#homes dmci
Explore tagged Tumblr posts
Text
15 @ Boni Place Studio 44 sqm
📍15 Bonifacio Street, Malabañas, Angeles City, Pampanga, Philippines 2009 Property Features TYPE: Residential Condominium🏢 Ground Floor📐 44.34 square meters✅ Airbnb Ready✅ Ready for Occupancy✅ High rate of occupancy through Airbnb, Agoda, Booking.com✅ With Built-in Wardrobe, Water heater, Air-conditioning, Smart entry lock ABOUT 15 @ BONI PLACE ANGELES CITY 15@BONI PLACE is a premier…
#2 br condo unit with parking for sale ivorywood#acacia estates#acacia estates taguig#acacia estates taguig condo#acacia states near bgc condo for sale#condo for rent#condo for rent acacia estates#condo for rent bgc#condo for rent in taguig#condo for rent ivory wood#condo for rent taguig#Condo For Sale#condo renovation#dmci condo#dmci condo tour#dmci homes condo#ivory wood#ivory wood acacia estates#ivory wood for rent#ivory wood for sale
0 notes
Text
Ang Lohika ng mga Ibanag at Ilog Cagayan
Patulog na ako at walang kamalay-malay na may mangyayaring perwisyo sa kalyeng tinitirikan ng kwartong inuupahan namin sa Cabagan, probinsya ng Isabela. Tulog na ang aking ina at kapatid habang abala pa rin ako sa pagse-cellphone kahit alas dose na ng gabi. Ganito ang itinuro sa akin ng pandemya, ang magpuyat. Hindi naman talaga ako marunong magpuyat noong kasagsagan pa ng face-to-face classes. Humahanga pa nga ako sa aking mga kaibigang umaabot ng alas-nuwebe nang gising pa dahil pinapatay na ang ilaw sa aming bahay tuwing pagkatapos kumain, alas-syete ng gabi. Habang nakikipag-usap sa aking matalik na kaibigan tungkol sa disposisyon ng kaniyang pamilyang naninirahan sa coastal barangay, dumadagsa na pala ng mga tao sa labasan ng aming bahay. Alam na naming dalawa na maaaring bumaha, ngunit hindi naming aakalaing lalawak ang ilog upang lunurin ang buong bayan.
Nangungupahan ang aking pamilyang pinagkaitan ng pabahay sa Centro (Ili sa Ibanag). Noong Oktubre 2016 kasi ay nanalasa ang Super Bagyong Lawin sa Hilagang Luzon na kumitil ng maraming buhay, pangarap, at kanlungan ng mga katutubo. Isa na roon ang bahay naming isang daang taon nang nakatayo sa harap ng pangunahing kalsada ng Centro. Noong namayapa ang aking ama at nawalan ng trabaho ang ina, pinili na lang naming mangupahan sa isang maliit na kwarto sa kabilang barangay, sa Anao, kung saan naninirahan ang aking kaibigang kausap sa gabing iyon. At katulad ng ibang kuwentong paglilipat, hindi kami nagtagal doon. Umabot kami ng Catabayungan, Eastern, at napadpad muli sa Centro. Malawak ang kuwarto. Kasya ang isang queen size bed, kung saan natutulog ang aking ina at kapatid, at isang double deck na gawa sa plywood, kung saan ako natutulog habang bitbit ng itaas na higaan ang mga inaagiw naming school supplies magkapatid. Nasa ikalawang palapag ang kwarto, habang nasa ibaba nito ang garahe ng aming landlord. Nandoon ang kanilang dalawang SUV na sa isang sulyap pa lang ay masasabi mo nang pinag-ipunan nang ilang taon. Sa labas naman ang komyunal na palikuran kung saan kahati namin ang ibang boarders at sa sahig ng harapan ng kwarto kaming mag-ina naghuhugas ng plato. Doon na rin naglalaba at nagsasampay ng mga damit.
Habang abala sa cellphone, narinig ko na lang na sumisigaw ang mga tao sa labas ng bahay. Hiyaw pa nga ang tamang termino, dahil pakiramdam kong hinintay nila ang tubig na dumako sa kalye namin, noon pang ibinalitang may isang metro na lang na natitira sa Anao Riverbank upang maabot na nito ang mga kabahayan sa Cabagan. Wala namang nagbabantang bagyo, at maaraw pa nga noong hapon iyon. Ngunit tanggap naman na ng mayorya ng mga Cabagueno ang ganitong eksena dahil karamihan sa mga katutubo rito ay Ibanag, o kung uugatin ang ibig sabihin ay “Taong Ilog”. Napapaligiran ng tubig ang bayan ng Cabagan. Kung tatawid ka sa Santa Maria, kailangan mong harapin ang dalawang tulay upang tumawid (isang higanteng tulay na ginastusan nang milyon ngunit hindi pa rin nagbubukas, sa panahong ito, at isang tulay na kapag nagsabay ang dalawang trak ay humanda ka nang masilayan si Hesukristo). Ganun din kung tatawid ka papuntang Abbag o mga barangay na nasa “kabila”. Nandirito ang iba pang mga barangay ng Cabagan na malayo sa ili o sentro. At ganun din kung papa-hilaga ka patungong San Pablo, ngunit maayos naman ang daan bilang bahagi ng national highway na dumurugtong sa probinsya ng Cagayan at Isabela. Sa ganang ito, halos lahat ng barangay ay masasabi nang coastal dahil sa bawat pagpasok mo ng mga barangay ay may bubungad sa iyong ilog.
Pinacanauan (Pinakanawan) ang kilalang ilog sa bayan. Bahagi ito ng pagkahaba-habang Ilog Cagayan (Rio De Grande Cagayan) na sumasakop sa apat na malalaking probinsya ng Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya (umaabot pa ito sa bahaging Cordillera kung titingnan sa mapa at kung isasali ang drainages at tributaries nito). Kung sisilipin ang kasaysayan ng mga katutubo sa Lambak Cagayan, naging malaking tulong ang ilog sa pagpapayaman sa agrikultura, at species ng flora at fauna. Dagdag dito, kung babalikan ang mga teksbuk noong elementarya, madalas binabanggit ang Isabela na mayaman sa tabako, palay, at mais, na siyang tunay dahil binabalot ng luntian ang bawat kalsada kung iikutin ang buong probinsya. Mataba ang lupa sa tabi ng ilog. Nagdadala ng organikong sustansya ang Ilog Cagayan sa mga lupang tanimang katabi nito.
Isa sa mga pinipilahang tourist spot sa Isabela ang Magat Dam sa bayan ng Ramon, mahigit tatlong oras ang layo sa Cabagan. May mahalagang simbolo sa akin ang Magat Dam lalo na noong hayskul, dahil lagi itong bida tuwing alas tres. “Wala pong pasok ngayong hapon/Kailangang umuwi ng mga mag-aaral nang alas tres lalo na ng mga mag-aaral na naninirahan sa mga lugar sa kabilang bayan dahil maglalabas ng tubig ang Magat Dam.” Abot tainga ang ngiti ko tuwing ibinabalita ito sa amin ng guro, ngunit kung babahiran ng pagiging kritikal, hindi ito dapat maging normal. Tuwing may tatamang bagyo sa Isabela, o malakas ang buhos ng ulan, kailangang magbangka ng mga taga-Santa Maria upang maabot ang high school na nasa Cabagan. Mayroon namang matataas na paaralan sa kanilang bayan, ngunit iilan sa kanila ay mas pinipiling mag-aral sa Cabagan dahil binabansagan itong sentro ng mga katabing baryo. Ang Cabagan kasi ang nag-aaktong gitna sa mga katabing barangay na Santo Tomas, Santa Maria, at San Pablo (na dating bahagi ng Cabagan). Angkin ng bayan ng Cabagan ang mga establisyimentong komyunal tulad ng pampublikong ospital, pamilihang may sari-saring bilihin, pamantasang estado, malawak na parke, mga opisinang pang-gobyerno, at tanyag na mga kainan tulad ng panciteria na naglalaman ng lokal na delicacy na Pancit Cabagan. Ito rin ang may maayos na kalsada patungo sa Ilagan, ang kabisera ng Isabela, at Tuguegarao, kabisera ng Cagayan.
Hindi lang sa usaping agrikultura at biodiversity inuulan ng biyaya ang Isabela sa pamamagitan ng Ilog Cagayan. Kaakibat na ng mga Ibanag ang ilog sa kanilang mga tradisyon bilang katutubo. Mayroong konseptong (tila selebrasyon para sa akin) tinatawag na “wagga” ang mga Ibanag, na katumbas ng gulgul/gulgol/golgol sa mga Ilocano. Ito ang tradisyong pagligo sa ilog kinabukasan pagkatapos ng libing ng namayapang kapamilya. Sa “wagga”, nilalabhan ng pamilya ang kanilang mga damit, na mapapansin ring ginagawa ng mga naninirahan sa malapit sa ilog. Mayroon ding katawagan para sa mga batang/may edad na magaling na sa paglangoy at paggawa ng tricks habang nasa tubig. Tinatawag silang “kutu na danung” (kuto ng tubig sa direktang pagsasalin). Naging tanyag na pasyalan pa nga’t naging a la-resort ang ilog sa Tupa sa San Pablo dahil punumpuno ito ng mga tao tuwing tag-init. Hindi rin nagpapahuli ang Magoli sa ilog ng Tumauini na isa ring pinipilahang tanawin.
Hinayaan kong hipuin ng tubig ang bawat sulok ng barangay nang gabing iyon. Rumekta ako sa pagtulog nang may nakaabang na ilog na dudungawin mula sa bintanang katabi ng aking higaan kinaumagahan.
Litaw na litaw ang kulay putik sa kalsada. Nagitla ako sa bumungad na ilog ng tsokolate sa kalsada. Ang inakala kong aabot lang sa binti ay mukhang hanggang bewang na. Hindi naman kami nagbalak lumikas dahil nasa ikalawang palapag ang aming kuwarto. Medyo malayo pa sa katotohanan. Napalagay man ang aking loob sa sumisikat na araw, dinadagdagan nito ang kulay ng paysahe, takot pa rin ang dala na baka sakaling maabot ng baha ang aming kinalalagyan. Lumulutang na mga sakong sinadyang itinapon ng mga kabahayan, mga malalaking trak at bulldozer mula sa katabi naming hardware na tumutulong sa paglikas ng mga taong nalunod na ang bahay sa baha, at mga lubid na hinahawakan ng mga malalakas ang loob na lumusong ang laman ng bintana ko kinaumagahan. Tumaas nang tumaas hanggang sa umabot ng bandang balikat ang maruming tubig na nanalasa ng mga kabahayan sa Centro. Isang araw nagtagal ang tubig, tatlong araw na walang kuryente dahil nakakatakot na baka magkaroon ng spark ang mga saksakang nahipo ng baha, isang linggong paglilinis ng mga kagamitan at bahay at pagbabalik sa normal, unang beses kong makatikim ng mapaklang natunaw na tsokolate mula sa inaakala kong biyaya ng kalikasan.
Hindi biro ang kalamidad sa gitna ng pandemya, at sa panahong iyon nalaman ko ang kabalintunaan ng ilog sa mga dapat nitong pangalagaan. Kanlungan ng mga Ibanag ang ilog na minsan o taon-taon nang hinahanap ang talampakan ng nakararami. Kumakatok na ang ilog sa mga pinto at kusa nang lumalapit sa mga kabahayan.
May ipinakilala ang aking grupo ng mga kaibigan na “Babba” na matatagpuan sa Casibarag Sur. Hindi tulad ng ibang coastal barangay na may sementong naghihiwalay sa tao at tubig, walang ganoong konsepto rito. Dito kami laging nagpipiknik ng sorbetes, nilutong tusok-tusok, at french fries. Tanaw ang maamong ilog, ang lulubog na araw, sa luntiang damuhan kung saan kami hindi napapagod ihayag ang aming galak. May mga oras na nagtatampisaw kami sa ilog upang hugasan ang aming paanan mula sa buhanginan. Dito kami naglalaro tulad ng mga bata kahit binabaha na kami ng mga module sa paaralan. Sa isang kaibigan ko rin nalaman ang isang paliguang ilog sa ibaba ng tulay ng Magassi-Balasig. Dito naganap ang kaarawan ko bilang disi-otso anyos, kasama ng ilang inumin at tsitsiryang pinagsaluhan namin.
Alaala naman ng katatakutan ang bumabalot sa akin tuwing dumadalaw kami sa bayan ng Santa Maria. Isang araw ay nagpiyesta ang pinsan ng aking mga pinsan at pinilit pa akong sumama dahil lang natatakot ako na dumaan sa tulay dahil sa itsura nitong kahit anong oras ay pwedeng bumagsak sa ilog na hindi ko matantsa ang lalim. Kawangis lang ng tulay na iyon ang tulay pa-Santo Tomas kung saan ang gitnang bahagi ng tulay ay hindi na tuwid. Mayroon naman nang matayog na tulay na pumalit sa dalawang lumang tulay, ngunit takot pa rin ang dala sa akin tuwing nakikita ko ang mga ito. Kung magmumula ka sa Cabagan at nagbabalak umuwi ng Maynila, mapapansin mo ring hindi lang ito ang ilog na iyong madadaanan. Nandiyan ang mga tulay sa Tumauini at Ilagan na may dala ring takot sa akin tuwing dinadaanan ng sinasakyan kong bus. Mayroon namang mga bangkang nakaabang sa mga ilog kung sakaling tumaas ang tubig at maabot ang lumang tulay, na halos buwan-buwan nangyayari.
Sa koleksyon ng mga tula ni Merlie Alunan na Sea Stories ay mayroong tulang pinamagatang “Old Women in our Village”. Makikita ang kaniyang paglalarawan sa tubig bilang mapanganib at mapaghimagsik:
Old women in my village say / the sea is always hungry, they say, / that’s why it comes without fail / to lick the edges of the barrier sand, / rolling through rafts of mangrove, / smashing its salt-steeped flood / on guardian cliffs, breaking itself / against rock faces, landlocks, hills, / reaching through to fields, forests, / grazelands, villages by the water,/ country lanes, towns, cities where / people walk about in a dream, / deaf to the wind shushing / the sea’s sibilant sighing
Sa panahong ito ilang beses nang naghahanda ang mga tao tuwing nagkakaroon ng babala ng bagyo at baha. Noong umuwi ako noong 2022 at nanirahan sa bahay ng aking tito sa Centro din, nagkaroon ng babalang aakyat muli ang tubig at maaaring maulit ang pagbaha noong nakaraang taon. Ilang ulit kaming bumalik-balik sa riverbank kasama ng aking mga pinsan upang malaman kung nasa huling warning na ang tubig. Iniakyat na naming pamilya ang mga gamit, at lumipat na rin sa kabilang bahay, o mansyon, na may tatlong palapag upang maging ligtas kami kung sakaling manalasa na naman ang ilog sa mga kabahayan. Makikita ang manipestasyon ng trauma na idinala ng matinding pagbaha noong 2021 sa mga mamamayan. Hindi na hinayaang maulit ang pagkabigla sa pagdakma ng tubig sa mga gamit na iniwan sa sahig. Salamat na lang na hindi natuloy ang tuloy-tuloy na pag-akyat ng tubig. Hindi naulit ang pagbaha. Nasayang man ang pagbubuhat namin ng malalaking appliances sa kabilang bahay, nakita kong sinubukan ng mga tao na maging handa sa kalamidad. Ngunit laging gutom ang tubig, kahit sino ay dapat maging handa sa pagkauhaw nitong matikman ang lupa ng Cabagan. Nariyan lang ang ilog sa tabi, pumapalibot sa bayan, kahit anong oras, kahit tulog, ay kaya nitong lumapit sa kahit na sinong hindi alisto sa tubig.
Ngayong taon, 2024, sa State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos ay mariin niyang binanggit na mayroong mahigit limang libong flood control projects ang natapos sa kaniyang administrasyon. Ngunit pagkatapos lang ng ilang linggo ay nanalasa ang pagbaha sa Metro Manila kasabay ng isang malakas na bagyo. Binulabog ng pagbaha ang mga mababang lungsod ng Marikina, Maynila, Quezon, at Pasig na huling nakatikim ng ganitong uri ng kalamidad ay noong Ondoy pa noong taong 2009. Nabuksan ang aking trauma noong naninirahan pa ako sa Cabagan, kahit nasa mataas na lugar ang puwesto ng aking dorm sa loob ng pamantasan, hidni nawawala ang kaba na maaari akong maaabot ng uhaw nito. Pagkatapos lang ng dalawang buwan ng pagtatalo ng mga bayan sa Pilipinas kung sino ang may pinakamataas na heat index ay sunod-sunod na ang mga Typhoon at Super Typhoon ang tumama sa bansa. Sunod-sunod ang pag-ahon ng tubig, sinusubukang ipaalala sa mga tao ang kapangyarihan ng lalim.
Mula kay bagyong Carina na humilis sa Hilagang Luzon, hanggang sa bagyong Nika at Ofel na kasalukuyang dumadaan ngayon sa rehiyon, sa oras na isinisulat ko ito, ay binabalot ang aking Facebook account ng mga litrato ng pagsakop ng tubig na kulay tsokolate sa mga kabahayan sa Cagayan. Ilang beses ding binabantayang maigi ang ilog sa Anao dahil sa pagkawala ng tubig sa Magat Dam. Sa mga bagyong dumaan ngayong taon, napansin kong nagiging normal na ang pagtatalaga ng PAG-ASA ng Tropical Cyclone Signal Number 5 sa mga bayan na inaakala kong minsan lang maaaring mangyari. Tulad na lamang noong 2016, noong nilipad ng Super Bagyong Lawin ang aming kanlungang tirahan. Akala ko once in a blue moon lang, akala ko isang beses lang sa buhay ko mangyayari ang ganoon kalalang pangyayari.
Bukod sa Ilog Cagayan na angkin ng rehiyon, mayroon pang isang biyaya ng kalikasan ang iniaalay ang kaniyang sarili sa panahon ng bagyo, ang Sierra Madre na nagiging panangga ng Isabela, maging ng buong Luzon. Tuwing pagkatapos ng bagyo, todo pasasalamat ng mga tao sa bulubundukin dahil may kakayahan itong mapahina ang anumang bagyong lalakbay dito. Sa rehiyong maraming nainirahang katutubo, malaki ang tulong ng bulubundukin sa pagpapanitili ng seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan. Kung wala ito, mabubura na siguro sa mapa ng Pilipinas ang Isabela, o siguro burado na ang Pilipinas sa mapa ng Asya.
Kasalukuyan, mayroong isinasagawang proyekto ang gobyerno kasama ang Tsina sa Rizal-Quezon, kung saan nakalagay ang dulong bahagi ng bulubundukin. Kilala ito bilang Kaliwa Dam na sinasabing magiging lalagyan ng tubig na magsusuplay ng tubig sa Kamaynilaan upang malutas ang problema sa madalas na kawalan ng tubig. Ngunit sa kasamaang palad, ang espasyo kung saan isinasagawa ito ay nagiging malaking problema sa mga katutubong Dumagat. Hindi lang ito usapin ng pangangamkam sa lupa, na isa pang mahabang talakayan kung sisimulan, ngunit batay sa kanilang katutubong kaalaman, alam nila kung papaano maghiganti ang tubig. Babala ng mga kapatid, matinding pagbaha ang maaaring idala nito sa mga probinsyang malapit dito. Kasabay ng mga mapaminsala-sa-kalikasang proyektong ginagawa ng gobyerno, patuloy din ang reklamasyon ng lupa sa iab’t ibang lupalop ng Maynila, at pagtatayo ng mga tulay sa mga lugar kung saan magiging delikado sa mga mababang lugar.
Sa isang talk sa Ateneo de Manila, ngayong taon, nagkaroon ako ng oportunidad upang ihayag ang aking kuwento bilang baklang Ibanag na humaharap sa mga nakakatakot na kalamidad. Kumawala sa aking bunganga ang pag-amin na isang kabalintunaan ang pagbansag sa mga taong nasa paligid ng Ilog Cagayan bilang Ibanag o “Taong Ilog”, kung sa kasalukuyan ay takot na ang dala ng ilog tuwing may bagyo, o banta ng pag-akyat ng tubig. Yinayakap kong buo ang Ilog Cagayan sa pagbibigay-kabuluhan sa aking identidad. Sa pamamagitan ng pagligo sa ilog, pag-ahon-lubog, naramdaman kong kaibigan ko ang tubig, ang pagkawala ng mga masasakit na alaala, nagkakaroon ng kapayapaan sa aking kalooban. Ilog ang tunay ko pa ring naging kaibigan sa tag-init, at ng iba pang Ibanag. Ngunit sa oras ng pagbabagong-hubog, pagpapalit-kulay mula sa malinaw hanggang tsokolate, pagiging maamo patungong pagiging mapaghimagsik, nagkakaroon ng magulong pagtatalo sa aking loob, kung kailan matatapos ang kalamidad sa rehiyong biniyayaan ng mayamang ekolohiya at heograpiya.
Dala ko pa rin ang takot sa sarili tuwing nakakakita ng ilog na tumataas at lumulunok ng bahay at tao, kahit magagandang alaala ng pagligo o masasamang alaala ng paglikas upang takbuhan ang panganib, patuloy humihina ang aking tuhod sa ganitong mga gunita. Naririnig ko pa rin ang bulong ng tubig, nainom na ng aking balat ang mapanganib na lason ng tubig sa pagtatampisaw, laging banggit sa akin nito ay magtatapos ang panahon na kailangang laging balikan na nakakabit ang ilog sa pagkatao ng mga Ibanag. Bato balani raw ang aking talampakan na laging tinatawag ang ilog, hahabulin ako kung saan ako paparoon, ipapaalala ang etimolohiya at lohika ng pinagmulang bayan. Tao ako ng Ilog Cagayan; isinilang upang kilalanin ang pag-iral ng kapangyarihan ng ilog, lalakí sa pamamagitan ng paglangoy at pagtakas dito, hanggang sa huling hantungan ay gaganapin ang selebrasyon namin dito. At tulad mo, wala na ngayong ligtas sa bagsik ng kalamidad, kahit ang mga taong kaibigan ang ilog, napapanagot nang walang pag-aatubili.
-
Opisyal na lahok sa Saranggola Awards 2024
http://www.saranggola.org.ph
1 note
·
View note
Text
𝐔𝐧𝐥𝐨𝐜𝐤 𝐭𝐡𝐞 𝐝𝐨𝐨𝐫 𝐭𝐨 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐝𝐫𝐞𝐚𝐦 𝐡𝐨𝐦𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐌𝐂𝐈 𝐇𝐨𝐦𝐞𝐬' 𝐬𝐭𝐮𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠 𝟐𝐁𝐑 𝐮𝐧𝐢𝐭! 🏡✨ Experience modern living with luxurious amenities and spacious design. Your perfect sanctuary awaits. 🌟
📩 Contact me for online presentation, sample computation, and model viewing on any DMCI Homes property 𝐋𝐢𝐥𝐲 𝐄𝐬𝐜𝐨𝐛𝐞𝐫 𝐑𝐞𝐚𝐥 𝐄𝐬𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐞 𝟎𝟗𝟔𝟔 𝟗𝟗𝟏 𝟖𝟕𝟔𝟑
💥𝐈 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐥𝐞 𝐚𝐥𝐥 𝐃𝐌𝐂𝐈 𝐇𝐨𝐦𝐞𝐬 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭𝐬 𝐏𝐫𝐞-𝐬𝐞𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 & 𝐑𝐅𝐎 🔎 Taguig | Pasig | Makati | Mandaluyong | Las Piñas | Parañaque | Manila | Pasay | Quezon City | San Juan, Batangas | Tuba, Benguet
0 notes
Text
One Delta Terraces by DMCI Homes | Modern Resort-Inspired Condo in Quezon Avenue corner West Avenue, Quezon City
0 notes
Text
Title: Exploring the Dynamic World of Real Estate Companies in the Philippines
Introduction:
In the unique scene of the Philippine housing market, where amazing open doors flourish and properties stun with their variety, one angle stands apart in the midst of the clamoring swarm - the names of land organizations. These names act as identifiers as well as frequently exemplify the ethos, vision, and goals of these endeavors. We should dig into the beautiful embroidery of land organization names in the Philippines, each recounting an extraordinary story of desire and development.
Rebusel is the head land commercial center in the Philippines, offering a consistent stage for purchasers, dealers, and leaseholders to interface and execute easily. With its easy to understand connection point and far reaching postings, Rebusel improves on the property search process, permitting clients to find their fantasy homes, business spaces, or venture properties easily. Whether you're searching for a comfortable condo in the core of Manila or a rich oceanfront manor in Boracay, Rebusel has something for everybody. Upheld by a devoted group focused on consumer loyalty, Rebusel guarantees a smooth and secure insight for all gatherings engaged with the land venture.
Established Titans:
1.Ayala Land, Inc.: A name inseparable from greatness and unwavering quality in the Philippine land area, Ayala Land, Inc. has been a foundation of metropolitan improvement for quite a long time. With notable activities like Ayala Center and Ayala Alabang, their name oozes glory and refinement.
2.SM Prime Property: As one of the biggest land combinations in the Philippines, SM Prime Possessions has made a permanent imprint on the scene with its rambling shopping centers and coordinated improvements. The name 'SM' repeats the tradition of retail monster Henry Sy, Sr., addressing strength and market predominance.
3.Megaworld Enterprise: Summoning loftiness and vision, Megaworld Organization has reshaped horizons with its creative municipalities and way of life centers. The name 'Megaworld' recommends tremendousness and desire, mirroring the organization's obligation to making far reaching, top notch networks.
4.Filinvest Land, Inc.: With a portfolio spreading over private, business, and relaxation improvements, Filinvest Land, Inc. is a name inseparable from quality and maintainability. The name 'Filinvest' highlights the organization's devotion to putting resources into Filipino people groups, encouraging development and flourishing.
5.Robinsons Land Organization: Mirroring a tradition of business and development, Robinsons Land Company has arisen as a central participant in the Philippine housing market. The name 'Robinsons' summons pictures of trust and unwavering quality, typifying the organization's obligation to convey worth to its partners.
6.Vista Land and Lifescapes, Inc.: With an emphasis on reasonable lodging and local area improvement, Vista Land and Lifescapes, Inc. has gained notoriety for taking special care of the necessities of Filipino families. The name 'Vista' proposes an all encompassing perspective on open doors, representing the organization's vision of a more promising time to come for all.
7.DMCI Property, Inc.: Known for its designing greatness and obligation to feasible turn of events, DMCI Possessions, Inc. has laid down a good foundation for itself as an innovator in development and land. The name 'DMCI' addresses the organization's organizer, David M. Consunji, and typifies a tradition of trustworthiness and incredible skill.
8.Rockwell Land Partnership: Inseparable from extravagance and eliteness, Rockwell Land Organization has reclassified metropolitan living with its upscale private and blended use advancements. The name 'Rockwell' inspires complexity and refinement, mirroring the organization's devotion to making upscale ways of life.
9.Federal Land, Inc.: With an emphasis on premium private and business projects, Government Land, Inc. has cut a specialty for itself in the Philippine housing market. The name 'Government' conveys strength and solidness, representing the organization's obligation to convey tasks of persevering through esteem.
10.Avida Land Enterprise: Taking special care of the requirements of the mid-market portion, Avida Land Organization has made homeownership more available to Filipinos the nation over. The name 'Avida' means life and essentialness, typifying the organization's main goal to advance the existence of its clients through quality lodging.
Conclusion:
In a clamoring market overflowing with conceivable outcomes, the names of land organizations in the Philippines act as reference points of motivation and yearning. Whether it's a tradition of greatness, a promise to development, or a dream for a superior tomorrow, these names mirror the different embroidery of the Philippine land scene. As the business keeps on developing, one thing stays certain - the force of a name to epitomize the soul of big business and the commitment of a more promising time to come.
0 notes
Text
KUNG DATNAN MAN NG BUKAS
/
PUNLA
Nagsisimula ang lahat sa isang desisyon,
Gumawa, kumilos kaysa mag-ilusyon,
Ayunan ka man o ayawan ng sangkatauhan,
Yaong sariling kakayahan ang paniwalaan,
Obligasyon mo bilang isang indibidwal,
Na gawaing makabuluhan ang pag-iral.
Araw-araw ay isang opurtunidad,
Naghihintay lamang damputin ng iyong palad,
Gamitin para sa ikauunlad.
Takot ma'y pumagitan,,
Anurin ng mga balakid na masusumpungan,
Manghina ang loob at mapagod lumaban,
Alalayan mo lamang ng pananalig sa iyong nasimulan,
Nakasalalay ang kinabukasan sa kasalukuyan,
Galingan mo man o hindi, hawak mo ang iyong kapalaran.
Patuloy kang maghasik ng punla,
Ang mabubuti'y tutubo nang marilag,
Nalalanta ang walang sustansyang gawa,
Aani nang masagana kapag ika'y nagtiyaga,
Hirap at pagdurusa man din ay may ibinubunga,
Oras na makamtam ang buhay mong minumutya,
Naghihilom ang lahat at mapayapa.
/
TANAW
Nababanaag ko sa siwang ng iyong mga mata,
Ang mga agam-agam at pangamba,
Nauulinigan ko sa nangangatal mong mga labi
ang kabog ng dibdib,
Dama ko ang bigat ng pagal mong katawan
maiahon lamang ang sarili.
Hindi madaling tir'han ang daigdig nating ginagalawan,
Sa bilyong sangkatauhan,
Karampot lamang ang maaari mong maging sandigan,
kaulayaw, tunay na kabatak, karamay,
Maski anong pagmamatigas, pagmamatapang,
Pagdatal ng pusikit,
Ang hirap pumikit at ipaghele,
Ang kaluluwang alila ng pag-iisa at pighati.
Aninag ko ang iyong bulto sa karimlan,
Humihikbi't humihingi ng tulong,
Wika mo'y naduduwag kang harapin ako,
Ako ma'y walang pananabik sa 'yo,
Ikaw na hindi marunong tumanaw sa aking direksyon,
Walang paglingap sa aking magiging kondisyon,
Ano nga bang aasahan ko sa pagtatagpo natin paglaon?
Kung mabubuhay lamang din sa kahon,
at mga kahapong hindi maibaon,
Ako ma'y hindi maghihilom,
Kapwa tayong maiiwan ng panahon,
At mamamatay na lamang sa kabiguang mapanglason.
/
BAYANG MAGILIW
Ipinagkatiwala ng taumbayan ang perlas ng silanganan,
Iniatang ang kapangyarihang pamunuan,
pangalagaan ang sambayanan,
'Ika mo nga'y ikalulugod na paglingkuran,
Subalit bakit ika'y nagbibingi-bingihan
sa panawagan ng mga nangangailangan
ng tamang kalinga, atensyon at proteksyon?
Humihimig ang katawang nahahapis,
sa saliw ng karalitaan ng buhay,
Umaawit ng hinanakit, agam-agam at galit,
Naghuhumiyaw sa tugtugin ng kapalarang mapagmalupit,
Nagsusumamong sana'y pakinggan ang aming pagngingitngit,
Sa kawalang katarungang sinasapit.
Mapag-imbot kayong mga naghahari-harian,
Pawang mga dukha'y pinagkakaitan,
Pag-unlad nami'y hinahadlangan, kinikitil, inaagaw,
Inuuna'y pansariling kabuhayan.
Di yata'y sariling bulsa ang ibig mapalago,
Kami'y nilulugmok na lang sa pagkabigo.
Anong kinabukasan ang sa'ki'y daratal?
Buong buhay mang magsumikap
hindi pa rin sapat upang matamasa
ang ginhawang pinapangarap,
Naghahangad din kaming lumaya sa karalitaan,
Makatungtong sa itaas at magpakasaya sa buhay,
nang walang nililisan, nagkakawatak-watak,
at lumulobong utang,
Komportableng kasalukuyan
ang ibig naming makamtan.
/
Ito ay lahok sa Saranggola Awards 13
http://culturalcenter.gov.ph
0 notes
Text
Tema: “Lingap sa Hinaharap”
Kapalaran
Hindi mawari sinong paglilingkuran,
Sapagkat hindi maintindihan-
Kung saan tutungo ang kapalaran.
Nagkaroon ng takot na baka ito’y magbigay sa’yo ng kapahamakan.
Sino nga ba ang tunay?
Sino sa kanila ang may pusong dalisay?
Tuluyan na lang ba- na sa mga pangyayari’y walang malay?
Oh! huwag naman sana, baka kinabukasan mo’y maging patay.
Nawa tuluyan ngang maganap,
Na ang pag-ibig, hustisya, at katotohanan palaging lumaganap.
Sapagkat dito madarama ang lingap-
Na hindi mapagpanggap at palagi kang tanggap.
Layon
Paano mo nga ba ito makakamit?
Kung ang pangarap mo ay maliit?
Hahayaan mo na lang bang ito’y manatiling isang panaginip?
Bagamat ikaw pa naman ay madaling mainip,
Kaya’t sa madaling panahon ika’y gumawa ng paraan sa halip.
Huwag nang sayangin ang munting panahon,
Maging bidyilante sa bawat pagkakataon,
Iwasan na kapwa’y igumon,
Sapagkat ‘di mo wari kaniyang kinakaharap na hamon,
Bagkus iyo ngang ihasik ang napakagandang layon.
Ano pa nga ba ang iyong hinahanap?
Kung sa pagsusulat ng akda, natagpuan ang tunay na lingap.
Ito nga ang s’yang nagbigay liwanag tungo sa iyong hinaharap,
Nang sa gayo’y balang araw mga nailimbag mo’y kanilang matanggap.
Sa pamamagitan nito’y maiwaksi ang mga mapagpanggap.
Pangarap
Magkakaroon nga ba ng katuparan ang mga pangarap?
Kung hindi magawang sa kanila’y humarap?
Sapagkat palaging iniisip- mangyayari sa hinaharap.
Saan nga ba matatagpuan ang lingap?
Kung palaging napalilibutan ng mga mapagpanggap.
Palaging nakatingin sa nakaraan,
Hindi mawari kung paano kakalimutan.
Nangangailangan ng ito’y mawakasan,
Upang itong kabalisaan ay iyong maibsan.
Ito ang makabubuti para sa’yong kinabukasan.
Marami na rin ang pumigil sa pagtupad ng pangarap gamit ang talento,
Ngunit hindi ito naging hadlang para ika’y huminto.
Humanap pa ng paraan para lalong matuto,
Ginamit ang sining, upang pangyayari’y maipinta.
At tula ang siyang naging daan upang katotohanan ay maisalita.
Lahok sa Saranggola Awards 13
https://www.saranggola.org.ph/
https://culturalcenter.gov.ph
#saranggolaawards13 #tula #culturalcenterofthePhilippines #lahok
1 note
·
View note
Text
Sage Residences
Sage Residences by DMCI Homes is an exquisite residential project set in a picturesque coastal location. It's nestled in the charming town, known for its natural beauty and tranquil atmosphere.
Sage Residences offers a variety of housing options to suit different lifestyles. You'll find luxurious single-family homes, stylish condominiums, and cozy townhouses, each designed to provide the utmost in comfort and elegance.
One of the standout features of DMCI Homes is its private beach access. Imagine waking up to the sound of waves crashing on the shore and being able to step directly onto the pristine beach just steps from your home. It's a paradise for beach lovers and those seeking a serene coastal lifestyle.
In addition to the beach access, Sage Residences boasts a range of amenities that enhance the quality of life for its residents. These may include a clubhouse with a fitness center, a swimming pool, beautifully landscaped gardens, and walking trails along the coastline.
Whether you're looking for a permanent residence or a vacation getaway, DMCI Homes' project, Sage Residences offers a unique opportunity to live a coastal dream. If you have specific questions or would like to explore available properties, please feel free to ask, and I'll provide more details.
0 notes
Text
Sustainable living everyday at DMCI Homes Exclusive’s Fortis Residences
Sustainable living everyday at DMCI Homes Exclusive’s Fortis Residences
Convenience, mobility, proximity, design, and efficiency are cornerstones of modern living. As the conversation on climate change continues to gain traction, sustainability and the goal of securing a green future are now also key considerations of the forward-thinking city dweller. It’s an indication of a more evolved, conscious, and responsible mindset upheld by both real estate developers and…
View On WordPress
0 notes
Text
What is the best app to watch Telugu movies with Family
Watching online telugu movie with family on the weekend is a fun way to bond as a unit. Nothing beats snuggling up to watch a movie, whether you're a little family or a big family. Furthermore, movie viewing is a simple and low-cost way to spend quality time with loved ones.
You don't even have to leave your DMCI Homes apartment to have fun with this. Getting ready for a movie night is little more than grabbing snacks perhaps a tub of popcorn, arranging the furniture, turning on the screen, and settling down.
The benefits of family movie night with aha ott at home
You may avoid wasting gas searching for parking and dealing with parking fines, saving time and effort. Furthermore, there is no risk of being run over or stuck in traffic while watching an Telugu action film in the comfort of your own home. Your kids won't have to fight crowds for entertainment, so they can relax and have fun at home without being restless.
Not only can you save money by viewing movies at home, but you also avoid wasting money on cinema tickets. Watching Telugu movies at home is more convenient than going to the theatre since once you've paid for it, you own the right to that money.
This is a win-win scenario
The success of aha over-the-top (OTT) programming has been a boon for everyone in the film and television business. Now more than ever, filmmakers and content creators are unafraid to consider out-of-the-box concepts and are also recouping their investment by selling their rights on a streaming video platform like aha.
In addition, the type and range of material delivered make IPTV quite beneficial for internet junkies. Only a tiny percentage of people would wish to purchase Telugu movies on DVD online since the most recent films only became available on aha OTT video platforms three to four months afterwards.
aha Over-the-top (OTT) services include many fresh faces and talent. Over-the-top (OTT) services allow emerging writers to tell original tales. New talent is quickly identified on aha OTT services in a way that would not have been feasible in theatres. It's not only actors who are getting their big break thanks to aha OTT services; new writers, directors, and producers are also getting their time in the spotlight.
Conclusion
Distribution of latest Telugu action movies through aha OTT services is here to stay. It's a new ballgame where players may use their own approach to stand out from others. Theatres have persisted through the introduction of videocassette recorders and digital video discs in the movie business.
Since both theatrical and digital releases have advantages, both formats will likely remain in use. As a result, filmmakers hoping to survive the next time humanity faces a crisis, they might look to both of these mediums for potential prospects.
1 note
·
View note
Text
Ivory Wood Acacia 2 BR Condo with Parking
📍 Ivory Wood, Acacia Estates Taguig Metro Manila Property Features TYPE: Condominium📐Floor: 64.50 square meters (unit), 7 square meters (drying cage)🏢 Ground floor, Flores building🛌 2 Bedrooms🛀 1 Bathroom🅿️ 1 Parking✅ Huge balcony – it’s like having your own garden About the Development Ivory Wood is a mid-rise condominium development by DMCI Homes located in Acacia Estates, Taguig City.…
#2 br condo unit with parking for sale ivorywood#acacia estates#acacia estates taguig#acacia estates taguig condo#acacia states near bgc condo for sale#condo for rent#condo for rent acacia estates#condo for rent bgc#condo for rent in taguig#condo for rent ivory wood#condo for rent taguig#Condo For Sale#condo renovation#dmci condo#dmci condo tour#dmci homes condo#ivory wood#ivory wood acacia estates#ivory wood for rent#ivory wood for sale
0 notes
Photo
Quadruple A developer DMCI Homes has started the construction of a new residential condominium project at Robinsons Land remains optimistic of the opportunities presented by upcoming government infrastructure projects in the area. HLURB LS NO. 034569 ● HLURB ENCR -AA-2019/05_2367 Contact an expert you can trust 📱0927 961 7709 ☎️8998 3384 🌐www.dmcipropertyconsultants.com 📧billiecruz.dmcihomes.com #DMCI #dmcihomes #investment #DMCICondo #property #condo #PhilippineProperties #home #investmentproperty #realestate #parañaque #alabang #zapote https://www.instagram.com/p/CGDEZPXn05n/?igshid=14wk1r0l2fv5
#dmci#dmcihomes#investment#dmcicondo#property#condo#philippineproperties#home#investmentproperty#realestate#parañaque#alabang#zapote
0 notes
Text
DMCI Homes is excited to announce its latest venture in Cebu. Introducing a new, resort-inspired condominium project that promises to bring the perfect blend of modern living and tropical paradise to the heart of Cebu.
𝐖𝐨𝐮𝐥𝐝 𝐲𝐨𝐮 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐭𝐨 𝐤𝐧𝐨𝐰 𝐦𝐨𝐫𝐞? 📞 𝐋𝐢𝐥𝐲 𝐄𝐬𝐜𝐨𝐛𝐞𝐫 | 𝟎𝟗𝟔𝟔 𝟗𝟗𝟏 𝟖𝟕𝟔𝟑 📧 𝐥𝐢𝐥𝐲𝐝𝐦𝐜𝐢@𝐠𝐦𝐚𝐢𝐥.𝐜𝐨𝐦
0 notes
Text
Si Mellisa ang Dalagitang Nayon na Mestisa
"Magandang umaga, Melli"
"Magandang umaga sa magandang Melli"
"Maganda talaga ang umaga kapag nakikita si Melli na maganda"
Ito ang madalas na naririnig ni Mellisa tuwing umaga kapag siya ay nagpapaaraw sa tapat ng bahay nila. Malapit sa may malagong puno ng mangga na ang mga ugat ay nagsisilabasan na dahilan sa paunting-unting nadadala ng tubig tuwing umuulan. Doon sa mga ugat na iyon siya umuupo kapag nagpapaaraw.
Ito na ang kanyang kinagawian para makakuha ng bitamina mula sa araw, isa lamang sa mga mas nakakapagpaganda sa kanya. Kaya hindi na bago ang mga papuring araw-araw niyang naririnig sa mga mapapadaan sa kanila na mga magsasaka sa bukid. Ngiti ang kanyang isinasagot sa mga ito.
Sa kanilang nayon, ang tingin sa kanya ng mga tao ay prinsesa. Nag-iisa siyang anak ng mag-asawang may edad na. Na sila rin ang may pinakamalaking lupain sa nayon. Lubos ang pagdarasal ng mga ito na mabiyayaan ng supling kahit ni isa lamang. Mapagbigay ang mga ito at kahit anu-ano ang iniaalay sa tuwing may selebrasyon para lamang dinggin ang kanilang kahilingan.
Dumating nga ang araw na iyon at ibinigay sa kanila si Mellisa. Isang anghel na naiiba at tumitingkad ang kagandahan sa lahat. At talaga namang itinuring nila itong prinsesa.
Hindi pinapagawa ng gawaing bahay at kahit anupamang mga gawain na maaring ikapagod nito.
Lumaking mabini si Mellisa subalit ang hindi alam ng lahat ay ang ugali nitong magaspang na ayaw sa mga mukhang marurumi, mga kuto ang tingin niya dito kahit pa man tao.
"Napakagandang prinsesang Ellisa, magandang umaga sa' yo"
Nang marinig ni Melli ang boses at mga katagang iyon ay agad umasim ang kanyang mukha.
Tumayo na kaagad siya at handa ng umalis dahil alam niyang umupo rin ang matandang si Teresita sa isa sa mga ugat ng mangga.
Kahit pa nasa may kalayuan ito ay ayaw niya pa rin mapalapit sa marurumi tingnan, naiisip niyang kuto ito na malapit ng didikit sa kanya.
"Mellisa ang aking pangalan at hindi Ellisa."
Ngumiti ang matanda subalit sinamaan ito ng tingin ni Melli.
"Bagay pa rin sa 'yo ang Ellisa, tunog diwata, mapalit pa rin iyon sa 'yong pangalan, at isa kang magandang diwata."
"Oo diwata at maganda ako kaya huwag kanang lumapit pa sa akin kahit kailan dahil ayaw kong madikitan ng madumi, mga kuto. "
Sabay padabog na umalis ito at sinipa -sipa ang mabuhangin na daan kaya natalsikan ng lupa ang mata ng matanda.
Nang sumunod na linggo ay nagising si Melli na malagkit at mabigat ang ulo.
Pagkatingin niya sa salamin ay ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang magkabuhol-buhol ang kanyang buhok at puno ito ng lisa at kuto.
Ang matanda ay isang diwata na nakatira sa puno ng mangga na nakasubaybay sa paglaki ni Melli at nagpasyang turuan na ito ng leksiyon bago pa tumindi ang ugali nito.
Mawawala lamang ang sumpa kapag nakita niyang magbago na ng tuluyan ang masamang ugali nito.
#sba12
Lahok sa Saranggola Blog Awards 12.
http://culturalcenter.gov.ph
2 notes
·
View notes
Text
Life is tough.
I couldn't get more stressed... HAHA Year 2022 is not for me. But I still have 4 months left pa naman since it is just Sept 1.
I just thought that this year would be the year of my progression, productivity, wealth, health, gaining knowledge, etc. But it is the 9th of the year and yet I am still here, laying in my fucking bed, blogging about some shit that happened in my life. Lol.
Ain't it funny? The last time I blogged was last April. I had a job way back then, a job that I wanted so badly, but why did it become so hard that I really wanted to escape there, thinking that it ruined something in me? I resigned. I just woke up one day, thinking that that day would be the day I would file my resignation... and I did. All I was thinking was, "Ayoko na don, ayoko na, di na ako babalik". I just can't stay anymore. I don't want to. So yea, I did what I really wanted to do.
I am hella confused, but there was this feeling of ease in me... like there was a nail detached from me. But I wanted a job. I didn't want to be jobless, so I tried reaching out to Kia. She is working at DMCI Homes in Makati. I was given an opportunity and was scheduled for an interview. I studied and practiced for that interview. Yet I still made a mistake and blew my chance. So yea, I was rejected. It hurts... but what can I do? I made a mistake, so I must learn from it. And maybe I did. lol
I tried for MDC and MDC Buildplus. I was accepted at MDC Buildplus because of Krishna. I made an effort to be part of that company! Really... so it was very hard for me to go and leave that company because it was another dream come true for me. and I put effort into them. But life.. life is confusing, hard, and it would not give you what you really wanted without you being in a hard situation. I don't know. That's life for me. I always have to choose between two things that are actually good.. like I have to choose between "better" and "best" with their best features, including each other's differences in benefits. Did you get my point?
So yea, I decided to leave MDC for what I think is a better purpose and a better opportunity for me. It is for Fluor. I just hope that this company will be a company that I can last a long time. I don't want to go anywhere. I want to be here. I want to learn here! So please, life... I know it seems unfair, but please... help me overcome all these. I just want to have a job.
- engr. banaag 090122;1046pm
6 notes
·
View notes
Text
1893 - More and more
1893 – More and more
On Sunday I skipped the #Inktober2021 prompt and did some sketching outside whilst chatting with @TheArtofBeingPresent. This cement plant is down the road from the supermarket that is nearby. I assume it’s put up by DMCI homes who are building more and more housing where we live…I am amazed there is still demand, but I am not amazed by how greedy they are. Sun-31-Oct-2021
View On WordPress
#Art#ArtistsOfInstagram#artph#Daily#dailysketches#draweveryday#Drawing#Ink#Inktober#kyusisketchers#makearteveryday#mysketchbook#Painting#Philippines#Sketch#sketchbook#sketchdaily#sketchoftheday#sketchph#Urbansketchers#Urbansketching#usk#uskkyusi#Uskmnl#Uskph#watercolor#Watercolour#WorldWatercolorGroup
2 notes
·
View notes