daniellexramos
euphoric sun
10 posts
stay focused •
Don't wanna be here? Send us removal request.
daniellexramos · 5 years ago
Text
Social Movement
          ”Ipasara na yang PUP pugad yan ng mga aktibista” ”Pinag aaral kayo ng gobyerno ganyan ginagawa niyo?” “Bakit kasi hindi nalang sumunod yang mga estudyante na yan,” at kung ano anong masasakit sa mata at masasakit sa damdamin ang nabasa ko nung huling nag protesta ang mga kapwa ko PUPian hingil sa “handbook revision”.
          Ayon kay Tujan hindi lang pag aaksaya ng oras ang isang “social movement” kundi ito ay may napaka laking ambag sa ating kasasayan. Tulad na lamang ng nangyari sa People Power 2, kung saan nag tipon tipon ang mga estudyante, aktibista at mga personalidad sa paligid ng EDSA SHRINE upang magprotesta at patalsikin si Pangulong Joseph “ERAP” Estrada. Naging epektib ito upang mapatalsik ang dating presidente, ngunit hindi siya mapapatalsik kundi dahil sa mga bukas ang isipan at produkto ng transformative education.           Sa palagay kasi ng mga “konserbatibong pilipino” ang pag pporotesta ay isang kaaksayahan lang ng oras at hindi dapat ito dinadaan sa ganoong paraan, parang ang gusto nila e tanggapin nalang natin ng tanggapin kung ano yung binibigay ng gobyerno saatin kahit na hindi na ito “fair”.
          Noong hinid pa ako nag aaral sa PUP at naka papanood ako ng balita na nag lalaman ng mga taong nag rarally ang iniisip ko lang dati sakanila ay mga taong nag sasayang ng pagod, oras at pera kasi kahit na anong gawin nila e binobomba lang naman sila ng tubig at hindi pinapakinggan ng gobyero pero ngayon alam ko na, na kahit hindi sila pinakikinggan ng gobyerno, may mga iilang tao pa din na nakikinig sakanila at nabubuksan ang pag iisip o nagiging aware sa kung ano ang dahilan ng kanilang pag protesta. Kumbaga nagiging “eye opener” sila. Bali sila ang mga pumupuksa sa mga taong nasa itaas na nag hahari-harian, at sila na din ang lumalaban para sa mga taong nasa ibaba na nag bubulag bulagan at nag bibingi bingihan.          Swerte na nga aming henerasyon dahil sabi ng aking propesor available daw yung idea na mapatalsik yang mga salot na yan, dahil na rin siguro sa “educational power” kaso nga lang mas dominant talaga yung nag papakain ng kamangmangan dahil nasakanila lahat ng mga armas, andyan ang telebisyon, dyaryo at kung ano ano pa kaya naman hindi talaga nag babago ang ating bansa. Ang sabi nalang saamin para may magawa kami upang mabago ang stigma ng mga tao e unti unti namin buksan ang kani kanilang mga pag iisip sa paraan ng pag babahagi ng aming mga nalalaman patungkol sa kung ano na ba talaga ang lagay ng ating bansa at kung ano pa ang mga pedeng gawin upang mabago ito.         Sabi nga po ulit ng aming propesor “Kapalaran Ng Bayan Nasa Kamay Ng Matatalino” 10/17/19
0 notes
daniellexramos · 5 years ago
Text
Transformative Education
          Doon sa unang unang blog na aking ginawa na may pamagat na “Misedukasyon” natalakay ko dun yung mga batang ininterview na tinanong sila ng nag iinterview kung bat sila nag aaral. Ang kanilang mga sagot ay “para mayroon akong kinabukasan” “para matupad ang pangarap”. Ang iba naman kung iyong tatanungin sinasabi nila na ang edukasyon lang ang natatanging mapapamana nila para sakanilang mga anak o ang edukasyon ang magiging sandata nila sa mundong mapang api.
          Napaka raming kahalagahan ng edukasyon pero sa ating bansa, pag tayo ba ay nag aral talaga nga bang uunlad tayo sa ating mga buhay? Matutupad ba talaga ang ating mga pangarap? O magiging alipin lang tayo sa mga taong nasa itaas? Nag aaral ba tayo para pag silbihan sila o para tayo ay maging produktibo at progresibo?
          Nabanggit sa babasahin ang Challenge to Education, kung saan dito tinuturuan ang isang mamamayan na magkaroon ng pake sa kung ano na ba talaga ang nangyayare sa ating bansa, kasi kadalasan sa mga estudyante ngayon e mas kabisado o alam nila ang periodic table na hindi naman nila magagamit sa pag papaunlad ng kanilang buhay at bansa kaysa sa kung ano na ba talaga ang kalagayan ng ating bansa. Animo nag aaral kami para maging isang empleyado na lalong mag papalakas sa globalization at lalong mag papayaman sa mga taong likas nang mayaman. Nabanggit din ang Challenge for Social Transformation kung saan tuturuan tayo dito na mapahalagahan yung social commitment, social awareness at social consciousness. Susunod naman na ang transfromative education kung saan hindi na dapat puro pag mememorize ng laman ng libro ang tinuturo sa mga bata kundi nag ppokus na dun sa kung ano yung kailangan malaman nila tungkol sa bansa. Dapat pinapaunlad na ang kritikal na pag iisip ng studyante, kung saan dapat alam na nila kung ano yung tama o mali, alam nila dapat kung kelan sila naabuso na, alam nila dapat kung anu ano ang mga karapatan na dapat sakanila ngunit pinag kakait ng mga nasa itaas. Dapat din paunlarin ang kanilang social awareness, social consciousness at social commitment kung saan hindi porket nakapag tapos na sila ng kanilang pag aaral e mag ttrabaho na sila sa ibang bansa sapagkat mas malaki ang sweldo doon, dapat matutunan nilang matulungan ang sarili muna nilang bayan bago ang bayan ng ibang bansa.. Ang lahat ng ito ay mag sisimula sa mga guro at sa paaralan, ngunit mag babago lang ang lahat ng ito kung mababago natin ang sistemeng elitistong pamamalakad ng mga nasa itaas.           Natalakay din sa babasahin ang “Classroom without Walls” kung saan ayon kay Tujan dapat daw hindi lang nakakulong sa apat na sulok ng silid ang mga estudyante, dapat daw ay pinalalabas ang studyante at pinaparanas o pinapkita sakaniya kung pano nga ba talaga umiikot ang mundo. Dapat ipakita sakanila hindi sila papayamanin ng pagka memorize nila ng periodic table. Dapat maransan nila ang kahirapan sa labas ng kanilang silid upang matutunan nila kung ano nga ba talaga ang dapat pag aralan.           Habang binabasa ko itong babasahin na ito ay talagang nakakaexcite dahil kung mapapatupad ito, talagang magiging progresibo ang ating bansa pero habang binabasa ko rin ito naiisip ko na sobrang imposible na mapatupad ito dahil alam ko na hindi papayag ang mga nasa itaas na magkaroon tayo ng mga malay sa kung ano ba talaga ang nangyayari sa ating bansa at kung ano ba ang ating mga karapatan as Pilipino. Dahil pag natutunan natin ang mga ito, tiyak ang mga nasa itaas ay talagang iikot ang mundo. 10/17/19
0 notes
daniellexramos · 5 years ago
Text
Literatura Ng Uring Anak-Pawis
          Itong babasahin na ito ay tungkol naman sa ibat ibang mga manunulat noong unang panahon at kung pano minaliit ang gawang Pilipino. Napaka rami ng manunulat kahit dati pa ngunit hindi lang talaga sila nabibigyan ng atensyon dahil basta gawa ng mga Pilipino at ito nasa lenggawaheng Pilipino ay hindi pinapansin ng karamahan dahil sa kanilang palagay ay wala naman itong kwenta at ika nga ng mga kasing edad ko ito ay “BORING”. Dahil na rin siguro sa kadahilanan na pag gawa ng isang Pilipino ito ay patungkol sa estado ng ekonomiya ng ating bansa, kung pano niyuyurakan ng mga nasa itaas ang pagkatao ng mga nasa baba at kung pano pa sila ibinababa. Pero kapag gawa ng mga taga ibang ibang bansa ay nako massold out pa ito dahil isa itong “love story” na may tatlong parte kung saan kung hindi mo babasahin ang kasunod na libro ay para kang hindi nakakain sa isang buong araw, hindi ka mapapakali.
          Pero kahit na kakaonti lang ang nag babasa ng mgababasahin ng mga Pilipino noon ay tuloy pa rin sila sakanilang pag susulat hindi dahil sa gusto lang nila o dahil ito ay kanilang nakasanayan na kundi sakanilang palagay isa itong instrumento para labanan ang kahirapan. Pag pasok ng taong 60s - 70s unti unti ng nabibigyan ng pansin ang literatura ng mga anak pawis at dun na nag simula na magkaroon ng malay ang iba pang mga tao at mahikayat na mag sulat din na may katulad na genre. At halimbawa na nga ng ganitong sulatin ay ang “Literatura Ng Uring Anak-Pawis” na isinulat ni Rogelio L. Ordonez na ating tinatalakay ngayon.           Napakarami ng magagandang palabas, pelikula at babasahin sa ating panahon ngayon na talagang pag malungkot ka mapapasaya ka naman talaga, pag gusto mo maging malungot mapapalungkot ka naman talaga at kapag gusto mo magalit e talagang magagalit ka. Napaka galing mga kapitalista diba? Paulit ulit kong sinasabi, isa lamang itong paraan ng mga swapang na kapitalista upang ilihis sa ibang landas ang ating atensyon. Kung saan talagang napaka epektibo dahil kapag tayo ay nanonood na ng isang teleserye mas sinusubaybayan pa natin ito kaysa sa balita pero kahit naman manood tayo ng balita e parang isa nalang din itong teleserye, puno ng kalokohan. Isa pang sakit na pinupuksa ng mga literatura ng uring anakpawis ay ang mga nasa taas na pinapaikot lang ang mga ulo ng mga nasa ibaba sa paraan ng pag papasunod sa kung paano sila mamuhay. Dahil sa ganitong paraan hindi nila kkwestiyunin kung bakit kahit na anong pagpapakapagod nila sakanilang trabaho e hindi pa rin sila umuunlad at ang ating bansa.
          Hindi namang masama na tayo ay nahihilig sa panonood at pag babasa ng mga nakakapag bigay aliw sa ating mga sarili, ang masama lang e ginagawa natin itong parang droga kung saan ginagamit ito upang mawalan ng paki at kalimutan kung ano ba ang totoong problema na kinakaharap nating mga Pilipino at ng ating bansa. Wag nating hayaan na maging mapurol ang ating utak dahil lang sa mga pinapakain na “aral” ng ating mga pinapanood. Palaging tatandaan “The more nagiging bobo at atrasado ang isang Pilipino patungkol sa isyu ng kaniyang bansa, the more kita para sa mga swapang na kapitalista”.
          Kaya naman umaasa ako na sa pag dating ng panahon, gamit ang mga literaturang ito kasama na din kaming mga kabataan na maagang namulat ang kaisipan sa ganitong mga pangyayari sa bansa, ay magtulong tulong upang isang araw ang lahat ng Pilipino ay may pantay pantay ng karapatan at nasasakamay na nila ang kanilang mga pangangailangan. 9/18/19
0 notes
daniellexramos · 5 years ago
Text
Ang Kabastusan ng mga Filipino
          Sa lahat ng kailangan naming basahin ngayong semestre sa Filipinolohiya, ito na ata ang pinaka mahaba at pinaka may malalalim na teksto. Kahit ilang beses ko na siyang binasa, naaka layo pa din ng aking pagkakaintindi sa diskurso ng aming propesor.
          ���Son of a bitch”, “Mother fucker”, “Putangina” at kung ano ano pang may ina. Hindi ba kayo napapaisip na sa karamihan ng mga mura palaging ina nakadikit? Kung saan ang ina ay isang babae. Wala namang tang ama diba? Ang meron lang “Pataasan ng ihi” at “Pitpitan ng bayag” kung saan hindi naman binababa ang kanilang pagka lalaki diba? Kung hindi nag papayabangan pa.
          Sa pamilya namin kahit kailan hindi ko naramdaman yung sinasabi sa diskursosyon na “patriarcal” kahit na yung tatay ko ay nasa ibang bansa at yung nanay ko ay isang house wife. Napaka swerte ko na siguro na hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang yun not until napaag aralan namin nung highschool sa TLE. Hindi ko din nararamdaman na ang baba ng tingin sakin ng pamliya ko dahil lang isa akong babae. Ngunit nung tinalakay namin ito sa klase, napagtanto ko na napakarami na palang pangyayari na aping api ang mga babae dahil lang sila ay isang babae. Bigyan ko kayo ng sample na naririnig ko sa mga jeepney driver pag mabagal yung sasakyan na nasa unahan namin, “Ay ang bagal naman palibhasa kasi babae”. Ano kayang kinalaman ng pagiging babae sa pag mamaneho ng sasakyan? Grabe mang judge ha. Meron pa, “Ang galing mo naman mag tiklop ng damit babae ka kasi e”. May pang pupuri pero sinasabi niya na din na ang babae ay magagaling talaga sa mga gawaing pang bahay. Lahat tayo nakapag aral na ng HIStory diba? Kahit dun ang ganap lang ng babae ay kundi parausan, taga bantay ng anak ng hari o dikaya naman laman lang palagi ng bahay. Hindi ba kayo naccurious kung may oras ba o panahon na hindi naging mababa ang tingin ng mga lalaki sa babae? Sabi ng aming propesor maroon daw libro si Frederich Engles na kaibigan ni Karl Marx kung saan tinalakay doon kung gaano makapangyarihan ang mga babae noong unang unang panahon.
          20th century na ngayon, wala ng racism sa mga maiitim at mapuputi, tanggap na ang mga lgbt sa komunidad pero hanggang ngayon hindi pa din matapos tapos ang pagka patriarchal ng ating mundo. Ang nakakalungkot dun dahil nga yun at yun nalang ang nag papaikot sa ating mundo kahit ang mga babae ay nagiging utak patriarchal na din exaple nalang neto ay yung lola ng aking propesor kung saan sinabi sakanya na mag asawa na siya nung nakita na nag lalaba siya ng kaniyang mga damit. Diba? Ang ibig sabihin nito ay ang pag lalaba ay para sa mga kababaihan lamang.
          Maganda talaga na may mga feminista na ngayong para kahit papaano ay mabawasan ang kabastusan ng mga Pilipino, ngunit syemprekakaialnganin ng matagal na panahon upang mabago ang mga nakagawian na ng mga Pilipino. Dahil na din siguro sa matagal na resulta ng mga ginagawa ng feminista kaya nagkakaroon na ng mga Radikal na Feminista kung saan naniniwala sila na ang pagkakaroon ng pamilya ang sanhi ng pagkaalipin sa mga kababaihan kaya naman dapat ay puksain na ito palitan nalang ng “clan”. Mahabang diskursosyon pa ito pero sana lang wag nang umabot pa sa ganoong pangyayari para lang mabago na ang tingin ng karamihan sa mga babae. Bahala kayo boys, kayo din ang magiging walang kwenta pag napuksa na sa mundo ang pamilya.
9/12/17
0 notes
daniellexramos · 5 years ago
Text
Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang Idolo”: Apat na Pag papahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino
          Napaka tindi na ng pagka humaling ng mga Pilipino sa mga pelikula, syempre nga naman nakakatanggal o di kaya nakakabawas to ng stress diba? Idagdag mo pa na yung gumaganap na aktres o aktor ay yung hinahanggaan mo. Kaya dahil dito hindi natin napapansin nagiging bulag na tayo sa mga negatibong epekto nito sa ating pamumuhay at pagkatao.
          May apat na negatibong pagpapahalagang masasabing pinakalaganap, at pinakamapinsala na binanggit sa teksto ni Nicanor G. Tiongson na Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang “Idolo”: Apat na Pagpapahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino. Ito ay Maganda nag Maputi, Masaya ang May Palabas, Mabuti ang Inaapi at Maganda Pa ang Daigdig. Hindi natin napapansin napakalaki na ng impluwensiya nito sa atin sapagkat ito ang humubog at patuloy na humuhubog sa ating mga pag iisip.
          Maganda ang maputi. Sa literal na kahulugan ang ibig daw sabihin nito ay “Finding beauty not within the locality but usually influenced by other nations’s characteristics.” ang ibig sabihin lang nito ay ginagawa nateng basehan ng pagiging maganda yung mga taong taga ibang bansa o ng ibang tao. Tanda niyo ba yung mga patalastas na hinihikayat kayong bumili ng mga pinapahid sa katawan na nakaka puti? Kung papanoorin mo yun para lang siyang normal na patalastas na nang hihikayat na bilhin niyo ang kanilang productive, pero sa pag tagal marrealize mo na parang nagiging normative na yung patalastas. Di naten napapansin na ang mensahe na nung patalasta ay bumili kayong mga maiitim ng produkto kong ito kasi mga maiitim kayo, mga panget kayo. Kung ang isang babae ay magiging kamuka ng imahe ni mama mary na pinakilala saatin ng mga espanyol, tiyak siya ay hahangaan ng napaka raming tao. Kung ang isang tao ay mukang dayuhan ay maganda ito? Pero pano naman ang muka ng mga Pilipina na pango ang ilong, makakapal na labi, kulot na buhok at kayumanggi ang kulay. Salungat na salungat sa “standards” ng isang magandang babae.           Masaya ang may palabas. Talaga nga namang masaya ang may palabas at syempre masaya din pag may palabas. Ang pinaka bagong palabas na pakana ng telebisyon ngayon ay ang love triangle nila Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Baretto ay love square pala dahil kasama ang sinasabing niloko na si Joshua Garcia. Alam na alam ko diba? Ichat niyo ko kayang kaya ko pa ulitin kung ano yung mga linya na binitawan ni Bea at Julia na akala mo nasa teleserye sila. Alam na alam ko yang ganyang mga bagay pero tanungin mo ko sa kung anong alam ko about sa nangyayare sa ating bansa, wala akong masasagot hahaha. At kung isa ka din sa taong katulad ko na mas may alam sa nangyayare sa buhay ng ibang tao kaysa sa nangyayari sa ating bansa, wag ka mag alala hindi lang tayo ang may kasalanan kung baket naging ganto tayo. Nag tagumpay ang abs sakanilang binabalak, ang pag takpan kung ano na nga ba talaga ang nangyayari sa ating lipunan. Ganto kasi yan, mag babalita sila ng mga kagagawan ng ating gobyerno kasi “kailangan” malaman ng mga tao, lalo na kung kritikal ang bagay na ito. Makatapos nilang ilabas ang balita na papanget na ng papanget ang ating bansa tsaka naman mag papasok ang isang kumpanya ng kung ano anong chismis na tiyak mas gugustuhin malaman ng karamihan ng tao. Sa ganoong paraan hindi na mapag ninilay nilayan ng mga Pilipino kung ano o kung gano na ba talaga kabasura ang sistema sa ating bansa. Marrealize lang nila ito kapag mawawalan na sila ng kakainin o ng titirahan. Tsaka sila mag tatanong kung baket may ganong pangyayari at baket wala silang alam. Yun pala sinabi naman na sakanila yun nga lang mas nagakaroon sila ng pake sa buhay ng ibang tao.
          Mabuti ang inaapi. “God blesses those who are poor and realize their need for him, for the Kingdom of Heaven is theirs”. Katoliko ako pero nung sinabi ng prof na may gantong bible verse napaisip ako, kaya naman pala napaka raming mayayaman sa ating bansa at napaka raming mahirap ay dahil sa bible verse na yan. Sinasabi mo sa mga tao na wag na mag sumikap mabbless naman ang mga mahihirap kapag namatay sila andun ang totoong saya sa buhay. Itong katagang ito ay tila ba nag tuturo sa mga tao na wag ng lumaban at tanggapin nalang kung ano ang buhay na binigay sakanila ng Poong Maykapal.
          Maganda pa ang daigdig. Sa mga teleserye na palaging may happy ending tulad ng Princess Frog alam niyo ba na may negatibo din itong epekto sa ating pamumuhay? Isipin mo, naging palaka ka na para maging tao ka ulit kailangan may humalik sayo na totoong minamahal ka? SINONG NORMAL NA TAO ANG MAGKAKAGUSTO SA PALAKA? Sobrang imposible diba, pero tayong mga pilipino naniniwala tayo na may isang prinsesa na dadating upang pagandahin ang masalimuot nating buhay. Ayan naman ang pinapakita ng mga gantong klaseng palabas, may koneksyon dun sa pangatlo kong tinalakay, okay lang maging mahirap, okay lang wag ng lumaban sa kahirapan dahil may tao namang dadating upang sagipin tayo.
          Ganyan kamakapangyarihan ang mga nasa taas, katulad nga ng sinabi ko sa mga nauna kong blog, hindi papayag ang mga nasa taas na may makapantay sakanila o di kaya naman ay bumaba sila, kaya gagawin nila lahat kahit pa paikutin ng paikutin ang ulo ng mga tao manatili lang sila sa itaas. Kaya mag ingat ingat tayo sa mga pinapanood naten baka umaasa na din tayong sasagipin tayo ng prince charming natin.
0 notes
daniellexramos · 5 years ago
Text
Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet
          Napaka gandang pamagat diba? Mapapaisip ka talaga at gugustuhin mo na basahin ang sanaysay. Aminin man natin sa hindi napaka daling makuwa ng ating atensyon kapag may mga salitang katulad ng pagsasalsal. Pero ang salitang pag sasalsal sa sanaysay na ito ay hindi kung ano ang iyong naiisip bagkus ang ibig sabihin ng salitang ito sa ating henerasyon ay pag rarant.
          Hindi ko na kailangan pang bigyan ng kahulugan ang blog kasi pang apat na blog ko na to so technically alam na natin lahat kung ano ang ibig sabihin neto. Pero hindi natin alam kung para san nga ba talaga ang blog. Para ba to gawin nateng online diary, para isahre kung ano yung kinain natin ng oras na yun o para makapag bigay ng bago at inpormatibong mga balita. Sa panahon ngayon yung naunang dalawa ang kadalasang gamit ng pag bblog o yung pag ppost natin ng kung ano ano sa ating mga social media accounts. Aminado ako na hindi ako makailag habang nag lelektyur ang aming propesor sa harap patungkol sa mga kabataan na ang hilig hilig mag post ng kung ano ano sa social media pero irrelevant naman sa mga nangyayari sa mundo at sayang sa oras para sa mga taong makakabasa.
          Pagsasalsal sa publiko. Tinanong kami ng aming propesor bakit ba tayo post ng post ng mga kung ano anong bagay sa social media? Bakit kailangan malaman ng tao kung ano yung bagong bili mong sapatos o san ka pumunta ng araw na yun. Yung prof ko na din yung sumagot kasi tahimik na kaming lahat guilty kasi kaming lahat. Sabi niya nag nanasa daw tayo ng koneksyon sa ibang tao at desperado tayo na mabigyan nila tayo ng atensyon. Na saaking palagay napaka delikado nap ag ang isang tao ay naging desperado sa atensyon tulad na lamang ng halimbawa dito sa sanaysay na pag hostage ni Ferdinand Angel sa isang anim na taong gulang sa simbahan noong 1996 dahil gusto niyang mag kumpisal ngunit hindi siya pinapansin ng mga pari dahil siya ay nakainom.
          Sa aking palagay napaka laking tulong na ng blog o ng kahit na anong social media sa panahon ngayon. Para sa taong katulad ko na talagang active sa social media, masasabi ko na malaki ang tulong nito hindi lamang sa re-repress ng nararamdaman ng isang tao, maaari din itong gamitin upang makahingi ng tulong emotionally, spiritually at financially.          
          Pero sa pag tagal nga ng panahon tila unti unti nang nawawala yung pader sa pagitan ng mga bagay na dapat pinopost natin sa public at mga bagay na hindi na dapat na natin ipaalam sa iba. Kaya dapat bawas bawasan na natin ang pag ppost ng mga kung ano ano, pag nag away kayo ng jowa mo sarilihin mo nalang o dikaya ichat mo nalang ang kaibigan mo wag mo nang ipaalam saamin wala naman kaming pake unless gusto mo na mamatay.
          Hyperreality. Ang hyperreality ay isang sistema ng pag tingin natin sa mga bagay o produkto na may pinag gayahan pero nagiging mas maganda pa siya dun sa orihinal na produkto. Kape na walang caffeine, Coke na walang asukal, Sigarilyo na walang nikotin at balita na mas mahaba pa ang patalastas kaysa sa mismong palabas. Alam niyo yun kung ano yung mas importante sa pag tagal ng panahon sila na yung nawawala. Kung ano yung mas gusto ng tao yun nalang yung gagawin ng mga kapitalista parang nawawala na yung totoong sense ng isang bagay. Kumbaga kung saan kumikita ng pera yun na ang importante.
7/26/19
0 notes
daniellexramos · 5 years ago
Text
Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan
         Para sa mga taong hindi naman kagalingan sa Ingles at sa tingin nila e ang bobo bobo na nila, para sakanila na ata itong sanaysay na ito. Katulad ko hehe. Natatandaan ko noon nung grade 2 ako pinagawa kami ng essay na pinapakilala naming an gaming sarili at pamilya sa lenggwaheng Ingles. Tandang tanda ko na sinabi ng teacher ko noon na yung isa kong classmate puring puri ng aming teacher na ang tali talino daw dahil magaling siyang mag Ingles samantalang ako, kumuwa siya ng isang sentence sa sanaysay ko at sinabi sa klase na kung ano ano lang isinusulat hindi naman tama ang grammar. Kumbaga MEMA. TAMA BA YON? Hindi niya man pinangalanan na sanaysay ko yun pero alam ko na akin yun. Simula nung araw na yun hanggang nung isang araw, isa sa mga naging basehan ko na ng katalinuhan ay ang pagiging marunong mag salita ng Ingles. Kaya naman makatapos ako mapahiya sa klase nung ako ay grade 2 nag sumikap na ko maging magaling sa Ingles para di na ko masabihan ng mema.
        Pero nang dahil sa sanaysay na ito nabigyan nanaman ng linaw ang aking isipan na hindi dapat gawing basehan ng katalinuhan ang lenggwahe o gawin itong batayan ng estado ng pamumuhay ng isang tao.
        Sa panahon ngayon napaka rami ng Grammar Nazi o ang tao na palaging pumupuna sa paggamit ng wika ng iba. Akala mo kung sinong magagaling na at minsan tatawagin ka pang bobo. Dito lang ata sa ating bansa big deal pag di ka marunong mag Ingles. Pero hindi naman maipagkakala na susi talaga ang Ingles para maconnect tayo sa ibang parte ng mundo. Ngunit wag sana nating gawing basehan na pag marunong mag Ingles ang bansa, maraming turista na ang pupunta sa atin at magiging mayaman na ang bansa.
        Halimbawa na lamang ng bansa na hindi naman kagalingan sa Ingles ngunit mayaman na bansa ay ang Thailand. Dinescribe nga ni Conrado de Quiros ang bansang Thailand na tigre samantala ang Pilipinas naman ay isang basang sisiw lamang. Pag pumunta ka sa bansang Thailand ay mahihirapan ka dahil una hindi mabasa ng maayos yung mga naka sulat dun kasi nga parang mga noodles sila para sa karamihan at pangalawa sa 10 tao dun isa lang ata and marunong mag Ingles, hindi pa ganon kabihasa. Pero kahit na ganon ang bilang ng turista sa kanilang bansa ng isang buwan ay bilang ng turista sa ating bansa ng isang taon. Pero bakit kaya kahit marunong naman tayo ng sinasabi nilang “universal language” kakaonti pa din ang turista na pumupunta saatin kumpara sa ibang bansa?
        Ang hirap kasi saating bansa hindi lang nating ginagawang pang komunikasyon ang wikang Ingles kundi ginagawang paraan para makapaghari at magkaroon ng kapangyarihan. Pinasok nanaman sa isipan ng mga Pilipino na kapag marunong ka mag Ingles makakarating ka sa taas o magiging successful ka pero pag di ka marunong mag Ingles, hindi naman sa minamaliit ko pero magiging kargador ka lang sa palengke.
        Alam niyo ba kung sino nanaman ang dahilan bakit nagkaroon ng ganitong mentalidad ang mga Pilipino? Walang iba kundi ang ating mga “bayani” na mga Amerikano. Noong sinakop tayo ng mga Espanyol hindi nila tayo tinuruan ng kanilang lenggawahe dahil sakanilang palagay kapag natutunan natin ang lenggwahe nila magiging kapantay na natin ang kanilang katalinuhan. Kaya sila nalang ang nag aral ng ating lenggwahe ngunit hindi ganon ang pag iisip ng mga Amerikano. Nung dumating sila dito sa ating bansa pinilit nilang ipasok sa ating kokote na kapag hindi ka marunong mag Ingles ikaw ay bobo. Dahil mapride ang mga Pilipino at ayaw matawag na bobo, nag sumkipag sila upang matutunan ang salitang Ingles. Hindi man sila natawag na bobo pero sila naman ay mga uto uto.
        Alam niyo rin ba na kahit hindi marunong mag Ingles ang mga tiga Japan o Thailand, ay kahit kelan hindi sila nadescribe sa mga pelikula na isang katulong o muchacha lang. May nabasa ako dati na may isang bansa daw na ang tingin nila sa mga Pilipino o Pilipina ay puro mga katulong lamang.  Si Einstein, hindi magaling sa Ingles pero binasagang Genius. Mapatao man o bansa ay napaka rami nang successful kahit hindi sila marurunong mag Ingles.
        Kung matututunan lang ng ating bansa na magkaroon ng panindigan at matutunang pahalagahan ang kung ano ang meron tayo siguro magiging malakas, mayaman at isa ang ating bansa
7/25/19
Tumblr media
0 notes
daniellexramos · 5 years ago
Text
Edukasyon Para Sa Iilan: Kung Bakit Asal-Mayaman Si Pedrong Maralita
               Sabihin mo kung sino ang mga kaibigan mo, at sasabihin ko kung sino ka. Sila ba ay nag aaral at umiinom ng mga mamahaling kape sa starbucks? Sila ba ay may mga updated na gadyet mula sa apple na iPhone Xs, Xs Max, Ipad at MacBook? Kung ganiyan nga ang iyong mga kaibigan, marahil ikaw ay mayaman din o di kaya, ay nag aasal mayaman ka lang at isa ka sa mga Pilipino na nag hahangad ng mga ganitong bagay.
               Nakaugalian na nating mga Pilipino ang wag bigyan ng pansin kung ano ang meron tayo at mag hanap ng mga bagay na wala tayo. Alam mo yun, kahit na alam natin sa sarili natin na hindi naman natin kaya magkaron ng ganong bagay, ipipilit pa din natin ng ipipilit makasunod lang tayo sa uso o sa lenggwahe ng aming henerasyon, para lang kami ay maging trendy. O di kaya naman para madescribe tayo ng iba na tayo ay rich kid.                Pero saan nga ba o sino nga ba ang dahilan bakit naging ganito ang ating basihan. Babalik at babalik lang tayo sa ating mga tinuring na mga “BAYANI”, ang mga Amerikano. Sila ang nag pakain sa ating mga isipan na kapag may ganito kang gamit ay cool ka o di kaya ay pasok ka sa uso. Kapag ikaw ay naka MacBook mataas na ang magiging tingin sayo ng mga tao dahil ikaw ay mayaman. Ang hindi nila alam ay kinailangan mo ng dalawang credit cards para lang mabili mo yung laptop dahil hindi na sapat ang credit limit ng isa mong credit card at kinailangan mo pa ng isa pang card para lang mabili ang iyong luho.
               Babalik at babalik tayo sa mga una kong naisulat na blog kung bakit ang laki ng impluwensya ng mga kano saatin. Alam na alam na natin to e diba? Sinakop tayo ng mga Espanyol, pinahirapan, hindi binigyan ng karapatang pantao, hindi pinag aral at kung ano ano pa. Kaya nung dumating ang mga “bayani” nating mga Amerikano, at pinaulanan tayo ng mga mabubulaklak na salita, ay agad naman nating binigay ang ating tiwala na sila na ang mag papaunlad ng ating bansa. Sila ang mag aahon saatin sa mapait na ating nakaraan. Ngunit dahil tayo nga ay desperada nang maging maangat na bansa ay hindi natin napansin na ginagamitan na tayo ng Amerikanisyason o Hegemony. Sa literal na meaning ang hegemony ay intellectual and moral leadership kung saan tinuruan tayo ng tinuruan ng mga mananakop na to na maging katulad nila di lang mag isip kundi maging asal Amerikano.
               Ito ang dahilan kung bakit nag-aasal mayaman si Pedrong Maralita—ginagawa nating mga idolo ang mga dayuhan, sa paniniwalang sila ang pamantayan sa pagkamit ng magandang buhay. Maraming mga Filipino ang nagpupumilit na makapasok sa mga pribadong paaralang pantanging tulad ng Ateneo, La Salle, St. Paul University at iba pa dahil sa perspektibong pinalunok sa atin na sa mga paaralang ito lamang nag mumula ang mga napupunta sa itaas. Naiwawalang-bahala natin ang katotohanan na kaya sila napupunta sa taas ay dahil nandoon naman na talaga sila sa itaas. Hindi na nila kailangang magpursigi at magsipag dahil sa umpisa pa lamang ay may puwesto na sila doon.
               Pinipilit ipasok sa isipan natin ang mga ganitong modelo ng edukasyon kaya naman nasabi na ito ay angkop para sa iilan subalit pinalalaganap sa karamihan. At ayun na nga kaya nag aasal mayaman si Pedrong Manalita. Pinasok ng lipunan sa kaniyang isipan na kapag naging katulad siya ng mga galing sa mga pribadong paaralan ay magiging maganda ang kaniyang kinabukasan at makakamit niya ang rurok ng tagumpay.
               Ang mga tao nakatulad ni Pedro Manalita na asal mayaman ang mag papabago sa ating lipunan. Dahil sila ang unang makakakita na hindi sapat ang edukasyon para tayo ay magkaroon ng maginhawang buhay. Sila ang mag papalaganap na isa lamang kasinungalingan ang magkaroon ng maginhawang buhay ng dahil sa edukasyon. Sila ang mag sasabi na hindi tayo itatawid sa hirap ng edukasyon bagkus, lalo lang natin pinapayaman ang mga taong mayayaman at lalo lang natin pinahihirap ang likas ng mahirap. 7/25/19
Tumblr media
0 notes
daniellexramos · 5 years ago
Text
Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin
               Simula elementarya napag aaralan ko na ang kasaysayan ng ating bansa. At mula din elementarya hanggang unang taon ko ng kolehiyo, tinuring ko na bayani ang mga Amerikano. Akala ko noon iniligtas nila tayo sa lahat ng gusto manakop sa ating bansa. Ngunit ang mga nasabing “bayani” ng ating bansa ay sinakop ang ating isipan at nilihis ang ating mga paniniwala bilang isang Pilipino.
               Sa mahabang panahon puro kasinungalingan ang ipinapasok ng mga Amerikano sa ating isipan. Iniisip ng mga Pilipino na may utang na loob tayo sakanila kasi nga “niligtas” nila tayo kaya buong puso natin tinatanggap ang kung ano man ang ituro nila satin. Kung ano ang ipagawa ay walang pag dadalawahan agad natin itong susundin.  
                Pati nga ang lideratong ilustrado’y nabihag ng mga kolonyalista kaya nga nagkaroon ng  Bell Trade Relations Act kung saan magiging pantay ang magiging karapatan ng mga Amerikano at Filipino sa pagbungkal ng likas na yaman ng ating mga kabundukan at karagatan. Sinong walang isip ang papayag na galawin ng iba ang sarili nilang tahanan? Kumbaga hinayaan mong pumasok ang ibang tao sa bahay mong napaka ganda, na pinag upunan at pinag hirapan mo tapos hahayaan mo lang na mag labas pasok ang iyong mga kapitbahay at gamitin ang mga gamit na mayroon ka.  Tama bang pumayag ka na makinabang ang mga taong umalipin sayo sa yamang meron ka? Kaya mag mula palang talaga noon, napaka dali nang utuin ng ationg mga lider, mag mula noon hanggang ngayon ay mangmang na tayo hindi lang sa mga Amerikano kundi pati na din sa ibang pang mga dayuhan.
                 Tinanong kami ng propesor naming kung bakit ba gustong gusto tayong sinasakop ng mga dayuhan. Napaisip ako, bakit nga ba? Ang naging sagot ko dun ay siguro kasi ang dami nating likas na yaman na mura lang nila nakukuwa pero napaka ganda ng quality. Ngunit ayon sa aming propesor na kaya tayo gustong gustong sakupin ng mga dayuhan ay dahil bagsakan tayo ng kanilang mga surplus. Halimbawa nalamang dito ay ang usong uso ngayon na Japan Surplus na nagkalat sa daan. Tuwang tuwa ang mga hapon dahil itong mga surplus na ito ay basura na sakanilang bansa kumbaga itatapon na ngunit pag binebenta nila dito sa ating bansa e napaka dami pa ding tumatangkilik, kawawang mga Pilipino. Pangalawang dahilan ay ang cheap labor, napaka baba ng sahod ng mga dayuhan sa mga Pilipino pero napaka ganda ng kanilang serbisyog ibinibigay. Walang reklamo ang mga Pilipino sa mababang sweldo dahil hindi naman nila alam na sobrang baba pa pala ng kanilang sweldo, ang mahalaga lang sakanila ay sila au kumikita ng pera, may pang tutos sila sa pangangailangan ng kanilang pamilya ay ayos na.  Pangatlong dahilan e ang market, ang laki kumita ng mga taga ibang bansa pag dinala na ang kanilang mga produkto dito saating bansa. Tinatangkilik natin ito kahit mahal dahil ulit, hinubog ang ating isipan na basta produkto ng mga taga ibang bansa ay maganda ang quality nito.
                 Simula noon hanggang ngayon, ang mga ginagamit nang materyales sa pagaaral at mga tinuturo sa eskwela ay nakabase parin sa ideyang amerikano. Hindi naman na ito nawala sa Pilipinas, kaya ang mga kabataan ngayon, ni hindi na nga yata alam kung sino si Gregorio Del Pilar, si Apolinario Mabini o kahit ang buong pangalan nalang ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Dahil mas natututunan pa nila ang kasaysayan ng ibang bansa kaysa Pilipinas. Pero alam mo, sabi ng aming propesor na accoutable din tayo sa pangyayari na ito, na kahit sobrang tagal na nung sinakop tayo ng mga Amerikano, hanggang ngayon e nakikitaan pa din tayo ng pagka Amerikano. Mag mula sa pananamit sa pananalita at kahit sa ating pamumuhay Ginawa niyang halimbawa e ang bata ngayon na nahihilig sa pag gamit ng mga gadgets. Karamihan sa mga bata na ito ay hilig manood ng mga batang nag lalaro na ang lenggwahe ay ingles. Ang tendency nito ay mas matutong mag salita ng Ingles ang bata kaysa sa Filipino. O di kaya e mas magaling pang mag Ingles ang bata kesa sa pag sasalita ng Filipino. Para sa mga hindi pa bukas ang isipan, kapag ang isang bata ay unang natutunan ang lenggawaheng Ingles, ang tingin nila agad dito ay ang batang iyon ay matalino. Hinubog kasi ang ating isipan na kapag magaling kang mag Ingles e mayaman ka o di kaya naman e magkakaroon ka ng magandang trabaho dahil karamihan sa mga kompanya sa sating bansa e isa sa mga qualifications ay dapat magaling kang mag Ingles.
7/15/19
0 notes
daniellexramos · 5 years ago
Text
Misedukasyon
Bakit nga ba nag aaral ang mga Pilipino? Para hindi masabihang mangmang, bobo o walang pinag aralan? O para lang masabi na sila ay sunod sa uso?
Ayon sa isang magulang na ininterbyu sa dokyumentaryo ng Ibon Foundation Incorporation, pinag aaral niya ang kaniyang anak upang siya ay magkaroon ng magandang kinabuksan, magandang hanapbuhay at magkaroon ng paninidigan sa kanilang mga sarili. Ayon naman sa isang ininerbyu pinag aaral niya ang kaniyang anak dahil ito lamang ang natatanging kayaman na maaari niyang maipamana dito. Ngunit paano nga ba magkakaroon ng magandang kinabukasan, magandang hanapbuhay o kahit paninindigan nalang sa sarili ang isang batang Pilipino kung ang sistema ng ating edukayon ay kolonyal?
Ayon sa dokyumentaryo, Nagmula sa mga Amerikano ang Sistema ng edukasyon sa ating bansa. Ito ang ginamit nilang sandata upang masakop ang Pilipinas sa pamamagitan ng isang positibong pamamaraan na hubugin ang isipan ng mga Pilipino. Gayunpaman, hindi nakaiwas ang bansa sa isang legitimong pananakop. Gamit ang edukasyon, nagtagumpay silang mapaniwala ang ating mga kababayan na sila ay ating mga kaibigan. Kaya naman ang turing natin sa mga Amerikano ay mga bayani at hindi mga mananakop. Mula sa Colonial Education, ito ay ginawang Neocolonial Education, kung saan papanatilihin ng mga Amerikano ang kanilang control sa sistema ng edukasyon natin, control sa kabuhayan at kahit sa kasaysayan ng ating bansa. Pinalaganap nila ang wikang Ingles at tinuruan ang mga Pilipino na tangkilikin ang produkto nila at paniwalain tayo na ito ay mas maganda at mas maayos gamitin. Wala tayong kaalam alam, ginagawa na tayong robot ng mga Amerikano noon. Lahat ng kanilang tinuturo sa eskewalahan ay talagang pinag aaralan natin. Kaya hindi nakapag tataka na mas maalam ang mga Pilipino noon sa kasaysayan ng Amerika kaysa sa kasaysayan ng ating sariling bansa.
Makatapos naming panoorin ang dokyumentaryong ito sa klase, tinanong kami ng aming propesor kung napapanahon pa ba ito? Kung oo bakit at ano ano ang mga sinasangayunan at hindi namin sinasangayunan sa nasabing dokyumentaryo. Sa aking palagay ay oo napapanahon pa ito ngunit may mga impormasyon lamang na nagkaroon ng pagkakaiba sa pag lipas ng panahon, tulad na lamang ng mataas sa matrikula noon sa mga unibersidad kahit ito ay isang “State University” lamang. Sa kasalukuyan ayon sa REPUBLIC ACT No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017, magiging libre na ang pag aaral sa mga “State Univeristy” upang ang mga kabataang Pilipino ay makapagtapos ng pag aaral at mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang pangalawang nasabi sa dokymentaryo na saaking palagay ay napapanahon ngunit medyo “updated” na ngayon ay ang nasabi na tayo daw ay nasa era of globalization, kung saan MEDYO nahahapyawan daw ang ating sistema ng edukasyon. Pinatern daw ang ating edukasyon ayon sa pangangailangan ng mga Amerika. Sa aking palagay, sa kasalukuyan, hindi na medyo nahahapyawan ng globalisayon ang ating edukasyon kundi doon na mismo tayo nag popokus. Mapapatunayan ito ng pag papatupad ng K-12 curriculum noong 2013. Kung saan pinatupad ito ng ating pamahalaan upang tayo daw ay maging “Globally Competitive”. Ang hindi ko naman sinasang ayunan sa dokyumentaryo ay ang sinabi ng represenatative ng CHED na “Quality education is expensive, if you want it you must be ready to pay.” Lalo na sa kasalukuyang panahon na ginawa ng libre ang matrikula sa mga “state university”. Hindi naman kailangan mag bayad ng isang kabataang Pilipino upang magkaroon ng magandang edukasyon, ang kailangan lang ay mabigay ang badyet na nararapat sa bawat estudyante ng ating bansa. Kahit saan ka mag punta, kahit anong bilhin mo ay mayroon ng napaka laking tax, kung sasahod ang mangagawa mababawasan ito agad ng para sa tax at kung pag sasama samahin ang lahat ng ito, ay sobra sobra pa ang perang ito upang mabigyan ang isang kabataan ng napakagandang edukasyon. Eto kasi ang problema sa ating bansa. Kung sino ang nasa taas, sila lang ang patuloy na tumataas, ang mga taong “average” o talagang mahihirap, imbis na tumaas, e lalo silang ibinababa ng mga taong nasa taas. Ang aking kasagutan naman sa huling tanong ng aking propesor na, ano naman ang aking sinasangayunan. Ito ay ang edukasyon lamang ang ating mapapamana sa ating mga magiging anak, dahil ang edukasyon ay isang kayamanan. Ang edukasyon ay magagamit natin sa ating hinaharap, sipag at tyaga lang ang kailangan dahil ang karunungan at kaalaman ay hinding-hindi maaagaw ng sino man, ito’y maipapamahagi ng kahit kanino man at nagsisilbing gabay na magagamit sa hinaharap at maipagmamalaki natin. Walang kahit na sino ang maaaring umapi o sumakop saatin basta tayo ay may pinag aralan. Naniniwala ako sa kasabihang “pag may tyaga may nilaga” at “pag may tinamin may aanihin”. Mga salitang nagpapakita na kapag may sipag at tyaga na may ksamang diskarte ay talaga namang makakamit mo ang iyong tagumpay sa buhay.
1 note · View note