#eto na naman tayo
Explore tagged Tumblr posts
Text
we don’t have twisters but we do have typhoons and honey it is typhoon season and im treading thru flood, strong wind and heavy rain 😭🙏 stormchasers wont survive here unless they got jetskies i fear
have not watched the OG twister movie and honestly didn’t plan to watch the new remake however tiktok has convinced me after showing me masc cowboy katy o brian and suddenly????? i wanna watch it
save me cowboy butch… save me…
35 notes
·
View notes
Text
Comfort Zone: Pepetiks petiks ka ba?
Tagalog naman para maiba. Sabi sayo boi eh gagawan kita ng blog. Shoutout sayo kung mabasa mo 'to! At sa mga pinagsamahang walang papantay! Kapatid habambuhay!
So eto na nga! Usapang comfort zone tayo! Aminin na natin, tol—comfort zone? Sarap nun, pre! Chill lang, wala kang stress, wala kang hassle. Parang everyday rest day—puro Netflix, walang tuldok sa petiks. Pero eto catch: kapag over ka sa petiks mode, para kang halaman na nakatunganga lang sa araw—nabubuhay, pero walang level up! Eh sino bang ayaw maging blooming plantito o plantita, diba? Pero kung hanggang “leaf” level lang palagi kasi takot kang lumabas sa paso, aba, tapos ang story mo, p're!
Narinig mo na ‘yung “Growth happens outside your comfort zone?” Alam ko, gasgas na ‘yan, pero pakinggan mo ‘to: Ang comfort zone mo parang paboritong sando—yung butas-butas na, medyo basa pa ng pawis, pero suot mo pa rin kasi pakiramdam mo astig ka. Pero tol, kung gusto mong mag-upgrade, minsan kelangan mong bitawan ‘yung sando na yun at mag-risk mag-suot ng masikip na hoodie kahit medyo di pa fit sa’yo. Hindi nga lang kasi s'ya laging swak, minsan kailangan pang hilahin.
Oo, cool yung chill, pero kung lagi kang safe mode, para kang stuck sa tutorial mode ng game—paulit-ulit, walang thrill, walang boss fights! Asan na ‘yung thrill ng level up? Yung epic loot? Sayang, pre!
Masarap ang petiks, pero masaya din ang may risk! Para kang nagse-skateboard: una, puro lagapak, puro gasgas sa tuhod. Pero kapag nakuha mo na ‘yung balance, iba na galaw mo, pang-kanto vibes! Ganun din sa buhay, tol. Kung gusto mong umangat, minsan kelangan mong ma-semplang para matuto. Bawal ang maarte, lalo na kung pangarap mong mag-level up.
Eto nga, tol, kagabi lang magkakwentuhan kami ng tropa ko mula high school. Alam mo na, usapang mga batang-gala na akala mo walang future dati, pero ngayon? Grabe. Yung tropa ko, basketball superstar na, may sarili nang fans club at cute na family goals. Ako? Eh chill lang, nagso-solo flight pa-Korea, pa-Japan, kung saan saan lang kasi finally afford ko na magpakabundat sa ramen at sushi sa mismong bansang pinanggalingan nun.
Dati, pre, kulang na lang mag-ala Fast & Furious kami tuwing uwian. Yung tropa, paborito ng teacher sa guidance office, ako naman, swabeng laging late, alam mo na. Pero sino mag-aakala, tol, na tayo pa pala ‘tong makakarating sa ganito? Sabi nga niya, “Tangina, pre, nakakatawa ‘no? Yung dating baliw na puro sablay, ngayon bigatin na.”
Dati, inaatraso lang namin yung deadline ng homework, ngayon, inaatraso na ng mga tao deadline nila para mapanuod yung games niya o mabasa yung travel blog ko. Sabi niya, astig daw na kahit ilang beses kami madapa noon, bumangon pa rin kami at tuloy pa rin sa takbo. Nakakatawa lang, tol, na dati kami ang kinukutya, pero ngayon, tingin sa atin parang next level na.
Tawanan lang kami habang sinasabi niyang, “Pre, kung nag-petiks lang tayo nung high school, siguro hanggang dun na lang tayo. Pero buti na lang, nagrisk tayo kahit nung sablay pa rin tayo sa dulo.” Dito namin na-realize na ‘yung tunay na swag, di sa chill-chill lang. Nasa mga sumubok, nabigo, pero bumangon at lumaban ulit na mas astig pa! Kaya ikaw, tol, kung feeling mo petiks ka na masyado, lakasan mo loob mo. Malay mo, dun mo pa matagpuan ang tunay mong swag.
At syempre, sa gitna ng tawanan at kwentuhan, hindi namin nakalimutan magpasalamat kay Lord. Sabi nga namin, pre, kahit anong sipag at tiyaga, kung walang blessings mula sa Kanya, wala ring saysay lahat. Sobrang blessed namin na kahit puro sablay nung una, binigyan pa rin kami ng chance bumangon at magtagumpay. Lahat ng ito, mula sa Kanya. Kaya, shoutout kay Lord, tol, kasi kahit sa dami ng semplang, di niya kami iniwan.
Kasi sa dulo, tol, ang buhay ay hindi para sa mga petiks lang—para ‘to sa mga handang magtry, magfail, at bumangon ng mas solid! Kaya tara na, p're, sugal na tayo. Show your moves, swag ka pa rin kahit may sablay, basta bumabangon ka ulit. 🚀💥
15 notes
·
View notes
Text
na encode na yung grades ko for my last semester sa pup and im so happy, until now di nag si-sink in sakin pero sure ako na deserve ko yung grade na yon [if moots tayo, ikysi]. i couldnt imagine na confirmation nalang inaantay ko after 12 freaking years sa college three different schools finally eto na as in. kanina nga usapan sa group chat namin ng circle ko yung anxiety na inabot namin from the time na sinabi ko sa kanila na submitted na sa profs yung final requirements namin until today. my heart is so happy, our circle is so happy, and oa man basahin pero teary-eyed din ako kanina habang naguusap usap kami sa group chat kasi di rin naman namin inexpect 'tong ganitong experience and second chance kay pup. hindi man ako pasok sa latin honors, mahalaga masasabi ko na din sa mommy ko na, "ma ga-graduate na ko!"
25 notes
·
View notes
Text
me after finally deciding i’m willing to make habol sa crush ko because i liked him even more when i went out with him. he’s genuinely kind, not just to people he likes, his humor is very tito, very princess treatment ako when we went out (paano ako hindi aasa). he’s a fucking smart-ass, he’s family-oriented, and he’s financially stable. and he’s not compensating for anything, i find him super cute. i could also listen to him talk all day!! eto yung pinaka nagustuhan ko, ang sarap niya pakinggan magsalita. english tapos ang smart niya pa pakinggan. pero nung kalagitnaan naman baka narealize niya na more on tagalog ako so nagtagalog na siya. grabeeee ayoko na ng iba, isa na lang crush ko siya na lang. as in nung lumabas kame napaisip ako na mygosh nasaan ang standards ko sa mga past relationships ko. and if this doesn’t work out, he set the bar pretty high. ganito deserve ko at gusto ko.
tapos yung mga ate ko pinapaasa din ako na baka kaya hindi na siya nagmessage ulit kase after ng date nagmessage ako sa kanya sabi ko “thank you kanina, good night!” tapos nagreply siya, “thank you din kahit hindi ka masyado kumain. good night!” tapos hineart ko. sabi nila bakit ko daw ginoodnight agad baka inisip niya hindi ko daw siya gusto. tapos daw hineart ko lang reply niya. besh gusto ko kase mag good morning siya saken sa umaga hahaha. pero yon. this week ask ko ulit siya lumabas, if he says yes, thank You Lord. if he says no, tatanda na tayo magisa mga besh. if you’re thinking i can’t take a No, technically he didn’t reject me. and for years, women have been pursued this way— ligawan hanggang sa mag-oo. i’m just one woman, i’m not going to singlehandedly destroy your precious patriarchy. plus if he says No, i’ll stop. calm down 💓
87 notes
·
View notes
Text
Sabi nila mag-travel daw ako to heal.
Pero parang every time I travel bibigyan lang ako ng temporary breather, pag babalik na sa metro manila, it's always "hays tngna eto na naman tayo." Baka hindi na travel ang kailangan ko kung kada uuwi ako, am dealing with the same bullshts again.
Nakakapagod na rin.
11 notes
·
View notes
Text
wet the bed
— napilit ng mga kamag-anak mo sa gathering ng pamilya niyo ang boyfriend mong si heeseung na sumayaw ng trend na wet the bed. but as funny as it may sound, it still turned you on.
Pairing: heeseung x reader
Genre: fluff, crack(?), suggestive
Language: tagalog - english
Warnings: filipino christmas gatherings/reunions, suggestive jokes from elders, heeseung forced to dance for a game 💀, established relationship.
a/n: merry christmas! eto regalo ko sainyo rawr 😭 enjoy! (kahit nangangalawang na writing skills ko at maiksi lang ito)
“Sige na, heeseung, hijo, sumali ka na,” kantsaw ng tita mo sa boyfriend mong nakakapit sa braso mo at halos nakasuksok na sa balikat mo habang umiiling.
Niyayaya kasi nila itong sumali sa pagalingan daw sumayaw nung sikat na trend sa tiktok na wet the bed kasama ang ilan sa mga pinsan mo at ang mga jowa din ng iba kong pinsan.
“Magaling kang sumayaw, di ba, hee?” Tanong naman ng tito mong kanina lang ay kasama ni hee na magkaraoke at magkwentuhan. Nabanggit ata nito dati na sumasayaw siya sa university niyo dahil madalas din silang magkwentuhan kapag may reunion.
“Hindi po hehe,” nahihiyang tawa at bulong nito. Tinignan mo naman ito upang ipakitang hindi ka naniniwala dahil magaling naman talaga siya ngunit tila ba sinasabihan ka niya na makisakay na lang sa pamamagitan ng mga tingin niya.
“Go, kuya hee!” Sigaw naman ng bata mong pinsan na nilalaro at binibiro niya rin kanina.
Napatingin na lang si heeseung sa paligid niya at nang makitang tinanguan siya ng papa at mama mo ay sayo niya naman ibinaling ang tingin. Nagpapaalam ito kung okay lang aba sayong sumali siya.
“Ikaw bahala, mahal. Kung ayaw mo naman talaga, okay lang naman. Maiintindihan naman nila yun. Gusto mo ba?” Tanong mo.
“Kung gusto nila and sasaya sila, okay lang. Gusto ko,” pagtango niya dahilan ng bahagyang pagsigaw ng mga kamag-anak mo.
“Kaya mo yan, Seung!” Pagcheer mo dito habang tumatayo ito. Sumama ito sa hanay ng iba pang mga kasali. Napaka-ayos ng tayo nito doon- nasa likod ang mga kamay, tipid na nakangiti at pinipigan ang tawa sa gagawin, at nakayuko sa hiya habang iniipon lahat ng lakas ng loob niya.
Tumayo na rin kayo ng mga kasama mong manuod lalo na ang mga nagvvideo upang mas makita at masuportahan sila nang ayos.
Nang nagsimulang tumugtog ang kanta ay naghiyawan halos ang lahat. Hindi pa masyadong sumasayaw ang mga kasali at gumagalaw lang sa pwesto kasabay ang saliw ng kanta habang hinihintay.
“Go, heeseung!” Sigaw ng isa mong ate na pinsan nang lumapit na ang chorus upang asarin ang boyfriend na kasali rin. Pinadilatan ito ng mata ng boyfriend kaya sumigaw ito ulit upang i-cheer naman ang boyfriend talaga.
Halos sinuportahan din ng karamihan si hee. Boto kasi talaga sakanya ang pamilya mo kahit noong unang pakilala mo palang sakanya, mas mahal na nga ata siya nila kaysa sayo.
Pumalakpak ka lang at nginitian siya nang halos abot tenga nang makita mong nakatingin siya sayo.
Para namang nawala ang mabait na heeseung na ipanapakita niya sa mga kamag-anak mo nang ayusin niya ang pagsayaw niya sa chorus. Bigay na bigay siya sa bawat steps na giangawa niya lalo na sa facial expressions. Para lang kapag nagpperform siya sa university.
Nakatitig lang ito sayo sa chorus na para bang anytime ay gagapangan ka o papatungan para halikan and all. Kumindat pa ito sayo sa step kung saan ay ipinunas niya ang hinlalaki sa mga labi niya. Dahil dito ay nagsigawan din ang lahat.
Natameme ka naman at nanlaki lang mata nang halos ibigay niya ang lahat niya sa pagkaldag.
Tangina, parang yung bayo lang sakin last week nung nanggigil siya sakin ah.
“Namumula si y/n!!” Pang-asar ng tita mo sayo nang mapansin ka.
“Huy bat ka namumula, ha, girl?” Tanong naman sayo ng pinsan mong pinakaclose mo habang tinataas baba ang kilay na para bang alam na agad kung anong tumatakbo sa isip mo.
“Blush po yan, make up yan!” Pagkumbinsi mo sakanila lalo na nang dumako ang mata mo sa mga magulang mong natatawa.
Nakayukong tumatawa naman si heeseung nang bumalik sa tabi mo. Niyakap ka nito mula sa likod mo at isinuksok ang mukha sa batok mo.
“At dahil sa taas ng kaldag mo, kuya hee, ikaw daw ang panalo sabi nila tito!” Pag announce naman ng mga nakababata mong pinsan na naghohost. Binigyan naman nila ng ampao si heeseung dahil sa pagkapanalo.
Umupo na kayo nang magmove na sa susunod na laro ang mga kamag-anak mo. Nasa sandalan naman ng monoblovk mong upuan ang braso ni heeseung. Maya maya ay hinahaplos na ng daliri nito ang balikat mong kita dahil sa spaghetti strap dress mo.
“Ano, okay ba sayaw ko kanina?” Tanong nito na hindi mo alam kung nagtatanong ba talaga o nangaasar lang dahil sa reaksyon mo kanina.
“Okay naman” tipid kong sagot.
“Okay naman ‘no? Namula ka dahil sa sayaw ko,” ngayon ay sigurado ka nang nang aasar ito lalo na dahil sa mga nakaloloko niyang ngiti.
“Blush on nga yun,” pagdepensa mo.
“Sakin ka pa magsisinungaling,” tumawa ito. “Eh hindi ka naman nagblush kanina. Kasama mo naman ako sa kwarto ah.”
“Ay nako ewan ko sayo,” sagot mo.
“Di nga, seryoso, kumusta naman sayaw ko?” Tanong nito habang hindi mo siya matignan sa mga mata niya.
“Magaling syempre, nakakapogi…” napatingin ka dito at nahalata nitong may gusto ka pa atang sabihin.
“at? may gusto ka pang idagdag?” pagngiti nito nang pang asar.
“Hot.” Sagot mo sabay akmang tatayo
“Hoy, hoy, dito ka lang, mahal,”pabulong nitong pagpigil sayo habang natatawa.
“Ayoko na sayo, nakakainis ka, nang aasar!” Pabulong mong pagsagot dito.
“Hindi na nga,” pagtawa nito. “Sorry na.”
Pilit mong pinagdidikit ang mga binti mo dahil sa mga naiisip mo at napansin naman yun ni heeseung kaya’t hinawakan niya ang hita mo sabay lapit sayo para bumulong, “tara sa kwarto?”
Hinampas mo naman ang kamay niyang nasa hita mo, “sira ka talaga! Mamaya marinig pa tayo o mahuli.”
“Hindi yan. Bilis na, habang busy pa sila dito sa baba,” inilipat nito ang kamay na nasa hita mo papunta sa bewang mo upang patayuin ka.
“Tara na,” hindi ka na rin humindi sakanyang yaya at tumayo nalang din. Pumuslit kayo ng alis habang walang nakakapansin sainyo
ayoko na 😭 okay na yan 😭 hindi ko na naproofread huhu sorry sa mga typos
header
232 notes
·
View notes
Text
Of weddings and other things....
dad: oh bakit hindi ka pa bihis?
me: anong meron?
dad: wedding ni paul today...
me: ha akala ko bukas pa? puedeng pass nalang ako?
dad: magpakita na tayo ng wala ng masabi pa yung kabila.
given the chance, i would have stayed home, but dad insisted that we show up as a family. it's his way of reconciling with the other family after years of ignoring each other over a small property dispute. that is how my dad is, he is always the first one to reach out.
boy, i have to tell you that i am not used to big weddings. the last family wedding was December 2023 and it was a simple intimate one. but this wedding was ginastusan. and the invited guests and wedding sponsors are big time personalities. sobra we feel like we should be eating outside given we do not belong to this circle.
and speaking of guests, one of my aunts called my attention...
auntie: bakit ka nagdala ng pamaypay na ganyan?
me: auntie what's wrong po?
auntie points to my "Leni-Kiko" pink pamaypay and directs her face to the other table where First Lady Lisa Marcos was seated.
me: hindi ko naman alam na nandito sya (sabay tago ng pamaypay)
kuya: wala na sira na talaga pangalan naten sa kanila haha.
thankfully, saturday was spared from torrential rains. I was told that the mother of the bride offered hundreds of itlog at the Monasterio De Santa Clara in Katipunan, asking the nuns the nuns to intercede for good weather. it worked naman.
After the church rites, we went to the reception. thankfully it was within the New Manila area. yun lang kami yung unang dumating lol. so siempre at the risk of being called patay gutom my parents and siblings stayed in their vehicles while kuya and i decided to go out para mag jingle until the attendants saw us and offered cocktails...and being the hidden alcoholic in the family, i got my drinks, had refills and asked that drinks keep coming until the server decided to give us bottles lol.
and i ate a lot. i was hungry. breakfast was the last meal i had kasi. and the food was really good.
and yung binalikan ko yung cheese saka jamon serrano (hello, bihira lang ako kumain nito lol) plus first time ko makakita ng madaming cakes from Costa Brava. of course, binalikan ko din.
and finally, the dreaded part of having a group picture with the cousins. i mean we know each other naman but then we are not close so parang feeling ko lang just for the sake of celebrating this day, sige, kakalimutan ko na yung kaartehan ko. and besides, malay mo eto yung start na maging okay na din kami....
19 notes
·
View notes
Text
Syempre oo naman, mag wwork out tayo. Hindi pwedeng hindi!!
At eto nanaman sa hobby na maging 🤡!!!
18 notes
·
View notes
Text
Mag 11:30pm na and i still cant sleep. Well 10pm pa naman shift ko.
So eto random thought ko lang. even before pala, di ko kayang makipagdate sa labas with maraming tao. Inaanxiety ako sa ganon na parang d ko na alam gagawin ko haha. Mas sanay ako sa kokonting tao lang. sge take out na lang tayo tas pwde ba tambay tayo sa minimal lang na mga tao??? Hahaha nagsasama sama anxiety, hiya at kabobohan ko pag nasa crowded na lugar ako. And yesss d pako nakakapasok ng bar kasi naiisip ko lang langya umaatras nako hahah ayun lang hehe q&a na tau pls lng
2 notes
·
View notes
Text
"foodtrips" with the parentals era.
*Inasal Chicken Bacolod, SM Sucat
okay. mej one month mahigit na kasi ito sa camroll na balak ko din ikwnto kaso natatamad ako pero eto na. hahaha
we are finally able to really do this na. yung mag try ng ibat ibang kainan (not fastfood) kapag nasa mall. hindi yung kapag may okasyon lang o kaya sinadya tlagang puntahan.
mej "amazed" ako sa thought kasi nung previous week nito, unang Mary Grace din namin. its kinda Father's Day celeb na at sabi ko sa sarili ay "celebration" ng pag open ko ulit ng bank account since ibalik ni mamy saken yung paghandle ng finances ko. hindi natuloy yung pag open though kase may kulang ako na requirement.
i was thinking non na sa sunod na week kahit mag drop by lang ako saglit sa mall para nga magawa na. pero on that day sumama sila dahil may bibilhin din at doon na nga daw mag lunch.
pagkatapos kumain nga na realize ko "wow?? 2 weeks in a row kumain kami sa labas!!"
hindi kasi talaga kami pala mall as a family, usually mag mall lang if grocery or importante na bibilin. tas dati sasabihin "kain na tayo dito sa bahay para di na kakain don".
hindi naman sa nagpapagutom ah, hindi lang kasi tlag fan si mamy ng fastfood. eh kapag hindi naman fastfood, pano ba? pricey na for us or something like "we have better things to spend on/save for". pero siempre if magutom talaga while doing the errands kakain din.
i dont mind this at dati palagi ko sinasabi "di ako mahilig sa fastfood, masarap kasi mag luto parents ko", evem back in college kapag maglulunch ang barkada sa KFC (usually) dun ko din kakainin baon ko. sobrang sanay ko kumain ng homecooked meal.
anyways, eto yung totoong celeb sa another life issue na nalampasan ko after 9 years.
i know this isnt a lot pero looking forward to treating them more at unti unti mag upgrade ng nakakainan hahaha.
23 notes
·
View notes
Text
Kelan kaya ako makaka-laya sayo?
Kung kelan akala ko wala na tapos na tayo eto ka na naman bumabalik na parang walang nangyare at parang di mo nasaktan.
Kelan kaya ako makaka-laya sayo?
Kung kelan desidido na akong kalimutan ka bigla mong ipapaalala na habang buhay na tayong may koneksyon na di na natin mabubura.
Kelan kaya ako makaka-laya sayo sarili kong puso?
Mahal kita at mahal mo ako. Kailangan kita at kailangan mo ako pero hindi pwedeng maging tayo dahil di mo matatanggap ang realidad ko.
Kelan kaya kita makakalimutan? Kelan puputulin ang ugnayan? Kelan mananatiling martyr? Hanggang kelan?
4 notes
·
View notes
Text
Eto nanaman ako, maghahanda ng gamit because aalis ulit with the fam this weekend. 🫠 Yung pagod ko ang lala. HAHAHAHAHAA! Plus wala na akong pera. Nakakaubos ng pera tong last quarter of 2024. Pengeng pera Lord! Pabale naman po. HAHAHAHAHAHAHAAHHAA! Ang dami kong gustong gawin, pera nalang ang kulang.
Pero on the brighter side, keri nadin kahit medyo nasagad savings. Atleast nakapundar diba? Ge, gaslight ko nalang sarili ko. HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAA! 😂 wala na e. Nabili ko na e.
So ayun, conservative ang atake muna natin ngayong weekend. Di muna tayo magiging hubadera for this week's episode. Maiba naman.
Bye!
3 notes
·
View notes
Text
Your lips were soft as winter, in your passion I was lost
#8 - Lego Flowers?!
LOCATION : RAIL CAFE TOKYO
TIME : 2:30 PM.
3RD POV
The bells jingled, the doors opened. In comes the female, clad in the Tokyo Metropolitan's University's uniform, together with a male behind her, having striking white hair, he was clearly attracting attention.
"Keiji!" The female calls, the man– who had his blazer on the backrest of the chair looks up. He nodded as a greeting, "Si Hoshiumi nga pala." She introduces the white haired male, "Hi." He simply greets, "Hello." Keiji greets back with a simple nod, "Anyways, ano gusto nyo?" Y/n asks, "Coffee aken, plus chocolate cake." She added, "Coffee nalang din akin, thanks." Akaashi said with a nod, as Hoshiumi sat down, Y/n tilted slightly tilted her head and raised an eyebrow, "Yun lang?" She asks, "Ano akaala mo sakin, y/n..?" Akaashi mumbles, as the female awkwardly chuckles, "Ikaw, Hoshiumi?" She asks, facing the platinum white haired boy, "Coffee lang din." He says with his arm crossed, 'Akala ba nito maangas sya..' Akaashi thought to himself and gave Hoshiumi a sliiiight judgemental gaze, "Sure kana jan ah? Paminsan lang ako nangli-libre." Y/n teased as she tilts her head, "Ay pero syempre okay lng, para di masyado gastos. Yun lang ha? Be riiiight back." She says as she walks to the counter.
"..alam ba nya na magkilala tayo?" Hoshiumi asks, "Hindi. Wag mo na sabihin, malalaman nya din yan." Akaashi replied, Hoshiumi just nodded awkwardly.
"Oookay eto na ho mga order nyo." After around 39 minutes, Y/n came back with the tray. Placing the hot cups of coffee in front of them, she sits down beside Hoshiumi.
"Okay, so Akaashi–" The female got cut off by Akaashi, "Please, y/n, Keiji nalang, cut the formalities na." He says, the female pauses as she places the fork with chocolate cake in her mouth, "Nyek, okay. Anyways, Keiji– about sa upcoming festival, may schedule na ba?" Y/n asks as she chews on her cake, "Oo. Next week Monday. Parang normal na summer festival lang actually." Keiji says as he drinks his coffee, Hoshiumi just listening in for fun. "Ah okay um.. Meron nabang mga students na willing gumawa ng stalls and stuff?" Y/n asked as she wrote down the day on a notebook she brought, "Meron. Nag tanong nako– Si Terushima Yuji tsaka meron pa daw syang kaibigan, gagawa daw sila ng mga games. Si Satori Tendou tsaka Semi Eita naman, gagawa daw sila ng mga pagkain for the students, tatanongin ko pa sila Mattsukawa." Keiji replied, Y/n slowly nods as she wrote down their names, "Meron na din silang banner para sa mga stalls." Keiji adds, y/n softly smiles, "Alam na talaga gagawin nila, what a relief." She mumbles, Keiji nods, and eyes Hoshiumi who was staring at the girl smiling. "Ah, oo nga pala y/n, nagtatanong si Semi kung pwede kayo magcollab para sa festival?" Keiji asks, finishing the cup of coffee, "I already gave your socials, kaya bahala kana kung gusto mo o hindi." He says, y/n nods, "sige, thanks Keiji! Reliable mo talaga as a vp, hehe." She says with a grateful smile, "Anyways, pag-usapan na natin ung mga events na gaganap." She says as she starts writing down her proposes.
40 minutes of planning and drafting.
"Haysss, natapos din!" Exclaimed the female as she stretches her fingers, "Salamat nga pala sa mga suggestions mo, Hosh." She says, facing Hoshiumi with a smile and nod, "Yeah, no problem. Naawa nako sainyo eh, hirap n hirap na kayo." Hoshiumi says, receiving a deadpanned look from y/n and Keiji, "wow ha, thanks Hoshiumi." Keiji mumbles sarcastically, "anyways, I have to go na, y/n oh." Keiji says as he handed y/n an unopened box of lego flowers, "Oh! Ano toh?" The female says in surprise, "Gift para sayo." Keiji says with a nod and stands up, "Nyek! Huyy, kita ulet tayong tatlo para ibuild!" Y/n exclaims as she places the box inside of her bag, Keiji nods and leaves the cafe.
"Tara na y/n, napapagod na din ako." Hoshiumi says as he stands up, "Ha? Ay, okay." Y/n says as she stands up. "Thanks sa libre." Hoshiumi says as he waits for the female to catch up, "Welcome! Next time ulit." She says as she walks with him, 'May next time pa pala?' Hoshiumi thinks to himself, but smiles as well.
Authors note : Oppsss 👀 crush is starting to form!!! EVERYONE SAY AYIEEEE hehe, sana nagustuhan nyo to, sorry sa delay !! 🥹 grabe nakakaistress ung school pero summer vacation ko na, so meaning non more updates 😚😚 thank you sa support sa smau nato, fun fact first smau ko to hehe 🥹 LOVEUGUYSSS
Previous | M.list | Next
#fanfiction#haikyu x reader#haikyuu#haikyu fluff#haikyu smau#haikyuu smau#haikyu angst#haikyuu x reader#hoshiumi x reader#haikyū!!#hoshiumi korai#hoshiumi smau#korai smau#hoshiumi kourai#haikyuu texts#haikyuu fluff#haikyu s
3 notes
·
View notes
Text
today's random...
I was at the Customs Office working on releasing our shipment when one of the brokers handed me a quotation of how much tax the cargo entails. I reviewed the paper and reconciled the bill of lading (BOL) and somehow, the declared item's value does not match the rather exorbitant tax (to my understanding. i may be wrong)
"puede naman ma areglo to. me restaurant sa intramuros usap tayo doon"
the moment i heard those words, i have to step back. for one, it could be a trap and for all I know baka ma Tulfo ako and end up jailed. second, I just don't like paying bribes.
which reminded me of the lawyer i used to date before. i mean, I really liked the guy. he went to UP for undergrad; finished law at the Ateneo and was working for a government-controlled corporation. he's funny, intelligent, and caring except for one episode that got me cold feet.
me: is this new? (macbook) you bought this?
lawyer: it was given by my boss. pa thank you sa project na natapos namin. it came with an iPhone.
me: but are you allowed to receive gifts regardless of the amount?
lawyer: eto naman, wala naman nakaka alam.
and that got me thinking. that part where he said "walang nakaka alam" - eto yung phrase na madaming nasisirang buhay at relasyon eh. I should know. I slept with a married man because the flimsy excuse was "hindi naman malalaman ng asawa nya" and look where it ended? the wife unfriended me, they separated and there we have, another broken family. thanks to my and his uncontrolled libido.
going back with the customs thing, I declined the lunch invite. Instead, I called my father and I explained the situation. He asked me to have the shipment re-evaluated and true enough, the first quote given to me was far from what was provided by the new broker. it was still hefty an amount but not gargantuan like the previous. I went to the bank, got the money and paid. receipts and all included.
another adulting episode in my life and a reminder to never ever compromise.
17 notes
·
View notes
Text
Eto na naman tayo sa "hindi ka makapag demand kasi wala namang kayo".
23 notes
·
View notes
Text
Lord, pagsubok pa ba 'to?
Ang init ngayon, 'no? Parang sinusunog na tayo nang buhay. Tatlong beses na 'kong naligo ngayon pero paglabas ko agad ng banyo, sinalubong ulit ako ng init na kanina ko pa tinatakasan.
Sana umiinom ka ng maraming malalamig sa panahon na 'to. Doon ka tumambay sa maaliwalas at mahangin. 'Wag mo ring kakalimutang mag-sunscreen kapag lalabas ka.
Sana nakakaya mong hindi mahimatay sa init, kasi nakayanan mo namang tiisin yung pag-ibig ko sayo, 'di ba?
Grabe, pasensya na kung halos masakal na kita sa nararamdaman ko. Pero naiisip mo kaya na gantong-ganto rin ang pakiramdam noong pinakita ko sayo ang pagkagusto ko?
Binilad kita, at sunod-sunod yung pagbigay ko sayo ng heat wave. Napaisip nga ako noong lumabas yung usap-usapan na magkakaroon ng solar storm; "Iisipin kaya niya na mas nakakapanghina ng resistensya yung mga binigay ko sa kanya?"
Pero ang selfish ko naman. Maraming nahihirapan at nahihimatay sa global warming na nangyayari. Tapos ako, eto, iniisip na naman kung tinuring mo bang pagsubok o parusa yung pagmamahal ko.
Kasi bukod sa hindi man lang kita inabisuhan na dapat mag-ingat, walang humpay din kitang pinahirapan.
Kaya ngayon, sana maging alisto ka sa init. Alagaan mo sarili mo.
Matuto ka na noong nagkagusto ako sayo.
3 notes
·
View notes