#sasakit talaga ulo mo minsan
Explore tagged Tumblr posts
Text
Let tita 1 = kapatid ng tatay ko
Let tita 2 = pinsan ng nanay ko
Growing up, medyo close kami sa family members ng tatay ko, so syempre kasama na dun 'yung mga kapatid niya. They helped me with some schoolwork dati and occasionally dinadalhan nila kami ng food dito sa bahay. May regular communication din. All is well. Kaya nu'ng nanghihingi sya ng reseta para sa vitamins, "ay sige tita remind niyo lang po ako" (wala naman kasi akong dalang pangreseta sa mga reunion haha). I'd be happy to be of help kay tita 1. Kung nagtataka kayo bakit need pa ng reseta kung vitamins lang naman, 'yun ay para makakuha ng discount, actually.
Pero si tita 2, kahapon, nandito sa bahay, tinatanong kung nagrereseta ako. Gusto ng antibiotics para sa "sakit ng lalamunan." Pag daw kumonsulta sa private, 600 daw agad 'yun. Pag naman sa center, ang haba ng pila. Inunahan ko na agad ng "may bayad" (ang pagpapareseta). Tapos na-change topic na at hindi na bumalik uli sa usapang antibiotics. May specific na gamot na nga sila in mind. Hahaha.
Andami sa side ng nanay ko na "humihingi ng tulong." Some of them aren't really a big deal pero magtataka ka lang siguro bakit ipinapagawa pa sa akin e may sarili naman na silang mga anak na malaki na. Ipinapaedit sa akin 'yung CV nila, may mga dokumentong ipinapa-edit and print sa work, or related sa small business, etc. Same same 'yung reason nila, hindi raw maasahan 'yung mga anak nila [sa ganoong bagay]. Eh parang ang sad lang na 'di ko maintindihan. Mas madali bang pumunta rito kaysa utusan ang sariling anak?
Anyway, walang enough goodwill points at investment si tita 2 sa akin plus hindi ko bet 'yang mga gustong magpareseta ng antibiotics. Ikaw nagdiagnose, ikaw magreseta. Sabi niya, hindi naman daw kasi sila bibigyan sa pharmacy pag walang reseta. E sabi ko, dapat lang. (Dapat lang na hindi bigyan kung hindi naman kailangan. Pero ayaw ko nang makipag-away at magpaliwanag about sa antimicrobial resistance. Ipipilit lang naman nilang gumiginhawa sila sa pag-inom ng kanilang drug of choice.)
#sa community nga merong ipinapahid yung laman ng capsule na antibiotic sa sugat sa ulo#sasakit talaga ulo mo minsan#or mawawalan na lang ng pake
8 notes
·
View notes
Text
hello?
I'm back with blogging, finally!! may way na para ma labas yung mga gusto kong sabihin, ang hirap naman din kasi pag kinikimkim mo. ang hirap kaya umiyak sa ilalim ng unan tapos sisipunin ka pa, sasakit pa ulo mo, so it's better this way.
to be honest, I don't know what to feel this year. I also don't know how to start it. work will be resume this Jan 8, pero hindi pa ako ready. siguro ganun talaga pag adult kana? you just want to stay home and procrastinate, pero hindi mangyayari yun dahil alipin tayo ng pera. It's like we are in this arena hunting for food, thinking on how to survive this life (it's a trap bro!). minsan naiisip ko na, I want to be a child again. walang iniisip, puro laro lang, color color sa school. but that's life!
I remember my dad told me, "Life is a battle" all you need to do is to survive and I am surviving, thank God for His grace.
actually, na fifeel ko naman din na 2024 is me and my husband's year. i feel empty yes (siguro dahil tapos na ang bakasyon at ayoko pa bumalik ng trabaho), pero na fefeel ko rin naman ang positive vibes this year. obedience, sacrifice and discipline lang. I believe this year will be a breakthrough and full of blessings.
bye! aral muna ako :)
1 note
·
View note
Text
SYEMPRE CANCELLED YUNG EVENT TAPOS NALIGO KAMI SA ULAN NI BONNIENAY HAHAHAHAHAHA SOBRANG SOLID NG EXP KAHIT KONTI LANG NAKAPAG PERFORM.
Anyhu, around 7pm nagdecide kaming lumabas na sa circle kasi sigurado akong icacancel nila kasi sobrang lakas ng ulan. And as a person na ayokong makipagsiksikan bc of payong, sumugod ako sa ulan. Walang magawa si Bonnie kundi sumunod hahahahaha (Sorry doc! Resetahan mo na lang akong meds if ever hehe)
Pagkalabas namin ng circle, saktong narinig namin yung enforcer na CANCELLED NA YUNG EVENT AT MAGSIUWI NA RAW YUNG MGA NASARHAN NG GATE. So wise choice talagang lumabas kami agad.
Pagkatawid namin ay nag iisip kami kung saan kami kakain. Sabi ko wala namang may malapit na fastfood sa Philcoa since sinarado na rin nila yung jabi doon. Bigla nyang sinabi na sa Maginhawa na lang daw. Edi go.
Habang naglalakad, verbatim:
B: sa UP town tayo kahel
M: HA??
B: para medyo matuyo tayong dalawa, di naman tayo sobrang basa eh.
M: (tiningnan ko yung oras sa watch ko, past 8pm na at sure na kong nakaout na sya sa TMC) sige tara.
Nung patawid kami sa overpass, natanaw ko yung TMC. Napangiti nga ako di ko alam kung bakit hahaha. Pero may kirot kasi gusto ko na kalimutan tong lugar na to.
M: pwede naman kasi tayo around commonwealth eh dito mo pa talaga gusto?
B: hmm oo? Eto lang alam kong malapit eh. Ayaw mo ba dito? Tara na kung ayaw mo pwede naman.
Paakyat na kami sa escalator at nandun yung pinto ng TMC. Wala na halos tao at pasara na sila.
B: anong oras ba out nya?
M: ha sino?
B: hmm hahahahahahahaha
M: hahahahaha tanginang to usually 7 out non. Past 8 na so.. baka wala na sya dyan.
Pero nilingon ko yung reading room nung napadaan kami dun sa may clear glass. Nangiti na lang ako.
Kumain kami sa jabi at nagkwentuhan doon. Sa bawat tao na dumadaan sa labas, hinahanap ko si May. Tapos ngingiti lang ako kasi bat ko ba hahanapin yung hindi naman na ko hinahanap? Hahahaha.
B: sasakit mata mo kakahanap. Wala ka pa namang glasses.
M: oo sumasakit na nga sintido ko eh
B: so what if may boyf na sya ngayon? Like.. she totally moved on from you
M: hmm that's good..? Kasi may mag aalaga na sa kanya na nandyan palagi.
B: really? Okay ka lang dun that you've been replaced less than a year?
M: may timeframe ba yung ganun?? Kung healed na sya then.. that's good also.
B: hahahahaha wow selfless tama yan, maging accountable ka sa ginawa mo
M: I know hahahaha. Alam mo ba, bibilhan ko sana syang JCO kanina bago tayo pumunta sa circle
B: buti hindi mo tinuloy
M: ya. naisip ko rin kasi na.. nothing will change. Mahal ko pa rin sya, di na sya ganun kahit ilang sweets pa ibigay ko dun hahahahaha sasakit lang ulo non sa sobrang matatamis
B: bakit kakainin nya ba? Baka ipamigay nya lang or idispose
M: ouch sama naman ng ugali mo
B: facts straight lang. kung ako kasi personally, ibibigay ko na lang sa iba yun kahit gusto ko.
M: hmm okay. Ikaw naman yan
B: masaya ka ba sa pride march?
M: oo. Iba eh. Para akong free kanina.
B: sabi ko na, nasaktan ka nung tinanong mo yan sa kanya before diba? Naging factor yun no?
M: sabi nya kasi okay lang naman.. pero ayaw nya no daw. Nalungkot ako dun slight ng hindi ko alam kung bakit.
B: hahahahaha yung girly side mo kasi halos pinakita mo sa kanya, minsan ka lang nagpakalalake ngayon pang break na kayo tanginang to
M: ewan hahaha
B: go on, cry. Alam kong hinahanap mo sya sa mga tao dito. That's why I brought you here. Maybe this is the last time na pupunta ka dito
M: baka sa susunod wala na sya dito, nagresign or lumipat ganun
B: malaki possibility. Actually kung ako, di ako makakapag heal sa lugar malapit sa ex ko. It's on her. And by this time forward, wala ka na pakealam dun.
M: I know. I know that.
Hindi no contact tong ginagawa ko kung palagi akong nagrreminisce hahaha tapos nakakasleep na sya ng maayos ngayon, and that's good.
M: pero overall good exp din tong pride march kasi nakapagvolunteer ako. Nakakapagod lang sobrang daming tao.
B: sobra tapos BINI lang naman pinunta. Sana surprise na lang mga artists sa susunod.
Nag random talks pa kami ni Bonnie, tawa lang sya ng tawa sa mga pinagsasabi ko ginawa pa kong clown?? Nagpatila lang kami saglit at saka umuwi na.
Sobrang sakit sa ulo na experience grabeng lakas ng ulan tapos biglang tila hahahaha solid experience din na nakapagvolunteer tayo backstage. Buti may nag back up sakin nung umulan at nakaalis na kami agad.
GRABE PRIDEEE MARCHHH I FEEL BELONG HAHAHA CHARIZ PEMPENGCO
1 note
·
View note
Text
Justine and Just Him (02)
02 - Not All Magic Wands are Pointy Sticks
2. Start a new hobby
"The first thing you need to know is how to make a slip knot for crochet. You need to cast the yarn onto the hook so you can start crocheting. It's simple. Quickly twist and loop the yarn onto the hook, wrap the yarn under the hook and pull it through the loop to tighten. It will look awkward. But don't worry. Just keep practicing and you'll master it."
"What's that?" biglang dumungaw si Tasha sa cellphone ko. "Crochet? You know how to crochet?"
"Just watching. Ang cute, eh," I reasoned out and locked my phone.
I don't know why but of all hobbies that I could think of—crochet ruled out everything else. At first, I picked cross-stitch but I realized that I'd be needing a lot of threads in different colors to complete a project. So I switched to scrapbooking but eventually gave up the idea because I'm not artistic. In the end, crochet it is. Maybe it had something to do with the crochet bikini top I found on an online shop. It's so cute and I want to own one too. When I read the reviews, others mentioned how bad it was made. And that they could make a better piece. It piqued my interest and searched how to make a crochet bikini top.
Voila! I found loads of tutorial videos on YouTube. Natuwa ako nang malaman na ang dami palang magagawa with yarns and a needle. I don't need dozens of colored threads or adhesive and embellishments like in cross-stitch and scrapbooking. Sa crochet, isang kulay lang ng sinulid at isang hook, marami ng magagawa. Maliban sa bikini top, may bikini bottom din pala. Akala ko kasi dati scarf at mga cover-ups lang ang pwede.
My excitement led me to buy a dozen of yarn, new scissors, and crochet needles of different sizes. I already have a plan. I'm going to crochet a bikini top for my best friends. A perfect present if I could finish them all before Christmas. But I'm confident. It's so easy. Or at least I thought.
"Crochet is mag burda?" tanong ni Nadia.
"Embroidery 'yon. Gantsilyo ang crochet," I informed her.
"Di ba pang-matatanda!"
"Sa matatanda lang ba 'yon?" kunot-noong napabaling si Gevi.
"It's a craft for all ages," Tasha interjected.
Thank God sinabi ni Tasha 'yun. Nahiya ako ng kaunti dahil sa sinabi ni Nadia. I almost revealed that I'm learning the craft to surprise them. Now I'm doubting if they will like it. Do they like handmade gifts?
We've known each other for almost six years now and classmates kami since Grade 7. They went to different elementary schools while I studied here since kindergarten. The bond between us four didn't start great.
Nadia envied Tasha, terribly. Tasha was from Australia and their family moved to the Philippines due to her grandmother's condition. She was so sweet and nice when we first met. Akala ko maldita kasi ang nipis ng kilay at parating mukang mataray. But she turned out different from what I thought.
My seatmate was Nadia. Akala ko ang bait-bait. I mean... she's not evil. But in the next days that we sat together, I noticed her remarks on other people, especially to Tasha. She would often make fun of our classmates who can't answer when called. Ang judgemental niya! Nang minsan pa nagkasama kami mag recess, she eyed Tasha with a raised brow, from head to toe. Her smirk and her eye roll didn't escape my sight. Napatanong tuloy ako kung tama na kaibiganin siya.
I thought it was just that one instance. But during lunch breaks, Nadia's eyes would follow Tasha and comment 'Akala mo kung sinong maganda.' Akala ko ako ang sinasabihan niya nung una. But she was quick to honestly tell me she was referring to Tasha. Wala namang ginagawa ang tao sa kanya pero bakit ang init ng dugo niya sa isa. I was hesitant to ask why she was acting that way towards Tasha. They never talked. So why?
Gevilyn, or Gevi as she prefers to be called 'coz she hates the Lyn in her name, was quiet. She would only talk to you if needed. At ang 'needed' na 'yon eh kung tungkol sa K-pop. The girl is a diehard K-pop fanatic. Ang sabi niya nagsimula lang 'yon nang marinig niya ang kanta ng Big Bang sa isang TV show. And it was the same song they danced to during an event. After that, nagsunod-sunod na ang pagkahilig niya sa K-Pop. She surprised me one day when she approached me and talked about EXO. I'm not a fan but I've heard the name. She told me about them like she's the marketing operations manager of the boy group. I enjoyed her company and realized that she was far from the person I thought at first.
Nadia's envy towards Tasha ended when they were paired for a class activity. I don't know exactly what happened and how Nadia transformed into a different person in a matter of a day. Yesterday she was sneering at Tasha, the next day they're giggling together. I didn't ask her or Tasha. The question is still there at the back of my mind though. Maybe I will when the time is right.
We're currently on a break but working on a seat work for the next subject. I studied each of them. Tasha owns knitted scarves and cardigans. I'm positive she will like a crochet bikini top too. Gevi loves to draw and print shirts. She loves the beach and even posted her photos on IG in a bikini. I guess she will love a crochet bikini top. Nadia... she loves branded stuff. I wonder if she will accept my gift.
Ah! Bahala na. I'll make the bikini top first and worry about it when I'm about to give it to them. Why bother now if it hasn't happened yet? Waste of energy.
**
WHAT A BOLD move to crochet a boho bikini top. I searched for patterns and it only gave me a headache. Iyong akala mong madali kasi yarn at sinulid lang ang kailangan pero sasakit pala ang ulo ko kakabilang kung ilang stiches ang kailangan gawin.
Not only do I need to count the number of stitches. After making a long chain, I have to change stitches in between. There are single crochet, double crochet, and slip stitch.
Natapos ko na ang chain kasi 'yon ang pinakamadaling gawin. Dire-diretso lang hanggang makagawa ng mahabang chain. But the important part of the bikini top is the cup. Iyong tatakip sa dibdib.
"Chain one... turn... single crochet into next 9... three single crochet... single crochet into next 9..." I read the instruction.
Gosh! Ang daming numbers!
Gusto kong ipahinga ang utak ko sa mga numero pero itong ginagawa ko kailangan din pala magbilang. Hindi yata ako tatakasan ng mga numero. Sa school numbers na ang kaharap ko. Even in my new found hobby, numbers pa rin? Ugh!
I went to YouTube. I searched for the easiest DIY tutorial. Iyong less complicated at para talaga sa beginners. I was able to follow on the first two rows. But I got confused when the video skipped and it showed an almost done cup.
"What the hell? Paano naging ganyan 'yan?" I exclaimed.
I didn't notice that I began to sweat. Matindi na rin ang pagkunot ng noo ko kumpara kanina habang nagsisimula pa lang. Sino ba kasi ang hindi mamo-mroblema? I thought I'm watching a step by step tutorial. 'Yong per row ang ituturo. 'Yong sasabayan ang mga beginners sa pag crochet. I don't care how long the video is. I just want a detailed tutorial! Ugh!
Dahil sa sobrang frustration, pinatay ko ang laptop at niligpit ang yarn at needle. I don't want to see them until the week ends. It will only remind me of my impatience.
I was confident that I could finish at least one of the cups tonight. But looks like I have to put this off for the weekend.
**
NAIWAN AKO NI DAD. Hindi naman niya kasalanan kasi hindi naman talaga ako sumasabay or nagpapahatid sa kanya sa school. I forgot he was going to leave earlier than usual today. May school bus kami at gusto ko na sumakay doon. Minsan diyahe lang kung hindi ko maabutan sa labas ng village then I arrive late during homerooms.
It was only 7:15 and the school bus often passes outside the village by 7:30. Hindi ako nagmadaling maglakad papuntang bus stop. Hindi naman malayo ang bahay namin sa exit. At isa pa, ang ganda kaya ng sikat ng araw kapag ganitong oras. Hindi gaanong mainit at masakit sa mata at balat. Nakaka-relax din kasi maraming mga puno. Gusto ko maglakad sa gitna talaga ng daan pero pumapagilid ako kapag may marinig akong daraan na sasak—
Ugh! So early in the morning at siya pa talaga agad makikita ko?
I instantly halted from walking towards the bus stop when I saw him. He was standing there— one hand in his pant pocket and the other on his backpack strap. He was tapping his left foot, probably listening to a song.
Whatever! Dito na lang ako maghihintay ng bus. Malayo sa kanya! I don't know where this annoyance towards him comes from. Just the sight of him could ruin my day. Gosh, Lord. Napaka-early naman nito. Ano ba ang nagawa kong mali ngayong araw, or kahapon? Hindi ko na uulitin.
Minutes after, the bus arrived. Hinintay ko muna siyang maka akyat bago ako naglakad palapit doon.
Bwes— I stopped from mentally cursing. Hindi dapat. I shouldn't. Maaga pa masyado. Kinalma ko ang sarili pagkatungtong ko sa loob ng bus. Iyong pwesto ko kasi inupuan niya. Ugh! I don't like sitting at the back of the bus but now I need to. Ayaw ko siyang katabi!
**
"WHAT IS THE ROLE OF BUSINESS FINANCE?"
Walang laman ang utak ko. I studied last night pero walang na-retain? Alam mo 'yong buong gabi ka naman nagbasa at nag-aral pero wala kang mapiga sa utak mo. And I hate it. What if tawagin ako for recitation? Tapos wala akong masagot. That's embarrassing.
"Para kang ipis! Huwag ka magtago diyan," udyok ni Nadia pero hindi ko siya sinunod.
I ducked even lower behind Felix to hide from our lecturer's sight. Good thing Felix has broad shoulders and he sits straight. I noticed his smoothly ironed uniform. I wonder if he washes and irons his uniform. Hmm, I don't think so. Boys are lazy. Si Kuya nga, eh. Never kong nakitang maghugas ng pinggan or magligpit ng plato niya. He would even ask Ate Elvi to wash his handkerchiefs.
I discreetly tittered when I was reminded of that time. May lalaki kayang naglalaba? I glanced at Mond, the guy sitting beside Felix, and his pants were smoothly ironed too. His right socks took a peek when he moved and it was clean. Hmm, he's a rich kid. Hindi siya naglalaba.
Hmm... wala pa kong nakikitang lalaki na naglala—
Oh... I found him at the laundry shop.
I grimaced. Ugh! Bakit siya pa? Bakit siya na naman? I couldn't contain my annoyance when his face flashed into my mind. 'Yong itsura pa niya mismo na mukhang natatawa nung lingunin ko ang naalala ko.
I shook it off my head and sighed heavily before sitting straight.
"Justine, what are the scopes of financial management?"
Great. Just great!
**
"MUKHA KANG baka na kakatayin!" Nadia's boisterous laugh roared in the hallway.
Ano ba ang mukha ng baka kapag kakatayin na? Silly. I imagined a cow in a slaughterhouse. Ehh... it's gruesome. Sanay na ako sa mga panlalait ni Nadia. Mas malala pa nga noon mga sinasabi niya sa iba kumpara sa ngayon. If there's something I don't want to hear from her, it's her laugh. Her annoying, irritating, and pesky laugh. Iyong malakas na halakhak na nakaka insulto. Ganun!
One time, Gevi shoved a polvoron into her mouth and that shut her up. It was hilarious.
"Nag message ka pa kagabi. Sabi mo nag-aaral ka. Saan na napunta ang inaral mo?" tanong ni Gevi habang nasa pila kami.
I picked chicken cordon bleu for lunch. Favorite kong ulamin kapag nasa school. And we agreed to have it for lunch every Tuesday.
"I don't know really. My mind just went blank," I replied and we went to our table.
"Nasaan ba ang isip mo kanina at nawalan ng laman yang brains mo?" tanong ni Nadia.
"Brain. Isa lang ang brain ng tao, Nadia," Gevi corrected her which Nadia didn't mind. Her eyes are somewhere. "Mabuti nasagutan mo ang follow-up question. Kung hindi, baka nakatayo ka the whole time."
I sipped on my banana milk before responding. "Yeah. Ayun lang din ang pumasok sa isip ko. I should focus. Kailangan ko bumawi."
"Nakatatak ka na kay Ms. Be ready in the next meeting," Gevi advised.
"Your sweet and chili sauce, ladies," Tasha joined us with the sauce for the cordon bleu that Gevi and I forgot. Nilagyan ko naman ng tig-iisang kutsara at tinidor ang mga plato namin.
"Wait! May kukunin lang ako." We all stared at Nadia's retreating back when she hurriedly left.
"Strange," Tasha remarked and started eating.
Yeah, strange. But I just shrugged it off and started eating.
Pero susubo pa lang ako, napapapikit ako kaagad. I look stupid. Probably.
Nakapikit, nakanganga at may hawak na kutsara sa ere nang pumasok siya sa cafeteria. Of all times, why now? On my first bite pa talaga? Hindi ba pwedeng pagkatapos ko na kumain siya magpakita para naman magkaron ako ng gana?
"Are you okay?" Tasha inquired. Napansin niya siguro ang pagbuntong hininga ko. "I thought you like this ulam. Loss of appetite?"
Umiling lang ako at sinimulan na ang pagkain. Pero nawalan nga talaga ako ng gana. Nakakainis. Nasira ang umaga ko nang makita ko siya sa bus stop at umupo pa sa pwesto ko. Kanina sa klase, siya ang pumasok sa utak ko nang may inalala ako. Ngayon naman nakita ko siya bago ko pa isubo ang pagkain ko.
Nawalan ako ng gana. My mood was only lifted when Nadia came back with a box of cupcakes. She didn't tell who it was from. I didn't ask kasi masyado akong naka-focus sa cupcakes.. Nakita ko lang ang nakakatakam na cupcakes, bumalik ang sigla ko sa pagkain. I was able to finish my lunch in a jiffy.
"Ano ang masarap dito?" tanong ko kay Nadia habang hindi ako makapili kung saan sa anim ang kukunin ko. They were all yummy!
"Aba malay ko. Hindi ko pa nga natitikman yan," sagot niya.
May red velvet, may sweet corn, chocolate and ube. I asked Gevi to pick for me and she knows me well because she chose the ube flavor with macapuno on top.
"Saan tayo uupo?"
May dalawang lalaking estudyante na dumaan sa gilid ng table namin. Hinintay ko muna silang makadaan. Kasi ang awkward naman na ngumanga ako habang may paraan no!
"Dito na lang!"
I closed my eyes and sniffed the cupcake.
It smells delectable! It's so sweet at masasabi kong ube halaya talaga ang ginamit dito at hindi ube flavoring lang. Oh, when did I become a pâtissière?
I took a big bite of the cupcake. I was so happy savoring the flavors I didn't open my eyes yet.
Pero sana hindi na lang ako nagmulat ng mga mata ko. Because the second I opened my eyes, I saw him. He was sitting across from me on the table in front of us, behind Tasha.
I stopped chewing when I noticed he's staring at me. When... when did he get there? Nakita niya akong kumagat sa cupcake? Pinapanood ba niya ako habang kumakain?
As if it couldn't get any worse, I choked when he smiled at me.
**
"ARE you okay na?"
"Yeah," sagot ko kay Tasha.
"Tingin ko nabulonan ka kasi ang bilis mong kumain kanina," hula ni Gevi.
Hindi ko naubos ang cupcake. Malaking sayang man kasi masarap talaga pero nang mabulonan ako, patakbo akong dumiretso ng comfort room. Doon ko niluwa lahat ng kinain ko. Pati na ang chicken cordon bleu.
Pakiramdam ko nanghina ako kaagad pagkatapos mailabas lahat ng laman ng tiyan ko. Hindi naman ako nakaramdam ng gutom kaya inubos ko na lang ang laman ng tumbler ko.
But now, I'm famished.
Tasha offered her chicken sandwich. Gusto kong tanggihan dahil alam kong paborito niya 'yon pero paborito ko rin yon at gutom ako kaya tinanggap ko na.
We're still having our P.E. class so I restrained myself from eating the sandwich. But my stomach has been grumbling. Tinatakpan ko na lang ng book ang tiyan ko baka kasi mapalakas ang ingay.
Gusto ko na kainin ang sandwich! One hour pa 'tong klase namin at kakasimula pa lang.
I waited at least 20 minutes for the class to start before I excused myself to go out. Hindi ko naisip kung saan ako kakain. Ayoko naman kumain sa CR. Kadiri! So I went to the back of the gym. May mga concrete table and benches doon na madalas tambayan ng mga students. Medyo tago kasi sa maraming tao kaya paboritong lugar din na pagtaguan ng mga nasa in a relationship status.
I chomped the sandwich with gusto. Hindi ko na ipinikit ang mga mata ko kahit pa sarap na sarap ako sa paborito kong sandwich. Ewan ko ba pero kapag masarap talaga ang pagkain, hindi ko na ma-kontrol ang sarili kong mapapikit. It's like heaven in every bite.
Binilisan ko ang pagkain ng sandwich. If I stay out longer than the given time, I won't be excused next time. And since I left my tumbler in class, dumaan muna ako sa cafeteria para makabili ng maiinom. I bought a cup of sago't gulaman. Maglalakad ng mabilis tapos titigil sandali para makainom ang ginawa ko. I want to finish the drink before I enter back into the room.
Kakatapak ko pa lang ng third floor pero huminto muna ako para maubos ko ang inomin.
"Alonzo!"
Sh*t! The tapioca entered the wrong pipe. Sh*t! Ang sakit sa ilong!
Napaubo ako ng malakas. Gusto kong suminghal pero hindi sa hallway. I ran fast towards the girls' comfort room and tried to sneeze the sago from my nose. Ilang beses ko pang inulit hanggang sa lumabas na nga.
Naluluha ang mga mata kong tumitig sa salamin at hindi mapigilang mapaungot.
This day is infuriating! Ano ba ang ginawa kong kasalanan at sunod-sunod naman ang mga nangyayaring ganito? Ugh! Ang malas ko ngayong araw! At isa lang ang may kasalanan sa kamalasang 'to!
Huwag na huwag siyang magkakamaling magpakita sa 'kin! Kung hindi...
I groaned loudly in irritation.
**
THE REST OF the week went well. I made sure to focus on my priorities. And I made sure not to meet the dork!
Dahil malaki talaga ang paniniwala ko na siya ang dahilan ng mga kamalasan ko nung Tuesday, nagpahatid ako kay Dad sa school, we moved to a different table for lunch, and I used the other stairs going to and from the classroom. Kahit hindi nagtatanong ang mga kaibigan ko, halata sa mukha nila ang kyuryusidad.
Everything worked out. And as I planned for the weekend, I went to the village park and started my crochet project. The breeze was perfect and the sunshine was gloriously warm and mild. I occasionally glance at the kids running and rolling in the grass. They're so cute I want to pinch their cheeks.
It is indeed the perfect day to spend my alone time at the park. This is one of my favorite places in the world. I smiled. "Aside from our house, of course."
"Justine."
Literal na napatalon ako sa upuan ko. Tumigil pa yata ang tibok ng puso ko dahil sa pagkagulat. Pagkalingon ko sa pinanggalingan ng boses, I immediately saw red.
I pressed my lips as I glared at the dork.
Here he is again. He's behind the bench I was sitting on with both his arms resting above the backrest.
Strands of his black hair are slightly blown by the breeze. There's a hint of amusement on his face and that annoyed me.
"Ikaw na naman?! What are you doing here? I avoided you for a couple of days tapos magpapakita ka na naman! You are the jinx in my life! Ano na namang kamalasan ang dadalhin mo ngayong araw na 'to? Ha? Ano?"
"Justine."
Napukaw ang atensiyon ko at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya. I tried my best to calm myself. I need to be calm so I took a deep breath. This is my me time and I don't want it to be ruined by just anyone. But... but what should I do now that he showed up in front of me again?
Don't mind him, Justine. Just act you neither saw nor heard him. Don't let him completely ruin your day.
But he has already ruined it! Just seeing his face is enough to spoil this afternoon.
Ibinalik ko ang atensiyon sa ginagawa ko. Pero agad ding napatigil. How many stitches again? What was the last count? How many rows have I already made?
I... I forgot. I lost count.
"What are you doing?" he asked.
I continued stitching even if I already lost count. I just need to do something else and not be distracted. Minutes passed and the silence was deafening. I silently hummed inside my head any song I could think of making up a tune just to occupy my mind.
"That looks nice."
I'm the one making this. Of course, it is nice. I fought a smile after hearing praise for what I'm working on. Then I remember I shouldn't notice his presence.
Labanan mo, Justine! Act like he's not beside you.
Hmp! I don't need your compliment.
Nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa hanggang sa hindi na ayun sa pattern ang kinalalabasan. Binuksan ko ulit ang cellphone ko at pinanood ang video tutorial kung paano gawin ang cup. Nilakasan ko ang volume ng pinapanood ko dahil hindi ako nagdadala ng earphones kapag nasa park.
I tried to focus on what I was watching but the dork's presence was so strong that I forgot the number of stitches for the corresponding rows. So I kept on moving back to the beginning of the video and memorized the number of stitches I have to make.
"You're making a bra?"
I was slightly startled upon hearing his voice. Then, my forehead creased because he thinks I'm making a bra? Nanonood siya sa pinapanood ko? I want to correct him.
"I'm making a bikini," I emphasized without glancing at him.
"A bikini bra."
"A bikini top."
"It's the same."
That silenced me. Yeah, it's the same. No use bickering with him. Ugh! Kainis!
"Are you gonna wear that?"
I paused what I was doing and pursed my lips. This... this guy is testing my patience. I took a deep breath before I faced him. But it was a bad move. Nagkatitigan kami mata sa mata kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Kailan pa siya nakatingin sa 'kin? Kanina pa ba? Bakit siya nakatingin sa'kin? May dumi ba 'ko sa mukha? May kanin ba sa pisngi ko? May muta ba 'ko?
Justine, calm down.
"Anong ginagawa mo rito?" I calmly asked, without looking at him.
"It's nice here," he answered.
"Mas maraming magandang spots kesa dito. Doon ka."
"This spot is the nicest."
Hindi pwede! This spot is mine! I wanted to yell it to him but it would be a waste of energy. Ano ba? Bakit ba siya nandito?
I took a deep breath. Again. I reminded myself that this should be a peaceful and calm weekend. This should be my time to relax after a week-long of computing, memorizing, and reviewing. And this guy beside me is not part of the relaxing week I planned.
Pero anong magagawa ko? Nandito siya. Nasa iisang village kami nakatira. And it's not like I own this park para itaboy o paalisin ko siya. And this bench isn't exclusive to me. It's unreasonable of me to think this is mine. So... yeah. I have to deal with him. Again.
Thank goodness he didn't ask more after that. I didn't even notice when he left. Well, tama talaga ako na aalis siya kung hindi ko papansin. Everybody should learn the art of deadma. It truly helps.
The next day, I went to the park again. Nag-isip pa 'ko kung lilipat ako ng ibang pwesto baka makita ko na naman ang isang yon.
Pero bakit ako lilipat dahil sa kanya? Hindi naman sa kanya ang park at lalo na ang bench na yon. So like any normal person would do, I went to my favorite spot in the park and continued my crochet project.
It was already four in the afternoon when I noticed dozens of people walking towards the village chapel. Mga magsi-simba. Marami na ring mga batang naglalaro sa park, naghahabulan at naglalaro. Pumasok sa isip ko ang mga panahon na kasing edad ko rin sila at nakikipag-laro sa kapitbahay namin noon. And then Kuya came into my mind. If the rumors were true, I bet he's here and watching over his kid or kids.
I heavily sighed. Kapag naiisip ko si Kuya, either naiinis lang ako or natatawa sa kanya. Kaya para hindi ko na siya problemahin, tinuon ko na lang ang buong atensiyon ko sa ginagawa. Hindi ko napansin ang oras sa sobrang tutok ko sa ginagawa. Napa-angat lang ako ng tingin nang tumunog ang kampana sa chapel hudyat na tapos na ang misa.
Nang ibalik ko ang atensiyon sa ginagawa, napapitlag ako. Someone's sitting beside me. Who else? The dork of course. I just rolled my eyes when our eyes met. Iyong ngiti pa niya na nakakairita kasi mukang masaya talaga siya na nagulat ako sa presence niya.
Ilang beses na akong nag single stitch and I lost count again. Kaya kinalas ko muna at para mabilang ang gagawin ko sa bagong row.
I didn't know how but I was focused on what I was doing. Hindi ko na napansin kung sino ang nasa tabi ko. Basta bilang lang ako ng bilang sa stitches na kailangan. Malapit na 'ko matapos sa unang cup nang may marinig malapit lang sa 'kin.
Napa-angat ako ng tingin at napangiti nang makita ang mga batang tatawa-tawa habang naghahabulan. Sa hula ko, mga nasa pito hanggang siyam na taon ang mga batang lalaki at babae. Ang iba sa kanila madalas kong makita sa park. Ang ilan naman ay napapansin ko lang kapag nagjo-jogging ako sa village.
"Do you want to join them?"
I just rolled my eyes. Ang wrong timing talaga ng lalaking 'to. Binalik ko na lang ang atensiyon ko sa ginagawa. Pero nakalimutan ko na naman ang number of stitches na nagawa ko na! Last five rows na lang, e.
Tinuloy ko ang pag stitch pero hindi na pantay. Hindi na kagaya sa gusto ko ang kinalabasan. Kinalas ko ulit para mabilang mula sa umpisa ang kailangan kung gawin na stitch.
"Why do you keep on untangling the thread?"
"I lost count." Wait... Pinansin ko siya. Sinagot ko ang tanong niya. Pero hindi dapat, e!
Hindi ako nagpahalata na nagulat sa sarili kong ginawa. Itinuloy ko ang ginagawa at nagsimula ulit mag crochet. This time, with the right number of stitches for the row. And when I finished the first cup, I felt relieved.
Finally, the first cup. Ang dami kong pinagdaanan para lang matapos ka. Ang daming naging sagabal para lang magawa kita. Sana kasya ka sa boobs ni Nadia.
Mahinang natawa ako sa naisip ko.
"You did right this time?"
Napatigil ako sa pagtawa. Epal talaga nitong katabi ko. Ang ganda ng moment ko, e. Nagce-celebrate ako sa small achievement ko, tapos biglang sisingit.
Bakit ba hindi siya makipag habulan sa mga kiddos?
Inilagay ko sa tabi ang natapos kong cup. Iyong tote bag ko na sa gitna naming dalawa. Tyaka kinuha ko ulit ang thread at ang isang hook para simulan ang isa pang cup.
"Is this the finished product?"
Napabaling ako sa kanya at nakitang hawak niya ang natapos kong cup. Inagaw ko at nilagay pabalik sa tote bag. Pakialamiro!
"That's just one of the two cups. Can you not touch which isn't yours?"
Kunot ang noo niya na nandoon pa rin ang tingin sa tote bag ko.
"That's small. Is it enough to cover?"
"The thing is... iba-iba ang cup sizes namin," I answered without looking at him. "Tasha and I have the same cup size. B. Pero si Nadia malaki ang cup size niya. Pareho sila ni Gevi na D. So the measurements aren't the same. I have to stitch more for bigger cup sizes."
I paused and realized, why the hell am I even explaining this to him?
Tumingin ako sa kanya. "What's wrong?" I asked when he raised his head.
His lips were tightly pressed and his brows drawn in one line. Parang may sinabi akong hindi niya nagustohan? Or ako lang talaga nag-iisip nang ganoon?
"Nothing," sagot niya sabay iling at umiwas ng tingin.
Weird.
A ball rolled near us. Agad siyang tumayo at kinuha ang bola at tumakbo palapit sa mga batang naglalaro.
Ayan! Doon ka! Sumama ka sa mga bata.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. I was done with the first three rows when an elderly sat down beside me. Medyo nagulat pa 'ko dahil hindi ko naramdaman na may lumapit na pala. Inayos ko ang mga gamit ko para maka-upo siya ng maayos.
I heard her slightly groan as she leaned back. Her cane was positioned between her slightly parted legs. From holding the cane, she rested one of his hands on the armrest of the bench.
It seems to me she walked a mile and needed to rest.
She glanced at me and smiled. Contrary to what I noticed earlier, her milky eyes gleamed with energy. Her smoky-grey hair is neatly combed in a bun. Ang ganda rin ng damit niyang bistida na may bulaklak malapit sa laylayan ng mga manggas at paldang suot niya. Bagay na bagay sa edad niya. Siguro mga nasa sixty na siya or nearly seventy but she still managed to look and smell clean. Amoy powder siya actually kumpara sa ibang matatandang nakatabi ko.
I smiled back at her and nodded.
Bumaba ang tingin niya sa hawak ko bago bumalik ang mga mata niya sakin. "Naga-gantsilyo ka?"
Mahina at mahinahon ang pagkakatanong niya. Parang ang bait niyang lola.
Nakangiti akong tumango. Bumuka ang bunganga ko para sana magsalita pero nahiya ako na sabihin kung ano ang ginagawa ko. Baka kasi conservative si Lola at ayaw niya sa mga biki-bikini.
"Swimsuit ba yan?" tanong niya.
Ngumiti ako. "Bikini. Yung pang-taas lang."
Ngumiti siya na may pagka mangha. "Sexy, a. May ganoon na pala ngayon? Dati mga bonnet, bandana at punda lang nagagawa ko. Mayron na palang bikini? Ang galing naman. It just proves that not all magic wands are pointy sticks. Ang daming nagagawa ng isang hook."
"Marunong po kayo mag-gantsilyo?"
"Oo, ayan ang pinagka-abalahan ko ng ilang taon tuwing bakasyon at nang tumigil na ako sa trabaho."
"Bakit hindi niyo na po pinagpatuloy?"
Umiling siyang nakangiti. "Hindi na. Maliban kasi sa nangangalay na ang mga kamay ko, hindi na rin klaro ang mga mata ko."
Tinignan ko ang mga kamay niya. Her fingers are slim and veiny. Probably caused by years of crocheting and work. Will my hands look the same if I continue this hobby for years? Maybe. It's not a bad thing. Kung pumangit pa ang mga kamay ko, idadaan ko na lang sa manicure kagaya ng kay Lola na naka-bloody red pa ang nail polish. Huwag lang maglaba talaga.
"Sino nagturo sa'yo?"
I sheepishly smiled. "Ako lang po. Nanood lang sa YouTube."
Her lips shaped in 'o'. "Self-taught. Ang galing mo kung ganoon. Kailan ka nagsimula?"
"Last week lang po. Ilang beses akong umulit kasi hindi ko kabisado kung ilang chains ang kailangan gawin sa kada row." Napasimangot ako. Kasi naka-ilang beses pa talaga ako bago ko natapos ang nag-iisang cup lang. "Isang linggo na nga po akong gumagawa nito, pero ito pa lang iisang cup ang natapos ko." Ipinakita ko mula sa tote bag ang unang nagawa. Ikinuwento ko rin kung bakit ito ang gusto kong gawin.
Inusisa niya ang gawa ko. "Natapos mo 'to sa loob ng isang linggo? Magaling." May pagkamangha sa boses niya habang nakatingin sa gawa ko bago bumalik ang tingin niya sakin.
Tumatango-tango siyang nakangiti. "Trial and error. At the beginning, you weren't sure how it will turn out, right? Ganyan din ako noong una. Hindi ko nagustohan ang kinalabasan ng mga ginawa ko. Ang sabi sakin, 'Sige lang. Ituloy mo lang'. Hanggang sa nalaman ko kung saan ako nagkamali at inayos ko . Ang mga sumunod kong gawa, kagayang kagaya na ng gusto ko. Napagtanto kong, hindi ako makakabuo ng mga magagandang disenyo kung hindi muna naging palpak ang mga nagawa ko."
"Oo nga po, e. Medyo mahirap nga din po pala ito. Akala ko madali lang. Pabalik-balik nga po ako sa umpisa. Ilang beses ko din pinagtatanggal at binalikan ang unang stitch. Pinapanood ko ulit ang video tutorial para makita ko kung saan ako nagkamali ng bilang."
Ngumiti ulit siya. Iyong ngiti na maganda at magaan sa pakiramdam. "That is actually one of the lessons I learned in crochet. It's okay to start over. You can undo and redo your projects. You can start again if you know where you did wrong. At maganda na binabalikan mo ang pinanood mo para maitama ang pagkakamali mo."
Bumaling ang tingin niya sa mga punong nasa tapat namin. Feeling ko tuloy ang lalim ng iniisip ni Lola at bumabalik siya sa retro age. "The ability to start over. Noong minsan akala ko nasa tamang daan ako. Pero dumating ang araw na hindi ko alam kung ano na ang susunod kong gagawin. Bumalik ako sa pinanggalingan ko at humingi ng tulong sa iba. Dahil sa kanila, nakapag simula akong muli."
Bakit parang hindi na tungkol sa crochet ang sinasabi niya? Her words are coated with wisdom that she probably learned through experience and age.
Nakangiti ulit siyang tumingin sakin. "If you ever get stuck, just take a pause and acknowledge that you need help. And be brave to ask for it. Maybe that's how you can start over again."
It's definitely not about crochet anymore. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Ngumiti na lang ako at tumango para mag agree. Well, I get the message she wants to convey though and it's not every day I meet a lola.
"If you're having a hard time with the bikini top, it's never too late to make something else. Your best friends won't mind if you give them anything that you worked hard for. Magaling ka. Pero sigurado ako mas may igagaling ka pa."
Mas lalo akong napangiti sa sinabi ni Lola bago siya nagpa-alam na uuwi na. May sumundo sa kanyang batang babae, siguro apo niya o kasambahay nila.
I felt proud of myself. Someone praised what I did. Ganito pala ang pakiramdam no? Kahit hindi mo kakilala kung pinuri nila ang isang maliit lang naman na bagay na nagawa mo, nakaka-overwhelm. It motivated me to continue the hobby.
NANG maka-alis si Lola, tiyaka ko lang na-realize na hindi pala kami nagpakilala sa isa't-isa. Pero di bale, nasa iisang village lang kami. Malamang magkikita kami ulit.
Pinagpatuloy ko ang paggawa ng pares ng unang cup. Medyo naguluhan ako kasi hindi ko namemorize kung ilang stitches ang kailangan at ano ang susunod na stitch ang gagawin.
"Does it have to be a bikini top?"
Sinimangotan ko siya kaagad pagkatingin ko sa kaniya. Hindi naman nagtagal at pinanood ko na lang ulit ang tutorial. Focus na sana ako pero naramdaman kong umupo na naman siya sa tabi ko. But I shook off the bad vibes from my head. Masyadong maganda ang araw na 'to para maging maldita ako.
"Is this a bracelet?"
When I turned to him, he was holding the long chain I made. Iyon lang sa tingin ko ang malinis at pinaka-tama kong nagawa simula nang umpisahan ko 'to. Ang simple lang naman kasi kailangan lang i-braid.
"Hindi yan bracelet. Ibalik mo nga yan sa bag ko," utos ko sa kanya. Pero ang gago ipinalibot pa sa pulsohan niya ang chain.
I was about to stop him until an idea came to mind. From the video I was watching, I searched for 'crochet bracelet'. There wasn't plenty of what I was expecting but I watched one tutorial and it was easy. Well, I said the same thing for the bikini top but ended up having a hard time finishing a cup. But it isn't too late to start again and try something new, right? Just like what the grandma told me earlier.
Pero akalain mo nga naman. Itong lalaki pa sa tabi ko na dine-deadma ko ang nakatulong sakin. Let's not tell him that. Deadma ko nga siya, di ba? Mabuti nga umalis na naman siya at sumali sa mga batang naglalaro ng dodge ball. Such a kid.
Kinuha ko ang chain na gawa ko at ipinalibot sa pulsohan ko para gawing wrist band. It looks good on my wrist. Nakaka-puti ang mint na color ng sinulid.
I think I can do this. Madali lang gawin ang wristband based on the tutorial I watched. I think I can finish one in less than a week. With the beads, I have lots of them at home from my old and broken bracelets. Okay, final na. I'll be making beaded crochet wristba—
Sheet! One whole sheet of pad paper!
My world rocked back and forth cutting off my thoughts after a ball smacked on one side of my cheekbone and leaving it numb. I didn't see the ball coming. It happened quickly after losing the wristband from my wrist. And when I raised my head, the ball struck me uninvited.
Mabuti na lang at nakapikit pa ko. Hindi ako nakaramdam ng sakit pagkatapos akong matamaan pero tatlo hanggang limang segundo ang nakalipas, nakaramdam ako ng kirot sa kaliwang pisngi ko at malapit sa ilong.
I opened my eyes wider and shook my head to regain awareness of what happened. Then he went near me.
"Justine, okay ka lang?"
Tinignan ko siya ng masama.
"Okay?!" Tumayo ako na medyo nahihilo pa at hinarap siya. "Ihagis ko kaya ang bola sa mukha mo at malaman mo kung gaano kasakit ang ginawa mo!"
"It was an accident. We were playing an—"
"Pakialam ko kung naglalaro kayo? Hindi mo man lang naisip na may mga tao rito sa park at baka matamaan ng bola? O baka hindi ka nag-iisip kasi sinadya mo?!"
"No! I didn't do it on purpose."
"Ikaw naman tamaan natin ng bola. Tignan ko kung hindi mayanig utak mo!"
"Look, it was an accident. It wasn—"
"Shut up! Instead of saying it was an accident, why don't you apologize? Baka sana naging maayos pa ang pakiramdam ko kung humingi ka ng sorry at—
"I'm sorry," he cut me off.
The ball in his hands caught my eyes that my jaw clenched and my fists into a ball. I'm panting from anger and I couldn't calm myself now. I already lost my temper. I can't tell if he's sincere with his sorry but even if he is, hindi ko magawang magpatawad kaagad. Masyadong mainit pa rin ang dugo ko sa kanya.
"Too late. If I didn't ask you to apologize, who knows kung ano pang excuse mo!"
Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko. Wala na akong pakialam kung magka buhol-buhol pa ang mga threads ko basta nilagay ko lang lahat sa loob ng tote bag at mangiyak-ngiyak na umalis ng park.
Ang sakit ng pisngi ko. I kept on pausing from kicking my scooter to softly wipe away my tears. Masakit at mahapdi kasi kapag madiinan.
When was the last time I was this furious? I've always tried to be calm because I don't want to shout or yell at someone. I know how horrible it feels, especially when being shouted at in public. It's embarrassing. But I just couldn't help lashing out at him for what he did. It was rude of me to shout at him while he remained calm.
Parang ako pa yata ang naging mukang masama. Pero masama na kung masama. Basta nailabas ko ang galit ko. Masakit kaya ang pagtama ng bola sa mukha ko. Akala niya malambot ang bola? May kasama pang lupa at damo. Bwesit!
When was the last time I was this mad again?
Oh great!
It was with him.
He hurt me again.
He always awakens the beast that I'm trying to calm inside me.
Just him.
***
Be proud of yourself if you get the hang out of crocheting or any other craft you are trying to learn and enjoy. You created something and it deserves to be celebrated; small or big.
Here is a video tutorial on basic crochet lesson:
0 notes
Text
Aray.
Aaray ka minsan kapag nakikita siya At ‘di mo na makita ang dating saya Saya ng nakaraan na ngayo’y nababalot na lamang ng nakabibinging katahimikan ‘Di mo maintindihan kung paano
Iiling ka sa sakit Kapag kausap mo siya at wala na ang sigla Bakit hinahanap-hanap bawat saglit Ang mga bagay na wala na?
Pilit mong kukulangutin sa utak ang mga tanong na ‘di na mahalaga Tulad ng iyong halaga Kung mayroon ba talaga? Aaray ka minsan
Sasakit ang ulo Kakaisip sa kanya At sa mga tanong na nambubulabog araw at gabi Mapapakamot ka na lang sa anit
Bubuklatin ang bulsa, titingin sa paligid Ano ba ang mali? Maghahanap ng sagot sa hangin At hangin na lang din ang babalik
Kikirot ang puso mo pagtanaw sa salamin Makikita ang isang taong nais lang din mahalin Tulad ng ginagawa niya madalas; Walang kasing sakit
Aaray ka minsan.
12 notes
·
View notes
Text
Mama
Si mama na yata yung pinakamatibay at pinakamapagmahal na taong kilala ko. 9 yrs old na ko nung tinapat ako ni mama na may asawang iba si papa at may nakatatandang kapatid pala ako kay papa. 9 yrs old na din ako nung nakilala ko sila. Nung hs, galit na galit ako sa tatay ko. Nagkakaisip na kasi e. Tsaka naiisip ko palang yung idea na pinagbubuntis na ko ni mama nung nalaman ni mama na may asawa pala si papa e umiinit na ulo ko. Rebelde ako nung hs. Ayaw na ayaw ko kay papa. Si mama, sobrang haba ng pasensya at pag iintindi sa nararamdaman ko nung mga panahon na yun. Minsan nga pag nag ooverthink ako, naiisip ko kung minsan ba e naisip ni mama na ipalaglag ako nung nalaman nyang may asawa pala si papa? Minsan sinisisi ko yung sarili ko na ako yung bunga ng pagkakasala ni papa. Pero hindi dapat ganun. Pinalaki ako ni mama ng punong puno ng pagmamahal at pag aaruga. Nitong mga last yr ko nung hs nung naintindihan ko na na wala nang magagawa dun, ayun na yun e. Tinanggap ko na lang. Sobrang idol ko si mama. Sobrang tatag nya kasi napalaki nya ko ng mag isa. Na ginive-up nya yung pagtatrabaho sa Saudi para sakin. Na pinili nyang dito lang magtrabaho sa malapit samin para lang mabantayan ako. Si mama? Hmm di naman sya mahigpit sakin. Katamtaman lang. Nung hs, lagi akong nasa kalye twinv gabi, inis na inis ako pag nagtetext kagad si mama na pinapauwi na ko. Nitong college e si mama naman nangungulit na lumabas naman ako sa bahay paminsan minsan. Noon pa man, pinapayagan na nya ko pumunta kung san san, basta kilala nya kung sino mga kasama ko at makokontak nila kami. Astig nya nga e. Haha. Minsan nga, siya pa naghahanap ng lusot kay papa sa twing may magoovernight ako sa mga bahay ng mga kaklase ko sa twing di ako nagpapaaalam kay papa. Si mama kasi nakakaintindi na di na ko baby. Kulit kasi ni papa pag nagpaalam ako na overnight e pinapasama pa si mama. E si mama, chill lang yun siya hahanap ng lusot ke papa. Sobrang supportive ni mama sa lahat ng mga gusto kong gawin. Tulad ng pangkanta, kita naman sa mga nakaraan kong posts di ba? Hard yan sakin pero sa ibang tao di ko alam na pinagmamalaki na nya pala ako. Si mama katulad ko din yan e. Ambivert. Minsan introvert, pero madalas extrovert. Madaming kakilala nyan, marunong pa makisama. Nagiging introvert lang naman yan pag ayaw nya makisama kila tito kasi nga sasakit lang ulo nya kasi mga lasing. Speaking of lasing, siya lagi tagapamagitan sa twing may nag aaway na lasing sa pamilya namin. Great example e yung si papaudi at papatoy. Nakp pag yan si mama pumagitan na sa away e wala na mananahimik na yang mga kapatid nya haha. Cool. Sa labas, di mawawalan yung may babati sakanya. Kasimbahan, kazumba, katrabaho o kaya naman e mga estudyante! Sa dami ng mga taga main na nabati sakanya sa daan e aakalain mo na teacher sya. Pero hindi. Nagtatrabaho siya dun sa canteen ng school na yun. Tas ayun syempre si mama maloko yan maraming nagiging tropanv estudyante yan na laging nasa labas ng classroom. Astig talaga ni mama haha. Basta, ang astig ni mama. Mahal na mahal ko siya. Yie. Nakakainis kasi di ako expressive sa totoong buhay. So ayun lang. Mama ko nga pala, ang superwoman ng buhay ko.
5 notes
·
View notes
Text
Chaotic Thoughts in my Head That Do Not Make Sense...At All (But I need to let it out).
Hindi ako makatulog.
Sa totoo lang, hindi ko na mabilang ang mga gabing mulat ang mga mata kong papungay-pungay na at ang gising kong utak na hindi mapirmi sa kakahanap ng mga tanong na hindi kailanman masasagot.
Ang totoo niyan, ang gulo ng isip ko. Humihilab ang kirot na nararamdaman ko loob ng ulo ko. Gustuhin man ng katawan kong magpahinga ngayong gabi, ang utak ko pa rin ang namamahala.
Putang ina talaga.
Minsan napapagod na rin ako sa ginagawa ko. Ilang beses ko na bang inayos ‘tong body clock kong ito? Ilang buwan na rin. Pero ‘eto ako, bumabalik pa rin sa aking adiksiyon.
Hindi na ata talaga ‘to mawawala sa akin. Ang dami rin kasing mga factor kung bakit hindi ako makatulog. Una na siguro itong ginagawa ko; ang pagtitipa na naman sa keyboard at hinahanap ang tamang salita sa dagat ng magulo kong pag-iisip. Pwede rin naman ‘yung hilig ko sa pags-scroll sa timeline. Ewan ko ba minsan. Na-e-enganyo rin akong manuod at magbasa ng mga post online. Wala lang, minsan kasi interesado rin ako sa mga paksang pinapakita sa internet. Minsan nakaka-eduka, minsan for entertainment purpose only tapos minsan sasakit na lang din ang ulo mo dahil sa kababuyan ng mga lalaki. Pero siguro, kaya talaga hindi rin ako makatulog kasi blangko ang utak ko. Lumilipad. Napupunta sa kung saan. Parang gusto na talagang lumayas nang tuluyan sa magulo kong isip.
Hindi ko maipaliwanag nang maayos, sa totoo lang.
Pero naranasan niyo na ba ‘yon? ‘Yung hindi ka makatulog dahil blangko ang iyong isipan? Ang gulo ‘no? Paano kaya iyon? Hindi ba dapat doon ka makakatulog ng mahimbing? Dahil wala kang iniisip?
Ewan ko talaga, putang ina.
Kaso minsan, ganoon talaga ang nararamdaman ko. Nakakapaksyet kasi sobrang walang sense pero kung tutuusin maiintindihan mo iyon kapag ikaw na mismo ang nakaranas. Sa totoo lang, nakakapagod din na wala kang iniisip. Nakakabother kumbaga.
Kaya nga minsan, sa tuwing naaalala ko yung linya sa isang fliptop battle and I quote: “Kaya hindi ako natutulog kasi binabantayan ko lang ang sarili ko.” Tang ina, ang bobo talaga pakinggan no’n pero it makes sense...somehow.
Kasa sa totoo lang, totoo naman e, minsan, kaya hindi rin ako makatulog kasi binabantayan ko ang sarili ko. Not because of the monsters under my bed, but the monsters inside my head, slowly devouring the little sanity that I have in my system. Natatakot din ako minsan sa sarili ko, e. Delikado.
Minsan, iniisip ko rin na kaya hindi ako makatulog kasi mag-isa lang ako sa kuwarto. Ang lungkot, e. Ang tahimik. Ang dilim. Magulo.
Gaya ng personality ko kapag mag-isa lang ako.
Charot...1/2.
Ayoko na nga. Ang haba na nito. Wala nga ring sense, e. Pero ito lang take ko sa mga maaring makabasa nito: Ito’y sinulat ko habang malapit na mag-shut down ang utak ko. Ibig sabihin, antok na talaga ako. Ang problema, hindi ako makakatulog nang tuluyan kung hindi ko ilalabas ang words sa utak ko. Nakakapraning kasi, e. Para na rin akong sabog. Pero bakit ba, wala ka na dapat doong pake. Nakikibasa ka na nga lang, e.
Ang gusto ko lang din sabihin sa’yo: paksyet ka.
Biro lang. Basta, kung naghahanap ka ng sign na matulog o may gawin kang kung ano d’yan, ito na yung sign mo. ‘Wag mo na akong gayahin na matutulog nang misirable. Hindi mo deserve ‘yun.
Ayun lang.
Bahala ka na.
Kaya mo ‘yan.
Bianca. 08242020. 0557AM.
0 notes
Text
SEE THINGS BEAUTIFULLY
Everyday is not always good. Sometimes, things happen unplanned. Agree or not, most of the time, things happen differently from what we have planned. Kaya minsan naiisip ko na wag na lang magplano. Kasi ang sakit pag hindi natutuloy. Parang yung plano niyo ng barkada na forever drawing. Lumipas na ang maraming taon, hindi pa rin nakukulayan. Mas masaya yung hindi pinag-usapan pero natutuloy. Do you get what I mean?
Wala lang. I just realized that most of my plans won’t happen. It breaks my heart, makes me sad and disappointed. Yun bang excited ka na sa isang bagay na naka plano na pero biglang hindi mangyayari. Nakakainis ‘diba?! I know some of you guys reading this agree.
What’s the point of this post? I just want to share a part of what my day went. My plan was made 2 weeks ago. Na-move ng na-move until finally, I thought that today will be that day. I thought that everything will be settled today. But I was wrong. It wasn’t settled. [I know some of you are curious of what I’m talking about but yeah, it’s for the better]
Gusto ko na ma-badtrip kanina. As in! Why? Nag-absent lang naman ako sa work just to fix that thing. Akala ko kasi maaayos na today. But noooo! Pinipilit kong wag sumimangot. I took a deep breath upon leaving the bank and suddenly shifted my negative mind to more positive one.
Maybe it’s not yet the right time. May dahilan kung bakit hindi na-settle today yung ilang linggo kong pinlano. Siguro kailangan bawasan ko ang pagiging excited sa isang bagay para hindi nauudlot. Siguro kailangan ko rin itikom ang bibig ko at itago yung excitement na nararamdaman ko sa sarili ko lang. Parang naiisip ko na siguro nahahaluan ng negative vibes yung mga plano ko pag sinasabi ko sa iba. Lahat yan pumasok sa isip ko kanina.
In the brighter side, I finally agreed with my mind. Sabi ko na lang sa isip ko na, baka nga hindi ito yung tamang araw to settle things. Hindi ko kailangan magmadali, mahaba pa ang araw ng deadline. In the end, my day wasn’t bad at all. Naging masaya ako ngayong araw na ‘to kahit hindi umayon sa plano ko. Besides, it’s not my plan that’s bound to happen. It’s always God’s plan.
See things beautifully despite all the sadness and negativity that we feel. Kung nalulungkot ka dahil sa lamig ng panahon, cover yourself up and enjoy a movie while drinking a hot drink. Kung masyado kang naiinitan, go find yourself a cool dessert. Kung hindi matuloy ang plano mo mag beach, edi go somewhere else. We are living in a stressful world, don’t add too much stress by thinking to much. Divert your attention to something that will make you feel better.
Honestly, I’ve suffered migraine for more than 24 hours. Nakakainis diba? Pero lalo lang sasakit ang ulo ko kung iintindihin ko yun. Pinili ko na lang mag-enjoy sa naging lakad namin kanina.
Gets niyo ba ‘to? Hahaha! Ewan. Bahala na kayo umintindi. I just need to make this blog alive and vent out what I felt today. Sayang yung thoughts eh. Kailangan ko lang talaga ilabas.
So yeah. I hope you get something in this come-back post.
0 notes
Text
Wag ka ng mainitin ang ulo. Habaan mo pasensya mo.
Una siguro sa mga dapat mong baguhin ngayong taon ay yung pagiging mainitin ng ulo mo. Hindi naman ikaw ganyan sa ibang tao pero pag nasa pamilyar kang teritoryo, kung saan ka komportable, dun mo binubuhos yung kulo mo. Kung sino pa yung may pakialam sayo, yung nag aalaga sayo dun ka pa tinotopak madalas. Alam ko naiinis ka minsan kasi dapat alam na nila yung ayaw mo at hindi. Pero dapat maging maintindihin ka pa rin kasi sila ang permanente sa buhay mo. Simula pa nung hindi mo pa alam magalit hanggang sa ngayong konting kibot pumuputok na agad ang buchi mo, nandiyan lang sila. Dapat ipasok mo sa kukote mo yan. Hindi ko sinasabing hindi ka na pwedeng magalit, mainis at maubusan ng pasensya. Ang sakin lang, dapat mas mahaba yung timer mo bago ka sumabog. At kung malapit na talaga, magisip ka muna bago ka gumawa ng isang bagay na gagawin mo pag malapit ka ng magalit. Lumayo ka na lang at wag ka na kumibo. Pero wag mong kimkimin palagi. Minsan dapat ilabas mo rin. Pero sabi ko nga sayo, bago ka magalit intindihan mo muna sila. Sasakit lang puso mo kapag lagi kang galit o mainitin ang ulo. Kaya sana matutunan mong palamigin ang ulo mo kung ito ay malapit ng uminit. Hay. ~0127
0 notes
Text
g a h a m a n
12pm
I feel like I’m the worst person in the world. First of all, I didn’t expect that everything would turn out to be like this and I feel like you’re blaming me for having him in our life. Second, I’m not forcing you to take care of him. If from the very first place you don’t like taking care of him, why do so? Its okay and I would accept it but humiliating me in front of the people you love hurts me so much. I feel like a worthless person and there’s nothing I can do to help you feel better if it weren’t your favorite ones. I’m so sorry that I ran out of everything and there’s nothing I can give to your favorite ones. I’m just a person. A person who does not yet have work. A person who deserves something better. Not being caged like a mom who needs to sustain all their fckng needs. I have MINE too. But, kahit minsan ba tinulungan ka nila kapag nangailangan ka? kapag nangangailangan ako? Bullcrap. Hindi diba? Parehas lang tayong nahihirapan kasi wala tayong mahingi-an ng tulong. Pero bakit ganon, pakiramdam ko kasalanan ko pa kung maubusan ako. Pakiramdam ko kasalanan ko na di ko kayang mabigay yung mga luho ninyo. Pakiramdam ko, malaking EPAL lang ako sa buhay ninyo. na, bakit pa kasi dumating ang isang TULAD ko sa buhay ninyo. Nahihirapan na nga kayo, dadagdagan ko pa yung sakit ng ulo ninyo. Sht. Oo, di ako masipag. Parang buhay prinsesa ako kahit ‘di niyo sabihin sa akin ng direkta, pero may pinagka-iba ba yun sa mga paborito mo? Ginusto ko ba ito?? HINDI. Lahat naman ginagawa ko, sinusubukan ko. Sadyang nagkakataon lang na ‘di ko talaga kaya. Nagkakataon lang na madami rin akong inaasikaso. Estudyante ako e. Pero at least aminado ako at nakokonsensya talaga ako na di ako nakakatulong and I feel really sorry for all of it. E sila? kaya naman nila pero bakit ‘di nila gawin? Ni maliit na utos mo nga di nila magawa. Sasakit na boses mo kaka-utos pero wala parin. Hanggang sa ikaw na mismo ang gagawa ng inuutos mo. Pero bakit ganon? Sobrang mahal mo sila kahit harap-harapan ka na nilang niloloko. Tapos yung tipong kahit na sobrang galit mo na sa kanila pero kapag nangailangan sila, halos di ka mapakali sa sobrang awa mo sa kanila. BULLSHIT. Tinitiis ko lahat, pero kahit na walang-wala ka na, basta mabigyan mo lang mga paborito mo, kontento ka na. Bullshit naman oh. When infact, hindi naman sila kaawa-awa. Ikaw nga po ang kawawa, hindi niyo po ba nakikita? Well fuck, pakibuksan po yang mga mata ninyo ng magising kayo sa katotohanan na pilit na gumigising sa inyo pero hindi niyo binibigyang pansin. Mga taong may totoong pakialam sa inyo pero binabalewala ninyo. Mga taong kahit pagod, malungkot, nagpapakahirap para sa buhayin kayo, binabalewala niyo parin po para sa mga taong ni minsan ‘di kayo naalala nung meron sila. Ang galing mo rin kasi ano? Hindi ko nga alam kung sino ka ba talaga e. Paiba-iba ng ugali. Iba ka sa harap ko, iba ka rin pagkatalikod ko. Ayaw ko mang isipin ‘to, pero sht. Eto nararamdaman ko e. Eto ang nakikita ko sa araw araw ninyong pagpapatuloy sa mga paborito mo sa bahay ko. Kaya kahit na sobrang masakit na sa akin, kailangan kong tiisin. Kailangan kong itago kasi sobrang babaw ko. Sobrang babaw ng ikinagagalit at ikinalulungkot ko. Sobrang babaw ng lahat ng ito. Kasi pinapa-iral ko ang sakit na nararamdaman ko. Pero may karapatan naman ako diba? Sobra na sila e. Sobrang sobra na. Hindi na makatarungan pero binibigay niyo parin lahat lahat. Kahit naman na hindi na dapat. Pasensya pero kapag sa susunod na mangailangan ka, patawarin ako ng Panginoon, hindi na kita tutulungan para lang sa mga paborito ninyo. Hindi na ako magpapa-uto, magpapakontrol, at maniniwala sa inyo. Sorry pero yung tiwala at pake ko sa inyo, wala na.
0 notes
Text
"Kawayan" 🎋
Alam ko sa ngayon hindi mo maintindihan kung bakit ang dilim ng mundo Kung bakit parang ang daya-daya talaga nila Y'ong tipong para ka lang pinag-lalaruan? Parang pinapaikot-ikot ka nalang Nag-aral ka naman pero bumagsak ka pa rin Gumilid ka naman pero natalsikan pa rin ng putik y'ong puti mong uniporme Tinipid mo naman ang baon mo pero wala ka pa 'ring ipon Ginastusan mo na ng sobra pero wala, sakto lang ang grado Nag-linis ka na ng kwarto pero sabi ng nanay mo ang tamad mo Kung bakit nga ba pinipilit mo namang magpakabuti Pero parang tutol ang tadhana Lagi nalang pabor sakanila Ang hirap diba? Ang sakit sa ulo Nakakaiyak Nakakainis Nakakapagod Ayaw ko na!! Lalo na kapag minahal mo naman Pero iniwan ka pa rin "Ano mundo, may sasakit pa ba?" Pero teka muna Gusto ko lang sabihin na.. Huminga ka Kung tutulo ang luha mo, 'wag ka mag-alala pupunusan ko Kung kailangan mo nang makekwentuhan makikinig naman ako Kung susuko ka na, ibubulong ko sa'yong "huwag, hindi ka dapat magpatalo" Kasi ganito lang talaga sa buhay Paminsan-minsan o mas madalas Susubukin ka talaga Hahamunin ka at hihintayin nalang na bumagsak ka Habang sila, nandoon sa itaas Tawa ng tawa Pero alam mo kung anong maganda? Y'on y'ong bukas baka maging masaya ka na At maging patas ang mundo, makuha mo kung ano ang karapat-dapat sa'yo Basta, huwag ka lang magpapatalo Huwag kang susuko Huwag mong bibitawan ang paninindigan at mga pangarap mo Puhunan mo yan sa giyera ng buhay At sila? 'wag mong pansinin Bahala sila doon sa dilim Sisinag din ang araw sa direksyon mo Haharap ka sa maraming tao Sasabihin mong hindi naging madali ang pag-limot at piliin ito Pero heto ka Buo Kaya 'wag ka nang sumimangot diyan, Balang araw liliwanag din ang langit At ang mga kagaya ko na nadehado? Ha! Balang araw, Ako naman Balang araw, Tayo naman. 😊
0 notes
Text
This will be the last I promise.
“Ang bilis” yun talaga yung naiisip ko sa atin non. Too good to be true yung experience kaya minsan na papatanong ako if yun na ba talaga yung love. Haha Di kasi maganda yung experience ko nung una about dun, and since that naging very ideal na yung view ko about it. Di ko nashare sayo dati pero mahilig talaga ako sa mga romcom movies and series na isa din sa mga nag impluwensya sa pagiging hopeless romantic ko.
TOTOO nung time ng midyear I had this special feeling na tinry ko ishow sayo, which I think nagkaroon naman ng positive response from you. Pero along the way di maiwasang nagooccur talga sakin yung DOUBT, kung yun na ba talaga yung true love na hinihintay ko na ng matagal. “walang challenge lord” haha sabi ko haha Para akong sira no, gusto ko pa yung nahihirapan. haha pero ayun nga, nacoconfuse talaga ako kung love or infatuation lang. Siguro na miss ko lang din yung feeling, siguro ang saya kasi parang reciprocated eh. Pero dahil nga ang bilis ng mga bagay, nag pakain ako dun sa doubt, and I realized na dapat ko ng iistop. Aware ako na masasaktan kita pero tulad nga ng sinasabi ko sa mga kino “consultan” ko that time, better na yon kesa naman tumagal tapos marealize ko na hindi pala yun yung love. And so I did, una nga nung end nung midyear. Hindi talaga ako sanay na nakakahurt ng girls, first time yon, kaya up until nung magkita tayo the next sem dala dala ko yung guilt lalo nat orgmates pa tayo. You seem fine with it naman and friends pa din naman tayo pagbalik natin from vacation. Napapatanong tuloy ako what if kung natuloy. I still had this love like feeling sayo non, pero iniisip ko na maybe dahil lang sa memories yon nung midyear. Tinry ko pigilan yung sarili ko talaga, kasi feeling ko love na din yung nararamdaman ko. Pero kinoconsider ko na 1 year na lang graduating na ako and I believe na kung maging tayo man that time, hindi ganon ka strong yung foundation natin to be apart. I was afraid. Huehuehue pero dahil nga ang hirap labanan ng feelings, nangyare tuloy yung after ng practice nyo for presentation ng anniv. Sobrang naging game changer yon, dapat ko nang ituloy to naisip ko. Sabi ko liligawan kita nung nagusap tayo sa anniv. Pero as day goes by naiisip ko nanaman yung hala , “bakit parang ang bilis nanaman ng phasing namin.” Naghalohalo na yung doubt kung love kasi ang bilis at yung fact na graduating ako chuchu. Kaya yung mga times na nagtetext ka sakin about itigil yung kung ano mang meron satin, umookay na lang ako kasi yun nga, kahit ako sa sarili ko hindi ko maconfirm. Dont get me wrong, I love you (dejoke di talga ko sure) pero is it the love that would last forever?
Hindi ko na din masyadong inisip that time kasi busy din sa thesis as well as ayun nga, things went easy kaya hindi ko ganong nafifeel yung loss effect tsaka lagi din kitang nakikita sa orghouse so andyan yung feeling na hindi ako na tethreaten na mawala ka.
Pagtinatanong nila ako kung kamusta na daw ba tayo lagi ko lang sinasabi na “di ko alam eh, di ko magawang mag effort or what, siguro wala tlaga”. Yun kasi yung pinaniniwalaan ko na pag na inlove ako sa isang tao ginagawa ko talaga lahat ng effort na alam ko. haha eh nung time natin parang wala yung urge na mag paka romantic ganyan hahaha siguro kasi nga ang dali haha tapos ayun nga alam mo din na may dati akong chenenen, na more than one year na (that time nung midyear) since wala pero di pa din ako ganung moved on sa kanya totally haha tapos iniisip ko kung love na ba yung nafefeel ko for you bakit hindi pa rin totally na wawash away yung konting feeling ko sa kanya. hueuheuhe
Until ayun nga, siguro napagod ka na. Hindi mo na ako pinapansin or kinakausap. Nung una parang okay lang, alam ko naman na ako naman yung nagdala sa sarili ko dun sa ganong sitwasyon. Pero habang tumtagal na fefeel ko yung namimiss na talaga kita at pagkalungkot dahil parang hangin na yung tingin mo sakin. Tapos ayun tuloy tuloy na nga na ganon yung treatment mo sakin. Nalungkot ako ng sobra, feeling ko parang may kulang. Tinry ko mareach ka ulit pero hindi mo pa din talaga ako pinapansin.
Siguro yun nga yung nagging kulang, yung concept of not having you around bago ko totally ma feel yung love na hinahanap ko.
Then December 8 happened. Nandun tayo sa orghouse non, gagawin ko kasi dapat yung accesory ko for our christmas party. Maya maya napansin ko may ka video chat ka online. Niyaya ko si Chen lumbas para kumain pero ng purpose ko talaga ay itanong kung sino yun. Then nalaman ko nga na more than 2 weeks na daw pala kayo naguusap. Sobrang nalungkot ako non. Kaya nga nung nagyayaya silang uminom g na g na lang ako gusto ko pa manlibre. haha tapos nung nangyare nung lasing ako di ko talga ginusto yon. Alam ko lng iyak ako ng iyak sobrang broken. Natrigger yung pagiging insecure ko na ewan hanggang ngayon nga activated pa din eh. Iniisip ko nun sino ba ako para mag tapon ng love ng iba, na yung nga minsan lang dumating tapos sinayang ko pa tapos ngayong nawala na tsaka ko hahabulin.
Tinry ko pa din na ipaglaban, ano pa bang mas sasakit sa nararamdaman ko kung hindi yun dahil sa love, and love is something na worth fighting for! Tsaka iniisip ko kasi kahit papano may pinanghahawakan ako, kahit maikli I believe na somehow minahal mo ako.
Gumawa na ako ng mga kung ano anong bagay hahaha Since malayo nman ako sayo, through internet lang yung kaya. Sobrang dami ko ng parang online surprises na gustong gawin non hahah gusto ko talga ipakita kung gano kita kamahal. Ang weird dahil dun sa kawalang pag asa patalaga ako nakakuha ng hope, minsan mahiwaga talaga ang pagibig. Haha Kaya ako nag arrive dun sa poster at yung video nga. haha somehow kahit depress and sad may pinanghahawakan pa din ako na hope, na mahal kita. Tapos narealize ko na yun na yung pag effort na feeling ko wala dati hahaha na nasa mode na ako na deeply inlove ako sayo.
Nung sinabi mo sakin through chat na hindi naman pala sure kung love yung nafeel mo sakin bigla na lang ako natigilan. Lahat nung pinaplano kong gawin parang bigla na lang mabigat na bumagsak sa ulo ko. Pinagiisipan ko kung ano na gagawin ko, mag momoveon na lang ba, sumuko? Panuoring unti unti syang mawala lalo at makuha ng iba? Tapos tama ba yon? Kasi di pala ako minahal non dapat di ko na din mahalin?
Yun siguro yung pinakamalungkot na christmas/newyear break na naranasan ko. Para akong sira, nag wiwish ng time machine as gift. Sana makabalik ako sa time na nasa bus tayo pauwi, sana nasabi ko sayo kung gaano ka kaimportante sakin kung gano ka kahalaga lalo nat alam ko na yung feeling kapag wala ka sa buhay ko. Pero imposible naman yun, kung lahat ng taong nagkamali at nagsisi humiling ng time machine at pinagbigyan e di napakagulo ng timeline ng earth.
Hindi na kita pwedeng kausapin or ichat kasi hindi ka naman din mag rerespond, lalong hindi na din ako pwedeng magpost ng kung ano ano, lalo ka lang magagalit. Sobrang helpless ko na nung mga panahong yon. Parang wala ng bukas na nag hihintay. Pero ayokong magmove on, lalo nat alam ko ng eto na yun, eto na talaga yung love, ngayon ko pa ba isusuko.
Buong bakasyon, naka unfollow ako sayo sa twitter at fb. Sabi ko kasi, hindi ako susuko kahit anong mangyare, iispend ko na lang yung natitirang araw ng bakasyon para ayusin yung sarili ko. Pag nakakakita kasi ako ng post or twits mo about sa kanya sobra akong na dedemotivate, nalulungkot, narerefresh yung regrets at inggit, selos and insecurities haha sa tuwing nangyayare yun hindi ako nakakatulog. For sometime pinilit ko yung sarili kong huwag munang mag habol, pero ginawa ko talaga yung best ko na hindi makalimutan yung feelings na meron ako sayo nung mga panahong hindi kita nakikita. Pinagdadasal ko na lang na pagdating ng 2nd sem nasa sana magkamilagro at bigyan mo ako ng pagkakataong makausap ka.
Sana basahin mo yung pinaka una kong entry sa blog after nito.
Naalala ko yung sinabi mo sakin non na sana mas humaba pa yung bakasyon para hindi mo na ako makita. Habang nasa LB paulit ulit na ko iyong naiisip. Hindi ko alam kung kailan ka babalik sa LB kaya as much as possible hindi muna ako nagoovernight sa orghouse, alam ko kasing hilig mo talga matulog don. Gusto ko kung magkita man tayo ay yung time na okay lang talaga sayo. Siguro iniisip ng mga tao na bitter lang ako kaya ayaw ko muna mag pakita. Pero yun talaga yung dahilan, natatakot ako na magkita tayo ng pareho tayong di ready. Sobra din kasi talaga ako masaktan, natatakot ako na pag nakita kita baka sobrang bigat na sadness nanaman yung mafeel ko.
Yung mga nangyare siguro simula nung January, nung unang mga araw nakita kita detailed ko namang nasulat yung iba sa blog blogan ko. Yung mga bagay na hindi ko masabi sayo pag nagkikita tayo dito ko na lang nilalagay.
3 months na since nung December 8, di ko din alam kung may sense ba kung bakit yun yung reference time ko. For more than 3 months, walang araw na hindi kita naisip, kada oras at minuto kahit sa mga pinakabusy na oras ng buhay ko. Every night bago matulog pinagdadasal ko talaga na sana masabi ko someday na worth it lahat ng hirap at sakit na nararamdaman ko. Na kahit mukang tanga at kawawa na ako sa mga orgmates natin dahil sa alam nilang sobrang pointless na, tinitiis ko na lang. Yung sakit na nararamdaman ko sa mga panahong nandyan ka lang pero hindi kita magawang makausap o malapitan. Yung mga oras na muka akong ewan sa net shop dahil naluluha ako pag nakakakita ako ng twits mo or may nalaman akong update sa bago mong lovelife. Yung sobrang sama ko na lang sama sa loob ko dahil tinetake na lang ako na malaking pagkakamali ng pinakamamahal kong tao samundo. at pinakamasakit yung masaksihan kang unti unting mafall at mainlove sa iba, habang ako, walang magawa.
Walang umaga sa pagising ko na hindi ako nag sisi. Hinihiling na sana nagtugma yung oras ng sobrang pagkahopeless romantic ko tulad ngayon sa panahong kahit papano ay mag pagtingin ka pa sakin.
Gusto kita makausap gusto din kita makachat oras oras araw araw gusto kita makasama kumain agro sa umaga at magdinner sa grove sa gabi. Gusto kita makasama ulit mag overnight, gusto ko magpainting ulit tayo manuod ng GOT lalo nat malapit na yung season 7. Gusto ko magtake ulit ng biochem kahit ilang beses pa basta ikaw yung nagtuturo sakin. Gusto kong sabay tayo ulit umuwi. Gusto ko pag graduate ko, babalik ako ng babalik sa lb dahil alam kong nandito ka. Gusto ko na pag nagtrabaho tayo babalik tayo sa grange tuwing recruitment at sabay na mag papagtk. Gusto kitang isayaw ulit. Gusto kong mahawakan ulit yung kamay mo at matitigan ulit yung mga mata mo. Gustong gusto kitang mahalin, Gusto ko pa mag hold on sa feelings, gusto ko pa ding ilaban. Pero na rerealize ko na mas magiging masaya ka na kung isusuko ko na lang. Siguro kahit papano nalulungkot ka din para sakin dahil umaasa pa ako. Ayoko din naman na ganung “feeling sorry” na lang yung nararamdaman mo sakin. Kaya siguro time na talaga to pick up and put back the powdered pieces of my heart and look for my own happiness just like what you did. Tsaka lahat na nakamove on, ako na lang yung hindi. Alam ko sa sarili ko na matagal pa bago ko to makaklimutan. Ako talaga yung tipo ng taong matagal bago makabitaw sa past. Kahit na natatakot na din talaga ako sa dami ng lungkot na paparating at mararanasan ko along my moving on process.
I love you Marlen, sobra sobra kung alam mo lang. I cant help but to fall inlove with you every single day, kahit hindi na kita nakakausap. Minsan iniisip ko kung nagbago ka na talaga or maybe sobrang ikli lang din talga ng get to know time natin non para makilala talaga kita or siguro lately puro mean attitude mo na lang talaga yung naeexperience ko haha Pero sana hindi pa din mawala yung sweet simple Marlen na nakilala ko non. Alam ko sawang sawa ka na dito pero sorry talaga kung nasaktan man kita dati, sa mga bagay na nagawa ko at sa mga bagay na hindi ko nagawa. Sana hindi na ulit mangyare sayo yon. Somehow thankful na din talaga ako sa nangyare kasi nagawa ko yung ilan sa mga bagay na iniisip ko sana nagawa ko dati at di na ako ganung ka affected pag naririnig ko yung “when I was your man” lol. Masaya naman na ako para sayo, I will always be a fan of you artworks and achievements. Pati na din yung mga posts mo and selfies haha You are a special girl and you deserve a special kind of love.
To him or to them? Ewan haha sana talaga ay willing siya and able . Sana hindi lang puro sa chat. Sana hindi niya gawin yung pagkakamali na ginawa ko at sana hindi ka nya saktan. Sana mahalin ka nya rin ng sobra sobra.
At ako naman, magmomoveon na ako haha I accept na hindi ako ang iyong leading man at isa lang akong hamak na extra na for a while ay nagkaroon ng role sa buhay mo. Ngayon narealize ko na na love comes in many forms. May mga love talaga na pinag hihirapan, may mga love na talaga namang spontaneous lang na dumadating sa buhay ng tao at may mga love na dapat sukuan. Kung mangayare man ulit sakin yung pangalawa, sisiguraduhin kong ready na ako at wala na talagang maghohold back sakin.
Okay na. I love you, goodbye.
0 notes