#Puso ng Pasko
Explore tagged Tumblr posts
Text
Bituin ng Pagkakaisa
Pamilya'y nagsasama-sama,
Lahat ay nagkakaisa,
Pagmamahal ang nananaig sa bawat isa,
Mga tao'y bakas sa mukha ang saya..
Buhay sa puso ng mga Pilipino ang diwa ng pasko. Pagtutulungan, pagbibigayan, at pagmamahalan, 'yan ang ating nakagawian. Sana'y araw-araw na lang pasko, puno ng saya at pag-iibigan!
Ang mga bahay ay nagiging isang makulay na paraiso ng mga dekorasyon. Ang Christmas tree ay hindi maaaring mawala, ito ay isang simbolo ng pagkakaisa ng pamilya, kung saan lahat ay nagtutulungan sa paglagay ng mga palamuti, mula sa mga ilaw hanggang sa mga dekorasyong pang-Pasko. Sa mga kabahayan nating mga Pilipino'y hindi makakalimutang isabit ang parol na siyang simbolo ng pag-asa at pagkakaisa ng mga Pilipino sa landas ng buhay. Isang magandang representasyon ng Bituin ng Bethlehem, nagagabayan sa pag-ibig at pagkakaisa. Nagbibigay ng ilaw sa kadiliman ng gabi, nagagabayan ang mga tao sa landas ng pagmamahal. Ang parol, isang bituin ng pag-asa na nagpapaliwanag, sa mga puso ng mga Pilipino. Naaalala ko pa noong nabubuhay pa ang aking lolo, tuwing simula ng 'ber months', ay kaagad na naglalagay siya ng mga dekorasyon sa aming bahay. May mga ilaw, parol, at mga palamuti na nagbibigay ng aliw at saya sa aming tahanan.
Nakasanayan nating mga Pilipino na ipagdiriwang ang Pasko kasama ang buong pamilya. Ang mga nasa malayo'y kung maaari ay umuuwi upang makasama sa pagdiriwang. Sa aming pamilya, ang aking ina at kaniyang kapatid, na kapwa OFW, ay umuuwi tuwing Pasko. Samantalang ang ibang mga kamag-anak na nasa malayo ay pumupunta rito sa aming bahay. Kami'y nagtutulungan sa paghahanda ng mga pagkaing pagsasaluhan, at nagdadasal nang taimtim sa simbahan. Ang aming munting tahanan ay puno ng halakhak at pagmamahal.
Hindi kumpleto ang pasko kung walang mga batang nagpapakita ng kanilang talento sa pag-awit ng mga Christmas carols sa mga bahay-bahay. Kasama ang mga matatanda, nagtitipon-tipon sila upang kumanta ng mga tradisyonal na awiting pang-Pasko tulad ng 'Pasko Na Naman', at 'Star ng Pasko'. Sa mga kanta nila, ramdam ang pag-asa, pagmamahal, at pagkakaisa. At pagkatapos ng kanilang pagkanta, nagbibigay ang mga may-ari ng bahay ng mga aginaldo bilang pagpapalain at pagkilala sa kanilang pagtatanghal. Noong kasali pa ako sa choir kami ay pumupunta sa iba't ibang simbahan upang mangaroling at ang malilikom naming pera ay ginagamit namin upang may pambili kami ng bagong uniporme at ang sobra naman ay para may pang 'outing' kami.
Subalit, sa paglipas ng panahon, marami na ang nagbago at naglaho, isa na rito ang mga nakagawian tuwing pasko. Pasko noon at ngayo'y labis na kakaiba. Kayraming ipinagbago na hahantong sa pagkakataong ika'y mapapatanong ng pasko nga ba ito?
Ang Pasko ay hindi na ganap simula nang sumakabilang-buhay ang aking lolo. Ang mga dekorasyon na dating nagbibigay ng aliw at saya, ay wala na rin. Siya ang nagpapakulay ng aming tahanan, at ng aming buhay. Hindi na rin pumaparito ang ibang kamag-anak... Wala na rin masyadong mga bata na nangangaroling rito..
Gayunpaman, ngayong papalapit na ang pasko, ako'y nagagalak na unti-unti nang bumabalik ang aking nakasanayang pasko noon dahil ipinagpatuloy nga aking lola ang paglalagay ng dekorasyon sa aming tahanan. Sa pagbabalik ng mga alaala ng nakaraan, muli kong matatamasa ang Paskong nakasanayan ko. Hindi man ito ganap na tulad ng noon, ngunit ang pagmamahal at pagkakaisa ng pamilya ay nananatiling pareho. Sa bawat ilaw ng parol at dekorasyon, natutukoy ko ang diwa ng Pasko - pagmamahal, pagkakaisa, at pag-asa. Muli kong makakasama ang aking pamilya, at muli kong makakaramdam ng saya at pag-iibigan. Ito ang Pasko ko, at ito ang nakasanayan kong pagdiriwang.
Aking napagtanto na ang pagbabago ay isang bahagi ng buhay na hindi natin maiiwasan. Hindi tayo pwedeng manatili sa isang lugar lamang. Kailanganan nating harapin ang mga pagbabago at gamitin ito bilang pagkakataon upang lumago at umunlad. Sa tuwing may pagbabago, mayroong bagong pag-asa at pagkakataon na nagbubukas.
Minsan, ang pagbabago ay nakakatakot, pero hindi tayo dapat matakot. Ang pagbabago ay isang proseso ng paglaki at pag-unlad. Hindi ito isang pagkakamali, kundi isang pagkakataon upang matuto at lumago.
Dili sa tanang panahon ania ra sila,
Busa samtang ania pa sila,
Ipakita nato atong paghigugma kanila
Ipadama ta kanila nga sila importante sa atoa
Sa panahon sa kapaskohan, panahon kini sa paghigugmaay, pagpinasayloay, ug pahinatagay dili nato hikalimtan nga mao kini ang angay.
8 notes
·
View notes
Text
Maligayang pasko sa'yo mahal ko
Hindi man ako ang pinili ng tadhana para sa'yo
Hindi nito mababago ang pag ibig ko
Isa kang kabanata na minsang naging milagro
Hindi man nagtagal ang iyong yugto
Isa kang ala alang humubog sa puso ko
Kaya hindi man ako ang kapiling mo
Hindi man nanatili ang ating tagpo
Hanggang sa mga susunod na siglo
Aalalahanin ko ang minsang pag ibig mo
#poetry#tula#spoken word#poem#poets on tumblr#tagalog poetry#tagalog#poems#maikling tula#tulatulaan#makalaya#makata#manulat#manunula#manunulat#filipino writer#writers and artists#poets#poets on tumbler#poetry on tumbler#filipino poetry#writers on tumblr#poems on tumblr
13 notes
·
View notes
Text
Ang Aking Review Tungkol Sa Mga Tula Ni JOSE CORAZON DE JESUS (5 min read)
Ang tulang "Kamay ng Birhen" (1929) ni Jose Corazon de Jesus ay isang kaibig-ibig, makabagbag-damdaming tula sa Tagalog kung paano siya binago ng kanyang pagmamahal sa isang babae para sa ikabubuti niya. Na patuloy na nagsusumikap na maging tapat at etikal, kahit na nangangahulugan ito ng pagsuway sa karaniwang opinyon. Nasabi na ang mga kamay ng isang birhen ay may kakayahan na gawing mabubuting lalaki kahit ang pinakamatigas na kriminal. Ang maliit na aklat na ito ay nagbabalik sa atin sa ating pinagmulan at nagpapaalala sa atin na ang pakikitungo sa iba nang may kabaitan ay maaaring makatulong minsan sa pag-aayos ng ating sariling mga puso.
Ang tulang "May Mga Tugtuging Hindi Ko Malimot" ay isinulat rin ni Jose Corazon de Jesus,. Ang tulang ito ay tungkol sa isang taong nami-miss ang iyong mahal sa buhay, mga alaalang hinding-hindi niya makakalimutan, parang musikang tumatatak sa puso't isipan mo kapag narinig mo ito. Mag-iiwan ito ng imprint sa iyong buhay sa maraming taon na darating.
Isa rin sa mga tula ni Jose Corazon de Jesus ay ang "Itanong mo Sa Bituin". Ang tula ay tungkol sa pagharap sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Ang tulang ito ay mahalagang nagsasalaysay ng isang salaysay ng isang lalaking naghahanap ng mga sagot sa backdrop ng isang madilim na gabing puno ng mga ulap at isang bituin na nais niyang maabot.
Ang tulang "Kahit Saan" naman ay tungkol sa dalawang bida sa tulaa at ang tagapagsalita na mayroong nahahati ng bangin na tanging ang kanilang pag-iibigan lamang ang maaaring tulay. Nasasaksihan namin ang ilan sa maraming mukha ng pag-ibig dito: panghihinayang, diskriminasyon, at paghihintay.
Ang huling Tagalog na tula ni José Corazón de Jess para sa review na ito ay may pamagat na "Ang Magandang Parol". And istorya nitong tula na ito ay patungkol sa isang magandang parol na ginawa ng kanyang lolo. Ang tradisyonal na parol na makikita sa lahat ng dako sa paligid ng Pasko sa Pilipinas ay ang parol. Kwento ng lolo na gumagawa noon ng mga parol para sa kapaskuhan. Ang simbolo ng parol ay mas mahalaga, at ito ay konektado sa simbolikong liwanag na inaasahang mangunguna sa paglaki ng mga bata at palitan ang direksyon ng lolo sa kanyang apo.
Upang ibuod ang bawat tulang sinabi ko sa pagsusuri na ito na personal kong pinili dahil makikita mo ang lahat ng tungkol sa mga tula ng pag-ibig. At dahil malapit na at karawan ng pag mamahalan Nais ko lang ibahagi ang magagandang tula ng pag-ibig sa bawat hugis at anyo na ginawa ni Jose Corazon de Jesus. Sa kabuuan, ang pag-ibig ang pinakamahalagang bagay sa mundong ito. Pagmamahal sa iyong pamilya, kaibigan, kasosyo, alagang hayop, at maging sa mga estranghero. Dahil sa pag-ibig ay maa-appreciate at mauunawaan natin kung saan tayo nanggaling. Sana nagustuhan niyo itong tula kong review. Salamat sa pagbabasa ng Pax Et Bonum.
2 notes
·
View notes
Text
Mula ng ika ay lumisan
Inaalala ang iyong paalam
Ang sabi mo ikaw ay darating
Sa araw ng Pasko
Ilang araw na lang ang hihintayin
Inaasam ang iyong pagdating
Naririnig ko na ang Christmas love songs
Talagang Pasko na sinta ko
Maligaya ang Pasko
Kung ika'y kapiling ko
Tangi kong aginaldo
Ang yakap mo
Hinahanap ka na ng puso ko
Maligaya ang Pasko
Nasaan ka na mahal ko
Ang mundo'y sumasaya
Kapag nariyan ka
Lalo na ngayong Pasko
Nakikita ko na ang noche buena
Lahat tayo ay magkakasama
Sana'y laging ganito ang ating pamilya
Tuwing dumarating and Pasko
Maligaya ang Pasko
Kung ika'y kapiling ko
Tangi kong aginaldo
Ang yakap mo
Hinahanap ka na ng puso ko
Maligaya ang Pasko
Nasaan ka na mahal ko
Ang mundo'y sumasaya
Kapag nariyan ka
Lalo na ngayong Pasko
Ang mundo'y sumasaya
Kapag nariyan ka
Lalo na ngayong Pasko
#ogie alcasid#maligaya ang pasko#song#music#christmas songs#christmas#social#audio#2022#filipino singer#filipino artist#philippines#Spotify
2 notes
·
View notes
Text
| 121622 . FRIDAY . 12:06AM
kung sa iba island hopping. Samin dalawa cafe hopping hahaha! ganito kame mag bonding e. After namin ihatid sina momcy naghanap kame ng mga cafe na bukas until morning sa venice mckinley. Sad lang kase pasara na yung black scoop at coffee bean tea leaf cafe. So no choice kundi tim hortons nalang. Di kase bet ni choy coffee sa tim hortons e. Tapos yung tim hortons pala open lang until 11am kala namin 24hrs. kaya nung nawala na mga tao lipat kame sa starbucks, yung starbucks naman till 1:30am open.
So ayun tamang kwentuhan lang about sa mga ngyare for the past few weeks na di kame magkasama. Tapos napagusapan namin na mag aral together ng Bible sa tuwing tatambay kame sa mga cafe. Magbasa ng mga life verses, mag daily devotions. Yung kukuha ng verses sa bible tapos paguusapan namin together.
Sa next na pagkikita nga namin bibili ko sya bible e, tska mga notebooks, notes, ballpens, stickers. Yun kase gusto nya gift ko sa pasko.
Ayun excited na ako mabilhan sya ng bible. Excited na ako sa mga magiging topic namin. Yung gagawin namin center ng life and relationship namin si God. Kahit na sa mata ng ibang tao masama yung LGBT relationship. Naniniwala ako na sa mata ni Lord lahat pantay pantay. Naniniwala ako na sa actions and sa puso sya titingin hindi sa gender.
- photos last dec.10, 2022
3 notes
·
View notes
Text
𝐏𝐚𝐦𝐚𝐬𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐨𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐥𝐮𝐩𝐞ñ𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝l #Muntinlupa #MuntinlupaNakakaproud #PamaskongHandog2024 #PaskongNakakaproud
Tayo po ay sumusuporta sa 7k Agenda sa ilalim ng liderato ni Mayor Ruffy Biazon, na isa sa mga programa/proyekto ay magbigay assistance ngayong PASKO 2024.
Mapagpalang araw sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay, Muntinlupeño! ❤️
#TemySimundac
#PublicService
#ViceMayorTemySimundac
#BisengBiseMagsilbi
#TapatAtTaosPusongSerbisyo
#MuntinlupeñoTayo
#MUNTInakakaproud
#CityGovernmentOfMuntinlupa
Mapagpalang Araw, Mahal kong Muntinlupeños! 🫰🏻❤️
ANG INYONG LINGKOD, VICE MAYOR TEMY SIMUNDAC, KASAMA ANG MAY KAPAL, DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT, MABUHAY PO TAYONG LAHAT! 🫰🏻
Muntinlupeño tayong lahat sa pagtulong at pagbibigay pag-asa!
#TatakMuntinlupeño
#ShareTheLove ❤
#ShareTheGoodVibes ❤😊
#MuntinlupaIsLove
#ProudMuntinlupeño
#MuntinlupaCity
Maraming salamat po!!! ⭐
VICE MAYOR TEMY SIMUNDAC 🦅
BISENG BISE Magsilbi 🫶🏻
TAPAT AT TAOS PUSONG SERBISYO ❤️
#SerbisyongMuntinlupeño
#LakasTalinoAtBuhay
#SangguniangPanlungsodNgMuntinlupa
#SangguniangPanlungsod
#MuntinlupaNakakaproud
#SPMuntinlupa
#PublicService
#10thCityCouncil
#TheWorkingCityCouncil
#PusongMuntinlupeño
#PusongMuntinlupa
#Muntinlupa
#Muntinlupeño
#SangguniangPanlungsod
#KapusongMunti
#MahalinNatinAngMuntinlupa
Muntinlupeño tayong lahat sa pagtulong at pagbibigay pag-asa!
TATAK MUNTINLUPEÑO!
Sa ating mga staff sa Vice Mayor's Office at Sangguniang Panlungsod, at sa mga kawani ng iba't-ibang departamento na nag organisa para sa Pamaskong Handog na idinaos sa Barangay Tunasan, mula po sa puso ng inyong lingkod, Maraming Maraming Salamat Po.
City Government of Muntinlupa - OFFICIAL
Explore Muntinlupa
GO Muntinlupa
Vice Mayor's Office Of Muntinlupa City
0 notes
Text
"Broken family"
May mga bagay na kailangan
Kung tanggapin kahit hindi ko maunawaan
Na ang dating buo ngayon ay sira na
Na ang dating masayang pamilya ngayon ay wala na
Paulit ulit na binubulong ng aking isip
Maraming tanung sakin isip
Paano nga ba ? Anu nga ba?
Wala na bang pag asa ?
O kailangan ko nalang tanggapin
Na aking magulang ay wala na
Wala na??? Wala na ?? Wala na!!
Wala ng pag asa na maging isa muli
O hindi na ba ma bubuo muli
O kailangan kung tanggapin na
Aking magulang ay may iba ng pamilya
Siguro nga kailangan ko Ng tanggapin
Ngunit sakin may biglang bumulong
Ito ang sagot nya sakin mga hinaing
Oo meron ng ibang pamilya !
Aking sambit sapagsapit ng pasko
Sabi ko kahit walang handa sa pasko
Basta buo ang pamilya masaya na ako
Pero nagkamali ako sapagkat ako'y mag isa nalang
Ito ang unang pasko na hindi tayo magkakasama
Ito ang unang pasko na ako lang mag isa.
Lagi mo sanang tandaan sakabila ng ulan meron bahaghari
Magkakaroon muli ng mga ngiti sa labi
Lage mo sanang tandaan iwan ka man ng iyong ama't Ina
Ako'y nasa tabi mo na
Ako'y mananatili sayong piling
Handang sumagot sayong hiling
Ika'y manatili lamang sakin piling
At ako'y mananatiling sayong piling
Ang mga sinira ay aking bubuoing
Ang mga nawala ay aking hahanapin
Sapagkat nung Una pa man ito na aking layunin
Sakin lamang ay magtiwala at manalig
Buong puso sakin ay isalig
Hindi kita pagkukulangin
Patuloy kitang mamahalin
Ang iyong magulang aking gigisingin
Sa maling mga hangarin
Upang ibalik sa dating nitong layunin
Kung sa tao ito'y impossible
Sakin ay possible
Magkatiwala ka lang sakin
Lahat ay aking gagawin
Diyos ay may layunin.
#love
0 notes
Text
Bumili ng imahe Christmas Santa Christmas tree
Minamahal na mga Kliyente!
Malapit na ang Pasko, at kami ay nagagalak na ipakita sa inyo ang aming koleksyon ng mga kamangha-manghang larawan na tiyak na magdadala ng saya at init ng puso sa inyong mga proyekto. Ang Pasko ay panahon ng pagmamahalan, pagkakaisa, at kaligayahan. Sa aming mga larawan, maaari mong maramdaman ang tunay na diwa ng kapaskuhan.
Ang aming koleksyon ay puno ng mga makukulay na larawan na nagpapakita ng mga tradisyon at simbolo ng Pasko. Mula sa mga nakasisilay na Christmas tree hanggang sa mga masayang pagdiriwang kasama ang pamilya at mga kaibigan, ang bawat larawan ay puno ng kwento at damdamin. Makikita mo ang diwa ng Pasko na bumabalot sa bawat sulok ng aming mga imahe.
Bawat larawan ay may mataas na kalidad at naisip na partikular para sa mga proyekto ng mga designer, marketer, at kahit na mga indibidwal na nais ipahayag ang kanilang pagmamahal sa Pasko. Kung kailangan mo ng mga larawan para sa iyong social media, mga promotional materials, o simpleng mga greeting cards, narito kami para tulungan ka.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga magagandang larawan sa panahon ng Pasko? Sapagkat ang mga larawan ay may kapangyarihang makuha ang damdamin at mga alaala. Ang aming mga larawan ay dinisenyo upang ipakita ang mga espesyal na sandali na iyong maaalala at ibabahagi kasama ang mga mahal sa buhay. Sa pamamagitan ng mga ito, mas madali mong maipapahayag ang iyong mensahe ng pag-ibig at ligaya.
Maaari mong i-browse ang aming malawak na koleksyon sa online na platform. Ang mga larawan ay nakategorya ayon sa mga tema, estilo, at kulay, na nagbibigay-daan sa iyo upang madaling makahanap ng mga larawang akma sa iyong pangangailangan. Huwag palampasin ang pagkakataong makuha ang mga espesyal na larawang ito para sa iyong mga proyekto.
Ang aming mga larawan ay hindi lamang basta mga imahe; sila rin ay mga paanyaya upang ipakita ang iyong mga mensahe at ideya. Ang bawat detalye ay mahalaga, at ang aming mga larawan ay tumutulong sa iyo na magbigay-diin sa mga mensaheng nais mong iparating. Ang Pasko ay isang panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan, kaya’t gawing espesyal ang iyong mga mensahe sa pamamagitan ng aming mga larawan.
Kung ikaw ay may mga katanungan o nangangailangan ng tulong sa pagpili ng tamang larawan, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming customer support team. Nandito kami upang magbigay ng tulong at impormasyon na kailangan mo. Kami ay nandito para sa iyo sa bawat hakbang ng proseso, mula sa pagpili ng larawan hanggang sa pagbili.
Sa pagsasaliksik ng mga larawang may temang Pasko, ikaw ay maghahanap ng mga pagkakataon upang lumikha ng mga bagong alaala at tradisyon. Ang mga larawan ay nagsisilbing alaala ng mga masayang sandali na iyong maibabahagi sa mga mahal mo sa buhay. Ang bawat larawan ay nagdadala ng kwento at kasaysayan ng iyong pagdiriwang.
Ang mga larawan namin ay maaari ring gamitin bilang mga inspirasyon para sa iyong sariling mga proyekto. Halimbawa, maaari kang lumikha ng mga invitation cards, greeting cards, o kahit mga art prints na may temang Pasko. Magbigay ng kakaibang pahayag sa iyong mga proyekto gamit ang aming mga magagandang larawan.
Tandaan, ang bawat larawan na iyong pipiliin ay maaaring magdala ng espesyal na damdamin at kwento sa mga taong makakakita nito. Maglaan ng oras upang tingnan ang aming mga koleksyon at hayaan ang iyong sarili na ma-inspire ng ganda at diwa ng Pasko. Ang aming mga larawan ay magdadala sa iyo sa isang paglalakbay ng alaala at saya.
Sa pagdiriwang ng Pasko, ikaw ay may pagkakataon na ipakita ang iyong sining at malikhaing kakayahan. Ang aming mga larawan ay nagbibigay ng puwang para sa iyong mga ideya at nagpapayaman sa iyong mga proyekto. Gamitin ang aming mga larawan upang lumikha ng mga bagong alaala at damdamin para sa iyong mga tagapanood.
Huwag kalimutan na ang Pasko ay isang panahon ng pagbibigayan. Sa pamamagitan ng aming mga larawan, maaari kang magbigay ng mga regalo ng saya at inspirasyon sa mga tao sa iyong paligid. Sa bawat pagbili mo, hindi lamang ikaw ang nakikinabang kundi pati na rin ang mga taong makakatanggap ng iyong mga likha.
Naghahanap ka man ng klasikong mga disenyo o mga modernong interpretasyon ng Pasko, makikita mo ang lahat ng ito sa aming koleksyon. Ang aming mga larawan ay isinasaalang-alang ang bawat panlasa at estilo, na nagbibigay sa iyo ng maraming pagpipilian. Huwag palampasin ang pagkakataong magdala ng ganda at saya sa iyong mga proyekto.
Magsimula na at tingnan ang aming mga larawan ngayon! Ang aming koleksyon ay puno ng mga kamangha-manghang imahe na tiyak na makakapagbigay inspirasyon sa iyo. Huwag palampasin ang pagkakataon na gawing espesyal ang iyong Pasko sa tulong ng aming mga magagandang larawan.
Salamat sa iyong pagtangkilik! Nawa’y magkaroon ka ng masaya at makabuluhang Pasko!
#pasko#bagong taon#holiday#santa#christmas tree#taglamig#niyebe#mga regalo#pamilya#mga tao#mga bata#mga background para sa advertising#texture para sa editor#larawan para sa marketing#imahe para sa marketing sa internet#template para sa editor#wallpaper para sa desktop#mga ad#background#background para sa advertising#background para sa internet marketing#wallpaper#screensaver#sining#disenyo#ilustrasyon#konsepto#creative#collage#texture
0 notes
Text
BAGUIO: Mainit na Yakap sa Likod ng Malamig na Klima
Malamig at sariwa ang simoy ng hangin sa labas, at natatanaw ko ang bakas ng aking hininga na umuukit sa salamin ng bintana habang aking dinudungaw ang malamig na umaga. Patuloy pa rin ang kasagsagan ng malamig na temperatura sa bansa na dala ng pag-ihip ng hanging amihan sa direksyon ng Pilipinas. Isa itong pamilyar na pakiramdam, ngunit ang lamig na dala ng hangin ngayon ay hindi pangkaraniwan. Ngayon, ibinabalik ako nito sa aking naging karanasan ilang taon na ang nakalipas, sa isang lugar kung saan ang lamig ay higit pa sa temperatura.
Baguio. Mabanggit pa lamang ang pangalan ng tinaguriang "Summer Capital of the Philippines" ay sasalubong na sa iyo ang larawan ng mahamog na umaga, malamig na gabi, at mabulaklak na kapaligiran. Ito ay isang lugar kung saan ang malamig na klima ay bahagi ng kaniyang kaakit-akit na ganda. Isa rin ito sa mga pangunahing destinasyon na parte ng aking bucket list dahil sa katangi-tanging kariktan o kagandahan na maihahatid nito. Ang aking naging karanasan noong ako ay nanatili rito ay talaga namang hindi ako binigo dahil hanggang sa kasalukuyan ay dala-dala ko pa rin ang masarap na memorya na aking nabuo sa pook na ito.
Ika-24 ng Disyembre ng taong 2018 noong napagdesisyunan ng aking pamilya na dumayo mula Bataan hanggang Baguio upang doon ipagdiwang ang araw ng pasko. Maaga kaming bumiyahe upang kahit mahirap ay makaiwas kami sa bugso ng trapiko. Gayunman ay hindi pa rin namin ito natakasan, ngunit imbis na makaapekto sa aming pamamasyal ay nakadagdag lamang ito sa aming pagkasabik na agad malibot ang nasabing lugar. Sa unang destinasyon pa lamang ay hindi na namin napigilang mamangha dahil sa lamig ng klima at sa dami ng mga taong dumayo rin upang masilayan ang gandang hatid ng Baguio.
Una naming binisita ang Mines View Observation Deck at katulad ng aming inaasahan, punong-puno ito ng mga turistang nagnanais ding masilayan ang mga tanawing nakapaligid sa Baguio. Isa ito sa mga popular na destinasyon sa pook dahil matatanaw mula rito ang mga minahan ng ginto at tanso sa Benguet, pati na rin ang mga nakapaligid na matatayog na bundok ng Cordillera. Naging kapana-panabik ang aming karanasan dito dahil nasilayan namin ang mga makukulay na tradisyunal na kasuotang Igorot, katulad ng bahag, sibat, kalasag, at iba pa. Nagpakuha rin kami ng mga litrato sa tabi ng mga kabayo at kahit unang destinasyon pa lamang ay napabili na kami agad ng mga pasalubong at souvenir sa mga tiyanggeng nakapalibot dito. Higit sa lahat, nasaksihan ko ang nakabibighaning mga tanawin habang damang-dama ng aking balat ang malamig na simoy ng hangin na pinatamis ng mga puno ng pino na nakalantad sa paligid nito.
Tila walang kapaguran ang aming mga paa dahil matapos naming mag-iwan ng bakas sa Mines View Observation Deck ay dumako na kami sa aming pangalawang destinasyon. Sabi nga ng marami, hindi makukumpleto ang iyong pamamasyal kung hindi ka bibisita sa Baguio para sa kanilang mapupula at masasarap na strawberries. Dumako ang aming pamilya sa La Trinidad upang bisitahin ang sikat na Baguio Strawberry Farm, kung saan kami ay sinalubong ng mga mayayamang taniman ng iba’t ibang uri ng mga sariwang gulay at prutas. Malugod kaming inanyayahan ng mga lokal na magsasaka at maiging pinayuhan ukol sa tamang pagpili at pagpitas ng mga halaman. Natagpuan din namin ang aming mga sarili na bumibili ng iba’t ibang mga produktong batay sa strawberry, katulad na lamang ng strawberry jams, strawberry ice cream, at strawberry taho. Isa ito sa mga nakaeengganyong karanasan na pumukaw sa aming mga damdamin dahil sa simpleng interaksyon na ito ay nakilala namin ang mga puso at diwa ng komunidad. Tunay na ikinaligaya ng aming mga puso ang likas na kagandahan ng paligid at ang masiglang kultura ng rehiyon. Lumisan kami sa aming destinasyon na hindi lamang may dalang basket ng sariwang strawberries at lettuce sa aming mga kamay, kundi may mas malalim din na pagpapahalaga sa mga taong bumubuo sa kalikasan ng Baguio.
Matapos ang aming maikling pahinga ay tinahak ng aming pamilya ang landas patungo sa Botanical Garden. Maliban sa malamig na klima ay tahanan din ang Baguio ng magagandang hardin at parke. Ang Botanical Garden ay itinuturing isa sa mga kamangha-mangha at kilalang-kilala na tourist spots na mayroon ang lungsod. Maraming turista ang aming nakasalamuha sa lugar ngunit halos nakabibinging katahimikan din ang bumungad sa amin. Hindi alintana ng bawat isa ang presensya ng ibang tao lalo na’t napaliligiran ang pook ng maraming uri ng halaman, makukulay na bulaklak, at mga nagtataasang puno ng pino na tunay nga namang nakamamangha sa mata. Ang mga ingay na pumupuno sa paligid ay nagmumula lamang sa mga huni ng mga ibon na nag-iikot sa itaas na nakadaragdag sa payapang pakiramdam na hatid ng malamig na lugar. Kahit ang sandamakmak na litratong nakuhanan namin sa hardin ay hindi makapagbibigay-katarungan sa kaaya-ayang ganda na aming natunghayan.
Papalapit na ang hapon ngunit damang-dama pa rin ng aming mga balat ang ginaw na dala ng klima sa lugar. Napagdesisyunan ng aming pamilya na tapusin ang araw na ang Burnham Park ang huling destinasyon. Ito ang pinakakinasasabikang pasyalan ng marami sa amin bilang ito ang itinuturing na "Mother of All Parks" sa Baguio City. Walang makikitang bahid ng panghihina o kapaguran sa aming mga katawan kahit ilang destinasyon na ang aming nabaybay dahil ang pasyalang ito ang pinakahinihintay ng lahat. Kilala ang Burnham Park bilang isa sa mga paboritong pasyalan hindi lamang ng mga katulad naming turista kundi pati na rin ng mga lokal na mamamayan ng Baguio dahil sa bilang ng mga libangan at pasyalan na makikita rito. Nalibang ang aming pamilya sa iba’t ibang uri ng mga aktibidad na dala ng pasyalang ito, mula sa pagsakay sa mga bisikleta hanggang sa pamamangka sa malaking man-made lake na makikita sa gitna ng nasabing parke. Tila napagmasdan ko ang pagbalik ng aking mga tiyahin sa kanilang pagkabata habang nililibang nila ang kanilang mga sarili. Malamig ang simoy ng hangin ngunit binabalot ng mga maiinit na ngiti at tawanan ang buong paligid.
Sumapit na ang dapit-hapon nang magpasya ang aming pamilya na magpahinga mula sa aming paglalakbay. Dumayo na kami papunta sa aming napiling rest house upang salubungin ang pagpitik ng alas-dose sa orasan. Unti-unti nang pumapasok sa aming sistema ang antok at pagod na dala ng buong araw naming paglilibot sa mga pasyalan sa Baguio. Ramdam man namin ang panghihina ng aming mga katawan ay patuloy pa rin kaming niyayakap ng masasayang alaala na binuo namin sa araw na iyon. Maligalig naming sinalubong ang araw ng pasko at lahat kami ay natulog nang mahimbing na may malalawak na ngiti sa aming mga labi.
Sa aking pagninilay-nilay habang ang malamig na hangin ay humahampas sa aking bintana, hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding pangungulila para sa espesyal na uri ng lamig na tanging ang Baguio lamang ang makapagbibigay. Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon ay nanaisin kong bumalik dito at lumikha ng mga bagong memorya na tatatak sa aking puso at isipan. Tunay na hindi pangkaraniwan ang lamig ng panahon sa Baguio, gayundin ang mga nag-aalab na karanasan na maihahatid nito.
Inaasam-asam ng aking katawan na maranasang muli ang pakiramdam na idinulot ng paraisong iyon. Ngunit sa ngayon, dadamhin ko muna ang bawat piraso ng mga nabuo kong alaala, at yayakapin ang init na dala nila.
MGA SANGGUNIAN: Baguio City weather: The best time to visit | El Retiro. (n.d.). El Retiro. https://elretirobaguio.com/baguio-city-weather-the-best-time-to-visit/ Mines View Park | Discover the Philippines. (n.d.). Guide to the Philippines. https://discoverthephilippines.ph/destinations-and-attractions/mines-view-park Parkeng Mines View. (n.d.). CulturEd: Philippine Cultural Education Online. https://philippineculturaleducation.com.ph/parkeng-mines-view/ Tripadvisor. (n.d.). Burnham Park - All You Need to Know. https://www.tripadvisor.com/Attraction_Review-g298445-d1822706-Reviews-Burnham_Park-Baguio.html Vacationhive. (2022). Botanical Garden | Destinations in Baguio. https://www.vacationhive.com/Baguio-attractions-top-destinations-review-botanical-garden/
1 note
·
View note
Text
noon palagi kong hinihingi
ang iyong yapos,
mga paghapit ng mahigpit sa beywang ko
na para bang paghigit ng karit sa isang lingkis ng palay sa tuwing anihan.
noon madalas kong nililimos
ang iyong paghinga,
mga hilik at hagikhik at kaunting pagsinok
na ang bawat pagitan at pilantik ay tila mga pantig at pahinga ng aking pangalan.
noon araw-araw akong nangungulila
sa iyong mga paglalambing at paglapit,
pagpisil at pagkapit,
sa iyong mga patutsada't pagpipigil ng ngiti.
ganoon ako sayo dati,
nagdaramdam at nagdadalamhati
sa mga bagay na ako lang
ang naniniwalang mangyayari at nangyayari.
ngayon nakagisnan ko na
ang tahimik na umaga,
natutong kape at pagtupi ng kumot pala ang dapat na inuuna
ang simula ng payapa;
na ang pagbubukas ng mga bintana ay pagtanggap
ng puso sa ginhawa at paglaya.
ngayon nasanay na ako sa mga pagwawalang-kibo
at pagsasawalang-bahala,
sa wakas ay napagod na rin sa iyong paulit-ulit na pagkibit-balikat at pagtawa sa mga bagay na
ang hinihingi ko sana ay pang-unawa.
hindi pala palaging sa iyo nakukuha
ang tamis at ligaya,
minsan pala ay nagtatago ito sa mga sulok at gusot
ng isinantabing damit na iniregalo ko sayo noong pasko.
sa mga luhang natuyo at pinaglumaang kanta,
madalas pala ay naghihintay lang ito
sa mga agiw at alikabok na hindi makuha-kuha.
hindi ko na hinahanap-hanap
ang mga pagkakataong hindi naman talaga dumating
napagod na rin ako sa pagsisinungaling
at paghahanap ng kakampi sa iyong bisig.
ngayon pinupuno ko ang puso
na hindi mo pinansin at pinunan.
nagkukubli sa mundong ako lang at walang kulang
ngayon mas alam ko na ang halaga ng tunay na pag-ibig,
iyong hindi pinapaniwala sa pagmamahal na pribado at tahimik,
hindi pagmamahal na humihikbi ng impit at palihim,
kundi iyong pagmamahal na banayad,
walang mabibigat na ulap kahit makulimlim
payapa, at sa mga araw na hindi ako makatitig ng tuwid sa salamin
ay panatag ang isip na ako't ako pa rin ang pipiliin.
0 notes
Text
eh kamusta naman ang mga kamag-anak ko sa baba. bahay daw ng bata ito. eh nagsasaya daw ang puso. ang ganda naman ng bahay: paskong pasko ang aabutin ng bata.
0 notes
Text
GUSTO MO BANG UMIKOT SA PUSO NG MAYNILA KASAMA ANG IYONG PAMILYA? HALI KA NA!
Minsan lang kaming nagsasalo-salo ng aking buong pamilya. Sa higit lima hanggang anim na taon, isa lamang ang pagkakataon naming nakapagsama sa isa’t isa. Kapag nabibigyan kami ng oportunidad, sinusulit namin ito sa pag-ikot ng buong Lungsod ng Quezon at Pasay sa Metro Manila. Bakit nga ba espesyal ito sa amin?
Magsisimula tayo sa Lungsod ng Quezon, kung saan tinatagurian itong pinakamalaking lungsod sa Pilipinas kapag populasyon ang binabasehan. Sa halip nito, hindi lang tao ang sariwang makikita mo sa Quezon City, kundi lahat ng mga monumento at pasyalan ay makikita mo narin. Ang aming pamilya, kahit mga Ilonggo, ay tagos na tinuturing ‘ikalawang bahay’ ang Quezon City, kaya kapag mayroong mga pagkakataon, dumadaloy at dumadaloy kami roon upang makapagpasyal ulit sa mga aming naligtaan sa nakaraan pa.
Kung gusto mo man magpa-Trinoma, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Ateneo de Manila University, at Sofia Bellevue, hali ka na at samahan kita sa Quezon City! Oh! Siyempre, hindi rin mawawala ang kagandahan ng Pasay. Iyong makikita roon ang Mall of Asia, Star City, at iba pa. Hindi ko makalilimutan ang lahat na ito sapagkat ang huling pagdaos namin sa mga lungsod nayon ay noong 2016 pa dahil doon kami nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon. Hindi lang tuwa ang makukuha mo rito, kundi pati na rin ang iyong kinabukasan kapag gusto mong makapag-aral sa mga UAAP schools.
Labis akong naniniwala sa kaisipan na dapat muna nating bigyang halaga ang kagandahan ng ating bansa bago tayo rumaos sa kagandahan ng banyaga. Para sa amin, ang Metro Manila ay hindi lang isang malaking siyudad, halo-halo rin ito ng makukulay at malilikhaing produkto ng arkitektural na pag-iisip ng mga Pilipino. Ating malalaman dito na ang Kulturang Lokal ay patuloy paring namamayagpag sa atin, ngunit sa halip ng lahat, kapag gusto mo lang naman magpakawala sa iyong mga problema, o kagaya saamin na nagsalo-salo kasama ang pamilya at barkada, Tara na! Aking ipakilala sainyo ang puso ng Pasay, Quezon, at buong Metro Manila! -Lastimosa, Robert Julius G.
0 notes
Text
Another year ends, but those chapters will still remain in me. It feels like time were too fast, I haven’t been able to breath yet another year will come. My head is full of frustration and fear. Lord, pwede bang humiling? Maaari bang dahan-dahanin ang ikot ng oras? Hindi pa ako handang sumabay. Sabi nila, “What will happen, will happen”, hayaan nalang daw mangyari ang mga bagay, sumabay sa ikot ng buhay, at manatiling kampante.
It scares me, things scares me. Christmas was way too overwhelming for me. Lord, I am not questioning you. Pero bakit palaging mabigat ang aking loob sa tuwing sasapit ang pasko? Parang palaging may kulang sa buhay ko.
Nangangamba ako, natatakot. Sasabayan ko na lang ba muli ang taong ito?
Gusto ko ring lumigaya, maging mapayapa. Sobra bang humiling? Pagiging makasarili ba kung ang hihilingin ko naman ay ang sarili kong kasiyahan? Husto na ang bigat sa aking loob, kailan magiging magaan ang puso ko tuwing sasapit ang pasko?
0 notes
Photo
Maligayang Pasko po sa inyong lahat! 😍🎄 Mula sa bahay ng kapitbahay 🤣 este mula sa puso namin... 🐶🐶🐶 #Christmas2022 #dogsofinstagram #dogsofhoundvalley #Pomeranians #starthepomeranian #summerthepomeranian #sparkythepomeranian https://www.instagram.com/p/CmlZi0NPTXs8QkZRZSnoPbAyfPB9FWWmaFEKNw0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
#christmas2022#dogsofinstagram#dogsofhoundvalley#pomeranians#starthepomeranian#summerthepomeranian#sparkythepomeranian
0 notes
Text
Dear Jun,
Alam ko. Marami man akong di alam sa lahat pero ang alam ko at nararamdaman ko na nandiyan ka pa din. Parati ko iniisip sa sarili, why not try? why not consider? Pero shet, di ko kaya. Patawad sobra. Kung alam mo lang kung gaano kita gustong makita at makausap, pakiramdam ko kasi di tayo parehas matatapos at matatahimik hangga’t di natin naririnig ang isa’t isa. Pero para saan pa?
Kanina habang pauwi ako galing Calapan, naisip kita. Parati naman e, pero kanina naisip ko na mas magiging maganda at worth it ang kwento natin kung hindi tayo magkakatuluyan. Masasayang kasi yung pains, tears and heartaches na parehas natin naramdaman kung ang ending parang typical na movie na nagkatuluyan sa huli. Hindi ko alam ba’t ganito ako mag isip, pero alam mo ba, kanina iniisip ko mas magiging maganda yung kwento natin kung matatapos ito sa ganito nalang na sitwasyon na tulad ngayon. Mas magiging kapaki pakinabang ang kwento natin para sa lahat at para sa susunod pang henerasyon. Patawad ha.
Alam mo ba, totoo pala na you cannot unlearn things lalo yung natutunan ng puso mo. Walang makakakuha nung pwesto mo sa puso ko pero Jun, di na yun sapat. Mahal pa din kita pero mas mahal ko na ang sarili ko ngayon, nirerespeto ko na yung sarili kong kasiyahan ngayon. Patawad, Jun.
Magpapasko na. Alam kong mabigat ang bawat pasko para sa ating dalawa mula noong nagkasakitan tayo. It takes time pero malay natin dumating yung pasko na hindi na natin mararamdaman yung bigat. Hindi na natin aalalahanin yung dati. Patawad sayo.
Totoo pala yung “Kahit anong gawin di na mababalik yung dati.”
Patawad. Paalam, Jun.
Paulit ulit na paalam.
0 notes
Text
Celebrate the Christmas Season at CCP with a variety of December Festivities
Press Announcement: This Yuletide season, the Cultural Center of the Philippines offers a variety of engaging performances and programs – from classical concert to contemporary dance production, and other traditional Paskong Pinoy activities – for just about every artistic preference, with festivities taking place throughout December. The holiday cheers at the CCP kick off with Puso ng Pasko,…
View On WordPress
0 notes