kysteir
Journey Unveils Wonders
1 post
Hints at an exciting and eye-opening travel experience, suggesting that every step of the journey reveals something extraodinary
Don't wanna be here? Send us removal request.
kysteir ยท 10 months ago
Text
Baguio City: Liwanag ng Lakbay
Maraming mga tao ang gustong maglakbay sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Noong ako'y bata pa, mahilig kaming maglibot ng aking pamilya, at ang lugar na aming laging binabalik-balikan ay Baguio. Sa bawat pagdalaw namin sa Baguio, hindi kami magsasawa sa kanyang kagandahan at kakaibang klima. Nakakatuwang balik-balikan ang mga alaala ng pag-akyat sa Mines View Park, pagkain ng strawberry sa Strawberry Farm, at pagbisita sa malamig na Burnham Park.
Ang Baguio ay hindi lamang puno ng mga tanawin at pasyalan kundi pati na rin ng mga masasayang karanasan. Ang presko at malamig na simoy ng hangin sa Baguio ay tila nagsisilbing lunas sa init ng araw sa siyudad. Bukod sa kalikasan, marami ring makikitang iba't ibang kultura at sining sa mga tindahan at palengke sa lungsod. Talaga nga namang isa itong paraiso ng hilig ng mga naglalakbay na nagnanais makaranas ng bagong pananaw at karanasan.
Saan kilala ang Baguio City?
Ang Baguio City ay kilala sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa bilang "Summer Capital of the Philippines" dahil sa malamig na klima nito. Ito ay isang tanyag na destinasyon sa gitnang bahagi ng Cordillera Mountains sa Luzon, na piniling daungan ng mga lokal at dayuhan tuwing tag-init.
Tumblr media
Credit to Tripadvisor
Ilan sa mga tourist spot sa Baguio?
Bukod sa kanyang kakaibang klima, ang Baguio ay kilala rin sa kanyang natatanging kultura, malawak na tanawin, at mga atraksyon tulad ng:
1. Mines View Park
Tumblr media
Credits to Daniel's Eco-Travels
Kilala para sa kanyang tanawin ng minahan at ng Cordillera Mountains.
2. Burnharm Park
Tumblr media
Credits to Philippine Primer
Isang pamosong parke na mayroong malaking lagoon, puno ng mga bulaklak, at mga aktibidad tulad ng biking at boating.
3. Session Road
Tumblr media Tumblr media
Pangunahing kalsada ng Baguio kung saan makikita ang iba't ibang tindahan, restawran, at kultura.
4. Strawberry Farm
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Strawberry Farm sa Baguio ay isang lugar kung saan maaari kang mamitas ng mga sariwang strawberries sa mismong taniman. Ito ay isang popoular na destinasyon para sa mga turista na nagnanais makaranas ng agrikultural na karanasan at masiyahang pag-ani. Sa Strawberry Farm, maaari kang mag-enjoy ng pagpitas ng mga matamis na strawberries at makiisa sa karanasan ng pagsasaka.
Pagtatapos ng Isang Makabuluhang Paglalakbay
Sa pagtatapos ng aming paglalakbay sa Baguio, hindi lamang kami nag-uwi ng mga alaala at litrato, kundi pati na rin ang masaganang karanasan at inspirasyon mula sa lungsod sa kabundukan. Ang bawat tanawin, bawat pook, at bawat karanasan sa Baguio ay nagbigay sa amin ng bagong pananaw at pag-asa. Sa paglalakbay na ito, natutunan naming pahalagahan ang kagandahan ng kalikasan, ang halaga ng kultura at kasaysayan, at ang kakayahan ng paglalakbay na magdulot ng bagong pag-unawa at kasiyahan sa buhay. Ang Baguio ay hindi lamang isang destinasyon, ito ay isang paglalakbay ng pagpapahalaga at pagbibigay-kahulugan sa buhay.
Sanggunian:
Baguio Photo: Baguio, Philippines Cordillera Mountains- seen from Halsema Highway (2010) https://www.tripadvisor.com.au/LocationPhotoDirectLink-g298445-i24170397-Baguio_Benguet_Province_Cordillera_Region_Luzon.html
Maches, D. (2020, April 23) Daniel's Eco-Travel https://danielsecotravels.com/mines-view-park-baguio-city/
Burnham Park in Baguio City: Most Welcoming Place in the City (2018, July 25) https://primer.com.ph/travel/2016/01/03/burnham-park/
0 notes