#pagLAYAg
Explore tagged Tumblr posts
dmncsvll · 2 years ago
Text
PagLAYAg
Minsan ba? Habang ika'y tumatanaw sa dalampasigan, naitanong mo na rin sa sarili mo kung gaano kalawak ang karagatan?
Papaano kaya naghahanda ang mga manlalayag upang makalaya sa lupa at patuloy maglayag sa walang kasiguraduhang karagatan?
kakatwa mang isipin, ngunit habang ako'y tumatanaw - napapaisip ako sa mga kasabayan kong tumulala noon. Kasabay humalakhak, ngumawa at kasabay makipag-away sa kanto. Kakosa sa basketbol kapag may kalabang dayo. Kay layo na nila ~
Kaya minsan parang gusto ko na ding lumundag sa pagkatulala at sumubok ng makipagsapalaran sa kinabukasan. Na kung saan, wala naman talagang kasiguraduhan pero, hindi naman kasi ito patungkol sa layo ng narating at kung sino man ang nasa unahan.
Habang tumatanaw ako sa dalampasigan, napagtanto ko, na katulad ng mga alon, bawat isang indibidiwal sa mundo ay may kanya-kanyang hugis at laki ng kinabukasang kanilang kailangang gampanan. Na hindi pala ito'y palakihan, paunahan at palayuan. Kundi, ang buhay ay tungkol sa kung papaano mo itutulak ang iyong hinaharap, kung papaano ka maglalayag sa kawalan na tanging pananampalataya sa maykapal lamag ang iyong pinanghahawakan.
0 notes
makauwi · 1 year ago
Text
Sa katagalan na ng ating pagsasama ay di ko labis maintindihan na sa kung bakit ikaw pa, sa lahat ng mga tao, ang aking maiibigan.
Ikaw pa ngang talaga, matalik kong kaibigan.
Marahil ako ay isang litong naliligaw sa gitna ng karagatan ng katotohanan. Ako'y narito sa tuktok ng aking bangka, nililigtas ang sarili sa lalim ng katubigan.
Sa layo ng paglayag ay inaasahan ko na at ngayo'y nangyari na... nabasa na rin ako.
Iniisip ko kung ipagpapatuloy ko pa bang isagwan ang aking munting bangka upang bumalik sa lupang pinanggalingan. O kaibigan kong pating, Itutuloy ko pa ba ito?
1 note · View note
jetherizer · 2 years ago
Text
Tumblr media
Paglalayag. (piyesa patungkol sa pag-abot ng pangarap)
Paano ka susugal sa malawak na karagatan? Paano ka makakapaglayag, kung wala kang sagwan? 'di mabilang na sagot, para sa mga sandamakmak na katanungan.
Dapat ka bang matutong lumangoy? O, hayaan na lang na alon ang magtaboy? Sasama na lang ba sa daloy ng hangin? Paano kung sa dadaanan, may matirik na bangin?
Magpapalamon ka na lang ba sa mga paparating na alon? O, matuto kang gumawa ng mga paraan para makaahon?
Makakasiguro ka ba, na makakalayo ka sa gamit mong bangka? Paano kung may paparating na bagyo, hahayaan mo na lang itong masisisira?
mga sagot na makabuluhan, para sa mga nakakalulang katanungan:
Kung gugustuhin mong maging matagumpay at maisakatuparan lahat ng iyong kagustuhan, matuto kang sumugal na ang pangarap at determinasyon ang iyong puhunan.
Minsan hindi mo kakailanganin ang sagwan, para makarating sa iyong paroroonan. Kanya-kanyang paraan, kanya-kanyang diskarte lang 'yan.
At darating ang araw na kakailanganin mong lumangoy, Sisigaw-sigaw, dala ng takot at panaghoy. Matuto kang tiisin ang pagod, ang lamig, na sa lalamunan mo'y humahagod.
Palagi mong tatandaan, na kung maglalayag ka, hindi ka nag-iisa. Marami kang makakasalamuha, karamihan ay lalagpasan ka, Ngunit may iilan, na tutulungan ka.
Hindi mo talaga maiiwasan ang malalaking alon sa karagatan, tibayan ang sarili at ito'y paghandaan, malaki man ang tatamuhing pinsala, ang mahalaga ay aahon ka kinabukasan.
Maglayag kang buo ang paniniwala, subukan mo lahat ang mga bagay na kinatatakutan mo, tahakin mo lahat ng landas, at maging ekspiryensado.
Isang araw mapapalingon ka na lang at matatawa, na sa kabila ng lahat ng alon, lahat ng bagyo, kahit na ano pa man ang dinadala at dinanas mo. Ipagpatuloy mo ang paglalayag, hanggang sa ang dulo ay maabot mo.
Ang paglayag sa karagatan ay maihahalintulad sa pamumuhay mo araw araw, marami-rami kang mararanasan. Sikat ng araw, ihip ng hangin, bugso ng malakas na ulan. Hindi dapat ang mga iyan, ang gagawin mong dahilan para ika'y panghinaan. Sapagkat gawin mo itong mga instrumento, na kahit anong hirap hindi ka sumuko. at isang araw, na sa karamihan malugod mong maihahayag. ANG MATAGUMPAY MONG PAGLALAYAG.
determinasyon, pagsusumikap, at pagmamahal.
-Learning/Jethro/LettersForMommy.
0 notes
kwaderno84 · 2 years ago
Text
Tumblr media
nais ko lamang maging malikhain sa mundo ng sining...sa pagtutula...
ako'y naniniwala na sa pagpalo pa ng mga panahon, lalawak rin ang pagkamalikhain ng tao sa taglay nyang talino...
hindi man ako lubos na hinubog sa husay ng pagtutula, tanging batid ko lamang na naghahayag ako sa sining nang may kalayaan at walang hadlang o pintas na pipigil rito...
magmula noong dumaan ako sa pagkabigo, sining ang naging sandalan ko noon at nang lumaon ay niyakap ko na sya nang tuluyan ay nagpapatuloy pa sa paglayag rito.
ito ang "kwaderno.", sandata ng aking saloobin at pahayagan ng aking pananaw...
sining ay kalayaan, walang hangganan, walang katapusan...
0 notes
annexca · 3 years ago
Text
#95
Simula palang ay alam ko na. Sa tingin ko ay hindi na ako kailangang paalalahanan pa. Pero, minsan, parang bago pa rin pala. Tila isang estrangherong reyalisasyong sa aki'y bumisita.
Nanggulat, nambulabog. Sa sensasyo'y parang ako'y sasabog.
Isipa'y 'di mahinto sa paglayag, 'di mapakali. Tila sa mga salita ako ay nakatali. Pinagtibay ng isang sumpa na hindi mababali.
Bawat letra'y sa aki'y nakapinta. Mga matang 'di matigil sa pag-iyak ng tinta. Bilang lang sa daliri ang makakaunawa.
"Magsulat ay mahirap ngang talaga."
Simula palang ay alam ko na.
8 notes · View notes
aandlsn · 3 years ago
Text
Patawad, Paalam
Patawad, ikaw ay aking nasaktan
Hindi nabigay ang iyong kailangan
Nararamdaman ko ay hindi naging sapat
Ngayon, ako ay magiging tapat
Ako ay lilisan na
Sa aking paglayag, pareho tayong masasaktan
Paalam na, ngunit paglisan lang ang paraan
Nang hindi tayo lalong magkasakitan
Sa ating pagwasak, sana tayo ay mabuo
Patawad, paalam, sa ating nakaraan
10 notes · View notes
lihimlihamtinta · 3 years ago
Text
Sapat na sa akin ang minsang nagtagpo
Ang mga buhay natin sa yugtong ito
Ang matuklasan ang pagkatao mo
Ang mabighani sa kagandahan ng 'yong puso
Sapat na sa akin ang minsang nagtagpo
Ang mga landas natin kahit 'di hanggang dulo
Ang mamasdan at humanga sa paglayag mo
Ang masaksihan ang ligayang para sa iyo
Sapat na sa akin ang minsang nagtagpo
Ang ating mga kamay kahit iba ang mga tibok
Ang maging parte ako ng kwento mo
Ang makita ang huling pahina ko sa libro mo
3 notes · View notes
mrlpdrr · 5 years ago
Text
Tumblr media
Paglayag
Ikaw ang panalangin, sigaw at katahimikan ng aking unang paglayag.
Ang pag balik sayo ay paghinga sa matagal na pagkasakal. Ikaw rin ang tuldok sa mahabang paghihirap ng loob. Sa maikling panahon, napawi mo ang pagod at sakit.
Ngunit, nakalimutan ko. Hindi ako ang iyong realidad, tahanan at mahal.
Sa muling pag lalayag, naiintindihan ko na. Kaylangan kita ibaba sa pinili mong destinasyon. Sa pag pili na hindi ako ang kasama. At sa pag pili ng iyong kaligayahan, ihahatid kita.
Sa panibagong paglayag, kaylangan ko maging matapang dahil ang paghinto ay para lang sa mga mahihina.
2 notes · View notes
asafeplaceformarla · 3 years ago
Text
Ikaw na naman.
Ikaw na naman nasa isip ko 😭 Hirap na hirap na'ko 🥺 sobra.
Ilang dasal, ilang trabaho, ilang paglayag, ilang pakikipagkilala ba ang gagawin ko para dumating ako sa puntong hndi na kita maaalala sa isang araw. 😔 Hirap na hirap na'ko.
Tumblr media
0 notes
mckorney · 3 years ago
Text
Hello.
0 notes
pedropanulat · 4 years ago
Text
Busilan
Tumblr media
Malaya ang bangka na Sumasayaw sa alon Sa agos ay kumekembot Laging handa sa unos
Ilang paglayag pa Ang susulyapin Makakarating din Bago mag takip-silim
Malaya ang isipan Ideya man ay busalan Imahinasyon ay maglalakbay Ito'y sandatang laging akay-akay
Takpan man ang mata Ang diwa ay gising Nakatatak na at nakaukit Dahil ang Isip ay malalim
Malaya ang isla Ngumiti sa ihip ng hangin Kamay ay nakalatag Handang yakapin ang sining
Talukbong sa lilim Sisid sa malalim Turo ng haring araw Na mainit ang paningin
Malaya ang ikaw Matatag sa pagsulong Buhay ay indayog Sa musika ng panahon
Sobrang malaya Baka kailangang igapos Sobrang malaya Nakalimutan na ang kahapon
Sobrang malaya
Sobrang laya
- ctto - - painting of Fernando Amorsolo (Sunday Morning Going to Town)
0 notes
a-replaceable-friend · 4 years ago
Text
Nahanap nga sarili mo, nawala naman ako
Masisisi mo pa ba kung ako'y susuko na?
Hindi mo man mapakinggan ang aking mga dahilan
Maitatanggi mo bang mahal na mahal kita?
Sa aking paglayag, tiyak ika'y masasaktan
Hangad ko'y maintindihan ('Di maintindihan)
Na sa tamang panahon, hinding-hindi na iiwan
Kung 'yong pagbibigyang muli ('Di kayang pagbigyan muli)
Kahit anong gawin, 'di na mababalik ang dati
Paalam, salamat
Salamat sa lahat
Balang araw ay makikita mo
'Di na sana lumayo
Kung paglisan lang ang dahilan
Sa ating hangganan
Ikaw pa rin sana
Patawad, Paalam by Moira and I Belong to the Zoo...
0 notes
jaken938 · 4 years ago
Photo
Tumblr media
Maliit na Isla
Isinulat ni: Michael Justin M. Mandal
Taong 2012 nang imbitahan ang pamilya namin ng kaibigan ng aking nanay na pumunta sa isang isla sa loob ng Pilipinas na tinatawag na Camiguin. Ferry ang iyong sasakyan upang makarating sa isla ng Camiguin. Pagkababa mo sa piyer, bundok ng puno ang nakatambad sa kabila ng kalye. Ang pagpunta namin sa Camiguin ay di para lamang sa pagtingin sa mga puno kundi sa tanawin at paglangoy. Ang una naming pinuntahan ay isang talon, ito ay tinatawag na Chase falls, dito may malakas na agos nang tubig pababa mula sa mataas na bangin o “cliff” habang sa paanan naman ng bangin ay abot tuhod na tubig ang iyong pwedeng tambayan habang ineenjoy ang oras kasama ang pamilya. Ang isa pa naming napuntahan ay isang bukal, may malamig na bukal at meron din na mainit na bukal, dito ikaw ay makakapag relaks habang nakaupo sa mainit at mababaw na bukal. Ang huli naming pinuntahan ay ang tinatawag nilang “Mahiwagang White Island” kung saan ito ay nawawala tuwing high tide at lumalabas tuwing low tide, sa maliit na islang ito ay matatanaw mo  ang kagandahan ng kapaligiran, puting puti ang buhangin, malinaw ang tubig, at nakikita mo pa ang kagandahan ng bundok sa hindi kalayuan.
Ang aming pamilya ay inimbitahan nang kaibigan ng aking nanay na pumunta sa Isla nang Camiguin, ngunit hindi lamang sila ang aming nakasalamuha. Sa bawat destinasyon na aming mapuntahan kami ay may nakasama mula sa mga dayuhan, mga kababayan na nagbabakasyon, hanggang sa mga lokal na tao. Sa pagdaong ng barko hanggang sa paglayag ng barko ay makikitang lahat ng amign nakasama ay masaya. Kahit sa barko palang na sinakyan namin ay may mga tao sa labas ng barko kung saan sila ay nag kokompetisyon sa pagsisid para mahanap ang inihagis na barya. Sa pagbaba sa barko habang nasa piyer, kita ang mga bata na naglalaro ng tumbang preso, luksong baka, sipa, at iba pa. Sa pagdating namin sa talon na Chase falls, makikitang madaming pamilya ang nageenjoy nang kanilang oras, may mga nagluluto, iba ay nasa ilalim ng umaagos na tubig, ang mga bata ay naglalaro nang bola, ang mga lokal naman ay nakikisaya din, sapagkat palakaibigan ang mga dayuhan pati ang ating mga kababayan pati ang mga lokal ay nakisama sa kasiyahan na nagaganap. Sa bukal naman ay marami din naman ang katauhan dito pero ang marami ay ang mga matatanda sapagkat ang kanilang pinunta ay ang maiinit na bukal para sa kanilang mga katawan. Sa pagpunta namin sa White Island mapapansin na karamihan ay lumalangoy marami din ay nag pipictorial ang iilan sa mga nagpipictorial ay sinasama pa ang mga kuya na naghatid samin papunta sa White Island. 
Kung ako ay mabibigyan nang pagkakataon bumalik dito,ako ay babalik ulit, dahil sa mga aking nakasalamuhang lokal pati sa mga tanawin maaaring pamilya pa din ang aking kasama o di naman ay aking mga kaibigan ko tropa, gagayahin ko ang ginagawa ng mga dayuhan noon kung saan niyaya nang mga dayuhan ang mga lokal na mag enjoy, uminom at magsaya. Ang mga karanasan ko ay noong 2012 kung saan ngayon at 2021 na nakalipas na din ang siyam na taon hindi lamang ang taon lumipas kundi pati mga kaganapan sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ito ay buhay pa, ngunit sana naman na ang mga tanawin at ang mga lokal ay hindi nagbago, kung nagbago man ay sana naging mas matino o mas mabuti ito.
0 notes
theboywhowrites · 4 years ago
Text
Sa aking paglayag, natatanaw ko ang iyong mga mata na kahit nasa malayo na ako, kitang kita kong ika’y malungkot, umiiyak, nasasaktan.
Sa aking paglayag, nais kong mahanap ang aking sarili. Sariling nakalimutang mahalin noong tayo pa. sariling hindi malaman kung nasaan na.
Sa aking paglayag, hindi na lilingon pa. Hindi na titingin sa nakaraang napakapait at napakasakit. Hindi na muling sisilip.
Sa aking paglayag, hindi na muling luluha nang dahil sa lungkot. Luluha na lang nang dahil sa ligaya at saya.
Sa aking paglayag, ako’y magpapaalam. Paalam sa lahat ng pait ng nakaraan. Paalam sa ating mga nakaraan.
Sa aking paglayag, sa kinabukasan nakaabang. Nakangiti, masaya, malaya.
0 notes
icravearanobrac · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Pamamalaot..
Masaya ako nang magsimulang pumalaot
 Habang lumalayag ay tinitignan kita sa pinag-iwanan kong daong Lumiliit ka at pati na ang buhanging kinatatayuan mo
 Mas lumalawak na ang dagat kaysa sa iyo.
Humarap ako sa araw para di kita makita 
Sa aking maikling pagsulyap, pahalang na ang linya 
 Walang buhangin at wala ka 
Napagtanto kong malungkot maglakbay mag isa
 Akala ko na madali ang umalis na aking napagpasya Sa pagliwanag ng buwan sa gabi
 Binabalot ako ng lungkot at hikbi
 Matagal man at malungkot ang paglayag 
Sigurado akong magiging masaya ang paglapag
0 notes
akosikiibong · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Ang Paglayag. ♥️ (at Anilao Pier Mabini Batangas) https://www.instagram.com/p/B3q9WkFh5eZlyHKqBgVquiq_knM1INOalQvW1c0/?igshid=10lptgczg2mp3
0 notes