#sana nag-volunteer ako gumawa
Explore tagged Tumblr posts
choccorin · 2 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
tried to decorate our classroom :33
5 notes · View notes
eccemark · 4 years ago
Text
Okay, tinatamad na naman akong mag-trabaho. Napaka-moody ko pagdating dito, parang nagsimula nung dumami ang hinawakan kong teaching preparations from 2 preps years ago sa pinakauna kong school na pinasukan tapos ngayon naging 6 preps na. Actually napatunayan ko na keri naman ang ganung 6 preps kung isa kang teacher na basta-basta na lang LOL e hindi ako ganun, kaya ito ako hairfall is real sa stress. Ayoko na sanang banggitin yung pamantasan pero dahil sa delay na nga ang sahod, underpaid pa kaya lalong nakakawalang gana.
Sa totoo lang, Isa sa kinaiinis ko sa propesyon na to, o siguro sa mga propesyon na nagbibigay rin ng serbisyo, laging sinasabi na maging altruistic, maging value ang volunteerism dahil mahal namin ang pagtuturo at mga estudyante. Totoong mahal ko ang pagtuturo at ang mga bata pero sana wag gamitin yun na dahilan para hindi kami bayaran ng tama. Kailangan din namin ng pera dahil magastos ang mabuhay. Kapag nagsalita ka naman tatawagin kang ingrata. Ang tanga lang no, ganun talaga sila mag-isip kahit kaming lahat dun edukado at may post-grad degrees. Isa pa, itong pamantasan nag-post nung nakaraan na kailangan ng volunteer teachers lol, yun ba ang tamang solusyon para tugunan ang kakulangan sa teachers? Ang bullshit diba, bulok na bulok. Gamitin ba namang pang-pr ang passion at values ng mga teachers para gamitin sa pansarili nilang gusto. Ibang klase mang-exploit ng mga tao ang nasa gobyerno, partida bilyon bilyon ang budget para sa edukasyon. Bulok na bulok.
Anyways, ayun na nga balik tayo sa pagiging moody ko sa trabaho. Gumagawa lang ako kung kelan ko trip, kahit ano mang oras yan lol. Pero ang nakakatuwa naman sakin, kapag trip kong gumawa ng activities, nakakagawa ako hanggang pang next-week hahaha at wala akong pending works. Well, maliban sa mga chechekan na walang katapusan lol. Balak ko nga sanang mag-check ngayon kaso tinatamad nga ako. Wala nang gana dahil sa pangit na karanasan ko sa pamantasan, sa local government namin na nagbigay ng kapangyarihan dun sa mga bobong nagpapatakbo ng pamantasan, at sa gobyerno natin na hindi na inayos ang bulok na sistema ng edukasyon.
October 22, 2020 1:40pm
9 notes · View notes
kampaymaster · 3 years ago
Photo
Tumblr media
Ta-Gum-Pay! TA-os pusong pasasalamat sa Organizers, Volunteers at Givers. GU-mawa pa tayo ng maraming Outreach at magpangiti ng ating kapwa. PAY-agpag. Mamayagpag tayo at nawa’y magparami. Marami pa sana tayong mahikayat na gumawa ng Random Act of Kindness. Congratulations team “TARA LAKAD” para sa successful Walkathon Outreach kahapon, April 23. Good job sa lahat ng volunteers! Matsalamuch mam Luuu @yora_kulit and sir Mavin for supporting your unica hija’s decision of conducting an Outreach instead of a Debut Party. Congrats @kopiko_wen for your very first outreach event. Salute sayo at sa mga tropa mong nagvolunteer. Kung noon, kaming mga nakakatanda sa Project Smile ang naglalayong makainspire sa mga kabataan. Kahapon, kayong mga kabataan ang nagsilbing inspirasyon sa amin at sa iba pang nakasaksi sa ating RAK (Random Act of Kindness) na activity. #RAKon Salute sa mga parents at relatives ng mga kabataan na full support sa kanilang mga anak at pamangkin. May ate at tita na nag chaperone ng mga youth volunteers. At may nanay na nagsama ng 11 year old son para maExpose sa Outreach activity. Flex ko ang youngest volunteer namin! Lodi ka kiddo! Sulit ang pagod dahil tayo ay nakapagpangiti ng kapwa natin sa simpleng paraan at sure ako na ngumiti din tayo di lamang ang ating labi mas lalo na ang ating mga puso. Oh, isang ngiti naman d’yan! 🤩😍 https://www.instagram.com/p/CcuobHOPWfv/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
iriesandie · 3 years ago
Text
07 Jul 2021
Hahahahahaha nakakatawa experience ko this morning! Di lang ako makapag rant sa Twitter kasi ayoko malaman ng dati kong colleagues na naka back up ako sa Accenture ngayon. Di ko ma rant yung mga terms kasi malalaman nila na iVi yung tinutukoy ko hahaha. Close close ko pa naman yung isang ACN CM ng Argus ngayon, ayoko sila ma pressure hahaha chareng joke lang. So eto na nga, nag aayos ako ng backlogs ng CM. Nakita ko yung attempts mga bwakanang yan hahahahaha wala man lang ka effort effort ampota nakaka OC. Thoni understand na iba yung process ni CIBI kay Argus kaya hirap sila mag monitor pero nasa agent na yun eh kung paano nya babalansehin yung workload niya. Potek yan, isang tawag lang sa Supervisor na cannot be reached pinabayaan na HAHAHAHAHA natatawa ako kasi di ko ma gets yung feeling nung nakita ko. Actually kulang kulang mga attempts nila, di ako nakakaramdam ng frustration, more of panghihinayang tsaka natatawa ako HAHAHAHAHAHA. Siguro kasi alam ko na hindi naman din akin tong client kaya ganun? Pero susubukan ko talaga sya ihelp kasi alam ko yung bigat ni Accenture. Potek, ni wala silang hawak na contract. Sayang, kakatapon ko lang ng contract namin sa Argus hahahaha tinapon ko last time kasi akala ko di ko naman na makakasalamuha si Accenture hahahaha kaso ganito. Ni wala din silang oang training sa mga bagong hahawak. Naaawa na ako sa CM nila kaya nag volunteer na ako gumawa ng training deck. Sana matapos ko agad tsaka wala akong malimutan para maging effective naman ba training manual. Ayun hahahahaha natatawa lang talaga ako sa mga nakikita kong reports animal hahahahahaha kung sa akin to, ahhh di ko talaga titigilan agents pag ganun hahahahahaha maya’t maya ka talagang may chat galing sa akin hahahaha lol. Have a great day!
0 notes
makakalimutin · 6 years ago
Text
Every day off ko, lagi akong nag-iisip kung gagala ba ako? Or magpapahinga na lang buong weekend sa bahay?
Gusto kong magpahinga na lang kasi di ba halos buong linggo wala ako sa bahay, weekend lang yung available kong panahon para makabawi ng tulog, manood ng kdrama, maglaro, maglinis ng bahay, magluto, etc. At mas ok na magstay na lang sa bahay kasi parang kada labas ko nalalagasan ako ng pera eh (parang kahit nasa bahay nga lang ako nauubusan pa rin ako, bat ganon.) Yung feeling na, kahit anong pagtitipid ang gawin mo, wala na nga akong binibiling wants eh puro needs lang, napupunta sa ibang bagay yung pera mo - unexpected na bayarin, may mangungutang, may biglaang ganap, etc. Hinahanash ko pa rin yung ilang buwan na ko may trabaho pero wala pa rin naipupundar, wala pang outing na napuntahan, feeling ko talunan pa rin ako in life.
Then ayun nga naisip ko, parang mas marami pa akong ganap/gala nung nag-aaral pa ako kesa ngayon, bat ganon, eh samantalang dati mas wala akong pera. Nangangalahati na yung 2018 pero wala pang exciting na nagaganap sa buhay ko (talaga ba) unlike last few years na may mga pasabog. Sabi ko gusto ko sana gumawa ng magagandang memories habang bata pa ako, habang hawak ko pa ang buhay ko (charot, syempre pag may asawa na di ko na ata magagawa yun). Pero these past few months paulit ulit lang ang routine ng life ko, so syempre gusto ko din mag-wind up at makapag-gala para maiba naman. Alam mo yun, nagegets mo ba ako haha! Basta ayun gusto ko magkaroon ng magandang alaala kaso paano ko gagawin yun kung matutulog lang ako sa bahay buong araw? Di kaya nagsasayang lang ako ng panahon?
Tas gusto ko rin sana na makatulong sa iba (hindi yung nagpapautang ah), I mean gusto ko ma-experience yung volunteer work, yung makapagdonate sa iba, yung gawain na makabuluhan (kumikilos ka para sa ibang tao, di lang pang-sariling kapakanan), kasi feeling ko walang silbi yung existence ko kung puro sarili ko lang ang iniisip ko, kaya gusto ko tumulong sa iba. Kaso paano ko magagawa yun kung hindi sapat ang kinikita ko? Di ba??
Di ko alam, ok naman ang kalagayan ko ngayon pero feeling ko may kulang, na lagi akong naghahangad na "sana ganito ako, sana ganon, bla bla", lagi ko hinahanap si happiness pero di ko alam kung asan siya. Hmmm
1 note · View note
savethepaws · 7 years ago
Text
DOG, MANTA, & PRINCE
August 16, 2017 Mag-iisang taon na palang nawawala ang mga minahal kong stray dogs.
Noong lumipat kami dito sa bago naming bahay, may kasama nang mga aso na umaaligid sa harap ng bahay namin. Apat sila. Si Dog (lalaki), Buntit (babae), Manta (babae) at Prince (syempre lalaki). Si Prince at Manta ay mga anak daw ni Buntit according sa mga kapit-bahay namin.
Dati hindi naman daw kasi sila strays. Pero ng lumipat ng mga bahay ang mga nagmamay-ari sa kanila ay hindi na daw sila naisama. Napaka-iresponsable, diba? Naatim talaga nila na iwan ang mga alaga nila na walang kasiguraduhan kung saan sila sisilong sa tuwing umuulan, saan hahanap ng pagkain at inumin kung kailangan nila. Habang sila eh nakatutulog ng mahimbing sa gabi, ang mga naiwan nilang loyal na alaga ay naghihintay sa pagbabalik nila. Umaasa na paglabas nila sa ilalim ng mga sasakyang tinutulugan nila ay nakabalik na ang mga amo nila.
Tumblr media
Ito si Dog. Palagay ko ay halos walong taon na sya. Siguro first impression ng mga tao sa kanya ay “harmful” kasi tingnan nyo nga naman, anlaki niyang aso tsaka may punit pa ang mata na malamang dahil sa away.
Pero alam ninyo, unang kita ko sa kaniya at noong tinawag ko siya, “Hi, Dog!” tumakbo siya papunta sa akin at dinaganan ako. Napaka-friendly niya. Tuwing lalabas ako ng bahay, siya ang unang sasalubong sa akin at nakikipaglaro. At hindi ko alam kung bakit hilig niyang ngatngatin ang mga shorts ko. Haha! 
Siya ang una kong naging kaibigan sa bago naming nilipatan.
Tumblr media
Ito naman si Buntit. Siguro may anim na taon na siya. Napakaganda ng mga mata niya at iyon talaga ang mga namana ng mga anak niya sa kanya. 
Kahit kailan ay hindi lumalapit si Buntit sakin. Magpakain man ako sa kanila, sinisigurado niyang halos 3 metro ang distansya niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi.
Kwento ng kapit-bahay namin, nang manganak si Buntit ay nilason ang mga tuta niya at tanging si Manta lang ang nakaligtas. Hindi lang `yon, binuhusan pa siya ng mainit na tubig at kitang-kita ang bakas nito. May parte kasi ng katawan niya na wala ng balahibo, malaki. Mahirap na kunin ang loob ni Buntit pero nagtiyaga ako.
Tumblr media
Samantha. Manta for short. Samantha kasi magkapareho sila ng hitsura at height ng alaga kong si Sam kaya siya ang ginawa kong counterpart, darker lang ang shade ng brown spots niya. hehe.
Katulad ni Buntit, dumidistansya din si Manta sa akin pero hindi masyadong malayo. Minsan lumalapit din siya sa akin pero ayaw lang niya magpahawak. Malamang takot siyang saktan kasi kapag nahawakan ko man siya ng sobrang light, agad siyang tumatakbo palayo. 
Nanganak din pala siya bago magpasko. Lagi kong chinicheck ang mga tuta nya. Apat sila. Kamukha niya lahat. Pinangalan ko sila base sa characters ng Game of Thrones. Sansa, Arya, Drogo, at Theon. Noong medyo malaki na ang mga tuta ay ipina-adopt ni mama ang isa. Pero ilang araw ang lumipas, nawala ang mga natirang mga tuta. Sobrang nagulat ako kasi araw-araw at gabi-gabi ko silang chinicheck pero bigla silang naglaho na parang bula. Hindi na namin sila nahanap pero may isang bahay na laging pinupuntahan si Manta at sa palagay namin ay nandoon ang isa sa mga tuta.
Tumblr media
Ito ang napakapoging si Prince. Mag-iisang taon pa lang siya. Parang half breed ng golden retriever no? Inadopt siya ng kapit-bahay namin pero ayaw niyang pumasok sa bahay nila. Gusto niyang kasama niya si Bunit at Manta na maglaro. Friendly din siya. Gustong-gusto niya kapag bini-belly rub siya. Naturuan ko din siyang mag-sit, pati na din si Dog.
Mahal na mahal to ni Buntit eh. Kapag nagpapakain ako ng tinapay sa kanila, kahit may parte silang lahat, binibigay pa din ni Buntit yung kanya kay Prince. Minsan kapag nagpapakain ako at nasa kapit-bahay si Prince, hinahatid pa ni Buntit yung pagkain sabay subo.
Gustong-gusto ni Prince maligo sa ulan. Kahit anong suway gawin ko para maghanap siya ng masisilungan o di kaya pumasok siya sa bahay nila, mas pipiliin niyang patakbo-takbo sa ilalim ng ulan.
Malamang ngayon nagtatanong na kayo kung pano nawala sina Dog, Prince at Manta. Ito kasi yon, Cropped lang ang picture ni Buntit pero bagong panganak siya diyan.
One day, nagulat na lang ako ng may sumigaw na “amo ni sa ho? amo ni ang ido nga nagkagat??!!” (ito ba yon? ito ba yong aso na nangagat??!!). Kaya napalabas ako ng bahay. Doon ko nakita na tumatakbo si Buntit papalayo sa napakalaking (mataba) lalaki na may hawak na mahaba at napakalaking kahoy. “Ano na nong??!!!” (Ano yan kuya??!!!). Biglang nag-init ang ulo ko.  “Ara ang ido nga na ho, nangagat na sa duha ka tawo!” (Yang aso na yan, may nakagat na dalawang tao!) Kaya ayon, gusto niyang patayin kasi may nakagat si Buntit na kakilala niya. “Ay indi man, nong! Bag-o lang gid na sa bata! Sino na mapadede sa mga bata niya kung sakiton mo?” (Wag naman po, kuya! Bagong panganak lang yan. Sino magpapadede sa mga tuta niyan pag sinaktan nyo?) Marami pa siyang sinabi pero alam nyo na, pag may katwiran, ipaglaban mo. hehe. Kaya ayon, umalis na si kuya na barangay kagawad daw.
Napalayo na ng takbo si Buntit at malamang nagtago. Agad ako naghanap ng local group na rescuers kasi ayaw ko namang saktan na lang si Buntit. Oo, may nakagat siya at hindi kailanman naging tama iyon. Walang naging liable sa nangyari kasi walang owner pero hindi din tama na saktan siya. Baka naman lumapit ang tao sa mga tuta niya at hindi siya kilala ni Buntit kaya naman naging protective siya. Lumalapit naman kasi ako sa mga tuta niya at nahahawakan ko pa pero hindi niya ako nasaktan o tinahol.
Late afternoon na ng nagrespond ang TAIL. Nagpunta sila dito sa amin to check on Buntit at mga tuta niya pero hindi pa rin nakabalik si Buntit. Naikwento ko sa kanila ang nangyari at naipakilala din ang iba pang mga stray dogs. 
To make the story short, napag-usapan at nag-agree kami na ipa-adopt ang mga stray dogs para maiwasan na ang mga ganoong pangyayari. Days after the incident pa ng isa-isang nakuha ang mga aso. Sobrang masakit sa akin na mapalayo sila kasi napamahal na sila sa akin. Pero at the same time masaya ako na may mga bago na silang pamilya na mag-aalaga sa kanila. Makakakain na sila ng sapat, makakainom ng malinis na tubig at hindi na sila mababasa ng ulan. 
Napabalita na lang sa akin na nawawala si Dog. Ningatngat daw niya ang tali niya at nakalabas ng bahay. Sobra sobra ang pag-alala ko. Agad akong nagpost sa facebook, gumawa ng posters at ibinigay sa guard ng subdivision kung saan nalipat si Dog. Pero wala. Ilang araw ang lumipas wala pa din. Isang pm o text na naman ang natanggap ko. Nawawala daw si Peanut (ang bagong pangalan ni Manta). Bakit ganoon? Wala akong magawa noon kasi that time, exam week namin. Naguguluhan ako kung ano ang gagawin ko. Hahanapin ko ba si Manta or mag-aaral? Mabuti na lang at may volunteers na naghanap sa kanya. Pero katulad kay Dog, wala din. Kahit ilang facebook posts ang gawin, wala. 
Siyempre, diba, bakit hindi na lubos-lubusin? Nawawala din daw si Prince. Nakalabas din daw ng bahay kasi parang marupok daw yong pinaglagyan ng tali. Nakalabas daw na may suot pang tali. Hindi din ako makaalis noon kasi sobrang sama ng pakiramdam ko at bagong labas din ako ng ospital. Gustong-gusto kong maghanap. Iyak na lang ako ng iyak kakaisip sa kanila. Nag-aalala talaga ako. Andami kong beses na pinagdasal sila na sana umuwi na sila.  Then good news daw, nakita daw nila si Prince na sumisilip sa bahay niya. Pero ng huhulihin na daw siya ay tumakbo siya ulit. Napunta siya sa vacant lot at parang natrap kasi yong tali niya nasabit sa parang wire. Pumunta agad ako sa location kasama ang ibang volunteers. Pero ng duamting na kami doon, wala si Prince. *insert mura here kasi hindi ko kinaya*. Kaya nga ako nagpunta kasi ako ang kilala ni Prince. Siguro hindi pa siya sobrang familiar sa nag adopt sa kanya kaya napapatakbo siya lagi. Umasa ako na makikita ko si Prince. Na maiuuwi ko siya. Pero wala. Naghanap kami sa buong village. Sa buong barangay at sa kabilang barangay. Kahit ilang beses ako sumigaw ng PRINCE walang senyales na nadoon siya. Iniisip ko pa noon na kapag makikita ko si Prince, ibabalik ko na lang siya sa amin. Sigurado masaya siya doon. Pero wala na din si Dog at Manta doon. Hindi na nakuha si Buntit. At hindi ko na din ipapaadopt. Malamang galit kayo kasi bakit ko pa pinaadopt kung pwede din na ako na lang magkupkop sa kanila. May tatlong aso na po ako kasi that time at ayaw na magdagdag ni mama. Hindi din magkasundo si Dog at alaga kong si Whitey.
Pero ngayon, official adopted ko na si Buntit. Nandito na siya sa loob ng property namin kasama ang 6 month old niyang puppy. Yup, inadopt na din namin. Sa ngayon, buntis na naman si Buntit. Wala pa kasing extra money para mapakapon. Hay. And alam nyo, sobrang lambing ni Buntit! Siya na mismo ang lumalapit sa akin at gustong-gusto magpabelly rub lagi! I can see and feel that she’s happier than before. :) Siguro ito talaga ang REGRET ko sa life ko. Kasi hindi ko man sinadya pero may kasalanan din ako kung bakit sila nawala. Sana ngayon nakikita ko pa sila sa labas kapag dumudungaw ako ng bintana. Sana kung buhay pa sila ay okay lang sila. Sana may kumopkop sa kanila. Sana mas masaya na sila kung nasaan man sila ngayon.
I love you Dog, Manta, and Prince. Nahidlaw na gid ko sa inyo. Sorry gid. :(
This Save the PAWS blog is dedicated to the three of them. To raise awareness for the rights of these helpless animals. Hopefully someday meron na din akong sariling shelter for stray dogs and cats para makatulong tayo sa kanila.
1 note · View note
zilyonaryo · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Marso 28, 2017 Alas-otso na nakapagsimula ang graduation rehearsal. Mabilis lang dib naming ginawa para bigyang-daan ang practice para sa recognition day. Dahil dito, naharap ko ang mga school forms. Halos matapos ko na. Name na lang ng OIC ang isusulat ko sa report cards. Nakapag-print na rin ako ng ilang SFs. Natutuwa talaga ako sa comments sa post ko tungkol sa shirt for a cause. Maagang April Fool's Day, huh! Natuwa rin ako sa effort ni Luna na i-chat ako. May inihain siyang issue o problem ng friends niya. Nasagot ko naman nang maayos, pero naisingit ko rin ang issue ko sa SP. Nasabi ko ang mga nasa loob ko. Naniniwala akong konektado ang dalawang issue. Sana naunawaan niya ako. Narito ang palitan ng aming mga mensahe namin: Siya: Hello, tatay. Pwede ka pong makausap? Ako: Sige. About what? Siya: About lang po sa isang situation. Masama bang hangarin na tumulong sa mga bagong manunulat? Ako: Hindi masama ang tumulong. Siya: Bakit may mga taong gustong sumira sa ganon? I mean, kung may pagkakamali yung gustong tumulong, maano ba namang i-correct sa maayos na paraan? Pagsabihan, ganon. Kausapin privately. Kailangan bang pahiyain publicly at murahin? Ako: Mali ang pamamahiya lalo na in public. Hindi maituturing na pagtulong ang ganoon. Kailangang ituwid ang pagkakamali sa mahinahon, sa tamang lugar at panahon. Ako: Kung nagkamali ang isang tao, kausapin nang masinsinan upang maunawaan at maitama niya ang kanyang pagkakamali. Kapag ginawa iyon ng isang tao, hindi na sila magkaiba. pareho na silang dapat ituwid. Siya: Mas maigi sigurong wag na lang silang pansinin. Pero ang sakit lang. Ang sakit makita na yung kaibigan mo, gustong tumulong, tapos gaganunin nila. Ako: Maaari mo rin namang i-confront o kausapin nang personal ang taong gumawa niyon, lalo na kapag pareho mong kaibigan. Siguro, may mga dahilan sila kung bakit nagawa iyon. Siya: Hindi ko actually kaibigan yung mga yon. Kakilala lang. Ako: Kung kakilala mo lang, maaaring mapasama ka pa. Kaya, mas maiging hayaan na lang sila. May mga tao sigurong makakapasnin sa problema at sila na lang ang makakatulong. Siya: Yun nga po yung iniisip ko. Actually may kinausap ako, sinabi ko yung punto ko, ngayon, isa na ako sa pinariringgan? 😅 ang kyoot niya. Gurong naturingan tapos ganoon. 😊🔫 Ako: Tsk.Saklap naman. Kabaro ko pa. Siya: Nalulungkot ako. Bakit ganon sila? 😭🔫 Ako: Hindi natin alam. May mga bagay na ang may katawan lang ang nakakaintindi. Minsan nga, tayo mismo ay hindi rin nakakaunawa sa kapwa natin. Ganoon din sila. May kani-kaniyang saloobin, damdamin, at prinsipyo. Maaaring hindi lang nagtugma. wish lang natin na maging maayos ang lahat. Siya: Hay. Basta #RoadtoNBDB uuusss!!!! 😋😋😋😊 Ako: Yes! Looking forward... Siya: Naiksayt na ko mag-status about it. Hnnng. Tagal na nating lowkey 😭 Siya: Oo nga po pala, ano ano po bang terms ng sponsorship ng Le Sorelle? Ako: Hindi pa ba pwedeng mga status update about it? Ako: Naghihintay po sila ng email. Siya: Opo, ginagawa na po yung invitation but i don't know what to specifically ask for them. :/ Ako: Need nila ng document para mapondohan. Practice kasi nila ang transparency, since pera ang involved. Ako: Financial, pwedeng irequest. Proper coordination lang with Ms. Heaven Chalice. Siya ang may hawak ng advocacy project ng LSP. Ako: Manpower pwede rin, since maglalagay sila ng book sa Book Fiesta. Naghahanap sila ngayon ng volunteer. Siya: Sa financial po ba, kailangang i-specify kung magkano? Hnnng sa totoo lang po nahihiya ako 😭 Ako: Yung kaya lang nila. Kasi, bago lang din sila. In fact, pati nga ako, nakaktulong sa pangangalap ng pondo. May shirt at kuwentong pambata sila. Iyon ang pinagkukunan nila ng pondo.. which is pwede nating i-adapt sa mga susunod na project and events. Ako: Nakasama ang book ko sa LSPuso, kung saan, iyon ang ibinebenta para magkapondo. Siya: Wala pa pong update kay Imma hnnng. Ongoing na ata yung solicitation nila. Ako: Mahirap kasi ang solicitation tapos wala man lang tayong token... Bihira na lang ang taong magbibigay ng walang kapalit. Siguro, sila ang taong sobra-sobra ang pera. Siya: Sa barangays po nagsosolicit. Ako: Maganda rin iyon. Kahit paano may malilikom na pondo. Siya: Sana po kahit mareach lang yung target budget 😭 Ako: Ako, gustuhin ko mang magbigay uli... wala na. Hindi na kaya ng finances ko. naghuhulog ako sa housing loan. Nagmamasahe araw-araw. Wala namang trabaho ang wife ko. May nanay pa akong bulag. Kaya, nabigo ko si Imma, lately. Hindi na ako nakapagbigay. Dumating nga sa point na parang gusto ko nang mag-resign sa SULAT. Pakiramdam ko, useless na ako. Siya: HUUUUY HALA HALA okay lang yun tatay, ano ba youuu, grabiiiii. Ako: Tulad ng nasabi ko, walang nakakaunawa sa kalagayan ko. Akala lang ng iba, masaya ako, may pera ako. But, nobody knows ng mga pinagdadaanan ko... Siya: Naintindihan naman po namin yon, tay, kaya okay lang talaga. We'll somehow get by ^^ nabigla lang talaga tayo this year kasi andaming opportunities na kumatok sa'tin at 'di pa masyadong nakapaghanda nyahahaha. Ako: Isa rin yan sa naikuwento ko sa project manager ng LSP. Kaya, noong isang araw, sabay-sabay silang nag-chat sa akin. Tatlong malalaking tao ng LSP, ang nag-chat sa akin. Inaawitan nila akong 'wag isuko ang writing at publishing. Ang self-pub ko, hindi pa naman nakakatulong sa akin. Pero, hopeful ako na makakaahon din ako, kasabay ng paglago g SULAT Pilipinas. Kahit paano ay napamahal na sa akin ang SP. Gayunpaman, willing akong mawala sa circulation kapag 'di ko na kaya. Siya: Nako Tay, marami namang ways pa para makatulong sa SP and sa writing. Hindi ka po pamfinancial lang. Any help is appreciated. Simply staying is one. ^^ Ako: Nag-drama lang ako. Somehow, gumaan na ang loob ko. Thanks! Siya: Ingat po kayo dyan tay. Pasensya na sa istorbo rin po ehehehe 😅 Ako: Okay lang. Salamat!
0 notes