#PI100
Explore tagged Tumblr posts
ultralowoxygen · 7 months ago
Video
Parking
flickr
Parking by Henry Beckmeyer Via Flickr: Nikon F2T / 85f1.8 / PI100
0 notes
contemp0raryindio · 4 years ago
Text
Sleeplessly yours,
Rizal Class Assessment no. 2
Develop your list of historical figures (4) that you consider to be national heroes. Justify your chosen list and recommend which historical figures may or may not fall within the criteria set by the National Heroes Commission.
        What makes somebody a hero? Who can say who should and should not be your national hero? Who establishes the criteria and who is the most competent to define them? According to Ambeth Ocampo's presentation at the Philippines Readers and Writers Festival four years ago, no one can compare which fruit is more fruit among the fruits. The National Heroes Commission was established after former president Fidel Ramos issued Executive Order No. 75 on March 28, 1993, which was entrusted with studying and recommending national heroes to be acknowledged for their character and services to our country. Heroes are those who have a concept of nation, aspire to and fight for the nation's freedom, make a significant contribution to a system or life of freedom and contribute to the nation's quality of life and destiny. Lead his or her people to articulate their thoughts and think for the future, especially in the younger generations, according to the criteria established by the committee.
          Describing a quality of a national hero is like defining a quality of a saint for ordinary people who know less than 10 major figures in our history. National heroes for them are like superheroes whose great traits, skills, compassion, and excellence have made them idolized. Andres Bonifacio, Conrado Benitez, Jose Baza, and Ladislao Diwa are the four historical personalities, in no particular order, that I have deduced from what I have read and what I have determined through our perceived definition of national heroes. Men of our country, selfless patriots, and humanitarians.
          Bonifacio has been one of the greatest men in our history considering his selfless service for our freedom by organizing a secret organization that finally accepts the reality of armed struggle on July 7, 1892 in a house on Calle Ilaya with Ladislao Diwa, Teodoro Plata, and Deonato Arellano. Despite being a middle-class guy in comparison to the ordinary living conditions of the period, he educated himself by purchasing some of the most intelligent literature of that day and reading them eagerly even late in the evening with the help of his old gas lamp. Among these books were Robiespiere's The French Revolution, Eugene Sue's The Wandering Jew, Hugo's Les Miserables, Rizal's Noli Me Tangere and El Filibusterismo, The Ruins of Palmyras, The Holy Bible, International Law, Penal and Civil Code, Lives of the Presidents of the United States, and the novel of Alexander Dumas and his son. The historical significance of his movement, which began as a freemason and took the form in armed struggle for Philippine sovereignty and independence, is still felt around the world in the formations and methods of modern Revolutionary movements. The revolutionary principles and objectives of the masses of people are still valid and alive today. In this era of political persecution and military aggression, we are not only experiencing an economic and health crisis but a major humanitarian crisis.
         Next is Jose M. Basa, a patriot and a leader in the Propaganda and Secularization Movement. Pepe Basa, as he was known, was not only a diligent businessman but also a passionate supporter of our country's political development, devoting much of his time to participating actively in the movement and charity activities. He supported patriotic causes with both of his liberal beliefs and his wealth. He created the Association Filipina in Hong Kong, and by his aggressive and sustained campaigning and activism in Hong Kong, he ignited the revolutionary movement that culminated in the events of 1896. "He is an extraordinary man..by nature benevolent, with an appearance marked by sweetness of character and gentleness in society; he is, notwithstanding, a man of exceptional merit because of his great energy and political activity... I therefore, love and admire Pepe Basa whom I sincerely respect; and I can't conceive of anyone who will try to reduce his true worth," said Rizal, who visited Basa in his place several times. In reality, he was the one to whom Rizal entrusted his library. Rizal, as we all know, is a literature lover beyond all things.
          Our next real-life hero, unlike Bonifacio and Jose Basa, was not a well-known or well-established historical person in our country. Ladislao Diwa, a guy who founded the Katipunan after realizing certain occurrences that would drive the movement from reform to armed conflict. "Had it not been for the events of 1872, I would have been a Jesuit," Rizal once claimed. Similarly, Ladislao Diwa would not have joined Andres Bonifacio in founding the Katipunan if his father had consented his clerical vocation. Apart from citations in history books, no one remembers Ladislao Diwa as part of the first Katipunan triangle with Andres Bonifacio and Teodoro Plata, and despite his service to the Philippine independence movement, no one realizes his ceaseless patriotic activities that widened Katipunan recruitment except historians. Ladislao Diwa, like many Filipinos serving and fighting for our human rights and political liberation, was subjected to untold torture and rebel hunting. Matter of fact, after surviving and being liberated from torture and imprisonment, Ladislao, like many among whom names no one had heard unless they died in our news announcement, is still courageously decided to continue his fight in national democratic struggles.
          Last but definitely not the least is Conrado Benitez, dubbed as "Father of Journalism", sportsman, journalist, constitutionalist, lawyer, educator, civic leader, and economist, among others. Conrado F. Benitez is best described by all of these professions and vocations. He resigned from the University of the Philippines and was named the first editor of The Philippines Herald after accepting the editorship of "The Citizen", the first Filipino weekly paper in English. One of the "seven wise men" was entrusted with drafting the final version of the Philippine Constitution. He never missed an opportunity to aid the masses and improve our political and economic condition by actively participating inside and advocating the Philippine Labor Movement, as well as serving as a delegate to several International Labor Organizations. Benitez truly played his part in our nation-building and even the president in his time that both his critical enemy in democratization and friend for whatever reason accepted and acknowledge his important role in our society.
          We can't say that orange is more than fruit when compared to apple. Heroes exist as a result of their objective and subjective commitment to humanity. Nobody can simply add and delete their contributions to our country. We can evaluate them according to their historical achievements to our country, but we can't tell who isn't as heroic as their contemporaries. From the standpoint of a true man of humanity like Jose Rizal, Del Pilar, and Bonifacio, and from the perspective of another revolutionary, revisionist, and structuralist factions like Marx, Adam Smith, and Woodrow Wilson, they are all pursuing their vision for the betterment of humanity, of particular classes, and of a certain race. Imagine a world in which everyone collaborates together to make progress. What really important is we acknowledge our commonality more than our differences as we make progress, looking to our strengths rather than limiting ourselves with our weaknesses.  
End note****
References
Philippines National Historical Institute. Filipinos in History. National Historical Institute, 1989.
-Ocampo, Ambeth. Lectures in Philippine Readers and Writers Festival 2016. National Bookstore. https://youtu.be/TBqdSb-KkL0
Tumblr media
5 notes · View notes
emulatingrizal-blog · 7 years ago
Text
Higit
Lara Cecilia L Pono
//Free verse poem
May hihigit palang pag-ibig
Sa init at higpit ng mga bisig
Dahil ni minsan ay di matamlay
Iyong letra’y buhay na buhay--
Na parang di ka naman nawalay,
Kahit iba’ng pagbukang-liwayway
Ang ating nakita, saglit, ngunit
Sa wari ko’y iisa lang ang langit
May hihigit palang pag-ibig
Sa pagtatanda ng iyong hawig
Dahil sa nalalabing araw ko
Ay matatanaw ang kabuuan mo--
Na parang di ka naman nagbago
Kahit iba’ng dalawampung taon*
Ang ating binuno, Lambing, laging
Sa wari ko’y iisa lang ang hiling
Ngunit sa pagharap ko sa kasalukuyan
Ay di matanto ang aking katayuan.
May hihigit pala, may hihigit pala.
May hihigit palang pag-ibig
Sa pagbilis ng kislot at pintig
Dahil ang isip ang nagsusulat
At ang puso mo ang nagmumulat--
Na ang gawi ay para sa bayan
Kahit hininga maging kabayaran
Habang ating pag-ibig, bawal, sakal
Sa tingin nila’y di magtatagal.
May hihigit palang pag-ibig
Sa pag-akda ng ‘yong ala-ala
Dahil ang natitira ay makiling
Sa masasaya, mas pansinin--
Na lungkot ay madaling masupil
Kahit damdamin ay di mapigil
Habang ang tawag niya’y, bulong, “Tulong!”
Sa tinigin mo’y tunay na pagbangon.
Ngunit sa pagtangan ko sa iyong sinapit
Ay alam kong di ko na maibabalik.
May hihigit pala, may hihigit pala.
- Leonor Rivera
* per checking dates, Rivera was 15 when Rizal left for Europe, and never saw each other again. Rizal died age 35, hence mentioning “dalawampung taon”
1 note · View note
pitgcc · 5 years ago
Text
Tumblr media
#pi #pitothemoon#pi100 #memes #pimemes
4 notes · View notes
namo-or-death · 8 years ago
Text
We had an exam on Rizal yesterday and I'm scared of getting it back because my professor is probably face palming so hard. The question was, "What were Jose Rizal's last words?" and I answered "Fuego" (fire). I wasn't even trying to be funny. He died via shooting barrage. And I had always assumed he gave his own demise's go signal because he's metal af.
0 notes
quang-cao-truc-tuyen-24h · 3 years ago
Text
Top 6 máy soi da mặt pi100 hàn quốc mới nhất năm 2022
Top 6 máy soi da mặt pi100 hàn quốc mới nhất năm 2022
Dưới đây là các thông tin và kiến thức về chủ đề máy soi da mặt pi100 hàn qu���c hay nhất do chính tay đội ngũ dinhreview chúng tôi biên soạn và tổng hợp: 1. Máy soi da mặt Tác giả: kinhdoanhspa.com Ngày đăng: 11/26/2021 12:03 PM Đánh giá: 5 ⭐ ( 81054 đánh giá) Tóm tắt: Máy soi da mặt PI100 – Hàn Quốc Thiết bị chuyên nghiệp được sử dụng trong các trung tâm thẩm mỹ, spa, bệnh viện da liễu . Tính…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
punejioxece · 4 years ago
Text
Wire Harness Adaptor for Kenwood/JVC PI100 Car Stereo Radio ISO Standard Connector 16Pin Plug Cable Car Wire Adapter
Wire Harness Adaptor for Kenwood/JVC PI100 Car Stereo Radio ISO Standard Connector 16Pin Plug Cable Car Wire Adapter
Tumblr media
lastest_volume
6
Just For Today
Click Here To Visit The Shop
N€W Wire Harness Adaptor for Kenwood/JVC PI100 Car Stereo Radio ISO Standard Connector 16Pin Plug Cable Car Wire Adapter
0 notes
wherenightmaresroost · 7 years ago
Text
Discussing Noli in pi100 reminded me of highschool days, when ma'am sanchez fit in deep analysis of the chapters while keeping things interesting to a bunch of teenagers
I miss her
0 notes
pitgcc · 5 years ago
Text
Tumblr media
#pi #pitothemoon#pi100 #memes #pimemes
3 notes · View notes
gudangpulsa · 6 years ago
Text
INFO: GUDANGPULSA.net's Post
INDOSAT PULSA SEMUA NOMINAL TURUN HARGA MURAH BANGET BOSQ KODE: I5 = Isat 5 I10 = Isat 10 I20 = Isat 20 I25 = Isat 25 I30 = Isat 30 I50 = Isat 50 I100 = Isat 100 PREMIUM MEMBER KODE: PI5 = Isat 5 PI10 = Isat 10 PI20 = Isat 20 PI25 = Isat 25 PI30 = Isat 30 PI50 = Isat 50 PI100 = Isat 100 Cek harga: CH.KODEPRODUK Contoh: CH.i / CH.pi KUALITAS MANTAP ~ FULL SPEED JURAGAN By: via INFO: GUDANGPULSA.net
0 notes
pulsaprofit-com · 6 years ago
Text
PULSAPROFIT - INFO CHANNEL's Post
INDOSAT PULSA SEMUA NOMINAL TURUN HARGA MURAH BANGET BOSQ KODE: I5 = Isat 5 I10 = Isat 10 I20 = Isat 20 I25 = Isat 25 I30 = Isat 30 I50 = Isat 50 I100 = Isat 100 PREMIUM MEMBER KODE: PI5 = Isat 5 PI10 = Isat 10 PI20 = Isat 20 PI25 = Isat 25 PI30 = Isat 30 PI50 = Isat 50 PI100 = Isat 100 Cek harga: CH.KODEPRODUK Contoh: CH.i / CH.pi KUALITAS MANTAP ~ FULL SPEED JURAGAN By: via PULSAPROFIT - INFO CHANNEL
0 notes
bestshoppingapp-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Car Stereo Radio ISO Wiring Harness Connector 16-Pin PI100 for Pioneer 2003-on… Car Stereo Radio ISO Wiring Harness Connector 16-Pin PI100 for Pioneer 2003-on Buy Now
0 notes
Text
Leoncio Co
When I enlisted PI 100 classes in CRS, I didn’t check the professors in the UP Prof Guide page anymore. I just enlisted those that fit my schedule and I did not pick those with just a few demand. I was so happy when I managed to get an STS class and also PI 100 because those classes really have high demand. And then that’s when I checked who my professor is.
The first thing I thought was, “Luh pwedeng pang-character sa Noli/El Fili name niya ah haha”. And then I saw some reviews saying they really learned a lot from Sir. And despite some other reviews saying he’s strict, I still felt lucky that I got his class.
Fast forward to the first day of our class. I expected him to be old but not that old. I could say he’s probably the oldest professor I had. But man, he was really funny. Though he made fun of some of my classmates, I still found his humor entertaining. He discussed his requirements: class participation, oral exam and a written final exam. But he kept on saying that we should read the whole Noli and El Fili for us to be able to love our being Filipinos. He even said we won’t read it if he didn’t threaten us so he’s going to give a grade of 5 to anyone who will not read the two novels. Idk but I felt excited to loving my being a Filipino through his class. He gave us an early dismissal that day.
Next meeting, he discussed about the Spanish colonization. I love history professors who discuss as if they were there when what they’re discussing was happening. Like they were just telling stories fresh from their memories. And Sir was one of them. I think we were dismissed 30 mins. early but I surely learned a lot from just a 1 hour discussion from him. I won’t ever forget what he said about the fact that we’re still carrying the burden of Spanish colonization up until now. 
Last Saturday, I received a text from a friend saying something like condolences because of what happened to Sir Leoncio. I was shocked as hell. I just can’t believe it. Actually, even now. 
I already learned a lot from you, Sir, even for just two sessions. And I know I would have learned a hell lot more if you were still here. But I know that He knows the perfect timing and plan for everything. So now, I’m just thinking maybe you were so happy when you met Rizal there and you’re probably having a lot of conversations with him. I bet he’s happy for all the things you’ve taught about him in the 100 years that you were teaching PI 100 (Sir said this to us huhu). 
Maybe in the future, we could talk and I could still learn from probably one of the best PI 100 profs in the university. But for now, rest in peace sir and enjoy your unlimited time with Rizal. :)
0 notes
emulatingrizal-blog · 7 years ago
Text
Hindi Ko Nakita
Lara Cecilia L Pono
// Short story 
Hindi gaya ng mga nakaraang panahon, hindi mo na kailangan lumuwas ng Maynila upang pagpalain ng magandang hanapbuhay. Sa panahon ng makabagong teknolohiya ay sumasabay na din ang bayan ng San Diego sa mga siyudad sa kalakhang Maynila. Kahit na maliit ito kumpara sa totoong siyudad ay mayroon din itong mga kagamitan upang hindi mo ito maliitin. Sa pahayag na ito ay mahihinuha mong di rin mawawala sa San Diego ang kahirapan. Lumipas ang panahon at maaaring nagbago ang paliwanag sa kung ano ito, ngunit makikita mo sa estado at dami ng mga mamamayan nito ang apektado. Gayunpaman, hindi ito hadlang upang matamasa ng ilan sa kanila ang buhay ng isang may-kaya. Gawin na lang nating halimbawa ang pamilya dela Cruz, na nakatira sa may estero sa Kalye Florentino. Hindi kainaman ang paligid dahil ito ang nagsisilbing daluyan ng mga tubig na itinatapon ng karamihan sa mga nasa kabahayan sa baybayin nito, maliban sa samu’t saring pinaghalong dumi ng hayop at tinabas na damong itinatambak ng isang pabrika. Masasabing isang mabigat na desisyon para sa padre-de-pamilyang si Mang Antonio ang manatili dito, kaya lang ay ito ang pinakamaayos na tirahan na makukuha niya upang makapagbenta ng sampaguita sa simbahan. Ito ang pinakamadaling daanan mula sa simbahan, maliban sa iisang kalye lang ang kailangang tahakin. Gustuhin man niya na tanggapin ang tulong ng ilang nagmamagandang-loob ay hindi naman niya kayang iwan ang tatlong anak na naiwan sa kaniya ng humiwalay na asawa.
Ang panganay na si Alma ay husto na sa gulang ngunit mukhang di pinalad sa kaniyang kasintahang si Julio. Kahit kakaraos lamang sa pagpapakasal (at ‘yung panig ng babae pa ang nagpundar!) ay mayroon na pala itong dinadala. Dahil pag-iinom at pagtambay lang ang alam gawin ng manugang ay hinayaan na niyang mamuhay ang anak at magiging apo nito kasama nila. Nananalangin siya na sana sina Miguel at Angelita ay di sumunod sa kanilang ate at makapagtapos upang matulungan siya sa paghahanapbuhay. Ang kaniyang binata ay malapit nang magtapos ng high school, habang si Angelita ay malapit na rin matapos sa elementarya.
Ang tangi niyang kabuhayan ay di sapat sa kanilang lima, o anim dahil sa napipintong panganganak, mula sa Php200 kada araw na kailangan niyang hatiin sa pagkain, pambaon at pambayad sa tubig. Dahil dito, bukod sa taimtim na pangalangin, humihiram siya ng pera kay Don Gustavo.
Ayon sa sabi ng iba, si Don Gustavo ay isang Manilenyo na nagpasyang pagbutihin ang negosyo sa bayan ng San Diego kaysa makipagsapalaran pa sa dami ng umaasang umunlad sa siyudad. Ang pautangan ni Don Gustavo ay naging patok sa mga magsasaka at maliliit na negosyante, dahil dito sila nakakakuha ng malaking kapital. Nagbaka-sakali lamang noon si Mang Antonio, at walang pag-aatubili na pinahiram siya ng don.
Kaya kung nagtataka ka kung paano nabubuhay ni Mang Antonio ang tatlong malalaking anak, ay dahil binigay ng Maykapal ang isang kagaya ni Don Gustavo.
Mahirap nga lang magsalita ng tapos.
Hindi mawari ni Mang Antonio kung saan nagsimula, basta parang sunod-sunod na sabay-sabay nangyari ang lahat. Hindi niya alam, hindi niya nakikita lahat.
Ang natatandaan na lang niya ay pirmi niyang sinasaway si Miguel na isantabi muna ang pakikipagkasintahan kay Nida, anak nina Konsehal Medeo. Gayunpaman ay lagi niyang naririnig ang mga pagtawa nito, tanda na lagi itong napupunta sa kanilang barung-barong. Dumadalas din ang pag-aaway ng kaniyang panganay at manugang, na lubhang makakasama sa kaniyang magiging apo. Minsan ng napadaan si Angelita sa kaniyang pwesto sa simabahan ay nabanggit nito na balak din niya magbenta ng bulaklak para makatulong, na mariin din niyang tinanggihan, dahil kung lagi niya lang aagahan sa simbahan ay tiyak na mauubos agad ang kampupot na nilalako niya. Sa huli, napapayag siya na samahan ng bunso paminsan-minsan lalo na kapag walang pasok. “‘Tang, di pa ba kayo uuwi, ang init na oh,” sambit ni Tinyente Alvarez habang rinig mong naghahanap ito ng barya. Musika para kay Mang Antonio ang kalansing nito. “Wala pa sa kalahati nabebenta ko, Juan, pati sanay na naman ako dito,” sabi niya. “Eh teka po at tingnan ko kung mabili natin lahat ‘yan.” Tumigil ang kalansing at parang papahina ng papahina ang boses ng binatang pulis. “Silong ka muna, ‘tang!”
Napangiti si Mang Antonio. Naalala niya tuloy si Miguel, na paniguradong mawiwilihan din ang pagpupulis kung magkakakilala sila ni Tinyente Alvarez. Gusto niyang makitang isang magiting na mandirigma ng bayan, may malasakit, at higit sa lahat, maayos na kabuhayan ang anak. Sinunod ng matanda ang payo ng pulis at sumilong saglit sa may arko. Bagaman ay sanay nga, ay hindi maikakailang hindi bumubuti ang pakiramdam ng sinumang bilad sa araw. Napagpasyahan niyang harapin ang loob ng simbahan; ang pagkit na nasusunog kasama ang amoy ng sampaguita sa kamay niya ay isang paalala na may kailangan pa siyang gawin. Panginoon, wala akong hinihiling para sa sarili ko, ngunit sana hayaan mo ako na hilingin ang kaginhawaan ng mga anak ko. Kahit ano pa ang kapalit.
Naramdaman ni Mang Antonio ang pagtapik sa likod niya, at ang masayang tono ng boses ni Tinyente Alvarez. “‘Tang, bilhin daw ni sarhento yung iba mong kwintas, oh.” Inabutan siya ng papel na pera. Mukhang kakakuha lang sa bangko, malutong ito. “Kip da chenj daw, ‘tang,” nangingising sabi ng pulis. “Salamat, iho,” Napangiti si Mang Antonio dahil maaga pa lang ay tapos na ang kanyang paglalako. Pwede na siyang makihati sa pagkutkot ng mga natunaw na kandila pandagdag sa kinita niya ngayon. Narinig niyang muling papalayo ang boses ng pulis kaya siya’y tumuloy papasok sa simbahan.
Hindi man nakikita ni Mang Antonio ang nangyayari, pero naramdaman niyang may papalapit sa kaniya, mabilis. Naramdaman niyang pagbugso ng hangin sa kaniyang kaliwa, at biglang nabitawan ang kaniyang tungkod. Dahil walang suporta, siya ay nanlumo sa sahig. Napahiyaw ang nakabangga sa tungkod niya at napamura. “Ano ba naman ‘yang matandang ‘yan!” Pinagpapalo nito ang matandang nakaratay sa sahig. “Hayun ang magnanakaw! Pulis, pulis!” “Punyeta!”
Natulungan naman ng mga parokyano ng simbahan si Mang Antonio na makabangon, ngunit hindi na nila naabutan ang lalaking napagtanto niyang isang magnanakaw ng mgaa abubot ng santo. Napagpasiyahan niyang umuwi na lang dahil sa sakit ng mga tinamong palo. “Wala kang pakialam kung gusto ko pang uminom! Tonta!”
“Walang-hiya kang palamunin ka! Ni hindi mo man lang kami mapakain ng magiging anak mo! Hindi ka ba nahihiya na umaasa pa din tayo kay amang?” “Sino ka para sigawan ako, ha? HA!” At kahit hindi naman sagana sa kagamitan ang pamamahay ni Mang Antonio, ay tila may nasisirang gamit dahil sa pagtapon.
Malayo pa lang ay alam na ni Mang Antonio na kailangan niyang awatin ang kaniyang anak at manugang. Kung siya lamang ay mas malakas pa ay hihikayatin niya ang anak na huwag nang sumama kay Julio. Kung sino pa ang kabataan ay siya pa’ng hindi marunong magbanat ng buto… “Hoy, tanda! Buti naman umuwi ka na,” naamoy niya ang gin sa hininga ng manugang. “Hala, bigyan mo ako ng pambili ng ‘Miguel!” “‘Tay! ‘Wag mong bigyan ‘yang hayop na ‘yan,” pagmamatigas ni Alma, ngunit biglang nanghina ang boses nito. Alam na niyang malutong na sampal ang susunod dito. “Punyeta! ‘Wag kang makialam!” “Tama na, tama na!” kahit pagod na pagod na siya ay hindi maaaring saktan sa harapan niya ang anak. “Heto, nakaubos ako ngayon. Magpakalasing ka!”
Ngunit hindi niya makapa ang dalawan-daang piso na binigay ni Juan kanina. Malutong iyon, madali lang maramdaman, pero– “Oh, ano na? Bwisit naman ito,” naririnig niyang nagkakamot ng ulo ang manugang. “Pareho kayong walang kwenta! Ipapa-lista ko na lang kay Berta yung toma ko.” “Tarantado ka pala, eh!” muling bumalik ang boses ng kaniyang anak. Hinanap ni Mang Antonio ang pintuan upang sumandal, habang di niya maintindihan bakit di niya makapkap ang kinita ngayong araw.
“Amang, pasensya ka na kay Julio,” Naramdaman niyang pinisil ng anak ang kaniyang kaliwang balikat. “‘Yaan mo at pagsasabihan ko na maghanap naman ng sideline. May pangkain na tayo, ‘mang?” “Na… nawala…” “Amang.” “Sa simbahan, kanina, binangga ako…” “Amang! Wala kaming kakainin ni Angelita. Paano itong apo mo? Darating din yung taga-kolekta ni Don Gustavo.” “Si Miguel. Hintayin natin, baka may na-dilehensiya.”
Ngunit ng gabing iyon ay di bumalik si Miguel. Nakauwi si Angelita, habang susuray-suray na bumalik ang manugang ng madaling-araw. Dumating ang kolektor, ngunit pinaalis nito agad dahil hindi ito ang inaalala niya. “Hay naku, Tonyo, magbigay ka kahit limang piso! Alam mong pa-tatlong beses ka nang nagpapaliban nito.” “Pasabi na lang sa Don na kailangan ko pa ng panahon.” “Hay, bahala ka. Kung hindi lang ako ninong ng Angelita mo eh…”
Narinig na lang niya sa mga magulang ni Nida ang nangyari. Hindi katalinuhan si Mang Antonio, pero alam niya kung ano ang galit sa pangungulila. “Papatayin ko ‘yang anak mo kapag pinakita niya ang mukha niya sa’min! Lintik, bakit yung dalagita ko pa!!!”
Kahit alam niya ang dahilan, hindi kayang sagutin ni Mang Antonio ang palahaw ng tatay ni Nida. Nawalan din siya ng pag-asa dahil kaisa-isang anak na lalaki niya si Miguel at gusto niyang makita na makapagpatapos ang anak.
Dahil hindi makabayad sa utang, minarapat na puntahan ni Mang Antonio si Don Gustavo. Nagkataon namang bumibisita si Kapitan Tiago na mukhang may iniusosyo sa pagbebenta ng halaman.
“Sige na, pakiusapan mo naman ang don na magpakita sa akin. Babayaran ko din siya,” pakiusap niya sa bantay sa pintuan ng mansiyon ni Don Gustavo. “Tatang, may ginagawa pa ang don. Balik ka na lang bukas, ha?” “Alam mo namang bawal tayo makalagpas ng limang araw sa utang, di ba? Hala, tawagin mo na nang makapagpaliwanag ako.” “Tang naman eh pinapahirapan mo ko! Nakaupo na nga ako dito maghapon–”
“Ama, alam mo namang hindi ko tipo ang kagaya ni Gerardo,” sambit ng isang matamis na tinig. Natigilan din ang binatang bantay ng pinto. “Anak, ano ka ba! Ito si Don Gustavo, pinakamayaman sa San Diego maliban sa akin! Pag pinagsanib ang mga yaman natin, hindi na tayo mag-aalala!” Kilala ni Mang Antonio ang tinig naman na iyon. Si Kapitan Tiago, na hindi nakikihalubilo sa mga mahihirap. Malamang sii Maria Clara ang kasama nito. “Intindihin mo sana ako, ama,” pakiusap nito. “Alam mo namang pabalik na galing Europa si Crisostomo…” “Hay ano ka bang babae ka! Mas mayaman si Gerardo! Pero kung titingnan, wala nang pamilya iyong si Crisostomo, ‘di ba… aba’y sa kanya lang lahat ng mana! Ha!” At napansin niyang papalayo na ang mga tinig. “Siya, tapos na siguro si Don Gustavo?��
“Antonio, aking kaibigan!” masiglang bati ni Don Gustavo sa kanya. “Narinig kong di ka pa nakakabayad at halos isang linggo na?” “Don, alam mo naman ang sitwasyon…,” hinga ni Mang Antonio. “Noong isang araw nadukutan ako sa simbahan–” “Simabahan?!” “Sana maintindihan mo, Don. At mukhang nagtanan din sii Miguel k–” “Nagtanan?! Aba Ginoong Maria!” “Siyang tunay, Don Gustavo. Wala na akong katulong sa paghahagilap ng ipambabayad sa ‘yo, at ang panganay ko ay halos manganganak na…” “Ay, hindi iyan problema, Antonio! Alam mo namang isa ka sa mga magandang pautangin kahit na ganiyan na ang kalagayan mo,” tinapik ni Don Gustavo ang kanyang balikat. “Sa ngayon, kailangan mo talagang humabol, pero kung papayag ka na gawan ako ng pabor ay pwede naman nating kalimutan yung utang mo.”
Hindi makapaniwala si Mang Antonio sa mga nilahad ni Don Gustavo. Kailangan lamang niyang dalhin sa dulo ng bayan ang isang bag na naiwan ng kaniyang tauhan. Hindi man siya pamilyar sa dakong iyon ng San Diego, ay maari niyang hingan ng tulong si Miguel para marating nila at maipadala iyong bag. Ngunit naalala niyang naglayas itong anak niya wala pang isang linggo ang nakakaraan. Gayunpaman, ang utang niyang parang di mabayad-bayaran ay kakalimutan ni Don Gustavo basta gawin niya ito…
Gaya ng napag-usapan, sa hapon tutungo si Mang Antonio sa dulo ng bayan upang ihatid ang bag. Kung mas maaga sana ay mas maayos para hindi na siya mahuli ng uwi. Kung ano man ang dahilan ni Don Gustavo, basta may kukuha ng bag ay ayos na sa kanya. “”Tang! Di pa kayo uuwi?” narinig niyang bati sa kanya ni Juan. “Oh, Tinyente. May hinihntay lang kasi ako at may lalakarin.” Iginaya ni Tinyente Alvarez si Mang Antonio sa isa sa mga upuan malapit sa harap ng simbahan. “Saan naman ‘yan, ‘tang? Gagabihin ka niyan eh,” halos ka-tunog niya si Miguel pag sine-sermunan siya. Napahalakhak siya. “Sus, Tinyente, may pinagkaiba ba sa akin ang araw at gabi?” nagpatulo siya sa pagtawa. “Siguro malamig lang sa gabi, yung nagtataasan ang mga balahibo mo.” “Ay e di sasamahan ko na lang po kayo, para naman di kayo mapa’no.” “Salamat ng marami, anak.”
Hinintay ng dalawa ang pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon, kung kailan nagsisi-alisan ang mga nagsisimba. Kasabay nito ang pag-ihip ng malamig na hangin. “Maghintay pa ba tayo dito, ‘tang? Medyo madilim na…” “Ay alas-kuwatro na ba?” tumayo si Mang Antonio at nagtungo sa pinakadulong arko ng simbahan. Habang tinatapik-tapik ng kanyang tungkod ay narating niya ang pulpito. Isang bag na halos isang sako ang laman… ngunit hindi kabigatan. Itim ito at may mga taling maaaring ipulupot sa katawan. Sling bag daw. Para namang makikita ko kung itim ba talaga ito. Binuhat ni Mang Antonio ang bag na nakapa niya mula rito at ito nga ay di kabigatan. Parang si Miguel nang mag-isang taon na.
Bumalik si Mang Antonio sa kinauupuan, at hindi pa umaalis si Tinyente Alvarez. Kakaiba din na hindi umiimik ang binata mula ng siya ay umalis. “O siya, pwede na akong umalis. Ikaw ba ay sasam–” “‘Tang. Saan mo nakuha iyan?” Hindi niya pa naririnig ng ganoong katigas ang boses ng binata. Magiliw ito lagi sa kaniya. Para nga siyang di pulis. “Ha, eh, ito yung dadalhin ko sa pupuntahan natin. Tara na, at sabi mo madilim na…” “‘Tang. Gaano katagal mo na ito ginagawa?” “Anak?” “Mang Antonio. Ako po si Tinyente Juan Alvarez. Tinatanong kita bilang alagad ng batas.”
(Dahil sa katayuan ni Mang Antonio, hindi niya alam na hindi pwede ang ganitong ugali ng binata dahil wala naman siyang warrant of arrest) “Eh… Ngayon lang ako magpupunta dun sa dulo ng bayan,” biglang tumayo ang mga balahibo ni Mang Antonio. Kinukutuban… “Tatang. Wag na po kayo tumuloy. Akin na po ang bag.” Hinigpitan ni Mang Antonio ang paghawak sa tali ng bag. Naramdaman din niya na dapat itong idikit ng mas malapit sa katawan niya. “Hindi pwede, anak. Nakasalalay dito ang utang ko…” “‘Tang, pwede nating isumbong ‘to. Di mo na kailangan magbayad ng utang.” “Anak, ano ba ang laman nito?”
Hindi niya akalain na sa lahat ng bagay ay magiging isa siyang tagadala ng droga. Ang sabi lang ng don ay ibigay ang bag sa magsasabi ng “Magkano ‘yan?”
“Mabigat man sa konsensya ko, Juan, pero may mga umaasa sa akin. Hindi para sa akin ang gagawin ko…” “‘Tang, paano naman ang mga nalululong diyan? Kung pipigilan natin ang pagbebenta ay wala nang gagamit nito.” Kumukurot ang konsensiya ni Mang Antonio. Mayroon nga naman siyang pagkakataong makalaya sa kanyang mga pasanin ngunit may mga taong lalong nababaon sa hukay sa patuloy na paggamit ng bawal na gamot.
“Anak, nais kong kausapin ang pagbibigyan ng bag na ito. Pupunta ako sa pulis pagkatapos. Pwede mo ba akong samahan?”
“Ay puta. Ang tagal naman ng delivery boy na yan!” Kamot ng kamot sa ulo ang isang malaking lalaki na kanina pa nakatago sa mga puno. Dahil takip-silim, ay dumadami ang mga lamok na humahapunan sa bumbunan nito. “Dalian mo trabaho mo pag nakuha na natin!” “Tumahimik ka lang diyan.” Kung bakit ba naman kasi gusto pa sa gabi, kung saan malamig ang hangin…
Narinig ng dalawa ang pagbiyak ng isang sanga sa malapit. Naririnig na rin niya ang marahang paghakbang nito. Ito na ang courier. Nakahanda na ang kanyang baril. Kanina pa naghihintay sa target. Nang maaninag niya ang lumabas sa kakahuyan ay napaatras siya.
“Miguel?” Isang tanong ni Tinyente Alvarez na nagpatayo muli sa balahibo ni Mang Antonio. Andito si Miguel? “Ikaw ba ‘yan, Miguel?” “Bakit mo kasama ang tatay ko?”
“Anak? Anak!” Sa unang pagkakataon sa buhay ni Mang Antonio ay di niya alam ang gagawin, kahit na wala dahil wala siyang makita. “Miguel… bakit hindi ka na umuuwi…” “‘Tay! Papatayin ka daw nila… si Nida! Hindi ko kayo kaya lahat itago, kaya sumama ako sa kanila!” “Hoy bubwit! Tapusin mo na yan!” Narinig ni Mang Antonio ang pagkasa ng baril sa likod niya. “Tinyente, Tinyente… Juan, wag mong sasaktan si Miguel!” Nakatutok ang baril sa kasama ni Miguel. “Ha! Subukan mo tinyente…,” naglabas din ito ng baril at itinutok sa kasama. “I-angat mo ang baril mo gago! Utasin mo yan!” “Hindi ikaw ang amo ko, puta!” “Tandaan mo, hindi ako takot pumatay, Miguel!”
“Anak, makinig ka sa kanya…” “‘Tay!” “‘Tang!” “Hindi mo talaga ipuputok ha!” BANG! “Akala mo di ako nagbib–” BANG! BANG!
“Itay!!!”
Hindi na muling gumalaw ang matanda mula sa kinahulugan nito. Hinayaan ni Tinyente Alvarez na makalapit ang anak sa ama. Hindi na kailangan pang ilarawan, dahil ang dugo ng matanda ay di maaninag sa dilim. Pero alam mong malansa ang amoy nito.
Dumating ang mga pulis kinalaunan, at dinakip si Miguel, kahit na pinatunayan ng tinyente na wala itong kinalaman sa pangyayari.
“Tinyente, may baril siya. Hindi mo alam kung ano binabalak niya.” “Pero, Sir, wala po siyang ginawa–” “Kami na ang bahala dito, Tinyente. Pwede ka nang umuwi.” Walang nagawa ang tinyente kundi sumunod.
Habang binabaybay ang daan pabalik sa presinto, nakatanggap ng tawag ang isa sa mga pulis na nagbabantay sa bagong huli. “Ha? Pakiusap ni Don Ginto? Hahahahaha! Sige, sige.” “Hoy bata, balita ko malaki daw kikitain pag patay ka na.”
0 notes
pitgcc · 5 years ago
Text
Tumblr media
#pi #pitothemoon #picryptocurrency #pi100
3 notes · View notes
gudangpulsa · 6 years ago
Text
INFO: GUDANGPULSA.net's Post
INDOSAT PULSA SEMUA NOMINAL TURUN HARGA MURAH BANGET BOSQ KODE: I5 = Isat 5 I10 = Isat 10 I20 = Isat 20 I25 = Isat 25 I30 = Isat 30 I50 = Isat 50 I100 = Isat 100 PREMIUM MEMBER KODE: PI5 = Isat 5 PI10 = Isat 10 PI20 = Isat 20 PI25 = Isat 25 PI30 = Isat 30 PI50 = Isat 50 PI100 = Isat 100 Cek harga: CH.KODEPRODUK Contoh: CH.i / CH.pi KUALITAS MANTAP ~ FULL SPEED JURAGAN By: via INFO: GUDANGPULSA.net
0 notes