group2filipino-blog
Filipino Blog (Ikalawang Pangkat)
3 posts
Koleksyon ng mga tula, sanaysay at maiikling kwento mula sa piling mag-aaral ng G10 - Honesty (St. Mary's College of Meycauayan) Ipinasa nina: Shalom Dela Cruz, Nishel Dulalia, Micah Duque, Christine Zalzos, Miguel Licaros Ipinasa kay: Mrs. Myla Villanueva
Don't wanna be here? Send us removal request.
group2filipino-blog · 7 years ago
Text
MGA SANAYSAY
“Kwaderno”
Shalom Dela Cruz
          Libo-libong mga estudyante ang pumapasok sa kani-kanilang paaralan araw-araw. Bagama’t tingnan muna natin at suriin ang totoong kalidad ng edukasyon dito sa Pilipinas.           Sa buhay ngayon, para ikaw ay makakuha ng malaking sweldo, kailangan mo ng maganda at estableng trabaho. Para magkaroon ng magandang trabaho, kailangan mo munang magtapos ng edukasyon. Sa madaling salita, kailangan ng mataas na kalidad ng edukasyon para sa magandang kinabukasan. Ngunit dito sa Pilipinas, kahit na ang kalidad ng edukasyon ang isa sa mga prayoridad ng gobyerno, minsan ay hindi ito napagututuonan ng pansin. Ilan sa mga dahilan ng pagbaba ng edukasyon dito sa Pilipinas ay mababang sahod ng mga guro, kakulangan sa mga pasilidad ng mga paaralan. Matagal na itong problema ng Pilipinas, at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatamo ang pinakaepektibo at pinakamagandang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral. Dapat ay mabigyan ang bawat tao, mayaman man o mahirap ng magandang edukasyon dahil ito ang magtataguyod at magbubukas ng mabuting kinabukasan para sa kanilang sarili, pati na rin sa bayan.           Isa ang mababang kalidad ng edukasyon sa mga kritikal na suliraning dapat malutas agad ng ating administrasyon. Pagtutulungan at responsibilidad ng gobyerno at ng mga mamamayan ang kailangan para ito ay malutasan, Ikaw, hihintayin mo ba muna ang aksyon ng gobyerno sa suliraning ito, o ikaw sa sarili mo ay magbabago para sa kabutihan ng lahat?
     “Diskriminasyon sa Pilipinas”
Micah Duque
            Ang pinaka-malaking problema sa lipunan ng ating bansa at ng buong mundo ay ang diskriminasyon sa aspekto ng pagiging asyano, sa kulay ng balat at maraming pang iba. Ano nga ba ang Diskriminasyon?. Una ito ang pagtrato ng masama dahil ang isang tao ay naiiba. Sa Pilipinas ang pinaka malalang halimbawa ng diskriminasyon ay ang mga bumbay na naninirahan sa bansa, sila ay kadalasang tinutukso dahil sa kanilang masang-sang na amoy, mahahabang buhok sa lalaki. Isa namang pinaka malala na diskriminasyon ay ang kasulukuyang nangyayari sa Estados Unidos na ang iyong katalinuhan, buong pagkatao ay ibinabase sa kulay ng iyong balat.
         Ang LGBTQ+ ay nakakaranas ng matinding diskriminasyon dahil sila ay naiiba at hindi pinapanigan ng mga grupo ng relihiyon dahil sinasabi daw sa kanilang bibliya na ang ginawa lamang ng ama ay ang babae at lalaki at wala nang iba pang kasarian ang tao kundi yoon lamang. Ang isang halimbawa nito ay ang pagtrato ng parang salot sa lipunan ang mga “bakla” sa parlor na binibigyan tayo ng serbisyo na katulad din ng mga pangkaraniwang tao. Ang isa sa pinaka malalang epekto ng diskriminasyon ay ang pagbaba ng tiwala at pagmamahal sa sarili ng mga tao na nakaranas ng nasabing isyu. Halimbawa din ng diskriminsayon ang pagiging insulto ng salitang “nigga” sa mga tao na hindi naman masasabing isang itim na amerikano. Tulad ng pagsabi ng “nigga ang panget mo, nigga ka kasi ang itim mo”. Para saakin ang diskriminasyon ay hindi kailanman ma-reresolba sapagkat hanggang nandiyan ang pagiging makasarili at masama ng mga mamayan ng mundo.
       Lubos akong nahihirapan sapagkat lahat naman tayo ay tao na mayroong pinaglalaban pero bakit ito ay nauwi sa madugong awayan na ng resulta ng diskriminasyon base sa panlabas na itsura. Ang aking mapapayo sa lahat ng tao na humihinga at nakaapak sa mundo ay mahalin niyo ang isa’t isa ng katulad ng pagmamahal sa atin ng poong maykapal.
“LUBID”
Christine Joyce M. Zalzos
        Ang pagsasagawa ng parusang kamatayan sa isang tao ay isang gawain na isinasakatuparan sa mga krimeng tulad ng pagpatay, pagrape at paggamit ng bawal na gamut. Nakakatulong ba sa ating lipunan ang pagsasagawa ng parusang kamatayan? Solusyon ng aba ito sa problema ng bansa?.
        Ang parusang kamatayan ay isang paglilitis kung saan hindi makatarungan ang ginagawa, binibogyan nila ng hangganan ang buhay sa kung saan pwede pang magbago. Ang mahihirap na nasasakdal ang labis na naapektuhan dahil hindi nila kayang kumuha ng mahusay na abogado upang depensahan ang kaso laban sa mayaman na nasa kabilang panig na nag diriin sa nasusukdulan. Ang parusang kamatayan ay dapat mapatupad dahil ito ay isang paraan at hatol upang bigyan solusyon ang suliranin ukol sa kriminalidad, at ito ay para takutin ang mga criminal na gumawa ng masama. Nguni tang parusang kamatayan naman talaga ay hindi lang talaga ipinapatupad upang pigilan ang kriminalidad, ito ay isang hatol na ipinatupad para ipinaglaban ang hustisya. Napapanahon rin ngayon ang isyung “ extra – judicial killing” at kung ipapatupad ang parusang kamatayan ay posibleng masolusyonan ito ngunit hindi naman ibig sabihin nito na legal na ang pumatay ng tao maging makatarungan lamang ang paghahatol sa mga kriminal          
        Bilang konklusyon, nakikita kong isa itong solusyon sa paglutas ng krimen sa lipunan sapagkat binibigyan ito ng hustisya ang mga nabiktima. Ang pagbibigay ng parusang kamatayan ay isang hakbang upang magsimula ng bagong buhay at makabuo ng panibagong kinabukasan. Ikaw ba, saan ka papanig?
“Giyera”
Miguel Licaros
           Droga, krimen. Ito ang mga bagay na pinagtutuunan ng pansin ng Administrasyong Duterte. Ngunit ang pagpuksa nito ay nababalot ng batikos dahil sa labis na pagpatay sa mga di – umanong salarin. Makatarungan nga ba ito? Dapat pa ba itong ipagpatuloy?                        
          Sa ngayon, kaliwa’t kanang mga balita ang ating naririnig sa radyo, nakikita sa mga pahayagan at sa telebisyon. Mga patayan na may kaugnayan sa droga at krimen na di maipaliwanag ng pulisya. Isang halimbawa ay ang paghuli ng mga pulis Caloocan sa di – umanong tulak ng droga, ang kontrobersyal na si Kian Lloyd Delos Santos. Namatay ang binatilyo dahil di – umanong ito’y nanglaban kaya ito binaril. Naging kontrobersyal ito dahil sa ma-anomalyang pangyayari o foul play na naganap, kaya kaliwa’t kanang pagtuligsa ang naranasan ng ating mga pulisya ngayon. Ang mga may sala ay nakasuhan na. Sila ngayon ay sinasala upang ang imahe ng pulisya ay umayos na.      
          Ang giyera ngayon kontra sa krimen at droga ay talagang nakakapagtaka. Ito ba ay makatao? Makadiyos? Makatarungan? Dapat pa ba itong ipagpatuloy? Ikaw ang humusga para sa ikabubuti ng ating bayan. 
“Bala”
Nishel Dulalia
        Babae o lalaki lahat ng tao ay nasa peligro sa panahon natin ngayon. Rape, paggamit ng droga, Extrajudicial killings, Kahirapan at iba pa. Ilan lang sa ating suliranin sa ating lipunan. Lalo na ang tinatawag na extrajudicial killing, ang pagpatay sa mga tao nang hindi man lang dumadaan sa korte.
       Marami ng kaso ang pagpatay dito sa ating bansa at marami nading taong bayan ang nagrereklamo dito ngunit ang ating kasalukuyang pangulo ay hindi man lang makinig sa mga hinaing ng mga Pilipino tanging kanyang kagustuhan lang ang laging nasusunod. Sa ating bansa laganap ang transaksyon ng droga at utos ng ating pangulo na patayin lahat ng mga “druglords”. Maraming bali-balita tungkol sa extrajudicial killing  at ang kadalasang biktima dito ang mga sangkot sa droga. Mga pulis mismo ang pumapatay sa mga taong ito na dapat ang kanilang tungkulin ay protektahan ang mga mamamayan. Para sa akin ito ay hindi tama at wala tayong karapatan na bawiin ang buhay ng isang tao sabi nga sa ating Bibliya “Masama ang pumatay ng kapwa.” ngunit sa ating henerasyon ngayon kay dali dali ng pumatay ng kapwa. Madami ang humihingi ng hustisya lalo na ang batang si Kian na binaril ng mga pulis kahit ito ay wala namang kasiguraduhan na siya ay sangkot sa droga. Bago tayo mag paputok ng bala sana'y siguraduhin muna natin ang magiging ka kahihinatnan nito dahil hindi naman natin mababalik ang buhay na nawala.
      Paano tayo magkakaisa kung mismo ating gobyerno ay di nakikiisa sa taong bayan? Kailan ba natin makakamit ang seguridad at kalayaan? Ating bansa na puno ng kababalaghan at problema. Paulit-ulit na isyu ngunit hindi man masolusyunan ng gobyerno. Kaya ikaw simulan mo ang pagbabago at makiisa sa ating bansa!.
0 notes
group2filipino-blog · 7 years ago
Text
MGA MAIKLING KWENTO
“SA LIKOD NG ASILO”
Nishel Gayle Dulalia
Sa isang tahanan sa Maynila. Ang mag-asawang Paul at Amanda Torres ay matagal nang nagsasama ngunit hindi pinalad na magkaroon ng anak. Sila’y nagkakilala sa kanilang pinagtatrabahuhan na Insurance company sa Buendia. Noong sila’y nagpakasal nalaman nila na hindi sila pwede magkaroon ng anak dahil kay Paul, kaya napag desisyunan nila na umampon ng isang batang babae sa “Home for the Angels Child Caring Foundation, Inc.” at itinuring nila itong parang tunay na anak. Pinalaki sa magandang asal at naging napakabait na bata. Pinangalanan nila itong Ariane. Ako si Ariane, bata pa lamang ako lumaki na ko sa kamay ng mga madre hindi ko nakilala ang mga tunay kong magulang pero hindi naman pinaramdam nina mama at papa na ako ay isa lamang ampon nila. Lumaki at nagdalaga ako. Sa aking eskwelahan nagkaroon ako ng isang matalik na kaibgan na si Nathalie na siyang hanga sa’king katalinuhan. Isang araw sa aking paaralan habang ako ay papasok sa aking silid-aralan, binato ako ng isang lalaki ng gusot na papel at sabay sigaw “bawal ampon dito”. Siya ay si Ethan isang anak-mayaman, kaya may kayabangan at kagaspangan ng ugali. Halos araw-araw, walang ginawa si Ethan kung hindi tuksuhin at inisin ako pero sa halip na magalit ako hindi ko nalang pinapansin. Hanggang sa kami ang naging magkatambal sa aming proyekto. Nang lumaon, nagsawa din si Ethan sa pangbubuska sa akin at unti-unti humihingi ng pasensya sa kaniyang nagawa. Hindi nag tagal ang dati niyang masasakit na salita ay nauwi sa matatamis na sinta. Nagbago si Ethan, naging magalang at maginoo. Makalipas ang tatlong buwan na panunuyo sakin ni Ethan, pinaalam ko na sa’king mga magulang. Hindi sila nagalit ngunit hindi din sila pumayag na sagutin ko ito hiniling lang nila na magtapos muna ako ng pag-aaral dahil may tamang panahon para dito. Naunawan naman ni Ethan ito at sinabing “Kung tayo talaga para sa isa’t isa..” at idinugtong ko “gagawa ng paraan ang tadhana.” Nang matapos na ang kanilang pag-aaral sa ikatlong taon ng kolehiyo. Dumating ang bakasyon at dito nagsimula ang problema ni Ariane sa kaniyang pamilya. Habang ako ay naglilinis ng aming bahay nakita ko sa isang dibuhista ang sulat na galing sa aking pinanggalingan na bahay ampunan na sinasabi: x      Home for the Angels Child Caring Foundation, Inc       Jose Quezon City, Manila       Abril 3, 1995     Ginang at Ginoong Torres,                  Magandang umaga! Nais ko lang ipaalam na may isang babae ang naghahanap sa batang inampon niyo noon. Maaring siya ang tunay na magulang ng bata. Huwag kayo mabahala dahil kayo ay may karapatan sa bata ayon sa ating batas. Kung sakaling pumayag kayo makipagkita sa tunay na ina ni Ariane tumawag lamang kayo sa aming telepono                   ( 044-8979 ).       Lubos na gumagalang,                               HACCF INC. Hindi ko alam ang aking mararamdaman kung tuwa o galit ba sa aking nalaman na balita. Tuwa na makikilala ko na ang tunay kong magulang? O galit na hindi man lang pinaalam sakin ni mama at papa ang liham na ito? At galit na pagkatapos nila kong iwan ng aking tunay ‘kong mga magulang bigla-bigla nalang silang babalik?. Ang dami ‘kong gusto itanong ngunit kailangan ko munang magpanggap na wala akong nabasa. Hihintayin ko nalang na ipaalam sa akin ito ni mama’t papa. Kinabukasan, habang kami ay kumakain ng hapunan biglang nagsalita si papa ng "Anak, may gusto sana kaming sabihin ng mama mo.” pagkasabi ni papa no’n bigla nalang ako naiyak dahil alam ko na ang sasabihin ni papa. Tama nga ako tungkol sa liham na ipinadala ng Home for the Angels Child Caring Foundation, Inc. ang sinabi sakin ni papa at mama. Natatakot si mama at papa at baka raw sumama ako sa tunay ‘kong magulang pag ako ay kinuha nito. Pagkatapos nila ‘kong alagaan at ituring na parang tunay na anak mas gugustuhin ‘kong manatili sa panig ng mga umampon sakin. At tsaka kapag sumama ako sa tunay ‘kong mga magulang magkakahiwalay din kami ni Ethan. Gusto ko lang makilala ang totoo kong mga magulang at madami din ako gusto itanong. Sa Home for the Angels Child Caring Foundation kami nagtagpo ng aking mga tunay na magulang. Ang pangalan ng aking ina ay Nelie sa kasamaang balita wala doon ang aking tatay dahil nagbubuntis palang ang aking ina iniwan na kami ng aking tunay na tatay kaya ako dinala ni Nelie sa bahay ampunan. Ngayon, ang aking tunay na ina ay may iba ng pamilya at nakatira na siya sa Italiya. Maginhawa na ang buhay ng aking ina kaya niya ako binalikan. Wala naman balak si Nelie na agawin ako sa mga umampon sa akin sapagkat nag pasalamat pa ito sa pagpapalaki sakin ng maayos. Hahayaan ako mamuhay kasama sila mama’t papa ni Nelie sa isang kondisyon na manirahan muna ko sa Italiya ng isang taon, subukan ko lang kung magugustuhan ko doon. Pumayag naman sila mama at papa dahil sila ay maunawain na magulang. Kinabukasan, agad agad inayos ang aking pasaporte at makalipas ang isang linggo ay agad na ‘kong pumunta sa Italiya kung saan kasama ko si Nelie. Bilin sakin ni mama at papa na huwag ko sila kakalimutan at lagi ko raw silang babalitaan. Italiya, Marso 1997 Nakilala ko ang aking mga kapatid sa labas sila'y isang kambal na ang pangalan ay Frankie at Danica. At ang naging asawa ni Nelie na si Frederico. Sila ay naging mabait sa akin at pinakisamahan nila ko ng mabuti. Simula ng lumipat ako dito sa Italiya wala na ‘kong naging balita kay Ethan di ko nadin siya nakausap dahil sa panahon namin noon di pa uso ang cell phone. Hindi ko na alam kung ano mangyayari sa amin ni Ethan dahil kahit pagalam na pupunta nako sa Italiya ay hindi ko nagawa. Dahil maninirahan ako dito ng isang taon pinasok ako ni Nelie sa isang magandang unibersidad na “University of Turin” at nahirapan man ako magkaroon ng kaibigan dahil sa pag kakaiba namin ng lengguwahe, nakapagtapos naman ako ng kolehiyo. Marso 2, 1998 Ito na ang pinakahihintay ko na araw dahil uuwi nako sa Pilipinas makikita ko na muli si mama at papa. At sana si Ethan din. Nagpaalam nako kay Nelie at nagpasalamat gayun din kay Frankie, Danica at Frederico. Pagkauwi ko ng Pilipinas masayang sinalubong ako ni mama at papa. At doon ko din nabalitaan na lumipat nadin ng bahay sila Ethan. Nakakalungkot man ngunit nasanay na rin ako dahil isang taon din kami nagkahiwalay at hindi nagkakausap. Namuhay ako ng normal sa Italiya at dahil doon narin ako nagtapos ng pag-aaral pagkauwi ko dito sa Pinas ay agad ako nakakuha ng trabaho dahil sa magandang paaralan ako nakapagtapos. Insurance company sa Buendia ang pangalan ng pinagtatrabahuhan ko at nagkataon din na doon nagtratrabaho si Ethan! Nang kami ay nagkita kami ay naiyak sa tuwa at napayakap nalang sa isa’t isa sabay bulong sakin ni Ethan “Ang tagal kitang hinintay.” Grabe ang tuwa na nadarama ko ng araw na iyon. Ito na ata ang pinakamasaya ‘kong araw. Di rin nag tagal kami ay nasa tamang edad na at napagisipan na naming magpakasal. Disyembre 28, 2005 Isang buwan nalang ay magpapakasal na kami ni Ethan kaya ipinaalam ko na ito sa'king tunay na magulang, pinadalan ko sila ng imbitasyon tungkol sa aming  magaganap na kasal. Madaming preparasyon ang aming inihanda para sa pinakahihintay ko na araw. Pulang-pula na mga rosas, puting terno at barong para kay ethan. Dumating ang susunod na buwan. Dalwang linggo bago kami ikasal ay umuwi na si Nelie at ang kanyang pamilya. Linggo non ng nagkita ang aking pamilya at pamilya ni Ethan. Sadyang  mapagbiro nga ang tadhana, bulong ko sa'king sarili dahil sa hindi inaasahang pagkakataon madaming sikreto ang nabunyag noong araw na iyon. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil pakiramdam ko galit sa akin ang Diyos at ako'y pinaparusahan. Si Ethan na aking pinakamamahal na lalaki ay isa ding ampon katulad ko. At sa pagkikita ni Nelie at nang nanay ni Ethan isang sikreto na naman ang nabunyag na si Ethan pala ay isa ‘kong nawawalang kapatid. Hindi pala ako ang hinahanap noon ni Nelie sa bahay ampunan ngunit si Ethan ang kanyang nais makita. Naudlot ang aming kasal sa di inaasahang rason. Hindi ko matanggap na ako ay umibig sa aking kapatid kaya makalipas ang ilang taon na isipan ko maging madre at mag-alaga ng mga batang iniwan na ng mga magulang.
“Hatchi”
Christine Joyce M. Zalzos
        Sa isang malawak na lugar sa lalawigan ng Bulacan. May isang babaeng magsisimulang abutin ang kanyang sa pamamagitan ng pagsisimula sa kanyang mga kinakatakutan. Siya ay si Anna. Si Anna ay nakatira sa Silangang bahagi ng Bulacan. Siya ay labing – anim na taong gulang at isang mag-aaral. Tanging dingin niya lamang ang makapagpasaya ng ibang tao.          Papunta si Anna sa kanyang eskwelahan sa Kanlurang bahagi nang makita niya ang isang bahay na magara. Sa likod ng bakod na kanyang kinatatayuan ay doon nakatira si Aling Bela. Si Aling Bela ay isang biyudang babae na kung saan kakamatay lang ng kanyang asawa noong nakaraang taon. Sa tuwing papasok si Anna sa kanyang eskwelahan ay lagi siyang napapadaan sa bahay ni Aling Bela. Labis ang pagkatakot ni Anna dahil kapag siya ay dumadaan lagi ito tinatahulan ng aso ni Aling Bela na si Hatchi. Noong isang araw, nakita ni Anna si Aling Bela na nagtatahi ng damit habang kasama niya ang kanyang aso. Dumaan si Anna na may takot sa kanyang mga mata.” Ale, yung aso niyo po” sabi ni Anna habang ito’y natatakot. “Huwag kang matakot anak, hindi siya nangangagat. Masyado lang niya akong prinoprotektahan. Si Hatchi nalang ang aking buhay, siya nalang ang nag- aalaga sakin. Matanda na rin ako malapit na akong mawala. Hiling ko lang sana na may mag- aalaga sa kanya katulad ng pagaalaga niya sakin.” ani ni Aling Bela. Muling tumakbo ng mabilis si Anna dahil mahuhuli na siya sa kanyang klase. Nagsimula ang pagkatakot ni Anna noong pauwi na siya galing sa kanyang eskwelahan noong nakasakay siya sa isang bisikleta habang padaan sa bahay ni Aling Bela.Ikinagulat niya na bigla siyang hinabol ng aso ni Aling Bela hanggang ito ay sumemplang. Kaya naman labis ang kanyang pagkatakot sa tuwing dumadaan siya sa bahay ni Aling Bela. Nang pauwi na si Anna galing sa eskwelahan, sa di kalayuang lugar, nakita niya nakahiga si Aling Bela habang dala-dala siya ng mga tao papuntang ospital. Napansin niyang nakasunod si Hatchi habang si Aling Bela ay dala - dala. Simula sa araw na iyon nagkaroon ng kalungkutan sa mukha ni Hatchi dahil inatake sa puso ang kanyang amo. Kaya labis na kinalungkot ni Hatchi ang pangayyaring iyon. Sa tuwing dumadaan si Anna sa bahay ni Aling Bela nakikita niya si Hatchi na naghihintay sa kanyang amo.”Pasensya na, baka hindi mo makikita muli ang iyong amo”. Lumipas ang ilang araw, lagi paring nakikita ni Anna si Hatchi na naghihintay parin. Napansin din niya hindi na ito kumakain kaya naman kahit takot siya ay inaabutan niya ito ng pagkain sa tuwing siya ay dumadaan. “ Ilalagay ko nalang ditto Hatchi, sana kainin mo ito.” sabi ni Anna habang nakikita parin sa kanya ang pagkatakot. Dahil sa labis na pagbibigay ni Anna ng pagkain kay Hatchi ay paunti-unting niya na ito napapaamo. Ang kanyang mga takot ay muling napalitan ng pagtitiwala. Ang pagmamahal niya kay Hatchi ang nagbigay kay Hatchi ng pag-asa para ito ay mabuhay kahit na namatay na ang kanyang amo. Habang naglalakad pauwi si Anna naramdaman niyang sumusunod sa kanyang likuran si Hatchi. “ Haha, tara dito Hatchi! “ ani ni Anna habang may ngiti sa kanyang mukha. Inuwi ito ni Anna sa kanyang bahay. Ito ay kanyang pinapaliguan, pinapakain at ito ay binigyan niya ng kulyar na nagtatanda na siya ay si Hatchi. Sa bawat pagtakbo ni Anna papuntang eskwelahan, sa bawat hakbang paakyat ng hagdanan, maging sa pagsakay sa sasakyan lagi niya kasama si Hatchi. “ Aalis na ako, hintayin mo ako dyan Hatchi!” sabi ni Anna habang kumakaway papalayo sa kanya. Makalipas ang mga ilang oras pauwi na si Anna nakita niya si Hatchi na nasa estasyon na kung saan doon niyang huling nakita. Kumaway si Anna na may kasamang ngiti. Paulit – ulit nila itong ginagawa habang ito ay maging kanilang karaniwang gawain. Lagi si Anna prinoprotektahan ni Hatchi na minsang hating gabi na ay sa sobrang lakas nga pagkakatahol niya nagising si Anna ayun pala malapit na masusog ang kanilang bahay. “ Salamat Hatchi, niligtas moa ng ating bahay”. Makalipas ang mahabang panahon napapansin na ni Anna na nawawalan na ng sigla si Hatchi. “ Mamaya saaking pag – uwi dadalan kita ng maraming pagkain”.Nang siya ay pauwi na galing sa eskwelahan, dala-dala niya ang mga pagkain para kay Hatchi ay napansin niya wala ito sa kanilang tagpuan. Nakita niya ang nagtitipong mga tao sa estasyon kaya agad niyang nilapitan. Laking gulat niya nang makita niyang nakahalandusay sa sahig si Hatchi. “ Hatchi! Hatchi! TULONG!” ani ni Anna habang umiiyak. Binitbit ni Anna si Hatchi at nanghingi ng tulong. Tumatakbo siya patungo sa malapit na gamutan ng hayop ngunit sa panahon na iyon sarado ang pagamutan na kanyang pinuntahan kaya wala na nagawa si Anna kung hindi umiyak. “Tao po! Tulungan niyo po ako. Jusko po” ani  niya habang binubulabog ang pintuan ng pagamutan. Luhaan at pasakit ang kanyang nadarama nang makita niya malapit na mawalan ng hininga si Hatchi. Sa mga oras na iyon bumalik sa kanyang isipan ang mga alaala niya sa kanyang pinakamamahal na alaga. “ Sandali lang, wag ka munang sumuko” sabay pag – iyak ni Anna habang kayakap ang kanyang alaga. “Huwag mo akong iwan, ikaw ang aking lakas kaya ninanais kong gumising araw-araw. Sandali lang ating pagsasama ngunit ba ganito ang sakit ng aking nadarama. Binalot mo ng kasiglahan at pagtitiwala ang buhay kong punong puno ng pagkatakot. Mahal na mahal kita, paalam na aking pinakamamahal”Makalipas ang mahabang panahon, muling natupad ni Anna ang kanyang mga pangarap. Naging isa siyang “veterinarian” na tumutulong sa mga hayop na gumaling. Kanyang napagtanto na ang mga bagay na kanyang kinakatakutan ang magbibigay lakas sa kanya para lumaban. Binuksan niya ang kanyang klinika upang maging inspirasyon sa mga nakakarami na dapat pangahalagahan at pagyamanin natin an gating mga mahal. Walang takot ang magpapabagsak satin, ngutin dapat nating gawin itong inspirasyon upang makamit ang tagumpay.
3AM
Shalom Dela Cruz
          “Hello sir welcome to TATA Cafe! What can I get you?” Masiglang bati ng barista sa kauna-unahan niyang costumer ngayon. Hindi niya alam kung bakit niya tinanggap ang offer ng kanyang boss na magtrabaho ng ganitong oras. Pero naisip niya ulit ang malaking sweldo na makukuha niya.
          “One large black coffee.” Sabi ng lalaki sa kaniya.       Magkaedaran lamang ang lalaki at ang babaeng barista, parehas din silang nag-aaral sa kolehiyo.
          Unang araw pa lamang ng babae sa kaniyang trabaho. Noong una ay natatakot pa siya, dahil ang kanyang shift ay nagsisimula ng alas-tres ng madaling araw hanggang alas-siyete ng umaga. Ang oras naman ng kaniyang pasok ay tanghali kaya naman madami pa siyang oras para maghanda.    
          Lumipas ang kanyang shift. Kaunti lang ang mga bumibili sa cafe dahil medyo maaga pa at wala pang gaanong tao ang dumadaan sa kanilang cafe. Hindi niya alam kung bakit pero ang lalaki lamang na nag-order ng black coffee ang nanatili hanggang sa dulo ng kanyang shift, at umalis ito nang nakita ang babaeng naghahanda na para umalis sa cafe dahil may papalit na sa kaniya.
          Sa mga sumunod na araw, puro lamang ang lalaking iyon ang kaniyang costumer. Oo, meron din namang iba na bumibili pero siya nalang lagi ang bumibili. At ipinagtataka rin niya rin kung bakit lagi nalang black coffee ang inoorder niya? Unti-unti nang nagiging interesado ang babae sa lalaki.
          “Black coffee please. And your number.” Sabi ng lalaki sa barista.
          “Okay sir black coffee coming through—  A-ano sir?” Nabigla ang babae sa sinabi ng lalaki. Tama ba ang pagkakarinig niya?
          “I said, one black coffee AND your number as well, Ms. Amanda.” Sagot ng lalaki sa babae, na halatang nagulat sa sinabi niya.
          “Uh… Paano niyo nalaman ang pangalan ko? At hindi ko pa nga alam ang pangalan mo!’, sagot ng babae na may halong inis at pagkagulat. Ngayon lang silang dalawa nagkausap ng ganito.
          “Ako si Jaden,” sabi ng lalaki sabay turo sa name tag ni Amanda. “And… about my order?”
          Walang tao sa cafe kundi silang dalawa lang. Kinulit ng kinulit ni Jaden si Amanda na ibigay ang kaniyang number, at sa huli’y ibinigay niya rin ito. Hindi alam ni Amanda, pero gumagaan ang kaniyang loob kay Jaden. Para bang nag-kakilala na sila dati.
          “Ngayon at nakuha mo na ang number ko, can I ask you a few questions?”, tanong ni Amanda kay Jaden, na hanggang ngayon ay hindi pa rin ubos ang kanyang kape. Tumango siya.            “Uhm… Bakit black coffee lagi ino-order mo? And why in this cafe? Meron namang ibang cafes diyan ah.” Tanong ni Amanda kay Jaden.
          “Bakit ba? Gusto ko na dito ako bumibili eh. Besides, it’s more convenient. Malapit lang ang tirahan ko dito. And for black coffee… its a long story.” Sabi ni Jaden ng nakangiti kay Amanda.
          “Long story?! Edi sabihin mo na ‘sakin!” Sabi ni Amanda.
          “Soon. Alis na ko ah, I already have your number na. At tapos na yung shift mo oh.” Sabi ni Jaden nang nakaturo sa orasan na nakasabit sa cafe at umalis na.
          “Jaden…” Pamilyar talaga kay Amanda ang pangalan niya.
—————
          “I need you baby and if it’s quite alright. I need you baby, and if it’s quite alright. And let me love you baby, let me love you.”
          “…Amanda?”
          “Hay butiking palaka ka!” Biglang napatigil si Amanda sa pagkanta. Tinakpan niya ang kanyang mukha dahil sa hiya, “Bakit ka nandito ha?!”
          “Para bumili ng kape… para na rin makita ka. Hindi ko akalain na natatandaan mo pa yang kantang yan ah.” Sabi ni Jaden sabay upo sa lagi niyang pwesto sa cafe.
          “Okay… Natatandaan? Huh? Hindi kita gets. Favorite ko kaya ‘tong kantang to.” Tugon ni Amanda, habang hinahanda ang kape ni Jaden.
          “Ah basta. Gusto mo na bang marinig kung bakit black coffee nalang iniinom ko araw-araw?”
          Isang maaliwalas at magandang araw noon sa For A Good Cause Hospital nang nagkakilala ang dalawang bata. Hindi halata sa kanilang mga mukha ang iniindang sakit. Sa awa ng Diyos, matapos ang mahabang paghihirap at medikasyon na pinagdaanan ng dalawa, sila’y malapit nang maging magaling.
          “Kapag ako nakalabas na dito… Titikman ko lahat ng pagkain sa mundo! At yung uhm… uh.. ano yung iniinom ni nanay kanina?” Sabi ng batang lalaki sa batang babaeng kinakausap niya habang sila’y nasa hardin ng hospital. Pinayagan sila ng kanilang doctor na maglaro ngayon sa labas, dahil lagi na lamang sila sa loob ng hospital naglalaro. Tutal, malapit naman na silang gumaling
          “Ahh… Black coffee ata yun!” Sagot naman ng batang babae sa kanya nang hindi sigurado.
          “Oo! Yun nga! Ikaw? Anong gusto mong gawin pag nakalabas ka na dito?” Tanong ng lalaki sa kaniya.
          “Katulad din nung iyo. Tsaka, gusto ko rin mag-aral. Pwede siguro ako maging doctor? Or nurse?” Sabi ng batang babae na halatang sabik na sabik.
          Patuloy na nag-usap ang batang babae at lalaki. Naglaro sila hanggang pwede, at mas napalapit sila sa isa’t-isa. Ngunit dumating ang araw na kailangan ng batang lalaki na lumipat ng ospital. Hindi nila inakala na lalala pala ang kondisyon niya. Kailangan niya ng mas mabisang gamutan at operasyon, na mas maibibigay ng ibang ospital .At yun ay nangangahulugan pa ng isang bagay…
          Hindi naiwasan na umiyak ng umiyak ang batang babae sa pag-alis ng lalaki ng walang pasabi, dahil madalian ang naging paglipat niya at hindi na sila nakapagpaalam sa isa’t-isa ng maayos.
          Lumipas ang mga taon at tuluyan silang gumaling mula sa kanilang sakit. Paminsan minsa’y naiisip nila ang isa’t-isa, at patuloy na nanghihinayang sa kanilang pagiging kaibigan na naudlot. Pero hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin sila na sila’y nagkakilala at nagkasama, lalo na’t parehas sila ng pinagdaanan, kaya naman alam nila na ang mga pagkakataon na sila ay magkasama ay nakatago sa kanilang mga puso.
          “I-ikaw si Mark?! Yung nakilala ko sa ospital?!” Gulat na gulat si Amanda sa kwento ni Jaden kung bakit black coffee nalang lagi ang ino-order niya. Hindi niya akalain na ang kanyang childhood friend pala ang bumibili na lamang sa cafe na pinagtatrabahuhan niya. Kaya naman pala sobrang pamilyar sa kaniya si Jaden.
                     “Ako nga. Alam kong kilala mo ko bilang Mark, pero Jaden na kasi yung pangalan na ginagamit ko ngayon.” Sagot ni Jaden kay Amanda nang nakangiti.
          “The whole time… alam mo na ako si Amanda? Kaya ka ba laging pumupunta dito sa cafe? Teka, pa’no mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?” Tanong ni Amanda.
          “Oo. Para na rin sa kape syempre. Nagkasalubong si nanay tsaka ang nanay mo last month. Nagkausap sila ulit. Sakto at nasabi sa’kin ni nanay kung saan ka nagtatrabaho, kaya naman binibisita kita lagi.” Tugon ni Jaden. “At tsaka— Bakit ka umiiyak?!”
          Bigla na lamang humagulgol si Amanda at sinabi, “Halos umiyak ako ng isang ilog nang dahil sayo noon, hindi ka man lang nagpaalam! Nag-alala ako ng sobra, halos araw-araw din kitang iniisip.”
          Lumapit si Jaden kay Amanda at niyakap niya ito ng mahigpit. “Huwag ka nang umiyak, nandito naman na ‘ko eh. Tsaka, hindi na kita iiwan katulad noon, pangako ‘yan.”
          At noong sandaling iyon ay para bang napaka-kalmado ng mundo. Para bang lahat ng problema, sakit, at pagkalumbay ay nawala. Nanatili lang sila sa ganoong pwesto, yakap yakap ang isa’t-isa. Hindi sila nag-uusap sa sandaling iyon, pero tila naging isa ang kanilang puso. Hindi naging maganda ang kanilang karanasan noong una, dahil sila ay nawalay. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpuan nila ang bawat isa sa kanilang piling.
Si Raul at Ang Kampeonato
Miguel Licaros
                      Isang araw, sa isang bayan, mayroong isang simpleng binatilyo na may natatanging bilis. Siya ay si Raul. Kilala si Raul sa kanilang bayan dahil siya ang kampeon taon – taon sa paligsahan sa pagtakbo. Siya rin ay masipag dahil siya’y nagtratrabaho sa isang pagawaan ng sapatos. Ang kanyang kinikita sa pagtratrabaho ay agad niyang binibigay sa kanyang mga magulang na sina Tatay Pedro at Nanay Magloire.                        Isang hapon, may isang dayuhan na dumating na nagngangalang Usain. Si Usain ay kilala sa ibang bansa sa larangan ng pagtakbo. Siya ay isang hambog na manlalaro dahil siya ay punong – puno ng kayabangan sa kanyang katawan. Tuwing siya ay lumalaban, lahat ng kanyang mga katunggali ay kanyang niyayabangan. Sinisira niya ang estilo ng kanyang mga makakalaban upang siya ang magtagumpay.                        Nagkaroon ng pagtitipon sa plasa upang makita at makasalamuha si Usain. Pumunta agad si Raul dahil labis niyang iniidolo ang nasabing dayuhan. Nang siya ay makarating sa plasa, agad niyang pinuntahan si Usain upang makita at makausap ito ngunit laking gulat ni Raul nang lumapit siya sa dayuhan ay agad siyang tinabig nito at dahilan ito upang siya ay mahulog sa entablado at sinabihan siya ng “stupid” sa harap ng maraming tao. Labis itong dinamdam ni Raul. Mangiyak – ngiyak siyang umuwi sa kanilang bahay. Labis siyang nasaktan sa sinabi nang kanyang iniidolo, at dahil dito, sinira niya ang lahat ng mga litrato ng kanyang iniidolo, ang kanyang mga tropeo ay kanyang pinagtatapon dahil sa kanyang pakiramdam ay binalewala siya ng kanyang idolo. Nagmukmok siya sa kanyang kwarto. Nag-aalala na sa kanya ang kanyang mga magulang kaya tinawagan na nila ang kasintahan ni Raul na si Clara. Agad pinuntahan ni Clara si Raul upang kausapin, ginawa ni Clara ang lahat ng kanyang makakaya upang ibalik sa dati ang kanyang kasintahan, sinuyo niya ito at hanggang bumalik sa dati si Raul. Siya’y muling naging determinado sa tulong ng kanyang pinakamamahal.Isang araw, nakatanggap siya ng balita na magkakaroon ng isang Palarong Pambansa at siya ang ipanlalaban ng kanyang bayan sa nasabing paligsahan. Agad nagsanay si Raul sa tulong ni Coach Chot, ginabayan siya nito upang mas lalo pang gumaling sa nasabing isports at ginabayan din siya ni Clara sa pag-eensayo.            At dumating na nga ang pinakahihintay ni Raul, ang Palarong Pambansa ay nagsimula na. Agad nanguna sa paligsahan si Raul at makalipas ang limang ikot ay tuluyan niyang iniwan ang lahat ng kanyang mga katunggali patungo sa kampeonato. Tuwang – tuwa si Raul dahil nakamit na niya ang kanyang minimithi. Tuwang-tuwa din ang kanyang mga magulang, si Clara at si Coach Chot. Pagkatapos ng programa ay nilapitan siya ng mayor ng bayan upang sabihin sa kanya na siya ang ipanlalaban sa Olympics na gaganapin sa Japan sa susunod na buwan. Walang nasambit si Raul, tumulo ang kanyang luha sa tuwa. Agad niyang sinabi ito sa kanyang mga magulang, kay Clara at kay Coach Chot. Lubos silang nagalak sa sinabi ni Raul. Kaya pagkatapos magpahinga ni Raul ng ilang araw ay agad itong bumalik sa pag-eensayo. Matinding pag-eensayo na ang pinapagawa ni Coach Chot sa kanya dahil mga malalakas at higit sa lahat mabibilis ang mga makakalaban ni Raul. Ngunit kahit mahirap, lumalakas si Raul dahil todo suporta naman sa kanya ang kasintahan niyang si Clara. Makalipas ang ilang linggong puspusan pag-eensayo ay pumunta sila sa Japan, kasama sa pumunta sa Japan ay sina Clara at Coach Chot. Pagdating nila doon ay nakita niya ang kanyang dating idolo na si Usain. Agad siyang napangiti sa isang tabi at hindi na niya nilapitan pa ito.                         At ang Olympics ay magsisimula na, ang mga kalahok ay pumupwesto na. Nakita ni Raul na may iniindang sakit sa kanyang paa si Usain, agad niya itong nilapitan at pinaalis lang siya nito. Bumalik si Raul sa kanyang puwesto at ang lahat ay handa na. Pumutok na ang baril at dali – dali silang nag-unahan. Makalipas ang sampung ikot ay si Raul ang nangunguna at ang pumapangalawa sa kanya ay si Usain. Bakas sa mukha ni Usain ang sakit at hirap sa pagtakbo. Nangangalahati na sila sa finish line, biglang bumagsak si Usain at namilipit ito sa sakit. Nakita ni Raul ang pangyayari kaya dali – dali itong bumalik upang akayin si usain patungo sa finish line. Nagpalakpakan ang lahat dahil sa kagitingang ginawa ni Raul kay Usain, lubos na nagpasalamat si Usain kay Raul dahil sa ginawa nito sa kanya. At dahil dito naging tanyag ang kagitigang kanyang ipinamalas. Umuwi siya sa kanilang bayan, bigo man siya ngunit dala – dala niya ang kagitigang kanyang ipinamalas sa Olympics. Hindi importante kung ika’y nanalo ang imporatnte ang kagandahang asal na iyong ginawa upang ipagmalaki ng buong sambayanan.
“Purgatoryo ng Kaluluwa”
Micah Duque
            Isang munting araw sa kabihasnan ng Purgatoryo. Nabuhay ang isa sa pinaka magaling na tagabaril na nag ngangalang Clarke Haught. Siya ay matuturing na isa sa pinaka biniyayaan ng isang baril na nakakapagpatay ng mga demonyo na ang layunin ay makawala sa Triangulo ng Multo para mapadami pa ang kanilang lahi. Ang pamilya ng mga Haught ay isinumpa ng isang mangkukulam dahil mali ang naging ibigan ng mga magulang nila, dahil sila ay isang tao at demonyo, Ang nanay ng mga Haught ay ang isa sa pinaka matalino na demonyo kaya nung nalaman ng mangkukulam na ito’y umiibig ng isang tao kaagad niya itong isinumpa na ang kanilang mga anak ay iibig ng isang demonyo at kung sila ay magpapakasal ang mga anak nila ay mamatay. 
               Ang sumpa sa mga Haught ay matatapos lamang kung mapatay ng napili ang lahat ng sumugod sa kanilang tirahan. Si Clarke ay mayroong dalawang kapatid si Lexa at si Willa. Nung sila ay bata pa lamang ang kanilang mga magulang ay namatay dahil sila ay sinugod ng mga demonyo para kuhanin ang mahiwagang baril. Ang pinaka malala pa ay pinatay ni Clarke ang kanyang kapatid na si Willa dahil sa kawalan ng tamang kaalaman kung paano gamitin ang mahiwagang baril. Habang naglalakad si Haught sa lupain ng purgatory naalala niya ang kaniyang pinaka layunin ang patayin ang pumatay sa kanilang magulang. Pauwi na si Clarke ng nadaanan niya ang kanyang paboritong tambayan ang Saloon ni Perry na pinagtatrabuhan ng kanyang pinaka-mamahal na kapatid na si Lexa. Umupo siya doon at umorder ng isang baso ng serbesa. “Lexa naalala mo pa ba kung saan mo itinago ang baril na ginamit ng ating tatay?”, Sagot naman ni Lexa “Naku ate itinago mo ata ito doon sa balon sa likod ng bahay ng ating lolo sa takot”. Umalis si Clarke at pinuntahan ang baril, kinuha din niya ang litrato sa kaniyang kwarto at pumunta sa Triangulo ng Multo. : “Ako si Clarke Haught, ako ang anak ni Wyatt Haught at higit sa lahat ako ang tatapos ng sumpa sa aming mga haught, papatayin ko kung sino man ang pumatay sa aming mga magulang.”, at nilapitan niya si Doc Holiday saka siya umalis.  Ang mahiwagang baril ay hindi kayang hawakan ng mga demonyo, ito ay kailangang I-asinta sa gitna ng mga mata ng mga demonyo at sila ay maibabalik sa ilalim ng lupa ang Purgatoryo.  
             Ang kaniyang naging paglalakbay ay hindi magiging madali kaya siya ay humingi ng tulong sa kanyang kapatid na si Lexa. Si Lexa ay matagal ng nagaaral patungkol sa mga demonyo at kung ano ang kanilang pagkatao. Pinakita ni Clarke ang litrato at sinimulan na niya ang paghahanap sa kanilang pagkakakilanlan. Iniwanan ni Clarke si Lexa upang mabigyan siya ng pagkakataon na makapag pokus. Ang pinaka malala dito namatay daw ang kasintahan ni Clarke dahil sa isang malaking pagkakamali, ang pagtangka nitong umalis sa Triangulo ng Multo. Hindi na nakita ang bangkay nito sapgakat nasunog na daw ito at naging abo pero it ay walang kasiguraduahan. Si Clarke ay hindi tumigil sa paghahanap. Maraming tao ang hindi pumapayag sa kanilang pagiibigan sapagkat ang isang demonyo at ang napili na tumapos sa sumpa ng mga demonyo ang makawala sa Triangulo ng mga multo. Pero hindi sila tumigil hanggang umalis si Clarke at iniwanan siya sa loob ng triangulo at kaya siya umali sa pag tatanka na mapuntahan si Clarke. Umiiyak si Clarke habang naglalakad hindi niya din alam kung saan siya tutungo pero dere-deretso lamang siya. “Hindi ko na siya hahanapin, hindi ko na hahangadin na makita pa siya sapagkat ang lahat ng ito ay kasalanan ko.” Napagisip isip ni Clarke. Tinapon niya at sinunog ang nagiisang litrato nila kasama na din ang panyo na may bulaklak na ibinagay sakanya nung dapat na ikakasal na sila pero pinigilan niya ang sarili niya dahil ang bilin pa naman sakanya ng kaniyang tatay ay “Ako ay nagmahal ng demonyo noon. Ang aking mga anak ay isinumpa”. Umiiyak siya ng sobra ng hindi na niya napigilan ang sarili niya sa pag kuha niya sa kanyang kutsilyo at inilagay niya ito sa kanyang kamay at ito’y unti unti niyang hiniwa. “Ngayon mahal ikaw ay aking kakalimutan sa aking utak at higit sa lahat sa aking puso”. Kinuha ni Clarke ang abo at inilagay ito sa isang bote at isinabit sa kaniyang leeg bilang paalala na siya ay nakakaramdam at buhay pa.Naglakad si Clarke pabalik sa kanilang munting tahanan upang tignan ang naging progseso ng kaniyang kapatid. 
           “Ate maligayang pag balik sa aking nakuhang mga impormasyon ang mga pumatay sa ating mga magulang ay sila Kellin Queen, Gerard Way, Frank Iero, Kurt Cobain,at si Bobo Del Ray”, sagot ni Lexa sa kaniyang kapatid na napansin niya na nababalot ng kalungkutan at pighati. “O’ aking minamahal na kapatid ano ang gagawin ko ang aking puso ay tila di na tumigil sa pangungulila sa pagmamahal ng aking nawawalang kasintahan” maiyak-iyak na sagot ni Clarke “Ate alam mo naman ang sumpa na ipinatong sa atin ng mangkukulam tayo ay kaniyang itinakda na mamatay, itinakda niya tayo na magmahal ng demonyo upang tayo ay mamatay dahil sa hindi matapos na galit niya sa ating nanay. Ate alam ko naman na gusto mo na matapos ang sumpa kaya ika’y aking tutulungan na tapusin ang sumpa kailangang nating patayin ang mga demonyo na tumapos sa napakagandang buhay ng ating mga magulang”. Sagot ni Lexa ng may pakielam sa kanyang kapatid. “Salamat Lexa” sabay pag lapit ni Clarke kay lexa saka niya ito niyakap ng mahigpit. Kumain na ang dalawang magkapatid ng kanilang hapunan na kinabibilangan ng isang bote ng alak at tig-isang kanin na may manok. “Lexa matulog na tayo ng mahimbing at bukas magsisimula na an gating pag tugis sa mga walang hiyang demonyo” sabi ni Clarke ng may bahid ng galit at pighati sa kanyang boses.
            Lumipas na ang gabi at naghanda na si Clarke at ang mahiwagang baril ang una nilang tutugisin ay si Kellin Queen na sinasabi ni Lexa na huling nakita sa kabihasnan ng timog purgatoryo na umiinom ng alak at nakikipaglandian sa mga babaeng bayaran. Pinuntahan ito ng magkapatid hanggang sa nakita na nila ang bahay na maliit at gawa sa kahoy. Unti unti nila itong pinasok at may nakitang mga katawan ng mga batang babae na walang suso at mukha na tila kinain ng demonyo. Siya pala ang isa sa pinaka-magaling na Kriminal sa purgatoryo ang kumain sa lahat ng batang babae na nawawala. Nakita ni Clarke si Kellin na nakahiga katabi ng mga labi ng mga dalaga. Unti unting nilapitan ni Clarke si kellin kasama ang kaniyang mahiwagang baril. Inasinta ni Clarke ang baril sa gitna ng mata ng demonyo “Sabihan mo ang tatay ko na nagsisimula na ang paghihiganti” Unti unting kinain ng lupa si Kellin Queen. “Nakita mo ate di naman mahirap kailangan lang natin silang unahan at sana di pa makarating ang balita na tayo ay nagsisimula na sa pagtugis sa lima dahil…” “Tama ka Lexa, onti nalang maari na tayong ikasal aking mahal at sana’y buhay ka pa at nasa loob ng triangulo ng multo” panalangin ni Clarke.   Ang tanging layunin ni Clarke ay mapaasakanya ang kanyang kasintahan, sila’y ikasal at mag ka anak pero dahil sa sumpa di niya ito makamit. Ang pangalawang demonyo na pumatay sa kanilang mga magulang ay si Gerard Way na sinasabi na pinaka madugo sa lahat. Siya ang pumatay sa lolo ng dalawang magkapatid, siya ang nakapatay sa mga nakakatanda na Haught. Si Gerard Way daw ang isa sa mga malapit ng makamit ang kalayaan sa Triangulo ng Multo. Pinuntahan ng dalawang magkapatid ang pangalawang demonyo sa kaniyang bahay sa loob ng kagubatan. 
            Si Gerard ang namumuno sa isang grupo ng mga batang babae na tinatanggal niya ang mga alala upang siya ay pagsilbihan. “Ano bang meron sa mga malilibog na demonyo” patawa at paloko na pagsabi ni Lexa. Nilapitan nila ang bahay at nakita nila at sumalubong sa kanila ang isang maganda at matiwasay na dalaga. Sila’y inalalayan ng babae papunta sa loob ang tanong naman ni Clarke ay “Nasaan si Gerard? Nasaan ang kanyang katawan ako ay nasasabik na patayin siya at ibalik sa pinaggalingan niya ang purgatoryo”. Onti onti siyang bumababa at lahat ng babae na kasama ng grupo ay lumuhod at sumigaw ng “HUI AH SALEM”. “Ate ibig sabihin nun ay Maligayang Pagbabalik”. “Ika’y aking inaasahan Clarke” sabi ni Gerard. Agad agad na itinaas ni Clarke ang mahiwagang baril. Nang hina si Gerard, Pinutok ni Clarke ang Baril. Bago mapunta si Gerard sa Ilalim ng lupa “Oh kung alam mo lang kung sino ang tatapos sa sumpa”. Pagtataka nalang ni Clarke pero hindi na niya ito gaanong inisip. 2 na ang ating naibalik sa kanilang pinanggalingan.“Lexa saan natin pupuntahan si Frank Iero? Saan ba siya matatagpuan?” patanong ni Clarke sa kanyang kapatid. Nang may narinig sila na sigawan o sigalot sa gilid ng kanto. Sabay naming tinignan ni Lexa ang litrato at saka sinabi na “Ate hayun siya oh ung madaming tattoo”. Kaagad na nilabas ni Clarke ang mahiwagang baril at saka itinapat sa gitna ng mga mata ni Frank at sinabi niya “Onti nalang aking mahal hahanapin kita at saka tayo ikakasal”. “Lexa 2 nalang ako’y labis na masaya” sabi ni Clarke ay saka hinagkan ang kaniyang mahal na kapatid “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka ngayon sa tabi ko” .Ngayon tugisin na natin si Kurt Cobain. Si Kurt Cobain nasaan ba mahahanap?. Tanong niya sa kaniyang kapatid. Sabi ng aking kaibigan siya daw ay matatagpuan sa hotel na malapit sa Saloon Ni Perry. Saka naman sumakay ang dalawang magkapatid sa kanilang kotse. Nang dumating ang dalawa sa hotel dali dali na silang pumasok sa kwarto na 656 at hinanda na ni Clarke ang kaniyang baril. Nang sipain ni Clarke ang pinto nandoon at nakatayo na siya “Paalam!” sabi ni Clarke. Bumalik na si Kurt sa purgatoryo at sinabi “Ayan nalalapit na ang pagkikita niyo”. Ngayon Si Bobo del Rey nalang. “Mahal nalalapit na, mahal na mahal kita wag mong kakalimutan” pabulong na sinabi ni Clarke.
           Si Bobo del rey daw ay matatagpuan sa sementeryo na malapit sa labasan ng triangulo ng multo. Nagpunta muna ang dalawang magkapatid sa Saloon at uminom hangga’t di na nila kaya ang kanilang pag kalasing saka dali dali namang umuwi ang dalawa at natulog sa kanilang bahay sa gitna ng Purgatoryo. Nagpahinga na ang dalawang magkapatid. Kinabukasan pag kagising nila sila ay kumain ng kanilang almusal. Sila ay pumunta sa sementeryo upang tapusin ang sumpa na ipinatong sa kanila. Dumating na sila sa sementeryo at laking gulat nila may bahay sa itaas ng isang balete. Biglang sumakit ang ulo ni Lexa pagdating nila at may naalala siya parang dati doon siya dinadala ng kaniyang kaibigan na nabuo lamang sa kanyang imahinasyon at siya ang kumuha ng mga kagamitan upang gawin ito pero paano kakayanin ng isang bata na gumawa ng isang bahay?. Napaisip isip niya bobo? Diba yun ang pangalan ng aking kaibigan dati ? paano kung hindi lamang siya sa aking imahinasyon. Umakyat ang dalawa. Pagkaakyat nila nandoon ang isang lalaki na matiwasay at tila kamukha ng naging kasintahan ng kaniyang ate na si Clarke. Tinaas ni Clarke ang mahiwagang baril kay Bobo. “Tapusin niyo ang sumpa, aking mahal” nang marinig ni Clarke ang boses naalala niya ang kaniyang matagal na naging kasintahan. Lumapit si Clarke at hinagkan ang kaniyang mahal. “Paulo? Ikaw ba yan sino si bobo?”. Patanong ni Clarke na may pagtataka sa kaniyang boses. “Patayin mo na ako parang awa mo na hindi ko na kaya na nililinlang pa kita oo ako si Paulo ang mahal mo. Ginamit ko lang ang pangalan na iyon dahil hindi ko na kaya na hindi kita mahalin dahil simula noong bata ka pa ikaw ay aking lagging nakikita. Naghanap naako ng mga paraan para ako ay maging isang tao. Oo kasama ako sa mga pumatay sa inyong magulang dahil ginusto ko silang patayin ang hindi ko lang pinplano ay ang mahalin ang isa sa kanilang mga anak at ikaw yoon clarke” bilis bilis na ipinaliwanag ni Bobo. Umiiyak si Clarke at sinabihan si lexa na bumababa muna sa ilalim ng puno at magpalipas ng oras. “Clarke kailangan mo akong patayin hindi ko na kaya ang pighati ng pagpatay ko sa iyong magulang”. Itinapat ni Clarke ang mahiwagang baril sa kaniyang mahal at pinutok ang baril. “Magkakasama na tayo, mahal ko alam ko na matagal na na ikaw ang isa sa pumatay sa aking mga magulang, kaya hinanap ko sila lahat at sabay tayong mamatay at mapupunta sa purgatoryo”. Itinapat ni Clarke ang baril sa kanyang ulo, at saka siya napahiga sa sakit. Bago siya mamatay tinignan niya ang kanyang mahal at hinawakan ang kaniyang mga kamay.
0 notes
group2filipino-blog · 7 years ago
Text
MGA TULA
“KARGADA”
ni Christine Joyce M. Zalzos
Sino ba ang tunay na mga bayani?
Na siyang dapat umani ng papuri
At kahanay ng mga kawal at guro
Gayundin an gating mga lola’t lolo
Para sa ibang bayan sila’y lumaban
Sa bawat lugar at mga lalawigan
Gayundin ang manggagawang Pilipino
Sa ibang bansa nakikihalubilo
Nang gayon mabigyan ng kaginhawaan
Ibigay sa pamilya ay kasiyahan
Hirap at sakit, at pangungulila
Sa patnubay ng Panginoong Maylikha
Dolyares na padala, dulot ay saya
Malaking tulong din sa ekonomiya
Malayo man sa mga mahal sa buhay
Sila ay mistulang matibay na tulay
Sa pagsaludo nila sa ating bayan
Mahalaga sila sa ating lipunan
Tunay natin bigyan silang karangalan
At huwag sana’y sila ay pabayaan.
“PAGKASIRA”
ni Christine Joyce M. Zalzos
Mundo ko ay naaapi’t nasisira
Mga halaman ko’y siya nang nalanta
Paunti – unti na akong nasisira
Ano ang ginawa niyo sa inyong Ina?
Ubos na ang aking mga kayamanan
Kinuha ninyo upang kayo ay yumaman
Paano naman ang aking kaligtasan?
Isipin ninyo ang aking kapakanan
Mga basura doon at kalat ditto
Mga puno ko ay sinira ng tao
Pagsunog at pagputol ng mga ito
Ay para lamang sa inyong benepisyo
Ilaw niyo ang aking mga kalikasan
Binibigyan kayo ng kaligayahan
Ngunit kung sisirain n’yo ng tuluyan
Mundo ko’y mapupunan ng kadiliman
Sa’tin dapat simulan ang pagbabago
Upang ang kalikasan hindi maglaho
Magtulungan upang ito ay lumago
Mga pagkakamali ay iwawasto
“GAMPANIN”
ni Christine Joyce M. Zalzos
Mangarap ka ng matayog aking anak
Gawin ang iyong gusto at mga balak
Inyong ikakasaya ay iyong gawin
Kaya ikaw ay mangarap at liparin
Hawakan mo ang bawat pinapangarap
Gampanin mo ang lahat sa hinaharap
Mga pangarap na iyong aabutin
Minsan man ay itinaas sa bituin
Kailingan mo sikapin ang pangarap
Gampanin mo ang ligaya at ang sarap
Gantimpalaan mo ang iyong sarili
Ang iyong kasiyahan ay ang pagpili
Mahalin mo ang iyong pinapangrap
Gampanin mo ito na iyong mahanap
Ipaglaban ang iyong paniniwala
Hindi lang dapat ito mabali wala
Sa mundong ito hindi lahat mapalad
Gampanin mon a ito ay iyong ilahad
Minsan ka lang mangarap sa buhay na’to
Huwag mo hahayaan na maging bato
“MUTYA”
ni Christine Joyce M. Zalzos
Ito ang isang tula para sa’king bayan
Sa bansang sagana sa natural na yaman
Ang bayan na aking kinagisnan
Ito’y walang iba kung ‘di ang Pilipinas
Ang mga lupa sa luntiang bukid
Ating tinataniman para sa kinabukasan
Mga dagat na asul sa kulay
Sagana sa pagkain at mga pangisdaan
Ang aking lupang sinilangan
Ay isang bulaklak na nalanta
Ngunit kapag ito’y minahal at
Prinoprotektahan, ito’y mamumulaklak
Kalayaan sana’y atin nang makamtan
Pagkakaisa at pagtutulungan ang kailangan
Iisa lamang ang hangarin sa pakikipaglaban
Kaya layo’y tumigil, at magmahalan
Ang tula ay alay sa mahal kong bansa
Pagkat ako ay kanyang inaruga
Itong Pilipinas na bayan ko’t Ina
Mamahalin ko saan man akong magpunta
“ALALAY”
ni Christine Joyce M. Zalzos
“Nagmahal, nasaktan, kumain ng isaw”
Isang katagang binabanggit ng isang nagmahal
Ngunit ako’y musmos pa lamang
Wala pang alam sa tunay na pag – ibig
Pagkakaibigan ang aking pinanghahawakan
Ang kaibigan na hindi kailanman aalis
Sa kahinaan ay laging sandigan
Kawangis sila sa bawat problemang kinakaharap
Pagmamahal at suporta laging umaapaw
Paggabay at pagtulong laging ipinapadama
Ika’y aakayin patungo sa paroroonan
Siyang kaibigan nawalang iwanan
Ngunit malapit na matapos
Ang bawat yugto ng ating pagkakaibigan
Tayo ay malapit ng humakbang
Patungo sa sarili natin tadhana
Salamat, sa pagiging aking sandalan
Sandaln na nagturo sa akin
Ng tunay na pagmamahal
Hanggang samuli, walang iwanan.
“Pera Pera Lang”
tula ni Miguel Licaros
Marami ng mga krimen ang naganap
Mga pulitikong napapagbintangan
Dahil pera ng taumbayan ang hanap
Kaya dapat sila ay maparusahan
Maraming pulitiko ang natutukso
Pera ng taumbayan ang gusto
Maraming Pinoy ang kanilang nauto
Kani – kanilang mali ay bisto
Taumbayan, dapat tayo ay mamili
Pulitikong tapat at hindi tiwali
Gigising ng maaga, hindi tanghali
Inihalal upang itama ang mali
Katangian ng Diyos kanilang taglayin
Upang kanilang trabaho ay intindihin
Nang buong puso’t kaluluwa mandin
Upang ating bansa ay paunlarin
Mga kababayan tayo ay gumising
Ating mga boto ay huwag sayangin
Ating mga binoto ay galaw – galaw din
Upang ang Pilipinas ay pagyamanin
“Aking Mithiin”
tula ni Miguel Licaros
Ako si Miguel, lubos na nangangarap
Ng buhay na maganda’t napakasarap
Ang lahat ng ito’y aking makakamtan
Kahit alam ko ako’y mahihirapan
Todong pagpupursigi, aking gagawin
Upang matupad ang lahat ng hangarin
Sa tulong ng magulang ako’y linangin
Aking mga pangarap ay pagyabungin
Mga pangarap kong nais na makamtan
Aking nais na maisakatuparan
Ako ay gagawa ng maraming paraan
Upang ang pangarap ay pagtagumpayan
Sa tulong ng Maykapal, aking magawa
Aking pagpuri ay hindi magsasawa
Kanyang mga magagandang halimbawa
Gagamitin sa aking pagkakawang – gawa
Lahat tayo ay nangangarap ng tama
Hangad natin ay wasto hindi masama
Tayo ay may nais na mga tuparin
Dapat tayo ay magpursigi at kayanin
“Ibalik Ang Dating Ganda”
tula ni Miguel Licaros
O aking Inang Mahal na Kalikasan
Ano ang ginawa naming kabalbalan
Nang hindi ka naming pinahalagahan
Sa oras ng pagdating ng kagipitan
Mga delubyo na iyong pinaramdam
Ito na ang sinasabi mong paramdam
Na ikinagulat ng taumbayan
Na talaga naming pinaghahandaan
Ika’y aalagaan at mamahalin
Nang buong puso’t kaluluwa mandin
Iyong yamang likas ay papaunlarin
Upang ang magandang buhay ay palarin
Ang bigay ng Maykapal ay alagaan
Sapagkat ito ay kanyang inilaan
Sa ating mga taong may kakayahan
Na ito’y alagaan at protektahan
O aming Kalikasan aming gagawin
Ang lahat – lahat upang ika’y suyuin
Aming ibabalik iyong dating dating
Upang kami ay iyong bigyan ng galing
“Laro at Buhay”
tula ni Miguel Licaros
Ang larong ito ay napakasikat
Hindi lang sa ating bansa, maging sa iba
Kapag ako’y naglalaro, ibang saya ang nadarama
Ano nga ba ito? Basketbol ang ngalan
Ito’y aking nilalaro halos araw – araw
Kahit pinagpapawisan at naiinitan
Pagkasabik ang aking nadarama
Ang larong ito’y aking mahal
Kapag ako’y naglalaro
Ako’y walang pakielam kung malakas ang kalaban
Ibinubuhos ko ang aking buong tapang
Upang matalo ang aking kalaban
Ang aking buhay ay parang bola
Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba
Umiikot ito ng paulit – ulit
Titigil lamang ito kapag may taong pumigil
Basketbol, ito ay maraming kahulugan
Tungkol sa isports at sa buhay
Ginagamit ito sa tama, hindi sa mali
Dahil ang larong ito ay pinahahalagahan
“Bayang Magiliw”
tula ni Miguel Licaros
Ang bayan kong mahal
Pilipinas ang kanyang ngalan
Ito’y aking ipinagmamalaki
Nang buong puso’t kaluluwa
Maraming mga tanawin
Dito ay makikita
7,107 na mga kapuluan
Na talaga namang kahali – halina
Maraming yamang tubig dito ay makikita
Mga isda, langis, perlas at iba pa
Maraming yamang lupa rin ang masisilayan
Bundok, bulkan na talagang kahanga – hanga
Maraming mga bayani dito ay ipinanganak
Upang ang kasarinlan ay makamtan
Lubos na pasasalamat sa kanila
Dahil tayong lahat ngayon ay malaya
Pilipinas, Kay gandang pangalan
Kahit nasakop ng maraming dayuhan
Bumabandera pa rin ito sa kagalingan
Kaya ang Pilipinas ay papurihan
“Paglipas ng iyong Puso”
Tugmaang tula ni Micah Duque
O’aking minamahal na Pilipinas
Ang iyong mga mata ay pinipilas
Ang mga luha mong tila pinapamunas
Upang ang mga problema ay malutas
Putok ng baril na walang kasing ingay
Sa dulo ng bansa na puno ng pagpatay
Ito ang pinakamasaklap na buhay
Ang mamatay sa paraan ng pagbitay
Pag-aagawan ng mga teritoryo
Na hindi masolusyunan ng pagboto
Dahil sa mga puso nilang tila bato
Nag-reresulta sa pagbaliktad ng totoo
Ang mga opisyal ng gobyerno na tuso
Puno ng gahaman ang kanilang puso
Ang kanilang tala na puno ng kaso
Ugali na mas masahol pa sa aso
O’ aking mahal na lupang silangan
Sa lahat ng aking pangangailangan
Tulad ng pagkain na iyong naibsan
Ako ay nagtatatalon sa kasiyahan
“Pilipinas ang aking Silangan”
malayang tula ni Micah Duque
Pilipinas ang aking sinilangan
Dito ako lumaki ng may pinag-aralan
Dito natuto kung paano magmahalan
Ng wagas at walang pag-aalinlangan
Pilipinas na puno ng pag-aawayan
Gulo at sigalot sa buong kalupaan
Baril at dugo ang kapalit
Upang kapayapaan ay makamit
Pilipinas ang Perlas ng Silangan
Ito’y punong-puno ng kagandahan
Magagandang likas na yaman
Na umaakit sa mga dayuhan
Ako ay naawa
Sa ating kahabag-habag na bansa
Ang kaniyang mga paa ay pinag-aagawan
Ng mga bansang puno ng gahaman
O’ bansa paano ka pangangalagaan
Pano ka iiiwas sa sigalot at awayan
Ika’y kahabag-habag Pilipinas
Tutulungan ka ng ika’y makaahon ng lubos
“Mahal kong Sarili”
akda ni Micah Duque
Ako ay nag-aalinlangan
Kung ako ba ay bughaw o rosas
Alin ba ang pipiliin?
Maging tanggap ng lipunan o ng sarili
Hindi kami tanggap sa lipunan
Kami ay salot at pinagtatabuyan
Bakit ganito ako? O’ maykapal
Ano ang aking ginawa na ikinagalit mo?
Kailan ba matatangap?
Ang pagkagusto ko sa bughaw at rosas
Hindi naman ito mali
Buhay ano na ba ang nangyayari?
Ako ay nakatago sa ilalim ng lupa\
Ako ay nalulumbay at natatakot
Ako’y umuwi at naghakot
Nang mga kagamitan ko bilang salot
Paalam na mga kapatid
Ako muna ay lalayo pakibatid
Sa aking mga kapamilya
Dahil ako ay malaya na
“Kayamanan”
isang tugmaang tula tungkol sa kalikasan ni Micah Duque
Sisikat muli ang araw sa umaga
Hudyat ng ating panibagong pag-asa
Dito sa bayan na perlas ng silangan
Iba’t-ibang pulo'y may hatid na yaman
Umpisahan na sa batis na malinaw
Bata o matanda ay nagtatampisaw
Tila ba binubuo ng mga ginto
Kakaibang saya ang dinulot nito
Masdan ang mapayapang kapaligiran
Handog niya'y hanging malinis sa katawan
mga ibon dito ay nagsisi awitan
Sa mata'y kay saya at sa kalooban
Perlas ng silanganan aking mahal
Di nagkamaling handog ka ng may kapal
Pagpapanatili ang siyang kailangan
At hindi hahayaang mapagiwanan
Sadyang nakararangal sa mga dayuhan
Kitang kita ang tunay na kagandahan
Mga likas na yamang tila walang humpay
Balik balikan at pupurihing tunay
“Ang Munting Pakpak”
tugmaang akda ni Micah Duque
Isang pangarap ang gusto kong makamit,
Yung tipong walang pinipiling kapalit,
Sa kislap ng tala ako’y nanalangin,
Na sana’y itong pangarap ko ay dinggin
Mayroon akong isang munti at puting pakpak
Lumilipad ng mataas na tila ibon
Ito ay lumilipad ng malawak
Na mas mataas pa sa kalawakan
Ang aking pinakagustong pangrap ay
Ang mabuhay ng malaya at tiwasay
At magkaroon ng matagal na buhay
Makatulong sa magulang at sa bahay
Ano nga ba ang maaring gawin
Upang makamit ang isang bituin
Isang napala buti na mithiin
Ang makatulong ng lubos sa lipunan
Gagawin ko ang lahat
Makamit lang ang buhay na tapat
Makapagbigay ng serbisyo na walang lamat
Ang mamatay ng matiwasay bilang alamat
“Maliit na boses, malaking hakbang”
Tula ni Shalom Dela Cruz
Sa bawat paghakbang ko sa aking buhay
Kita ko ang mga taong matagumpay
Biglang sumagi sa isip, ito na ay
Maging tulad nila, masarap mamuhay
Gustong tumulong, gustong kumita
Gusto na mamuhay, puno ng ligaya
Sabihin sa mundo, pakita sa kanya
Ako’y kagalang-galang, puno ng diwa
Makita ang pitong idolong iniibig
‘Yan ang ruruk ng pinakaminimithi
Maipakita sa mundo aking hilig
Aking mga pangarap iyan ay madai
Sana’y maipakita sa buong daigdig
Sarili’y tinatagong himig at tinig
Pakita sa kanila, angking hiling
Maliit na boses, sana ay marinig
Hindi pa tiyak, hindi pa sigurado
Pero isa lamang ang nalalaman ko
Mapasaya ang sarili, iyan ang gusto
Maginhawa bago lumisan sa mundo
“Tatak”
Tula ni Shalom Dela Cruz
Habang naglalakad at nagmuni-muni
Bigla na lamang sumagi sa isip
“Saan nga ba patungo ang buhay kong ito?”
Labinlimang taon nang naninirahan sa mundo
Wala pa masyadong karanasan, madami pa ang kailangan malaman
Aaminin ko
Ngunit dapat isipin, ako’y bata pa lamang
Mahaba pa ang aking lalakbayin
Mga mabibigat na problema’y ‘wag muna isipin
Pero isa lamang ang aking natitiyak
Gustong mamuhay ng may kabuluhan
May saysay, at nag-iiwan ng tatak
Tumira sa mundo ng walang pagsisisi
Gawin ang bawat minuto, bawat oras, bawat araw
Nag-iiwan ng masayang ala-ala
Mga magagandang ala-alang bubuo sa aking pagkatao
Hanggang sa pagtanda, ito’y dadalhin ko
Para sa sarili, at para sa mundo
“Natitirang Pag-asa”
Tula ni Shalom Dela Cruz
Lumabas ka at tingnan ang buong mundo
Sabihin sa’kin, ano ang nakita mo?
Hanging masimoy, malinis na paligid
O tambak tambak na basura sa gilid?
Mainit na panahon tuwing taglamig
Malalakas na ulan tuwing tag-init
Paglabas ng usok ay rinig na rinig
Pagkalat ng basura’y hindi malimit
Nagkukulay abo na ang mga tubig
Nakakalbo na ang mga kabundukan
Bakit sinira, sa halip na ibigin
Tulong, tayo lamang ang maaasahan
Patuloy na pagsira ng tanging yaman
Ito’y dahil sa mga taong gahaman
Sarili ang inisip, hindi tirahan
Resulta ay pag-awa, kapahamakan
Kayong mga tao, sana’y matauhan
Patuloy na pagsira ng kalikasan
Ito ay ating natatanging tirahan
Sana’y itatak sa isip at tandaan
“Ng may buong kagitingan”
Tula ni Shalom Dela Cruz
Dito sa’king kinatatayuan
Kung saan ako namuhay, unang sinilangan
Sa aking tanging Inang Bayan
Luzon, Visayas, Mindanao
Libo-libong mga kapuluan
Natatagong ganda, dapat matunghayan
Sinakop ng iba’t ibang bansa
Nahawaan ng maraming kultura
Mayabong na kasaysayan ay ang resulta
Mga kapwa Pilipino
Kilala sa pagiging positibo
Anuman ang mangyari, ngiti ay puro
At buong kagitingan aking ipaglalaban at gagawin
Ang kasaysayan at kultura, ito ay dadalhin
Makikipaglaban para lamang maipagtanggol
Bayan nating sinilangan
“Hiling”
Tula ni Shalom Dela Cruz
Sayong pag-uwi, makinig sa balita
Sabihin sa’kin ano iyong nakita?
Kasuya-suya ba o kaganda-ganda
Ako’y sigurado, iyon ay ang una
Sinasabi ng presidente sa atin
Kaligtasan ng tao’y masasalamin
Pwede na sa labas kahit hatinggabi
Walang anumang lagim ang lumalagi
Ngunit ngayon ano na ang nagaganap
Mapulang epekto ay lumalaganap
Lahat ng tao’y kaligtasan ang hanap
Namuhay ng payapa, tanging pangarap
Kasuklam-suklam na pangyayari
Bata o matanda, walang pinipili
Mga karumal-dumal na pangyayari
Masamang mga imahe’y sumasagi
Tanging hiling, problema’y maresolbahan
Mga patayan, at gyera’y itigil na
Ibalik ang dating Pilipinas, dating bayan
Sana’y pagbabago, agad na makita
“Kalayaan Kailan Ka Masisilayan?”
tula ni Nishel Dulalia
Bansang nababalutan ng kaharasan
Rape at droga ilan sa di malutasan
O, aming gobyerno bigyang lutas ito
Nang ang aming bukas ay di maging biro
Respeto’t paggalang sa nakakarami
Nanatili pa ba sating sarili?
Siguro nga ganto tayo'y pinalaki
Ngunit alamin niyo ang tama sa mali
Dalagang kay ikli ng kasuotan
Siya ba ay ligtas pa sating lipunan
Oh, dalaga huwag kang magpapagabi
Peligro sa'yong buhay ay nawawari
Kayong mga kabataan ay magingat
Nang mga buhay nyo'y di mabigyang lamat
Yang mga pulis na kay iignorante
Mga taong dapat kinitil sa korte
Demokrasya na siyang haligi ng bayan
Layunin ng gobyerno panatiliin
Na protektahan ang mga mamamayan
Ang hustisya kailangan nang patuparin
“Pilipinas Bayan Ko”
tula ni Nishel Dulalia
Isang bansang sinalangan
Punong puno ng kayamanan
Asul, pula, puti at dilaw
Ang bandilang winawagaygay
Sa dakong silangan
Kapuluan ay matatanaw
Yaong kanyang mamamayan
Pilipino ang lahing ngalan
Kung tingnan sila'y mahina
Ngunit sila ay subukan
Kailanman di magpapatalo
Sa anumang pagsubok
Kayumangging kulay
Kanilang ipinagmamalaki
Lahing katangi-tangi
Naghahasik sa buong daigdig
Sakupin man ng dayuhan
Di susuko kailanman
Bandila at estadong matatag
Pilipinas ang syang ngalan
“Ang Bituin Sa Karimlan”
tula ni Nishel Dulalia
Ilang taon narin tayo naghihirap
Tayo'y nag-aaral at nagsusumikap
Iyon ay ang mga pangunahing sangkap
Upang maabot ang mumunting pangarap
Doktor, Abogado, Sundalo at Guro
Ilan lang sa mithiin ng mga tao
Sila'y tinuturing na bagong bayani
Hatid ala'y kapwa baya'y nagbubunyi
Sa ngayo'y mas mahalaga ang numero
Ang nais ay pumasa kaysa matuto
Ito ba tinatawag na edukasyon?
Pano na ang susunod na henerasyon?
O, pangarap paano ka makakamtan
Kung ganito ang sistema ng paaralan
Mithiin nating kasingtaas ng bituin
Na tila ba ay mahirap ng abutin
Huwag susuko sa'yong pangarap
Pagkat matutumbasan lahat ng hirap
Gamit ang tulong ng bagong kaalaman
Kabataan maging pag-asa ng bayan
"Masdan Ating Ina"
tula ni Nishel Dulalia
Mga asul at berdeng kapaligiran
Napagkukunan natin ng kayamanan
Tanawin na punong-puno ng buhay
Ngayon ay patay na at wala ng kulay
Mangingisda gumagamit dynamita
Mga puno na nabuwal at nalanta
Ang ilog na kasingkulay na ng uling
Dati hanging sariwa ngayo'y marusing
O, mahal naming ina ng kalikasan
Noon kay linis at ganda mo tingnan
Ngunit ngayo'y tuluyan ng napabayaan
Tayong bantay bakit natin hinayaan?
Aking ina sana kami'y mapatawad
makapiling ka muli ay aming hangad
Di man nangangakong di aabushin
Ngunit sisikapin parin ang tungkulin
Pangangalaga sa ating kalikasan
Wagas na pagmamahal tanging kailangan
Kaya ikaw kumilos na at umaksyon!
Bago pa mahuli ang ating desisyon
“Ligaya”
tula ni Nishel Dulalia
Ako'y isinilang noong Agosto
Isang babae na pinanganak sa Tondo
Paborito ‘kong hayop ay aso
Aking Zodiac sign ay Virgo
Babaeng humihikbi sa likod ng mga ngiti
Pagbabasa patuloy mo upang kwento'y matukoy
Magulang madalas di magkaintindihan
Kaya nauwi sa hiwalayan
Bilang magulang di man sila nagkulang
Aming pag-aaral ay kanilang isinulong
Tanging hangad pangarap namin makamit
Upang aming buhay di magsabit-sabit
Ngunit isang lalaki ang dumating
Binago ang aking paningin
Sakin siya'y nagsilbing kulay
At ilaw sa madilim 'kong buhay
Ako'y isang hamak na dalaga
Ang paboritong prinsesa ngalan ay Belle
At ako'y magpapakilala na
Ang pangalan ko ay Nishel
1 note · View note