Tumgik
#banyong
moonrocketrabbit · 2 years
Text
If anyone would like to see my Genshin Impact original characters?
Yes! You get to see them!
Here are my original designs and concept sketches I could find, grouped by canon in-game nations!
(Sumeru, Fontaine, Natlan, and Inazuma!)
Tumblr media
And then from JaJangGang, an original region based on Korea that my friend and I had worked on together! A very many beloved babies of mine~
Tumblr media
I hope you enjoy them!
(The acorns are a specialty known as Heart Acorns!)
2 notes · View notes
jpehg · 3 years
Text
Suntok sa Buwan 160222 1442
Maaga akong namangha sa mga pormang nabubuo ng mga ulap sa langit. Nakakawiling tignan 'yung mga lumulutang na alimango sa tanghali. Pati rin 'yung mga kulay puting bilog-bilog na nakikita mo kapag nakatunganga ka. Kaya maliit pa lang ako, mahilig na akong tumingin sa kawalan. Sa pagkakatanda ko, palagi akong napapagalitan kay mama kapag kumakain. Kasi imbes na sumubo, at ngumuya, nawawala 'yung oras ko sa pagtitig sa patterns ng takip ng mesa. 'Yung mga guhis sa kahoy na lamesa, yung mga bakas ng tubig sa malamig na baso, yung amag sa banyong madumi- palagi ko silang tinitignan. At pagkatapos sinusubukan ko silang buuan ng mga hugis- mukha ng isang kaibigan, isang malaking ipis, bungo na may tatlong mata. At pagkatapos kong makagawa ng mga larawan, saka ko sila gagawan ng kwento.
At nagtuluy-tuloy siguro 'to hanggang sa kolehiyolo. Yung mga dilaw na dingding, 'yung amoy ng bagong gupit na damo, usok sa daan. Kapag nagawan ko na ng kwento, sinusubukan ko nang ilagay 'yung sarili ko sa pagitan ng mga pangyayari. Ano kayang hitsura nito kapag mga mata ko na 'yung nakakita? Kapag balat ko na 'yung nakaramdam? O tenga ko na 'yung nakarinig? Matutuwa ba ako? Masasaktan? Maiiyak? Ako ba 'yung bida? Ako ba 'yung may sala? O baka naman nanonood lang.
Akala ko dati, nabagok lang 'yung utak ko nung maliit pa kami kaya palagi akong nakatunganga. Palagi din kasi kaming pinaglalaruan/inaaway noon. Tanda ko, marami akong sugat sa ulo non kasi merong demonyong kumalakadkad sakin sa batuhan. Sa katotohanan, ngayon ko lang napagtanto na may ganto akong ugali- habang tumatae sa banyo't nakatitig sa sahig (hindi sa tae ko 'wag kang tanga, medyo disente pa naman tayo).
Ganto ako umupo sa banyo kapag sa bahay (x). Kapag walang tiles, tinitignan ko kung may lumot, kung may mga batik ba ng sabon, shampoo, o kaya kahit na anong likido o duming meron. Nung nasa grade school kami, ang pinaka-prominenteng imaheng tinitignan ko ay 'yung bungo ni Kamatayan. Gawa kasi sa pinaghalong bato at tiles 'yung banyo namin non. Kaya nung hindi pa uso 'yung mga smartphones, FHM, at K-zone; heto yung pinagkaaabalahan ko.
Kapag may tiles naman (kadalasang parisukat), iniisip ko na nasa tuktok ako nang isang mataas na gusali o tore. Iniisip ko na isang batalyon ng isang malaking sandatahan ang isang laryo (google translate: English to Filipino: tile). Ngayon, dito na magkakatalo kung ano ba talagang nangyayari. Ako ba 'yung hari na nagpapatakbo sa kanila't naghahanda para sa isang malaking gyera? O ako naman ba 'yung diktador na malapit nang katukin ng mga mamamayang pinagkait ng kapayapaan? Minsan, iniisip ko rin na isa akong salamangkero na magca-cast ng Lord of Vermillion sa mga sundalong sumusunod lang sa utos. Unti-unti silang maglalaho, masusunog ang kanilang mga balat, at mabubulag ang sinumang mabubuhay. Maiiintidihan nila ang diperensya sa lakas ng aming mga kapangyarihan. At pagkatapos non, maghuhugas na akong pwet.
Pero 'di ko masasabi na likas yung paglikha't pagsulat sa akin. Ang alam ko lang din, kapag may nababasa akong magandang kwento, gusto ko siyang kinukwento rin sa iba. Kasi sa pagkakatanda ko, kay Tita Armie nagsimula ang lahat. Nagsimula sa takot sa public speaking, na naging payo, at isinapuso nang tumagal na. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay tita. Kaya hindi ko rin talaga makakalimutan 'yung pagkakataong sinundo kami sa Laguna, papunta sa condo nila ni Tito Allan. Yung buko pie na inubos naming magkapatid sa sala. 'Yung pagtitig ko sa mga sasakyan at gusali sa labas habang iniisip ko na 'yung susunod kong isusulat. Nakakasabik. Nakakatuwa. Nakakainggit.
Pero nakakalungkot na nawala lahat 'yon dahil lang sa isang "Mahal kita"-ng hindi naibalik, sa pag-asang hindi rin naman nakamit, sa dalawang magkasintahang magkayakap noong Feb Fair habang tumutugtog 'yung Ben and Ben, at sa "ginagawa ko lang 'to para sa friendship namin". Nawala lahat yon kasi naniwala naman din ako. At nakakalungkot lalo na ngayon ko lang sinubukan ulit hanapin. Medyo kaunting pasalamat sa pagbukas ko sa mga bintana, at sa mga larawan ng buwan, araw, at ulap na kinuha ko, o binigay din sa akin.
Pero pwede rin nating sabihin na hindi ka lang din ganon ka-importante para sulatan. Na hindi sapat na hukayin ko sa lupa't ibalik 'yung mga karanasang gustung-gusto ko talagang ginagawa dati. Pwede, pero hindi. Ang katotohanan lang talaga nyan ay matagal na tayong dead inside. Na isa tayong kaluluwang galit sa lipunan, sa sarili, at hindi tayo hihinto hangga't hindi tayo namumulat sa mga kailangan natin makita; Tayo'y mga kaluluwang uhaw sa aruga dahil hindi man lamang tayo inalayan* ng rosas noong sandaling nilisanan tayo. Ang sakim sa kalinga ay sakim pa rin. At lagi nating tatandaan, hindi natutulog ang mga sakim na kaluluwa. Kaya siguro ganon na lamang eye bags ni Duterte.
Hindi lahat ng sinusulat ko, may katuturan. Parang heto, anong makukuha mo sa isang lalaking nagpapanggap na isang makapangyarihang salamangkero habang tumatae? Kung meron kang nakuha, baka bored ka lang. Or 'di nagta-trabaho ngayon. Or both. Or baka ako lang 'yon.
Walang lovs.
--
* Credits sa isang taong walang cat whiskers kapag ngumigiti dahil siya nagtranslate sa tagalog ng salitang offer.
2 notes · View notes
elnotfound · 2 years
Text
10:45pm
Sa kasalukuyan, hindi ko masabi kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga pangyayari sa buhay ko. Ganito pala no? Ang pakiramdam na mawawalay ka ng unang beses sa pamilyang nakasanayan mo.
Noong nakaarang araw kasi, nilisan ko ang aming bahay at aking pamilya para manirahan malapit sa paaralan na kung saan ako nagtatrabaho, menus gastos, oras, puyat at higit sa lahat makapag-iipon ako, para sa akin at para na rin sa pamilya ko.
Sa parehong araw din, pikit mata kong tinalikuran ang buhay na nakagisnan ko pero hinding-hindi ang pagtalikod sa maraming responsibilidad o obligasyon sa kanila, bitbit ang mabigat na bagahe kasama na rin ang pilit kong pinipigilang mangyari, na hindi ako tumuloy, na hindi ko kayang mawalay sa pamilya ko, na higit sa lahat ang pahinga ko sa nakapapagod na mundo ay sila, dyahe!
4:15 nang umaga, nagising ako upang magsaing at makapaghanda na rin sa pagpasok, guess what? Iyon ang unang beses kong nagsaing sa buong buhay ko, nakatatawa kung iisipin no? Nangapa at nahiya ako na pagsaing lang hindi ko pa magawa nang tama? Tama nga si mama, hindi ko kaya kapag wala siya at paano ako kung wala sila.
Kahapon, naunawaan kong hindi biro ang aking pinasok. Pansamantala man ang pakikisama ko sa mga kasamahan ko ngayon sa loob ng bahay pero magaan sa loob dahil katulad ko rin sila na nagbabakasakali na maibsan ang pagod sa pang-araw-araw, ganon pa man, parating sumesegway sa aking isipan ang mama, papa, kuyas at mga aso namin na napagagaan nito ang pakiramdam ko na maisip na nasa maayos silang kalagayan.
Kanina, pag-uwi ko galing sa nakapapagod na araw, diretso ako sa mga labahan kong damit at nilabhan ko agad mga ito, ayun! Totoo na pala 'to, ito na! Wala na ang mama sa tabi ko para tulungan ako. Wala na akong excuse para hindi gawin ang mga dapat kong gawin. 'Nandiyan naman si mama', 'Kaya naman ni mama'. Sa loob ng banyong 'yon, habang nagkukusot ng damit, biglang may nalaglag na mga barya at nabasang bente pesos sa loob ng aking pantalon, natuwa ako nung una dahil madaragdagan yung tinitipid kong pera pero higit sa lahat naluha ako, nalungkot at naisip kong ganito pala ang nararanansan ni mama? Napatanong ako, kung kaya ko ba talaga?
Ngayon, 11:36PM na. Hindi ako makatulog, dahil maraming tumatakbo sa aking isipan sa mga oras na ito na nais kong mailabas kaya ako naririto ngayon. Kaya ko naman no? Kaya ko ang trabaho ko, pakikisama, gastusin, responsilidad at obligasyon sa pamilya pero ang hindi ko yata kakayaning panindigan ay ang pangungulila sa presensya ng pamilya ko. Ganon pa man, hindi naman ako ipinanganak para sumuko agad, baka si Lalaine 'to! :))
Kasama kayo sa pang-araw-araw kong panalangin! Mahal ko kayo!
Tumblr media Tumblr media
0 notes
layeringgg · 2 years
Text
Iloilo – Lugar na puno ng saya na hindi mo inaasahan
Kasaysayan ng Iloilo
Ang lungsod ng Iloilo ay matatagpuan sa bahaging timog ng Iloilo, isang lalawigan sa bansang Pilipinas. (Tingnan ang mapa sa ibaba.) Ito ay may lawak na 78.34 kilometrong parisukat at may 447,992 katao ang naninirahan doon ayon sa census noong 2015. Si Geronimo “Jerry” P. Treñas ang kasalukuyang alkalde (mayor) at si Jeffrey P. Ganzon naman ang bise-alkalde. Nahahati ang lungsod sa isang-daan at walumpung (180) barangay.
Tumblr media
(Kuha mula sa The Happy Trip)
Paano pumunta sa Ilo-ilo?
Maraming paraan para makarating sa Ilo-ilo mula bataan. Unang-una, mag-book at magtakda ng araw kung kailan ang araw ng inuyong pag-alis. Sa araw ng pag-alis, sumakay sa bus mula bataan hanggang sa paliparan ng maynila o ang NAIA.  Mula Naia, sasakay ka sa eroplano at sa loob ng apat na pu’t limang minuto hanggang isang oras ay bbyahe ka. Mula sa palapagan sa ilo-ilo ay puwede kang sumakay ng taxi papunta sa tutuluyang hotel.
Lugar kung saan puwedeng mamalagi sa Ilo-ilo
Urban Sands Iloilo
Ang Urban Sands Iloilo ay isang perpektong family-friendly na accommodation sa Iloilo na may mga kuwartong inayos nang maganda na may patio at modernong amenities. Malapit ito sa Museo Iloilo at Jaro Cathedral, wala pang 5KM ang layo. Ang mga kuwarto ay pininturahan ng puti at pinalamutian ng mga minimalistic na interior. Bawat isa ay may air conditioning, refrigerator na may mini-bar at meryenda, 32-inch LED TV na may cable connection at USB port, telepono, mga de-kalidad na kama na may kumportableng padding at comforter, at pribadong banyong may mainit at malamig na liguan.
Tumblr media
(Kuha mula sa Urban Sands Iloilo)
Mga Tourist Spot at Mga Bagay na Dapat Gawin sa Iloilo
Molo Church
Ang Molo Church ay isang sikat na Spanish-colonial church at heritage site sa Molo District. Kilala ito sa mga kilalang pulang spire na nagpuputong sa matataas na bell tower nito at bilang "feminist church" dahil sa all-women ensemble ng mga santo na kinakatawan sa 16 na estatwa na nakadapo sa mga haligi ng pasilyo. Itinayo sa neogothic na istilo, ang simbahan ay isa sa mga pinakakilalang landmark ng Iloilo City at nangungunang mga atraksyong panturista.
Paano makapunta ditto?
Matatagpuan ang Molo Church sa tabi ng Molo Plaza, ang sentrong palatandaan sa Molo District. Ito ay medyo sikat, kaya dapat itong madaling makarating sa pamamagitan ng taxi o jeepney commute. Halos lahat ng ruta ng mga jeepney na may "Molo" o "Arevalo" sa pangalan ay dadaan sa plaza o malapit dito kabilang ang Villa Arevalo, Molo Mandurriao, Molo Baluarte, Oton Anhawan, at Oton Derecho.
Tumblr media
(Kuha mula sa The Guide to the Philippines)
Molo Mansion
Tumblr media
(Kuha mula Molo Mansion)
Ang Molo Mansion, na kilala rin bilang Yusay-Consing Mansion, ay isa sa mga pinakatanyag na makasaysayang tahanan sa Pilipinas. Kabilang sa mga pinakakilalang tampok nito ay ang matataas na kisame, Neoclassical balustrades, at mga pandekorasyon na ukit. Nakatayo ito sa tapat ng town plaza at St. Anne Parish Church sa distrito ng Molo. Ang mansyon ay itinayo noong 1920s at unang inokupahan ni Dona Petra Lacson, na ikinasal kay Estanislao Yusay, ang hukom ng Manila ng Court of First Instance noong panahong iyon. Sa huli ay tinanggap nila ang sampung anak na magkasama. Maraming bilihin sa loob na gawa mismo sa Iloilo at may maliit na tindahan pa sa labas ng inumin at kung ano-ano pa.
Iloilo Museum of Contemporary Art (ILOMOCA)
Ang Iloilo Museum of Contemporary Art ay isang museo ng sining sa Lungsod ng Iloilo, Pilipinas. Ito ang unang museo sa Visayas at Mindanao na nakatuon sa moderno at kontemporaryong sining at ang unang museo sa Visayas na eksklusibong nakatuon sa mga visual artist ng Ilonggo. Naglalaman ito ng pinakamalaking koleksyon ng sining sa Visayas. Ang museo ay gayon din ang unang Megaworld na itinayo na museo sa Pilipinas.
Tumblr media
(Kuha mula sa spot.ph)
Islas de Gigante
Ang Gigantes Islands, kilala rin bilang Islas de Gigantes o ang mga isla ng mga higante, ay isang malayong grupo ng mga isla na matatagpuan sa baybayin ng mga bayan ng Carles at Estancia sa hilagang-silangan ng Iloilo, Pilipinas. Ito ay tumatagal ng hindi bababa sa 5 oras upang makarating doon mula sa Iloilo City. Ang mga handang pumunta sa "dagdag na milya" ay maaaring umasa na tangkilikin ang magagandang tanawin ng dagat at isang tahimik na pamumuhay sa isla na iniaalok ng Gigantes. Ang mga isla ay biniyayaan ng malinis na puting buhangin na mga dalampasigan, masaganang sariwang pagkaing-dagat, at tulis-tulis na mga pormasyon ng bato na nababalot ng mga mystical na kwento ng mga lokal. Sa kabila ng pagdami ng mga turistang dumating sa nakalipas na mga taon, napanatili ng Gigantes ang kakaibang kagandahan nito at nananatiling medyo atrasado kumpara sa Boracay, Bohol, at iba pang pangunahing destinasyon ng mga turista sa Pilipinas.
Tumblr media
(Kuha mula sa Illumelation)
Kumain nang La paz Batchoy
Isa sa mga pinakakilalang specialty ng Iloilo at dapat subukan, ang La Paz Batchoy ay hinahain sa mga kainan sa buong Iloilo City. Miki (bilog na pansit), mga laman-loob ng baboy (atay, pali, bato, at puso), sabaw ng manok, beef loin, hipon, at chicharon ang ginagamit sa paggawa nitong pansit na sopas (kaluskos ng baboy). Ang mga batchoyan (batchoy) stalls sa La Paz Market, kung saan ito unang lumitaw, ay ang pinakamagandang lugar upang kainin ito. Ang Ted's, Deco's, Netong's, at Inggo's ay ang pinakakilalang lugar kung saan makakainan ng batchoy. Hindi alam kung sino ang "orihinal" na gumawa ng ulam, ngunit maaari kang magpasya para sa iyong sarili kung alin sa kanila ang naghahatid ng pinakamahusay na pagkain. Ang karamihan ng mga Ilonggo ay unang ubusin ang kaldo (sabaw) kapag ito ay inalok ng isang mangkok ng batchoy. Karaniwang humiling ng karagdagang kaldo bago ka maubusan.
Tumblr media
(kuha mula sa lutong pinoy recipe)
Mga Pampasalubong na Pagkain:
Barquillos - The barquillos from Iloilo are modeled after the Spanish barquillos and are created with butter, sugar, milk, flour, egg, vanilla, and milk. This popular snack among Filipinos originated from Jose and Bessie De Ocampo's simple cuisine experiment of blending leftover "ostya" (milk and sugar) with leftover sugar. The aforementioned recipe is now a traditional pasalubong item and well-liked Filipino snack all around the nation.
Spanish-speaking people refer to a flat wafer iron plate that is used to cook barquillos as a barquillera, hence the name "barquillos." When utilizing a barquillera to create the ideal, crispy cylindrical wafer, every barquillos is manufactured with care and precision.
A further suggestion for you to enjoy your barquillos is to combine it with your preferred ice cream or other desserts.
Tumblr media
Butterscotch – Napatunayan na ito ang pinakamahusay na pasalubong. Hindi siya home-grown ite ngunit sino nga ba ang may paki kapag ganito kasarap ang pasalubong na iuuwi mo!
Tumblr media
Biscocho – Ang orihinal na Biscocho Haus ay nagsimula noong 1975 bilang isang cottage industry ng mga espesyal na produkto ng pagkain sa Jaro, Iloilo na tahanan ng pamilyang Guadarrama-Jalandoni.
Tumblr media
(Kuha mula sa Biscocho Haus FB Page)
Realisation:
Ang aking realisation ay, napakasayang lumakbay lalo na’t kasama ang pamilya. Napakadaming memoryang puwedeng magawa at mangyari sa lahat ng paglalakbay na ginagawa. Minsan lang sa buhay natin ang maglakbay at kailangan nating namnamin ang bawat oras na tayo ay naglalakbay. Naalala ko rin na sinabe sa akin noon ni Lola, hanggat kaya mong lumakbay, gawin mo. Dahil minsan lang natin ito mararanasan lalo na’t habang bata, habang ikaw ay malakas pa at kaya pang tumagal sa mga byahe. Napagtanto ko rin na napakataming magagandang tanawin at likas na bagay sa ating kapaligiran na maaaring hindi pa natin nakikita. At dapat natin itong sulitin.
1 note · View note
pebblesurrea · 7 years
Text
Pagod na ako pero..
Hindi ko alam kung tama paba o mali na, basta ang alam ko mahal na mahal kita.
Ilang buwan naba ako nagtitiis sa mga kamanhidad mo? Tatlo? Apat? pero hindi na siguro importante yun, basta nandyan kapa sa tabi ko at naririnig ang mga salitang "mahal kita", okay pa siguro ito.
Nakakasawa na yung mga paraan mong pagkatapos ng ating mga away at di pagkakaintindihan. Pagkatapos kong umiyak sa apat na sulok ng banyong kay lamig ng ilang oras at araw. Isang lambing mo lang bibigay na ako.
Kahit ayoko pa, mapipilit moko. Sa isang iglap heto nanamn idadaan moko sa libog.
Bati nanaman tayo.
Punong puno na ako ng galit di lang sayo pero sa aking sarili pagkat di ko naiintindihan pagdating saiyo ang kitidkitid ko lagi, impluwensya narin siguro nagpagsasabi mo lagi na ang tanga tanga at bobo ko pagdating sa mga pagkakamali, pero nagugunaw mundo ko paggiliw ko na gagalit dahil pinamumukaha mo na ako lang ang nagkakamali.
Hinding hindi ko na gusto humarap sa salamin, sa ilang pagkaaktaon di ko na kilala ang nakaharap saakin. Tinuturing sa sarili parang isang dayong kailanman walang pagkakakilanlan. Tulungan mo namn ako bumalik sa dati, ngunit kung ganoon baka ikaw naman ay tuluyang mawala sa aking piling.
Matagal na akong talo sa laro na ito, ilan sa mga pinahahalagahan ko sa sarili ko ay kinuha mo. Kaya tuwing ikaw ay nagsasabing kay' sawa na sa mga kasalanan ko, sabay sambit na kailan man wala akong pakeelam sa nararamdaman mo. Hiling ko lang rin sana ay isipin mo, ang mga pisikal na sugat at personal na paghihirap na mga naranasan ko para sa pag-iibigan na ito.
Ilang beses ko na inuna ang aking pagibig ko saiyo kaysa sa sarili kong gusto, kung maari ko lang ikwento ang ilang mga pangyayari, ngunit ayoko naman ipamukha sayo na ganoon katindi na ang mga naging sakripisyo ko para saiyo.
Di ko magawang sabihin saiyo lahat ng nararapat at gustong sabihin. Pagkat tuwing nagagawa ko ang nararapat hindi mo iniintindi. Sa paguna mo saiyong sarili hinahayaam ko nalng pagkat madalas naman talaga ito nangyayari, kaya ipinagdadasal ko nalang lagi sa poong maykapal na sana ang aking irog ay makaramdam na ng tuluyan at bumalik na sa dati.
"Nakakawala ng gana" ikaw lang ata ang madalas nakakaranas niyan pagkat sa tuwing masasabit mo iyan idikasyon na wala naman talaga akong kwenta, sana naman ang mga salita mo ay dinadahan dahan para kahit papaano nararamdaman ko ay di kasakitan.
Hindi ko alam kung tama paba o mali na, basta ang alam ko higit pa saaking sarili ang pagpapahalaga ko saiyo magpakailanman aking sinta.
34 notes · View notes
soclaimon · 4 years
Text
Top exec suggests use of previous charter provisions to heed protesters' demand for monarchy reform #SootinClaimon.Com
Top exec suggests use of previous charter provisions to heed protesters’ demand for monarchy reform #SootinClaimon.Com
#SootinClaimon.Com : ขอบคุณแหล่งข้อมูล : หนังสือพิมพ์ The Nation.
https://www.nationthailand.com/news/30396705?utm_source=category&utm_medium=internal_referral Top exec suggests use of previous charter provisions to heed protesters’ demand for monarchy reform 
PoliticsOct 24. 2020
Tumblr media
Banyong Pongpanich 
By THE NATION
Businessman Banyong Pongpanich has proposed using provisions in a…
View On WordPress
0 notes
milkposh-blog · 5 years
Text
Bro - 1
written around February 2017, 4 chapters (raw and unfinished)
-
Chapter One
The thick moist of heat inside the classroom increases. Pakiramdam niya ay puputok na ang kanyang pantog sa kahihintay na tumunog ang bell at maaari na silang lumabas. But today is his first day of him being in this university and he doesn’t want to annoy the professor with her discussion.
 But damn, wasn’t he supposed to be peeing now holding his ding-dong in the urinary toilet?
 “I don’t want to interrupt, but please let me use the toilet.” Nabulalas niya nang tuluyan, his one hand on the air while his other hand gripping unto his abdomen.
 “Anong pangalan mo, hijo?”
 “Isaac po.” He answered. “Isaac Newton.”
 Narinig niya ang isang kaklase na napamura habang tumatawa sa likuran niya, and laughing is rightly contagious that it contained the room just seconds after every one has heard him.
 “Is this the time you need to joke, Mr. Isaac Newton?”
 “Hindi iyon ang pangalan ko, ma’am. It’s not my name. Teka ano bang sinabi ko? Aish! Ma’am naiihi na talaga ako and I swear to the heavens and seas puputok na ang alaga ko dahil gusto na niyang sumuka. Do you want me spilling my liquids here, ma’am?”
 “Get out of this room, Isaac whatever your name is! Isa kang kahihiyan sa klase ko, wala kang modo! At huwag mong iisipin na kakalimutan ko ang itsura mo because you are just now scheduled for detention.”
 “Ma’am ihing-ihi na ako at sasabihin niyo ikukulong niyo ako mamaya?”
 “Whatever! As your teacher in charge right now, tatandaan ko ang pangalan mo. It’s three in the afternoon, sa library tayo magkikita.”
 Inaaway na siya ng kaluluwa niya. If this woman infront won’t stop mouthing her words ay talagang dito siya sa loob ng silid na ito makaka-jingle lalo pa ngayon na tila tumatayo na ang balahibo niya. Maayos pa naman ang kanyang paghinga, he can tell. “Pwede po bang palabasin niyo nalang ako, punyemas puputok na ako dito sa loob, ma’am!”
 “Get out of the class!” Bulyaw ng professor bago niya narinig ang tawanan ng mga kaklase niya. Wala ba siyang alam na pwede kong ikamatay ‘yon? He told to himself. Naku, pwede akong mabaog dahil lang nagka-kidney infection ako kung nagkataon. Baka mas marami pang bato kaysa semilya ang nasa loob ng katawan ko ngayon, tangina! He continued his pace habang litong lito na siya kung saan hahanapin ang trono ng alaga niya.
 “Damn, I’m going to burst!”
 “Anong hinahanap mo, bro?” Hala sino ‘yung narinig ko? Teka, nagsasalita ang ding-dong ko? His subconcious mind wouldn’t stop bugging him.
 “Nag-ha-hallucinate ba ako? Tama bang narinig ko ang alaga kong nagsalita ngayon lang?” Curiously he was touching the bulge inside his pants while checking, kinapa pa niya ito kahit saan returning to his groin.
 “Gago!” Tumawa ito. Did his dick just curse on him? Sa wakas ay nabalik siya sa huwisyo niya nang bahagya siya nitong tampalin sa kanyang braso. “Nandito ako, bro at sa tingin ko mukhang kailangan mo nang tumae!”
 Natulala siya ilang segundo. “Anong tatae, gago ka!”
 “Hala ako pa ang namura ngayon.” Sagot nito.
 “Wait I am sorry, bro pero wala kang ideya anong pinagdadaanan ko ngayon. I am right in the middle of a crisis na pinipili ko kung puputulin ko na ba ‘to o hahayaan nalang.” Gulong gulo na ang mukha ni Isaac, and the guy infront of him still laughing.
 “Tangina, ipapatanggal mo ang alaga mo?” Did he just joke about my dick?
 “Oo, kapag hindi ko pa nahanap ang banyo ngayon ay papapalitan ko na itong alaga ko. Punyemas, palagi nalang akong pinapahamak nito! Tangina puputok na ako, bro!”
 “Halika nga, tulungan na kita! You seemed to look like damn hopeless.”
 “Thanks for the insult.”
 “I am saying the real thing, mukha ka kasing matatae ngayon lang at wala kang mahanap na disenteng lugar.” Tumawa pa ito sakanya habang inalalayan siya nito paalis sa hallway at papuntang men’s room. Sa wakas, Isaac can see the white light opening its gate for him! Nakita na niya ang langit, ang trono ng kanyang alaga!
 Isaac whistled when he was done. Tanginang pangyayari ito sa buhay ko! He commented at the back of his head zipping his pants once again.
 Nakasandal lang ang tumawag sakanya ng kaibigan kanina. Clueless why he’s still there, siguro naiihi din siya.
 “Lumang estduyante ka ba dito, bro?” Una niyang natanong, isinakbit niya nang maayos ang kanyang bag. “Ano nga palang pangalan mo?”
 “You are rude, won’t you even try to say thank you to me? I helped you run here!”
 “Kaya nga tinatanong ko kung anong pangalan mo, bro para kapag sinabi kong salamat ay may idudugtong ako doon sa salitang ‘salamat’.” Ani Isaac, tumalikod siya’t hinarap ang lababo sabay hinugasan ang kanyang kamay.
 “Mabuti naman naghuhugas ka ng kamay. Baka maisipan mo kasing makipag-shakehands sa akin.”
 “Siyempre, maghuhugas muna ako ng kamay. Baka kasi maikuwento mo ito sakanila atleast kapag nalaman nilang halos sumabog ako sa unang araw ko rito sa uni ay masasabi mo at masasabi rin nila may proper manners ako. Mas mabuti nang maganda ‘yung first impression nila sa akin.” Isaac said to him.
 “Bro, hindi ako ganoon na klase ng tao, asking you bakit naman ikukuwento ko itong araw na ito sa ibang tao? May something romantic ba? E sana kung babae ka edi pagkakaguluhan ka namin ng mga barkada ko. And I have the proper manners as well tulad ng sinasabi mo. And I don’t talk about other people behind their backs, hindi ako tinuruan ng tatay ko ng gano’n.” The guy explained still leaning against the tiled walls. Puting puti ang tiles sa banyong iyon.
“Mabuti naman, magkapareho pala tayo. ‘Yon din ang turo ng tatay ko sa akin.”
 “Baka kambal tayo.” Anong sinasabi nito?
 “Gago, kung magiging kambal man tayo baka mag-agawan tayo sa babae, bro.”
 “Ulol, hindi mo ba alam ‘yung tawag nilang threesome?” Umalis sa pagkakasandal ang lalaki at lumapit sakanya ng bahagya. “Pwede naman iyon hindi ba? Kasi kambal tayo tapos isang babae lang paliligayahin natin.” Naka-drugs yata ang gago kung anu-ano ang pinagsasabi.
 “Ilang gabi ka na bang ‘di nakakatulog? ‘Di ka ba nabigyan ng dealer mo ng shabu? O baka tigang kalang, bro.” Isaac interrogated him.
 “Bro,” The guy referred to him.
 “Bro.” Isaac replied.
 “Never drained yata ako para malaman, bro. Babae lang ba pinag-uusapan natin dahil pwede kitang bigyan. Sabihin mo ilan ang gusto mo?”
 Isaac punched him on his chest mahina nga lang ang suntok na iyon, tipong suntok pangkaibigan lang ba. “Bro, kung babae lang din, I am proud to say this na hindi ako nauubusan.”
 “Bro, ‘yung mga babae ko never pang unsatisfied. May marami pang nakalinya at alam mo ba, hindi napuputol ang linyahan nila. It’s growing like a worm, kapag binabawasan mo may dumadagdag sa dulo. Gano’n ‘yung akin.”
 Isaac chuckled. Antaas naman ng tingin nito sa sarili niya. “Kung ang mga babae mo nakahanay saakin naman, nakalista. May premium membership card sila, bro. At habang nababawasan sila mas lalong dumadami ang nagpaparegister at ‘yung iba alam mo kung anong ginagawa nila, bro?”
 “Ano ‘yon, bro?”
 “Nagpaparegister sila ulit.” Isaac raised his chin up like he’s keeping a crown on the top of his head.
 “Ibang klase ang mga babae natin, bro.”
 “Mas ibang klase ka sa mga babae mo, bro. Teka ano nga kasi ang pangalan mo? Don’t make me forget about asking it at baka magkahiwalay pa tayo ngayon at hindi kita mapasalamatan. Utang na loob ko sa’yo ang kalusugan ko ngayong araw pati na rin ang magiging kalusugan ng mga semilya ko.” Said, Isaac.
 “It’s an honor, bro! Alam mo naman kapag gwapo, sadyang matulungin din lalo na sa mga kalahi niyang gwapo.” Tugon nito. “Just Derek, bro.”
 “Derek Ramsay ba buo mong pangalan, bro?” Tumawa ka, ngayon lang ako magpapatawa.
 “Nope, mas gwapo ako sakanya. And my name is a lot better than him, bro.” Derek stated.
 “Ano palang buo mong pangalan, bro?”
“Derek Faustin Haylis ang full name ko, bro. My mom’s a Filipina tapos American naman si dad. Nasa states sila ngayon at habang wala pa sila ay ako muna ang naiiwan sa bahay namin, taking all the responsibility to myself and for myself.” Tiningnan siya ni Isaac at kaonti ay namangha ito sakanya. “Oh ‘wag kang masyadong ma-amaze sa buhay ko kasi sanay na sanay na ako. Ikaw naman, bro return the favor kasi sinabi ko na sa’yo ang pangalan ko, your turn to tell me yours.”
 “Isaac Newton, bro.” Hindi naman siguro siya matatawa ‘di ba?
 Pero sa puntong iyon unang humagalpak ng tawa si Derek sakanya, like literally he was holding his stomach the time he was laughing hard at him. “Seryoso ka, bro sa sinasabi mo? Is this you doing a good time?”
 “Siyempre, ‘di totoo ang sinasabi ko.”
 “Ay, ang unfair mo naman, bro. I thought you were different from them, pero manloloko naman talaga kayong lahat. Inaabuso niyo ang kabaitan ko­—.” Derek paused at umakto itong nasasaktan. If he ever is acting this up talaga ay natatawa na si Isaac sa drama niya. “Seryosohin mo naman ako, bro. Isaac ba pangalan mo or atleast that’s what I know baka kasi iniba mo lang ang last name mo malay mo gusto mong itago iyon saakin.”
 “Seryoso ako sa’yo, bro.”
 “So is it really your full name? Pinagkaisahan ka bang pagkatuwaan ng parents mo?”
 “Ambilis mo naman maniwala, bro. nakakapanghina ng tuhod ang ekspresiyon sa mukha mo.” Ani Isaac at pareho silang humagalpak sa sarili lang din nilang mga tawanan. “Connie Isaac Layhess.”
 “Iyon ang real name mo? You seemed having fun of trolling me, bro.”
 “Hindi nga, iyon talaga ang pangalan ko. Here, ipapakita ko sa’yo ang ID ko.” Isaac put his bag down the floor, konting distansya lang ang meron silang dalawa ngunit wala silang ideya tungkol doon. Siyempre nature nilang mga lalaki iyon, walang malisya. “Here, come on look at it.”
 Tinanggap ni Derek ang makapal niyang ID. “Oo nga, is your dad American too?”
 “Nope.” Isaac shoke his head, his lips formed into a thin-line. “German-American siya.”
 “Oh I see kaya pala ganito ang apelyido mo. So we’re both semi-foreigners inside this university. Our surnames are artistically made, bro.” Derek sarcastically concluded.
 “Parang ganoon na nga.” Isaac nodded agreeing to him. “Mas matigas nga lang ‘yong sayo.”
 “What the fuck?!” Someone’s voice entered all of a sudden. Damn, baka kung anong isipin no’n. Naisip ni Isaac matapos masaksihan ng apat nilang mata ang madalian na paglabas ng isang estudyante. Then both of their eyes met. Tumayo si Isaac na hindi mapigilan ang ngisi sa kanyang mga labi ganoon din tulad niya si Derek.
 “Iniisip niya yata—,”
 “Don’t you dare uttering that word!” Isaac pointed his index to him.
 “Bro, that guy seriously thought you’re conducting a blowjob!” Derek cracked up, with both of his hands on his mouth attempting to supress his hee-haws. “A blowjob, damn!” Derek chortled.
 “Tumahimik ka nga, gago ka.” Isaac reacted. Tinulak niya si Derek palayo at patuloy pa rin itong natatawa sa nangyari. “Sino ba ‘yon? Kilala mo ba, o may ideya ka kung anong course no’n baka ipagkalat no’n ang ginagawa natin.”
 “Bro? Seriously?” Derek tapped him on his shoulders. “Huwag mo nang isipin ‘yon, kung meron man o kung sakaling ipagkalat man niya, sasabihin ko sakanila na magaling ka. Don’t worry ako na ang bahala.”
 “What the serious fuck!” Halos masira ang ekspresiyon ng mukha ni Isaac sa sinasabi niya. Close ba kami ng tarantadong ‘to?
 “See?” Hinawakan siya nito sa magkabilang braso. “Bro, mabilis ka kasing magreact. Ikaw nga itong nagsabi na paano kung ipagkalat niya ang ginagawa natin, when in fact we are not doing anything, bro. We are not!”
 “You are right. Uupakan pa rin kita kapag nagkataon.”
 “Come on, bro, you always want to hurt me, don’t you?” Derek queried.
 “Unang beses ko pa sinabing uupakan kita.”
 “Parang ganoon na kasi ‘yon. Don’t try hurting me, alright?” Derek cleared it to him. “I won’t hurt you anyway so bakit tayo mag-uupakan, bro?”
 “Let’s go out, kulang nalang yakapin mo ako.” Umirap si Isaac sa kanya.
 “Wait, inirapan mo ba ako?”
 “Hindi, masama lang ang tingin ko sa’yo.”
 “Bakit na naman?” Hinigit ulit siya ni Derek, fronting him back at him. “Iniisip mo talagang ipagkakalat ko rin no?”
 “Bakit may nangyari ba?” Isaac said, firmly uninterested.
 “Kaya gusto rin kitang sapukin, e nakakalito ka.” Umakbay si Derek sakanya. The men’s room is covered with laughters until they both got out. “Siguro nature ‘yon sa’yo. Nabasa ko kasi, mahirap daw minsan intindihin ang Germans. Their intonations might sometimes fool you around mas malala kapag nagpapatawa kasi sila lang ang natatawa. Minsan lang naman.”
 “Ganoon ba ako kanina habang kausap mo ako, bro?”
 “Oo, pero konti lang naman. I can say that you would manage to be different from the stereotypes, mukhang magaling ka naman magpatawa, e.”
 “Hindi pa ako nagpapatawa sa’yo.” Isaac told him.
 “But your expressions are!” Derek responded raising both of his arms in the air. “I am not saying that you look like a clown, seriously that would be rude. Bro, nakakatuwa kang kasama that’s what I am trying to say. Kaya kung may kumalat man na issue sabay natin uupakan ‘yung gunggong na ‘yon, naiintindihan mo ba ako, bro? Hah, Isaac naiintndihan mo ba ako?” Derek called his name pulling a fist bump in the air.
 Nagtagpo ang mga suntok nila. “Yeah, tama ka.”
 “I know right, I am always right.” Derek said. “Wait, do you still remember the way back to your class?”
 “I have my handbook, bro and I am not shy to ask someone kung sakaling maligaw man ako sa lugar na ‘to.”
 “That’s a good thing, kasi kailangan ko nang umalis. It’s already 2:30pm, bawal akong malate sa detention room. Remember this, mga praning ang professors dito kaya iwasan mong makipag-tagisan ng tingin sa kanila or else pababalik balik ka sa lugar na iyon.”
 “I am actually going there.”
 “Like right now?” Derek inquired, mukhang excited pa ito. Ibang klase mukhang trip na trip niya yata akong makasama sa detention room.
 “Nope, alas tres pa ako pupunta do’n.”
 “But it’s only thirty minutes before that, may pupuntahan ka pa ba? You need not to be late, baka mas matagal kang palalayain ng professor. Bawal pa naman malate, bro. Baka gusto mo sabay nalang tayo, ‘wag mo nalang puntahan ‘yang kailangan mo pang puntahan. Para na rin may kasama ako.” Derek offered.
 “Bro, wala ka bang ibang kaibigan?”
 “Ikaw na ang bago kong kaibigan, bro.” Derek said, with a growing smile on his face.
 “Seriously, bro?” Isaac confusingly asked. May sira ba sa utak ‘tong taong ‘to?
 “Yes, bro.” Ani Derek, saying it with the rising tone in his voice like he was proud making friends of Isaac. “At ako lang dapat ang kaibigan mo.”
0 notes
yahooza · 6 years
Link
Thailand has overtaken Russia and India as the most unequal country in the latest survey by a Swiss bank. Banyong Pongpanich, chairman of Phatra Securities, posted on Facebook on Wednesday the findings of the Credit Suisse Global Wealth Databook 2018 conducted on 40 countries. via Pocket
0 notes
Text
NALIMUTANG LAGYAN NG TITULO
Sa ating bansa mahirap mabuhay kung wala kang trabaho. Kaya ka mag-aapply sa kahit saan kumita lamang ng sapat para mapunan ang pangangailangan mo at ng pamilya mo dahil sa hirap ng buhay.
Para makaapply ka kailangan mo ng bio- data o kung saan mo ilalagay ang mga dapat malamang impormasyon tungkol sa'yo.
Maituturing mo itong butas sa iyong kaluluwa na pwedeng silipin ng/mga tao na binabayaran ng kumpanyang nais mong pasukan. Kung makita nilang pogi o maganda ka sa loob at labas. Pasok ka.
Pero bukod sa pisikal na kapogian o kagandahan. Mas nakakadagdag ng "pogi points" kung ika'y nakapagtapos sa kolehiyo. Mas malaking "pogi points" pa kung ika'y nakapagtapos sa pribadong pamantasan. Bagay na karamihan sa mga manggagawang Pilipino ang hindi nakamit dahil sa hirap ng buhay.
Bakit nga ba ganito? Bakit nga ba pina-prayoridad ng mga kumpanya't korporasyon ang mga taong nag-aral at nakapagtapos sa mga pribadong unibersidad?
Sa ating bansa, ang mga salitang "mataas ang pinag-aralan" ay laging dinudugtungan ng "sa FEU, UST, ADMU, LaSalle, UP (oo kasama na ang UP) o kung ano pa mang paaralang pang-burgis". Marahil ay mas aangat sila sa mga nagtapos sa mga pampublikong unibersidad. Gaya ng PUP, EARIST, RTU at marami pang iba. Dahil na rin sa iba't ibang kadahilanan.
Una na rito ang kalidad ng pagtuturo at mahal ng matrikula.
Hindi biro ang laki ng matrikula sa mga unibersidad ng mayayaman. Ngunit ang katumbas naman (raw) nito ay ang de-kalidad na pagtuturo. Na hindi naman itinatanggi ng ilang nga propesor sa mga paaralang pang-maralita.
Madalas nilang binabanggit at pinagkukumpara ang mga paaralang pang-burgis at pang-maralita.
Pangalawa ay ang mga pasilidad. Mas kaaya-aya nga namang tumae at umihi sa banyong mas malinis pa kesa sa sarili niyong bahay kesa sa banyong nanlilimahid, barado at naghahalo ang anggo ng ihi at baho ng tae na nabubulok dahil barado at walang tubig pambuhos. Dito mo makikita na salamin ng isang unibersidad ang kanilang banyo.
Kung sapat ang budget nila para panatilihing maayos ang kanilang palikuran at may mga mag-aaral silang may disiplina o "class" sa pag-gamit ng palikuran malamang ito'y pangmayamang unibersidad. Taliwas sa pampublikong unibersidad na mas malaki yata ang tiyansang mamatay ka sa sakit sa bato dahil sa pagpipigil ng ihi kesa sa katandaan o sakit sa puso at kanser.
Pero bakit nga ba tayo umabot sa puntong ganito?
Salamat kay Bienvenido Lumbera sa kanyang sanaysay na "Edukasyon para sa Iilan: Kung bakit asal-mayaman si Pedrong Maralita"
Sa naturang sanaysay, makikita natin ang pinagkaiba ng mga unibersidad na pang-mayaman at pang-mahirap, ang puno't dulo nito at kung bakit nananatiling bulok ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Ani niya "Ang sistemang kapitalismo ang isang pabrika upang hindi malugi ay dapat gumawa ng produktong tumutugon sa pangangailangan ng mamimili. Ang pabrika, sa paghahambing na ito, ay ang paaralan, at ang mga mamimili ay ang mga taong nagpapadala ng mga anak nila sa paaralang yaon."
Ang edukasyon sa ating bansa ay isang malaking negosyo na pinapatakbo ng mga mayayaman, dayuhan man o Pilipino, mga relihiyosong hipokrito, mga pari at madre, mga pulitiko at kung sinu-sino pang mga mayayamang nais pang yumaman.
Kumikita sila sa tulong na rin ng mga kapwa nilang mayayaman na nagbabayad, nagpapabaon gumagastos sa mga pangangailangan ng sa eskwelahan at mga luho sa katawan ng kanilang mga anak para sa pangakong "de-kalidad na edukasyon" na ang totoo'y pagpapalawig pa rin ng impluwensiyang Amerikano. Kumikita rin sila mula sa mga OFW na nagsisikap upang maigapang sa pag-aaral ang kanilang mga anak na kadalasa'y hindi naman pinapahalagahan ang hirap ng kanilang mga magulang.
Anu't-ano pa man. Ang edukasyon sa ating bansa ay mananatiling bulok kung ang mga namamahala'y napapalitan lang ng mga kapwa nilang bulok. Na hindi pinagtutuunan ng pansin ang estado ng pampublikong paaralan sa ating bayan.
Ang pagkamulat sa katotohanan ay dapat sinisimulan mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo. Basura ang edukasyong maka-dayuhan sa ating bayan na noon hanggang ngayon ay umiiral.
Panahon na para ipamukha sa mga pangkaraniwang Pilipino na hindi porket sila'y nagtapos sa pampublikong paaralan ay mas mababa sila sa mga nanggaling sa mga paaralang pang-mayaman.
Para hindi na dumami pa Pedro Maralita na "feeling mayaman" sa ating bansa.
0 notes
roche-anne · 6 years
Text
Eme
Ang lahat ay tinapos
mga luha ay umagos.
Ang mga mata'y lumawlaw
bahagyang humihinga --- pili ang galaw.
Binitawang mga pangako,
Lahat ay napako.
Pati salitang mababango,
Hindi na nadalá, wala nang pagbabago.
Habang itong puso'y naghihikahos
Kasama ang sarili't katawang kapos.
Kapos, kapos sa'yong presensiya
Ang mga salitang dumurog ng lahat; paalam, pasensya.
Sa bisig mo ay bilanggo
Maging ngayong wala ka na,
Ako parin ay narito, nakatungo
Nag-hihintay, umaasa pa.
Nawa pagtunghay ko, ikaw ang makita.
Ngunit walang 'ikaw' ang nakita.
Ang tanging nasilayan?
Ay ang mukhang luhaan;
Pusong duguan;
Puno ng sakit na tila ba'y walang hanggan.
Mga unan na napuno ng luha
habang tinitignan ang iyong mukha.
Ang banyong nakarinig ng bawat hikbi,
Kinakausap ka't sinasabing "hanggang sa muli."
Hindi na narinig ang 'yong tugon, iyong tinig
Biglang nawala ang pag-ibig
Litrato nalang ang kausap
Mahal ko, bakit agad ka nalang naging mailap?
Naawa sa sarili
Sarili ang sinisisi
Sinisisi nang sinisisi, ako ang may mali
'Pagkat ako ay nahuli.
Ngunit totoo bang ako'y nagkulang
o sadyang 'di ka nakuntento sa 'lang'?
Ito lang, iyan lang, "wala na bang iba?"
Kaya ba tumingin ka do'n at nakahanap ng iba?
Subalit bumangon, nakita ang repleksyon sa salamin
Nakita ang mga luhang sobra na sa diin;
Mga sugat na sobra na sa lalim;
Ang mga makukulay na bagay tila ba naging itim.
Aking pusong hapo
Sakit, ay pagod nang itago
Subalit ayaw nang umiyak
dahil wala nang mapiga; wala nang mai-iyak.
Ilang bote pa ba ang lalaklakin,
mga unang yayakapin?
Ang hanging humahalik
Habang hinihintay kang bumalik
Hinihintay na 'yong muling hagkan
Umaasang muli mong balikan
Ikaw ay tatanggapin parin
Kahit ako'y iyong iwanan, lisanin.
Nang sinabi mong paalam,
Walang dahilan akong kaalam-alam.
Bigla nalang nilisan,
Ako'y iniwang wasak ---luhaan.
Bawat paalam ay tumurok
Unti-unting naging marupok
Nahulog, nawasak 'pagkat hindi mo sinalo
Sa laro nating 'pag-ibig' --- na una palang ako na ang talo.
0 notes
viralhottopics · 7 years
Text
Bank CEO Prefers Saving Trees to Running His Empire
These days, the head of Thailands Kasikornbank Pcl spends much of his time saving trees in the remote province of Nan and promoting his romantic novel, rather than running the countrys second-largest lender in Bangkok.
“I have the forest to worry about," Banthoon Lamsam, who as chief executive officer took over 25 years ago from his father, said in a March interview at his teak home, built according to the influence of feng shui and characters from his 600-page book, on nine wooded acres near the Lao border where hes moved his official household registration.
Yet back in Bangkok, its succession at the bank thats cause for concern. Banthoon, 64, wants to retire. None of Banthoons three children wants to take over the bank, and its unclear which, if any, of the three presidents he has appointed will take his place.
“The succession issue can be very problematic given that this is a big bank with no clear plans on who will be the next leader,” said Yupana Wiwattanakantang, associate professor at the National University of Singapores Business School.
What does seem certain is that Kasikornbank will become the next of Thailands lenders to pass from family hands, leaving Bangkok Bank Pcl as the only major family-run bank not to have succumbed to the business pressures of modern finance and disobliging genealogy. Since the 1997 Asian Financial Crisis, many of Southeast Asias family banks have either been merged because of bad debts or sold to international players.
In the interview, Banthoon was sanguine about the prospect of handing over to an outsider, who would become the first non-Lamsam family leader since Kasikornbank was founded as Thai Farmers Bank in 1945.
“It doesnt matter one bit,” said Banthoon, wearing a cowboy hat and giant, angular sunglasses while sitting in a covered patio at his Swiss-chalet house on stilts. “I didnt want to run it. My father ordered me to run it.”
Tightening regulations and a changing industry mean skilled management and finance proficiency are more valued than the family connections of old.
“These days, banks do not only face domestic competitors, but also non-bank companies looking to take on their market share in financial services and payment systems, the likes of Alipay and Facebook,” said NUSs Yupana. “Its pivotal that banks leaders stay very close to the scene.”
Read More: Fintechs Spur Top Thai Bank to Create New Payments Platform
Banthoon gave up a dream to become a medical doctor and ended up finding banking interesting only when he focused on the challenges of management and organizational structure, he said.
“Enjoy? How do you define enjoy?” he said. “I am not very passionate about financial transactions.”
Kasikornbank was founded by Banthoons grandfather at the end of World War II in order to help Thailand, then known as Siam, rebuild its economy. Banthoons main achievement is having steered the bank through the 1997 crisis that wiped out a number of other Southeast Asian family-run banks and reduced the Lamsam familys shareholdings. Their current level is less than 5 percent, spread among various family members.
Known as iconoclastic in his management style, Banthoon brought in foreign consultants, aggressively wrote off bad loans during the crisis, and introduced a performance culture for employees, who now number more than 20,000. Banthoon grew the banks assets from $14 billion to $79 billion as of 2016.
An investor who bought the banks stock 10 years ago would have seen a 236 percent gain through March from the investment, including dividends. That compares with a 197 percent return from the Thai benchmark stock index during the same period.
Banthoon said that despite spending much of his time in Nan, 560 kilometers (350 miles) north of Bangkok, hes still responsible for the banks bottom line, yet leaves the banks day-to-day functioning to his managers. He plans to give up the CEO title when he has full confidence in a successor, he said.
“We are still at a critical juncture of the bank," he said. "I have to make sure its sustainable after I leave, not collapse after I leave."
Back at the bank headquarters, a 40-story glass and steel tower on the Chao Phraya River, there had been four presidents, all veterans with at least 20 years at the lender, handling daily operations. On April 3, one of them, Teeranun Srihong, 51, resigned by mutual agreement. A veteran of almost three decades at Kasikornbank, he had led the banks technology group prior to his departure, which was made public at the annual general meeting.
The remaining three presidents are Predee Daochai, 58, who handles risk management; Kattiya Indaravijaya, 51, who handles finance operations and human resources; and Pipit Aneaknithi, 49, who oversees international banking, including branches and offices in China, Cambodia and Laos.
For now, Banthoon isnt ready to choosenor say whether his successor will necessarily be among the three.
“Its still too early to decide,” Banthoon said, noting that the presidents get paid the same salary and bonuses. “I am still assessing the situation every day. Therere so many elements for a good CEO.”
Succession probably wont change the banks strategy, said Chief Investment Officer Adithep Vanabriksha at the Thai unit of Aberdeen Asset Management Plc, one of the top 20 shareholders in the bank.
“Our view is that succession planning is there, and their practice is to promote from within,” Adithep said in a phone interview. “And we believe in the current management team, rather than one particular executive.”
One difficulty Banthoon has in transferring power is that hes also the banks chairman, a rarity for Thai banks. He assumed the chairmanship in 2013 when his uncle, Banyong, retired. The arrangement for the dual role came with a six-year permit from the Bank of Thailand, on the condition that Kasikornbank has a board of independent directors.
By the end of 2019, he will need to relinquish one of the titles. He will have stepped down down as CEO, though he may remain chairman “for a while,” he said. "I hope its not a long while."
Banthoon has been traveling to Nan province with increasing frequency since 2010, when he purchased a old wooden hotel in the capital city of Nan that he turned into high-end boutique lodging with rooms from about $60 to $100 a night. 
In 2013, he published his novel centering on a fictional local king that Banthoon said reflects his philosophy of life and similar personality, and could have been himself in a former life. A small second house on his property, with a dining area and shrine, is named Residence of Mafai, the fictional kings much-loved consort whom he had executed after realizing she had performed black magic to win the kings love from his eight concubines. Banthoons book jacket and a painting in his hotel both depict a scene from the tale. 
In 2014, he started his campaign to protect the local forest, engaging Princess Maha Chakri Sirindhorn, a sister of the current king, as well as the Thai prime minister, to raise awareness and halt deforestation through better land management.
At his chalet, Banthoon was busy preparing to host 800 attendees at a seminar on the Nan river and its forest. He said he hopes his presence in Nan can halt more encroachment of the forest. Nearly 30 percent, an area slightly larger than the U.S. state of Rhode Island, has been lost as villagers have cut down trees to grow corn for animal feed. Banthoon described the practice as “a very stupid trade-off” that damages the source of Thailands major rivers.
“The challenge is for me to be here before I get too old,” he said.
With assistance from Supunnabul Suwannakij and Sunil Jagtiani.
Read more: https://bloom.bg/2pn4Vw3
from Bank CEO Prefers Saving Trees to Running His Empire
0 notes
soclaimon · 4 years
Text
Govt must inject another Bt1tn to revive economy, says top banker #ศาสตร์เกษตรดินปุ๋ย
#ศาสตร์เกษตรดินปุ๋ย : ขอบคุณแหล่งข้อมูล : หนังสือพิมพ์ The Nation.
https://www.nationthailand.com/business/30393096?utm_source=category&utm_medium=internal_referral Govt must inject another Bt1tn to revive economy, says top banker
EconAug 18. 2020
Tumblr media
Banyong Pongpanich, Kiatnakin Phatra Bank’s executive committee chairman.
By The Nation
One of Thailand’s top bankers has urged the…
View On WordPress
0 notes
soclaimon · 6 years
Text
In celebration of a true master
In celebration of a true master
ศาสตร์เกษตรดินปุ๋ย : ขอบคุณแหล่งข้อมูล : หนังสือพิมพ์ The Nation
http://www.nationmultimedia.com/detail/art/30363584
Vallabhis, standing left with Banyong Pongpanich, CEO of Kiatnakin Phatra Financial Group, and Chakrabhand Posayakrit seated,
In celebration of a true master
Art February 06, 2019 01:00
By Kupluthai Pungkanon The Nation
Many years in the making, Chakrabhand…
View On WordPress
0 notes