#isa sa natatanging kaibigan
Explore tagged Tumblr posts
Text
FEATURE: GALING UPIS: Pia Ducanes at Nathan Egea, nagkamit ng ROTY sa UAAP S86
Muli na namang nagpasiklab ang #GalingUPIS sa larangan ng isports!
Nagkamit ng parangal na Rookie of the Year sina Olympia Ducanes ng Table Tennis Team at Nathan Egea ng Basketball Team, dalawang student-athlete ng UPIS noong nakaraang UAAP Season 86.
Ang parangal na Rookie of the Year ay iginagawad sa mga natatanging manlalaro na unang beses pa lamang maglaro sa UAAP. Ang batayan ng pagpili ng natatanging manlalaro sa basketball ay pataasan ng pangkalahatang puntos, rebounds, assists at steals mula sa lahat ng laro. Sa table tennis naman ay tinitignan ang puntos na nakukuha kada set at ikukumpara ito sa iba pang mga rookies sa taong iyon. Kung sakali mang magkaroon ng parehas na puntos ang dalawang manlalaro, titignan kung sino ang mas maraming naipanalong set.
Ang rookie of the year award ay tinanggap ni Olympia Ducanes sa Amoranto Sports Complex noong Nobyembre 23, 2023. Sa kabila ng team standing na 1-9, siya ang tinanghal na rookie of the year ng UAAP Season 86 dahil sa kanyang indibidwal na paglahok.
Hindi raw inakala ni Pia ng 7-Mercury na siya ang pararangalan ng UAAP Season 86 Rookie of the Year para sa larangan ng table tennis. Aniya, “Sobrang saya ko noon, kasi first UAAP ko nga, tapos ako pala ‘yung magiging Rookie of the Year. Kasama ko ‘yung family ko, kumain kami sa labas para i-celebrate ‘yung achievement na ito.” Ibinahagi rin ni Pia ang kaniyang naging mindset noong nagdaang season, na kaniya ring babaunin sa mga susunod pang taon. “Para sa akin, dapat palaging positive. Matututo ako sa mga mistakes ko noong nakaraang season, para mabago ko. Kailangang ma-overcome talaga ‘yung pressure kahit mahirap na, dapat focused lang sa game, at huwag matatakot kahit na malalakas ‘yung kalaban.”
“Play to learn, not play to win.” Ito ang mga katagang pinanghawakan ni Pia. Sa kaniyang panayam, binanggit ng manlalaro ang mga hakbang na kaniyang isinagawa upang makapaghanda para sa Season 86. “Pumunta ako sa iba’t ibang mga clubs para makipag-tune up, para masanay ako, para pagdating ng UAAP, handa ako kahit sino man ang makalaban ko.” Binanggit din niyang ang buong koponan ng table tennis ay talagang nagpursiging mag-ensayo upang maging handa sa kanilang mga laro.
Ang Season 86 ay ang kauna-unahang UAAP season na nilahukan ni Pia, at maraming mga balakid siyang kinaharap bago mapanalunan ang ROTY award. “Iba talaga ‘yung pressure kapag first UAAP [season]. Syempre kasi, maraming mga manonood, kaya sobrang kabado talaga ako.” Ang mga laro para sa bawat season ng UAAP ay madalas na isinasagawa sa loob ng dalawang linggo, kaya para sa kaniya, ang pagliban sa mga klase ang isa pa sa kaniyang mga naging hamon. Upang maibsan ang takot na baka siya’y mahuli sa mga gawaing pampaaralan, ani Pia, “Nag-pray ako kay God na sana malampasan ko ‘yung lahat ng mga pagsubok. Na ma-overcome ko. Tapos ‘yung mga natambak na assignment, ginawa ko one by one.”
Ayon kay Pia, ang isa sa kaniyang mga ‘di malilimutang laro ay ang kanilang laban kontra Ateneo kung saan nila nakamit ang unang panalo sa ikalawang round ng season. “We were really happy,” kwento niya. “Tapos noong may nakalaban akong kaibigan ko rin. Dati, natatalo talaga ako sa kaniya kasi magaling siya. Kaya happy talaga ako noong nakalaro ko ulit siya, kasi natalo ko siya.”
Ang maipapayo ng Table Tennis Rookie of the Year na si Pia Ducanes para sa mga magiging manlalaro sa susunod na taon ay ang taimtim na pagpupursigi. “Syempre, you have to work hard para ma-achieve mo ‘yun. Huwag ka dapat mag-e-expect na Rookie of the Year ka kaagad. Again, play to learn.”
Sa kabila ng standing score na 1-12, si Nathan Egea ang itinanghal na Rookie of the Year para sa basketball na tinanggap niya sa FilOil EcoOil Sports Centre noong nakaraang Pebrero 7, 2024. Nagtala siya ng 10.5 points, 10.5 rebounds, 3.0 assists at 1.5 na steals kada laro.
Ayon sa kaniya, sobrang unexpected ng kaniyang pagkapanalo at hindi niya inakalang siya ang magiging Rookie of the Year dahil ginawa niya lang ang mga dapat niyang ginagawa sa loob ng court. Ito ay matapos ang kaniyang pagpupursigi sa pag-eensayo at pagpapanatili ng positibo at matibay na mindset upang matiyak na maipapakita sa laro ang mga kakayahan ng koponan.
Para kay Nathan, naging mahirap ang pinagdaanan ng UPIS Junior Basketball Team sa nakaraang season. “It’s the pressure of not meeting the expectations of the people who support us, and also the disappointment whenever we lose in the game; but this serves as a challenge to give more effort and to be more eager to win,” aniya. “Memorable na sa aking nakapaglaro ako sa UAAP, pero iba pa rin ‘yung feeling na nakamit namin yung una naming panalo laban sa UE after so many losses.”
Sa kabila noon, nagpapasalamat pa rin siya sa pagkilalang natanggap at sa mga nananatiling walang sawang sumusuporta sa kaniya. “Kung hindi dahil sa kanila, ‘di ko po mararating kung nasaan ako ngayon.” Para sa Season 87, ani Nathan, dodoblehin pa nila ang ibubuhos na effort sa kanilang paghahanda. “We will make sure to learn from our experiences. We will treat this as an opportunity to grow more. I will make sure to maintain a positive mindset.”
Matapos ang matagumpay na taon, magiging kaabang-abang ang muling paglahok ng dalawang manlalarong ito sa susunod na season ng UAAP. //nina Wynelle Llaguno, Rache Bueno, Dzyaireh Santos
4 notes
·
View notes
Text
Pagtuklas sa Yaman ng Kasaysayan at Kultura sa Unibersidad ng Santo Tomas
Sa mapangahas na byahe patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas, hindi ko alam kung ano ang dapat kong asahan. Marahil may mga kuwento akong narinig mula sa mga kaibigan at nabasa sa social media tungkol dito, ngunit may sariling bagay na dala ang bawat paglalakbay.
Nang huminto ang bus sa tabi ng kalsada, agad akong sinalubong ng init at usok mula sa iba't ibang sasakyan. Isang maalinsangan na umaga sa isang lugar na inakala ko lamang noon sa mga litrato.
Ang Unibersidad ng Santo Tomas, o kilala bilang "UST," ay isa sa pinakamatandang unibersidad na matatagpuan sa Pilipinas, partikular sa lungsod ng Maynila. Ito ay hindi lamang isang lugar ng pag-aaral, kundi isang saksi sa kasaganaan ng kultura at kasaysayan ng bansa.
Sa aking paglalakbay sa unibersidad, nasaksihan ko ang yaman ng mga gusali at mga tanawin na nagpapakita ng diwa nito. Isa-isa kong binisita ang mga espasyong itinuturing na mahahalagang bahagi ng institusyon. Sa bawat hakbang, marami akong natuklasan at naranasan.
Una kong pinuntahan ang Santísimo Rosario Parish Church, kung saan nadama ko ang katahimikan at kapayapaan. Ang pagtungo sa simbahan ay nagdulot sa akin ng pagkakataon na magbigay-pugay at magpahinga, na nagpapalakas sa aking pananampalataya at pananaw sa buhay.
Pagkatapos kong libutin ang buong simbahan, napadpad ako sa UST Museum of Arts and Sciences. Dito, napusuan kong masdan ang mga likhang-sining at artipakto. Nakapupukaw ang bawat eksibit dito na nagpapaalala sa akin ng kahalagahan ng pagpapahalaga at pangangalaga sa ating natatanging mga kayamanan.
Nang lumabas ako sa museo, napansin ko ang UST Plaza Mayor, kung saan matatagpuan ang UST Tiger Statue na madalas puntahan ng maraming tao. Ang pagtayo sa harap nito ay hindi lamang isang pagkilala sa simbolo ng paaralan, kundi isang pagsasalamin din ng aking sariling lakas at determinasyon na harapin ang mga hamon ng buhay.
Pagdating ko sa Arch of the Centuries, ako ay talagang bumalik sa nakaraan at naantig sa kahalagahan ng tradisyon at simbolo ng unibersidad. Para sa akin, ang arko ay nagpapakita ng tagumpay at pagpapahalaga sa kasaysayan ng paaralan.
Sa bawat lugar na aking pinuntahan sa Unibersidad ng Santo Tomas, nadama ko ang kahalagahan ng kasaysayan at kultura. Ang bawat espasyo ay nagbigay sa akin ng inspirasyon at pag-unawa sa ating yaman bilang mga Pilipino. Ang bawat gusali ay may sariling kuwento at kahalagahan, naglalarawan ng pagiging isang Pilipino, at pagtitiwala sa misyon ng paglilingkod sa bayan at sa Diyos.
Sa kabuuan ng aking paglalakbay sa unibersidad, hindi lamang ako namangha sa mga gusali at tanawin, kundi ako rin ay nabighani sa diwa at identidad ng lugar. Ang bawat hakbang ay isang paglalakbay sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, na nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa na maging bahagi ng pagpapalaganap at pagpapahalaga sa yaman ng ating kultura.
Kung naghahanap kayo ng isang lugar na hindi lamang nagbibigay ng magandang tanawin, mairerekomenda ko ang Unibersidad ng Santo Tomas bilang isa sa mga makasaysayang destinasyon na dapat puntahan. Ang mga karanasan ko rito ay hindi pangkaraniwan at nagbigay sa akin ng malalim na pag-unawa at inspirasyon.
Mga Sanggunian:
University of Santo Tomas. (2023, September 8). History - University of Santo Tomas. https://www.ust.edu.ph/university-history/
The Varsitarian. (2023, September 28). UST breaks into 2024 THE World University Rankings. The Varsitarian. https://varsitarian.net/news/20230928/ust-breaks-into-2024-the-world-university-rankings
4 notes
·
View notes
Text
"Sa Pusod ng Alon at Bulkan: Pagtuklas sa Camiguin"
Ang maliit na isla ng Camiguin ay matatagpuan sa hilaga ng Mindanao at nag-aalok ng napakagandang tanawin. Ang mga natural na tanawin, maiinit na bukal, at mga makasaysayang pook ay nagpapakilala dito. Sa kabila ng katotohanan na ang Camiguin ay isang probinsya na hindi kasing sikat ng iba pang mga lugar sa Pilipinas, pero aking natitiyak na magugustuhan ng mga turista ang mga natatanging tanawin at kultura nito. Kilala din ito bilang "Isla na Ipinanganak ng Apoy" dahil sa pinagmulan nitong bulkaniko. Mayroong pitong bulkan ang isla, kabilang na ang aktibong Bulkan na pinangalangang Hibok-Hibok. Ang mga bulkan na ito ay naghubog sa tanawin ng isla at lumikha ng mga natural na atraksyon tulad ng mga bukal at talon na matatagpuan sa Dagat Bohol, sa hilagang baybayin ng Mindanao.
Kasiyahang kaalaman:
Sunken Cemetery- Ang Sunken Cemetery ay isa sa mga pinakasikat na tanawin sa Camiguin, ito ay isang sementeryo na nalunod sa dagat dahil sa isang malakas na pagputok ng bulkan noong 1871. Ngayon, makikita ang mga lumang cross sa ilalim ng tubig, at maaari itong bisitahin gamit ang mga bangka.
Nagawa kong bisitahin ang "Sunken Cemetery" na isa sa kanilang pinagmamalaki bilang parte ng kasaysayan, ang lugar ay tahimik at mahiwaga. Nang kami ay lumangoy upang mas makita ang kasaysayan sa ilalim ng karagatan nakita ko ang sementeryong noo'y nasa kalupaan, nasa ilalim man ng karagatan nanatili padin itong payapa. At sa pagtuklas sa Sunken Cemetery aking napagtanto na hindi masisira ng isang trahedya ang kagandahan ng lugar na ito bagkos ito ay naging kaisa at naging mahiwagang istorya ng paraiso.
Bilang isang manlalakbay ito pa ang isa sa mga hindi dapat palampasin pagdating sa Camiguin, ang kanilang mga kakanin.
Kilala ang Camiguin sa iba't-ibang kakanin gaya na lamang ng Kalamay na gawa sa malagkit, gata ng niyog at asukal. At ang kanilang Binaki na gawa sa mais, gata ng niyog, at asukal. Ibinabalot ito sa dahon ng mais at niluluto sa ibabaw ng uling, kaya't may natatanging usok na lasa. Karaniwan itong matamis at malinamnam.
Pero ang pinaka espesyal sa lahat ay ang Pastel na kakanin sa Camiguin, ang Pastel ay isang matamis na tinapay na may malambot na masa at karaniwang may malasa at malapot na palaman tulad ng yema perpekto bilang pasalubong para sa kaibigan at pamilya.
0 notes
Text
Tongits Go: Muling Pagbuhay ng Isang Klasikong Larong Pilipino para sa Digital na Panahon
Sa patuloy na nagbabagong mundo ng digital na libangan, ang mga tradisyonal na laro ay nagkakaroon ng bagong buhay sa online. Ang Gamezone, ang nangungunang tagalikha ng mga card game sa Pilipinas, ay binago ang Tongits, isang minamahal na larong baraha ng Pilipino, sa isang kapana-panabik na digital na karanasan na tinatawag na Tongits Go. Ang makabagong adaptasyong ito ay pinapanatili ang diwa ng orihinal na laro habang nagdadagdag ng mga bagong feature at kaginhawaan para sa modernong manlalaro.
Ang Tongits ay naging pangunahing bahagi ng mga tahanan ng Pilipino sa loob ng maraming henerasyon, kilala sa natatanging pagsasama ng estratehiya, swerte, at pakikisalamuha. Tradisyonal na nilalaro gamit ang standard na 52-card deck, matagal na itong naging paraan para magtipon-tipon ang mga kaibigan at pamilya, magbahagi ng tawanan, at makisali sa mapagkaibigan na kumpetisyon. Sa pagkilala sa pagbabago tungo sa digital na libangan, nakita ng Gamezone ang pagkakataon na dalhin ang Tongits sa ika-21 siglo.
Ang laro ay nagpapakilala ng maraming feature na hindi posible sa tradisyonal na larong baraha:
Mga Tournament: Ang mga manlalaro ay maaaring subukan ang kanilang mga kasanayan laban sa iba sa mga organisadong kumpetisyon, na may pagkakataong manalo ng mga kapana-panabik na premyo.
Mga Quick Game Mode: Para sa mga may limitadong oras, ang mas mabilis na bersyon ng laro ay nagbibigay-daan para sa mabilisang laban sa oras ng tanghalian o biyahe.
Mga Pang-araw-araw na Gantimpala: Ang mga pang-araw-araw na bonus at achievement ay nagbibigay-insentibo sa mga regular na manlalaro.
Pag-uugnay ng mga Distansya sa Isang Global na Mundo
Isa sa pinakamahalagang bentahe ng Tongits Go ay ang kakayahan nitong iugnay ang mga tao sa malawak na distansya. Sa panahong maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa, ang pagpapanatili ng koneksyon sa tahanan ay maaaring maging hamon. Ang Tongits Go ay nagsisilbing virtual na tulay, na nagbibigay-daan sa mga kaibigan at pamilya na magkasama-sama sa pamamagitan ng isang pamilyar na laro, saanman sila sa mundo.
Mga Kapana-panabik na Variant na Maaaring Tuklasin
Habang nananatiling tapat sa diwa ng orihinal na laro, nagpakilala ang Gamezone ng ilang kapana-panabik na variant sa Tongits Go, bawat isa ay nag-aalok ng natatanging twist sa klasikong formula:
Tongits Plus: Ang mode na ito ay sumusunod nang malapit sa mga klasikong patakaran, nag-aalok ng buo at estratehikong karanasan sa paglalaro.
Tongits Quick: Isang mas mabilis na alternatibo na may mas maikling round at pinasimpleng gameplay, perpekto para sa mabilisang laro.
Tongits Joker: Nagpapakilala ng mga wild card para magdagdag ng elemento ng hindi inaasahan at bagong estratehikong konsiderasyon.
Paano Maglaro ng Tongits: Isang Mabilisang Gabay
Para sa mga bago sa Tongits, narito ang maikling pangkalahatang-ideya kung paano maglaro:
Setup: Tatlong manlalaro ang lalahok, bawat isa ay makakatanggap ng 12 karta (13 para sa dealer). Ang natitirang mga karta ay bubuo ng draw pile.
Gameplay: Ang mga manlalaro ay magsasalitan sa pagbunot mula sa pile o pagkuha ng pinakabagong discard. Pagkatapos bumunot, ang mga manlalaro ay maaaring mag-discard ng isang karta at layuning bumuo ng mga kombinasyon.
Mga Kombinasyon: Ang mga manlalaro ay maaaring maglagay ng mga kombinasyon para protektahan ang kanilang sarili mula sa mga penalty. Ang mga balidong kombinasyon ay kinabibilangan ng mga pares, three-of-a-kind, at sunud-sunod na tatlo o higit pang karta sa parehong suit.
Panalo: Ang isang manlalaro ay maaaring mag-deklara ng "Tongits" kung mauubos nila ang kanilang mga karta. Kung walang sinumang mag-call ng Tongits, ang manlalaro na may pinakamababang kabuuang puntos pagkatapos maubos ang draw pile ang mananalo sa laro.
Mga Game Mode para sa Bawat Manlalaro
Ang Tongits Go ay nag-aalok ng iba't ibang game mode para tugunan ang iba't ibang kagustuhan at estilo ng paglalaro:
Classic Mode: Sumusunod sa mga tradisyonal na patakaran, nagbibigay ng authentic na karanasan na mainam para sa mga bagong manlalaro at matagal nang tagahanga.
Quick Mode: Isang mas mabilis na bersyon na may mas kaunting karta at mas maikling oras ng paglalaro, perpekto para sa mabilisang sesyon.
Tournament Mode: Para sa mga kompetitibong manlalaro na gustong subukan ang kanilang mga kasanayan laban sa mga pinakamahusay, may pagkakataong manalo ng malalaking premyo at umakyat sa rankings.
Sumali sa Tongits Go Revolution
Matagumpay na na-modernize ng Tongits Go ang isang minamahal na larong baraha ng Pilipino, pinagsasama ang tradisyonal na gameplay sa digital na kaginhawaan. Nag-aalok ito ng nakaka-engganyo at nakakaaliw na karanasan para sa lahat, mula sa mga paminsan-minsang manlalaro hanggang sa mga seryosong manlalaro.
Kung ikaw man ay naghahanap ng muling pagkonekta sa iyong ugat bilang Pilipino, naghahanap ng hamon laban sa mga mahuhusay na kalaban, o simpleng nais mag-enjoy ng masayang larong baraha, ang Tongits Go ay may bagay para sa iyo. Sa iba't ibang game mode nito, kapana-panabik na mga feature, at lumalaking komunidad, ito ang perpektong paraan upang maranasan ang iconic na larong Pilipino na ito sa digital na panahon.
Kaya bakit pa maghihintay? Laruin ang Tongits Go ngayon sa Gamezone, tuklasin ang marami nitong feature, at maging bahagi ng lumalaking komunidad ng mga mahilig sa Tongits. Panahon na para maranasan ang thrill ng Tongits tulad ng hindi pa nangyayari kailanman!
1 note
·
View note
Text
Ulan at Araw, Ikaw Pa Rin
Noong una kitang masilayan, ang alimpuyo na bumubuo ay mas lalong lumakas ngunit sa pagkakataong nakita ko ang mga mata mong nasasalamin ang misteryo, ang damdaming hindi ko maipaliwanag kung bakit gumaan ang pakiramdam mo. Mga mata’y may sinasabi at tila kinakatok ang malamig at matigas na pundayon ngunit unti-unting natitibag ng isang mayuming ngiti.
Ulan. Gusto kong habulin at hulihin ang iyong kiliti ngunit mahina pa rin ang aking loob dahil hindi ko maibibigay ang lahat pagkat matagal na akong sugatan, simula pa pagkabata. Walang kalinga mula sa mga magulang na ipinanganak ako sa mundong tila bulag at walang patutunguhan ngunit binigyan mo ako ng pag-asa. Na sa kabila ng unos, malakas na hangin at buhos ng ulan maging ang baha, gusto kong suungin ang lahat, makapiling at mayakap ka lang sa mga bisig ko. Ngunit hindi pa ako sapat. Kailangan kong hilumin ang sugat upang maibigay ko ng buo. Ang pagmamahal na gusto kong iparamdam.
Araw. Kahit panakaw ang sandaling kita’y tinitigan. Sa malayo. Sa malapit. Tumitingkad ang paligid kapag ikaw ay nakangiti at nakatawa. Ang mga mata mo’y kumikislap at ang maamo mong mukha na pinapanaginipan mo. Katulad ka ng isang araw na pinapainit mo ang malamig kong araw. Ang mga sugat ko’y tila naghihilom sa mga ngiti mo pa lang. Ang halimuyak na taglay mo at nang isayaw kita kahit sa maikling sandali, tila nasa alapaap ako.
Araw at ulan. Iyong maamong mukha. Ang nangungusap at kumikislap mong mga mata pag nakangiti. Ang iyong disposiyon sa buhay. Ang pag-aalaga mo sa kaibigan. Ang mahinhin mong tawa. Ang pagbikas mo sa pangalan ko. Ang mabini mong tinig na pinapawi ang kalungkutang bumabalot sa akin.
Kung hindi man tayo hanggang dulo. Mananatili kang natatanging babae na inibig ko na walang hanggan. Na kahit ilang taon pa ang nagdaan, ikaw pa rin. Isa kang diwata na madalang ko nang nasisilayan paglipas ng mga taon. Unti-unti ko ng nahilom ang mga sugat ko. Handa na kitang ibigin ulit. Ngunit hindi kita pipilitin kung hindi ka pa handa. Na tanggapin ako at siguro nga, naging makasarili ako, pagka’t hindi ko naisip na maging ako ay kahihilom pa lamang ng sugat ng kabataan ko.
Hinayaan kitang lumayo sa akin sa pangalawang pagkakataon at kahit masakit, naiintindihan kita. Hindi ka pa handa. Maghihintay ako hanggang sa handa ka nang umibig ulit. Na walang pag-aalinlangan. Buong-buo. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kagaya ng iyong pangalan, nakaranas ako ng pagbabago sa sarili ko. Na kaya kong magmahal. Na kaya kong pahalagahan ang sarili ko. At ang natatanging dilag na minahal ko sa kahapon at mahal na mahal ko pa rin sa kasalukuyan.
Nang yakapin mo ako habang tumatakbo ka, walang pagsidlan ang kaligayahan kumalat sa puso ko. Ikaw, nasa mga bibig ko at nangangako ako na buong buhay kitang aalagaan, mamahalin at pahahalagahan hanggang sa magiging anak at apo natin. Ika’y mamahalin habangbuhay.
1 note
·
View note
Text
Online Gaming: Pagsasaliksik sa mga Libangan ng mga Pilipino
Sa masiglang tambiolo ng mga libangan ng mga Pilipino, lumilitaw ang online gaming bilang isang prominente na gawaing pumapalibot sa kultural na pagkakakilanlan at humuhuli sa imahinasyon ng maraming indibidwal. Bagaman nananatiling bahagi ng kulturang Pilipino ang tradisyunal na mga libangan tulad ng basketball at karaoke, nagdagdag ang pag-usbong ng online gaming ng isang bagong dimensyon sa tanawin ng mga pampalipas-oras, na kumakalinga sa isang magkakaibang manonood sa buong kapuluan.
Sa kanyang pinakatingin-tangi, nag-aalok ang online gaming ng isang daanan patungo sa mga virtual na lugar kung saan maaaring maglapit-lapit ang mga manlalaro sa mga nakaaakit na pakikipagsapalaran, makisalamuha sa mga kaibigan at di-kilalang tao, at subukin ang kanilang mga kasanayan sa iba't ibang digital na paligsahan. Mula sa maingay na mga kalye ng Azeroth sa World of Warcraft hanggang sa mga masalimuot na lugar ng PlayerUnknown's Battlegrounds (PUBG), sinalubong ng mga Pilipinong manlalaro ang maraming mga genre ng laro, bawat isa ay nag-aalok ng kanya-kanyang natatanging halo ng kasiglahan at hamon.
Isa sa mga lalo nang popular na genre sa mga Pilipinong manlalaro ay ang online casino gaming, kung saan nagtatagpo ang kasiyahan ng pagkakataon at ang pangako ng kayamanan sa isang digital na paligsahan. Anuman ang pag-ikot ng mga gulong sa slot machine o ang hamon sa dealer sa isang laro ng blackjack, nag-aalok ang mga online site ng iba't ibang mga pagpipilian sa laro na sumasaklaw sa iba't ibang mga kagustuhan. Para sa maraming Pilipino, ang kaakit-akit ng online casinos ay hindi lamang sa potensyal na makamit ang salapi kundi pati na rin sa imersibong karanasan na kanilang naibibigay, na nagdadala sa mga manlalaro sa kintab ng mundong Las Vegas nang hindi kailanman umaalis sa kaginhawaan ng kanilang mga tahanan.
Halimbawa, tingnan natin ang karanasan ni Juan, isang batang propesyunal mula sa Maynila na kamakailan lamang ay nagtungo sa mundo ng online casino gaming. Pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho, nakakahanap ng kaligtasan si Juan sa mga virtual na silid ng BET88, kung saan maaari siyang magpahinga at magpamalas sa kanyang mga paboritong laro sa casino. Mula sa pagkakaroon ng adrenaline rush sa live dealer blackjack hanggang sa kasiyahan sa pag-ikot ng gulong ng roulette, sinasamantala ni Juan ang bawat sandaling ginugol sa digital na casino, sinusubukan ang kasiglahan ng laro at ang pagiging magkasama ng kanyang mga kapwa manlalaro.
Bukod dito, ang online gaming ay nagbago na sa isang sosyal na pangyayari sa Pilipinas, nagdadala ng mga komunidad, nagpapalago ng mga pagkakaibigan, at pati na rin ay nagpaparami ng propesyonal na mga liga ng esports na kapantay ng tradisyunal na mga laro sa popularidad. Sa mga nakalipas na taon, ang mga koponan ng esports ng mga Pilipino ay nagpabilis sa pandaigdigang entablado, naglalaban laban sa pinakamahuhusay na manlalaro mula sa buong mundo at nagpapakita ng galing at pagnanasa na nagtatakda ng kultura ng mga Pilipinong manlalaro.
Habang ang online gaming ay patuloy na lumalago sa Pilipinas, ito ay nagpapakita ng makapangyarihang pagbabago ng teknolohiya sa paghubog ng mga pampalipas-oras at sa pagpapalago ng mga koneksyon sa isang mas nagiging digital na mundo. Mula sa mga casual na manlalaro na naghahanap ng kasiyahan hanggang sa mga propesyonal na atletang esports na naghahangad ng tagumpay, nag-aalok ang online gaming ng isang bagay para sa bawat isa, lumalampas sa mga hangganan at nag-uugnay sa mga indibidwal sa isang pinagsasamang pagkahilig sa laro.
Sa pagtatapos, ang online gaming ay naging isang integral na bahagi ng kulturang panglibangan ng mga Pilipino, nag-aalok ng iba't ibang mga karanasan na sumasaklaw sa bawat kagustuhan at kahilingan. Mula sa kasiyahan sa casino gaming hanggang sa excitement ng competitive esports, nilalampasan ng online gaming ang mga hangganan, nagdadala ng mga tao at nagpapayaman sa buhay sa mga paraan na dati ay di maipakakilala. Habang patuloy na nagbabago ang digital na tanawin, ang mga manlalarong Pilipino ay walang alinlangang magpapatuloy sa pagtanggap ng mga bagong pakikibaka, pagbubuklod ng mga koneksyon at paglikha ng mga alaala na magtatagal habambuhay.
1 note
·
View note
Text
Twin Cove: Halina't maglayag tungo sa Kaginhawaan!
Sa buhay na ating tinatahak, hindi maikakaila ang mga problemang maaaring magbigay pasakit sa atin. Upang mapagaan o mailayo natin ang ating sarili sa mundong mapanakit, tayo ay nagpapahinga sa pamamagitan ng paglalakbay o pagbabakasyon. Ang paglalakbay o pagbabakasyon ay mahalaga para sa ating kalusugan at kaginhawaan sa buhay. Ito ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na makapagpahinga, makapagrelaks, maunawaan ang iba't-ibang kultura, matikman ang mga masasarap na pagkain, at magkaroon ng panibagong karanasan.
Ang Twin Cove Resort Hotel ay isang natatanging destinasyon na may makulay na kasaysayan. Matatagpuan ito sa Olongapo City, 1.7 kilometro mula sa Harbour Point, 1.9 kilometro mula sa Subic Bay Convention Center, 5 kilometro ang layo mula sa Subic Bay Airport. Nagtatampok ang Twin Cove Resort hotel ng bar, libreng pribadong paradahan, at hardin. Bawat kuwarto ay may takure, erkon, at telebisyon. Noong una, ito ay isang maliit na kilalang natural na yungib, ngunit sa pag-unlad ng turismo, ito ay naging isang kilalang destinasyon dahil sa likas na kagandahan nito. Ang Twin Cove ay dating tinitirhan ng mga katutubong naninirahan sa yungib. Ngunit matapos ang ilang taon ito ay naging sentro ng mga proyekto sa pangangalaga ng kalikasan. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan, na may positibong epekto sa komunidad at kalikasan ng Twin Cove.
https://heyplaces.ph/03476863/TWIN_COVE_Resort_Hotel https://buildeee.com/pros/buildeee-partner-hotels/projects/twin-cove-hotel-resort-olongapo
Noong ika-6 ng Mayo 2023, biglaang nagdesisyon ang aking pamilya na magkaroon ng isang araw na bakasyon kasama ang aming mga bisita mula sa Australia sa Twin Cove Resort Hotel sa Olongapo City. Bagamat ito'y hindi inaasahan, nagawa naming mag-ayos ng mabilis at magkaroon ng maayos na karanasan. Amin ding isinama ang aking mga kaibigang sina Ronniel at Iris. Ngunit dahil sa biglaan, hindi nakasama ang ilan sa aking mga kaibigan. Sa pagdating namin sa Twin Cove, kami ay nanatili sa isang maliit na gazebo cottage at naglaan ng oras upang mas mapanatili ang kasayahan sa aming pagbisita. Upang masulit ang bawat sandali, kami ay naglista ng mga aktibidad na aming gagawin. Nais naming masamantala ang bawat pagkakataon na magbukas ng mga masasayang alaala. Narito ang mga aktibidad na aming isinaplano:
(Kuha mula sa Facebook)
Una sa aming listahan ay ang pagsasalu-salo sa masarap na pagkain na aming dala. Bagamat ang ilan dito ay hindi pagkain mula sa lugar, ito naman ay nagpabawas sa ilang mga gastusin na kung saan ay nagdala ng komportableng kasiyahan habang nagsasalu-salo kami. Bumili rin naman kami ng isda sa mga naglalako upang ihawin at matikman. Kami ay nagkamayan, nagkatawanan, at nagbahagi ng mga kuwento habang kumakain, na nagbigay sa amin ng pagkakataon na mas maging malapit at mas maunawaan ang isa't-isa. Pagkatapos nito ay ang paglilibot sa lugar. Naging mas kapana-panabik ang aming bakasyon dahil isa ito sa aming plano. Dito ako nagkaroon ng pagkakataon na masilayan ang mga magagandang tanawin sa Twin Cove at makipag-ugnayan sa mga lokal na tao. Nang masilayan ko ang tanawin, ako'y agad na nahulog sa kamangha-manghang ganda nito. Ang mga kabundukan at luntiang mga puno ay tila'y humahawak sa kalangitan, nag-aalok ng kapanatagan at kapayapaan. Ang malinis na dagat na umaalon ay tila'y hugis-obra ng likha ng kalikasan. Ito ay isang pagkakataon na mas makilala ang kultura at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa lugar.
(Kuha mula sa Agoda)
Hindi rin namin pinalampas ang pagkakataon na lumangoy sa malinis na tubig ng Twin Cove at sumakay sa bangkang kayak at sa mga balsa. Labis ang tawanan naming magkakaibigan nang paulit-ulit kaming nahuhulog mula sa balsa at sa sobrang tirik ng araw ay nagdala na ako ng paragwas sa dagat. Pagkatapos nito ay nag kuwentuhan kami sa baybay-dagat tungkol sa iba't-ibang bagay na hindi pa dumaan sa aming isipan. Ang malinis at malamig na karagatan ng Twin Cove ay nagdala sa akin ng kasiyahan at kalmadong pakiramdam. Ang tubig doon ay nagbigay sa akin ng pagkakataon na makalayo sa aking mga iniisip o problema. Sa huli, pumunta kami ng aking mga kaibigan sa isang bar malapit sa aming cottage at nag-enjoy ng ilang baso ng San Miguel beer at banana shake. Ito ay nagbigay sa amin ng pagkakataon na magbahagi ng mga tawa at kwentuhan. Ito ay isang karanasan na nagdulot ng masayang pagtatapos sa aming araw.
Sa kabuuan, ang aming biglaang bakasyon sa Twin Cove Resort Hotel ay nagdulot ng masayang karanasan at alaala na hindi malilimutan. Sa kabila ng hindi kalayuan ng aming pinagbakasyunan at maikling oras, nagkaroon pa rin kami ng masayang pagkakataon na mag sama-sama at mag-relaks. Kami ay natuwa sa mga atraksyon at magandang tanawin sa Twin Cove. Nagkaroon kami ng pagkakataon na masilayan ang ganda ng kalikasan at malinis na karagatan sa lugar na iyon. Bukod dito, naging mas malapit kami sa aming mga bisita mula sa Australia, na nagdulot ng mas mataas na pagpapahalaga sa aming kultura at sa kanila ring kultura. Kahit na ito'y biglaan, natutunan kong maging mas madiskarte at masaya sa anumang sitwasyon. Isang magandang pagkakataon ito para sa aming pamilya at mga kaibigan na mas mapagtanto ang halaga ng pagsasamahan at pagkakaroon ng oras para sa isa't isa. Ang aming bakasyon sa Twin Cove Resort Hotel sa Olongapo City ay nagdulot ng mga alaala na hindi malilimutan at nagpatibay sa aming samahan.
1 note
·
View note
Text
ANG BOSES BILANG ISANG TOOL : PAANO HANAPIN ANG NICHE | PAANO ALAGAAN ANG BOSES AT PAANO ALAMIN ANG TAMANG PIC PARA SA PROJECT MO
Ang iyong boses ay natatangi, katulad ng isang fingerprints. May sarili itong natatanging kalidad at katangian na naghihintay na matuklasan at mapabutihin. Ang paghahanap ng iyong vocal niche ay isang paglalakbay ng pagsusuri sa sarili, pangangalaga, at teknikal na pang-unawa. Sa blog na ito, tatalakayin natin kung paano hanapin ang iyong vocal niche, pag-uusapan ang mga mahahalagang praktis sa pangangalaga ng boses, at bubuksan ang mga pagkakaiba-iba sa mga uri ng mikropono.
Pagtuklas ng Iyong Vocal Niche Pagsusuri sa Sarili: Magsimula sa pamamagitan ng pakikinig sa iyong sarili. I-record ang iyong boses at magtuon ng pansin sa mga bagay na nagbibigay ng katangi-tanging katangian nito. Ito ba ay malalim, malakas, malinaw, o nakakarelaks? Ang pag-unawa sa iyong natural na kalidad sa pagtutogma ng boses ay ang unang hakbang sa pagtuklas ng iyong niche. Eksperimentasyon: Huwag matakot subukan ang iba't-ibang estilo at genre ng pag-awit o pagsasalita. Ang pag-awit o pagsasalita sa iba't-ibang tono at tono ay makakatulong sa iyo na malaman kung saan pinakamahusay sumiklab ang iyong boses. Ang eksperimentasyon ay mahalaga sa pagtuklas ng iyong vocal range. Feedback: Humingi ng feedback mula sa mga kaibigan, mga guro, o mga tagapagturo ng boses. Maibibigay nila ang mahahalagang opinyon tungkol sa iyong mga kahinaan at mga lugar na pwedeng pagbutihin. Ang konstruktibong kritisismo ay isang hakbang patungo sa pagpapagaling ng iyong vocal niche. Pasyon at Katotohanan: Dapat tugma ang iyong vocal niche sa iyong pasyon at katotohanan. Umawit o magsalita tungkol sa mga paksa na nauugma sa iyo. Ang katotohanan ay magpapahalaga sa iyong boses at magiging relatable ito sa iyong audience.
Pangangalaga sa Iyong Boses Hydration: Manatiling maayos ang pagkaka-hydrate sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig. Ang tamang hydration ay mahalaga para mapanatili ang lubrication ng iyong mga vokal cords at maayos ang kanilang pag-andar. Warm-Up at Cool Down: Bago at pagkatapos gamitin nang malawakan ang iyong boses, mag-engage sa vocal warm-up at cool-down exercises. Ito ay makakatulong sa pag-iwas sa sobrang pagod at pinsala. Pahinga: Ibigay ang sapat na pahinga sa iyong boses. Iwasan ang labis na pagsasalita o pag-awit kapag ikaw ay pagod o mayroong pangangarog. Ang pahinga ay nagbibigay daan para magpagaling at mag-refresh ang iyong mga vokal cords. Iwasan ang Masamang Gawi: Iwasan ang paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak. Ang mga gawi na ito ay maaaring makasira sa iyong mga vokal cords sa paglipas ng panahon. Bukod dito, mag-ingat sa maanghang na pagkain at caffeine, dahil maaring magdulot ito ng acid reflux, na maaaring makasama sa iyong boses. Propesyonal na Gabay: Isaalang-alang ang pagtutulungan sa isang guro ng boses o speech therapist. Maibibigay nila sa iyo ang mga personalisadong teknik at ehersisyo para mapabuti ang kalusugan at performance ng iyong boses.
Pag-unawa sa mga Uri ng Mikropono Ang mga mikropono ay may mahalagang papel sa pagkuha at pagpapahusay ng iyong boses. May iba't-ibang uri ng mikropono, bawat isa ay may sariling katangian:
Dynamic Microphones: Ipinagkakaloob para sa mga live performance at maingay na kapaligiran. Matibay at hindi madaling ma- feedback. Nakakakuha ng tunog sa mas makitid na range ng frequency, kaya't ito ay angkop para sa mga boses na may mas kaunting detalye. Condenser Microphones: Angkop para sa studio recording at pagkuha ng mga maliit na nuances ng boses. Mataas ang sensitibidad at nakakakuha ng mas malawak na range ng frequency. Nangangailangan ng phantom power at mas sensitibo kaysa sa dynamic mics. Lavalier Microphones: Maliit, clip-on mikropono na kadalasang ginagamit sa broadcasting o public speaking. Nagbibigay ng hands-free na operasyon ngunit maaaring mag-sakripisyo sa kalidad ng audio kumpara sa mas malalaking mikropono. Shotgun Microphones: Mahabang at highly directional na mga mikropono. Ipinagkakaloob para sa pagkuha ng tunog mula sa isang tiyak na direksyon, karaniwang ginagamit sa pelikula at produksyon ng video. USB Microphones: Mga plug-and-play na mikropono na konektado nang direkta sa iyong computer. Kumportable para sa home recording at podcasting, ngunit maaaring hindi magbigay ng parehong kalidad ng propesyonal na studio microphone.
Ang iyong boses ay isang mahalagang instrumento na makakapag-ugnay sa mga tao sa malalim at emosyonal na antas. Ang paghahanap ng iyong vocal niche ay kasama ang pagsusuri sa sarili, eksperimentasyon, at pananatili sa iyong tunay na sarili.
#my voice#voice acting#voice training#voiceactor#voiceover#paano alagaan ang boses#ano ano ang ibat iba uri ng mic
0 notes
Text
Kultura at Koponan: Ang Pagsipa ng Bola sa Lupain ng Malaysia
Noong Setyembre 2019, ako ay pumunta sa Malaysia upang lumahok sa Borneo Cup 2019 bilang miyembro ng IloIlo Football Team sa kategoryang Under 16. Ito ang unang beses kong maglakbay sa ibang bansa, kaya naman lubos akong nasasabik upang tuklasin ang kahanga-hangang kultura ng Malaysia. Napansin ko agad ang mga kaibahan ng kultura sa Malaysia mula sa aking pagdating. Ang arkitektura, pagkain, at mga tao ay mayroong mga kakaibang halong kultura na malayo sa aking nakasanayan. Hindi ko akalain na magkakaroon pala ng ganitong kaibahan ang bawat bansa. Ang mga tao sa Malaysia ay may malaking respeto sa bawat isa, kahit na sa mga turista tulad ko. Hindi man ako nagsasalita ng kanilang wika, hindi ko naramdaman ang anumang uri ng diskriminasyon. Ang kanilang mga ngiti at kabaitan ay nakapagpapalambot ng puso at nagbibigay ng kumpiyansa sa akin. Tulad ng ibang bansa, mayroong halong mga kultura ang Malaysia. Mula sa mga kulay at uri ng damit ng mga tao, hanggang sa mga nakakagutom na pagkain at mga tradisyon nilang ginagawa. Isa sa mga nagustuhan ko sa aking biyahe ay ang nakakatuwang kainan sa Malaysia. Mula sa maanghang na mga curry hanggang sa masarap na satay, bawat kainan ay isang pista para sa aking mga pang-amoy at panlasa. Ang paglilibot sa mga street food stalls at night markets, kung saan nakakatikim ako ng iba't ibang mga bagong lutuin. Isa sa mga natatanging pagkain sa Malaysia ay ang nasi lemak, isang popular na pagkain sa Malaysia na binubuo ng mainit na kanin na may kasamang mga sangkap tulad ng gata ng niyog, bagoong, mani, itlog na maalat, at iba pa.
Ngunit ang tunay na layunin ko sa Malaysia ay para sa Borneo Cup, isang youth football tournament na nagdala ng mga koponan mula sa iba’t ibang bansa. Bilang isang miyembro ng IloIlo Football Team sa Under 16 category, lubos akong masaya na magkaroon ng pagkakataon na makipagkompetisyon sa internasyonal na antas at kinatawan ang aking bansa. Ang paglalaro laban sa mga koponan mula sa iba't ibang mga kultura at pinagmulan ay isang natatanging hamon, ngunit ito ay isang kahanga-hangang pagkakataon para sa pagkatuto. Nakita ko sa personal kung paano nagdudulot ang football ng pagkakaisa ng mga tao mula sa iba't ibang panig ng mundo, na nagkakaisa sa isang pagmamahal sa sport. Kahit na mayroong matinding kompetisyon, ang aking koponan at ako ay naglaro ng buong puso at nakamit ang pang-anim na pwesto sa pangkalahatang antas. Ito ay isang kahanga-hangang tagumpay na ipinagmamalaki namin, ngunit ang mga kaibigan na aming nakilala at ang pagpapalitan ng kultura ang pinaka-memorable na bahagi ng biyahe. Napakalaking pagkakataon na makapaglaro sa Malaysia, isang bansang may magandang kultura at taong nagbibigay ng respeto sa bawat isa. Hindi ko malilimutan ang aking karanasan sa Borneo Cup at sa pagtuklas ng kultura ng Malaysia. Ito ay isang natatanging karanasan na nagbibigay ng inspirasyon sa akin upang magpatuloy sa pagtuklas ng iba't ibang lugar sa mundo.
-Domantay, Jose Carlos
0 notes
Text
19 AUGUST 2020
Para kay M,
Hindi ko akalaing mayroon pala akong mga salitang gustong paulit-ulit na iparating sa iyo. Hindi ko rin alam kung bakit nga ba sinusulatan kita ngayon bagaman hindi naman tayo personal na magkakilala. Nakakatawang isipin na pasasalamatan kita para sa mga bagay na wala namang kabuluhan sa totoong mundong ginagalawan natin ngunit maikokonsidera kong napakahalaga para sa akin.
Nababanggit ko na rin naman ito noong mga nakaraang buwan sa tuwing magkikita tayo sa isang mundong buhay lamang para sa iilan. Salamat. Isang salitang nangangahulugan ng napakalalim. Isang katagang nagagalak at nagbibigay-pugay. Hindi man tayo lubusang at buong magkakilala ay nagpapasalamat pa rin ako sa napakabuti mong pakikitungo.
Isa ka sa mga estranghero sa buhay ko na masasabi kong hindi ko pinagsisisihang makasalubong. Napakababaw man ng leksiyon na naituro mo sa akin, malaki pa din ang naging parte mo sa istorya ko. Isa kang 'kaibigan' na hindi ko naman hinihingi pero dumating. Kaya naman maraming salamat.
Salamat sa pagsama sa'kin sa isang lugar kung saan maaari tayong maging bayani ng mga sarili nating buhay kahit na ito ay isang panandaliang libangan lamang. Kung sino ka man at nasaan ka man, gusto ko sanang malaman ang iyong katotohanan kung mamarapatin ng pagkakataon. Sa ngayon, lagi kang mag-iingat at sana sa araw na muli tayong magkita, sana maging totoo na tayong magkaibigan.
Salamat, M!
Hanggang sa muli,
Eli
2 notes
·
View notes
Text
Diyos marhay na aldaw Atty. Chel!
Salamaton po sa pagsungko digdi samuya sa Albay.
Alas dose y singko ng hating gabi, lingid sa aming kaalaman ang iyong pagbisita para sa isang panayam. Isang kakampink ang nagpaabot ng mensahe ukol sa programang “Chikahan with Chel”na agad naman naming tinugon. Sa kabila ng maikling oras ay nagawan naming maisingit ito sa aming schedule. Bakas ang tuwa sa pag-aasam na ikaw ay makadaupang palad. Maliban sa pag-aantay ay nagawa ko ring kumbidahin ang iba kong kaibigan.
Kinaumagahan, matiyaga kong tinitingnan ang mga updates sa social media ukol sa nasabing pagtitipon. Sabik sa nalalapit na pagdalo. Habang naghihintay sa natatanging kaganapan, napaisip ako at napasabing sana ay maihayag ko ang mga karanasan ko bilang isang extension worker ng sektor ng agrilkultura. Inaasam ko sanang makaulayaw ko kayo kahit panandalian sa bahaging ng inyong panayam.
Sa pagbungad ng programa, napatayo ako, kasabay ng masigabong palakpak at marahang sinusundan ang inyong paglakad patungong entablado. Matiyaga kong pinakinggan ang inyong turan. Sa bawat kausap ng iba’t ibang sector ay nakita ko ang kahalagahan nito kasabay ang kilig sa aking puso. Ngunit ang pumukaw ng aking atensiyon ay nang banggitin niyo ang National Food Security Law. Isang batas na naglalayong paigtingin ang kahalagahan ng agrikultura at pangingisda ng ating bansa.
Nagalak ako sa aking mga narinig, subalit bigo akong makaulayaw kayo sa kadahilanang kapos na sa oras. Kinalma ko ang aking sarili, pinagkasya kong makonteto sa selfie picture at autograph niyo. Pero, ang nagniningas na pagnanais na maipaabot ang aking hinanaing ay mas lalong lumagablab. Kung kaya, minarapat ko na lamang na idaan sa isang liham.
Bilang isang isang isko ng bayan,nanumpa akong tutulong ako sa paglinang ng kaalaman at pagtataguyod para sa kapakanan ng bawat Pilipino. Sa kasalukuyan, dalawang taon na akong naninilbihan bilang kawani ng gobyerno.Naranasan kong makipag-usap sa mga magsasaka tuwing ako ay nagsasagawa ng field work. Isa sa mga hinahawakan kong trabaho ay ang pagsasawalang-bisa ng mga dating utang ng mga magsasaka sa patubig.
Halos nasuyod ko ang buong barangay na nasasakop ng National irrigation System sa ikatlong distrito ng Albay. Hinikayat ko silang makapag-apply ng condonation sa bisa ng RA 10969 o “Free Irrigation Service Act” na may layuning burahin ang anumang kautangan ng magsasakang may lupaing walong ektarya pababa. May mga balakid akong kinaharap, magmula sa pagkumbinse hanggang sa pag-apply nila. Isa na dito, ang kawalan ng kompletong dokumento na kinakailangan para maapruhan ang kanilang aplikasiyon.
Maliban doon, kinakailangan manotaryohan ang kanilang aplikasyon at ang iba sa kanila ay walng sapat na pera para sa pagpanotaryo at paglakad ng ibang mga papeles gawa ng pandemya. Sa aking ginawang pakikipag-ugnayan sa Public Attorney’s Office, pinahihintulotan ang mga magsasaka magpanotaryo subalit kailangan personal na magpapanotaryo ang magsasaka. Ngunit sa aking pasubali, ito ay isang malaking hakbang sa bahagi ng ating magsasaka. Hangad ko po ang inyong payo.
Bilang karagdagan, minsan din nila sakin na idinaing ang mga suliranin sa pagsasaka lalo na sa pagtatanim ng palay. Tulad ng mataas na presyo ng abono at kung minsan pa nga ay nagkakaubusan. Dahil sa mahal na pangangapital at mababang bilihan ng palay ay nauuwi sa pangungutang ang mga susunod nilang pagtatanim.
Sa aking pagdalo sa kanilang mga pulong, mataas na bahagdan ng mga magsasaka ay matatanda na at ang ilan sa kanila ay may sakit. Bilang isang Agricultural & Biosystems Engineer ay nakakalungkot na para bang mababa ang bilang ng nagmamahal para sa kapakanan ng sektor ng pagsasaka.
Hangad ko po na mabasa niyo ito.
Salamaton asin Padayon
Lubos na gumagalang,
ANDREW B. CABILES
Kakampink, Chel,
Para sa Bayan
Para sa Kinabukasan
3 notes
·
View notes
Photo
Sa aking napakaraming magagandang ala-ala, may natatanging isang lugar na sa aking puso’y nakapunla na. Halika’t sabay nating balikan, alalahanin at alamin ang lugar kung saan ako’y nabighani sa tuwina, ang lugar na kilala sa bansag na "Hundred Precious Gems", o Hundred Islands sa Pangasinan Ang Hundred Islands ng Alaminos City ay marahil ang pinakasikat na tourist spot sa Pangasinan. Ito ay isang isla na humigit-kumulang 123 isla at islets na nakakalat sa Lingayen Gulf, pinaniniwalaang nabuo noong mahigit dalawang milyong taon na ang nakalilipas. Halos limang oras lang ang layo mula sa Maynila, ang Hundred Islands ay isang perpektong lugar para sa pagtakas mula sa nakakapagod na trabaho o kung nais mong magkaroon ng pansamantalang kapayapaan ng iyong isipin. Isang mura at nakakatuwang paraan para maranasan ang tropikal at ganda ng Pilipinas. Sa mahigit isang daang isla na may mga puting buhangin na dalampasigan, kweba, limestone na bato at bangin, at mayamang marine life, ginagarantiyahan ng Hundred Islands ang sulit na pag bakasyon para sa mga turista o saatin at marasanan ang mag-island hopping at mag-enjoy sa mga kaakit-akit na isla na ito. Bagama't hindi mabisita ang karamihan sa mga isla, may ilang mga isla na may maliliit na mabuhanging dalampasigan. Ito ay sapat na malaki upang magdaong ng isang maliit na bangka upang makapagpahinga ka sa isang piknik at ilang beer at lumangoy sa tahimik at kaakit akit na tubig. Ang One Hundred Islands ay walang masyadong bukas na beach gaya ng mga resorts na katabi nito, isa na doon ang Bolinao. Gayunpaman, itong isa na ito ay mayroong hopping na hindi matatagpuan sa Boliano. Noong nanatili kami roon, masuwerte kaming tumuloy sa isang holiday house ng aking mga kainigam. Ang mabilis na paghahanap sa internet ay makakahanap ka agad ng ilang opsyon. Mayroon ka ring opsyon na mag-camping nang magdamag sa halagang P200 lang kung nais mong magsaya sa labas, at maaari ka ring umarkila ng mga tent sa halagang P500. Lahat ng mga matatagpuan mo sa lugar na ito ay sulit at tiyak na makakalimutan mo ang mga problema at tambak na trabaho. Sobrang saya ng mga magagandang ala-ala lalo’t nadagdagan pa ng kulay sapagkat akin mga kaibigan ay aking naisama, hindi magiging masaya ang kuwento ng bawat larawang aming nakuha kung wala akong mapagkwekwentuhan, kaya’t Salamat sa pagsama sa akin sa Hundred Island, ninanais kong makinig sa inyong Kwento kapag kayo naman ang nakapunta sa mga lugar na ating napuntahan sa lakbay Sanaysay na ito, nagagalak akong isipin kung ano ang inyong mararamdaman kung kayo naman ang nag ukit ng mga magagandang larawan mula sa lugar ng “Hundred Island, Pangasinan”
2 notes
·
View notes
Text
Paano ko nagustuhan ang buhay kolehiyo sa kabila ng pandemya
Isang araw na naman ang lumipas at isang panibagong araw naman ang ating haharapin. Mga iba’t ibang gawain na naman ang nakahilera sa isang araw na daraan. Gumising, kumain, pumasok sa eskwelahan, mag-aral, umuwi, kumain at matulog. Iyan ang isang tipikal na buhay ng estudyante sa kolehiyo na aking minahal sa kabila ng hirap at bigat ng kurso na aking kinukuha. Ang buhay kolehiyo ay may halong saya, lungkot, pagkabigo, inis at galit na siyang dahilan kung bakit ito ang natatanging yugto sa aking buhay na kadalasan kong binabalik-balikan lalo na ngayong pandemya. Sabi nga nila, mas masayang maalala ang masasayang kaganapan kaysa malunod sa lungkot ng nakaraan.
Nangyari ang pandemya noong nagsimula ang ikalawang semester ng aking unang taon sa kolehiyo. Sa una ay nagustuhan ko ang isang linggo ng suspensyon ng klase ngunit madaling lumipas ang panahon at hindi ko namalayan na natapos ang semester ng hindi ako pumasok sa eskwelahan. Lumala ang estado ng pandemya sa bansa at maraming institusyon ang napilitang lumipat sa online education upang patuloy na magbigay ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral. Mahirap ang kursong nursing. Ngunit mas humirap ito noong ang kaharap ko na lamang ay ang screen ng aking kompyuter at wala ni isang anino ng practical skills lesson sa mga sumunod na semester. Sadyang naiiba ang birtwal sa pisikal na edukasyon. Hindi ko ito nagustuhan sapagkat mas gusto kong mag-aral sa isang silid-aralan kung saan kasama ko ang aking mga kaibigan. Ngunit ang online learning ay naging mas madali at komportable sa paglipas ng mga araw at kalaunan ay nabuo ang aking pang-araw-araw na gawain o everyday routine na aking relihiyosong sinusunod kada araw. Ito ang daloy ng aking araw na nakapaghikayat sa akin upang magustuhan ang buhay kolehiyo sa kabila ng pandemya:
1. Gumising ng maaga at ayusin ng sarili para sa klase.
Ang ganda ng aking umaga ay nakadepende sa aking pagtulog sa nakalipas na gabi. Kadalasan, ang aking klase ay nagsisimula ng alas diyes ng umaga kaya naman nakaugalian ko nang gumising ng alas siyete ng umaga araw-araw. Gayunpaman tulad ng ibang normal na estudyante, may mga araw na ako ay kailangang pilitin na bumangon sa kama kasabay ng walang kamatayang “snooze” ng aking alarm. Magigising na lamang ako na late ng sampung minuto sa aking klase lalo na kung ang klase ay alas siyete ng umaga at minus points sa attendance ng subject na iyon. Kaya naman sinubukan ko ang isang sistema na ang tawag ay “The Inverted Snooze” o “The 9-minute Rule”. Ang pangunahing ideya nito ay iwasan na bumalik sa pagtulog sa susunod na siyam na minuto (isang snooze cycle), pagkatapos ng unang pagtunog ng aking alarm. Sa loob ng siyam na minuto na iyon ay ginagawa ko ang mga aktibidad upang ihanda ang aking sarili para sa klase tulad ng stretching exercises at paghihilamos. Sa madaling salita, dito ginagawa ang mga epektibong gawain upang alisin ang bahid ng antok at panlalata. Kaya tinawag itong The Inverted Snooze— sa halip na matulog ng isa pang siyam na minuto, iniiwasan nating matulog sa loob ng siyam na minutong ito.
2. Kumain ng almusal.
Sinisimulan ko ang aking umaga sa paghahanda at pagkain ng almusal. Taliwas sa kaugalian na pagkain mabigat na agahan tulad ng iba’t ibang uri ng silog, sapat na sa akin ang dalawang malulutong na toasted bread at mainit na kape. Pinapalamanan ko ito minsan ng peanut butter at kadalasan ay sinasawsaw ito sa kape na aking nakaugaliang gawain dulot ng paggaya sa aking mga magulang noong ako ay lumalaki. Habang kumakain, libangan ko ang panonood ng mga vlogs ng aking mga paboritong vloggers sa Youtube tulad nina Alex Gonzaga, Ry Velasco at Emma Chamberlain. Pagkatapos kumain, tumutulong ako sa gawaing bahay tulad ng pagwawalis ng buong kabahayan at pagsasaing ng kanin para sa tanghalian. Pinapakain ko din ang aming alagang aso na si Oreo at nililinis ang kanyang kulungan araw-araw.
3. Dumalo ng synchronous online class.
Ang aking unang klase ay Team Sports na nagsisimula ng alas diyes ng umaga. Sa subject na ito, kailangan naming maisagawa ang iba’t ibang hanay ng kasanayan sa sports tulad ng One step block sa Volleyball, Single hand cross over sa Basketball, at Inside/Outside control sa Futsal. Isang beses sa isang linggo lamang ang aming synchronous online class kaya naman kadalasan ay practical tests ang aming ginagawa sa Team Sports. May kahirapan ang mga kasanayan na pinapagawa sa amin sapagkat wala akong karanasan sa paglalaro ng mga ganitong uri ng palakasan at hindi ako masyadong komportable sa paghawak ng bola. Ngunit kung badminton at table tennis ang pag-uusapan, siguradong madali kong maipamamalas ang aking kasanayan sa sports.
4. Kumain ng tanghalian at magpahinga.
Nakasanayan ko ng kumain ng eksaktong alas dose ng tanghali upang masunod ko ang aking iskedyul at hindi malipasan ng gutom. Iba’t ibang putahe ang inihahanda ng aking ina ngunit ang pinakapaborito kong ulam ay nilagang baboy. Ang tiyan ng baboy (Liempo), tadyang (buto ng baboy), at pata (bahagi ng binti) ay ang mga bahagi na nagbibigay ng pinaka-lasa sa ulam na ito, lalo na kung may buto. Madalas namin itong kainin kapag tag-ulan kung saan ang mainit na sabaw, karne, at gulay kapag kinain kasama ng steaming rice, ay nagdudulot kamangha-manghang ginhawa sa katawan. Napakasarap nitong kainin lalo na kung nilagyan ng kaunting pampalasa na pinagsamang patis at kalamansi. Nagpapahinga ako pagkatapos ng tanghalian at inihahanda ang aking sarili para sa susunod na klase.
5. Dumalo ng synchronous online class. (Ulit!)
Ang aking pangalawang klase ay nagsisimula ng ala una ng hapon. Dito tinatalakay ang iba’t ibang kasanayan sa pagsusulat ng panitikan. Katulad ng Team Sports, isang beses kada linggo lang din ang klaseng ito at may graded recitation sa kada talakayan. Bilang isang mag-aaral na lumaki sa ibang bansa, nahirapan ako sa paggawa ng mga aktibidad sa subject na ito sapagkat wala akong pangunahing kaalaman sa paggamit ng wasto at akmang mga salita at balarilang Filipino. Gayunpaman, masayang dumalo sa klaseng ito sapagkat ako ay malayang nakapaglalabas ng aking mga opinyon at karanasan sa paksang pinag-uusapan. Masarap din pagmasdan ang aking mga kaklase at ang mga ngiting puro at tunay na masisilayan sa kanilang maaliwalas na mga mukha.
6. Magmerienda at mag-scroll sa social media.
Karaniwang nagpapahinga ako sa pagitan ng mga klase at bago ko gawin ang mga takdang aralin ng iba’t ibang subjects. Madalas akong bumili ng milk tea at kumain ng meryenda. Kasabay nito ang pag-scroll ko sa aking social media upang malaman ang nangyayari sa mundo ng internet at kung may bagong post ang aking mga paboritong artista. Kung walang bagong balita sa social media, madalas akong gumagamit ng spotify upang makinig ng ilan sa mga paborito kong kanta o magbasa ng mga nobela. Ang mga aktibidad na ito ay nakatutulong upang mapawi ang aking stress at pagod mula sa mga klase na aking dinaluhan. Ito ay nagbibigay-daan upang mapahinga ko ang aking sarili mula sa mahabang araw na nagdaan at nagbibigay ng enerhiya na aking kakailanganin upang magawa ang aking mga takdang aralin sa gabi.
7. Gumawa ng takdang aralin.
Ginugugol ko ang natitirang bahagi ng aking gabi sa paggawa ng mga takdang aralin kung saan inuuna kong gawin ang mga aktibidad batay sa kung kailan ito kailangan ipasa. Kadalasan kong inuunang basahin ang mga aralin kada modyul upang maintindihan nang husto ang kailangang gawin sa mga aktibidad.
Ang isang bagay na natutunan ko nang maaga mula sa aking mga magulang ay ang ating utak ay parang mga sponge. Patuloy tayong nag-aaral ng mga bagay-bagay at hindi tayo dapat tumigil sa pagsisikap. Ang kaalaman ay kapangyarihan, at gaano man tayo katanda o anuman ang mga hamon na ating kinakaharap, palagi tayong makakakuha ng isang bagay o isang pananaw, isang bagong ideya, at higit na pang-unawa. Hinikayat nito ang aking pagkamausisa at hanapin ang mga sagot na aking kailangan. Palaging nasasabik ang aking ina kapag tinuturuan ko siya ng bagong kaalaman na tungkol sa nursing o isang kawili-wiling at nakakatuwang impormasyon tungkol sa isang paksang hindi niya karaniwang naiisip. Iniuugnay ko ang pagkamausisa at ang pagnanais na matuto sa simpleng pagkakaroon ng sigasig sa buhay.
8. Kumain ng hapunan.
Kinaugalian na naming pamilya na sabay-sabay maghapunan tuwing alas siyete ng gabi. Dito namin pinag-uusapan kung paano lumipas ang aming araw. Nagkukwentuhan ng mga naganap sa aming araw habang nanonood ng mga balita sa 24 Oras. Sa oras na ito namin pinapatibay ang pagiging isang pamilya sapagkat kaming lahat ay abala sa aming sariling mga gawain na hindi na namin namamalayan ang presensya ng isa’t isa sa bahay. Sabi nga nila, “Pahalagahan mo ang pamilyang meron ka, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay nariyan sila”.
9. Manood ng paboritong palabas sa Netflix.
Isa sa pinakahihintay kong gawin pagkatapos ng mahabang araw ay manood ng mga paborito kong palabas sa Netflix. Ito ang aking numero unong libangan sapagkat itinuturing ko itong gantimpala o premyo para sa lahat ng mga aktibidad na aking nagawa at naisumite sa aming learning portal para sa araw na iyon. Ilan sa aking mga paboritong palabas ay The Crown, Stranger things, Bridgerton, at Brooklyn Nine-Nine. Sa kasalukuyan, pinapanood ko ang isang comedy-drama series na pinamagatang The Chair na tumatalakay sa mga problema ng mga Ivy league-esque na unibersidad. Ang palabas na ito ay isang uri ng back comedy na tumatalakay sa paksang karaniwang itinuturing na bawal, partikular sa mga paksang karaniwang itinuturing na seryoso o mahirap na pag-usapan. Ito ay may mabilis na daloy ng kwento (anim na episodes lamang), nakakatawa, at magaling ang pagkakagawa at produksyon. Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang mahilig sa dark humor diba?
Sa pagtatapos ng isang mahabang araw, ang pinakamahalaga ay ang mga bagay na natutunan ko sa online classes at sa buhay. Hindi lang ito tungkol sa mga grades at parangal na aking makukuha habang ako ay nasa kolehiyo. Kahit na madalang akong lumabas ng bahay at ginugugol ang aking oras sa online classes, sinimulan kong tanggapin at pahalagahan ang ganitong uri ng pamumuhay. Natutunan ko ang halaga ng oras, ang balanse sa pagitan ng pag-aaral at pamilya at higit sa lahat, hayaan ang aking sarili na magpahinga paminsan-minsan sapagkat hindi ko ito magawa noong pisikal akong pumapasok sa paaralan. Kung iisipin, hindi naman pala ganoon kasama ang aking buhay kolehiyo sa panahon ng pandemya na ito.
2 notes
·
View notes
Text
Destinasyong Sinisiyasat: Sa Baguio Mahahanap!
Tanaw ang pagbagsak ng pira-pirasong dahon mula sa isang punong nakatirik. Pawang matagal na itong nagmamanman sa bawat dayuhang matagal na ring nagmamasid sa kanya.
Habang umiiral ang modernisasyon sa iba’t ibang dako ng bansang Pilipinas, mayroong natatanging lugar na kinagigiliwan ng nakararami; hindi lamang dahil sa taglay nitong malamig na klima, sa pinagmamalaki nitong strawberry jam o sa kakaiba nitong mga tanim gaya ng mirasol na hindi karaniwang matatagpuan sa ibang lalawigan, kun'di dahil na rin sa taglay nitong mayamang kultura.
Hindi ko man ganap na sabihin ang pangalan ng tinutukoy kong lalawigan, alam kong natitiyak mo na ang nais kong bigyang pakahulugan: ang lungsod ng Baguio. Ang lugar na punong-puno ng pinausbong na kultura, mga tanawing makukulay sa mata, mga magigiliw na taong handang magbahagi ng kanilang pag-aari: ang lugar na puno ng kapayapaan, pagbibigayan at pagmamahalan. Ang lugar na parati kong nanais-naising balikan.
Ang Baguio sa Madilim na Kahapon
Kuha ang larawan mula sa Esquire Philippines.
Taong 1846 nang pamunuan ng mga Kastila ang probinsya ng Benguet na kung saan pinaghiwa-hiwalay nila ang bawat lugar sa karatig nito upang bigyan ng kaniya-kaniyang kabansagan. Dala ng kolonisasyon, naipasa sa kilalang tribong Ibaloi ang isang kakaibang kultura. Ito ang labis na pagpapahalaga sa kanilang namayapang mahal sa buhay. Sa ibang tradisyon, ang mga yumao ay inililibing at humahantong sa mga pampublikong sementeryo: malayo sa piling ng kanilang pamilya at dinadalaw lamang tuwing may pagkakataon o pagdiriwang. Sa tribong Ibaloi, nakagawian na nilang ilibing ang mga bangkay ng mga patay sa loob ng bahay at bakuran dahilan ang paniniwalang kasama pa rin nila ito hanggang sa kasalukuyan.
Kuha ang larawan mula sa I-Witness: ‘Our Baguio’, dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
Taong 1900 naman nang dumating ang mga Amerikano sa Benguet. Sa kanilang pananakop, nagpatayo sila ng mga gusali at istrakturang may kaparehong katangian at hulma sa mga kayariang mula sa Amerika. Kung sasaliksikin ang ilang mga lumang larawan na kuha sa nasabing lugar, hindi maitatangging naroon pa rin ang dati nitong kasiglahan at diwa: ang nagsilbing ugat sa pagpapayaman ng mga tanawin at mga kagawian na atin na ngayong tinatamasa.
Kuha ang larawan mula sa website na WordPress.
Taong 1908, kinilala ang lungsod ng Baguio bilang Summer Capital of the Philippines sa kadahilanang ito ang nagsisilbing takbuhan at destinasyon ng mga tao mula sa mababang lugar. Mula sa una nitong pangalan na Bagiw na nangangahulugang lumot, kasalukuyan na itong kinikilala sa pangalang Baguio, isang maunlad na sentro ng negosyo, komersyo at edukasyon.
Sa Likod ng Malinamnam na Lasa
Kuha ang larawan mula sa Escape Manila.
Para sa mga suki ng malinamnam na ube at strawberry jam mula sa Baguio, ang mga pasalubong na ito ay may tinatago ring mga istorya na ugat ng gayong pagkakakilanlan. Pangunahing layunin ng pamunuan ng Good Shepherd Convent – ang pinakasikat na pamilihan ng mga subenir sa itinatampok na siyudad, ang pagbibigay ng edukasyong pang-kolehiyo sa mga kabataang mag-aaral. Bagamat marami ang nagbibigay paanyaya sa kanilang negosyo na sumangguni sa ibang korporasyon, hindi nila ito tinatanggap sapagkat nakasasapat na ang inilalaan nilang pagsisikap upang makapagtapos ang kanilang mga iskolar. Sinabi ng isang namumunong madre na kung kanila itong tatanggapin, mawawala lamang sa pokus at magagambala ang pag-aaral ng mga estudyanteng naghahanapbuhay.
Ikalawa nilang adhikain sa pagbebenta ng subenir ang pagpapatayo ng mga organisadong grupo ng mga magsasaka, hindi lamang sa Benguet ngunit maging sa Ilocos at La Union. Sa pamamaraang ito, nabibigyang sapat na tugon ang agrikultura sa Baguio at sabay na napapanatili ang pangkabuhayang pinansyal ng mga manggagawa.
Kuha ang larawan mula sa I-Witness: ‘Our Baguio’, dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo
Isa ring sikreto ng linamnam nito ang pagdarasal ng rosaryo habang ito ay pinoproseso ng mga trabahador. Ayon sa kanila, isang banal na pananim ang ube na hindi maaaring masugatan o mabagsak sa tuwing inaani, ‘di gaya ng ibang halaman. Kaya nga’t nang malaman ko ang impormasyong ito, bumili ako ng limang piraso upang maibahagi sa mga espesyal na tao sa aking buhay at upang makatulong na rin sa mga nagsusumikap nilang mag-aaral.
Mga Kaakit-akit na Kalye | Lugar ng Malikhaing Kamay
Mula sa mga kuwadro na gawa sa mga eskultura, sa mga totoong kwento sa likod ng mga gawang sining, talaga namang sinasalamin ng mga malikhaing kulay sa pader ang kaluluwa ng isang malayang paglalakbay.
Para sa ilang mga tao, ang street art o graffiti ay itinuturing bilang isang gawa ng paninira o bandalismo: kakila-kilabot na tanawin na dapat patungan ng payak na kulay. Sa pananaw ng iba, kinikilala nila ito bilang isang likhang-sining, isang kasakdalan na nagpapahayag ng kanilang pagkakaiba-iba at kumakatawan sa kanilang talento na naiimpluwensyahan ng kultura, politika, musika, at relihiyon.
Tampok sa mga lansangan sa Baguio ang mga dinisenyuhang pader. Pinapayaman nila ang ganitong uri ng sining at kasanayan dahil natatangi itong demokratikong pamamaraan ng paghahatid ng opinyon sa publiko. Dagdag pa riyan, ang pagkakakilanlan ng mga sinaunang kultura ng tribong Ibaloi ay higit ding napapanatili sa pamamagitan ng street murals.
Ang Burnham Park
Kuha ang larawan mula sa website na WordPress.
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatanaw sa matayog na puno sa Burnham Park, isa sa pinakakilalang pasyalan ng mga turista sa Baguio. Isang espiritwal na repleksyon ang sumagi sa isip ko habang nakatingala sa matataas na sanga ng puno: ganito pala kayabong ang isang tanim na inalagaan, ang tanim na dumaraan sa unti-unting proseso ng pag-usbong, ang tanim na nagkamit ng kanyang kasaganahan ayon sa nakatakda nitong panahon.
Kuha ang larawan mula sa WIkimedia Commons.
Tampok sa parkeng ito ang isang lawa, kilala sa bansag na Burnham Lagoon. Ayon sa kasaysayan, pinangalanan ito ng isang Amerikanong arkitekto at taga-plano ng lungsod na si Daniel Hudson Burnham.
Kuha ang larawan mula sa website ng Detourista.
Tanaw mula rito ang pinakamataas na bundok sa rehiyon, ang Mount Cabuyao. Dagdag pa riyan, ang mga turista ay maaaring sumakay sa mga maliliit na bangka habang nililibot ang munting lawa.
Habang nakasakay at pumapadyak sa ‘di pangkaraniwang bisekleta na matatagpuan sa parehong parke, naramdaman ko ang pagiging malaya dala ng pag-iisa. Hindi kalungkutan ang nangingibabaw sa aking dibdib kun’di nag-uumapaw na kasiyahan at pagtatanto. Sa bawat padyak ko nang hindi nalalaman kung saan ako patungo, pinili ko pa ring magpatuloy at ‘wag magambala sa maraming pangamba. Ang pangambang baka ubos na ang oras ng pagrenta ko sa bisekleta o kaya naman ang pag-aalinlangan na maiwan ako ng aking mga kasama. Kung isasabuhay, para lamang itong pagbagtas ng aking mga pangarap: wala akong dapat isipin kun’di ang aking layunin at mga naisin, dapat akong magpatuloy na kumayod sa kabila man ng mga balakid at mga negatibong pangyayaring magdaraan.
Sa ganitong matamis na karanasan, 'paalam' ang pinakamahirap na bitawan. Kahit sa isang larawan ko na lamang ito madalas na mababalikan, alam kong nag-iwan ito sa puso ko ng isang reyalisasyon: unang parte pa lamang ito ng aking paglalakbay, kailangan kong magpatuloy dahil hindi pa ito ang nag-aabang na huling destinasyon na aking kalalagyan.
Hindi lamang sulit ang pagpasyal sa Burnham Park dahil sa mga tanawing taglay nito. Sa pagsampa sa iba’t ibang bahagi ng nasabing lugar, gaya ng Japanese Peace Tower at hardin ng mga rosas, malalasap mo rin ang mga nakamamanghang kasaysayan.
Ang Mines View Park
Hindi ba't ang sarap huminga sa paligid na puno ng kapayapaan, sa humuhuning hangin na humahaplos sa ating mga balat?
Ang isang sulyap sa Amburayan Valley ay maaaring masaksihan sa view deck ng Mines View. Dahil sa kaakit-akit na tanawin ng mga bundok mula sa itaas, ang parke ay isa ring magandang lugar para sa pagkuha ng mga larawan.
Sa parke, marami rin iba't ibang mga subenir tulad ng mga larawang inukit sa kahoy, mga tinitindang pilak, mga produktong habi mula sa Sagada, at iba pang mga gawang katutubo. Pinapayagan din ang mga turista na kumuha ng kanilang larawan kasama ang magagandang kabayo. Maaari mo ring maramdaman na ikaw ay isang Igorot sa pamamagitan ng pagrenta ng isang buong damit ng mga taga Cordillera. Para sa mga lalaki, kasama sa kasuotan ang bahag, kalasag, headdress at sibat. Para naman sa kababaihan, mayroon itong tapis, vest, at madisenyong headdress. Dagdag pa riyan, maaari rin matikman dito ang matamis na inihaw na mais at pusit.
Sa malawak na tanawin mula sa itaas, gusto ko na lamang ibulalas lahat ng problemang aking nararanasan: mula sa pamilya, kaibigan at pag-aaral, maging sa pagdududa sa sarili kong kakayahan. Hindi ko ito naisakatuparan, nakakapit kasi sa aking kamay ang isang kaibigan. Katulad ko, marami rin siyang katanungan na gustong bigyang tugon. Sa oras na iyon, kailangan niya ng isang sandigan na magbibigay sa kanya ng katatagan. Hindi niya marahil gustong makarinig pa ng hinagpis ng kalungkutan.
Sa oras na iyon, naunawaan kong hindi ako kailanman nag-iisa. Naunawaan kong hindi lamang ako ang biktima ng magulong tadhana o ng mapanghusgang lipunan. Sa kinatatayuan ko, pinili kong magpakatotoo laban sa aking kahinaan. Ganito pala ang pakiramdam ng pag-aalinlangan na baka hindi ko kayanin at malagpasan ang lahat: na baka sa isang iglap, mauwi sa wala ang lahat ng aking pinagpaguran.
Dahan-dahan kaming humakbang pababa ng hagdan. Sa huling sulyap ko sa pawang malalim na bangin, isang pagtatanto na naman ang sumagi sa'king isip: Ang katayugan ng bundok ay nakasalalay sa nais na marating ng kanyang mambabagtas. Muli, kung pipiliin kong mas manaig ang aking kahinaan, baka hanggang dito na lamang ang aking patutunguhan.
St. Scholastica Retreat House
At sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang, at mangagpahinga kayo ng kaunti. Sapagka't marami ang nangagpaparoo't parito, at sila'y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain. (Mark 6:31)
Matatagpuan sa 108 Wagner Road, Military Cut-off, Baguio City, lugar ito para sa pribadong pagninilay at pagdarasal, para sa isang espiritwal na pag-uusap upang makinig sa abot-sigaw ng puso.
Kuha ang larawan mula kay Gian De Leon.
Maliban sa mga kwentong nakatataas ng balahibo, isa rin sa kinasabikan ko sa lugar na ito ang mga pagpupulong na pinangunahan ng propesyonal na ispiker. Palagi niya kasing itinatampok ang kahalagahan ng pamilya sa tuwing siya ay nagbibigay paalala.
Bago ako lumisan sa aming tahanan upang mamasyal sa Baguio, nakabibinging bangayan muna ng aking magulang ang sumalubong sa paggising ko. Wika ko pa noon sa sariling diwa, matutuwa ako sa pansamantala kong pagkawala dahil walang gagambala sa payapa kong pag-iisip.
Sa dalawang gabing hindi ko nakasabay ang pamilya sa hapag-kainan, hinanap-hanap ko na agad ang halakhak ng nakababata kong kapatid sa tuwing kami ay nagtatalo tungkol sa isang paksa. Hinanap-hanap ko ang pangungumusta ng ina sa aking mga grado, na kahit madalas ay nagbibigay sa akin ng presyur, nagsisilbi pa ring inspirasyon ko upang lalong pagbutihan ang pag-aaral. Maging ang paghalik ng aking ama sa mga pisngi habang sinasabi na kami raw ang natatanging magkamukha sa pamilya.
Sa aking pagtulog, ninais kong maramdaman ang yakap ng ina. Nangako ako sa sarili: pag-uwi ko, agad ko siyang pagsasabihan ng lahat ng aking natutunan sa paglalakbay.
Mula noon, mas lalong guminhawa ang aming ugnayan. Nalaman ko rin na ang kapayapaan ay nag-uugat sa matibay na pundasyon ng pagmamahalan. Hindi sa pagtakas, hindi sa paglilibang.
Sa huling paglalarawan sa lugar ng St. Scholastica, sigurado akong mararanasan mo rito ang malalim na pagninilay-nilay na magbibigay ng panibagong pananaw tungo sa mga maling pang-unawa na akala mo dati ay nararapat at tama.
The Mansion House
Kuha ang larawan mula sa website na TrekEarth.
Matatagpuan ito sa silangang bahagi ng lungsod sa kahabaan ng C.P. Romulo Drive (dating bahagi ng Leonard Wood Road): tapat mismo ng Wright Park. Mas matanda ito kaysa sa lungsod at itinuturing na pinakasikat na pasyalan sa Baguio. Sa taglay nitong magagandang hardin at dinisenyuhang damuhan, ito ay isang paboritong pook para sa pamamasyal at pagkuha ng larawan.
Napadpad ako sa harap ng ipinagmamalaking Malacañang. Mula sa itsura nito sa labas, mapapansin agad na ang mga nakasasampa sa palasyong ito ay tanging mga makapangyarihan lamang. Ang pasyalang ito ang pinakamaluwag sa paningin ngunit pinakamasikip sa pakiramdam. May limitasyon lamang ang pagkuha ng larawan, maging ang hangganan na maaaring hakbangan ng mga turista.
Ang lugar na ito ay patunay sa nanatiling puwang sa pagitan ng mga nakaluklok at mga ordinaryong mamamayan. Ang upuan sa palasyo ay alay sa may kalamangan habang ang semento sa labas ay iniluluklok sa walang kapangyarihan.
Maliit na pagtatanto lamang ngunit nakakaalarma dahil nakasalalay sa kanila ang ating kinabukasan.
Muli kaming sumakay sa bus, pasulong mula sa lugar na puno ng pagmamataas.
Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag
Kuha ang larawan mula sa website na Luke Inspired.
Mula sa kataasan ng Baguio, napadpad akong nagdarasal sa isang simbahan sa Pangasinan. Huling destinasyon na kaya ito o panibagong simula na naman ng pagbabagtas?
Kahit hindi na ito kabilang sa mga kilalang pasyalan sa Baguio, karaniwang nagagawi ang mga turista sa Manaoag Church dahil ito raw ay makasaysayan at tunay na kagiliw-giliw. Libu-libong mga tao ang pumupunta sa lalawigan taun-taon upang maranasan ang kalikasang espiritwal ng lugar at kumuha ng iba't ibang mga atraksyon na may kinalaman sa relihiyon.
Sa loob ng isang oras na misa, nagbigay pasasalamat ako sa lahat ng biyayang aking natanggap: sa mga bagong kaalaman na aking natutunan, sa mga kaibigan na lagi kong nasasandalan, sa kaligayahang bigay ng aking pamilya at sa marami pang iba.
Huling Destinasyon: Ang Sarili
Sa tatlong araw kong paghahanap ng huling patutunguhan, naunawaan kong hindi isang partikular na lugar ang aking uuwian.
Tulad ng Baguio na nagpapayabong ng kanyang nakagawiang kultura, marapat ko rin sigurong pagyamanin ang aking sariling paniniwala at kaugalian upang makamit nito ang lahat ng kanyang inaasam.
Sarili, ang huling destinasyon na nilaan sa akin ng mahabang paglalakbay.
Salamat Baguio! Hanggang sa muli!
Ikaw, ano pang hinihintay mo?
3 notes
·
View notes
Text
Baguio: Unang karanasan kasama ang mga kaibigan
Mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan ako ay lumaki sa isang lugar na mayroong mainit na temperatura. Ito ang naging dahilan kung bakit pinangarap kong makapunta sa Baguio. Ayon sa aking mga nabasa at napanood, ang Baguio ay tinaguriang “Summer Capital of the Philippines” dahil sa natatanging klima nito. Kahit tag-araw man o tag-ulan ang panahon, nananatiling malamig ang klima roon. Ang lugar na ito ay matatagpuan sa Hilagang isla ng Luzon, kung saan napapaligiran ng mga nagtataasang bundok na naging dahilan kung bakit mayroon itong malamig na klima.
Noong ako ay nasa ika-sampung baitang ng aking paaralan, nagkaroon kami ng retreat sa Baguio. Sa unang araw, nagtungo kami sa Burnham Park, Our Lady of Lourdes Grotto, The Mansion at Mines View. Ito ang unang beses na magkakaroon ako ng karanasan sa aming patutunguhan kaya napakasaya ko noong araw na ito, lalo na at kasama ko ang aking mga kaibigan at kamag-aral sa paglalakbay.
Burnham Park
Ang Burnham Park ay tinawag na “Mother of All Parks” sa “Summer Capital of the Philippines.” Ito ang unang binibisita ng mga tao sa Baguio, kaya naman ito ang unang lugar na aming pinuntahan. Sa aming unang pagtapak, makikita mo kaagad ang napakagandang tanawin at malalasap ang malamig na hanging handog nito. Mayroong lawa na nakapaloob dito at iba’t ibang klase ng mga puno at bulaklak. Marami ring mga aktibidad na pwedeng gawin, tulad ng pagsakay sa bangka at go-kart. Ngunit, mas pinili naming magkakaibigan ang kumuha ng litrato habang nililibot ang parke upang magkaroon kami ng memorya rito. Habang kami ay kumukuha ng larawan, mayroong lumapit sa aming tindero ng presang taho. Bumili ako nito upang makatikim sa unang beses ang pinagmamalaking presang taho. Sa aking panlasa, ito ay matamis ngunit masarap. Pagkatapos, patuloy kami sa paglilibot hanggang sa nakita namin ang mga nagtitinda ng mga aksesorya. Bumili ako rito ng isang pulseras sa paa upang maging ala-ala sa Burnham Park dahil kami ay magtutungo na sa susunod na destinasyon.
Our Lady of Lourdes Grotto
Ang Our Lady of Lourdes Grotto ay isang Katolikong dambana at lugar ng pagdarasal at pagninilay, ito ay isa sa pinakatanyag na atraksyon sa Baguio City. Matatagpuan ito sa Mirador Hill, kanlurang bahagi ng lungsod. Bago makapunta sa tuktok ng Grotto, kailangan munang umakyat sa napakahabang hagdan nito. Ito ang pangalawang lugar na aming napuntahan sa Baguio. Binigyan lamang kami ng kaunting oras upang bisitahin ang nasabing lugar. Napagdesisyonan na lamang naming magkakaibigan na libutin ang nakapaligid dito dahil natatakot kaming maiwanan ng saksakyan. Maraming tindahan ng mga pasalubong ang nakapalibot sa destinasyon na ito kaya nakabili kami ng mga produkto sa murang halaga.
The Mansion
Ang The Mansion ay isang opisyal na palasyo sa tag-init ng Pangulo ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Baguio City, sa kahabaan ng Leonard Wood Road at sa kabila ng Wright Park. Ang The Mansion ay ang pangatlong destinasyon sa aming paglalakbay. Makikita mo rito ang napakalaking palasyo sa gitna ng lugar ngunit hanggang sa labas lamang ang pwedeng pasukin. Mayroong mga kamangha-manghang bulaklak at puno na nakapaligid sa lugar kaya maganda itong lokasyon upang kumuha ng mga litrato. Maikli rin ang oras na binigay sa amin dahil mayroon pa kaming isang destinasyon na pupuntahan bago lumubog ang araw.
Mines View
Ang Mines View ay isa sa pinaka kilalang lugar na binibisita sa Baguio City. Pinapakita nito ang isang kamangha-manghang tanawin ng mga minahan ng ginto at tanso ng Benguet at mga bundok ng Cordillera. Limitado ang oras namin dito kaya hindi kami nagkaroon ng pagkakataon upang makita ang magandang tanawin. Subalit, nagkaroon naman kami ng pagkakataon upang makita ang mga produktong gawa sa Baguio. Sa lugar na ito makakabili ng maraming produkto dahil iba’t iba ang mga ibinebenta rito.
Bilang pagtatapos, napagtanto ko na kakaiba ang ibinibigay na saya ng paglalakbay kasama ang malalapit sa ating buhay, tulad ng ating mga kaibigan. Ang paglalakbay kasama sila ay lubhang nakakatuwa at nakakataba ng puso sapagkat sabay naming tinuklas at inalam ang mga tinatagong bagay na mayroon sa Baguio. Natutunan ko na nararapat sulitin at siguraduhing tatatak sa utak ang mga oras na kasama natin sila sapagkat dadating ang oras na kinakailangang maghiwalay. Ang mga memoryang kasama sila na lamang ang ating maaalala. Sinisigurado ko na muli akong makakabalik sa Baguio upang magkaroon ulit ng mga magagandang alaala sa iba pang destinasyon dito. Sa huli, ang isinagawang paglalakbay ay naging dahilan upang malaman namin ang kagandahan ng bawat lugar na handog nito. Mayroong napakayamang kultura at historya ang mga bawat destinasyon na aming napuntahan. Base sa aking mga nalaman, nararapat lamang na ipagmalaki at alagaan ang kakaibang kayaman na mayroon ang ating bansa sapagkat ito ang representasyon ng pamumuhay at kultura ng mga Pilipino.
2 notes
·
View notes
Text
𝕭𝖆𝖌𝖚𝖎𝖔: 𝕬𝖓𝖌 𝕸𝖆𝖍𝖎𝖜𝖆𝖌𝖆𝖓𝖌 𝕷𝖚𝖌𝖆𝖗
Ang Lungsod ng Baguio ay isang lungsod sa lalawigan ng Benguet na kilala bilang “Summer Capital of the Philippines” dahil sa napakalamig na kapaligiran at mababang temperatura. Ang lungsod ay humigit-kumulang isa at kalahating beses na mas mataas kaysa sa normal na antas ng dagat.
Bukod sa malamig na klima, ang Baguio ay may mas maraming inaalok, mula sa masaganang flora at magagandang parke hanggang sa natatanging pagkain at mga alaala. Bisitahin ang ilan sa mga kilalang lokasyon kagaya na lamang ng The Mansion, Burnham Park, Our Lady of Lourdes Grotto at Mines View Park. Maaari kang pumili upang maging isa na may likas na katangian, sumakay ng bisikleta o bangka, o kahit mamili ng nilalaman ng iyong puso sa iba't ibang mga lugar ng Baguio.
𝓣𝓱𝓮 𝓜𝓪𝓷𝓼𝓲𝓸𝓷
Ang The Mansion ay isang makasaysayang bahay sa Leonard Wood Road. Ginagamit din ito ng Pangulo ng Pilipinas ang Mansion bilang isang holiday house. Ang lugar na ito ay nakatayo na mula pa noong panahon ng Komonwelt. Ito rin ang tinatawag na Malakanyang ng Baguio, at sang-ayon ako na sulit na bisitahin ito dahil ang katabing Wright Park nito, kung saan pwedi kang mag renta ng kabayo upang makasakay ka rito. Ito ang aming pangatlong deatinasyon bago makarating sa aming tutuluyan. Sa bungad nito makikita mo ang isang napakalaking gate ng bakal sa pasukan nito, na kung saan pinoprotektahan ang mga nakapaloob dito. Ang Mansion ay pinapanatili ang kaaayos at kalinisan dahil pinananatiling malinis at maganda ang kapapaligiran at ang sariwang hangin, bulaklak at puno. para sa mga turista. maraming tao, kasama ang aking mga kaibigan at ako, ang nakakuha ng mga larawan dito.
𝓑𝓾𝓻𝓷𝓱𝓪𝓶 𝓟𝓪𝓻𝓴
Ang Burnham Park ang unang lugar na pinuntahan namin nang makarating kami sa Baguio. Ito ay isang parke sa lungsod ng Baguio. Pinangalan ito kay Daniel Hudson Burnham, isang Amerikanong arkitekto na nagdisenyo ng lungsod, at kilala rin bilang "Mother of all Parks". Sa Burnham Park maaari kang sumakay ng bangka dito habang hinahangaan ang magandang paligid. Maaari ka ring mag-go-carting dito, kung saan maaari kang magmaneho ng isang cart sa paligid ng track na ibinigay; maraming tao ang nasisiyahan dito dahil pinapayagan silang makipag karera kasama ang kanilang mga kaibigan. Marami din ang pwedeng pag bilihan ng pagkain at souvenirs sa tabi-tabi.
𝓞𝓾𝓻 𝓛𝓪𝓭𝔂 𝓸𝓯 𝓛𝓸𝓾𝓻𝓭𝓮𝓼 𝓖𝓻𝓸𝓽𝓽𝓸
Larawan mula sa Lakad Pilipinas
Sa unang kita naming sa hagadan kami ay nagulat dahil nalamang sa taas o sa dami ng aming kailangang lakarin upang marating ang Our Lady of Lourdes. Pero masulit ang aming pagpunta sa Baguio ay itinuloy naming ang mahabang paglalakad. Siya nga pala, may mga nagtitinda ng kandila sa paligid kaya kung nakalimutan mong magdala ng isa o nakalimutan mong bumili ng isa, maaari ka pa ring bumili sa mga naglalako ng kandila na katapatan sa tuktok kung saan matatagpuan ang grotto. Nakakagulat, ang mga hagdan patungo sa Talagang gugugulin ng hagdan ang iyong hininga kaya kung nais mong akyatin ito, gawin ito nang dahan-dahan.
Pero kapag nakaabot ka na sa taas ang sarap sa pakiramdam dahil ang ganda ng tanawin na makikita mula roon. Kapag naabot mo ang tuktok, makikita mo ang grotto. Pagdating naming sa tuktok ay nagpahinga kami ng saglit at nagsimula ng manalangin para sa ilang mga pagpapala at magpasalamat sa Diyos para sa magagandang bagay na nangyayari sa aking buhay pati na rin sa iba. Sa tabi lamang ng grotto ay isang malaking rebulto ng relihiyon. Pinapayagan kang kumuha ng litrato, ngunit huwag lang maging masidhi dahil ito ay isang sagradong lugar sa mga taong nakatuon sa Kanya.
𝓜𝓲𝓷𝓮𝓼 𝓥𝓲𝓮𝔀 𝓟𝓪𝓻𝓴
Larawan mula sa Philippine Primer
Kami ay pumunta sa gilid ng bangin upang kumuha ng litrato sa magandang tanawin ng mga bundok ng Baguio City na nakakarelaks na makita dahil sa mga berdeng halaman at mga puno na sumasakop dito. Dito ako nakabili ng karamihan sa mga souvenir na iuuwi namin tulad ng t-shirt, keychain, peanut brittle, ube jam at marami pang iba. Dito ko masasabi na dito matatagpuan karamihan ang produktong galing mismo sa Baguio at ang aking ikinatuwa ay mura lang ang mga bilihin dito at masusulit talaga kahit hindi madaming pera ang maidadala mo sa pagpunta dito.
Dahil sa mainit na panahon sa Pilipinas maraming Pilipino ang gustong makapunta ng Baguio upang maranasan ang malamig na klima dito. Ang Baguio ay isa sa mga lugar na gustong gusto kong balikan. Dahil sa mga alalang nagawa ko roon, sa mga karanasan na aking naranasan at marami pang iba. Natutunan ko na sa mga oras na ako ay nasa Baguio ay kailangang sulitin ang mga oras na nandoon ka dahil habang lumilipas ang panahon magsisi ka sa mga bagay na hindi mo nagawa nang naroon ka sa Baguio.
1 note
·
View note