#wapakels
Explore tagged Tumblr posts
sugaryluna-x · 4 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
- selfies lately
i feel good netong nakaraan araw na then bigla na naman nag konting slight attack ang self confidence ko nung narinig ko dun sa kakilala namin from tingloy na ang taba ko daw na kesyo ganito ganyan, medj nabadtrip me ng slight pero anyways my shining and glowing era will come again naman as long as healthy and pretty baby ko wapakels pero syempre need ko pa din talaga iself love sarili ko kasi dami ko goals for me and Luna
5 notes · View notes
jeuz · 2 years ago
Text
Mental Health
Hallo! just a reminder na we should always take care of our mental health, yes mahirap lalo na sa mga dumaan na panahon pero kahit kabigat pa yan kayanin natin. Wag tayong sumuko sa life, ayos lang mapagod, manghina, mawala muna, tumigil, magpahinga at lumayo kung kinakailangan. But please kapag sobra na ask for help, yes hindi madaling mag open or what but sometimes or most of the time we need help, it is okay to go for a doctor if very hirap kana and hindi yun masama o nakakababa as a person. If hindi keri ng pera or budget ask your family and let them know. If you don't have a family then ask your partner or your friends, if wala talaga please ask for someone/people na makakahelp sayo ng walang masama na kapalit or what, may mga hotline rin for depression, anxiety attacks, etc. Just google or go to social media platforms or website na nag offer ng help even consultation.
Iba-iba tayo ng mga pinagdadaanan sa buhay, hindi kita maiintindihan totally, even ibang tao, ikaw lang sa sarili mo ang makakaintindi sa pinagdadaanan, nararanasan at nararamdaman mo but please if you need help or even kausap lang, nandito ako, may mga tao din na handang makinig or maghelp, if lumapit ka sa isang tao and wapakels or di nila nagegets yun, ijudge ka nila then go for another person/medical help, guidance, hr, church or anthing, wag ka tumigil na tulungan yung sarili mo kasi if alam mong may mali na talaga then please hold on and move, don't let go, don't give up in life (you know what i'm saying) just don't. Hindi ako expert sa ganitong usapin but even ako may mganpinagdaanan din ako na magisa ko lang halos nilakaran. Kaya bigla kong naramdaman na need ko itong ipost if ever man na may kailangan makabasa neto. Wag ka susuko, hindi tayo susuko, please?
Mahalaga ka, lahat tayo mahalaga, at palagi mong tatandaan na may lugar at mga tao na tatanggap at magpapahalaga sayo kung sino ka, kahit ano pa man ang nakalipas o pinagdadaanan mo sa ngayon.
27 notes · View notes
whooolaanmo · 1 year ago
Text
15 questions for 5 mutuals
Rule: You have to answer truthfully, and you have to tag 5 mutuals in your post.
tagged by: @mariainsoli 🤍
1. Are you named after anyone?
Oo combination ng pangalan ng Erpat at Ermat ko.
2. When was the last time you cried? Why?
Hindi ko matandaan eh, Sorry.
3. Do you believe in Soulmates?
Hindi 🖤
4. Do you drink liquor?
YESSS! naman 🥃
5. What do you usually daydream about?
Wala naman di ako dreamer kaya wala ako daydream daydream, doer ako 😉.
6. First thing you notice about other people?
As a Scorpio 🙋🏻‍♀️ wapakels! 🤣 malayo pa lang yung tao ayoko na agad sayo bawal bad vibes!
7. What’s your favorite quote from a TV show/movie/book?
“Above all else, guard your heart, for it is the wellspring of life” Bible Proverbs 4:23.
8. Some of your pet peeves?
Ayoko ng paulit ulit yung tao sa sinasabi, bawal slow!
9. Where’s the next place on your travel bucket list and why?
Wala naman ako masyado gusto puntahan, pero gusto ko Pinas na lang muna, kasi maganda naman talaga ang Pinas.
10. Where were you born?
District Hospital San Pablo City
11. What are your hobbies?
Parang di naman hobbies parang daily life 🤣🤣🤣 cooking, farming.
12. What's the best joke you've ever heard?
Ikaw lang mahal ko - sabi ng Ex ko na may kalandian na iba nung kami pa. 🤣🤣🤣
13. What’s your love language?
tunay na pag ibig ❤️, valued!
14. Topics you never get tired of to talk about?
Plano sa buhay 👌🏻, at mga katangahan ko dati kasi doon ako natuto, at sa lahat ng masasaya na ganap sa buhay ko pamilya, kaibigan.
15. What would be the title if your life were a movie?
with one's feet on the ground ( goal doer na low-key )
tagging : @theprebby @pens-n-periwinkles @nitderella @selaahh @hello-ellesworld ✨️
sagutan kung may freetime, kung busy ok lang hindi 😊
May 26, 2023 10:07 pm
8 notes · View notes
souledead · 1 year ago
Text
Tumblr media
grabe ang iyacc ko malala sa 'it ends with us' may sipon sipon pa. kanina habang nakapila sa SSS kalagitnaan ng mga heavy scenes binabasa ko naiyak talaga ko hahaha wapakels kung makita ng maraming tao. iba pa rin talaga makabasa ka na meron ding ganon na nangyari o nangyayari sa iba katulad sa mga sitwasyong na-witness mo.
4 notes · View notes
mestisang-cavitena · 4 months ago
Note
Ikaw pa rin pinaka authentic na blogger na kilala ko dito wapakels kahit may mga anon questions na inappropriate na masyado, live your life ate fuck 'em judgers.
AWWW THANK YOU MAY MGA GANTONG ANON PA PALA 💋
0 notes
Text
I love myself.
Yes i do. Starting now. But it does not mean that I love myself to the full extent, to its greatest potential (wow). Pero I am getting there na naman. I know puyat na naman ako hahahaha kasi di ko na naman nainom yung sleeping pills ko at sobrang active ng utak ko ngayon. Anyway, hello??? Natutuwa ako kasi pursigido na ako mag gym??? At wala man akong work ngayon at short ang financial kemerut, nakakapag gym pa din ako lol. Para bang senyales talaga ng universe na ipush ko tong weightloss journey ko. Hopefully di na naman ako atakihin ng matinding depression.
Kaya pala ako nakakapag gym ay dahil sa new found friend ko na si Nia. Naka premium subscription kasi sya sa Basic Fit, so it means she can invite a friend to workout with her. Dapat daw kasi yung boyfriend nya eh kaso ayaw naman daw magworkout so ako nalang ang niyaya nya 🤣 Tbh i was very unsure nga din kasi ayaw ko talaga mag gym. Kasi sobrang insecure ako sa katawan ko. Pero i am walking through my wapakels era. Goal ko na din talaga na maging CoCo. Confident at Consistent. Kailangan ko na talagang igive up ang pagkain ng mga matatamis. Tbh di naman kasi talaga ako fan ng matatamis ha pero may mood kasi ako minsan na nagccrave ako sa sweets 😭😭😭 I need to fucking stop and try lang for one month na walang sugar at all.
Sa totoo lang minsan din kasi nakakapanghina ng loob pag di ko nakikita yung changes. I am cursed with PCOS kaya i should know na mahirap talaga. Pero we'll see nalang!
0 notes
curiousmaw · 6 months ago
Text
Yay for tuesday! :) TYL umabot ako sa cut off ng APE sa medical city kahit ang tataray ng mga nurse don. Wapakels!
0 notes
benefits1986 · 11 months ago
Text
YE 2023 Countdown: Black Sheep
When the lost sheep comes back home, it's something so vividly painful and pleasurable, all at once.
"'Di ba ate, may time na 'di ka umuuwi sa bahay ni ina? Alam mo ba, lagi ka niyang hinahanap noong mga years na wala ka. Buti umuwi ka ulit."
This is one of the "uncut" revelations of my 4th anak-anakan as we're downing some snaps and selfies in Muni Coffee yesterday. Of course, I tried a wicked comeback.
"Hindi naman ako napa-one on one at napagalitan. Plus, 'di naman din ako visible na apo e, unlike you and some others na obviously, favorite. 'Di ko rin naman need mag-explain because, I knew what I did and what I didn't do." "Namiss ka ni ina, ate. Pero buti talaga bumalik ka. Babalik ka rin naman talaga e. Ikaw pa ba?"
My 4th anak-anakan seems to sharpen her saw way faster than me in a more grounded sense and style. I'm not offended or intruded as she tried to chart undiscovered terrains called the valleys and peaks of my feelings.
"'Wag ka na aalis ulit ha. Alam mo naman ang role mo dito, ate."
I laughed out so loudly as I said, utusan levels sa mga sunog ng buhay pamilya namin because I'm the ultimate wapakels na overthinker. She laughed out so loudly, too. We kinda teared up in between bad coffee and basic pasta, cookie and cheesecake.
Muni Coffee is not an A-list spot, however, a good number of my most vulnerable conversations took place here. Mag-convert na ba ako sa INC para rekta samba na ako after Muni sesh? CHOZ.
"Alam mo, first time ko 'tong sasabihin after 11 going 12 years. Umalis ako kasi masyadong masakit 'yung pakiramdam ko noon. 'Di ako nagalit ever kay ina or kung kanino man sa angkan natin. Nagalit ako ng malala sa sarili ko at sa tatay ko. Pero mas galit ako sa sarili ko kasi I failed miserably at something I've been working my ass off for 8 fucking years. Binigay ko na lahat ng kaya ko pati 'di ko kaya, pero iniwan pa rin ako. So saan ako pupulitin? Kahit sa kangkungan, 'di ko dasurb. Okay na? Aligned na tayo? Ayoko lang talagang magmukhang kawawa or api because ego over heartbreak po tayo as my default setting."
My 4th anak-anakan was taken aback. "Nagmakaawa pa ako kay dad noong mamatay si mom. Ano ba naman 'yung 1 or 2 years na bumawi kami sa bonding sesh na walang worry about going home hurriedly for mom. I don't beg; but super sakit lang talaga na 'di ko inakala. Pero, immature ako noon kaya I didn't get why dad said na bahala na raw kami sa buhay naming magkapatid."
4th anak-anakan looked at me while sipping her matcha latte.
"Ayokong mukha akong kawawa kasi kawawa talaga ako as an ulila sa nanay na ang meron lang tabula rasa. Pero again, gets ko why dad went to his mom. Wala akong pake kung nagsumbong siya kasi nanay niya 'yun. Siya bida sa kwento niya. Pero alam ko rin na, dad has a very small support group, unlike me na may options na family outside my angkan, this angkan. So, in a way, mas kawawa tatay ko kasi alam din naman niyang napagalitan din siya ng nanay niya because... alam mo na."
"Sorry, sobrang tagal bago ko na-share 'tong part na 'to ng kwento ko. 'Di ko kasi kayang aminin na masakit mawalaan ng nanay. Ganito kasi workflow ko noon: Bday ko, condolence + hug + happy bday then last night niya on earth + libing + no bereavement leave + pasok agad + shoot agad + spiral silently + CTRL + ALT + DEL feelings kasi gusto ko agad mag-move on, mag-move forward. Tapos. And the rest is bloody hell history... which I don't you to repeat in any form, nakshie. Theme is: How to be unlike me: Extravanganza."
My 4th nakshie told me something that choked me back. Choking hazard talaga 'pag kami magkasama neto. As in. Juno baby girl rin kasi tapos Gemini pa. CHOZ.
"Ate, next time, sabihan mo naman ako 'pag may shit ka. 'Di 'yung mawawala ka na lang bigla na akala mo kung anong naganap. Gets ko naman gala ka talaga saka ayaw mo ng drama at mag-voice out ng feelings mo, pero paano naman ako, kami? Ikaw ang concern ko 'pag nawawala ka. 'Di ko alam kung anong naggawa ko, 'di ko naggawa or anong dapat gawin para magparamdam ka. Okay lang naman mag-gala ka, basta magpasabi ka naman. Magpaalaga ka naman kasi. Try mo."
Tacca, 4th nakshie. Gen Z vibin' bugbog right there. Ganyan ang Gen Z. I feel like I was born on a wrong era. Back then kasi, taboo ang gender preference, mental health, speaking your mind and spirit out loud, body positivity, gender fairness, breaking the dress code, atbp. I felt like I'm too much for my angkan pero wala akong pake. Hahahahaha. Hence, I labelled myself as the OG black sheep.
"Hindi ka black sheep, ate."
I didn't fight back because my nakshie is really trying her best to comfort me na hindi ko naman feel na kawawa ako or may ego bruise or heartbreak. Also, andaming magagandang bike kahapon na lumapag sa Muni. Road bikes, gravel bikes, bakal camping bikes, fat bikes... so, andun ako nakatingin. Wala akong namataang B kasi hello, umuulan.
Dapat kasi biking ako e since naglambing 4th nakshie ko at nasita ako dahil naulan baka magka-walking pneumonia raw ako. Hahahaha. Syempre, sumegunda naman tatay kong magaling. Baliw daw ako bakit mag-B na, umuulan pa. HAYYYYY. Sarap kaya mag-bike ng medyo balmy weather basta 'wag malakas hangin at ulan masyado tapos derecho ligo sa ilog or dagat. Tapos inom at kain until sunset then camp. HAY. Some people will never get this kasi in fairness, nakakalasapag siya. 'Yung chances mo of getting sick, mga x4. Hahahahaha. Pero so far, 'di naman ako nagkakasakit sa ganitong set up except for the camp part because bobo tayo sa pag-pitch ng tent. HAHAHAHAHA. Saka nakakastress 'yung mga eerie sounds sa kapaligiran plus chances of insect bites na sobrang lala for me most of the time. Fave ata nila suck blood ko to the point na akala mo kung anong emergency na 'yung mga kagat nila sa akin. SIGH. Pero, 'di aayaw to master this lifeskill since may tent na akong weather proof-ish.
Nakakabother pa rin talaga mga official biker attires for women and men. UGH. So, focus na lang ako sa bikes mismo kesa sa mga bikers. I really can't help it e. 'Yung gets ko naman 'yung ergonomics niya and all, pero, it deserves a super major overhaul. Kaya ayokong mag-bike content kasi eto pa lang, cancel culture level 99999999999 na tayo, mamser.
Anyway, skip ko na lang muna 'yung mala-Vivamax bits ng kwentuhan namin kasi, bata pa siya. CHOZ. Hahahaha. Mhie, medyo mahirap talagang kausap ang Gen Z dahil napaka specific nilang magtanong at ayaw bumitaw. Basta, sabi ko: Make better choices than mine, paki usap lang. LOL. Again, 'di ako super wild, sakto lang talaga kasi nga takot ako sa nanay kong dragon. Pero, 'di ako proud about a number of choices I made but not naman to the point na "mortal sin" demerits na ako sa langit. Medyo pabebe pa rin siya for me, to be honest. :p Let's keep it at that bilang ayoko ring ma-expose ang mga NKKLK na sharings ng aking nakshie na gusto ko na siyang ibalik sa sinapupunan ng nanay niya at times. Hahahahaha. Hassle talaga magkaroon ng mini version ko tapos proud pa siya na mine me siya. TACCA.
Syempre, usap kami ng Japan dreams semi-twinning edition namin na shemayyyy, dapat walang bakas. Honestly, okay sa kanya may bakas, ako lang may ayaw. Pero gets kong safe naman din kasi 'yung pegs namin, however... tacca, nakshie no. 4. Uuntog kita.
HAHAHAHAHAHAHA. Baka mapagalitan ako ng magulang neto at mabartolina pa ako. Actually, trick question ko sa kanya 'yan para ma-gauge ko paano ko siya mas magagabayan sa mga susunod na kabanata ng buhay niya as a newbie adult. Baka sunduin ko 'to sa med school in the guise of checking on her circle of friends and circle of distrust. LUH. Hahahaha. Mukha naman daw akong Gen Z so, keriii. Bring it on, bitch! LUH.
Today is another "go with the flow" day which means luluwas kami to run super important errands. UGH. Ayokong mag-Manila ngayon pero OKAYYYYYYY. Sakto naman sleep ko which is around about 6 hours na. HUHUHUHU. Two nights in a row na more than 4 hours solid sleep ko, finally. Isa 'to sa mga wish ko sa Pasko kahit scrooge ako e.
0 notes
wittykahitcorny · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Sugod agad ako sa mcdo bayan nung nalaman na avail na sa Pinas ang pokemon sa happy meal. Naninigurado lang kasi baka magkaubusan dahil sa hype. Nasabay sa lunch kaya madami akong students na nakasabay. Wapakels na ko sa kanila kahit isipin nila na isip bata ako na puro happy meal ang pinipindot sa kiosk.
1 note · View note
backstageprincess · 1 year ago
Text
Greenflag Engineering Boy
Hi! I'm back, ang tagal ko pala hindi nagbukas ng tumblr huhuhuhu. Ang daming nangyari, college na ako and Electronics Engineering humbled me HAHAHHAHAHA. Wapakels lang sa mga mababang score basta pasado kasi ayoko magsummer class kasi wala talaga akong pambayad doon huhuhuhu. Tatapusin ko itong electronics engineering kasi ito ang binigay sa akin, maybe it is a redirection for me.
So there's a guy sa university namin, actually classmate ko siya. Pogi siya pero hindi iyon ang nakacatch ng attention ko sa kanya, kasi ang gentleman niya. Wala pa akong nagiging classmate na lalaki na nagpakagentle man sa akin, late kasi ako pumasok buti na lang wala pa yung prof namin tapos wala akong maupuan tapos sabi niya doon sa iba naming kaklase na lalaki na paupuin ko, nakatayo kasi siya kaya syempre hindi niya mabibigay ang upuan niya dahil din gulo gulo ang room HAHAHHAHA. Na-touch ako, ang sarap pala sa feeling na may nagpapakagentleman sa'yo palibhasa kasi ako palagi nagaadjust at gumagawa ng paraan, grabe simula nun hindi na siya nawala sa isip ko. Parang lagi na ako motivated, lagi ko na lang inaabangan na umupo siya sa harapan ko o hindi kaya tumabi sa vacant seat malapit sa akin at kausapin ko. Oo na, crush ko na! Pero hanggang doon na lang iyon kahit ang lapit niya sa akin, pakiramdam ko hindi ko siya abot. Sa social status pa lang eh...obvious na. Feel ko hindi rin ako ang type niyang babae HAHAHHAHA.
Ito na naman ako sa patingin-tingin era ko haysss....
0 notes
denisaurwithclaws · 1 year ago
Text
i like sharing stories so I'll try to share one.
when i was a kid (elem days) there was this classmate that i could tag as a 'mean one'. she pinched me several times because she was fascinated that i didn't cry na baka iniisip niya 'manhid ka ghorl?' HAHA 🤣 i have no idea why i allowed it when i can just defend myself but anyways, i did return the favor, so i pinched her harder which caused her to cry. yung isa naming classmate, he called our teacher pero di man ata narinig, kaya ayun wapakels ganern.
moral of the story; always return the favor mga 10 times char, bad 🤣
love thy neighbor as much as you love yourself. so dapat pinigilan ko yung sarili ko :<
0 notes
miopedrosa · 1 year ago
Text
Ako na gusto kong maibalik na sakin mismo yung account tapos yung isa na wapakels sa mga email na sinesend ko sa kanya parang wala lang. 2 weeks na kong nag-aantay maayos parang di naman nya sineseryoso. Alam kong pareho tayong busy in life pero magreply lang na isend yung receipt hindi pa magawa anu ba naman yan.
Lord talagang tinetest pasensya ko oh...........😤😑
0 notes
mypersonalsafespace-blog · 1 year ago
Text
3 years mahigit narin pala akong di gumagamit ng facebook app. Dineac ko bago pa magpandemic. Gusto ko na kasi mabawasan paggamit ko ng mga social media apps. Kaya sinimulan ko sa FB.
Mga ayoko sa Facebook:
Everytime na magpapalit ka ng DP or profile pic, Lalabas pa talaga sa feed. Makikita mg iba at para bang magbabase pa sa mga likes yung appreciation ng beauty mo char!.
Tapos pag magpost ka ng status or mga pics mo, parang ang awkward kasi, parang ... anjan yung mga kakilala mo na magshe-share ng mga quotes or status na, dapat hindi ka nagpapopost ng mga masasarap na pagkaen, kasiyahan, kasi maruming nagugutom keneme. Nang-guiltrip pa ang mga mokong. Kaya madalas puro share memes nalang ako. Marami akong gustong i-post na mga achievement or simple post lang na gusto ko lang ishare. Pero wag nalang.
Andun yung mga relatives na parang obligado kang ifriend or pag inunfriend mo eh, may masasabi.
Although dapat wapakels ka sasabihin ng iba. Kaso dzai, ako nlng mag-adjust, di naman sa nagpapakulong ako sa masasabi ng iba noh, pero di tlaga siya nakakabuti. Para nalang din sa sarili ko.
Hmmm... Ano pa ba?.. 🤔
Kaya nag stay nalang ako sa instagram and twitter.
Sa instagram not awkward magpost ng magpost ng pics. Lahat ng mga travel/gala pics/vids ko andun lahat. Kumportable ako. Kasi yung naman ang purpose ng app na yun.
Sa twitter, normal lang dun na maya't maya mag post ka ng status mo o tweet. Kung may maisip kang ipost tweet ka lang. Khit mga kabugnutan mo sa buhay, kahit rants, kahit simpleng ganap sa buhay hindi awkward.
Sa Tumblr, ito talaga ang safespace ko. Dito talaga ako mas nagsheshare. Katulad ng mga gantong tinatype ko. Di ko naman mapopost sa FB yung ganto. Mga personal na bagay dito ko sinasabi. Kaya nga "My Personal Safe Space" name nito. Nakaka-feel good kasi yung nasasabi mo or nasheshare mo yung mga anik anik sa utak mo. (Anu daw??)
Wala lang kagigising ko lang at kagabi ko pa to naiisip itype. Kaso nakatulog nako.
Iniisip ko din kasi ng magbawas ulit ng social media apps. Nitry ko magstop sa twitter. Although may threads app ako ngayon, (na parang twitter din) mejo boring yung apps. Maraming kulang na features. Ok padin ang twitter kasi mas updated ang balita at chismis dun. Dun ako nagcoconfirm kung talaga bang lumindol haha.
Ayun, target ko yung tumblr app nlng magagamit ko.
Gusto ko na bumalik sa dati na sa libro ako nalilibang. Ang isang libro halfday ko lng natatapos. Or basta wla pang isang araw tapos ko na basahin.
Tambay ako lagi sa bookstores nun. Lalo na sa Powerbooks Sa Megamall A nun. Napakalawak nun kung ano lawak ng supermarket dun ganun kalaki. Maganda pa dun mga mga couch pa talaga para makapagbasa. Di ka sisitahin ng mga guard dun. Kaya kanya-kanya kami ng pwestuhan ng mga tambay dun meron sa sahig nlng. Kaya mostly ng mga libro ko ngayon, bago ko pa binili nabasa ko na. Kunsenya nalang talaga bakit ko binili yung mga nabasa ko na. Kawawa naman ang writer. Di na kumita.
To be continued...
May pasok pako.
0 notes
gelley-thoughts · 2 years ago
Text
Nagapramdam yung 1st time na akala nila nawawala ako shuta eh that time kinalimutan ko na nasa akin susi ng apartment at gabi na so yung pinsan ko na kasama ko sa kwarto, ilang hrs. nang nag-aantay tas deadbatt pa ako. Eh that was the 1st time na sobrang heightened yung feelings ko for him. So wapakels talaga ako that time and I was so guilty kasi tawag ng tawag sila mama pati yung mga friends ko and college friends (imagine 1 week palang ako sa baguio, nope, like 2nd day ko palang pala sa baguio and my college friends that time di pa kami as in close in person but they were also so worried lalo pa sa mga balita ng kidnapping sa Baguio)
Myghaad I created a ruckus that time. Nakakahiya!
📌Aug. 23, 2022
0 notes
lottie-blr · 2 years ago
Text
So eto na nga, may chika ako. Nabanggit ko dati dito na yung previous work ko eh grabe mag chismisan diba. As in nasa harap mo na tas parang may daga and feeling mo pinag chichismisan ka.
Dito sa nilipatan ko mas malala!! Bukod sa chismis, uso ang hilaan pababa at sumipsip sa boss. Kaya ang boss nasanay nalang sa ugali ng mga ferson.
Aynako. Ayoko na din maki join dahil maritess din ako eh hahahahaha hinahayaan ko nalang na sila ang mag kwento sakin. Saka ang pinagkakatiwalaan ko sa loob ay pinsan ko. Kung siya ang maging dahil kung bat ako mag resign, lagot siya sa mama niya saka sa lola namin. Sumbong ko siya hahahaha parehas kasi yung mama niya and lola ko. Matabil ang dila
Ay basta ako keber lang. Palagi pa naman ako naka poker face at wapakels. dahil naka earphones kapag nag wowork. Hahaha bala sila mamatay sa inggit mga ampapanget naman hahaha
Tapos ito pa!! Aminado naman ako na hindi pa ako ganon kagaling at may mas magaling sa akin mag design
Keber lang ako dito pero gusto ko lang i-share hahaha
Last week, hirap na hirap ako gumawa ng certificate dahil basta ang hirap ganoin. Tas pinasa ko sa boss ko yung gawa ko ganyan. Tas sabi niya “wala xang contrast?” Shuta. Hindi ko gets kung anong contrast ang sinasabi niya. Kung gradient ba or lalagyan ng accent color pa ganorn. Tas sabi niya pagawa ko daw sa isang empleyado (na mas magaling sakin) for option ganyan. Tapos nung sinend ko na yung gawa ng empleyado na yon sa boss namin mas pinili niya yung gawa non kesa sakin TO THINK NA HALOS SAME LANG NG HITSURA HA. ito nang malaman niyo.
Gawa ko yung una.
Tumblr media Tumblr media
0 notes
jscabasbas16 · 5 years ago
Photo
Tumblr media
#wapakels (at Lukay Antipolo City) https://www.instagram.com/p/CAHda_rHUcs7Ni0oQBWf3IfHkTXGc2L9FqfjUI0/?igshid=1426cenwbgy3k
1 note · View note