#kapalaran
Explore tagged Tumblr posts
Text
Bakit ba ganyan
Ang buhay ng tao?
Mayro'ng mayaman
May api sa mundo
Kapalaran, kung hanapin
'Di matagpuan
At kung minsa'y lumalapit
Ng 'di mo alam
Oh, bakit kaya
May ligaya't lumbay
Sa pag-ibig
May bigo't tagumpay
'Di malaman
'Di maisip
Kung anong kapalaran
Sana din ay naghihintay
Oh, bakit kaya
May ligaya't lumbay
Sa pag-ibig
May bigo't tagumpay
'Di malaman
'Di maisip
Kung anong kapalaran
Sana din ay naghihintay
#gary valenciano#gary v#pure energy#kapalaran#song#music#audio#social#2016#filipino artist#filipino singer#philippines#Spotify
0 notes
Text
FEATURE: Dakila Kong Guro: ang kabuluhan ng GomBurZa (2023) sa paaralan
Hango sa tunay na mga pangyayari, inilalahad ng pelikulang GomBurZa ang mga kaganapan sa likod ng pagdakip at pagpatay sa tatlong paring sina Mariano Gomes, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.
Paggunita sa mga bayani. Kamalayan sa kasaysayan. Bukod sa mga ito, matingkad ang aspekto ng pagpapahalaga sa mga teacher figures ng pelikula—kabilang dito sina Padre Pedro Pelaez, Padre Jose Burgos, at Paciano Mercado.
Sa pamamagitan ng pagkukuwento ng isang guro sa kanyang apprentice nagsisimula at nagtatapos ang pelikula. Sa unang eksena, nagkukuwento si Padre Pedro Pelaez tungkol sa naging kapalaran ni Hermano Pule upang ipakita sa kanyang estudyanteng si Padre Brugos ang ginagawang manipulasyon sa pagtingin sa mga paring Pilipino. Sa huling eksena naman, sa araw ng paggarote kina Gomes, Burgos, at Zamora, papaalahanan ni Paciano Mercado, dating estudyante ni Jose Burgos, ang nakababatang kapatid na huwag kalimutan ang kanyang nasilayan.
Tila tayo, bilang manonood, ay kinakausap din ng mga karakter, sinasabihan na para sa atin din ang kanilang itinuturo.
Para sa artikulong ito, ang tinutukoy ng mga salitang “guro” at “mentor” ay hindi limitado sa mga taong may titulong “guro” bilang okupasyon, kundi para sa kung sinumang gumagabay sa kanyang (kadalasang mas batang) kapwa sa pagkamit ng kanyang buong potensyal.
Talakayin natin ang ilang eksena mula sa GomBurZa na nagpapakita ng kahalagahan ng guro sa paghubog sa kaisipan at diwa ng kabataan.
“Marami kami. Marami kaming hahalili, Don Pedro.”
“Ang ipinaglalaban natin dito ay ang pagkakapantay-pantay. Igualdad para sa lahat ng tubong Pilipinas.”
“Don Pedro! Hindi ba kayo natatakot?” “Bakit ako matatakot magsabi ng totoo?”
Si Pedro Pelaez ang isa sa mga pangunahing nagtaguyod ng sekularisasyon ng mga paring Pilipino. Ang sekularisasyon ay ang pagbabago ng isang lipunan mula sa mga pinapahalagahang panrelihiyon patungo sa mga pinapahalagahang hindi relihiyoso at mga sekular na institusyon. Ito ay isang kilusan na itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga paring sekular sa mga parokya.
Sa kasamaang palad, maagang nawala si Pelaez dahil sa isang lindol. Hindi niya naabutan ang ordenasyon at pagtanggap ng doktorado ni Jose Burgos.
Sa isa sa iilan lamang na magagaan na eksena, ipinakita ang pagkakaiba ng paraan ng pagtuturo ni Padre Corominas, isang Espanyol, at ni Padre Jose Burgos. Sa klase ni Padre Corominas, mabagal ang galaw ng kamera upang sabayan ang pagkaantok ng mga estudyante habang nagbabasa ang guro mula sa tekstong Latin. Pagkakita nito ng guro ay naghampas siya ng ruler sa lamesa upang magising ang mga kasapi ng klase.
Sa kabilang klasrum naman, hirap din sa pagsunod ang mga estudyante sa pagtalakay ni Padre Burgos sa Latin. Ngunit nang mapansin ito ng guro, agad-agad siyang lumipat sa Espanyol, pagkatapos sa Tagalog—galaw na nag-udyok ng mga ngiti at palakpak mula sa binatang si Paciano Mercado, at, hindi nagtagal, mula rin sa iba pa niyang mga kaklase.
“Nalabas pala ang mga talino ninyo kapag nagkakaintindihan tayo,” wika ni Burgos.
Bagamat masaya sa positibong pagtanggap ng mga estudyante niya sa leksyon, pinaalalahanan ni Burgos ang klase na huwag masyadong mag-ingay sapagkat maaari silang marinig ng mga nasa malapit na silid.
Sa okasyong ito nagsimula ang pagkakaibigan nina Jose Burgos at Paciano Mercado.
Madalas tawagin na pangalawang magulang ang mga guro.
Tahimik at malumbay ang hapunan sa bahay ng mga Mercado matapos biglang dakipin ang inang si Teodora Alonso. Para kay Francisco, walang maitutulong ang naunang ginawang pagtutol ni Paciano habang kinukuha ng mga guwardiya sibil si Teodora.
“Wala na tayong magagawa tungkol sa ina ninyo. Kaya mabuti pang manahimik na lang tayo,” wika ni Francisco.
“Pero ‘di po tama iyon,” sagot ni Paciano habang sinusubukan muli na gamitin ang pangangatwirang natutuhan niya sa pagkuha ng abogasya. Pinapakinggan siya ng dalawang kapatid—ang ateng si Saturnina at ang bunsong lalaki na si Pepe.
Nagpatuloy si Paciano at magbabanggit sana ng natutunan mula sa kanyang guro, ngunit pagkabigkas ng binata sa mga salitang “aming propesor na si Padre Burgos,”agad na pinutol ng ama ang pangungusap ng binata. Ang pagkakataong ito ay patunay sa sinabi ni Padre Mariano Gomes kay Padre Burgos sa isang nakaraang eksena na, “Anuman ang ibuka ng kanilang [mga estudyante ni Burgos] mga bibig, ito’y mauugnay sa iyo.” Hindi bago sa atin ang kuwento ng mga magulang at anak na nagkakasalungat ng opinyon o paniniwala, o ang mga hindi pagkakasunduan dahil iba ang itinuturo sa bahay sa itinuturo sa eskwela. Hindi na pumalag si Paciano sa kanyang ama, ngunit hindi ibig sabihin na tuluyan siyang nanahimik.
Wala man si Padre Burgos sa eksenang ito, makikita ang epekto ng pagsasapuso ni Paciano sa mga aral mula sa sariling mentor. Kung sa unang mga eksenang tinalakay natin ay nag-aalangan pa si Padre Burgos sa pagtataas ng boses upang ipahayag ang pagkasiphayo sa kalagayan ng Pilipinas, habang lumalapit tayo sa katapusan ng pelikula ay ang mismong estudyante na ni Burgos ang dumedepensa ng sariling paniniwala sa mga taong malalapit sa kanya.
Pero bago tayo tuluyang lumayo, balikan natin ang eksena sa hapag-kainan at ang huling pokus ng kamera bago lumipat ng eksena. Ang katabi ni Paciano sa lamesa ay ang nakababatang kapatid na si Pepe, o mas kilala natin bilang Jose Rizal.
Isa sa mga naging estudyante ni Padre Jose Burgos ay si Paciano Mercado o Paciano Rizál Mercado y Alonso Realonda.
Sa bandang dulo ng pelikula, isinama ni Paciano Rizal ang kanyang nakababatang kapatid na si Jose Rizal para panoorin ang pagkamatay ng GomBurZa.
“Tandaan mo ito, Pepe. Tandaan mong mabuti,” wika ni Paciano sa kanyang kapatid.
Ang maikling payong ito ay tunay na binitbit ni Jose Rizal hanggang sa kanyang pagtanda. Sa pelikula, nagkaroon ng transisyon upang maipakita kung paano ipinagpatuloy ni Pepe ang itinuro sa kanya ng kanyang Kuya Paciano. Sa dulong eksena, makikita na isinusulat ni Jose Rizal ang El Filibusterismo na pagpapatuloy sa kanyang naunang nobela na Noli Me Tangere.
Nang lumaki ang nakababatang Rizal, marami itong mga isinulat na kuwento, sanaysay, tula, at nobela. Ang mga isinulat ni Jose Rizal ay nagmulat sa maraming Pilipino. Naipakita ang opresyon na nararanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Kastila. Ginamit niyang armas ang kanyang panulat upang ipaglaban ang Pilipinas. Kaya naman, binansagan na Pambansang Bayani si Jose Rizal.
Makikita sa GomBurZa ang kagustuhan ng mga Kastila na manatiling mangmang ang mga Pilipino. Dahil sa ganitong paraan, mas magiging madali ang kanilang pang-aabuso sa mga Pilipino.
Wala ni isa sa mga nasa kapangyarihan ang may nais na tunay na matuto ang mga Pilipino. Ang pagkatuto ng mga Pilipino para sa kanila ay isang banta sa kanilang kapangyarihan.
Sa ilang nag-aaral naman, Kastila pa rin ang gamit na wika sa mga paaralan at hindi ang wika ng ating bansa.
Kung iuugnay ang danas ng mga guro at estudyante sa panahon nina Padre Burgos, hindi ito nalalayo sa paglalarawan ni Rizal sa kalagayan ng edukasyon sa Noli Me Tangere. Sa kabanata 19 ng Noli Me Tangere, may nakausap na guro si Crisostomo Ibarra na nagbahagi ng mga problema na nararanasan sa edukasyon ng mga Pilipino sa panahon na iyon: “Ibig ninyong mabatid ang mga balakid na dapat harapin ng pagtuturo? Kung gayon, sa katayuan natin na wala ni isang tulong na makapangyarihan, hindi kailanman magaganap ang pagtuturo,” (Salin ni Almario, 1998: 114).
Mula sa Noli, hindi nawawala ang hamon sa edukasyon hanggang sa kasunod na nobelang El Filibusterismo. Sa kabanata 11 ng El Filibusterismo, nagkaroon ng diskusyon ang mga nasa kapangyarihan ukol sa petisyon ng mga estudyante na magbukas ng akademya sa wikang Kastila. Ayon kay Padre Sibyla, “May kahina-hinalang katangian ang petisyon. İsa itong mapayapang pag-aalsa, isang rebolusyon sa selyadong papel,” (Salin ni Almario, 1998: 87).
Sa panahong ito, ang kagustuhan na magpatayo ng akademya ay nakikita bilang isang anyo ng pag-aalsa.
Ipinakita ng pelikulang GomBurZa sa pamamagitan nina Pedro Pelaez, Jose Burgos, at Paciano Mercado ang tunay na importansya ng edukasyon. Makikita sa mga sipi na ito ang pagpapanatili ng mga mananakop sa lugmok na kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas upang patuloy nilang mapagsamantalahan ang mga Pilipino. Dahil din sa kalagayang ito kaya lalong tumingkad ang papel na ginagampanan ng mga guro.
Ang pagkatuto ay hindi one-way street na manggagaling lamang sa mentor—mayroon ding aral na mapupulot ang guro mula sa kanyang estudyante. Sa eksena ng paggarote kina Gomes, Burgos, at Zamora, biglang makikita ni Burgos ang mukha ni Paciano: mga matang punong-puno ng lungkot para sa di-makatarungang pangyayari, katulad ng sarili niyang reaksyon sa pagkawala ng kanyang guro. At dito magkakaroon ng lakas ng loob si Burgos upang isigaw: “Wala kaming kasalanan!”
Iwanan man tayo ng mga mentor natin, mananatiling buhay ang mga itinuro nila sa atin at sa takdang panahon ay maipapasa rin natin ang mga ito sa iba.
Payo ni Pedro Pelaez, “Gamitin mo ang iyong katalinuhan at ang iyong kakayahan para ipagtanggol…
“...ang karapatan natin,” ang sagot ni Jose Burgos.
Mabuhay ang mga Pilipinong guro at mag-aaral, sa loob o labas man ng paaralan.
Ang GomBurZa ay may rating na 13+ sa Netflix dahil sa maselang lenggwahe at mga eksena ng karahasan.
Diokno, Jose Lorenzo [Jose Lorenzo Diokno]. (2023, December 22). GOMBURZA Full trailer [Video]. YouTube. https://youtu.be/bhDLfgw8dvg?si=rjtRjQ0hngrT2Jen
GomBurZa (2023). (n.d.). IMDb. https://www.imdb.com/title/tt27203116/mediaviewer/rm1318144257/
GomBurZa (2023). (n.d.). IMDb. https://www.imdb.com/title/tt27203116/mediaviewer/rm1267812609
GomBurZa (2023). (n.d.). IMDb. https://www.imdb.com/title/tt27203116/mediaviewer/rm1469139201
GomBurZa. Directed by Jose Lorenzo Diokno, 2023. Netflix. https://www.netflix.com/title/81754253
GOMBURZA. (2024, January 13). ...SA SINEHAN!!! Pero kung napanood mo na ang #GomBurZaFilm, ano ang isasagot mo sa simple ngunit malaman na tanong na ito? [Image Attached] [Status Update]. https://web.facebook.com/GomBurZaFilm/posts/pfbid0qQVM8Z274rmXcAU9s3a1YGJikC7E3dPCHuEcRSYs7Fpr6MU3zB6EDZNnu1JyyKkrl
Rizal, J. (1887). Noli Me Tangere. Isinalin ni V. Almario. Adarna House. (1998)
Rizal, J. (1891). El Filibusterismo. Isinalin ni V. Almario. Adarna House. (1998).
// nina Mira Leaño at Aila Orillaza
6 notes
·
View notes
Text
Minsan Tayo ay Naging Teenager
Minsan tayo ay naging teenager. Minsan dumaan tayo sa isang yugto ng ating buhay kung kailan puno ng mga hindi makakalimutang karanasan. Mga panahon na akala natin ay sigurado na tayo sa lahat. Sa munting kaalaman, naging nagkaroon ng kompiyansa na nauunawaan na natin ang takbo ng mundo, ang kalakaran ng buhay, at ang ikot ng kapalaran.
Minsan tayo ay naging teenager. Minsan tayo ay umibig at nagmahal ng tila walang hanggan. Minsan tayo ay pumili ng tao at pinangakuan na sasamahan habang buhay. Minsan naranasan natin ang tumigil ang oras sa piling ng ating sinisinta. Walang takot, walang pangamba, walang pagdududa.
Minsan tayo ay naging teenager. Minsan naranasan natin na ang bawat sandali ay tila walang simula, tila walang katapusan. Tila walang nakaraan, walang hinaharap. Bawat sandali ay tila nilulunod tayo sa lalim ng pagmamahalan at lumulutang sa gaan ng kagalakan.
Minsan lang tayo naging teenager. Pero ang bawat sandali sa mga pahina mula sa yugtong ito ng ating buhay ay magiging bahagi ng ating alaala, mananatili at hindi malilimutan.
02/02 Friday.
#lovekismet#notes#love notes#notes about life#realization#memories#tagalog notes#literatura#nostalgia
4 notes
·
View notes
Text
UMAGA
Umaga nang unang nagmulat ng mata.
Sabay sa paghinga,
Naitanong marahil kung ilang sakuna.
Anong pait, at ilang hagupit ng tadahana,
Ang dadantay sa mga balikat.
O kung paanong kahit paano maiaangat
Ang mga paa sa paglakad.
Siguro ay nagisip rin kung ano ba ang hinaharap.
Tapat na ang tanghali kaya't libre nang makatakbo't makalundag
Anong silbi ng kahapon bakit kailangang lumingon bago sumabak?
Masaya naman siguro ang ngayon at ang bukas
Susubok kasama ang mga kadikit ng bituka't
Malay mo naman kung anong kapalaran ang humatak
Magbabalik man sa tahana'y ang lumagay na sa tahimik marahil ang s'yang balak.
Humihigit na dibdib dahil nagtatampo sa paghagulgol
"Anong klaseng sagot ang mas mapait pa kaysa sa mga tanong?"
Nagparoo't parito na sa lumang kwarto't lugar na malalayo
Nagsimula mang maaga ay babalik rin pala pagdapit hapon.
Kung ang mga hinahawakang kamay ay sa huli'y dahilan ako ng pagkukuyom
Bukás kaya ang bukas sa mga marubdob na sumbong?
Pakikinggan kaya?
Humiling naman na sa parehong langit at lupa.
Tinatalukbungan na ng ulap ang karampot nang diwa.
Ngayong gabi na ay humahangos dahil nagagahol
Sa oras at baka di pa sumapat ang sumpang naghahabol
Kung pagsuko sa liwanag ang kapayapaan, bakit imbis na matagpuan lang ay tila hudas na sinusukol?
Sige't magpapahuli na lang sa Nagtatakda.
Na kung ang sagot man sa pag-iral ay ang pagpapantay lang rin ng mga paa,
Sabay sa huling hininga,
Nagtaas naman na ng tiwala at pag-asa,
Tatanggi na siguro sa pagmulat ng mga mata.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
#tula#mga tula#tagalog#tagalog poem#tagalog tula#pilipino#pilipinas#tulangtagalog#maikling tula#filipinopoems#tagalog hugot#tagalogpoem#tagalog post#pilipinx#pinoy hugot#pinoyartist#pinoypride#tulala#original prose#poetic prose#prose poetry#sad poem
3 notes
·
View notes
Text
kahit paulit-ulit kong halikan ang mga paa ng diyos, kahit gaano kataimtim akong magdasal bawat gabi, ako’y mananatiling isang makasalanang nilalang.
ang kasalanan na galing sa aking mga magulang ay dumadaloy sa aking dugo, nakaimprenta sa aking pagkatao.
ito’y hindi basta basta maalis, hindi mabubura kahit isang daang beses pa akong mag tampisaw sa ilog kung saan bininyagan si hesus — ang bigat ng aking kasalanan ay doble pa sa aking mga magulang.
siguro ay wala na akong pag asa, hindi na ako masasagip ng kahit ano pang dasal ang aking sambitin nang paulit ulit.
ngunit ikaw — ikaw na tumanggap sa akin ng buong pusong walang pag aalinlangan simula noong una tayong magkakilala, magagawa mo pang gawin ang mga bagay na iyong ninanais, magagawa mo pang lumayo sa akin at sa kapahamakang dulot ko.
nalalabi na lamang ang aking mga araw. kung ako’y papanaw, nais ko munang matiyak ang iyong kaligtasan. kaya parang awa — ako’y iwan mo na.
ang pagmamahal na ito’y aking ikukubli, bahala na kung ito’y hindi mo batid. basta para sa iyong ikabubuti.
ang mga araw ay lilipas, aking kamatayan lumalapit.
ako'y nakaluhod sa harap ng diyos, tinatanggap ang kaniyang parusa hangga’t buhay ko’y kanyang bawiin.
sa bawat pag patak ng aking mga luha, tahimik at taimtim kong ipinagdadasal ang iyong kaligtasan. kahit alala ko’y iyong ibaon, kahit ako’y iyong kamuhian.
sa susunod na buhay, kung ako'y papalarin. sa susunod na buhay ika’y aking mamahalin nang labis. sa susunod na buhay, tatahakin ko kapalaran ko sa iyong tabi. sa susunod na buhay.
originally posted on facebook, on my account @ wilted-hopes乱
4 notes
·
View notes
Text
Ang Himig ng Nilibing
Nilibot ko lang ang silid-aklatan noon, nang bigla kong natuklasan ang Likhaan Book of Poetry and Fiction, na inilathala ng UP Press. Isa itong koleksyon ng mga tula at piksyon na isinulat ng iba't ibang may-akda. Hiniram ko ito sa simpleng dahilang gusto kong basahin ang libro. Tungkol itong blog sa isa sa mga tulang nagustohan ko, ang "280 and More" na isinulat ni Ramil Digal Gulle.
Masusing nagpapaliwanag ng mga pangyayari ang tulang ito sa resulta ng trahedya sa Payatas noong 2008. Ikinuwento ito na parang isang direktang saksi sa nangyari ang tagapagsalita. Ang pagwawalang bahala ng bansa sa isyu, hangga’t naging walang kabuluhang mga ulat nalang ang trahedya ang isa sa mga pangunahing punto nitong tula.
Tinawag na “mga anghel” ang lahat ng mga biktima, pagsunod sa katotohanan na wala silang kasalanan na dapat magdusa ng ganoong trato. Kasunod nito ang nakakatakot na paglalarawan ng pangyayari pagkatapos, halos walang katawan ang makilala bilang isang tao. Iniulat ng tagapagsalita na parang naranasan niya rin ang nangyari, ang mga kamay, at paa na natanggal, mga ulo na naputol, mga bahagi ng katawan na nagugulumihanan at natatakpan ng lupa, na pawang nakakalat tulad ng mga kabibi sa baybayin.
Ang mga saksi ng mga nagdaang pangyayari, mga kaawa-awang iilan, may isang batang babae na kakauwi lamang mula sa bahay ng kanyang lola sa siyudad, at isang lola na hindi kayang maunawaan ang lawak ng pangyayari. Ngayon, patuloy nilang dinadala ang karanasan ng pagkawala ng lahat. Hindi nila inaasahang bigla na lang silang iiwanan ng pamilyang minamahal nila sa kabilang buhay.
Hindi ang malakas na ugong ng bumagsak na helikopter, o anomang aksidente na dulot ng kanilang sarili ang nagtakda ng kanilang kapalaran. Ito ang pagguho ng napakalaking bundok ng basura na walang habag na bumagsak patungo sa kanilang komunidad, sa isang pangyayari na parang isang agwahe ng basura. Kung nangyari ito sa oras na gising ang mga mamamayan, mas marami sigurong buhay ang maaaring nailigtas, ngunit parang nagtangkang kumilos ang kapalaran ng masama, nagguho ang bundok sa pagsikat ng araw. Ang oras na naghahanda pa lamang para sa umaga ang mga mamamayan, subalit sinalubong na agad ng kanilang huling hininga.
Ang mga litratista, ang mga mamamahayag, ang mga nagmamadali para ma dokumento ang kalamidad, at mga may unang karanasan sa mga oras ng pagkatapos ng trahedya, nagsuka, at bumagsak. Resulta ng maraming taon ng pagkabulok, ng basura, ng pagtatapon, ng pagpapabaya, na nagkukumpol sa tulong ng walang tigil na ulan ang bumagsak sa komunidad. Hindi maaaring higit pa sa katotohanan ang kasabihang "tubig ang buhay" sa kasuklam-suklam, at nakakahamak na putik na nakapatay na ng daan-daan. Upang maging mas eksakto, dalawang-daang walumpu't siyam na pamilya ang natagpuan. Ang lugar na puno ng buhay, lakas, at damdamin, noon, nalibing na ng apatnapu’t na talampakan ng lupa ngayon. Sa mga hindi natagpuan, unti-unting nawala sa kasaysayan, hindi na magkaiba sa basura na kanilang pinaglibingan.
Bumabatid ang tulang ito sa mga kaganapan matapos ang isang di-inaasahang krisis, pinapakita nito ang perspektibo ng mga biktima na nanganganib sa kawalan ng paghahanda. Ang mga taong ito, na biglang napunta sa isang krisis na hindi man lang nila alam, ang hindi makatarungan na reyalidad ng pagkakaipit sa isang sitwasyon na lubos na labas sa kanilang kontrol. Hinihikayat ng layunin ang pagpili sa tula na ito na gumuhit ng mga parallelismo sa mga geopolitikal na alitan, tulad ng sitwasyon sa Israel-Palestine o pangmasang pagpatay. Katulad ng mga tauhan sa tula, maraming inosenteng pamilya ang natutuklasang naiipit sa kalagayan na labis sa kanilang alam o kakayahan.
Inilarawan sa tula ang daan-daang pamilyang walang habas na pinaslang, layunin nitong bigyang-diin ang kanilang paghihirap. Binibigyang diin ng naratibo ang nakababahalang katahimikan mula sa pandaigdigang komunidad, na nagpapakita ng kawalan ng malasakit sa harap ng napakalaking pagkawala ng buhay. Mula sa pananaw ng karaniwang dayuhan, isang araw-araw na bahagi na marami ang pumipili na talikuran ang patuloy na pagpatay, marahil dahil sa pagiging manhid sa kahalagahan ng sitwasyon.
Ang paglipas ng panahon, sa halip na magtulak ng kolektibong aksyon, tila nagmumula ng isang nagtitiis na pagsang-ayon, parang mawawala lamang sa paglipas ng araw ang trahedya. Nagpapakita ng isang emosyonal na pag-alsa ang nakakabagbag-damdaming detalye ng mga bata na nagsusumamo para sa kanilang buhay. Nagbibigay-diin ito sa mga kawalang-sala na nahuli sa patayan at ang kalunos-lunos na katotohanan ng isang mundo na tila hindi na apektado sa kanilang desperadong pag-iyak. Naglilingkod bilang isang matalim na pagsusuri ang kolektibong pagiging manhid sa patuloy na patayan sa kakayahan ng sangkatauhan na maging pangkaraniwan ang mga kahanga-hangang bagay, na nag-udyok sa mga mambabasa na harapin ang hindi komportableng realidad ng isang mundo na, sa kabila ng mainit na paksa ng mga inosenteng nananalangin, nananatili sa nakagawiang pagpapatuloy ng malalimang katarungan.
Kung ganito na kalala ang nangyari sa trahedyang Payatas, ano na lang ang magiging sitwasyon sa Gaza, kung saan hindi lamang isang mabilisang pangyayari ang naganap, kundi isang pangmasang patayan na umabot na ng higit pa sa isang buwan?
2 notes
·
View notes
Text
Mahalaga para sa atin ang petsa na ito. Sa araw na ito, limang taon na ang nakalilipas, pareho nating ipinagdiwang ang karangalang natamo mula sa katagumpayan ng ating pagsisikap sa kolehiyo.
Sa iisang bulwagan, magkahiwalay na humihiyaw ang ating mga puso sa labis na kagalakan. Nasa iisang lugar, ngunit may kanya-kanyang mundo kung saan ang isa't isa ay hindi kabilang. Wala parehong kamalay-malay na ang araw ding ito ang mitsa na maghuhudyat ng mabubuo nating pagmamahalan.
Kung iisipin, sadya nga pala talagang mapaglaro ang kapalaran. Biruin mo, sa ating apat na taon sa kolehiyo kung saan ay nagkaroon ng ilang pagkakataon kung saan tayo ay nagkatagpo, tila ba sadyang iniwasan ni kupido na panain ang ating mga puso. At kung kailan tayo na ay nakapagtapos, doon lamang niya ginawa ang kanyang trabaho. Sa itinakdang panahon ng kapalaran, ang atin ding mga puso ay tuluyang nagkatagpo.
Kaya't kahit bigyan ng pagkakataon, hinding-hindi ko nanaisin na baguhin ang ating kwento. Ang iyong muntik nang hindi pagtanggap ng karangalan, ang pagpuwesto sa atin sa parehong hilera ng mga upuan, ang ating kaswal na pagbati sa tagumpay ng bawat isa, ang iyong pag-aakala na ikaw ay tinatawag ng ating propesor subalit ako pala--lahat iyon, sa aking palagay, ay ang mga daang inilatag upang ating matagpuan ang isa't isa.
At ngayon, limang taon na nga ang lumipas. Marami na tayong nabuong kwento na magkasama, at maraming bubuuin pa. Ngunit saan man tayo pagparin pa ng kapalaran, sana ay lagi mong tandaan na ikaw sa akin ay mahalaga. At sa bawat tagumpay, kabiguan, o kahit maging sa mga araw na tila hindi natin nalalaman kung saan papunta, lagi mong tandaan na ikinararangal at tinatangi kita.
ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜒᜆ
.
11 notes
·
View notes
Text
Another big step towards my own definition of success
It's been a month since I updated my life here in Tumblr.
Sobrang naging mabilis at puno ng mga pangyayari itong March para sa 'kin.
I was very motivated at my current job, where I would work extra hours to complete all of my tasks on time. Whether paid or not. But even when I was completely occupied, I had the feeling that something was missing, and that I was not completely satisfied or happy inside. I even listed all of the reasons why I want to resign from my position as an executive assistant engineer. Some are: I don't feel very needed, I am constantly compared to others, I am not trusted with large projects that I know I can handle, and, finally, my salary is not enough to save for my future.
Then a huge opportunity emerged in the middle of my day at work. I applied as an associate software engineer to a BPO company last January 9, 2023. They contacted me last week, and I received a job offer. FROM MY DREAM COMPANY WITH MY DREAM JOB RELATED TO PROGRAMMING (after graduating college). I'm very excited. I consider myself extremely fortunate.
Naalala 'ko tuloy bigla na noong bagong taon, tinignan 'ko kung anong magiging kapalaran 'ko this 2023. It said something about my career growth, money, etc. Nakakatawa kasi noon hindi ako naniniwala sa mga ganon, pero tangina, totoo. Siguro dahil rin gusto kong i-claim na maaachieve ko 'yon this year.
Sobrang saya 'ko lang. Sobrang proud ako sa sarili 'ko.
6 notes
·
View notes
Text
Marahil panahon na upang bumalik ulit
Sa limot na dalampasigan
Sa probinsiyang iniwan
Sa tabi ng batang naglalaro
Ng buhangin at patpat na balingkinitan
Papanoorin siyang gumuhit ng kapalaran
Nang paulit ulit, 'di naiinis o nanlumo man lang
Kahit paulit ulit ng alon itong hugasan
Mga hiling ng kanyang kabataan
Magpapaturo sa kanya
Kung paano muling mangarap
Paano muling ngumiti't
Malakas na tumawa
Paano umiyak at tumahan kaagad
Dahil alam na bukas ay iba na
Ang pagihip ng hangin,
Ng tama ng araw sa tubig
Mas magiging mapagpatawad
Ang dalampasigan sa pagbura
Ng mga mumunting hugis ng
Ala ala ng pagtangi sa iba
At sa sarili
At piliing lunurin pabalik sa dagat
Mga bakas ng kabiguan
2 notes
·
View notes
Text
Madalas naghahanap tayo ng signs sa paligid natin kung itutuloy pa ba o tama na. Hawak natin ang sarili nating kapalaran, may sign man o wala. Kung may gusto kang gawin, ituloy mo lang. Hindi naman madidikta ng isang sign kung anong mangyayari sa buhay mo.
#hugot#usapang hugot#usapang feelings#kwentong hugot#usapang pagibig#hugot feels#quotes#usapang puso#hugots#hugotlines#kwentong pagibig#love quotes#kwentong puso#kwentong asa#kwentongpagibig#hugot101#kwentong feelings#usapang kaibigan#usapangpuso#usapang crush
3 notes
·
View notes
Text
LITERARY: Hula
(Trigger warning: Sensitibo at naglalaman ng karahasan)
𝘐 𝘸𝘢𝘴 𝘢𝘭𝘸𝘢𝘺𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘶𝘳𝘪𝘰𝘶𝘴 𝘵𝘺𝘱𝘦 𝘨𝘳𝘰𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘶𝘱. Kung may pagkakataon akong makita ang aking hinaharap, kukunin ko. Kaya nagkaroon ako ng malaking interes sa panghuhula ng kapalaran. Nakapunta na ako sa hindi ko na mabilang na mga manghuhula at maraming beses na pinabasa ang aking kapalaran. Nasabik akong malaman ang tungkol sa aking career sa hinaharap, kung sino ang papakasalan ko, kung ano ang magiging hitsura ko sa loob ng sampung taon, at maging ang kulay ng damit na dapat kong isuot sa isang tiyak na petsa. Nahumaling ako sa lahat ng hula tungkol sa aking hinaharap... 𝘯𝘰𝘵 𝘶𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘵𝘩𝘦 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘱𝘳𝘦𝘥𝘪𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯.
Isang ordinaryong araw, nagpunta ulit ako sa paborito kong manghuhula. Excited akong marinig ang kaniyang bagong hula para sa akin.
"𝘎𝘰𝘰𝘥 𝘮𝘰𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨, 𝘮𝘺 𝘥𝘦𝘢𝘳. 𝘊𝘢𝘮𝘦 𝘧𝘰𝘳 𝘢𝘯𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘳𝘦𝘢𝘥𝘪𝘯𝘨, 𝘐 𝘱𝘳𝘦𝘥𝘪𝘤𝘵?" nakangiti niyang sabi.
“𝘖𝘧 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦; 𝘐 𝘢𝘮 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘰𝘺𝘢𝘭 𝘤𝘶𝘴𝘵𝘰𝘮𝘦𝘳..” Napangiti rin ako at umasang mabuti ang magiging hula niya ngayon.
Umupo ako sa malasutla at lilang unan sa tapat niya habang siya naman ay pumikit at nagsimulang bilugin ang kanyang bolang kristal.
Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay na parang nag-aalala.
"Mahal… kailangan mong mag-ingat dahil ang iyong buhay ay nasa malaking panganib..."
"Ano ang nakikita mo?" nag-aalalang tanong ko.
"Ang taong responsable sa pagkitil sa iyong buhay ay hahamakin ka.”
"P-pwede mo ba siyang ilarawan pa sa akin? Ano pang mga detalye sa histura niya? Paano ko malalaman kung siya na ang tinutukoy sa hula?” sunod-sunod kong tanong.
“Maaaring kahit sino. Kayumanggi ang buhok, berde ang mga mata…pero teka, may nakikita pa ako…may nunal siya sa leeg,” sagot ng manghuhula.
Natahimik ako saglit na sinusubukang iproseso ang ibig niyang sabihin sa lahat ng iyon. Umalis ako sa sesyon na iyon na natatakot.
Lumipas ang mga araw at nanatili ako sa loob ng bahay dahil sa takot. Ang tagal kong hindi nakakain at nakatulog nang maayos, dahil nalilito ako kakaisip sa sinabi sa akin ng manghuhula. Hanggang sa isang araw, nagambala ako nang may nag-doorbell at napilitan akong bumangon mula sa aking higaan para tingnan kung sino iyon. 𝘛𝘰 𝘮𝘺 𝘴𝘶𝘳𝘱𝘳𝘪𝘴𝘦, 𝘪𝘵 𝘸𝘢𝘴 𝘮𝘺 𝘣𝘦𝘴𝘵 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥 𝘒𝘦𝘭𝘭𝘺. 𝘚𝘩𝘦 𝘨𝘳𝘦𝘦𝘵𝘦𝘥 𝘮𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘢 𝘩𝘶𝘨 𝘢𝘴 𝘶𝘴𝘶𝘢𝘭.
"Ang tagal mo nang hindi lumalabas. May nangyari ba?" ang sabi ni Kelly.
"Okay lang ako. Marami lang akong iniisip," sagot ko.
"Mhmm... sabi mo, eh," sinagot naman ni Kelly.
Sinenyasan ko siya papasok sa bahay at pinagtimpla siya ng kape habang nakaupo siya at naghihintay sa sala.
"So ano’ng gumugulo sa isip mo lately?"
"Ahh... well, ayoko munang pag-usapan ‘yan."
"Mhm....Kung ano man ‘yan, sana okay ka lang. Alam mo naaawa ako sa’yo kasi…"
Nagulat ako nang marinig ko ang mga salitang iyon na lumabas sa bibig niya. Ngayon ko pa lang talaga napansin kung gaano katingkad ang kulay berde niyang mga mata...
"Pakiramdam ko dapat mag hang-out tayo-"
Napasulyap ako sa leeg ni Kelly. Lubha akong nabahala nang makita ko ang nunal sa leeg niya.
Bigla akong pinagpawisan. Si Kelly? Hindi! Hindi niya magagawa iyon...
Tumayo si Kelly at lumapit. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tumitig sa akin na may mukhang puno ng awa.
Ang mundo ay nagsimulang umikot sa paligid ko. Hindi ako makapaniwala na gagawin ni Kelly ito!
Lumapit siya sa akin at nag-akmang aalalayan ako. Napaatras ako sa pangambang aatakihin na niya ako. Hindi ko na namalayan na kinuha ko na ang pinakamalapit na mabigat na bagay at hinampas ko siya sa ulo hanggang sa nawalan siya ng buhay. Napagtanto ko ang aking ginagawa;, hindi ako nakapag-isip. Wala akong narinig at naramdamang kahit anuman hanggang sa tumambad ang dugo ng aking matalik na kaibigan sa aking mga kamay.
Pagkaraan ng ilang buwan, dahil sa nagawa kong krimen ay nasentensiyahan ako ng hatol na kamatayan.
Sa nakatakdang araw ng lethal injection, tanggap ko na ang kapalaran ko.
Humakbang ang unang tao na nagturok para mawalan ako ng malay. Hindi pa tuluyang tumatalab ang unang iniksyon nang lumapit ang pangalawang tao para turukan ako ng pampamanhid. Habang gumagapang sa mga ugat ko ang mga likidong itinurok sa akin at unti-unting humahalo sa dugo ko, sinikap kong tandaan ang mga huling matatanaw ng aking papapikit na mata. Bago pa ako tuluyang nawalan ng malay, nabanaagan ko ang huling taong mag-iiniksyon sa akin ng serum na magpapatigil sa aking puso. Nakita ko ang isang napakatangkad na tao. May kayumangging buhok, may matingkad na berdeng mga mata, at may isang natatanging nunal sa kanyang leeg. Nakatitig siya sa akin na puno ng awa. Siya ang pumatay sa akin..
3 notes
·
View notes
Text
Mahilig akong tumingin sa sapatos,
sapatos na humahakbang sa kalsada,
mga sapatos na di mo alam saan pupunta,
may mga sapatos na basa pa
pero alam kung paano lumakbay sa baha.
may mga sapatos naman na tuyo na
pero naglalakbay pa rin papunta sa kung saan.
Minsan may mga tsinilas na kasama,
minsan magkasama ang mga tuyong sapatos habang ang isa naman ay basa pa.
Minsan may mga kwentong dala-dala,
putik galing sa mahabang lakaran,
mga papel na sumasabit sa swelas
o di naman kaya mga ala-ala.
Ang mga sapatos sa daan minsan nakakatawa
Merong mga nilalakad kahit pagod na,
merong inilalakad na lang para guminhawa,
meron din namang mga sapatos na para sa bata,
inosente ang mga hakbang, masaya ang mga paa.
Minsan ang sapatos masayang hulaan saan galing,
kung sa masaklap na kapalaran
o kung nakaraos na ba sa kalungkutan
o kung hahakbang pa lang ba siya sa kwento ng buhay
o kung buhay na ba ang nilalakaran nila.
Ang sapatos ng mga tao, nakakatawa.
Maraming nagsasabing tama lang ang sukat para sakaniya
pero merong ipinagkakasya ang mga paa para lang makarating sa patuutunguhan nila.
Ang sapatos na basa minsan dahil sa luha,
sa galit na naipon, sa sayang matagal na hinintay
o di kaya sa bahang gustong sulungin para lang huminga.
May mga sapatos na tuyo na pero naghihintay pa rin,
Tuyo dahil sa araw, tuyo na dahil pagod na.
Ang mga sapatos ay nakakatawa,
di mo alam saan sila papunta.
Kung ano ang dahilan ng bilis ng pagtakbo o bagal sa mga hakbang na ginagawa.
Kung ang sapatos ng bawat isa'y makakapagsalita,
anong kwento sa bawat hakbang ang magagawa?
6 notes
·
View notes
Text
Ewan ko ba, nalulungkot na naman ako. Parang mag-isa na naman yung pakiramdam ko. Kapalaran ko yata ang mag-isa. Huhuhu.
2 notes
·
View notes
Text
"At kung magkagayon, kung patuloy pa ring manaig ang asimptota sa ating kapalaran... asahan mo na kung hindi man ngayong panahon magdugtong ang ating linya, kung hindi man ngayong panahon magwakas ng masaya ang kwento nating dalawa... ipinapangako ko sa iyo na patuloy kung nanaisin na mabuhay ng paulit-ulit upang muling makita at makapiling ka"
2 notes
·
View notes
Text
TODAY’S LITTLE WIN. Kakauwi lang galing sa una sa maraming Christmas party na naka-sched ngayong taon. Medyo natutuwa lang na hindi tayo ���minalas’ sa raffle this time. Hehe. Natuto na talaga kasi akong ‘di umasa sa mga ganitong raffle, pero kanina, parang medyo napa-silent prayer na ata ako ‘nong Starbucks gift check at cash na ang ipapamigay. Haha. Pero ‘di ako ‘don natawag, eh. Sa major prizes pa— unexpectedly.
‘Di kasi talaga ako swerte sa mga ganyan. To cite an example, ‘nong unang company Christmas party ko, 18 out of 19 ang natawag sa department namin. As in ako lang ‘yong hindi. Badtrip, ‘di ba? Mapapatanong ka na lang sa mga stars sa langit kung anong nagawa mong kasalanan. Hehe. And it went on for years.
Natatawag naman ‘yung name ko ‘pag ‘yung tipong sapat ang prizes para sa lahat, pero agad-agad ba. ‘Yung tipong ina-eye mo sana ‘yung microwave oven or 3D2N stay somewhere or cooking range sa major prizes, pero natawag ka kaagad sa clothes hanger or 1 liter na dishwashing liquid.
Kayo ba? Kumusta ang kapalaran tuwing may raffle? 😇
5 notes
·
View notes
Text
10 UNCOMMON FILIPINO WORDS YOU MIGHT NOT HAVE HEARD OF BEFORE
The Filipino language, just like any other languages is unique and offers a diverse collection of words.
Here are 10 examples of uncommon Filipino words you might not have heard of before:
Miktinig (Microphone)
Definition: An instrument for converting sound waves into electrical energy variations which may then be amplified, transmitted, or recorded.
Sentence: Gumamit si Anna ng miktinig habang nag-uulat upang marinig siya ng lahat.
Badhi
Definition: lines on the palm of one’s hand
Sentence: Tiningnan ng manghuhula ang kanyang kapalaran gamit ang kaniyang badhi.
Palautatan (Statistics)
Definition: The science of collecting, analyzing, presenting, and interpreting data.
Sentence: Pinapakita sa palautatan ang bilang ng mga kabataang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan.
Butsaka (Pocket)
Definition: A small bag sewn into or on clothing so as to form part of it, used for carrying small articles.
Sentence: Inilagay ni Juan ang kaniyang mga susi sa butsaka ng kaniyang damit.
Dupil (Amulet)
Definition: An ornament or small piece of jewelry thought to give protection against evil, danger, or disease.
Sentence: Naniniwala siyang ang kaniyang dupil ang nagpoprotekta sa kaniya mula sa kapahamakan.
Dumatal (To Arrive)
Definition: To reach one's destination
Sentence: Dumatal si Juan sa kanilang paaralan ng maaga.
Pakiwari (Opinion)
Definition: A view or judgment formed about something, not necessarily based on fact or knowledge.
Sentence: Sari-saring mga pakiwari ang nagsilabasan tungkol sa isyu ng gender equality.
Batlag (Car)
Definition: A vehicle (as an automobile or part of a passenger train) moving on wheels.
Sentence: May dalawang batlag na nagkakarerahan sa gitna ng tahimik na kalsada.
Panghiso (Toothbrush)
Definition: A small brush with a long handle, used for cleaning the teeth
Sentence: Bumili si Emma ng bagong panghiso.
Yakis (Sharpen)
Definition: To make or become sharp or sharper.
Sentence: Niyakis ni Lory ang kaniyang lapis bago ang pagsusulit.
2 notes
·
View notes