#kawawang Pilipinas
Explore tagged Tumblr posts
Text
INANG BAYAN
SIMULA NG KATAPUSAN
Ni: Me-an C. Bongue
Wala nang pag-asa!
Huwag mong isiping
May darating pang magandang bukas.
Bumagsak na ang Pilipinas!
Nagkakamali ka nang sabihin mong
Uunlad pa ang ating bansa.
Pabayaan na lang natin ang susunod na henerasyon.
Maling-mali na
Ilaban natin ang ating pagmamay-ari!
Magpaubaya na lang tayo.
Hindi nararapat na
Kamtin natin ang kasaganaan.
Mahihina tayong mga Pilipino!
Isang kasinungalingan na
Magtatagumpay tayo!
Hindi importante ang mangyayari sa hinaharap.
Huwag kang maniniwalang
Kaya nating baguhin ang kinabukasan!
(Basahin simula sa ibaba paitaas)
PALAHAW NG NAGHIHINGALONG BANOY
Ni: Me-an C. Bongue
Isang batalyon ng serpyente ang naghihimagsik,
Upang sakupin ang bansang sa kayamana’y hitik.
Ang kawawang banoy ayun nga’t sa pugad ay pumanhik,
Pinuluputan ng lubid at sa patibong ay nasungkit.
Marahil ay mapagbalat-kayo ang mga lahing gahaman,
Sa una’y isang kalapati ngunit kalauna’y nagiging buwayang suwapang.
Mga Pilipino’y nababaon sa utang pagkat sariling yama’y iba ang nakikinabang.
Naghihingalong banoy sa kawalan, kailan kaya malulunasan!
Huwag nating hayaang lunurin ng kasawian ang hinaharap,
Humakbang tayo’t tanggalin sa pagkakagapos ang banoy upang makalipad;
Ikumpas ang pakpak, lipulin ang mga seryenteng makamandag—
Nang magandang kinabukasa’y maikuwentas sa bayan kong liyag!
ANG WIKA NI RIZAL
Ni: Me-an C. Bongue
Pagmasdan mo ang mga kabataan sa kasalukuyan,
Kung ikukumpara noon ay napakalaki ng kaibahan.
Sa agos ng teknolohiya ay inanod ang nakaraan,
Nagbago ang lahat at naibaon sa limot ang dating nakasanayan.
Walang masama sa bagong bihis ng mundo,
Wala sa modernisasyon ang mali kundi sa mga tao,
Mga kabataan ngayo’y napapabayaan na ng husto,
Walang paggalang sa magulang at nasasangkot sa iba't ibang bisyo!
May mga nagbebenta ng panandaliang aliw para lamang sa kaunting salapi,
Malalaswang kasuotan na halos hubad na’t walang pagtitimpi.
Gala dito, gala doon— tapos gabi na kung umuwi;
Pinag-aral na ng magulang, sakit pa ng ulo ang 'sinukli!
Kung ganito ang kahihinatnan, paano na ang natitirang pag-asa ng bayan!
Kung mapapariwara ang kabataan, paano na ang kinabukasan!
Ituwid natin sila’t itanim sa isip ang sinabi ni Rizal—
“Kabataan ang pag-asa ng bayan”, ito ang laging ikintal.
http://culturalcenter.gov.ph
1 note
·
View note
Text
Nagbabayad Ka Ng Buwis, Ginagasta?
Imbes na ipangbili ng mga Depensa naten sa Karagatan?
Imbes na Itaas ang Kalidad ng Health Care System?
Imbes na Mas Maraming Tulong sa mga Mahihirap?
Imbes na Palakasin ang Agriculture? Kesa Import?
Imbes na Taasan ang Pasahod ng mga Pilipino?
Imbes na Pulbusin! Kesa Peace talks?
That's How I Feel Right Now.
Wag Pangako! Gawa! HINDI NGAWA!
Hindi PAG GAGALA!
KAWAWANG PILIPINAS! 🇵🇭
#HindiMOOPERAYan!
#Pilipinas
#GawaHindiNgawa!
#HindiKamiBulag!
1 note
·
View note
Text
Here in the Philippines, the law is applicable for the poor and for the critics 'only' what do we expect? Meh. 🤷♂️
2 notes
·
View notes
Text
(c) Axl Cancio, the artist who made the illustration above
sabi nung ibang supporters ni BBM, panalo daw sila (BBM supporters claimed they won)
hindi ata nila alam na sina BBM at kanyang team lang ang nanalo, dehado po tayong lahat (little do they know, only BBM and his team have won, all Filipinos lost)
#phelections2022#anyare sa never again#anyare sa never forget#forgive and forget ata#kawawa na tayo#kawawang Pilipinas#nakakatakot#sana nga tama kayo dahil sama sama tayong pamumunuan nang mga nanalo
1 note
·
View note
Text
our dear senators elect sotto as senate president, the man who claimed that single moms are "naano lang"well this is a big joke i guess, goodluck, pilipinas kong mahal!
3 notes
·
View notes
Text
Salamat Saudi
(Ang labstori ni Mami at Dadi)
Ito ang lovestory na hindi kasing tipikal ng pag-iibigan ni Ibarra at ni Maria Clara o ni Romeo at Juliet na nagbunga ng pinakaboring na pangalang mayroon ako ngayon, ito ang lovestory ni Tetay at Beto.
Maniniwala ka kaya kung sabihin ko sa iyong kasing bilis ng kidlat at mas mabilis pa kay Flash ang mga naging pangyayari sa lovelife ng aking nanay at tatay? Iyon bang tipong nag-iskip counting sa mga hakbang ng getting to know each other patungong you may now kiss the bride. Ito ang kwento, ito ang simula ng undying love ni Mama at Papa.
Isang dalagang nakapagtapos ng kursong pagkaguro , ang madasalin at masunuring anak na si Tetay. Siya ay madasaling tunay kaya naman lubos siyang pinagpala ng Panginoon ng tatlong paaralan ang sabay-sabay na tumawag sa kaniya upang magturo at dahil siya ay masunurin ay sinunod niya ang payo ng kaniyang ina na sa baranggay hayskul ng Balitucan magturo.
Sa kabilang dako naman ay kilalanin natin si Beto, isang lalaking nakapagtapos ng inhinyero subalit naging bestfriend niya ang lapad ng Emperador kaya medjo na-detour ang kaniyang road to success at tila naging living example ng kanta ni Fred Panopio na Kawawang Cowboy, literal na “may bulsa, wala namang pera”.
Isang binatang malapit nang magkorenta, kung saan naging abay na sa kaniyang mga barkada at naging ninong na sa kanilang mga anak, isang binatang tila tatandang mag-isa, may mailap na tadhana at tumatahak sa landas na ang bukas ay tila nawalan na ng halaga sa bawat bukas ng kaniyang mata, isang mapagkubling binata na itinago sa Empe at pakikibarkada ang kalungkutang dinadala sa buhay . Siya ay bigla na lamang nabuhayan ng loob ng kaniyang masilayan, isang umaga, ang babaeng tumatawid patungo sa noo’y aapating klasrum pa lamang ng hayskul – si Tetay.
Ngunit isang malaking duwag ang binata, noon sa mga sandaling iyon ay nagising siya sa reyalisasyong hindi niya kayang mangahas na makipagkaibigan o ni makasabay man lang ang dalaga sa paglalakad sapagkat naisip niyang wala siyang maipagmamalaki dito, kaya nagkasya na lamang siya sa simpleng pagsulyap sa pagtawid ng dalaga papunta sa aapating klasrum , old time stalker sa pagsulyap mula sa ilang metrong layo mula sa bahay ng kaniyang tiyo upang masilayan lamang na nakauwi ng ligtas ang kaniyang minamahal na guro, hanggang sa paminsan-minsang pagpaparinig rito sa tuwing magmemeryenda sa tindahang tinatambayan niya ang guro, na sa laki ng kaniyang pagkatorpe ay imbis na buladas ay pang-aasar ang kaniyang nasasambitla, sino ba naman kasing manliligaw sa edad na magkokorenta na? iyong akala mo ay tatandang binata ay hahabol pa pala sa finish line? At talaga namang pambansang torpe sapagkat ang pagsulyap at pang-aasar ay umabot hindi lang ng araw, buwan kundi taon.
Ngunit papaano nga ba nagsimulang magkatulad ng apelyido ang dalawang tauhan sa lovestory na ito? Salamat Shoppee este Salamat Saudi ang sagot. Nagkaroon ng pagkakataon ang matandang binata na lumipad patungong Saudi at habang nagninilay-nilay sa kisame ng kaniyang double-deck na tinutulugan, ay naisip niya ang kaniyang “guro” na naiwan sa Pinas. Uuwi siya kapag mayaman na siya at may lakas na ng loob manligaw ngunit papaano kung biglang may manligaw sa “guro” niya?
Dinadaga na naman ang binata subalit naisip niyang subukang sumulat sa dalaga, isang sulat, walang sagot, ikalawang sulat, wala pa ring sagot at umabot ng isang taon ay ni hindi sumagot ang dalaga. Natanggap kaya ng dalaga ang kaniyang mga sulat? Baka nakapag-asawa na ang dalaga?
Ang dalaga? Hayun, natanggap naman ang mga sulat subalit pinilit niyang huwag sagutin ang mga ito, bakit? Abay sino naman kasing sumasagot sa sulat ng lalaking ni hindi mo man lang nakita ng personal, e kalahating Maria Clara at purong Dalagang Pilipina pa naman itong si Tetay.
Isang araw ay pinadalhan nanaman siya ng sulat ng binata mula sa Saudi at nakita ito ng kaniyang mahabaging kaibigan na si Noly at drinamahan ito with matching puppy eyes – guilt stricken poise – upang magreplay man lamang ng hello kumusta sa sulat ng binata sapagkat ito lang daw ang kasiyahan ng mga nasa ibang bansa. At hayun, na-iscam ang dalaga at sumagot ng simpleng pangungumusta. Ang simpleng pagsagot na bumago ng kaniyang buhay.
Sa labis na tuwa ng binata sa kauna-unahang sulat na natanggap niya sa dalaga at dali-dali itong sumulat pabalik, alam nyoba kung ano ang sulat niya? Uuwi na siya sa susunod na buwan at magpapakasal na sila, o diba parang Flash sa bilis, sigurista ang lolo mo.
Sa isang iglap, umuwi ang binata, sila ay namanhikan sa noo’y di makapaniwalang dalaga. Sino ba namang hindi magugulat , sumagot ka lang, ikinasal ka na.
At doon nagsimula ang kwento kung papaano pinalitan ni Papa ang apelyido ni Mama at ginawang magkapareho sila. Mabilis man at walang drama, sinigurado naman nilang ito ay tunay at hindi malasadong tulad ng itlog dahil hanggang sa huling hininga ng binata, siya lamang at tanging ang pangalang Cristina lamang ang nakaukit sa kaniyang puso at isipan.
1 note
·
View note
Text
Filipinos should shun 'money politics': Lacson
Filipinos should shun 'money politics': Lacson
MANILA – Presidential candidate, Senator Panfilo "Ping" Lacson, said the future of the Philippines and of Filipinos - and not "money politics" - should determine the outcome of the coming May 9 election.
In a statement Saturday night, Lacson said this means voting for the most qualified leader, even as he noted that the feedback from recent debates and forums showed him to be the most knowledgeable in the management of government.
"How is it that I am perceived to be the most knowledgeable in management of government, way above the rest, and yet that does not factor in the surveys? Nonetheless, I will continue to champion my track record, qualities, platforms, and standard of what the Philippines needs," Lacson said.
He also added that he rejected "money politics" and stuck to his principles and integrity when he resigned from Partido Reporma as its chairperson and member.
On Thursday, Lacson announced his resignation from Reporma after some of its officials decided to endorse another candidate.
A day later, he disclosed that campaign expenses amounting to PHP800 million was the reason for Reporma's switch to another bet.
"Kung corrupt ako, madali ko sanang maibibigay ang PHP800 milyon na hinihingi nila (If I were corrupt, I could have easily given the PHP800 million they are asking for). But I don’t have the guts to steal or accept bribes. Nothing can ever change my principles and tarnish my integrity. This fight is not just about me and the present. It is about our country’s future," he said on his Twitter account.
He also cited recent random conversations with Reporma local candidates to ask about ex-Speaker and party president Pantaleon Alvarez's claim that they were pressuring the campaign headquarters to provide them funds.
"So far, no one has confirmed such assertion. Their common parting words: TULOY ANG LABAN!" Lacson said.
Meanwhile, Lacson reiterated his stance against money politics, where candidates give voters what they want during the campaign period - then get back their "investment" by engaging in corruption during their terms - three years for local posts and six years for national posts.
"As long as 'money politics' dominate our elections, it will be a vicious ‘cycle of revenge’ between candidates and voters: voters having a field day during the campaign period and candidates exacting vengeance for three or six years of victory. Kawawang Pilipinas," he said.
As this developed, Lacson's supporters in Bohol have expressed their continued support to the presidential aspirant.
"We, the Provincial Leaders of the LACSON SOTTO SUPPORT GROUP in the Province of Bohol, in the interest of transparency in presenting our position in the light of the transfer of support of the Partido Reporma to another candidate, express our strong and continued commitment and unequivocal support to the candidacy of SENATOR PANFILO 'PING' LACSON to be the next President of our country. Following the lead of SENATOR LACSON, we are also tendering our irrevocable resignation as members of the Partido Reporma effective today (Saturday)," the group said in a statement Sunday.
They also said at the very beginning, the support they threw behind Lacson was born out of pure volunteerism and not for any other personal considerations.
"We agreed among ourselves to voluntarily offer our time, money and effort in support of him because we believe that he is the only candidate who has the competence, experience, courage and strength to address the very serious crisis that our country is facing today due to the Covid-19 pandemic, corruption, unemployment, ballooning debt and bullying by China in our exclusive economic zone in the West Philippine Sea," the group said.
"As patriots who love our country, we chose to support SENATOR LACSON because we believe that we need a leader like him who has a clear vision on what he wants to do for our country and people and a clear plan based on science and hard data on how to accomplish it. As a public servant who is proven to be incorruptible and one who leads by example, we need a leader like SENATOR LACSON who can tame the bureaucracy in embracing Good Governance and restore the full trust of the Filipino people back to the government," they added.
The manifesto of support, which was signed in Tagbilaran City, Bohol, bore the names of Mayor Joseph A. Rañola, co-chairman Gen. Edgardo C. Ingking, co-chairman; Gen. Joseph Sevilla, 1st district coordinator Eduardo B. Aranay; 2nd district coordinator and Emmanuel Solomon B. Duites, 3rd district coordinator.
"It is in consideration of the foregoing that we sign this Manifesto of Support for SENATOR PANFILO 'PING' LACSON in his candidacy as President of the Republic of the Philippines," they added. (with Priam F. Nepomuceno/PNA)
#FlippinFlipNews
0 notes
Text
Sleeplessly yours,
Unspoken Poetry #5
(5/16/20)
"PROPETA NG KADENA"
Sa luwalhati ng amang Digong,
At mga anak niya.
at ng espiritung mga walang muka,
Sunod sunuran sa kanya.
Kung may Propetang Moises ang bibliya,
May Propetang Digong naman sila.
Hahati sa karagatan ng Pilipinas,
Utos mula sa diyos na nagtalaga.
Sukdulan at ang lupang pinangako,
Pinangako na sa iba.
Ano pang magagawa ng mga kawawang Israelitas,
Ito'y utos ng diyos na sinamba nila.
Hindi man kawangis ni Pilato,
Ngunit bakit sa kanila lahat napunta.
Mga biyayang bigay ng poon nila,
Bunga na hinuthot sa maralita.
Oh dalangin ni Ama na pagod sa paglikha,
Kapwa dalangin rin ni Ina gutom at lawlaw ang dila.
Na bukas ay may lakas sa muling pag hatak ng kadena,
Kadenang kinalawang ng panahon, dugo't pawis mga luha.
#tula #tulaan #poems #poetry #Philippines #Pilipinas #OustDuterte #PilipinasParaSaPilipino #DefendOurLands #DefendFreedom #kala #kalayaan #Pinoy #PH #westPhilippineSea #MayoUno #May1 #Workers #WorkersOfTheWolrdUnite #SahodTrabahoAtKarapatan #PS #PandaySining
0 notes
Text
Ay! Bastos!
Sino ang masama? Ang nambabastos o ang nagpapabastos? Sino ang biktima? Ang namboboso o ang nagpapaboso? Sino a ang may kasalanan? Ang rapist o ang ni-rape?
Pa ulit ulit nalang ang istorya nang babaeng ginahasa ng ibat-ibang lalake at nagbunga ng marami at iba’t-ibang mga anak sa kadahilanang hindi matukoy kung sino ang ama. Ngunit hindi naman ito ginusto ng babae. Siya’y pinangakuaan ng magandang kinabukasan ng mga sumira sa kanya. Hindi nila habol ang kagandahang-loob ng babae kundi kung ano ang kaya nitong ibigay at idulot sa kanila. At nang makuha na nila ito sa babae ay iiwanan nila itong wala nang maibigay sa sarili at sa mga anak. Kawawang Pilipinas.
Ayon kay Isagani Cruz, ang naghaharing uri ay hindi lamang ang mga may kapangyarihan at mga nasa itaas, kasama din dito ang mga kalalakihan. Tanungin mo sandali ang mga kilalang Kristiyano (daw) kung sino ang may kasalanan, Si Eba o si Adan? Hindi ba’t madalas na madinig na si Ebe dahil siya ang natukso ng ahas ang hinikayat pa niya si Adan na kainin din ang prutas?
Damsel in distress. Ang pinakapopular na tema ng isang kwento. Si magandang babae ay may problemang hindi niya kayang masolusyunan mag-isa at magkakaroon ng krisis sa sarili. Dadating naman si matipunong lalaki, sasagipin ang babae at susulusyunan ang kaniyang mga problema anomang hirap ang danasin. Paulit-ulit.
Ang patriyarkal na pag-iisip na ang lalaki ang magliligtas sa babae ay may problemang idinudulot sa dalawa. Iisipin ng babae na hindi niyakayang solusyunan ang kaniyang mga problema ng mag-isa. Kailangan niya ng tutulong sa kaniya. Hahanap siya ng lalaki kaniyang makakasama. At ano ang hahanapin niya kakasamahin? Hindi ba’t yung lalaking sa tingin niya ay kayang ibigay ang lahat sa kaniya. Kailangan niya ng lalaking nakakaangat sa buhay at kayang magbigay sa kaniya ng ginhawa. At dahil sa pag-iisip na kayang ibigay ng lalaki ang lahat ng kaniyang gusto, maaaring hindi na siya kumilos para sa sarili. Sa lalaki naman, kinakailangan niyang maging malakas, makapangyarihan, at nakakaangat sa buhay upang masuslusyunan niya ang problema ng kaniyang kakasamahin. At dahil sa kaniya nakaasa ang solusyon sa lahat ng problema, kinakailangan niya itong saluhin ng buong tapang at walang pag-aalinlangan, gusto man niya o hindi. Ngunit mas dehado ang babae, kung tutuusin sa ganitong sistema.
Sa pagpili na kakasamahin sa buhay, ano ang unang tinitignan ng marami? Hindi ba’t ang panlabas na kaanyuan? Itanggi man o hindi, madalas nakabatay ang pagkagusto ng marami sa panlabas na anyo ng kaniyang pipiliing makasama. At madalas ang ganitong ugali sa mga lalaki. Naalala ko ang aking kaibigan na may ganitong pag-iisip. Nang minsang magkwentuhan kaming magkaibigan, nabanggit niya na gusto niyang magkaroon ng kasintahang kaya niyang maipagmayabang sa marami. Yung tipong maiinggit ang ibang mga lalaki sa kaniya dahil sa kaniyang kasama. Marahil para sa kanya’y nagiging dekorasyon ang isang babae para umangat ang tingin sa kaniya ng ibang mga lalaki may katulad niyang mag-isip. Kung sa mga babae naman, hindi madalas sinasabi ng mga magulang na humanap ito ng maayos nalalaki, yung mag-aahon sa kanya sa kahirapan. Sangayon na sana ako sa una, ngunit sa pangalawa ito bumagsak. Dapat nga namang humanap nang maayos na kakasamahin, ngunit kung ituturi ang makakasama na siyang mag-aahon sa buhay, hindi ba’t nagiging gamit lang din siya upang maiahon ang sarili sa kahirapan?
Sabihing pareho ngang may masamang dulot ang pag-iisip na patriyarkal. Hindi lang naman ang babae ang naaapektuhan ng ganitong sistema ngunit makikita namang mas kawawa ang mga babae at ang kapangyarihan ay laging nasa lalaki.
0 notes
Text
Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin
Simula elementarya napag aaralan ko na ang kasaysayan ng ating bansa. At mula din elementarya hanggang unang taon ko ng kolehiyo, tinuring ko na bayani ang mga Amerikano. Akala ko noon iniligtas nila tayo sa lahat ng gusto manakop sa ating bansa. Ngunit ang mga nasabing “bayani” ng ating bansa ay sinakop ang ating isipan at nilihis ang ating mga paniniwala bilang isang Pilipino.
Sa mahabang panahon puro kasinungalingan ang ipinapasok ng mga Amerikano sa ating isipan. Iniisip ng mga Pilipino na may utang na loob tayo sakanila kasi nga “niligtas” nila tayo kaya buong puso natin tinatanggap ang kung ano man ang ituro nila satin. Kung ano ang ipagawa ay walang pag dadalawahan agad natin itong susundin.
Pati nga ang lideratong ilustrado’y nabihag ng mga kolonyalista kaya nga nagkaroon ng Bell Trade Relations Act kung saan magiging pantay ang magiging karapatan ng mga Amerikano at Filipino sa pagbungkal ng likas na yaman ng ating mga kabundukan at karagatan. Sinong walang isip ang papayag na galawin ng iba ang sarili nilang tahanan? Kumbaga hinayaan mong pumasok ang ibang tao sa bahay mong napaka ganda, na pinag upunan at pinag hirapan mo tapos hahayaan mo lang na mag labas pasok ang iyong mga kapitbahay at gamitin ang mga gamit na mayroon ka. Tama bang pumayag ka na makinabang ang mga taong umalipin sayo sa yamang meron ka? Kaya mag mula palang talaga noon, napaka dali nang utuin ng ationg mga lider, mag mula noon hanggang ngayon ay mangmang na tayo hindi lang sa mga Amerikano kundi pati na din sa ibang pang mga dayuhan.
Tinanong kami ng propesor naming kung bakit ba gustong gusto tayong sinasakop ng mga dayuhan. Napaisip ako, bakit nga ba? Ang naging sagot ko dun ay siguro kasi ang dami nating likas na yaman na mura lang nila nakukuwa pero napaka ganda ng quality. Ngunit ayon sa aming propesor na kaya tayo gustong gustong sakupin ng mga dayuhan ay dahil bagsakan tayo ng kanilang mga surplus. Halimbawa nalamang dito ay ang usong uso ngayon na Japan Surplus na nagkalat sa daan. Tuwang tuwa ang mga hapon dahil itong mga surplus na ito ay basura na sakanilang bansa kumbaga itatapon na ngunit pag binebenta nila dito sa ating bansa e napaka dami pa ding tumatangkilik, kawawang mga Pilipino. Pangalawang dahilan ay ang cheap labor, napaka baba ng sahod ng mga dayuhan sa mga Pilipino pero napaka ganda ng kanilang serbisyog ibinibigay. Walang reklamo ang mga Pilipino sa mababang sweldo dahil hindi naman nila alam na sobrang baba pa pala ng kanilang sweldo, ang mahalaga lang sakanila ay sila au kumikita ng pera, may pang tutos sila sa pangangailangan ng kanilang pamilya ay ayos na. Pangatlong dahilan e ang market, ang laki kumita ng mga taga ibang bansa pag dinala na ang kanilang mga produkto dito saating bansa. Tinatangkilik natin ito kahit mahal dahil ulit, hinubog ang ating isipan na basta produkto ng mga taga ibang bansa ay maganda ang quality nito.
Simula noon hanggang ngayon, ang mga ginagamit nang materyales sa pagaaral at mga tinuturo sa eskwela ay nakabase parin sa ideyang amerikano. Hindi naman na ito nawala sa Pilipinas, kaya ang mga kabataan ngayon, ni hindi na nga yata alam kung sino si Gregorio Del Pilar, si Apolinario Mabini o kahit ang buong pangalan nalang ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Dahil mas natututunan pa nila ang kasaysayan ng ibang bansa kaysa Pilipinas. Pero alam mo, sabi ng aming propesor na accoutable din tayo sa pangyayari na ito, na kahit sobrang tagal na nung sinakop tayo ng mga Amerikano, hanggang ngayon e nakikitaan pa din tayo ng pagka Amerikano. Mag mula sa pananamit sa pananalita at kahit sa ating pamumuhay Ginawa niyang halimbawa e ang bata ngayon na nahihilig sa pag gamit ng mga gadgets. Karamihan sa mga bata na ito ay hilig manood ng mga batang nag lalaro na ang lenggwahe ay ingles. Ang tendency nito ay mas matutong mag salita ng Ingles ang bata kaysa sa Filipino. O di kaya e mas magaling pang mag Ingles ang bata kesa sa pag sasalita ng Filipino. Para sa mga hindi pa bukas ang isipan, kapag ang isang bata ay unang natutunan ang lenggawaheng Ingles, ang tingin nila agad dito ay ang batang iyon ay matalino. Hinubog kasi ang ating isipan na kapag magaling kang mag Ingles e mayaman ka o di kaya naman e magkakaroon ka ng magandang trabaho dahil karamihan sa mga kompanya sa sating bansa e isa sa mga qualifications ay dapat magaling kang mag Ingles.
7/15/19
0 notes
Text
Senado sisiyasatin ang hindi otorisadong paggamit ng credit card, online bank transactions
#PHinfo: Senado sisiyasatin ang hindi otorisadong paggamit ng credit card, online bank transactions
Senator Win Gatchalian
LUNGSOD CALOOCAN, Peb. 17 (PIA) -- Bubuksan ng Senado ang imbestigasyon hinggil sa mga mapanlinlang at hindi otorisadong paggamit ng credit card at iba pang online na transaksyon sa bangko.
Ayon kay Senator Win Gatchalian, kailangang busisiin ang mga kakulangan sa batas na dapat ay nagbibigay proteksyon sa mga konsyumer laban sa mga kawatan.
“Mula noong ibinunyag natin ang pambibiktima sa aking credit card hanggang ngayon ay hindi humihinto ang pagdagsa ng mga reklamo na natatanggap ng aking upisina mula sa mga biktima ng unauthorized online bank fund transfers at credit card transactions,” ani Gatchalian.
“Hindi alam ng mga kawawang biktima kung saan nila maidudulog ang kanilang mga hinaing. Dagdag pa dito ang kawalan ng mabilis na proseso para matugunan agad ang kanilang mga reklamo,” dagdag pa ng mambabatas.
Ayon sa Vice Chairperson ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, layon ng pagdinig na alamin ang mga hakbang na ginagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng mga bangko para masiguro ang kapakanan ng mga konsyumer.
Pinag-iisipan na ni Gatchalian na maghain ng panukala na magmamandato sa financial regulators na maglagay ng mekanismo para maproteksiyunan ang mga konsyumer at gawin itong isa sa kanilang pangunahing layunin upang matugunan nila ang mga reklamo ng panlilinlang. Ito ay para smapabilis ang pagreresolba ng mga kaso o reklamong idinudulog nila.
“Parang dalawang dagok ito para sa mga nabiktima ng unauthorized online bank fund transfers at credit card transactions. Sila na nga ang nawalan, baka mapagastos pa sila kung kailangan pa nilang dumaan sa mahabang proseso ng paglilitis na kadalasan ay hindi lang buwan ang inaabot, kundi taon.
“Maraming mga isyu na kailangang harapin lalo na doon sa aspeto ng cyber security, ang mga hamon at best practices. Ang mga bangko ang kadalasang target ng mga ganitong klaseng mga panloloko lalo na sa ganitong panahon na may pandemya kaya marapat lamang na doblehin ang security measures,” sabi pa ng senador. (PIA NCR)
***
References:
* Philippine Information Agency. "Senado sisiyasatin ang hindi otorisadong paggamit ng credit card, online bank transactions." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1067083 (accessed February 17, 2021 at 12:16PM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Senado sisiyasatin ang hindi otorisadong paggamit ng credit card, online bank transactions." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1067083 (archived).
0 notes
Text
“Branded na paaralan, branded na isipan.”
(Sanaysay na pagtugon sa ‘Kung bakit asal Mayaman si Pedro Maralita’ ni Bienvenido Lumbera)
‘Atenista yan, mahilig sa ate. Ay mali, mahilig sa Tennis? Ewan basta mayaman, yun na yon!’
La sale, Ateneo, Letran, San Beda. Paaralan ng mayaman, paaralan ng mga nakakataas, paaralan ng may mararating sa buhay, paano naman yung iba? Yun, itsapwera. Bakit ganito ang pananaw nating mga Pilipino. Bakit kapag pinaguusapan ay paaralan na pinapasukan ay may diskriminasyon. Hindi ito nagwawakas sa ating mga paaralan kundi pati na rin sa paghahanap ng trabaho ay tinitignan natin yung paaralan na pinagaralan imbis sa kurso na natapos o mga markang matataas. Kahit Cum laude o maging Summa at Summan kapa kung di ka pasok sa mga paaralang may magandang pangalan, etyas ka.
Bakit may ganitong isipan ang mga Pilipino, ang ating ginagawang pamantayan o basehan ay ang matataas na bansa para masabing tayo ay maunlad. Ang paraan ba nila ng pag unlad ay aakma din sa atin? Pare pareho ba tayo ng mga sitwasyong pinagdadaanan kaya pilit nating ginagaya ang mga paraan ng mga komersyalisadong bansa. Para tayong mga sardinas na nagpupumilit sa loob ng isang lagayan na di naman tayo ‘labeled’ para do’n. Hanggang kalian tayo magpapatuloy sa ganitong mga hakbang na paurong na imbis na pasulong? Hanggang sakupin tayo ng mga iniidolo nating mga Bansa. Opps masyadong maaga ko atang sinabi ang wakas ng sanaysay na ito. Pero hindi ba’t yun ang totoo, pilit tayong nakikinig sa mga suhestyon at opinyon ng mga taong ito na di natin napapansin na pilit nila ring binabago ang isipan natin. Anong pinagkaiba ng curriculum ng pribado o ‘branded’ na paaralan sa pampubliko o pang masa na paaralan. Magkaiba na ba ang School sa eskwelahan. Mas matalino ba ang mga ‘students’ na bunga ng mga ‘private school’ kaysa sa mga estudyante na bunga ng pampumblikong paaralan. Isang malaking kamangmangan ng mga taong hati ang pagiisip. Oo, kalahating bobo at kalahating Gago. Opps teka mukhang di na ata angkop yan sa sanaysay na ito, masyado na ata akong nagmumukhang aktibista.
Pero hindi ba’t isa naman talagang napakalaking kalokohan na mas pinipili natin ang mga produktong galing sa ibang bansa kaysa sa atin. Nagiging ika nga nila eh ‘social standard’ na natin ang pagtangkilik sa mga produktong kolonyal na kapag hindi natin ito natangkilik ay nabababa ang ating pagkatao at tulad nga ng mga pinaglalaban ng mga Marxismo eh napupunta tayo sa ‘Lower class’ kawawang mga Pinoy, maliit na nga ang karamihan, pati ang estado ng pamummuhay ay mababa din. Bakit ganito, hindi ba tayo napapaisip na isa itong pain ng mga ‘naghaharing uri’ upang panatilihin tayo na nasasakop nila, di man sa pisikal na pamamaraan na dumadanak ang dugo ngunit sa mas matinding paraan na binabago nila ang ating isipan na umakma sa uri o pamantayan nila. Isa itong malaking kamangmangan na kung ating ipagpapatuloy ay di Malabo na tayo ay magiging probinsya na lamang talaga ng mga bansang naghahari.
Pilipinas, probinsya ng mga Hapon, Kano at Chino. Goodmorning Arigato! Pwe!
0 notes
Text
Output#4: Posisyong Papel (Elijah Rabe)
Posisyong Papel: Giyera Kontra Droga
Sinu-sino ang tinutugis sa kasalukuyang kampanya kontra droga? Gaano ba kalala ang problema ng ilegal na droga sa Pilipinas? ilan na ang inaresto? ilan na ang sumuko?ilan na ang pinatay? Ang Pilipinas ay popyular bilang transit hub ng pangangalakal ng ilegal na droga sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dahil ito sa magandang puwesto ng bansa sa pagitan ng mga kontinente. Sikat sa bansa ang poor man’s cocaine, o ang shabu, at siyempre, ang marijuana. Daan-daang milyong piso ang halaga ng industriyang ito, na kinasasangkutan ng multimilyonaryong mga smuggler at drug lord mula sa iba’t ibang panig ng mundo. At dahil sa saklaw o laki na inaabot ng naturang industriya, imposibleng hindi ito alam ng matataas na opisyal ng pulisya, militar at/o gobyernong sibilyan. Sistematiko ito, at sukdulang sinasangkot pa ang kawawang kapit-patalim na mga OFW (Overseas Filipino Workers) bilang “drug mules” o tagapagdala ng droga sa ibang bansa (malay man sila o hindi).
Kaya naman hindi nakapagtataka na popular na popular ang kampanya kontra-drogang ito ni Duterte. Kahit ang Kaliwa, nagpahayag ng suporta sa naturang kampanya ng bagong pangulo. Sabi pa nga ng rebolusyonaryong New People’s Army (NPA), matagal na nitong ipinatutupad ang pagpuksa sa ilegal na droga sa kanilang mga teritoryo.
Buong puwersa nang umaarangkada ang giyera ng administrasyong Duterte kontra sa ilegal na droga. Ang sabi pa ng iba, nagsimula na ito bago pa man umupo si Pang. Rodrigo Duterte sa puwesto. Araw-araw na laman ng mga balita sa telebisyon at radyo ang mga pagpatay, pagsuko o paghuli sa adik o pusher ng ilegal na droga.
Ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay lunas ngunit sa kasabihan nga “hindi mo malalaman kung ano ang mabuti kung wala ang masama”. May mga gamot na bawal tulad ng ginagamit ng kabataan ngayon.
Mahigit 300 katao na diumano ang napatay sa “giyera kontra droga” ng administrasyon. Karamihan sa mga napaslang, mga durugista o nagtutulak ng droga na antas-kalye.
Samantala, ibinalita rin ang pagtukoy ni Duterte sa limang heneral ng Philippine National Police (PNP) na pangungunang protektor ng mga operasyon ng ilegal na droga sa bansa. Inutusan na niya umano ang National Police Commission na imbestigahan ang tatlong aktibong heneral at dalawang retiradong heneral ng PNP.
Sa pahayag nito noong Hulyo 2, sinabi ng mismong Communist Party of the Philippines (CPP) na nakikiisa ito sa pagkamuhi ni Duterte sa ilegal na droga (“My God, I hate drugs,” minsan nang sinabi ni Duterte sa isang campaign ad noong panahon ng eleksiyon). “Nagsisilbi sa pananatili ng naghaharing sistema ang paglaganap ng ilegal na droga, lalo ng shabu, gayundin ang kasabay nitong pagsirit ng bilang ng mga insidente ng marahas na krimen (sa bansa).”
Sa hanay naman ng legal na kilusang masa, itinuturing ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na “positibo” ang pagtarget ni Duterte sa mga opisyal ng PNP na sangkot sa pagpoprotekta sa industriya ng ilegal na droga. Dapat lang ito, ayon sa Bayan, dahil matagal nang pinaniniwalaan na protektor ang maraming opisyal ng pulisya at militar ng pinakamalalaking sindikato ng droga at mga kriminal sa bansa.
Para sa CPP, mahihirap ang pinaka-biktima sa paglaganap ng ilegal na droga sa bansa. “Sa kasaysayan,” ayon sa rebolusyonaryong partido, “sadyang hinihikayat ng mga naghaharing uri at mga kolonisador ang paglaganap ng droga bilang paraan ng pagpapamanhid sa pandama ng mga inaapi at pinagsasamantalahang masa. Namamanhid sila ng paggamit ng droga para di maramdaman ang matinding epekto ng kahirapan, gutom at pandarahas ng estado.”
Maikukumpara ito, marahil, sa pagpapalaganap ng ilegal na droga sa kilusan kontra sa giyera sa Vietnam at para sa pagpapalaya sa mga Aprikano-Amerikano noong dekada ’60 sa Amerika. Sa kanyang sanaysay sa Harper’s Magazine nitong Abril 2016, isiniwalat ng manunulat na si Dan Baum na may isiniwalat sa kanyang interesanteng impormasyon ang dating aide ni US Pres. Richard Nixon na si John Ehrlichman kamakailan.
Sinabi ni Ehrlichman na pinalaganap ni Nixon ang paggamit ng marijuana sa mga kalahok sa kilusang kontra-giyera sa Vietnam (tinaguriang hippies). At sa mga Aprikano-Amerikano o itim na lumalaban sa gobyerno, pinalaganap niya ang heroin.
Sa Amerika man o sa Pilipinas, lumalabas na aktibong kalahok ang mga opisyal ng militar at pulisya sa pagpapalaganap ng ilegal na droga. Ito ang mismong dahilan kung bakit pinapayuhan ngayon ng mga progresibo si Duterte na ituluy-tuloy na ang pag-iimbestiga at pagsampa ng kaso sa mga heneral, lokal na mga opisyal at mayayamang indibidwal—habang maghunus-dili sa paggamit ng kamay-na- bakal (at paglabag sa batayang mga karapatan) sa mga kriminal na antas-kalye.
Ang pilipino ay naniniwala na ang lahat ng problema may solusyon. Madugo man ang laban dahil sa giyera kontra droga nais lamang ng presidente duterte na maging ligtas ang kanyang sinasakupan ika nga niya “kaya kong maging masama, kung ang idudulot nito ay kabutihan sa aking nasasakupan”.
Works Cited
Auino, Aaron. “Anti-drug Operations.”GOVPH. Retrieved from http://pdea.gov.ph/programs-and-projects/anti-drug-operations. Web. 14 September 2017
0 notes
Text
Nang Manalo Siya
Lahat nagmumura Lahat matatapang Lahat nanlalaban Lahat malalakas Lahat alam lahat Lahat galit sa Amerika Lahat gusto ang China Lahat may opinyon Lahat nagtataas ng kamao Lahat praning sa droga
10 notes
·
View notes
Text
BAKIT KASI kung kelan papatayin na yung tao saka palang gumagawa ng aksyon yung mga dapat gumawa ng aksyon, parang project mo na deadline na bukas eh ngayon mo pa lang gagawin. Tapos pag pumalpak, isisisi sa iba, tapos pag lumusot, everyone takes credit! Bakit kasi kahit 7.50 na lang ang ariel eh mahirap pa ring bumiyahe sa mrt! Yoko na gulo nyo!
0 notes