#mangarap
Explore tagged Tumblr posts
imblocking-you · 7 months ago
Text
bruh 6 PA LANG NA UNITS MERON AKO LITERAL NA TATLONG KLASE NSTP PA ISA DUN BRUHH papasok ako ng isang term for 3 classes punyeta. LAST DAY NA NG ENLISTMENT TAS YARI NA APPOINTMENT KO, Dean's Lister nga pero hinoldap naman ako ng accounting aba NILAGAY BA NAMAN TUITION KO AS PARKING FEE TAS DI MAN LANG AKO NINOTIFY NA NAKAHOLD WJSHSKSH Kaya boogsh daig ko pa hindi nagpreenlist sa paghahabol para sa tira tira WAJAHAHAHAJSHA
IF I GET DELAYED BECAUSE OF THIS CLEARANCE HOLD IM GONNA KILL MYSELFFFD WHAT THE FUCK LA SALLE
3 notes · View notes
jeuz · 6 months ago
Text
Muli kang mangarap, madaming-madami at pagsumikapan mong lahat ay matupad.
10 notes · View notes
iskedyuler · 2 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Di mo kami obligasyon, wag kang mangarap ng para sa amin, mangarap ka para sayo, at sa magiging pamilya mo sa hinaharap. Masakit at magulo na ang mundo at bilang NANAY mo ayaw kong kasama pa ako sa pasanin mo. Ngayon palang inihahanda ko na ang sarili ko. Pahiram ka lang sa amin ang totoong nag mamay ari sayo ay ang magiging nanay ng mga anak mo 🤍
MAHAL NA MAHAL KITA ANAK ❣️
6 notes · View notes
radanriel15 · 4 months ago
Text
Tumblr media
Hindi man tayo magtagumpay sa huli, okay lang at least naramdaman natin mangarap kahit papaano.
Bahala na si batman, gawin lang natin yung tama at mabuhay ng mapayapa.
2 notes · View notes
akonaman · 5 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
i still remember our first night pag uwe from the hospital. I was too afraid to touch you, sobrang vulnerable and i really don't know how to process na "i'm a mom already". I don't even know paano ka patahanin. Then ngayon eto na tayo, dalawang taon na yung lumipas. Ikaw yung tanging dahilan ko para lumaban pa, mangarap pa at ayusin pa lalo yung buhay ko. Thank you for coming into my life. 🤍 You deserve a happy mom and i'll try my best to be one!
5 notes · View notes
andrrns · 1 year ago
Text
"Kailan ba naging requirement sa buhay ang maging matalino? Ang maging madiskarte? Kailan naisip ng tao na kailangan niyang mangarap sa pag-asang makaalis sa sitwasyong hindi naman niya pinili, pero kailangan niyang harapin—tanggapin.
Kailan naging kumplikado ang buhay na kailangan pa nating maligaw at manalig na lahat ng kung ano mang pagsubok na kinakaharap natin ay may dahilan, na pagtapos ng unos, may mapayapang tahanan ang naghihintay upang pahalagahan kung ano man ang naging kalabasan ng pakikibaka at pakikisuong natin sa kapalarang hindi man lang tayo binibigyan ng pagkakataong huminga. Dahil kasabay ng paghiga ay mga munting pag-aalala na baka maiwanan na tayo sa bilis ng takbo ng kung ano mang hinahabol natin.
At sa paglipas ng panahon, sa gitna ng takbuhan, makikilala mo pa ba ang sarili mo? Naabutan mo ba ang matagal mo nang gustong angkinin? O katulad rin kitang umiiyak sa kawalan, tinatanong sa buwan kung lahat ba 'to may patutunguhan. Umaasang may kasagutan sa walang-hanggang katanungan. Dito na lang ba nagtatapos ang buhay? Sa palagiang paghahanap kung lahat ba 'to may saysay?"
Tumblr media
Siguro lahat tayo nakikibaka hindi dahil kailangan, nakikibaka baka lang may mahanap na kasagutan
10 notes · View notes
mister-intru · 7 months ago
Text
Umattend ng AutoShow para mangarap
Tumblr media
2 notes · View notes
upismediacenter · 8 months ago
Text
LITERARY: Koleksyon ng mga Tula ng Buhay
Tumblr media
Pagmamahal Ang pagmamahal ay matatagpuan kahit saan, romantiko, pampamilya, o pangkaibigan man Nakikita ito sa pagitan nating mga tao, at nararamdaman, at binibigyang-buhay sa kahit na anong paraan Lahat tayo ay mayroong kakayahang magbigay nito, ngunit ang iba ay natatakot o kailangan pang matuto Maihahambing sa isang goma na kapag iyong binitawan, masakit ang balik sa nasa kabila na iyong iniwanan
Pagkakaibigan Mahirap mamuhay sa mundong ating ginagalawan, ngunit mayroong mga tao na pwede nating sandigan Sa bawat oras ay nandiyan ang ating mga kaibigan, kaya’t hirap at suliranin ay kahit papaano’y nababawasan Ang tunay na kaibigan ay palagi kang tutulungan, at sa mga pagsubok ay sasamahan ka’t aalalayan Kaya dapat ay nandiyan din tayo para sa kanila, dahil mas matatag tayo ‘pag nagsasama-sama Pangarap “Libre lang mangarap”, yan ang laging sinasabi nila,  kaya’t mga pangarap sa sarili ay ‘wag ililimita Subukan lagi ang buong makakaya upang makamit, ang mga pangarap at ambisyon na ating minimithi Hindi sa lahat ng oras ay para sa sarili lang ang pangarap, maaaring para sa iba o sa bayan na matapos na ang paghihirap Bagamat walang katiyakan at resulta’y mahirap hulaan, binibigyan tayo nito ng bagay na paghihirapan at aasahan Lakas ng Loob Maraming mga bagay na walang kasiguraduhan, kaya mahirap makita kung ano ang kalalabasan Ngunit kailangan nating sumugal at subukan, upang sa sarili ay magkaroon ng kapanatagan Hindi solusyon ang pagtalikod sa mga hamon, dahil walang mangyayari kung hindi tayo aaksyon Lakasan lamang ang loob na harapin ang mga ito, at huwag magtatago, yuyuko, at magpapatalo Pag-asa Sa mundong puno ng problema, takot, dilim, at pangamba Susuko na ba sa mga paghihirap, o magtitiwala sa darating na pag-asa? Sa dulo ng dilim ay laging may liwanag, kaya tumingin lang nang diretso upang ito’y maaninag Tandaan na bukas ay panibagong araw, kaya kumapit lang, umasa, at huwag bibitaw Wakas Iilan lamang ito sa ating mga nararanasan, habang ang buhay ay tumutuloy at dumadaan Kaya sa iyong mga yapak tungo sa hinaharap, gawin at danasin ang mga ito nang masikap Bagamat ang mga ito’y puro positibo, hindi maiiwasan ang mga kabaliktaran at negatibo, Huwag aattras at harapin lang ang mga ito,  sa tulong ng mga salitang nandito 
4 notes · View notes
lihimlihamtinta · 1 year ago
Text
Hindi ka pa naman patay
hindi ka pa rin naman mamamatay (siguro)
Maaari ka pang mangarap
Maaari pang matagpuan ang hinahanap
Maaari ka pang tumakbo, umahon at sumubok
Kailangan mo lang gumising
Kaya gising ka na ha?
hindi pa huli ang lahat para muling pumusta
17 notes · View notes
xoxorhiannon · 10 months ago
Text
Tumblr media
minsan akong tumigil sa mga silong para sa iba’t ibang dahilan; patilain ang ulan, magbuklat ng bag para hanapin ang ID, mag antay ng kaibigan, mag abang ng jeep, mag isip isip, magpalipas oras, magmuni muni. at ikaw.
sa dinami dami ng beses na sumilong ako, hindi ko inakala na sa isang dapit hapon, may magiging kahati pala ako sa silong ko.
maulan, nandoon ka, may hawak kang basang payong at tila tinutuyo mo ang basa mo nang buhok. nakita ko sa lanyard ng ID mo na isa kang IT student sa unibersidad natin. pareho tayong nagpatila ng ulan, kasama ang kumportableng katahimikan. doon tayo nagumpisa.
hanggang sa hindi nalang pagpapatila ng ulan ang naging dahilan bakit tayo nagtatagpo sa silong. minsan iniisip ko, pareho na din natin ginugusto na magkatagpo tayo. pareho natin kinukuhaan ng tiyempo.
mas dumami ang naging dahilan ko para tumigil sa silong na to, dito natin unang pinagsaluhan ang fishball at kikiam sa tinda na tusok tusok ni Mang Banoy. dito natin tinulungan ang isa’t isa para maghanda sa mga pagsusulit. dito mo sakin unang binalita na nakapasa ka sa major subject nyo. dito ko nakita kung paano ka nagsimulang mangarap. dito ko nakita na nakikinig ka din pala sa unti-unti ng udd nung dumako ang paningin ko sa cellphone mo. dito tayo lagi nagbibiruan, at dito ko unang tinanong sayo ang mga korni kong joke. dito tayo nagtatawanan. dito natin pinagdamayan ang saya, lungkot, pait, luha, at pagkabigo na dala ng buhay sa kolehiyo.
ang bilis ng panahon, sadyang hindi mo mamamalayan. maaaring ngayon na andito pa tayo pero bukas o sa makalawa, hindi mo na sigurado.
tila ang panahon ay napagod at nabagot na sa pagpapahiram sa atin ng tiyempo at pagkakataon. hanggang sa ang minsang hindi natin pagtatagpo, ay nauwi na sa mas madalas at palagi. hindi na tayo sumisilong dito. hindi na tayo tumitigil dito. hindi na kita nakikita dito. wala na tayo dito.
napapadaan pa din naman ako, napapatigil pa din ako. pero sa kabilang parte na ng kalsada. napapatigil nalang ako para lumingon at tumitig sa lugar kung saan ang mga bakas ng alaala natin ay magtatagal habambuhay.
pinakikinggan ko pa din ang unti-unti ng udd. umaasa pa din ako na sana hanggang sa muli, tayo rin ang magtatagpo.
- tamang tao sa maling panahon, 2009.
3 notes · View notes
kengkastanyas · 1 year ago
Text
ung tita ko talaga minsan mapag involve sa buhay ko e. haha
sabi nya nung nakaraan, mangarap naman daw ako mag abroad tapos ngayon tigil ko na daw ung pagpapatattoo kase andame na daw at ndi maganda tignan.
may pangarap naman po akong mag abroad pero more on travel at ndi mag ofw. Pde po bang may pangarap pero I just don't say it out loud?
Ung sa tattoo ko bahala kayo, lol. balat ko naman to, char.
Pero at this time, ayoko na din magseek ng validation from others and wala na kong pake kung ano tingin ng ibang tao saken, di nyo naman ako pinapakain. hahaha at dito ako masaya e, pake nyo ba. lol
kbye. nagrant lang.
7 notes · View notes
arial-narrow-140 · 2 years ago
Text
Nakakapagod mapagod. Nakakapagod mangarap.
Ang gusto ko na lang ay yumaman.
8 notes · View notes
ano-po · 2 years ago
Text
Ano kaya ang pwede kong isipin?
Kailan ko huling nakita ang aking sarili?
Isang linggo? Isang buwan? Isang taon?
Hindi ko na alam kung sino ako.
Parang hindi ko na alam na buhay pala ako.
Alam ko ano ang dapat gawin para maging masaya,
Kase kahit papaano may natutunan naman ako
Tungkol sa posisyon ng ibang tao,
Tungkol sa kasiyahan ko, niya, at iyo,
Tungkol sa kung ano ba talaga ang mahalaga sa mundo.
Alam ko ano ang dapat gawin para maging masaya,
Hindi ko lang talaga kayang magsimula.
Ano'ng dahilan bakit hindi ko kaya makinig ng katahimikan?
Katahimikan? Baka sabihin mo. Yun ang lagi mong hinahanap sa iyong kwarto? Hindi iyon.
Pumikit ka. Pilitin mo'ng manahimik.
Ang utak mo ay biglang iimik.
Ang kamay mo maghahanap ng pamilyar na parisukat
Maghahanap ng ingay ang iyong isipan.
Hindi mo na kayang umupo sa katahimikan.
Naputulan kami ng kuryente isang gabi
Namatay ang wifi, mainit, madilim
Wala akong magawa, walang kulay ang aking paningin
Masyadong tahimik
Masyadong tahimik
Masyadong tahimik
Hindi ako mapalagay
Ayoko ng ganitong buhay
Ngunit alam kong kailangan ko ang katahimikan
Sa katahimikan, makikita ko ako
Ang salamin ng aking pagkatao
Ang katawan na ginagalaw ako
Ang bagang hinihinga ako
Sa katahimikan, malalaman kong may buhay pala ako.
Kailangan ko nga palang gumalaw.
Kailangan ko nga palang mangarap.
Kailangan ko nga palang maramdaman ang hangin, ang lupa, ang araw
May daigdig nga pala akong tinitirahan.
Ngunit nung gabing iyon, tumunganga lang ako
Napabuntong hininga habang nakatingin sa bubong
Hindi ko kinaya ang katahimikan, kailangang meron akong gawin
Kaya natanong ko,
Ano kaya ang pwede kong isipin?
At nawala na ako sa daigdig muli.
Nag-iisip ng mga bagay na hindi akin.
7 notes · View notes
nice2meetyouu · 2 years ago
Text
Kakagising ko lang pero alas-otso ng gabi pa ako tulog. Hahaha. Bumabawi ang katawan sa nasirang body clock. May pinanood akong movie sa netflix tungkol sa gambling at mga swindler pero hindi ko natapos sa sobrang antok. 'Di ko rin alam if naboringan ako kaya ako inantok. Happy March 2023 na agad!
P.S. Buti kung mananalo ako sa 1 game sa casino ng at least 5 million, pwede na 'yun. Life-changing. 1M gagastusin ko para magfeeling mayaman in a few months tapos 'yung 4M ititime deposit ko na lang sa iba't ibang bank. Libre lang mangarap.
#:)
8 notes · View notes
akonaman · 8 months ago
Text
this could be the most peaceful part of the day. my daughter sleeping, im at the couch, umiinom ng beauty milk na strawberry, just scrolling, thinking about my dreams and aspirations, planning in my head what will i do if ever i ran away. will i ever regret it? or will i be free?
while checking my highschool journals kanina, i saw my checklist and bucketlist which was far from reality and what i have accomplished now.
i planned to be an architect, graduate at TUP, be a professor for a year or two, travel the world and be a known architect in PH. build my own musical studio, have my own subdivision, and live in Cebu.
that 13 year old girl had too much dreams. like ugh, bakit ganon pag naalala ko kung pano ko mangarap before, sobrang nakaka amaze. i was soooo hopeful and very specific with what i want but now i can barely make it up to friday.
but im thankful. totally thankful sa reminder na those dreams can still be part of my reality. i just have to be patient with myself
5 notes · View notes
cannedthoughts · 1 year ago
Text
Marahil panahon na upang bumalik ulit
Sa limot na dalampasigan
Sa probinsiyang iniwan
Sa tabi ng batang naglalaro
Ng buhangin at patpat na balingkinitan
Papanoorin siyang gumuhit ng kapalaran
Nang paulit ulit, 'di naiinis o nanlumo man lang
Kahit paulit ulit ng alon itong hugasan
Mga hiling ng kanyang kabataan
Magpapaturo sa kanya
Kung paano muling mangarap
Paano muling ngumiti't
Malakas na tumawa
Paano umiyak at tumahan kaagad
Dahil alam na bukas ay iba na
Ang pagihip ng hangin,
Ng tama ng araw sa tubig
Mas magiging mapagpatawad
Ang dalampasigan sa pagbura
Ng mga mumunting hugis ng
Ala ala ng pagtangi sa iba
At sa sarili
At piliing lunurin pabalik sa dagat
Mga bakas ng kabiguan
2 notes · View notes