#ang nawawalang kapatid
Explore tagged Tumblr posts
papersparrows · 1 year ago
Text
helpp kinekwento pala ng sister ko sa bf niya yung witch activities ko HAHAHA yung sister ko kasi takot sa abilities ko (not in a bad way but more of takot siyang makakita or maging in touch sa mga nasa kabilang side iykwim and naaamaze daw siya na di ako natatakot at nasanay na ko) then yung bf niya naman na-amaze kaya gusto magpa tarot reading sakin bukas eh sabi ko di pa ko ready magread for other people huhu. medyo personal pa kasi sakin yung readings ko so di pa ko ready talaga to read para sa energy ng ibang tao pero keri naman sabi ko pwede ko namang gawin para matry lang and no charge syempre since di ko rin naman pa bet mag offer ng ganyang services. for personal use ko lang kasi ginagawa to
Sabi bukas g na daw ampota live reading pala gusto eh hiya aq ahahahahahaahha huhu ang awkward kaya non kasi hindi pa ko magaling magshuffle ng cards kaya ang panget pa tignan di ako makakafocus niyan tapos baka matakot sila kasi kumakausap ako ng di nila nakikita HAHAHAHAHA hayszxt bat ko ba kinacareer ang pagiging bruja
Sabi pa ng sister ko baka mas gusto daw nila yung pendulum reading (yes or no questions lang siya kaya di siya as in-depth as card reading) pero mas nakakatakot pag pendulum kasi legit na gumagalaw mag-isa HAHAHAHHA mamatay man na-witness na to ng mga kapatid ko kaya mejj takot sila sakin pagdating sa ganyan haha. Ang pendulum reading ginagamit ko mostly for instant clarity sa isang situation na di naman need ng in-depth na insight talaga. Or, super effective siya for me when finding lost items. Since yes or no q's lang siya madaling ituro kung nasan yung isang nawawalang bagay and so far never pa siyang nagkamali sakin. Wh3w parang i should have stayed in the broom closet talaga ano pero at least tanggap nila ko hahahah
4 notes · View notes
lemondenz · 3 months ago
Text
"PASTOL"
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
"PASTOL"
-Yameir Viel Palma Lapuz
SISIMULAN SA MGA KATAGA
NA SALAMAT, DAHIL KAYO ANG ITINALAGA
SAKRIPISYO NG PAGIGING EHEMPLO
NAGING DAAN SA BAWAT BUHAY NA NARIRITO
NAGTIWALA KAYO HINDI LANG SAINYONG KAKAYAHAN,
KUNDI SA KALAKASAN NA KANYANG NILAAN,
NA SA BAWAT PAGTAYO NYO SA HARAPAN
AT PAGSUNOD SA KANYANG KALOOBAN
MARAMING BUHAY ANG NAPANALO,
DAHIL SA HINDI NYO PAGSUKO
AT PAGSUNOD SA KANYANG PANGAKO
NA HINDI NINYO HINAYANG MABIGO
SALUDO SA TAPANG NA MAYROON KAYO
SA LAKAS NG LOOB NA DALA NYO,
SA BAWAT MENSAHE NA PINILI NYONG SABIHIN
DAHIL ALAM NYONG PARA DIN IYON SAAMIN
SA MGA SALITA NA TUMATANIM SA PUSO,
MADALAS TUMATAGOS NG BUO,
AT MINSAN MAPANAKIT NG HUSTO,
PERO NAGING INSTRUMENTO, INSTRUMENTO NG BOSES NI CRISTO
SALAMAT KASI MAYROON KAMING KAYO
TUMAYO BILANG KAIBIGAN AT KAPATID ESPIRITUAL,
MGA IDOLO PAG DATING SA PANANAMPALATAYANG PUNO NG PUSO
AT PAGIISIP NA PUNO NG PAGUNAWA AT POSITIBO
MAHAL NAMIN KAYO
GAYA NG PAGMAMAHAL NYO,
HINDI MAN NAMIN MADALAS MAPAKITA
KASI MINSAN MARAMI SAAMIN ANG WALA
PERO SALAMAT,
KASI SA BAWAT PAGALIS AT MULI NAMING PAG BALIK
HANDA NYO PARIN KAMING YAKAPIN NG MAHIGPIT
AT PAALALAHANAN NA WAG NG UMALIS ULIT
SALAMAT DAHIL NANATILI KAYONG NANDYAN,
NAGPAPATULOY SA PAGLILINGKOD
NA MINSAN MAN NAPAPAGOD
HINDI PARIN TUMIGIL SA PAGSUNOD
NA ISA KAYO SA MGA PUNDASYON,
NA NAGPATIBAY NG RELASYON,
NA GUMAWA NG AKSYON,
PARA HINDI LUMIHIS ANG AMING DIREKSYON
MARAMI MANG PROPESYON AT AMBISYON
ANG PWEDE NYONG MAGING DESISYON,
PERO PINILI NYO ITO
AT ISA TOH SA MGA PLANO NA HIGIT PA SA KUNG ANO ANG KARANGALAN NA MAYROON SA MUNDO
KAYA PARA SAAMING MGA PASTOR
IBAT IBA MAN KAYO NG PERSONALIDAD,
MAY KANYA KANYA MAN KAYONG DAHILAN,
AT KAKAYAHAN
PERO NANDITO KAYO NAG KAKAISA
NA SUMUNOD SA PAGKAKATAWAG
PARA MAG ALAGA NG MGA TUPA,
HIGIT SA NAWAWALANG ISA.
-----------------------------
Spoken performance done for Pastor Appreciation Month 103024 at Love Fellowship Church International- Camarin
Tumblr media
0 notes
anji-uramiga · 11 months ago
Text
TAHANAN
Kasabay ng pagsalubong namin sa bagong taon ay sinalubong din kami ng mga nakakapagod na problema. Kaya naman ako at ang aking pamilya ay naglakbay patungo sa lugar kung saan ang mga problemang iyon ay mabubura. 
Kami ay nagpunta sa Atimonan Quezon, ang lugar na isa sa pinaka malapit sa aming puso. Bukod sa taglay nitong ganda ay mayaman din ito sa kasaysayan at kultura. 
Tumblr media
Saan matatagpuan ang Atimonan?
Ang Atimonan ay isang bayan sa lalawigan ng Quezon sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng lalawigan, malapit sa baybayin ng Dagat Timog Tsina. Ang Atimonan ay unang nabuo bilang isang bayan noong ika-12 ng Agosto, 1608, kung saan ito ay itinatag ng mga prayle ng Orden ng mga Agustino. Ang pangalan ng bayan ay mula sa salitang "ati" na nangangahulugang “malaking puno” at “buwan” na nangangahulugang “panahon,” na nagpapahiwatig sa pagiging mayaman ng lugar sa mga puno at pagmamahal sa kalikasan.
Destinasyon
Bituka ng Manok: Sa mga dinaanan namin patungo sa Atimonan, Quezon hindi ko nakakalimutan ang tinatawag nilang "Bituka ng Manok" dahil sa kurbadang hugis bituka ng manok na nakikita sa kalsada. Ito ay isang kilalang ruta na may maraming matalim na mga kurba at zigzag, na nagbigay ng siksik na pakiramdam ng paglalakbay.
Tumblr media
Litrato mula sa internet.
Our Lady of Angels Parish Church: Linggo ang unang araw namin sa Atimonan kaya naman kami ay nagsimba sa Our Lady of Angels Parish Church na kilala sa kanyang arkitektural na ganda at makabuluhang bahagi ng kasaysayan at kultura ng lugar.
Tumblr media Tumblr media
Bundok: Sa hapon naman ay umakyat sa bundok na mayroong rebulto ng mga Santo. Napakaganda ng tanawin sa bundok na ito, makikita mo ang pagsasama ng mga bundok at karagatan. Napakalakas ng hampas ng hangin sa lugar na ito, siguro dahil sa kapangyarihan ng aking kapatid. Biro lamang.
Tumblr media Tumblr media
Playa De Lucia Bayview: Ang mga dalampasigan ng Atimonan ay maganda para sa paglangoy, pagsisid, at iba pang mga aktibidad sa tubig. Sa ikalawang araw namin sa Atimonan kami ay pumunta sa Playa De Lucia Bayview. Ito ay isang kilala na destinasyon sa rehiyon dahil sa magandang tanawin ng dagat, pati na rin sa mga pasilidad at serbisyong inaalok nito para sa mga bisita tulad ng mga kuwarto, swimming pool, at iba pang mga aktibidad sa outdoor. Ang Playa De Lucia Bayview ay isa sa mga atraksyon ng Atimonan na hinahanap ng mga turista at bakasyonista para sa kanilang pahingahan at paglibang.
Tumblr media Tumblr media
Tagultol Fishing Festival: Sa pang huling araw namin Atimonan ay aming nasaksihan ang Tagultol Fishing Festival. Ang Atimonan ay may mga tradisyunal na pista at pagdiriwang, kung saan maaari mong masaksihan ang mga pambansang sayaw, musika, at iba pang mga gawain na nagpapakita ng kultura ng Quezon. Sa pagdiriwang na ito, ang mga tao ay sumasayaw na may suot na makukulay may mga disenyo na nag papakita ng ganda ng karagatan. Sabi ng aking ama, ito raw ay paraan para ipakita ang kasaysayan at kultura ng pangingisda sa lugar, pati na rin ang kahalagahan ng pagpapalaganap at pangangalaga sa likas na yaman ng karagatan.
Tumblr media
Bantalakay falls: Sa hapon naman ay dumaan kami sa sinasabi nilang Bantalakay falls. Ito ay pinalilibutan ng kulay Verde na kung saan nakaramdam ako ng pagkamangha sa lugar na ito sapagkat ito ay mayroong kakayahang pagaanin ang iyong pakiramdam.
Tumblr media
Repleksyon
Ako ay namangha sa ganda ng mga tanawin, sarap ng mga pagkain, at ang mga pasyalan na mukhang mamahalin. Ngunit hindi ba ninyo napansin ang nawawalang parte sa aking sanaysay? Iyon ay ang lugar sa Atimonan kung saan mas pinatibay ang samahan ng aking pamilya, lugar na punong puno ng kasiyahan, tawanan, at kwentuhan, na isa sa aming kayamanan. Ang lugar na iyon ay ang aming tahanan sa Atimonan.
Higit sa mga pasyalan, ang pinaka mahalagang bahagi ng aming paglalakbay ay ang mga simpleng sandaling nagkasama-sama kami ng pamilya. Mga masasayang kwentuhan habang nagluluto, pagtulong-tulong sa paghahanda ng mga gamit para sa mga pupuntahan, at mga gabing puno ng tawanan at kwentuhan sa ilalim ng mga bituin.
Kaya naman, ang bakas ng aming mga paa sa bawat lugar na aming pinuntahan ay nakaukit na, katulad ng mga bakas ng mga masasayang alaala na nakaukit na sa aking puso't isipan.
Masayang mag lakbay kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay.
MGA SANGGUNIAN:
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Atimonan
https://www.google.com/travel/hotels/Playa
https://www.tripadvisor.com.ph/Attractions-g7982140-Activities-Atimonan_Quezon_Province_Calabarzon_Region_Luzon.html
1 note · View note
rosetan · 4 years ago
Text
Tumblr media
Señorita Series Honoria 2012 The trouble with holding and kissing her like that, once he started, he could not stop. Unti-unti nang iginugupo ng Alzhiemer’s ang isip ng ama ni Honoria pero nang ideklara nitong may anak ito sa labas at doon iiwan lahat ng kayamanan, napilitan siyang sumama kay Laren sa Masbate para hanapin ang nawawalang kapatid niya. Close ito sa kanyang ama at nag-aalala ito sa kalagayan ng matanda. Nagprisinta ito kaya hindi na siya tumanggi. But Laren was the last person she wanted to be with. Because when she was seventeen, she placed a pillow around her belly to make Laren believe she was pregnant. Kaya hanggang sa kasalukuyan, pinagtatawanan pa siya nito at sigurado siya, walang gagawin ito kapag magkasama sila kundi ipaalala sa kanya ang kalokohan niya. But that wasn’t the worst part. The saddest thing was keeping the truth from him. Na totoong dinala niya sa sinapupunan ang anak nila…
0 notes
trendingph · 4 years ago
Photo
Tumblr media
Marian, nakilala ang "nawawala" nyang kapatid 🤣 Nakilala na ni Marian ang kanyang "nawawalang" kapatid sa isang episode ng Juan for All 🤣🤣🤣 #Marian #nakilala #ang #quotnawawalaquot #nyang #kapatid Source link www.facebook.com https://trendingph.net/marian-nakilala-ang-nawawala-nyang-kapatid-%f0%9f%a4%a3/?feed_id=67508&_unique_id=5ff57ceda4cd7 #ang #kapatid #marian #nakilala #nyang #philippinenews #philippinesnews #quotnawawalaquot #trendingph
0 notes
iceprince47 · 5 years ago
Photo
Tumblr media
#MagandangBuhay #WonderfulWednesday #BlessingsInLife #GiveThanks #ThankYouForTheLove #FamilyIsLove #Dungaw #SantoRosaryo #LordHealOurLand #HealTheWorld #IbatIbangKaloobIsangDebosyonTungoSaIisangMisyon #IbiginMoAngDiyosNgBuongPusoKaluluwaAtLakas #TagalogMassReading #AwitAtPapuri #AngMabutingBalita MABUTING BALITA Mateo 10, 1-7 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong makabayan at si Judas Iscariote, ang nagkanulo kay Hesus. Ang labindalawang ito’y sinugo ni Hesus at kanyang pinagbilinan: “Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos." Ang Mabuting Balita ng Diyos. #FaithHopeLove #LiveLaughLove #EnjoyLife #HappyAndContented (at Waterhole-A Bgy Comm QC) https://www.instagram.com/p/CCYlaWEnBo_1vSfjc6-O2TSUoTPcb2Rpprh-Uk0/?igshid=1d62a1cpahapl
0 notes
lifeinthedlist · 5 years ago
Text
1992
Ilang linggo bago magsimula ang school year isinama ako ng nanay ko para bumili ng school supplies ng mga kapatid ko. Hindi magkamayaw ang mga tao sa loob ng Ever Gotesco. Oo, wala pang SM Southmall nung mga panahong iyon.
Ang sabihing mad house ang loob ng Ever Gotesco ay understatement of the year. Kagulo ang mga nanay sa pagbili ng patong-patong na notebook na may mukha ni Judy Ann, Jolina, Marvin at Wowie De Guzman. Patong-patong na papel from grades 1-6 at lapis, Mongol number 2. Hanggang ngayon hindi ko parin alam bakit kailangan number 2 at ano ang difference nila.
Habang abala ang nanay ko kapipili ng mga gamit para sa mga kapatid ko, sumunod ako sa kuya ko. Si ate, ewan ko nasaan. Ang alam ko apat kaming pumunta roon pero hindi ko malaman kung saan sumuot ang ate ko. Going back, sumunod ako sa kuya ko na tumitingin ng mga ballpen na hindi naman nya mabibili dahil mahal. Nakasunod lang ako sa kuya ko, ngunit sa hindi ko matandaang dahilan na-distract ako. Ilang minutong nawaglit ang atensyon ko sa kapatid ko. Noong maalala kong may kasama pala ako, wala na ang kuya ko.
Nganga.
Para sa batang apat na taong gulang, maliit at mataba, napakalaki ng mundo. Nagitgit ako ng na gitgit ng mga tao pero hindi ako nanalo. Natangay ako sa daloy ng mga tao hanggang sa nadala ako sa gilid.
Luminga-linga.
Walang nanay, walang ate, walang kuya.
Sa huli ginawa ko tanging option na mayroon ako. Umiyak ako. Ngawa. Ngal-ngal. Tulo-uhog.
Maya-maya pa may mag-asawang lumapit sa akin at nagtanong:
“Bata bakit ka umiiyak?”
Suminghot-singhot saka sumagot ng: “Nawawala po ang Nanay ko.”
In-denial. Isang katangiang madadala ko hanggang sa paglaki.
Noong mga panahong iyon usong-uso ang nawawalang bata. At dahil nga uso, alam agad ng mag-asawa ang gagawin sa akin. Ilang minuto pa nandoon na ako sa puwesto ng mga cashier at tinanong ng: “Anong pangalan mo?”
Kagaya ng lahat bata alam ko ang pangalan ko at kung saan ako nakatira. Ilang minuto at ayan na ang all too familiar announcement sa mga mall.
“Calling the attention of the parents of the lost girl.”
Apparently, sa sobrang abala ng mga kamag-anak ko pagbili ng gamit sa eskwela nakalimutan nilang apat nga pala silang nagpunta roon. Dali-dali raw silang tumakbo papunta sa cashier kung saan ako naroroon.
Agad akong kinuha ng nanay at pinunasan ang luha at tumutulong uhog.
Nang makalayo sa mga tao, talak ang inabot ng mga kapatid ko sa nanay namin.
Bilang bunso at paboritong anak ng tatay ko, pinapangako kami ng nanay ko na hindi sasabihin sa erpats ko at malilintikan sila.
Nakauwi na. Walang nagbanggit sa tatay ko. Hanggang ngayon.
1 note · View note
sikmurangmaingay · 7 years ago
Text
Gasgas na mga katangahan
Bakit kaya ganun, puro na lang kalandian ang theme ng movies sa pinas these days, not really lahat, but, siguro majority ng movies/series revolves around lambuchingan haha, ok ok, malandi ako, pero syempre, I know my limitations naman, pero sa totoo lang, I can’t seem to watch those teenybopper movies and shit, hindi ko sila matapos. One time kasi, triny kong panuorin yung movie ng kathniel, ok triny ko, sana po eh wag nio akong pagtawanan, I mean, for the sake of trying it lang, siguro hindi ko pa yata nakalahati yung movie, ewan, wala pa yatang 10 minutes, pinatay ko na lappy ko. Ewan ko ba, pero nagtataka talaga ako kung bakit ang daming nauuto ng mga labtim labtim na yan hahaha, not me tho, yun bang, makikipagpatayan talaga sila maipagtanggol lang nila mga idols nila. Eto pa ha, aside from those lambuchingan themes sa mga teleserye and movies, is the predictable story sa mga teleserye.. na enjoy na enjoy panuorin ng mama ko hanggang ngayon, well, ano nga ba mga yun?
1. Mahirap mayaman love story
Ito na yata yung pinakagasgas na plot, mayaman si lalake at mahirap naman si babae or vice versa, at hindi tanggap ng pamilya ni lalake si babae, kasi nga naman, ipapakasal na siya sa tulad nilang Alta at syempre, magmemerge and companies nila, at pagkatapos niyan, eh bigla namang may tutulong kay girl (oh diba, lagi nalang may tumutulong sa mahirap), it’s either mayamang matandang lalake na magugustuhan siya at papakasalan siya, o kaya naman ay mayamang aampon sa kanya at tutulungan siya kung yung lalake yung mahirap
2. Paghihiganti
Ayan na, yung dating inapi api nilang mahirap eh maghihiganti na, paano nga ba? syempre, naba-bankrupt na yung company ni mayaman, kaya hihingi sila ng tulong sa isang unknown company (na hindi nila alam eh pagmamay-ari pala ni dating mahirap), tapos syempre, kailangan eh bongga ang pagbabalik ni dating mahirap, sa teaser ng teleserye, sasabihin eh, “abangan ang pagbabalik ni .......” ayun na
3. Nawalang anak ng mayaman
Ito yung, nawawalan lagi ng anak kasi nga, hindi matanggap nung mama nung mayamang guy na anak ng katulong nila yung nabuntis ni guy, of course, malaking kahihiyan sa fam nila yun noh,like, duhh?!, so ang gagawin ni Donya, eh ipapapatay niya sa driver nila yung apo niya, at dahil sa nakokonsensya yung drayber nila eh, ituturing niyang sariling anak yung baby at palalakihin, oh di kaya eh iiwan niya sa kung saan, and after that eh may makakahanap, at sakto naman eh ka-close pala ng pamilya ni mayaman, at eto pa, tamang tama eh maiinlove yung sanggol (na anak ni mayaman sa mahirap) paglaki nia sa kapatid nia, but of course there will always be a way para magkatuluyan ang mga bida, the twist is, anak pala sa ibang lalake yung itinuturing na anak ni mayamang lalake na ama ni nawawalang baby, oh diba? fucked up lang!
4. Nasirang friendship because of love
Isa rin ito sa mga pinaka-common na plot, it’s either magkaibigang babae/lalake at nagmamahal lang ng iisang babae/lalake. First kind of story eh magkasintahan na sila tapos lihim palang mahal ni bespren si gf/bf ni bespren, tapos nung naghiwalay na sila, dun naman papasok sa eksena si bespren at syempre malalaman ni bff ito at dun na papasok ang mga linyang “Pinagkatiwalaan kita, yun pala, lolokohin mo lang ako, paano mo nagawa sa akin to?” tas sabay iyak o di kaya eh suntok sa bff..
5. Magpapanggap na magjowa, tapos maiinlove din
Ito naman eh modern, kaso mejo gasgas na rin, ito yung makabagong form ng pakikipaglambuchingan, mga teenybopper naman mga to, ang aim nila is to get their exes back, kaya they will agree to act like a couple to make their exes jealous, but afterwards, they will both realize that they actually have fallen for each other, oh diba ang gago lang???!! nyeta
2 notes · View notes
helloartofwonder · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
ANG NATAGPUANG TUPA
Simula pagkabata, lingid na sa kaalaman ko na may Panginoong Diyos na dapat sambahin. Kilala ko ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, sapagkat lagi ko silang nababanggit sa tuwing ako ay nag-aantanda. Nakikita ko rin ang mga rebulto ng iba’t ibang santo at ang larawan ni Hesukristo sa krus ng kalbaryo sa mga simbahan na aking pinupuntahan. Alam ko rin na binuwis ni Hesus ang sariling buhay para sa aking mga kasalanan, sa kasalanan ng sanlibutan. Ngunit hanggang doon na nga lang ba matatapos ang pagkakakilala ko sa totoong Diyos?
Lumaki ako sa pamilya na may matinding paniniwala at pananampalataya sa  pagiging Katoliko, kaya naman ito na ang relihiyong kinagisnan ko. Batid ko na lagi silang sumisimba at ang ilan pa nga sa kanila ay mga aktibong miyembro ng simbahan. Ang dalawa kong kapatid ay isang mang-aawit at tagatugtog naman ang isa. Kaya bata pa lang, madalas na akong napapasama sa mga gawain sa simbahan. Ngunit, tila nagbago ang lahat nang ako ay lumaki. Napansin ko na lumilipas ang araw ng Linggo na hindi ako nakakapagsimba. Ginugol ko ang oras para sa sarili, pamilya, kaibigan, at pag-aaral. Masaya naman akong namuhay noon sapagkat nagagawa ko ang lahat ng gusto ko, ngunit, hindi ko akalain na may mas sasaya pa pala sa pakiramadam na iyon. Hanggang sa dumating sa punto ng aking buhay na hinanap ko ang sarili, ang halaga ko sa mundong ito, sapagkat alam kong may kulang sa akin at hindi ko maintindihan kung ano iyon. Mahirap pala talagang kwestiyunin ang sarili.
Isang araw, inanyayahan ako ng isang matalik na kaibigan na dumalo sa kanilang bible study na ginaganap tuwing Martes ng hapon. Noong una, nag-alinlangan pa ako kung sasama ba o hindi sapagkat ibang relihiyon ‘yun, pero sa huli ay hinayaan ko ang aking sarili na makapakinig ng mga salita ng Diyos. Malungkot mang isipin, gumawa ako ng malaking bakod sa aking puso at sinarado ang isipan sa mga aral na kanilang ipinapahayag. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan, napansin ko mismo ang mga pagbabagong naganap sa aking buhay magmula nang ako ay napalapit kay Kristo at nabahagian ng Kanyang mga salita. Hindi ko sukat akalain na ako ay magiging isang aktibong kristiyano pala at makikita mismo ang kabutihan at pagkilos ng Panginoon sa aking buhay.
Kung iisipin ang mga pagkakamali na aking nagawa noon, makikita na binalewala ko ang Panginoon. Kaya naman napagtanto ko na ang pamumuhay na walang Panginoon ang maituturing kong pinakamalungkot na pangyayari na mararanasan sa buhay ng isang tao. Pero, naniniwala pa rin ako na ang lahat ng tao katulad ko ay may pag-asa na makakilala at maligtas kung tatalikdan lamang ang kanilang mga kasalanan. Maihahalintulad ko rin ang aking sarili sa nawawalang tupa sa talinhaga ng Panginoong Hesus sa Lukas 15. Nakasaad dito na kung mayroong 100 tupa at ang isa ay nawala, handang iwanan ng nagpapastol ang 99 para hanapin ang isang naliligaw. Sapagkat sinasabi rito na higit na magsasaya at magdiriwang ang kalangitan kapag ang isang makasalanan ay natagpuan at tinalukuran ang kanyang mga kasalanan kaysa sa 99 na matutuwid at hindi na nangangailangang magsisi pa.
Sa ngayon, malinaw at naiintindihan kong mabuti ang ginawang pagpapakasakit ni Hesus sa krus. Sapagkat gayon na nga lamang ang pag-ibig ng Ama kaya’t ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak para sa kapatawaran ng kasalanan ng sanlibutan. Anong pag-ibig pa kaya ang makahihigit dito? Wala na Napakabuti ng Panginoon dahil kalooban Niya na ang lahat ng tao ay maligtas, ngunit ang tao nga lang mismo ang gumagawa ng paraan para lumayo sa Diyos. Nunawaan ko rin na totoo ngang sa panahon na ang tao ay hindi tapat sa Kanya, nanatili pa rin Siyang tapat.
Kung dati ay namumuhay ako para sa sariling kalooban, ngayon ay kalooban na ng Panginoon ang aking nilalakaran. Hanggang ngayon, patuloy ko pa ring nasasaksihan at nararanasan ang Kanyang kabutihan at kadakilaan sa aking buhay. Sa Kanya ko rin natagpuan ang tunay kong halaga, Siya ang bumuo sa akin. Dahil sa Kanyang habag at awa, ako ay naligtas at hindi man karapaat-dapat ngunit pinaging dapat Niya.
 Credits to google for the pics
0 notes
hindiakowriiter · 8 years ago
Photo
Tumblr media
At dahil sa isang bote ng alak nagkakilala tayo. Ikaw si Mikko. Siya si Isay. Siya naman si Bianka. Ako si Anthony. Kasama ko sila. Wala kang kasama? Wala. Lasing kana, pero hindi naman sa sobrang lasing, pero lasing kana nong makilala ka namin. Nalasing rin ako pero hindi ko pinahalata. Kilala ako nila Isay at Bianka alam nilang malungkot ako. At alam nila, na kailangan ko nang kaibigan. Traydor dahil umalis din sila at kaya nagkwentuhan tayo. Nagkwento ka tungkol sa librong binabasa mo. Kay Salinger. Kay Holden Caulfield. Sa pelikulang pinapanood mo. At ang shit ko kasi wala akong pinapanood na pelikula. Ayokong sabihin na naglulaw school ako kaya wala akong napapanood dahil alam ko namang hindi yun excuse at baka magbago ang tingin mo sa akin.  
Nagkwento ka sa aking tungkol sa buhay mo at sa nakababata mong kapatid. Nahulaan mong nag iisang anak lang ako. Pero hindi mo nahulaang malungkot ako. Ni minsan hindi mo sinabi ang pinag aralan mo, ang lugar kung saan ka nagtatrabaho at saan ka nakatira. Patas lang yun sabi ko, hindi ko rin naman sinabi ang tungkol sa akin. Pero sa kabila ng lahat iniisip ko kung mangyayari ba ito nang hindi tayo lasing. Hinalikan mo ako dahil lasing ka. Niyakap mo ako dahil lasing ka. Gusto kong hawakan ang kamay mo kahit hindi kita kilala. Akayin ka sa daan pauwi kahit hindi ko alam ang bahay niyo. Gusto ko pang makausap ka nang matagal. Lasing kana bago palang tayo magkakilala. Pero hindi ako lasing nong makilala kita. Pinagmamasdan kita nang tahimik habang pinapanood ka uminom.  Pakidamdam ko katulad ka sa mga nawawalang gusto lamang mahanap nang taong magpapahalaga sa kanila.  Isa ka sa mga katulad nilang nag aantay lamang na mahanap. Nahanap kita pero hindi ako ang tamang taong gusto mong magpahalaga sayo. Lasing ka nong makilala mo ako. Patas ka lang, sabi ko sa sarili ko. Ako lang naman tong hindi kahit kailan naging patas sa sarili ko.
Nagkape tayo sa starbucks dahil ayokong umuwi kang lasing. Nagbabakasakali na baka pagnawala na ang impluwensya ng alak at kapag luminaw na ang pag iisip- maalala mo parin ako. Hinatid kita sa may sakayan, siguro taga Malolos ka kasi dun ka sasakay. Sumakay ako ng taxi at binalikan sila Isay at Bianka. Hinatid ko si Bianka sa Pasig at si Isay sa Katipunan bago ako umuwi sa Novaliches.
Nong makauwi ako sa bahay, nasa kwarto ko si mama. Nakaidlip na sa lamesa kasama nang mga readings ko. Nagising siya nong binuksan ko ang ilaw. Tinanong niya ako kung saan ako galing- nagsinungaling ako, sabi ko sa Tagaytay birthday ng boss ko.
“Bakit amoy alak ka?” “Konte lang.” Alam niyang nagsinungaling ako pero hinayaan lang niya ako. “Ma, wag mong labhan yung polo ko.” Dahil naiwan sa polo ko ang amoy ng pabango mo.
Nahiga ako pero hindi ako maklatulog. Iniisip kita. Hinahanap ang twitter mo. Nahanap ko pero nakaidilip na ako, siguro sa kalasingan na rin. Nagising ako nang alas 7 ng umaga. Masakit pa ulo ko nun pero nagmamadali akong umalis sa bahay kasi may meeting ako sa DBM nang alas nuebe. Sa sasakyan iniisip kita- kung nakauwi kaba ng ligtas at nong tiningnan ko ang twitter mo sabi mo nagising ka kasi pinulikat ka.   Minessage kita at nagsorry sa nangyari nong gabi. Sumagot ka at nagkausap tayo saglit hanggang sa paikli nang paikli ang mga sagot mo. Huli akong sumulat sayo labing-walong oras na ang nakakaraan at hindi mo na ako sinagot.
Nong meeting hindi ako makapag isip. Pagbalik ko sa opisina, hindi ako makapagsulat. Tiningnan ko ang twitter mo pero panay retweet lang ng memes ang nakita ko. Sabi mo sa bio mo: “Misunderstood sports junkie of few words and a thousand memes”. Halos buong araw ikaw ang iniisip ko at ang nangyari nong nakaraang gabi. Gusto kong bumalik sa Freds. At ngayong gabi kahit maulan ay nandito ako pero wala ka. Naiwan ko ang sarili ko sa Freds. Naiwan ko ang katinuan ko sa Freds.  Iniwan mo ako sa Freds. At kanina nong bumalik ako- iniwan narin kita sa Freds. Salamat. Paalam.
05-26-17 Freds Revolution Cubao Expo
4 notes · View notes
itsthediaryofme · 8 years ago
Text
Tiwala
Ano nga ba para sa atin ang salitang tiwala? Isa itong salita na may anim na titik. Simple, pero isang napakahalagang salita para sa atin. Isan salita na kapag iyong sinira, hindi na maibabalik pa sa dati. Tiwala ang nagbubuklod sa dalawang taong nagmamahalan, tiwala rin ang bumubuo sa isang pagkakaibigan. Pero paano na kung and tiwala ay nawala? Paano na kunng ang tiwala’y nasira? Muli ba itong maibabalik sa dati, na parang walang nangyari? Maibabalik ba ito sa pamamagitan ng sorry?
Isang pagmamahalang nabuo dahil sa parehong interes, parehong ugali, personalidad, at higit sa lahat ay pareho ng nararamdaman. Isang pagmamahalang nabuo dahil sa simpleng pagkakakilala lamang. Nagkabungguan, nagkapalitan ng pangalan, lumabas ng magkasama. Nabuo sa pagmamahalan ang tiwala sa isa’t-isa. Na walang kahit sino mang makapaghihiwalay sa kanila. Na kahit na anong mangyari’y sila parin ang magkasama. Nagbuo ng pangarap, nagplano, sumabay sa agos ng kanilang mga damdamin. Pero hindi naman laging masaya ang mga taong umiibig. Ika nga nila’y hindi laging pasko. Nagkakaroon ng problema, nagkakaaway, nagkakatampuhan, na hindi nila alam na nagtatanim na ng galit sa isa’t-isa. Kahit ano’y nagiging sanhi, selos, pamilya, eskwela, trabaho, pera, kaibigan, at maari pang magkaroon ng iba. Hanggang sa hindi na namalayang unti-unti na palang nawawala ang tiwala sa isa’t-isa. Nasisira, nababasag, unti-unti hanggang sa wala nang matitira. Lumalabo ang mga bagay-bagay na dati’y napakalinaw pa. Nawawala ang pagmamahal na dati’y ipinagmamalaki sa iba. Gumuguho ang lahat ng pangarap na dati’y binuo nang magkasama. Totoo nga na ang tiwala’y isang salamin na kapag nabasag ay hindi na kaya pang buuin. Tiwala na dati’y isang pundasyon ng matibay na pagmamahalan, na kalauna’y mawawasak at masisira rin. Akala natin happy ending? Hindi rin, lahat ng bagay may kahihinatnan rin. 
Tumungo naman tayo sa isang pagakaibigang binuo nang iisang pangarap. Isang pangarap na nasundan pa ng napakarami pang pangarap. Katulad ng pagiibigan naging isang matinding undasyon ay ang tiwala. Katulad ng pag-ibig na binuo rin ng iisang interes, personalidad, at ugali. Lumaki nang magkakasama, magkasangga ang bawat isa. Ngunit kaiba ng pag-ibig, ang pagiibigan ay maaaring bumuo ng napakalaking grupo. Grupo na nagdadamayan sa lahat nang aspeto. Sa sakit, sa ligaya, sa saya, sa kabaliwan at iba pa. Sila ay handang tumulong, dumamay at sumoporta. Sila ang mga kapatid sa iba-ibang ina at ama. Ngunit, katulad ng pag-ibig ay nagkakatampuhan rin. Sabi nga nang iba mas masakit kapag kaibigan ko ang nakipag-break sakin. Totoo nga, higit sa pagmamahal bilang isang kaibigan, kapatid, kapamilya, o kapuso man. Hinding-hindi matitiis ang bawat isa. Namimiss kapag may nawawalang kasama. Minsan natutukso na, “magkamukha na kayong dalawa!” Ganyan katibay ang isang pagkakakaibigan, na kahit subukin man ng kahit na sino man, sigurado tayong walang tulugan... este walang iwanan. 
Iba-iba mang relasyon ang nabubuo sa tiwala, lahat ito’y may mabuting dulot naman. Tiwala na nagiging isang matibay na pundasyon ng relasyon. Mapa-pamilya man, pagiibigan, o pagmamahalan ng magkakaibigan. Napakasayang isipin na maraming magandang dulo ito, ngunit napakasakit rin kapag nasira mo.
1 note · View note
merielletters · 8 years ago
Text
Goodbye! Bong
Today.. April 6, 2017
Actually, sa araw na 'to wala pa kong masyadong nagagawa sa trabaho ko. Wala eh, pakiramdam ko lutang lang ako .. Di kasi ako makapaniwala na .. I have one close friend na wala na :'( He already passed away. God already put an end to his life .. ofcourse for a reason and nobody knows y?! Wala eh, ganun talaga life is short! Ang bilis, maiksi, walang pasabi, walang premonition, wala ..
I have read already na usually daw before a man dies, kadalasan before sumapit ang birthday nila! And I can say, maybe yes, maybe NO. My father died before his Birthday and now my childhood friend died before his birthday! April 4, 2017. One of my closest friend celebrates her Birthday! while (He) our friend is dying without our knowledge. 15 days before his Birthday, he didn't make it. April 19, 2017, 25 years na isi-celebrate yung birthday mo.. usually sa dagat madalas yung venue natin kapag birthdays eh! Minsan talaga ang tadhana mapagbiro, akalain mo nung fiesta sa amin, yun yung eksaktong araw na kinuha ni Lord ang tatay ko. Kaya nga pag-fiesta sa amin masaya ako na may konting lungkot. (Sniff!) Then ngayon, you died at a very young age kasabay ng birthday ng isang barkada natin at kasabay ng birthday ng kapatid ko!!!! (Sniff!!!) Maraming naputol .. I remember how our future be like as we crazy planned it. Na ako gagraduate muna ng college, okey lang magboyfriend basta wag muna mag-aasawa ng maaga .. tapus mag-iipon ng pera and magpu-put up tayo ng business, we are the funny crazy owner yet witty and mababait na may-ari :) Magsu-swimming pa tayo sa isang sikat at mga kilalang beach resort at ikaw kaliwaan ang chicks na kasama at kami .. happy enjoying the vacation with our only love! haha tapus pinagsasawaan ang mga hot at poging lalaki, pinagsasawaan ng tingin!!!! (Puro kalokohan) :D Magtatravel din tayong magkakasama :) Magdi-disco sa isang high class na bar .. 'yung uuwi sa atin na de kotse! that somebody we will open up the door for you tapus slow motion kang lalabas ng naka-sun glasses. 'Yung gwapong gwapo ka sa sarili mo na feeling mo artista ang bumaba ng sasakyan :)Yays! Then kapag nagkaroon na ng family ang bawat isa .. tayo tayo mismo ang magiging Godfather at Godmother ng future kids. (Alam na alam ko kung sino ang gusto mong maging ka-forever! haha :) Alam ko rin kong gaano ka ka-compepetive!) Nagbibiruan pa nga tayo kung sino ang mauuna? haha What a life!!!! (Those are our future plans! but sad to say, Nagdecide na si Lord .. wala tayong magagawa. s'ya yun eh. May you rest in Peace with the Lord.)
I want to cry hard as of this moment! Gusto kong sabihin sa earth na ang daya daya! Nalulungkot ako kasi .. nung time na wala na akong parents .. hindi nila nakita kung paano ako nag-grow as a person, paano ako tumino, paano ko sinunod ang paalala at bilin nila at ngayon hindi na ganun katigas ang ulo ko :) konti nalang. They are the one who cheer me up when I'm down and feel left out. Hays. parati ko nalang sinasaksak sa utak ko na pag may nawawalang isang mahalagang tao, there's a better one who will come that would teach me to become better.
Sa lahat ng advice mo, jokes, crazy conversation, malulupit na imagination :) I will treasure it <3 thanks for telling me na naartehan ka sakin, suplada, hindi palakaibigan atleast alam ko at totoo naman ang akala mo. hehe Despite all that, nag-adjust naman ako :) at alam mo naman kung gaano lang ako kababaw at kalalim na kaibigan. Alam ko na kahit anu paman ang sabihin ko, useless din naman lahat kaya gusto ko nalang e-reminisce yung makukulit at masasayang araw na magkakasama tayo ng barkada :)
Nawalan man ako ng isang kaibigan, hindi okey yun. Pero kelangan kong maging okey kasi .. yun yung better na gawin ko. Hindi ko kasi talaga makuhang maging masaya knowing that lahat ng mahal mo sa buhay ay nagdadalamhati at isa ako dun.
Mamimiss ko talaga yung kaibigan na tulad mo, matalino .. (Hindi ka man College graduate tulad ko, I'm proud to say .. hindi nasusukat sa pagiging degree holder ang talino ng isang tao, nagkataon lang na may merong nagpapaaral at nagpaaral.) Alam natin pareho na ang success hindi nakabase sa Diploma , nakadepende yun kung paano mo paiikutin ang isang Piso para lumago. Diska-diskate lang ika nga. :) Mami-miss ko yung pagtambay sa bahay n'yo, pagswimming sa dagat at waterfalls, mamundok, pumunta ng mga fiesta at makipagsayawan magdamag na kasama ka :)'yung pangungunsinti ng konti, yung hindi pagsumbong sa mga pinaggagawa kong kalokohan (Insert my superfriend! na ex-friend na friend ko na ulit!) Na pagsinabi namin ng kapatid ko kay fatherly at motherly na ikaw at barkada ang kasama .. MATIC! Alam na! :D Sa ngayon in-unfriend ko muna sila lahat .. Wala lang, ayoko lang makita mga itsurahan ng mga yun na dadaan daan sa newsfeed ko. Magugulo kasi yun lahat. Tatlo lang naman kami na super close mong babae eh, .. 'yung pupunta lang sa bahay niyo para makikain at makikipagkwentuhan. Mga abuso!
Naalala ko na naman yung kantang ang lyrics parang ganito: "farewell to you my friend .."
T_T
Farewell to you my friend We’ll see each other again Don’t cry ’cause it’s not the end of everything I may be miles away But here is where my heart will stay With you, my friends with you
Yesterday’s a treasure, today is here Tomorrows’ on its way, the sky is clear Thank you for the mem’ries of all the laughters and tears And not to mention our doubts and our fears The hypertension we gave to our peers It’s really funny to look back after all of these years
Haha funny! 'Yung planong naudlot, hays. Ako tumupad .. nag-aral ako at grumadweyt, hindi nagboyfriend ng kung sino-sinu kundi yung kakilala mo lang :D at naghanap ng magandang trabaho at nag-iipon :)
Anyway, people come and go. May mawawala may dumarating pero no matter what happens, God is in control of everything. Yung nga lang pag mga ganitong moment hindi ako handa, masyadong maaga (sniff!)
Alam ko naman na hindi iiyak ang mundo para sa isang tao na nawala pero sa mga taong nawalan ..
Mas marami na ata akong naattendan ng burol kesa sa mga binyagan at kasalan! Dapat nga sanay na ako dito pero hindi eh. T_T
0 notes
cristinaaaa718 · 4 years ago
Text
Tweeted
Nahanap ko na ang nawawalang kapatid ni Miss Uzeklovakia, si Barby Ghorl. @vicegandako @pochoy29 pic.twitter.com/C2aRPQxChf
— Tina || VK 💛 (@Cristinaaaa718) August 13, 2020
0 notes
phgq · 5 years ago
Text
Marcos asks gov’t to accelerate land titling in Marawi
#PHnews: Marcos asks gov’t to accelerate land titling in Marawi
MANILA -- Senator Imee Marcos on Thursday urged the government to speed up the titling of lands for displaced residents of Marawi City to address the delay in the rehabilitation of the war-torn city.
Marcos said she particularly asked defense officials for a comprehensive plan beyond clearing Marawi of unexploded ordnances and debris by the end of October.
She said her Senate Bill 410 proposes to give government lands, including a portion of military reservation areas, to Marawi evacuees who fled the 2017 terrorist siege.
“Habang nakatiwangwang ang siyudad eh nawawalang gana at nadidismaya ang mga kapatid nating Muslim (Our Muslim brothers are becoming disappointed, as the city continues to lay bare),” Marcos said.
The bill also seeks to replace the provisional Task Force Bangon Marawi with a long-term Bangon Marawi Council that would be chaired by the President.
Under the proposal, the President can declare that military reservation areas are no longer necessary for military use and that government land can be sold or awarded.
The senator said rebuilding a ruined city may call for a new location.
She has also proposed to speed up Marawi’s rehabilitation by easing requirements on procurement and construction for joint venture projects in the city’s most affected areas called Ground Zero.
A five-month armed conflict between the government troops and Maute group-led terrorists reduced the erstwhile vibrant Marawi City to rubble, displacing more than 200,000 people in 2017. (PNA)
***
References:
* Philippine News Agency. "Marcos asks gov’t to accelerate land titling in Marawi ." Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1082184 (accessed October 04, 2019 at 01:55AM UTC+14).
* Philippine News Agency. "Marcos asks gov’t to accelerate land titling in Marawi ." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://www.pna.gov.ph/articles/1082184 (archived).
0 notes
kkatindig · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Cedie, ang nawawalang kapatid ni Debbie Dee #getsCDandDVD #pituapp (at Pasig)
0 notes
glaizanews · 7 years ago
Text
Tweeted
#Contessa: Tuluyan na nga bang tatalikuran ni Bea ang pagiging Contessa alang-alang sa kaligtasan ng kanyang nawawalang kapatid? https://t.co/ea1ee0LU6k#ContessaPagmamakaawa
— GMA Drama (@GMADrama) May 17, 2018
0 notes