#TagalogPoetry
Explore tagged Tumblr posts
Text
nang malaman kong
babarya ang tingin mo
sa pinagmumulan ng mga lilang
nakikita ko sa braso mo’t
talukap ng ’yong mga mata,
ibinaling ko sa ’yo ang tingin—
tinitigan kita’t
nagsambit na
hindi mo sentabo’t
bilyon titingnan ang ’yong pagsinta;
hindi ginagramo o kinikilo
ang bawat paggawa;
iya’y pag-ibig kung pag-ibig.
1 note
·
View note
Text
sa paglubog ng araw ang siyang pagsikat ng buwan parehong tanawin mapalad nating natagpuan sa gitna ng dalawang isla'y may tubig na matabang nakinita ri'y mga gusaling 'di nawalan ng kinang. hanggang ang mga bituin ay dumungaw naman at mula sa mga ulap, tayong dalawa ang pinagmasdan. 9-Mar-20
0 notes
Text
#tula #pinoy #tulangpinoy #poet #poetry #makata #makatangpinoy #filipino #pilipino #pilipinas #bigkasan #manunulat #tagalog #tagalogpoetry #filipinopoetry #kwadernoontumblr #poetryart #sining #tulangsining
0 notes
Text
Ang pagtatanggap sa nakaraan ang tanging paraan para makalaya sa sakit na nararamdaman sa kasalukuyan. Let go and Let God
#advice#tagalog#tagalogpoetry#tagalog quotes#self love#let go and let god#behappy#youth#kabataan#christian
11 notes
·
View notes
Text
Sa isang lugar
Kung saan una kitang nakita
Pakiramdam ko ay para akong natutunaw na kandila
Dahil sa iyong umaapoy na postura
Ilang araw ang nagdaan
Para akong nahulog sa hagdan
Dahil sa unang pagkakataon,
Ikaw ay dumaan-
sa aking harapan
Ako'y hindi makatulog
Umaasang pangalan ko'y narinig mo
Sa gitna ng ingay at gulo
dito sa mundo
Nang makilala ka
Sarili ay nag-iba
Hindi na ako ang dating naghahanap
Dahil ngayon ay umaasa na
Sana ay dinggin mo ang sinisigaw ng puso ko
at makita mo sa mata ko ang sarili mo
Dahil handa akong harapin ang mundo
Sa oras na ako'y ibigin mo
Ngunit sa ngayon
Ang maipa-pangako ko lang
ay ikaw ang itatangi
at patuloy na hihilingin-
sa mga bulalakaw na darating.
2 notes
·
View notes
Text
Malaya na tayo
Nakita kitang umiiyak. Doon sa lugar na lagi kong pinupuntahan isang beses sa isang buwan. Dahil dito...dito, tinitingala ko ang b'wan at nginingitian naman niya ako. Nakita kita. Hindi iyon ang inaasahan kong simula. Pero doon tayo nagsimula. Iniabot ko ang kamay ko sa'yo kasabay ng panandalian mong pagtahan. At sa unang beses na nakita kitang luhaan, may nakita akong kalawakan. Nilakbay ko ito pero iba ang nararamdaman ko. Lungkot. Pangungulila. Takot. Bigla akong nakabalik sa mundo nang tinabig mo ang kamay ko. "Bakit ka andito?" Tumabi ako sa'yo. Hindi ko pinagmasdan ang b'wan at ang mga bituin. Noong gabing 'yon wala akong narinig na kaluskos o kuluglig. Pinakinggan lang kita. Pinakinggan ko ang nga hikbi mo at doon, nakilala kita. Hinayaan mong yakapin kita. Unang beses ko ring nasilayan ang ngiti mo at doon, sa gabing yon, minahal kita.
Natutunan mong hawakan ang kamay ko. Na para bang wala kang ibang nakikita at nararamdaman kundi ang dati mong kalawakan na nabago ko. Natutunan kong punasan ang mga luha at isandal ang ulo mo sa balikat ko. Na para bang may nagsasabi sa aking "ito ang mundo mo-ito ang dapat pakinggan mo". Natutunan nating lakbayin ang kalawakan. Sabay nating minahal ang b'wan. Ang dilim. Ang liwanag sa ilalim ng mga bituin.
Minahal kita. At sa maikling panahong iyon, alam kong minahal mo rin ako. Hindi ko inasahang magtatapos, pero mahal tapos na. May para bang bulalakaw o kung ano na bumagsak at sumabog na gumising sa atin na may totoong mundo.Â
Mahal hindi na natin kailangang magtago. Hindi na natin maririnig ang pangungutya ng ibang tao. Mahal patawad. Dahil hindi kita mababawi sa mundong nagsasabing bawal dahil pareho tayo. Patawad dahil hindi ko mabago ang pananaw nila na isang Adan ang para sa isang Eba na gaya mo. Masyadong makapangyarihan ang mundo. Nawasak nito ang ating kalawakan. Winala ang mga bituin at binawi ang b'wan sa atin. Iniisip ko nalang, siguro nahirapan na rin ang panahon na pagkasyahin sa habambuhay ang pagmamahal ko sa'yo kaya hanggang dito nalang tayo. Hindi ito ang gustong kong pagtatapos. Ayaw kong magtapos. Pero mahal... Mahal, tapos na. - Â 072517
4 notes
·
View notes
Text
Sa susunod na habang buhay
O irog, Â
Patuloy akong naghihintay sa araw kung saan si sol at luna ay muling magkikita
Ang araw kung saan makakasama kitang muli
Ang araw kung saan maitutuloy na natin ang ating kwento
Ang ating kwento kung saan tingin ng iba’y tapos na
O irog, pangako
Ako’y hindi na muling aalis sa iyong piling
Hindi na kita iiwang muli sa ilalim ng mga tala Â
Imposible mang matuloy ngayon ang ating pagkikita
Naniniwala ako na sa susunod na habang buhay
Sa susunod na habang buhay makakasama na kitang muli Â
Matutuloy ito at wala ng makakahadlang
O irog,
Aking hinihiling na sana’y ika’y hindi mapagod
Mapagod na maghintay sa araw na ito
O irog,
Patuloy kong isisigaw sa kalawakan na mahal kita
#tala#buwan#araw#solatluna#poetry#tagalogpoetry#Poetscorner#poets on tumblr#lamensajeralunar#tagalog poem
1 note
·
View note
Conversation
Nakaraan: Hinayaan kitang lumaya dahil nakita ko kung gaano ka kasaya sa kanya.
Kasalukuyan: Abot langit ang sayang nararamdaman mo habang ako'y nagsisi sa desisyong nagawa ko.
Hinaharap: Bitaw na. Pipiliin ko ng maging masaya.
1 note
·
View note
Photo
HABANG (on Wattpad) https://my.w.tt/I81IC6kBb9 hanggang saan mo kayang maghintay? hanggang sa napaka tanga mo na? hanggang sa sobrang sakit na? hanggang sa di mo na kaya? Isang Tula Para sa Isang Taong KAHANGA HANGA.
#hurt#lost#love#poem#poetry#sakit#tagalog#tagalognatula#tagalogpoem#tagalogpoetry#tula#tulangtagalog#books#wattpad#amreading
1 note
·
View note
Text
Dahan-dahang napupundi ang pagningning ng mga bituin sa kalawakan.
Wala nang makita kundi ang isang mahabang patlang ng kadiliman.
At ang tanging naririnig na lamang ay ang nakakabinging katahimikan.
Nandito na naman ako sa ating tagpuan.
Binabalikan ang mga pangarap na nalimutan.
Tinatahak ang madilim na kawalan
Lulan ang pusong sugatan.
Tandang tanda ko pa kung paano tayo nagsimula.
Sa kung paanong ang mga kamay mong makasalanan
Ay hinagkan ang mga kamay kong nangangailangan.
Sa kung paano ngumiti
Ang iyong mga matang mapanlinlang.
At kung paanong ang mga labi mong puno ng kasinungalingan,
Ay hinagkan ang aking mga labing nag aalinlangan.
Hanggang sa unti-unti akong nabulag,
Sa mga salita mong mabulaklak
Na akala mo ay tila nakalaklak
Ng asido,
Dahil ang galing ng paglinis mo sa katauhan mo.
Naakit ako,
Sa makata mong mga salita.
Na siyang gumising sa aking natutulog na diwa.
At unti unti aking napaniwala,
At napana ng tadhana.
Nahulog ako sa mga patibong mo.
Ilan ba kami?
Isa? Dalawa? O Sampo?
Kaya't kung ako sayo,
Tigilan mo na ang paniniwala,
Sa mga berso mula sa libro.
Sapagkat gasgas na ang bawat salita nito.
Tigilan mo na ang
pakikinig sa bawat kantang inialay niya,
Sapagkat kasinungalingan ang bawat lirikong binabanggit dito.
Tigilan mo na rin ang paghiling sa mga bituin.
Sapagkat wala nang kinahihinatnan ang bawat panalangin.
Tama na.
Katulad ng mga berso sa libro,
Gasgas na din ang puso mo.
Tulad ng bawat liriko sa kantang inialay sayo,
Kasinungalingan ang lahat ng pinagsamahan niyo.
At tulad ng bawat panalanging hiniling sa bituin,
Wala ni isang pangako niya ang sayo'y ipinatikim.
Tama na.
Di ka ba nakakahalata?
4 notes
·
View notes
Text
#diwangdumadampi
#tula #pinoy #tulangpinoy #poet #poetry #makata #makatangpinoy #filipino #pilipino #pilipinas #bigkasan #manunulat #tagalog #tagalogpoetry #filipinopoetry #kwadernoontumblr #poetryart #sining #tulangsining
0 notes
Text
Bakit tila ako’y pinaglalaruan? Kapag naiisip nang bitawan, bigla ka na namang magpaparamdam?
NasasaktanAtUmaasa
1 note
·
View note
Text
Lahat ng bagay May Dahilan
Itahan na ang pusong sagad
Na umasang minsan ay lumipad
Tumingala at pansinin ang langit
Panahong tama na ang banggit
Dahan-Dahang itapak ang mga paa sa tubig
Ang puso’y masaya lamang ang pintig
Tamang hampas ng alon sa dalampasigan
Huni ng mga ibo'y napakasarap pakinggan
Nakikita mo na ang mga tala
Naway nasa tamang landas ang badya
Magaganda, Makikinang, o Kung meron pang ibang tawag
Maaring hindi mo na talaga iyon maipapahayag
Ang lahat ng sugat mo ay hihilom naÂ
Sapagkat ang tamang panaho’y nandirito na
Pukawin ang damdaming natutulog
Sapagkat para sa panahong ito, ikaw ay hinubog
Dahan-Dahan mo mang napatunayan
Na ang Lahat ng bagay ay may Dahilan
Ito’y para mabuhay ng TamaÂ
Dama ang Pag-ibig ni Bathala
#lahatmaydahilan#Lahatngbagaymaydahilan#poetry#tagalog#tagalogpoetry#jakisnook#poetscommunity#poets#wordporn#padeep#profound#tula#mgatula
3 notes
·
View notes
Text
#2 Saranggola
Matayog pa sa kinalalagyan ng araw Ang mga ninanais na tila unti unting pumapanaw. Kung bukas mundo'y gugunaw, Sana hindi ka tuluyang masilaw Sa kinang na nagmula sa patay-sinding ilaw.
3 notes
·
View notes
Text
A tagalog poetry "Para sa Aking Tala"
Ang ganda talaga ng mga tala.
Mga mumunting liwanag na kumikinang sa malawak nating kalawakan.
Nagsisilbing gabay 'pag ang araw ay nagpapahinga at ang buwan ay 'di nagpapakita.
Na tila ba sinusundan tayo sa lahat ng ating pupuntahan.
Bata pa ako noon nang matutunan ko itong kahumalingan.
Na kapag payapa ang kalangitan sa gitna ng kadiliman.
Ay laging nakatingala at isa-isa silang pinagmamasdan.
Bumubuo ng mga hugis at imahe sa aking kaisipan.
Minsan nag-aabang ako na may isang bumagsak.
Sabi kasi na kung ako ay hihiling rito ay aking makakamtan.
Ngunit iba ito sa aking napag-aralan.
Dahil ito raw ay nakasisira, nakawawasak.
Ngunit may isang talang namumukod tangi.
Mas maliwanag pa sa araw ng umaga at buwan ng gabi.
'Pagkat naiiba ang kinang nito na nagtataboy saking sarili.
Na nagdudulot ng pagkanais lumipad at maabot ito kung sakali.
Subalit ang paglipad ay malabo 'pagkat hindi ito katangian ng tao.
Ang magagawa ko nalang ay maghintay dito saking mundo.
Nagbabakasakaling balang araw ito ay bumaba rito.
Para sa akin ay mahawakan at maramdam ko.
Dahil tapos na akong tumitig at silayan lang ang kagandahan.
Nanaisin nalang na maging isang handang kapatagan.
Na kung sakali mang ito'y sa mundo ko babagsak.
Makasasalo ako sa nag-aalab na pagdating kahit ako ay mawasak.
2 notes
·
View notes