#Kalansay
Explore tagged Tumblr posts
Text
KA Painting by Gerilya Acrylic on Wood Panel 24" x 48" Abakada art exhibit at J Studio HQ, Las Pinas 2023
12 notes
·
View notes
Text
Binago ng Pagbabago by | Unpublished Inkstains 🪶
Lahat tayo may aparador sa ating mga buhay kung saan may nakatagong kalansay, lahat ng mga butong pilit nating tinatago sa mundo. Maiintindihan ba nila kahit sabihin ko ang totoo?
Bago maging ang aking hubog at anyo, aaminin ko maraming humadlang at sitwasyong pilit akong binago. Mula sa ugat ng bawat hibla ng aking buhok hanggang sa dumi sa ilalim ng aking mga kuko, maaari nga na baka sa aking nakaraang buhay ay masasabing paniki ako.
Sa pagbago ng aking isipan, sumabay na din ang aking hitsura. Sa oras na muli man ako makita...
Pangako—at sisiguraduhin ko na hindi na ako muling makikilala.
#spoken poetry#spilled words#spilled poetry#spilled thoughts#spilled feelings#spilled writing#hugot#malayang tula#tagalog#tula
6 notes
·
View notes
Text
“Sir, `wag po, ibinigay ko na po sa inyo ang lahat!” “At ngayon, alam mo na ang itsura namin!” sabi nila, sabay halakhak. Muli nila ako’ng hinabol ng saksak, at sa takot ay napaatras ako sa pusaling maitim sa tabi ng daan. Lumubog dito ang isa ko’ng binto at napaluhod ako sa maduming lapag, tamang-tama sa ambang saksak na nakapuntirya sana sa aking dibdib. “`W-wag po...!” iyon na lang ang naisigaw ko. Napapikit na lang ako at hinintay bumaon ang kutsilyo sa aking katawan. Ngunit hindi ito nangyari. Unti-unti ako’ng dumilat at napatunganga sa aking harapan. Hindi sa dalawang lalaking balak ako’ng patayin, kung hindi sa tila taong burak na nakatayo sa pagitan namin! Napaka baho ng amoy na umaalingasaw sa kaniyang itim na katawan na tila kalansay sa nipis! Ngunit kahit patpatin, ay nagawa nito’ng kapitan sa leeg at iangat sa ere ang dalawang lalaking mas malalaki pa sa akin. Pinilit ko’ng sumigaw, ngunit nawala ang aking tinig. Nagawa ko namang igalaw ang aking mga binti at unti-unting gumapang palayo. - 'Masaya'
Isa sa mga maiiksing kuwento na mababasa sa ...
"Mga Kuwento sa Dilim"
mula sa imahinasyon ni Gem Vecino
ebook available in my ko-fi shop: https://ko-fi.com/s/ff237617d2
read online in #wattpad: www.wattpad.com/story/173670245-mga-kuwento-sa-dilim
#horror#thriller#paranormal#fantasy#folklore#psychological#darkhumor#gore#slapstick#darkromance#webnovel
0 notes
Text
sinusumbong pa ni Jotham yung kalansay daw sa bahay ni [April]
1 note
·
View note
Photo
He is not here, for he is risen, as he said. -Matthew 28:5-6 #TangAma #TatangAmadeus #Agimat #PusongDragon #Trespiko #Trespico #SSM #SilentSanctumManga #DarkChapel #ChapelDark #Komiks #IndieKomiks #PinoyKomiks #MaligayangPaskoNgPagkabuhay #HappyEasterSunday #HolyCard #PrayerCard #EasterSunday #Bungo #Kalansay #Pakpak #Pekpek #TheyLive #JohnCarpenter https://www.instagram.com/p/B-236XGhlVl/?igshid=1kdaop3aecvzd
#tangama#tatangamadeus#agimat#pusongdragon#trespiko#trespico#ssm#silentsanctummanga#darkchapel#chapeldark#komiks#indiekomiks#pinoykomiks#maligayangpaskongpagkabuhay#happyeastersunday#holycard#prayercard#eastersunday#bungo#kalansay#pakpak#pekpek#theylive#johncarpenter
0 notes
Text
Kwentuhan sa Bukid/Manukan
May article nanaman na lumabas na sinasabi sa DNA na si Jovelyn Galleno daw nga yung kalansay.
Mga Tauhan : di naman nga kapanipaniwala, Boss alam niyo naman record ng pamilya ko, kahit tanong niyo pa kay Tito mo yung nasa NBI, hindi agad agad naaagnas ang laman kung walang gamot para maging kalansay agad, baka binalatan.
Yung Magkapatid na Tauhan : Boss kung may gusto ka ipatira sabihin mo lang kahit saan lupalop ng Pinas, makakarating sa Pinuno.
Me : hahahahaha 🤣🤣🤣 lakas maka Cardo Dalisay, wag bawal yon masama yon. ( Diyos na ang bahala )
( pamilya kasi sila ng NPA Tatay at mga Tito nila mga sundalo na tumiwalag at hindi lahat ng NPA nasa bundok nasa syudad din sila )
protektado 👊🏻
Nag iintay lang talaga kami ng Bagyo Henry, kaya kwento kwento muna.
Sept. 02, 2022 01:01 pm
2 notes
·
View notes
Text
Taft 120322 1642
Alam ko, marami nang nagsabi nito. Marami nang mas sikat, at mas kilala, lokal man o hindi, sa pamamagitan ng paglathala o pagsalita. Pero gusto ko lang magkaroon ng sariling bersyon na maaaring mas may kahulugan sa akin, o sa'yo, o kahit na sino mang kaluluwang naligaw dito. Maaaring nabasa mo na 'to, maaring bago, maaaring narinig na habang nakapikit ang mga matang hinding-hinding titigil sa pagdilat. Heto na, sasabihin ko na, at dito siya magsisimula.
"Mahirap magkagusto sa isang manunulat"
Dahil minsan ka lang makakakita ng isang taong kinukuluyan yung nakaraan niya habang sinusubukang iguhit at binibigyang-buhay ang kasalukuyan. Ikaw na nakapako ang tingin sa kamay niyang bumaybay sa isang kanbas na hindi pa tapos, sabik na makita ang mga susunod na letra at mga baybaying sinusubukan mong lagyan ng kahulugan. Ako, na nag-iisip kung aling mga salitang gagamitin para maging sakto at akma ang bawat sulok ng aking larawan, takot na mahusgahan kung may iilang mga kulay na hindi tugma, mga notang wala sa tono. Nakakatuwa hindi ba? Pero parang hindi rin.
Dahil gusto kong sabihin na hindi ko kayang maipaliwanag 'yung nararamdaman ko kapag nababasa ko 'yung mga sulat mo sa kanya pero kapag ginawa ko 'yon, madadagdag 'to sa listahan ng mga malalaking kasinungalan ko sa libro ng kung sino mang may hawak ng buhay ko. Dahil kayang-kaya ko ipaliwanag nang maayos ang bawat detalye sa'yo. At dahil nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ko ipagkakait sa sarili 'yung pagkakataong maihayag ang kahit na ano mang mararamdaman- mabuti man o hindi. At heto sila:
Una, putang ina. Isa siguro sa mga karaniwang pangyayari sa buhay ng isang manunulat ay makabasa at humanga sa mga salitang dumadaan sa mga mata niya. Parang pag-ulan ng mga bulalakaw sa gabing ibinalita sa TV pero hindi niya naman inabangan. Isang malaking karangalan ang mabasa ang mga salitang sanang siya ang unang nakaisip at nakasulat. Nasa likod ng utak niya palagi na gamitin ang mga katagang napakaganda't napakasarap pakinggan ngunit alam ng isang marangal na manunulat na hinding-hindi niya heto kokopyahin. Pero pag-uusapan, susulatan, at rerespetuhin. Ang palakpak ng isang manunulat ay ang paglathala niya sa ala-ala mo kahit hinding-hindi mo ito mababasa.
Pangalawa, aray. Dahil sino ba namang tao ang gustong makita na hinahalikan ng iba 'yung gusto niya? Sino ba namang tao ang gustong makita na binibigkas ng gusto niya ang ilang "Mahal kita", o "Kailangan kita" sa iba? Pero isang konsepto sa metapisika na pagkakakilanlan mo palagi ang iyong nakaraan. Parang kang mixed drinks na umiikot sa inuman ng magbabarkada- ikaw ay ang pinaghalu-halong kasaysayan, lasa, laway, yakap, halik at luha ng iba't-ibang mga tao. At 'yon ang isang katotohanang kailangang maunawaan ng isang mambabasa pero hindi ibig sabihin ay magiging manhid na siya sa mararamdaman niya.
Pangatlo, kailan kaya ako maisusulat dito?
Pang-apat, maisusulat pa ba ako dito?
Panglima, ba't ko ba 'to ginawa?
Dahil sino ka ba naman para maikumpara sa daan-daang sinulat niya para sa iba. Kahit na wala pa man ding letrang nakalaan sa'yo, alam na alam mong pahahalagahan mo 'yung kwentong sakaling isusulat niya sa'yo.
At heto 'yung mga bagay na kailangan mong lunukin at tanggapin. Dahil ang ideya na mahalaga ka sa kanya ay ang gamot mo sa gabi, at ang pagsulat niya ay ang tubig na kasabay nito. At sana sa mga panalangin mo ay tanggapin niya rin 'yung sa iyo. Lalo na kung manunulat ka rin.
Ang pinagkaiba lang natin siguro ay palagi kong nililigpit 'yung mga abo at buto dahil hindi ko kayang sikmurain 'yung mga kalansay natin sa aparador. Dahil 'yun siguro ang problema nating mga alagad ng literatura at tinta- hindi nananatiling patay 'yung mga nakaraan natin. Hindi man natin sila mababasa parati pero palagi silang pinagdidiwang sa pagitan ng mga papel na sinulatan natin.
Kaya pala.
Kaya habang pinapanood ko 'yung mga paborito niyong palabas, habang unti-unti kong binabalatan 'yung balat ng pinagdaanan niyong dalawa; hindi ko lang talaga maiwasan na parang sumusunod ako sa yapak ng isang taong matagal nang patay pero ginugunita pa rin ng nakaraan mo. At siguro, ganon talaga, kasi hindi mo naman talaga pwedeng salain 'yung mga bagay na gusto mo lang matanggap. Hindi mo pwedeng piliin lamang kung ano lang yung naaayon sa paningin mo. Parang 'yung larong Hole In The Wall, sa una, napakadaling lusutan ng mga butas na dumadaan, pero habang tumatagal, pahirap na nang pahirap. At pagdating sa dulo na kung saan kahit anong diskarte at porma mo, babangga at babangga kayo. Pero kahit anong mangyari, kung tatapusin niyo 'yung laro, pare-pareho lang ang kahihinatnan niyo sa dulo- ang malaglag o mahulog. Sa tubig o sa putikan man- gayunpaman, malalaglag at mahuhulog pa rin.
Nagmamahal at Y.
--
Sobrang challenging para sakin na magpalit ng perspectives. Pero you get the point ✨
1 note
·
View note
Photo
ANG MAHARLIKA KALYE
Sulat ko, guhit ni @nobodyjustahead!
Sa Kalakhang Biringan, sa Kalagitnaan ng kabuuan ng lahat ng mga realidad, mayroong isang napakatingkad na gusali. Hindi ito binuo o itinayo.
Ang totoo: isa itong dating sandata ng isang bathala: si Bathala Ynaguiguinid, Diyosa ng digmaan. Kapag nakatayo ka sa tuktok nito at tumingin ka sa baba, makikita mo pa rin ang kalansay (skeleton) ng pinatay niyang arkanghel.
Higante yung arkanghel. Dahil sa kalakihan ng mga buto ng anghel na ‘to, bumuo na ang mamamayan ng Biringan ng sarili nilang mga bahay at komunidad sa loob ng mga buto nito, sa mga pagitan ng mga taludtod ng gulugod. Kahit na ang buto nito ay nagliliyab pa rin ng Walang Hanggang Apoy. Ang distritong ito, na pinangalanang Angelfall Street, ay mahahanap sa kanang bahagi ng higanteng Kalakhan ng Biringan. Isa lamang itong distrito na lumulutang sa hindi mabilang na mga distrito ng Biringan, ang lungsod na nagliliyab sa apoy-neon.
At doon, nakatayo sa tuktok ng dambuhalang sibat na pumaslang sa arkanghel, ay isang binatilyo.
Nakasabit sa kanyang leeg ang mga anting-anting niya: sangkap ng kanyang armas. Sa likuran niya nakasabit ang isang malaking kampilan, na halos kasinghaba ng buong likuran niya. Maliban doon, nakasuot lang siya ng hoodie at ng shorts, tapos naka-rubber shoes na parang tatakbo.
Pinalobo ang chewing gum. Pinaputok.
Naghintay ang binatilyo. Buntong hininga. Nakatayo sa pinakagilid ng tuktok ng sibat-ginawang-gusali. Halos walang distansya sa kamatayan.
Tapo ayun: naririnig niya. Sa pinakadulo ng araw, sa paglahok ng gabi. Sa talulot ng takipsilim, habang bumubusilak ang karimlan sa buong himpapawid.
Umahon ang isang puting anino, kasing haba ng isang tren. Gamit ang sibat bilang gabay, lumipad ito patungong langit, padiretso sa himpapawid.
Pero nandoon ang binatilyo, ang maharlika kalye. Nakahintay. Nakabantay. Hindi niya papayagan itong umabot ng langit.
Hinangin ang buhok noong biglang sumalimbay ang nilalang pataas. Pinagaspas ang mga pakpak, na hugis-kuwago. Pataas ng pataas, paraos ng paraos. Sobrang haba. Isang dragon na may taglay na karilagan. Sa sobrang puti nito, nagmukha tuloy na diwatang nawawala sa dilim.
Pero alam ng binatilyo kung sino talaga ito. Ang pulang mga mata, ang mabahong hininga, ang malamig na hangin na duloy nito… isa sitan ‘to. Isang malakas na sitan.
Hinablot ng binatilyo ang kampilan at tumalon habang dumadaloy ang kahabaan ng sitan sa harapan niya. Pagtalon, sinaksak. Kuminang ang talim ng kampilan. Nagugutom para sa dugo ng mga nilalang na hindi dapat manatiling buhay.
Tumaghoy ang sitan. Nagwala sa kalangitan. Pero hindi nanghina ang binatilyo: gamit ng taglay na kapangyarihang binigay sa kanya ng mga agimat, tumalon ang binatilyo. Iniwasan ang pagwasiwas ng buntot, ang pagwala ng mga kuko at pagtapon ng mga matutulis na kaliskis.
Tumambling ang binatilyo habang nasa ere. Umikot yung sitan, na parang ulupong sa dagat. Tumingala sa nahuhulog na binatilyo, tapos lumundang, ‘singbilis ng kidlat.
Pero masmabilis ang binatilyong maharlika sa kidlat. Gumulong sa ere, iniwasan ang ulo, binaon ang kampilan habang dumaraan ang sitan. Patuloy ang pagdaloy ng hugis-sawa na sitan. Hindi huminto. At dahil doon, na punit ng Maharlika ang buong kahabaan ng dragon, galing ulo hanggang pinakadulo ng buntot. Hiwa, horizontal.
Tumalikod ang binatilyo habang nahuhulog at nakitang naging dalawa na ang hugis-sawa na sitan. Mayroong umusbong na bagay galing sa gitna ng sitan.
Sinalo ito ng binatilyo. Bilog na itim. Puso ng isang sitan.
Hawak ‘yun, nagpahulog ang maharlika. Tahimik siyang nagtapon ng isang batong bughaw. Sumambulat ang isang ipu-ipo at tinangay ang binatilyo patungo sa tuktok muli ng sibat-ginawang-gusali.
Naglakad pauwi ang binatilyo, ngayong mayroong bagong pwede ibenta. May makakain siya sa kinabukasan. Nagliyab muli ang kulay pula, bughaw, rosas, dilaw, berde, at nila ang Kalakhan.
9 notes
·
View notes
Text
KALANSAY Custom Jacket by Gerilya Acrylic on Canvas 2022
7 notes
·
View notes
Text
Oy nakakatuwa, ang ganda ng pagkakaremastered ng magic temple. Ang linaw, parang bagong movie lang. Isa to sa favorite ko nung bata ako eh. Yung may mga kalansay na lulubog lilitaw. 😂
Sayang lang kasi yung pagsasara ng abscbn kasabay din ng pagtigil nila ng pagreremaster nung mga old movies.
4 notes
·
View notes
Text
Naiinis ako laging 10am gising ko. Di na tuloy ako nakakapag breakfast. Feeling ko tuloy napaka unhealthy ko na. Lol parang ayoko na pumayat though di rin naman ako mataba. Pero ngayon lang kasi ako nagkalaman. So gusto ko na siya i-maintain. Yun kasi nakapagpataba sako, yung breakfast. Narealize ko dati di ako mahilig mag breakfast kaya sobrang payat ko non, tapos yung timbang ko di umaakyat ng 50kgs. 46-49 lang talaga ako non. Pero simula nung na assign ako sa office last year halos buong taon ako nandun, since 8am ang duty ko, pag dumadating ako ng 7am or mas maaga, nag aalmusal agad sa katabing canteen ng office. Ayoko kasi sumali sa flag ceremony haha. So nakasanayan ko yun, hanggang sa tuwing makikita ako ng kawork ko sa ibang branch or mga friends ko napapansin nila na tumataba ako. Hanggang sa chineck ko sa timbangan 52kgs na ako, achievement na sakin yun. Saya saya ko nga nun haha. Habang tumatagal pabigat ng pabigat umabot na ko sa 56kgs. Haha. Kaya ayun, di na ako sanay na hindi nag breakfast kaya kapag di na ako nakakapag almusal feeling ko kulang. Hays. Nung nakila jowa ako, kahit 9 or 10 kami bumangon nag aalmusal parin kami. Tapos maya maya kakain na naman for lunch naman. Haha. Pero minsan di ako natutuwa kasi mukha na akong buntis sa laki ng tyan ko. Di ko nacocontrol yung kain ko e. Gusto ko din sana i-try yung Keto kaso parang di ko kaya. Baka magmukha na naman akong kalansay. Lol
8 notes
·
View notes
Text
81. Anna and the French Kiss, Lola and the Lost and the Boy Next Door, Isla and the Happily Ever After. All by Stephanie Perkins
82. Yep both. I know how to play tong its but pusoy hindi hahaha
83. Nope wala naman ganun dito eh.
84. Christmas
85. Dramas as in real life? No. Drama on TV? Yes haha
86. Nope bad yon
87. Make this pandemic thing stop. If not stopped, contained to the origin city.
88. Yep. Payatot ako so I just need to act like a zombie lang din bcoz I look like kalansay na to begin with. (HAHAHAH loveq self q sa sagot kong to)
89. Hmm pwedeng wag nalang akong maging paranormal kineme? I don't like ghosts
90. Be at peace.
91. Shemidiplapla. Charot i like my name. Suits me.
92. My mama. So I'd know how she struggled living just so she could see us.
93. This is not an emoji but this ; or this >>
94. I'm good in math. Had a lot of exes. I'm beautiful.
95. Hot. Kasi hot aq ih.
96. Villain. I've been good in this lifetime so i want to try to be a villain naman. Lol
97. ---- wala akong maisip. Hahaha
98. Controlling time. Not to alter or change anything. Just to freeze moments and appreciate life more.
99. Immune to anything. I'd rather die. Than to have a lot of regrets because i wasnt able to do something for the people around me who already died.
100. ....?
Finally finished!!! Waaaah i really learned something abt myself while answering these. Thank you!!!!!
2 notes
·
View notes
Text
eh paano kung ako naging kalansay din?????
1 note
·
View note
Text
Isang meal lang kinain ko the whole day, anue nhAaA? Baka kalansay na ako neto sa pasukan😂
6 notes
·
View notes
Text
You're the apple of my eye.
Mango of my pie.
Palaman of my tinapay.
Teeth of my suklay.
Fingers of my kamay.
Bubbles of my laway.
Sala of my bahay.
Seeds of my Palay.
Clothes in my ukay-ukay.
Calcium in my kalansay.
Vitamins in my gulay.
Tungkod when I'm pilay.
Shoulders when I cry.
Cure to my aray.
YOÜ'RE MY LOVE HABANG BÜHAY.
5 notes
·
View notes
Photo
Kalansay Vs Kalbo #2012vs2022 📸 by Keith Dador and Bendo Chan
0 notes