#busilak
Explore tagged Tumblr posts
monopanstatic · 6 months ago
Text
Labada
Umaga t'wing Sabado, sa tirik ng adlaw
Ang aking araw ay gastos
Pagkusot at pagbabad ng labada
Sa mabulang sabon kunot ang kamay
Sa pgsampay at ginaw ng tubig gripo
Ganito rin 'nong nakilala kita
Lukot ang aking mga daliri
Nang hinawakan kinis ng iyo
Pink ang 'yong tsinelas
Maliwanag sa init ng Pinas
Ang umaga ko 'non ay maganda
Anyos lima pa tayo 'nong dalawa
Ngiti mo pa'y sing bango ng Surf
Puso'y sing puti ng Calla
Kilala kita.
Umaga ko'y maganda
'Pagkat ang tumutulong luha ng sampay
Ang busilak at masamyong sayaw ng hangin
Parang mga mata mong noo'y nakatingin sa'kin
Nang nagsitakbuhang walang humpay
Tayong mga musmos
Dala ng panalangin ang detergent na natutuyo
Sa'yo, naalala kita.
Sa bawat pagkamot ko sa ulo
At naaamoy ko ang sabon
'Di alintana ang pagdulas na matalim
Ng aking nagkakamutang mga kamay, yaon
Pinapaawit mo'ko nang taimtim
T'wing naaalala kita
Kilala kita sa bawat panginip
Na parang araw sa sampayang
Sinasadya ng mga bulaklakin mong
gamit na detergent—
Parehas sa lagi kong gamit ngayon
Hindi ko mabago kung ang bango no'y
Tulad ng iyo
Noong una kitang nakilala
Kilala kita sa pagpikit
Lagi kong nakikita ang 'yong mukha
sa dilim kung san'
Ika'y aking iniwan
Mukha ng Isang litratong nasunog
at 'di makilala
Na parang bula sa aking pag mithi
Sa bawat pag-uwi mula
Eskuwela kung saan na'ron karin
Naaalala ko ang matamis mong ngiti
Kahit nakatalikod ka sa'kin
Kilala kita
Simula nang unang dumilat
ang mapupungay mong mga mata
At lumingon ka sakin
Nakangiti't nanatatiling akin
Sa mga kamay kong sing musmos
Nang una kitang nalukot
Sa paglalaba nang lubos
Naaalala pa kita
Noong kilala pa kita
Lalabhan ko na lamang ang mga ala-alang
Naroon ka ngayong tayo'y di na pwede pang magkita
Kasi hindi na kita kilala
Hindi mo na ako kilala
Parang mga bula sa labadang
Nabanlawan na.
2 notes · View notes
ipatulfosimarcos · 10 months ago
Text
Bago ka magscroll...
Tumblr media
Walang interesado sa boring at paulit-ulit na blog.
Kaya sinulat ko ito dahil wala kang choice kundi samahan ako sa nilakbay kong mundo ng #PS21. FYI, ang PS21 ay isang subject sa aking unibersidad na kung saan tinatalakay ang wika, panitikan, at kultura sa ilalim ng batas militar kay Macoy noong Setyembre 23, 1972.
Pero, bago ang lahat, anong relevance, 'di ba? Sa panahon kasi na kung saan pwersadong pinatatahimik ang sambayanan, lalong nangingibabaw ang pagkamalikhain ng mga tao (o ng mga Pinoy) sa paghayag ng kanilang saloobin. Poot, galit, pighati, lahat ng yan, sumisingaw sa pamamagitan ng sining.
Kontraproduktibo ang pagsupil sa karapatan sa ekspresyon sapagkat natural sa tao ang maglahad ng kanilang perspektiba, anumang midyum o kalagayan. Kaya naman, samahan mo kong hangaan ang ilan sa mga obra at akda dahil walang tatalo sa kabayanihang dala ng busilak na pagmamahal sa bayan at karapatan -- lalong pinaigting ng katalinuhan at katalinghagaang taglay kahit man pumagitna sa madugo at madilim na kasaysayan. Tara! (bago natin ipa-tulfo!)
Tumblr media
3 notes · View notes
marilynbacho04 · 2 years ago
Text
TULA PARA SA AKING DAKILANG INA
Salamat sayu inay
Lagi kang nakaalalay
Mula pagkabata'y
Hawak mo aking mga kamay
Idolo kita
Pagka't ikay dakila
Hindi ka man perpekto
Busilak naman ang puso mo
Sa mga panahong nagagalit ka
Ako'y sobrang nakokonsensya
Gustong-gustong kitang yakapin
Pero alam mong ako'y sobrang mahiyain
Yung mga oras na nagalit ako sayo
Sobra-sobra ang pagsisi ko
Pagkat alam kong ako ang mali
Hindi dapat ikaw ang sinisisi
Pasensya na sa aking mga ginawa
Hindi ako kompleto
Kung mawawala ka sa buhay ko
2 notes · View notes
nice2meetyouu · 2 years ago
Text
Muntik Mawala ang Cellphone: Civil Service Exam Application Experience ng Nanay ko
Last week, pumunta kami sa Maynila para magfile ng application. Gusto ng nanay kong mag-exam. Sinamahan ko siya para isang alis na lang, dadaan na rin ako sa PRC para mag-claim ng pictures.
Pagdating namin bandang 2pm, pumila na ako agad sa mismong filing. Sabi ko, "Pipila na ako ah." Akala ko naman mabilis lang 'yung pagpapatatak ng papeles dun sa officer sa harap. 'Yun pala, wala man lang dalang photocopy ng ID ang nanay ko, eh may 3-in-1 printer naman sa bahay.
Bukod sa ID, kailangan din may photocopy ng vaccine card. So nagpa-xerox sya sa tindahan sa gilid-gilid. Pagbalik nya kay officer, may bago nanamang papel na pinapaxerox. Something declaration or statement. Bukod pa 'to sa application form ah. Wala na raw kasing kopya ang CSC. Luh.
A few minutes lang pagpila ko, nakapasok na ako sa mismong office. So, hindi na ako nakikita ng nanay ko. Tinext ko na lang siya. Kaso, kakapabalik-balik nya sa xeroxan, at dahil ang dala nya e isang body bag, isang clear envelope, pamaypay, at kung anu-ano pa (pinalagay na nga nya sa bag ko 'yung iba), naiwan niya 'yung phone niya somewhere.
Lahat ng text ko, hindi naman nya pala nabasa. Pumasok sya bigla sa office at nagpanic, "Nawawala ang phone ko!" Sabi ko ako na maghahanap at pumila na siya. Hahaha. Nakakainis lang kasi ang next words nya, "Kasi! Hanap ako nang hanap sa 'yo! Andami-dami kong dala!"
Maya-maya lang nahanap ko 'yung phone, nasa tindahan kung saan siya nagpa-xerox. Pero ayaw ibigay ng nagtitinda kasi hindi raw ako 'yung nakaiwan. Ambait niya 'no. Tama naman siya, kaya pinuntahan ko na lang uli 'yung nanay ko para siya ang mag-retrieve. Hindi naman ako kasama noong nagpa-photocopy, so malay ba nila kung scammer ako.
Ako uli ang pumila noong bumalik siya sa pa-xerox-an. Nakuha nya ang phone, salamat sa busilak na puso ng nagtitinda. Bakit ba kasi nakalabas 'yung phone? Muntik pang mawala.
Ang next dilemma naman, e 'yung picture ng nanay ko. Last 2018 pa raw kasi 'yon, though ganu'n pa rin naman mukha niya. Ang problema e 'yung handwritten name. Ang format daw dapat ay FIRSTNAME M.I. SURNAME (e.g. Mar I. Tes, not Tes, Mar I.). LOL. Nagpapicture pa uli siya dun sa ilalim ng LRT Central Terminal station.
Natapos kami, 4:30pm na, ang haba na ng pila sa LRT. Nag-jeep kami, umuwi, at hindi na nakapunta sa PRC.
6 notes · View notes
theliamatienza · 3 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Daragang Magayon 🌋
Noong nasa Legazpi kami, sabi ng tsuper na naghatid sa amin pabalik sa paliparan, nagpapakita lamang si Mayon sa mga taong busilak ang kalooban.
Nasa isip-isip ko, “pawang kabulaanan lang naman ‘to,” dahil alam naman ng mga taong nakapaligid sa akin na ang salitang “busilak” ay hindi talaga puwedeng gamitin sa mga taong gaya ko. Marahil, nakasanayan ko na lamang ang ganoong pananaw sa akin.
Pero isipin mo, kahit anong dagok sa buhay ang kailangan nating suungin, masasabi mong maganda at masaya pa ring talagang mabuhay. Kahit sabihin kong patuloy ang aking paghihikahos sa aking sarili, masasabi kong unti-unti ko nang nakukuha yaong mga bagay na matagal ko nang minimithi, dahil ang tunay na kabusilakan ay wala sa kung anong daan ang ating tatahakin—bagkus ito ay makikita sa ating patutunguhan.
Anong konek? Wala naman. Pero ang ganda ng view, 'no?
0 notes
kwaderno84 · 4 months ago
Text
Tumblr media
sa paghingi ng kapatawaran,
kinakailangang nasa puso ang pinanggagalingan
upang maging busilak ang hangad nito para sa kapwa
at bukas-palad nila nitong ibibigay sa iyo na walang alinlangan
(image:
©AntonMaykutha | VistaCreate)
1 note · View note
anj-writes · 7 months ago
Text
PasaHERO. EstrangHERO.
Imbyerna talaga ako sa siksikang dyip. Ayoko ring magmasid-masid, gusto ko lang makarating agad sa destinasyon na dapat kong puntahan. May nakaagaw ng pansin ko, dalawang ale na kasasakay lang. Itinanong niya ang drayber kung magkano ang pamasahe nila papunta sa kung saan.
Drayber: Bente-siete ho.
Pasahero: Kasasakay lang po namin. Bakit po mahal?
Drayber: Ganun ho talaga.
Bumaba na lamang ang dalawa at nag-antay ng susunod na paparahing dyip. Stop-light pa, nang biglang nagdesisyon ang katabi kong pasahero na tawagin sila at pasakayin muli. Umakyat naman ang mga ito agad, wala rin kasi silang ibang option. Nanghihinayang ang dalawa pero akmang dudukot pa rin ng barya. Tinigil sila nung pasaherong katabi ko at sinabing siya na lang ang magbabayad. Nang biglang sumingit sa usapan ang drayber.
Drayber: Ipapaliwanag ko ho sa inyo bakit ganun kalaki ang pamasahe ha...
At bigla siyang tinigil ng katabi kong pasahero.
Pasahero: Kuya, hayaan mo na. Baka bago lang sila dito kaya nabigla at hindi alam ang presyo ng pamasahe. Ang mahalaga naman ay makauwi sila.
Sobrang saya ng puso ko, napangiti na lamang ako hindi napigil magpasalamat sa katabi kong pasaHERO. Nakakatuwang mayroon pa ring busilak ang puso at handang tumulong sa mga kapos.
0 notes
ecanthoughts · 11 months ago
Text
i made a poem about her, and how it feels right to me if she and i will be together. as hoping that someday my imagination would turn into reality, i will just post it here, will give the poem to her once it happened :D
ikaw = bulaklak
mula sa nakaukit na marka sa iyong bisig
patungo sa tila-tangkay mong leeg,
nawalan ng saysay ang sampaguita
sa halimuyak mong dala
ako’y mistulang bubuyog sa malayo
at ikaw ang napapaligiran ng mga damo
handa kong suyurin anumang hamon
madampian lang ang palad mong mala-dahon
ituring mo akong paruparo
sa kapilya ng iyong balikat patungong hibla ng iyong buhok,
marahang dadapuan nang walang amok
walang palalagpasing hagkan bawat dako
ikaw ang bulaklak
mula sa sikat ng araw na tumutusok sa iyong balat
tingkad ng iyong ngiti ang tangi kong galak
pagtatagpo ng ating mga mata ang labis kong pasasalamat
sa mga panahong ika’y nakakaramdam ng pagkalanta
at ang pagbungang muli ay wala na sa’yong kahulugan
hayaan mo akong magsilbing ulan
handang magbuhos ng pagmamahal at kalinga
sa mga pagkakataong sa sulirani’y ika’y lunod
at ang tanging paglubog ang sa isip mo’y nanatili
hayaan mo akong maging silong na nakahaligi
ang saluhin ang iyong pasanin ay gagawin ko nang malugod
ikaw ang bulaklak
sa hardin ng puso mong dalisay at busilak
ako’y malaya mong pinapasok at sinamahan
ang ganda ng iyong paraiso’y hindi ko na balak pang ilisan
salamat, sa masalimuot nating pagtatagpo
at sa naging malinaw nating pagkakaugnay
damdamin ko sa’yong umusbong at nabuo
nawa’y mapayabong ko nang malumanay, habambuhay
0 notes
alpas-aplaya · 2 years ago
Text
BLOG POST ENTRY NO. 3: TANAGA
Pagmamahal kong busilak
Tumblr media
Puso'y puno ng galak,
At sa saya'y nasadlak.
Pag-ibig na busilak,
Sayo ay iaalay.
Sana'y pagbigyan
Na ikaw ay handugan
Ng aking katapatan
— 'Pagmamahal kong busilak ' written by: Solomon Bragi
0 notes
aurake · 3 years ago
Text
Gintuang Paraluman sa gabing may kislap ng mga bituin.
→ A special eulogy for Draken in his special day
→ language used: filipino
→ happy bday draken, you don't know how much we all miss you. hope you're watching from above.
Tumblr media
Ang mga bituin na nagsisiningningan sa kalangitan, sadyang kay dami, pero nakakaantig sa mga puso't isipan ng mga nakakakita nito. Para kang isang bituin na bukod-tangi sa iba, ang kislap na parang mabusilak na apoy—ang aking mga mata'y hindi kayang tumingin pa sa iba. May mga bagay ako sa gusto maipahiwatig, ang puso'y lumuluha dahil sa simpleng kasiyahan na iyong ibinibigay, ikaw ay may busilak na puso - matapang, madiskarte, sadyang napakabuting tao para sa iyong mga kaibigan.
Hindi sila magsisisi na itinuring ka nilang na tunay na kaibigan.
Ikaw ay isang gintuang paraluman, ang iyong nakakaantig na pagtapak at pakikipaglaban ay isa lamang sa ipinapakita kong karangalan, kahit na ba isabi ko ng milyon na beses kung gaano ka nagniningning, wala ito kung ika'y pagmamasdan—ang Paraluman na kung saan lahat ay hindi na magdadalawang isip na ika'y mahalin. ikaw yon, bukod tangi sa iba.
maligayang kaarawan.
ang simpleng hiling ko lang para sa puso kong umiiyak, sana ay bigyan ng proteksyon at gabay ang minamahal ng iyong puso.
10 notes · View notes
quantumspacetime · 3 years ago
Note
engr., ano pong hanap nyo sa isang jowa?
kumusta, magandang gabi, anon! ang hanap ko sa isang potensyal na jowa ay simple lamang:
gusto at kayang magkompromiso, maasahan, may naayon na political views, may busilak na kalooban, tsaka cute.
༼ つ ◕‿◕ ༽つ
24 notes · View notes
wmab · 3 years ago
Text
SANHI
Napakadali. Para lang nag-itsa ng walang saysay na sukal sa lupa. Para lang nagtapon ng simi sa dagat. Mala-sigâ na pabaya kung magbuga ng alipatong s'ya naman ang may gawa. Palalo at malupit. Hindi papayag na may sabit. Para lang nagdura ng pait at nagtapon ng bitbit na tila sagabal sa pagkamit ng ganid na mga hangad. Sukdulan ang samâ na ang pagkabalakyot ay sa buto'y sagad.
Kagyat ang pagbitaw sa di talaga nais. Ang bilis talagang magsúka ng mga bagay na sa isip ay walang kabuluhan. Ang loob na sakim ay kayang-kaya magtanggi ng mga di pusong isaalang-alang. Singdali ng pagkatuyo ng pinangbalog na tubig sa nagbabagang daan. Kayang pumatay ng alab ng uhâw na pangangailangan ng búhay na inakalang sa pagsilang ay may maaasahan.
Walang saysay ang kahihiyan. Sanhi ng mga munting may nagngangalit na loob at mapaghimagsik na isipan. Pinagmumulan ng murang pagkabigo, dahilan ng paglaban. Maski na ba ang mag-andukha'y mas busilak pa sa pinakabusilak ang kalooban. Gaano kaya ang sahol ng pagkahayop ang nabubuhay sa kaibuturan para pati humihingang dugo't laman ay itapo't ipagpalit para sa sariling kapakanan?
-Wag Mo Akong Bitawan
5 notes · View notes
angaklatngkahel · 3 years ago
Text
Kumukuti-kutitap,
bumubusi-busilak,
bigla ka na lang hindi kinausap...
10 notes · View notes
slothyspace · 3 years ago
Text
💙
Hindi inaakala na magkukrus ang landas,
Dati-rati'y mula sa malayo ika'y tinatanaw,
Sapat nang ika'y masilayan.
Hindi inaasahan na ika'y makakadaupang palad,
Na dati-rati'y ika'y tinatanaw na parang buwan,
Abot tanaw, ngunit distansa'y mala timog at hilaga.
Hindi inaasahan na sayo'y mahuhulog nang lubusan,
Hindi man lang sumagi sa isipan na sayo'y mapapamahal,
Ngunit sa busilak ng iyong kalooban ako'y nabihag na nga.
Hindi inaakala na ang pag-ibig na minsa'y pinangarap,
Ay matutuluyan ngang mararamdaman.
Hindi man agaran, madami mang pinagdaanan,
Ang mahalaga'y ika'y kapiling na.
-SHKNRMSN
Tumblr media
2 notes · View notes
grvntld · 3 years ago
Text
lmao may nagreply nanaman ng dolyares doon sa post ko ahahahahhahahhahsjdjkdkdkdkdkkdkdkskskskkskskskskskskksksksksksksk natatawa ako pag ganoin like i know naman na possible bot pero kahit pa like anue ba tumblr ayusin mo nga patulan ko yan sige ka CHAROT LANG PO BUSILAK PO ANG AKING PUSO LIKE AN 👼 HAHAHAHAHHAHAHAHA
6 notes · View notes
kwaderno84 · 6 months ago
Text
Tumblr media
walang katumbas ang busilak na pagmamahal na mula sa mahal nating ina...
siya ang ugat ng ating pagkahubog sa mundo at naging tungkod bilang gabay sa ating paglaki — inaalalay ang ating diwa na makatawid tayo tungo sa kabutihan at hindi tayo maligaw ng landas.
lahat, ibubuhos ang sarili, hindi alintana ang pagkapagal, maaruga lamang niya tayo nang lubos at hindi pababayaan.
ikaw, gaano mo kamahal ang iyong ina sa buong buhay? / gaano mo pinahahalagahan ang kanyang ambag niya sa iyong aruga? / gaano mo siya ipinagmamalaki sa lahat?
isang pagpupugay sa walang kapantay niyang pagmamahal na wala ring kapalit...
(image:
©Meer)
0 notes