san ka?
buti pa ang gabi
matyagang naghihintay para lang mahawakan ako nang mahigpit
at hinding hindiipapipikit ang mata
dahil sa dalang mga patay na emosyon
na bumubuhay dilim naming dalawa
Buti pa ang dilim
niyayakap ako sa pag-iisa,
kasabay ang malamig na hangin
na paboritong tikman ang aking mga labi
Buti pa kawalan
walang humpay akong tinititigan,
hanggang sa mahulog ako sa kaniya,
at ‘yon ang pinaka ligtas na pagkahulog sa lahat
buti pa ang iba,
sinubaybayan ang pag dapa ng mga tuhod
tumawa o tumulong
pero ikaw? saan ka naroon?
2 notes
·
View notes
this is one of those nights that I want to die, words that are whispering in my ear it says 'make it happen', that was once a little firefly in my head became a monster inside me, that was once a noise of depression was now a music that feeds my satisfactions
0 notes
ito na
Makinig ka
Isusulat kita
Kahit hindi pa kita ganun ka kilala
Ayos lang sana
Kasi gusto kong isulat ka
Hindi dahil galit ako sayo
Gusto kong isulat ka
Dahil gusto kita,
Kahit hindi ko pa alam kung ano ano ang hilig mo
at mga pangarap mo
o kung paano ka mag-isip
kung saan ka takot, at mga dati mong kwento na malulungkot
gusto kita, at gusto kong malaman mo
na gusto kitang makilala,
gusto kong malaman ang bawat piraso ng iyong pagkatao
gusto kong pasukin ang buhay mo
gaano man ito kadumi o kabaho
hindi ko alam, para na kong baliw kakaisip dito
kakaisip sayo
paulit-ulit lang kasi na tumatakbo sa isip ko
yung unang beses na magkalapit tayo
inabot mo ang kamay mo, at ganun din ako
paulit-ulit lang dito
pasensya na kung
Isusulat muna kita,
Kasi di pa umaalis ang daga sa puso ko
Takot pa rin akong sabihin sayo
Isusulat muna kita,
Para kung sakaling,
Hindi na dumating ang araw na masabi ko sayo
Kahit papano mabasa mo
Diba sabi ko sayo
Gagawan lang kita ng tula kapag gusto na kita
Ito na, nagawan na kita
1 note
·
View note
paano mo pwedeng ikwento ang tayo
sabihin mong wala lang
ako na magku-kwento na hanggang kaibigan lang
‘pag tinanong ka sabihin mo wala ka lang makausap
ako naang hahanap ng paliwanag
‘pag tinanong ka kung ano ako sayo
wag kang mag-atubiling tumawa, at ulitin ang tanong
klaruhin mo, na parang hindi ako kilala
itanggi mo, na parang wala ‘kong halaga
kasi ako, maghihintay lang dito,
sa kahit saang malayo sayo, natatago
binabasa ang mga mensahe mo kanina
ibibulong sa hanging ‘mahal din kita’
0 notes
ang nakaraan
Binuo tayo ng nakaraan, ng kahapon, ng kanina. Past tense diba? pero ang hirap ibaon sa limot, kasi nga ang problema kahit hindi ka lumingon, laging may parte sayo na magpapaalala kung ano yung mayroon dun sa likod mo, o yung kanina lang na ginawa mo.
Ilang beses mo ng iniyak, o sinabi sa iba, dadating at dadating sa point na mapapagod ka na pero yung ala-ala na yun, hindi pa rin napapagod na magpabalik-balik sayo, na bisitahin ka gabi gabi bago matulog.
Pero sa dulo, hindi sapat ang iyak at pagmumukmok tuwing dis-oras ng gabi, o kung medyo malalim, nagka-cuts pa, kasi sa dulo, mapagtatanto mo na lang na, kailangan mo lang ng taong mananatili sa tabi mo, hindi habang umiiyak ka o kinikwento sa kanya lahat yun, kundi yung taong sasamahan ka lang kahit tahimik ka o nag-iisip ng malalim, at sasabihing tanggap ka niya, tanggap niya yun, at sa pagkakataong yun mas mahal ka niya.
0 notes
ako na ba?
ikaw na
unang beses kitang makita
ng masabi ang dalawang kataga
ikaw na
simple lang,
pero hindi ko alam kung paano ko nalaman
kaya patawad
kung ang iniisip ay sarili lang
ikaw na
pero ako na ba?
0 notes
pornograpiya
Naging hilig niya nang ibenta ang sarili
ibigay ang aliw na kanilang hinihingi
parte niyang walang kapalit.
Aliw na hatid nang salitang gamit.
0 notes
AT
dahil sa at magkahiwalay ang tayo
kaya mayroong ikaw at ako
ano nga bang ibigsabihin ng dalawang letrang yan?
at, yung mga bagay na wala ako at nasa kanya
at, yung mga gusto mo na wala sakin
at, yung mga pangarap mo na nakaharang sa pwesto ko kaya di mo ko makita, o baka ako nga ang makahadlang dito
at, yung ugali ko, kaya iubulong ko na lang sa hangin ‘to
ang daming ibigsabihin ng at na dahilan kung bakit hidi tayo magkasama
kung bakit ‘ikaw at ako’ lang at walang tayo
noong makalawa nakita kita,
nakita ko rin siya,
sige kayo nang dalawa
alam ko na, hindi pala talaga bagay yung ‘at’
siya pala
0 notes
matakot ka
tinanong kita ‘paano kung hindi ako?’
paulit-ulit pa nga ‘paano?’
habang tuloy ang mga salitang pangongontra
sa mga sumpa ng nakaraan na sinasambit ko
patawad mahal, pero ‘paano ka at paano ako, kung hindi tayo?’
natatakot ako sa mga pangako na dapat hindi lang pang-ako
natatakot ako sa pagsintang ipapako
kasi paano kung makita mo kung sino ako at ano?
natatakot akong matakot ka dito at tumakbo palayo
kasi baka matakot kang hanapin ang tagpi-tagping parte ko
sa kasulok-sulukan ng hindi ko alam kung saan
baka katakutan mo ang puso kong hindi na mukang puso
puno ng punit, sugat, dumi at hindi magagandang parte
baka matapos mong manatili ng sandali at mangiliti ng kaunti
ay mas mabilis pa sa saglit ang pagalis
baka matapos paghawak sa kamay ko at malamang magaspang ako
tumalikod ka, at iwan mo ko dito
kasi mahal, kung gagawin mo yun
mas mabuti pang gawin mo na ngayon
habang hindi pa ko lunod sa ideya mo at ng tayo
habang hindi pa ko lubog sa dito sa kinatatayuan ko
mahal umalis ka na, kung hindi ka magtatagal
0 notes
...
napakaraming bagay na ang aking nakita
maraming tao na rin ang nakasalamuha
Kaya kung gagamitan ng tantsya o matematika
maliit lang ang posibilidad na makita kita
pero sa dami ng nakatayo,
sa daming bagay na pwede pumukaw sa matang ‘to
Ikaw na naka-upo ang nakakita ko
nandoon sa sulok, habang tingin mo’y malayo
pasensya na kung ako’y isang makata
pasensya na kung hindi man kita kilala
gusto kong isulat ka bilang isang tula
at dito ako magsisimula...
0 notes
anong lasa?
nakakatakot din minsang tumalon sa isang konklusyon
kung mahal mo na ba siya, o gusto, o lahat ng ‘to ay isa lamang ilusyon
baka malungkot ka lang at pagod
Na kahit paulit-ulit ka ng tumikim, at nahulog
pero sa dulo hindi mo pa rin alam kung ano lasa ng pagmamahal
Kaya ito ka, nananatiling nakatingin sa kanya
habang pinipigil ang panggigigil sa ideyang mahal mo na siya, o malungkot ka lang talaga
kasi ang totoo magulo ka, at wala ng panlasa
0 notes
lost
Have you ever been in the point of your life that you keep on comparing your past between what’s happening on your present? On how people are, and how are you with them? And start to figured out that those memories in the past are far way more better that what is in your present,that leads you to think what if you go out there again, not to change anything but just to stay there, just to live there, where you’re not hurt and everything’s fine.
I’ve been there, everyday of my life was full of reminiscing. I was very tired of looking back that I want to go there, go back there not to fix or change anything, but just to stay there over and over again. And suddenly it became my hobby, I started to think, and turned out to overthinking. I never realize that I was lost in those moments, that those are the very thing that destroys me right now.
0 notes
tititigan ko na lang likod na iniharap mo
0 notes
madali lang naman lahat nang ito kung sana hindi mo ko iniwan, kung sana di mo binitawan ang mga kamay ko kung sana di ka lumayo. madali lang sana lahat nang to kung sa una pa lang di mo na ko nilapitan.
0 notes
siguro pareho nga lang kami, parehong gusto ng atensyon, nang mga papuri, kaya nagpapansin. pero magkaiba rin kami, kasi sila, gusto ng atensyon nating lahat pero ako, atensyon mo lang. kahit ikaw lang o kahit mismong ikaw na lang.
0 notes
masaya ka bang nakikita akong nasasaktan habang minamasdan kitang minamahal sya?
0 notes
lason
ikaw ang hanap ng mata ko ng tenga, puso, ng isip ko ng katawang ito pero pareho nating alam na hindi na tama ikaw, ako, tayo... hindi na tamang mahalin ka pa, at mahalin mo ako hindi na mabuti para sa labi mo ang labi ko hindi na mabuti para sa mga kamay ko ang kamay mo hindi malayong mapatay natin ang isa't-isa, alam kong nakikita mo ring unti-unti na tayong nilalamon ng ating sarili, dahil sa pagiging makasarili nagbabago na tayo, papalayo sa mundo magkalapit ang mga katawan ngunit ang puso'y di magkarinigan kahit sumigaw ay hindi mo maintindihan pareho na tayong nagiging lason, ikaw sakin at ako sa'yo patawad. paalam.
0 notes