#kalabang
Explore tagged Tumblr posts
Text
Minamahal con hielo,
humihinga ka pa ba? Ang lakas ng loob kong magimbento ng panibagong dobletao pagkatapos kong kailanganing ibaon ka. Kinailangan ko kasing lumakas samantalang ikaw (parasite, homonculus) ang pampahina/pabigat ko. Kaya ba ako ang pinakamaliit na kapatid?
Ngayon kaya ko nang pasanin and telepono. Kaya kong daldalin and mga ate at kuya, kahit minsan para kong iisang lamanlupa sa gitna ng puting karagatan. Kaya kong aminin na ako ay tumutula habang tumutulay.
Lahat naman ng pinagkasunduan natin pinatotoo ko. Pwera na lang ang pagiging sawi sa pagmamahal. Mahal yan; di kaya ng wallet ko. Pwera na lang ang pagiging prinsesa ng batas militar. San ba galing yun? Pwera na lang ang pagsasalita sa dila ng mundo. Mahirap palang matutunan. Kahit Ilokano wala akong alam. Idjay. At hindi lahat ng kwento kelangan isulat. Pwede na ring isigaw o ibulong o itanim sa lupa o lunukin mo na lang.
May anakanakan, may librulibruhan, may pelikulang makamandag na gawa sa Japan, may bahay, may kalabang robot, may kaibigang bampira, may kwarto na puro napulot na grasya. May bagong relihiyon na kulto ng isa. Baka may islang buhay. Kung wala pwede na ang likuran ng bahay.
Sa Iyo,
Mumunting Pahina
0 notes
Text
PagLAYAg
Minsan ba? Habang ika'y tumatanaw sa dalampasigan, naitanong mo na rin sa sarili mo kung gaano kalawak ang karagatan?
Papaano kaya naghahanda ang mga manlalayag upang makalaya sa lupa at patuloy maglayag sa walang kasiguraduhang karagatan?
kakatwa mang isipin, ngunit habang ako'y tumatanaw - napapaisip ako sa mga kasabayan kong tumulala noon. Kasabay humalakhak, ngumawa at kasabay makipag-away sa kanto. Kakosa sa basketbol kapag may kalabang dayo. Kay layo na nila ~
Kaya minsan parang gusto ko na ding lumundag sa pagkatulala at sumubok ng makipagsapalaran sa kinabukasan. Na kung saan, wala naman talagang kasiguraduhan pero, hindi naman kasi ito patungkol sa layo ng narating at kung sino man ang nasa unahan.
Habang tumatanaw ako sa dalampasigan, napagtanto ko, na katulad ng mga alon, bawat isang indibidiwal sa mundo ay may kanya-kanyang hugis at laki ng kinabukasang kanilang kailangang gampanan. Na hindi pala ito'y palakihan, paunahan at palayuan. Kundi, ang buhay ay tungkol sa kung papaano mo itutulak ang iyong hinaharap, kung papaano ka maglalayag sa kawalan na tanging pananampalataya sa maykapal lamag ang iyong pinanghahawakan.
0 notes
Text
Porn Star Ka Ba?
Ni: Pedro Pendukot
Nagpakita ng tapang
Sa pamamagitan ng pagbunot sa baril
Pinaslang ang kalabang
Bumunot ng salitang mas masakit pa sa tama ng bala kasi
Nagpakita ng tapang
Sa pamamagitan ng pagbunot ng kapangyarihan
Pinatiklop ang kalabang lumaban lang sa kanyang protektadong karapatan
Nagpakita ng tapang
Lumaban sa pobre
Lumaban sa maliit
Dahil madali lang itong pisain
Langgam kumpara sa estado na meron siya
Kumpara sa paraisong hawak niya
Nagpakita ng Talino
Sa kalokohan binuhos
Yumaman
Napakain ang pamilya
Ang mga niloko
Naghihikahos hinde makapag-paaral ng supling
Hinde magamot ang may sakit
Nagpakita ng ganid
Nagnakaw sa asawa
Baldado kaya sinamantala
Dinala sa sugalan
Naubos kaya ngayon walang pampagamot sa karamdaman
May tama sa utak
May tama sa ugali
Pero pinabayaan na lamang
Si satanas na lang daw ang aangkin
Nagpakita ng katawan
Yan ang bagong wholesome
Nandiyan ang negosyo
Salamat sa makabagong panahon
Mas madali ng kumita
Unting paumbok ng pwet
Unting palabas ng suso
Siguradong views ay pulido
Anong masama?
Kesa magnakaw
Mas lumalaban pa nga ng patas
Ang mga bagong Maria Clara ng lipunan
Porn Star ka ba?
Kita ko kalukuwa mo
Hinde katawang lupa
Pero ang pag-uugali mo
Porn Sta ka nga!
Lumabas ang baho
Lumabas ang hubad na katotohanang pilit mong itinatago!
Porn Star ka nga
Tama ang hinala ko
Sa kita nag-ambag na ang dayo
Sa sarap nag-ambag na ang enganyo
Please gusto ko na maging Porn Star!
Kailangan ko na magpapayat ng moralidad
Kailangan ko na magpapayat ng prinsipyo
Huhubarin ko lahat ng yan
Magkaroon lang ako ng meron ka amo!
I love you my porn star!
“Tigas Titig Kay Ningning”
❤️💚
0 notes
Photo
Kalabang came from Kalo Ban. According to the legend, during the 22/24 states, the Gurungs were hunters for the King. They got the land after being able to shift the King's Canon which nobody else could. The village got it's name after being established by deforesting the Kalo Ban. Such an interesting history and heritage of this place. #history #kalabang #stories #memories #heritage #visitnepal2020 #trip #wandering #architecture (at Kalabang) https://www.instagram.com/p/B6VawrrB_6j/?igshid=1jxb9czv1k1xd
1 note
·
View note
Photo
Wiser.
#i love these pics#kalagang#kala dandekar#wolfgang bogdanow#sense8#more like kalabang i guess#pic cred in link
155 notes
·
View notes
Text
last night tinanong ko si Krishna if complete na senators niya, gusto ko din kasing makakuha ng input from her dahil siya yung nakaka sama ko (werk) na pinaka active ngayon sa political causes- nung Tuesday, she volunteered sa house to house campaigning for Leni-Kiko, iba pa ata don sa street campaigning na sinamahan din niya.
sabi niya hindi pa din complete yung kanya dahil di pa sya fully nakakapag check ng profiles ng iba pang candidates, so we kinda reviewed the names. I also shared a link ng post from here.
nag kwento siya ng mga ganap habang nag aayos ng campaign materials sa HQ, kung gaano nakaka inspire makahalubilo ang ibat ibang mga tao, na ibat iba ang pinanggalingan para sa iisang layunin.
kinwento niya na isa sa organizers was a supporter ng kalabang partido, napadaan lang daw ito sa isa sa mga Leni-Kiko rallies, nag stay para mapanuod ang Ben and Ben. this person eventually stayed longer para pakinggan ang plataporma ng mga kandidato, bukod dito, malaking factor ng pagbabago ng isip nito yung warmth na naranasan niya from the crowd, yung quality ng suporta ng mga tao sa pinaniniwalaan nila, ito yung puso ng mga tao na nais makakita ng pagbabago; ito yung suporta na more than sa kandidato, eh para sa kapwa Pilipino.
naiwan na kaming dalawa sa haba ng usapan, nangulit na sina Cess na sumabay na kami sa dinner at paubos na ang pagkain.
tinuloy niya ang pag kkwento ng experiences sa pag house to house at pag lalakad sa streets. its good to know na madami pa din ang bukas ang isip, at nakikinig. I'd like to believe na hindi lamang ito para sa kandidatong ineendorso pero para sa better awareness ng kung ano an nangyayare sa ngyon at ano ang pinaka kailangang natin.
i cant really be vocal sa stand ko, re: campaign-election season, as of recent, kasi detached ako eh. not that i detached myself sa usapin na ito pero I have been feeling many things all at once sa aking personal life, sadyang hindi na ata kinaya ng emotional and intellectual capacity ko iabsorb ang ibang bagay. wala din ako socmed at di nakakapanuod ng news. if maging more forward ako, it won't be sincere, bandwagon lang ba. i also posted months ago, I have people (my workmates) na pinaka comfortable ako to converse with kapag political issues.
ayun. basta hopeful pa din sa best outcome ng election. i believe we could do better. we deserve better.
//
11 notes
·
View notes
Photo
and now we know why wolfgang was so uh.... ready? to have sex with that random girl
54 notes
·
View notes
Text
Hindi Pa Ba Sapat Ang Isang Taon?
"HINDI PA BA SAPAT ANG ISANG TAON?"
Isang taon na pala
Simula nang tayo'y magsara
Simula ng lahat ay magmaskara
Isang taon na pala
Isang taon na bulok sa bahay
Walang mga hanapbuhay
May mga kumikitil ng buhay
Nagtatanong, paano mabuhay?
Isang taon ng walang trabaho
Sarado ang mga negosyo
Mga sumusubok sa birtuwal na
mundo
Bili na kayo! Maganda't mura 'to
Isang taon ng bansa'y nakaratay
Libu-libong pasiyente't bangkay
Bilyong pisong natangay
May bilib pa rin ba kay tatay?
Isang taon ng tulog ang hustisya
Mga pagpatay sa mga aktibista
Bala pa rin ba ang busal sa kanila?
Anak ba ang magpapalaya sa ina?
Isang taon ng walang pagkain sa
hapag
Nanlilimos sa gobyerno ng awa't
habag
Pagod na si manong tsuper sa
biyahe
Kuwarenta peso pagkatapos ng
garahe
O isang taon na pala!
Dumating na ba yong bakuna?
Teka, bakit sa pila ay may nauuna?
Matanda at hukbong medikal ba
sila?
Isang taon na pala ang lumipas
Bakit hindi pa rin tayo makalagpas?
Virus ba ang kalabang gumagapos?
O ang gobyernong palpak sa bawa't
kilos?
Hindi pa ba sapat ang isang taon?
Kailangan pa ba nating muling
mabaon?
Ilan pa bang pamilya ang ililibing?
Bago ang tulog na masa ay magising?
#tula#sabi ni makata#tinta#isip at pluma#tagalog at likha#poetry#poets on tumblr#writers on tumblr#spilled ink#spilled thoughts#spilled poetry#poems#creative writing#pagod na ang bansa
23 notes
·
View notes
Text
SA SANDALING TUMIGIL ANG PAG-IKOT NG MUNDO
Binago ng Pandemya
Sa sandaling tumigil ang pagikot ng mundo ng dahil sa pagdating ng isang malalang sakit sa ating bansa, na kung tawagin ay COVID-19. Sa simula nagmula ito sa isang maliit lamang na epidemya, na nang galing sa pinaka malaking bansa ng Asya. Hanggang sa naging ganap na malalang sakit at pandemya. Sa pagdating ninto maraming natakot, maraming umiyak, maraming nasaktan. Isang araw pagmulat ng aking mga mata lahat ay nagbago na. Hindi lang sa Pilipinas ang sakop ng pandemya kundi buong mundo. Ang buong mundo ay nagulat, nabigla na para saakin ay sandaling tumigil sa kanya pag-ikot. Sira ang buong mundo sa kalabang hindi nakikita. Nakalulungkot at nakadudurog ng puso dahil sa maling pamamaraan ng pamumuhay ng iilang tao marami ang nadamay... Nahirapan at, nabawian ng buhay. Para saakin isa itong bangungot, ayaw huminto. Laganap ang kawalan ng hanap-buhay na naging dahilan ng kahirapan. Bata, matanda, mayaman o wala lahat ay apektado walang sinanto. Sa Pilipinas para makatawid sa pandemya pondo ng gobyerno ginawang ayuda sa mga salat. Ang mga tao ay nawalan ng kalayaan, dapat mag suot ng facemask at faceshield. Araw-araw pagsuong sa digmaan hindi nakikita ang kaaway. Bawal muna ang yakap, beso-beso, kaway-kaway muna, distansya muna mga amigo at amiga. Sa malaking pagbabago ng ating mundo maraming ng dapat sundin at gawin na para rin sa ikabubuti nating lahat. Hanggang kelan ba? Hanggang kelan ba maghihirap ang mga Pilipino? Hanggang kelan tayo maghihirap sa pandemyang ito? Pati mga estudyante hirap na sa bagong pamamaraan ng pagaaral nila. Katulad ko na isang estudyante na gusto-gusto ng makapag-aral katulad dati na hindi matutupad at binago ng malala at napakasamang pandemya. Isang pandemya na patuloy na nagbibigay ng takot, hirap, pangamba at luha. Lalo na sa taong mahihirap na isang kahig, isang tuka. Sa pang araw-araw na pagkadapa mga Pilipino sabay-sabay tayong bumangon! Sabay-sabay tayong magsisikap at magtutulungan! Sa labang ito’y kasamang ang Diyos na siyang lumikha saatin, sa langit at sa lupa. Ipikit ang ating mga mata at magdasal sakanya. Siyang ang ating Diyos na may plano para sa lahat. Tayo’y manalig at magtiwala na malalagpasan natin ito. Kung titignan natin ang pandemyang ito maraming masamang epekto sa sangkatauhan pero hindi natin maikakaila na napakaraming mabubuting rin naidulot ang sandaling pag-ikot o pag-tigil ng mundo ito. Pero sa mabuting paraan meron rin itong mabuting dulot katulad ng pagbobonding ng matagal kasama ang pamilya, nakapag pahinga rin ang ozone, at higit sa lahat maraming tao ang nagtiwala sa Diyos na malalagpasan natin ang problema na ito na isang lang ito sa malaki at malalang problema na kaya natin sulusyonan at pagtulungan.
22 notes
·
View notes
Text
Tao laban sa kalaban na hindi makita.
Ang biglaang paglaganap ng Virus na COVID-19 ay siyang nagpahirap sa buong mamamayan, mapa Pilipino man o ibang lahi. Kasabay nito ang biglaang lockdown ng halos buong bansa upang mapigilan lumawak pa ang virus kasabay rin nito ang biglaang pagsasara ng mga gusali kilala man o hindi at ang biglaang pagtigil ng trabaho ng lahat na siyang nagpapahirap sa bawat isa lalo na sa mga pamilyang walang sapat na pera o ipon upang mapunan ang kagutuman sa gitna ng pandemya. Namahagi rin naman ng Budget at reliefs goods ang ating gobyerno para kahit papaano ay makatulong sa lahat ng nangangailangan ngunit ayon sa nakararami, pili lamang ang nabibigyan ng budget. Hindi inaasahan ng lahat ang mga sunod sunod na hindi magandang nangyayare noong nagdaang 2020 nagmula sa pagputok ng bulkang taal at nagka sunod sunod na ang trahedya, at COVID naman ay patuloy paring nakasalang at kasalukuyan paring nilalabanan ng lahat, hindi na lubos maisip ng nakararami kung kailan makakamit at matatapos ang trahedya. Sa ngayon ay ipinapasa-Diyos ng mga tao ang mga patuloy na hindi magandang nangyayare sa bansa at mundo. Mahirap kalabanin ang kalabang hindi nakikita, ni-walang makakapagsabi kung isa ka naba sa lumalaban dito, marami ang sumisigaw ng tulong dahil sa gutom, nagbigay ng budget ang gobyerno para sa lahat ng mamamayang Pilipino pero bakit parang hindi naman lahat ay nabigyan? Sa personal na kasanayan ay pili lamang sa lugar namin ang nabigyan ng budget na dapat sana ay lahat dahil lahat ay gutom, pero hindi kami maka-angal dahil imbes na umangal ay nagpasalamat nalang kami dahil kahit papaano ay may nakakakain parin kami. Maraming Pilipino ang hanggang ngayon ay simot na simot at kapos na kapos na sa buhay gawa ng pandemya. buti na lamang ay medyo lumuwag na ang lockdown sa aming lugar, nakapagtitinda na kami sa aming munting karindery para kahit papaano ay mairaos namin ang aming pangangailangan sa araw araw. Salamat sa panginoon dahil hindi nya hinahayaang mapalapit kami sa kasamaan.
1 note
·
View note
Text
Mga Patok na Pook-Pasyalan sa Calbayog City
Dahil sa pamamayagpag ng isang kalabang hindi madaling makita at masugpo, maraming mga plano ang naudlot at tuluyang namayani. Kagaya na lamang ng mga planong magtungo sa ibang parte ng Pilipinas o mundo upang makawala nang panadalian sa i-stress na dulot ng pag-aaral at trabahol. Ngunit! Ang byahe ng bawat tao ay hindi tuluyang magtatapos sapagkat mayroon ng mga gadyet na nagiging daan upang maipagpatuloy ang mga naudlot na plano kahit sa “virtual” lamang na paraan.
Kaya huwag manlumo, dahil ang blog na ito ay para sa’yo.
Tara’t ating tunghayan ang mga patok na pook-pasyalan sa lungsod ng Calbayog! Ang lugar na may mga nakamamanghang at nakahahalinang beach, mga beach na pinapaligiran ng mala-kristal na asul na dagat sa tuwing nasisikatan ng araw. Ang lugar na mayroong mga establisyemento na nakatindig na mula palang noong unang panahon, na naging saksi sa bawat pagbabago, mga ngiti at luhang ibinuhos ng mga tao sa pagdaan ng panahon. Ang lugar na binansagang “City of Waterfalls” dahil sa maraming mga talon na nakalatag at umaapaw sa gitna ng mga tahimik at misteryosong kagubatan.
Malajog Beach
Isa ang beach na ito na patok na patok na pook-pasyalan ng mga Calbayognon at maging ng mga turista. Handog ng beach na ito ang malaabo nilang buhangin, bughaw na dagat, ang tila sumasayaw na mga niyog at puno, naglalakihan at nagtataasang mga bato, ang mga kubo o cottage, at ang nakamamanghang tanawin ng paglubog ng araw sa likod ng mga nalalapit na isla. 40 minuto ang byahe patungo sa beach na ito mula sa city proper.
Mondejares Purtes Resort and Seaside Lounge
Ang beach na ito ay matatagpuan sa Brgy. Saljag. Ito ay sikat dahil sa black sand beach nito at karaniwan ay dito isinasagawa ang iba’t-ibang mga selebrasyon kagaya na lamang ng wedding receptions, conventions at marami pang iba. Patok rin ito sa mga pamilyang nagbabakasyon o nais magbakasyon sapagkat mayroon rin itong swimming pool. Maaari rin magsawaga ng iba’t-ibang aqua sports activities dahil mayroon silang kayaks at speedboats.
Calbayog Zipline and the Malajog Ridge Nature Park
Hindi mapagkakaila na ang Calbayog ang isa sa may pinakamagandang zipline sa buong bansa. Maaaring hindi ito ang pinakamahabang zipline ngunit ang tanawin ng turkesa na tubig ng Samar Sea ay ganap na kamangha-mangha. Ang adventure patungo sa zipline na ito ay magsisimula sa isang 915 metrong paglalakbay kasama ang matarik na mga taluktok ng Malajog at mainit na araw. Mula sa magandang summit nito, may kableng nakakonekta patungo sa maliit na isla ng Daraga sa ibaba, at masasaksihan mo na ang nakamamanghang tanawin na handog ng karagatan at mga isla.
Sts. Peter and Paul Cathedral
Itinayo noong 1800s, ito ang sentral na simbahan ng Diocese of Calbayog. Itinuring na pinakamalaking simbahan sa Samar, ang the Saints Peter and Paul Cathedral na muling inayos at ipinagawa ay naging mas kaaya-aya pa. Ang lumang domes, ang spire, at makapal na pader ay naiwan mula sa orihinal na simbahang Espanyol. Sa pangkalahatan, ang impluwensya ng Espanyol sa arkitektura at materyales na ginagamit ay napakalaki at kahanga-hanga. Ang simbahan na ito ay dinadagsa ng maraming tao sa tuwing may espesyal na mga okasyon at maging kahit sa araw lamang ng linggo.
Nijaga Park
Ang NIjaga Park ang pinakamalaking parke sa Lungsod. Ito ay matatagpuan sa tabi ng Calbayog River na naghihiwalay sa Downtown at Brgy. Obrero na humahantong sa hilagang bahagi ng lungsod. Ang parke ay mayroon ding isang artipisyal na replika ng Bangon-Bugtong Falls. Iba’t-ibang mga pagtatanghal ang isinasagawa rito at ito rin ay dinadagsa ng maraming mga tao.
Bangon-Bugtong Falls
Matatagpuan sa Brgy. San Joaquin ng Calbayog City. Ang Bangon-Bugtong Falls ay isa sa mga nakamamanghang talon sa Calbayog City na worth it puntahan ng bawat turista. Mamamangha ka sa nakapalibot na kalikasan sa talon at ang nag-uumapaw na tubig na tila kayang tanggalin ang bawat stress at pagod sa bawat tao. Hindi lamang ito isang tourist spot ngunit ito rin ang pangunahing pinagkukunan ng kuryente sa Calbayog City at sa mga malalapit na lugar.
Tarangban Falls
Ang tarangbang Falls ang isa sa mga pinakamataas na talon sa Calbayog City. Nakamamangha ang ilang ulit na pagbagsak na tubig habang dumadaan sa mga naglalakihang bato. Maraming humahanga sa talon na ito dahil sa lokasyon nito at sa napakaganda nitong itsura. Ito ay binabalik-balikan ng maraming turista sapagkat sa halip ng pagiging matuwid nito tulad ng maraming mga talon ay, mapapansin mo na ang mga rock formations na kung saan ang tubig ay dumadaloy ay mistulang nakatagilid na nagpapadagdag sa kagandahan nito.
Marami-rami pang magagandang pook-pasyalan sa lungsod ng Calbayog. At hindi talaga mapagkakaila na biniyayaan ang lungsod na ito ng magagandang mga tanawin at lugar. Kaya’t sa susunod, sa punto na maipagpapatuloy na natin ang ating mga naudlot na mga plano, huwag kalilimutang puntahan ang lungsod ng Calbayog.
Tayo ay bumyahe tungo sa siyudad ng kariktan!
1 note
·
View note
Text
Ein Mann hat Gras für seine Wasserbüffel besorgt und trägt es auf traditionelle Weise auf dem Kopf.
0 notes
Text
@katniss-emoteen BINCHH I AM MCFREAKING LOSING IT RN
#i've been at work suffering#i'm finally freeee#get me an inhaler bcos i am not prepared for kalabang to finally happen#i think i'll die#sense8
3 notes
·
View notes
Text
Hi this is my first post, I write a poem about Covid 19. Enjoy reading!
SALOT
Payapang kapaligiran ay biglang nabalot ng Takot
Sa pagdating ng isang nakamamatay na Salot
Pangamba, kaguluhan at kamatayan ang siyang Dulot
Nitong sakit na isang mahusay na mamamatay tao ang Sangkot
Sa kanyang pagdating nagsimula ang isang madugong labanan
Isang kalaban na napakaliit at hindi kayang Pagmasdan
Walang pinipili at sino ma'y maaaring tamaan
Nitong kalabang unti-unting kinikitil ang ating bayan.
Mga bagong bayani ang lumantad upang siya'y labanan
Mga bayaning araw-gabi ay kumikilos upang paglaganap niya'y mapigilan
Tumutulong, nag aalaga at nagpapagaling sa mga taong may karamdaman
Silang mga bagong bayani ng henerasyon ay nararapat nating pasalamatan.
Ngayong mundo'y nababalot sa matinding sakit at kalungkutan
Mga tao sa ibat- ibang panig ng daigdig ay may iisang kahilingan
Na sanay mga eksperto ay makahanap na ng kalunasan
Upang paghahari ng salot na ito'y tuluyan ng mawakasan.
Thanks for reading guys.Btw I accept criticism and suggestions so if you see some errors you can comment or directly message me hahaha.
1 note
·
View note
Text
Pondo'y Asan Na? Kaya Kami'y Alay Buhay
Buhay ay iaalay kahit may pamilyang naghihintay. Kami'y sasalang sa laban, wala mang kasiguraduhan 'pagkat may serbisyong dapat na gampanan.
Kalakip ang dalangin ng taong-bayan, tiwala' y daldalhin - isasaisip at isasapuso. Mananalig sa tinig ng pag-asa, na bukas ng umaga'y iihip ang hangin ng kaluwalhatian.
Ngunit,
Paanong tungkuli'y makakayanang punan? Kung pondo nami'y kakarampot lang. Makikipagbakbakan sa kalabang 'di nakikita, na tanging sandata' y pananampalataya lamang.
Kailan pa kaya darating o aabot pa kaya budyet namin? Baka nalagutan na kami ng hininga't naubos na, ay saka lamang sisikat ang liwanag para sa amin.
#panitikangfilipino#literatura#COVID-19#Pandemya#saludosahealthworkers#suportasafrontliners#labankontracovid-19#pananalig#tiwala#Ako'yPilipino#makabayan
1 note
·
View note