Tumgik
urshorthairediska · 4 years
Text
Tumblr media
Pag-ibig ko ay tanggapin mo
O sintang ginigiliw ko
Lahat sa mundo ay gagawin ko
Ngumiti lamang ang mata mong tsinito
Walang 'di kayang ibigay
Ano man ang hilingin ay iaalay
Dahil lahat ng akin ay sa iyo
Kunin mo na lahat ng gusto
Maging karagatan na nais mo ay saidin
Magtatayo tayo ng kastilyong buhangin
Ang kahariang ito ay sa iyo at sa akin
Mga dukhang nilalang dito ay palalayasin
Hayaan kang mag piyesta sa yaman kong isda
Busugin ang iyong tiyan hanggang sa maluwa
Mga puting perlas ko'y ipapalamuti sa iyo
At saka pagmamasdan ko ang ganda ng sinta ko
Dahil lahat ng sa iyo sa sa akin
Lahat mula sa iyo ay kaya kong tanggapin
Kaya't ibigay mo lahat ng iyong pasanin
Dito sa aking piling ikaw ay kakanlungin
Sabihin man ng iba na ikaw ay masama sa akin
Wala silang alam sa nadarama natin
Kaya't ipasa mo sa akin lahat ng iyong sakit
'Wag magdusang mag-isa sa akin ay lumapit
Dito sa aking lupa ikaw ay maminsala
Handa akong masira kung sa iyong ikapapayapa
Dahil labis ko nang ligaya sa pagdating mo
Aking kagalakan kung babantayan mo
Ang mga kilos ng mga parte ko
Ang mga barya ng bulsa ko
Ang mga usapan at balita ng bayan ko
Gagawin itong himig para sa tainga mo
Ang pagsilbihan ka at pasayahin kita
Hindi umaayon ang iba, ako'y dinudusta
Nakasulat pa sa mga plakang kulay pula
Mga markang sumisigaw ng pagpapaalala
Ngunit hindi ako marunong magbasa
Tinuruan mo na akong salitain ang iyong dila
Sa iyong pagka-alila 'di na makakawala
Gamitin mo ako hanggang mag-sawa
Utusan mo akong halikan ang mga dulo ng iyong katawan
Mula sa iyong noo hanggang sa iyong mga kuko
Handa akong manatili kahit walang pangako
Ako ay asong uupo kapag sinabi mo
2 notes · View notes
urshorthairediska · 4 years
Text
Tumblr media
"Anong nararamdaman mo?"
"Nalulungkot po ako."
Bakit ako nalulungkot? Kahapon lang e kasama ko ang mahal ko. Dapit hapon at naglalakad kami sa maingay na overpass sa Commonwealth. Ang saya. Maganda ang langit at matamis ang hangin. Dahil siguro magkatabi kami? Para kaming tanga. Napaka-ingay niya parang kami lang dalawa. Kay tagal ko na siyang nobya, hindi pa ako nasanay.
Pero nalulungkot ako.
"Jane?"
"Ay sorry hahahaha nakikinig ako gaga"
"Oh sige nga anong sinabi ko?"
"Sabi mo maganda magiging anak natin hahaha"
"Oh? Natawa ka? Bakit?"
"Sira ulo kang gaga"
"Wala namang pangit satin ah?"
"Parehas tayong babae Crissa"
"KJ nag-iimagine lang e"
"E sino manganganak?"
"Ikaw? Buntisin kita"
"Pota ayaw ko ikaw na lang?"
"Ayaw ko rin e hahahaha pano na lang?"
"Oh sige isipin mo mabuti"
"Tangina hahahha ang daya ni lord bakit bawal"
"Tangina ni lord"
"Pakasalan mo na ako Jane"
Napayuko ako, hinanap ko ang kanang kamay ko. Narito pa rin siya. Sa daliri ko, nakapalibot ang itim na tinta na parang singsing. Dalawang taon na kaming lihim na nagkikita ni Crissa nang magdesisyon kaming magpakasal. Siyempre, hindi pa tanggap ng batas ang pagmamahalan ng dalawang babae. Kaya gumawa kami ng sariling batas. Imbis na singsing na sinusuot sa daliri, nagpatattoo kami sa isang tattoo shop sa Cubao na kakilala niya ang artist. Putangina ng trip ni Crissa, ayaw sa ginto, gusto yung madugo.
0 notes
urshorthairediska · 4 years
Text
Tumblr media
Isang dapit hapong kasama ka
Naaalala ko kung gaano kaganda ang langit
Liwanag ng dapit hapong naglalakad kasama ka
Maingay ang traffic
Ngunit dinig pa din ang kabog ng dibdib
Sa gitna ng mataong overpass, isang dapit hapong kasama kita
May ngiting 'di maalis sa labi ng isa't-isa
Matamis ang hangin dahil siguro katabi kita?
Mas malakas ang tawa, dala na din yata ng kaba
Para akong tanga, alam kong gusto kita
0 notes
urshorthairediska · 4 years
Text
Tumblr media
I am so afraid of diving
Please teach me how to slowly go down into your pool
Let me in there with careful steps
Slowly swallow my body with your waters
Let my feet dance tippy toes into your tiled floors
And let me feel your temperature
As I am learning how deep you are
You will have me all yours
0 notes
urshorthairediska · 4 years
Photo
Tumblr media
dont forget to smooch your gf – twitter: ohheyitsval ig: ohheyyitsval
1K notes · View notes