#SummerCapital
Explore tagged Tumblr posts
ellyviews · 9 months ago
Text
BAGUIO: Mainit na Yakap sa Likod ng Malamig na Klima
Malamig at sariwa ang simoy ng hangin sa labas, at natatanaw ko ang bakas ng aking hininga na umuukit sa salamin ng bintana habang aking dinudungaw ang malamig na umaga. Patuloy pa rin ang kasagsagan ng malamig na temperatura sa bansa na dala ng pag-ihip ng hanging amihan sa direksyon ng Pilipinas. Isa itong pamilyar na pakiramdam, ngunit ang lamig na dala ng hangin ngayon ay hindi pangkaraniwan. Ngayon, ibinabalik ako nito sa aking naging karanasan ilang taon na ang nakalipas, sa  isang lugar kung saan ang lamig ay higit pa sa temperatura.
Baguio. Mabanggit pa lamang ang pangalan ng tinaguriang "Summer Capital of the Philippines" ay sasalubong na sa iyo ang larawan ng mahamog na umaga, malamig na gabi, at mabulaklak na kapaligiran. Ito ay isang lugar kung saan ang malamig na klima ay bahagi ng kaniyang kaakit-akit na ganda. Isa rin ito sa mga pangunahing destinasyon na parte ng aking bucket list dahil sa katangi-tanging kariktan o kagandahan na maihahatid nito. Ang aking naging karanasan noong ako ay nanatili rito ay talaga namang hindi ako binigo dahil hanggang sa kasalukuyan ay dala-dala ko pa rin ang masarap na memorya na aking nabuo sa pook na ito.
Tumblr media
Ika-24 ng Disyembre ng taong 2018 noong napagdesisyunan ng aking pamilya na dumayo mula Bataan hanggang Baguio upang doon ipagdiwang ang araw ng pasko. Maaga kaming bumiyahe upang kahit mahirap ay makaiwas kami sa bugso ng trapiko. Gayunman ay hindi pa rin namin ito natakasan, ngunit imbis na makaapekto sa aming pamamasyal ay nakadagdag lamang ito sa aming pagkasabik na agad malibot ang nasabing lugar. Sa unang destinasyon pa lamang ay hindi na namin napigilang mamangha dahil sa lamig ng klima at sa dami ng mga taong dumayo rin upang masilayan ang gandang hatid ng Baguio.
Tumblr media
Una naming binisita ang Mines View Observation Deck at katulad ng aming inaasahan, punong-puno ito ng mga turistang nagnanais ding masilayan ang mga tanawing nakapaligid sa Baguio. Isa ito sa mga popular na destinasyon sa pook dahil matatanaw mula rito ang mga minahan ng ginto at tanso sa Benguet, pati na rin ang mga nakapaligid na matatayog na bundok ng Cordillera. Naging kapana-panabik ang aming karanasan dito dahil nasilayan namin ang mga makukulay na tradisyunal na kasuotang Igorot, katulad ng bahag, sibat, kalasag, at iba pa. Nagpakuha rin kami ng mga litrato sa tabi ng mga kabayo at kahit unang destinasyon pa lamang ay napabili na kami agad ng mga pasalubong at souvenir sa mga tiyanggeng nakapalibot dito. Higit sa lahat, nasaksihan ko ang nakabibighaning mga tanawin habang damang-dama ng aking balat ang malamig na simoy ng hangin na pinatamis ng mga puno ng pino na nakalantad sa paligid nito.
Tumblr media
Tila walang kapaguran ang aming mga paa dahil matapos naming mag-iwan ng bakas sa Mines View Observation Deck ay dumako na kami sa aming pangalawang destinasyon. Sabi nga ng marami, hindi makukumpleto ang iyong pamamasyal kung hindi ka bibisita sa Baguio para sa kanilang mapupula at masasarap na strawberries. Dumako ang aming pamilya sa La Trinidad upang bisitahin ang sikat na Baguio Strawberry Farm, kung saan kami ay sinalubong ng mga mayayamang taniman ng iba’t ibang uri ng mga sariwang gulay at prutas. Malugod kaming inanyayahan ng mga lokal na magsasaka at maiging pinayuhan ukol sa tamang pagpili at pagpitas ng mga halaman. Natagpuan din namin ang aming mga sarili na bumibili ng iba’t ibang mga produktong batay sa strawberry, katulad na lamang ng strawberry jams, strawberry ice cream, at strawberry taho. Isa ito sa mga nakaeengganyong karanasan na pumukaw sa aming mga damdamin dahil sa simpleng interaksyon na ito ay nakilala namin ang mga puso at diwa ng komunidad. Tunay na ikinaligaya ng aming mga puso ang likas na kagandahan ng paligid at ang masiglang kultura ng rehiyon. Lumisan kami sa aming destinasyon na hindi lamang may dalang basket ng sariwang strawberries at lettuce sa aming mga kamay, kundi may mas malalim din na pagpapahalaga sa mga taong bumubuo sa kalikasan ng Baguio.
Tumblr media
Matapos ang aming maikling pahinga ay tinahak ng aming pamilya ang landas patungo sa Botanical Garden. Maliban sa malamig na klima ay tahanan din ang Baguio ng magagandang hardin at parke. Ang Botanical Garden ay itinuturing isa sa mga kamangha-mangha at kilalang-kilala na tourist spots na mayroon ang lungsod. Maraming turista ang aming nakasalamuha sa lugar ngunit halos nakabibinging katahimikan din ang bumungad sa amin. Hindi alintana ng bawat isa ang presensya ng ibang tao lalo na’t napaliligiran ang pook ng maraming uri ng halaman, makukulay na bulaklak, at mga nagtataasang puno ng pino na tunay nga namang nakamamangha sa mata. Ang mga ingay na pumupuno sa paligid ay nagmumula lamang sa mga huni ng mga ibon na nag-iikot sa itaas na nakadaragdag sa payapang pakiramdam na hatid ng malamig na lugar. Kahit ang sandamakmak na litratong nakuhanan namin sa hardin ay hindi makapagbibigay-katarungan sa kaaya-ayang ganda na aming natunghayan.
Tumblr media
Papalapit na ang hapon ngunit damang-dama pa rin ng aming mga balat ang ginaw na dala ng klima sa lugar. Napagdesisyunan ng aming pamilya na tapusin ang araw na ang Burnham Park ang huling destinasyon.  Ito ang pinakakinasasabikang pasyalan ng marami sa amin bilang ito ang itinuturing na "Mother of All Parks" sa Baguio City. Walang makikitang bahid ng panghihina o kapaguran sa aming mga katawan kahit ilang destinasyon na ang aming nabaybay dahil ang pasyalang ito ang pinakahinihintay ng lahat. Kilala ang Burnham Park bilang isa sa mga paboritong pasyalan hindi lamang ng mga katulad naming turista kundi pati na rin ng mga lokal na mamamayan ng Baguio dahil sa bilang ng mga libangan at pasyalan na makikita rito. Nalibang ang aming pamilya sa iba’t ibang uri ng mga aktibidad na dala ng pasyalang ito, mula sa pagsakay sa mga bisikleta hanggang sa pamamangka sa malaking man-made lake na makikita sa gitna ng nasabing parke. Tila napagmasdan ko ang pagbalik ng aking mga tiyahin sa kanilang pagkabata habang nililibang nila ang kanilang mga sarili. Malamig ang simoy ng hangin ngunit binabalot ng mga maiinit na ngiti at tawanan ang buong paligid.
Sumapit na ang dapit-hapon nang magpasya ang aming pamilya na magpahinga mula sa aming paglalakbay. Dumayo na kami papunta sa aming napiling rest house upang salubungin ang pagpitik ng alas-dose sa orasan. Unti-unti nang pumapasok sa aming sistema ang antok at pagod na dala ng buong araw naming paglilibot sa mga pasyalan sa Baguio. Ramdam man namin ang panghihina ng aming mga katawan ay patuloy pa rin kaming niyayakap ng masasayang alaala na binuo namin sa araw na iyon. Maligalig naming sinalubong ang araw ng pasko at lahat kami ay natulog nang mahimbing na may malalawak na ngiti sa aming mga labi.
Tumblr media
Sa aking pagninilay-nilay habang ang malamig na hangin ay humahampas sa aking bintana, hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding pangungulila para sa espesyal na uri ng lamig na tanging ang Baguio lamang ang makapagbibigay. Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon ay nanaisin kong bumalik dito at lumikha ng mga bagong memorya na tatatak sa aking puso at isipan. Tunay na hindi pangkaraniwan ang lamig ng panahon sa Baguio, gayundin ang mga nag-aalab na karanasan na maihahatid nito.
Inaasam-asam ng aking katawan na maranasang muli ang pakiramdam na idinulot ng paraisong iyon. Ngunit sa ngayon, dadamhin ko muna ang bawat piraso ng mga nabuo kong alaala, at yayakapin ang init na dala nila.
MGA SANGGUNIAN: Baguio City weather: The best time to visit | El Retiro. (n.d.). El Retiro. https://elretirobaguio.com/baguio-city-weather-the-best-time-to-visit/ Mines View Park | Discover the Philippines. (n.d.). Guide to the Philippines. https://discoverthephilippines.ph/destinations-and-attractions/mines-view-park Parkeng Mines View. (n.d.). CulturEd: Philippine Cultural Education Online. https://philippineculturaleducation.com.ph/parkeng-mines-view/ Tripadvisor. (n.d.). Burnham Park - All You Need to Know. https://www.tripadvisor.com/Attraction_Review-g298445-d1822706-Reviews-Burnham_Park-Baguio.html Vacationhive. (2022). Botanical Garden | Destinations in Baguio. https://www.vacationhive.com/Baguio-attractions-top-destinations-review-botanical-garden/
1 note · View note
kristinemaebsnapshots · 1 year ago
Text
Tumblr media
A lovely place to spend your twilight <3 Delicious foods and classy ambience!
📍 Cafe By The Ruins
2.17.2019 | 📸 @kristinemaeb
0 notes
her-untold-stories · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa Baguio.
0 notes
kikonggwapito · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Fresh and Delish #delishious #delish😋 #cabanasandwich #strawberry #salad #strawberryshortcake #chocolate #hotchocolate #cappuccino #meringue #cafebytheruins #baguiocity #baguio #summercapital #summercapitalofthephilippines #snack #snacktime😋 (at Cafe By The Ruins) https://www.instagram.com/p/B9Lx3p3H2Qd/?igshid=mddjl73gadw9
1 note · View note
hatesfreud-blog · 5 years ago
Text
Tumblr media
One of the souvenir shops on the Maharlika Building, Baguio City, Philippines.
8 notes · View notes
royalcessy · 5 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
M U S T A R D
2 notes · View notes
yoorekka · 2 years ago
Link
Christmas in Baguio | A Fun Holiday in Baguio
Christmas in Baguio is memorable because of the many places to visit, such as the brightly colored Christmas destinations in Baguio and Christmas-themed spots in the city. The Summer Capital of the Philippines is an ideal place to visit this holiday season. 
Know more about them and click the link here: 
► https://yoorekka.com/magazine/baguio-...
Want to experience a memorable Christmas? Make sure to bring your jackets to complement the chilly December weather as you make this year’s Christmas in Baguio remarkable! Spend this year’s holiday in Baguio as you invite your family and friends for a stroll in the City of Pines.
0 notes
migzskyhightravels · 2 years ago
Text
Good Taste Restaurant
Otek St, Baguio, Benguet
Tumblr media
0 notes
jenrimonte · 2 years ago
Text
Baguio: a one day trip
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
kimblurie · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Baguio Mornings 💛 #kimblurieanventures #summercapital #baguio #baguiocity #exploreph (at Baguio City) https://www.instagram.com/p/BpZM19gnOtR/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=131jek4u03bt7
1 note · View note
kristinemaebsnapshots · 1 year ago
Text
Tumblr media
📍 Laperal White House
2.17.2019 | 📸 @kristinemaeb
0 notes
her-untold-stories · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Baguio things. [Summer capital of the Philippines]🤍🤍🤍
30 notes · View notes
juanderer247 · 3 years ago
Photo
Tumblr media
“Strawberries” 🍓 #juanderer247 #photography #mobilephotography #passionphotography #wandering #baguio #baguiocity #summercapital #fruits #fruitsphotography #strawberry #igers #igersph #igdaily #philippines (at Baguio City) https://www.instagram.com/p/CXiBsqRPv-8/?utm_medium=tumblr
0 notes
kajaawa · 3 years ago
Text
The beautiful Shillong
youtube
0 notes
itsjamespatrick · 6 years ago
Photo
Tumblr media
“Don’t settle for a relationship that won’t let you be yourself” . . . . . . . . . . #wheninbaguio #baguiocity #summercapital #summer #lovewins #fashionbloggers #styleoftheday #fashion #ootd #style #instafashion #chambray #fashionista #streetstyle #stylish #mensfashion #instastyle #whatiwore #fashiondiaries #styleinspiration #fashionblogger #lookbooklookbook #wiwt #fashionweek #fashionstyle #styleblog #blog #styleblogger #streetfashion #outfitoftheday (at Baguio City)
1 note · View note
sychellebanda · 6 years ago
Photo
Tumblr media
AWESOME DAY TO WANDER AT THE SUMMER CAPITAL
We started our second day in Baguio by strolling at Teacher’s camp since it is just a walk away from our inn.
The Teachers’s camp is an events venue and teachers training center. There is no entrance fee to enter the place. And it is also best to go here during morning because the nature’s breeze will welcome you while you walk. The area is big that we haven’t tried to explore each and every part of it. 
Tumblr media Tumblr media
There are also some food vendors like magtataho, which we have bought for 20.00 for each cup of strawberry flavored taho it is very tasty and it is enough as our breakfast for that morning.
Tumblr media
And then we decided to go to the Bencab Museum, Since we don’t have idea how to commute to Bencab, we decided to take a taxi and it cost us around Php 200.00 ( as far as I remembered) from Teacher’s camp. It was quite a little long ride. But we haven’t encountered traffic so we still arrived early where people are not yet crowded.
Tumblr media
Upon entering the museum they will assist you to the reception for the entrance fee payment and the museum guide. Entrance fee for adults is Php 120.00, For students and senior citizens with I.D is Php 100.00 and Phnp 80.00 respectively They also have some special rates for group tours. The museum is open from  9:00 AM to 6:00 PM.
Tumblr media
You can see this view on the veranda. The Museum Houses the National Artist Ben Cabrera’s art collection in a four-level building. It showcases the authentic old Baguio experience.
Tumblr media Tumblr media
After the morning artsy stroll that we have. We decided to go back at the session road to take our lunch. We just rode a jeepney to go back.
Then after our quick lunch we headed to Burnham Park and  tried the activities there.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
The boat ride will cost you around Php 150.00  per hour /Php 100.00 for 30 mins.  
One of the most popular areas in Burnham park is this man-made lake situated at the heart of this huge park. Enjoy the boat ride with your friends and family, just make sure to balance and keep rowing. Luckily our mom and cousin is an expert with this, because it might look easy but its hard tho. 
Tumblr media
Next to the lagoon is the children playground where you can rent bicycles (single,double or with side car), scooters or go kart. Rental will cost you around Php 50.00 per hour.
We enjoyed riding bicycle again after couple of years we haven’t tried it. Fortunately we still know how to ride it. Just be careful with some of the kids always changing sides and some speed riders. :) 
Next Stop for our Baguio escapade is the Bell House inside Camp John Hay. We just rode a jeepney to reach the area. Then take a taxi since we are quite tired to walk to the top :) 
Tumblr media
Bell House is named after General J Franklin Bell, it is used to be the official vacation residence of the Commanding General of the Philippines. While now it has been transformed into a museum that exemplifies American colonial architecture. If you will visit this alone, it is quite creepy tho. hahaha :) but definitely it’s awesome interior will amazed you.
Tumblr media Tumblr media
The entrance fee cost Php 60.00 per head. including the amphitheater beside the bell house and the Cemetery of Negativism.
Tumblr media
If you want some adrenaline rush dare to try the tree top adventure rides. The Superman Ride (zipline), Canopy Ride , and Tree Drop (harnessed free fall) are crowd favorites.Rates: Superman Ride: PhP 300, Canopy Ride: PhP350, Tree Drop, (P150) Combo Packages: Start at PhP400 per person. 
But then, there are too many people waiting that time so we decided not to try and just rest along with the trees.
Tumblr media Tumblr media
Just by seating next to trees make me really feel so relaxed. Away from too many noise of the city, breathing some fresh air. no emails, no phone calls just enjoying the view while sharing some good stories with my fam.
Basically it’s our last day to stroll the City of Pines, we just have the next morning as our last schedule before heading back to Manila.
And since my sister is insisting to get back to the Mines View park to witness the sunrise. We decided to get up early in the morning and watch the sunrise for the last stop in our trip.
Tumblr media
Our Baguio trip was a reminder to us that no matter how busy you are, you really need to give time to yourself so that you will not get burn out and that we must love our nature so that the next generation of people could still witness the beauty of it, like what we used to see and enjoy.
Tumblr media
Wrapping up our adventure with the sweetest smiles in our face.
1 note · View note