#ang nawalang kapatid
Explore tagged Tumblr posts
artemicia · 2 years ago
Text
Ayun, hi, hello. Kaunting update lang para makahinga ako kahit paano sa mga bagay-bagay. Ang saya rin pala talaga nang hindi masyadong naguupdate sa social media kasi mas nakakapagfocus din ako sa ibang parte ng buhay ko.
Bale sa ilang linggong MIA ako, nakapag-close kami ng first local client para sa SMM package. Tatlo lang kami sa team na ginawa ko, yung kapatid ko saka yung jowa niya. Ang rason bakit ko yon binuo eh para matulungan sila talaga kasi okay naman na ako sa work ko. Yung jowa ng kapatid ko kasi nawalan ng client tapos hirap makapasok sa mga inapplyan niya. Medyo nawawalan na siyang pag-asa sa freelancing no’n.
Tapos may pinuntahan kaming coffee shop na inalukan niya ng SMM pagkatapos namin maki-kape sa kanila. Sakto na naghahanap pala sila ng SMM tapos na-close namin. Tuwang-tuwa naman yung dalawa tapos laking pasasalamat nga raw nila kasi ako raw talaga nag-push sa kanila para doon.
Paano ba naman, ako na gumawa ng website kuno sa Canva, pati Facebook, Instagram, at Tiktok page. Ako na rin nag-ayos ng CV nila para makapag-apply pa rin sila kung saan-saan. Kako tanim lang nang tanim, unahan na lang kung saan tutubo. Tapos sabi nga ng asawa ko, when it rains, it pours.
Napatotohanan yon nung na-close na namin yung local client tapos bumalik pa ulit yung nawalang client ng jowa ng kapatid ko. Tapos may interested din na isa pang coffee shop sana sa SMM package namin. Ang susi lang talaga minsan eh yung matinding pagkapit sa paniniwalang meron at merong darating.
Tapos yung jowa ng kapatid ko, hiyang-hiya raw sakin kasi feeling niya wala siyang ambag. Kasi ang usapan, since una pa lang naman na client at mababa lang naman ang rate compared sa international clients, sa kanila na muna kako yon pero halos ako pa rin lahat gumawa. Sabi ko na lang ganon talaga, minsan di tayo sabay-sabay aangat. Ang mahalaga eh yung magtulungan sa paghila pataas.
Goal namin ngayon na maka-close pa kahit isa o dalawang kliyente. Sana umigi pa lalo ngayong magkakalahating taon na ng 2023. Kung hindi man ngayong taon, pero sana nasimulan na kahit paano. Okay na ko kung next year na kami mag-boom. Ang mahalaga para sakin ngayon naumpisahan na.
4 notes · View notes
abibiyuki · 3 years ago
Text
Mula mawala ang Daddy ko, nagiging almusal na namin ng Mommy ang umiyak sa harap ng picture ng Daddy. Yung tuwing umaga magyayakap lang kami sabay iiyak at magki kwentuhan dahil miss na namin ang Daddy. Di namin pinapakita sa mga mas bata ko pang kapatid dahil kailangan nila kami makita na malakas.
Ang hirap tanggapin na sa isang iglap, kukunin siya samin. Bigla bigla, mawawalan kami ng haligi ng tahanan. Bigla bigla di na namin siya makikita.
Iniisip na lang namin na naka assign sya sa ibang lugar. Matagal pa bago makakauwi pero minsan tinatapik pa rin kami ng reyalidad. Iba pa rin yung alam mong may hinihintay kang umuwi kahit gaano katagal, kesa sa alam mong wala ka naman talagang aasahan.
Di ko na ulit maririnig yung, "Goodmorning anak kong maganda" o kaya ay yung simpleng, "Anak, kamusta?" Pati yung pangungulit na, "Anak di nyo paba ako bibigyan ng Apo?" tuwing nalalasing na.
Napakahirap magpatuloy na wala ang Daddy. Parang palaging may kulang na kahit kailan di na makukumpleto. At kita ko ang nawalang sigla sa mata ni Mommy na di ko na sigurado kailan ko ulit makikita.
Ang bilis lang ng buhay no? Di mo alam hanggang kailan mo pa makakasama yung mga mahal mo sa buhay o yung mga taong nasa paligid mo.
..
..
..
..
..
..
"Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw."
See you sa kabilang buhay.
3 notes · View notes
group2filipino-blog · 7 years ago
Text
MGA TULA
“KARGADA”
ni Christine Joyce M. Zalzos
Sino ba ang tunay na mga bayani?
Na siyang dapat umani ng papuri
At kahanay ng mga kawal at guro
Gayundin an gating mga lola’t lolo
Para sa ibang bayan sila’y lumaban
Sa bawat lugar at mga lalawigan
Gayundin ang manggagawang Pilipino
Sa ibang bansa nakikihalubilo
Nang gayon mabigyan ng kaginhawaan
Ibigay sa pamilya ay kasiyahan
Hirap at sakit, at pangungulila
Sa patnubay ng Panginoong Maylikha
Dolyares na padala, dulot ay saya
Malaking tulong din sa ekonomiya
Malayo man sa mga mahal sa buhay
Sila ay mistulang matibay na tulay
Sa pagsaludo nila sa ating bayan
Mahalaga sila sa ating lipunan
Tunay natin bigyan silang karangalan
At huwag sana’y sila ay pabayaan.
“PAGKASIRA”
ni Christine Joyce M. Zalzos
Mundo ko ay naaapi’t nasisira
Mga halaman ko’y siya nang nalanta
Paunti – unti na akong nasisira
Ano ang ginawa niyo sa inyong Ina?
Ubos na ang aking mga kayamanan
Kinuha ninyo upang kayo ay yumaman
Paano naman ang aking kaligtasan?
Isipin ninyo ang aking kapakanan
Mga basura doon at kalat ditto
Mga puno ko ay sinira ng tao
Pagsunog at pagputol ng mga ito
Ay para lamang sa inyong benepisyo
Ilaw niyo ang aking mga kalikasan
Binibigyan kayo ng kaligayahan
Ngunit kung sisirain n’yo ng tuluyan
Mundo ko’y mapupunan ng kadiliman
Sa’tin dapat simulan ang pagbabago
Upang ang kalikasan hindi maglaho
Magtulungan upang ito ay lumago
Mga pagkakamali ay iwawasto
“GAMPANIN”
ni Christine Joyce M. Zalzos
Mangarap ka ng matayog aking anak
Gawin ang iyong gusto at mga balak
Inyong ikakasaya ay iyong gawin
Kaya ikaw ay mangarap at liparin
Hawakan mo ang bawat pinapangarap
Gampanin mo ang lahat sa hinaharap
Mga pangarap na iyong aabutin
Minsan man ay itinaas sa bituin
Kailingan mo sikapin ang pangarap
Gampanin mo ang ligaya at ang sarap
Gantimpalaan mo ang iyong sarili
Ang iyong kasiyahan ay ang pagpili
Mahalin mo ang iyong pinapangrap
Gampanin mo ito na iyong mahanap
Ipaglaban ang iyong paniniwala
Hindi lang dapat ito mabali wala
Sa mundong ito hindi lahat mapalad
Gampanin mon a ito ay iyong ilahad
Minsan ka lang mangarap sa buhay na’to
Huwag mo hahayaan na maging bato
“MUTYA”
ni Christine Joyce M. Zalzos
Ito ang isang tula para sa’king bayan
Sa bansang sagana sa natural na yaman
Ang bayan na aking kinagisnan
Ito’y walang iba kung ‘di ang Pilipinas
Ang mga lupa sa luntiang bukid
Ating tinataniman para sa kinabukasan
Mga dagat na asul sa kulay
Sagana sa pagkain at mga pangisdaan
Ang aking lupang sinilangan
Ay isang bulaklak na nalanta
Ngunit kapag ito’y minahal at
Prinoprotektahan, ito’y mamumulaklak
Kalayaan sana’y atin nang makamtan
Pagkakaisa at pagtutulungan ang kailangan
Iisa lamang ang hangarin sa pakikipaglaban
Kaya layo’y tumigil, at magmahalan
Ang tula ay alay sa mahal kong bansa
Pagkat ako ay kanyang inaruga
Itong Pilipinas na bayan ko’t Ina
Mamahalin ko saan man akong magpunta
“ALALAY”
ni Christine Joyce M. Zalzos
���Nagmahal, nasaktan, kumain ng isaw”
Isang katagang binabanggit ng isang nagmahal
Ngunit ako’y musmos pa lamang
Wala pang alam sa tunay na pag – ibig
Pagkakaibigan ang aking pinanghahawakan
Ang kaibigan na hindi kailanman aalis
Sa kahinaan ay laging sandigan
Kawangis sila sa bawat problemang kinakaharap
Pagmamahal at suporta laging umaapaw
Paggabay at pagtulong laging ipinapadama
Ika’y aakayin patungo sa paroroonan
Siyang kaibigan nawalang iwanan
Ngunit malapit na matapos
Ang bawat yugto ng ating pagkakaibigan
Tayo ay malapit ng humakbang
Patungo sa sarili natin tadhana
Salamat, sa pagiging aking sandalan
Sandaln na nagturo sa akin
Ng tunay na pagmamahal
Hanggang samuli, walang iwanan.
“Pera Pera Lang”
tula ni Miguel Licaros
Marami ng mga krimen ang naganap
Mga pulitikong napapagbintangan
Dahil pera ng taumbayan ang hanap
Kaya dapat sila ay maparusahan
Maraming pulitiko ang natutukso
Pera ng taumbayan ang gusto
Maraming Pinoy ang kanilang nauto
Kani – kanilang mali ay bisto
Taumbayan, dapat tayo ay mamili
Pulitikong tapat at hindi tiwali
Gigising ng maaga, hindi tanghali
Inihalal upang itama ang mali
Katangian ng Diyos kanilang taglayin
Upang kanilang trabaho ay intindihin
Nang buong puso’t kaluluwa mandin
Upang ating bansa ay paunlarin
Mga kababayan tayo ay gumising
Ating mga boto ay huwag sayangin
Ating mga binoto ay galaw – galaw din
Upang ang Pilipinas ay pagyamanin
“Aking Mithiin”
tula ni Miguel Licaros
Ako si Miguel, lubos na nangangarap
Ng buhay na maganda’t napakasarap
Ang lahat ng ito’y aking makakamtan
Kahit alam ko ako’y mahihirapan
Todong pagpupursigi, aking gagawin
Upang matupad ang lahat ng hangarin
Sa tulong ng magulang ako’y linangin
Aking mga pangarap ay pagyabungin
Mga pangarap kong nais na makamtan
Aking nais na maisakatuparan
Ako ay gagawa ng maraming paraan
Upang ang pangarap ay pagtagumpayan
Sa tulong ng Maykapal, aking magawa
Aking pagpuri ay hindi magsasawa
Kanyang mga magagandang halimbawa
Gagamitin sa aking pagkakawang – gawa
Lahat tayo ay nangangarap ng tama
Hangad natin ay wasto hindi masama
Tayo ay may nais na mga tuparin
Dapat tayo ay magpursigi at kayanin
“Ibalik Ang Dating Ganda”
tula ni Miguel Licaros
O aking Inang Mahal na Kalikasan
Ano ang ginawa naming kabalbalan
Nang hindi ka naming pinahalagahan
Sa oras ng pagdating ng kagipitan
Mga delubyo na iyong pinaramdam
Ito na ang sinasabi mong paramdam
Na ikinagulat ng taumbayan
Na talaga naming pinaghahandaan
Ika’y aalagaan at mamahalin
Nang buong puso’t kaluluwa mandin
Iyong yamang likas ay papaunlarin
Upang ang magandang buhay ay palarin
Ang bigay ng Maykapal ay alagaan
Sapagkat ito ay kanyang inilaan
Sa ating mga taong may kakayahan
Na ito’y alagaan at protektahan
O aming Kalikasan aming gagawin
Ang lahat – lahat upang ika’y suyuin
Aming ibabalik iyong dating dating
Upang kami ay iyong bigyan ng galing
“Laro at Buhay”
tula ni Miguel Licaros
Ang larong ito ay napakasikat
Hindi lang sa ating bansa, maging sa iba
Kapag ako’y naglalaro, ibang saya ang nadarama
Ano nga ba ito? Basketbol ang ngalan
Ito’y aking nilalaro halos araw – araw
Kahit pinagpapawisan at naiinitan
Pagkasabik ang aking nadarama
Ang larong ito’y aking mahal
Kapag ako’y naglalaro
Ako’y walang pakielam kung malakas ang kalaban
Ibinubuhos ko ang aking buong tapang
Upang matalo ang aking kalaban
Ang aking buhay ay parang bola
Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba
Umiikot ito ng paulit – ulit
Titigil lamang ito kapag may taong pumigil
Basketbol, ito ay maraming kahulugan
Tungkol sa isports at sa buhay
Ginagamit ito sa tama, hindi sa mali
Dahil ang larong ito ay pinahahalagahan
“Bayang Magiliw”
tula ni Miguel Licaros
Ang bayan kong mahal
Pilipinas ang kanyang ngalan
Ito’y aking ipinagmamalaki
Nang buong puso’t kaluluwa
Maraming mga tanawin
Dito ay makikita
7,107 na mga kapuluan
Na talaga namang kahali – halina
Maraming yamang tubig dito ay makikita
Mga isda, langis, perlas at iba pa
Maraming yamang lupa rin ang masisilayan
Bundok, bulkan na talagang kahanga – hanga
Maraming mga bayani dito ay ipinanganak
Upang ang kasarinlan ay makamtan
Lubos na pasasalamat sa kanila
Dahil tayong lahat ngayon ay malaya
Pilipinas, Kay gandang pangalan
Kahit nasakop ng maraming dayuhan
Bumabandera pa rin ito sa kagalingan
Kaya ang Pilipinas ay papurihan
“Paglipas ng iyong Puso”
Tugmaang tula ni Micah Duque
O’aking minamahal na Pilipinas
Ang iyong mga mata ay pinipilas
Ang mga luha mong tila pinapamunas
Upang ang mga problema ay malutas
Putok ng baril na walang kasing ingay
Sa dulo ng bansa na puno ng pagpatay
Ito ang pinakamasaklap na buhay
Ang mamatay sa paraan ng pagbitay
Pag-aagawan ng mga teritoryo
Na hindi masolusyunan ng pagboto
Dahil sa mga puso nilang tila bato
Nag-reresulta sa pagbaliktad ng totoo
Ang mga opisyal ng gobyerno na tuso
Puno ng gahaman ang kanilang puso
Ang kanilang tala na puno ng kaso
Ugali na mas masahol pa sa aso
O’ aking mahal na lupang silangan
Sa lahat ng aking pangangailangan
Tulad ng pagkain na iyong naibsan
Ako ay nagtatatalon sa kasiyahan
“Pilipinas ang aking Silangan”
malayang tula ni Micah Duque
Pilipinas ang aking sinilangan
Dito ako lumaki ng may pinag-aralan
Dito natuto kung paano magmahalan
Ng wagas at walang pag-aalinlangan
Pilipinas na puno ng pag-aawayan
Gulo at sigalot sa buong kalupaan
Baril at dugo ang kapalit
Upang kapayapaan ay makamit
Pilipinas ang Perlas ng Silangan
Ito’y punong-puno ng kagandahan
Magagandang likas na yaman
Na umaakit sa mga dayuhan
Ako ay naawa
Sa ating kahabag-habag na bansa
Ang kaniyang mga paa ay pinag-aagawan
Ng mga bansang puno ng gahaman
O’ bansa paano ka pangangalagaan
Pano ka iiiwas sa sigalot at awayan
Ika’y kahabag-habag Pilipinas
Tutulungan ka ng ika’y makaahon ng lubos
“Mahal kong Sarili”
akda ni Micah Duque
Ako ay nag-aalinlangan
Kung ako ba ay bughaw o rosas
Alin ba ang pipiliin?
Maging tanggap ng lipunan o ng sarili
Hindi kami tanggap sa lipunan
Kami ay salot at pinagtatabuyan
Bakit ganito ako? O’ maykapal
Ano ang aking ginawa na ikinagalit mo?
Kailan ba matatangap?
Ang pagkagusto ko sa bughaw at rosas
Hindi naman ito mali
Buhay ano na ba ang nangyayari?
Ako ay nakatago sa ilalim ng lupa\
Ako ay nalulumbay at natatakot
Ako’y umuwi at naghakot
Nang mga kagamitan ko bilang salot
Paalam na mga kapatid
Ako muna ay lalayo pakibatid
Sa aking mga kapamilya
Dahil ako ay malaya na
“Kayamanan”
isang tugmaang tula tungkol sa kalikasan ni Micah Duque
Sisikat muli ang araw sa umaga
Hudyat ng ating panibagong pag-asa
Dito sa bayan na perlas ng silangan
Iba’t-ibang pulo'y may hatid na yaman
Umpisahan na sa batis na malinaw
Bata o matanda ay nagtatampisaw
Tila ba binubuo ng mga ginto
Kakaibang saya ang dinulot nito
Masdan ang mapayapang kapaligiran
Handog niya'y hanging malinis sa katawan
mga ibon dito ay nagsisi awitan
Sa mata'y kay saya at sa kalooban
Perlas ng silanganan aking mahal
Di nagkamaling handog ka ng may kapal
Pagpapanatili ang siyang kailangan
At hindi hahayaang mapagiwanan
Sadyang nakararangal sa mga dayuhan
Kitang kita ang tunay na kagandahan
Mga likas na yamang tila walang humpay
Balik balikan at pupurihing tunay
“Ang Munting Pakpak”
tugmaang akda ni Micah Duque
Isang pangarap ang gusto kong makamit,
Yung tipong walang pinipiling kapalit,
Sa kislap ng tala ako’y nanalangin,
Na sana’y itong pangarap ko ay dinggin
Mayroon akong isang munti at puting pakpak
Lumilipad ng mataas na tila ibon
Ito ay lumilipad ng malawak
Na mas mataas pa sa kalawakan
Ang aking pinakagustong pangrap ay
Ang mabuhay ng malaya at tiwasay
At magkaroon ng matagal na buhay
Makatulong sa magulang at sa bahay
Ano nga ba ang maaring gawin
Upang makamit ang isang bituin
Isang napala buti na mithiin
Ang makatulong ng lubos sa lipunan
Gagawin ko ang lahat
Makamit lang ang buhay na tapat
Makapagbigay ng serbisyo na walang lamat
Ang mamatay ng matiwasay bilang alamat
“Maliit na boses, malaking hakbang”
Tula ni Shalom Dela Cruz
Sa bawat paghakbang ko sa aking buhay
Kita ko ang mga taong matagumpay
Biglang sumagi sa isip, ito na ay
Maging tulad nila, masarap mamuhay
Gustong tumulong, gustong kumita
Gusto na mamuhay, puno ng ligaya
Sabihin sa mundo, pakita sa kanya
Ako’y kagalang-galang, puno ng diwa
Makita ang pitong idolong iniibig
‘Yan ang ruruk ng pinakaminimithi
Maipakita sa mundo aking hilig
Aking mga pangarap iyan ay madai
Sana’y maipakita sa buong daigdig
Sarili’y tinatagong himig at tinig
Pakita sa kanila, angking hiling
Maliit na boses, sana ay marinig
Hindi pa tiyak, hindi pa sigurado
Pero isa lamang ang nalalaman ko
Mapasaya ang sarili, iyan ang gusto
Maginhawa bago lumisan sa mundo
“Tatak”
Tula ni Shalom Dela Cruz
Habang naglalakad at nagmuni-muni
Bigla na lamang sumagi sa isip
“Saan nga ba patungo ang buhay kong ito?”
Labinlimang taon nang naninirahan sa mundo
Wala pa masyadong karanasan, madami pa ang kailangan malaman
Aaminin ko
Ngunit dapat isipin, ako’y bata pa lamang
Mahaba pa ang aking lalakbayin
Mga mabibigat na problema’y ‘wag muna isipin
Pero isa lamang ang aking natitiyak
Gustong mamuhay ng may kabuluhan
May saysay, at nag-iiwan ng tatak
Tumira sa mundo ng walang pagsisisi
Gawin ang bawat minuto, bawat oras, bawat araw
Nag-iiwan ng masayang ala-ala
Mga magagandang ala-alang bubuo sa aking pagkatao
Hanggang sa pagtanda, ito’y dadalhin ko
Para sa sarili, at para sa mundo
“Natitirang Pag-asa”
Tula ni Shalom Dela Cruz
Lumabas ka at tingnan ang buong mundo
Sabihin sa’kin, ano ang nakita mo?
Hanging masimoy, malinis na paligid
O tambak tambak na basura sa gilid?
Mainit na panahon tuwing taglamig
Malalakas na ulan tuwing tag-init
Paglabas ng usok ay rinig na rinig
Pagkalat ng basura’y hindi malimit
Nagkukulay abo na ang mga tubig
Nakakalbo na ang mga kabundukan
Bakit sinira, sa halip na ibigin
Tulong, tayo lamang ang maaasahan
Patuloy na pagsira ng tanging yaman
Ito’y dahil sa mga taong gahaman
Sarili ang inisip, hindi tirahan
Resulta ay pag-awa, kapahamakan
Kayong mga tao, sana’y matauhan
Patuloy na pagsira ng kalikasan
Ito ay ating natatanging tirahan
Sana’y itatak sa isip at tandaan
“Ng may buong kagitingan”
Tula ni Shalom Dela Cruz
Dito sa’king kinatatayuan
Kung saan ako namuhay, unang sinilangan
Sa aking tanging Inang Bayan
Luzon, Visayas, Mindanao
Libo-libong mga kapuluan
Natatagong ganda, dapat matunghayan
Sinakop ng iba’t ibang bansa
Nahawaan ng maraming kultura
Mayabong na kasaysayan ay ang resulta
Mga kapwa Pilipino
Kilala sa pagiging positibo
Anuman ang mangyari, ngiti ay puro
At buong kagitingan aking ipaglalaban at gagawin
Ang kasaysayan at kultura, ito ay dadalhin
Makikipaglaban para lamang maipagtanggol
Bayan nating sinilangan
“Hiling”
Tula ni Shalom Dela Cruz
Sayong pag-uwi, makinig sa balita
Sabihin sa’kin ano iyong nakita?
Kasuya-suya ba o kaganda-ganda
Ako’y sigurado, iyon ay ang una
Sinasabi ng presidente sa atin
Kaligtasan ng tao’y masasalamin
Pwede na sa labas kahit hatinggabi
Walang anumang lagim ang lumalagi
Ngunit ngayon ano na ang nagaganap
Mapulang epekto ay lumalaganap
Lahat ng tao’y kaligtasan ang hanap
Namuhay ng payapa, tanging pangarap
Kasuklam-suklam na pangyayari
Bata o matanda, walang pinipili
Mga karumal-dumal na pangyayari
Masamang mga imahe’y sumasagi
Tanging hiling, problema’y maresolbahan
Mga patayan, at gyera’y itigil na
Ibalik ang dating Pilipinas, dating bayan
Sana’y pagbabago, agad na makita
“Kalayaan Kailan Ka Masisilayan?”
tula ni Nishel Dulalia
Bansang nababalutan ng kaharasan
Rape at droga ilan sa di malutasan
O, aming gobyerno bigyang lutas ito
Nang ang aming bukas ay di maging biro
Respeto’t paggalang sa nakakarami
Nanatili pa ba sating sarili?
Siguro nga ganto tayo'y pinalaki
Ngunit alamin niyo ang tama sa mali
Dalagang kay ikli ng kasuotan
Siya ba ay ligtas pa sating lipunan
Oh, dalaga huwag kang magpapagabi
Peligro sa'yong buhay ay nawawari
Kayong mga kabataan ay magingat
Nang mga buhay nyo'y di mabigyang lamat
Yang mga pulis na kay iignorante
Mga taong dapat kinitil sa korte
Demokrasya na siyang haligi ng bayan
Layunin ng gobyerno panatiliin
Na protektahan ang mga mamamayan
Ang hustisya kailangan nang patuparin
“Pilipinas Bayan Ko”
tula ni Nishel Dulalia
Isang bansang sinalangan
Punong puno ng kayamanan
Asul, pula, puti at dilaw
Ang bandilang winawagaygay
Sa dakong silangan
Kapuluan ay matatanaw
Yaong kanyang mamamayan
Pilipino ang lahing ngalan
Kung tingnan sila'y mahina
Ngunit sila ay subukan
Kailanman di magpapatalo
Sa anumang pagsubok
Kayumangging kulay
Kanilang ipinagmamalaki
Lahing katangi-tangi
Naghahasik sa buong daigdig
Sakupin man ng dayuhan
Di susuko kailanman
Bandila at estadong matatag
Pilipinas ang syang ngalan
“Ang Bituin Sa Karimlan”
tula ni Nishel Dulalia
Ilang taon narin tayo naghihirap
Tayo'y nag-aaral at nagsusumikap
Iyon ay ang mga pangunahing sangkap
Upang maabot ang mumunting pangarap
Doktor, Abogado, Sundalo at Guro
Ilan lang sa mithiin ng mga tao
Sila'y tinuturing na bagong bayani
Hatid ala'y kapwa baya'y nagbubunyi
Sa ngayo'y mas mahalaga ang numero
Ang nais ay pumasa kaysa matuto
Ito ba tinatawag na edukasyon?
Pano na ang susunod na henerasyon?
O, pangarap paano ka makakamtan
Kung ganito ang sistema ng paaralan
Mithiin nating kasingtaas ng bituin
Na tila ba ay mahirap ng abutin
Huwag susuko sa'yong pangarap
Pagkat matutumbasan lahat ng hirap
Gamit ang tulong ng bagong kaalaman
Kabataan maging pag-asa ng bayan
"Masdan Ating Ina"
tula ni Nishel Dulalia
Mga asul at berdeng kapaligiran
Napagkukunan natin ng kayamanan
Tanawin na punong-puno ng buhay
Ngayon ay patay na at wala ng kulay
Mangingisda gumagamit dynamita
Mga puno na nabuwal at nalanta
Ang ilog na kasingkulay na ng uling
Dati hanging sariwa ngayo'y marusing
O, mahal naming ina ng kalikasan
Noon kay linis at ganda mo tingnan
Ngunit ngayo'y tuluyan ng napabayaan
Tayong bantay bakit natin hinayaan?
Aking ina sana kami'y mapatawad
makapiling ka muli ay aming hangad
Di man nangangakong di aabushin
Ngunit sisikapin parin ang tungkulin
Pangangalaga sa ating kalikasan
Wagas na pagmamahal tanging kailangan
Kaya ikaw kumilos na at umaksyon!
Bago pa mahuli ang ating desisyon
“Ligaya”
tula ni Nishel Dulalia
Ako'y isinilang noong Agosto
Isang babae na pinanganak sa Tondo
Paborito ‘kong hayop ay aso
Aking Zodiac sign ay Virgo
Babaeng humihikbi sa likod ng mga ngiti
Pagbabasa patuloy mo upang kwento'y matukoy
Magulang madalas di magkaintindihan
Kaya nauwi sa hiwalayan
Bilang magulang di man sila nagkulang
Aming pag-aaral ay kanilang isinulong
Tanging hangad pangarap namin makamit
Upang aming buhay di magsabit-sabit
Ngunit isang lalaki ang dumating
Binago ang aking paningin
Sakin siya'y nagsilbing kulay
At ilaw sa madilim 'kong buhay
Ako'y isang hamak na dalaga
Ang paboritong prinsesa ngalan ay Belle
At ako'y magpapakilala na
Ang pangalan ko ay Nishel
1 note · View note
sikmurangmaingay · 7 years ago
Text
Gasgas na mga katangahan
Bakit kaya ganun, puro na lang kalandian ang theme ng movies sa pinas these days, not really lahat, but, siguro majority ng movies/series revolves around lambuchingan haha, ok ok, malandi ako, pero syempre, I know my limitations naman, pero sa totoo lang, I can’t seem to watch those teenybopper movies and shit, hindi ko sila matapos. One time kasi, triny kong panuorin yung movie ng kathniel, ok triny ko, sana po eh wag nio akong pagtawanan, I mean, for the sake of trying it lang, siguro hindi ko pa yata nakalahati yung movie, ewan, wala pa yatang 10 minutes, pinatay ko na lappy ko. Ewan ko ba, pero nagtataka talaga ako kung bakit ang daming nauuto ng mga labtim labtim na yan hahaha, not me tho, yun bang, makikipagpatayan talaga sila maipagtanggol lang nila mga idols nila. Eto pa ha, aside from those lambuchingan themes sa mga teleserye and movies, is the predictable story sa mga teleserye.. na enjoy na enjoy panuorin ng mama ko hanggang ngayon, well, ano nga ba mga yun?
1. Mahirap mayaman love story
Ito na yata yung pinakagasgas na plot, mayaman si lalake at mahirap naman si babae or vice versa, at hindi tanggap ng pamilya ni lalake si babae, kasi nga naman, ipapakasal na siya sa tulad nilang Alta at syempre, magmemerge and companies nila, at pagkatapos niyan, eh bigla namang may tutulong kay girl (oh diba, lagi nalang may tumutulong sa mahirap), it’s either mayamang matandang lalake na magugustuhan siya at papakasalan siya, o kaya naman ay mayamang aampon sa kanya at tutulungan siya kung yung lalake yung mahirap
2. Paghihiganti
Ayan na, yung dating inapi api nilang mahirap eh maghihiganti na, paano nga ba? syempre, naba-bankrupt na yung company ni mayaman, kaya hihingi sila ng tulong sa isang unknown company (na hindi nila alam eh pagmamay-ari pala ni dating mahirap), tapos syempre, kailangan eh bongga ang pagbabalik ni dating mahirap, sa teaser ng teleserye, sasabihin eh, “abangan ang pagbabalik ni .......” ayun na
3. Nawalang anak ng mayaman
Ito yung, nawawalan lagi ng anak kasi nga, hindi matanggap nung mama nung mayamang guy na anak ng katulong nila yung nabuntis ni guy, of course, malaking kahihiyan sa fam nila yun noh,like, duhh?!, so ang gagawin ni Donya, eh ipapapatay niya sa driver nila yung apo niya, at dahil sa nakokonsensya yung drayber nila eh, ituturing niyang sariling anak yung baby at palalakihin, oh di kaya eh iiwan niya sa kung saan, and after that eh may makakahanap, at sakto naman eh ka-close pala ng pamilya ni mayaman, at eto pa, tamang tama eh maiinlove yung sanggol (na anak ni mayaman sa mahirap) paglaki nia sa kapatid nia, but of course there will always be a way para magkatuluyan ang mga bida, the twist is, anak pala sa ibang lalake yung itinuturing na anak ni mayamang lalake na ama ni nawawalang baby, oh diba? fucked up lang!
4. Nasirang friendship because of love
Isa rin ito sa mga pinaka-common na plot, it’s either magkaibigang babae/lalake at nagmamahal lang ng iisang babae/lalake. First kind of story eh magkasintahan na sila tapos lihim palang mahal ni bespren si gf/bf ni bespren, tapos nung naghiwalay na sila, dun naman papasok sa eksena si bespren at syempre malalaman ni bff ito at dun na papasok ang mga linyang “Pinagkatiwalaan kita, yun pala, lolokohin mo lang ako, paano mo nagawa sa akin to?” tas sabay iyak o di kaya eh suntok sa bff..
5. Magpapanggap na magjowa, tapos maiinlove din
Ito naman eh modern, kaso mejo gasgas na rin, ito yung makabagong form ng pakikipaglambuchingan, mga teenybopper naman mga to, ang aim nila is to get their exes back, kaya they will agree to act like a couple to make their exes jealous, but afterwards, they will both realize that they actually have fallen for each other, oh diba ang gago lang???!! nyeta
2 notes · View notes
patrickmateo · 7 years ago
Photo
Tumblr media
"Bobo mo naman 6 years sa Engineering"
Yep, 6 years po inabot ko sa isang 5 year course. Bumagsak ako sa ilan kong mga subjects ng paulit-ulit. Lalo na sa Electronics 1 na 3 beses ko syang na-take (wala e ganon talaga. bobo e 😥), kasama na din doon ang mga subjects na dalawang beses kong inulit, yung Integral Calculus, Dynamics of Rigid Bodies, Mechanics of Deformable Bodies, Cisco 2 (Yep Cisco 2 bumagsak ako dun gulat kayo nu? 😂) at Signals and Spectra. Nagka-problema ako noon at nangamba na di na makapag aral kasi halos isang taon na nawalan ng trabaho ang tatay ko. Nagkapamilya ako habang nag aaral ako at di ko na lubos na maisip na ituloy pa yung pag-aaral ko.
Pero eto ako ngayon. Naka graduate ng isa na namang kurso. Pangalawang beses na akong nag aral. Noong una ay nakapag tapos ako ng Associate's Degree in Software Development at nakapag trabaho na din ng ilang beses. Pero eto na nga, tinuloy ko sya sa 5 year course na Computer Engineering kasi, wala e. Masipag mag-aral.. 😂
Naalala ko pa noon nung nagpa-credit ako kay Ma'am Cecille Venal at sinabi nya sakin di ma ke-credit ang mga programming subjects ko dahil masyado nang luma at di na in-line sa bagong curriculum. Kaya wala ako nagawa kundi ulitin halos lahat ng programming subjects. Naalala ko din lahat ng mga sermon sa amin ni Ma'am at lahat ng mga "struggle" na inabot namin sa PD. Ika nga "Never forget the struggle" pero syempre worth-it naman lahat yun. Thank you po Ma'am. 😀
Syempre di din papahuli ang inabot namin sa Adviser namin sa PD na si Ma'am Alonica R. Villanueva na halos sigawan na kami sa department o sa klase nya pag nag papa-check, kasi makulit at pasaway kami eh. Pero dahil dun Ma'am, thank you po. Di namin matatapos yung project at docu kundi dahil sa mga pa-ulit ulit na revisions na pinagawa nyo (Bukod pa yung revisions kay Ma'am Venal syempre hehe 😂)
At sa ka-grupo ko sa PD, Robina Anne Yuson, Mark Joash Samson, Joshua Garcera. Pasensya na talaga sa mga lapses ko sa grupo natin. Nagpapasalamat pa din ako kasi kayo yung naging ka grupo ko. Ang lalakas nyo e. Lalo ka na Robs. Sana makapag hanap na tayo lahat ng work hahaha.
Salamat din sa buong CPE Faculty sa pag gabay samin sa klase at pagtuturo. Kay Sir Ariel E. Isidro, sir pasensya na lagi ako late sa klase nyo 😥 pero thank you pa din Sir, kayo halos lahat yung naging foundation ko sa programming subjects sa CPE, promise sir babaguhin ko na habit ko. Salamat po talaga. Kay Sir Chico GarciaHate na nagbigay samin ng mga malulupit na idea at sa mga turo nyo. Sir salamat din po. 
Sa mga naging classmates ko sa TIP thank you din. Dami nyo para isa-isahin. Pasensya na kung meron man ako nasaktan o naka-alitan sa inyo. Ako pa din ang "Hotdogman" nyo.
Syempre sa family ko din lalo na sa parents ko kay Ken Mateo na sobrang tagal nang nag aabroad. Pa, thank you po sa lahat lahat. Hayaan nyo sa susunod dito na lang tayo at sama-sama na. Ma, Gloria Mateo Ü thank you din po sa lahat. Ang dami kong gastos simula nung nag aral ako ulit e.Hayaan nyo magtitipid na ako. Huehuehue.
Sa mga kapatid ko na pasaway: Krizía Jan Mateo, John Rennekien Mateo, Rialyn Mateo. Salamat din kahit pasaway kayo. (ako ata yung pasaway?) Kay Tita Jocelyn Larsson na walang sawang tumutulong samin lalo na nung nawalang ng work si Papa. Thank you po Tita. Ilista nyo na lang muna, hehe.
At syempre sa asawa ko, Razelle Olarte Laudan - Mateo. Thank you kasi andyan ka pa din. Kahit na nung nag aral ako tapos gf pa lang kita at di na tayo nag de-date kasi wala na pang date simula nung nag aral na ako. Andito ka pa din hanggang ngayon.  Thank you sa pag intindi samin ni Zhia Francheska Laudan Mateo at sa walang sawang suporta. 😍 
Thank you po sa lahat lalo na kay Lord. 😍
MATEO, JOHN PATRICK M.1210266 Bachelor of Science in Computer Engineering Technological Institute of the Philippines Quezon City SOLO AWARDS in TIP: Finalist - Cisco Networking Competition (2014)  Asia Pacific (Ranked 1st) - Cisco CCENT Netriders Round 1 (2016) Asia Pacific (Ranked 63rd) - Cisco CCENT Netriders Round 2 Finals (2016) Best Student - Systems Development (2018) 
GROUP AWARDS in TIP: ABS-CBN Management Queueing System - Technocore (2016) GOLD Merit Award (Best Design Project) 1st Place @ Students' Choice Awards (Design Project) 2nd Place @ Special Guests' Choice Awards (Design Project) 3rd Place @ Employees' Choice Awards (Design Project) 4th Place @ Alumni Choice Awards (Design Project)
1 note · View note
espiritumicca-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Naalala ko nun, nakalikom kami ng 100k galing sa mga abuloy at padala ng mga kaibigan o di kaya'y ka-apelyido namin na nasa ibang bansa. Hindi sa pera, pero sa presensya na naibigay ng ibang tao ko naramdaman na ang laki ng nawalang pag-aari namin simula nang nawala siya. Ang hirap umahon. Natatandaan ko pa kung paano ko pinatuloy at di pinayagang magback out sa isang quiz bee noon sa Lyceum, para lang kahit papano ay madivert daw ang atensyon ko. Kung paano ko umiyak at matulala habang nagllesson sa classroom. Nagkulang ako. Hindi ako naging mabuting ate. Ang dami kong hindi nagawa at napatunayan sayo. Kaya pinangako ko sa sarili ko, na makahanap man ako ng presensya ng isang kapatid, hinding hindi ka nun matutumbasan. Ikaw at ikaw pa din, kulit. Ang hirap mag-isa. Mag-isa kang nasasaktan Mag-isa kang umiiyak Mag-isa kang nasisira at ni isa walang makapansin. Hindi pa ito yung tamang panahon, but soon. Imissyou.
0 notes
vladgonzales-blog · 11 years ago
Photo
Tumblr media
2 notes · View notes
thestagedoorcanteen · 11 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
DUP’s Ang Nawalang Kapatid Stages Additional Shows on March 14, 15, and 16
Coming off a hugely successful and critically acclaimed three-week run, Dulaang UP’s Ang Nawalang Kapatid stages additional shows on March 14, 15, and 16. 
If you missed or would like to relive the Filipino retelling of one of the world’s oldest and longest epic poems, The Mahabharata, then this is your chance to watch the production praised by critics for its direction, text, music, and choreography. Critics laud the production as “an astonishing theatrical experience”,  “an elegant and regal Filipino adaptation”, and Dexter M. Santos’ direction as “breathless and daring”.
The story revolves around the battling royal families of the Pandavas and Kauravas, and the moral dilemma Karna, the lost brother, finds himself in. To whom does he owe his loyalty? To his family or to the state which made him a prince?
Through this production, Dulaang UP seeks to bring the timeless story of The Mahabharata to a wider audience. By filtering the epic through the sensibilities of Filipino artists, the production shows us our Indian roots and its enduring impact on our culture. The production highlights how the epic has shaped strong values like loyalty to family which is so much a part of Southeast Asian culture.
Originally staged as a children’s play, this fiercer, bigger, and more complex staging of acclaimed playwright Floy Quintos’ adaptation of the Indian epic is under the direction and choreography of Santos, with original music by Ceejay Javier. 
The formidable artistic staff is completed by Gino Gonzales, John Batalla, and Ohm David who designs the costumes, lights, and set respectively; Krina Cayabyab for vocal direction with musical arrangement by Louise Ybañez; additional choreography by Al Garcia, Jeffrey Hernandez, Stephen Viñas, and Vincent Pajara; technical direction by Meliton Roxas Jr. and Ohm David; dramaturgy by Teetin Villanueva and Jeffrey Hernandez; and poster design and photography by Dino Dimar. 
Ang Nawalang Kapatid’s additional shows are on March 14 (7:00 pm), 15 and 16 (3:00pm and 8:00pm) at the Wilfrido Ma. Guerrero Theater, 2nd floor Palma Hall, University of the Philippines Diliman. For tickets, sponsorships and showbuying inquiries, call Samanta Hannah Clarin or Camille Guevara 9261349, 4337840, 9818500 loc 2449 or email [email protected].
8 notes · View notes
vladgonzales-blog · 11 years ago
Photo
Tumblr media
5 notes · View notes
vladgonzales-blog · 11 years ago
Photo
Tumblr media
2 notes · View notes