#triptoquiapo
Explore tagged Tumblr posts
Text
Trip to Quiapo
Its been a while since i bought this book for a writing class in college but never opened it. Started to read it again and of course, Ricky Lee has inspired me again to go back to my writing roots.
His analogy to the three writing concepts is still noteworthy, let me share it to you...
"May tatlong manunulat, lahat gustong pumunta sa Quiapo.
Ang unang manunulat, pag-aaralan niya ang daang ginamit ng mga naunang manunulat, at ito ang susundin niya. Makakarating siya sa Quiapo.
Pero ang ikalawang manunulat, may pagkakalog yata, umikot muna sa mga ilog at bundok at gubat, umiwas sa kombensyonal na daan, nakipagtsismisan pa sa kalye. Pinagtawanan natin siya dahil madalas natatawa tayo sa mga nalilihis, tama man sila o hindi.
Hanggang sa makarating siya sa Quiapo.
Mas mahusay siyang manunulat kaysa sa una dahil nakadiskubre siya ng bagong daan papuntang Quiapo. Hindi magtagal marami pang susunod sa kanya. Papatag ang landas na ginawa niya at magiging kasimbilis na rin ng unang daan.
Pero ang ikatlong manunulat, hindi rin siya sumunod sa rules. Aba, hindi lang kalog, baliw pa yata! Umikot-ikot din siya sa mga ilog at bundok at palengke at simbahan. Nagka-wala-wala pa! Muntik pang maholdap!
Pinagtawanan din natin siya. Diniscourage. Hanggang sa makarating siya sa isang lugar. Hindi ito ang Quiapo kanina. Pero mapapaniwala niya tayo na ito ay Quiapo rin.
Siya ang pinakamahusay sa tatlong manunulat. Dahil may magic sa ginawa niya. Dahil ang mundo ng literatura, sining, at pelikula, pati na ang buhay natin, ay nagiging napakayaman at makahulugan dahil marami ang Quiapo. "
#rickylee#triptoquiapo#filipino#philippines#manila#tondo#literature#sulat#film#wrting#scriptwriting#ph#mnl#pinoy#pilipinas#filipina#pinay#pinayblogger#feelings
2 notes
·
View notes
Photo
file under comfort viewing. 🧡 file under #iwantTFC recs. 🤗 'the act of writing is more important than the script.' #Repost @vaughnic • • • • • • Maraming daan papuntang Quiapo. Alin ang pipiliin mo? #TripToQuiapo, an iWantTFC Original Docu Series based on Ricky Lee's Scriptwriting Manual, featuring Enchong Dee as Hulyong Manunulat and directed by Treb Monteras II. Streaming starts tomorrow, October 21! Available for Standard and Premium subscribers. https://www.instagram.com/p/CGowEJ0Dtc8/?igshid=j3w9dxtkbe7g
0 notes
Text
Wanna change my url....but bright.... </3
#hey#also the way the urls i wanna change into r just: triptoquiapo / munitheband which are so. pinoy#me rn w those urls PINOYPRIDE🇵🇭#OH i also have pelikulangromantiko saved pala... but uts too long wah
1 note
·
View note
Text
@triptoquiapo
_min1205
4K notes
·
View notes
Photo
Definitely one of the reason why i’ve convinced myself to write once again is this book by Sir Ricky Lee --
During college, I only read his works and hear his name during class discussions - i’ve always adored how it feels like he’s definitely born to be a writer. Sakanya ko nakita na may mga tao talagang pinanganak para magbahagi ng mga kwento nila.
But after reading this book that he published last December 2020 - I realized that Ricky Lee is Ricky Lee because he fought his way up. And I will never be the writer I dream to be kung palagi ko lang iisipin at wala naman akong ginagawa.
One of the most important thing na lagi kong naalala that sir Ricky says during his workshops (also mentioned in the book) - Write everyday even if it sucks.
So that’s what I am doing, writing just another piece of trash. ;)
0 notes
Text
Drowning
"H'wag ka umiwas sa emosyon. H'wag ka tumalikod sa dilim. Piliin ang malunod." - Ricky Lee, Trip to Quiapo I have been schooled since childhood in the art of stoicity. Emotions are untidy and unwelcome concepts that should be locked in neat packagings. For the most part, until now, I have believed that. There have been moments that I have wavered and felt strong and encompassing emotions but I have always battled to keep it in check. For the most part I have succeeded. But now after encountering a line in a book I feel highly curious and a bit disturbed. Is there something with drowning? Will it push/give me the spark that I have been searching for? I'll give it a try. I will feel everything fully and I will immersed myself in my emotions whether positive or negative. This will be my experiment.
0 notes
Text
omg triptoquiapo > okkots > xholic... nyahshahs... really wanted an xxxholic url but i guess god hates me or whatever.. i like this one thiugh :3
#hey#its me sistinas.. although i dont teally talk much here so whateer#i love xxxholic so much.. sniffles
2 notes
·
View notes
Photo
Buhay manunulat. 📝✒✏📃 #TripToQuiapo #RickyLee
0 notes
Text
Si Sefa at Walang Katapusang Pag-asa
1920’s Sa panahong kasalukuyan, sa saliw ng musika ay masayang nagsisipag awitan ang ilan sa mga kabataan ng San Martin habang ang ilan ay sa kanila ay nagsasayaw ng pandanggo. Gabi, malamig ang hangin, tanging ang maririnig ay ang ingay ng mga kabataang nagtipon-tipon habang may apoy sa gitna ng kanilang kinatatayuan. Isang regular na panahon. Kalimitan sa mga kababaihan ng mga panahong iyon ay hindi pinapayagang lumabas ng kanilang mga magulang. Tanging sa bahay lamang sila maliban lamang kung pista ng kanilang patron. Dahil nga sa pista ng patron na si San Martin, lahat ng kabataan, mapababae man ay inaasahang dumalo sa pista na ito. Dito nagkakilala sina Dolfo, dalawampung taong gulang, at si Sefa, labing syam na taong gulang. Noong una’y hindi nila pansin ang isa’t isa. Hanggang sa nagkaroon ng katuwaan ang mga kabataan. Pagsayawin ang isang lalaking maituturo ng isang babaeng naikot habang nakapikit. Si Sefa ang napili ng mga kababaihan upang umikot. Dahan dahan, habang maraming nagpapalakpakan ang mga kababaihan ng sabay sabay, habang nagsisigawan ang mga kalalakihan ng malalakas, natapos s’yang umikot at si Dolfo ang naituro nito. Doon umusbong ang kanilang pagtitinginan. Si Dolfo ay mahilig tumugtog ng gitara. Lagi n’yang iginagawa ng mga awit si Sefa. Minsan ang titulo pa nga ng mga ito ay mismong pangalan ni Sefa. Bawat araw ay may iba’t ibang kantang nabubuo si Dolfo para lang ipahayag n’ya ang kanyang nararamdaman para kay Sefa. Bilang isang dalagang mababaw ang kaligayahan ay tuwang tuwa na ito rito. Bawat araw ay masaya para sa isang dalagang tulad n’ya. Lahat ng ginagawa nila ni Dolfo ay sinusulat n’ya sa kanyang kulay puting talaarawan. Para bang ang dalawa ay talagang magsasama na sa habang buhay. Bawat araw, sa ilalim ng punong kahoy sa bukid ng pamilya ni Sefa, ay doon sila nagpapalipas ng araw. Masayang-masayang pinamamasdan ang langit, ang paglipad ng mga ibon sa himpapawid, ang pag ugoy ng mga damo na sumasabay sa awitin ng hangin. Lahat ay may hangganan. Hindi alam ni Dolfo na s’ya ay nakatakda ng ikasal kay Susana, ang anak ng kaibigan ngkanyang ina. Na kahit minsan, kahit lagi pa itong nasa kanilang tahanan, ay hindi n’ya nagustuhan. Hindi n’ya ito ipinaalam kay Sefa. Naglaho na lang s’yang bigla at hindi na nagpakita pang muli kay Sefa. Lumipas ang panahon at naghihintay pa rin s’ya. Nakatulalang nakatitig sa labas ng bintana, lingon dito, lingon doon. Tinititigan ang mga puno. Ang mga kalabaw na hila- hila ng mga magsasaka. Tinatanong pa rin sa sarili kung dadating pa ba si Dolfo. Namasyal si Sefa sa bukid. Tirik na tirik ang araw. Masayang-masaya ang mga tutubing nakikipaglaro sa mga matatayog na damo. Nasipol ang hangin. Kabaligtaran ng kanyang nararamdaman. Dito ay nakita nya ang sirang gitarang palutang-lutang sa ilog, may mga lumot na ito. Niluma na ng panahon. Ito ang gitara ni Dolfo. Lalo s’yang nalungkot dahil naisip n’yang baka tuluyan na nga s’yang kinalimutan ni Dolfo kasabay ng paglimot nito sa gitarang naging parte ng kanilang pagmamahalan bilang magkasintahan. Isinulat n’ya muli sa kanyang talaarawan ang huling bagay na nag paalala sa kanya kay Dolfo. Sa sobrang sakit na naramdaman n’ya ay tinusok n’ya ng panulat ang kanyang sarili. Doon sa pahina kung saan n’ya sinulat ang pakabigo ay doon din pumatak ang dugo sa kanyang dati’y puting talaarawan. 2012 Si Sefa, maputi na ang mga buhok, kulubot na ang mga balat, yukot na ang likuran. Umaasa pa ding babalik si Dolfo. Hirap na makalimot. Nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang mga taong nagdaraan. Ang dating mga puno ay napalitan na nga mga bahay, matataas na building. Ang mga kalabaw ay napalitan na ng mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok. Tanging ang pagatatanong sa sarili kung babalik pa ba si Dolfo ang hindi nagbago. Lahat ay binago na ng panahon. Umuulan. May bagyo ata. Masayang masaya si Sefa. Habang nakatingin sa salamin ay naisip n’yang isa s’yang bagyong punong puno ng hinanakit. Ang pinagkaiba nga lang ay ang ulan, kahit anu mang oras n’ya gusting bumuhos ay magagawa nya, s’ya? Hindi. Sasamahan ko ang ulan. Dadamayan ko s’ya. Dadamayan n’ya ko sabi n’ya sa sarili. Doon, ay nag tatawa s’ya habang umiiyak. Tatawa, iiyak. Tatawa ng malakas, iiyak ng mas malakas. Natapos ang bagyo, natapos ang kanyang buhay. Hanggang sa huling hininga, si Sefa ay nanatiling, umaasa.
1 note
·
View note
Text
triptoquiapo > okkots
waaH.. wanted okkotsu url or maybe a yuta one but i pressed save too quickyl.... maybe who knows I’ll stay with this one.. it looks kinda cute..
2 notes
·
View notes