Do not read my rants sml 🌱 Quietly posting my hobbies and life updates. 🤎
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
While singing ano, all my life YOU have been faithful. All my life YOU have been so, so good. Grabe ano, Sya pa talaga faithful sakin 😣 tapos heto ako not doing my best for Him.
Just a realization hehe, let’s be a good model to others. For them to see how great our God is, to our lives.
Anyway, to everyone:
Thank you for correcting me :) I am very blessed to be corrected. Its my only chance for my growth. Thank you G, for giving me a forgiving heart. Kahit mahirap tanggapin, kahit mahirap i take. You are incredibly supporting my mind to absorb correction from others. I appreciate that!
Have a great Sunday everyone!
0 notes
Text
Lol 2021, I was actually studying marketing 😅
Lesson: just do whatever you’re working today, the future will create something good for you.
Currently Social Media Officer, couldn’t be so proud and grateful! Salamat po :)
0 notes
Photo
1K notes
·
View notes
Text
Pilipinas, hope you are okay. Filipinos, please pray for the safety of our country. 🇵🇭
1 note
·
View note
Text
Waraweek!
Grabe! Ang hirap ng week na to, mentally and physically tiring.
Pero thank you still G! You are myyyy rock!
1 note
·
View note
Text
Habang tumatagal lalong sumasakit.
Thanks to this hooman, di ako mahilig sa chocolates pero I think napaka on point ng pag bigay mo neto. Ang pait nanaman ng mga pagkain. Nag sysync na unti unti yung sakit, hirap at kung ano ano pa.
Hanggang kelan nanaman kaya ito?
Haaaay buhay. Nananahimik ako bigla akong paglalaruan 🥺😅 di ko padin tanggap, at di ko alam kung hanggang kelan ko di tatanggapin. Yayay.
Thank you Lord for all of this, I know maiintindihan ko din to sa future. Your will and not mine. 🙏🏼✨
0 notes
Text
You have to let go of the person that you want, for the person that you deserve.
You gotta let them leave. You are worthy! ☺️
0 notes
Photo
2K notes
·
View notes
Text
Solid, ganun pala yon no? Pag naisip mo, ginawa mo mangyayari nga yon. Ang amazing lang how my world turn upside down. Mahirap nga lang, pero sabi nga nila kung lahat madali, lahat siguro tayo successful! :)
Pain is temporary, you will gain soon. Pawer sayo self!
0 notes
Text
What is my greatest fear?
Recently, I encountered a lot of problems. Lalo na sa trabaho, madaming mga instances na natatakot ako kasi baka mamaya hindi ko kaya yung ipapagawa, okaya hindi ko mameet yung expectation nila. Dun pumapasok yung fear, fear na magkamali sa career kasi baka habam buhay ka na nila di pagkatiwalaan.
Pero alam nyo ba na ang greatest fear ko ay ang pagtanda. Saglet! Let me explain, di ako takot kumulobot ang balat kundi yung mga bagay na di ko na kaya gawin, from 18-28 years old yung kaya ko dati sa kaya ko ngayon andaming nawala. From being isa sa malakas sumayaw to normal lang na dancer. Sometimes yung mindset ko, di ko matanggap. Bakit ang bilis? Bakit nawawala?
When I was teenager, I used to be very techy. As in super duper mega over! Di ko susukuan ang isang device na sira, maaayos ko yon and i am sure of that. Napapansin ko while I am ageing, nawawala na yung ganong klaseng pursigido na mindset. Nagiging “kahit wag na”, “okay na yan” at higit sa lahat “ayaw e, wag na nga.”
I never use these words nung bata ako inaaral ko yan at sisiguraduhin kong maaayos ko. Nakakatakot, nakakatakot na baka bukas mahina na mga buto ko, di na makakasayaw ng hataw tulad nung kabataan, di na makakapag isip ng malawakan kasi sumusuko na agad yung kaisipan, di na matututo ng mga bagay kasi yung mindset mo di na kasing tatag noon. Ang hirap tumanda, ang hirap humina. Pero sabi nga sa bibliya, wag mong problemahin o alalahanin ang mga problema na di Nya nilatag ngayong araw na ito, sapat na ang mga problemang haharapin mo sa araw na to.
Para sakin walang solusyon ang fear na to, isa lang din sya sa mga bagay na di dapat katakutan pero kailangan lagpasan. Paglaon maiintindihan ko din to, pero sa ngayon, gagawin ko syang instrumento para sa mas buo at para sa mas mabuting ako.
Stay young with less sin,
Majjjj 😁
0 notes
Text
Designing
Alam nyo, I never knew na magkakaroon ako ng taste sa pag dedesign. LOL! Sobrang swerte at grateful ko lang talaga na nag trust sa skills ko tong company na to.
Tho, sometimes.. nagkakamali ako :) pero part naman sya ng growth ko. I will always I mean forever be grateful na nag start na tong career ko sa gantong field. This company has been very special to me, and I want to really help na mag succeed tayo sa dulo.
One thing I loved about myself, is grabe po ako mag commit opo, pag sinabi kong pupunta ako, or gagawin ko yan. Totoong gagawin ko yon, ang kakaiba lang sakin.. Yung Time, pag sinabi mo, it doesn’t mean na kailangan gawin — ora mismo! hindi.. Gagawin ko, pero tao padin ako may mga bagay na dapat ako unahin pero ipag papatuloy ko padin yung commitments ko. Hay! I ammmm more than grateful Lord! This is more than sa inask ko sayo nung pandemic. Grabe! Your ways is different talaga.
I couldn’t imagine kung ano ko ngayon kung di dahil sa pag papatupad nyo =) dahil sa paniniwala ko nangyari ang lahat ng to, and this was taught to me in bible. Kaya basa ka ng bible nandon ang power which is the knowledge! Wag magpahuli do your assignment for your soul. God speed everyone!
1 note
·
View note