#prelims week namin ngayon
Explore tagged Tumblr posts
klien2000 · 9 days ago
Text
Tumblr media
Paasa k, thanus,,, kla q mag-iinuman tyu pgkatapus ng laru, gnun lng pla mngyyari sayu, p0ta sqit,,,,
39 notes · View notes
moonwonuu · 1 year ago
Note
ATE KWOAAHHHHHHHH OMG I MISSED U, TAGAL KO DI NAGPARAMDAMMMM
Kakatapos lang po prelims namin last week hehe midterms naman 😔 pero this week pahinga po kami, wala masyadong gawain. I'm part of the school's dance crew na po! Me & my frennies passed the auditions and part na rin po ako student council KAJDJSOS Hayss, nakakamiss makipagchikahan sau, ats. Pero MAS NAMISS KO HANNIE KO BABY KO YIIIEEE BELATED HAPPY BDAY SA BEBEQ SHEMS.
OMG also MAKAKAPUNTA PO AKO SA FOLLOW TOUR SA JANUARY HERE SA PH JAJDIAODJSOS very supportive parents ko, very thankful na they're always there to provide for me the things that makes me happy. Super unexpected.
Kamusta po kau??? Sana oks pa pi!!! Miss na miss talaga kita, ats 🥹🫵 Sana makapag update na po ikaw besides all the special chapters the u make for ur past aus. Thank you po pala dun! Ur AUs surely makes me smile lagi. Kaaliw kay Cheol at Hannie eh HAHAHA
Anyways, nangamusta lang po HAHA stay safe always and take care of urself po palagi!!! Or else 😠🫵🤺 laviewww saur much pi
— [🌧] anon
hi hello 🌧️! i’m glad to hear youre involved in many things sa uni mo & congrats to you and your friends for passing your auditions! hopefully naka rest ka din after your prelims, importante pa din yun 💛
yehey yehey! i’m manifesting na maka secure ikaw ng ticket kasi deserve mo yan (lahat ng mga nag babasa ng works ko included! 🥰)
may covid ako rn pero my isolation period is ending very soon kaya ang dami ko time mag sulat (gulat kayo sa pag post ko ng mga special chaps ‘no?) 😂 on the bright side, i got to cut my hair really short (napa short siya kasi sabi ko kay mama pwede hanggang collarbones pero ang ginawa niya mas short pa dun pero okay naman daw) even though sabi ko papagupit na lang ako after my friends’ wedding 😭
anyway, mag ingat kayong lahat! especially ngayon kasi *cue music* it’s coughing szn 😭 stay safe too 🩵
0 notes
sunshinelittlethings · 2 years ago
Text
March 06, 2023 - Monday
Hi Tumblr!
Owemji, sabi ko sa last blog ko may last blog pa ako para sa February pero hindi na nangyari kasi sobrang busy ko last week! Nakakaloka. Ngayon lang ako nagkatime magblog since medyo maluwag schedule ko and gising pa talaga ako ngayong oras kasi alam kong asynchronous kami bukas sa HIS HAHAHAHAHAHAH. Ang sama ko owemji pero yeah I should treat myself a little sa pagsleep kasi laging kulang ako sa tulog this past few days. I deserved it guys! HAHAHAHAHA
Sooo, ano chika ko bakit ako napadpad ngayon sa tumblr ko? Well, first of all, first blog ko for this month. Unang blog palang pero madami na ako ilalabas na sama ng loob. Grabe sa sama ng loob e HAHAHAHAHAHA. Ayon na nga, last week diba may last days pa ng February, we took our last prelim exam na nakaschedule dapat nung Feb 24 pero namove dahil nagsuspend yung presidente na walang klase raw non. So lahat ng activities namove din, ang galing. :) imbis na wala na kami proproblemahin next week maliban sa para lab exam namin, dumagdag naman yung last two exams namin which is para lec and hismls lec. Nakakastress.
Basically, my scores are not bad nor good kasi naman sumasabit ang mga scores ko ngayon tangina. Like should I breakdown kasi ganon ang mga scores ko? Which I should breakdown talaga kasi nakakafrustrate talaga siya but the thing is, I can't do it since I have so many things and once na nag-breakdown ako literal breakdown sa lahat ng bagay ako and bilang 2nd yr rep ako and part ako ng council, I can't. I am barely breathing and holding to a bar. Literal gusto ko umiyak talaga pero walang lumalabas na luha sa akin, siguro napagod na ako at namanhid na.
As of now, I am fine and kinda stable ang mental health ko kahit madaming gawain sa council, I am currently head committee of two categories sa aming upcoming foundation ng school, actually, isa lang talaga kasama ang friend ko kaso yung isang committee sa category na pageant ay hindi na hahawakan raw ni Kuya. So yeah, we handled it na since friends naman namin ang sumali sa pageant. Madali and mas mabilis ang communication. Sa category na napunta sa amin, nakakaubos ng pasensya yung ibang participants pero keri lang naman, huwag lang sila managad HHAHAHAHA.
Ipapangako ko sa sarili ko na hindi ako mage-entertain ng questions related sa academics and council matters, pati sa class reps ng 2nd year every Sunday kasi Sunday na lang talaga pahinga ko and iaalay ko pa ba yon sa academics and council tasks ko? Naurrrr wayyy, napapagod din kami. Sana maisip din ng mga students na to na student din kami at tao lang kami kailangan ng pahinga.
Good thing, nakagawa ako ng trans last Saturday sa Histology lab namin, so medyo maluwag sched ko ngayon but I need to do trans pa sa ibang subjects. I was supposedly to do it yesterday, but, I prioritize the upcoming foundation which I should not because ilang araw ko na siyang inuuna!!! AHHHH!
Ayon pa pala, gumawa ako ng handmade crochet bracelets sa mga friends ko, I spent almost 3 days making it plus yung letter. Almost 20 crochet bracelets ang ginawa ko and may gagawin pa akong isa kasi nakalimutan ko siya huhu, akala ko kasama na siya don sa mabibigyan ko tapos nung narealize ko wala siya jusq.
Ano pa ba? Well, I am spending my precious time sa mga friends ko, well, iba't ibang squad. I am enjoying this because madami akong nakikilalang mga tao. Nakakatuwa kasi may mga kaibigan ako na iba iba tawag saken HAHAHAHAHA. Ang cute cute lang.
Hmmm....hindi ko na alam chichikahin ko umiikot ang daily basis ko sa aral at council, konti na lang sa pansarili ko HAHAHAHAHHA. And I should really exercise na. Huhu fls motivation saniban mo ko
BTW! Nagtry ako tumambay sa coffee shop to review and it's fucking effective, somehow, kasi nagreview ako last Saturday sa coffee shop sa tapat ng school namin and nakapagfocus naman ako. However, medyo mababa pa rin ang lab exam ko pero babawi sa midterm! I just also saw my grades in IQC and masasabi kong sumabit lang ako don but thanks God pa rin! <3 babawi sa midterm.
Next blog ulit! Mwaaa
Song of the Day: Die For You - Remix by The Weeknd, Ariana Grande
0 notes
kimoralesss · 2 years ago
Text
Missing in Action
Subject: Missing in Action
Date: September 25, 2022
I know I'm 2 days late, im sorry :( been mia for a while since i just want to relax after my hell week HAHAHA
don't know what's the subject of this email paj, since wala naman masyadong ganap sa buhay ko.
But sharing to you what had happened for the past two days that I'm mia HAHAHA
Friday, is the last day of prelims and I can say that na nairaos naman namin magkakaibigan, we've congratulated each other since we've come along together.
They're the best "friends" that you can have :( I'm so happy that I made a move HAHHAHA kasi kung hindi baka hanggang ngayon wala pa din akong kaibigan, palagi din kaming nagtutulungan sa lahat.
sana till our final year we're all friends pa din, I'm looking forward to know and bond more with them. medyo may crush Ako dun sa isa kong classmate, don't worry crush lang naman HAHAHAH
Saturday, walang ganap I just read Wattpad nakakainis kasi di na ko makabasa ng libro it's been months :((
Saturday, spend it with alfeyah balak sana namin mag kkopi kaso full packed. kaya we move in minute burger tapos nanood kami ng liga. sinusulit ko na since malapit na ko mag-move out sepanx malala :( I'm gonna miss my friends here lalo na si alfeyah :((
Sunday, ngayon walang ganap at nagkukwentuhan lang kami ni mama, about my plans once i move out na. I'll surely miss this pero siguro masasanay din ako.
ayun lang naman ganap sa buhay ko, hope that you are taking care of yourself.
I'm studying hard don't worry. I'll make sure to finished this year with flying colors (again HAHAH)
always take care and enjoy. till next time
labs palagi,
0 notes
superbolt · 3 years ago
Text
exam weeking
exam week by tomorrow (i mean later pala) and ayon browse nalang ako bukas. im so inip na coz the keyboard that i ordered has not arrived yet and super bad pa kasi wala nang update kung saan na yung parcel. Ive anticipated an early delivery pa naman kasi it was shipped right away tas biglang nawalan na ng update. sana magamit ko pa for my RnD hahahaha yun lang naman. out nako sa discord, night! thank u Lord for today n always 🤍
— 04.04.2022 // 2:36 am
today’s exam was not really bad at all, i guess para sakin but still, it does not guarantee us of passing our failed prelims kahit di rin namin alam yung grades namin hahaha. I just felt a lot better than the last exam kahit na there were errors na nasayang yung oras and even tho we lost an automatic 27 points :<
Sa ngayon, i just browsed on the notes and graphs and tuloy ko nalang early tomorrow for some possible essays since di ko nagalaw yung video A-B.
Pluuus, my keyboard arrived na pala and it is what im using right now hihi. super cool lang with rainbow backlight pati narin yung mouse, angas lods.
have to wake up by pass 5 siguro and take the exam 8 am, no need shower hahaha. Goodnight!
— 04.04.2022 // 11:43 pm
for today’s update, it was a disaster,, paiiiiiins
— 04.08.2022
goonight, have to sleep for 4 hrs then quiz early morning. btw, sana naman u pinned me on your screen also hhahahh
—04.08.2022 // 1:15 am
yung quiz ko rin today, painxx with an x hiyang hiya nako kay maam. ang lala nung problema ko, pero ako lang talaga yung vv hhahahah
so sleepy na, last day for this term wohooo tuloooog
—04.08.2022 // 10:49 pm
grabe yung transition of my updates hahahha, from chill to painx bro but it was survived naman, somehow.
—05.21.2022 // 8:43 pm
so our exam started kahapon and jusko unang exam, bagsak agad. Sana lang talaga ipasa kami huhu grabe. And today, we had our SEPA, i guess not bad naman kahit nilalagnat nang slight. Took meds agad kasi di pwedeng lumala huhu. I have research pa and other stuffs. We need to Balik our energy. thats it, lets rest muna.
0 notes
babaengmadaldal · 7 years ago
Text
One Hell of A Day
Katulad nga ng title, sobrang hell ng araw na 'to dahil sa mga bagay bagay.
Una, I'm having this paranoid attacks and panic attacks. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng ganun. I end up crying nung umaga kasi hindi ko na talaga kaya baka dahil ito sa kakaisip ko sakanya, napaparanoid na ako na baka iniiwasan na niya ako but no, other friends assured me na busy lang talaga siya. Nakausap ko naman siya nung Monday at busy daw talaga siya these week gawa ng deadlines and exams niya. Sana makausap ko na siya bukas.
Pangalawa, mainit ung ulo ko hanggang sa makarating ako ng school. As in na tipong nasamaan ko ng tingin ung mga tao sa paligid ko, nakakaloka. Hahahahaha
Pangatlo, may dalawa akong exams ngayon. Nag-aral naman ako, nagmemorize at kung ano pa, para naman maging proud siya sakin kapag mataas grades ko. So ayun nga, unang exam FinMan, may nakakalimutan ako sa enumeration na isa o dalawa, laging ganun buti na lang hindi lahat nalimutan ko. HAHAHAHAHAHA tapos sumunod agad yung GovAcc dun, ayun puro verbatim dapat sa mga law provisions, inaral naman namin yun, nagkakamali lang ako sa ibang words + may nalilimutan ako sa enumeration again at sa define define. Pero all is well, natapos na din Prelim exams ko. Mag-aantay na lang ako ng grades ko baka next week or sa isa pang next week, ilabas yun. :)
Ayun, one hello talaga siya. Nakakastress 'tong araw na 'to, yun lang yung point ko.
5 notes · View notes
notkent20 · 5 years ago
Text
Joe
Share ko lang. Sobrang sad lang sa feeling. Nawalan ako ng bestfriend ngayon, I mean ulit. Hindi literal na patay, nawala yung friendship namin. First of all, kuwento ko muna siya bago ko i-breakdown yung nangyari. Okay bale isa siya sa mga una kong nakilalang future blockmate dahil nagpost yung another future blockmate ko sa freshies’ page na kung sino yung mga magc-chem, drop daw yung name and section. After ko ilagay section ko, maya-maya nasa group chat na ako. Iisa palang group chat nung time na yun bale merged. Hindi ako nagkakamali mga anim palang kami nun. Kahit small talk lang, sobrang excited na ako na makita sila. So ayun fast forward sa 1st semester, first impression ko sa kanya ay simple, mabait at anak-mayaman sobrang puti kasi eh alagang-alaga HAHA. Ayun, hindi naman lumayo yung mga impression ko sa kanya kasi totoo. During discussion, siya yung tipong student na nakikinig at nag-aaral talaga. Kahit breaktime, bibili muna ng pagkain sa cafeteria or sa carpark tapos babalik sa room, makikita mo either sa puwesto niya or nasa sulok, tahimik, gustong i-master yung previous subject na parang di makaget-over. Or kung hindi naman sa room, diretso agad yan sa library basta palaging gusto mag-isa. Siguro dahil mas nakaka-concentrate siya kapag mag-isa lang kahit nandiyan naman mga kaibigan niya or gusto niyang magkaroon ng ’me-time’. I mean hindi yun masama. Nakakahanga pa nga actually. Sana nga ganun din ako kasipag. Ikumpara naman sa akin na napakahappy-go-lucky. Kung ano matrip-an either kakain o maglalaro, basta wala sa option ang pag-aaral. Tapos siya rin yung tipong student na masunurin talaga sa parents. After ng last subject, hindi na magpapatumpik-tumpik yan, magte-text muna yan sa parents niya tapos diretso na yan uwi. Ako naman either magpapalipas ng oras, contemplate ganun or maglalaro ng PS4 dahil nakakapagod kaya bumiyahe lalo na kapag traffic or tutungga muna basta maubos lang oras. Shit kung ganito lang din ako mag-aral kung ikukumpara ko sa pagiging observant ko sa class, siguro nasa dean’s list ako HAHA joke. 
Anyway balik tayo sa kuwento. Ipakilala ko muna siya. Itago natin sa pangalang Joe — Katsu Joe. Bakit ganyan ang pangalan? Actually isa siyang food stall sa university hehehe. Isa sa pinakapaborito niyang kainang food stall. Kumbaga go-to place niya ito kapag gutom siya. Shinare niya yan sa akin nung Christmas break. Ipinagmalaki niya na sobrang sarap daw. Eh ako naman hindi makarelate, sinabi ko after ng break ittry ko yun. Siya naman sa sobrang excited niya na ma-try ko, iniba niya yung nickname namin sa messenger; sa kanya ginawa niyang Cremzu, ako naman ginawa niyang Cheezu. Nagtaka ako kung ano yun. Sinabi niya na yan yung mga pagpipiliang sauce na ilalagay sa taas ng patty. At doon nagsimula ang aming friendship. Nagstart lang sa chat na puro pagkain ang topic. Grabe talaga! Hindi ka magkakamali basta pagkain ang pag-uusapan. Masasabi ko talagang napaka-unexpected. Akala ko kasi tuluyan ng malungkot yung break ko, stress from acads dahil ang bababa ng mga grade ko tapos sumabay pa ang personal problems like family problems. Kaya mas gugustuhin kong umuwi ng late para mas less yung nakikita kong mga mukha sa bahay. Hindi sila nakakatulong, imbis na ‘feel at home’ ang magiging mood mo kapag dumadating sa bahay, ang unang-una mo pang maririnig sa tainga mo ay mga sigawan. Pero wala akong magagawa, kahit sabihin kong used na ako sa ganung sitwasyon, minsan nakakasawa na, walang pagbabago. Ngunit umiba ang lahat nung dumating siya. Siya lang kausap ko buong break: mapa-umaga, hapon o gabi man, nonstop. Kahit depressed ako nun, bigla na lang nawawala dahil kausap ko siya. Kumbaga nagiging productive yung araw ako dahil nab-busy ko sarili ko. Napaka-cute lang dahil minsan kapag nakakatulog ako, fina-flood niya ako ng message para lang magising ako. Hanggang sa early morning na kami matapos. Hindi ako nagkakamali ang pinakalate naming chat ay hanggang 6AM. Kung ano-ano pinag-uusapan: may pagtulong sa laro (walkthrough), PBB (tv show), mga ginagawa sa usual day, at kung ano-ano pa na matrip-an na tanong o topic. Sa PBB naman, hindi talaga ako nanonood nito kaso ang cute, ipinapatigil niya laro ko at sabay daw kami sumubaybay ng mga buhay ng housemates. Kaya kapag tuwing ipapalabas na ang PBB, mga around 10PM, madalas niya ako paalalahanin, magf-flood ng message na itigil ko muna mga ginagawa ko at manood na muna ng PBB. Hay nako, kung ganito ba naman yung babae, sino kayang hindi mahuhulog. Pero hindi laging masaya ang araw namin dahil minsan sobrang lungkot ng mga pinag-uusapan tulad ng mga past relationship/s. Pinakinggan namin ang isa’t isa. Nalaman ko na parehas pala kaming talunan pagdating sa relasyon Matapos iyon, napatanong ako sa sarili ko, “kapag magiging kami, papasayahin ko pa siya ng sobra-sobra”. Deserve niya yun dahil sobrang bait niya, at napaka-fragile. Hindi niya deserve masaktan o mapunta sa ganung place. Kaya’t kapag kami ang magkatuluyan, ipa-patry ko sa kanya yung mga hindi niya pa na-experience. Siyempre hindi rin nawala yung paggawa ng plano. Ang dami naming ginawa na pagbalik daw namin sa school magttry kami ng iba’t ibang kainan around the campus. Habang papalapit nang matapos ang break, napatanong ako sa sarili ko na “Ito na ba yun Lord? Kung siya na nga then let’s make it happen.” Weeks passed, strong pa rin friendship namin. Siya halos lagi kong kasama tuwing break. Kung ano-ano na tinatry naming pagkain. Sbarro, 24-chicken, KFC, you name it. Minsan naman, kapag alam kong busy yung schedule kinabukasan, maghahanda ako ng madadala kong pagkain para sa kanya. Yung maramihan na rin para mashare niya sa circle of friends niya. May time rin na pinuntahan ko siya nung araw ng parangal. Sino bang hindi proud na kasama siya as dean’s lister. I mean congrats Chem. Pero mas congrats sayo, Joe. Kapag tuwing magkasama kami, unti-unti naman akong nahuhulog sa kanya hanggang sa matapos ang prelims ng 2nd sem. Balak ko nang sabihin sa kanya yung feelings ko kaso uwing-uwi na siya kaya hindi ko na lang pinilit. Sinabi niya na i-chat ko na lang daw yung sasabihin ko. Pero hindi ako pumayag mas gugustuhin ko pa rin na personal ang pag-amin sa kanya. Siguro medyo nagmadali ako. Inisip ko na lang may better plans si Lord sa akin kaya hindi natuloy. Kaya imbis na magc-confess ako sa kanya, dinivert ko nalang sa mga problema ko. At muli, pinakinggan na naman niya ako. Napakasarap sa feeling yung pinakapaborito mong tao kino-comfort ka at nagbibigay sayo ng mga advice. Mas lalo na akong nahulog.
Ito na finals period. Strong pa rin naman. Medyo hindi na nga lang kami nagsasama dahil sa tinambakan kami ng groupworks. Eh ang malas, umaasa ako tuwing may count off makakatapat ko siya sa numbering kaso hindi. Meron din namang by friends. Alangan namang i-ditch ko mga pumili sa akin para lang maging kagrupo kami. Atleast man lang sana makapag-usap ulit kami personal. Sa chat na lang kami nag-uusap. Minsan nga hindi pa kasi tambak na ng mga gawain. Hindi siya nag-o-online kapag maraming assignments. Ganun siya ka-displinado. Samantalang ako, before class ko lang gagawin, kokopya pa nga madalas. Naisip ko na parang unti-unti nang gumuguho yung pinagsamahan namin dahil ang hirap, hindi ka talaga makasingit ng kaunting oras. Sa ganung point sino ba namang uunahin landian
Tumblr media
0 notes
callmeyce · 7 years ago
Text
sorry if i've been on hiatus lately. super busy as in no joke. 6 days sa school (m-sat) + paguwi ko ginagawa ko na layout for photobooth and posters while eating dinner or just drinking coffee kasi gabi na ako nakakauwi from school lagi + work & events in between TAPOS MAY DUMAGDAG PA... T H E A T E R!!! M I S S S A I G O N!!!! patayan sa theater training namin as in shookt 7hrs kami sa training kanina. tapos alam niyo ba... prelims na next week HAHAHAHHA SAYA SHUX pero ngayon focus muna ako sa work. pinepetix ko na school ko as in hahahaha 2 events this week pero okay lang kasama ko naman bebe boy ko. hehe no energy gap uy landeh. nakakaloka pero amidst all that di ko alam bakit nagagawa ko parin magworkout??? HAHAHAHAHAHAHAHAHA ang lala. malapit na mamatay katawan ko pls. at least masaya ❤️ kaya kung may nangsstress sa buhay ko wala ako time sayo umalis ka ganun lang hahahahahahah jkkkk bye
4 notes · View notes
unmannedspaceship · 7 years ago
Text
Maling Akala
Prelim Exam Week na next week pero first meeting pa lang namin kanina sa Fluid Mechanics. 8:30 AM ang simula ng klase pero dahil may sumpa ang mga kalsada ng Dasmariñas kasabay ng pagbungkal ng kalsada ay ang sobrang traffic kaya 8:45 na ako nakarating sa Gate 3 ng school. Siguro nasa isang kilometro ang itinakbo ko para makarating sa classroom na MTH115. 'Yung room na 'yun ay may tatlo pang classroom sa loob at laboratory bodega or whatsoever. Pero may isa talaga doon na classroom para sa lecture.
Dire-diretso lang akong kumatok at nagbukas ng pinto sabi ko pa "Good morning sir, sorry late ako nakakahiya unang meeting pa naman ngayon" tapos he was like "?????????" tapos tinignan ko 'yung klase na 'yun and they were like "???????????". Medyo bangag ako kasi nakakaubos ng lakas 'yung pagtakbo tapos nag-iisip pa ako ng paraan ng pagsosorry sa pagiging late ko. May snap moment si sir na "Teka, 3rd meeting na namin 'to? Late enrollee ka ba?" and then ako naman 'yung "????????"
Nag-end 'yun sa "Fluids to sir diba?", "Hindi, Plane Surveying 'to. Nasa kabilang room 'yung Fluids." Gusto ko bigla magpakain sa sahig at lupa noon sa kahihiyan tanginaaaaaaa pero at least kahit medyo napahiya nagibg masaya naman ang araw na 'to.
5 notes · View notes
definitelyhandsome · 8 years ago
Text
tgif x hellweek
laptrip nasa bar kami ngayon tapos nagsigawan kami pumasok yung mga prof namin syempre katatapos lang ng hell week tapos tawang tawa ako sabi ba naman samin "oh ngayong gabi hindi tayo magkakakilala ha" hahahahaha woooh prelim is done!!!!!
12 notes · View notes
merelya · 8 years ago
Text
Thankful ❤
So here it goes... Never kong naimagine na mag eenjoy ako sa course ko ngayon. Pano ba naman, di ko naman forte ang programming hahahaha akala ko nga hindi ko talaga maiintindihan yun eh, good thing nalang na fast learner ako kaya nag excel ako kahit wala akong kaalam alam nung pumasok ako hahaha! Pero sa loob ng isang taon na nagaaral ako ng programming, ngayon ko talaga naramdaman yung sobraaaaang saya ko! First day palang ng 1st sem,2nd year, kinausap na ako ng prof ko sa c++ na ako daw ilalaban sa inter-branch competition, edi pumayag nalang ako kasi sayang naman. Saka sa dami ng magaling ako pinagkatiwalaan ni sir na maging representative ng school namin. So eto na, 2 weeks before the event, puro ako cram!!!! Pano may thesis update presentation, at prelim exam pa, eh given 2 weeks para mag comeup sa isang system na nakalimutan ko na? Tae iyak talaga ako eh. Tapos puro away pa kami ng jowa ko kasi nawawala ako sa mood dahil sa pagod, tapos dinadown ka pa sa bahay nyo hanep hahahaha! Eto na, competition na (July 8, 2017) Habang on the way kami sa GIST Fairview, takte walang laman utak ko. As in. Blanko ako, di ako mapakali takteng yan. Kabado ako kasi magagaling yung sa ibang branch, yung iba sakanila may background na sa programmong, ako taeng yan wala 😭 Tapos mismong competition na, nasa loob na kami ng room, nanginginig talaga ako hahahaha niyayakap na nga ako nung mga kasama kong lalaban kasi di ako mapakali, saka ako daw kasi golden girl nila, ako daw pambato mga hinayupak 😂 Nung nakaupo na, nandun na din yung mga prof, taeng yan ako lang babaeng magcocompete! 😂😭 tapos sobrang lamig nakatapat sakin aircon takte. Pero tangina nawala lahat ng kaba ko nung tinabihan ako ni sir Aga!! Bawal sya tumabi sakin kasi syempre bias, pero buti nalang nakatutok ako sa aircon at sira yung pc sa tabi ko kaya nandun lang sya inaayos nya yung pc kaya mejo kumalma na ako. Given 2 hours para makagawa ng system, in less than an hour tapos na ako. Kinakabahan pa ako tangina hindi ako makapag taas ng kamay bullshit huhuhu at yun yung pinaka mistake ko 😭 naunahan ako magtaas ng kamay ng taga ibang branch, 1min lang ah! Resulting, champion sya, 1st placer ako. Kahit sobrang sayang kasi ako sana champion, sobrang naiyak talaga ako sa saya!!! Di ko naman inaasahan eh! Di ko naman alam na mananalo ako! Hahahaha 4branches, 8 competitors ba naman? 😭 sobrang sarap pala sa feeling na nabuhat ko yung school namin, nagiisang babae pa ako. Tae huhuhuhu. Ito na ba calling ko? Hahahaha! I admit it, masaya ako sa ginagawa ko ngayon. Napamahal na din ang programming sakin and hindi ko alam kung gusto ko pang kumuha ng ibang course... 😊❤
2 notes · View notes
sunshinelittlethings · 2 years ago
Text
February 23, 2023 - Thursday
Okay, unang una sa lahat ngayon lang ako nagkaroon ng time para mag-blog sa mga nangyari sa February ko so feeling ko mahaba haba ang chika ko ngayong gabi. HAHAHAHAHA. Hindi naman kasi dapat ganito mangyayari kaso sobrang busy ko bilang student at bilang isang student council, kaya hindi ko magawan ng time tong pagbloblog ko na dapat every week kada Sabado or Sunday. Kaso pati Sunday ko gamit na gamit :<
Anyway, san tayo magsisimula? Hmm, okay simulan natin sa Mass Blood Donation: Seminar, kami ang naatasan ni Kuya Pres na magconduct ng seminar about sa blood banking, well, technically, samin pinasa ang gawain pero may mga papeles na kung baga kami na lang maglalakad at magproproceed sa mismong araw. Syempre expected namin maayos lahat so we're kinda 'chill' kasi sabi okay na pero ayon hindi pala ng slight. BUT we managed to conduct a seminar and it was successful! Nagawan ng paraan ang mga bagay bagay at naging okay ang buong program about blood banking.
Next naman ay nagkaroon ng Council Meeting na inabot ng 2AM kasi nag open forum ang buong council, nagsabi ng mga bagay bagay sa isa't isa then tuwang tuwa ako kasi walang negative na nasabi sakin sa buong council. Puro good comments tapos laging sinasabi sa akin, huwag daw sana mawala yung smile ko and always daw magbring ng happiness sa ibang tao. Aww, tapos yung friend ko medyo pinaiyak ako kasi ang ganda ng comment niya sa akin :<
Ano pa ba? HAHAHAHAHAHAHA okay, we have quizzes last week before our Prelim exams. Grabeng quizzes yon, we survived taking quizzes------5 quizzes within a day. LAHAT NG MAJOR SUBJECT NAMIN NG MONDAY, LAHAT MAY QUIZ NG ARAW NA YON. Imagine we managed to survive that day but damn, we're fucking tired and drained. Sino hindi mapapagod at madradrain kung sunod sunod klase namin na may quiz? After mo magquiz, tamang clutch na review sa susunod na klase para may masagot. Hays. But, somehow, it helped me to review our lessons.
PRELIM EXAMS----, gusto ko umiyak kaso hindi ako maiyak kasi tinanggap ko na lang kapalaran ko sa prelim??? Grabe dami kong bagsak ngayong prelim, hindi ko alam kung paano ko mababawi yon pero one thing is for sure, I will study hard----mas hard ngayon. Gusto ko bumawi e.
Malapit na din pala Foundation Day ng school namin and since student council ako, good evening, good morning, good afternoon talaga kasi busy na naman kami ng friend ko T^T naghahanap kami ng mga participants sa category na naging task namin. Mas lalong busy sa March kasi next month na yon.
I found a new acquired pokemon (friend) sa ibang section and I'll tell you, they're sooooo kind!! Apat na lalaki sila, yung tatlo don kilala ko na at naging classmate na slash friends naman talaga. Yung isa yung bago, though kilala ko na siya dahil sa common friend naming dalawa. Wala lang katuwa lang silang apat kasi hindi nila ako nileleftout or something, caring sila sa akin T^T ang cute lang huhu.
Ano pa ba? Sa susunod na yung iba HAHAHAHAHHAA.
Abangan ang mga kaganapan sa March kasi madami dami din yun! <3
See you again! mwaaa
SONG OF THE DAY: Devil by the Window - TXT
0 notes
missuneyverse · 8 years ago
Text
Life lately
I. Last week, prelim exam namin kaya hindi ako nakabisita dito ng almost 1 week. That was a very stressful week like yung tulog ko na 4-5 hours everyday, kinaya ko ng 1-2 hours na lang. I thank God so much because i survived the hell week. It’s midterms already and kailangan ng dobleng effort sa sobrang hirap ng subjects namin this semester. Everytime na nadodown ako, magrereklamo muna ako sa life pero sasabihin ko din sa sarili ko na, “Kaya mo yan. Tiisin mo lang kasi worth it naman sa huli.” yes, that’s how i cheer up myself and also thinking na your family supports you a lot, super nakakagana.
II. Sa ngayon, nalulungkot na naman ako. Hindi ako makakapunta sa debut ng isa sa bestfriends ko kasi 25th wedding ng tito and tita ko on March 4 pero masaya padin ako kasi what makes me happy on that wedding day is, it is my first time na kasama ako sa bridesmaids. So my mom bought me a dress from f21, simple yet so lovely nainlove nga ako eh hahahaha if you wanna see it, yun yung home photos ko dito sa blog ko. I can’t wait huhu fast forward please?
III. Last night nakatulog ako around 7:40pm then i woke up around 8am since 9am class ko. So almost 12hrs din tulog ko. Grabe ang sarap i swear! Nakatulugan ko si nga kulit :( hahahaha pero naiintindihan naman niya since ilang araw talaga kami walang tulog and super nakakapagod kahapon. Pagkagising ko, there’s a message from our pharma prof and he said na wala kaming pharma today due to shoulder injury so my next class will start at 1pm pa kaya i still have so many time to scroll here and relax.
IV. Tomorrow will be our first hospital duty (FEU-NRMF Hospital), 5:30am is our call time at starbucks with our CI. Maaga pero sanay na kami since ganun na talaga nung health center and lying in duties pa lang namin hahahaha. Sa OB ward ako naasign and we are expected to wear our white apron and cap from our capping ceremony last time, i think isa yun sa kinaeexcite namin kasi first time din namin gamitin yun sa duty. Our duty is until 2 or 3pm. Lastly, on friday is yung post-valentine event ng lahat ng courses na disney themed “Faculty on Stage” the hightlight of that event for us is yung performances ng profs so it is a must watch talaga hahahaha.
Too much kwentos na so i’ll stop here hahahaha daldal noh. I’ll update na lang after those upcoming events in my life hihi
3 notes · View notes
tunogngbell · 5 years ago
Text
Hindi ko alam kung matutuwa ako na wala kaming pasok ngayon, kasi may long quiz dapat kami. Mas gugustuhin ko pang magkapasok ngayon at matest na yung long quiz para di na kami matambakan at prelims na namin din this week, tapos sasayaw kami ng hiphop dance, magppre-defense, aayusin pa yung thesis namin at dagdag mo ba yung bayarin pa. Literal na private talaga school namin, monthly na may bayarin hays.
0 notes
thewanderingsanity · 7 years ago
Text
Iglesia sa Asturias
    Limang sunud-sunod na text ang natanggap ko mula kay Biboy na kaibigan ko mula sa Engineering. Apat na pare-parehong paalala na sa Jollibee Asturias kami magkikita at isang nagsasabing ‘Dito na ko. San ka na?????’. Kakatapos lang ng prelims namin sa Philippine Government and Constitution at may hangover pa ang utak ko mula sa pagkakabisado ng preamble. Twenty points kasi kapag naisulat mo word per word, comma per comma, ang preamble. Sa totoo lang, hindi ko rin makita ang essence ng pagkakabisado ng preamble. Ang tanging alam ko lang, requirement siya ng professor naming kala mo tubong England dahil sa accent at sa scarf na lagi niyang suot bukod pa sa black and white niyang fashion statement.
   Hindi kalayuan ang building ko mula sa meeting place namin kaya naman limang minuto pa lang, nagkita na kami ni Biboy. At dahil alas sais pa raw ng gabi ang nakareserbang oras sa aming pupuntahan, ginugol na lang namin ang tatlong oras ng paghihintay sa pagkain, pagrarant tungkol sa exams sa minor subjects na tinamaan ng lintik sa pagpi-feeling major at kung anu-ano pang walang kabuluhang bagay.
    Saktong alas sais ng gabi, nasa tapat na kami ng isang lumang bahay na may dalawang palapag. Sa unang tingin, aakalain mong isa itong abandonadong ancestral house—malalaki ang dalawang bintana na nakabukas sa ikalawang palapag katulad ng mga bintana noong panahon ng Espanyol at gawa rin sa kahoy ang halos buong bahay. Sa katunayan, inakala ko pa ngang kainan ang pinuntahan namin dahil sa karatulang nakasabit sa pintuan nito.
    “Kakain na naman tayo?” tanong ko kay Bibs. TAPSI. Basa ko sa karatulang nakasabit. Tumatawa akong tiningnan nito. Inabutan niya ako ng isang brownie habang nakatayo kami sa tapat ng pinto. Sabi niya, lahat daw ng mga first timer dito sa lugar na ito ay kumakain ng brownie. Sikat daw ang mga brownies na ito lalo sa mga engineering students.
    “May weed nga pala yun ha, nalimutan kong sabihin,” tumatawang sabi ni Biboy nang malunok ko na ang brownie na binigay niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at bago pa man ako nakaangal, hinila na ako ni Biboy. Hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay at isinama ako papasok. Nag-aalinlangan man, nagpatianod pa rin ako papasok ng Tapsi.
    Madilim sa loob ng Tapsi. Siksikan ang mga lamesita na puno ng mga nakauniporme pa man ding estudyante. Gabi-gabi raw na puno ang lugar na ‘to. At tuwing huling araw ng prelims o finals week, dumodoble ang dami ng tao na nagpupunta rito. Ito raw kasi ang iglesia ng mga problemadong estudyante. Dito raw nangungumpisal sa pulang kabayo ang mga estudyanteng nanganganib mag-summer o ma-debar, mga estudyanteng namomroblema dahil delayed ang girlfriend nila at yung may mga financial problem pero narito para magwaldas ng pera. Pero may mangilan-ngilan din naman na nandoon para lang magsaya. Nakapagtataka lamang na kahit may sariling tahanan ang Diyos sa loob ng UST, hindi ito ang relihiyoso nilang pinupuntahan kapag may problema sila. Sinong mag-aakala na hindi simbahan ang takbuhan ng mga problemadong estudyante ng kaisa-isang Royal, Pontifical at Catholic University sa bansa. Ang safe haven nila ay isang madilim, masikip at maalinsangang kwarto sa dulo ng Asturias street.
    Tanging pulang ilaw at naghihingalong fluorescent lamp lamang ang nagsisilbing liwanag sa ga-classroom na laking kwartong ito. Pinagkasya ang halos 15 na mesa sa unang palapag kung saan nakakakiskisan mo na ng siko ang okupante ng katabing mesa, nasasandalan ka na ng lalaking hindi mo kilala sa likuran mo at nagiging instant biktima ka na ng second hand smoke mula sa usok na binuga ng nasa harapan mo. Mababasag din ang eardrums mo sa lakas ng patugtog ng stereo dito na in fairness, updated ang playlist.
    Mas maluwag nang di hamak ang ikalawang palapag ng Tapsi kumpara sa baba. Bago ka maka-akyat, may madadaanan kang isang pinto na bahagyang nakabukas. Out of curiosity, binuksan ko ang pintong iyon at tumambad sa akin ang napakarumi at napakapanghing banyo. May suka ang baradong lababo at may ihing hindi binuhusan sa sahig at inidoro ng banyo. Sa sobrang panghi, umalingasaw yung amoy sa buong first floor ng Tapsi kaya naman sinara ko agad. Deliks eh, baka palabasin pa ako. Kahoy din ng baitang ng hagdanan. Manipis lang ito na kapag nagkamali ka ng apak, paniguradong mahuhulog ka.
    Nang marating namin ang second floor ng Tapsi, mayroong tatlong mahahabang mesa na nakaayos. May nakareserba daw kasi doon na mamaya pa ang punta. Pinaupo kami sa isang bahagi ng second floor na mukhang kwarto. Isolated kasi ito at may sarili ring mesa at couch. Kumpara rin sa baba, mas maliwanag ang fluorescent lamp dito. Kakapalit lang siguro dahil mukhang bago bago pa. Mayroon ding problemadong estudyante na nakikita na ang litid sa leeg sa sobrang pagkafeel sa kinakanta niya sa videoke. Lumapit si ateng naka apron at hairnet sa amin na hindi naman ata marunong ngumiti. Hiningi niya ang order namin at dahil first time, pinili ko ang sa tingin ko best-seller nila dito—tapsilog.
    Limang minuto na nang makuha ni ateng naka apron at hairnet ang order namin pero hindi pa rin ito umaalis sa tabi ng aming mesa. Para bang binabantayan kami. Pakiramdam ko tuloy, under surveillance kami. Akala siguro ni ate, sa oras na mawaglit ang tingin niya sa amin, may gagawin kaming masama. Saktong 15 minuto nang dumating ang order namin. Inilatag sa aking harapan ang isang plato ng tapsilog na lilimang piraso lang ata ang tapa. Iyong itlog naman na kasama, pakiramdam ko prinitong itlog ng pugo sa sobrang liit. Masarap sana yung sinangag, kung meron sanang kahit kapiranggot na bawang para magkaroon naman kahit papaano ng lasa. At ano ng aba ang espesyal sa pagkaing ito? Ano pa, kung hindi ang mantika na sinabaw sa kabuuan ng tapsilog.
    Natawa ang mga kasama ko nang makita nila ang inorder ko. “Halatang first timer,” rinig kong sabi nung isa kong kaibigan. Tiningnan ko ang kanilang inorder at nagulat ako sa aking nakita. Tila naman nabasa nila ang aking iniisip kaya nagsalita si Biboy, “Ito ang best-seller dito.”
    TAPSI. Taliwas sa pangalan ng lugar, hindi tapsilog ang best-seller dito. Kung hindi, isang bucket ng nagyeyelong Red Horse at isang mangkok na nag-uumapaw sa kropek. Nag-ooffer din sila ng bucket ng San Mig Light, San Mig Apple at San Mig Lemon. May iba’t ibang finger food din silang ino-offer tulad ng mani, fish crackers, onion rings at iba pa. Dun ko napatunayan na nasa loob nga ako ng isang beerhouse for students.
    Nagsisimula pa lang ang gabi ngunit pakiramdam ko ay matagal na akong nasa loob ng beerhouse na ito. Medyo gumaan ang pakiramdam ko at para bang nakakatawa ang lahat ng nasa paligid ko. Napansin nilang nakatulala ako kaya naman inabutan ako ng tropa namin ng isang stick ng Chesterfield, yung green. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa malaking bintana. Yung bintana na tulad nung sa mga horror movies—malaki, tanaw mo ang lahat ng nasa labas at pwede ka ring tumalon palabas. Dumungaw ako sa labas at sinindihan ang yosing kaaabot lang sa akin. Hindi na bago sa akin ang magyosi. Pero nang simulan kong hithitin ito, nakaramdam ako ng kakaiba. Para bang bumalik ako sa nakaraan—nung unang humithit ako ng yosi. Kung paano tinanggap ng mahina kong baga ang usok na mula sa rolyo na puno ng nicotine at iba pang nakalalasong kemikal.
    Sa una, puro ubo lang ang ginawa ko. Pero habang tumatagal, unti-unti na akong nasasanay. Hindi na lumalaban ang baga ko, hindi na niya nais iluwa ang usok na pumapasok dito. Minsan siya pa nga mismo ang naghahangad ng presensya ng usok ng yosi rito.
    Matapos ang isang stick, isang bote naman ng namamawis na Red Horse ang inabot sa akin. Bago inumin, kinuha ko muna ang aking cellphone para tingnan ang oras at manalamin. Lintek, di pa nga kami nagsisimula, namumula na agad mga mata ko.
    Parang nadala na naman ako sa ibang dimensyon ng mundo. Nagbalik ang alaala ko sa unang beses na lumagok ako ng alak. Masahol pa sa pait ng ampalaya ang lasa nito at kahit anong inom mo ng chaser, may after taste pa rin. Hindi ko alam kung anong meron sa alak pero kahit sobrang pakla ng lasa nito, patuloy pa rin ako sa pag-inom. Halos isuka na nga ng buong sistema ko ang bawat patak ng alak na pumapasok dito pero patuloy pa rin ako sa paglagok nito. Tama nga sila. Sumasarap lalo ang alak kapag may pinagdadaanan ka.
    Hindi ko alam kung dahil sa yosi o dahil sa alak, pero parang ang saya saya ng paligid ko. Parang ang gaan sa pakiramdam. Nalimutan ko ang mga problema at stress sa school. Sa sobrang gaan sa pakiramdam, kahit sobrang corny ng joke na naririnig ko eh tumatawa pa rin ako. Hindi ko rin alam pero nagawa ko pa ngang kumanta sa videoke, bagay na never ko namang ginawa sa kahit na anong inuman na pinuntahan ko. At take note, hindi pa ako lasing. Pero sa gitna ng masayang paligid, bigla ko siyang naalala. Ang pinakamalalang bisyo ko sa katawan.
    Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko sa kalagitnaan ng maingay na videokeng nagpapatugtog ng Pakisabi na Lang ni Aiza. Yung pakiramdam na masaya ka kasi magkakaroon ng happy ending ang bidang babae pero malungkot ka kasi hindi ang bidang lalaki ang kanyang happy ending. Ang taong una kong minahal at ang taong unang nagparamdam sa akin ng sakit ng unrequited love ay nagkukubli lamang sa iisang katawan. Isang mapait na ngiti ang naisukli ko sa magsyotang naglilingkisan sa tabi ng mesa namin nang tumingin sila sa gawi ko. Mapait hindi dahil naiinggit ako. Mapait dahil ganun din sana kami ngayon, kung sumugal lang siya, kung minahal niya lang din ako, kung hindi lang siya na in love sa dating bestfriend ko.
    Pinagmamasdan ko ang tatlong bote ng ubos na Red Horse sa harap ko. Katabi lang nito ang limang stick ng upos ng Marlboro. Kasama nilang nakalatag sa mesa ang mga alaala niya na kailanma’y di na ata maaalis sa sistema ko. At narealize kong may pagkakapareho pala ang yosi, alak at siya. Pare-pareho ko silang bisyo. Pare-pareho silang gustong isuka ng sistema ko nung una ko silang naranasan. Pero nang makasanayan na, pare-pareho ko na rin silang hindi maiwasan, bagkus ay hinahanap hanap pa.
    May mga nakapagsabi sa akin na mas mabuti raw na bisyo ang weed. Kasi sabi nila, dadalhin ka raw ng weed sa state of euphoria. Kung saan lahat masaya. Sa weed, maha-high ka sa loob ng ilang oras pero kusa rin itong mawawala. Mababalik ka rin sa normal na walang bahid ng anumang kalokohang ginawa mo.
    Minsan ko na rin hiniling na sana, siya na lang ang weed sa buhay ko. Yung tipong pag nandiyan siya, pasasayahin niya ako ng sobra at kapag nawala na, babalik lang ako sa normal. Yung hindi malungkot. Yung tama lang. Pero ang totoo, siya ang pinakamatinding bisyo ko. Wala siyang pinagkaiba sa alak at yosi— pare-pareho silang masama para sa akin pero sa kanila rin pinakamahina ang temptasyon ko.
    Sa katunayan, siya ang alak at yosi ko.  
    Alak dahil matapos kong malasing sa kanya, imbis na iwan niya na lang ako, pinapahirapan pa niya ako. Nag-iiwan pa siya ng hang-over na hindi ko alam kung ilang araw bago mawala. Kung tutuusin, buwan na ang binibilang ko pero may hang-over pa rin ako sa kanya. Lagi kong hinihiling na sana ako na lang ang bote ng Red Horse na tinutungga niya. Para maranasan ko naman kahit saglit lang kung anong pakiramdam nang malapatan ng kanyang mapupulang labi at madampian ng kanyang mainit na dila.
    Siya ang yosi kong hindi ko kayang iwasan. Kahit gipit ako, hindi ko siya kayang tanggihan. Ilang beses man akong mangako na ito na ang huli, makita ko lamang siya, gusto ko na naman umulit. Sana lang din ako ang yosi niya. Yosi na hindi niya rin maiwasan, yosi na hindi niya rin matanggihan, yosi na patago niyang ipupuslit, matikman lamang. Sana ako na lang din ang yosi niya, para maranasan ko kung paano ipitin ng malalambot niyang mga labi at tuluyang mahithit ng kanyang sistema.
   Pwede sana, kaso may isang problema, isang malaking problema: hindi siya umiinom ng alak, lalong hindi siya nagyoyosi.
   Tinabihan ako ng isa sa mga kaibigan namin at tinanong kung bakit namumula ang mga mata ko. Kadalasan naman kasi, hindi talaga namumula ang mga mata ko kapag umiinom kami. Kibit balikat lang ang sinagot ko sa kanya at muli akong dumungaw sa bintana. Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako pero pagtingin ko sa baba, nakita ko siya. Ang pinakamalalang bisyo ko sa katawan, naglalakad nang may kahawak kamay. Alam ko ang ngiting iyon—iyon ang ngiting laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Tuwing ngingitian niya ako ng ganun noon, pilit na kumakawala ang puso ko mula sa kinalalagyan nito. Alam mo bang hindi lang labi niya ang ngumingiti? Siya yung taong pati mga mata, ngumingiti. Nang dahil sa kaniya, naniwala akong hindi mo kailangang libutin ang buong mundo para makita ito. Siya ang buhay na patunay na ang mundo, ang tunay na kagandahan ng mundo, ay makikita mo sa nakangiting mga mata ng isang tao.
    Patuloy lang akong nagmamasid sa kanya hanggang sa umabot ang tingin ko sa kaliwang kamay niya. Mapait na ngiti at malalim na buntong hininga lamang ang lumabas mula sa aking bibig nang makita ko kung ano ang hinahawakan ng kaniyang kaliwang kamay. Pagtingin ko sa kung sino ang kasama niya hindi na ako nagulat. Kilala ko ang mala-porselanang kutis na iyon. Kilala ko ang itim na itim at tuwid na tuwid na buhok na iyon. Iisang tao lamang ang kilala kong nagmamay-ari ng ganung kutis at buhok—ang dating bestfriend ko. At dun ko napagtantong hindi pa man nagsisimula ang dapat magsimula, natapos na ito. Hindi pa man nagsisimula ang laro, alam na kung sino ang panalo. Hindi pa man nag-uumpisa ang kwento, alam mo na ang katapusan nito. Kasama ng pinakamalala kong bisyo ang sarili niyang alak at sigarilyo.
   Kasama ng yosi ko ang sarili niyang yosi na hindi niya kailangang ipuslit. Kasama niya ang sarili niyang alak na nakakatikim ng kanyang labi kahit kalian man niya gustuhin. Kasama niya ang taong nakakakita ng mga pamatay niyang ngiti kahit kalian niya hilingin. Kasama niya ang sagot sa lahat ng kanyang tanong. Kasama niya ang tao sa likod ng bawat ‘ikaw’ sa love song na sinulat niya..
    Malabo na ang paligid, bigla na lamang akong lumutang mula sa aking pagkakaupo palabas ng Tapsi. Parang akong lumulutang sa alapaap buhat ng mga anghel at ang tanging malinaw lang na naririnig ko ay ‘brownies’, ‘high’, ‘delusional’. Naramdaman kong nasa loob na ako ng sasakyan nang magsimula itong umandar.
    Nagpapanic ang mga nasa loob ng sasakyan, habang nakatulala lang ako sa kawalan. Pabilis nang pabilis ang takbo ng Montero ni Biboy habang palakas nang palakas din ang wangwang na tila sumusunod sa amin. Bago ako tuluyang lisanin ng katinuan, iisa lang ang sinasabi ng mga taong nagpapanic sa loob ng sasakyan: “Tus, pare! Tus!”
0 notes
voxdemac · 8 years ago
Text
“Okay. Pass your paper.”
Tumblr media
Prelim exams ngayon. Hell week para sa mga bata. Casual week naman para sa akin. Sandals na slip-on. T-shirt (hiram pa). Jeans (kupas pa kasi 4 yrs na). Messy hair (lagi naman). Samakatuwid, tinakasan ako ng formalidad ng pagkatao. Relax na balahura.
Halos pitong taon na pala akong nagtuturo at masasabi kong iba ang mundo sa harap ng klasrum. At 'pag nagpapa-exams ako, malikot ang alaala na nagsasabing istudyante ka din dati. Natural na sa akin ang mag-isip lalong-lalo na sa mga patay na oras. Naalala ko noon gago ako. Nagbago na ako. Dahil mas gago na ako ngayon.(Rated SPG)
Hindi ko kailanman pinangarap maging guro. Pinangarap kong maging abugado (at pangarap pa din). Sabay sa pangarap na iyan, habang sumisinghot ng Panatang Makabayan, ninais ko ding baguhin ang mundo. Hindi man ako ang unang nagtangka, hindi din naman ako ang huli. Hangang unti-unti nabangag ako. Lutang na lutang. Sabog na sabog. Siguro ito ang dahilan ng mahigpit kong paraan ng pagkatuto.
Sumigaw na din ako sa kalye. Namalat. Naki-martsa kasama ang mga manggagawa. Nabomba ng tangke ng tubig kasama ang mga may ipinaglalaban na iskwater. Na-tear gas (feeling ko lang iyon). Ah ayoko na. P*ta. Nakakasawa. Makabayan ang tawag sa kanila. Sila naman ay lulong sa kilos-protesta. Naniwala ako sa rebolusyon, noon. Pero katulad ng droga, nagkamali ako ng epektus na tinira.
Marami daw uri ng rebolusyon. Mayroon galing sa mga mahihirap at api sa kasaysayan (KKK), sa kalsada (EDSA), sa militar (Si Gringo Honasan, adik yan sa kudeta). At meron din sa tiyan (Masakit. Mamawis ka ng ga-butil ng mais. Mamumutla lalo na kung sa klasrum mangyayari sa'yo tapos bigla ka pang tatawagin ng gwapo mong guro sa Kasaysayan (wala kang paki, repleksyon ko ito). Wag na wag mong hahayaang sumabog at reputasyon ang katapat nito).
Pero iba ang rebolusyon na tinahak ko at sa loob ito ng mga kwadradong silid ng mga paaralan. Maaring hindi kasing ingay ng protesta sa kalsada dito. Hindi kasing astig ng tubig ng bumbero. Pero ang klasrum; simple pero rock. Maari din na dito kakaunti lamang ang nakikilahok. Pero mas alam ko na sa "kapwa-kaisip" ko, alam namin na ang tunay at makabuluhan na pag-aalsa ay nasa edukasyon. Busog ako sa paniniwala na ang guro ay taga-tanim ng pagbabagong panlipunan. Pamahalaan ang gagapas, aani, at makikinabang dito. Kung hahayaan ng guro na magamit ang kanyang pisara, maisusulat ng bayan ang kanyang kinabukasang adik sa Lupang Hinirang. Ika nga, walang alab ng puso ang di kayang pumatay sa naghaharing baluktot na sistema. Lualhati't pagsinta, buhay ay langit sa piling mo. Yan ang sabi ng epektus ko at ito ang hangarin ng aking pag-aalsa. Masayang mabuhay sa Pilipinas. Masarap pumatay para sa Pilipinas. (Baka ma-Commission on Human Rights ako).
Pitong taon na ang nakararaan, nanginginig pa ang kamay ko habang sinasabayan ng malakas na pintig ng puso ko, nang pihitin ang door knob ng pintuan ng aking kauna-unahang klasrum. Sa pagbukas ng pinto, tatlumpu't limang kaluluwa at pitumpung mga uhaw na mata ang sa aki'y nakatingin. Suminghot ako ng kaunting lyrics; ang mamatay ng dahil sa'yo. At dagliang nanghimasok ang paalala na may mga pangarap man na di ko matupad sa ngayon, balang araw may mga barkada naman akong hibang, lango, sabog, at mulat sa diskurso ng lipunang ito.
Naging alapaap sa akin ang pisara. Pakanta-kanta. Malayo pa ang umaga. Di matanaw ang pag-asa. Ang tagal ng salary day. Okay pass your paper.
0 notes