#sa pusod ng bayan
Explore tagged Tumblr posts
delfindakila · 5 months ago
Text
Tumblr media
JERSON SAMSON Sa Pusod ng Bayan, oleo sa kambas, 2024 #artPH
11 notes · View notes
obscure-ideas · 4 years ago
Text
Silhouetted in the dark
Ang kubo ni Atang Andong ay nasa pusod ng kabukiran sa ilayang bahagi ng Pasong Camachile. Humigit kumulang na tatlumpung minuto ko ito nilalakad mula sa binababaan kong puno sa tabing kalsada. Ang punong ito ang aking palatandaan kung ako ay bababa na sa jeep na aking sinasakyan magmula sa bayan. Mula sa punong ito ay di mabilang na mga hakbang ang nagagawa ng aking mga paa habang namamaybay sa mga liko likong mapapayat na pilapil.
Isang hapon, nagpunta ako sa nayon. Napag alaman kong may gaganaping sayawan bukas ng gabi at nais kong makita ang paggagayak sa lugar na pagdarausan nito. Naaliw ako sa panonood. Amazing para sa akin ang kanilang venue. Dahil ito ay bukid, nagtulos sila ng mga pinaghalong pinutol na puno ng ipil ipil at kawayan, na syang nagsilbing bakod sa paligid ng linang, na kahanga hangang napakinis nila na parang sementadong dancefloor para sa mga magsasayaw bukas ng gabi. Lumipas ang mga sandali na hindi ko halos namalayan.
Para akong nagising sa isang masarap na pagkakatulog ng biglang nagpalakpakan ang mga katabi kong bata. "Yeheyy! May ilaw na". Napatingin ako sa paligid at doon ko lamang napagtanto na nag aagaw na pala ang liwanag at dilim sa paligid.
Nagmamadali akong tumayo mula sa tumpok ng dayami na aking inupuan mula ng ako'y dumating upang sila ay panoorin.
Habang binabaybay ang gilid ng kalsada patungo sa puno na sya kong palatandaan papunta sa kubo ay iniisip ko na kung makakaya ko bang tumakbo upang mapabilis ang mga sandali na ilalagi ko sa madilim na kabukiran. Mula sa punong ito ay derederetso lang patungo sa kubo kung hindi ako tutuntong sa pilapil. Tumayo ako sa tabi ng puno at nang may natatanaw na akong maliit na liwanag ay inisip kong iyun na ang kubo. Nag umpisa na akong tumakbo ngunit ang tuyong lupa sa tubigan ay hindi naman kasing patag ng pinakinis na pagdarausan ng sayawan. Nakakaramdam ako ng sakit sa tuwing naaapakan ko ang pinagputulan ng inaning palay na nakatusok sa matigas na lupa. Habang tumatakbo ay sumasagi sa isip ko ang sari saring larawan ng mga nakakatakot na imahe ng mga pinoy folklore na nababasa ko sa komiks. At parang nararamdaman ko na habang tumatakbo ako ay may humahabol sa akin. Alam kong guni guni lang yon subalit lalo ko pang binilisan ang pagtakbo.
Sa ikalawang linang ay nasilat ang aking paa sa isang malaking bitak sa matigas na lupa. "Aray"
Nang hihilahin ko na sa pagkakabaon ang aking paa ay may isang kamay na biglang humawak dito. "Ahhhh!!" Halos panawan ako ng ulirat. Nag iisa ako sa gitna ng madilim na bukid, saan nagmula ang kamay na nag aalis ng aking paa sa pagkakaipit?
"Ayos ka lang ba? Masakit ba?"
Ang tinig na iyon, kilalang kilala ko. Si Jheymz Salgado . Bagamat walang buwan at napakadilim ng paligid at babahagya ko ng maaninag ang kanyang mukha, ay alam kong siya ang nagmamay ari ng tinig. And in this unexpected moment, hindi ko alam kung dahil I felt relieved kaya bigla ko syang nayakap. At last, may kasama na ako.
😜✌️
1 note · View note
reinbright · 4 years ago
Text
Tulig ng Masa, sa Lupang Pinangako
youtube
Pagkatalos:
Ang malubhang karanasan ng ilan sa mga 'Anak ng Cordillera', o ang mga kasapi sa bayan ng Brgy. Ucab, Itogon, Benguet. Masusulyap mo sa bidyong ito ang mga binanaag na kaganapan sa Itogon, noong Setyembre 17, 2018, mula sa dokyumentaryo ng kaisa-isang si Atom Araullo.
Nagkataong ang pook ay natamaan ng pinsala nung araw. Pinsala, kung saan lubusang sumama ang panahon, at tumungo sa pag-guho ng lupa. Nabaon ng bato't putik ang mga nais makamit.
Tumblr media
Ang unang eksena'y nagtanghal ng mga mamayang patuloy sa pagbubungkal ng lupa. Daang kaamay ang nagtutulungan, malutas lamang ang mga suliranin, tulad ng pagkawala ng mga yumaong katawan. Nakiusap si Araullo sa pakikipanayam sa isa sa mga kasangkap ng pagmiminang nasaksihan. Si Martin Pilaan, 74, isang minero magmula pa noong kaniyang kapanahunan. Sinasalysay niyang siya'y isa sa mga nabiktima ng pinsalang nangyari.
Naghuhukay si Lolo Martin, upang matagpuan ang hinahanap; ang hindi matutumbasan ng milyon-milyong halagang ginto. Ito ay ang kanyang apo, si Jerome Pilaan, 21.
"Nababalot ng katahimikan ang komunidad na 'to. Ang dating sigla, napalitan ng panglaw, ng mga burol." -ani Atom Araullo.
Sa pusod ng bundok, hanap ng mga minerong tulad ni Lolo Martin ang kinang ng gintong nakabaon sa bato, "Kinukuha ang nasa 300 sacks, at nakakakita kami ng P7,000", aniya. Tatak na sa kultura ang pagmimina, sa pook ng Itogon. Mula pa noong mga nakaraan na henerasyon, tungkulin na 'to ni Lolo Martin. Nagbukas ang pribadong korporasyon ng pagmimina na kanyang pinagtrabahuhan, noong 1903, at nahinto noong 1997. Simula noon, namayagpag ang small-scale mining.
Tumblr media Tumblr media
Hindi susuko si Lolo Martin, "Hanggang sa makita ko, kahit mabulok... basta, makita ko". Daing niya sa pangungusisa. Kinalaunan (Isang Linggo), umiibabaw ang alingasngas sa pagkatagpo ng apong si Jerome Pilaan. Hindi mapapantayan ng anumang lumo, ang panglaw na pinagdaanan nina Martin Pilaan, at ang ama ng yumaong si Geronimo Pilaan. Animo'y malalim ang sugat sa puso, sa balitang pagpanaw.
Tumblr media
Sa kabila ng usaping iyon, sa La Trinidad, Benguet, hinanap at nasumpangan nila ang binatang 'di lalayo ang edad kay Jerome Pilaan, na nakatatanda sa buwan lamang. Si Reinier Baltezan.
Si Reinier Baltezan, pulang-pula ang kaliwang mata, tila'y natabunan ng galos ang mukha, at nalumpo. Ang mga katangiang nabanggit ay sanhi ng pagkagumuho ng kalupaan. Siya'y saksi ng pangyayari, subali't, ang kaisa-isang nakaligtas sa mahigit sampung kasamahan. Napakamalas na kaganapan. Ipinahiwatig niya lamang kung gaano kalala ang naranasan.
Tumblr media Tumblr media
Sa likod ng nakapanlulumong karanasan, Landslide o pagkaguho ng lupa, ang rason. Ang litratong ipinapakita, ay ang Itogon. Kaliwa ay bago pa mangyari (Nakuhaaan noong 2016), at kanan ay pagkatapos (2018).
Landslide. Isang salitang di akalaing malubha, subali't nakaka-agaw ng buhay ng masa. Ayon sa wikipedia.com, ito ay tumutukoy sa ilang anyo ng paggalaw ng dalusdos kabilang ang ilang mga paggalaw ng lupa tulad ng pagguho ng mga bato, pagkabasak ng napakalalim na dalusdos, pagbaha ng putik at pagdaloy ng mga tirang bagay.
Ang pag-guho ng lupa; ang kawagasan nito'y naghandog ng kahindik-hindik na mga storya mula sa iba't ibang pamilyang nasawi. Datapwa't ang bagyo, Si Ompong (Mangkhut), ang bagyong naghatid ng malaking delubyo. Ang tumatayong ugat ng lahat ng natamo, ng walang kamintis-mintis. Kawawang mga biktima.
Ayon sa Philippine Statistics Authority 2015 Census, natatagang 14, 254 ang mga tirahang sumasaklaw sa pulong bayan ng Itogon. 94 katao ang kumpirmadong pumanaw, at ang iba'y nasugatan.
Tumblr media
Hindi lang ang mga mamamayan ng Itogon ang nasawi. Marami pang iba. Pumangalawa din sa nagbabagang balita, noong Setyembre 20, 2018, ang kakambal na pangyayari. Sa Naga, Cebu. Naganap sa Quarry Side, ALQC (Apo Land and Quarry Corporation) sinabing 78 ang yumao, 18 sugatan at may 5 nawawala pa rin sa kasalukuyan.
Ang kapabayaang gumising sa delubyo
Hindi balat-kayo, pagka't lantad na ang dahilang nangunguna sa paghatid ng kalamidad na tulad ng landslide, ang pagmimina.
Base sa pananaliksik, ito'y proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ang anumang materyal na hindi malilikha at mapapalago ay kailangang minahin. via prezi.com . Ito ay may importanstya rin, sapagka't dito nanggagaling ang inilalahok sa pagyari ng mga gadgets, at makabagong teknolohiya.
Tumblr media
Oo, mahalaga ang gadgets. Sapagka't alalahanin din natin ang kalikasan. 'Di katanggi-tanggi ang katotohanang tinatago ng pagmimina. Dahil sa pagbubungkal ng lupa, na nagdudulot ng open-pit, kung saan piniproseso, upang maka-extract ng ore, at mineral, mag-uukit naman ito ng pagkasira sa tirahan ng mga hayop, ang pagpuputol ng ibang halaman, at pagkakayod ng lupa. Sa pagkayod ng lupa, hindi babalik sa wastong pormasyon at pirme ng kalupaan, kung saan maaaring makapagdulot ng malubhang landslide, lalo na sa matataas na lugar o kabundukan. 'Di lang ito ang mga bunga, kung kaya't ang pagkarumi ng anyong tubig, dulot ng mga tira-tirang lason at lupain.
Ayon sa aking pagsisiyasat, ang pamagat na "Why Mine Despite Landslide Scare? "Doon Lang Kami Umaasa", ay nakapukaw ng aking atensiyon, pagka't 'di nila magawang iwanan ang pagmimina, kahit na peligroso. [https://rappler.com/nation/barangay-ucab-itogon-mining-source-of-livelihood]
"90% ng livelihood ng taga-dito ay mina... Doon lang kami umaasa" ani Brgy. Ucab Councilor, Jake Naboye. Itinatagang pagmimina ang sandigan ng kanilang pangkabuhayan. Gayun lang, nagdudulot ito ng peligrosong pinsala.
Ang bunga ng inihasik, sa mga indibidwal
Rumaragasang putik. Nagbabagsakang mga bato. Wasak na pangkabuhayan. Natabunang mga tirahan. Pagkayumao ng minamahal sa buhay. Nabaon ng putik at bato ang pangarap. Ito ang ilan sa hamong dulot ng kalamidad.
Tulad na lamang ni Jerome Pilaan, at ang epekto ng kaniyang pagkalisan sa pamilya. Panigurado'y marami pang ibang mamamayan.
"Ano mang yaman ang ipinagkaloob ng mga kabundukan, tila mayroong kabayaran... Buhay ang katapat nito".
Pansariling Pananaw
Subali't sa kanila, hindi na ito banyaga;
Hamong dulot ng putik at batong rumaragasa,
Datapwa't patuloy ang awit sa matatag na pagsikap,
Mapahupa na lamang ang lugmok sa paghihirap.
Iniwan ko ang tanging persepsyon, hango sa dokumentaryo, sa pamamaraan ng munting tula. Walang itinatago pang kahulugan, at tila'y self-explanatory na.
Sindak. Nakakapag-iwan gasgas sa puso. Ito ang aking tiyak na naramdaman, patungo sa mga nasawi't sumakabilang buhay. Isa pang grupo ng taong pumanaw, dahil nabiktima ng malalang kalamidad.
Nakapanlulumong isipin, na ang 'pagmimina' lang ang pangkabuhayang nakasanayan ng karamihan sa mga anak ng Cordillera, ang tanging paraan, upang mabuhay ang mga pamilya.
Delikado at Mabagsik, lalo na't naroroon sila sa mataas na lugar, kung saan mas malaking tsansang madamay sa pinsala. Paulit-ulit dinadalaw ng pinsala, nguni't sinisikap pa rin ang hanap-buhay.
Ito ang tradisyong sinasandalan pa rin, upang may sustento, upang may mapakain sa pamilya, upang matamo ang mga pangarap na nais makamit. Bagkus nakalakihan na rin nila ang mga kalamidad na dumarating. Hindi na ito 'foreign' sa kanila.
Tumblr media
Nawa'y umusad ang kanilang pamamaraan sa pangkabuhayan, upang hindi na sila tutulog ng nagbubuhat ng mabigat na karamdaman, babangon sa umaga at magbabakasakali sa mga pangyayaring tulad ng naikwento.
Tumblr media
Nawa'y masulyapan na ang sikat ng araw sa mapanahon, ng may kasaping kaligtasan at hindi puno ng taranta at pag-aalala.
Kung maaari, tayo rin ay mag-alay ng tulong, kahit sa maliit na paraan lamang.
"Pantay na oportunidad lang naman ang kailangan. Pag dumating ang araw na wala ng kailangang sumugal, para lang hukayin ang sarili, sa putik ng kahirapan".
Images are courtesy of GMA Network, GIFS are from giphy.net, other statements from Philstar and Rappler.
0 notes
manaybaks · 4 years ago
Text
Mga Teorya ng Pagkamulat: BABAE AT KAMATAYAN
Kagaya nang maraming mga gabi, dumadaloy na naman sa’king katawan ang makapangyaringang hiwaga ng kalungkutan. Dala nito ang hangaring tumalon sa balon ng walang katiyakan. Nag-iipon ng lakas ng loob na baka sakali, sa susunod na mga araw kayanin kong lisanin ang magulong mundong ito. Dagsa ang mga ala-ala ng kahapon, at lahat sila’y mga malulungkot na mga ala-ala. Sa aking paglangoy, natigil ako sa ala-ala ng isang tao. Taong matagal kong hindi nakasama, naka-usap, o kahit na masulyapan man lamang.
Siyam na taon na ang nakararaan mula nang huli nating pag-uusap. Sa pagkakaalala ko, byiernes ang araw na iyon, at kagaya ng iba pa, hindi iyon natatangi. Dahil nasa isang special class tayo noon, palagiang late na kung nakakauwi mula sa maghapong pakikipagbuno sa mga advanced subjects, na hanggang sa ngayon iniisip ko pa rin kung nagagamit ko ba ito sa ara-araw na pag gising. Ang grupo natin ang kilala bilang maiingay, pasaway, mga dugyutin, at higit sa lahat pasimuno ng kalokohan sa loob ng klasrum. Hindi ko na tanda kung ano ang dahilan bakit tayo napagawi noong hapong iyon sa dati kong pinapasukang elementarya. Basta ang naaalala ko’y nag-uusap tayo ng mga kanya-kanya nating mga plano para sa sabado at linggo. Dalawang araw na hindi tayo babagabagin ng multo ng mga formulas sa advanced algebra, balancing equation sa chemistry, mga subject verb agreements sa mga English subjects natin.
Nasa pangalawang taon tayo noon ng high-school. Sa loob ng dalawang school year natin na magkasama, aaminin ko, hindi pa kita lubos na kilala, pero napalapit tayo sa isa’t isa. Ang dami nating mga kababawan noon, mga away at halakhakan na nagsimula sa mga mababaw na dahilan. Siguro nga mga mababaw na tao pa tayo noon. Iyong mga inosente sa ligalig ng totoong buhay. Kung sabagay, pagkakabisa sa mga formulas at pataasan ng iskor sa araling panlipunan lang naman ang pinagkakaabalahan natin noon. Aaminin ko, mas magaling ka sa mga bagay na ito kaysa sa akin, magaling ka talaga pag dating sa klase. Pasok ka nga sa top 15 noong first year high school. Samantalang, ako, hindi ko pa rin noon alam kung paano ko naipasa ang eksam para makapasok sa top 40 na estudyante na kasama sa klaseng iyon.
Nagsiuwian tayo noon na kagaya ng mga ordinaryong araw, maliban na lamang sa mas madami noon ang tao sa sentrong bayan dahil sa nagkalat na peryahan at gabi-gabing palabas sa plaza. Malapit na kasi ang pista noon sa bayan natin. Ang totoo, napag-usapan din namin ng isa pa nating kaibigan na gugulin ang gabi ng sabado sa plaza at manunuod ng palabas. Iyong kaming dalawa ang nagplano, at kahit wala pang kumpirmasyon mula sa inyo na sasama ka at iba pa nating mga kaibigan, ay napagpasyan na namin na ituloy ito.
Dumating ang araw ng sabado, napagpasyahan ko noon na pumunta sa bahay nila Paulo. Nagyaya na maglakwatsa, total wala namang klase noong araw na iyon, at tapos ko na rin ang mga gawain ko para sa eskwela. Sa totoo lang wala kaming kongkretong plano kung saan kami pupunta. Hanggang sa nagawi nga kami sa campus natin, nang mapagtanto na wala namang ibang tao doon maliban sa aming dalawa, nagpasya kami na pumunta nalang sa inyo. Hindi din naman kami natuloy, naalala naming na estudyante pala kami at sabado, wala pala kaming pera pampamasahe sa tricycle. Ang ending nagsiuwian din kami sa kanya-kanyang bahay, at nagkasundo na pagkatapos ng hapunan ay muling magkikita sa plaza para manuod ng palabas. Sa totoo lang hindi namin alam  kung ano ang palabas noon sa plaza, ang importante magtatagpo tayong magkakaiban sa gabing iyon. Siyempre hindi dapat kalimutan ang gm (group message), paanyaya sa inyo kalakip ang detalye ng pagtatagpo.
Ilang beses din kitang tinext noon at wala akong natanggap ni isang reply mula sa iyo. Para sa akin nakapagtataka iyon, maliban kasi sa academics, wala naman tayong pinagkakakabalahan noon kundi ang magtext nang magtext. Uso nga noon ang mga clan. Isa pa, mabilis kang magreply sa lahat ng mga text ko sa’yo. Pero hindi ko pinansin, at nagdahilan nalang sa sarili na baka nga, may iba ka ng pinagkakaabalahan o sadyang wala ka lang load.
Natuloy naman kami sa panunuod sa plaza. Putragis, malaman-laman namin na ang palabas noon ay body building at bikini open. Sa edad nating iyon, pagtatawanan lang natin ang mga ganoong palabas, at isa pa ano ang pagkakainteresan mo sa katawan ng iba, ang makikita mo lang naman doon ay mga malalaking muscles ng mga lalakeng nakabrief na neon at babaeng nakabikini. Sa edad kong iyon, anong pakiaalam ko sa katawan ng iba. Wala namang katuturan ang mga ganitong palabas, na-oobjectify lamang ang mga kandidato at kandidata. Ito ang unang pagsiwalat sa akin kung gaano namamayagpag ang sistemang patriyarkal sa lipunan natin.
Hindi ka nagpakita sa amin noong gabing iyon. Wala din kaming natanggap na text mula saiyo na nagsasabing hindi ka rin makakasama.
Sa tanda ko, mga alas-nuwebe nang gabi noong may lumapit sa grupo, isang babae. Kilala ko siya, kilalang-kilala. Magkawangis nga kayo, para bang pinagbiyak na bunga. Bakas sa kanya ang pag-aalala at kaba. Hinahanap ka niya sa amin. Nangingilid ang luha niya habang kinakausap kami. Nagtatanong kung kasama ka ba namin, alam ba namin kung nasaan ka, o nakita ka ba namin sa buong araw na iyon. Sa isip-isip ko noon, siya ba si Sisa, at hinahanap niya sa amin ang nawawalang anak niya. Pero naisip ko rin na siguro tama nga sila, may hindi nakikitang tali na nakakabit sa pusod ng ina at anak, at ito ang isa sa nagbibigkis sa kanila. Malayo man sila sa isa’t isa ay nalalaman ng isang ina kung may nangyaring masama sa kanyang anak. Wala kaming naisagot noon sa mama mo, itinuro pa nga namin siya sa computer shop malapit sa campus natin, nagbabakasakali na nandoon ka at nagbababad lang sa facebook.
Aaminin ko, simula noon, kinabahan ako’t nag-alala. Para bang may kakaibang pakiramdam sa sarili ko noon, pero pilit kong sinasabi sa sarili ko na nasa mabuting lagay ka ng mga panahong iyon.
Siguro mag-hahating-gabi nang nagpasya ang barkada na magsiuwian na. Pero ako, dumaan muna sa tindahan namin sa sentro, bukas naman iyon magdamag kaya okay lang. Hindi pa ako nakakapasok sa loob sinalubong na ako ng mga matang nagtatanong mula sa mga tindera noon sa tindahan. Hindi nga ako nagkamali, may mga pinukol nga silang mga tanong sa akin. Kahit sila’y naghahanap din sa iyo. Banggit pa nga’y nagawi doon ang tito mo, nagbabakasakali na madatnan ako doon at matanong kung nasaan ka nga ng araw na iyon.
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko noon, para bang may dumaloy na kuryente sa buo kong katawan at hindi ako makagalaw at makapagsalita. Doon pa lang alam ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Nagdarasal ako habang pauwi na sana ay mali ang kutob ko na may nangyaring masama saiyo. Tinunton ko ang higaan ko oras na nakaapak ako sa loob ng bahay namin. Hindi pa rin nawawala ang kaba ng dibdib ko. Pinilit kong makatulog noong gabing iyon. Pero umabot nang madaling araw na hindi manlang ako dinalaw ng antok. Iyon ang isa sa mga pinakaunang gabi na magdamag lumilipad ang aking diwa.
Bumangon ako nang maaga noong araw na iyon. Kaiba sa mga ordinaryong araw ng linggo na halos tanghaliin na ako sa pag gising. Hindi pa rin mapalagay ang kalooban ko noon, nag-aabang na kahit isang reply mula saiyo ay makatanggap ako.
Abang-abang ko ang bawat tunog ng cellphone ko noon. Kakaibang kabog ng dibdib ang nararamdaman ko sa tuwing may dumarating na text, at mas lalong lumalala ang kaba sa tuwing nakikita ko na ang mga pumasok na text sa cellphone ko ay hindi galing saiyo. Dahil hindi pa naman uso noon ang Group Chat sa messenger o fb, umaasa ako noon sa mga balita sa gm (group message) mula sa mga kaklase natin.
Isang text nga ang natanggap ko noon, gm mula sa isang kaklase natin na anak ng mag-asawang pulis sa bayan natin. Halos mawalan ako ng lakas noong nabasa ko ang laman ng text, dalawang menor de edad daw ang natagpuang patay malapit sa dagat, isang babae at isang lalake. Sa isip-isip ko noon, putangina naman, ganitong text pa talaga ang matatanggap ko, pilit na kinukumbinse ang sarili na sana, hindi ikaw iyon at ang kasintahan mo, sana ibang tao nalang. Alam kong masamang ipanalangin ang kapahamakan sa iba. Pero anong magagawa ko, iyon ang natatangi kong depensa sa katototohanang baka nga ikaw iyon. Banggit pa ng kaklase natin, hindi pa naman daw nakikilala ang mga bangkay, kaya relaks lang muna tayo, dahil baka hindi naman ikaw iyon.
Alam ko sa mga sandaling iyon, nagkakaisa kami ng panalangin. Sana nga hindi ikaw iyon, sana ibang tao iyon.
Ang mga sandaling iyon siguro ang isa sa mga pinakamatagal ang takbo ng oras sa buong buhay ko. Halos hilahin ko ang oras at pilitin ang kaklase natin na kumpirmahin na ibang tao iyon. Sunod-sunod na text ang natanggap ko noon, mula sa mga kaibigan at mga ka-eskwela, iisa ang punto, na sana nga hindi ikaw ‘yon.
Sa unang pagkakataon sa buhay ko, kinuha ko ang bibliya, pilit na pinapakalma ang sarili sa posibilidad na may nangyaring masama sa iyo.
Hindi ko lubos maisip noon na isang text lang ang isa sa mga bagay na makapagpapaguho ng mundo ko. Para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo noong mga sandaling iyon, wala akong ibang narinig kundi ang hagulhol ko habang dumadaloy ang mainit na tubig mula sa mga mata ko. Sa kabila noon, nandoon pa rin ang panalangin ko na sana hindi ikaw iyon, hindi naman kinumpirma ng kaklase natin na ikaw nga iyon, basta ang sabi niya, ang babaeng namatay daw ay kulot at nag-aaral din sa eskwelahan kung saan una tayong nagkakilala.
Hindi ko na alam kung ano pa man ang nangyayari noon. Basta natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa presinto, dahil doon daw dinala muna ang bangkay ng mga biktima. Nakita ko nga, nakasakay kayong dalawa sa dump truck, kulot ang buhok, isang babae.
Wala nang kumpirmasyon pa akong kailangan pa, kilala kita. Hindi ko kinayanan na tingnan ang bangkay mo sa ganoong ayos. Hindi ko na ring tinangkang mas lapitan pa kinaroroonan mo, basta tinanaw nalang kita sa malayo. Iyon ang kumpirmasyon na hinahanap ko. Kumpirmasyon na nagpawi sa kaba at pag-aalala, ngunit nagluwal ng isang mabigat na pakiramdam, ng lungkot at galit.
Karimarimarim ang sinapit mo sa kamay ng tatlong lalake na umagaw sa buhay at dignidad mo.
Gusto kong kausapin ang tatlong lalakeng iyon. Gusto ko silang sigawan. Gusto ko silang murahin. Gusto kong gawin din ang mga bagay na ginawa nila saiyo, at sa kasintahan mo.
Ang kamatayan mo ang unang nagpakilala sa akin kung gaano karahas ang mundo para sa mga walang kalaban-laban. Kung gaano karahas ang mundo sa isang babae. Pilit kong sinasagot kahit hanggang sa ngayon kung, maituturing pa bang tao ang mga kagaya nilang nakakagagawa ng ganoong bagay sa isang babae, sa kapwa nila tao.
Ang pangyayaring iyon ang unang pumukaw sa akin kung gaano kabulok ang sistema. Kung paanong ibinababa ang kababaihan sa lipunang ito. Kung paanong kinakaya ng isang lipunan magluwal ng kaisipan na ang babae ay isang babae lang, bagay na kayang patayin at tanggalan ng dignidad.
Hanggang sa ngayon, gusto kong isipin na ang nangyari saiyo ay parte lang ng isang mahabang bangungot, na sa mga oras na ito ay magigigising ako mula sa masamang panaginip na iyon.
Nang bumalik ako mula sa isang mahabang pakikipagbuno sa mga masasamang ala-ala, kasabay na bumalik sa akin ang galit, ang poot, ang lungkot, ang puyos. Habang isinusulat ko ito, muli kang nabuhay sa aking pandama. Hindi bilang isang patay na ala-ala, kundi ala-alang nagmulat sa akin.
Hanggang ngayon naghahanap pa rin kami ng hustisya sa nangyari sa’yo. Siyam na taon na, mailap pa rin ang hustisya para sa’yo. Isa pa ito sa mga ikinagagalit ko, bakit ba ang hirap sa lipunang ito makahanap ng hustisya sa mga taong walang pangalan. Tapos sasabihin pa nila, hindi lang naman ikaw ang unang babae na nakaranas noon. Totoo, pero hindi naman ibig sabihin dapat magpatuloy pa ang mga ganitong karumaldumal na mga bagay sa kahit sino man, babae man siya o lalake.
Mananatili kang buo sa aking hinuha, mananatili kang buhay sa aking mga ala-ala, maging gulagulanit man ang aking katawan mula sa mapangyahamong kamatayan.
0 notes
phgq · 5 years ago
Text
Tagalog News: Phase 2 ng Malolos Central Terminal, bukas na sa mga pasahero
#PHinfo: Tagalog News: Phase 2 ng Malolos Central Terminal, bukas na sa mga pasahero
Tumblr media
Pormal nang binuksan sa mga pasahero at sa publiko ang bagong tayo na Phase 2 na Malolos Central Transport Terminal. Isa itong Public-Private Partnership project sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at ng Malolos Terminal and Commercial Hub Inc. Karugtong nang maayos na terminal ang kumpletong mga pasilidad na kinabibilangan ng mga kainan, health & wellness, supermarket, retail stores at mga palikuran. (Shane F. Velasco/PIA 3)
LUNGSOD NG MALOLOS, Enero 9 (PIA) -- Binuksan na sa publiko ang Phase 2 ng Malolos Central Transport Terminal.
Tinagurian ang bagong tayong dalawang palapag na gusali bilang isang “terminal hub” dahil kumpleto ito sa mga establisemento at pasilidad na kailangan ng karaniwang pasahero mula sa mga kainan na food chain o food court, kapihan, supermarket, retail stores, health and wellness at disenteng palikuran ay matatagpuan dito.
Ayon kay Malolos City Mayor Gilbert Gatchalian, pagpapatuloy ito sa unang bahagi ng itinayong Malolos Central Transport Terminal noong Oktubre 2015 at napasinayaan noong Enero 2018.
Ipinaliwanag pa ng punong lungsod na layunin nito na mabigyan ng komportable, ligtas at maaasahang terminal ang mga mamamayan ng Malolos gayundin ang lahat ng tao na sumasadya sa lungsod.
Bilang kabisera ng Bulacan, ang Malolos ay nagsisilbing “end-point” o pangunahing destinasyon ng mga ruta ng dyip. Kabilang diyan ang mga dyip na galing sa mga lungsod ng Meycauayan at sa Muzon sa San Jose Del Monte na nasa timog silangan ng Bulacan gayundin ang mga galing sa pusod ng lalawigan gaya ng mga bayan ng Marilao, Pulilan at Plaridel.
Iba pa rito ang mga UV Express na papuntang San Fernando, Clark Freeport at Dau sa Pampanga.
Ang Malolos Central Transport Terminal ay isang Public-Private Partnership project na pinasok ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at ng konsesyonaryo nitong Malolos Terminal and Commercial Hub Inc.
Pinagkalooban ang pribadong kumpanya ng konsesyonaryo ng 25 taon upang mamuhunan at mamahala sa operasyon ng nasabing terminal. Kaya’t ayon kay Crispina Salazar, deputy city treasurer ng Malolos, nagbabayad ang pamahalaang lungsod ng 100 libong piso kada buwan sa Malolos Terminal and Commercial Hub Inc. hanggang sa matapos ang panahon ng konsesyon.
Bukod dito, kasama sa concessional agreement ang pagpapahintulot sa konsesyonaryo na maglagay ng mga pwesto para sa mga komersyal na establisemento upang doon bawiin ang puhunan.
Nagresulta ito sa hindi pagpapataw ng terminal fee sa bawat pampublikong sasakyan na gumagamit sa Malolos Central Transport Terminal at hindi pagtaas ng pamasahe.
Itinayo ito sa dalawang ektaryang bahagi ng 10 ektaryang Malolos City Government Center.
Samantala, ayon kay Rachel Dela Cruz, tenant relation officer ng konsesyonaryo, may mahigit sa 70 mga stalls o pwesto ang kasabay na binuksan sa loob nitong pasilidad. (CLJD/SFV-PIA 3)
  ***
References:
* Philippine Information Agency. "Tagalog News: Phase 2 ng Malolos Central Terminal, bukas na sa mga pasahero ." Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1032464 (accessed January 09, 2020 at 10:36AM UTC+08).
* Philippine Infornation Agency. "Tagalog News: Phase 2 ng Malolos Central Terminal, bukas na sa mga pasahero ." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1032464 (archived).
0 notes
mestrecycy-blog · 5 years ago
Text
Awit Ng Manlalakbay
Kagaya ng dahong nalanta, nalagas, Sinisiklut-siklot ng hanging marahas; Abang manlalakbay ay wala nang liyag, Layuin, kalulwa't bayang matatawag. Hinahabul-habol yaong kapalarang Mailap at hindi masunggab-sunggaban; Magandang pag-asa'y kung nanlalabo man, Siya'y patuloy ring patungo kung saan! Sa udyok ng hindi nakikitang lakas, Silanga't Kanlura'y kanyang nililipad, Mga minamahal ay napapangarap, Gayon din ang araw ng pamamanatag. Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw, Siya'y maaaring doon na mamatay, Limot ng daigdig at sariling bayan, Kamtan nawa niya ang kapayapaan! Dami ng sa kanya ay nangaiinggit, Ibong naglalakaby sa buong daigdig, Hindi nila tanto ang laki ng hapis Na sa kanyang puso ay lumiligalig. Kung sa mga tanging minahal sa buhay Siya'y magbalik pa pagdating ng araw, Makikita niya'y mga guho lamang At puntod ng kanyang mga kaibigan. Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik, Sa sariling baya'y wala kang katalik; Bayaang ang puso ng iba'y umawit, Lumaboy kang muli sa buong daigdig. Abang manlalakbay! Bakit babalik pa? Ang luhang inyukol sa iyo'y tuyo na; Abang manlalakbay! Limutin ang dusa, Sa hapis ng tao, mundo'y nagtatawa.
0 notes
randellmorillo525 · 7 years ago
Text
"ZEPHYR: ANG TAGA-BUHAY NG MGA GEM TITANS"
Tumblr media
Isang araw,matahimik na namumuhay ang mga taga-Lerranoia,nang biglang isilang si Zephyr ni Hyrtix,ang kanyang ina,kasama si Zeppivo,ang kanyang ama,sa isang lugar sa bayan ng Pociertel,nagulat ang lahat noong ipinanganak si Zephyr dahil siya lang ang katangi-tanging tao na ipinanganak na may gem na umiilaw sa kanyang pusod,dito nila napagtanto na hindi ordinaryong tao si Zephyr,maraming tao ang natakot sa pamilya nila,ngunit sila Hyrtix at Zeppivo ay hindi iniwan ang anak nila at sa halip na iwan ito minahal pa nila ito ng todo at pinalaki ng maayos. Dumaan ang maraming taon at dumating na si Zephyr sa legal na edad masaya silang nagdidiwang ng ika-18 na kaarawan nito;lumipas ang mga araw bigla na lamang nagiging kakaiba ang kilos ni Zephyr, tinanong ito ng kanyang tatay na si Zeppivo ngunit ayaw sabihin ni Zephyr ang problema at pinili nitong itago ang problema sa sarili,nang biglang dumaring ang panahon kung saan ang kapangyarihan ng gem ni Zephyr ay magigising. Nagulat ang lahat ng habang kumakain sila sa bahay ay bigla na lamang umilaw ang mata ni Zephyr at ang pusod nito,walang kamuwang-muwang ang kanyang magulang na mayroon palang kapangyarihan itong si Zephyr,dito na sinabi ni Zephyr na parang may enerhiya siyang nararamdaman sa kanyang katawan,na may kumakausap sa kanyang konsensya,na palaging pinapaalala na mag-iingat siya at dapat pagdating ng ika-18 na kaarawan niya ay maging handa na siya sa mga misyon niya na dapat gawin bago pa malaman ng mga Sluxe,ang grupo ng mga kakaibang nilalang na naghahangad na mawasak ang Lerranoia,na ang itinakdang taga-buhay ng mga Gem titans ay nabubuhay na. Pagtapos ang mga pangyayaring iyon, nagensayo na si Zephyr upang ma-control na niya ang kanyang kapangyarihan at masimulan niya nang buhayin ang mga Gem titans sa katawan ng ibang tao. Dumating na ang panahon na kung saan ang mga Sluxe ay nakaalam na na si Zephyr ay naisilang na at huli na ang lahat dahil ang mga Gem titans ay nabuhay na at handa na silang labanan ang mga Sluxe. Nagsama ang mga Sluxe ng isang grupo ng mga alien assassins na kilala sa bansag na "The Obliterators" saka pinaghandaan ang pagsugod sa Lerranoia. Si Zephyr ay kinakabahan dahil mayroon pa siyang isang gem titan na hindi nabubuhay siya ay si Pearl,ang holy mage ng mga Gem titans. Dumating na ang araw kung saan naglalaban na ang mga Sluxe kasama ang The Obliterators at ang mga Gem titans,malapit nang matalo ang mga Gem titans sapagkat hindi nila matapatan ang lakas ng pinuno ng The Obliterators kaya nangangamba sila na baka hindi na nila maprotektahan ang Lerranoia,buti nalang at nabuhay nang muli ni Zephyr si Pearl. Di naglaon nanalo ang mga Gem titans at naging matagumpay sila sa pag-protekta sa Lerranoia.
-Sinulat ni: Jasper Guzman, 10-Volta
0 notes