#solatluna
Explore tagged Tumblr posts
Text
Sa susunod na habang buhay
O irog,
Patuloy akong naghihintay sa araw kung saan si sol at luna ay muling magkikita
Ang araw kung saan makakasama kitang muli
Ang araw kung saan maitutuloy na natin ang ating kwento
Ang ating kwento kung saan tingin ng iba’y tapos na
O irog, pangako
Ako’y hindi na muling aalis sa iyong piling
Hindi na kita iiwang muli sa ilalim ng mga tala
Imposible mang matuloy ngayon ang ating pagkikita
Naniniwala ako na sa susunod na habang buhay
Sa susunod na habang buhay makakasama na kitang muli
Matutuloy ito at wala ng makakahadlang
O irog,
Aking hinihiling na sana’y ika’y hindi mapagod
Mapagod na maghintay sa araw na ito
O irog,
Patuloy kong isisigaw sa kalawakan na mahal kita
#tala#buwan#araw#solatluna#poetry#tagalogpoetry#Poetscorner#poets on tumblr#lamensajeralunar#tagalog poem
1 note
·
View note
Text
ang araw at buwan
sila ay simbolo ng pagmamahalan na malayo o hindi sabik na makita sa araw araw pero sa pag daan ng mg araw na hindi buo ang buwan andiyan parin ang araw para bigyan ito ng liwanag sa madilim niyang paligid. parang saatin lang mahal ko tila sa mga araw na hindi ka buo magiging ilaw at init ako para maramdaman mo ang haplos ng aking presensya mahal kita mag kikita pa tayo muli aking sol.
3 notes
·
View notes
Photo
sol & luna 🌞🌚 // #watercolorart #artph #watercolor #illustration #solatluna #geiko https://www.instagram.com/p/Bt5pSRnA-Iw/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=vtovnhn6jhna
0 notes
Text
At nung yinakap mo ako
Tila ba'ng nawala
Ang problema sa mundong puno ng kasakiman
'Wag ka munang bumitaw, aking sinta
0 notes
Text
o aking sinta,
'di ko inaasahan na maagang masasagot aking kahilingan.
labis mo akong pinasaya, akala ko impossible na muli tayong magkita
akala ko hindi na kita makakasama sa aking muling paglalakbay.
pangakong aking hahawakan ng mahigpit
ang 'yong mga kamay at hindi na bibitawan pa. pangakong ika'y hindi na iiwan.
sinta
aking hinihintay ang oras na sabay nating matutuklasan ang muling pagsasama ni sol at luna.
sinta
pangakong ako'y hindi na aalis.
sinta
hindi na ako makapag intay na muli kang makasama.
sinta, hihintayin kita.
ang iyong minamahal,
sol
#poetry#poets on tumblr#tagalogpoetry#sol#luna#poem#letter#sinta#irog#solatluna#Happy Valentine's Day
0 notes