#saan leona
Explore tagged Tumblr posts
saanphoenix · 4 months ago
Text
Y'know what I really think?
The main draw to Zenos that my WoL has is the same draw adventure holds, that learning about new areas holds.
Don't know shit about nothing. Just wanna see what's out there.
Zenos is uncharted land and my WoL's got a machete. She's goin' in.
Someone could be like, "No. Don't. You could die!" And she's just gonna channel Peter Pan and go, "To die will be an awfully big adventure."
Or, in more modern terms: "Leeroy Jenkins!"
3 notes · View notes
mabwee · 11 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Gotta be swift if you're gonna dodge snowballs. @saanphoenix
2 notes · View notes
saanphoenix · 3 months ago
Text
🙃🤷‍♀️😾😼♌️
Which five emoji's would you pick to describe your WoL?
221 notes · View notes
cesiauknow · 3 years ago
Text
Ang Nakatagong Hiwaga ng Rivera, Aklan
Karaniwang nasa isip ng mga tao kapag naririnig ang Aklan ay ang Boracay, kung saan ito ang isa sa pinakakilalang lugar sa Pilipinas at isa sa mga naging dahilan ng mataas na antas ng turismo sa Pilipinas. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga turista, marami pang nakatagong hiwaga ang Aklan.
Tumblr media
(Ang larawan ay mula sa The Independent)
Huli akong nagpunta sa Aklan kasama ang aking pamilya noong ako ay anim na taong gulang. Binisita namin ang naturang probinsya upang makilala ko ang pamilya ng aking ina at makita ko kung saan siya namulat at lumaki. Madaling araw pa lamang ay umalis na kami sa bahay papuntang Maynila upang sunduin ang aking auntie at pinsan upang sumabay papuntang pier na aming sasakyan papuntang Aklan. Kapag ang sasakyan papunta ay barko, dalawang araw ang gugugulin bago makapunta sa Aklan kung saan bababa sa munisipalidad ng Kalibo.
Tumblr media
(Ang larawan ay mula sa Project Lupad)
Pagkatapos na kami ay makababa sa Kalibo ay sumakay kami ng bus upang makapunta sa Libacao kung saan kami ay susunduin ng pamilya ng aking ina. Lubhang malubak ang daan noong mga panahon na iyon kaya’t kinakailangan na kami ay sumakay sa oner ng aking uncle upang makapunta sa barangay ng Rivera.
 Sa Rivera, makikita mo ang mga nakatagong hiwaga ng Aklan, bukod sa Boracay, hindi makakailang may nakatagong paraiso sa lugar na ito. Hindi kilala ang barangay ng Rivera, marahil sa kadahilanang ito lamang ay isang maliit na barangay, bukod doon, halos lahat ng nakatira sa barangay ay mga kamag-anak ng aking ina, isa sa mga uncle ng aking ina ang namamahala at namumuno sa barangay. Noong nakarating kami sa eksaktong lugar kung nasaan ang bahay ng aking lola, nabighani ako sa ganda ng lugar. Sa mura kong edad, ang natatanging nalalaman ko lamang sa Aklan ay ang Boracay, ngunit sa pagbisita naming sa lugar kung saan namulat ang aking ina, lumawak ang aking pang-unawa at unti-unti kong nalaman na may mga paraiso pa pala na hindi nadidiskubre ng mga turista. Ang harapan ng aming bahay ay isang bukid, kaunting lakad lamang ay makikita mo ang ilog at isang talon kung kami ay naligo kasama ang aking ina at ama. Malinaw at malinis ang ilog at ang talon, kakaunti lamang ang mga taong nakakaalam sa lugar na ito, bukod sa pamilya ng ina ko ay wala ng iba pang nakakaalam sa tagong lugar na ito kaya naman napakapayapa at huni lamang ng mga ibon ang iyong maririnig.
Tumblr media
(Kuha noong 2010)
Bukod sa napakagandang talon at ilog, masagana ang barangay Rivera sa prutas, gulay, karne at mga lamang dagat. Hindi mo kinakailangan na gumastos nang malaki sa aming lugar, kahit saan ka lumingon ay may pagkain, biyaya ng kalikasan na higit pang pinarami ng mga nakatira sa Rivera. Higit na ipinagmamalaki ng Rivera ay ang mga murang bilihin dito, marahil ay sagana sa mga ani at mga huli ang mga taga-rito, mura at sariwa ang mga ibinebenta kumpara sa siyudad at probinsya rito sa Luzon, makikita mo ang kanilang pagkakaiba. Isa pang maipagmamalaki mo kapag ikaw ay nakatira sa Rivera ay ang pagiging “walking distant” lamang ng Boracay sa lugar na ito kaya naman kamangha-mangha at maituturing kong isang magandang opurtunidad upang makilala ko hindi lamang ang pamilya ng aking ina kundi ang paraiso kinalakihan niya.
Tumblr media
(Ang litrato ay mula kay Christine Rebustes)
Tumblr media
Costa Leona (Ang larawan ay mula sa Cumaps.net)
Marami pang mga nakatagong lugar na hindi pa nadidiskubre ng mga tao, nakatago at payapa na kalikasan na ikagugulat ng nakararami sapagkat hindi lamang pala ang mga sikat na turismo sa Pilipinas ang magandang puntahan. May mga natatago pang mga paraiso na naghihintay na bisitahin at kilalanin. Hindi lamang ang Boracay ang pwedeng puntahan, marami pang iba, kagaya na lamang ng Costa Leona, isang maliit na paraiso sa Aklan na akala ng nakararami ay isa hamak na lugar lamang sa libro na isinulat ng mga otor, isa ito sa mga paraiso na nakatago sa Aklan at naghihintay na puntahan ng mga turista, ang talon na nakatago sa bayang ng aking ina na hindi nakikilala sapagkat ito ay pinoprotektahan ng mga punong nakatanim sa paligid nito. Ilan lamang ito sa mga lugar na maaaring mong puntahan kapag ikaw ay napunta sa Aklan. Ang hiwaga ay hindi lamang isang pagkakadiskubre ng mga mitolohikal o mga hindi kapani-paniwalang mga pangyayari, ang hiwaga ay nasa paligid, ang mga paraisong naghihintay na makilala at maalagaan ng sangkatauhan. Mayaman ang Pilipinas sa mga lugar na maaaring tangkilin ng mga turista ngunit sa paglipas ng panahon hindi na lamang ang mga nakasanayang mga lugar ang maaaring mapuntahan ng mga turista, bukas makalawa, may mga lugar na madidiskubre at maidadagdag sa listahan ng maaaring bisitahin sa ating bansa.
1 note · View note
armipey · 4 years ago
Text
Tumblr media
Gawa nina Theo Allen T. Nacu at Armhie Fhey C. Sacramento
Tumblr media
          Bata pa lamang ako ay interesado na akong makapunta sa iba’t ibang lugar upang malaman ang mga pangyayaring naganap doon at ang mga masasarap na pagkain na natatangi sa bawat lugar. Noon pa man, gusto ko nang lakbayin ang bawat sulok ng Ilocos Sur upang malaman ko kung ano ang mga mahahalagang nangyari roon at kung anu-ano ba ang aking makikita roon na talagang makakapagpagalak sa akin.
Tumblr media Tumblr media
          Naaalala ko pa noong panahon na litong-lito ako kung saan nga bang parte ng Pilipinas nakapwesto ang Ilocos Sur, tinawanan pa nga ako ng aking ina noong sinabi ko sa kanya na ito ay nasa bandang Visayas. Ang Ilocos Sur ay isang probinsya na matatagpuan sa lungsod ng Vigan na makikita naman sa rehiyon ng Ilocos na nasa isla ng Luzon. Ang Ilocos Sur ay may kabuuang 2,579.60 kilometro kwadrado at mahigit kumulang 20% ang sakop ng probinsyang ito sa buong rehiyon ng Ilocos. Ang dayalektong kalimitang ginagamit ng mga taong naririhan rito ay Ilocano. Ngunit mayroon pa rin naming ibang lengguwahe o dayalekto na ginagamit ng mga tao rito. Ang mga ito ay English, Tagalog, Chinese, Pangasinense, Kankanai, Tinggian, Muslim, at Visaya.
Tumblr media
Dahil nga ang Vigan sa Ilocos Sur ay naging parte na ng Unesco World Heritage List, napakarami ng mga bagay at lugar na maaaring mapuntahan upang makita ang mga natatanging kultura rito. Noong kami ay nagpunta rito, hindi mapagkakaila na talagang inalagaan ang mga bagay na makakapagpaalala sa pagsakop ng Espanya sa lugar na ito. Ang kasaysayan ay talagang naroon pa rin, hindi ito nawala at kitang-kita ito sa mga monumento at mga pagkakatayo ng mga bahay at gusali.
Tumblr media
          Noong pag-apak ko sa lupa ng Vigan, isa sa pinakamasaysayang lugar sa Ilocos Sur, hindi ako magkamayaw dahil sa aking galak. Tila bang ako’y namumuhay pa sa nakaraang panahon. May mga kalesa, ang mga gusali ay hindi ganoon kamoderno at makikta mong may halo talagang kultura ng Espanya rito. Ang lugar na aming pinuntahan ay ang Calle Crisologo, na tinatawag ding Cobblestone Street, dito makikita ang makukulay na heritage houses na talagang nakatatag na rito mula pa noon. Ito ay inalagaang mabuti kung kaya’t napakaayos pa ng itsura nito. Ngunit bago pa man maging Calle Crisologo ang pangalan ng kalyeng ito, tinawag muna itong Escolta de Vigan nang matagpuan ito ni Juan de Salcedo noong 1572. Ayon sa ilang mga mamamayan na nakasalamuha namin sa kalyeng ito, noong panahon pa raw ng mga Espanyol, ang lugar na ito ay naging sentro ng kalakan ng mga tiga ibang lugar. Mayroon pa nga silang nababanggit na istorya na tila ba teleserye dahil sa nangyari. May mga Pilipina at Hapon na nagkaibigan sa kasagsagan ng pananakop. Ito raw ay mahigpit na ipinagbabawal ngunit matindi raw talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Hindi ko ito makalimutan dahil na rin siguro sa aking galak na marinig kong may love story palang nabuo noong mga panahong iyon habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig.
Tumblr media
          Makikita rin sa Calle Crisologo ang mga tindahan ng mga pasalubong na pagkain at kagamitan. Napakaganda ng mga tinda rito, ngunit naaalala kong may kamahalan ang mga ito kaya iilan lamang ang pasalubong na nabili namin mula sa tindahang ito. Mayroon pang hanay ng nagtitinda sa kahabaan ng kalyeng ito ngunit halos pare-pareho lamang ang aking nakikitang tinitinda nila.
Tumblr media
          Hindi ko na rin pinalagpas ang pagkakataon na makasay sa kalesa. Tuwing naaalala ko ang pangyayaring ito, nakakaramdam ako ng awa para sa mga kabayong naamasada roon. Napakaganda ng ideya na sumakay sa kalesa, magpanggap na nasa sinaunang taon ka pa; ngunit pag naiisip ko na ang mga kabayo ay nasa ilalim na sobrang init na sikat ng araw at mabibigat pa ang mga pasaherong sinasakay nito. Pero napapaisip din ako dahil ang kalesa ang nagsisilbing pamumuhay ng ilang mamamayang tiga-Ilocos Sur. May kamahalan din ang pagsakay sa kalesa ngunit masasabi ko na sulit naman ito dahil iba ang pakiramdam kapag naranasan mong sumakay sa isang kalesa. Talagang iba ang nabibigay na kaligayahan ng pagsakay dito.
Tumblr media
          Pagkatapos ng aming maikling pagsakay sa kalesa, dinala naman kami ng aming mga nahihiwagaang isipan sa isa pa sa mga kilalang atraksyon sa Vigan, ito ay ang kanilang mga liit-liit na mga museong naglalahad ng mga buhay ng mga prominenteng tao at kasaysayan ng kani-kaniyang lugar tulad na lamang ng tanyag na bahay ni Padre Burgos.
          Ang bahay na ito ay kilala sa pagiging ancestral house ng mga Burgos at ang lugar ng kapanganakan ng Padre. Ito ay isang dalawang palapag na museo na naglalaman ng kultura ng Ilocos, Kankanay, at Itneg. Sa pagpapakita ng kanilang mga sari-saring kagamitan tulad ng mga platong kahoy, kabaong na yari sa nara, burial chairs, tambur o mga kasangkapang pangmusika, at marami pang iba, naipaparating ang makulay ng kultura hindi lamang ng mga Ilocano kung hindi pati na rin ang mga Pilipino.  Ang museo ay mayroon ring lamang dioramas na nagpapakita ng mga local na pagtitipon, litrato ng mga indibidwal na may malaking ambag sa sosyo-kultural na paglago ng rehiyon. At syempre, hindi mawawala ang mga memorabilia ni Padre Burgos at ng kanyang pamilya na nanirahan sa tahanan.
Tumblr media
          Ilang liko lamang mula sa kilalang museo ay dinala naman kami ng kutsero ng kalesa sa isa pa sa mga tanyag na museo sa loob ng Ilocos Sur, ang Museo ng Crisologo. Ang Museo ng Crisologo ay isa ring ancestral house ng kilalang dating kinatawan ng Ilocos Sur na si Floro Crisologo at ng kanyang pamilya. Ang mga Crisologo ay isa sa mga pinaka tanyag na political family sa probinsya ng kanilang panahon. Ngayon, ang bahay ay nagsisilbing daan upang bisitahin ang nakaraan gamit, memorabilia, kasangkapan, at ang bahay na minsang tinirahan ng mga Crisologo. Sa dinami-dami ng mga kagamitan sa museo, ang pumukaw ng aking pansin ay ang pulang sasakyang ito. Si Gobernador Carmeling Crisologo ay tinambangan sa pulang Chevrolet na ito noong Mayo 10, 1961 sa Bacsil, San Juan, Ilocos Sur. Sa kabutihang palad, siya ay nakaligtas mula sa nabanggit na insidente.
Tumblr media
          Sa totoo lamang, ito ay isang nakakapangilabot na memorabilia para sa akin. Hindi ko pa rin lubos isipin na kahit sila ay mga kilalang tao, nakasabit pa rin ang kani-kaniyang mga memorabilia na naiwan sa mga nagdaang taon tulad na lamang ng pantalong sinuot ng kinatawan noong siya ay barilin sa simbahan, sasakyang ginamit noong ang gobernadora ay tinambangan. Ngunit ito ay mga bagay na may makukulay na nakaraan at kwentong marahil hindi alam ng karamihan, ito pa rin ay isang karanasang nagbukas sa aking isipan sa ‘lakbay-nakaraang’ ito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
          Hindi lamang mga museyo at mga kalyeng puno ng istoryang pang-kasaysayan ang mayroon ang Ilocos, matatagpuan rin dito ang nagsasarapang mga pagkain tulad na lamang ang kanilang empanada at longganisa. Ang empanada ay isang sikat na street food na kalimitang makikita sa mga kalye ng Vigan, Ilocos Sur. Ito ay may dough na gawa sa dinurog na kanin at atsuete para sa kilala nitong kahel na kulay, luntian o hindi pa hinog na papaya, vigan longanissa, at isang itlog na inilagay sa gitna ng filling at isinalang sa kumukulong mantika upang maging malutong. Sa pag kagat mo ng empanada ay siguradong malalasahan ang malutong na dough, malasang Vigan longganisa, at sariwang-sariwang murang papaya na magdadagdag ng “freshness” sa naturang pagkain.
Tumblr media
          Sa kabilang banda naman, ang Vigan longganisa, tulad ng mga kilala nating longanissa ay mayroon palaman na baboy na mayroong kasamang pampalasa at maraming bawang na nagdadala ng kilala nitong lasa at amoy. Napakasarap nito mag-isa ngunit hindi dapat ito palagpasin ng hindi nalalagyan ng sukang Iloko. Unang kagat pa lamang ay malalasahan mo na ang bawang at siguradong susundan ito ng iba’t iba pang panlasa na ginamit sa baboy sa loob ng longanissa. Tunay ngang napakasarap ng empanada at longganisa sa kahabaan ng kalye at kung papaanong hindi lamang masarap na pagkain ang dala nito kung hindi pati na rin ang kwento ng mga cobblestone pathways sa klaye.
Tumblr media
          Nang tumagal-tagal ang aming paglalakad sa kahabaan ng Calle Crisologo, napunta naman kami sa isa pa sa mga tanyag na pagkain pinasikat ng Ilocos Sur, ang kilalang Pinakbet Pizza. Aming pinuntahan ang orihinal na gumagawa ng tinaguriang “vegetarian pizza”, ang Café Leona. Ang pizza ang may lamang kamatis, talong, sitaw, bulaklak at mismong bunga ng kalabasa, at higit sa lahat, ampalaya. Kung kaya’t bagamat hindi ako mahilig sa mga gulay, ako pa rin ay magiliw na naghintay sa pizza dahil interesado akong matikman ito at kung tunay nga bang nabago nito ang lasa ng gulay at ito ay napasarap. Tunay nga! Ng aking tikman ang isang slice ng pizza ay napatunayan ko na ito ay hindi lamang masarap kundi masustansya rin.
Tumblr media
          Tila hindi pa nakuntento ang aming mga kalamnan sa naturang pizza kung kaya’t naghanap pa kami ng kakainin sa kilalang Vigan at natagpuan naman naming ang miki noodles. Ang miki ay isang kilalang sabaw sa Ilocos na may lamang pancit na gawa sa itlog, chicken stock, at para sa kaniyang kilalang kahel na kulay ay mayroon rin itong dinurog na atsuete. Sinangkapan rin ito ng bagnet na nagpalasa at nagbigay ng lutong sa sabaw kung kaya’t mas masarap at mas malasa ito. Napakasarap ng sabaw na ito ay perfect na kasabay ng Vigan longganisa at empanada habang ikaw ay nakaupo sa cobblestone cafes ng kilalang kalye.
Tumblr media
          Bagaman marami dito ay sa kahabaan lamang ng Calle Crisologo matatagpuan, sigurado naman akong mabubusog ang iyong tiyan at mapupuno pa ito ng makukulay na kwento mula sa mga tindera ng mga kainan at karinderya. Halos lahat ng aming natikman mula sa paglalakbay na ito ay nirekomenda sa amin ng mga nakatira roon ang pinagmamalaking empanada at longganisa ang Ilocos Sur. Talaga nga namang hindi ka magsisisi at babalik-balikan mo ang mga ito. Naaalala ko pa na nagbilin ako sa aking ina na bumili siya ng sariwang longganisa para mayroon kaming iuuwi at iluluto sa bahay.
Tumblr media Tumblr media
          Sa aming paglalakbay sa loob ng tatlong araw, tila napakaraming kwentong, karanasan, at panlasa ang nagbalik sa akin sa aking kabataan sa Ilocos at nakapagbukas ng aking isipan hindi lamang sa nakaraang mga nangyari dala ng kilalang Calle Crisologo at Museo ng Burgos at Crisologo ngunit pati na rin ang aking pinagmulan. Bagamat lingid sa inyong kaalaman, ako ay isang Ilokano kung kaya’t habang nararamdaman ko na tila ba ako ay isang dayuhan sa aking sariling bayan ay hindi pa rin maalis ang aking pagmamalaki sa aking pinagmulan. Sapagkat sa bawat sulok, kalye, at hapagkainan ng Ilocos Sur ay mayroon kang bagong malalaman hindi lamang mula sa kasaysayan ng mga Ilokano kung hindi pati na rin ang kanilang mga kasanayan kung bakit isa ang Ilocos at Ilocano sa mga tanyag na rehiyon sa Pilipinas. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili ng aming paglalakbay patungo sa Vigan, Ilocos Sur kung kaya’t sa aking pagbabalik sa aming tahanan ay may bitbit akong mga bagong kwento, karanasan, panlasa, at mga natutunan na kumilala sa aking nakaraan at patuloy na huhubugin ako sa kasalukuyan at kinabukasan.
Mga Sanggunian:
https://www.lakwatserangligaw.com/2015/10/what-to-see-in-ilocos-sur.html
http://tourism-philippines.com/ilocos-sur/
http://laoag.china-consulate.org/eng/lqjs/gsgk_1/t315270.html
https://www.phbus.com/blog/tourist-spots-vigan-city-2021/
https://www.zenrooms.com/blog/post/calle-crisologo/
https://www.ivanhenares.com/2009/06/longganisa-vigan.html
http://tourism-philippines.com/ilocos-sur/
https://tinyurl.com/4666xajp
https://tinyurl.com/29cg97gj
https://tinyurl.com/w63c4psj
https://tinyurl.com/4vskqu79
https://tinyurl.com/156svrse
https://tinyurl.com/12gl66qd
https://tinyurl.com/5fzxk5jy
https://tinyurl.com/ik4qrewg
2 notes · View notes
saanphoenix · 4 months ago
Text
My WoL remembering nothing from before hallucinating a sun granting her Lv. 50 DRG gear and blasting a guy in a mask with an energy lance: ":) Family is for other people."
You could go, "Saan, doesn't it bother you that you have no knowledge of your past or family?"
And she'd go, "That's not true. I have some knowledge. I think I gave Cid goggles once."
And you'd go, "Okay, but like. What about the other 99.999% of things you should be able to remember? Doesn't that blank spot bother you?"
And she'd go, "No. ...Why?"
And she'd look at you with a one part Orange-Cat-No-Brain-Cells and a one part Primed-Bomb expression and you'd go, "...No reason."
Feel free to elaborate in notes, reblogs, etc!
For the purposes of this poll, "family of origin" means any family who raised them at any point in childhood, including adoptive family.
477 notes · View notes
rarestnicole · 7 years ago
Text
Title, um, uhh... shizzumz in my mind at 3 AM to 4 AM?
I want an architect for a husband, I thought, after reading some chapters from one of my favorite stories from Costa Leona Series.
I know for sure that after re-reading another story from the same series with a protagonist who's a civil engineer, I'll fantasize about having one for a husband. LOL.
Noon, I don't have specifics kapag dating sa title or job or occupation ng future husband ko. All I ever think is dapat magaling siya sa Mathematics since that's my ultimate waterloo. Ugh.
Why do I want a Mathematician for a husband?
HAHAHA.
I'm completely stupid when it comes to Mathematics. Damn x and freaking ys and many more. I even got a grade of 75 sa Math in my NCAE results and they put it there that I should choose STEM. First choice. Eh? They must've done something wrong. Tss.
Here's exactly why... I don't want my child to suffer the way I did whenever I come across Math. I don't want him or her to stare at an empty paper thinking how it sucks to be such a moron in Math while most of the people in the class are scribbling down at their spare sheets and trying to find what the hell is x. I don't want him or her to go through the same thing I went through. It sucks to try and solve a Math problem only to realize that none of the stuffs our teacher taught us remained in my head. I even forgot the solution, I couldn't get it right. How hopeless. How do I get by? I patiently write down all the steps in solving those problems and open my notes when it's activity time. Sometimes, our teacher would let us open our notes but there are these times when it's "strictly close notes" time and I'm damned. Thank God for a best friend who's good in Math. It just sucks to be me kasi nahihiya akong magtanong nang magtanong kasi ang hirap na nga tapos iistorbohin ko pa siya. So I'd wait for her to take a look at me. I don't make a sound, I don't complain and I don't really ask unless there's only 5 minutes left before passing the papers. Ayaw kong pagdaanan ng future children ko 'yon 'no! Sus, kung ganun lang naman, magma-madre na lang ako. Hah! Nasa NCAE results ko kaya na pwedeng pwede akong mag-madre.
So silly. How can one girl think of such things even when she's only in Junior High School. It was just so hard that it pushed me to that state. Dati, naaalala ko pa, kapag activity na sa Math tapos hindi ako nakinig kay Sir Allan, kahit crush ko pa si Sir simula grade 7, hindi ko nagawang makinig, hindi ako nagpapasa ng papel. What am I going to pass? A piece of an intermediate paper with no problem-solution written on it but with my complete name? No, mi amigo. That's embarrassing and that's a waste of time. Mamomroblema pa si Sir, he'll doubt his capacity pa when it comes to teaching Math when it's entirely my fault for being such a lazy bum. Sorry, Sir, I did it on purpose. And besides, ang hirap makinig kapag nasa likod ka. Sucks to have a surname that starts with letter 'S', eh tuwing recitation ko lang napapakinabangan ang pagiging huli eh. Tss. Ang daming kakausap sa akin sa likod and I don't want to be rude. No, I absolutely don't. Kapag kinausap ako, kakausapin ko rin because I don't like the feeling of being ignored kaya anong katinuan ang meron ako kung gagawin ko sa iba ang ayaw kong maranasan, aber? Kaya, go chika now, pass an empty paper later. HAHAHA.
I can't remember when exactly did I start asking myself and the people I'm close with about who am I going to end up with at the end of my life of being single. As in araw-araw ever since I started, tuluy-tuloy ang pagtanong ko, most of the time out of nowhere pa, kung sino ang makakatuluyan ko. Sabi ko pa noon ayaw ko ng taga-Romblon kasi baka kilala ko lang pala, eh wala naman akong kilalang matino noon na taga-sa'min lang that I even thought about how I'm about to become an old maid. Geez. That's rule number 1 back when I was 16 but try, try, try to follow the rules, I'll break every one of them with boys like you. Char. HAHAHA. Meghan Trainor lang? HAHA. HINDI AH. EH KANINO PA BA NAMAN AKO MAGKAKAGUSTO EH NASA ROMBLON LANG AKO AT PURO TAGA-DOON LANG NAMAN NAKAKASALAMUHA KO. LECHE THAT RULE NUMBER 1. I threw that to the depths of Tartarus na and asked Tartarus himself to look after that rule since I can't ask the goddess of night, Nyx, to do that since ang mga anak niya ay mas nangangailangan ng pagbantay--unless she agrees with what her children want to do. Shems, ang sasama pala ng mga anak ni Nyx, paano ba naman kasi, si Tartarus ang tatay. My god, gurl! Nag-try ka man lang sana kay Ouranus or kay Chronos or sa ibang Titan man lang muna bago kay Tartarus. O baka naman dahil madilim sa Tartarus, doon lang siya nag-stay at sino nga ba naman ang makakasalamuha niya doon kundi ang embodiment lang naman ng kinalulugaran niya. Pwe. Hindi man lang siya nag-effort lumabas at mag-explore. Helloooooo! And daming matitinong--mas matitino pa kay Tartarus ha, na primordial powerful beings 'no (huwag lang si Chaos, oh please, no, no, no huhuhu). Girl, kulang ka sa adventure. Dora should've existed before Nyx did eh para nasama siya sa kanya kahit papaano. Hays. Talk about timings and other shizzumz.
Oh well. I can't believe that I've been typing these paragraphs for more than 30 minutes now and I started at 3 AM, kasi naman ang thoughts ko na mga ganito, alas tres na rumaragasa sa makulay kong utak. (which colors are painted on my mind kaya?) Amazeballs. I was just reading Blown By The Wind until all of these stuffs demand for a story to be published. Tsk, tsk. I'm getting worse and worse each day. Char.
ANO BA, BA'T BA 'KO NAPUNTA SA KUNG SAAN SAAN EH ANG GUSTO KO LANG NAMAN EH MAG-ASAWA NG ARCHITECT. TSS.
Pero dati talaga, tinatanong ko araw-araw kung sino ang makakatuluyan ko. Ang dami kong iniisip eh; Charlie Puth, Calum Hood, Bradley Simpson, Theo James, Chris Evans, Jamie Dornan, Park Chanyeol, Lee Jongsuk, Ji Chang Wook, Song Joongki, Christian Grey, Logan Griffin Torrealba, Brandon Rockwell, Hector del Merced, Rozen Elizalde, Sibal Riego, Vincent Hidalgo, Zamiel Mercadejas, Raould Riego, Crisostomo Ibarra delos Santos, Reeve Leonardo Monteverde, Ramses Avilla, Archelaus Valleroso, Lourd Marco Aceveda, Zeo Alcante, Levi Alarcon and so, so, so, so many more from singers to actors to fictional characters, kaso hanggang isip ko lang sila eh. Ahehe. Pero ang saya lang imagine-in na isa sa kanila ang makakatuluyan ko. Kahit si Sibal na lang o si Bari, o. HAHA. Ang iba sa kanila like PCY, CP at CH, hiningi ko talaga kay Lord. Hinihingi ko kay Lord kasi malay naman natin 'di ba, hinihintay lang pala talaga ni Lord na hingin ko dahil nakalaan naman talaga sa akin ang isa sa kanila. Hahahaha. And when I started praying for a real guy, a specific real guy, I had this feeling of damnation. HAHAHA. Like, "Ano na Salvador, akala ko ba ayaw mo sa mga ka-corny-han, bakit nangangarap ka na for reeeeal, gurl why?" HAHA. So I promised na I won't ever pray hard for another real guy. Damn, that sucks kapag hindi na-grant. Huhu. Lord, baka naman po. 😂 Baka naman hindi ko na kailangan mag-pray ulit for another man. HAHAHAHAHA. Ano ba 'to.
Dati, may nabasa akong rules sa Lana's List to determine kung reachable ba o unreachable ang guy na gusto mo. Kapag reachable, GO GURL! at kapag hindi, NO GURL!
Ganun lang ka-simple.
Ganun lang DAPAT ka-simple eh, but humans are naturally greedy, ika nga ng nakararami. Kahit unreachable, ita-try talaga ma-reach kahit konti lang eh. Ang iba pa, they'll cause their own destruction para lang ma-reach ang talaga namang unreachable. Luuuuh, kasi naman may reachable naman sa tabi, why bother?
MAS LUUUUUUH, kasi naman hindi naman gusto 'yong reachable eh. Do you think one would bother reaching the sky kung doon naman pala sa meadows ang cloud na inaasam niyang malapitan at mahagkan? Nah. One won't even look at the sky kung nasa meadow lang naman pala. It's not how hard and how simple eh. It's for what and for whom, the reasons why and and the feelings felt eh. Wow, so nice of you to contradict your self, 'no? Hm.
I consider the person I like, unreachable and I consider my feelings for him a threat to my sanity and serenity.
Wow, 'te, parang meron ka nun 'no para ma-threaten. Fool your foolish self. Char.
Eeeeeeeh kasi naman 'di ba if one doesn't like me, I shut my freaking everything. Kidding. My mouth lang, I can't shut my mind eh. I wish I could, 'no. Haha. But I think I won't do it even if I could. Tonta.
Aaaaaaaaah, everything is freaking my precious miiiiiiiind. Aaaaaaah, I want to be freeeeeee. I want to eat all the Cream-O on the cabinet because I was really starving kanina, I want to express my feelingz freely and love with no inhibitions and fear and restraint, I want to go to the school I want without thinking about how good is it to have someone with you always like a family and how bad is it going to be for her if I'll leave her alone in her place only because I care more about her than I care about myself and I dunno if that's recklessness or selflessness. Huhuhuhu. I've been given the opportunity and I appreciate everything you do more than I say I do but I'm having second thoughts about my dreams. Huhuhuhu. What's stopping you, Anne Nicole?
My family? My love for them, exactly.
HUHUHU. IT'S SO HARD TO LIVE HA. GEEZ.
It's 5 AM and I'm just about to sleep when all of them is about to wake up after more or less 3 hours. I won't be surprised if I'll wake up alone in the room without even the dogs by my side for waking up later than I planned to. Nyenye. Where's my antok? Give it back to me na, I'm ready to drift to sleep na.
*whines because I'm still as wide awake as Katy Perry*
Bummer.
0 notes
faireluire-blog · 7 years ago
Text
SCRIPT PARA SA DULA: SANA
Tagapagsalaysay: Habang ako ay naglalakad pauwi hindi ko maiwasang gunitain. Mga alaala ng aking kabataan na kay hirap limutin, mga aral na pamana ng aking mga magulang na siyang sa puso ko ay nakaukit. Sa bayang kinalakihan ko, Costa Leona ang pangalan nito..
 Sa bayan na ito nakatira ang pamilya Riego ni kinabibilangan ni Julio.
(Lalabas si Julio sa hapag at dudungaw sa taniman ng mga palay malapit sa kanila.)
 Ang responsableng Ama na nagsisikap para sa kanyang pamilya katuwang niya sa buhay ang kanyang mapagmahal na asawa, Si Clara.
 (Lalabas si Clara na may matamis na ngiti sa labi at lalapitan niya ang kanyang asawa.)
 Sila ay biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang, Jackson o Jack.
 (L:alabas si Jack na kakagising pa lamang at nag inat ng kanyang braso. Naghugas ito ng kamay bago lumapit at umupo sa hapagkainan. Umupo si Clara sa harap ni Julio at nasa gitna naman si Jack.)
Julio: Oo nga pala pagkatapos nating kumain ay magbihis ka.. May pupuntahan tayo.
Jack: Talaga po? Saan po tayo pupunta, tay? (Nakatitig si Jack kang Julio at malinaw na nasasabik ito sa pupuntahan nila.)
Julio: Pupunta tayo sa Dulong bahagi ng Costa. Magtatanim tayo ng mga puno. (Agad na sumilay ang ngiti sa labi ni Jack at pumalakpak ito.)
Jack: Opo, tay!!! (Galak na sabi nito at tinapos na ang pagkain nasa plato at agad siyang tumayo at tumungo sa lababo para magligpit ng pinagkainan)
Tagapagsalaysay: Mga punong naputol ang tumambad sa kanila.
 (Umiling na lamang si Julio sa nadatnan habang si Jack namanay bumutong hininga pagkatapos suyurin ang buong lugar pagkatapos ay ttiningnan niya ang amang naglalatag ngayon ng mga gamit para sa kanilang pagtatanim.)
 (Noong naitanim na nila ang panghuling binhi na kanilang dala ay dahan-dahang iniligpit ni Julio ang kanyang kagamitan habang si Jack naman ay pinaglalaruan ang tangkay ng kahoy na napulot sa gilid.).
 Julio: Jack, halika na dito! (Agad na tumayo si Jack at lumapit sa Ama. Masayang nagku-kwentuhan ang mag-ama habang naglalakad pauwi.)
 Tagapagsalaysay: Habang naglalakad pauwi ay nakasalubong nila si Mang Ben..
Mang Ben: Kamusta, kaibigan? (Inakbayan ni Mang Ben si Julio.)
Julio: Okay lang naman po kami. Nakakaraos naman po kaming pamilya kahit papaano.
Mang Ben: May kakilala akong nangangailangan ng mga trabhador sa maynila... Isa sila ng mga sopa, kama, lamesa at iba pa. May mga trabhador silang umalis kaya naghahanap sila ng pamalit. Kakilala ko ang may-ari tiyak na kapag nirekomenda kita ay makakapasok ka agad. Julio: Pagiisipan ko pa po muna.. Tatanungin ko ang aking asawa tungkol dito.
(Tumango ito) Mang Ben: Oh, siya. Kapag nakapag desisyon kana ay puntahan mo lang ako sa aming bahay. (Tinapik niya ang balikat ni Julio atsaka tumalikod at nagsimulang maglakad.)
(Naglakad ang mag-ama at ng makarating sa kanilang bahay ay sinalubong sila ni Clara sa may pintuan. Agad na nagmano si Jack habang hinalika naman ni Julio si Clara sa pisngi.)
 Tagapasalaysay: Kinagabihan, habang kumakain ng hapunan ay naikwento ni Julio ang alok ni Mang Ben ngunit agad na hindi sumang-ayon si Clara sa ideyang ito.
Clara: Paano na si Jack? Siya ay lumalaki pa lamang. Kailangan niya ang kalinga ng isang ama. Kailangan ka niya para umalalay at gumabay sa kanyang habang siya ay papalaki. Kapag tinanggap mo iyon mawawalan ka ng oras sa’min.
 Tagapagsalaysay: Napagtanto ni Julio na tama si Clara ngunit hindi niya rin maiwasan na isipin ang kapakanan at kinabukasan ng kanilang anak. Kahit labag ito sa kagustuhan ni Clara ay nakapag desisyon na si Julio. Kinumbinsi niya ang kanyang asawa na pumayag dahil para din ito sa kinabukasan ng kanilang anak.
 Isang taong ang lumipas at dahil sa kasipagan ni Julio ay naging isang mananger siya ng nasabing kompaya. Habang nasa kanyang opisina (Nakaupo at nagkakape) ay nakatanggap siya ng isang hindi inaasahang balita.
 Tagapagsalaysay: Nanlumo siya ng maipahayag sa balita na ang bayan na kanyang kinalakihan ay nakaranas ng sakuna. Isang malakas na bagyo ang tumama sa Costa Leona na naging dahilan ng pagkawasak ng lugar. Maraming bahay ang nasira, maraming tao ang nasawi, maraming buhay ang nasira.
 Nagpasya siyang bumlik sa kanyang bayan. Dumiretso siya kanilang bahay na ngayon ay nawasak na.. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdam.. Pinahalong sakit, kaba, takot at iba't-ibang emosyon na hindi niya maisalarawan.. Nang nakita niya sa Mang Ben ay agad niyang tinanong kung nakita ba niya ang kanyang mag Ina ngunit umiling ito at nagsimulang maglakad papalayo. (Tumakbo siya ang kanyang mata sa pag-asang makikita niya ang kanyang Mag Ina..
At hindi nga siya nabigo. Nakita niya si Jack doon na palinga-linga. Parang hindi mapakali at may hinahanap. (Nagyakapan ang manga ma ng napaka higpit.) Nagkumustahan ang dalawa.. Galak ang naramdaman ni Julio ngunit ng tinanong ni Julio ang tungkol sa kanyang Ina ay hindi na napigilan ni jack na mapahagulhol sa balikat ng Ama.
 (Hinigit ni Jack si Julio patungo sa lugar na kung saan sila nagtatanim dati.)
 Mga punong tuluyan ng nakalbo ang tumambad sa kanya.. Hindi makapaniwala na ang Costa Leona na dati’y hitik sa puno ay tuluyan ng namaalam.
 (Gulat at hindi makapaniwala) Julio: Sino ang may gawa nito?
 Jack: Isang kompanya sa Maynila, Tay. Sila ang gumagawa ng mga iba't-ibang mga kasangkapan sa bahay at illegal silang pumuputol ng kahoy dito. (Kumunot ang ulo ni Julio)
 Julio: Ano ang pangalan ng kompanya? (Hindi makatingin si Julio sa mata ng kanyang anak. Nanginginig ang kanyang kamay at tuhod.)
 Jack: Trion… (Napaluhod si Julio sa kanyang nalaman. Hindi napigilan ni Julio ay mga luha na parang talon kung umagos.)
 Tagapagsalaysay: Gumuho ang ang mundo ni Julio ng mapagtanto niya na ang dahilan ng lahat ng ito ay ang kompanya kung saan siya nagtra-trabaho. Hindi makapaniwala si Jack sa kanyang nalaman at gano’n nalang ang pag alab ng galit sa puso ng isang anak na nagungulila sa kanyang Ina.
 (Hinawakan ni Julio ang braso ni Jack ngunit tinabing niya ito at dumistansya sa kanyang ama.)
 Jack: Kung hindi ka lang sana umalis para mag trabaho ay sana andito ka! Sana hindi naubos ang puno sa Costa Leona! Kung hindi ka umalis baka buhay pa si Mama hanggang ngayon!
 (Tinalikuran niya ang kanyang ama at naglakad papalyo rito.)
 Epilogo: Lahat ng nangyari ay isinisi niya sa kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang asawa.  Pagkatapos mailibing si Clara ay tumungo sila sa Maynila at doon na nanirahan. Nagbitiw si Julio sa kanyang trabaho at naghanap nalang ng pagkakakitaan at hindi siya nabigo. Naitawid ni Julio ang pagaaral ni Jack sa isang prestihiyosong paaralan at noong naka graduate na itong cum laude sa kursong BS Bio. Nangako siya sa kanyang sarili na hinding-hindi niya na hahayaan na may umabuso sa kalikasan. Inialay niya ang kanyang buhay upang magbigay kamalayan kung bakit mahalaga na pangalagaan natin ang kalikasan at kung ano ang magiging epekto nito sa atin kapag napabayaan.
0 notes
saanphoenix · 1 year ago
Text
Sometimes I imagine my WoL replacing my self-insert OC from my FFVII fic verse and like.
Cloud and gang describing that the enemy is Sephiroth, the greatest SOLDIER that ever was who wields despair as a weapon and--
And then a voice interrupts all, "Oh, despair? Eh. I took out the manifestation of that at the edge of the universe. I can handle despair."
And then the camera cuts to this:
Tumblr media
...
Sephiroth won't know what hit him.
Nor will he be expecting her to say this:
Tumblr media
7 notes · View notes
saanphoenix · 4 months ago
Text
Crystal Exarch's.
So, like. Haurchefant's death was sudden. It was shocking in that suddenness. It felt like an accident. And the villain who caused it absconded.
So Saan's grieving manifested as, again, shock followed by sheer, unadulterated rage. And she killed Thordan and his knights in answer.
And, in a weird way, that made it much easier to go to his grave. There was no all-consuming grief.
But the Crystal Exarch's death was slow. And it was assured. It was obvious by his attempt to create an extra vessel that could house soul and memory, obvious in the way he would push himself past his limits and the crystal would creep further across his body.
And there was no villain to kill. The person threatening the Exarch's life was the Exarch himself, and so the only thing Saan could do was watch and resent the course of events that would lead the man to self-destruction just at a chance of living his life anew.
That death hit harder. Even with the hope of having him live on through G'raha Tia. Because she merged with Ardbert. And she knows it's not the Same.
And she doesn't visit his crystalline form stuck at the top of the Tower.
#WOLpromptAday
August 14, 2024
“A smile better suits a hero.”
Was there a death that impacted your WOL more so than that of Haurchefant Greystone? How? Have they ever recovered? How often do they visit the grave? The place they died? Are they ritualistic about it?
Tumblr media
13 notes · View notes
mabwee · 11 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
And here we see a snow bunny and a cat girl. @saanphoenix
2 notes · View notes
pinasfm955-blog · 8 years ago
Text
New Post has been published on Pinas FM 95.5
New Post has been published on http://www.pinasfm.com/edray-teodoro-bumisita-sa-pinas-fm-95-5/
Edray Teodoro, bumisita sa Pinas FM 95.5
Nakasama sa masayang kulitan at kwentuhan ni DJ Apple sa Funbansang Hapon ang isa sa mga hinahangaang mang-aawit ngayong henerasyon na si Edray Teodoro.
Nakilala si Edray Leona P. Teodoro nang siya ay hirangin bilang Top 2 Finalist sa The Voice Kids – Season 1.
#gallery-1 margin: auto; #gallery-1 .gallery-item float: left; margin-top: 10px; text-align: center; width: 50%; #gallery-1 img border: 2px solid #cfcfcf; #gallery-1 .gallery-caption margin-left: 0; /* see gallery_shortcode() in wp-includes/media.php */
  Sa kaniyang pagbisita sa atin mga ka-Pinas ay ibinahagi niya ang release ng kanyang debut album titled “Edray” kung saan nakapaloob ang kaniyang self-written soundtrack na “La La Lang, Wala Lang,” What You Doin’ Tonight, Bwelo Lang, Puedepende, “Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib,” Beautiful, Wala Lang (Acoustic) at ang cover niya ng “How Far I’ll Go.”
Naikwento din ni Edray ang kaniyang mga naging improvement matapos ang pagsali niya sa The Voice Kids. Ayon sa kaniya ay mas naging confident siya at nagpursigi pa siya lalo sa kaniyang mga training.
Inaanyayahan din tayo ni Edray na suportahan ang kaniyang latest single na “Wala Lang” na patungkol umano sa mga ‘complicated relationships’. Maaari na itong mai-download ang kaniyang latest album at single sa digital stores nationwide: iTunes, Spinnr, Spotify at Deezer.
Para sa updates at schedules ay maaari ninyong i-follow ang kaniyang official social media accounts. Facebook: @Teodoro.EdrayLeona Twitter: @Edray_Leona Instagram: @edray_leona
(written by Arlyn Dungao, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photo captured by Ryann Christopher Fortes)
0 notes
saanphoenix · 4 months ago
Text
Saan, remembering nothing from before the chocobo carriage to Gridania.
NPCs across Hydaelyn: "You're not from around here, are ya?" "You're not from around here, are ya?" "You're not from around here, are ya?"
Saan: "Guys, I'm starting to suspect I'm not from here."
Hythlodaeus: "Oh, your soul looks like Azem's! Are you her familiar?"
Saan: "Bitch, I might be. Would explain why I'm not from around here."
Themis: "You're not from around--"
Saan: "I KNOW!!"
1 note · View note
saanphoenix · 3 months ago
Note
Random fucking Miqo'te wandering around the palace like she belongs there, confusing soldiers left and right because like. That's a savage but...surely someone would have stopped her by now if she wasn't supposed to be walking around armed in here.
Zenos being suspect that his father would ever appoint this chick as his mentor for a time, only to be pleasantly surprised when, again, someone can keep him on his toes during training. And is actively trying to teach him things instead of, y'know, smack him around and then try to kill him.
Varis coming to a dead halt in the halls because 1) his son is actually having a conversation with someone and appears to be attentive while doing so and 2) who the fuck let that cat in the house?
Zenos weighing the pros and cons of keeping Saan as a mentor. Considering how much he gives a shit about being lied to when put beside the lessons he has learned from this deceiver. What does he stand to gain by continuing a charade he only just now figured out?
Varis frowning even deeper at the malicious smile spreading across this woman's face.
Oh, the mischief that could be had!
I come back to you now, at the turn of the tide, to ask what would Ayla do if she went back in time in Garlemald some 10 years or some such? u3u
Oh god if current day Ayla went back in time? That is....difficult to answer. I don't know what she COULD do tbh. She knows that Emet-selch / Solus is 100% willing to kill her if pushed over the edge from her experiences in SHB - She knows that talking to Varis would do as much as talking to a wall and Zenos is a depressed 16 year old. Maybe I can't come up with anything bc I don't know enough about the lore to come up with anything lmao. <3
4 notes · View notes
saanphoenix · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Behold, local DRG cat basks in the sun on her private isle.
2 notes · View notes
saanphoenix · 3 years ago
Text
I never realize how differently I play my WoL compared to the vocal fans on Twitter or Tumblr. Someone asked how WoLs reacted to the body snatch thing and SO MANY were like, "Beyond pissed, terrified, and traumatized," and I'm over here like, "Though it was a fun learning experience, she was mostly annoyed and put out, because Zenos was trying way too hard and going the wrong way about getting her attention. And she's also sad that that group of Garleans she saved exploded immediately after she saved them. But overall, it was just another day, another duty."
8 notes · View notes