Text
8 taon ng Pagkakaibigang naging Bula
Regine L. Ocampo
Wika nga sa Ingles ni Zerby “Sometimes the best way to stay close to someone you love is being just a friend nothing less”
Mahal kita ngunit bigla ko na lamang na isip na teka sandali
baka mawala ka bigla sa akin at maiwan ako na nag-iisa
hindi nga ako nagkami naiwan ako mag-isa na may isang malaking
katanungan sa aking kaisipan na Mahal mob a ako?
Halos walong taon akong naghintay ngunit ni Anino mo ay hindi
Nagpakita o ni hindi man nagparamdam kaya sabi ko wala na at tapos na
Iha suko kan dahil siya mismo ay sumuko na talaga
Pero bakit hindi ako sumusko? Pero bakit hanggang ngayon ay umaasa parin?
Siguro nga matatawag akong tanga pero nagmamahal lang ako diba?
Masama bang magmahal? Mahirap a akong mahalin?
Mga tanong na gumugulo sa aking kaisipan
Tila naghahanap ng kasagutan sa tanong na matagal ng naghihintay
Dumating ang araw na nakita ko na masaya kana sa kanya, doon
Ay napagtanto ko sa aking kaisipan na Regine tama na
Wag mo nang gawing tanga ang sarili mo at MOVE on na
Hindi naman naging kayo
Salamat sa walong taon na umasa at naghintay na parang bula
Salamat at tinuruan mo ako na bumangon muli at maging matatag na handa
Ng lumbanan ngunit takot ng magmahal baka muli ay masaktan , iwanan at
Muling maghintay na parang bula
0 notes
Text
SANDATA NG KARUNUNGAN
SANDATA NG KARUNGUNGAN
Bata pa lamang tayo ay mahilig at tinuturuan na nila tayong magsulat at gumuhit ng kung ano-anong mga bagay , linya at iba pa. LAPIS din ang unang ating ginamit sa pagguhit ng ating mga pangarap simula Prmarya hanggang katapusan. LAPIS din ang ating ginamit dahil ito ay may pambura kung ihahalintulad natin ito ay buhay ng isang tao ay ginagamit ang mga pabura upang burahin ang mga mali at hindi gaanong kanais-nais na gawain. Ngunit may isang bagay na hindi magagawa ng pambura ito ay kahit burahin pa niya ang mga mali ay mayroon namang mga markang naiiwan.
Sa mga markang ito ay dito tayo natututo mula sa ating mga pagkakamali at sa mga pagkakamaling ito ay unti unti tayong nagbabago. Dala ng panahon ay unti unting nagbago ang lahat dati ay wala ang mga lapis tanging dagta at kahoy lamang ang mga ginagamit sa pagsulat pinapatunayan nito na nanalatay sa dugo at ugat natin ang Pagsulat na naipapasa natin sa ating mga susunod na henerasyon.
Isang simpleng manipis na parihabang patpat na yari sa kahoy ,simple man kung ating t titignan ngunit nakpakahalaga naman. Isang maliit , manipis at simpleng bagay kung papansinin. Sinubukan na mag lagay ng isang maliit at bali na lapis sa tabi ng daan, dito ko napagtanto na ni isa sa mga dumaraan ay walang puman sa kapis kung siguro ay isang daang libo iyo ay kahit na madaanan ay ikaw ay hihinto at pupulutin. Ikaw ano ang gagawin mo?
Ang lapis din ay maihahalintulad natin sa tao na kung minsan ay nauubos at nawawala din ang kapagpasensya, at kung minsay ay nababali at nawawalan ng pag-asa. Ngunit kahit pa man na ito ay mabali ay mayroon pa ring pag-asang ikaw ay tumayo sa iyong sarili. Lahat tayo ay nagkakamali, lahat tayo ay nagkakasala lahat tayo ay di perpekto dito sa ating mundo ginagalawan.
Nagiging sandata ito upang ating mahagkan at makamit ang ating mga pangarap sa buhay LAPIS limang TITIK na siyang simula ng lahat , LAPIS na kaagapay natin sa tagumpay, kaagapay upang makamtan natin ang mga pangarap natin.
0 notes
Text
Kahon ng Pera
Isang Kahon ng Pera
Tapon dito at tapon doon
Mga munting maliit na kahon
Tila walang pakinabang doon
Biglang sumagi araw ng kahapon
Isang matabang amang nagiipon
Ng mga tinatapon na kahon
Bulong ay aanhin niya ang kahon
akoy may paglalayan nitong kahon
Umuwi siyang dala ang mga kahon
Binihisan ng papel de hapon
Upang matakpan kulay nakaraan
Mga Kahong may pangalan paglalagyan
tuwing darating tago mabilisan
Biglang kami mapapaisip ano kaya ang laman
Ngingiti lamang at aalis dala dala ang kahon
Yakap yakap niya ang dalawang maliit na kahon
May hangganan rin pala ang lahat
Ag may-ari ng kahon biglang nawala
Paano paano na ang mga munting kahon
Sino na ang lilingap sa mga munting kahop
0 notes
Text
Umasang Naglaho na Parang Bula
Mahirap man gawin pero pinipilit ko parin ,Pinipilit na burahin, alisin at kalimutan sa isipan. Burahin mga ala-ala ng nakaraan, mga oras na nasayang at mga luha na pinigilan pumatak sa aking mga mata
Alam kong isang KAIBIGAN lamang ako, kaibigan na handang umalalay sa tuwing ikaw ay nasasaktan pero dumating ang araw na naisipan ko na wala na at handa ng magsimula ng panibagong buhay,buhay na tatahakin ng mag-isa
Ilang buwan ang tiniis upang tuluyan kang makalimutan ayaw ng mapagod at masaktan muli ayaw ng umasang muli pero sa banda huli tila Bula kang mawawala ng biglaan sa aking paningin sabi ko sa sarili TAMA na
Salitang mahirap pero dapat gawin,TAMA na ang sakit Tama na ang iyak na umaasang babalik ka pa dahil alam kong kahit na babalik na ay hindi parin ako ang na isipan mo
Salamat dahil minsan mong pinaramdam sa akin ang isang matalik na pagkakaugnayan kahit na sa salitang KAIBIGAN lamang salamat dahil natuto akong bumangon at magsimula muli ng isang matatag na handang harapin ang pagsubok ng buhay.
0 notes
Text
“Umasang Naglaho na Parang Bula “ - My Silence is just another word for My Pain-
Mahirap man gawin pero pinipilit ko parin Pinipilit na burahin, alisin at kalimutan sa isipan Burahin mga ala-ala ng nakaraan, mga oras na nasayang at mga luha na pinigilan pumatak sa aking mga mata Alam kong isang KAIBIGAN lamang ako , kaibigan na handang umalalay sa tuwing ikaw ay nasasaktan pero dumating ang araw na naisipan ko na wala na at handa ng magsimula ng panibagong buhay Salamat dahil minsan mong pinaramdam sa akin ang isang matalik na pagkakaugnayan kahit na sa salitang KAIBIGAN lamang salamat dahil natuto akong bumangon at magsimula muli ng isang matatag na handang harapin ang pagsubok ng buhay.
0 notes
Text
# Paskong New Normal#
March 15 taong kasalukyan ng ibalita sa ating bansa ang paglaganap ng isang Virus na hindi natin makakalimutan at mananatili sa ating mga isipan dahil sa taong ito marami ang buhay na nawala , marami ang mga nagbago. unti unting pinaikot ang mundo na para bang nagbalik tayo sa pinaka tradisyunal na mundo at pamumuhay na para bang sinasabi ng mundo “TAMA NA PAHINGA MUNA TAYO” salitang nagpabago sa takbo ng mga mamamayan , salitang binago ang mundo sa isang iglap. BER months na ANO na bigla akong napangiti dahil sa kahit anong hirap ng ating pinagdaraanan ay hindi parin nawawala sa mga Pilipino ang Tradisyung magsabit ng mga Parol upang kahit sa New Normal na ating tinatawag o sa New Normal na ating nararanasan ay maramdaman pa rin natin ang diwa ng Pakong Pinoy. isa sa mga Karanasan ko sa nagdaaang Pasko ay ang ni Hindi ko man naranasan na mag Decorate para sa Pasko ... Tiktok.. Tiktok. bigla akong napatingin sa aming munting Calendaryo naku December na pala ngunit parang malungkot ang Pasko wala akong nakikitang mga Palamuti o Christmast Decoration sa aming Tahanan.. Anyare tehh.... Biglang nagbigay ng Anunsyo ang Ating Pangulo na bawal lumabas ng December 25-27 Bigla tuloy akong napaisip kung paano na ang Pasko ?? Pero sa panahon na tayong lahat ay nanatili sa ating mga tahanan upang ipagdiwang ang Pasko na kung atin titignan ay kakaiba dahil hindi tayo sanay na nasa kanya kayang tahanan tayo pero ito ang pakakataong magkakasamasama ang pamilya na buo sa kabila man ng hirap na ating nararanasan ay nananatili parin sa atin ang Kasayahan na ipagdiwang ang Paskong may ngiti sa ating mga labi at puso. Isang Pagdiriwang ng Paskong kasama ang Pamilya sama samang nagpapasalamat sa buong taon na ibinigay sa atin.
0 notes
Text
Buhay ng Isang Batang Lakwachera
January 21 taong 1999 ng isinilang ang isang napakatabang batang babae sabi ni Mama Ciello Anrie ang ipapangalan sa akin pero teka bakit naging Regine Anyare te?? At hayun na nga ng isusulat na Nurse ang aking pangalan ay biglang napadaan ang aking Pudrakels at narinig niya daw akong umiiyak ng malakas. Ay ing lagyu ning anak ku REGINE at hayun na nga Regine na ang ipinagalan sa akin kala siguro ni Papa kasing ganda ko si Regine Velazquez Alcasid na Asia’s Song Bird… pero kapag nasa CR. Bumibitrit ang ate niyo J
At taong Abril nang aking masilayan ang HELLO WORLD bilang isang Ganap na Christiano. Saying lamang dahil noong isinilang na ako ay walang Budget kayat walang masyadong picture taking na naganap…. Di uso ang camera shy type ang ate niyo…..Umpisa na ng aking Kabataan
Tao po…. Tao po andyan po ba si Ina sambit ng isang batang kalaro ko na maririning mong nakasilip sa bakod ng aming tahanan, isa lamang akong simpleng bata na hangad ang maglaro kasama ang mga kaibigan simula umaga hanggang hapon. Maraming mga karanasan ang aking naranasan, nasaksihan sa murang isipan pa lamang, isang karanasan na hindi ko malilimutan ay mga panahon na kasa kasama ko ang aking Tatang sa bukid. Oo bata pa lamang ako ng maranasan ko na ang maglakakbay sa kabukiran, tamang isang bote ng gatas ang hawakhawak at kasama si Bantay tatahakin ang landas ng kabukiran. Di alintana ang init ng sikat ni Haring Araw makasama lamang sa aking Tatang.
Brooom Broommmm isang pamilyar na ingay ang gumigising sa akin tuwing umaga.Tamang tayo lang sa higaan wala ng suklay suklay at hilahilamos at kaagad na sasakay sa Motor naming tren sa ingay ayan na lalarga na ang Mag-ama hindi alintana ang oras ng klase bastat sa umaga ay makasama lang ang Tantang Kong mahal.
Ako’y nasa edad pa lamang ng 8-9 ay may isang karanasan na ako na hindi ko malilimutan , habang kami ay pauwi na galing sa aming Lolo at Lola sa bayan ng Magalang ay nagpumilit akong sa tangke ng aming BMW na Motor upang samahan ang aking Tangtang sa pagbagtas ng kalye Balitucan. Habang kami ay pauwi na sa aking mala Wonderwoman na galaw ay nadulas ang aking paa sa Rayos ng aming BMW Motor, ng Makita iyon ng aking Inay ay gulat na gulat siya at nagtaka kung bakit hindi ako umiiiyak, kinabahan na baka lumala pa ang sugat.
Nang aking tignan ang isa kong paa bigla kong nasambit “Ma Dadaya ya bitis ku” ni hindi ko alam ay naipasok ko na pala ang aking paa sa Rayos ng aming BMW Motor. Kayat sa tuwing tinitignan ko ang pekas mula sa aking paa ay bumabalik ang mga ala-ala ng aking Wonderwoman skills.
Isang karanasan ko pa ang “Pagsagip ko ng aking Badminton set” isang maiinit na araw habang kami ay nasa tahanan ng aking lola ay nagkayayaan na maglaro ng Badminton , sabik dahil sa pagkakataong ito ay gagamitin ko na ang Badminton na ibinili sa aking ng aking mga magulang.. noong ako na ang tumitira ay biglang nabitawan ko ang Raketa ng ala Flash ako sa bilis na habulin ang Raketa ay sa huli isang marka na naman ang aking nakuha sa binti oo ang marka ng “Mala Flash na bilis sa Pagsagip ko sa aking Badminton set” magkahalong saya at sakit dahil tiyak ay mapapalo na naman ako sa Reyna ng aming Bahay.. pero bakit ko nga ba sinalo ang Badminton at hindi na lamang hinayaan na mahulog ito mula sa daan??? Sa kadahilanang bago pa lamang ito ay iniingatan ko na huwag masira o magasgas.. isang simpleng bagay na binigiyan ako ng kasiyahan. Nariyang naghihingi pa ako ng Sukli sa simbahan ng dumaan na ang mga sumasalod sa misa,, oo nakakahiya man pero hindi ko alam na ginawa ko pala iyon. Marahil siguro na sa murang isipan ko na kung may papel akong pera at inihulog koi to ay may sukli pa akong makukuha, isang nakakahiya ngunit masayang ala-ala noong ako ay nasa murang edad pa lamang. Maraming ala-ala an gang bumubuo sa aking kabataan , mga karanasan na hindi ko malilimutan, mga ala-ala na aking dadalhin bilang isang masayang treasure ng aking buhay.
0 notes
Text
Malikhaing Pagsulat
Isang Pagbati sa mga nagpapaka Dalubhasa sa Wikang Filipino , isang pagbati Kung ating makikita , Dalawang Simpleng Salita ngunit isang makabuluhang kahulugan. tanging gamit lamang papel, at panulat tungo sa isang maunlad na pagsulat. Mga akdang nagbibigay ng liwanag upang makita ng lubos ang kakayahan ng isang manunulat. Mga simpleng Akda na nagbibigay ng Insprasyon sa bawat manunulat na nagpapakadalubhasa sa nasabing wika.
Tara na at samahan niyo ako/ kami upang sama-sama tayong umunlad sa buhay
Pagsulat, Paglikha ito’y nagsisilbing sandata upang magtagumpay sa buhay at umunlad :)
1 note
·
View note