa prof ko, ako taga autocad, sketchup, site visit, sourcing, and taga ayos na rin ng mga contractor papers, minsan ako na rin pinapaharap ni Maam sa mga clients niya kasi parati siyang wala. Sobrang lala ng pressure at stress ko ng months na yun, kaya umabot na ako sa tatlong sunod sunod na araw di ako nakapasok dahil sobrang sakit ng dibdib ko at di ako makahinga. Nagpacheck up ako that time, and sabi ng doctor na natatakot siya na baka magsevere yung sakit ko kaya pinaresign na niya ako *plus di rin naman ako napapsweldo rin on time and may utang pa yung prof ko na 24k until now sa akin* medyo natakot rin ako kasi nung sinabi ng cardiologist ko na if lumala pa parati na kong magdadala nung portable heart beat/heat pulse sensor para madetect ko kung aatakihin na ba ako o hindi. ayoko naman ng ganon. kaya nagresign narin ako after non at nagpahinga for one month. Ayoko kasi nakaidle lang ng mahabang panahon kaya naghanap ule ako work. fortunately, after ilang days nagkawork na ule ako sa isang magandang firm. Nakaone year ako dito pero nagresign na ako dahil magboboard exam review na ako sa March. Nung nagwowork ako dito sa firm, Hindi ko sinabi kila mama pag inaatake ako, at di ko rin sinabi na nagstart na ako na sumusuka pag sobrang stress ako.  Itinago ko yun kasi alam ko pagreresignin nila ule ako dun. Hindi ko rin sinasabi sa friends ko yung sakit ko, except kay Issa. Ayaw ko kasi kaawaan or kinakaawaan, naiinis ako.  Ayaw ko igive up tong dreams at passion ko sa design industry at sa job ko dahil lang sa sakit ko. Hanggat kaya ko titiisin ko, hanggan nakakahinga pa ako di ako titigil. 
One time, nung third year ako medyo marami akong absent dahil sa mga lab test, eh need ko ibigay yung med cert sa prof ko para bigyan ako ng special exam, nung nakita ang sabi sa akin “ Pano ka magtratrabaho sa sakit mong yan, dapat hindi ito yung kurso na pinili mo.” Masakit nung narinig ko yung mga salitang yun, pero papatunayan ko sa kaniya na kaya ko. 
0 notes
queeniegwyneth-blog · 6 years ago
Text
EXCESS BAGGAGE A One-Act Play
Scene 1
 NARRATOR:
The Arrow with the Heart pierced through him. There was an Arrow who was getting tired of his pointy life. Until one day, he woke up feeling heavier than usual. He woke up with a heart pierced through him.
Whose Heart are you and how did you get here? The Arrow asked. But there was no reply.
 PARA SA MGA UMIIBIG, NASAKTAN, NGUNIT UMIBIG PA RIN. YOU KNOW, TATANGA TANGA.
NARRATOR:
           Inis at mangiyak-ngiyak na tinapon ni Mace ang paborito niyang thong kasama ng kaniyang iba pang mga paboritong damit sa basurahan malapit sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin kung paano babawasan lahat ng gamit na nasa bagahe niya. Dahil hangga’t may excess baggage siya, hindi siya papayagang makauwi ng Pinas.
MACE:
Can I please? (sabi niya sa kasabay niyang nasa pila) Again ha?
AIRLINE CLERK:
Sorry Madame, it’s still too much.
MACE:
Bwisit na buhay to oh! Bat pa kasi nabuhay pa ko. Pucha! Pagod na ko.
ANTHONY:
Miss sa’kin mo nalang ilagay yung Trench coat mo.
(nagtatakang tumingin si Mace sa lalaki)
Ako nga pala si Anthony Ladameo, Pinoy din. Taga 24 A St. Joseph Street, Project 8, Quezon City. Hindi ako manyak at hindi rin ako magnanakaw. Kaya ilagay mo na yung gamit mo dito tutal ito lang naman yung dala-dala kong gamit eh. Sa’yo na lang yung extra baggage allowance ko.
  NARRATOR:
Natigilan si Mace sa pag-aayos ng mga gamit niya. Nag-dadalawang isip siya kung tatanggapin ba niya ang tulong mula sa isang lalaking hindi niya lubusang kilala. Pero, pinagpatuloy niya pa rin ang pagtapon ng iba niyang gamit kasama na ang paborito niyang Trench coat..
ANTHONY:
Opps, kulang-kulang 10,000 yang Trench coat mo, sayang.
MACE:
Sa ukay-ukay ko lang naman nabili yan 2,500.
NARRATOR:
           Napagpasiyahan ni Mace na tanggapin ang tulong ng lalaki.
MACE:
Kasya ba diyan?      
ANTHONY:
Oo.
MACE:
Eto na rin. (sabay abot ng panty at bra na tinapon niya sa basurahan) Okay na yan.
NARRATOR:
           Dali-dali silang nag-tungo sa counter ng Airline. Sa wakas, makakauwi na si Mace ng Pilipinas.
 AIRLINE CLERK:
Congratulations, Madame! After several tries you’re finally checked in. Thank you for visiting Rome. Have a great flight!
Scene 2
 NARRATOR:
Kasalukuyan silang nasa eroplano nang magising si Anthony sa pagkakatulog. Umiiyak si Mace dahil sa pinapanood niyang pelikula na One More Chance. Hindi maiguhit ang reaksiyon ni Anthony pagkatapos niyang makita si Mace na humahagulgol dahil lang sa isang pelikula.
MACE:
Sana ako pa rin. Sana ako nalang, ako nalang ulit... (panggagaya niya kay Bea Alonzo)
Yan lang ba yung tingin mo Popoy?? I just made a choice. (sabay iyak)
FLIGHT ATTENDANT:
Here’s some tissue, Madame.
MACE:
No, no, no. I don’t need tissue.
ANTHONY:
Kailangan mo ng tissue.
MACE:
Hindi ko kailangan ng tissue. I don’t need tissue. So please stop judging me! Please! Stop!
FLIGHT ATTENDANT:
Sorry, Madame.
NARRATOR:
Pasimpleng kinuha ni Anthony ang tissue sa Flight Attendant. Hindi man sabihin ni Mace pero kailangan niya talaga ng tissue.
MACE:
Ganda nung movie. Galing nung storytelling, sobrang true to life. At yun cinematography talagang yun yung nagustuhan ko dito. Si John Lloyd? Ibang-iba yung pinakita niya. Magaling siya dito.
ANTHONY:
(natatawang umiling kay Mace)
Scene 3
NARRATOR:
           Pagkatapos ng matagal na paghihintay ay nakarating din sila sa Pilipinas. Sabay nilang hinintay ang kanilang mga bagahe sa baggage counter.
MACE:
HIihintayin mo talaga ako hanggang dito?
ANTHONY:
Nasa sakin gamit mo eh.
MACE:
Tama din naman.
MACE:
Yan lang talaga gamit mo no?
 ANTHONY:
Eto? Oo.
MACE:
Bakit yan lang? Paano magkakasya yung gamit mo diyan, eh ang liit-liit niyan?
ANTHONY:
Eeh, sa kasya na lahat dito ng kailangan ko eh.
MACE:
Ay, eto eto na.
ANTHONY:
Ako na, Ako na.
MACE:
Mabigat talaga yan, Kasi dala ko buong buhay ko dito, kaya pasensya kana ha? Hindi tayo parehas eh.
May isa pa’kong maleta.
 ANTHONY:
May isa pa? (di makapaniwalang tanong niya kay Mace)
Buong buhay talaga yang dinala mo? Ma-eexcess ka talaga niyan
MACE:
Alam mo ako minsan hindi na’ko natutuwa sa mga punch lines mo eh kasi kanina mo pa’ko pinapunch line. Masyado kang judgemental.
Eto. (turo niya sa kaniyang bagahe)
ANTHONY:
Eto?
MACE:
Oo.
ANTHONY:
Teka. San kita jinudge?
 MACE:
Jinujudge mo’ ko.
ANTHONY:
Hindi kita jinudge. Nagstate lang ako ng fact, Kasi, sabi mo dinala mo buong buhay mo, Na-excess ka.
Ah, eh san kita jinudge don?
MACE:
Somewhere doon sa dinala ko buong buhay ko kaya nag-excess ako. Kasi parang ang sinasabi mo dapat hindi ko dinala buong buhay ko para hindi ako mag-excess. Na dapat meron akong tinitira para sa sarili ko, para meron pa akong babalikan. Akala ko kasi kailangan ko sila eh, pero hindi naman pala, akala ko lang pala yun.
ANTHONY:
Ako pala yung judgemental no? Akin na. –
MACE:
Neknek mo!
Scene 4
 NARRATOR:
           Nakalabas na sila ng Airport at napagdesisyunan nang umuwi.
 ANTHONY:
Paano ka uuwi?
MACE:
Taxi. Ikaw?
 ANTHONY:
Taxi.
NARRATOR:
           Habang naghihintay ng taxi, hindi mapakali si Mace dahil sa mag-jowa na kasunod nila sa pila.
MAG-JOWA (girl):
           Miss na miss na kita mahal hihihi. (sabay yakap)  
MAG-JOWA (boy)
           I miss you too mahal. (sabay yakap ng mahigpit sa babae)
MACE:
Parang ayoko to eh. (sabay turo sa taxi) Gusto mo sa’yo na lang?
ANTHONY:
(iiling)
MACE:
Ate! Inyo na. Kailangan niyo na yata.
MAG-JOWA:
Thank you. Hihi Biliiis mahal.
  MACE:
Maghihiwalay din kayo! Alam mo kasi parang ayoko pang umuwi eh! Ikaw ba?
ANTHONY:
(iiling)
NARRATOR:
           Inayang mag-kape ni Mace si Anthony sa isang coffee shop malapit sa Airport. Isa din itong paraan para makilala nila ang isa’t-isa ng lubusan.
 Scene 5
 MACE:
So anong ginawa mo sa Italy?
ANTHONY:
Nagbakasyon.
MACE:
Nagbakasyon ka lang sa Italy pa ah. Burgis!
ANTHONY:
Hindi, dream ko yun eh. Dream kong makapunta sa Colosseum. Sabi ko bago ako mag 28 dapat nakapunta na ko don. Sana kasama ko yung Mommy ko kasi meron siyang fascination sa Roman ruins.
MACE:
Okay, nakita niyo naman? Ilang taon kana ba?
ANTHONY:
29.
MACE:
Oh, malungkot? Isang taon lang ang lumipas, malungkot kana ng ganyan? Andami-daming taong hindi nakakapunta sa ibang bansa, hindi nakakapunta ng Italy. Namatay na hindi pa rin nakita yung Coloseo, tapos ikaw umaarte ka pa na malungkot?
 MACE & ANTHONY:
BURGIIISSSS! (nagtawanan)
ANTHONY:
Nakita ko, pero si Mommy kasi hindi.
MACE:
Hmm. Edi mag-ipon kana lang ulit para next time na magbakasyon ka pwede mo na isama yung Mommy mo.
ANTHONY:
Kaso wala na siya eh. Breast Cancer. Three years ago.
MACE:
Ah. Sorry.
ANTHONY:
Okay lang. Pero nung andon ako sa Colosseum, nagselfie ako ng ganito tapos nag-leave ako ng space dito. Alam kong andun siya, alam ko pumwesto siya don. Na-feel ko eh.
MACE:
Maganda?
ANTHONY:
Pucha. Surreal! Dati nakikita ko lang sa libro eh. Pinag-aaralan ko lang tapos… ngayon makikita ko na sa harap ko, wow. Gusto kong yakapin eh, gusto kong iuwi, gusto kong --- hindi ka pa ba nakakapunta sa Colosseum??
MACE:
(iiling)
ANTHONY:
Pucha nag-Italy ka pa! Hindi ka man lang sumide trip don?
MACE:
Yan talagang Italy na yan, huwag lang makapunta punta sa may kanto namin ipapabugbog ko talaga yang hayop na yan.
ANTHONY:
           Anong problema mo sa Italy?
MACE:
Marami.
NARRATOR:
           Ilang oras din silang nanatili sa coffee shop dahil bumuhos ang malakas na ulan.
MACE:
Ah Miss... Miss nag-riring yung cellphone niyo. Ay, ate! cellphone niyo nag-riring. Sagutin mo!
ATE:
(patuloy pa rin sa pagba-browse sa facebook)
MACE:
HOY ATE! YUNG CELLPHHONE MO KANINA PA NAG-RIRING! SAGUTIN MO!
ATE:
Ay, sorry Miss.
MACE:
Nakakaloka.
ANTHONY:
(nagtatakang tumingin kay Mace)
MACE:
Wag mo na tanungin wala ako sa mood mag-kwento.
 Scene 6
 NARRATOR:
           Nang tumila ang ulan, napagkasunduan nilang huwag na munang umuwi. Pumunta sila sa kilalang bar sa Malate, Manila ang ‘The Bar @ 1951’. At dun sila nagpalipas ng oras. Madami-dami na ding nainom na alak si Mace kaya hindi niya mapigilang ikwento ang nangyari sa kaniya sa Italy. Nakinig lang sa kaniya si Anthony.
 MACE:
Alam mo yung sinasabi nila na kung kayo, kayo talaga. Kung kayo babalik siya sa’yo. Pucha! Nakakagago yun eh. Ano yon? Iaasa ko na lang sa hangin? Sa tadhana? Sa isang bagay na hindi mo nakikita yung future niyo ng taong mahal na mahal mo. So kami, yung 8 years namin kailangan ko na lang tanggapin na hindi pala kami yung nakatadhana para sa isat-isa? Hindi ganon. Hindi yun ganon para sa’kin. Para sa’kin, habulin mo. Dapat ipaglaban mo yun. Huwag mo hintayin na may mag-tulak sa kaniya pabalik sa’yo. Hatakin mo. Hanggat kaya mo. Huwag kang susuko. Huwag kang bibitaw. Sorry, mahal ko eh.
8 years kami. Nung April, nagpunta siya ng Italy, training para sa trabaho. Dapat talaga hanggang September lang siya eh, kaso nagustuhan yata nung kumpanya yung trabaho niya kaya pinag-eextend siya, two more years. Siyempre ayokong pumayag. Kaya lang dinoble yung sweldo niya eh. Ano ba namang laban ko sa Euros, diba? Ako lang naman ‘tong girlfriend niya ng walong taon. Anong laban ko dun? Sabi niya para yun sa future namin. So pumayag nako. Ang naiisip ko, puntahan ko nalang siya don. Kahit isang buwan. Ginamit ko yung ipon ko, nangutang pa’ko sa mga kaibigan ko para makabili ng ticket makapunta lang sa kanya. Isusurprise ko siya. Sweet ko no? 1 month lang talaga plano ko don, kaso naisip ko, pwede rin naman sigurong magstay nako don ng dalawa pang taon. Maghahanap nalang ako ng trabaho dun, sasamahan ko nalang siya. Kahit pa brand manager nako dito, okay lang. Kasi kapag gusto mo may paraan. So, excited na excited ako, nag-ayos, bumili ako ng mga bagong panty, bagong thong, nag-red lipstick ako, nag-bestida, pati panty ko pula.
Ehh… pagdating ko dun, meron na pala siyang iba. Matagal na. Sabi niya wag daw ako maghinala. Kaibigan lang daw niya yun. Officemate lang. Ako daw yung mahal niya eh. Mahal na mahal niya daw ako. Andami-dami niyang sinabi. Ako naman si tanga naniwala ako. Pucha! 8 years kayo eh. Pucha dun ka pa ba magdududa?! Yung alam mo sa sarili mo na siya na yung pakakasalan mo, na alam mo balang araw yung apelyido niya magiging apelyido mo na rin.
Pero wala naman pala yun sa tagal ng relasyon niyo eh kung hindi ka na niya mahal, hindi kana niya mahal. Hindi-na-kita-mahal-makakaalis-ka-na. Seven words. Yung 8 years namin nagawa niyang tapusin ng seven words! Pucha! 8 years kami. Siguro naman deserve ko na bigyan niya pako ng isang pagkakataon. Para magmakaawa sa kanya. Para ipaalala sa kaniya na gago ako yung mahal mo diba? Anong nangyari? Ganun lang? Ganun pala kadali makalimot.
ANTHONY:
Hindi ka na niya mahal. Yun na yun. Anong di malinaw dun?
  MACE:
Sabihin niya naman sakin kung bakit? Ipaliwanag niya naman kung ano yung nagawa ko? Ano ba yung nagawa ko?!
ANTHONY:
Kung sinabi niya ba sayo kung bakit, may magbabago ba? Ang bottomline, hindi ka na niya mahal.
MACE:
CLOSE BA TAYO?! Pucha! Sakit mo magsalita ahh. (umiiyak)
(SILENCE)
MACE:
Gusto ko mag Baguio.
ANTHONY:
(dahan-dahang tumango) Sige.
 Scene 7
NARRATOR:
           Ilang oras silang naghintay bago umandar ang bus. Sa tagal ng biyahe, naramdaman ni Anthony ang pagsandal ng ulo ng Mace sa kaniyang balikat. Ngunit hinayaan lang ito ni Anthony. Hanggang sa tumigil ang bus para mag-stop over. Hindi nag-atubiling gisingin ni Anthony si Mace para kumain dahil alam niyang gutom na ito.  
ANTHONY:
(naglapag ng hotdog ng naka-stick at coke in can)
MACE:
Thank you (nilalagyan ng ketsup ang hotdog ni Anthony)
ANTHONY:
Oops. Hindi ako nagkeketsup
MACE:
Ay. Sorry sorry. Yung ex ko kasi mahilig sa ketsup kapag may hotdog. Naalala ko kasi sorry.
Anthony:
Pati sa ketsup naalala mo siya?
MACE:
Kaya nga sorry eh. Naalala ko lang naman.
ANTHONY:
Sabagay.
MACE:
Gustong-gusto non kapag ka nilalagyan ko siya ng ketsup sa hotdog niya tapos pa-zigzag yung lagay ko. At yang Coke? Nako, adik siya jan. Yun naman, yung Siopao? kapag may tumatawag sakin ng siopao inaaway niya.
ANTHONY:
Pastillas.
MACE:
Ha?
ANTHONY:
Pastillas? Naaalala mo ba siya sa Pastillas?
MACE:
Favorite naming Pastillas sa Red Ribbon.
ANTHONY:
Starbucks.
MACE:
Vanilla Frappuccino, grande, no whipped cream.
ANTHONY:
World history.
MACE:
Classmates kami sa Kasaysayan.
ANTHONY:
Color black.
MACE:
Yun ang kotse niya, namin.
ANTHONY:
Derek Ramsey
 MACE:
Galit siya sa abs non.
ANTHONY:
Wow magaling ka talaga ah.
ANTHONY:
Cebu.
MACE:
Valentine’s Day, 2010
ANTHONY:
Hongkong.
MACE:
2008
ANTHONY:
Bulacan
MACE:
May tinitignan kaming condo unit don, worth 4.5 billion, 3 bedrooms, 2 bathrooms, 25,000 lang monthly.
ANTHONY:
Dark Knight.
MACE:
Dark Knight o Dark Kníght Rises?
ANTHONY:
Dark Knight.
MACE:
SM MOA, IMAX
ANTHONY:
Dark Knight Rises?
MACE:
SM MOA, IMAX
ANTHONY:
Wow, pareho lang. Tinanong mo pa.
MACE:
Kasi dun sa isa nag-away kami, kasi paglabas naming yung ex niya na parang gusto siyang kausapin. Kaya nagselos ako, nagkatampuhan kami. Pero nagkaayos na kami kaya nagpunta kami ng Tagaytay tapos nagcheck in kami sa …
ANTHONY:
Oy,oy Tama na. Belt.
MACE:
Censored eh.
ANTHONY:
Spaghetti.
MACE:
Censored.
ANTHONY:
Pucha, ang lalandi niyo.
MACE:
Actually, yun nga ang sabi nila.
ANTHONY:
Greece.
MACE:
Dun naming gustong mag-honeymoon. Sa Santorini o kaya sa Paris.
ANTHONY:
Dahon ng malunggay.
MACE:
           Paborito niya yung Malungay Pandesal dun sa Project 8.
ANTHONY:
Wow. Naaalala mo talaga siya sa lahat.
 Scene 8
NARRATOR:
           Pagkatapos kumain, sumakay na sila agad sa bus. Dahil walang umiimik sa kanilang dalawa, naisipan ni Mace na magbukas ng topic.
MACE:
Paano ba makalimot?
ANTHONY:
Ha?
MACE:
Alam mo ikaw ang hilig mo pinapaulit-ulit mo yung mga sinasabi ko. Naririnig mo naman ako.
ANTHONY:
Ewan ko. Ako sa ex ko ah, nagising ako, wala na siya eh, nalimutan ko na.
MACE:
Gaano katagal yun?
ANTHONY:
Matagal.
MACE:
One year? Two years? Three, four, five?
ANTHONY:
Importante pa ba yun? Ang mahalaga, nakalimutan.
MACE:
Shit, ang hirap eh.
ANTHONY:
Mahirap talaga. Mahal mo eh.
MACE:
Mahal na mahal.
ANTHONY:
Yung mga ganyan, mahal na mahal, siguro mga ano yan, 12 years?
MACE:
Ano?! 40+ na ako hindi pa’ko over? Di naman siguro.
ANTHONY:
Ewan ko. Ikaw naman bahala diyan. Nasa sa’yo yan. Pwede kang uminom gabi-gabi, pwede kang umiyak gabi-gabi, makipagdate kung kani-kanino. Makipag-make love sa kung sinu-sinong lalaki. Ikaw? O kung pwede ka ring makahanap ng new love.
ANTHONY:
Alam mo yung sinabi ni F.Scott Fitzgerald?  “There are all kinds of love in this world. But never the same love twice”
MACE:
           Naalala ko lang, may nagawa akong short story sa isa kong subject sa creative writing, eh naka-uno ako tapos naglagay ng note yung teacher ko, ang nakalagay sabi niya, ‘you should share this to the world someday.’ Sabing ganon, oh siyempre pakiramdam ko nun ang galing galing ko na.
ANTHONY:
           Ikwento mo naman yung kwento mo.
MACE:
           Short story ko? High school pa lang ako nun nung ginawa ko yun baka husgahan mo ko.
ANTHONY:
Ano ako disclaimer?
MACE:
           Okay sige. Ang title niya, “The Arrow with the Heart pierced through him”
ANTHONY:
Anong tungkol don?
MACE:
           Tungkol siya sa isang Arrow na paggising niya bigla na lang yung Heart nakatusok sa kaniya. Inanap niya kung sinong may-ari nung puso na yun. Nabibigatan siya kasi siyempre di siya sanay, so etong si Arrow with the Heart pierced through him, lahat ng mga taong nakakasalubong niya, tinatanong niya yun isa-isa. Kung sila ba yung may-ari ng puso na yun. Iba-iba yung sagot ng mga napagtanungan niya. Lagi nilang sagot, ‘hindi, hindi ko puso yan or hindi ko puso yan hindi naman nawawala yung puso ko eh, pero sa tingin ko malapit na. Tapos, sa tagal ng paghahanap nila parang napapansin nung arrow gumagaan yung heart. Di niya alam kung bakit. Baka pumapayat o lumalakas lang siya. O nabubuhat rin nung puso yung sarili niya. Tapos may madadaanan ulit sila, tapos itatanong sa Arrow,’kanina mo pa ba hinahanap kung kanino yan’? But the heart did not reply. The heart didn’t need to. The Heart slowly moved back from the Arrow. Slowly, very slowly… Until the Heart is no longer pierced through the Arro.
ANTHONY:
           Tapos?
MACE:
           Ayun, tapos na.
ANTHONY:
           Bat parang bitin?
MACE:
Talaga? Bitin ba?
ANTHONY:
            Pero maganda, gusto ko.
MACE:
           Di nga?
 ANTHONY:
           Gusto ko nga.
MACE:
           Thank you. (smile)
NARRATOR:
           Hanggang sa narating na nila ang Baguio. Hindi nila alam kung anong uunahin nilang pupuntahan dahil sa magagandang lugar na makikita dito. Kaya napag-desisyunan muna nilang mag-check in sa hotel para iwan ang kanilang mga gamit. Ilang oras din ang nakalipas, naisipan ni Mace na ayain si Anthony para mag-pahangin sa labas hanggang sa nakarating sila sa Bernham Park.
 Scene 9
 MACE:
Sa 8 years namin, never niya akong inalok ng mag-pakasal. Yun nalang hinihintay ko eh.  Ako non, sigurado ako na sasagot ako ng oo, Iiwan ko yung lahat pero yun tanong na yun, never dumating. Tanga.
MACE:
May itatanong ako sa’yo pero wag kang tatawa. Pangit ba ako?
ANTHONY:
(natatawa)
MACE:
Pucha naman eh. Sabi ko wag kang tatawa eh.
ANTHONY:
Hindi. Hindi ka pangit. Hindi ka, hindi pangit. Maganda ka okay?
MACE:
Yung totoo?
ANTHONY:
Sasamahan ba kita kung di ka chix.
MACE:
So sumama ka sakin dahil type mo ko?
ANTHONY:
Well, single ako. Wala naman akong ginagawa. Hanggang bukas pa yung leave ko tapos may isang babae na nagtanong sakin na, ‘uy, pwede mo ba akong samahan sa Baguio’? Yung babaeng yun, may itsura, maganda, matalino, masarap kausap, minsan nga lang nag-eeskandalo pero masarap kasama. Hihindi pa ba ako?
MACE:
Sa tingin mo may papatol pa sa’kin? I mean, may magkakagusto pa ba sakin? Magkakarelasyon pa ba ako? May magmamahal pa bas akin?
ANTHONY:
Oo naman, ikaw pa.
MACE:
Makakarecover pa ba ako?
ANTHONY:
Makakarecover ka. (smile)
MACE:
Sure na sure ka jan ah!
ANTHONY:
Alam mo kasi, ang pagmamahal na ganyan, grab na agad. Pinapakita mo kung gaano ka ka-overwhelming, walang imposibleng walang puntahan. Babalik at babalik din sayo, tapos sasabihin mo yun sa taong mahal mo. Pero sigurado ako, babalik yun sayo. Tulad nga nung sabi ni John Lloyd, ano na ba yun?, ‘kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin kasi may paparating na bago.’ Yung mag-mamahal sa’tin, ipaparamdam sa’yo kung gaano ka kaganda. Ipaparealize din sa’tin, paano tayo dapat mahalin. Masarap, tama ba?
MACE:
So, di mo pa napapanood yung One More Chance ah. (Sarcastic)
ANTHONY:
Ganda ng cinematography eh.
  ANTHONY:
Pero alam mo yung oras na gusto ko ng makalimutan yung girlfriend ko, Ex ko. Sinasabi ko sa sarili ko na. Ayoko na, huwag mo na siyang isipin, huwag mo na siyang mahalin. Umakyat ako don mag-isa, papunta sa bundok sa Sagada, Mt. Kiltepan. Dun, parang nasa clouds ka lang, parang nasa langit. Dun, dun ko sinagad lahat, yung galit ko, lahat nung sakit, lahat ng gusto kong sabihin sa kanya na hndi ko masabi, lahat. Pero hindi mawawala yung sakit, pero at least nabawasan.
 Scene 10
 NARRATOR:
Nag-stay pa sila ng ilang oras sa Bernham Park. Humiga sila sa damuhan habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.
ANTHONY:
Pag may dumaan na shooting star, anong iwiwish mo?
MACE:
Hirap naman nun, isa lang?
ANTHONY:
Ay wala na. Dumaan na.
Mace:
Parang tanga to. Isa pa, pabalikin mo ulit.
ANTHONY:
Oh ayan, ayan.
MACE:
Ang wish ko, na sana. Sana hindi ko na siya mahalin.
ANTHONY:
Okay daw, sabi ng shooting star.
MACE:
Asahan ko yan ah. Ikaw? Pag may dumaan na shooting star, anong iwiwish mo?
ANTHONY:
           Ako? Sana kung nasan man si Mama, I hope I’m making her proud.
 MACE:
Sabi ng shooting star, oo daw. (natigilan) Andiyan pa ba yung shooting star?
 ANTHONY:
Ha?
MACE:
Kasi kung andiyan pa siya, gusto kong magthank you sa kanya kasi hindi ako nag-iisa. Malungkot lang ako pero hindi ako mag-isa ngayon.
ANTHONY:
(smile) You’re welcome. Daw sabi ng shooting star.
   Scene 11
 MACE:
Naghatid ka pa talaga ah. San ka nga nakatira?
ANTHONY:
Secret nga.
MACE:
Andaya neto, Magulat ka isang araw, nasa harap na ako ng bahay mo.
ANTHONY:
Ano gagawin mo don?
  NARRATOR:
           Nagulat si Mace sa kaniyang nakita. Nakatayo sa tapat ng bahay nila ang dati lang naman niyang kasintahan na may dala-dalang bulaklak. Bigla siyang natigilan. Walang salita ang lumabas sa bibig niya. Tila ba’t nangatog ang kaniyang mga tuhod, kumakabog ng mabilis ang kaniyang dibdib at nasambit niya ang mga salitang,
MACE:
Anong ginagawa mo dito?
(SILENCE)
ANTHONY:
Anthony pare... (ini-abot ang kamay para makipag-shake hands)
MARCO:
Marco pala.
NARRATOR:
           Walang umiimik sa kanilang tatlo. Hindi malaman ni Mace kung anong mararamdaman niya sa nangyayari.
MARCO:
Mace...
ANTHONY:
Mace… Mace … Mauna na ko. (naguguluhan at mangiyak-ngiyak na tumingin si Mace kay Anthony) Una na ko. (lalakad palayo)
 NARRATOR:
The Heart just slowly moved back from the Arrow. Slowly. Very slowly… Until the Heart is no longer pierced through the Arrow. And so the Heart moved on.
The Arrow who used to have a Heart pierced through him and tried to move on… but he was too heavy, and he was dragging himself down.
The Arrow could not understand why he felt heavier… when he actually no longer had the load of carrying somebody’s heart. So the Arrow tried to go back to his old pointy life, and every day he would wake up feeling heavier than usual. But there was no Heart pierced through him each time. So the Arrow decided to be patient and just try to be the old Arrow that he was before, he became the Arrow with a Heart pierced through him.
So he can live normally again. And he did.
One day, he just woke up feeling a little stranger than usual. The Arrow woke up being tired of his pointy life again. Until he heard a question too familiar that it was not strange at all.
Excuse me, but have you lost your heart?
T Arrow was surprised. It was the Heart who used to be pierced through him. And there was no reply. The Arrow and the Heart didn’t need any.
 Scene 12
ANTHONY:
Sabi mo nga, bakit mo ipapaubaya sa hangin, sa tadhana, sa isang bagay na hindi mo naman nakikita. Na kung mahal mo, habulin mo. Huwag mo hintaying may magtulak sa kaniya pabalik sa’yo. Hatakin mo. Hanggang kaya mo huwag kang bibitaw.
Mace, sorry. Mahal kita eh.
0 notes
humssketeers · 7 years ago
Text
Doktora Olivia
Doktora Olivia
Sabi nga nila, ang Diyos ang pinaka-magaling na Doktor, ano mang sakit, nagagamot, niya. Pisikal, emosyonal, o mental man, sa tulong ng mapaghilom niyang mga kamay at mapagmahal na puso, mga sakit ay karamdaman ay nawawala, at buhay ay nadudugtungan, pero, sa kabila nito, may naniniwala na mas magaling pa siya sa Diyos.
July 27, 2007
               “Time of Birth; 8:30 am. It is a Baby Boy!”
               Malakas na iyak ng bagong silang na sanggol ang bumalot sa operating room. Kanyang ina ay labis labis na natutuwa dahil sa pagkatapos ng ilang subok nilang mag-asawang si Isabelle at Jim, at di mabilang na pag-sayaw sa Obando, Bulacan ay nabiyayaan na sila.
               Nang maibigay na ng nars ang sanggol sa kanyang mga magulang, di mapawi ang ngiti sa kanilang mga labi, at mga luha mula sa kanilang mga mata ay di mapigilian mula sa pag-tulo dahil sa saya na nararamdaman.
               Nanggaling ang mag-asawa sa mga relihiyosong pamilya, kaya naman nagdasal sila kasama ng kanilang anak at nagpasalamat sa napakagandang biyaya mula sa langit.
               “Panginoon, Maraming salamat po sa bagong kabanata ng buhay naming ito, Maraming salamat dahil biniyayayan niyo kami ng napakagandang regalo, ang aming, anak, at habang buhay kami magpapasalamat sa bini-“ Naputol ang pagdadasal ng mag-asawa ng pumasok ang Doktor na nag-paanak sa babae.
               “Kamusta naman ang pakiramdam ng pagiging bagong magulang?”
               Tila nag-aalangan sumagot ang dalawa dahil hindi nga natuloy ang kanilang pagdadasal, nag sign of the cross na lamang ang mag-asawa at napa-tingin sa kanila ang doctor?”
               “May problema ba? Bakit kayo nag sign of the cross? Ah! Nagdadasal siguro kayo no?”
Tanong ng Doktor.
               “Ah opo. Gusto lang naming magpasalama-“
               “Talaga? Yan problema sa mga tao eh, pag nagamot yung sakit, o kaya pag na-revive yung pasyente, sa Diyos nagpapasalamat. Hindi ko mainitindihan ha, bakit ba kayo naniniwala sa mga hindi niyo nakikita? Tapos sakin nga ni hindi pa kayo nag-papasalamat, eh kung hindi naman dahil sakin, hindi kayo magkaka-anak. At sasabihin niyo pang sumayaw kayo sa Obando para lang magka-anak?  Gaano katotoo yan?! “ Galit na wika ni Olivia, ang Doktor na hindi naniniwala sa kakayahan ng Panginoon, na naniniwala na mas nakakapagpagamot pa siya kaysa sa kanya.
               “Pasensya na po Dok kung nakalimutan naming magpasalamat. Pero hindi ba mas nakakapagtaka at nakakabastos, ang pagpasok ng basta basta sa kwarto ng asawa ko at sisisihin kami sa paniniwala naming sa Diyos? At bakit sa tingin mong mas magaling ka pa sakanya, ha? Sino ka ba? Doktor ka lang! Oo, alam ko naman na marami ka nang napagaling, naipanganak at niligtas. Sa limang taon mong serbisyo bilang Doktor, masasabi ko na magaling ka talaga. Pero sa tingin ko SOBRA nang lumaki ang ulo mo Doktor Olivia, pati Diyos ay gusto mong lamangan, gusto mo kayong mga doktor lang ang pasalamatan? Ano ba naman yan Olivia! Masaya na ang anak mo kasama ang Panginoon! Sobra kang naging madamot pagdating sa mga anak mo, pati saming mga KAIBIGAN mo ay ayaw mo ipahiram. At nung kinuha siya ng Diyos nagalit ka? At pagkatapos ng lahat ng pinagkaloob at binigay niya sayo, heto ka ngayon at nagagalit sakanya, at hinihikayat mo pa kaming tigilan ang paniniwala sakanya? Anong nangyari sayo?!”
               Hindi na naitago pa ni Jim ang galit niya kay Doktora Olivia, na matalik na kaibigan nilang mag-asawa. Nasaksihan nila kung gaano ito nasaktan, kung gaano kadaming galon ang napuno niya sahil sa mga luhang iniyak nang mawala ang kaisa-isa niyang anak.
Noon, ay magkakasama pa silang magsimba para sambahin at pasalamatan si Hesus at ang Panginoon, ngunit sa paglipas ng panahon ay napapansin ng magkasintahan pa lang noon na si Isabelle at Jim na simula nung pumasok ito sa Med School ay nag-iba na ito. Paminsan minsan na lamang nagsisimba at bihira na lamang nila na Makita ito magdasal.
At tatlong taon naman ang nakakalipas, sinilang niya ang kanyang anak na babae. Tuwang tuwa siya at sa sobrang saya ay hindi na rin niya napigilan na magpasalamat sa Panginoon. Ngunit nagbago ang lahat nang kinuha ng Diyos ang kanyang kaisa-isang anak.
Parang binagsakan ng langit si Olivia ng mamatay ang kanyang anak. Puro sakit at galit sa Panginoon ang naramdaman niya. Ika pa niya at hind niya ito mapapatawad. Lahat ng sisi ay ibinato niya sa ama sa taas. Isang taong gulang pa lamang ito at hindi niya matanggap na wala na ang kanyang anak.
“Oh alam mo naman pala ang dahilan eh. Buti pa nga kayo may anak, eh ako? Kinuha niya, kasi pabaya siya, wala siyang awa, ilang beses ako nagdasal nung may sakit ang anak ko, ilang simbahan na ang napuntahan ko, ilang holy water na ang pinahid ko sa kanya. Pero ano? Nakinig ba siya? Hindi  naman diba?” Mangiyak ngiyak na sagot ni Olivia kay Jim.
Naging madilim na ang awra ng kwarto pagkatpos ng sagutang nangyari sa magkaibigan. Naisip ni Isabelle na paalisin na lamang siya sapagkat hindi na niya nagugustuhan ang inaasal nito.
July 2008
“Time of death; 6:30 pm”
“Time of death; 9:20 am”
“Time of death; 2:59 am”
“Time of death 1:47 pm”
Paulit-ulit na binibigkas ito ni Olivia sa buwan ng Hulyo. Para sa kanya, bilang Doktor, ay impiyerno ang buwan na ito. Sunod sunod sa kanyang mga pasyente ang namatay. Isama mo pa ang mga hindi niya naligtas sa lumipas na isang taon. Bawat buwan ay may pasyente siyang hindi niya naililigtas. At siympre, sa Diyos nanaman ang sisi niya. Umiiyak siya tuwing may sumasakabilang buhay na pasyente, hindi niya mapigilan ang mga luha kaya iniiyak niya ito. Iniisip niya na kasalanan ito ng Panginoon, na wala namang mangyayari kapag maniwala siya sa Panginoon.
               Dumating ang araw ng Linggo, napadaan si Olivia sa bahay ng Mag-asawang Jim at Isabelle para iabot ang regalo kay Nathan, ang anak nila. Pagkatapos ng sagutan nila, nagkaroon ng distanya sa knilang tatlo ngunit naayos rin naman nila ito. Pero sa kasamaang palad, hindi pa rin nila ito nakumbinsi na bumalik ang loob sa Panginoon.
               “Oh nandito ka na pala!” Natutuwang bati ni Isabelle kay Olivia.
               “Hi Isabelle. Pasensya ka na, kung hindi ako nakapunta sa birthday ni Nathan ha, alam mo naman busy sa Ospital. At tsaka, apat na pasyente ko na kasi yung namatay. Sobra akong nasasaktan.” Malungkot na sinabi ni Olivia sa kaibigan
               Hinawakan naman ni Isabelle ang mga kamay ni Olivia. Pinikit ang kanyang mga mata at taimtim na nagdasal.
               “Panginoon, sa nakalipas ng isang taon ay puro dagok at pagsubok ang nangyayari kay Olivia-“
               “Huy anong ginagawa mo?!” Angal ni Olivia sa ginagawa ng kaibigan
               “SHHHHH.” Pagtahimik niya sa kaibigan, at pinagpatuloy ang pagdadasal.
               “Sana po ay buhayin niyo ang pag-big na minsang naghari sa kanyang puso at tanggalin ang galit na nararamdaman niya sa pagkawala ng anak niya at sainyo. Panginoon, Bilang kaibigan niya, nananalangin ako na sana ay tulungan niyo siya sa mga pagsubok na nararanasan niya. Sana ay bumalik na siya sa iyo at ang paniniwala niya nawala.  Matigil na sana ang sunod sunod na pagkamatay ng kanyang mga pasyente, at sana sa susunod ay mailigtas na niya ag mga susunod pa. Amen.”
               Natuwa si Isabelle sa nakita dahil nakita niyang nakapikit rin si Olivia kahit tapos na ang pagdadasal.
               “Subukan mo Oli. Mahal na mahal ka ng Diyos. Nangyayari ang mga bagay bagay dahil may kadahilanan ang mga ito. Siguro kaya hindi mo nailigtas ang mga pasyente mo dahil oras na talaga, wag mong sisihin ang sarili mo at ang Panginoon. Kailanman, hindi siya naging pabaya. Kung hindi maganda ang buhay mo sa taong ito, marahil ang mga susunod pang taon ay gaganda na ito. Olivia, uulitin ko, kahit ilang beses mong itakwil ang Panginoon, hindi ka niya susukuan. Mahal ka niya Olivia. Isipin mo na lang na kaya niya binibigay ang mga pagsubok na ito para bumalik ka sa kanya.” Ang nggiti sa kanyang mga labi at sinseridad sa kanyang mga mata ang tumuldok sa wika ni Isabelle. Nanatiling tahimik si Olivia ngunit napangiti sa sinabi ng kaibigan.
               “Oh, Linggo pala ngayon eh, samahan mo kami mag-simba! I won’t take no for an answer tara na!”
               Pagkatapos ng nakakapagod ngunit pinagpala na araw na iyon, napahiga na lamang si Olivia sa kama niya at kinuha ang larawan ng anak, at tinitigan ito.
               Naalala niya ang sinabi ng pari sa Homily kanina.
               “May dalawang balita ang Panginoon ngayon, Una, Bad news, hindi niya tayo tutulungan na pasanin ang krus na dinadala natin. Pero! May Good news, Papagaanin niya ito.”
               Umiyak siya at hinagkan ang larawan ng lumipas na anak. Nang siya ay ipinagdasal ni Olivia sa kanyang harapan ay naramdaman niya ang pagmamahal ng Panginoon. At nung sila ay nag-simba,  Nagkaroon siya ng rason para bumalik loob sa Panginoon.
               Isinantabi ni Olivia ang lahat ng galit na nararamdaman niya sa Panginoon at nagdasal.
               “Panginoon. Alam kong naging masama akong katoliko. Hindi pa naman siguro huli para bumalik ako sayo diba? Sana po ay tulungan niyo ako at tanggalin ang galit na naramdaman ko sayo at sa mundo. Patawarin ninyo po ako, gusto ko nang bumalik sayo.”
_____________________________________________________________________________________                November 17, 2027
               “He is okay now, the tumor has been removed from his brain.”
               Pagdilat ko ng aking mga mata, nakita ko ang mga magulang at mga kapatid kong nag-aalala sa akin.
               “Anak anong nararamdaman mo? Okay ka na ba?”
               “Anak magaling ka na!”
               “Kuya, tara play na tayo!”
               Hindi ko mapigilang ngumiti at tumingin sa taas para magpasalamat sakanya.
               “Lord, Thank you sa panibangong buhay, I love you po!”
               “Kamusta ang nararamdaman mo, Nathan”
               “Maayos naman po, Ninang Olivia. Salamat po talaga, kung hindi dahil sayo, nandito pa tong tumor sa utak ko.”
               “Walang anuman. Pero alam mo, hindi naman talaga ako ang nagligtas sayo eh, si Hesus at ang panginoon ang gumaling sayo. Tinulungan nila ako, habang tinatanggal ko yan, nagdadasal ako, sabi ko “Lord, tulungan niyo naman ako oh, marami pa ang oportunidad na maaaring maibigay sa batang ito. At isa pa, napalapit na ang batang ito sa akin. Sana po ay tulungan niyo ako.”
               Lumabas naman si Ninang Olivia, Nanay at Tatay at iniwan kami sa loob.
               Kwinento ni Nanay ang napag-usapan nila, na sobrang nagpasalamat sila kay Ninang. At si Ninang naman, napaka-bait. Binigyan ako ng krus na kwintas na naka lagay sa isang box at may nakasulat.
               “Mark 9:23. Anything happens if a person believes.” Just Trust him Nathan. God Loves you. Hindi niya tayo iiwan. Tiwala lang sakanya ha, wag mong hayaan na mawala ito, tulad ng nangyari satin. Bibingiyan niya tayo ng pagsubok para bumalik sakanya. Mahal ka niya!”
               Napangiti ako at nagpasalamat dahil biniyayaan ako ng Panginoon ng tulad ni Ninang Olivia.
_____________________________________________________________________________________
               “Napakagandang kwento naman nito Nathan!”
               “ Salamat po Sir!”
               Ang saya. Nakakuha ako ng mataas na marka sa malikhaing pagsulat!
               Salamat, Lord, at sa Kwento ng buhay ni Doktora Olivia.
-pabebe girl
0 notes
zilyonaryo · 7 years ago
Text
Ang mga Laruan ni Juan
"Juaaan!" galit na tawag ng ina. "Halika nga rito, bata ka." Hawak ang cellphone na lumapit si Juan sa ina. "Bakit po?" "Bakit? Tingnan mo itong mga latuan mo. Nagkalat. Muntik na nga akong matumba dahil naapakan ko." "E, hindi po kasi nag-iingat," sagot ni Juan. Saka muling pumindot sa cellphone. "Aba, aba! Kapag ako, napuno sa 'yo Juan, makikita mo. Makikita mo!" Hindi iyon narinig ni Juan dahil abala siya sa paglalaro sa cellphone. "Iligpit mo na, bago ko pa itapon ang mga iyan," utos ng ina. "Mamaya na po. Naglalaro pa ako." Laging ganoon ang mag-ina. Maglalaro si Juan. Ang kanyang ina naman ang magliligpit pagkatapos dahil iniiwanan lang nito kung saan. Isang araw, nataranta si Juan. "Mama, nasaan po ang mga laruan ko?" "Hindi ko alam." "Itinapon niyo na po ba?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Juan, saka muling umakyat. "Hindi ko itinapon, Juan." Hindi iyon pinaniwalaan ni Juan. Narinig niya ang binitiwang salita ng kanyang ina. "Kapag ako, napuno sa 'yo Juan, makikita mo. Makikita mo!" Umiyak siya nang umiyak sa kuwarto hanggang sa makatulog siya. Pagmulat ni Juan, nasa isang maliit na kuwartong salamin siya. "Nasaan ako? Bakit ako nandito?" Kinalampag niya ang salamin. "Palabasin ninyo ako rito!" Mayamaya isang pamilyar na mukha ang bumulaga sa kanyang harapan. "Ang laruan ko! Bakit lumaki siya at nakakakilos?" Napaurong siya. Napag-alaman niyang nasa loob siya ng cellphone. Nilalaro siya ng kanyang laruang sundalo. "Hindi! Hindi ako puwedeng ganito habambuhay!" Gusto niyang umupo at sumandal, pero hindi siya pinapahinga ng laruan. Hindi niya maisip kung ano ang gagawin. Pagod na pagod na siyang tumakbo at makipaghabulan sa halimaw na nasa loob ng salamin. Saglit na nahinto ang kanyang pagtakbo nang mapagod ang sundalong laruan sa paglaro. Kaya lang, ipinagamit naman nito ang cellphone sa ibang dambuhalang laruan. Ilang sandali ang lumipas, dumilim ang silid. Sumigaw nang sumigaw si Juan, ngunit walang nakakarinig. "Mama, nasaan ka po? Tulungan mo ako rito," iyak ni Juan. "Sabi mo, makikita ko. Tama ka po... Nakita ko na po ang resulta ng katigasan ng ulo ko." Nasilaw si Juan nang may magbukas ng ilaw. Malaya na siya. "Mama?" Nakita ni Juan ang ina na hawak ang cellphone at ang lalagyan ng kanyang mga laruan. Katabi naman niya ang mga laruang nabuhay at lumaki. "O, Juan, bakit pawis na pawis ka?" "Wala po, Mama. Nahanap niyo na po pala ang iba kong mga laruan. Sorry po pala." "Naku, Juan, sana tuloy-tuloy na 'yan. Tandaan mo, ang paglalaro ay bahagi ng iyong kabataan, pero dapat maging responsable ka rin sa mga tungkulin mo bilang anak." "Opo, Mama."
0 notes
alyzageraldine-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
I still can't believe that makakaabot ako sa punto ng "Gradution Pictorial". Akala ko di nako makakatuloy talaga this last term. Kasi day before the enrollment iyak nako ng iyak kasi walang wala na talaga kaming pera. Wala akong pangenroll. Oo scholar ako pero kailangan mo pa ding maglabas ng pera eh. Hahahahaha! Nung mga panahon na yon, tanggap ko na wala na. Kasi di ko rin naman marerenew scholarship ko kung di ako makaenroll eh dahil need ng registration/enrollment form kapag magrerenew ng scholarship. Nilapitan ko na lahat ng malalapitan ko non. Kaso nagkataon talaga na lahat ay kapos. Sabi ko non "Sige na nga. Baka kasi hindi talaga to para sa akin this year. Gawa na lang ulit ako paraan. Makakatapos din naman." Pero sobrang nagpaulan si Lord ng blessings. 3 days enrollment namin, nakahabol ako!! Hahahahahaha! Mangiyak ngiyak nako sa tuwa. Grabe! 💖 Kaya hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na mahigit kumulang 350 oras ay makakamit ko na din ang tagumpay na inaasam. Sana'y magwagi. Maraming salamat po Panginoon. Hanggang sa huli ay hindi ako nakaramdam na pinabayaan niyo ako. Salamat sa lahat ng tao na mula simula pa lang kapag sinasabi kong magstop muna ako ay naniniwala na hindi talaga ako titigil. Nagwagi kayo! Hahahahahahahha! Maraming salamat!! 💕 Matagal tagal pa graduation kaya to follow yung iba pang thank you messages. 💕
0 notes