#maiklingkwento debosyonal pananampalataya
Explore tagged Tumblr posts
humssketeers · 7 years ago
Text
Doktora Olivia
Doktora Olivia
Sabi nga nila, ang Diyos ang pinaka-magaling na Doktor, ano mang sakit, nagagamot, niya. Pisikal, emosyonal, o mental man, sa tulong ng mapaghilom niyang mga kamay at mapagmahal na puso, mga sakit ay karamdaman ay nawawala, at buhay ay nadudugtungan, pero, sa kabila nito, may naniniwala na mas magaling pa siya sa Diyos.
July 27, 2007
               “Time of Birth; 8:30 am. It is a Baby Boy!”
               Malakas na iyak ng bagong silang na sanggol ang bumalot sa operating room. Kanyang ina ay labis labis na natutuwa dahil sa pagkatapos ng ilang subok nilang mag-asawang si Isabelle at Jim, at di mabilang na pag-sayaw sa Obando, Bulacan ay nabiyayaan na sila.
               Nang maibigay na ng nars ang sanggol sa kanyang mga magulang, di mapawi ang ngiti sa kanilang mga labi, at mga luha mula sa kanilang mga mata ay di mapigilian mula sa pag-tulo dahil sa saya na nararamdaman.
               Nanggaling ang mag-asawa sa mga relihiyosong pamilya, kaya naman nagdasal sila kasama ng kanilang anak at nagpasalamat sa napakagandang biyaya mula sa langit.
               “Panginoon, Maraming salamat po sa bagong kabanata ng buhay naming ito, Maraming salamat dahil biniyayayan niyo kami ng napakagandang regalo, ang aming, anak, at habang buhay kami magpapasalamat sa bini-“ Naputol ang pagdadasal ng mag-asawa ng pumasok ang Doktor na nag-paanak sa babae.
               “Kamusta naman ang pakiramdam ng pagiging bagong magulang?”
               Tila nag-aalangan sumagot ang dalawa dahil hindi nga natuloy ang kanilang pagdadasal, nag sign of the cross na lamang ang mag-asawa at napa-tingin sa kanila ang doctor?”
               “May problema ba? Bakit kayo nag sign of the cross? Ah! Nagdadasal siguro kayo no?”
Tanong ng Doktor.
               “Ah opo. Gusto lang naming magpasalama-“
               “Talaga? Yan problema sa mga tao eh, pag nagamot yung sakit, o kaya pag na-revive yung pasyente, sa Diyos nagpapasalamat. Hindi ko mainitindihan ha, bakit ba kayo naniniwala sa mga hindi niyo nakikita? Tapos sakin nga ni hindi pa kayo nag-papasalamat, eh kung hindi naman dahil sakin, hindi kayo magkaka-anak. At sasabihin niyo pang sumayaw kayo sa Obando para lang magka-anak?  Gaano katotoo yan?! “ Galit na wika ni Olivia, ang Doktor na hindi naniniwala sa kakayahan ng Panginoon, na naniniwala na mas nakakapagpagamot pa siya kaysa sa kanya.
               “Pasensya na po Dok kung nakalimutan naming magpasalamat. Pero hindi ba mas nakakapagtaka at nakakabastos, ang pagpasok ng basta basta sa kwarto ng asawa ko at sisisihin kami sa paniniwala naming sa Diyos? At bakit sa tingin mong mas magaling ka pa sakanya, ha? Sino ka ba? Doktor ka lang! Oo, alam ko naman na marami ka nang napagaling, naipanganak at niligtas. Sa limang taon mong serbisyo bilang Doktor, masasabi ko na magaling ka talaga. Pero sa tingin ko SOBRA nang lumaki ang ulo mo Doktor Olivia, pati Diyos ay gusto mong lamangan, gusto mo kayong mga doktor lang ang pasalamatan? Ano ba naman yan Olivia! Masaya na ang anak mo kasama ang Panginoon! Sobra kang naging madamot pagdating sa mga anak mo, pati saming mga KAIBIGAN mo ay ayaw mo ipahiram. At nung kinuha siya ng Diyos nagalit ka? At pagkatapos ng lahat ng pinagkaloob at binigay niya sayo, heto ka ngayon at nagagalit sakanya, at hinihikayat mo pa kaming tigilan ang paniniwala sakanya? Anong nangyari sayo?!”
               Hindi na naitago pa ni Jim ang galit niya kay Doktora Olivia, na matalik na kaibigan nilang mag-asawa. Nasaksihan nila kung gaano ito nasaktan, kung gaano kadaming galon ang napuno niya sahil sa mga luhang iniyak nang mawala ang kaisa-isa niyang anak.
Noon, ay magkakasama pa silang magsimba para sambahin at pasalamatan si Hesus at ang Panginoon, ngunit sa paglipas ng panahon ay napapansin ng magkasintahan pa lang noon na si Isabelle at Jim na simula nung pumasok ito sa Med School ay nag-iba na ito. Paminsan minsan na lamang nagsisimba at bihira na lamang nila na Makita ito magdasal.
At tatlong taon naman ang nakakalipas, sinilang niya ang kanyang anak na babae. Tuwang tuwa siya at sa sobrang saya ay hindi na rin niya napigilan na magpasalamat sa Panginoon. Ngunit nagbago ang lahat nang kinuha ng Diyos ang kanyang kaisa-isang anak.
Parang binagsakan ng langit si Olivia ng mamatay ang kanyang anak. Puro sakit at galit sa Panginoon ang naramdaman niya. Ika pa niya at hind niya ito mapapatawad. Lahat ng sisi ay ibinato niya sa ama sa taas. Isang taong gulang pa lamang ito at hindi niya matanggap na wala na ang kanyang anak.
“Oh alam mo naman pala ang dahilan eh. Buti pa nga kayo may anak, eh ako? Kinuha niya, kasi pabaya siya, wala siyang awa, ilang beses ako nagdasal nung may sakit ang anak ko, ilang simbahan na ang napuntahan ko, ilang holy water na ang pinahid ko sa kanya. Pero ano? Nakinig ba siya? Hindi  naman diba?” Mangiyak ngiyak na sagot ni Olivia kay Jim.
Naging madilim na ang awra ng kwarto pagkatpos ng sagutang nangyari sa magkaibigan. Naisip ni Isabelle na paalisin na lamang siya sapagkat hindi na niya nagugustuhan ang inaasal nito.
July 2008
“Time of death; 6:30 pm”
“Time of death; 9:20 am”
“Time of death; 2:59 am”
“Time of death 1:47 pm”
Paulit-ulit na binibigkas ito ni Olivia sa buwan ng Hulyo. Para sa kanya, bilang Doktor, ay impiyerno ang buwan na ito. Sunod sunod sa kanyang mga pasyente ang namatay. Isama mo pa ang mga hindi niya naligtas sa lumipas na isang taon. Bawat buwan ay may pasyente siyang hindi niya naililigtas. At siympre, sa Diyos nanaman ang sisi niya. Umiiyak siya tuwing may sumasakabilang buhay na pasyente, hindi niya mapigilan ang mga luha kaya iniiyak niya ito. Iniisip niya na kasalanan ito ng Panginoon, na wala namang mangyayari kapag maniwala siya sa Panginoon.
               Dumating ang araw ng Linggo, napadaan si Olivia sa bahay ng Mag-asawang Jim at Isabelle para iabot ang regalo kay Nathan, ang anak nila. Pagkatapos ng sagutan nila, nagkaroon ng distanya sa knilang tatlo ngunit naayos rin naman nila ito. Pero sa kasamaang palad, hindi pa rin nila ito nakumbinsi na bumalik ang loob sa Panginoon.
               “Oh nandito ka na pala!” Natutuwang bati ni Isabelle kay Olivia.
               “Hi Isabelle. Pasensya ka na, kung hindi ako nakapunta sa birthday ni Nathan ha, alam mo naman busy sa Ospital. At tsaka, apat na pasyente ko na kasi yung namatay. Sobra akong nasasaktan.” Malungkot na sinabi ni Olivia sa kaibigan
               Hinawakan naman ni Isabelle ang mga kamay ni Olivia. Pinikit ang kanyang mga mata at taimtim na nagdasal.
               “Panginoon, sa nakalipas ng isang taon ay puro dagok at pagsubok ang nangyayari kay Olivia-“
               “Huy anong ginagawa mo?!” Angal ni Olivia sa ginagawa ng kaibigan
               “SHHHHH.” Pagtahimik niya sa kaibigan, at pinagpatuloy ang pagdadasal.
               “Sana po ay buhayin niyo ang pag-big na minsang naghari sa kanyang puso at tanggalin ang galit na nararamdaman niya sa pagkawala ng anak niya at sainyo. Panginoon, Bilang kaibigan niya, nananalangin ako na sana ay tulungan niyo siya sa mga pagsubok na nararanasan niya. Sana ay bumalik na siya sa iyo at ang paniniwala niya nawala.  Matigil na sana ang sunod sunod na pagkamatay ng kanyang mga pasyente, at sana sa susunod ay mailigtas na niya ag mga susunod pa. Amen.”
               Natuwa si Isabelle sa nakita dahil nakita niyang nakapikit rin si Olivia kahit tapos na ang pagdadasal.
               “Subukan mo Oli. Mahal na mahal ka ng Diyos. Nangyayari ang mga bagay bagay dahil may kadahilanan ang mga ito. Siguro kaya hindi mo nailigtas ang mga pasyente mo dahil oras na talaga, wag mong sisihin ang sarili mo at ang Panginoon. Kailanman, hindi siya naging pabaya. Kung hindi maganda ang buhay mo sa taong ito, marahil ang mga susunod pang taon ay gaganda na ito. Olivia, uulitin ko, kahit ilang beses mong itakwil ang Panginoon, hindi ka niya susukuan. Mahal ka niya Olivia. Isipin mo na lang na kaya niya binibigay ang mga pagsubok na ito para bumalik ka sa kanya.” Ang nggiti sa kanyang mga labi at sinseridad sa kanyang mga mata ang tumuldok sa wika ni Isabelle. Nanatiling tahimik si Olivia ngunit napangiti sa sinabi ng kaibigan.
               “Oh, Linggo pala ngayon eh, samahan mo kami mag-simba! I won’t take no for an answer tara na!”
               Pagkatapos ng nakakapagod ngunit pinagpala na araw na iyon, napahiga na lamang si Olivia sa kama niya at kinuha ang larawan ng anak, at tinitigan ito.
               Naalala niya ang sinabi ng pari sa Homily kanina.
               “May dalawang balita ang Panginoon ngayon, Una, Bad news, hindi niya tayo tutulungan na pasanin ang krus na dinadala natin. Pero! May Good news, Papagaanin niya ito.”
               Umiyak siya at hinagkan ang larawan ng lumipas na anak. Nang siya ay ipinagdasal ni Olivia sa kanyang harapan ay naramdaman niya ang pagmamahal ng Panginoon. At nung sila ay nag-simba,  Nagkaroon siya ng rason para bumalik loob sa Panginoon.
               Isinantabi ni Olivia ang lahat ng galit na nararamdaman niya sa Panginoon at nagdasal.
               “Panginoon. Alam kong naging masama akong katoliko. Hindi pa naman siguro huli para bumalik ako sayo diba? Sana po ay tulungan niyo ako at tanggalin ang galit na naramdaman ko sayo at sa mundo. Patawarin ninyo po ako, gusto ko nang bumalik sayo.”
_____________________________________________________________________________________                November 17, 2027
               “He is okay now, the tumor has been removed from his brain.”
               Pagdilat ko ng aking mga mata, nakita ko ang mga magulang at mga kapatid kong nag-aalala sa akin.
               “Anak anong nararamdaman mo? Okay ka na ba?”
               “Anak magaling ka na!”
               “Kuya, tara play na tayo!”
               Hindi ko mapigilang ngumiti at tumingin sa taas para magpasalamat sakanya.
               “Lord, Thank you sa panibangong buhay, I love you po!”
               “Kamusta ang nararamdaman mo, Nathan”
               “Maayos naman po, Ninang Olivia. Salamat po talaga, kung hindi dahil sayo, nandito pa tong tumor sa utak ko.”
               “Walang anuman. Pero alam mo, hindi naman talaga ako ang nagligtas sayo eh, si Hesus at ang panginoon ang gumaling sayo. Tinulungan nila ako, habang tinatanggal ko yan, nagdadasal ako, sabi ko “Lord, tulungan niyo naman ako oh, marami pa ang oportunidad na maaaring maibigay sa batang ito. At isa pa, napalapit na ang batang ito sa akin. Sana po ay tulungan niyo ako.”
               Lumabas naman si Ninang Olivia, Nanay at Tatay at iniwan kami sa loob.
               Kwinento ni Nanay ang napag-usapan nila, na sobrang nagpasalamat sila kay Ninang. At si Ninang naman, napaka-bait. Binigyan ako ng krus na kwintas na naka lagay sa isang box at may nakasulat.
               “Mark 9:23. Anything happens if a person believes.” Just Trust him Nathan. God Loves you. Hindi niya tayo iiwan. Tiwala lang sakanya ha, wag mong hayaan na mawala ito, tulad ng nangyari satin. Bibingiyan niya tayo ng pagsubok para bumalik sakanya. Mahal ka niya!”
               Napangiti ako at nagpasalamat dahil biniyayaan ako ng Panginoon ng tulad ni Ninang Olivia.
_____________________________________________________________________________________
               “Napakagandang kwento naman nito Nathan!”
               “ Salamat po Sir!”
               Ang saya. Nakakuha ako ng mataas na marka sa malikhaing pagsulat!
               Salamat, Lord, at sa Kwento ng buhay ni Doktora Olivia.
-pabebe girl
0 notes