#di lahat ng gusto natin makukuha natin
Explore tagged Tumblr posts
yoursafehavensblog · 1 year ago
Text
Mahal ko kasi eh kaya mas pinili ko mag stay dati.
Akala ko sagot na yung pagmamahal sakanya
Pera pala ang sagot kasi puro problema nga daw dala ko dahil struggling ako sa pera. Yes, ako yung nagstruggle, sakin umepekto yung ginagawa nyang kagaguhan behind ng relationship namin.
Habang nagpapakasaya sya sa babae nya, habang nagpapakasaya sya sa pera at sa ibat ibang klase ng babae sa beerhouse na wala akong kaalam alam, ako nasa bahay, nagdudusa kakaisip paano ako kikita ng pera, paano ko maiaayos yung meron kami, paano ko makukuha ulit yung attention nya.
Yung totoo, paano kayo nakakatulog sa gabi lalo ka na Aeron, nakikita mo ko, katabi mo ko, paano mo nate take sa sarili mo na halos araw araw mo pasamain ang kalooban ko, durugin ang pagkatao ko sa mga salitang binibitawan mo? Sleeping very soundly pa kayong nalalaman. Sana lahat ganyan, sana lahat nakakatulog ng payapa.
Kasi ako hanggang ngayon? Heto nagpupulot ako ng sarili ko kasi tangina hanggang ngayon napakasakit ng nangyari na to!
Ni ayaw na nga kita makita eh as in ayaw ko na makita ka pa kasi natatakot ako na bumalik lang lahat ng sakur at takot na nararamdaman ko sayo. Natatakot ako na baka sa isang iglap na yung sarili ko na pinagtatagpi tagpi ko, bigla na namang mabasag sa salitang bibitawan mo.
Please lang, wag mo na ko saktan ulit. Kahit di mo na nga ako kausapin okay na ko eh, kahit wag na kita makita okay na ko. Kasi di mo alam yung dinulot mo sakin mula sa mga masasakit na salita na binitawan mo hanggang sa mga sikretong nagsasaya ka sa ibat ibang babae at may ka late night talks ka pa na katrabaho mo. Para akong binuhusan ng gaas sa buong katawan ko saka sinindihan. Sobrang nakakapaso, sobrang nakakasunog.
Kulang ako sa pera oo, nagkulang ako at naging problema mo ko dun, pero akala ko, tulad dati na nung ikaw yung walang wala, hindi kita iniwan, ni hindi ko nga naisip isumbat sayo yun eh kasi gusto ko yung ginagawa ko, kasi mahal kita at walang kahit anumang halaga ng pera makakatumbas nun.
Umalis ka kasi palagi tayo nag aaway?
Pinili mo sya kasi mas payapa ka sakanya?
Sana inisip mo muna yan, na hindi tayo mag aaway kung pagtutulungan natin tulad dati na hindi naman kalakihan ang perang nahahawakan natin.
Sino ba may gusto ng away? Sana nakita mo yung pagtahimik ko wag lang tayo magtalo. Sana nakita mo lahat ng pagbibigay ko sayo ng mga gusto mo lalo sa oras na gusto mo sa sarili mo para lang wag tayo magtalo.
Pera? Sana balikan mo yung mga panahon na nagsisimula palang tayo, na kung anong meron ako, gusto ko meron ka din kaya gnagawa ko lahat maibigay ko lang sayo, wala tong halong sumbat kasi gusto ko lang imulat sayo na kahit kelan hindi kita hinanapan ng pera, hindi kita prinessure magkapera at never ko naisip sumbat sayo lahat ng naibibigay ko kasi minahal kita at mahal kita.
Struggling ako noon oo. Nakikita mo kong natutulog, late gumigising, late natutulog, without asking ano ba tumatakbo sa isipan ko? Alam mo ba kung ano?
PERA. Pera na ibabayad ko sayo, pera na kailangan kong kitain para mapatunayan lang sayo na karapat dapat ako na hindi ko naman dapat ginagawa kasi kung sapat na ako sayo at may kakuntentuhan ka din sa pagsasama na meron tayo, never mo iisipin gumawa ng mali eh, never mo pipiliin na makita akong umiiyak.
Napakabilis ko naman pasayahin Aeron eh, alam mo naman yan. Napakabilis ko tanggapin ung sorry o paglalambing na ginagawa mo kapag nagtatalo tayo. Hindi ko sukat maintindihan sayo na sa kabila ng pagiging masayahin kong tao mas pinili mo kong saktan at paiyakin.
Naalala mo dati, lagi mo sinasabi sakin NAGING BATO ANG PUSO KO DAHIL SAYO!
Kakasabi mo ng ganyan, pakiramdam ko ako na yung naging bato ang puso ko dahil sa mga sakit na pinaramdam mo. Sobrang sakit Aeron.
Hindi ko sukat akalain na ako nalang pala nakakakita mag isa na ikaw makakasama ko hanggang pagtanda habang ikaw nangangarap ka ng ibang tao habang kasama mo ako sa iisang bubong.
Ang daya. Ang hirap. Ang sakit. Na kahit binigay ko na lahat lahat sayo, di ka pa din nakuntento.
Kaya please lang Aeron, kung naiisipan mo akong dalawin, puntahan, at naiisipan mong iayos natin ulit tong meron tayo, please lang sana mapanindigan mo yan, kasi kapag nabasag pa ko ulit, wala na. Wala nakong maibibigay sayo. Kaya ko bgyan ka ng chance eh, pero sana wala ka nang sabit, wala nang hahadlang, wala nang ibang babaeng involve, sana ako nalang. Ako nalang sana ulit yung nag iisa. Wag mo na paglaruan puso ko Aeron, kasi pagod na pagod na ko eh. Pagod na ko. Pagod na pagod na ko labanan yung sakit na idinulot mo.
Oo, ikaw lang naman sagot nito eh, pag aalaga mo, pagmamahal mo na ako lang tulad dati, pero di na maggng sapat yun kung palagi na akong may mga kahati sayo. Nagsettle ako for less, pinili ko tumayo sa sulok para lang magawa mo lahat ng gusto mo habang magkasama tayo, ni hindi ko alam kung nakita mo lahat ng mga sinakripisyo ko para sayo para lang makita kang masaya at maenjoy mo buhay mo kahit hindi na tulad dati ang pagtingin mo sakin, kahit di na asawa ang tingin mo sakin, tinanggap ko kasi mahal kita. Sobrang mahal kita. Pero mas pinili mong wag pahalagahan yung pagmamahal na binigay ko sayo, mas pinili mong saktan mo ako, di lang isang beses, kundi paulit ulit mo ko sinaktan, dinurog at sinunog mo buong pagkatao ko.
“The moment you feel like you have to prove your worth to someone is the moment you absolutely and utterly have to walk away.”
— Alyssia Harris
7K notes · View notes
anything-for-my-kell · 5 months ago
Text
Tumblr media
Mykell.
hi mahal, pakiramdam ko hindi ko naipaliwanag ng maayos kagabi yung napag usapan natin about how our rs different from my past, so ito susubukan kong ipaliwanag.
nasabi ko na yung mga nakaraan ko minahal ko sila kasi mas kailangan ko sila kesa mas mahal ko sila, sa pinaka mababaw na dahilan. pag tinanong ako dati, bakit mo ba yun mahal? ang naisasagot ko ng mabilis ay “may security sa future eh” o di kaya “maganda eh, madali iyabang sa ibang tao eh” lagi akong may sagot dati pag tinatanong ako, mabilis akong may dahilan kung bakit ko sila mahal.
with you, its different mahal. everytime na tatanungin ako kung bakit kita mahal? hindi ko masagot kasi napapaisip ako okay? then i’ll start to think ab how your smile can lighten up my day, how your laugh can me chuckle too, the way how you tie up your hair OH LORD ung puso ko.. the way you speak, the sound of your voice, the way you carry yourself, the moment na naglalakad ka towards me OH GOD I SWEAR UNG PUSO KO fuck baby sometimes i still can’t believe you’re mine.. the way you see things differently from the others, specially when you’re venting out at sa akin mo lang nararamdaman na safe ka and everything about you mahal, then wala na, hindi ko na malaman talaga kung bakit kita mahal kasi kung tutuusin ang dami pala? mula sa pinakamababaw na dahilan hanggang sa pinaka malalim.. tapos napapangiti nalang ako. may nabanggit ako kagabi na kaya ko minahal yung dati kasi may nakukuha ako sakanila, tapos nag joke ka sabi mo “sakin wala ka nakukuha?” makinig ka ha dito sa sasabihin ko..
bukod sa mga nasabi kong dahilan kung bakit kita mahal, isa sa mga nakukuha ko sayo is yung “will to live” ikaw yung reason kung bakit gusto ko mabuhay na hindi ko naman ginusto for a long time, sayo ko lang napunan lahat mahal. lahat ng rason kung bakit ko sila minahal, ramdam ko yon sayo. security, dahil alam kong with you i can do better in life, we can achieve our goals together. ego boost, tangina mahal ang ganda mo okay? yung word na ineffable ikaw ang meaning non para sa akin also i admire your intelligence okay NAKAKAPROUD NG SOBRA. family, isa ito sa alam kong makukuha ko sayo someday, gusto kong magkapamilya sayo na hindi ko naman hinangad sakanilang lahat. totoo nga yung sinabi mo eh? sa iyo ko lang mararamdaman lahat, ikaw lang makakapag bigay sakin nung “sapat” na pakiramdam.
buong buo ako dahil sa iyo, nabuo mo ako sa lahat ng aspeto.
ang dami dami ko nanaman sinasabi, pakiramdam ko kasi dito lang ako bumabawi dahil nagigising ka sa araw araw ng wala ako sa tabi mo eh. so ito na muna mahal ha? i hope you feel so loved everyday, i hope you know how much i love you. you are everything to me, you are my life at hindi ko ikakahiya ipagsigawan yon sa mundo. masaya ako sa lahat ng nararamdaman ko sayo.
-jb
0 notes
allgrrl78 · 5 months ago
Text
Para kay J*****
Minsan yung maturity talagang nawawala kapag nagpapapaka-nonchalant ka eh apektado ka naman talaga.
Tapos ako yung gusto mo umamin na affected sa'yo? Antaas naman mashado ng tingin mo sa sarili mo. Magaan bangko mo, koya?
Gwapo ka pa naman sana at matalino. Maraming beses ka nagpakita ng maturity pero sa zodiac sign ka nadali? Tas ayaw mo din patalo kahit pinagbibigyan na kita para matapos na. Eh di ikaw din nagpatunay na matigas talaga kokote ng mga Taurus. Gago ka din eh.
And then magpo-post ka ng gusto mong sabihin ko... pero you frame it as yun ang totoo kong nararamdaman at gusto sabihin. Matalino ka nga pero hindi ko alam na nakakabasa ka na pala ng utak ng tao? Kung totoong nakakabasa ka ng utak, bakit hindi mo mabasa na peke ang tingin ko sa'yo?
Meron ka pang "You need to heal yourself and when you're ready to talk to me, I'm here". Ulol hahaha. Problema mo is pag hindi mo gusto young usapan, tumatakbo ka. Pag hindi mo gusto naririnig mo, nakikipagtalo ka. Puwes, makipagtalo ka sa'kin hanggang lumuha ka ng dugo, hindi ka mananalo.
Siguro ako na ung pinakakinaiinisan mong tao ngayon sa buong mundo. Kunyare hindi ka affected. Sows, amoy na amoy ang pagka-peke mo. Halos bumula na bibig mo sa chat, haha. Pero ang importante pa din sayo, nonchalant and unaffected ka.
At ako pa ung "behaving like a little girl" sayo? Ganyan ka katanga at ka bilib sa sarili mo na hindi mo nababasa ang sarcasm kahit it's slapping you in the face. Treat someone like an adult and you'll get an adult. Ang hirap kasi sa'yo, nakabasa ka lang siguro ng 1-3 articles on dating, akala mo dating coach ka na. Tapos nung malungkot ka, magme-message ka na ang dami mong drama... baliw ka na siguro sa sobrang talino mo.
Ang tanggapin mo, hindi mo makukuha ang pagmamahal na gusto mo kasi hindi ka marunong magmahal. Ano sabi ko sayo? Listen to understand, not to respond.
At tanungin mo sarili mo bakit hindi mo matanggap ang pagkatao ko. Kasi hindi mo tanggap sarili mo? Ewan ko, pero problematic ka. Nagtataka ako pano tumagal yung ex mo ng 5 years with you. That must have been hell. Or naggagamitan lang din kayo.
Matapang ka pala, edi lunukin mo lahat ng ibabato ko sayo: isa kang lalaking nagpapagamit at nagpapanggap na pinakamalupit na nobyo sa buong mundo, kapalit ng pera. Sounds familiar? Para kang lalaking bayaran. Ang masama pa, ganyan na nga trabaho mo, akala mo ako pa may utang na loob sayo. Pareho lang tayong malungkot, parehong nagmamataas, parehong galit. Kaso ang kaibahan natin - hindi ako peke.
Kung gusto mo ng paggalang, ilagay mo sarili mo sa lugar na kagalang-galang ka nga. Hindi yung ang gawa mo eh nagpuputa ka at nananamantala. O nasan ka ngayon? Sampal mo sa mukha mo ang huling mensahe ko sayo. Wala kang makukuhang respeto mula sa akin. Kung ano nakuha mo, deserve mo.
Ang masama lang eh, anjan ka pa rin para maghasik ng lagim sa ibang babae.
Daig ka pa ng mga lalaking half your age na marunong makipag-usap. Siguro nga, damaged ka na kasi.
#itsliketrashtakingitselfout. #youractingonlyworksonanaudience
0 notes
ang-paborito · 11 months ago
Text
Chapter 17
Naging malayo sa Amin si Prima dahil nakatuon ang pansin namin Kay Fierro. Sinusubukan ko maging mabuting ina Kay Prima. Isang malaking takot ko ay baka may mga lalaking katulad ng ama nya na gago at gagaguhin sya sa murang edad. 16 ako noong inakit ako ni Apollo. Sa ganung edad, ipinakilala nya ako sa twag ng laman, sya ang unang lalaking umangkin saakin kahit alam nyang mali at krimen iyon. Ginahasa nya ako noong 18 ako. Binuntis nya ako noong 19 ako.p
Hindi ko to binangit kay Apollo dahil pinakasalan ko naman sya.
Lagi na umuwi ng late si Prima. Minsan nakakaamoy ako ng alak at sigarilyo.
Pinagalitan ko sya na wala sya mapapala sa kakasigarilyo nya. Itigil na nya kung ayaw nyang pagalitan ng ama.
Ang masakit na sinabi nya sa akin ay, "Hindi kita mama, patay na mama ko!"
"Akala mo magiging proud mama pag nakikita kang ganyan? Baka kampihan nya pa ako." At this point parang nararamdaman ko ang multo ni Lia.
Pinipilit ko syang intindihin. Minsan nakukuha ko loob nya.
Gusto ko ng sabihin ang totoo pero baka ano mangyari sa kanya.
Malapit na sya mag-18 at makukuha na nya yung trust fund na ibibigay ko at college funds.
"Bakit ba nagkakaganyan si Prima?"
Hinaing ko kay Apollo habang yakap yakap nya ang hubad kong katawan sa kama.
"Mana sayo."
"Ikaw nagpalaki diyan."
"Hinahanap nya yung adoption papers nya nung isang araw."
"Sabihin kaya natin?"
"Gawa ulit tayo ng kwento."
"I can't keep up with the lies anymore."
"Hayaan na lang natin. Wala rn lang patutunguhan yan."
May naging katinuan si Prima. Natuto sya magdrive. Mas naging mahinahon sya at naging close kami. Kahit may kasambahay, tinutulungan niya ako sa kapatid nya.
Nag-18 na si Prima at rinelease ko ang college fund nya, pero kay Apollo syempre at ang trust fund nya na 20% Hanggang grumaduate muna sya.
Isang mabagyong gabi ang bumago lahat ng maaksidente sa daan si Prima.
Nangangailangan sya ng dugo at dahil parehas kaming B+, ako nagdonate. Match na match kami. Dumating yung abogado ko dahil isa sa kontratang pinapirmahan ko sa magasawang Apollo at Lia, in case of emergency, ako pa din ang sasagot pero all under 18.
Dumating si Jacques at nag-usap kami abogado sa abogado. Nasa coma pa si Prima.
Medyo naging iba si Prima noong gumaling. Naging malamig.
Habang nasa kwarto nya at inaayos namin, bigla syang nagtanong kung bakit meron Yung abogado sa ospital.
Nagkatinginan lang kami.
"Galing sa tunay na magulang mo yun."
"So alam nya ba nangyayari sakin?"
"Hindi ko alam. Pero nung nagpirmahan kami, ang sabi ay hindi sya mangingialam pero sasagutin nya ang mahahalagang pangangailangan mo. It's their way of saying sorry."
"Nakilala nyo ba sya?"
Hindi sumagot si Apollo.
Ilang linggo Ang lumipas at graduate na sya ng senior high.
Patungong kolehiyo na sya at kumuha ng arts. Dahil may choice sya kung saan, pinili nya mag Ateneo. Umiling ako dahil baka mapariwara sya pag nasa Maynila. Hindi raw nya maintinidhan dahil mag-aateneo daw sya dahil sakin dahil galing Ako doon. Nag-away kami at natulak nya ako sa hagdan Hanggang nawalan ako ng malay.
Naospital ako at nalaman ko Kay Jane na pinagsasampal ni Apollo si Prima at pinapalayas kaya doon muna sa lumang Bahay nagstay.
May konting concussion lang ako. Binisita ako ni Prima. Inutusan ni Apollo na dalhin mga gamit ko.
Iyak ng iyak at humingi ng tawad.
Sya ang nagbantay sa akin.
Nagising ako at mulang-mula ang mga mata niya.
"Tita... bakit nasayo ang number ni Atty. Jacques? Bakit nasayo ang exact checkbook ng magulang ko?"
Sumikip dibdib ko. "IpinaDNA kita. 99% match tayo. Ikaw ang mama ko!"
"Prima..."
"Bakit? Bakit di mo sinabi? Bakit mo ko pinamigay?"
Humagulgol sya at niyakap ko.
"Ikaw ba talaga totoong mama ko? Bakit ayw mo sakin?"
"Anatayin natin daddy mo."
"Alam nya ba?"
Tumango ako. "Prima," suminghot ako. "Yung alam mo na tatay ngayon, sya ang tunay mong ama. Ikaw naging bunga ng relasyon namin."
Hindi kumibo si Prima. Nakatulog sya sa tabi ko noong dumating si Apollo. Pinaalam ko na alam na nya lahat.
Hanggang makalabas ako wala kaming kibuan pero panay ang yakap at lapit ni Prima. Mas naging sweet sya.
Nagtipon kami sa office ko sa bahay. Pinakita ang mga dokumento. Baby book at mga sonogram results na original copies.
Nilantad namin ni Apollo ang totoo. Na nagkaroon kami ng relasyon at nabuntis nya ako. Hindi na namin dinetalye ang iba. Sinabi ko na pinaampon ko sya dahil hindi ko kaya maging ina pa kaya pinaampon ko sa ama.
Nagalit sya dahil sa pagtatraydor namin Kay Lia at sa buong pamilya.
Hindi ko alam kung galit pa sya. Pero desidido sya mag-aral sa Ateneo. Bagay na pinayagan ko na basta wag syang mapariwara.
"Huwag ka mag-alala mommy, di ako tutulad Sayo." Sabi nyang pasarkastiko.
"Mommy?"
"Ayaw nyo po? Mas gusto nyo po yung tita?"
"No, it's okay. Pero Prima, you can't tell this to anyone okay? Especially not to your brothers and sisters"
"Okay,mommy."
0 notes
nyosangpalagingsabog · 1 year ago
Text
5 years later = self-love
5 years ago, galing akong UPD dahil sa research thesis. Meron akong ka-MU nung time na yon. He's someone na akala ko, yun na. Akala ko makukuha ko yung expected kong ending but syempre, hindi hehe. While nasa jeep ako at pagod na pagod sa traffic, may na-receive akong text from him. "Arlene, tama na. Stop na natin 'to." Yun yung nakalagay sa text. Hindi kaagad nagsink in sa utak ko kasi halo halong emosyon na yung nararamdaman ko. Pagod, galit, poot. Halo halo na. Hindi ko alam kung ano gagawin ko, kung magrereply ba ako kaagad, o pagkauwi ko na lang. Basta, hindi ko alam. Buti na lang, malapit na ako sa bahay kasi nakakahiya naman magbreak down sa jeep diba? Hindi naman ako bida sa Star Cinema movie, so pinagpalipas ko yung emosyon ko sa jeep at sa bahay na lang ako nag-isip.
Pagdating ko sa bahay, inisip ko kaagad kung ano ang gagawin ko sa text na yun. Kung rereplyan ko na ba sya, or tatawagan. Pero ang unang tanong na pumasok sa isip ko ay, "Bakit?" Anong ibig sabihin ng text nya na yun? May mali ba akong nagawa? Kasi diba, bilang tao lahat tayo may kanya kanyang dahilan sa mga nagiging desisyon natin. So ano yung reason nya? Mapupudpod utak ko dito kaka overthink, so tinawagan ko sya. Hindi sya sumasagot. Unlike before na kapag tumatawag ako, matagal kami mag-usap about anything. Na-realize ko, may mali na talaga. At sinisisi ko yung sarili ko, dahil siguro nagkulang ako, o may nasabi ako na hindi maganda. Hindi ko pa rin alam. Wala akong nakuha na sagot. Nag-chat ako sa messenger, pero ayaw nya pa rin sabihin yung totoong reason. Alam ko may reason pa behind, pero ayaw nya sabihin sa akin. Aaminin ko, naghabol ako sa stage na to. Hindi mismo sa kanya, kundi sa rason nya. Naisip ko na kung hindi na sya masaya sa akin, o kung hindi na nya ako kailangan ay ayos lang. Ang importante lang sa akin ay yung sagot sa "Bakit?". Pagtapos ay titigil na ako.
Dahil ayaw nya magpaliwanag sa akin ay nag abang ako sa labas ng company kung saan sya nag iintern. Alam ko kung saan, pero hindi ako nagpasabi na pupunta. Yung rason lang yung kailangan ko e, di pa nya mabigay. Naghintay ako ng 30 mins siguro, hanggang sa nakita ko sya kasama yung ibang intern rin. Gulat na gulat sya nung nakita nya ako sa 7/11. Yung mukha nya, hindi maipinta, "Anong ginagawa mo dito?" Yan ang pinapakita ng mukha nya. Wala na akong pakialam kung may makakakita, hindi sila ang may kailangan, kundi ako.
Hinatak ko sya palabas ng 7/11. Wala akong pakialam kung matapakan ko pride nya bilang lalaki. Kailangan ko siya makausap, para naman may mapala ako. Kitang kita niya sa mukha ko ang inis ko. Alam niya kasi na may kasalanan siya sa akin. Naglakad kami ng halos 30 mins, tinatanong nya ako saan ko gusto pumunta, kung gusto ko ba kumain pero wala akong maisagot. Kasi una sa lahat hindi yun yung pinunta ko. Nakita nya siguro na napapagod na ako kakalakad kaya umupo kami sa isang tabi. Hindi mala-pelikula ang eksena pero hayaan mo na. Kinausap ko siya, tinanong ko lahat ng gusto kong itanong pero parang lumilipad ang isip ko. Parang lahat ng sinasabi nya ay lumalabas lang rin sa tenga ko. Hindi ko siya maabsorb. Hindi ko siya matignan sa mata. Hindi ko kaya. Kasi alam ko sa sarili ko na bibigay na naman ako. Napakinggan ko sya sa loob ng 10 minuto. Kailangan ko lang pala pumunta sa kanya para lang malaman ang sagot mga tanong ko.
Natapos ang 10 minutong explanasyon ay hinatid nya ako sa sakayan. Pero hindi pa rin ako satisfied sa sagot nya, o baka naman may hinihintay lang ako na isagot nya, at tsaka ko sasabihin na tama ako all along. Leo ako e, mataas pride ko. Habang papauwi ako, nag flashback lahat sa akin ang lahat, na naging masaya naman pala ako sa anim na buwan. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan. Matindi siguro kapit ng tao na minahal at sinaktan ka ng todo.
Yun lang, limang taon na nakakalipas at mas mahal ko na ang sarili ko ngayon. Kung magiging pelikula ito ay ako dapat ang magsusulat para damang dama. Ha ha
1 note · View note
wittykahitcorny · 1 year ago
Text
Tumblr media
KAIN SURPRISE!
Legit Dabarkads ako since 2003. Dun talaga ko naging solid fan kasi graduate na ko noon kaya nakakapanood ako araw araw. Ang dami kong napulot na aral, kaalaman at kalokohan. Mga segment na tumatak sa akin gaya ng TKO, SAKMO, SUFFER SIREYNA, ONE 4 ALL, BULAGAAN at syempre KALYESERYE.
Namarites ko rin sa simula palang ang isyu ng tanggalin. Na need na alisin ang TVJ at ibang host kasi nalulugi na ang TAPE. Sure na mahal ang bayad sa kanila at umabot pa sa point na nagkautang sila kay Bossing at Joey. Sinabi naman ng management na di nila tatanggalin ang tatlo kundi babawasan lang ang araw ng pasok.
Bago pa sila nagpaalam thru fb live na magreresigned ay binalita na ng may plan silang magpaalam on live TV. Kaya nagdecide ang TAPE na replay ang ipalabas ng araw na yun.
Malalim ang naging part sa akin ng EB lalo na sa humor at entertainment. Pero masasabi ko na need nilang mas mag improved pa at mag adapt sa panahon ngayon. Nakakasabay naman sila when it comes sa digital platform. Pero para sa akin ay masyado na silang outdated sa humor at patawa. Halos kabisado ko na nga yung jokes at skits ng TVJ. Inaamin ko rin na henyo si joey pero madalas korni na jokes nya at kaya lang tumatawa yung mga kasama niya ay based na lang sa respeto. Madalas din na puro mga songs ng VST ang kinakanta. Kundi naman ay yung mga lumang lumang kanta. Ok lang naman yun pero wag naman sana palagi. Ang daming mga new songs at magagaling ma singers at artist ngayon na gusto rin sanang makita ng tao na magperform sa show nila. Hindi na rin ako madalas nakakanood pero iba pa rin yung kahit di mo napapansin basta alam mong nanjan lang.
Laking impact ng pag alis nila at nabago talaga ang noontime viewing. Kaya lang naman sila naglakas ng loob na iwanan ang Bulaga ay kasi alam nila na nanjan ang TV5 at si MVP. Pwede naman silang lumipat sa GTV pero tyak na noon pa man ay may mataas na offer na si MVP sa kanila. Sana nga mabawi pa nila yung title nung show nila kasi kung hindi ay di na sila makakasama sa 44th year anniversary ng eat bulaga na nasa GMA7. Kasama nung title ay makukuha din ba nila yung rights sa segments like BAWAL JUDGMENTAL at PINOY HENYO?
Natatandaan ko pa nung bata bata pa ko na di na mawawala ang eat bulaga kasi sinasabi ko na its not just a show, its a way of life. Parte na ng buhay at kultura ng pinoy. Di lang natin inaasahan pero ang lahat talaga ay may katapusan. End of an era kumbaga.
Gayunpaman, ok na rin kasi nakabalik na sila sa TV at may bagong tahanan. Goodluck mga dabarkads. Kung di man nila makuha ang rights sa title na EAT BULAGA, pwede naman nilang pangalanan ang show nila na EAT EAT EAT BULAGA.
1 note · View note
xarradniverse316 · 3 years ago
Text
11.19.21
Good morning, my love. 😊
Ito ba yung sinasabi mong poetries sa phone ko? Hehe dapat gift lang to sayo eh. Di mo dapat makikita kaso kinakalkal mo na hahahaha. This is my outlet po lablab para sa mga words na minsan hindi ko masabi sayo, like this one. Pero sure mababasa mo ulit kapag nagkalkal ka na ulit hehehe.
Love, wag na po praning. Alam ko kasalanan ko kung bakit ka nagkakaganyan, di po kita masisisi. Gusto ko malaman mo na pinagsisisihan ko na nasaktan kita. Tuwing maaalala ko, gabi gabi halos, naiiyak ako sa sobrang pagka guilty. Guilty ako hindi dahil totoo lahat ng sinasabi mo sakin. Hindi ko na lang palaging pinagtatanggol sarili ko kasi deserve ko naman lahat ng galit at pagdududa mo. Guilty ako kasi nasaktan kita. Wala sa intensyon ko na gawin yun kahit nagawa ko naman nga. Pero love sana alam mo din na mahal na mahal na mahal kita ng sobra. At araw araw mas ipaparamdam ko sayo yun. Diba sabi ko sayo babawi ako? Hindi ko alam kung paano eh, sa totoo lang. Pero ang kaya ko lang gawin sa ngayon ay maging mas sweet sayo, mas alagaan ka pa, mas gawin kang kampante sa araw araw, mas iparamdam sayo na ikaw lang ang mundo ko. Hehe ang corny ko na ba.
Basta love wag ka sanang magsasawa sakin, satin. Habaan mo sana ang pasensya mo, kakayanin naman natin lahat ng magkasama. Ikaw at ako lang, pati magiging mga anak natin hanggang dulo. Alam kong hindi ako very vocal sayo pagdating jan, pero gusto ko lang din malaman mo na kaisa mo ko sa mga plano mo sa buhay. Sabihin mo man na hindi kita sinusuportahan, pero alam ko ang capabilities mo at naniniwala ako sayo na makukuha mo lahat ng gusto mo sa buhay at matutupad lahat ng pangarap mo.
Sobrang mahal kita! ❤
4 notes · View notes
throttletherapyyy · 3 years ago
Text
Tumblr media
Ang Katotohanan sa likod ng Fraternities Initiations
"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"
"Wala naman sa palo at pagpapahirap ang tunay na samahan". Ito yung madalas ng argumento ng mga kritiko ng kultura ng Frats.
In my 11 years as a Fratman, maraming kuwentuhan at debate na rin akong naranasan patungkol sa ganitong usapin. At sa bawat mga paliwanag at mga punto ko, gaano man kahaba o gaano man kalinaw ang punto ko, bakas pa rin sa mukha ng kausap ko "Hindi ko pa rin naiintindihan"
The Truth is "People will never Understand". They will never understand and you will never ever understand unless you are a Legit Fratman.
Most of the Non Greeks society members kinakabit ang salitang HAZING sa Frats. Ito daw yung kultura natin. Isang maling konsepto na matagal nagpasalin salin sa paniniwala at kaisipan ng mga taong hindi member ng Frat simula nung kauna unahang tala ng casualty sa Frat Initiations.
The correct word for our culture is INITIATIONS OR RITES.
Ito yung proseso na dapat mong pagdaanan para maging karapat dapat kang tawaging "BROD"
Ang initiation o Rites ay walang intensyon sa kahit anong pagkakataon na PUMATAY.
But instead ilalabas nito ang potential ng iyong pagkatao, pag iisip at tuturuan ka ng Values at wisdom na hindi mo matutunan sa normal mong pamumuhay.
FRATERNITIES TRADITION AND CULTURE and its Values:
PADDLING
(Test of strength, Courage and Dedication)
Kung ang akala nila isa itong sakitan, "They will never understand...." Kaya nga sa ating kultura isang napaka sagradong simbolo sa atin ang "Fraternity Paddle O Sagwan". Siya ang nagsasabi ng mga diwa at kaisipan na dapat mong tandaan. Mga tama at maling pag uugali na dapat isa alang alang. Mga prinsipyo, layunin at dapat na pag uugali na dapat isabuhay bilang isang karapat dapat na miyembro. Kung paano wag sumuko kahit ang sakit sakit na at nahihirapan ka na. Na kahit anong hirap na sitwasyon ka na "Pump" lang para magpahinga. "Pump" pag di na kaya. But never, ever Quit. Because once you quit, quiter ka na for the rest of your lives. The values of strength, courage and dedication ang gustong sabihin ni Lolo na dapat sa pagharap sa buhay sa lahat ng pagkakataon, dala mo yan.
SERVICE
(Test of Patience, Devotion, Willingness and Dedication)
Kung akala nila isa itong pang aalipin at pang uuto,
"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"
Isang sem o depende sa CBL niyo na pagiging "Amuyong, Aliping saguiguilid, o lowest mammal. Bili mo ko yosi, kunin mo notebook ko sa bahay, bili ka softdrinks at kung ano ano pang utos ni master.
Pero bago sumama ang loob mo at masamain ang mga inuutos at sinasabi niya, sinusubukan lang niya ang iyong patience, devotion, willingness at dedication pa ulit. Gusto ka lang imulat na sa mundong ito, lahat ng pangarap mo at gusto mo, kailan mong pagtuunan ng panahon at oras. Wala kang "Gusto" mo at "Pangarap" mo na makukuha mo agad sa madaling paraan. Isang pagmulat sa katotohanan dito sa mundo.
UNGGOYAN
(Test of Loyalty,Respect and Humility)
Kung Akala nila eh Ginagago ka lang at ginagawang sinto sinto.
"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"
Pakainin ng sili, pagtripan ka at gawing katawa tawa at gawin kang basurero ng Universities niyo, at kung ano ano pa.
Tinuturo sayo ang salitang Respect, Loyalty at Humility.
Respeto at pagpapakumbaba sa mga nauna. Mga unang nagtaguyod ng kapatiran. Katapatan. Na kung balang araw dumating ang pagkakataon sa loob mismo ng kapatiran, magkaroon ng pagkakataon yung iba o ang karamihan ng pansariling interes at naging mapagmataas eh maalala mo na minsan ka rin naging "Unggoy".
Gusto ka rin nitong imulat na sa mundo, maraming mapang api. Nang sa gayon, hindi ka dito mapabilang. Dahil naranasan mong minsan maging API at UNGGOYIN.
BAGSAKAN NG PASSWORD AT RIDDLE (Test of Intelligent, Wit, At Preparedness)
Saan makikita ang ----. Di mo nasagot? Sampal.
Ilang balahibo ng Puting Tupa? Di mo nasagot? Sampal.
Pinapatalas lang nito ang iyong katalinuhan at memorya. Siyempre, para di mamaga ang mukha mo sa kakasampal ni master, pilit mo itong kakabisaduhin at aaralin ang mga sagot. Isang pagmulat din sa realidad ng buhay na dapat, sa lahat ng pagkakataon "Lagi kang handa" para pumabor sa iyo ang kadalasang sitwasyon ng Buhay.
PAGPIRING SA MATA
(Test of Trust,Faith and Enlightment)
Akala nila eh tinatakot ka.
"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"
Hindi lahat sa liwanag nakikita at nadidiskubre. Kadalasan, sa kadiliman.
Nasa isa kayong kuwarto. Nakapalibot sayo ang lahat ng master mo at ikaw ay nakapiring. Kung inaakala mong may masamang plano sayo at para hindi ka makapalag dahil may piring ka, nagkakamali ka.
Tinuturuan ka lang na mag tiwala sa mga taong nasa paligid mo lalo na sa Frat. Isa din itong pagmulat na ang buhay, bawat kinabukasan ay isang kadiliman. Dahil hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap. Dahil literal tayong nabubuhay sa "Kadiliman". Isang kaugalian na babaunin mo na matutong maniwala at magtiwala sa sarili at wag matakot sa madilim na hinaharap. At kung sino ang nasa paligid mo, wag matakot "Magtiwala".
PAG SUSUOT NG FRATSHIRT
(PRIDE AND PRESTIGE)
Kung akala nila eh nagyayabang ka na isa kang member ng Fraternity,
"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"
Proud ka lang sa iyong kinabibilangan na siyang naghubog ng iyong pagkatao. Naging isang malaking parte ng iyong katauhan ang mga aral na natutunan mo sa Fraternity. Simbolo ito na isanasabuhay mo sa araw araw ang bawat talata ng inyong kapatiran.
FRATERNITY HANDSHAKE
(Respect and Love)
Kung inaakala nilang tayoy nagpapansin
"THEY WILL NEVER UNDERSTAND"
Ang pag abot ng kamay sa kapatid sa kapatiran ay simbolo ng respeto at pagmamahal. Na kahit saan tayo magkita saan mang parte ng mundo, andun yung "Respeto" at pagmamahal sa Bawat isa. Isa din itong simpleng pahiwatig na "Andito lang ako, handa kang tulungan kung anuman sa abot ng aking makakaya. Dahil ikaw ay aking kapatid sa kapatiran". Na sandaling oras ng nakadaupang palad niyo ang isat isa, pareho niyo pinapaalala ang mga dinanas at itinuro sa inyo ng Kapatiran.
"HINDI NAMAN SA PALO AT PAGPAPAHIRAP ANG TUNAY NA SAMAHAN"
Yan ang sabi ng mga Media, Facebook commentators, tropa ko na lassengero, Teacher ko sa English, kapitbahay ko na palasimba at Lola ko na nagluluto ng sinangag kanina.
PERO HINIGOP KO LANG YUNG KAPE KO.. Ngumiti habang bulong sa sarili ko.
"THEY WILL NEVER UNDERSTAND."
MABUHAY ANG MGA LEHITIMO AT TRADITIONAL MEMBERS NG TAU GAMMA PHI!
Brod Manny "Stubborn" Alcober nga pala. 2010 Triskelion from U.P. Diliman Area-17 Community Chapter. Kasalukuyang G.T. (Grand Triskelion) ng Bayan-Bayanan Community Chapter, Malabon Council. Isang mahigpit na pagkamay sa mga LEHITIMONG TRISKELION!
3 notes · View notes
matabangutak · 4 years ago
Text
Sa LOVE kailangan natin ng TIMING.
Hindi yung bara-bara mong gagawin at sasabihin na gusto mo siya. Hindi yung sasalakay ka agad para makuha ang puso niya. Kailangan mo ng timing, kailangan ng oras para mapa sa 'yo ang isang tao.Kunwari, kaka-break pa lang nila. Alangan naman sabihin mong liligawan mo agad siya 'di ba? Syempre tska mo palang sasabihin yun kapag naka move on na siya. Ayaw naman natin sigurong mahalin ka ng taong gusto mo dahil malungkot lang sila.
Kunwari ulit, kakakilala niyo palang sa isat-isa. Hindi naman sa unang araw palang eh sasabihin mo sa kanya na gusto mo siya. Sa tingin mo ba paniniwalaan ka niya? Hindi lahat ng tao eh makukuha mo sa unang araw ng pagkakilala at mapapasagot mo rin sa araw na yon. Pag ginawa mo agad yan eh, anu yang puso mo yan? Pang CLAN? Unang Hi at Hello agad eh may feelings na?
Kapag may gusto ang taong gusto mo sa iba, kailangan mo rin ng timing. Ipakita mo lang na nandiyan ka palagi. Pag laanan mo ng oras, patunayan mo na mahalaga at importante siya sayo. Hindi mo pwedeng sabihin na gusto mo rin siya. Lalo lang siya maguguluhan, dalawa na kayong proproblemahin niya. Hindi bat maganda na ikaw muna ang pinagsasabihan ng problema niya? Tiis tiis lang. Darating rin ang panahon na makikita ka niya.Kaya huwag mawawalan ng pag-asa. Minsan timing lang talaga, tamang tyempo. Lakasan lang rin ng loob minsan. Marunong ka namang makiramdam eh. Alam kong kaya mo yan.
34 notes · View notes
joshua-1226 · 4 years ago
Text
Dream Love.
SOME CONTENT OF THIS STORY IS BASE'D
ON MY INSPIRATION AND NOT
REALLY HAPPENED IN REAL LIFE.
Chapter 1: My Dream Girl.
In My Dream I Want To Have A Beautiful Girlfriend.
Of Course No One Love's Me. But! I'am Not Easily Giving Up!
On My Dream. So I'am 16 Year's Old Now. But No Girlfriend.
I Have A Crush She's Is Pretty And Cute. i'think She Is Middle Age Women.
Around 20! But Age Doesn't Matter So I Love Her. Kahit Mahirap 
Kakayanin Ko Hangang Dulo! Alam Kong Bata  Pa Naman Ako But!! 
i'Want To Be With Her So Gagawin Ko Yung Best Ko Para Magkaroon Ako Ng Chance
Na Makita O Makasa Man lang Siya. BTW Isa Pala Siyang Streamer. So Sikat Talaga Siya.
At Napaka Ganda Niya. Alam Nyu Yun! Na Love At First Sight Ako Sakanya!
Di Konga Alam Kung May Karelasyon Na Siya Eh. Pero Simula Noong Napanood Ko Siya
Bigla Kona Lang Nasabi Na Gusto Ko siya. kahit Matanda Na sya. sa Tingin Ko Mga nasa 20+
Palang Naman Siya. ML Ang Kaniyang Ini Stream So Ginawa Kona Siyang Avatar hehe!
Bukod Sa Napaka Ganda Niya Nagustuhan Korin Sakanyan Yung Pagka Cute Niya Kahit May 
edad Na Siya Pero.. Wala Sa Akin Yan Dahil Nga Inlove Ako Sakanya. Hindi Korin Ma 
Ipaliwanag. Pero Hindi Ko Siya Maalis Sa Aking Isipan!! Simula Non Kada Laro Ko Sa Ml Siya 
Ang Aking Inspirasyon Kaya Lagi Akong Nagpupursigi. SA Totoo Lang. Isa Lamang Itong
Pantasya Eh! Pero Hindi Ako Susuko Para Maabot Siya Pero Paano? Ni Hindi Niya Nga Ako 
Kilala.
Tuwing Natutulog Ako. Diko Maalis Si Cher Sa Aking Isipan Dahil Ba Gusto Ko Siya? 
Pero Sa Tingin Ko Nakabuti Naman Sakin Dahil Naging Inspirasyon Ko Sya Sa Lahat Ng Bagay.
Simula Nong Nagustuhan Ko siya Nag Save Nako Ng Mga Pictures Nya sa Phone Ko. Napaka
Ganda Niya Talaga Yan Din Ang Sinasabi Ng Iba Hindi Ko Alam Kung May Boyfriend Na Sya.
Sa Tingin Ko Single Sya. Kung Sakali! Pano Naman ang Gagawin Ko Para Maabot Ko Siya?
Puntahan Ko Kaya Siya? Or I Chat? Sa Kinadami Dami Ng Tao Na Nag Me Messages Sakanya 
Sasagutin Nya Kaya Chat Ko? Siyempre Hindi No Hahahaha!! Pero Hindi Magbabago Ang Pag 
Tinggin Ko Sakanya. Mahal Ko Siya Kahit Ganto Ang Sitwasyon Langit Siya Na Mahirap Abutin!
At Ako Ay Lupa Lamang Na napaka Baba. Pero Kung Magkaroon Ako Ng Chance Na Makita O 
Makausap Siya. Sasabihin Ko Agad Ang Nararamdaman Ko Sakanya Kahit Ma Busted!! Pa Xd.
I Ku Kwento Ko Sakanyan Kung Bakit Ko siya Naging Inspirasyon. Kumbaga!
ISANG BABAING HINDI KOPA NAKIKITA! NAGING ISNPIRASYON KO SA ISANG NOBELA.
Madaling Sabihin Na Mahal Ko siya! Ang Tanong Mahal Niya Ba Ako? Kung Sakali! 
Kung Sakali Lang Naman. Na Maging Kami Ano Nga Ba Ang Gagawin Ko? First Of All.
Mamahalin Ko siya. Gagawin Ko Ang Best Ko Para Maging Masaya siya Aminado Ako!
Di Ako Perpekto Pero Kaya Ko Siyang Mahalin Ng Sobra Pa Sa Expectations Niya. 
Kung Baga Pogi Lang Sila Loyal Ako! Kaya Hindi ako Mawawalan Ng Kompiyansa Sa Sarili Ko.
Kaya Kong Magbago Para Lang Sa Taong Mahal Na Mahal Ko Gagawin Ko ang Lahat. Para 
Maging Karapat Dapat Kay Cher Dahil Mahirap Siyang Abutin.
Pero Sa Ngayon Siya Muna Ang Magsisilbing Inspiration Ko Sa Lahat Ng Bagay Para
Pag Dating Ng Araw May Magiging Papel Ako Sa Buhay Niya! SA Ngayon Gusto Ko Muna 
Makapagtapos Para May Maayos Akong Trabaho.
At Aking Napagtanto Na Masarap Pala Sa Feeling Na Mag mahal Kahit Mahirap At Malabo.
Sa Panahon Ngayon Marami Nang Nasasawi Sa Pag-Ibig Simple Lang Akong Tao Mataas Ang
Aking Pangarap. Nais Ko Lamang Naman Maranasan Yung May Mamahalin At Nag Mamahal 
Sayo Handa Akong Magbago Para Sa Taong Mahal Ko Dahil Gusto Koto. Marami Pa Akong
Pangarap Maliban Sa Magandang Dilag Na Ito. Sabi ako Sa Sarili Ko Lord! Kayo Napo Ang 
Bahala sa Akin. Kung Sino Po Ang Ibigay Nyo Tatangapin Ko Po Ng Buong-Buo Sa Totoo Lang
Wala Naman Talaga Akong Talent Eh! Loyal Lang Talaga ako:) Pero Di naman Siguro Masama 
Na Mag-Mahal Sa Dream Diba? Parang Yung Kanta Lang Ng Exb Day Dreaming. Sa Totoo Lang
Isa Akong... Otaku? or Something Basta! Yung Mahilig Sa Anime Pero Ok Lang Dahil Mahilig 
Din Si Cher Sa Anime I'think. But I Discovered Something! If You Inlove To someone You Can
Use That To Become Inspiration. To Your Life. And Amway's Pray To God Dahil Hangga't Bata 
Kapa Kaya Mopang Baguhin Ang Future Mo Yan Ang Paniniwala Ko. Ganto Lang Naman Ang
Buhay Ko Simple Lang! Pero Masaya Sana Balang Araw Matupad Din Ang Matagal Ko Nang
Pinapangarap Na Magkaroon Ng Maganda at Mabait Na Nobya. Sa Totoo Lang Di rin Naman
Ako Bumabase Sa Mukha Eh. Syempre Sa Ugali din Noh Malay Mo Maganda Nga! Basura Nmn
Ugali Nya Eww! Kaya Mas Mabuti Munang Kilalanin Natin Ng Husto Ang Babaeng Gusto Natin
Dahil Lamang Ang May Alam. Siyempre Marami Kang Kaagaw Sakanya I Mean Yung Iba 
Niyang Manliligaw Or Something!  Sa Buong Buhay Ko Wala Naman Akong Ipagmamalaki Eh!
Sa Tingin Ko Ang Aking Nobya Ang Mag Mamalaki Sakin. Bakit? Siyempre Sasabihin Niya
Pogi Lang Yan Loyal Ako! (hahahaha LOL.) Pero alam Kong Darating Din Yang Araw Na
Yan.
Sa Totoo Lang Japanese Talaga Ang First Dream Girl Ko Yung Maganda Tas Malaki Dibdib....
Ah basta Ganon Pero May Isa Pa Akong Dalagang Gusto Siya si Kimberlee Half Japanese.
Maganda rin Siya At Sexy Lamang Lang Siya Kay Cher Dahil Mas Slim Ang Katawan Niya
pero Hindi Naman ako Dun Naka Base..
Pareho Lang Sila Kung Sa Kagandahan At Parehas Dalaga:) Sa aking Kalooban" Parang Ako ay.
Tuluyan Nang Bumitaw... Dahil Ba Malabo? o Sadyang Di Talaga Puwede. Isang Araw.
Pagkagising Ko Ng Umaga Napansin Kona Lang Na Ako'y Lumuluha Na. Hindi Ko Alam Kung
Bakit Ako Umiiyak. O Para Bang Ako'y Iniwan Ng Aking Kasintahan. Pero Sa Likod Ng Mga Iyon.
Akala Kolang Pala! Dumating Yung Mga Araw Na Maglalaho Nalang Bigla Ang Mga Fantasya.
Na Nasa Isip Kolang! Pero Sa loob Ng Puso Ko.. Lahat Ng Yon Ay Hindi Lamang Gawa Gawa.
O Sa Isip Ko Lamang Dahil Nagbibigay Din Sakin Ito Ng Lakas At Inspirasyon Sa Buhay.
Kaya Hindi Ko Kakalimutan Tong Feelings Na to Yung Inlove Ka Sa Isang Tao Na Malayo Sayo.
Gusto Ko Talaga Maging Tamang Tao Para Kay Cher Kung Sakali Lang Na Dumating Yung
Araw Na Bigla Kaming Magkatagpo. Gagawin Ko Ang Lahat Para Maging Karapat Dapat.
Pero First Of All! Aalamin Ko Muna Ang Personality Niya Para Malaman Ko Kung Ano Ang
Gusto Niya Sa Isang Lalake.   
Sa Buhay Meron Lang Tayong 2 Landas which Is Mayaman O Mahirap Pero Hindi Porke
Mayaman Ka Eh Mataas Kana! Yung Tipong Marami Kalang Pera eh Sasambahin Kana Nila.
At Di Porke Mahirap Ka E Magpapa Api Kana! Yung Ibang Tao Dyak Naka Base Eh' Pag
Mayaman Ka Sila Mag Hahabol Sayo Kahit Pangit Ka Pera Pera Lang.. Pag Naman Mahirap
Ka Lalayuan Ka  Nila Kase Wala Silang Mapapala Sayo! o Kaya Talagang Sadyang Mukhang
Pera Lang Talaga ibang Babae? Pero.. Meron Parin Talagang Seryoso At Hindi Bumabase
Sa Itsura At Estado Sa Buhay. Kaya Sinabi Ko Sa Sarili Ko Na Magsisikap Ako Ng Husto!
2 Lang At Pinaniniwalaan Ko Sa Buhay. Una: Hindi Lahat Ng Mahihina Mananatiling Mahina!
Pangalawa: Hindi Lahat Nang Nasa Baba Mananatiling Nasa Ibaba! lahat Tayo Aangat Din
Balang Araw.. Sa Ngayon Nabubuhay Tayo Dahil Sa Pagsisikap At Tiyaga. Soon...
Ma A Achieve Din Natin Ag Goal Natin Sa Buhay Kaya Konting Pasensya Lang... Lahat Tayo
Aangat Din Sa Estado ng Buhay. At Pati Ang Pinaka Ayoko sa Lahat Eh Yung Napaka Arte!
Di naman Lahat Ng Babae Ganyan Pero Meron Parin Talagang Dugong Pinoy Talaga I Mean
Yung Kahit Mayaman Hindi Maarte Dahil Nanggaling Din Sila Sa Kahirapan Noon. kumbaga
Ang Hindi Marunong Lumingon Sa Pinanggalingan Ay Walang Paroroonan.
At Ayon Na Nga Mas Lumalim Pa Ang Pag Kagusto Ko Kay Cher. Dahil Ang Sexy At Ang Ganda Niya Almost Perfect. Kaso Parang...
Napanghinaan Ako Ng Loob Nong Nalaman Kong Mapili Pala Siya sa Lalake. Pero
Sa Una Palang Alam Kong Wala Naman Talaga akong Chance Eh.. Pero Lahat Naman Ng Pananaw Ng Tao Nababago. Balang Araw Mababago Din Ang Pananaw Niya Sa Buhay Yung Hindi Na Pogi Ang Hanap Niya Mataas Ang Confidence Ko Pero... Hindi Kopa Alam Ang Mangyayari Sa Buhay Ko' Sana Talaga Balang Araw.. Makapiling Korin Siya.. Sana Lang..  Sa Totoo Lang HindI Ko Talaga alam Ang Ginagawa Ko! Kung Bakit Koto Nagawa Etong Simpleng Storyang To Na Tungkol Sa Pangarap Kong Babae Na Si Cher Tolentino Barnacha. Pero Lahat Ng Iyon Ay Hanggang Pangarap Kona Nga Lang Ba? Kung Sakali Man. Na Hindi Palarin Sakanya Gagawin Ko Parin Ang Best Ko Para Sa Babaeng Makakatagpo Ng Puso Ko.. Kaya Napag Disisyonan Kona Lang Na Tigilan Na Ang Pag iisip Ko Sakanya Dahil Kahiy Anong Isip Ko Sakanya Hinding Hindi Ko Siya Maaabot.
                                 
Chapter 2: Continuous Dreaming.
2 Buwan Na Ang Nakalipas Simula Noong Sinabi Ko Sa Sarili Ko Na Kakalimutan Kona Lang Siya Pero... Nagtuloy-Tuloy Parin Ang Panaginip Ko Sakanya! Yung Panaginip Na Kasama Ko Siya At Masaya Kaming Dalawa.
Sinabi Ko sa Sarili Ko Na Sana Totoo Pero.. Lahat Ng Iyon Ay Panaginip Kolang Sa Panaginip Kong Iyon Magkasama Kaming Dalawa at Magkahawak Ang aming Mga Kamay Sa Sobrang Higpit Ng Aming Paghahawak kamay Tila Para Bang Hinding Hindi Na Kami Maghihiwalay Pa. Actually!
Hindi Lang Iyon Basta Panaginip Parang Totoo!
Alam Moyung Sa Panaginip Na Parang Ibang Tao Ka? Sa Panaginip Kong Iyon Kami Ay Namamasyal Na Magkahawak Ang Aming Mga Kamay At Hindi Lang Don natatapos Ang Lahat Dahil Sa panaginip Na Iyon For The First Time!
Nag uusap Kami! Ibang Iba Ito Kumpara Sa Mga Dati Kong Panaginip Na Puro Fantasies Lang Tungkol Sakaniya! Sa Panaginip Na Iyon Nag Usap Kami Tungkol Sa Buhay Namin 
Ang Sabi Ko Sakaniya! Cher Mahal Na Mahal Kita! Simula't Sa Una Ikaw Lang Talaga Ang Babaeng Minahal Ko. Wala Ng Isasaya Ang Buhay Kong Ito. At Sinabi Niya Saakin Na
Joshua Mahal Na Mahal Din Kita Simula Noong Naging Tayo Ngayon Kolang Naramdaman Ang Happiness Na To! Sa Buong Buhay Ko! Kaya Napaka Saya Ko Na Nakilala Kita Joshua. At Sa Eksenang Iyon! Naglapit Ang Aming Mga Labi At.. Bigla Akong Nagising Sa Katotohanang Panaginip Lang Pala Iyon.. At Bigla Nalang Akong Lumuha Na Para Bang May Nawala Sa akin. At Dun Nanga Ako.. Natauhan Na Hindi Lahat Ng Gusto Mo Eh Makukuha Mo.
At Pati Hindi Lahat Ng Happy Story Eh May Happy Ending Din. 
Ano Nga Ba Ang Love At First Sight Eto Yung Na I Inlove Ka Sa Taong Ngayon Molang Nakita 
Talagang Totoo Naman Ito. Cher Gusto Ko tong Sabihin Sayo! Napakatagal Na Panahong Kotong Hinintay Ang Mahawakan Man Lang Ang Iyong Mga Kamay Naglalakad Tayong Dalawa Na Magkasabay Habang Ang Aking Braso Sayo Ay Naka Akbay Pakiramdam Ko Ay
Hindi Na Mahalaga Pa Ang Bukas! Sa Tuwing Tinititigan Mo Ay Nawawala Ang Tikas! Bali Wala Ang Mga Kaakit-Akit Na Damit Pag Sayo Na Dumikit Walang Makakahigit Talang Ako Sayo Di Na Bibitaw Pa Harangan Man Ng Mga Siga Kaya Kong ITumba Mataas Daw Na Pangarap Kaya Ko Sinampa Ikaw Lang Yung Babaeng Literal Ko Na Sinamba! Hanggang Ngayon Di Ko Parin Lubos Na Maisip Kung Paano Ang Imposible Nakuha Ko Na Ipilet Nagmistulang Himala Ang May Akda Lang Ay Langit Napasakin Ang Babaeng Nasa Aking Panaginip!
Hanggang Kaylan Ba Ako Na Aasa Babaeng Pinapantasya Ko'y aking Makakasama Mahawakan Man Lang Sana! Ako'y Hibang Na Ata! Sa Panaginip Na Nga Lang Ba Kita Makakasama Wag Mona Sana Akong Gisingin Pa! Sa Mundong Ito Marami Ang Pinagpala Sa Pag-ibig Marami Ding Sawi! Kaya Napaka Raming Lalakeng Tulad Ko Na May Dream Girl Mataas Na Pangarap Para Sa Iba. Hindi Lang Naman Babae Ang Pinapangarap Ko Eh'Pag Gusto Korin Magkaroon Ng Magandang Buhay For example Meron Akong Malaking Bahay At Napaka Ganda Nun! At Marami Din Akong Magagandang Kotse. Actually Matutupad Ko Ang  Lahat Nayan Pag Nagsikap Ako sa Buhay.
i'm Happy With My Life But I Be More Happier When My Dream Come true. So Tiwala Lang Sa Sarili Ang Kailangan. When Kaya... Ako Magiging Successfull Yung May Maayos na Buhay At trabaho! Sa Ngayon Ang Main Goal Ko Sa Buhay Is Maging Successfull Muna And Have A Good Life. Para Balang Araw Makita Ko Narin Si Cher Someday... Sa Puntong Ito Hindi Kona Talaga Siya Maalis Sa Aking Isipan. Sa Totoo Lang Hindi Naman Talaga Ako Umaasa Eh! Dahil Alam Kong Malabo At Hindi Puwede Pero... Ok Lang Naman Dahil Nagsisilbi Parin Siyang Inspirsyon Ko Kaya Ok Lang. May Magandang Dulot Naman Siya Para Sa Akin
Kung Sana Lang.. Kung Sana Lang Talaga.. Malapit Ako Sakanya Gustong Gusto! Kona Talaga Siyang Makita. Sana Balang Araw Magawa Korin Ito. Hahaha Wala naman ako Pake Kahit Ano Sabihin Ng Ibang Tao eh Basta Para Sakin Ganun Lang Yun Paghanga Lang And Inspirasyon Walang Mali dun!
Chapter 3: Fallin Love?
Hindi Kona Talaga Siya Maalis Sa Aking Isipan! Bakit Ba Bakit!? Talagang I'm FalI inlove With Her! Nahhhhh! Bakit Ba Sa Dinarami-Rami Ng Babae Siya Pa? Cher Gusto Kolang Sabihin Sayo Na.. Gusto Kolang Na Dumating Yung Araw Na Magkasama Tayong Dalawa. Yung Tipong Sabay Tayong Gigising Sa Umaga at Mag Go Good Morning Sa Isa't Isa. At magtatanong Na Kumain Kana Ba? At Nsan Ka? Pero.. lahat Ng Iyon Ay Akala Kolang Pala Dahil... Ba Ganon ang sitwasyon? Hindi Ko Alam! Pano Nga Ba? Hayssss! Ano Ba Ang gagawin Ko? Pano Ko Nga Ba Sasabihin Sayo Na Ganon Kita Ka Mahal! O Masasabi Konga Ba?.. Hindi Ko Alam
kung Paano Nga Ba.. Sasabihin Ang aking Nararamdaman Sayo Aking Sinta. Cher Isa Ka Talagang Bitwin Sa Langit Na Nag Mimistulang Napaka Gandang Tanawin Sa Buong Buhay Ko.
Sana'y Ika'y Maging Akin Kung Darating Din Ang Panahong Mararamdaman Mo Ang Pag Mamahal Ko. Sana.. Sana.. Sana Talaga..
Bahala Na Ang Tandhana Sa Ating Dalawa..
Sana Sa Huling Pagkakataon Ika'y Maging akin.. kahit Sandali' Para Sa Ating Dalawa Ang Oras Na Tayo'y Nagmamahalan Na Tila Bang Wala ng Tigil At Maglapit Ang Ating Mga Labi Na para Bang Wala Nang Katapusan. Ang ating Pagmamahalan! Sa Buong Buhay Na Ito Basta alam Kolang Ang Nasa Loob Mo Ay Ako! At Ang Nasa Loob Ko Ay Ikaw! Sana Tayo Ay Magtagpo At Hinding-Hindi Na Maghihiwalay Ano Mang Bagyo At Pangyayari Sa Buhay Ay Hinding Hindi Tayo Mag Hihiwalay, Sa Mata Ng Diyos Alam Niya Kung Gano Kita Ka Mahal At Darating Din Yung Araw Na Maraming Tao Ang Gagawin Ang Lahat Para Lang Magkahiwalay Tayo! Pero.. Isa Lang Ang Gusto Kolang Na
Malaman Mo Na Sobra Kitang Minahal Hindi lang Sa Puso.. Pati Rin Sa Buong Pagkatao Ko.
Ikaw Lang Talaga Ang Minahal Ko Ng Lubos with My Previous Live. Hanggang Kailan Ba Ako Mag Hihintay? Hindi Ko Alam.. Kung Gaano Katagal! Pero Kahit Languyin Ko Man Ang Sampung Dagat! Ako'y Mag Sisikap Maabot Ka Lamang! Isinusumpa Ko! Ako Ay..
mag Hihintay Sa Araw Na Iyon. Sa Ngayon Sagot Ang Kailangan Ko! Kung Bakit Ganon Ako Ka Inlove sakaniya O Kung Ano Man! Di Kona Rin Alam Sa Sarili Ko bakit Ba Ganito?
Hindi Ko talaga Makalimutan ang Kaniyang Napakagandang wangis! Para Bang Isang Bitwin Sa Kalangitan Na Kumikinang At Hindi Masabi Kung Gano Kaganda. Dibale Na Basta Nagiging Inspirasyon Ko Siya Because I'Want Her To Be With Me Forever. I Wanna Lay Her Down On A Bed Of Roses. And I'L Make Her Happy Until I die. Iwant Make Memmory With Her Until I Die iWant To Be Happy To With Her'
I Want to Do All Things That What Makes Her Happy. At Dumating Yung Gabi Na Magkakatigan Kami At Maglapit Ang Aming Mga Labi Na Pag Nag Dikit Ay Madarama Mo ang Init Ng Pag-Ibig! Na Patuloy Dumadaloy Sa Katawan Naming Dalawa. Ako ang Taong Tutupad Sa Pangarap Niya Na Maging Masaya Habang Buhay. At Dumating Din Yung Araw Na Sasabihin Niya Na Mahal Na Mahal Niya ako At Ayaw Niya Na Umalis ako Sa Kaniyang Tabi Dahil Ako Lang Ang Nagpapasaya Sa Kaniya.
At Susuklian Ko Ang Mga Pagmamahal At Pag-ibig Na Binibigay Niya Sa Akin. Ako'y Mag Hihintay Hanggang Sa Dumating Ang Araw Na Iyon Kelan Kaya? Ano Kayang Mangyayari Sa Aming Dalawa? Sa Future? O Baka Hindi Talaga Mangyari.. Hindi Ko Alam! Yan Ang Pangyayari Na Hindi Ko Alam Na Mangyayari Ba O Baka Hindi Na? Ano Ba Talaga! Bakit Ganito! Ako Yung Umaasa? Ano Ba Naman. Dibale Na Kung Hindi Ko Man Siya Makuha Sa Dasalan Ako Na Mismo Ang Aabot Sakanya.. Balang Araw.
Pinapangako Ko Sa Sarili Ko. Konting Konti Nalang Maabot Na Kita! Hintayin Mo Ako Sa Dulo Ng Hangganan At itatanong Ko Sayo na
A Faint Clap Of Thunder Clouded Skies Perhaps Rain Comes If So, will you stay here with me?(it's A Tanka) Sana Mangyari Lahat Ng Iyon.. Balang Araw Magawa Korin Ito. Marami Mang Hadlang Sa Daan Lahat Yan Lalagpasan Ko Maabot Kolang Siya. Sa Ngayon Ganito Lang Muna Dahil.. Malayo Pa Ang Mararating Ko In The Future. Our Life Can Change Without Knowing Kaya Minsan Talaga Sa Hindi Inaasahang Pagkakataon Nagkakatotoo Talaga Ang Mga Bagay Na Nasa Isip Natin. Mangyari Man O Hinde Ang Pinapangarap Ko Naniniwala Ako Na Mababago Pa Lahat Ng Iyon Hihintayin Ko Nalang Ang Araw Na Iyon. Hindi Ko Alam Kung Lahat Ng Ito Ay Hanggang Dito Nalang..
Pero Susubukan Kong Baguhin Pa Ang Tadhana Sa Totoo Lang Gustong Gusto Ko Talaga Si Cher! At Gusto Korin Malaman Niya Na Gusto Ko Siya. Sa totoo Lang Cher Gusto Ko Sabihin Sayo Na I'm Inlove With You, But We Can't Be. Sana Totoo Nalang Na Makasama At Mahalikan Ko Siya Para Maipadama Ko Sakaniya Kung Gaano Ko Siya Kamahal. Lahat Ng Iyon Gagawin Ko Talaga Kung Sakali.. Pero Lahat Nang Iyon Ay Ilusyon Kolang Pala! Kung Hindi Rin Lang Ikaw Ang Dahilan Pipilitin Ba Ang Puso Kong Hindi Na Masaktan. Kung Hindi Ikaw Ay Hindi Nalang! Pipilitin Pang Umasa Para Sating Dalawa. Nahihirapan Ang Pusong Pinipilit ay Ikaw! Bakit Ba Ganito? Nalang Ang Labis Kong Pagkagusto Sakaniya? Hindi Naba Ito Mababago pa? Ah Dibale Na! Sino Nga Ba Naman Ako Na Taong Pobre Lang! Wala Man Lang Pag-Aari Tanging Kapogian Lang! Pero Paano Nababaliw Na Ba Ako! Kung Hindi Ako Yung tipo Mo Masasawi Na Yata Ako!
Cher Sana May Biglaang Pagkakataon Sa Isang Lugar Na Tayong dalawa lang Ang Nandoon
At Unti-Unting Maglapit Ang Mga Labi Natin.
Teka! Hanggal Naba Ako? Kung Ano Ano Iniisip Ko! Hays! Ewan Ko Sa Sarili Ko.
Kung Minsan. Kapag Nagigising Ako Ng Maaga
Para Bang Ibang Tao Ako. Hindi Ko Maalis Sa Isipan Ko Yung Panaginip Ko Last Night Bakit Nga Ba? Hindi Ko Alam Ang Rason Kung Bakit Lagi Nalang Ako nag-iisip Ng Babae O Kung Sino. Para Lang Eksena Sa Panaginip Yung Lahat Nang Pangarap Mo Nagkatotoo! Pero.. Lahat Nang Iyon Ay Panaginip Lang Pala! Dahil Ang Katotohanan Ay... Pinapantaysa Kolang Pala! Pero Bakit Ganito! Hindi Ko Makalimutan Ang Mga Iyon! Napaka Hirap Alisin Sa Isipan Na Para Bang Masakit Kapag Nawala Ang Mga Alaala Na Iyon. May Mga Pagkakataon Na Sinabi Ko Sa Isipan Ko Na.. Lahat Ba Nang Bagay Na Pinapangarap Ko Ay Magkakatotoo?
O Kaya Naman Hindi....
2 notes · View notes
heyitsmaj · 5 years ago
Text
How I passed the Board Examination for Psychometrician Blepp2019 (and some Tips)
I decided to take the board exam before my target year started. For example; if your target year is 2021, you should have made up your mind this year 2020 or at least 6months before your target year. 
This could have Part 1 & Part 2 and so on if applicable, because I am going to attached my actual videos and pictures during my review for the board exam. 
WARNING TAGALOG VERSION AHEAD!
Tip #1 Dapat desidido ka. Walang kahit anong hindrance ang pupwedeng makapag pahinto sa pag abot mo ng mga pangarap mo. Alam mo dapat yung goal na aabutin mo kasi kung hindi yan maliwanag, di ka fully motivated para maabot yan.
Tip #2 Dapat committed ka, once you declared that you are committed ACT COMMITTED, parang pag ibig lang yan pag may jowa ka dapat sya lang. 
Tip #3 Be ready, ready ka dapat kasi ako September 2018 palang sinabi ko na sa bff (Bestfriend pareho kasi kami ng course pero not same ng school) na mag tatake ako ng board at kung gusto nya mag join. February palang ng 2019 nag enroll na kami sa RGO isang Review Center.
Tip #4 Mag try mag review, ang ibig kong sabihin kailangan mo hanapin kung saan ka komportable mag review. What I mean is, anong klaseng setting ka komportable? Ako kasi komportable ako sa mataong lugar. Gusto ko yung ambiance ng madaming tao at mukha silang mga professionals kasi mas naiinspired ako mag aral. Example? sa Starbs, o kaya sa mga study hub iba iba kasi trip ng mga tao may iba na gusto talaga malaki space, maingay, cozy, malamig, tahimik, may masarap na kape etc. So ikaw? San ka ba mas komportable? Pag nahanap mo na yun PROMISE SOBRANG LAKING TULONG non sa pag rereview mo :D
Tumblr media Tumblr media
Photo was taken at Stream Concept Study Hub near UST check out their FB: https://www.facebook.com/streamconcept.studyhub/ ~ here you can have unli coffee, unli snacks, cozy ambiance, offers pillows & blanket, plugs per table, very cheap for board examinee and very recommendable wifi service. Check nyo nadin IG Story ko nakahighlight dun yung review ko sa Starbs or scroll down kayo dito sa Tumblr ko nandito yung mga time na nangangarap ako na makapasa haha IG: majcifra
Tip #5 Dapat palagi kang may bagong input dapat sa isang araw may mga bagong theory kang matututunan, kung natapos mo na yung buong libro ulitin mo uli sabi nga nila “Repetition is the key for long term memory”. Maaring nabasa mo nga pero naintindihan mo ba? Nakabisado mo ba? SOBRANG MAHALAGA PO NA DAPAT NAINTINDIHAN MO TALAGA YUNG BINASA MO :) Bali baligtarin man, hindi ka maliligaw! Hataw!
Tip #6 Gumawa ng Calendar para matrace kung anong rereviewhin mo kinabukasan. Para hindi magulo :) Tapos hanggat maari susundin nyo din sya, pero uulitin ko ha, KAILANGAN NAIINTINDIHAN ANG MGA NABABASA.
Tumblr media
Tip #7 Alamin kung anong oras sobrang active ang brain nyo try nyo mag review ng iba’t ibang oras para malaman kung anong oras ba ang active brain mo. Bale ganto kasi yan, para mabalance mo one at a time ka lang kumbaga, kung may other errands ka na pwede namang i-isang tabi muna para maka review ka itabi mo muna, pero kung wala naman mag double effort ka sa pag aaral pero I suggest magsacrifice ka muna okay lang tumaba may in between yung pagtapos ng exam tsaka oath-taking so makakapag diet ka pa kung sakali. Basta importante makuha mo yung goal mo! Pawer!
Tip #8 Magpahinga. Magpahinga kung napapagod ka na, di tayo robot papi o kaya computer na input > process > output agad. Mahaba haba yung process part natin kaya wag mo masyado abusuhin, mag social media ka kung talagang gusto ng utak mo mag social media kasi kung pipilitin mong huwag gawin pero iniisip mo padin nako! walang papasok sa brain mo nyan, maging masaya ka dapat habang nag rereview. Always take a break, but of course be accountable.
Tip #9 Do not compare your process, wag na wag mo icocompare sarili mo sa buddy mo, classmate mo, friends, review seat-mate, o kahit kanino. Kasi mag kaiba kayo, TAYO. I remember nung nag rereview pa ko kapag na pepressure ako di ako napasok sa review center, WHY? kasi di ko ma process lahat don iniisip ko kasi andami ko pang di alam, kaya nag dedecide ako na mag aral mag isa. Nung nag rereview ako di importante sakin kung ano score ko sa mga drills, pre-board o kaya diagnostic exam ang importante sakin non yung bago kong natututunan. Kung napapansin mo nang kinukumpara mo na sarili mo sa iba o nag dadoubt ka na sa sarili mo take a break uli. Yang sarili mo lang at si God ang kasama mo sa mismong examination kaya magtiwala ka sa kaya mo.
Tip #10 PRAY the most powerfull sa lahat ng nabanggit na tips. Sabi nga sa Mark 11:24 “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin”. See how powerful his word is? Pero lagi mong tatandaan na Faith without ACTION is DEAD orayt? Magdasal ka pero mag review ka, at makakaya mo yan! Kapatid kaya mo yan onting push pa, makukuha mo din ang pin na pinaka aasam asam!
Hindi ko ma upload yung mga video ko dito pero I will upload nalang sa IG ko. Uyyy Goodluck ha wag matakot, kasi shempre hindi ka aabot sa part na to kung di ka natatakot. Kayang kaya mo yan! Grab your license na declare you are RPm year 20__. Yiiiieee! Stay hydrated!
Tumblr media Tumblr media
Love,
Maj
6 notes · View notes
fastandcuri0us-blog · 5 years ago
Text
NASA LAYLAYAN
(Isang pagsusuri sa maikling kwento ni Norman Wilwayco— DANGAL) 
Kasabay ng paglobo ng populasyon sa ating bansa ay patuloy din ang pagtaas ng bilang ng mahihirap. Kung ikaw ay naninirahan sa mahirap na bansa tulad ng Pilipinas, isa na siguro sa pangarap mo ang magkaroon ng maraming salapi dahil sa panahon ngayon, lahat ng bagay ay maari mong makuha kapalit ng salapi.
Sa araw-araw na pagpasok ko sa Sintang Paaralan ay lagi kong pinagmamasdan ang mga bagay sa aking paligid tulad ng mga bahay dahil iba-iba ang laki at disenyo ng mga ito. Mapapansin mo agad ang napakarami’t naggagandang mga sasakyan sa EDSA at kung madalas kang bumyahe ay matatanaw mo kaagad ang mga malalaki at kumpol-kumpol na gusali ng Quezon City. Ngunit alam mo ba kung ano talagang pumupukaw ng aking atensyon bukod sa mga magagandang bahay, makukulay na sasakyan at matatayog at nagtataasang mga gusali? ITO AY ANG MGA TAO SA AKING PALIGID. Iba’t ibang tao ang aking nakakasalamuha sa araw-araw na pagpasok ko sa eskwelahan. Iba’t ibang mukha. Iba’t ibang uri ng pananamit. Iba’t iba rin ang kanilang mga ginagawa. Iba’t ibang uri ng paraan upang labanan ang kalam ng sikmura. Madalas kong makita ang mga nagtitinda ng karne sa aming palengke, mga tricycle, jeepney at bus driver isama mo na pati ang konduktor at ang mga barker na nagtatawag ng pasahero, may mga kasabay din akong kapwa ko estudyante na papasok din sa eskwelahan, mga nagtatrabaho sa opis, security guard sa mall, nagtitinda ng mga kendi o di kaya’y gulay. Tuwing pauwi naman ako ay nadaraanan ko ang hile-hilerang BAR at CLUBS sa kahabaan ng Aurora Bvd. Kung ikaw naman ay mapapadaan sa footbridge ng Cubao ay makikita mo ang mga BABAENG NAG-AABANG at madalas ay hatinggabi sila naroon. SA TINGIN MO? ANO ANG GINAGAWA NG MGA BABAENG IYON SA FOOTBRIDGE NG DIS-ORAS NA NG GABI?
Iba’t ibang mukha. Iba’t ibang uri ng trabaho. Iba’t ibang pamamaraan kung paano tutustusan ang pangangailangan ng pamilya. Iba’t ibang pamamaraan kung paano pag-aaralin at bubuhayin ang mga anak. Ilan lamang sa mga nabanggit ko ang iba’t ibang uri ng trabaho ng mga masisipag na Pilipino ngunit kinulang sa oportunidad at hanggang ngayon ay nasa laylayan pa rin ng lipunan at patuloy na naghihirap.
Ang unang bahagi ng kwento ay sumasalamin sa tunay na pinagdadaanan ng isang mahirap na estudyante na pumapasok sa paaralan. Sa aking personal na karanasan, talagang ganito ang nangyayari sa loob ng pampublikong paaralan. Naalala ko pa noon na may mga titser ako sa elementarya at hayskul na nagbebenta ng pagkain tulad ng stick-o, choco-choco at iba pang pagkain at mga tiket sa isang palabas sa sinehan (tulad na lamang ng isang palabas na aming pinanood sa sinehan tungkol sa mga langgam na hindi naman nagsasalita at wala namang itong kinalaman sa aming asignatura) na kapag ikaw ay bumili ng pagkain o tiket ay may dagdag puntos sa final grade. At sa huli, kahit kapos ang iilang mag-aaral ay mapipilitan na lamang panoorin o bumili dahil nakakapanghinayang naman talaga ang dagdag puntos na iyon.
Normal na lamang sa ating mga Pilipino na makarinig o makakita ng “working students”, ito ang mga estudyante na nagtatrabaho para lamang may maitulong sa pamilya at matustusan ang sariling pangangailangan lalo na sa eskwelahan tulad na lamang ng nagsasalaysay at ng kaibigan niyang si Chris. Sa tuwing kulang ang pangtustos nila para sa kanilang pag aaral ay humihinto sila dahil wala ring sapat na kita ang kanilang mga magulang para pag-aralin sila. Mas pipiliin nilang magtrabaho para may pangkain kaysa manatili sa silid-aralan at mag-aral. Hindi rin sila nakakapag-aral dahil wala silang oras para aralin ang mga susunod na leksyon. Ikinumpara niya ang kanyang sarili sa mga kaklase niyang may kaya at wala namang ginagawa sa buhay pero wala pa ring alam at nananatiling mga bobo. Sa ganung estado ng kanilang pamumuhay, hindi naman na bago sa atin ang mga ganitong sitwasyon. Isa lamang ito sa mga naging epekto dahil sa walang kwentang sistema ng gobyerno sa Pilipinas na dapat ang pinakapinagtutuunan nila ng pansin ay ang EDUKASYON. Sana ay maunlad din ang Pilipinas katulad ng mga karatig bansa nito kung binibigyang pansin ang EDUKASYON. Kung susuriin nating mabuti, mayaman naman talaga ang Pilipinas ngunit ang kayamanan nito ay napupunta lamang sa mga demonyong kawani ng gobyerno na walang ibang ginawa kundi magnakaw sa kaban ng bayan.
Noong una ay hindi pinapansin ng mga tao sina Chris at ang tagapagsalaysay, wala silang kaibigan at halos wala ring pakialam ang mga taga-PST at mga propesor sa kanila dahil kabilang sila sa tinatawag na “Average Students” ngunit nang yumaman si Chris ay itinuring silang “Elite Students” na kung saan lahat ng bagay na gusto ni Chris ay makukuha niya tulad ng condo, sasakyan, sapatos at mga damit. Nagkaroon din siya ng maraming kaibigan at naging paborito siya ng mga propesor. Isa rin sa inaabangan ng lahat ay ang pagpusta niya para makuha ang virginity ng isang mahinhin at konserbatibong babae na si Marissa. May mga babaeng lumapit kay Chris para sila na lang ang bayaran ni Chris. Isa lamang ito sa pagpapatunay na lahat ng bagay sa mundo ay maari mong makuha kapalit ng pera. Binayaran din ni Chris ang Direktor sa Students’ Affairs Office para hindi mangialam sa pustahan. Maihahalintulad ko ito sa ating justice system o sa mga mayayamang gumagawa ng kasalanan pero hindi nakukulong o napapawalang sala dahil sila ay may sapat na pera at kapangyarihan para bayaran ang mga abogado. Kayang kaya nilang bilhin ang hustisya. Kayang kaya nilang baliktarin ang kaso.
Ang kabuuan ng kwento ay halos umikot lamang sa pustahan kay Marissa. Sa huli ay tinanggap ni Marissa ang pera na inalok ni Chris ngunit hindi natin alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ito tinanggap. Maaaring tinaggap niya ito dahil mahirap lamang din sila. Maaring tinanggap niya ito dahil kailangan niya ng pera. Maaring tinanggap niya ito dahil nagkasakit ang kanyang magulang. Maraming dahilan ang maaring umusbong para tanggapin niya ang pera na iyon. Alalahanin natin na ang Pilipinas ay kabilang sa mahihirap na bansa sa buong mundo (3rd world country) at maraming tao ang nagbebenta ng katawan at ipinagpalit ang dangal sa pera para makatulong at matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya.
Bakit iyon ginawa ni Chris? Bakit sa maraming tao? Bakit ang hilig nilang mamahiya ng mga babae? Bakit may mga lalaking pinagpupustahan ang mga babae? Bakit laging babae ang kawawa? Bakit parang laging kasalanan ng babae?. Ilan lamang ang mga tanong na ito na nabuo sa aking isipan ng mabasa ko ang kwentong ito.  Sa aking opinyon, hindi talaga ginusto ni Chris mangyari ito. Nakasaad sa katapusan ng kwento na naadik sa casino si Chris matapos ang pangyayaring iyon. Hindi na rin siya pumapasok at panay ang pag-aaya sa beerhouse. Para sa akin, ilan lamang ito sa nagpapatunay na totoong minahal/mahal niya si Marissa at hindi niya matanggap na pumayag ito sa kanyang alok.
Masasabi kong effective ang maikling kwento na ito dahil sa simula pa lamang ay maiintriga na ang mga mambabasa sa nais niyang iparating na mensahe at talagang aabangan mo ang mga pangyayari sa kwento na para bang isa ka na rin sa mga tsismoso’t tsismosang estudyante sa PST. Ang kwento ay ginamitan ng mga simple, tiyak at bulgar na salita na ramdam na ramdam mo ang pagiging realistic ng akda. Masasabi ko ring kakaiba ito sa aking mga nabasa o napanood dahil kadalasan ang katapusang ganitong kwento ay maghihirap ulit ang bida.
2 notes · View notes
wittykahitcorny · 4 years ago
Text
Confession: Depression
I have this one friend na nagsabi sa akin na he is experiencing depression right now. Naalala ko na I've also experienced it before. 2008. After ko mawalan ng work and suffered heartbreak I've experienced changes in my mental behavior that affects the way I act. In an instant kasi nawala yung bagay na karaniwan kong ginagawa nung nawalan ako ng work. Nabago ang lifestyle ko. To think of it, di naman ganun kabigat yung reason ng depression ko. Siguro nag build up lang sa akin dahil matagal akong nag keep ng bagay sa sarili ko. Na stress ako, I've felt frustrated and useless. Hanggang dumating sa point na nahihirapan na akong kumain at di na ako nakatulog in a month. Pero never ko naman naiisip mag suicide.
The first thing I did is accepting the fact that I am experiencing depression. Then i seek medical help. Ang hirap kasi sa ating mga pinoy once na pumunta ka sa psychiatrist or psychologist ang unang pumapasok sa isip nila ay baliw ka. Pag may nakita nga baliw sa kalsada sinasabi na matalino yan dati. Yung iba naman sasabihin na wala kang depression kasi sakit lang yan ng mayayaman. Walang pinipiling tao ang sakit na to. Kaya marami tuloy sa atin yung natatakot magpatingin. We should take mental illness seriously kasi it is also a health issue. Mahirap din to like having physical illness. You're having a hard time controlling your emotions due to pain, anxieties, despair, worries, fears, grievances, loss and frustrations. It consumes you. Back sa story ko. The first doctor na nagpatingin ako gave me sleeping pills. Effective yung pills. Oo, nakakatulog ako anytime. Wala na akong ibang ginawa kundi matulog maghapon. Hindi na rin ako kumakain. Of course unhealthy yun. Di naman totally nawawala yung problema. Naghanap ulit ako ng ibang doctor. Working siya under rural health unit na may free check up every 1st monday of the month. Sabi niya sa akin na i should let all my worries out. All the emotions na nararamdaman ko. I need an outlet. Most of you didnt really know that im an introvert. I hate crowds and i only have small circle of real friends. The only way na naisip ko is to talk to someone. During that time wala ako masyadong friends. Nanjan naman nanay ko at nasasabihan ko ng problema pero parang may awkward moment pa rin. Di pa uso social media. Wala pang mga games sa smartphones. Kaya wala masyadong libangan nun. Mali rin ako kasi di ko nagawang lumapit kay Lord nung time na yun. And that is when i started praying at night before going to sleep. Ang naisip ko na lang na way ay magsulat. Yun ang way ko to express myself lalo na yung mga bagay na di ko kayang sabihin. Basta raw magsulat lang ako ng kahit ano. Yung kung ano tumatakbo sa isip ko, yung nangyari sa akin ng araw na yun at ano ang gusto mangyari in the future. Nakatulong siya kasi nakabawas siya ng bigat sa nararamdaman ko. Up to now yun pa rin ang way of ko to de-stress. Nagpopost ako dito sa fb pero mas madalas sa tumblr kasi masyadong mga judgmental tao sa fb. After nun i decided to go to college. Mas lumawak mundo ko at mas dumami friends ko. May mga frustrations, fears at worries pa rin pero nakakaya ko na kasi malaking bagay yung may pinagkakaabalahan ka at may mga friends kang nakakasama. Habang sinusulat ko to, im thinking of the psychiatrist who helped me. I wanna see her to say thanks and to let her know im doing okay.
Why i am even saying this? Di naman ako sikat at ordinaryong tao lang ako. Lahat kasi tayo pwede makaranas or nakakaranas ng depression. Hindi naman agad natin to mapapansin lalo na kung babalewalain lang natin. So kung feel mo patong patong na stress mo at may tendency na mauuwi yan sa depression ay need mo na agad agapan. Depression is a serious mental illness na nakaka affect sayo negatively. Kung ikaw ay nalulungkot, nawawalan ng pag asa, hindi interesado sa bagay bagay, walang ganang kumain, hirap matulog at nag ooverthink, pwedeng depression na yan. Iba iba rin nagtitrigger ng depression. Pwedeng nawalan ka ng work, toxic sa workplace, heartbroken, kawalan ng pera, nawalan ng mahal sa buhay. Lalo na nowadays ang dali ma depress dahil sa pandemic. Anxiety. Dami nating worries dahil sa covid.
Pero marami din namang ways para labanan ang depression. Madaming ways para maging busy like watching netflix, kdramas and anime at Mobile games. Iba iba tayo ng hilig at libangan at pwedeng yun ang gawin mo to keep your mind and yourself busy and occupied. Pero minsan di pa rin yun sapat. May mga times pa rin na bigla yang aatake out of nowhere. The best way pa rin is to pray. Whenever you felt something bad or wrong just talk to God. You can also talk to your friends. Psycho therapy or talk therapy. There is always that one friend na makikinig sayo. Yung di ka ijajudge. You are not alone. Don't ever try to escape the problem. If di mo kaya mag isa, tawag ka resbak.
Help yourself. You know yourself well than anybody does. Sayo magsisimula ang healing. Sayo magstart na wag masyado mag overthink. Nanjan ang family and friends mo. Negative mind will not give you a positive life. Uso ngayon law of attraction. Just think of things positively na makukuha mo at kaya mo. Dont think of things that is far beyond your control. If it didnt fall in places where you want it to be just let it be. It happened kasi may purpose yun.
Kung di pa rin sapat lahat ng sinabi ko dito heto ang national mental health hotlines ng DOH.
09663514518
09178998727
09086392672
4 notes · View notes
sabinieli00-blog · 5 years ago
Text
Ms. Edukasyon
Edukasyon ang sinasabing natatanging yaman na maibibigay sa atin ng ating mga magulang na di makukuha nino man, ngunit paano kung ang edukasyon na dapat sa atin ay ibinibigay, ay di naman natin nakuha nang tama?
Kung titignan mabuti ang status quo ng ating sistemang pang edukasyon, makikita na iba man any kurikulum na ginagamit ngayon, ay katulad pa rin ito ng dati: isang pribiliheyo sa iilan. Meron pa ring iilan na di nakakapag aral dahil sa hirap ng buhay. Laking tulong na rin sa iba na nakakatamasa sila ng libreng tuition ngunit isang hadlang pa rin ang pang araw araw na gastusin para sa kanilang pag aaral, nariyan din ang mga school supplies, baon at pamasahe para sa mga estudyante na papasok. Kaya kahit sabihing mayroong free education sa mga state universities ngayon, isang malaking aspeto pa rin ang pang pinansyal na katayuan ng estudyante para makapag aral at manatiling nakakapag aral. Isa rin nabanggit sa documentary na aming napanuod ay ang pagkakaroon ng "special treatment" sa mga estudyanteng graduate sa mga eskwelahang may matatas na katayuan sa lipunan o hindi kaya ay "mas kilala" sa bansa. Isang hadlang ito para sa mga ibang estudyante dahil nagkakaroon ng diskriminasyon sa kanilang mga kapwa estudyante patungkol sa kanilang estado sa buhay, ngunit di naman na ito masyadong nabibigyang pansin ngayon pero isa pa rin itong bagay na dapat pag ukulan ng pansin upang di na muling mangyare. Bilang isang mag aaral sa state university, naroromanticize rin ang pagiging "resilient" namin sa aming estado sa paaralan. Nariyan ang mahabang pila para sa iisang papel na iyong kelangan,mga pasilidad na di na me-maintain nang maayos at higit sa lahat ay mga classroom na kulang kulang ang gamit; isang aspeto rin o problema sa mga state universities ay ang kakulangan ng mga guro at professor para turuan ang mga estudyante. May iilan na nagpapart time na rin sa isang subject na di naman nila gamay para lamang mapunan ang bakanteng pwesto. Nasasabing naroromanticize ang mga estudyante sa state universities o pampublikong paaralan dahil kahit na mayroong mga pagsubok ay "quality" education pa rin ang kanilang nakukuha o di kaya naman ay napapasama sila sa mga top sa boards or top picked ng mga kumpanya para sa trabaho, eh sino nga ba namang kumpanya ang di kukuha ng taong sanay sa hirap ng buhay para utus-utusan sa kanilang trabaho? Nariyan pa gaya sa aking nabanggit ay ang kakulangan sa mga guro at propesor. Paano matututo ang mga estudyante kung bawat classroom ay inaasahang magkaroon ng higit sa labinglimang estudyante at meron lamang iisang guro? Kung ang isang estudyante ay di kayang matutuhan ang maraming asignatura sa kaniyang pag aaral, ay di rin kayang pasinayanan ng isang guro ang labinglima o higit pang bata para matutukan at isa isang matuto ng kanilang aralin.
Kung ako ang tatanungin, ang pagbabago ay isang collective effort. Kung reporma sa edukasyon ang gusto natin, dapat lahat tayo ay sabay sabay aalpas sa misedukasyong nararanasan natin. Hindi dapat natin hayaang abusuhin tayo ng sistema na ibigay lamang ang latak na sistemang pang edukasyon na meron tayo at simula natin baguhin ang ikot ng mundo. Dapat bigyan pansin natin ang hinaing ng mga mag aaral ngayon dahil sila ang magigiging pundasyon ng susunod na henerasyon. Sila ang bubuhat at magdadala patungo sa pagbabagong matagal ng inaasam ng bawat isa sa atin. Edukasyon ang natatanging panlaban natin kontra sa kahirapan at iba pang problemang di lang sa ating bansa nararanasan, kundi sa buong mundo rin. Paano mo pasusugurin ang iyong mga sundalo ng wala manlang armas? Ibibigay mo ba sa isang pintor ang ballpen at ang brush sa manunulat? Kung ang bawat estudyante na meron ang ating bansa ay mabibigyan ng sapat at magandang pasilidad at edukasyon, naniniwala akong magkakaroon tayo ng mas marangya at magandang buhay higit pa sa kung anong meron tayo ngayon. Kaya ikaw, para kanino ka ba pumapasok sa eskwelahan?Para kay crush? Para sa baon? Para makaiwas sa utos ng magulang? Para iyong pangarap? Para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon? O para sa sariling interes? Interes na sirain at baguhin ang sistemang nananamantala sa atin?
1 note · View note
kimdalanon · 5 years ago
Text
Lahat naman tayo adik
Tumblr media
Hindi ko alam kung bakit galit na galit tayo sa mga bagay na hindi natin naiintindihan. Diba, kapag hindi natin naiintindihan doon natin mas kailangan intindihin ang mga bagay bagay para maunawaan? Pero bakit ang nangyayari e hindi na nga natin alam kung ano ba talaga nangyayari, kinukutsa pa.
Oo, aaminin ko. Adik ako. Adik ako sa madaming bagay. Sa alak, sa usok, sa pera, sa kantot, sa pakikipagsalamuha at may mga bagay na onti onti din akong naadik ngayon. Pero wala kayong karapatan husgahan ako, kasi lahat naman tayo adik. Magkakaiba nga lang ng kinaadikan.
Adik ka. Adik siya. Adik tayong lahat. 
Nature na ata kasi ng tao talaga na kapag naiiba sa paniniwala at sa ginagawa nila, kinagagalitan na agad. Ayaw muna nilang intindihin at alamin ang pinagmulan. Wala e, sabi nga nila kapag adik ka, hindi ka na nakakapagisip nang maayos, e lahat naman tayo adik kaya ‘yung mga taong madaming sinasabi, hindi na din nakakapagisip nang maayos. 
Pero hindi droga ang tinutukoy ko dito. Hindi lang naman dun pwede maadik ang tao. Magulang ko nga adik sa kape e at sigurado ako marami din sainyo ang di makapagfunction nang maayos kapag hindi nakakapagkape. May mga kakilala din ako na adik sa chismis, adik sa paglalaro, adik sa pera, adik sa gala at meron ding adik sa pagmamahal.
Para sakin, hindi talaga droga ‘yung pinaka malala na pwedeng kaadikan. Kasi kung tutuusin, may rason naman kung bakit nagiging pariwara ‘yung buhay ng mga naadik sa droga, madalas dahil ayun nalang nagiging escape nila sa buhay na hindi naman nila hiningi, pero kailangan nilang danasin. Oo, wala silang pera at minsan ang pagiging sabog nalang ang magaalis sa isipan nila na mahirap sila at droga nalang din ang nakikita nilang solusyon para magkapera. Wala e, hindi natin maiintindihan ‘yon kasi wala tayo sa kalagayan nila.
Pero alam niyo kung ano ‘yung mas nakakasira ng buhay? ‘Yung maadik sa pagmamahal. Lalo na sa pagmamahal na hindi dapat at sa pagmamahal na akala mo totoo. 
‘Yung comfort, parang drug ‘yon e. It feels great, it makes you experience the world in a whole new perspective. Kapag nakahanap ka ng taong magbibigay ng comfort sayo, ng pagkkwentuhan mo ng mga nangyayari sayo at alam mong nandyan kapag kailangan mo diyan ka magsisimula maadik.
Kung mahina ka, tapos may taong nagbigay sayo ng consistent na atensyon, consistent na sex, consistent na entertainment, diyan na magsisimula bumagsak ang buhay mo kung hahayaan mong kainin ka ng pagibig. 
Kapag nakaranas ka ng gantong kasarap na pakiramdam na hindi mo makukuha sa iba at tuluyan kang nagpadala, dadating ka sa punto ng buhay mo na itatapon mo mga pangarap mo sa buhay, manatili lang sayo kung ano man ang nakukuha mo.
Kapag naadik ka na talaga, onti onti nang liliit mundo mo. Mabubulag ka sa mga bagay na hindi mo dapat itolerate sa taong ‘yon kasi mahal mo. Magsisimula ka nang mangiwan sa mga taong andyan talaga para sayo kasi siya lang ang gusto mo. Dadating ka sa punto na iiwan mo talaga lahat para sakanya na pati sarili mo makakalimutan mo.
Merong iba diyan, nagpadelay sa college para tumagal ang pagsasama nila nung nobya niya. Meron ding sinakripisyo niya ‘yung career opportunities niya para magsama sila ng nobya niya. Meron ding sa sobrang adik niya sa nakukuha niyang atensyon e nung iniwan siya, binawi niya ang sariling buhay.
Kaya ingat ingat lang. Wala naman masama sa pagmamahal, dapat nga matulungan ka pa non para maging mas better. Lahat nang sobra, masama. 
Kung ang pagmamahal ang nagiging dahilan ng pagkasira mo, di ka na nagmamahal non, nag-aadik ka lang. 
1 note · View note
aestheticguyyyy · 6 years ago
Text
Worth it na puntahan kita kahit ilang oras byahe ko papunta at pauwi basta ikaw kasama ko. Basta nabibigay ko ang dapat na naibibigay sayo. Kaso ayun nga. Wag ka magsorry ganyan talaga buhay di lahat ng gusto natin di natin makukuha. If only i can have one wish syempre gusto ko akin ka. Walang iba kundi ikaw. Sana nga di dumating yun pero in reality sinasanay ko rin sarili ko na di tayo magkausap. Ang hirap sa kalooban e ang bigat sobra.
1 note · View note