#malikhaingpagsulat
Explore tagged Tumblr posts
Text
Salamat Saudi
(Ang labstori ni Mami at Dadi)
Ito ang lovestory na hindi kasing tipikal ng pag-iibigan ni Ibarra at ni Maria Clara o ni Romeo at Juliet na nagbunga ng pinakaboring na pangalang mayroon ako ngayon, ito ang lovestory ni Tetay at Beto.
Maniniwala ka kaya kung sabihin ko sa iyong kasing bilis ng kidlat at mas mabilis pa kay Flash ang mga naging pangyayari sa lovelife ng aking nanay at tatay? Iyon bang tipong nag-iskip counting sa mga hakbang ng getting to know each other patungong you may now kiss the bride. Ito ang kwento, ito ang simula ng undying love ni Mama at Papa.
Isang dalagang nakapagtapos ng kursong pagkaguro , ang madasalin at masunuring anak na si Tetay. Siya ay madasaling tunay kaya naman lubos siyang pinagpala ng Panginoon ng tatlong paaralan ang sabay-sabay na tumawag sa kaniya upang magturo at dahil siya ay masunurin ay sinunod niya ang payo ng kaniyang ina na sa baranggay hayskul ng Balitucan magturo.
Sa kabilang dako naman ay kilalanin natin si Beto, isang lalaking nakapagtapos ng inhinyero subalit naging bestfriend niya ang lapad ng Emperador kaya medjo na-detour ang kaniyang road to success at tila naging living example ng kanta ni Fred Panopio na Kawawang Cowboy, literal na “may bulsa, wala namang pera”.
Isang binatang malapit nang magkorenta, kung saan naging abay na sa kaniyang mga barkada at naging ninong na sa kanilang mga anak, isang binatang tila tatandang mag-isa, may mailap na tadhana at tumatahak sa landas na ang bukas ay tila nawalan na ng halaga sa bawat bukas ng kaniyang mata, isang mapagkubling binata na itinago sa Empe at pakikibarkada ang kalungkutang dinadala sa buhay . Siya ay bigla na lamang nabuhayan ng loob ng kaniyang masilayan, isang umaga, ang babaeng tumatawid patungo sa noo’y aapating klasrum pa lamang ng hayskul – si Tetay.
Ngunit isang malaking duwag ang binata, noon sa mga sandaling iyon ay nagising siya sa reyalisasyong hindi niya kayang mangahas na makipagkaibigan o ni makasabay man lang ang dalaga sa paglalakad sapagkat naisip niyang wala siyang maipagmamalaki dito, kaya nagkasya na lamang siya sa simpleng pagsulyap sa pagtawid ng dalaga papunta sa aapating klasrum , old time stalker sa pagsulyap mula sa ilang metrong layo mula sa bahay ng kaniyang tiyo upang masilayan lamang na nakauwi ng ligtas ang kaniyang minamahal na guro, hanggang sa paminsan-minsang pagpaparinig rito sa tuwing magmemeryenda sa tindahang tinatambayan niya ang guro, na sa laki ng kaniyang pagkatorpe ay imbis na buladas ay pang-aasar ang kaniyang nasasambitla, sino ba naman kasing manliligaw sa edad na magkokorenta na? iyong akala mo ay tatandang binata ay hahabol pa pala sa finish line? At talaga namang pambansang torpe sapagkat ang pagsulyap at pang-aasar ay umabot hindi lang ng araw, buwan kundi taon.
Ngunit papaano nga ba nagsimulang magkatulad ng apelyido ang dalawang tauhan sa lovestory na ito? Salamat Shoppee este Salamat Saudi ang sagot. Nagkaroon ng pagkakataon ang matandang binata na lumipad patungong Saudi at habang nagninilay-nilay sa kisame ng kaniyang double-deck na tinutulugan, ay naisip niya ang kaniyang “guro” na naiwan sa Pinas. Uuwi siya kapag mayaman na siya at may lakas na ng loob manligaw ngunit papaano kung biglang may manligaw sa “guro” niya?
Dinadaga na naman ang binata subalit naisip niyang subukang sumulat sa dalaga, isang sulat, walang sagot, ikalawang sulat, wala pa ring sagot at umabot ng isang taon ay ni hindi sumagot ang dalaga. Natanggap kaya ng dalaga ang kaniyang mga sulat? Baka nakapag-asawa na ang dalaga?
Ang dalaga? Hayun, natanggap naman ang mga sulat subalit pinilit niyang huwag sagutin ang mga ito, bakit? Abay sino naman kasing sumasagot sa sulat ng lalaking ni hindi mo man lang nakita ng personal, e kalahating Maria Clara at purong Dalagang Pilipina pa naman itong si Tetay.
Isang araw ay pinadalhan nanaman siya ng sulat ng binata mula sa Saudi at nakita ito ng kaniyang mahabaging kaibigan na si Noly at drinamahan ito with matching puppy eyes – guilt stricken poise – upang magreplay man lamang ng hello kumusta sa sulat ng binata sapagkat ito lang daw ang kasiyahan ng mga nasa ibang bansa. At hayun, na-iscam ang dalaga at sumagot ng simpleng pangungumusta. Ang simpleng pagsagot na bumago ng kaniyang buhay.
Sa labis na tuwa ng binata sa kauna-unahang sulat na natanggap niya sa dalaga at dali-dali itong sumulat pabalik, alam nyoba kung ano ang sulat niya? Uuwi na siya sa susunod na buwan at magpapakasal na sila, o diba parang Flash sa bilis, sigurista ang lolo mo.
Sa isang iglap, umuwi ang binata, sila ay namanhikan sa noo’y di makapaniwalang dalaga. Sino ba namang hindi magugulat , sumagot ka lang, ikinasal ka na.
At doon nagsimula ang kwento kung papaano pinalitan ni Papa ang apelyido ni Mama at ginawang magkapareho sila. Mabilis man at walang drama, sinigurado naman nilang ito ay tunay at hindi malasadong tulad ng itlog dahil hanggang sa huling hininga ng binata, siya lamang at tanging ang pangalang Cristina lamang ang nakaukit sa kaniyang puso at isipan.
1 note
·
View note
Text
SANDATA NG KARUNUNGAN
SANDATA NG KARUNGUNGAN
Bata pa lamang tayo ay mahilig at tinuturuan na nila tayong magsulat at gumuhit ng kung ano-anong mga bagay , linya at iba pa. LAPIS din ang unang ating ginamit sa pagguhit ng ating mga pangarap simula Prmarya hanggang katapusan. LAPIS din ang ating ginamit dahil ito ay may pambura kung ihahalintulad natin ito ay buhay ng isang tao ay ginagamit ang mga pabura upang burahin ang mga mali at hindi gaanong kanais-nais na gawain. Ngunit may isang bagay na hindi magagawa ng pambura ito ay kahit burahin pa niya ang mga mali ay mayroon namang mga markang naiiwan.
Sa mga markang ito ay dito tayo natututo mula sa ating mga pagkakamali at sa mga pagkakamaling ito ay unti unti tayong nagbabago. Dala ng panahon ay unti unting nagbago ang lahat dati ay wala ang mga lapis tanging dagta at kahoy lamang ang mga ginagamit sa pagsulat pinapatunayan nito na nanalatay sa dugo at ugat natin ang Pagsulat na naipapasa natin sa ating mga susunod na henerasyon.
Isang simpleng manipis na parihabang patpat na yari sa kahoy ,simple man kung ating t titignan ngunit nakpakahalaga naman. Isang maliit , manipis at simpleng bagay kung papansinin. Sinubukan na mag lagay ng isang maliit at bali na lapis sa tabi ng daan, dito ko napagtanto na ni isa sa mga dumaraan ay walang puman sa kapis kung siguro ay isang daang libo iyo ay kahit na madaanan ay ikaw ay hihinto at pupulutin. Ikaw ano ang gagawin mo?
Ang lapis din ay maihahalintulad natin sa tao na kung minsan ay nauubos at nawawala din ang kapagpasensya, at kung minsay ay nababali at nawawalan ng pag-asa. Ngunit kahit pa man na ito ay mabali ay mayroon pa ring pag-asang ikaw ay tumayo sa iyong sarili. Lahat tayo ay nagkakamali, lahat tayo ay nagkakasala lahat tayo ay di perpekto dito sa ating mundo ginagalawan.
Nagiging sandata ito upang ating mahagkan at makamit ang ating mga pangarap sa buhay LAPIS limang TITIK na siyang simula ng lahat , LAPIS na kaagapay natin sa tagumpay, kaagapay upang makamtan natin ang mga pangarap natin.
0 notes
Text
“Pagiging Inspirasyon Ko sa Buhay ng Isang Tao”
Ni Kyla Marie O. Bacarra
Para sa Ikalawang Gawain, Malikaing Pagsulat
Ipinasa kay G. Raul Almonia
Sa isang punto sa ating buhay, lahat tayo ay naghangad na maging inspirasyon ng isang tao. Maraming mga tao ang naghahangad na baguhin ang mundo. Marami ang sumusubok ngunit iilan ang nagtatagumpay at nakilala. Ngunit kahit ganoon, hindi dapat tayo sumukong sumubok. Lahat tayo ay may pagkakataong baguhin ang ilang bagay at hindi ito nasusukat sa laki o liit. Lahat tayo ay may pagkakataong maging inspirasyon. Kagaya ng lagi kong sinasabi, “Hindi mo kailangang baguhin ang mundo, buhay lang ng iilang tao.”
Nagsimula akong tumaba pagkatapos ng huli kong beauty pageant o paligsahan ng talion at ganda noong ika-anim na baitang. Nung mga panahon na iyo, maraming pinagdadaanan ang pamilya ko at ako. Ang tanging nagging sandigan ko ay pagkain. Magmula no’n, kaliwa’t kanang komento tungkol sa aking katawan at mukha na ang narinig ko. ‘Sayang’ daw ako, maganda naman sana, mataba nga lang. ‘Sayang’ daw ako, kung hindi daw ako matabak panigurado dawn a marami akong manliligaw.
Madaming katulad ko na tumaba at lumobo sa kadahilanang wala kaming ibang kaligayahan kundi ang kumain. May isa nga akong kakilala na lagging tumbulan ng tukso dahil sa ‘dambuhala’ daw siya. Gayo’n din ang posisyon ko sa klase naming. Kami yung mga kaibigan ninyong sinasabayan ang pagtawa ninyo sa laki naming kahit na nasasaktan kami. Hindi kami nagsasalita dahil gusto naming magpaawa; hindi kami nagsasalita dahil takot kami. Oo, takot kami na layuan ninyo at lalong pagtawanan. At kaming dalawa, kahit hindi kami madalas na magkasama, ay parehas sa ganitong aspeto. Ang kaibahan lang naming ay, natuto akong mahalin ang sarili ko maging ang aking katawan; siya naman ay binago ang kan’yang sarili. Sa kung paano ako naging inspirasyon sa kaniya, ito nga at ike-kwento ko na.
Hindi ko na babanggitin ang kan’yang pangalan kahit na tato-tayo lang ang makakabasa- nirerespeto ko siya at alam kong hindi niya gugustuhin na banggitin ko ang kaniyang pangalan. Una ko siyang nakilala habang nasa labas ako ng paaralan, ikatlong taon ko sa sekondarya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nagtatawanan silang magkakaibigan tungkol sa bigat niya.
“Maganda ka naman,” sabi ko sa kaniya. Ganito talaga ako, kahit saan mapadpad ay may bagong nagiging kaibigan.
“Salamat,” sagot niya. “Alam mo, tama sila.”
Nagtaka ako sa ibig niyang sabihin. Hindi ko na kailangang maghintay dahil sinagot n’ya ang tanong na hindi ko na kailangang banggitin.
“Sayang ka. Kung hindi ka mataba, beauty queen ka pa rin sana ngayon.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Paliwanag niya, parehas kami ng pinasukang paaralang elementarya kaya alam niyang dati akong lumaban sa mga paligsahang ganon. Nginitian ko lang siya at sinabing, “Ayos lang. Hindi naman pagbi-beauty contest ang gusto ko.”
Totoo `yun. Tapos na ako sa yugto ng buhay ko na nagsusuot ng magagarbong gown, matataas na heels, pagsasanay ng lakad, pag-iisip ng magandang sagot at pagkaway sa mga tao. Subalit, kahit hindi na kami nag-usap ng personal maliban sa isang beses na iyon, hindi mabura sa isip ko ang sinabi at pinahiwatig niya.
Isang pagkakataon ang naiprisenta sa akin nung ako’y nasa huling taon ng junior high school. Tuwing pebrero sa aking huling paaralan, isang beauty contest na may kinalaman sa sports ang idinadaos. Ilang buwan kong pinag-isipan kung sasali ba ko o hindi. Mayroon kasing parte sa isipan ko na gustong patunayan na mali ang sinasabi ng mga tao. May isang parte sa akin na gusting sabihin na hindi ko kailangang pumayat para maging beauty queen, o hindi ko kailangang maging makinis para taguriang ��maganda.’ Pero kahit na may gusto akong patunayan sa mundo, may gusto rin akong patunayan sa sarili ko. Gusto kong patunayan na kahit na apat na taon na ang lumipas, kahit na tumaba na ako, kahit nagkamarka-marka na ang mukha ko, kaya ko pa ring makikumpetensya. Gusto kong sumali, kaya sumali ako.
Nanalo ako. Hindi unang pwesto pero, nanalo ako. Walang nasabi ang ibang tao- walang reklamo kung bakit ako nanalo kahit mataba at baku-bako ang mukha ko, wala ring papuri. Pero ayos lang sa akin dahil sumali ako para sa sarili ko, napatunayan ko ang sarili ko sa akin kaya naging masaya na ako. Alam ko namang maganda ako, hindi ko madalas sinasabi `yun at walang nagsasabi sa akin no’n pero hindi ibig sabihin na hindi iyon totoo. At alam ko rin na kahit walang magsabi sa’kin noon o kahit makalimutan ko ang katotohanan na ‘yon, kailangan ko lang patunayan ulit ang sarili ko.
Doon niya ulit ako kinausap. Nag-chat lang kami dahil wala ngang nakakaalam na magkakilala kaming dalawa. Ang sabi niya, kung pinatutunayan ko bad aw ang sarili ko sa kan’ya. Hindi ako nagsinungaling at sinabi kong ‘oo, pero mas pinapatunayan ko yung sarili ko sa sarili ko.’ Hindi niya daw maintindihan. Kaya’t ipinaliwanag ko. “Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko sa inyo dahil wala na akong pakialam sa iniisip ninyo sa akin. Wala akong ginagawang masama o ano pa. Ang sa akin lang ay kumportable at masaya ako sa sarili ko. Sana masasabi mo ‘yun sa’yo.” Binati lang niya ako ng congratulations at hindi na kami nag-usap muli.
Hanggang sa ilang buwan ang lumipas at nag-chat s’ya ulit. Nagpasalamat siya. Nagsisimula na daw siyang magpapayat. Sa una ay naguluhan ako dahil mataba ako nung sumali ako sa paligsahan, hindi ako nagpapayat; kung kaya’t bakit s’ya nagpapasalamat? Ang sabi niya lang, “Tama ka, ate. Hindi ako masaya sa katawan ko, kaya babaguhin ko.”
Hiniling ko na sana ay matupad at makuha niya ang gusto niya. Hindi ko balak na pigilan s’ya o sabihin na maganda siya kahit mataba siya. ‘Maganda ka,’ sapat na iyon. Dito nagkakamali ang ibang tao, may karapatan tayong sabihin kung ano ang gusto natin, pero ‘wag naman sana sa puntong nambabastos tayo. Nakakalungkot lang isipin na ang boses at bibig na biyaya ng Diyos, ay ginagamit ng tao para manakit. Nakakalungkot isipin na ang pagdududa ng isang tao sa kan’yang sarili ay nagsisimula sa duda ng iba. Kahit na gay’on alam kung wala akong karapatan na magkomento ng kahit na ano, kundi sabihin na sana ay palarin s’ya at pagpalain ng Diyos.
Ang balita ko sa kanya ngayon ay payat na siya. Samantalang ako, nanatiling mataba. Ngunit hindi ibig-sabihin na mataba ako ay hindi na ako malusog; sobrang lusog ko nga sa katunayan. Ang punto ko ay, lahat tayo ay may karapatang mamili sa kung ano ang gusto natin sa katawan natin- oo, lahat tayo ay mayroon, mas mahirap nga lang para sa iba. Pakiramdam ko mang hindi ako naging malaking inspirasyon para sa kanya, o para sa kahit na kanino; alam kong kahit gaano kaliit iyon, inspirasyon pa rin siya. Ika nga nila, “Isang tulak lang ang kailangan ng bola para umikot; isang tapik lang ng kamay ang kailangan ng baso para matapon.” Kaya mahalaga na patuloy tayong sumubok na magbigay inspirasyon dahil sa maliit na inspirasyon nagsisimula ang malalaking pagbabago.
0 notes
Text
Mahal Kita
by Gershei Quirao
Para sa mga taong nagmahal, ngunit nabaliwala at kinalimutan.
Tama na. Hindi na kailangang magpaliwanag pa. Sa bawat problema, Sa bawat puot at saya na nadarama. Pagka’t hindi rason ang pagbitaw sa isa’t-isa.
Kung para sayo, mauuna na lang sumuko, Kung ang gusto lamang ay lumayo. Ipaparamdam na lang ang totoo Sa sinasabi at tinitibok ng puso. Dahil sanay naman na akong magsakripisyo.
Pero lagi mo sanang pakatatandaan, Na lagi lang akong nandiyan. Hinding-hindi ka kakalimutan, Kahit na puro na lamang kabulaanan, Ang iyong pinakikinggan.
Hindi mo man naririnig, Ang tugtog..tugtog.. tugtog ng bawat pintig Ng pusong ang bukang bibig Ay wag sumuko at patuloy na umibig Kahit na ika’y wala ng maramdamang kilig Sana’y maalala mo Kung paano tayo nagkasundo. Kung paano mo ako, sinabihang makinig sayo Dahil parehas tayong litong-lito, Sa mga nangyayari sa ating mga mundo. Salamat sa lahat ng iyong ginawa Sa bawat umaga at pag-aalaga Sa mga nararamdaman kong kakaiba At sa bawat inaasata kong kataka-taka.. Pero kahit na anong nangyari, sasabihin ko parin na.. MAHAL KITA.
4 notes
·
View notes
Text
MALIKHAING PAGSULAT
M A B E L
ERIKA DEQUINA ROBIS
"Halina't pumasok ka sa mundo ko, magugustuhan mo rito."
Ito ang eksaktong laman ng nag- iisang pangungusap na tanging naaalala ko sa aking panaginip kagabi. Hindi ko alam kung ano ang nais nitong ipahiwatig, ngunit nais kong palipasin na lamang ito. Hindi naman siguro bigdeal kung kakalimutan ko.
Ako nga pala si Mabel. Bakasyon ngayon at nandito ako sa bahay ni Lola sa probinsya namin sa iloilo. Masiyang-masiya ako sa tuwing pupunta kami sa lugar na ito. Hindi pa rin nagbabago ang sariwang hangin, mababait pa rin ang mga tao at malayo sa maiitim na usok ng kalsada at matataas na gusali sa maynila. Matagal na rin mula nang magbakasyon kaming mag-anak kanila Lola.
Sa katunayan nga'y ilang ulit na pagpilit ang ginawa ko kay Mama upang mapapayag siya. Ang dahilan kung bakit ayaw na nila akong bumalik pa dito dati ay hindi ko alam.
Bumaba na ako papuntang kusina upang mag timpla ng tsokolate at kumain ng sinangag na kanin na may kasamang daing na pusit. Nagbabakasakali akong sa pamamagitan ng masarap na agahan ay mawawala sa isipan ko ang aking napanaginipan.
"Tao po! Manang Ester!"
Isang boses ng babaeng tumatawag sa labas ng gate nila Lola ang narinig ko. Sumilip ako sa bintana mula sa kusina at nakita ko ang kababata ko, "Sandy! Ikaw pala yan!" Sigaw ko, mula sa pagkagalak na makitang muli ng personal ang kaibigan ko. Dali dali akong tumakbo patungong gate upang pagbuksan siya.
"Kumusta na? Namiss kita!" Sabay yakap sakanya.
"Ay abaw Mabel! Ikaw gali ina! Miss gid kita uy!" Ani ni Sandy.
Bumitiw kami sa yakap ng isa't isa. Pinapasok ko siya sa loob ng bahay nila Lola at pinaupo sa sala. Nagkwentuhan kami. Tinanong niya ako sa mga nangyari sakin kung bakit ako hindi nakabalik ng halos isang dekada, kung anong mga nangyari sa akin at mga iilan pang personal na pagbabagong naikwento ko naman sakanya.
"Grabe ang laki na ng pinagbago mo, gwapa ka na gid! Dati ay madalas ka pang tuksuhin ng mga kalapit-balay, batang babae na may kaibigan nagsasalitang pusa!”
Natawa ako sa sinabi ni Sandy, kahit na hindi ko na maalala ang pangyayaring iyon.
"Dili nila alam na ako lang naman ang kaibigan mo dito." Dagdag pa niya.
Halos abutan na kami ni Sandy ng hapon sa kwentuhan. Sa hinaba ng pag-uusap naming dalawa'y maswerteng naalala ko pa ang dahilan kung bakit siya napunta dito, "Matanong ko lang, bakit nga pala tinatawag mo ang Lola kanina?" ani ko.
"Ay oo nga! Nakalimutan kong sabihin na iniimbitahan siya ng aking Tiya na pumunta sa meeting ng mga senior sa simbahan bukas ng alas-sais ng gabi. Para daw iyon sa mga ganap sa parating na mahal na araw sa susunod na linggo." Ani ni Sandy.
"Ahh, kung gayon ay makakarating sa kaniya. Wala kasi ang Lola ngayon dito, ang alam ko'y lumuwas sila ni Mama upang mamili sa bayan ng mga pagkain dito sa bahay."
Natapos na ang usapan namin ni Sandy, umalis na rin siya dahil baka abutan pa siya ng dilim sa daan. Matatakutin pa naman iyon.
Mga alas-syete na ng gabi nang dumating sila Lola mula sa pamimili. Hindi nakapagtatakang ginabi sila dahil sa dami ng supot at timbang nakikita ko. Pwede na kaming magtinda sa dami ng mga seafood na nabili nila. "Mano po nanang." Bungad ko sa mahal kong Lola Ester. "Ipinapasabi nga po pala ng Tiya ni Sandy ang meeting niyo bukas ng alas-sais ng gabi sa simbahan." Pagpapaalala ko.
"Oo nga pala, ahh, mabuting samahan mo ako doon bukas matapos nating mag videoke sa hapon. Tiyak ay gusto kang makita ng mga sister ko doon." Pagyaya sakin ni Lola.
"Sige po nanang, matagal na rin ang nakalipas mula ng nakadaan ako roon." Ani ko.
"Mama, mas maganda siguro kung magpasama na lamang kayo sa mga anak ng Ate Linda, mukhang hindi magandang ideya ang isama si Mabel doon bukas." Singit ng aking Ina. Eto nanaman si mama, pinipigilan nanaman akong maglibot dito sa lugar nila Lola. Naku-curious na talaga ako kung ano ang pinanghuhugutan niya.
"Ayan ka nanaman mama, minsan na nga lang sakin magpasama ang Nanang eh pinagbabawalan mo pa." Reklamo ko.
"Hindi sa pinagbabawalan, nag-iingat lang ako. Mahirap na. Baka mapano ka pa. Hindi tulad ng mga pinsang mong sanay na sanay na dito." Tugon ni mama.
"Pero—"
"Wag ka ng tumutol pa."- Mama.
2
Masarap ang hapunan namin. Ang galing talaga magluto ni Mama. Kahit istrikto iyon pagdating sa akin ay hindi nagbabago ang lasa ng sinigang na hipon niya sa tuwing ihahain. Matapos ligpitin at linisin ang mga kalat at kagamitan sa kusina'y umakyat na ako pabalik sa itaas. Humiga na ako sa kama. Alas-nuwebe imedya na pala, kung kaya'y medyo inaantok na akong muli.
Naalala kong muli ang aking napanaginipan kagabi.
"Halina't pumasok ka sa mundo ko, magugustuhan mo rito."
May ibig sabihin kaya ang mga salitang iyon? Hindi naman isang bangungot ang mga nangyari roon kagabi. Pakiramdam ko pa nga'y inaanyayahan akong tumungo sa ibang mundo. Isang mundong mahiwaga, papunta sa lugar na hindi ko pa nakikita. Mga lugar na nababasa ko lamang sa mga libro at nabubuo lamang sa aking imahinasyon. Mapapanaginipan ko kaya ulit iyon?
Naramdaman ko na ang antok, tuluyan na akong nilamon ng tulog.
Naaninag ako ng isang maliwanag sa ilaw. Umaga na ba? Binuksan ko ang aking mga mata. Nakita ko ang isang hagdaanan paitaas. Hindi ito isang simpleng hagdanan lamang, gawa ito sa kahoy na may mga uri ng bulaklak na ngayon ko lamang nakita. Kulay pula, lila at rosas ang mga kulay nito, tila baging ang nakapalibot sa gilid nito.
Tumungo ako upang tignan kung ano ang mayroon paakyat rito. Habang humahakbang paitaas ay naaamoy ko ang mabangong hangin na parang nanghahalina sa aking kaisipan. Parang binabaliw ako nitong tunguhin pa at lakarin ang itaas. Nakapikit akong naglalakad ng ako'y matigilan.
"Tuloy ka mahal na panauhin." Ani nito.
Idinilat ko ang aking mga mata upang makita kung sino ang nagsalita. Wala namang tao. Walang kahit na sino.
"Sino ka?" Sigaw ko.
"Ako po si Yakal, ang narinig mong nagsalita." Nagulat ako mula aking kinatatayuan.
"Isang nagsasalitang puno? Paano?" Tanong ko.
"Maligayang pagdating dito sa aming kaharian, ang Isla Ertesa." Sagot ng nagsasalitang puno.
"Isla Ertesa? Anong lugar ito?" Tanong ko.
"Isla Ertesa, ang lugar na madalas mong puntahan noong ikaw ay maliit na bata pa lamang, Mabel. Ito ang iyong paraiso. Halika at tumuloy kang muli." Sagot niya.
Nahati ang hilera ng mga puno sa aking harapan. Nagkaroon ng daanan, nakita ko ang isang kakaibang palasyo. Hindi ito isang ordinaryong kaharian na nasa mga librong pambata. Lumulutang na isla sa hangin ang aking nakikita. Hindi ako makapaniwala. Napakaganda nito!
Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa ng bigla akong magising mula sa aking pagkakatulog. Panaginip nanaman.
3
"Mabel apo, gumising ka na at mag agahan." Wika ni Lola Ester matapos niya akong gisingin sa pagkakatulog.
Bumaba na ako, amoy ko ang napakabangong sopas. Ang sopas na laging niluluto sa akin ng Nanang noong ako'y nandito pa naninirahan. "Ang sarap pa rin ng amoy ng sopas mo Nanang." Pagpuri ko.
"Ako lang ang nakakagawa niyan. Kaya sigurado akong miss mo iyan. Upo na at kumain apo. Napapayag ko na pala ang Mama mo. Makakasama ka na sakin mamayang gabi sa simbahan dito." Wika ni Lola.
"Talaga po nanang? Maraming salamat po." Niyakap ko ang Lola at umupo na sa hapag kainan. Hindi pa rin ako binigo ng sopas ni Lola Ester. Napakasarap pa rin nito, parang may magic.
Kami'y nagkantahan nila Lola nang sumapit ang tanghali. Kasama ang mga pinsan kong anak ng Auntie Linda. Masaya ang kantahan ng bigla kong narinig ang bulong na.. "Halika... tumuloy ka..."
Saan naman galing iyon? Masyadong malakas ang tunog ng videoke para marinig ang ganun kalinaw na bulong. Tumingin ako sa paligid, wala naman akong nakita.
Natapos ang kantahan. Naligo ako at inantay matapos ang Lola Ester sa pagbibihis. Alas-singko na at naghahanda na siya para sa meeting niya sa simbahan.
Maya maya'y lumabas na ng kwarto ang Nanang Ester. Lumabas lalo ang puti at ganda niyang kamukha ni Gloria Romero sa suot niyang bistidang pula na may mga bulaklak bilang palamuti nito— bulaklak. Pamilyar ang mga bulaklak sa damit ng Nanang. Hindi ko alam kung saan ko ito nakita ngunit pamilyar ito.
"Ma, bantayan niyong mabuti si Mabel at huwag na po kayong dumaan kung saan saan. Kung maari lamang ay simbahan at bahay lang ang inyong puntahan." Paaalala ni mama bago kami lumabas ng bahay ni Lola. Ngumiti lang si nanang ester kay mama. Hindi ko alam ngunit parang may kakaiba sa ngiting iyon ni Lola.
Nag-umpisa na kaming maglakad ni Lola patungong simbahan. Biglang umihip ang malamig na hangin. Nakakatayo ng mga balahibo. Nakakakilabot ang lamig. Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang sementeryo. Madaraanan pala ito patungong simbahan. Ang dilim at parang mabigat ang presensya ng lugar na iyon. Nagpatuloy kami sa paglalakad ng Lola, napatigil kami ng sabihin niyang "Apo, parang nais kong bisitahin ang puntod ng iyong Tatang." Ani ni Lola.
"Sure po ba kayo diyan nanang? Gabi na po at mahuhuli kayo sa meeting ninyo." Sagot ko.
"Sandali lang naman, nais ko lang kumustahin ang iyong tatang." Sabi ni Lola.
Pumayag ako. Pumasok kami ng sementeryo at nakita ko ang napakaraming puntod. Wala naman sigurong bangkay na tatayo mula sa mga libingan ng kahit na isa dito. Tinatakot ko nanaman ang sarili ko.
Sa 'di kalayuan ay may naaninag akong liwanag na parang pamilyar sa akin. Parang nakita ko na iyon sa aking panaginip.
"Mabel, sigurado ka bang wala ka ng natatandaan sa mga nangyari dati?" Biglang tanong ni Lola sa akin.
"Katulad po ng ano?" Pagtataka ko.
"Tumingin ka sa iyong likuran." Sabi ni Lola.
Hindi ko inaasahan ang aking nakita. Ang kahariang naaninag ko sa aking mga panaginip.
"Lola, paano po? Paanong—" Pagkagulat kong tugon na sinagot agad ni Nanang ng yakap.
"Ito ang sikreto ng pamilya natin, apo. Isa akong diwata sa ibang mundo. Ang Isla Ertesa. Mortal ang napangasawa ko, ang iyong Tatang. Mortal na isinilang ang aking dalawang anak na Tiya Linda mo at ang iyong Ina. Akala naming mag-asawa ay hindi na mamanahin pa ng sino man ang aking pagiging diwata. Ngunit nabago iyon ng isilang ka ng iyong ina, Mabel. Inilayo ka nila rito upang hindi mo tahakin ang hiwaga ng Ertesa."
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ngayon ng Lola Ester. Ako? Isang diwata? Ibig sabihin ay totoong lahat ang mga panaginip ko? May ibang mundo? Hindi ko alam ngunit mas lalo kong ninanais na tuklasin pa ang Isla Ertesa. At ang makilala ang katauhan kong mahiwaga. Ako, si Mabel bilang isang diwata.
0 notes
Text
Liham para sa Huli kong Pag-ibig
Mahal ko, iginayak ko nang ikaw na ang huli kong pag-ibig bagamat ang kagayakang iyon ay kaparis ng katagang "sigurado" ngunit wala pa ring daang porsyento ng katiyakan. Iginayak kitang panghuli sapagkat kasikbay niyon ang salitang "ayoko na ulit". Pinagal ng makupad na pag-usad ang puso ko na sapitin ang pinto ng kahandaan sa muling pagsuyo. Masinsin kong inililok sa katigasang bato na kapag handa ako'y iyon na ang huli. At iibigin ko siyang pangalawa sa Maykapal at hahamakin nang makisig ang iba pang mapandigma kong pag-ibig. Ganoon kita kamahal.
Sa sandaling iusal ko sa iyo ang panata ng aking pagsinta ay ihahaplos kong kasabay niyon ang samyo ng hindi bulaan niyang mga talulot. Hinding hindi mangyayaring kapara ng kastilyong buhangin ay nabuwag lamang sa dalampasigan at tuluyang naglaho nang marahas na dilaan ng maalat na katubigan. Hinding hindi aking mahal. Nais kong malaman mong nakumpuni ko na aking sarili bago pa man kita bansagan "aking panghuli" kaya't wala nang dahilan upang masugatan ka pa sa bawat piraso kong may katalasan. Hindi na. Buo na ako. Buo na ako at tangan niyon ang pangakong hindi ka magdurugo sa piling ng aking pagsuyo. Ngunit maaari bang dinggin mo ako? Kinumpuni ko na ang aking sarili upang hindi kita masugatan, ibalik mo iyon sa akin. Huwag mo akong sasaktan. Ikaw na ang huli at hindi ko tiyak kung magagawa ko pa bang sumailalim muli sa proseso ng resiklo matapos laslasin ng matalim mong pagmamahal. Huwag. Hindi ko maisusumpang katumbas ng paraiso ang ating magiging mundo subalit tandaan mong doo'y pagsasama-samahin ko ang mga tala, buwan at araw.. Doo'y walang gabi na magpapabago sa ating bawat pagtingin.
Sa sandaling masumpungan na kita, tandaan mong sa palad ng puso ko, isinulat kong ikaw na ang huli.
Hinihintay kitang walang pagmamadali.
Ang Tunay mong Pag-ibig, Hinirang
0 notes
Photo
Here we go. This is really is it pancit! #writingwhore #writingdream #parasaekonomiya #malikhaingpagsulat #kasanayansapanunulat #kalinanganngpansarilingadhikain #ooNA! Hahaha
#malikhaingpagsulat#parasaekonomiya#writingdream#kasanayansapanunulat#kalinanganngpansarilingadhikain#oona#writingwhore
0 notes
Photo
Spirit lead me where my trust is without borders let me walk upon the waters wherever You would call me take me deeper than my feet could ever wander and my faith will be made stronger in the presence of my Savior... #anima #animaproject #museumvisit #alonetime #findinginspiration for #malikhaingpagsulat #art #museum
0 notes
Quote
Mahusay silang mag paasa, Kaya naman may mga taong umaasa. Umaasang makakasama ng mga taong Paasa.
crispishkreme
1 note
·
View note
Photo
Sa laot nakatingin, dakilang manlalayag. Nais niyang abutin ang perlas ng pangarap. 2015-06 #tanaga #feeling manunulat #ipalihanmoakoplease #malikhaingpagsulat #tula #7777
0 notes
Text
“Kahalagahan ng Teknolohiya sa Panahon ng Pandemya”
Ni Kyla Marie O. Bacarra
Para sa Unang Gawain, Malikhaing Pagsulat
Ipinasa kay G. Raul Almonia
Ngayong pandemya,
Ang pwede nating gawin ay limitado.
Kaya karamihan sa atin sa teknolohiya,
Nakasalalay ang pag-aaral at trabaho.
Ang online selling ay patok na patok,
Kaliwa’t kanang post na makabenta ang tutok.
Ang pag-aaral ay ginawa na ring online para ligtas,
Ang tunay na kakayahan naman kaya ay naipamalas?
Hindi natin alam kung sino ang positibo kaya sa labas ay hindi ka ligtas,
Kaya hangga’t maari, bawal at ‘wag na lumabas,
Halos lahat- maging ang mga pagbabayad ng mga bayarin- ay sa pagitan na ng selpon,
Ang may kaalaman sa teknolohiya ay pinakanakalalamang sa ngayon.
Hirap ngang makasabay sa panahon ngayon kung walang teknolohiya.
Kung walang internet at siguradong mahuhuli ka.
Mahalagang sumabay sa pagbabago ng panahon,
Kung hindi ay paniguradong ngayong pandemya, ikaw ay mababaon.
0 notes
Text
Erasing the myth
Sa pagsasapraktika ng pagbubura, natutuhan ko na naman ang isa pang mahalagang aspekto ng creative praxis: ang matutuhang igalang at bigyang-halaga ang nilalaman at mensahe ng mga umaakda ng sining. Kaya sa erasure poem na ito, malugod kong binabati ang mga nakasalamuha ko sa pagsusulat. Tungo sa malaya’t mapagpalayang panitikan!
UNTITLED (Original version)
by Elijah Rosales, Chiara Ocampo, Danielle Rodelas, Bea Ignacio, Nicole Narag, Pauline Tan, Gaeidaneil Sengco, and Jemimah Uy
I.
It was a day of retribution.
Kulas, 21, saw the
Sky – dim and gloomy –
About to shower raindrops.
“Today is the day Judgment will arrive”.
Divine retribution, alas, he says
Will devour the useless and useful –
All equal, without division.
II.
Halos and gems lateral with horns and fire
Divinity shakes up the sphere of flowering thorns
Equality in Pandora’s box, division it ignites
III.
For years it was what is anticipated
Glimmering eyes as they look with enticement
All tired up wanting to reach up
It has finally arrived
IV.
The righteous packed what they kept for so long
“I will be saved,” they justified
Gripped on their idols that represented their faith
“I will be saved,” they justified
V.
For years it was what is anticipated
The questions is “Are we really waiting for it?”
Kulas says he will be saved,
His wife said he wouldn’t
Alas, we are making our own judgments!
VI.
We write our own stories, or so they say.
As the orange sun melted in the horizon,
Kulas knew he had to take action.
With only his clean hands and a clear goal,
He stood up, and declared: March on my, soul; be strong!
VII.
But who’s to say that this was his decision to make?
His eyes scan the horizon
Searching and searching…
VIII.
And so Judgment Day came,
Brandishing in all its glory.
Kulas scampered in a corner
All faith in salvation evaporating
Into thin mist.
UNTITLED (Erased version)
Kulas saw the sky devour the useless and useful
All equal, without division.
Halos and gems, horns and fire, sphere of flowering thorns has finally arrived.
The righteous packed their beloved idols that represented their faith: “I will be saved”.
For years, Kulas says he will be saved.
He wouldn’t.
As the orange sun melted on the horizon,
Kulas’ eyes scans,
Searching and searching…
All faith in salvation evaporating into thin mist.
0 notes
Text
M A B E L MALIKHAING PAGSULAT
ERIKA DEQUINA ROBIS
M A B E L
"Halina't pumasok ka sa mundo ko, magugustuhan mo rito."
Ito ang eksaktong laman ng nag- iisang pangungusap na tanging naaalala ko sa aking panaginip kagabi. Hindi ko alam kung ano ang nais nitong ipahiwatig, ngunit nais kong palipasin na lamang ito. Hindi naman siguro bigdeal kung kakalimutan ko.
Ako nga pala si Mabel. Bakasyon ngayon at nandito ako sa bahay ni Lola sa probinsya namin sa iloilo. Masiyang-masiya ako sa tuwing pupunta kami sa lugar na ito. Hindi pa rin nagbabago ang sariwang hangin, mababait pa rin ang mga tao at malayo sa maiitim na usok ng kalsada at matataas na gusali sa maynila. Matagal na rin mula nang magbakasyon kaming mag-anak kanila Lola.
Sa katunayan nga'y ilang ulit na pagpilit ang ginawa ko kay Mama upang mapapayag siya. Ang dahilan kung bakit ayaw na nila akong bumalik pa dito dati ay hindi ko alam.
Bumaba na ako papuntang kusina upang mag timpla ng tsokolate at kumain ng sinangag na kanin na may kasamang daing na pusit. Nagbabakasakali akong sa pamamagitan ng masarap na agahan ay mawawala sa isipan ko ang aking napanaginipan.
"Tao po! Manang Ester!"
Isang boses ng babaeng tumatawag sa labas ng gate nila Lola ang narinig ko. Sumilip ako sa bintana mula sa kusina at nakita ko ang kababata ko, "Sandy! Ikaw pala yan!" Sigaw ko, mula sa pagkagalak na makitang muli ng personal ang kaibigan ko. Dali dali akong tumakbo patungong gate upang pagbuksan siya.
"Kumusta na? Namiss kita!" Sabay yakap sakanya.
"Ay abaw Mabel! Ikaw gali ina! Miss gid kita uy!" Ani ni Sandy.
Bumitiw kami sa yakap ng isa't isa. Pinapasok ko siya sa loob ng bahay nila Lola at pinaupo sa sala. Nagkwentuhan kami. Tinanong niya ako sa mga nangyari sakin kung bakit ako hindi nakabalik ng halos isang dekada, kung anong mga nangyari sa akin at mga iilan pang personal na pagbabagong naikwento ko naman sakanya.
"Grabe ang laki na ng pinagbago mo, gwapa ka na gid! Dati ay madalas ka pang tuksuhin ng mga kalapit-balay, batang babae na may kaibigan nagsasalitang pusa!”
Natawa ako sa sinabi ni Sandy, kahit na hindi ko na maalala ang pangyayaring iyon.
"Dili nila alam na ako lang naman ang kaibigan mo dito." Dagdag pa niya.
Halos abutan na kami ni Sandy ng hapon sa kwentuhan. Sa hinaba ng pag-uusap naming dalawa'y maswerteng naalala ko pa ang dahilan kung bakit siya napunta dito, "Matanong ko lang, bakit nga pala tinatawag mo ang Lola kanina?" ani ko.
"Ay oo nga! Nakalimutan kong sabihin na iniimbitahan siya ng aking Tiya na pumunta sa meeting ng mga senior sa simbahan bukas ng alas-sais ng gabi. Para daw iyon sa mga ganap sa parating na mahal na araw sa susunod na linggo." Ani ni Sandy.
"Ahh, kung gayon ay makakarating sa kaniya. Wala kasi ang Lola ngayon dito, ang alam ko'y lumuwas sila ni Mama upang mamili sa bayan ng mga pagkain dito sa bahay."
Natapos na ang usapan namin ni Sandy, umalis na rin siya dahil baka abutan pa siya ng dilim sa daan. Matatakutin pa naman iyon.
Mga alas-syete na ng gabi nang dumating sila Lola mula sa pamimili. Hindi nakapagtatakang ginabi sila dahil sa dami ng supot at timbang nakikita ko. Pwede na kaming magtinda sa dami ng mga seafood na nabili nila. "Mano po nanang." Bungad ko sa mahal kong Lola Ester. "Ipinapasabi nga po pala ng Tiya ni Sandy ang meeting niyo bukas ng alas-sais ng gabi sa simbahan." Pagpapaalala ko.
"Oo nga pala, ahh, mabuting samahan mo ako doon bukas matapos nating mag videoke sa hapon. Tiyak ay gusto kang makita ng mga sister ko doon." Pagyaya sakin ni Lola.
"Sige po nanang, matagal na rin ang nakalipas mula ng nakadaan ako roon." Ani ko.
"Mama, mas maganda siguro kung magpasama na lamang kayo sa mga anak ng Ate Linda, mukhang hindi magandang ideya ang isama si Mabel doon bukas." Singit ng aking Ina. Eto nanaman si mama, pinipigilan nanaman akong maglibot dito sa lugar nila Lola. Naku-curious na talaga ako kung ano ang pinanghuhugutan niya.
"Ayan ka nanaman mama, minsan na nga lang sakin magpasama ang Nanang eh pinagbabawalan mo pa." Reklamo ko.
"Hindi sa pinagbabawalan, nag-iingat lang ako. Mahirap na. Baka mapano ka pa. Hindi tulad ng mga pinsang mong sanay na sanay na dito." Tugon ni mama.
"Pero—"
"Wag ka ng tumutol pa."- Mama.
2
Masarap ang hapunan namin. Ang galing talaga magluto ni Mama. Kahit istrikto iyon pagdating sa akin ay hindi nagbabago ang lasa ng sinigang na hipon niya sa tuwing ihahain. Matapos ligpitin at linisin ang mga kalat at kagamitan sa kusina'y umakyat na ako pabalik sa itaas. Humiga na ako sa kama. Alas-nuwebe imedya na pala, kung kaya'y medyo inaantok na akong muli.
Naalala kong muli ang aking napanaginipan kagabi.
"Halina't pumasok ka sa mundo ko, magugustuhan mo rito."
May ibig sabihin kaya ang mga salitang iyon? Hindi naman isang bangungot ang mga nangyari roon kagabi. Pakiramdam ko pa nga'y inaanyayahan akong tumungo sa ibang mundo. Isang mundong mahiwaga, papunta sa lugar na hindi ko pa nakikita. Mga lugar na nababasa ko lamang sa mga libro at nabubuo lamang sa aking imahinasyon. Mapapanaginipan ko kaya ulit iyon?
Naramdaman ko na ang antok, tuluyan na akong nilamon ng tulog.
Naaninag ako ng isang maliwanag sa ilaw. Umaga na ba? Binuksan ko ang aking mga mata. Nakita ko ang isang hagdaanan paitaas. Hindi ito isang simpleng hagdanan lamang, gawa ito sa kahoy na may mga uri ng bulaklak na ngayon ko lamang nakita. Kulay pula, lila at rosas ang mga kulay nito, tila baging ang nakapalibot sa gilid nito.
Tumungo ako upang tignan kung ano ang mayroon paakyat rito. Habang humahakbang paitaas ay naaamoy ko ang mabangong hangin na parang nanghahalina sa aking kaisipan. Parang binabaliw ako nitong tunguhin pa at lakarin ang itaas. Nakapikit akong naglalakad ng ako'y matigilan.
"Tuloy ka mahal na panauhin." Ani nito.
Idinilat ko ang aking mga mata upang makita kung sino ang nagsalita. Wala namang tao. Walang kahit na sino.
"Sino ka?" Sigaw ko.
"Ako po si Yakal, ang narinig mong nagsalita." Nagulat ako mula aking kinatatayuan.
"Isang nagsasalitang puno? Paano?" Tanong ko.
"Maligayang pagdating dito sa aming kaharian, ang Isla Ertesa." Sagot ng nagsasalitang puno.
"Isla Ertesa? Anong lugar ito?" Tanong ko.
"Isla Ertesa, ang lugar na madalas mong puntahan noong ikaw ay maliit na bata pa lamang, Mabel. Ito ang iyong paraiso. Halika at tumuloy kang muli." Sagot niya.
Nahati ang hilera ng mga puno sa aking harapan. Nagkaroon ng daanan, nakita ko ang isang kakaibang palasyo. Hindi ito isang ordinaryong kaharian na nasa mga librong pambata. Lumulutang na isla sa hangin ang aking nakikita. Hindi ako makapaniwala. Napakaganda nito!
Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa ng bigla akong magising mula sa aking pagkakatulog. Panaginip nanaman.
3
"Mabel apo, gumising ka na at mag agahan." Wika ni Lola Ester matapos niya akong gisingin sa pagkakatulog.
Bumaba na ako, amoy ko ang napakabangong sopas. Ang sopas na laging niluluto sa akin ng Nanang noong ako'y nandito pa naninirahan. "Ang sarap pa rin ng amoy ng sopas mo Nanang." Pagpuri ko.
"Ako lang ang nakakagawa niyan. Kaya sigurado akong miss mo iyan. Upo na at kumain apo. Napapayag ko na pala ang Mama mo. Makakasama ka na sakin mamayang gabi sa simbahan dito." Wika ni Lola.
"Talaga po nanang? Maraming salamat po." Niyakap ko ang Lola at umupo na sa hapag kainan. Hindi pa rin ako binigo ng sopas ni Lola Ester. Napakasarap pa rin nito, parang may magic.
Kami'y nagkantahan nila Lola nang sumapit ang tanghali. Kasama ang mga pinsan kong anak ng Auntie Linda. Masaya ang kantahan ng bigla kong narinig ang bulong na.. "Halika... tumuloy ka..."
Saan naman galing iyon? Masyadong malakas ang tunog ng videoke para marinig ang ganun kalinaw na bulong. Tumingin ako sa paligid, wala naman akong nakita.
Natapos ang kantahan. Naligo ako at inantay matapos ang Lola Ester sa pagbibihis. Alas-singko na at naghahanda na siya para sa meeting niya sa simbahan.
Maya maya'y lumabas na ng kwarto ang Nanang Ester. Lumabas lalo ang puti at ganda niyang kamukha ni Gloria Romero sa suot niyang bistidang pula na may mga bulaklak bilang palamuti nito— bulaklak. Pamilyar ang mga bulaklak sa damit ng Nanang. Hindi ko alam kung saan ko ito nakita ngunit pamilyar ito.
"Ma, bantayan niyong mabuti si Mabel at huwag na po kayong dumaan kung saan saan. Kung maari lamang ay simbahan at bahay lang ang inyong puntahan." Paaalala ni mama bago kami lumabas ng bahay ni Lola. Ngumiti lang si nanang ester kay mama. Hindi ko alam ngunit parang may kakaiba sa ngiting iyon ni Lola.
Nag-umpisa na kaming maglakad ni Lola patungong simbahan. Biglang umihip ang malamig na hangin. Nakakatayo ng mga balahibo. Nakakakilabot ang lamig. Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang sementeryo. Madaraanan pala ito patungong simbahan. Ang dilim at parang mabigat ang presensya ng lugar na iyon. Nagpatuloy kami sa paglalakad ng Lola, napatigil kami ng sabihin niyang "Apo, parang nais kong bisitahin ang puntod ng iyong Tatang." Ani ni Lola.
"Sure po ba kayo diyan nanang? Gabi na po at mahuhuli kayo sa meeting ninyo." Sagot ko.
"Sandali lang naman, nais ko lang kumustahin ang iyong tatang." Sabi ni Lola.
Pumayag ako. Pumasok kami ng sementeryo at nakita ko ang napakaraming puntod. Wala naman sigurong bangkay na tatayo mula sa mga libingan ng kahit na isa dito. Tinatakot ko nanaman ang sarili ko.
Sa 'di kalayuan ay may naaninag akong liwanag na parang pamilyar sa akin. Parang nakita ko na iyon sa aking panaginip.
"Mabel, sigurado ka bang wala ka ng natatandaan sa mga nangyari dati?" Biglang tanong ni Lola sa akin.
"Katulad po ng ano?" Pagtataka ko.
"Tumingin ka sa iyong likuran." Sabi ni Lola.
Hindi ko inaasahan ang aking nakita. Ang kahariang naaninag ko sa aking mga panaginip.
"Lola, paano po? Paanong—" Pagkagulat kong tugon na sinagot agad ni Nanang ng yakap.
"Ito ang sikreto ng pamilya natin, apo. Isa akong diwata sa ibang mundo. Ang Isla Ertesa. Mortal ang napangasawa ko, ang iyong Tatang. Mortal na isinilang ang aking dalawang anak na Tiya Linda mo at ang iyong Ina. Akala naming mag-asawa ay hindi na mamanahin pa ng sino man ang aking pagiging diwata. Ngunit nabago iyon ng isilang ka ng iyong ina, Mabel. Inilayo ka nila rito upang hindi mo tahakin ang hiwaga ng Ertesa."
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ngayon ng Lola Ester. Ako? Isang diwata? Ibig sabihin ay totoong lahat ang mga panaginip ko? May ibang mundo? Hindi ko alam ngunit mas lalo kong ninanais na tuklasin pa ang Isla Ertesa. At ang makilala ang katauhan kong mahiwaga. Ako, si Mabel bilang isang diwata.
o1_500.gif","post_url":"https://all-the-cliches-lwa.tumblr.com/post/166896953023","post_blog":"all-the-cliches-lwa","post_id":"166896953023","pos���
0 notes
Text
Bagong Musika
Lumikha ako maraming awitin.
Iba-iba ang liriko Subalit pare-parehas ang tono.
Hiniling nila sa'king lumikha ako ng bago Ang sabi ko Oo.
At nang nagsisimula na ako,
Doon ko natuklasang hindi pala iyon kadalian
Sapagkat katumbas yata niyon ay ang tuluyan kang kalimutan
Mahirap..
Mahirap tumakas sa lumang silid
Pagkat doo'y tinig mo ang dati kong himig
Liriko naman ang ating tugunan.
At iyan malamang ang hindi nila maunawaan.
Mahirap lumikha ng bagong musika.
-
0 notes
Text
PANLILIGAW
Kring kring kring! Tumutunog na naman an gaming teleponong konting konti na lang ay mahuhulog na sa aming kayumangging narra na lamesa. Kung hindi pa ako nagising ay malamang ito ay sira sira na, “Hello? Sino ba ito?” ang bagong gising kong tono na animo’y wala pa ako sa wisyo at mukhang zombie. “Hi baby, natatandaan mo pa ba? Pupunta ako sa inyo ngayon” ang tinig ni Lex na mayroong kasamang ingay sa paligid dahil nakasakay siya sa dyip na papunta sa amin. Tanging ‘see you’ na lang ang aking nasagot dahil dali-dali akong tumalon sa aking kama, kinuha ko ang aking tuwalya at tumakbo papunta sa aking banyo upang maligo ngunit ako’y napalabas bigla dahil hinanda ko pa ang aking pang agahang kape.
Nang natapos ko nang ihanda ang aking almusal, agad na akong pumasok upang maligo sa aking banyo. Inabot ako ng humigit kumulang 30 minuto sa pagkuskos sa aking katawan at mga 1 minuto sa aking buhok. Matapos akong magbanlaw,agad akong lumabas at tinuyo ang aking katawann simula ulo hanggang paa at nagsimulang maghanap ng matinong damit. Nagsimula akong maghanap ng mga polo shirt ngunit iisang kulay lamang ang nakikita ko sa aking cabinet, itim. Dahil naniniwala ako na ang itim ay pwedeng ihalo sa lahat ng kulay at di hamak na mas maayos akong tignan sa kulay itim na damit. Itim na polo shirt na lamang ang aking nasuot at putting short na may Nike na sneakers.
Hindi pa natutuyo ang aking buhok, ay tumunog na ang aming doorbell kaya alam kong si Lex na iyon. “Sandali lang, maaari bang maghintay?” Patakbo akong pumunta sa pintuan namin at sabay bukas. Tumambad sa akin ang isang napakagandang dilag na animo’y binukas ko ang langit at nakakita ako ng isang anghel. “Hi Paulo! Dinalhan kita ng pandesal” ang sabi niya sa akin, “Ay tamang-tama hindi pa ako nag-aalmusal! Tara pasok ka kain tayo” ang aking sagot. Nilagay niya ang bag ng pandesal sa harapan ng lamesa habang ako naman ay kumuha ng dalawang plato at nilabas ko ang tsokolate at kesong palaman naming sa refrigerator. Sinimulan niyang hiwain ang mga pandesal upang lagyan ng palaman. Kami ay naupo at sinimulang kainin ang mga pandesal sa lamesa.
“Alam mo bang nagmamahal na ang arinang ginagawang pandesal kaya maliit na ito?” ang sabi ko sa kanya.
“Oo nga eh. Yung tipong dalawang kagat na lang ito tapos ubos na” tugon niya
“Naaalala ko tuloy ang aking mga magulang sa tuwing kumakain ako ng pandesal”
“Oh bakit mo naman biglang naaalala?”
“Kasi kung hindi sa pandesal na iyan ay hindi mahuhulog ang loob ng daddy ko sa mom ko”
“Limang taon na tayong magkakilala hindi mo man lang naikukuwento iyan. Kwento mo na” sabay tawa ang lumabas sa mga bibig ni Lex
Ang lolo ko at tatay ni daddy na si lolo Alfred ay di hamak na masarap gumawa ng pandesal na may kasamang giniling sa loob. Tuwing umaga ay alas-4 ng madaling araw ay gumising sila ni lola Flora upang maghanda ng mga gagamitin, habang tulog pa ang mama ko sa itaas ay kumakalampag na ang mga kagamitan sa kusina. Wala pang dalawang oras ay nakakalikha na ng humigit kumulang isang-daan na pandesal ang akong lolo’t lola at ang iba dito ay pinapadala kay daddy at ang iba naman ay binebenta sa mga kapitbahay nila. Pagkagising ni mommy ay naliligo ito at dumidiretso na sa sakayan ng FX upang pumasok na sa trabaho at ibigay ang pandesal kay daddy. Halos araw-araw pinagdadala ni mommy si daddy ng pandesal na may giniling at tila hindi ito pinagsasawaan ni daddy. Naikwento din ni mommy na kahit nag-aaway sila ay binibigyan siya ni daddy ng pandesal dahil ito ang paborito nila pareho.
“Wow! Ang cool naman ng istorya ng parents mo.”
“Oo nga kahit ako namamangha pa rin. Sige na, ubusin mo na yan at sabay na tayo pumunta sa kanila”
Sinimulan na naming ligpitin ang mga pinagkainan, niligpit ko ang mga plato, tinago ang natirang pandesal at pinasok sa refrigerator ang mga palaman habang pinunasan ni Lex ang lamesa. Pagkalabas ng bahay ay dumiretso kami sa bakery upang bimuli muna ng pandesal bago pumunta sa nahay niala mommy at daddy dahil alam kong matutuwa sila kung may pabaon akong pandesal.
0 notes