cdenismcruz-blog
|-/
18 posts
19.Drums.Guitar.Writing.Your all around good guy
Don't wanna be here? Send us removal request.
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Text
30 Seconds to Eternity
Time is the only magic that I believe to, It could be as fast as a second Or slow as an eternity Fast and slow at the same time
Time is a paradox, Not with in our control We think that we got all the time in the world, Well, time is a highway of lies fed to us; inevitably to be lost.
No, its not true We don’t have all the time in the world, Thats the beauty of it We live to cherish each and every moment, And we are destined to be lost in that highway of lies.
Time is gold And what do we have to give up? To have a second with your love one. How much will we lose? To have an eternity with someone.
30 seconds will suffice, To say hello 30 seconds to say good bye, Precious time worth wasting To experience the 30 second eternity.
Time is not just gold Time is everything
Learn to not count time But the things you do with that time Those moments worth wasting time over. This will give you the 30 second eternity.
6 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Quote
I like mornings, it's like a second chance to not fuck up everything
cdmhc
3 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Quote
The trick to beating fear, is to live life so full there's no room for it. Fear thrives in emptiness
Just before I Go
2 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Quote
Kindness is like a dinner bell, we’ll always answer, Funny thing another day who knows that I might not have but thats the thing about days, they have a mind of their own.
Just Before I Go(2014)
1 note · View note
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Quote
You’re not lonely you’re empty and thats worse
Just before I Go
2 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Text
Judgement
I believe that judgement is in the nature of human beings, Just hurting and assuming without considering their feelings. I've judge people before, I know. But when it's on you, it's a blow. Hearing stories that you know aint you. Believing and eventually accepting. Society make us who we are. Society judge us on what we look, say and eventually we change so we can be accepted. Kneeling to the terms that society sets. For me I don't. I have my own stand, principle, and values. So basically I am not a people pleaser. They don't like the way I talk, how I dress, how I present my self, my taste in music. Especially on how I see life. Well, fuck you to that. Fuck you for telling me what I should and not wear, listen, taste and what I should be. Yes, i've judged people, people like you. Who goes with the flow. Who never goes outside the box. Who was to afraid to be different. Who was to afraid of change. It's not bad to be different. Let people judge you. It just mean that you are that good and unique that they waste time just to criticize you.
2 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Conversation
Career
I might have chosen the wrong career path. I want to play music every night for the rest of my life
1 note · View note
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Quote
She's been running through my dreams and it's driving me crazy
Remembering Sunday - All Time Low
2 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Text
Isusulat ko na lang
Makapangyarihan ang mga letra. Madami sila nagagawa, parang si Rizal sa gobyerno ng espanya. Marahil maliit lang sila sa paningin ng iba. Pero para sakin sila ang aking sandata.
Mahirap magsulat. Kahit sino tanungin mo hindi na sila magugulat. Ilang oras kang nakatitig sa papel at panulat. Ilang araw kang iniiwang puyat.
Pero para sa mga magagaling na manunulat. Inspirasyon lang ang katapat. Isang inspirasyon lang at sila ay mamumulat. Pero para sakin kahit anong inspirasyon hindi sapat.
Hanggang nakilala kita. Tayo'y nagkakasama at masaya. Parang pinagtagpo ng tadhana sa twina. Pero bakit napipipi sa totoo kong nadarama. Dahil natatakot sa katotohanang hindi ako ganung kahalaga.
Kaya nagkaron ng inspirasyon. Na isulat na lang lahat ng pagasa. Pag-asa na maging tayo para sa isa’t isa. Pag-asa na ako ang mahalin mo sa twina.
Kaya Isusulat ko na lang Ang mga nararamdaman ko. Itatapon sa dagat at sana iyong makita. Malaman mong ikaw ay mahalaga. At andito ako kahit ayawan mo pa.
4 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Text
11:11
Kagaya ng mga nagdaang gabi, Wala ka na naman sa aking tabi, At nangangarap na naman. Na mayakap kang muli. Ilang buwan na din simula nung nawala ka, Aminin ko man o hindi namimiss ko ang iyong presensya, Hindi sanay mag-isa san mag magpunta, Nangangarap na hindi ka lang sa ala-ala. Nangangarap na naman. Dati nangarap ako na may makilala akong babago sa buhay ko, Pero bakit ako nagkakaganito? Nakatulala sa apat na sulok ng kwarto ko. Ilang araw nagabang. Inaabangan ang iyong tawag Ilang araw inabangan na bumalik ka. Ilang araw inabangan na maging okay na. Na matupad ang hiniling ko. Pero pagsapit ng son las onse y onse. Nakita ang sarili sa salamin. At napansin na ikaw ang dahilan, Kung bakit ako nagkakaganito. Sa pagkakataong ito ako'y hihiling na naman. Ngunit hindi para bumalik ka. Kundi para ako'y makalimot na. Sayang lang ang mga pinuyat kong mga gabi. Sa kakangarap ko na babalik ka pa. Eto na ang huling gabi, Na ako'y magpupuyat. Iiwan ko at kakalimutan na. Sa wakas, natupad ang pangarap ko na may makilala, na babago ng buhay ko. IKAW nabago mo ako. Marahil dahil sayo. Natuto ako umasa sa sarili ko. Simula ngayun mangangarap ako para sa sarili ko. Hindi na dahil sayo. Hindi ako isang makata na may tulang mahabang mahaba Nilikha ko ang tulang ito hindi para humugot Kundi makalimot. Umaasa na sa bawat letra na naisulat ko. Ay bawas sa mga ala-alang iniiyakan ko.
3 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Quote
Pasensya kung hanggang dito muna tayo
Julianne
0 notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Quote
Forget but don't regret
Anonymous
2 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Quote
Wag mo paglaruan ang emosyon ko kung di ka sigurado sa nararamdaman mo
Cdenis
3 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Text
Tamang katanungan
Naranasan mo na bang magmahal? Kung oo, gaano katagal? Naranasan mo na bang masaktan? Kung oo,ano dahilan?
Hindi mo man matandaan. Alam ko sa bawat daan na iyong pinuntahan. Magmahal man o masaktan. bumaon yan sa puso mong sugatan.
Alam ko yan, Dahil napagdaanan ko na yan.
Natuto ako magmahal dahil akala ko. Oo, dahil akala ko hindi ako masasaktan. Diyan papasok ang pagtataka ko. Kung bakit madaming katulad niyo ang sumusugal sa ideya ng pagmamahal.
Hindi pa ba natin nakikita? Na kapag may nagmahal? may nasasaktan? Mahal kita, hindi mo ko mahal. May nasaktan. Mahal kita, mahal mo siya. May nasaktan. Mahal kita, mahal mo ako. Talaga? Mahal mo ako? Hanggang kelan?
Ayan ang tamang katanungan. “Hanggang Kelan?” Hanggang kelan mo ako hahawakan? Bago mo ko bitawan. Hanggang kelan mo ko pahahalagahan? Bago mo ko pabayaan. Hanggang Kelan mo ko kelangan? Bago mo ko iwanan. Hanggang kelan?
Simpleng katanungan na may mabigat na kasagutan diba?
so ano ba talaga? Hanggang Kelan?
6 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Text
Pagkakataon
Pagkakataon
Pag iisipin natin, ang salitang “pagkakataon” ay masasabi nating mabuti. “Pagkakataon ko na para makapasa” “Pagkakataon ko na para magkapera” “Pagkakataon ko na”
Ngunit naisip ba natin na nakakasakit din ang pagkakataon?
Ang pangalawang pagkakataon.
Bakit nga ba may pangalawang pagkakataon? Dahil sa mga taong umaasa. Umaasa na mas maganda ang pangalawa kesa nauna.
Isa ako sa mga taong yan. Umasa sa pangalawang pagkakataon. Umasa na maaayos tayo. Umasa ako na susubukan mo na Umasa na may litrato pa. Umasa na mamahalin mo na. Umasa sayo.
Sinasabi ng iba na bigyan mo pa ng pagkakataon pre. Bigyan mo pa ng pagkakataon.
Pagkakataon? Para san? Para paasahin? Para saktan na naman?
Nakakapagod din.
Pagod na ako sa mga sinayang mong pagkakataon. Pagod na akong umasa.
Natuto na ko. At sana ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sayo. Dahil tangina mo! Sinasaktan mo lang ako!
2 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Text
#tula #alaala
Ala-ala
Naaalala mo pa ba? Ako? Naaalala ko pa.
Naaalala mo pa ba noong tayo'y nagkakilala? Noong panahon ng hunyo sa harapan ng San Beda? Ako? Naaalala ko pa. Naaalala ko pa kung pano ako kinabahan, natakot at pinagpawisan nung kakausapin na kita. Naaalala ko pa kung pano ako natulala at matuwa sa natural mong ganda. Naaalala ko pa.
Naaalala mo pa ba? Naaalala mo pa ba kung pano tayo naging magbarkada? Kung paano tayo naging para sa isat isa? Ako? Naaalala ko pa.
Naaalala mo pa ba? Noong sabay tayo umuwi galing eskwela. Kung pano tayo magtawanan, magkulitan, at kung pano kita tingnan sayong mga mata? Ako? Naaalala ko pa.
Naaalala mo pa ba? Noong nagpalitan tayo ng salitang “mahal na mahal kita?” Noong niyakap mo ako at sinabihan mo ako ng “oo tayo na?” Noong ang salitang “ako” ay naging “tayong dalawa?” Ako? Naaalala ko pa.
Ngunit ngayon, iwan natin ang nakaraan.
Nasaan na ang magagandang pagsasama? Nasaan na ang mga binitawang salita? Ayun, nasa ating alaala. Nasa ating ala-ala. Na parang pinaglumaang damit na nakatabi sa isang kahong kelan man ay hindi na isusuot pa. Na parang isang litrato na kinuha at ngayon ay kumukupas na. Na parang puso na kapag na napagod ay hindi na titibok pa.
Naaalala mo pa ba? Kung paano tayo nagkalayo sa isat isa? Kung paano tayo nagsigawan dahil sa dahilang hindi ko makita. Kung paano nasayang ang bawat letra sa mga sulat nating dalawa. Ako? Naaalala ko pa.
Ngayon sana maging masaya ka na. Sana makahanap ka ng tutupad ng pangako nating dalawa. Sana makahanap ka ng lalakeng perpekto sayong mga mata. Sana hindi ka umibig sa isang katulad ko na pinagmuka mong tanga.
Nilikha ko ang tulang ito upang matapos na. Upang matapos na ang paghihirap nating dalawa. Upang matapos na ang batuhan ng masasakit na salita. Para matapos na hindi lang ang tulang ito kundi pati na rin tayong dalawa. Para matapos na din ang pagpapanggap ko na tayo ang para sa isat isa.
Titigilan ko na ang ilusyong malabo na. At kelangan kong imulat ang aking mga mata. Sa katotohanang ang istorya natin ay tapos na.
Naaalala mo pa ba? Ako? Naaalala ko pa.
2 notes · View notes
cdenismcruz-blog · 9 years ago
Quote
Where destined to meet and fall but never meant to be together
Anonymous
2 notes · View notes