Tumgik
#sining lakbay
delfindakila · 5 months
Text
Tumblr media
ERWIN MALLARI Lakbay-tanaw, pangulay na tinutubigan, 2024 #artPH
5 notes · View notes
qrstuvvvvv · 7 months
Text
SINING NG ILOCOS
Sa pagbigay ng pagkakataon na muling makumpleto ang pamilya ko, hindi namin ito sinayang at nagplanong maglakbay. Noong February 2024, napagdesisyunan ng aking pamilya na libutin at pasyalan ang lugar ng Ilocos, bago muling umalis ng bansa ang aking tatay. 
Tumblr media
Alas-otso ng umaga nang magsimula kami patungo sa una naming pupuntahan, ang Vigan City. Ang binalak ng aking pamilya na puntahan sa Vigan City ay ang kilalang Calle Crisologo, kung saan ipinagmamalaki nito ang mga siglong lumang bahay na bato, magagandang tungsten lamp, at ang paggamit nito sa mga karwahe o kalesa na hinihila ng kabayo bilang transportasyon.
Tumblr media
Mga alas-dos ng hapon kami nakarating sa Vigan City at nagcheck-in muna kami sa isang Airbnb na Happy Grey Hotel upang makapagpahinga nang saglit. Paglipas ng ilang oras na pahinga, nag-ayos na muli kami para sana pumunta sa Baluarte Resort and Mini Zoo, ngunit sarado na ito nung kami ay makarating. Kaya naman, dumiretso na kami sa Calle Crisologo nang mga alas-singko ng hapon. Pag-apak ko pa lamang ay manghang-mangha ako sa ganda ng mga bahay doon. Naglakad-lakad kami at ninais naming sumakay sa kalesa. Sumakay kami ng aking mga kapatid at ang isa kong pinsan sa karwahe o kalesa. Sa halagang dalawang daan ay inikot na kami sa mga lugar sa Calle Crisologo at makikita talagang makaluma ang mga bahay doon, ganoon din ang mga kainan, banko, at bilihan ng medisina. Pagkatapos kaming ilibot ay bumili kaming ang dirty ice cream na kilala rin doon. Nagikot-ikot muli kami para makabili ng mga pasalubong at mga souvenirs. Binilhan ko ang mga kaibigan ko ng mga pasalubong ko sa kanila. Ilang oras din kaming naglilibot sa Calle Crisologo at naisipan na naming umalis. Ang kasunod na pinuntahan namin ay ang Musical Dancing Fountain sa kanilang plaza. Bilib na bilib akong panuorin ang paggalaw ng tubig at ang mga ilaw. Pagkatapos ng show ay nag-hapunan kami sa isang sea food restaurant. Umuwi na kami at napagpasyahang magpahinga para sa muling paglakbay kinabukasan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Alas-sais ng umaga, naglakbay kami papunta naman sa Bangui kung saan nandoon ang sikat na mga windmill. Apat na oras ang byahe papunta doon ngunit hindi ko ito naramdaman dahil sa ganda ng mga dagat at tanawin na nadadaanan namin. Pagkarating naming doon, kumuha lamang kami ng litrato at nilusong ko ang aking mga paa sa dagat. Ang panandaliang oras na iyon ay nakakawala ng pagod at problema, kasama ko lamang ang hangin, dagat, at ang aking pamilya. Napagdesisyunan naming umalis na dahil din mainit. Sinagad na namin at tumungo pa sa Pagudpud sa Patapat Viaduct. Sumaglit lamang kami doon para lamang pagmasdan ang tanawin at kumuha muli ng litrato. Naglakbay na kami pabalik para kumain dahil nakakaramdam na kami ng gutom. Kasunod ng pagkain namin, ay nilakbay namin pabalik ang Rock Formation, isang tourist attraction sa Ilocos. Mga alas-dos ng tanghali kami nakarating doon kaya init na init kami pero hindi naming sinayang ang bawat oras kaya itinuloy namin ito. Lumakad kami ng konti para makalapit sa Rock Formation at kumuha ulit ng mga litrato. Ayan ang huli naming pinuntahan bago kami umuwi. Sa lakbay namin pauwi ay kumain kami sa Jollibee sa may La Union. Tuloy-tuloy na ang byahe naming pauwi at umabot kami ng alas-dose ng madaling araw para makarating sa aming tahanan. 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang kamakailan na paglalakbay na ito ay naging isang magandang ala-ala na madadala ko habang buhay. Lahat kami ay umuwing may bitbit na memoryang hindi malilimutan. Ang paglalakbay na ito ay nagsilbi na oras namin para sa isa’t-isa. Ang tanging hiling ko na lamang ay maulit muli ang ganitong uri ng paglalakbay sa panahon na kami ay makumpleto muli.
Tumblr media
2 notes · View notes
binisaya · 1 month
Text
“Ano nga ba talaga ang ‘Film Festival’?” (Pinoy Indies as Community Spaces) with Ed Cabagnot 
Importance of films and film festivals in bridging the gap between metropolitan advancements and cultural preservation
Tumblr media
Edward Delos Santos Cabagnot's career in Philippine cinema spans over three decades beginning as Film Programmer at the Experimental Cinema of the Philippines in 1982. In 1987, it continued at the Cultural Center of the Philippines (CCP) where he served as Director of the CCP Media Arts (Film & Broadcast) Division until his retirement in 2013. His work includes the establishment of alternative cinema networks nationwide (the CCP/NCCA Lakbay Sine and the CCP SineKlab), managing the Gawad CCP Para Sa Alternatibong Pelikula at Video (the longest-running independent film festival in Southeast Asia_, and co-founding the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Since 2008, he has served as a jury member for numerous international film festivals including the Berlinale, the Busan International Film Festival, and the International Documentary Festival Amsterdam, to name just a few.
In 2007, he was awarded an API (Asian Public Intellectuals) Fellowship Grant by the Nippon Foundation which focussed on the topic "Changing Landscapes, Changing Lives: the Changing Cinemas of Southeast Asia". In 2010, he also completed a five-week scholarship training on Film Festival Management for the Deutsche Welle in Berlin, Germany.
Cabagnot is a two-time Palanca awardee for playwriting and a prolific writer for Philippine and international publications. His latest work "Martin Heidegger's Being & Time and Manuel Silos' Biyaya Ng Lupa" on Philosophy and Pinoy Cinema was recently published by the University of the Philippines Press.
Currently, he is a member of the faculty at the University of the Philippines, De La Salle University, and De La Salle – College of Saint Benilde -specializing in Contemporary Southeast Asian Cinema, Film Festival Management, and, of late, AI Technology in Media and the Creative/Culture Industries.
In June 2024, he was awarded the Keys to the City of Manila by its mayor and vice-mayor for his role as Key Advisor to and Festival Director of recently-held The Manila Film Festival.
0 notes
kysteir · 7 months
Text
Baguio City: Liwanag ng Lakbay
Maraming mga tao ang gustong maglakbay sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Noong ako'y bata pa, mahilig kaming maglibot ng aking pamilya, at ang lugar na aming laging binabalik-balikan ay Baguio. Sa bawat pagdalaw namin sa Baguio, hindi kami magsasawa sa kanyang kagandahan at kakaibang klima. Nakakatuwang balik-balikan ang mga alaala ng pag-akyat sa Mines View Park, pagkain ng strawberry sa Strawberry Farm, at pagbisita sa malamig na Burnham Park.
Ang Baguio ay hindi lamang puno ng mga tanawin at pasyalan kundi pati na rin ng mga masasayang karanasan. Ang presko at malamig na simoy ng hangin sa Baguio ay tila nagsisilbing lunas sa init ng araw sa siyudad. Bukod sa kalikasan, marami ring makikitang iba't ibang kultura at sining sa mga tindahan at palengke sa lungsod. Talaga nga namang isa itong paraiso ng hilig ng mga naglalakbay na nagnanais makaranas ng bagong pananaw at karanasan.
Saan kilala ang Baguio City?
Ang Baguio City ay kilala sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa bilang "Summer Capital of the Philippines" dahil sa malamig na klima nito. Ito ay isang tanyag na destinasyon sa gitnang bahagi ng Cordillera Mountains sa Luzon, na piniling daungan ng mga lokal at dayuhan tuwing tag-init.
Tumblr media
Credit to Tripadvisor
Ilan sa mga tourist spot sa Baguio?
Bukod sa kanyang kakaibang klima, ang Baguio ay kilala rin sa kanyang natatanging kultura, malawak na tanawin, at mga atraksyon tulad ng:
1. Mines View Park
Tumblr media
Credits to Daniel's Eco-Travels
Kilala para sa kanyang tanawin ng minahan at ng Cordillera Mountains.
2. Burnharm Park
Tumblr media
Credits to Philippine Primer
Isang pamosong parke na mayroong malaking lagoon, puno ng mga bulaklak, at mga aktibidad tulad ng biking at boating.
3. Session Road
Tumblr media Tumblr media
Pangunahing kalsada ng Baguio kung saan makikita ang iba't ibang tindahan, restawran, at kultura.
4. Strawberry Farm
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Strawberry Farm sa Baguio ay isang lugar kung saan maaari kang mamitas ng mga sariwang strawberries sa mismong taniman. Ito ay isang popoular na destinasyon para sa mga turista na nagnanais makaranas ng agrikultural na karanasan at masiyahang pag-ani. Sa Strawberry Farm, maaari kang mag-enjoy ng pagpitas ng mga matamis na strawberries at makiisa sa karanasan ng pagsasaka.
Pagtatapos ng Isang Makabuluhang Paglalakbay
Sa pagtatapos ng aming paglalakbay sa Baguio, hindi lamang kami nag-uwi ng mga alaala at litrato, kundi pati na rin ang masaganang karanasan at inspirasyon mula sa lungsod sa kabundukan. Ang bawat tanawin, bawat pook, at bawat karanasan sa Baguio ay nagbigay sa amin ng bagong pananaw at pag-asa. Sa paglalakbay na ito, natutunan naming pahalagahan ang kagandahan ng kalikasan, ang halaga ng kultura at kasaysayan, at ang kakayahan ng paglalakbay na magdulot ng bagong pag-unawa at kasiyahan sa buhay. Ang Baguio ay hindi lamang isang destinasyon, ito ay isang paglalakbay ng pagpapahalaga at pagbibigay-kahulugan sa buhay.
Sanggunian:
Baguio Photo: Baguio, Philippines Cordillera Mountains- seen from Halsema Highway (2010) https://www.tripadvisor.com.au/LocationPhotoDirectLink-g298445-i24170397-Baguio_Benguet_Province_Cordillera_Region_Luzon.html
Maches, D. (2020, April 23) Daniel's Eco-Travel https://danielsecotravels.com/mines-view-park-baguio-city/
Burnham Park in Baguio City: Most Welcoming Place in the City (2018, July 25) https://primer.com.ph/travel/2016/01/03/burnham-park/
0 notes
clarisaysblog · 7 months
Text
CCP Lakbay Cine Brings Free Back-to-Back Film Screenings Through Cine Icons and Cinema Under the Stars
Championing the best of filmmaking, the Cultural Center of the Philippines (CCP), through the Lakbay Sine program under its Film, Broadcast and New Media Division (CCP FBNMD), will screen an exciting, back-to-back lineup of award-winning local films for free this coming February 22, 23, and 24, in various venues in Metro Manila. CCP’s Lakbay Sine is an outreach program that brings different film…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
fie-ng · 11 months
Text
Lakbay Sanaysay
PUERTO PRINCESA
PALAWAN
Tumblr media
Ito Yung Lugar na gusto kong puntahan balang araw, Ang Lugar Ng Puerto princesa sa palawan. Kilala ito bilang "GREEN CITY IN THE PHILIPPINES" na makikita sa Isla ng PALAWAN. Ito ay natagpuan noon 1872 at nai-deklarang lungsod noong Hunyo 21 1961. Mayroon itong populasyon na 22,673 ka tao kaya ang lungsod na ito ang idineklara na may pinaka onting populasyon sa buong pilipinas. Kahit kaunti lang ang tao dito, ito parin ang pangalawa sa pinaka malaking lungsod na kasunod sa Davao. Mayroon itong laking 2381.02 square kilometers.
Tumblr media Tumblr media
Yan naman Si Lucilo R. Bayron isang mayor ng Puerto princesa at Maria Nancy A. Socrates bilang isang vice Mayor. Sa Puerto Princesa ang kanilang kultura ay malalim at mayaman. Ito ay nagtataglay ng mga elemento mula sa mga katutubong tribu na naninirahan sa lalawigan tulad ng mga Batak, Tagbanua, at Palaw'an. Ang mga ito ay ng kanilang mga tradisyon, wika, sining, musika, sayaw, at paniniwala. Bukod sa mga katutubong tribu, ang Puerto Princesa ay may iba't ibang impluwensiya mula sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at pati na Ito ay naging tahanan para sa mga migrante mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, na nagdala ng kanilang sariling kultura at tradisyon.
Tumblr media
Ilan sa mga tradisyon ng Puerto Princesa ay ang Kagueban (Feast of the Forest).Tuwing buwan ng Hunyo, ito ay isang pagdiriwang na naglalayong ipakita ang kahalagahan ng pagsugpo sa illegal logging at pangangalaga sa kalikasan. Mayroon din silang tradisyunal na sayaw tulad ng Kuratsa, Subli, at Kudang. Isang sikat na tradisyon din ang Palawan's Kasadyaan Festival, kung saan ipinapakita ang kagandahan at yaman ng kultura ng Puerto Princesa.
Tumblr media
Isa din sa pagdidiriwang sa Puerto princesa ang "Kaamulan Festival". Ito ang pinakamalaking pagdiriwang sa Puerto Princesa, na ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Pebrero. Ito ay isang buong lungsod na nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon. Sa Puerto princesa hindi rin maiiwasan nito ang tropical na klima. Ito ay maalinsangan at mainit sa panahon ng tag-araw, at may mga pag-ulan at mga bagyo sa mga buwan ng tag-ulan. Ang mga gastusin naman sa Puerto Princesa ay maaaring magkakaiba depende sa plano ng bawat Isa katulad ng:
Accommodation
ang mga presyo ng mga hotel o mga accommodation sa Puerto Princesa ay maaaring magkakaiba depende sa uri ng accomodation na gusto ninyo.
Pagkain
Ang mga restawran sa Puerto Princesa ay nag-aalok ng iba't ibang uri ng pagkain mula sa lokal hanggang sa internasyonal. Ang gastusin sa pagkain ay maaaring magkakaiba depende sa inyong gusto at budget.
Transportasyon: Ang Puerto Princesa ay mayroong mga tricycle at jeepney bilang pangunahing paraan ng transportasyon sa loob ng syudad. Ang gastusin sa transportasyon ay maaaring magkakaiba depende sa mga lugar na pupuntahan ninyo at sain ninyo.
Tours at Activities
Ang mga tour packages at activities sa Puerto Princesa ay nag-aalok ng mga aktibidad tulad ng city tour, underground river tour, island hopping, at mga adventure activities. Meron ding lokal na crafts, keychains, t-shirts, at iba pa. Ang gastusin sa mga souvenir at pasalubong ay maaaring magkakaiba depende sa mga bibilhin ninyo at sa inyong budget. Kaya gusto Kong pumunta sa Puerto princesa para maranasan ko Rin Ang buhay nila Doon at mga tanawin na magaganda.
.
.
0 notes
gwenhoyohoy · 11 months
Text
LAKBAY SANAYSAY
Dream Destination: South Korea
Tumblr media
Isang araw ako'y naglakbay patungo sa bansang puno ng kasaysayan, sining, at kagandahan. Ang aking layunin ay maranasan ang kasaysayan at kultura ng isa sa mga pinakapinagkakaguluhan at pinararangalan ngayon, ang bansang South Korea. Sa paglalakbay na ito, ako'y nagtungo sa mga kilalang lugar at nakatagpo ng mga taong nagbigay buhay sa bawat sulok ng bansang ito.
Ang aking unang pagdaong ay sa Seoul, ang makulay na kapital ng South Korea. Sa gitna ng modernong arkitektura, natagpuan ko ang mga labi ng kasaysayan. Sa Gyeongbokgung Palace, nadama ko ang kahalagahan ng kanilang kultura at ang taglay nitong yaman na hindi kayang burahin ng panahon. Sa bawat hakbang, ako'y nadala sa panahon ng mga Haring Joseon, na kung saan ang kanilang mga palasyo ay saksi sa kasaysayan ng kanilang lahi.
Sa aking paglalakbay, hindi ko rin pinalagpas ang pagkakataon na masubukan ang kanilang klasikong pagkain. Ang bulgogi, bibimbap, at kimchi ay ilan lamang sa mga hinanda ng mga lokal na kusinero na nagdulot sa akin ng kakaibang lasa at kasiyahan. Sa bawat kagat, naramdaman ko ang pagmamahal ng mga Koreans sa kanilang tradisyonal na lutuin, na puno ng lasa at damdamin.
Pagkatapos ng makulay na karanasan sa Seoul, nagdesisyon akong maglakbay patungo sa probinsya ng Jeonju, na kilala bilang Food Capital of South Korea. Naroon, ako'y inanyayahan ng isang lokal na pamilya na matutunan ang sikreto ng kanilang pamosong bibimbap. Kasama sila, natutunan ko ang tamang paraan ng paghahanda ng bibimbap, mula sa paggawa ng sahog hanggang sa pagkakaluto ng kanilang espesyal na sangkap. Sa bawat galak ng pamilyang iyon habang nagluluto, nadama ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malasakit at pagmamahalan sa loob ng isang tahanan.
Isa sa mga hindi malilimutang karanasan sa aking paglalakbay ay ang pagbisita sa mga kilalang K-drama filming locations. Sa Nami Island, nadama ko ang kilig at saya na dala ng mga eksena sa mga paboritong K-drama. Ang lugar ay puno ng mga puno ng kahoy na nagbibigay ng romantikong atmospera, tila ba ako'y isa sa mga karakter sa isang K-drama na nagmamahalan sa gitna ng kagubatan. Sa Petite France, isang temang Pranses na pook na kilala sa mga K-drama tulad ng "My Love from the Star," natutunan ko ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kultura ng iba't ibang bansa.
Sa pagtatapos ng aking paglalakbay sa South Korea, ako'y umalis ng may pusong puno ng pasasalamat at kasiyahan. Ang bansang ito ay hindi lamang puno ng makasaysayang mga lugar at delectable na kainan, kundi higit sa lahat, ito'y tahanan ng mga taong puno ng pagmamahal sa kanilang kultura at kasaysayan. Ang aking paglalakbay sa South Korea ay hindi lamang nagbigay sa akin ng magandang karanasan, kundi nagbukas din sa akin ng mga pinto patungo sa kultura ng ibang bansa. Sa bawat karanasang ito, ako'y nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng pagtangkilik at pagpapahalaga sa iba't ibang kultura, marami rin akong nakilalang tao at nagkaroon ng kakaibang pagmamahal sa bansang South Korea na hindi kayang burahin ng panahon. Hanggang dito nalang ang aking paglalakbay
1 note · View note
juanmauromarasigan · 11 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Dream Destination: Brazil
Sa napakaraming kagandahan at kultura, walang dudang maaaring magtakwil sa paglalakbay sa Brazil. Ito ang bansang kilala sa kanyang makulay na kasaysayan, masasayang selebrasyon, at mga tao na puno ng buhay. Mula sa mga tropikal na kagubatan ng Amazon, mga kilalang bundok, mga magagandang baybayin, at ang kakaibang kultura ng mga Brazilian, narito ang isang pangarap na lakbayin.
Ang kasaysayan ng Brazil ay puno ng mga kaganapan mula sa kanilang pagsilang noong 1500, nang sakupin ito ng mga Portuguese. Sa kanilang pamamahala, naging sentro ng kalakalan ng African slaves at mga natural na yaman ng bansa. Nakamtan nila ang kanilang kalayaan mula sa Portugal noong 1822 at naging isang republika noong 1889. Ang kultura ng Brazil ay nabuo mula sa makulay na halong mga lahi, na kinabibilangan ng mga Portuguese, African, Indigenous, at iba pa.
Ang gastos sa paglalakbay sa Brazil ay maaaring mag-iba depende sa iyong lugar ng paglalakbay, oras, at mga aktibidad na nais mong subukan. Ngunit ito ay isa sa mga bansang maaaring maging mahal, lalo na kung ikaw ay maglalakbay mula sa malayo. Ang pamasahe papuntang Brazil, tulad ng Brazilia, ay aabot ng mga 1 to 5 thousand dollars $$$ depende sa iyong lokasyon.
Mayroong iba't-ibang uri ng akomodasyon sa Brazil, mula sa mamahaling hotel sa mga guesthouses at hostels. Ang mga sikat na destinasyon tulad ng Rio de Janeiro at Sao Paulo ay may mga maraming pagpipilian. Huwag kalimutang mag-book ng maaga, lalo na kung ikaw ay pupunta sa mga pista o selebrasyon.
Ang Brazil ay kilala sa kanilang masasarap na lutong karne, tulad ng picanha (beef sirloin) at feijoada (black bean stew). Mayroon ding mga street food at carinderia kung saan maaari kang mag-enjoy ng masarap na pagkain nang hindi nauubos ang iyong badyet.
Ang kultura ng Brazil ay makulay at buhay. Mahalaga sa kanila ang musika, sayaw, at sining. Hindi mo maitatangi ang kanilang samba, bossa nova, at capoeira. Ang kanilang selebrasyon ng Carnaval ay isa sa mga pinakamalalaking selebrasyon sa mundo, kung saan ang mga tao ay sumasayaw at kumakanta sa kalsada.
Ang Brazil ay mayroong maraming tradisyon at pista. Isa sa mga kilalang selebrasyon ay ang Festa Junina, isang pagdiriwang ng buwan ng Hunyo na may sayaw, musika, at masasarap na pagkain. Mayroon din silang traditional Christmas dinner na tinatawag na "Ceia de Natal.
Ang klima sa Brazil ay umaasa sa rehiyon, ngunit sa pangkalahatan, ito ay may dalawang panahon: tag-init at tag-ulan. Maganda ang panahon sa mga buwan ng Mayo hanggang Oktubre, kung saan maaari mong tamasahin ang mga pampasaherong lugar. Gayunpaman, ang tag-ulan ay nagdadala ng malalakas na pag-ulan, kaya't huwag kalimutang magdala ng payong.
Para sa mga budget meals, maaari kang maghanap ng mga local na kainan o kumain sa mga street food stalls. Hindi rin mahirap hanapin ang mga souvenir shops na nag-aalok ng mga tradisyonal na produkto tulad ng Havaianas flip-flops, Brazilian coffee, at mga sining na gawa sa kahoy at tela.
Sa lahat ng ito, ang Brazil ay isang lugar na puno ng buhay, kultura, at kasaysayan. Hindi mo ito nais marahil kalimutan at mahihigitan ang iyong mga inaasahan. So planuhin ang iyong lakbay at magsimula sa iyong paglalakbay sa bansang ito ng makulay na mga karanasan. Magkita-kita tayo sa Brazil!
1 note · View note
jillianwarts · 1 year
Note
ayala museum or the yuchengco museum? or both? hahaha
both tho i have visited them with friends na hahaha. may nakita kasi ako sa tiktok, nasa chino roces karamihan. https://vt.tiktok.com/ZS8thay7X/ 😝
#ta
1 note · View note
Text
Tumblr media
Pantasyang Minimithi
Noong ika-20 ng Disyembre 2022 kami ay pumunta sa Dapitan City upang mapuntahan ang iba’t ibang tourist spot. Nang kami ay dumating at nakahanap na ng matutulugan, pinuntahan naming ang Gloria’s Fantasyland.  Ang Gloria’s Fantasyland ay isa sa mga pangunahing atraksyon sa Dapitan City, Zamboanga del Norte. Ito ay isang sentrong pangkalakalang komersyo na maihahambing sa panlibangang parke ng Disneyland. Ito ay isa sa pinakamalaking panlibangang parke sa Pilipinas at ipinagmamalaki ng Mindanao na binubuo ng tatlumpu’t limang rides, lakbay pinas, horror house at ng snow world. Hindi lang ito ang dapat abangan dito, may mga pagtatanghal rin sa entablado tulad ng sayaw, banda, drama, at ang parada. Isa sa hindi ko malilimutang lugar na aking napuntahan ay ang Gloria’s Fantasyland. Sa aming paglalakbay, puno ito ng labis na kasiyahan sa damdamin. Ang Gloria’s Fantasyland ang una naming pinuntahan sa Dapitan City. Mahabang paglalakbay ang aming naranasan na nagdulot ng pagod sa aking katawan ngunit napawi ito dahil sa kagandahan at saya na aming naranasan. Pagpasok mo sa loob ay makikita mo ang fountain at malawak na espasyo na may mga istatwa para sa mga bata at doon kami ay kumuha ng maraming litrato, pagkatapos ay nagbayad na kami upang makapasok sa loob na may iba’t ibang rides. Nakakatuwang pagmasdan ang nakakasilaw na mga ilaw at palamuti na nakakakuha ng atensyon ng tao.
Pagpasok ko pa lang sa pintuan ay nagandahan na ako sa lugar, sinalubong kami ng mga taong may magarbong kasuotan kagaya ng mga karakter na nasa kartoon na palabas. Hindi ko mapigilang mamangha sa laki at ganda ng parke na ito. Nilibot ko ang mga mata ko sa magandang parke na may maraming palamuti,at iba’t ibang nakakasilaw na mga kulay ng ilaw. Hindi lang iyan ang nakakuha ng aking atensyon, pati na rin ang naglalakihang rides na nakaka-excite sakyan. Mayroon itong mga nakagaganyak na rides na hindi lamang para sa mga bata kung hindi para rin sa mga matatanda. Nakapagpapasiglang 3D, 5D at mapaghamong mga pagsakay tulad ng:  Apollo, Swinger, Bumb car, Carousel, Tele Combat, Wonder flight, Jumping bed, Midi flume, Flying ball, World of war, Air gun shooting, Bull ride, Galleon Ship, Roller coaster, Zimmerman at marami pang iba.
Sumakay kami sa iba’t ibang rides. Pumasok rin kami sa tampok nilang Horror House kung saan kami naglakbay sa madilim at makitid na daanan, sobrang takot at panginginig ang aking naranasan dito. Sa unang pagpasok ko pa lang ay hindi ko inakala na may makakasama kaming tour guide, nabibilang lamang ang pwedeng pumasok sa bahay na ito upang mas madama ng tao ang kanilang sari-saring pakiramdam.
Ang Festival of Colors ay isang magarbong parada sa gabi na nagtatampok ng pinaka-makukulay na mga costume sa buong mundo. Nakakahumaling at nakakaakit sa mga turista na nagpapakita ng masisilaw at magagandang tela, kagiliw-giliw na mga piraso ng sining at kasuotan na isinusuot ng mga tagapalabas at binibida sa labingdalawang higanteng float na kumakatawan sa mayamang kultura ng mga bansa tulad ng Brazil, Thailand, China, South Africa, Pilipinas at iba pa. Ang paradang ito ay ginagamitan rin ng mga ilaw upang mas mapahusay tingnan ang mga naglalakihang floats. Bawat isang float ay may paandar upang maaliw ang mga tao. Pagkatapos ng parada ay mayroong fireworks display at pwede na ang mga nanunuod na magpakuha ng litrato sa mga magaganda at pogi na modelo at performer.
Matapos naming masilayan at kumuha ng litrato ay agad kaming naglibot ulit upang sumakay ng iba’t ibang rides. Pagkatapos namin maubos sakyan ang mga rides ay agad kami pumunta sa snow world, kung saan ay napakalamig, para kang nasa ibang bansa na may snow. Ang snow world ay isa sa panibagong nilang atraksiyon sa lugar kung saan mararanasan ng mga tao kung ano ang pakiramdam kapag sila ay nasa lugar na may snow. Pagkatapos naming pumunta sa snow world, agad naman kaming pumunta sa Lakbay Pinas; ang Lakbay Pinas ay ang kauna-unahan at nag-iisang “historio-kultura” amusement ride sa buong Pilipinas kung saan sa loob ng limang minutong panonood ay mamamangha ka sa mga magagandang tanawin.
Nang matapos ang gabi ng kasiyahan, kinabukasan nama’y ay pumunta kami sa museo at bahay ni Jose Rizal, ngunit hindi kami nakapasok sapagkat ito ang under construction. Noong Enero ay muli itong binuksan at pwede na bisitahin ng publiko. Nang nalaman naming ito ay under construction, kami ay pumunta na sa Dakak Beach Resort upang makita ang magandang tanawin at mapuntahan ang sinasabi nilang isa ito sa limang pinakamagandang resort sa Mindanao. Medyo may kamahalan nga lamang, ngunit ito ay napakasulit, nakaka relax ang tanawin at hindi maingay ang paligid. Masisiyahan kahit nasa byahe pa lamang dahil sa mga naggagandahang mga tanawin na madadaanan mo. Pagdating naman sa Accommodation ay wala nang problema dahil meron silang mga hotel malalaki ang dining at 3 outdoor pool din ang kanilang hotel. Ang Dakak Beach Resort ay isang pribadong beach resort. Mayroon din silang area para sa diving, snorkelling, kayaking, at jet-skiing. Mula sa casual hanggang fine dining, ang resort ay nag-aalok ng maraming mga restaurant na naghahain ng lokal, at mga foreign na mga pagkain tulad ng Chinese, at Italian cuisine, at may mga live music pa habang pinapanuod mo ang mga nakakamanghang mga tanawin sa dagat at ang mga pagkain dito ay napakasarap. Aking masasabi na "ang mga lugar na kagaya nito ang nagsisilbing takbuhan ng problema ng mga tao. Kaya, mas mabuting magpahinga muna at magpakasaya, puntahan ang mga tourist destinations at damhin ang mga pwedeng gawin." -Milanes, Danica Mae P.
0 notes
checcmeyt · 2 years
Text
Tumblr media
Magandang araw, ang tekstong ito ay nagpapakita ng autobiograpiya ng aking buhay na, isang babae na nag ngangalang Aira Francheska B. Lumpas. Ako ay ipinanganak noong ika-16 ng Hunyo ng taong 2005. Biniyayaan ako ng isang pamilya na mapagmahal, si Ariel Lumpas na aking ama, si Fides Lumpas na aking ina, at si Arabela Faith Lumpas na aking nag-iisang matandang kapatid na babae. Sapagkat nag-aral ang aking ate sa Central Colleges of the Philippines, dito na rin ako nag-aral ng aking sekondaryang edukasyon dahil kilala na ng aming pamilya ang paaralang ito. Noong mas bata pa ako ay hindi talaga ako aktibo sa pag-aaaral ng mabuti, ngunit sa aking pag tanda ay nabuo sa aking puso na magseryoso sa pag-aaral. Sa kadahilanang ito, ako ay nakatanggap na ng maraming parangal, ito man ay sa aming klase o mga extra-curricular na aktibidad.
Tumblr media
Dumako naman tayo sa aking mga kagustuhan. Bilang panimula, ako ay mahilig sa musika, at hindi ako mapili pagdating rito. Nais kong banggitin ang isang importanteng punto tungkol sa atin, kung saan ito ay aking hilig ang grupong SEVENTEEN na mula sa bansang South Korea na aking sinusuportahan na mula noong taong 2018 pa lamang, at hanggang ngayon ay aking iniibig parin sila.
Tumblr media
Mahilig ako sa iba't ibang uri ng mga sining, pag pinta, pag guhit, pagkuha ng mga litrato at marami pang iba. Isa sa aking mga libangan ay matulog, kumuha ng mga litrato ng iba, manood ng mga pelikula, at mag-bake. Aking binibigay ang mga na-bake ko sa aking mga kaibigan at pamilya, kung saan ako ay kanilang inuudyok na magsimulang ibenta ang mga ito. Sa kabilang banda, iilan sa mga hindi ko gusto ay ang maiinit na lugar, at pag kain ng mga gulay.
Tumblr media Tumblr media
Usapang pangarap naman tayo, kung saan nais kong maging isang ganap na lisensyadong Civil Engineer. Ang pangarap kong ito ay nagbunga dahil aking itinitingala ang aking ama na isang Freelance Contractor. Isa sa aking pangarap ay makasama kong makatrabaho ang aking ama, kung maaari pa. Gamit naman ang aking maiipon na pera sa pagtatrabaho, nais kong magtayo ng rest house na pinapangarap ng aking ina para sa aming pamilya. Isa sa probinsya ng aking ina, sa Tacloban, Leyte, at is naman sa probinsya ng aking ama, sa Davao. Aking personal na pangarap naman ay makapag-lakbay sa iba't ibang bansa ng mag-isa o ng may kasama.
Tumblr media
0 notes
dic5904 · 2 years
Text
Gawain Blg. 3 (Filipino)
Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin
Anyo: Sintesis
Layunin: Mailahad ang tinaktakbo ng isang kwento sa pamamagitan ng pagbubuod nito.
Gamit: Ginagamit sa pagbubuod ng isang maiklind kwento at kalamitang ginagamit bilang isang tekstong naratibo.
Katangian: Ito ay maikli ngunit kita mo dito kung ano ang punto ng naturang paksa.
Anyo: Bionote
Layunin: Maipakita nag kanilang mga natamasa sa buhay nila. 
Gamit: Ginagamit ng isang tao upang malaman ng iba kung ano nga ba ang kanilang mga akademik career
Katangian: Maikling talata na naglalaman ng isang pinaikling talambuhay, at naglalaman ng totoo at direktang impormasyon.
Anyo: Memoramdum 
Layunin: Maibatong kung ano nga ba ang gagawing pagpupuling.
Gamit: Isang kasulatan na nagbabatid sa tao ang gagawing pagpupulong o di kaya paalala sa isang mahalagang impormasyon.
Katangian: Ito ay isang pormal na sulatin at dito mo makikita ang mga nais ipabatid sa pagpupulong 
Anyo: Agenda
Layunin: Upang malaman ang mga gagawin sa mangyayaring pagpupulong
Gamit: Listahan ng mga gagawin sa pagpupulong at ano nga ba ang magiging paksa sa pagpupulong.
Katangian: Obhetibo, may paninindigan, maliwanag, at ito ay pormal. 
Anyo: Panukalang Proyekto
Layunin: Upang malaman ang plano na pwedeng gawin sa hinaharap. 
Gamit: Ginagamit upang malaman ang isang proposal na kailangang ilatag at naglalayong mailatag ang mga plano na gagawin sa hinaharap
Katangian: Pormal at makikita rin dito kung ano ang mga napag usapan sa natapos na pulong
Anyo: Talumpati
Layunin: Maihatid ang sariling pananaw sa isang partikular na paksang pinaguusapan o paguusapan.
Gamit: Ginagamit panghikayat ng tao at kailangan itong paniwalaan.
Katangian: Isang uri ng sining, may paninindigan, obhetibo at may paksang pinaguusapan. 
Anyo: Katitikan ng Pulong
Layunin: Upang malaman kung kailan ang susunod na pulong.
Gamit: Dito makikita ang mga opisyal na tala ng isang pagpupulong.
Katangian: Orginasado ang pagkasunod-sunod ng mga puntong pinagusapan at may katotohanan.
Anyo: Posisyong Papel
Layunin: Mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa paksang o argumentong inihahain sa kanila.
Gamit: Gamit bilang ebedensiya, argumento at gamit para sa pagpapatunay patungkol sa isang isyu, paksa o argumento.
Katangian: Pormal at organisado ang mga ideya na nakalagay rito.
Anyo: Replektibong Sanaysay
Layunin: magpahayag ng mga pananaw o nararamdaman ng manunulat tungkol sa isang bagay
Gamit: Ginagamit upang ibahagi ang mga naisip, nararamdaman at pananaw sa isang paksa at kung paano nakakaapekto ang paksa sa taong sumulat nito.
Katangian: Personal at may paninindihan ang taong sumusulat.
Anyo: Pictorial Essay
Layunin: Layunin nito na pukawin ang atensyon ng tao at magkaroon ng interes sa pagbabasa
Gamit: Ito ay ginagamit upang magpahiwatig ng mahalagang mensahe gamit ang mga larawan at may kakaunting gamit salita.
Katangian: Personal, simple at epektibo
Anyo: Lakbay Sanaysay
Layunin: Magkaroon ng realisasyon sa paglalakbay na iyong ginawa
Gamit: Ginagamit upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay ng taong sumusulat nito
Katangian: Personal, nang-aakit ng mambabasa, detalyado, at makakatotohanan ang mga nakalagay dito.
#FA #AkademikongSulatin
1 note · View note
slvrdlphn · 8 years
Text
Gateway Gallery celebrated the second year of its “Sining Saysay: Philippine History in Art” exhibit by launching a digital interface that utilizes augmented reality (AR) to recount Philippine history and make it more interesting to an increasingly digital-savvy generation.
On February 22, the Gallery launched “Sining Lakbay: Philippine History in Augmented Reality,” a project that marries art and technology to give visitors a more enhanced experience of its long-term collection.
The event was attended by guests of honor like:
Mrs. Judy Araneta Roxas, president of the J. Amado Araneta Foundation president and vice chairman of the Araneta Center, Inc.
Manolo Roxas, grandson of Philippine president Manuel L. Roxas
Binibining Pilipinas Charities, Inc chairperson Stella Marquez-Araneta
esteemed painter Betsy Westendorp
Divina Gracia Pascua, OIC of the Culture and Tourism Affairs Office
Dinky Soliman, former DSWD secretary
as well as Binibini queens Nicole Codroves, Jennifer Hammond, and Nichole Manalo
and 2016 Miss International Kylie Verzosa.
During the event, guests were able to test the AR feature and were encouraged to go around the Gallery to experience it first-hand. Ten DOT-accredited history teachers from various Quezon City schools served as Gallery Guides.
Art and AR
The “Sining Lakbay” project is a product of careful and creative implementation spearheaded by artists, filmmakers, historians, curators, editors, and technology providers.
It aims to be a platform for gallery guests to have a more enriched experience of “Sining Saysay”, a collection of 30 large history paintings that resulted from the collaboration between the University of the Philippines and the Araneta Center.
“Sining Lakbay” also aims to create awareness of history among the youth by appealing to their interest in digital technology.
Watching Philippine History unfold on their devices
To Gallery visitors a more immersive experience, 10 paintings from the collection will “come to life” on their WIFI-enabled digital devices like mobile phones and tablets using the Layar app that can be downloaded for free (on iOS and Android).
Users will then be able to scan the selected paintings on their device to watch the video and hear the narration on chapters of Philippine history.
The videos are accurate historical accounts of events depicted in the paintings. Each video lasts roughly three minutes, with the whole tour lasting about 30 minutes total.
This launch is just the first phase of an even bigger project of making all 30 paintings in the collection AR-enabled.
Gateway Gallery: Here and now
Gateway Gallery opened on November 21, 2014. Its long-term exhibit, “Sining Saysay: Philippine History in Art,” opened to the public on Feb. 18, 2015.
The Sining Saysay artists are:
Grace Alfonso
Don Artificio
Bim Bacaltos
Adi Baen-Santos
Grandier Bella
Angel Cacnio
Romy Carlos
Cris Cruz
Dennis Dasco
brothers Simkin and Vincent de Pio with their father Gig de Pio
Neil Doloricon
Norman Dreo
Ding Hidalgo
the late Abdulmari Asia Imao, National Artist for Visual Arts
Ben Infante
Junyee
Aileen Lanuza
Romy Mananquil
Norly Meimban
Jonal Salvosa
Julius Samson
Randy Solon
Michael Velasco
and Janice Young
In over two years of operations, the Gallery has grown its art collection to 50 artworks donated by various artists. Attendance has also risen to an average of 200 visitors a day in the same period.
Last year, it received an accreditation from the Department of Tourism.
This slideshow requires JavaScript.
The Gallery will continue to expand its horizons this year, providing artists a home to hone and showcase their craft, and giving the Filipino public a haven of learning and creativity. Projects lined up for this year include: the Reading Nook, a mini library for all ages, highlighted by story-telling sessions for kids in partnership with Adarna Publishing; and Bravo Weekend, which showcases Filipino culture through music and dance.
With its vision to make arts and culture accessible to ordinary Filipinos, Gateway Gallery will continue programs that introduce arts to young children, holding art workshops for hobbyists, portrait sketching sessions for professional artists, and hosting talks by artists and historians.
Located at the 5th level of the Gateway Tower at the Araneta Center, Gateway Gallery is free to the public and is open Mondays to Sundays from 10am to 7pm. It is supported and managed by the J. Amado Araneta Foundation, the CSR arm of the Araneta Group.
Philippine history in augmented reality Gateway Gallery celebrated the second year of its "Sining Saysay: Philippine History in Art" exhibit by launching a digital interface that utilizes augmented reality (AR) to recount Philippine history and make it more interesting to an increasingly digital-savvy generation.
0 notes
weblogpilar-blog · 5 years
Text
Lakbay Sanaysay
Tumblr media
PAGHAHANDA SA ISANG LAKBAY
Sa mga pagkakataon na magkakaroon ng isang paglalakbay o biyahe, marapat na maging handa sa kung ano man ang iyong kakailanganin pagkat sa mga ganitong pagkakataon ay mabuti na ang maging handa at segurista. Maganda na ang pagiging #prepared kumpara sa pagiging #nganga.
MGA BAGAY NA MAITUTURING MUST-HAVES SA PAGLALAKBAY
Sun Protection
Tumblr media
Sa isang paglalakbay, nararapat na magdala ng mga bagay na magbibigay proteksyon sa atin laban sa napakainit na sikat ng araw. Ang ilang lamang sa mga ito ay sunscreen, sombrero, payong, at sunglasses o shades. Ang sunscreen ay isang produkto na ipinapahid sa ating balat upang hindi direktang nakaaapekto ang araw sa ating balat pagkat ito ay mayroong masamang epekto sa ating kalusugan. Pangalawa ay ang sombrero at payong. Ang mga ito naman ay magbibigay karagdagang proteksyon sa atin kung sakaling maging hindi na kanais-nais ang init na ibinibigay ng araw. Ang panghuli naman ay ang sunglasses o shades. Kung kinakailangan na bigyang proteksyon ang ating balat, nararapat lamang na proteksyonan din an gating mga mata bagkat gaya ng sa ating balat makasasama rin para sa ating mga mata ang direktang sinag ng araw sa mata.
Kamera
Tumblr media
Isa sa mga mahahalagang bagay na dapat dalhin sa isang paglalakbay o pamamasyal ay ang kamera. Ito ay isang instrument na gugustuhin mong isama sa iyong pag-alis pagkat ito ang magsisilbing tagakuha ng mga lugar o pangyayari na iyong masisilayan sa mga destinasyon na iyong pupuntahan. Ano man ang iyong naisin na balik-balikan ay maaari mong magawa sa tulong ng kamera na magsilbing tagapangalaga ng mga kaganapan o alaala na importante sa iyo.
Baon
Tumblr media
Hindi ka maaaring umalis ng walang baong pagkain at pera. Ang mga ito ay maihahantulad sa isang kaibigan pagkat ito ang mga bagay na kakailanganin mo sa kahit na anong panahon o oras sa iyong paglalakbay. Ito rin ay ang magliligtas ng buhay ma sa panahon na kailanganin mo ito, lalo na kung ikaw ay parating gutom o mahilig dumaan sa mga tindahan ng souvenir. Subalit sa isang paglalakbay, nararapat na tandaan na maging wais sa pagbili ng mga kung anu-ano lalo na kung ito ay hindi magagamit o kailangan.
Tumblr media
Ang pagpunta sa probinsya ng Bulacan at Pampanga ay may katagalan. Kung kaya’t kinakailangan na agahan ang pagalis upang mas madaming mapuntahan at mabisitang mga lugar. Ang naestimang oras ng pagpunta sa Bulacan ay humigit kumulang 2 oras kung walang trapik. Kung aalis ng mga 5 o 6 ng umaga makakarating ka sa unang destinasyon ng mga 8 ng umaga.
Isang magandang destinasyon na maaring puntahan sa Bulacan ay ang Barasoain Church ang pagpunta doon mula sa Maynila ay humigit kumulang 2 oras kung dadaan lamang sa gas station ng mga 10 hanggang 15 minuto. Kung mas magtatagal sa gas station upang kumain ay mas tatagal ng kaunti ang biyahe. Ang pagiistay sa simbahan ay maaaring tumagal ng 30 minuto hanggang 1 oras kung makakarating sa simbahan ng mga 8 ng umaga maaaring hanggang 9 ng umaga kayo dito.
Pagkapunta sa Barasoain Church ay bibisitahin naman ang isang museum sa Bulacan na tinatawag nilang Hiyas ng Bulacan. Ang layo ng Barasoain Church sa Hiyas ng Bulacan ay kakaunti lamang, ang estimang oras ng pagdating ditto ay mga 5 minuto lamang.  Kung ikaw ay mahilig magpunta sa mga ganitong lugar maaari kang tumagal ng mga 1 oras sa mismong museum. Kung hindi naman ay maaaring malibot ito ng mga 30 minuto. Pagkadaan sa museum maaaring pumunta sa tindahan nila ng mga pasalubong kung saan may mabibili kang mga produktong sikat sa Bulacan. Maaaring kang magtagal ng mga hanggang isang oras dito.
Pagkatapos ng pagdaan sa Hiyas ng Bulacan magpupunta naman sa Pampanga upang magpunta sa SM San Fernando. Tatagal ng mga isang oras ang biyahe papunta dito, samakatuwid maaaring makarating ka ng mga 12 hanggang 12:30 ng tanghali sa SM. Pagkarating sa SM San Fernando makakapili ka na kung saan mo gusto kumain ng pananghalian, ang SM San Fernando ay nagbibgay ng madaming pamimilian ng makakainan kaya maaari kang mamili kung ano ang iyong gustong kainan.
Ang Sky Ranch na katabi lamang ng SM San Fernando ay nagbubukas ng 3 ng hapon kaya pagkatapos mong mananghaliaan maaari ka munang gumala sa mall hanggang sa magbukas ang parke. Pagkabukas ng Skyranch ng 3 ng hapon maaari ka nang pumasok, ang isang ride all you can ticket ay pumapatak sa ₱1540.00 maaari mo itong gamitin sa lahat ng rides hanggang sa magsara ang parke.
Kung babalik ka ng Maynila sa araw na rin na iyon at gusto mong makauwi ng maaga maaari ka lamang magstay sa Sky Ranch ng 2 hanggang 3 oras para makauwi ng mga 8 ng gabi. Sa kadahilanang ang dadaanan ay matrapik lalo na nang mga oras na iyon dahil rush hour at ang mga tao ay nagsisiuwian.
Tumblr media
FOOD STOPS
Patungo sa Bulacan galing Maynila (NLEX-Northbound), maraming stop-over na madadaanan at isa na dito ang Shell sa Balagtas, Bulacan kung saan matatagpuan ang samut saring kainan ito-ito ay ang Jollibee, Kenny Rogers, Chowking, KFC, Hen Lin, Starbucks, Pizza Hut, Cafe France, Dunkin Donuts, at Hap Chan Tea House.
Pauwi naman ay nadaanan namin ang Petron Gas Station sa Marilao, Bulacan (NLEX-Southbound) kung saan ay mayroong marami rin na kainan ito ay ang Mcdonald's, Starbucks, Subway, KFC, at YellowCab.
MGA DAPAT TANGKILIKIN SA BULACAN
PASTILLAS DE LECHE
Tumblr media
Pastillas de leche ay gawa sa gatas ng baka o kalabaw na hinaluaan ng lemon juice at asukal. Ang Pastillas ay minana nating mga Pilipino mula sa mga Espanyol. Sa San Miguel, Bulacan pinagdiriwang ang Pastillas Festival at ito ay ginaganap tuwing Mayo na nagsimula noong taong 2006. Ang paper-cut na uri ng pag gugupit "Pabalat" o "Borlas de Pastillas" ay nakaugnay din sa pastillas na nasangkot sa paggawa ng detalyadong disenyo ng papel. Mula sa lokal na katutubong tradisyon ito ay nabago at naging isang sikat na sining. Sa Bulacan, ang pastillas ay binabalot sa isang makulay na Japanese paper (TRIVIA: Ang tawag nating mga Pilipino ay  Japanese paper dahil ang alam natin, mula sa mga hapon nag mula ang papel ngunit ito ay isang tisyu lamang sa kanila) at ng mga pista ay hindi nakukumpleto nang walang paper-cut pastillas bilang dekorasyon, table centerpiece o souvenir.
BUTCHERON
Tumblr media
Ito ay natikman ko lang noong ako'y mapabili sa isang pampasalubong na tindahan at una kong nasubukan ang butcheron ng bulacan. Kung ito'y aking irrate, ang puntos ko dito ay 10/10. Ito n ata ang bagong kong paborito dahil sa napakasarap niyang lasa. Ito ay gawa sa buchi ng manok. Masarap pa maliban sa chicharon.
Tumblr media
Sa isang field trip hindi mawawalan ng iba’t ibang aktibidad na gawain dahil bukod sa tutunin nito na madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante sa labas ng paaralan, isa din nitong nais ay ang magsaya ng walang iniintindi ang mga estudyante kasama ang buong klase o pangkat. Kaya naman basahin hanggang sa dulo ang blog na ito upang matunghayan ang iba’t ibang napuntahan namin noong field trip.
BARASOAIN CHURCH
Tumblr media
Ang Simabahan ng Barasoain ang una naming pinuntahan, ito ay nakatayo sa Malolos, Bulacan. Ito ay itinatag noong 1859 gamit lamang ang nipa at kawayan. Madami ng beses nabago ang kabuuan ng simabahan dahil sa mga pilipinong pari na natatalaga dito. Makikita dito ang lumang istraktura ng simbahan na hanggang ngayon ay pinangangalagaan dahil isa itong simbolo ng palatandaan ng mga ninuno natin na bumuo at nagtatag ng simabahan. Ang loob ng simabahan ay magpapakita ng pangangalaga ng mga tao, ang loob ay malinis, organisado at tahimik. Ang simbahan ay nagpaparamdam ng kapayapaan, talagang madadama mo ang pagmamahal ng Panginoon. Ang pinaka magandang gawain dito ay mag dasal, upang magpasalamat, manghingi ng tawad at humingi ng gabay sa maykapal. Maaari rin pumunta dito upang magmuni muni o magnilay-nilay dahil dito ay tahimik at malayo sa gulo. Malawak ang lupa ng simbahan, sa gilid nito sa kanan ay may parang hardin at sa kaliwa naman ay kung saan nakalagay ang palikuran. Kaya rin isa ito sa aming pinuntahan bilang parte ng paglalakbay dahil bilang isang katolikong paaralan bago ang lahat ng gagawin o pupuntahan, hihingi muna ng gabay para sa kaligtasan at kasiyahan ng lahat ng sa gayon ay walang masamang mangyari. Higit pa rito, upang pasalamatan at humingi ng tawad sa Diyos.
HIYAS NG BULACAN
Tumblr media Tumblr media
Ang Hiyas ng Bulacan ay isang bagong bukas na museo sa Malolos. Nakatabi ito sa isang parke na tamang tama puntahan pagkatapos sa museo. Ang Hiyas ng Bulacan ay naglalaman ng iba’t ibang kasaysayan ng Pilipinas partikular na sa lugar ng Bulacan. Nakalagay dito ang kultura ng bayan mula sa pagkain, kasuotan, piyesta, at hanap-buhay. Ang pakikipagdigmaan din na nangyari sa bayan ay pinapakita rito, ang mga tao na nakipaglaban na tubong Bulacan, ang mga nangyari sa bayan, at ang mga unang tao na tubo at namuno sa bayan. Pinapakita rin dito ang iba’t ibang pinta ng kilalang artista sa sining na talaga namang nakakamangha. Pagkatapos pumunta rito ay punong puno ang kaalaman dahil sa mga istorya na nakalahad/nakalagay sa museo. Ang lugar ay madali lang puntahan kaya’t isa ito sa napili ng paaralan, bukod pa rito talaga namang magbibigay ito ng dagdag kaalaman saming mga estudyante tungkol sa ibang kultura at kasaysayan ng Pilipinas at iba pang pangyayari.
SM CITY PAMPANGA
Tumblr media
Galing Sa: SM Supermalls
Ang isa sa pinaka sikat na pinuntahan namin ay ang SM Pampanga. Alam naman natin na kahit saang lugar sa Pilipinas ay may SM kung hindi man SM meron parin iba’t ibang pamilihan. Karamihan ay alam na kung ano ang pwedeng gawin, mayroon o mabibili sa loob ng pamilihan na ito. Ngunit, ang SM sa Pampanga lang ata ang napuntahan namin na tatlo ang laruan dahil mayroon itong Tom’s World, Quantum at World of Fun. Katulad na mga laruan na nabanggit, maari ito gawin dito upang maglibang kasama ang mga kaibigan, nobya/nobyo, asawa o buong pamilya. Maaari din dito mamili ng pagkain, damit, o iba’t ibang kagamitan. Syempre, mayroon din dito na mga kainan kaya’t ang pangkat namin ay kumain sa Cabalen, isa itong buffet na mga pagkaing filipino. Pagkatapos kumain ng aming pangkat ay binigyan kami ng ilang oras para magikot sa pamilihan, kung gayon kami ay nag laro at pumunta sa iba’t ibang tindahan.
SKYRANCH PAMPANGA
Tumblr media
Ang Skyranch sa Pampanga ay nasa lungsod ng San Fernando, ito rin ay nasa likod ng SM kaya’t napakadaling puntahan. Ito ay ang huli naming pinuntahan sa aming paglalakbay, kaya ito ang isang pinuntahan dahil gusto rin ng aming paaralan na magsaya kami ng walang iniintindi na mga gawain para sa mga paksa. Ang panlibangang parke ay mayroong iba’t ibang sakayan na pwede sa bata at matanda. Ang patok na patok dito ay ang Ferris Wheel kung saan pag sumakay ka ay makikita ang buong tanawin lalong lalo na ang Bundok Arayat. Hinding hindi rin mawawala ang mga nakakatakot o matataas na sakayan sa parke katulad ng Space Shuttle, Drop Tower, Roller Coaster at iba pa. Ang mga pang bata naman na sakayan ay marami din kaya’t hindi dapat ipagalala kung may mga kasamang bata. Mayroon din na mga tindahan ng pagkain sa loob ng parke at upuan kung gusto munang magpahinga o maghintay. Tunay nga naman na masaya ang aming pagpunta sa parke dahil kasama namin ang mga kaibagan at kaklase para sa huling field trip namin bilang hayskul.
1 note · View note
asteptoadventure · 3 years
Text
Gusto lang Tumingin
paglakbay. Kasi ang daan sa gitna ng Luzon ay hindi mo malilimutan hindi lang dahil sa sining, mahaba talaga ang paglakbay. Labingdalawa hanggang labing apat na oras bago makarating sa Aparri galing Manila. Aparri ay isang sambayanang magkimkim, maraming ari-arihan pumupunta dito galing ibang bansa. May isang simbahan dito lamang ang St. Peter Thelmo, medyo bago yung loob dahil sa mga renobasyon. Isa sa mga malaking pangyayari ay yung perya, merong mga sakyan at laro na ilang oras na nakawak ka. Sasabihin ko lang, magdala ng maraming sukli. Isa sa kasiyahan na hindi ko pa nakita ay yung "miss Aparri pageant' na tao galing ng ibang mga munisipyo ay makilahok. Ang pagkain ang mahahanap dito ay puro isda, kasi katabi ng ilog ang munisipyo. Isa sa mga to ay ang Bulung Unas o "Ribbon Fish", mas nakakahuli ang isda na to sa buwan ng Enero - Pebrero. Yung pinakmahal na isda na pwede bilhin ay yung "President fish" na 4ooo hanggang 5000 pesos. Nakakita lang sa Aparri delta sa buwan ng Oktubre - Nobyembre. Kalahati na tong minensahe di ko pa naranasan, pero parang maraming nalakbayan sa uwi ko nang Aparri. Yung totoong lakbay ay sa pakikita ng bagong bagay. Kaya tumingin ka lang, baka magustahan mo.
0 notes
humanidades121 · 5 years
Photo
Tumblr media
Moondrop No. 16 | Cornelio Gutierrez Jr. 
Destinasyon: InTrAmurOs | Isang Lakbay Sanaysay
“Eto pala ang Maynila.”
Sadyang nakatatak na ang mga katagang iyan sa tuwing humahanga tayo sa ganda ng Maynila. Maaaring isa sa mga dahilan kung bakit ay dahil sa pagiging urbanisado nito, at dahil tinaguriang kabisera ng bansang Pilipinas ang Lungsod ng Maynila. Nagmula ang salitang “Maynila” sa dalawang salita: “may” na ang kahulugan ay mayroon at “nilad” na isang uri ng halaman na sagana ang tubo sa baybayin ng Ilog Pasig at Lawa ng Maynila. Di naglaon, pinaikli ang ‘Maynila’ bilang ‘Manila’, ngunit madalas pa ring ginagamit ang Maynila sa kasalukuyan.Kung mapapansin, madalas na nakikita ng mga tao, lalo na ang mga taga-probinsya, na ang Maynila ang siyang sentro ng kalalakan at kaunlaran.  Bilang karagdagan, marami ring natatagong kasaysayan at kultura ang lugar na ito, na masisilayan sa iba’t ibang mga estrukturang nakatayo.
“Tara, gala tayo.”
Ika-23 ng Oktubre, sa ngayong taon, sa pagpatak ng 9:51 ng umaga, may biglang nagmensahe sa akin, inaaya akong sumama upang pumunta sa Intramuros at makita ulit ang ganda nito matapos ang isang taong hindi ko pagpunta roon. Biglaan, pero ayon nga sa isang kataga, mas natutuloy ang isang lakad kapag biglaan.  Kinakailangang naroon na kami sa kitaan bago mag-alas dos ng hapon. Kaya inasikaso ko na kaagad ang sarili ko. Naligo’t nagbihis. Inalis ang laman ng aking bag at inilagay ko lamang ang mga bagay na sa tingin kong kakailanganin ko pagpunta, ilan sa mga ito ay ang damit pamalit, notebook at mga panulat, kamera, at tubig. Hindi ko rin kinalimutang magdala ng pera para sa aking pamasahe at kung sakali mang gutumin ako.
“OTW na ko”
Bilang sentro ng iba’t ibang aspeto, maraming uri ng transportasyon ang maaaring gamitin upang pumunta sa Maynila. Mula sa amin, sumakay akong jeep papuntang 5th Avenue. Pagdating sa 5th Avenue, sumakay akong LRT patungong Baclaran at bumaba ako sa istasyon ng Central, na siyang pinakamalapit sa aming pupuntahan. Medyo natagalan sa pag-antay ng jeep, ngunit mabilis naman ang naging biyahe. Hindi rin masyadong siksikan sa loob ng LRT, na minsan lang mangyari sa LRT-1, ngunit sandaling huminto ang bagon na aming sinasakyan sa kalagitnaan ng biyahe. Kabuuan, maayos naman ang naging biyahe ko. Umabot ng halos isang oras, na dapat ay maaaring abutin lamang ng kalahati oras o mas mababa pa. Patunay na may problema sa sistema ng transportasyon ng bansa, at unti-unti tayong nasasanay sa ganitong sitwasyon.
“Dito na kami, saan na kayo?”
Tumblr media
Nakatungtong na ang mga paa ko sa Maynila. Saktong ala-una ako nakarating sa Central. Pagbaba ko ng istasyon, naglakad ako nang kaunti at naaninag ko kaagad ang City Hall ng Maynila. Hinahanap ko ang mga kasama ko dahil naroon na raw sila sa kitaan. Habang naglalakad, natanaw ko ang ganda ng likod ng monumento ni Andres Bonifacio, dito makikita at mararanasan ang sinasabing ‘free wifi’ na pinasimulan ng kasalukuyang mayor ng Maynila na si Isko Moreno. Nakarating ko na SM Manila, na kung saan natanaw ko na ang isa sa mga kasama ko sa araw na iyon. Napagdesisyunan naming na bumalik sa likod ng monumento upang hintayin ang iba pa naming kasama. Nabuo ang grupo bago pumatak ang alas-dos, tumungo sandali sa SM upang bumili at kumain bago ang paglalakbay naming sa loob ng Intramuros.
Tumblr media
“Ang ganda!”
Tunay na nakakamangha ang estruktura ng bawat gusali sa loob ng Intramuros, makaluma na parang ibabalik tayo sa nakaraan. Nadaan naming ang Manila High School, ang palimbagan ng Manila Bulletin gayundin ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Ngunit ang unang naging destinasyon naming sa araw na iyon ay isang tindahan ng mga antigo at iba pang mga bagay na ang pangalan ay “Silahis Center” ,at matatagpuan sa Calle Real del Palacio (Gen. Luna). Hindi ko alam na mabibighani ako sa ganda nito. Masisilayan dito ang mga artepakto’t mga sining, na may parte o kahalagahan sa kasaysayan ng ating bansa. Napakaraming mga bagay ang mga makikita rito, tulad ng mga kubyertos at mga gamit pangkusina na ginagamit noon, mga pang-disenyo sa loob ng tahanan at mga alahas at kasuotan. Ngunit karamihan talaga na makikita sa loob ay ang mga pinta ng iba’t ibang pintor, aakalain mo na para kang nasa museo ng sining. Bago kami lumabas sa tindahang iyon, nagpakuha kami sa isang pintor na nagpipinta sa mga oras na iyon.
Tumblr media
At natutunan ko na ang salitang “silahis” ay hindi lamang nangangahulugang ‘bakla’, ngunit maaring mangahulugan din pala ito bilang ‘sinag ng araw’.
Tumblr media Tumblr media
“Doon naman tayo pumunta.”
Diniretso namin ang daanan at tinungo naman namin ang San Agustin Church, kung saan nagkuhaan lamang kami ng litrato. Sarado ang simbahan at may bayad ang pagpasok sa museong katabi nito. Kaya naisipan naming na pumunta na sa Manila Cathedral. Hindi ko alam, pero dinala ako ng aking mga paa sa luhuran at nagdasal na taimtin. Tahimik. Ngunit sadyang hindi pa rin naaalis sa akin ang pagkamangha sa arkitektura ng Cathedral. Isa sa mga masisilayan sa loob nito ang sikat na iskulturang ‘Pieta’, gawa ni Michelangelo, na kung saan pinapakita si Virgin Mary na buhat ang bangkay ni Hesus pagkatapos ipako sa krus.
Tumblr media
“Punta na tayo, baka magsarado na.”
Bandang alas-kuwarto, dali-dali kaming pumunta sa Fort Santiago, dahil sa takot na magsarado na ito ng alas-singko at hindi na namin maabutan. Ngunit sa awa ng Diyos, naabutan naming ito at bukas pa hanggang alas-siyente ng gabi. Pagpasok ay inuna naming ang Dambana ni Rizal, dahil mas maaga raw ito nagsasarado kaysa sa ibang pwedeng pasyalan. Napansin naming na nawala na ang ‘mga huling yapak ni Rizal’ at pinalitan ang daanan ng mga ladrilyo. Ganoon pa rin ang ayos sa loob ng Dambana tulad ng isang taon. Naglalaman pa rin ito ng mga inpormasyon sa buhay ni Rizal, ngunit hindi ko matukoy kung bago o hindi ang braille system na makikita sa loob. Ang braille system ay isang sistema ng pagsulat ng mga naka-umbok na tuldok, ito ay para sa mga bulag na binabasa nila sa pamamagitan ng paghipo sa mga tuldok. Pagtapos sa Dambana ni Rizal, nilibot naming ang mga pwedeng malibot sa loob ng Fort Santiago tulad ng Rajah Sulayman Theater at Ruins of American Barracks. Makikita sa mga ito ang kasiraan at kalumaan ng esruktura, ngunit makikita rin dito ang naging kontribusyon nila sa kayamanan ng kasaysayan ng ating bansa.
Tumblr media
“Uwi na ako, papagalitan na ako.”
Alas-sais ng gabi. Tinungo ulit naming ang dinaanan naming kanina. Tuluyan naming iniwan ang Intramuros, ngunit mananatili pa rin ang ganda nito kailanman. Dumiretso kami sa likod ng monumento ni Bonifacio, doon ay lumisan na ang dalawa sa mga kasama namin, habang kami ay nagpahinga muna panandalian sa haba ng nilakad namin.
Tumblr media
“Tara.”
Napagkasuduan namin na pumunta sa SM Manila. Kakain o iikot, hindi naman alam kung bakit, pero tinahak namin ang daan papunta. Habang nasa loob, may nakaisip na pumunta kami sa World of Fun(WOF), wala kaming sapat na pera para maglustay sa roon, pero umaasa lang kami na may makita kaming token at magamit namin sa paglaro. Pagkarating sa arcade, nakita namin ang mga pakalat-kalat na ticket. Dahil dito, naisipan nalang namin na mamulot ng mga ticket at ipapalit sa kung ano man ang pwedeng ipalit sa bilang ng ticket. Naglaro na rin kami sandali para madagdagan ang bilang ng ticket, dahilan upang mas marami ring maipalit. Nagresulta naman ang lahat at nakatanggap kami ng maraming mga kendi sa isang paper bag. Dumiretso kami sa MCDO para magkalaman-tiyan kami bago umuwi, hindi naman napansin na sa haba ng usapan namin ay inabot na kami ng halos isang oras sa loob. Nakikita na namin na nagsasara na ang ibang tindahan sa loob ng mall. Nagmadali kami dahil sa pangambang hindi na namin abutan ang LRT. At bago kami umuwi sa aming mga tahanan at maghiwa-hiwalay ng destinasyon, nagpaalam kami sa isa’t isa at nagpaabot ng mga salitang pasasalamat para sa mga naganap ng araw na iyon.
Tumblr media
“Paalam.”
Bilang panapos, napakaraming magagandang lugar ang makikita sa Maynila, at isa na rito ang lugar ng Intramuros. Nagtatago ang ganda nito at nagkukubli ito ng mga kultura na malaki ang naging parte sa kasaysayan sa ating bansa. Makikita na ang bansang Pilipinas ay mayaman pagdating sa kultura at sining. Kinakailangan ng mga tao na maengayong pumunta sa mga ganitong lugar, upang mas magkaroon sila ng malalim na pananaw at kaalaman patungkol sa kayamanan at kaunlaran ng bansa natin sa iba’ ibang aspeto tulad ng sining. Tunay na nakakapagod libutin ang loob ng Intramuros at hindi sapat ang isang araw upang maikot ang kabuuan nito, ngunit sulit at worth it ito dahil sa kagandahan ng lugar at sa maraming pandagdag kaalaman na matututunan sa loob nito. At gusto ko lang magpasalamat sa mga taong nakasama ko sa paglalakbay na ito. Alam kong lahat tayo ay masayang umuwi at may baong mga panibagong kaalaman at alaala na maaaring baunin natin sa paglalakbay natin sa mundong ginagalawan natin ngayon.
0 notes