#parang ang amazing nun hehe
Explore tagged Tumblr posts
Text
September 19, 2024
haluuuu. 678 mga beshie. sinama si mister p kasi pag alis ko ng bahay di umuulan. hahahaha. tamang tambay sa mnprk. then nakapag weave pa nung tirang headbands. tapooos umambon. huhuhaha takboo sa shed. huhuhaha. nung tumila tsaka nalang ako umalis at nag biyahe. awooow. nag jeep pa cubao. akyat mrt. nagload ng beep. nag train pa ayala. pagpasok ko ng one ayalaa huhuhaha wala yung bean bags na balak ko tambayan kasi ang agaaa ko pa. huhuhaha. anyways nag cr muna. then hanap ng matatambayan. peroo nag stop over ako dun sa may mga chairs na may pa laro laro para ayusin yung hook ng zipper ng bulsa ng pants ko. huhuhaha ayaw mabalik kaya nilagyan ko nalang muna ng yarn pang hila. pwedee na muna yun. tapoos lakad pa more window shop. awooow. hahahaha. tapoos nakakita ng matatambayan. dun na ko tumambay. nanood ng mga influencers sa event sa baba. haha. after some time, nag cr bago umalis ng one ayala. tapoos lakad na pababa ng bgc bus terminal. ayeern 1 hr na yung nilaan ko for traffic, waiting pero di parin kinaya. hahaha. bumaba ako dun sa first stop kahit last stop pa ko kasi malapit nalang dun yung globe tower. but heey guess what pagdating ko kala ko late na ko. hahahaha. waley pa pala. sinundo ako ni leandro tapos tinuro lang niya kung san table ko. hehehe. tapoos ayun na. nag cr lang muna ko. then balik ko, nag setup din ng mga kagamitan. awooow. natapos naman ako within 20 mins ata. haha. ganerrn langs. hahah pic pic tapos nakitambay sa loob. naki chika konti. huwooow. iba ibang artists pala sila. mixed of poetry, sing, ek ek. actually yung staff at onting open mic-ers lang naka chika ko konti. tapoos ayun balik sa booth. haneep. unti unti dumami yung mga peoples. awooow. hehehe. eventually nag start din. before pala mag start may ate girl na bumili ng earrings. kasooo wala kong panukli, sabi ko balikan ko siya pero ayeeern binigay nalang tip daw. huhuhaha. nag start din yung show. yung umpisa meron parang pa warm up. mga one liners eme from the open mic-ers. heheh. after nun, nag perform na yung mga open mic-ers. may kumanta with ukulele, spoken word, tula, story telling. kumanta with guitar, pati keyboard meron din. huhuhaha ang gagaleeeng nila. bigla kong na realize di pa pala ako ganun kalalim magsulat no. hahahahaha. anyways after ng open mic-ers, nag break at ayun time nila ulit bumisita saming merchants. hehehe. tapoos ayun may mga tumingin eme eme. hahahaha. tapoos biggest plot twist kagabi si popi. na amazw siya sa mga putotoys kayaa ayun bumili siya ng 7 na (s) putotoy at 2 na (m) putotoy abaaa hanep. 1550 in one person. no questions asked. haneeep. bayad agad. haha. na amaze lang din ako talaga sa mga taong nakaka appreciate ng mga gawa ko. pang regalo daw niya yung iba. heheheh. cutieees. anyways meron din palang group na tumingin. hehehe. tapoos balik na ulit sa show. yung guest naman ang nag perform si geo. ayeern kasama niya si leandro. nag perform sila each ng mga piece nila then may question ganern. hehe. after ng 3 pieces ata yun nag thankyouus, may pa small token (nagbigay ako ng pouch) natapoos na ang performances. in between performance pala bumili si janine ng earrings tapos pauwi nadin siya kasi malayo pa daw siya. hehe. awooow. tapoos announcements nalang din sa dulo may tour pala sila ni mai. wooow. then yung next guest pinakilala din. hehehe. lezzgo. nag patikim ng perform. wohooo. after nun nag pic pic langs. then balik sa booth uleet. weheee. may mga tumingin langs pero wala na bumili. although si leandro pala bumili ng pouch na binigay niya dun kay kuya marvin ata yung sa tech. hehehe. ayun muntik makalimutan ni leandro magbayad buti nalang sinabi ko kay simone. hehehe. nagligpit na din pala ako. wohooo. then ayun baba din kami ng globe tower. nung una dapat di na ko sasama sa kain nila perooo gu mo na din. hahah. kumain kami sa khao khan. thai resto. huhuhaha hanggang chicken lang yung budget ko. anyways tamang tawa lang din konting ambag sa kwentuhan. mej di kasi ako makarelate sa ibang topics e. hahahaha.
0 notes
Note
Frontline work kaya may pasok ako ng weekends kahit holidays 🥲 lmao. Ikaw?
Yea, @/losermangaka did an on the spot portrait commission and cute kinalabasan ng work niya!!!
I assumed na you always frequent those kinds of event dahil sa laman ng tumblr mo lol 😅 sorry naman. Sana makapunta ka ulit sa mga ganoon if you like it :>
:0
#omg frontliner ka? ty for working hard always ❤️#cook lang ako haha#ooohhhh i wish makakita din ako ng artist working on their art on the spot#parang ang amazing nun hehe#grabe lol mahilig lang din ako sa art dami din kasi magaling lol#kaso ang problem sakin di ko sila kilala lol although naappreciate ko works nila 😅#parang ewan lang noh? haha#well....i dont think i can go to events tbh...kahit ano pa yan lol medyo awkward din kasi ako sa mga ganun eh :(#pero anywayssss enjoy ka sa pupuntahan mo this weekend na ba yun?#pakita mo sakin mga bilhin mo ah hahaha#or share mo nalang experience mo nun :) i would be glad to hear your stories yeah? ^^
0 notes
Text
To The Ex
Hi M,
It’s been a while since we broke up. Ilang years na ba? More than 2 years na ‘no. A lot has changed sakin and I’m sure sayo rin. From what I’ve heard, you’re already a sales manager. I’m so proud of you. Soon licensed civil engineer naman. Alam ko namang kaya mo. Tita still messages me up to now and sometimes I miss your fam. I miss Monique, your two brothers (Kevin & Gab), tita, ate Ange and even your dad na binibigyan ako ng perfume kahit sinabi mo naman sakanya na di ako nagpeperfume. Hehe. I miss how you guys welcomed me to your family. How tita calls me anak too. How one plate of nachos is for me lang while the others have to share. I still talk to Monique sometimes. I miss her the most. I remember crying noon because I realized I won’t get to see her anymore. Wala narin akong cheesecakes from tita. I wanted to thank your family for treating me extra extra good. Naalala ko on our 1st anniversary, ate Ange messaged me when she learned na I won’t be able to join your fam’s swimming. I told her na I was planning to surprise you and she was ecstatic. I remember how they helped me surprise you. I remember your brothers hiding me so you won’t see me agad. Most importantly, I remember your reaction when you first saw me that day. Siguro ganun nalang tayo ngayon no? puro “I remember” nalang. You’re a good memory, Mark. You and your fam. So I would like to say na I’m grateful na nakasama ko kayo for some time. Your gf is so lucky, M. They’re very maalaga. :)
Writing this was not easy. I thought it would be but no, it brings back the pain, the memories and the what ifs. What if we didn’t broke up? What if kinaya ko pa? What if I stayed strong for us? Nag pplan na kaya tayo ng wedding ngayon? I’m sorry that I didn’t give you the proper break up that you deserve. That kinda explains why nahihirapan akong icompose to. I was planning to talk to you after ko sa thesis but a lot of things happened. By the time na medyo nakacope na ko, I felt that it’s too late to contact you.
Since I opened that topic, let me catch you up. After we broke up, I found out that my mom has a massive debt. I will not go into numbers na. My world shattered. I was coping with our breakup, stress sa school and then, yun nga, the debt. She came into my room one day tapos she just cried. We got into the point na we have to pawn her jewelries, as well as the house. The car’s gone too. Ang hirap noon, Mark. Wala ka na sakin, may problema pa sa bahay. Nawalan ako ng gana sa lahat. Ang hirap nung transition cos hindi ko naman naramdaman noon na wala kaming money. So ayun. Parang bumagsak lahat. Nothing felt right. Simula nung nawala ka sakin, nothing felt right. I was in no position din naman cos I was the one who ended things satin. Ayun. I was supposed to graduate ng November noon, kasabay ko dapat si Monique but since nawalan na ako ng will, hindi na ako nagfunction. Hindi na ako lumaban. I even got mad kay mama. Parang twice a week, umiinom lang ako. Sometimes pumupunta lang ako ng Intra to drink. That was how I coped. Lumaban ako the next term. It helped a lot na nandyan sila Che. The girls got my back. They supported me. I swear to God kung wala sila feeling ko walang mangyayari sakin. Eventually, I graduated. I was with Ten back then. Ten was my girlfriend noon. Odiba, told you madaming nagchange sakin. Haha. I was with her then but I can’t help to think yung what ifs. Ikaw kasi kasama ko sa buong struggle ko noong college. You were the one who received my late night phone calls only for you to listen to me cry. You were the recipient of my frustrations. You were there when I failed my subjects. You were there to cheer me up whenever I’m having a hard time believing in myself. You were the sole reason why I want to move forward when everything’s shit. You were my go-to person. You were my home. You were there when I had to stay late at school for my presentations. You waited for me. Isang beses lang yun pero hinding hindi ko makakalimutan yun. You were there all the time. Maybe not physically pero I never felt alone noon. You believed in me. You validated me. You made me feel na I can do lots of things. Na ang galing galing ko kahit hindi naman talaga. You kept my heart full. Sinamahan mo ko pero hindi tayo umabot sa dulo.
M, this is the first time I’m actually addressing you. I didn’t give much thought into our breakup probably because I don’t want to have any regrets. Ayokong isipin na mali ung decision ko. Siguro kasi mapride akong bata. Alam mo naman ako. Hehe. But seeing you successful and happy, I felt like tama yung decision ko. Feeling ko rin naman at some point we will go separate paths - may pumapasok na what ifs lang talaga sa isip ko minsan. I can’t help it especially cos you’re one of the best things ever. Narealize ko lang after those failed relationships. Walang nakalamang sayo, M. You’ve treated me so good na hinahanap hanap kita minsan. Minsan nacocompare ko na kayo. At some point nasabi ko na “my ex treated me right kaya alam ko paano ako dapat itreat”; for that, I thank you. You showed me how I should be treated but I guess may mga bagay na hindi ko napalagpas noon that led to our breakup. I’m sorry, M if I didn’t give you another chance. I felt so tired noon. Naisip ko kung ito ba yung gusto ko. I’m sorry napagod akong intindihin ka. Napagod akong mag adjust. I felt so neglected that time. Naramdaman kong dagdag ako sa iisipin mo noon and that’s the last thing na gusto ko. And that became my baggage up until now. Feeling ko istorbo lang ako sa tao, nakakabother lang ako ganun. Sinabihan mo rin ako ng konting tiis pa, hindi ko makakalimutan un kasi birthday ko yun. Malungkot ka kasi wala kang mabigay sakin kada birthday ko and honestly okay lang naman. Ramdam kong you were trying. Nagpaka selfish ako noon, M. Inuna ko sarili ko. Hindi kita inisip. Iniwan kita I’m sorry. Hindi ko maimagine hanggang ngayon ung pain na nacause ko sayo. Sabi ni tita, madalas daw mainit ulo mo noon. Sabi naman ng friends mo, di ka raw nag kkwento kaya sakin sila nag tatanong. Eh alamo namang di rin ako nag kkwento. Haha.
Nung nagbreak tayo, nahirapan ako. Sympre wala na yung everyday ko, wala na ung routine ko. And I can’t say sa mga tao noon na mahirap at masakit kasi ako yung nang iwan. Pero alamo ba, naglakad lakad ako sa mga usual places na tinatambayan naming magkakaibigan... hindi kita maalala doon. Narealize kong ako pala ung madalas nasayo. Madalas nasa school mo or malapit doon. Sa usual na pinupuntahan mo, sa inuman, sa bahay ng friends mo at kung saan saan pa. Sa bahay niyo which is understandable naman since di ka pa pwede sa house. When I realized that, mas naging strong ung decision kong wag ka nang pansinin. Na I wanted this for myself naman. I wanted to put myself first as I’ve given you all of me and I want to take myself back. I guess di ko nagawa yun. Sabi ni Lyle, after us, I had troubles giving my 100% sa relationship kaya daw nagfafail. It’s probably bcos nabuhos ko na sayo lahat. Parang ayoko na rin, M. After you, ayoko na. Napagod narin ako and hindi ko alam kung hanggang kelan ung pahingang kailangan ko. Ang hirap hirap Mark pag binigay mo ung lahat sa isang tao tapos di nagwork out. I try to go on with life pero bumabalik balik ako sa dating tayo. Namimiss ko yun.
Meron lang ako isang question. Bakit hindi mo ko pinuntahan that night? Nasanay ka bang lagi akong okay sa mga away natin na hinayaan mo nalang ako? Ang lungkot lungkot noon, M. I felt so taken for granted na I have to take myself back.
I’m sorry for leaving you, M. Mahal kita at feeling ko hindi na mawawala yun. I will always look out for you. Siguro kung wala si Ryan noon nung nagtry kang mag reconnect sakin, baka nga nagkabalikan tayo. Akala ko nakalimutan mo na ako noon but you said nag aappear ako sa dreams mo. Gustong gusto kong mag catch up sayo. Gustong gusto kitang kamustahin, sila tita, mga friends mo at kung ano na bang mga bago sayo. Sobrang gusto ko but I don’t know why I didn’t. Again, it must have been the pride. The way you talked to me that time, ganun ka parin. You still think highly of me. Naniniwala ka parin sakin at sa mga kaya kong iachieve and honestly, hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng katulad mo sa buhay ko. Minsan namimiss kita lalo pag umiiyak ako sa gabi. Wala akong matawagan. Wala nang makikinig sakin. Kung tulog ka naman na, wala akong mabombard ng messages para lang gumaan pakiramdam ko. Namimiss ko bestfriend ko, M. Ikaw yun dati. We spent 7 years together and ang hirap kalimutan pala nun. Ilang taon na yun pero minsan namimiss parin kita. Naalala ko apologetic ka pa sakin kasi pag nagkkwento ako wala kang reaction. Sabi mo ayaw mong mafeel kong di ka nakikinig. I was over the moon whenever I’m with you. Namimiss kita - yung tayo. Yung isang message mo lang ng ‘Baby.’ alam ko nang magpapaalam ka sakin uminom. Yung magigising ako sa umaga sa mga messages mo, kinukwentuhan mo ko abt your night, sa nangyari sa inuman niyo na parang kasama mo rin ako kasi gusto mo wala akong mamiss na part. Yung walang mintis mong good morning tapos pag wala akong nareceive, panget na morning ko. Namimiss ko yung ganun, M. Yung ganung klaseng relationship. Sometimes, I miss us. Our relationship. Yung support natin sa isa’t isa ;pero we let each other do our thing. Namimiss ko yun. Pwedeng hindi na ako magkaroon ng ganun pa, pwedeng parating palang. Hindi ko alam. Kahit ano man dun, thankful na akong I get to experience that kind of love. :)
M, you’re amazing. Yes, you’ve caused me so much pain yet ikaw rin nagmahal sakin ng sobra. Unimaginable. Thank you. I don’t know if you’re my one that got away. The one na hinayaan kong lumipad palayo sakin. Pero I’m sure na you’re my one great love. Swerte ako na dumating ka sa life ko. You taught me a lot of stuff and pinatibay mo ko. I am who I am right now because of you. Sayang lang na kung kelan I’m free to date anyone, wala na tayo. Naiimagine kita pag kasama ko friends ko. Makakasundo mo sila Rg. Maiiwan kita sakanila. Masasama kita sa inom with dad. Nonstop planning siguro tayo sa mga lugar na gusto nating puntahan. Plano natin yun noon pa. Lagi mo siguro akong kasama sa mga alis niyo ng friends mo esp pag beach yan. Alam ko namang sad ka noon pag di ako nakakasama e. Nakakausap ko parin sila, btw. Si EJ, Mickee, Sid etc. Minsan tinatanong nila ako kung wala na ba talaga and kung may chance pa. Ako parin daw gusto nila for you. Hehe. Ayoko sabihing meron pa kasi baka makarating sayo. Pero honest naman ako sa naging sagot ko na baka pag sakaling magkita tayo at magkakwentuhan ulit, hindi na ako yung Steph na nakilala mo noon. At baka hindi na ako yung Steph na minahal mo noon tapos di mo na ako magustuhan :) if that happens, baka masaktan lang ako kasi naghope ako. Kaya umiwas na ako.
Masaya ako ngayon, M. I have my sad days pero masaya ako sa kung sino ako ngayon. I’m proud of myself and I think you will be too kung alamo lang yung mga nasurvive ko. Haha. Masaya rin ako para sayo. Sa mga naachieve mo. Deserve mo yun dahil alam ko kung gano ikaw kahard working. You're living a dream now. Di na ikaw ung nahihirapan gumalaw kasi wala kang money. So ngayon, goods ka na. I hope. Kung sakali mang magkita pa tayo ulit sana ngitian mo ako. At least alam ko lang na hindi masama loob mo sakin and somehow you still remember na ako ung babaeng nagpasaya sayo for 7 years. I pray na you will be happy with your life choices, deserve mo yun eh. Sana alagaan kang mabuti ng gf mo; more than sa pag aalaga ko sayo. Alagaan mo rin siya nang mabuti more than sa pag alaga mo sakin. Ibigay mo ung mga bagay na gusto mong ibigay sakin noon pero di mo nagawa. Make her happy. Take her to the moon for me, M. Ramdam na ramdam ko ung linyang ‘you built a man for someone else”. Haha. Basta galingan mo okay. Wag mo akong papahiya. At kung dumating yung panahon na lumapit ka sakin and asks for another chance, tignan natin. Hindi ko na isasara yung pinto para sayo. Pero for now, be happy M. Always always believe in yourself. Alam ko na malayo mararating mo. Hindi naman nawala ung tiwala ko sa abilities mo. I will always pray for you and your happiness. I hope you fulfill everything. Bahay, sasakyan at kung ano ano pa. Makukuha mo yan. Wag ka lang magmadali at mastress masyado sa buhay. Dont get easily discouraged. Lumaban ka lang lagi. Wala man na ako para palakasin loob mo at icheer ka pero I will always pray for you. Wag kang papadala sa emotion mo. Maging mabait ka narin kay tita. Siya naman nagpalaki sayo. Wag kang magpaconsume sa galit. I know you have the purest heart, don't let anger consume you. Mahal kita, M.
Maraming maraming salamat at mag iingat ka parati. Nandito lang ako lagi para sayo. :)
- S.T
6 notes
·
View notes
Text
Day 3
things i like about you
you don't realize it pero napapatawa mo ako. alam mo ba na hindi ako mapag-save ng memes before pero since nakilala kita, na-try ko namg maghanap at i-share rin iyon sayo kasi i'm hoping mapapasaya ka rin nung mga memes ko :(( may mga nakikita nga akong funny stuffs ngayon kaso di ko na ma-send sayo kasi ayaw muna kitang guluhin.
you are attractive. di mo siguro pansin at di ko rin nasabi pero bagay na bagay sayo yung long hair mo noong una tayong nagkita. ang cute pa nung headband mo aaaaa usto kitang i-hug nun agad kaso syempre i stopped myself from being a creep 🙊 tapos iyong profile picture mo! yung selfie, alam mo ba an sobrang nag-skip yung heartbeat ko noong nakita ko yun. ang gwapo mo dun :((( ay pero nung nagpa-haircut ka rin! tas nag-send ka ng selfie :(( omg bagay din sayo short hair! bagay sayo lahat :(( sana ako rin bagay sayo ahe shz
pero syempre di lang naman kagwapuhan mo nagustuhan ko :) you care for our country and for its people. you understand what everyone's going through and you emphathize their situation. yung mga memes mo na abput politics, b r u h, passionate ka na nun kasi you think critically and considers what's best for the people rin.
photography and editing!! :( alam mo ba na-a-amaze ako dun sa pag-edit mo nung picture ko kasi shet tangina ang effort mo dun :(( djjdjddjjdjs tapos yung nag-edit ka rin nung kamukha ni taeyeon, kung natatandaan mo yung comment ko dun sa edit mo, may talent ka rin doon e!! i hope you remember it.
then gusto ko rin yung drawing skills mo! yung parang unicorn dun sa pinasagot ko sayong bingo ata yun. sorry na kung napilitan kita :(( tapos favorite ko yung effort mo dun sa taba mo sa tiyan. ANG CUTE CUTE!!!!!!!!! pati nung drawing. may pa-zoom ka pa nun e 🙊
USTO KO RIN YUNG MGA GIFS AND EMOJIS NA GINAGAMIT MO PATI NA RIN YUNG KAJEJEHAN MO NA DI KO GETS MADALAS PERO NAPAPASAYA AKO
your music taste! yung mga pinarinig mo saaking kanta lalo na yung may pagka-political! from rapping to mellow :(( miss ko na yung mga suggestion mo ng kanta.
yung love mo for animals!! cats and dogs :(:(( alam mo ba na natatakot ako sa mga stray animals talaga pero dahil sa nga pinag-sesend mo natatakot pa rin naman ako HAHAH pero medyo mas napapalaput puso ko sa kanila. love ko rin naman sila kaso natatakot lang ako ahe.
siguro naisip mo na di ka ma-effort dahil minsan i keep nagging you or nakukulit kita about your replies, siguro ako rin di sanay. pasensya ka na rin. pero ngayon na-realize ko na yung effort mo, sobrang laki nga e. yung nandyan ka lang kahit na simple lang yung sabihin mo para saakin malaking effort na yun mula sayo. iba-iba naman yung definition ng effort para saatin at yung weight niya kapag binigay mo yun sa isang tao. yung effort mo na mag-goodnight at mag-goodmorning kahit na may attitude ako tapos may bonus tanong pa kung matutulog na ako :( hay i just miss you. i know mahirap sayo na i-work out ito na bukod sa ldr e nahihirapan ka ring makipag-communicate pero you've done well these past few months and i'm proud of you. thank you sa effort mo.
gusto ko rin yung nag-su-suggest ka ng mga movies o series na di mo alam ganun yung mga type kong panoorin kaso minsan natatakot akong panoorin din mag-isa.
ang bait at responsable mong tao. mapagmahal ka rin sa pamilya. alam ko di ka masyadong nag-open up pero nararamdaman ko na marami kang sinakripisyo para sa pamilya mo. being away from them and studying that course. mahirap pero kinakaya mo. tapos naglalaba ka pa diyan and all. i'm very proud of you.
alam mo ba gusto ko rin naririnig yung boses mo pati yung tawa mo. madalang lang kasi e pero ang sarap pakinggan :)
ang galing mo rin sa mga electronics shit stuff. pag nakukuwento mo yung mga project mo o kaya yung mga inaayos mo para sa bahay niyo, hay :(( ang galing mo !!!!!!
MORE THAN ANYTHING, i like you, and i love you for making me feel safe whenever i'm talking to you. pag nagkaroon ako ng breakdown, nandyan ka for me and you always say the nicest words that i need to here. you comfort me and you always lend your ears. yung sinend mo pala saakin noon na shit chena ito oh, may slight edit lang akong ginawa. pinalitan ko yung dati, mas cute pala yung may parang stars hehe. you try ypur best to understand my situation amd i thank you for that. :)
i miss you a lot ian. lagi kitang na-mi-miss. di naman ako nahihirapan dahil sayo. nahihirapan ako sa sitwasyon na meron tayo. magkaiba iyon. you are not a problem, okay? i love you. i hope you're okay. there are many more things na nagustuhan ko sayo bukod sa mga nandito, baka sa future din if you let me. hay. miss na kita. tangina pang-ilan na ito. ayun. ingaat ka!!!
all the love,
cai
1 note
·
View note
Text
Panaginip
It was happened December 11, 2021. The moment I wake up napatanong ako sa sarili ko bigla. Panaginip ba yun? Malinaw sa isip ko yung naging panaginip ko. Yung naalala ko na part was parang Im begging na to talk to him at sinasabi nya na ako yung unang tumapos ng relasyon na parang ako yung unang gumawa ng way kaya kami nag break. Parang ako yung ang may dahilan. Naalala ko pa sa panaginip ko, nakakapit lang ako sa kanya pero sya di nya ko hawak, hanggang sa dumating ako sa point na tinanong ko sya "Bakit ba ayaw mo ko i holding hands?" Di ko maalala yung isaktong sinabi nya pero pag kaka alala ko parang bakit pa daw nya ako hahawakan kami pa daw ba? Ewan ko, pero yan yung mga part na tanging naalala ko. Ang daming tanong sa isip at utak ko. Nagsimula na naman akong na-down, iniisip na naman yung mga naging mali ko, bumalik lahat yung sakit. Lahat lahat. Parang nag flashback.
Im starting to questioning God again. Why? 🥺 kung kelan Im building myself again, yung pakiramdam na umuusad na ko. Tapos bigla ganun. Gusto kong sumabog na di ko maintindihan. Gusto ko umiyak, gusto ko ilabas lahat. Pero putcha paano? Nakikita na nila na kahit papano nakakabangon na ako, tapos ano? Makikita na naman nila ako naiyak sa parehong dahilan. Yung tipong gusto ko ng kalimutan yung lahat ng nangyari, pero ganun yung gagawin ni Lord. I know there's a reason behind. Pero Lord, babalik na naman ba yung sakit? Sasaktan mo na naman ba ako? Kasi po ako gusto ko na po kalimutan yung lahat, gusto ko patawarin yung sarili ko at yung taong sinaktan ako, pero bakit po ganun? 🥺 Hindi ko po alam. 😭😭😭 Gusto ko na po sya patawarin kahit na wala man lang akong narinig na SORRY or any explanation, kung bakit nya ako binitawan at iniwan ng ganung kadali. Gusto gusto ko ng magsimula ulit pero bakit parang tipong unti unti mo ng nawawala sa isip mo ung nangyari, tapos ganito ipapaalala na naman sayo ni Lord. Nalulungkot ako! Di ko maiwasan umiyak, maalala yung sakit! Masakit pa din pala. Masakit pa din. 😭😭😭
While im on my way to work, ito yung scenario.
Nasa window side ako tapos naalala ko na naman yung panaginip ko. Nadodown na naman ako. Nag woworry, doubt, anxiety, lahat ng negative na pwede ko isipin, naisip ko na. Nagsimula na ako umiyak. Basta derederesto na lamg tumulo yung luha ko, kahit pigilan ko tumutulo talaga. (Naka Sunglass ako kahit hindi kita. Hehe) im asking myself yung mga kakulangan ko, di ba ako enough? worth it pa kaya ako mahalin? May patutunguhan pa ba ako? Natatakot na naman ako. Natatakot na naman ako na baka wala ng magandang mangyari sa buhay ko. Tipong nasa isip ko, parang patapon na ako. Yan yung mga nasa isip ko habang nasa bus ako papasok sa trabaho.
Tapos, my group of people na sumakay sa bus siguro mga 6-7 sila. Pinigilan ko yung luha ko kasi ang ingay na nila kaya parang nabaling yung atensyon ko sa kanila, hanggang sa may nag jojoke sa kanila habang kausap yung konduktor na siningil sila ng pamasahe. So, traffic. Medyo ang tagal ng byahe ko. Then, after a while naririnig ko nag uusap na sila about bible verses, mga sign na hinihingi nila kay Lord, mga words of wisdom, may narinig pa nga ako sabi nya "grabe nga yung hagulgol ko kagabi pag ka rinig ko sa kwento ni blah blah." Mga christian leaders yata sila. Then, nag kwekwentuhan lang sila about kay God, about other testimonies. Basta naririnig ko yung kwentuhan nila sa likod ko. Di ko man maintindihan yung mismong pinag uusapan nila but I know its all about God. 💕
Lalo ako umiyak nun kasi sa isip isip ko, putcha grabe ang dami dami pwede makasabay sa bus pero sila pa. Sila pa na may dalang word of wisdom ni Lord. 🥺🥺🥺 Alam ko at that moment, may gusto sakin sabihin si Lord. Siguro gusto nya iparating na wag na ako malungkot kasi nasa tabi mya lang ako. Grabee nakaka amaze and gusto ko lang sana ilabas lang lahat kaso nahihiya ako umiyak dun. Tapos wala naman ako ibang mapagkwentuhan.
Im crying right now while typing this. Im just so amazed how God make me feel that Im not alone. Di ako nag iisa sa laban na to. Ang hirap, Oo. Ang hirap hirap! Pero sa sign na pinakita nya yun alam ko nasa tabi ko lang sya. And Im thankful and blessed sa naranasan ko. 🥺😭
Tapos ito na nga, paguwi ko. Bungad sa akin ng kapatid ko, picture ng babae na bagong girl ng ex ko. Saddest part? Isa kasi yun sa mga palagi nyang iniistalk dati at isa sa mga pinag awayan namin. Tapos yun. Andito ako sa kwarto, umiiyak, habang tinatype ko to.
Lord, magsisimula na naman ba ulit ako sa simula? 🙂🥺
0 notes
Text
I know I that I should stop typing my thoughts at 3 AM 'cause I always end up sleeping at 5 AM. Well, I dunno. The senseful things come to me at this hour eh. LOL. And hey, it's just 2:32 AM, I still have time to type before 3 AM. So, I should start.
I was tagged in a post of my dear friend, Marry Joy. It was actually a shared post, tapos t-in-ag niya ako. And guess what? Ah, whatever. Even if you don't guess, I'd still type it anyway--whatever. Three letters; U, P, K. Yep!
Hay.
Her caption. Well, that's true. We dreamed of being a UP student. Hahaha. Ang sarap kayang mangarap! Ang hirap lang talaga tuparin. Well, as for me, I had chances that I chose to ignore. Alam ko kasi that it may not be what God is planning for me. My tries might be futile kasi all along, hindi ako para doon. Sa school, ha. Pero Lord, sa taga-UP, pwede po ba? Hahaha. Eeey, Anne Nicole, this one's not for that. Focus kasi, saan saan ka naman nakakarating ulit eh. Tsk.
So, UPK.
*sigh*
Amazing.
Hanggang ngayon, amazed pa rin ako. Wth, right? Hindi pa rin ako makapaniwala. LOL.
Tiningnan ko 'yong mga notes ko sa Google Keep ko nung July 2017. Hahahaha. Ah, inabangan ko pala at tinandaan ang mga names nila. MALAMANG, mga Kuya at Ate eh. Magandang experience kasi kaya tatandaan ko talaga. Hahahahaha. Weird lang eh. Puro mga names lang ng mga Kuya ang nilagay ko sa Keep.
"Ewan ko sa'yo."
Ewan ko talaga sa'kin. Hahaha. Ang pinunta ko naman talaga doon is to experience that KF kasi hindi nga ako madalas payagan ni Mommy na sumama sa mga ganun. Ewan ko ba pero hindi naman ako prinsesa, ayaw lang talaga niyang mawalay ako sa piling niya ng napakatagal. Aaaawww, you Mommy, ha! You! Jeez, Mom. HAHAHA. Joke lang. Hindi rin talaga ako interested masiyado. March 2017, may SSG Training kami dapat. I wanted to go, ayaw lang ni Mommy. But I just shrugged and agreed. Okay lang, nakapag-SPG Training naman na 'ko sa Looc nung grade 6 ako. And Representative lang naman ako, kaya na nilang itayo ang bandera ng Sta. Fe doon. Haha. And nalaman ko sa pag-uwi nila na may ginawa silang kahihiyan dun. Hahahaha. Yikes, if I was there, hindi ako masasali kasi hindi naman ako lumalabas ng kwarto. Haha. Kinausap daw ng teacher na kasama ng officers ng SFNHS ang mga students ng ibang school ng lasing. Sir, ilam sa imo. Gosh, 'yong mga sinabi naman ni Sir eh. 😂 No regrets about my decision.
Sa UPK, iba eh. Mom, I should go. Pinapatugtog ko pa nun lagi ang mga kanta ni Mandy Moore kaya kapag pinapakinggan ko ngayon ang Someday We'll Know, feeling ko nandoon ulit ako while wearing a pair of jogging pants kasi I didn't bring any shorts. No way in hell.
Tapos nagsimula na pala ang Day 1.
KA. LO. KA. Naalala ko ang about sa jokes. Damn, hindi ko alam kung tatawanan ko na lang ba tapos pilit ko na lang itatago ang pag-cringe ko dahil sa poor delivery o kakaawan ko kasi, "Fre naman! Umupo ka na lang sana at nanahimik tulad ko," o 'di naman kaya ay hahanga sa guts niya. Well, Nyx, at least they have the guts. Duh! Waley pa rin. Hiyang hiyang hiyang hiya na talaga ako nung may nag-entry galing sa school namin tapos 'yong teacher namin, pinipilit kaming suportahan. Okay, I understand naman na schoolmate eh kaya dapat suportahan. Pero SIR, kung hindi ako natawa sa joke, pwedeng manahimik na lang ako. Baka masamid pa ako sa fake laugh. Damn, I did well when I sticked to my principles. May kumanta pa! Gusto ko 'yong guts ni koya pero ang lyrics, no-no. He sang something so popular na kahit hindi ko pakinggan from my phone araw araw ay masasaulo ko because it's played every freaking where. And sorry kung I sound like a proud jerk at ang OA ko naman kasi kailangan talagang ganito, but saulo ko na ang song and its sharps and flats.kaya ang disturbing lang kapag hindi niya nahi-hit ang note. When you sing a song, 'yong bagay dapat sa boses mo. Hindi lang 'yong popular, 'yan ang natutunan ko through my experiences. Haha. Whatever. Pa-cute pa ng pa-cute sa stage. Yikes, thank God hindi ako naa-attract sa itsura lang. I'd leave my body and wander as a soul if ganun. Haha. Kidding.
Ah, maja. The hosts. Magagaling sila, the best. HAHAHA. Magagaling magsalita. Aaaw, 🎶 take me back, back, back 🎶. They're cool. May kamukha ang isa eh. Hmm, tsk tsk. He looks like someone that I might end up with in the future. HAHAHA. Ano ba 'to. And this, self, is the very reason why you should type your thoughts at night and not during the *dawn*. Tulog na lang nga ako. 😂 Dami kong alam eh. Pagalitan pa ako nun, patay na. Bye, bye, Anne Nicole na naman. Tss. Nakaka-trauma kaya mapagsabihan ng taong gusto mo. Feeling ko tuloy kailangan ko muna maging perfect para hindi na ako magkamali. Huhuhu. You're so uptight, eh ang chill ko pa naman din. Pwedeng chill ka lang rin? Tssssss! I want to talk to you pa naman. TSS!
I wish I could stop... but I just couldn't. Charot. I'll stop.
I'll stop talking and continue with what happened. Matitinong mga pangyayari.
Wait lang.
Nakalimutan ko na ang mga matinong nangyari. :>
Ah. Nagka-crush ko doon eh. (#AngTino) The f. (Tingnan mo 'tong gusto rawng matuto pero crush ang pinagtuunan ng pansin. Wala talagang hiya.) So ayun nga, first night yata 'yon? Eh magbabasa nga kasi sila ng notes from us. Eh ang supportive ng mga schoolmates ko, wooh, cheers for the best pals in school! Yeah. Char. Edi nagsulat din ako. Hahahaha. Sila nag-provide (yata) ng masusulatan at panulat, sila rin ang nagbigay, pero ako ang nagsulat. Thank God, sa maayos ko pong penmanship. Nabasa naman. Pagkatapos nilang ibigay, humiga na ako sa kinauupuan ko para makinig... while recording it sa phone ko. Eh, crush ko nga kasi at babasahin ang note ko! Ba't ba kasiiii?! Kailangan kasi ng remembrance eh! Proof pa para maalala ko na nangyari nga at hindi ilusyon! At bakit ba! Binabasa. Kasi. Ang. Note. Ko. Why baaa? Twice yata akong nagbigay eh. (Walangya ka talaga, akala ko ba UP ang ipinunta? Ba't biglang naging 'taga-UP'?) Daw buang gid takon kato. Pero kalma kalma lang, baka tumaas ang energy ko bigla at lakarin ko pauwi ang Santa Fe. Kalma lang, ayaw ko pa umuwi.
Eh dahil crush ko nga, syempre tinitingnan ko. (Bwisit ko talaga, Salvador.) Hahahaha. Nakakahiyang nilalang. Papa, Mama at Mommy, hindi niyo po alam ito dahil dapat lang naman talaga, ayaw kong matakwil 'no. Hapon ng second day, nakikinig ako sa speaker nang bigla akong hipan ni Hypnos at antukin. Alipin pa naman ako ng antok ko. Haha. At kasi, nakakahiya namang humiga doon habang nagsasalita, (wait, parang mas nakakahiya ang pag-alis namin habang may nagsasalita. Pero malay naman nila, baka nakinig kami mula sa kwarto kaysa naman makita talaga nilang natutulog ako.) Natulog po ako sa room namin. Hanggang alas cinco. Yes, I missed a lot at nagsisi naman ako nung nalaman ko kung ano. SAYANG NAMAN, SALVADOR. Hindi ka na sana gumising. Tssss!!! Eh photo collage contest na, I have to watch. Nakakahiya naman na natulog lang ako, so naisip kong suportahan na ang mga ka-batch ko at ibang besties: sina Rene, Apple, Jarene, Danielle at Marvin yata. Can't remember na. Pumunta ako sa room kung saan sila gumagawa AND TO MY GREAT SURPRISE, nandoon ang crush ko. Edi hindi na ako umalis? Yep, maliban na lang nung inutusan kami dalawa ni Aaron, siya kasi kasa-kasama ko nun. Mabuti at naligo ako pagkagising ko. Amazeballs, galing mo Nyx. Iyan ang gusto ko sa'yo; kapag mukha kang ewan ay naliligo ka. At mabuti na lang at nagpalit ako ng damit dahil naka-white top ako na off shoulder, eh umuulan at hindi yata ako naka-high waist pants. (Push mo 'yan.) So nagpalit ako.
Ang creepy ko kaya magka-crush! Hahahaha. Kapag gusto ko, gusto ko talaga. Nakakahiya. Syempre nga kasi aalis naman kami agad, at hindi ko na ulit makikita ang crush ko (huhu, bye my darling dear, charot hahaha), at hindi kasi nanuod ang ibang schoolmates ko sa games nung 2nd night, kaya ni-record ko na lang. Ah, I'm such a thoughtful schoolmate. Dapat in-award-an ako niyan nung graduation eh. Tss, hindi marunong mag-appreciate. Anyway, nag-video nga ako pero 'yong sakto lang. Hindi naman siguro nahalata ng mga sumasayaw sa stage na vi-nideohan ko sila, ano? Pakialam ba nila, eh todo sayaw na sila ng Gimme Gimme, kawawa naman ang stage. Feeling ko na-harass dahil sa moves nila. Gosh, my innocence.
Ang dami ko kayang remembrance noon.
Kaso binura ko na eh. :‹ (bitter mo kasi)
Okay lang.
Nilipat ko naman kasi sa flash drive kaya binura ko sa phone. Heller! Sayang ang effort ko nun 'no! Tapos, ide-delete ko lang? Oh my gosh, no. 😂 Nilipat ko kasi lahat sa flash drive kaya binura ko na sa phone memory.
So I stalked my crush nung bumalik na kami sa room. The f, ang bagal ng internet sa Odiongan nun, gusto ko nang umuwi para lang mag-Facebook. Free data na 'yon ha, kasi nga ang bagal rin kahit may data. Hala freeeeee! I found it. His account. Oh my god, I'm so brilliant. #ProudMoment07'17 My gooooooooods, engineering ang course. Aaaw, magaling sa Math. Zero balance pa naman ako sa Math. (Kidding! Medyo mabilis naman ako mag-compute ng addition at subtraction at multiplication at division mentally. Hehe. Oo, proud na ako dun kasi why not? Eh sa 'yon na ang best ko eh. Ba't ba. Haha. Sa lahi daw ng Asis ang magaling sa Math, kaso dahil sa apo na ako, medyo malayo na sa Asis kaya ang mga basic lang ang kaya ko.) Wow lang, bakit ka po Engineering? Huhuhu. Wala kang kaalam-alam pero pinagpipiyestahan ko na ang infos mo sa Facebook at tuwang tuwa pa ako. (katakot 'to) I was like, "Wow." (wow, hindi jeje HAHAHAHAHA hindi naman siya mukhang ganun pero kasi 'di ba, Hey Stephen, Taylor knows that looks can be deceiving but she thinks she saw a light in you.)
Ah, ilang beses ba akong nagpa-picture? HAHAHAHAHA. I'm so humiliating. Eh kasi naman, remembrance kasi fre eh.
Kailan nga kami umuwi? July 24 yata. Since that day, nagkaroon na ng password ang cellphone ko. Hahahaha. At, sobrang low ng brightness, feeling ko wala na akong nakita sa phone. 😂 Whatever. May nabasa kasi ako noon sa Wattpad na one shot ni ate Rayne Mariano eh. 15 Days. Yep. Naniwala ako doon. Hahaha. Eh kasi bata pa ako noon, mga 17. Hahaha. Whatever.
Hindi na natanggal ang password ko ever since that day. Wala naman talaga akong tinatago sa phone ko. 15 days ko lang naman sana ilalagay ang lock. Kaso nakita naman agad nila ang tinatago ko kaya I shrugged the idea off na lang. Bahala na nga, yago ran basi gani nagpinati takon man. Hay nako.
Hala, parang nainis pa nga nun 'yong crush ko kasi, ba't ba 'ko pa-picture ng pa-picture?! Mukha lang akong tanga. Whatever, wala kang alam. Hmp. 😂 Ay, suplado. HAHAHA. Kuya, don't be mad na. I just want a remembrance kasi. You don't know me naman kaya mainis ka lang, you still look cute anyway. Go lang. Hahaha. Doon sa remembrance, mukha akong tanga. I don't like my smile talaga, ugh. I look stupid. Kuya, don't be mad na, you won't see me again (you wish). Kuya... this is the last day. Huhuhu. Pagbigyan mo na 'ko. Ayaw ko pa umuwi nun. :3 Seyeng.
I think I'm pretty blessed. He read my notes, pinayagan niya akong magpa-picture sa kanya, may empty chairs sa malapit sa table nila na feeling ko, sinadya ni Lord. You po Lord haaa~. Hmm. 😂
So patalon-talon akong pumunta sa harap ng kwarto namin para sumakay sa jeep 'cause we're going home. :{ Hindi matanggal ang ngiti ko pauwi. HAHAHAHAHA. Tapos biglang, sino nga ulit si JP Caras? 😂
Nung umuwi na kami :‹, nag-internet agad ako. Hooοh, feeling ko napagkaitan ako ng rights to open my social media accounts at ng chance to, um... hehe, stalk. Like hello! Why naman, Odiongan? So, Facebook, Twitter at Instagram. Yes, stalker mode. Yuck, creepy. (ikr, but idc :›) Hindi lang naman kasi siya ang stinalk ko. Some Ates and Kuyas, tiningnan ko lang naman eh. :3 Sa totoo lang, hindi naman ako ganun ka-active sa Twitter eh. Minsan lang, nakakalimutan ko kasi na may account ako at ang password ko. Trivia: Tuwing bubuksan ko ang accounts ko, nagpapalit ako ng password. Haha. I am no Mnemosyne's daughter, alright? She must've hated me. :< Grabe naman po ang nangyari sa memory ko. Huhu.
Tutuloy ko 'to bukas dahil mag-aalas cuatro na. 3:47 AM, ‹061618›
Tsk. I won't edit this. :p
ΔItinuloy noong ika-27 ng Hunyo, taong 2018, 14:41Δ
Yep, ngayon ko lang naituloy. Hahaha.
Hindi nga ako ganun ka-active sa Twitter pero kapag nandun ako, tweet talaga ako ng tweet. Kahit ano ang nasa isip ko, tweet. I like typing my thoughts nga 'di ba, at wala naman talagang nagpi-pay ng attention sa kung anu-anong itu-tweet ko kaya pakawala talaga ako doon. Haha. Sana naman wala akong masamang sinabi sa kung sino doon. Hindi ko na kasi maalala tweets ko eh. Hahaha.
Hala, paano ko nga ulit nalaman kung may Twitter siya? Hahaha. I can't remembeeeer. Basta hinanap ko yata silang lahat (yata ulit). And I found his. Waaah~ He's so admirable. Huhuhu. I don't like the color of his shirt sa DP niya noon pero okay lang. Hahahaha. Stalker much? Ang pangit ng stalker. Tss. Fan na lang kaya? Fan? HAHA. Para kang tanga, Nyx. Go pa. 😂 what! ever!
Syempre f-in-ollow ko na. Okay lang, hindi naman niya ako kilala. Imposible, sabi ko pa. In-add ko sa Facebook kasi gusto ko lang naman siyang maging friend kahit sa FB lang at hindi naman ako harmful. Hahahaha. Naisip ko nga noon na baka hindi naman niya ia-accept, pero okay lang ica-cancel ko na lang after a week. 😂 Pero hindi ko na f-in-ollow sa Instagram, baka naman makahalata siya. Nung in-accept na niya ang FR ko sa FB, rejoice! Rejoice ng lantaran sa harap ng mga pamangkin. Bahala kayo diyan, eh sa masaya ako eh. Tss.
But...
Shems ang posts kooooo!
Too late.
Stupid as ever.
Pero sige na nga lang! He don't know me anyway!
Tapos 'Hi' pa 'ko ng 'Hi' sa Twitter kasi nga hindi naman niya mababasa.
Eh nag-followback siya.
I so hate you for being so shameless, Anne Nicole.
Pero hindi ako nagsisi... muntik lang.
Hahahaha.
Isang decision lang ang p-in-ush ko kay Mommy ha. Wala naman akong alam sa mga susunod na mangyayari. Pero that was the best decision ever!
No regrets.
1 note
·
View note
Text
College Friends (2)
Itong second set of friends ko.. Ang tawag ko sakanila non sa isip ko is Power Group HAHAHA
Sama sama kasi sila non nung first day palang.. parang close close na sila! So inisip ko nun baka sa Eplus sila naging mga magkaklase hehe. Tapos pag may tanong ang prof, laging sa circle nila madalas mag volunteer! Kaya amazed ako sa kanila, naisip ko ang tatalino nila haha.
Naging friends ko sila nung pinag Group kami ni Mam Pinugu. Nung una gusto sana naming girls (set 1 friends 🤣) na sama sama sa group kaso since 9 lang kaming girls sa klase, hindi pumayag si mam, kailangan daw mag hiwahiwalay kami.
SOBRANG NAFLATTER AKO. PINAG AGAWAN AKO NG GROUPS! 🤣🙈 Pero ayun, napunta ako sa power group HAHAHA - Team Philippines! 🤣
From left to right:
Paula Peregrino - napakilala ko na sa previous post ko.
Kent Evalla - Cool kid to! Rich kid ahaha. Umalis din siya ng Mapua after 1 term..
Camille Valera - Rich kid! Grabe sobrang friendly at kalog nito ni Camille. Les ang tawag sa kanya nila Lee. Bahay nila una kong napuntahan sa lahat ng college friends ko. GRABE NAWINDANG KAMI SA GANDA NG BAHAY HAHAHA. After a year ata before niya iniwan ang Mapua.
Japjap Hiwatig - Si Japjap mejo weird na maasarin na tao haha. Lakas maka highschool hahaha. Di ko masyado naging close to and after 1 term lang din yata, umalis na siya ng Mapua.
Renz Lee - Cool friend to! Fashionista! Ang funny nya pa haha. Believe ako sa taong to kasi malapit sa Enchanted Kingdom siya nakatira tapos uwian! YES UWIAN AHAHA Ang chill ng buhay nitong friend kong to pero grumaduate sa Mapua yan, wag kayo hahaha!
Dark Arts Jerome - Di niya true name yan pero nalimutan ko na kasi last name nya ahaha! Dark arts kasi nakalagay sa email niya nung finlash ni sir Quinto kaya un na tawag namin sa kanya. May time pa nun na gagawa kami ng props kila Gabo, tas biglang naglaho na siya.. d na pumasok ever since! And wala kami balita ano nangyare sa kanya. Creepy.
Gabo Andulan - Di ko na tanda name ni Gabo. D ko din alam if tama last name na nilagay ko ahaha! Si Gabo cool kid din yan. Sa may likod ng PWU banda nakatira. Pumupunta kami sa kanila para gumawa ng mga props namin para sa Hum10. Umalis din siya agad sa Mapua after 1 term.
Nicko Garachico - Siyempre save the best for last! Si Mr. Crush ng Block at Pride ng B21 kasi siya lang ang natirang Regular hanggang grumaduate! 🤣 Cum Laude pa yan! 👏👏👏 TOP 5 PA SA BOARDS YAN! 👏👏👏 Sobrang proud friend and blockmate! Ahahaha. Dati takot ako kay Nicko! Kasi dati pag sasagot ako, tas napapatingin ako sa kanya, ang serious nya kasi tumingin, akala mo galit 🤣 tas naiintimidate pa nga ko non sa group nila kasi nga nasa isip ko power group sila ahaha. Pero d naman ako nagkamali kay Nicko. Ever since i met him talaga, alam ko matalinong tao siya. Sobrang bait, pogi, at talino nitong taong to - sobrang yaman pa! 🤣 Full package nga talaga sabi nga ni kuya Jers ahahaha. Isa to sa friends ko na for keeps talaga!
0 notes
Text
My starlight✨
It still fascinates me how I found you when I thought I can't be found. You came unexpectedly, you were my miracle. Godsent. We were classmates since grade 8 (2014) 'til SHS (2019). Sa 6 years natin na magkakilala, who knew we'll fall for each other. Seriously, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Yung taong araw araw kong nakikita sa classroom simula grade 8, siya pala yung taong hiniling ko kay Lord. Siya na pala yun. Well, the signs weren't clear until we talked again, and it was...
August 2020
I still remember that day, August 12, 2020. I just got off from work and nagpapahinga na ako hahaha the usual me; kakain and then magbabasa ng wattpad.
Out of the blue, nag message ka sakin. That was literally unexpected 'cause I don't really talk to other people. I'm socially anxious argh idk how to react properly. My first thought were "What the hell? Bakit kaya nagchat to?" Well, in my defense hindi naman talaga tayo ganun ka "close" before kaya na wirduhan talaga ako hahaha.
Pero sobrang naappreciate ko yun lalo na nung kinamusta mo ako. I rarely talk to anyone na kakilala ko and it really meant so much to me at that time. Without any doubt, nag open up ako sa'yo. I don't know, maybe naghihintay lang talaga ako ng taong magtatanong saakin kung okay lang ako kaya noong dumating ka, gumaan talaga yung loob ko. Siguro kasi kilala kita at alam kong hindi ka masamang tao and we were friends rin. Hindi man ganun ka "close" pero I consider you as one of those peeps na mapagkakatiwalaan ko.
We started talking/chatting August 12,2020. Catch up lang sa kanya kanyang buhay. I don't remember ever talking to you like an actual conversation about our lives before nung classmates pa tayo. Well, I couldn't say na nafall agad ako at that moment duh hahaha grabehan na yun. Pero lalo kitang nakilala, hindi lang yung 'Sean' na kaklase ko nung high school. Unti unti kong nakilala yung totoong ikaw, I never knew I could see you in a different light. I admired you, you're just so amazing. You made your way to my heart kahit ang ginawa mo lang naman ay makinig at kausapin ako. Parang ganun na nga, na-fall na ako.
That feeling na I'm anticipting kung kailan ka ulit magchachat hahaha. And then nag birthday na ako, August 14. You greeted me through chat. Hindi mo alam kung paano mo ko napangiti at that time. At that time narealize ko rin na lagot na talaga ahahaha nafall na ako. Shett panindigan mo koo ahahaha char. On that day, hinding hindi ko makakalimutan yung nag post ka ng cover ng "Tanan-VNCE". I was smiling the whole time. Silently hoping na para sakin yung kanta na yun hahaha napaka assumera ko rin that time lol. Birthday ko naman nun kaya hayaan mo na hahahah
We continued to talk through chat. hindi ko na nga maalala ano pinaguusapan natin at that time hahaha. But talking to you feels great. I remember sending you my cover of KLWKN-Music Hero. I don't know if I ever told you this, but while I was recording the song,ikaw yung nasa isip ko. That was literally my first move hahahha. Kaya sobrang meaningful ng kantang yun para saakin. It was my first song for you :)
16th of August, niligawan mo ako. Nung araw palang na niligawan mo ako sure na akong sasagutin kita hahahamarupok. Gusto ko sana patagalin yung ligawagan hahaha wala lang hehe. And never ko naexperience yung may nanliligaw sakin hahaha minsan gusto ko rin maging normal na babae charot pano yun. But at the same time napuno ako ng takot. Sobrang bilis kasi, it was surreal. Iniisip ko kung nasa tamang pag iisip pa ba ako hahaha maloloka ako sayo hahahaha. But I realized that life is about taking chances. I don't want to regret anything, so might as well take the risk. And so I did,, we did...
August 18, 11:12pm. Sinagot kita. I literally screamed sa sobrang saya hahaha gumulong gulong pa ako sa higaan ko sa sobrang kilig tapos na realize ko na di pa pala ako nag reply hahaha. So ayun na yung umpisa.
First photo is my screenshot.
Second and third photos are yours hahaha yung sinend mo saakin before
Fourth photo is our first (virtual) photo together throgh video call sa messenger
Naalala ko pa rin kung gaano ako kasaya nung araw na yon. I took the risk, felt like jumping off the cliff but you jumped with me. Naalala ko pa rin yung saya na naramdaman ko. Yun yung feeling na ang sarap ulit ulitin. I never thought I could be THAT happy. Gusto ko tumakbo papunta sa'yo at that time para lang mayakap ka. Sobrang thankful ko kay Lord nung time na yun.
August 20, yun yung time na nag tweet at nag story ako tungkol saatin at nayanig ang sambayanang pilipino HAHAAHHAHA. Gulat na gulat sila 'cause same. Ang saya ko nung time na yon, kahit medyo anxious pa rin ako dahil nga sa bilis ng pangyayari. We went through that phase. Yung mga assurance mo saakin kasi palagi akong nag ooverthink. yung mga kumontra saatin at first but eventually tinaggap pa rin tayo. Nalagpasan natin yun kasi were stronger than them. Their opinion will never matter. Ang importante masaya tayo.
Umpisa pa lang yon pero ang dami ko nang anxieties na hinarap kasama ka. As a professional overthinker lol, inintindi mo ako kahit di ko maintindihan sarili ko. Hindi mo ako hinayaang harapin lahat ng yon ng mag isa. You helped me be who I am right now.
Credits sayo. Sayo galing yan screenshot na yan hehe.
Naalala ko pa rin lahat ng pangako natin sa isat-isa. Those were promises of forever.
All of our promises are for the future. We promised to be together 'til were old. We promised each other na we'll grow and be matured together and be a better version of ourselves. I promised to be there on your graduation day and you'll be there when I graduate rin sa college. Sabay natin aabutin yung pangarap natin. We imagined ourself sa kasal natin and then we'll have kids, isang babae at isang lalaki. And then we'll have a stable job and we'll live comfortably and happy and punong puno ng pagmamahal. We imagined so many things that we will do sa future that we overlooked whats in front of us. Nevertheless, sobrang saya lang talaga. To look forward for the future together.
Credits ulit sayo
Remember the dream I had before? Minsan lang ako magkaroon ng panaginip. Kung meron man oftentimes I will forget about it pagkagising ko. This one is different, kasi its really weird 'cause it felt so real. As if I was really there. Sobrang weird kaya naalala ko siya pag gising ko.
I am with my boyfriend daw, nasa loob kami ng kwarto sa bahay naka higa sa higaan ko. Sa panaginip ko hindi ko talaga maaninag yung mukha nung nasa harap ko. I had no idea who he was, ang alam ko lang is mahal na mahal ko yung lalaking yun. The moment na napunta ako sa panaginip na yun, naramdam ko lahat lahat ng pagmamahal ko sa taong yun. It's so overwhelming.
I was comforting him, sa panaginip ko hindo ko alam kung bakit hahaha I just felt like it. I hugged him really tight and I kissed his temple. That moment, it felt like home and it was wonderful.
It was the feeling that I never felt before. It was true love. I was like,, Lord when kaya? Is this a sign? If yes ibigay niyo na saakin please.
Sinabi ko sayo tong panaginip na to before it really happened. Naalala ko pa yung date. November 6, It was your first time dito sa bahay to hang out. Tumambay tayo sa kwarto hehe. We talked about a lot of things while we cuddled sa higaan. And then you got emotional :< naalala ko yung sinabi mo sakin and pinanghahawakan ko yung sinabi ko na kahit dito hindi ko babanggitin yun. Naramdaman ko yung takot mo nun na baka magbago yung tingin ko sayo once sinabi mo yun. Pero never mangyayari yun, cause your past can never define who you are right now. And then you cried, that was the first time I saw you cry and my heart hurts gusto ko rin umiyak and so I hugged you nalang and gave you kisses. I wanted you to feel how much I care for you and my love for you will remain the same.
It took me a while before I realized na that was the exact same scenario na nangyari sa panaginip ko. It's really amazing noh. Noong kinuwento ko pa lang sayo yon, I already knew na ikaw yung nasa panaginip ko. Na ikaw yung hiniling ko kay Lord noon na taong mamahalin ko ng sobra. It was a sign, to let me know na I'll find my significant other soon. He's really amazing 'cause I didn't know he will let me catch a glimpse of the future. It's like he's telling me na I will be happy, soon. Trust in God's timing lang talaga. God led me to you. Ikaw yung binigay niyang sagot saakin noong mga panahong tinatanong ko siya kung kailan ako magiging masaya. I thank God I found you.
Remember the playlist that we created for each other. Both of us contributed on creating that playlist. I still remember the day you made me listen to the songs that you dedicated for me. Correct me if I'm wrong those songs were
Always- Marco Sison
I Swear - All4one
Now and Forever- Richard Marx
I'd Rather - Luther Vandross
God gave me you - Bryan White
Swear it again - Westlife
Your Love - Richard Marx
Ikaw at ako - (saxophone cover)
I think I missed a few but those were the first set of songs you sent. I still remember how I felt at that time. It was meaningful for me. Para bang lahat ng love songs ay tungkol sayo or tungkol saatin.
And then it became our thing hahaha its like we were collecting songs that reminds us of each other and then idadagdag natin sa playlist natin. I lost count kung ilan yung mga kanta doon. I already deleted the playlist I made sa spotify :< I regret doing that :< now I'm sad. Alam kong nasayo pa rin yung playlist natin. I appreciate na you still have it with kahit wala na tayo.
Theres a lot of things that reminds me of you tbh. Remember how we use to call/video call like,, everyday and then we'll play Mario Kart. No matter how busy we were, we always try to find a way to bond or play. Kasi we'll be incall during the game. Sobrang saya nun kahit lagi akong talo hahaha. Umay ka na siguro sakin nun kasi walang thrill yung laro lagi akong talo hahaha. Tapos I tried to play ML with you. I never learned how to play that game even though I tried, sayang :< It would be much better kung kaya kitang sabayan sa ML, pero wala eh siguro kasi I'm not really into that kind of game hehe. Kaya naglalaro lang ako pag kasama kita. 1v1 or Brawl hehe. Masaya na ako doon. Kahit frustrated ako sa sarili ko minsan kasi ang shunga ko hahaha. But you were really patient with me, you tried to cheer me up and then tinuturo mo saakin yung mga dapat kong gawin. Sobrang naappreciate ko yun. Those were the things I always look forward to everyday aside from chatting/talking to you.
Everything that you do for me means a lot. What I meant by everything is literally E V E R Y T H I N G.
Like, you would know what to do or what to say whenever inaatake ako ng anxiety or nag ooverthink ako. You know how to make me calm. You know how to make me smile. All your corny jokes and your cheesy pick up lines. Your sweet messages reminding me of how much you love me. You would always say na hindi mo ako iiwan :> You always say na I am your blessing and I'll say the same. Yung pag alaga mo saakin. Yung mga paalala mo sakin araw araw na alagaan ko sarili ko lalo na pag may sakit ako.
All your efforts to make a video message for me tuwing may pasok ako para I cheer up ako. I really love them, sobrang naappreaciate ko yun. It helped me a lot sa work. I did great right, All of my achievements sa work are also because of your efforts to cheer me up. You were my inspiration.
I love all those little things you do, even the bare minimum hahaha. Like updating me sa mga nangyayari kahit tulog ako or nasa work. Ang saya kaya sa feeling na gigising ako na may message ka saakin tapos ikaw yung bungad sa notif ko. And then I will do the same with you. Iuupdate kita kahit tulog ka kasi tulog ka na pag shift ko hahaha. And you'll wake up with so many notifs from me hehe. Yun yung bagay na nakasanayan ko, kaya yun yung naging struggle ko everyday tuwing may pasok. I would be sad every break ko sa work :< But thats all in the past now, I can handle myself now.
Remember the first time na nag date tayo sa labas? Sa KFC SM Sucat. Wala lang, kasi that was our first date sa labas and my first real date everr. And nilibre mo ako nun, knowing na ginastos mo yung ipon mo para sakin, sobrang naappreciate ko yun. Alam kong minsan kuripot ka hahaha at mas gugustuhin mong itabi yung pera mo. Pero pinaggastusan mo pa rin ako sa pagkain natin. At naulit pa yun ha hahahaha. I really don't mind kahit saan tayo mag date tbh. Kahit diyan lang tayo kumain sa kanto tapos bili tayo kwek kwek masaya na ako. O kaya bili tayo tinapay sa bakery tapos softdrinks. Never kong pinangarap yung mga date sa fancy restaurant eeh gastos lang yon. Kahit nga wala tayong gastusin eh. Kahit mag window shopping lang tayo sa mall hahhaha masaya na ako doon, importante nakasama kita. Priceless yun, yung time and effort mo na makipagkita saakin.
Kaya minsan di ko makita yung sinasabi mong wala kang ka effort effort saakin. Kasi I never asked you for anything. You were enough for me. Maybe because I'm not vocal enough kaya hindi mo naramdaman yun. Simple lang naman yung gusto ko sa buhay, gusto ko maging masaya and I am happy whenever I'm with you.
Our first few months were wonderful. Wala nga tayo halos pag aaway kasi kung meron man tayong di pagkakaintindihan, naayos natin agad yon. We were so happy pero hanggang ngayon tinatanong ko pa rin si Lord kung anong nangyari. I thought everything are on its right places. I thought everything is perfect. Ako lang pala yun nag iisip ng ganun. We came to the point na ako nalang pala, it felt like flying and then iniwan mong akong nakalutang doon sa ere, hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Lahat ng kinatakutan ko noong umpisa nangyari na.
Everything is falling apart but I'm trying to fix it sa lahat ng paraang alam ko. I stayed with you, kahit alam kong hindi na dapat. Hindi ko na kasi inisip yung sarili ko eh, all I want is for you to be okay. I want to fix you, I tried to help you. Like what you did to me before. Ikaw yung naging lakas ko kaya gusto ko ganun ka rin saakin. I know you did your best to hold on. I know na hindi ka na sigurado at that time, kahit sobrang sakit saakin nun pinilit kong harapin yun kasi may tiwala akong ako parin naman pipiliin mo hanggang sa huli. Kasi ako yung nandito para sa'yo, why would you choose the other.
We even celebrated Christmas and New Year together with both of our families. Sobrang naappreciate ko yun, kasi pinagbigyan mo yung gusto ni mama at that time. Seriously, even though di masyado naging maganda yung New year ko, I had fun being with you and your family. I really felt like I was part of your family too. I'm forever grateful sa kabutihan nila. I didn't know na yun na pala yung huling araw na tayo pa. I shouldve stayed longer. Sana inenjoy ko yung moment at hindi ako nagpaapekto sa emosyon ko that day. I should've hugged you tight or kissed you for the last time. I didnt know yun na pala yung huli.
I managed to be strong for you. Kasi alam kong maayos pa natin kung ano man yung naging gusot. I fought my own battles while I try to fight with you. Napaka martir ko sa part na hinayaan ko sarili kong mahalin ka kahit sobrang sakit na. Sobrang tanga na nun pero yung dahilan ko lagi? Mahal na mahal kita at ayos lang na masaktan ako kaysa mawala ka saakin. Di ko kakayanin yun kaya kumapit ako ng maghigpit sayo. Kahit nararamdaman ko na ako nalang yung nakakapit, sinubukan ko pa rin. Sinubukan natin, pero dumating parin tayo doon na sa punto na kailangan nating bumitaw.
January 3, sinabi mo saakin na mas okay na maghiwalay na tayo and I agreed. Naaalala ko yung time na yun, nagrant ako sayo and I was expecting na you'll comfort me. Na you'll come up to something para mag ayos tayo pero hindi eh :< you decided to end our relationship. At nagkaroon ako ng realization nung araw na yun. Siguro napagod ka na rin. Ako kasi kahit pagod na I would still fight for us. Ganun kita kamahal. Narealize ko rin how shallow your love is, kasi wala ka nang ibang dahilan para mag stay. Kasi if you really want me, if you really do. You'll do everything para magstay. Hinayaan mo akong bumitaw.
At that time I knew na game over na talaga. Kaya di na ako kumontra at hinayaan na kita. Siguro kasi hindi naman talaga ako yung kailangan mo nung time na yun. I was never enough. I felt sorry na I had to let you go. Pero nakita ko rin naman kasi na masaya ka nung wala nq ako eh and then I thought na maybe we made the right decision. Medyo gumaan yung pakiramdam ko doon, and you made it easier for me to move on. Masakit pa rin tbh. Ramdam ko pa rin lahat. Ang pinagkaiba lang kasi, I already learned my lesson and I learned how to handle the pain.
Di ko rin makakalimutan yung time na nagkita ulit tayo nung January. Kasi I have a lot of things to say lol. You don't know how much I want to comeback. Pumunta ako sainyo na may dalang pag asa, baka sakali lang naman. But I was so so wrong. It felt like a slap. Literal na nasampal ako ng realidad na hindi na ako yung pipiliin mo. Fckkkjgs I can still feel the pain ugh damn u.
Naalala mo ba yung araw na yun, halos ipamukha mo saakin kung gaano mo kamahal si Nyka at kinuwento mo pa yung kagustuhan mong makasama siya sa future mo. Gustong gusto kitang murahin at sampalin nung araw na yun. Wala akong ibang nagawa kundi makinig, matulala at umiyak sa harap mo. Nagalit ako sayo nun. Umiiyak ako sa lungkot, sa sakit at galit. And you had the nerve to keep a straight face ughb kainis. And then sinabi ko sayo na "Mahal mo talaga siya noh?" it sound so bitter. At that time, i wish I was her. Mas masakit pala pag harap harapan na. Gusto ko mag walk out nun, gusto ko na umuwi kasi sobrang sakit. Tangina kasi talaga Sean Gabriel, yun na ata yung pinaka masakit na nagawa mo. The whole time that you were with me, may kahati pala ako sa puso mo? Sa mga kwento mo para bang hindi ako dumating sa buhay mo. Parang wala lang ako. Binalewala. Yun yung naramdaman ko noon.
Ewan ko kung anong nangyari, pero sa sobra sobrang emosyon na naramdaman ko, umabot na ako sa sukdulan. I gave up. Para bang namatay yung kung ano man yung nasa puso ko. Nawala na yung 'hope' na baon ko. At that moment, unti unti ko nang naabsorb lahat. Natanggap ko na. You helped me do that at yun na yung naging closure ko. I remember laughing after nagsink in lahat ng nangyari. I forgave you. Inalis ko agad lahat ng galit ko and then I felt numb. I even helped you with your problem kay Nyka. At that time I really want to help you kasi napaka shunga mo na. Without any hidden agenda of getting back with you kasi at that moment I am done. Pero kaibigan parin kita kaya lets keep it that way.
Siguro yung nangyari after that, that was my lingering feelings for you na hindi mawala wala. It was 'love' without 'hope'. Kuntento na ako kung ano man meron saatin ngayon. Atleast I still have you pero hindi na kagaya ng dati.
I just want you to know that despite everything that happened between us. I'm still thankful for everything. I thank God kasi hinayaan niya akong maging masaya with you kahit saglit lang. You are my greatest everything. Greatest love, greatest heartbreak. Greatest lesson I needed to learn. I still hope for the best, for you and me. I don't mind if we go separate ways sa future. You know you have me as your number one supporter and rant person right??
It would be better kung ikaw pa rin hanggang sa huli. In another lifetime maybe? Sa perfect universe baka pwede pa.
Sa ngayon, I don't want to promise anything yet. But I'm not going anywhere. Ayoko na rin mag expect ng kahit ano. Go with the flow muna. I love you, always.
• I love you to the moon and never back. I'll love you always and my love will stay
I know our story doesnt end here.
Maniniwala pa rin ako na we'll have the chance we deserve sa tamang pagkakataon. Like for part 2 charouut hHAHa
yours for eternity,
Laila
0 notes
Text
Sept 24 (Labor and Delivery Day) Tumblog Entry
The last I woke up at 7am, I saw the blood na. My mucus plug was discharged. Start of my prelabor signs. I was not comfortable thruout the night before. I occassionally woke up because of pangs of pain in my back and tummy. Gabi pa lang pakiramdam ko I'm about to go in labor soon pero dahil hindi pa naman sya madalas I'm assuming not anytime soon pa pero binabanggit ko na kay Aja para naman handa pa rin sya in case sa gabi ako maglabor. But he pleaded kay Tukne sa loob ng tiyan ko if pwedeng wag muna that night dahil masakit ang tiyan nya at magrerest na muna sya. Bait ni baby, kinamorningan na nagparamdam na lalabas. Yihee.
Told Aja immediately kahit tulog pa sya, I showed him the blood at sinabi kong dinudugo na ako. Napabalikwas sya agad sa tulog eh. Hehe. If you know him, hindi sya yung tipong bumabangon agad pagkagising, slow start lang sa morning at baka sumakit bigla ulo nya pag bumangon sya agad, hindi rin sya naghihilamos agad at matagal din ang seremonyas sa CR. I calmed him at sabi ko, wag magpanic, prelabor signs pa lang at tatawagan ko na si Dra. So he took his time pa rin magjebs, kasi sabi nya mahirap na masira ang tyan nya during my actual labor which is true. Mabuti agreeable ang tiyan na yan ngayon.
Walang sched si Doc sa hospital ngayon pero pagkatawag ko sa kanya, sinabihan na nya ko na magpaswab test na ng morning and if my contractions persists and heightens at 1pm, magpaadmit na ko. Since early pa naman, nag asikaso pa muna kami para mag almusal. Reluctant pa nga ko kumain kasi baka bigla na ko manganak pero kumain pa rin ako. Tumawag na rin si Aja sa kanila para sabihin na manganganak na ko, hindi na sila naniniwala kasi nakailang prank na to si Aja na nanganak na ko eh hahaha pero eventually naconvince na namin sila, naexcite ang mga tao bigla.
Pumunta si Mamabel at Papaart sa bahay para umalalay. Naglalakad lakad pa ko sa loob ng bahay para sa preparation sa panganganak. Nagsign up pa ko ng papers sa Philhealth para nakaready na, habang nakaupo, dun na mas sumakit yung contractions. My gulaaay, pinipilipit ka talaga. Tinatry ko pa ngang wag ipakita sa mukha ko kasi iniisip ko, wala pa to, simula pa lang to, kailngan ko imanage ang pain.
Nagpunta na kami ng hospital sakay ang trike ni Papa Art, dala na rin namin yung hospital bag kung sakali. Nagpasched na kami magpaswab. Pero nung nakabayad na kami, gusto bigla bawiin ng medtech, dahil hindi daw sila makakapagrelease ng official result dahil nawalan ng kuryente ang hospital, kinabukasan pa ang result. OH NO. Nag aappeal kami kasi pwede na ko manganak anytime at need ko na maswab test. Basta ang gulo pa, nagconfirm kami kay Doc thru phone kung okay lang kahit unofficial result pa lang dahil di pa naman sila makapagprint, umokay naman si Doc pero ayaw pa rin ng Medtech, yun pala di nya naintidihan na yunh Doc ko ay doktor sa ospital nila. Halos 1 hour and 30 minutes yung hintayan namin maswab lang. Mas lalo na ring humihilab ang tiyan ko.
Approaching 12pm pa lang and nagsabi ako kay Aja na umuwi na muna kami, sa bahay na lang ako maglalakad lakad at hirap kung sa ospital jo yung gawin dahil nakamask at face shield. Pagkauwi namin, naglakad lakad ako saglit pero nahiga rin ako at natulog dahil pakiramdam ko agad hapo na ako. Nakakatulog naman ako, kaso mas lalong sumasakit yung contractions ko. Everytime na hihilab, nagigising ako at tatry ko tumuwad habang nagbibreathing exercise to relieve the pain. Inaaya na rin nila ko kumain, pero I chose not to kasi feeling ko ilalabas ko lang yun pag nanganak ako.
2pm, tumawag si Doc para sabihin na negative ako sa swab test at pwede ba ko pumunta ng ospital. Dumiretso naman kami sa ER agad nun para magpaadmit, naghospital gown at adult diaper na ko saka nasweruhan, constant na ang aking contractions every 3-5 minutes. Tinawag kami sa room ni Doc para i-IE and thankfully 4cm dilated na ko. Maloloka siguro ako kung 1-2cm pa lang eh, mas lalo na nga syang sumasakit.
Mag 3pm siguro pinaakyat na ko sa labor room. I have to part ways na with Aja, next time I'll see him, nakalabas na si Tukne. Ako lang yung tao sa labor room, tahimik rin, again I tried sleeping and lying down, gusto talaga ng rest ng katawan ko. Like sa bahay I would sit naman everytime hihilab to breathe properly, it took me 5 contractions nang dumating na si Doc para i-IE uli ako. Tinanong nya kung masakit na daw hilab ng tiyan sabi ko masakit na.
Nilipat na ko sa katabing room, yun na pala yung delivery room. Mataas at manipis yung delivery table, pinahiga na ko ni Doc and my diaper was removed. This is it. I remember na nagturok na ng pampahilab pa si Doc sa swero at dun na nagstart yung active labor ko, longer and harder yung contractions na nafeel ko after, parang wala ring 1 minute ang intervals ng pain, everytime na hihilab sinasabihan na ko ni Doc na umire. Mali pa nga ko ng una dahil sa leeg ako nagtry umire, tinuruan ako ni Doc na mag inhale deeply and pag exhale hold it for 10 seconds para umire. Dahil painful din ang hilab, I tend na magliyad pag masakit pero mas umaakyat pala nun si baby kaya I have to hold my core down kahit masakit as if nagpaplank ako para bumaba si baby.
Pumutok na yung panubigan ko, hindi ko maexplain, masakit na masarap sya nung nailabas na yung tubig, and then I know heto na talagay ung irehan. Sabi ko kay Doc nafifeel ko na yung naiihi at natatae na feeling. Sabi nya iire ko lang at si baby na yun. Yung first ire ko seems like the longest 10 seconds, nafifeel kong lumalabas na si baby and I can hear Doc said I'm doing a good job, nanghihina na tuhod ko after, my legs are shaking. After that, medyo nahihilo na ko, the meds are kicking.
2 nurses started to assist si Doc. They strapped my legs dun sa pinaglalapagyan ng legs para makabuka ng maayos. My next 2 na ire ang alam ko na lang I tried giving it my all - I only had 3 major ires and lumabas na si baby, thank God! Nung sinabi ni Doc na "Congratulatoons, its a baby boy!" my consciousness faded na.
Nung nagkakamalay na ko, nafifeel ko na tinatahi ako down there. Napaisip pa nga ko kung tapos na ko manganak at kung talaga bang tinatahi ako, anyways, kahit groggy kinakausap ako ni Doc and when she showed me si baby, sabi ko na lang "Hello anak, ako ang Mama mo, I love youuuu." I know its him, kilala ko yung swaddle na gamit nya, nabili namin yun sa shoppee eh. Tapos nagtethank you na lang ako kay Doc. After nun dinala ni Doc si baby sa pinto ng OR at naririnig ko na boses ng asawa ko. Nakita na nya si baby. ❤️
Paunti unti bumabalik na ko sa ulirat, glimpses ng, nagpaalam na umuwi si Doc, tinatanggal na yung strap sa legs ko, Kuya cleaning the mess I've made, and nurses telling me pahinga lang muna ako, ang naalala ako. Again, napaisip ako kung nanganak na ba talaga ko, pero dahil napansin ko agad na flat na ang tiyan ko sa pagkahiga, I know na totoo nga yung memories ko earlier. I successfully gave birth kay Tukne. Praise God talaga. 🙌
Dahil yung windows ng delivery room ay painted black lang and there were spots that paint are starting to peel, I saw na maliwanag pa sa labas. Luminga linga pa ko sa room and I saw the clock above me says 5:20 pm. Wow ang short nga ng labor at delivery ko just like we prayed.
Nagsimula na ko mangulit sa mga nurses kung kelan ako lilipat ng room, na yung umiiyak ba na baby ay baby ko, etc. pero hindi nila ko masyado pinapansin, siguro akala nila wala pa akong tamang malay. And I just waited there sa delivery table until mag-8 na para ilipat nila ako. While waiting I just prayed and thanked God, I hummed worship songs and often I would just raise my hands in front of me and just be amazed sa mga nangyari.
Pagkalabas ko ng delivery room to be transferred, andun na si Aja, he kissed me first sa forehead and told me I did a good job - and that puring puri daw ako ng mga tao sa bilis ko manganak.
I think my biggest regret lang in all this sa araw na ito is that I wasn't able to be with my newborn on his first night outside my womb. Hindi ko sya naskin to skin or natry to breatfeed man lang. We would eventually discover na kaya rin pala ganun ay dahil small for his gestational age si Tukne and has to be monitored closely pa.
Oh well, I said yung mismong araw lang ang ikekwento ko, I would like to share more what happened the coming days pero kahit ang pagtype nito palihim na nakaw ko na lang na sandali. I just want to end this post by lifting everything to God's glory. He has been faithful since Day 1 and I praise Him for His faithfulness sa aking pregnancy and birthing journey. And I know He will continue to do so sa buhay ng anak namin na si Tukne and in our life as a family. ❤️To God be all the glory. 💕
0 notes
Text
11.02.2020 // 3:05 AM
dapat nung isang araw ko pa ‘to ibblog kaso syempre alam niyo naman ako na kamag-anak ko si snorlax kaya hindi natuloy. ngayon ko rin naisipan ‘tong i-type para ma-set yung mood ko na mag-type. may need kasi na ipasa, yung rrl. hindi pa naman kasi talaga deadline neto, sa november 7 pa. eh kaso kasi sila mishy gusto na ngayon makapagpasa na agad kami. sobrang agap diba, minsan nga nakakapressure na rin ng kaunti. kaunti lang naman. bago ako magstart sa mismong blog ko, balitaan ko muna kayo na after ng midterm week, nagrest ako for a week then gave myself an undas break. ang angas diba. tagal kong nagpahinga. lakas ng loob HAHAHA. back to normal na ako ulit starting today kaya sana hindi mawalan ng kuryente kasi lagot ako. pero parang okay lang din kahit mawalan kasi syempre meron naman akong libro. pero sana wag pa rin. stay safe sa ating lahat kasi ang lala ng bagyo. ang gara ‘no parang 2020 yung delayed 2012. napaka daming nangyayari. lala ng taon na ‘to putangina.
pero ayun na nga, kasi yung isa kong acquaintance, architecture course niya tapos nagbebenta siya ng mga artworks niya para makahelp sa tuition niya. edi tiningnan ko yung mismong art account para mapakita rin yung support. tapos ayun ewan ko ba pero nung nakikit ako na mga artworks niya tapos yung mga architectural structures na dinodrawing niya, ang iniisip ko lang that whole time that im checking the art account is celine. ewan ko rin ba pero nanghihina ako dun sa thought na pagmamasdan ko lang siya while she’s busy doing her own thing. nakakasoft. alam naman na ni celine ‘to pero madalas iniisip ko siya na tinititigan ko lang siya habang gumagawa. pero alam kong ayaw ni celine na tinititigan siya kapag gumagawa kasi naiilang siya. syempre, sino nga naman ba ang hindi maiilang kapag may taong nakatitig sayo habang gumagawa. syempre ang uncomfortable sa feeling kasi for sure ang tumatakbo sa isip natin kapag ganun ay baka jinajudge na yung gawa natin or baka may mali dun sa ginagawa natin diba. pero ayun, lagi ko talaga naiimagine sarili ko. tsaka ewan there’s something about that thought na makes my heart go really really soft. siguro kasi parang nakikita ko yung passion niya while she’s doing her own thing. makikita ko paano siya ka-detail oriented, gaano siya ka-organized sa mga gamit niya. hell, ultimo paghawak nga lang ng brushes parang naiimagine ko na rin si celine. nakaka-amaze kasi. kaya nga minsan lagi ko ring tinititigan yung isang picture na sinend niya nung nag-aaral pa siya. actually selfie yun nung nagkakagusto sakanya dati, parang he took a picture of celine na gumagawa ng plate. tas sabi pa nga sakin ni celine before, wala nga raw siya maisip. pero ewan ko ba nasosoft talaga ako HAHAHA. tsaka kahit nakakita na ako ng mga drawings niya, parang gusto ko talaga makita lahat. kahit yung mga pangit na gawa para sakanya, gusto ko rin makita. kasi for sure maaamaze pa rin ako. syempre, si celine nagdrawing nun eh. buti na nga lang yung ginawa nya na parang office shit before sa revit, nakita ko pa. kaya sinave ko ulit hehehe. nakakatouch kasi sobra.
‘tas alala ko pa nun na sabi ko kay celine, gawan niya ako ng drawing. kahit anong drawing basta galing sakanya. ‘tas nung pumayag siya na sige raw, grabe kilig ko nun eh HAHAHA iniimagine ko na nga rin kapag nakita ko na handwritten letter niya. ganda kaya ng sulat ni bb sobra kapag pinapakita niya sakin yung mga notes niya from arki before. ang linis tingnan.
ayun lang naman hehe. nung isang araw ko pa kasi talaga ‘yan iniisip. ‘tas minsan naiimagine ko rin yung kapag sabay kaming nag-aaral. yung kahit magkatabi lang kami tas hindi mag-pansinan, okay lang. tas yung kapag may study break, hahawakan ko kamay nya saglit tas back to work na kami ulit. nakakasoft.
0 notes
Text
CPAR Experience!!!
MY CPAR EXPERIENCE
CPA Review School of the Philippines (CPAR)
“Hala! Ano kaya ang feeling kapag nasa review school ka na no?” Nakakakaba na nakakaexcite. Nakakakaba dahil nalalapit na ang board exam at konting hirap nalang para sa CPA title na gustong gusto mo. Nakakaexcite at the same time dahil sa mameet mo na in person ang mga author ng libro na gamit mo, makahanap ka ng new friends at syempre may hidden agenda ka parin kahit di mo aminin! Hahanap kang forever slash inspirasyon pang sideline lang. Yung tipong iniisip mo palang na makakasabayan mo yung mga magagaling na students galing sa mga big schools mejo kinakabahan Karin diba. But believe me, wala sa school yan kaya wag kang matakot. Kung masipag at matiyaga ka, hindi ka mapag iiwanan, promise!
Bago ako mag review sa CPAR, nag search ako ng mga blogs sa net about CPAR. Sabi nila mabilis daw ang turo sa CPAR, madami daw ang handouts. Hindi naman pala. Hindi mabilis ang turo unless first view mo palang talaga yung topic na ididiscuss. Para ka lang talagang nagrerefresh sa mga naaral mo noon. Handouts? Hindi over na madami. Madami talaga kapag hindi mo binasa at sinagutan on time kasi matatambakan ka na.
Hindi naman ako nagsisi na sa CPAR ako nag review dahil super enjoy sa CPAR hehe ang dami rin kasing magandang view sa batch 82 hehehe. Pero swear, enjoy talaga. Mababait ang mga reviewers lalo na si Atty. Valix.
Facilities? Keri naman, sobrang lamig sa room. Yung tipong gugustuhin mong yumakap sa crush mo sa sobrang lamig lalo na kapag wala kang jacket as in! Yung restroom na blockbuster sa haba ng pila, yung tipong gusto mo ng makipila sa boys dahil grabe talaga haha ang haba ng pila sa girls as always.
CPAR Reviewers
My real sched is weekdays, morning but then I shifted to weekends. Nahirapan ako sa weekdays na morning sesh haha Idk, hindi ako makagawa ng magandang study sched kaya nagrisk akong itry ang weekends. Narealize kong pang weekends pala ang utak at katawan ko haha, mas bet ko ang mag aral ng diretso ng 5 days (mon-fri) maghapon. Mas namaximize ko yung time para mag aral, tapusin lahat ng dapat tapusin tapos makikinig lang ako maghapon sa weekend class ko. Absorb absorb lang ganern.
LAW
My reviewer in Law? Syempre the one and only, Atty. Dante dela Cruz. Yan ang tunay na LODI! Mahina ako sa law pero sobrang pasasalamat ko talaga kay Atty. Dante. Sobrang kwela ng law class nya. Minsan nga tawa lang ako ng tawa. Masaya ka na, natuto ka pa. yung tipong malingon ka lang ng konti puno na ung board sa bilis nya mag discuss. Sobrang idol ko rin talaga si Atty. D lalo na ng ishare niya ang lifestory nya, naiyak pa nga ako non sobrang nakakahanga talaga ang kasipagan at determinasyon ni Atty. Dante! Kung mahina ka sa law, making ka lang ng mabuti kay Atty,D at the same time, basa basa rin pag may time. Makukuha naman yan sa tiyaga, wag ka lang aantukin haha.
FAR
Sir Thomas Siy is my reviewer. Idk pero never akong nabored or inantok sa mga discussion nya. Maybe because of his voice? Haha ang gwapo ng boses nya, para kang nakikinig sa radio, pang-DJ ba. Type ko yung way ng discussion nya. Simple pero may dating, basta making ka lang, para mo lang narereview yung mga alam mo na, at the same time, yung mga di mo alam mapapa “ayy ganon nga pala yon” ka nalang. Nag try akong makiklase kay Baby Valix, but I really prefer Sir Thom’s style of teaching. Anyways! Depende rin naman sa tao kung saan sya komportable makinig. Na aamaze lang talaga ako at kabisado nila ang handout, problems at solutions, lodi! Seriously, mahina ako sa FAR nung undergrad, after ng mga sesh with Sir Thomas Siy, nagtataka nalang ako kung bakit hindi ko yon alam dati haha. Nakaka-amaze lang, parang magic. Napansin ko lang na marami ang umaalis kapag FAR na. pero suggestion ko lang talaga is huwag kang aalis. Kahit na alam mo na, makinig parin. First of all, sayang ang bayad mo haha. Second, ayaw mo nun? Mas mareretain yon sa utak mo J
AFAR
Dalawa ang reviewer ko sa AFAR hehe mabisyo ako e. sabi kasi nila ang hirap “daw” sa AFAR sa actual pero believe me, sobrang layo sa preboard ng CPAR! Basic questions lang basta ewan ko rin ba kung sinwerte lang kami or what hehehe. Sir Brian Lim ang reviewer ko sa weekend sesh then Sir Chris German for my weekdays sesh. Sa AFAR lang talaga ako pumapasok pag weekdays. Sir Lim’s style is more on techniques. Mga shortcut ba, topnotcher kasi e kaya ang taba rin ng utak nya umisip ng mga techniques which is very helpful naman nung nagtake ako ng board exam lalo na sa Advacc part 1. Pero syempre Kailangan mo ang concepts, kaya I prefer sir German pagdating sa concepts. Tho ang tagal nya magdiscuss sa isang problem, pero naituro naman na nya ang lahat ng dapat nyang ituro. Yung forex na inaayawan ko, ganon lang pala kapag nakinig kang mabuti kay Sir German haha. Galing din ng oppa nyo sa concepts tapos minsan may mga hugot pa siya. Siya yung tipong kung naliligawan lang ang problem baka ginawa na nga nya hehe joke lang sir. For me, sapat na ang combination ng concepts ni Sir German and techniques ni Sir Lim.
MAS
Sir Jamil Saripada is my reviewer in Management Advisory Services. Sa lahat ng naging reviewers ko sya ang second favorite ko (malalaman nyo ang first favorite ko later hehehe). Siyempre magaling din si Sir Rodel Roque pero nag stick na ako sa class ni Sir Jamil hehe. At first mejo nag doubt pa ako kasi nga hindi ako familiar sa kanya pero tinry ko syempre para malaman ko and hindi naman mali ang naging desisyon ko haha. Galing! Siya yung tipong hindi napapagod kakasalita. Titigil lang ata sya kapag break hehe pero nakakaamaze ang galing nya magdiscuss plus ang ganda ng sulat niya parang niruler lang. bet na bet din yung mga techniques niya sa pagsolve at pagtanda sa mga theory part ng topic. Kwela pa ang mga definitions niya hahaha.
AUDITING
Of course,the one and only Sir Jerry Roque. Ewan ko ba parang tawa lang yata ako ng tawa pag klase na nya. Ayoko talaga ng audtheo weh kaya pinipilit ko nalang makinig at iabsorb ang mga tinuturo ni Sir Roque, sobrang antok talaga ako sa audtheo na ewan ko ba hahaha pero magaling si Sir Roque magturo, sabay ka lang sa discussion nya ng mga problems sa Audprob. Sagot ka muna sa handout sa bahay/dorm then sumabay ka sa discussion nya. Try and try lang bes kahit mali minsan haha.
TAX
Presenting, the one and only, my favorite reviewer in CPAR, Atty. Tristan Lopez. Sobrang kwela every meeting. Hindi matatapos ang klase mo sa kanya ng hindi ka tatawa. Super as in! kaya pag tax na, sobrang excited akong magklase. Masaya ka na, natuto ka pa. Super funny ni Atty. Lopez grabe haha halata naman diba? Atty. De vera is my first choice but then, si Atty. Lopez ang nasa weekend class ko so nagtry ako makinig at thank you talaga kay Lord at hindi naman niya ako binigo haha. Naging favorite subj ko ang tax dahil kay Atty. Lopez. Ang laki ng impluwensya sa akin ng taong ito. Maging sa firm sa gusto ko ang laking factor nya. Too sad hindi ako doon dinala ni Lord hehe,pero okay lang din, baka mas may better plan ang Lord weh. Simula umpisa ng discussion hanggang sa Matapos, tatawa ka lang haha joke. Concepts and computations ang style ni Atty. Lopez plus may jokes pa na sobrang havey!!! Para kang nasa comedy bar slash review center pagdating sa klase nya. Sa room namin, minsan mejo madaming vacant seats haha ewan ko baka di nila type? Pero for me talagang okay naman ang klase niya. Dami ko rin natutunan sa kanya about tax. Sobrang na inspire pa ako nung kinwento niya ang lifestory niya, hindi ko akalain na malapit pala siya kay Lord hahaha pero swear, nakakainspire. Sobrang lalakas ang loob mo para sa board.
Masaya sa CPAR, super magiging masaya ang CPA journey mo. Maganda ang environment, mababait ang mga reviewers at maraming good looking peeps hahaha charot! So kung nagdedecide ka if saang review center ka magreview, it’s up to you! Choice mo naman yan e. Bawat review schools syempre may mga kanya kanyang strength. Basta nasa’yo yan kung paano ka papasa, iguguide lang tayo ng mga review centers na napili natin. Wala sa special handouts or anything ang pagpasa sa board. Basta, magtiwala ka sa review center mo at syempre sa alam mo! Huwag kang papasindak kung hindi ka man nabahagian ng kung anong special handout or kung anong handout pa yan, remember, mas fulfilling at masaya sa pakiramdam kapag nakapasa ka sa board ng sa sariling alam mo lang! tandaan mo yan J
Goodluck future CPAs! Keep the faith! Don’t quit!! You can do it :)
6 notes
·
View notes
Text
Yung kahit matutulog ka nanaman ng hindi ok dahil sa away sa messenger dahil sa suka 2 mins at tagal ko daw mag reply 😔, Mas iisipin ko nalang yung masayang nangyari kanina ❤️❤️ pakikiligen ko nalang sarili ko ❤️
April 04 2019
Yehey at nagkita kami today ❤️ alam mo tumbler ang saya at lungkot ko today! Unahin ko nalang yung excitement ko kanina ❤️❤️❤️😍😍😍
Di ko expected na magkikita kami hahaha ❤️😍 well sa toolang ineexpect ko hahahaa april fools!! Alam mo tumbler nag mamadali ako sa exam kanina 😍 hehee alam mo kung bakit mas masaya pa kasi ako at excited makita yung bebe ko!!! Haha nataopos ko yung 8 exams parang wtf!!
Wooohoooo tanginaaaaa hahaa buti ang bait nung nakatabi ko at pinakokoopya ako hahabaa!, alam mo ba habang nag eexam ako kanina... Iniiisip ko si jonabelle hahaha tangina natakbo sa isipan ko ❤️❤️❤️😍 hay inlove nanaman si popoy na makita ang kanyang basya.... Hahahaha so after the exam nalungkot ako.... Kasi nalaman ko kay maaam lizel nag bigay ng grades pati pala yung ss:resto ko. Bagsak 😔😢 akala ko 2 lang 3 pala sila 😢😢😢 nalungkot ako kaya parang gusto ko na makita si jonabeelle natapos ako ng 11am at excite na excite si popoy... Kahit sa kabila ng sad news!! Bigalaaaan namaan nag yaya si ate maki ng lunch!!! 😢 Humindi ako at first at sabi ko may exam pako, pero ang totooo sabik na akong makita si jonabelle ❤️ pero wtf bigla ko naisip baka magalit na yung group nila na hindi na ako sumasabay so hinabol ko sila at nag oo ❤️ total sabi naman ng bebe ko naakakain na siya 😌 so ayun naglakad kami!!! Putangina ang taaas ng araw ang init mukang masusunog nanaman katawan ko ayun sa av bagsak namin.. Tapos ang kinainanan namin king inasal?!! Taena twaeang twaea ako poarang mang inasal ang lasa 😂😍 anyway kahit kumakain ako alalang alala ako kay jonabelle kasi alam ko kanina oa nag aantay... So ayun nung ntapos na hahaha takbo na ako alis 😁
Pakshet!!! Sa malayu palang nakita ko na ang jonabelle ko 😍❤️ tangina napakagandaaaaaa!!! Nasilaw ako men, kasi yung nooo ang kintab tapos ang taas pa ng araw 😍😍 naka black shirt mango shirt pants and mabahong sapatos niya pero naka blush on tainaaaa! Gising na gising si junior sa kagandahan ng bebe ko =) omg!!!! Di ko maipintaaaa yung face ko!!
Sobra ko siyang namissss!!! ❤️😍 Sarap ng kissss niya fuxk as in fuxk!! So ayun on our way papunta sm center oara sa fone nj gotten mag napansin ako sa leeeg niya!!! 😌 😌 😌 😌 👎👎 Tanginaaaaa!!! Parsng may chikinini?!!!!!! So parang wtf mag init agad uko ko as in!!! Tangina!! Halos kinakabahan na gusto ko magalit!! Grabe nagtitimpi ako ng galit at iniiisip kung saaan nangaling kagabi at kung may naka sex siya!!! Tangina mumurahin ko na dpat ehhhh,,,,,.. Tapos yun pala na april fools naman ako!! 😢 Potanginnnnnana lang!!! Kala ko totoooo
Ang saya ko tlaga ❤️ kasama siya
Asa sm center kami nabili ng phone at napansin ko lang sobrang tahimik niya! Na sinusunod ako habang paikot ikot ako kakapili ng phone ❤️ nagagalit sakin kanina dahil wala na daw ako pera at bakit daw kasi tininda yung phone...
Actually sa totoo lang hindi ko naman binenta yung a3s niyang phone!! Ayoko lang na mapunta yun sa iba dahil punung punu yun ng jonabelle, ❤️ old pics, old messages, old na malandeng jonabelle, sweet na jonabeellle at kaibigan na jonablle dito, ko rin nalaman sa phone na toh kung sino yung future wife kong jinabelle 😁
ah basta i bought her old phone sa halagang P5190 SA NEW Y6 Phone ni gotenx ahhaha di naman ako nag rereklamo na mahal or what kasi walang wala daw phone si goteng kaya mas nararapat sa kanya bilhan ng bago total deserve naman ni gotten yun 👍 kaya congratsvsa kanya!! 😁❤️ Sana alagaaan niya yung phone nang maaayus
After nun bagsak namin mcdo sa marcos alvares hahahaa di ko lam pero ang ganda ng mcdo dun parang canada may pindut pindot na pag oorder ❤️ ang ganda talaga niya sobra!! Para siyang wet flooor ❤️ laging basa pag andyan si popoy 😂
Ang seryoso hahaha pero sa totoo lang gutom na yan kakaikot namin sa cellphone hahaha ganda talaga ng bebe ko💗💗💗💗
Inlove na inlove ako sobraaaaa💗 sarap niyang halikan 💗 haaaay sana ganito nalang parati hindi yung nagaaway na lang biglaaaa
After ng mcdo 💗 binigyan niya ako ng cofee 💗 fuck 💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗 Ang sarap ng cofeeee sa mcdo sobrang sarap sarap amuyin at balik balikan💗
Grabe yakap niya ang sarap 💗💗💗💗 ang sarap niyang pagmasdan pag kumakain 😍😍😍😁 at ang sarap sobra pag sinusubuan ❤️💛 nakakapagod!! Pero sobrang saya 💗 dahil wala kang iisipin iba kundi mga sinasabi niya ❤️❤️❤️❤️💛💛💛💛
After non!! Pag uwi pumunt kMi sa DMC 💗💗💗💗
Taenaaaa, 1st time niya dun nakakatuwa sobraaaaa ikot ng ikot yung bebe ko ❤️
Sayang wala ako pic
Binilhan ba naman ako ng polo shirt!!! "💗 taenaaaa kilig nananaman ako 💛💛💛💛
may cute ako na shorts na nabili ko sa kanya hahahahaha, 💗💗❤️❤️❤️ so ayun maypares na kaming polka dots hahahaa ang kyut niya 💗
Ayun paguwi naman sa bahay💙 habang nag aantay ng foood, nag penny board kami❤️ natuwa ako kasi ang galing niya 😍😁 nainlab nanaman ako, hahhahahaa sobrang swerte ko sa babaeng toh ❤️ lahat alam, yun nga lang need mo lang maging perfect sa kanya
Sa dining table siya ang nag pray 🙏 grabe na amazed ako! Dahil nagsimula sa english 😍 yun pala sa umpisa lang hahaha 😂 peeo grabe bigla nag tagalog tapos sobrang wow ako ❤️ 1st time ko siyang marinig mag pray =) ❤️ 😍 😍 😍 ahaaaaay!!! Thankyou Lord sa babaeng toh ❤️😍 kahit gabi gabi nalang nag aaway kami ❤️😍
Parang ayaw ko matapos yung gabi na kasama ko siya 😞 dahil nakakalungkot ma miss ko nnamaan siya 😞😞😞
So after paguwi niya pinalaba niya sakin damit niya para terno kami paguwi papunta laguna
Ah basta masaya ako at natapos ko, 💛
Di ko alam mag plantyaaaaaa 😂😂😂
Di ako marunung maglaba pero i tried my best ang dumi ng water alikabok!!! Pero sabi niya dahil daw sa jobos??? Taenaaaaa
_________________________________________
So ito naman yung maungkot na part nag aaway nanaman kami 💔👎👎 kahapon dahil kay rhym yung ni message ko lang friend ko sa fb... Tapos ngayun dahil naman sa tagal kong reply, nakakainis! Tignan mo tumbler
2mins lang nakalipas!! 😌 😌 😌 😌 Parang bata na kausap 😞😞😞
Napaka immature.. Dahil lang sa 2mins at tagal ko magreply... 😌😌😌😞😞😞
Paaanong di ako matagal mag reply binabalikan ko yung simampay na damit, piniga para masuot niya bukas 💔💔😞, and dahil sa 2 mins kumuha lang ako ng suka para sa chicharon
Tangina di nako nakakain ng chicharon dahil nagaway na kami about it 😞😢💔 di ko na alam gagawin ko, sabi niya kasalanan ko, parang wtf!! Di naman ako nagtagal ng super kung alam ko naman na iiwan ko phone ko 10 to 15 mins bagi ko maka reply malamang sasabihin ko, taena kumuha lang ako suka bigdeal na???
2mins lang yun, tapos sasabihin sakin bat di ko daw siya magets😒.. Ang point niya lang sabihan lang daw niya ako😞😞😞😌😌😌 wow nagsalitaaaa, sus di niya nga sakin masabi na lalabas siya or kung sino kasama niya or ano oras uuuwi ni minsan ba, inaway ko siya kung bakit di niya sinasabi tootooo!!?????? Huwaw, tapos sasabihin niya sakin
Pagod na siya sa away???? 😔 In the first place di ako nakikipag away ang sweeet ko nga eh 😌😌 tapos dadating sa point na aaway kami dahil sa 2mins... Ako nalang ba lagi mag aadjust???? Sinasabi niya iniintindi ako!!! 😌
Asan yung pag intindi niya ng 2mins....
Tapos sasabihin iniiintindi ako?? Kagabi inaway ako dahil nag chat lang ako kay rhym.. Puta ni isang reply wala akong natangaap....
Tapos ngayun nanaman ba jonabelle ❤️ paaanong di ako gaganahan maging sweeet, araw araw na lang tayu nag aaway, araw araw mo nalang ako hinahanapan ng mali 😌
Tapos sasabihin mo gusto mo bumalik sa dati?? Yung masaya, alam mo kung bakit tayu masaya dati, dahil mas pinipili mo yung masaya ❤️ kesa sa malungkot... Sana maalala mo yun
Yung 1st month di naman tayu nag aaway dahil late ako nakakapag reply sa messenger 10 mins pa nga ako di nakaka reply.. Ok lang sayo, bakit kagabi? Antagal mo din mag reply, kahit sobrang sabik ako na kausap ka... Pero inaway ko ba siya??? 😞
Asan yung pagunawa. Dun 😌sana naman ipa feel mo naman din, hindi lang sa pag sabi lagi ng oo...
Kelan ba tayu matutulog ng mahimbing?? Kelan ba dadating yung araw na hindi ako mag ooverthink tulad nito at iisipin ko lang yung masaya.. 😌❤️
Sinasabi niya na pagod na siya sa away???? Bat sinu ba nagsisimula?? 😔 Sabi niya iiwas na daw siya, pero puta ano nanaman toh 😞 alam mo yun..
Kung gusto mo sumaya, tulad ng dati, piliin mo yung side na masaya tayu parati ❤️ gaya ng pagpili ko everyday 😔❤️
0 notes
Text
Heart Attack.
I dunno this past few days i feel like i'm missing her, kahit na ilang araw palang kameng hindi nagkikita, jusko ano na ba tong nangyayari sakin?! kahit na ilang beses na kameng nagkikita tuwing yayayain nya ko kumain sa labas it feels like it's the very first time, kabado ako na excited na ewan, Hindi ko alam kung Goodthing ba yun oh ano? Haaaays. ayun kumain kame ayaw nya ng katapat ko sya gusto nya katabi ewan ko ba sakanya-,- Tapos ayun nakakatuwa na inopen nya yung Topic about sa Dibdib nya Lol. Hahaha. di naman sa ano pero naku-curious talaga ko dun 7 years na Hahahahaha. sabi nya feeling nya daw meron parin daw yung halata pa daw na may dibdib sya ganern pero pag tinitignan ko wala talaga jusko Amazing Hahaha! tapos nalaman ko na inoperahan na pala sya sa dibdib kase may bukol daw yun dati na pwedeng maging Breast cancer kase nga Garter yung gamit nya dating supporter so masakit kaya ayun nagkabukol Huhu. buti nalang pinatanggal na nya. :) tas ayun pinagkwentuhan namin yung kaartehan nya hahaha natatawa ko sakanya srsly. mas maarte pa sya sakin grabe Huhuhu. after namin kumain dumiretso kame sa 7/11 sa c5 kase gusto nya daw kumain ng chichirya at shempre bumili ng STING -,- tas ayun pagbalik nya sakin binilhan nya rin ako pero MOO -,- sana sting nalang din eh haays Hahaha.ayun kwentuhan ulit nakakatuwa talaga parang feeling ko ayoko ng umalis sa tabi nya HOOHAAAYS. Hahahaha. tapos ayun napunta sa napkin yung usapan jusko, Natatawa talaga ko, nagtalo pa kame kung anong magandang Brand jusko! HAHAHA, sya gusto nya modess ako naman gusto ko Whisper HAHAHAHAA. ang dami kong nalaman sakanya as in, ang dami kong natutunan na kung ano ano at shempre na-share ko yung secret na malupit about sa Ate ko, sana lang hindi nya ipagsabi haays. na-share ko yun kase... ewan ko komportable na ko skaanya eh at may tiwala na ko na hindi nya yun sasabihin sa iba. may Tiwala ako sakanya :) ayun nga.. Hanggat sa bigla nyang sinabi na” Nakakatuwa ang lapit mo sakin” natauhan ako bigla ang lapit ko na pala sakanya habang nagkikwento jusko mayghad. haha. tapos eto pa, Ininuman nya yung Moo Kooooooooo!!! I KENNAT! WHY?! Hindi ko alam kung bakit nya ininuman yon, pero kinilig ako nun ng malupit hindi ko na lang pinahalata nagkwento ako ng nagkwento para hindi ako matawa Hahahahahahhahaha after nun aalis na dapat kame, ng bigla syang atakihin ng Heart burn nya :( Ang tagal nyang parang na-stuck sa kinauupuan nya :( Hindi ko alam gagawin ko nun kase yung nangyari yun sakin hinawakan ko lang dibdib ko, alangan hawakan ko dibdib nya Huhu hindi ko alam paano ba yun papawalain gusto ko syang tulungan kase nakikita kong nahihirapan syang huminga pero hindi ko naman alam gagawin ko gusto ko syang hawak-hawakan sa likod kase baka may use ewan ko naisip ko lang haha pero naalala ko yung Manyak nyang friend na Girl na hinipo-hipuan sya, baka isipin nya hinihipuan ko din sya so di ko nalang Ginawa bale tinignan ko nalang syang nagsa-suffer parang ako tuloy yung nawawalan ng hininga sa nakikita ko eh haays jusko kung bakit ba kase INOM KA NG INOM NG STING NA YAN! ALAM MO NG BAWAL GINAGAWA MO PARIN HUHUHUHU. TAS AKO NAAADIK NA DIN DUN PERO PINIPIGILAN KO KASE SABI MO WAG PERO IKAW INOM KA NG INOM-,- ewan ko pero pakiramdam ko talaga nararamdaman ko rin yung sakit oh yung hirap nya sa paghinga nung mga oras na yun di ko alam paano sya iko-comfort Hanggang tingin nalang ako :( pero later on nawala din hanggat sa kwentuhan nanaman haays napostponed yung paguwe namin HAHAHAHAHHA. . at ayun nanaman sya sa mga titig nyang nakakatunaw jusko gusto ko ng Lamunin ng lupa! ang hirap kaya magtago ng kilig! HOOOOOOOOHH!! At ang pinakamalupit sa lahat eh yung sinabi nyang ang laki daw ng kamay ko Hinaya ko yung right hand ko tas sabi nya yung isa daw tapos yun ang Hinaya ko tapos.. tapos.. tapos.. tapos.. HINAWAKAN NYA KAMAY KO YUNG INTERTWINED GANOOOOOONNN! MAH HEART MAH SOUL!! PARANG GUSTO KONG MAGPASAGASA MUNA NON SA TRUCK NA DUMAAN SA KALSADA SA SOBRANG KILIG KOOOOO. HAHAHHAAHAHAHA. tapos bigla kong tinanggal-,- haaays ewan ko ba iba talaga nagiging response ko sakanya kabaliktaran jusko talaga. -,- ewan? nag automatic na bumitaw ako, oo gusto ko Helloooo dati ko pa gustong hawakan kamay ni Nena kaya Huhuhuhuhu. kaya lang pumasok kase sa isip ko na parang its a no muna kase hindi ko pa sya BF at hindi naman sya nanliligaw :( na-sad ako sa part na yon, yun kase ang katotohanan mga bes, wala namang kame at ayokong isipin nyang Madali lang akong babae, ayokong isipin nya na Malandi ako to be honest oo gusto ko, Gustong gusto.. pero parang hindi pa Dapat eh, alam nyo yun? Sabihan nyo na kong pabebe pero yun ang tingin kong dapat eh. Hindi ko rin kase masabing MU kame kase nga hindi pa sya nanliligaw :( mejo nadissapoint ata sya sakin sa part na yun, pero Oh well panghahawakan ko yung alam kong Tama para sakin :) Dalagang Pilipina kaya to! Hahaha. Sapat na yung nahaplos ko/ nag intertwined ng Konti yung kamay namin Hahaha. mga 1/4 ganern okay na yon. Hahahaha. soon mga beshy Malalaman natin kung pwede na Hahaha. pero Nena/kapre/kyohei/dom “maybe im a hard person to love, but when i love, i love really hard” GANERRRN DAPAT! HAHAHAHHA. char! pero toto yun Hehe. so ayun ang haba na ng Blog ko ngayun hindi naman halatang kilig na kilig ako diba Hahaha. Goonightyyyyyyyyy na.
1 note
·
View note
Text
Spring
If a person would ask me what were my fondest childhood memories, I’d say it was with her.
April of 2005,I was 9 at that time, my parents decided to let me study again in Manila. I know it would be quite challenging for me since I’d have to study Chinese again after a 2 year hiatus. I was just about to get closer with my friends back in the province, then poof... good bye friends for 2 years. My mom also told me that I’d be in 4th grade in English and 2nd grade during Chinse so I’d be with younger kids. I really had a tough time with the move again since, first i had to say good bye to my new friends and second i was not sure whether my old friends back in Manila would still recognize me because I honestly had a darker skin and an accent.
So when we got back in Manila, my mom took me to my old tutor who taught me ever since I started schooling. I was quite delighted when I saw her because I honestly missed her so much. So there we were, at the tutor house. There were about 2 dozen of kids tutoring under her. She hugged me tightly and asked me about my stay in Pangasinan, then proceeded to refresh my knowledge in basic Chinese.
After quite some time, a little girl with 2 pony tails on both sides entered the tutor house with her little sister and their yaya. I was honestly a bit curious who this girl was. She looked so cute and angelic. Imagine me, at a very young age already appreciating God’s wonderful creation haha. I think it is safe to say I had a “crush on first sight”. I swear, the first time i saw that little girl, my heart skipped a beat. I had crushes before, cuz you know medyo maaga ako lumandi, but when I saw this girl, kahit bata pa ako nun, I said I’d marry this girl someday.
She went to our tutor and hugged her. I think my tutor saw that I was looking at the girl, so she called me up to introduce the little girl to me. She said her name was Rica and told me the girl would possibly be my classmate in Chinese classes since she was in 2nd grade. I said hi, introduced myself, and reached for a handshake. She said hello and turned away from me and walked to her seat. I was wondering why she would not even bother to shake my hand. Bitch.. didn’t... even.... bother. It was as if I was not even worth her time. What a bitch right? hahaha. At this point, our tutor was teasing us why wont we talk to each other. She even said the one thing I’d always remember from her and it was “Oy, bakit ba kayo ganyan? Malay mo magkatuluyan kayo hehehe”. I think I answered back “Hindi ah! Ewww, pangit pangit kaya niya parang si Marimar”, I thought I’d get her attention when I said that, but nooooppppeeee, not even a single look. biiiaattchhhh.... And from that moment, I promised myself I’d annoy this girl as long as i live!
Fast forward to June, it was our first day of classes. I saw my old friends from kinder garden and grade 1. Reminisced some memories with them, had a few good laughs, and enjoyed the rest of the morning. During lunch time, we’d go back to the tutoring house and take our lunches there and prepare for afternoon Chinese classes. After taking our meals, my old pal Richie and I went straight for school. However, he was on a different floor since the 4th graders were separated from the 2nd graders. When i entered my Chinese classroom, cute 2nd graders were running around, playing, and talking with each other. I picked a seat and played with my awesome Yu-Gi-Oh pencil case, the one with secret doors and compartments. After quite some time... I noticed a girl entering the classroom. and it was none other thannnn.....RICA! To be honest, I had mixed feelings about this one. I was happy since I can finally execute my plan to annoy her as long as I breathe but i was irked at the thought of having a classmate who did not even bother to shaked hands with me. Bitch was about to get creamed.
To start my awesome plan, I went to her seat and asked the most annoying questions I could think of, like “May pencil ka ba?”, “Anong araw ngayon?”, “Kilala mo ba ung teacher natin?”, “Sino ung mga classmates natin?”. Hahaha annoying as fuck.
Imagine, every day I try to annoy her. Every. Single. Fucking. Day. My day would not be complete pag di siya naiinis. I know, I’m the worst kid/classmate ever. My plan would not stop at school, since we were tutormates so hangang tutor ung pangungulit ko.
There were times she’d get so pissed she won’t look at me for a single day, but I swear there was this one time she almost cried. Wala eh, I could not help it, sabi nila di ba pag crush mo inaaway mo? hahaha.
After quite some time, siguro sumuko na rin. Narealize niya na that the only thing to stop me from annoying her was to talk to me. So there, we started talking. We actually became good friends. It was at this point, na i was certain na crushie ko nga talaga siya.
There was this time we were seated annex to each other. She was like across from my seat. I did not know what I was thinking, pero I wrote a note on a paper and gave it to her. The note said, “May crush ka na ba?”. I think she was confused because she gave me a weird look. After a couple of minutes, she wrote back and asked a classmate to pass it to me. I opened the note and below my question was “Wala pa”. When I read that, I was cheering deep inside. I was so happy kase naisip ko wow may chance na ako. O diba very landi at a young age? Sorry parents. So ayun, hindi ko nanaman alam ano naisip ko and i wrote back, “Pwede bang ako na lang?”. Panis. Confident at 9 years old. Pak. I really did not know where I took the guts to even ask that. Siguro at that time, I did not expect her to even reply. Pero wow, I would not forget what she wrote there. When the note came back to me, it said “Hindi ko pa iniisip yan eh, pero tignan natin pag 2nd year HS na”. Wow, I have a chance but I have to wait for a long time pa pala. Having mixed emotions again, because yes i do have a chance, but yun nga lang i have to wait pa. But hey, look on the bright side, ang nainterpret ko dun is may chance ako, meaning.... She likes me too!
We continued exchanging notes ever since that day. I’d write the cheesiest lines a 9 year-old could think of. I swear, I feel like Shakespeare possessed me to write those amazing lines. (Confession time: there were times when I’d borrow my classmates’s pencil cases, because some cases had love quotes on them. So I’d write those quotes on a paper and give them to Rica.) She loved them all and thought I was eloquent. hehe. However, sad part about this one. I could not share this to anyone since we both made a pact not to tell it to any body. I think she just did not want to associate with me because I have a reputation of being “malandi”. (Okay, hindi ako proud of being malandi at a young age ha! It’s not my fault napagkakamalan ung friendliness ko sa girls of being flirty. Inggit lang sila.) So ayun, we had to keep it a secret.
Everything was going great. Until one day....
She told me di na niya ako crush...
Awtsu bes... Di ko kinaya. I asked her why and biglaan. She told me because somebody told her na I have another crush. So ano un? Two-timing cheater ako at age 9? Huwaw. I tried explaining myself but she would not even bother again. I think we were at the library. Di ko nanaman alam ano naisip ko, at bigla akong kumanta ng “Ulan” by Cueshe. Dinedicate ko un sa kanya and left.
Aba, my very first heart break. Kahit bata pa lang ako nun, it was so painful. Ang saya saya na kase ng lahat, then booom. Iniwan. After nun, sinabi ko sa sarili ko, okay back to annoying her. hahahahaha, I told myself ‘Sa huli ako ang magwawagi! Matitikman niyaaa ang bataass ng alipiiinn!!”
I’d have the last laugh. Walang nangiiwan kay David Sim. Siya ung nangiiwan (huwaw, pogi). I promised myself I’d make sure mafeel nya ung sakit na naramdaman ko that time. Sinabi ko pa sa sarili ko kahit anong mangyari, kahit kunin pa ni Lord ung favorite Power Rangers Wild Force Megazord ko, hinding hindi ko siya mapapatawad and mamahalin...
or so I thought....
0 notes
Text
New chapter.. last chapter. :)
Month of May, 2015. (Hindi ko na matandaan anong date)
As far as I know, naging part na siya ng ilang post ko dito, sa diary section. Pero hindi ko inaasahan na ang supporting actor ng buhay ko ay magiging lead actor ko pala. Drama noh? Parang movie lang lakas makaplot twist. Hehe tanders and #K, yan yung natatandaan kong codename ko sakaniya before.
May, 2015. Dumating siya sa lugar namin. Kapalitan siya ni #B sa lokal namin as E. Worker sa church. During that time, nasa stage ako ng pagmmove-on kay #B, kahit wala namang kami ni #B kasi nga one sided love. And that month, I start my devotional prayer for my feelings, kay #B. Nakakapagod din kasi maghintay sa wala, sa di ka naman papangakuang balikan, sa bagay na ikaw lang naman ang umaasa. Sa natatandaan ko, I prayed na sana kung hindi man si #B ang niloob ni God sakin sana mawala na yung feelings ko sakaniya. That’s the only thing na pinagppray ko.
But then, andyan si #K. In the duration from may to october, may mga naririnig akong tsismis na may nagkakacrush daw sakin, siya daw. Pero hindi ako naniniwala, tsismis lang naman yun lagi ang sinasabi ko unless magsabi siya sakin ng feelings, maniniwala na ko.
October, 2015. Premiere night ng isang movie sa church namin. Ubusan ticket pero nagkachance ako na makapunta. Bakit at paano? Dahil sakaniya. Yung isa sa mga kaibigan ko, nagmessage sakin na may ticket na daw ako, may nagpapabigay sakin. At first, hindi siya yung naisip ko kasi asado padin ako #B pero sabi ni friend hindi daw si #B. Ayaw daw magpasabi kung sino. Nagkaroon ako ng instinct na siya yon kasi ayoko nga mag assume.
After ng premiere night. Binabagabag ako nung ticket. Di ko kasi alam kung kanino galing at kanino ako magtthank you. Naglakas ng loob ako na imessage siya sa fb since friends naman kami don. And confirmed, sakaniya nga galing yung ticket ko. Ayaw niya daw ipasabi baka daw maissue siya, I understand his point and I didn’t assume with his kindness for me. But then, I thank him for his kindness. :) Take note: Wala padin akong feelings sakaniya, na kay #B pa din.
Many months past, the rumors we’re still bothering me. Every tupad ko ng sunday nandun siya, nag oobserve sa worship service (children). Hindi ko binibigyan ng malisya yung pag simpleng good morning niya every time na daan siya sa pwesto namin.
December, 2015. Year-end gathering sa lokal. Nagkaroon kami ng 1st picture together. Pano? Asaran. Yung isa sa mga kasama niya tinawag ako, “Ann papicture daw si #K.” Since wala lang naman sakin so I answered, “Sure po.” And that’s it. Then after ng gathering pagkauwi ko nagmessage siya sakin.
“Salamat po sa picture. :)”
“Yung number po ba binigay niyo po sa mga available na receptionist sa mga aktibidad is yung active number niyo po?”
Medyo nakaramdam ako ng 5% sa rumors na kumakalat. Pero dahil ayoko padin, di ko nga siya type. Masyadong malayo agwat niya sakin, yun talaga yung main reason bat ayaw ko. 8 years gap.
Since the day na naconfirm niya na number ko nga yun. He always texted me ng, “Good morning” and “Good night” consistent yon. Minsan nirereplyan ko, minsan hindi. Depende sa mood.
January, 2016. I received a box 5 ferrero and mason jar from him. Tinext niya ko na may new year’s gift daw siya sakin. At first, ayoko tanggapin kasi nakakahiya at tinanong ko bakit niya ko reregaluhan. Sabi niya, “Baka kasi bigla akong malipat ng destino para naman may remembrance po ako sayo. Tanggapin mo na po.” Tinanggap ko pero sinabi ko na “Tatanggapin ko po pero sana wala pong malisya to ha. Salamat po :)” After nun, naging regular na magkatext kami. Kumustahan, anong ginagawa, etc. Yung text na as friends ang usapan.
March, 2016. Nag open siya sakin ng about sakaniya. Sa buhay niya, pamilya niya at sa buhay pag-ibig niya. May nagustuhan na daw siya before na hilingin pero hopeless na daw siya that time. Di na daw kasi siya tinetext. Wala na silang communication. Pero naghihintay padin siya kasi di pa naman daw siya pinapatigil ni girl. Ganun daw kasi siya. Hangga’t di siya pinapatigil, waiting padin siya. So ako, bilang nag open naman siya nag open din ako sakniya about #B. He knows everything about #B. Na nagmmove on ako, na one sided kami noon at hindi niya naman ako pinangakuan pero minahal ko siya kahit ganon. So nagtuloy tuloy naman yung ganung estado namin.
May, 2016. Eto na, tantararan. Moment of truth.
Eto yung buwan na umamin siya sakin, through text lang naman. At napatunayan na ang tsismis ay totoo naman pala at siya ang nagpatunay.
Pagdating niya daw sa lokal, na notice niya na daw ako. Naaalala niya daw na gabi yon, galing kami ng shooting sa tapat ng kapilya. Naka tshirt at jersey short daw ako non at halatang pagod. May tripod pa nga daw akong bitbit. Pinakilala daw siya samin nun at nung ako na daw, sinabi ko lang “Ay hello po.” Di ko daw siya tinignan. Na amaze daw siya kasi ang pakilala sa akin “DOP” ng short film e babae daw ako tsak yung datingan ko daw. Nacurious daw siya kung sino ako, ano tungkulin ko etc. Pinagtanong niya daw sa mga sakop niya, “Sino yung DOP ng short film sa lokal?” Yan lang kasi alam niya about sakin. Marami daw siya napagtanungan, kung hindi daw si Kuya M* ay ako daw binabanggit. Since dalawa naman talaga kaming DOP. Tinanong niya daw kung anong purok ko at tungkulin ko para masure niya daw na ako talaga yun. Then may isa daw nakapagsabi na, “Si ate ann po, opo siya nga po DOP dun, kalihim po yun sa *** siya, taga purok 1. Kaya daw umattend siya for the first time sa WS to confirm kung ako nga, di naman siya nabigo ako nga daw talaga. Inamin niya na crush at first sight daw siya. LT then, may isa siyang naging friend na sinuggest daw ako sa kaniya at nacurious daw siya bat daw ako ang nireto sakaniya. Ang sabi daw sakaniya, masigla daw ako sa church, matalino at talented kasi mass comm daw. Jusme yung laughtrip ko nung sinabi yan. Eh pagdating naman daw sa lovelife, ayun bago ko pa pala naopen sa kaniya yung kay #B, alam na niya. Sinabi daw sakaniya na di pa nga daw ako nakakamove-on kay #B. Di rin daw nila alam kung may feelings ba sakin si #B pero alam nila na mahal ko si #B at totoo daw yun. Di daw pala ko pwede sakniya kasi may #B pa ko. Yun daw ang sabi sakaniya. Nalungkot daw siya nung sinabi yun sakaniya. Kasi sawi daw pala ako sa bem. Sa kagaya nila. So that time naisip niya na baka friends pwede daw kami. Kaya lang daw syempre crush niya ko di maiwasan na asarin siya at nahahalata ng iba kasi nangingiti daw siya kahit dumaan lang ako sa harapan nila. Kaya natsismis nga na may gusto siya sakin nga lang alam niya din na ayaw ko maniwala. Wala pa daw kasi siyang lakas ng loob at tsaka may #B pa daw ako kaya di niya masabi. Eh later on naman naging friends naman kami. At di niya daw inexpect na pag nakatext niya ko lalo siyang mahuhulog sakin. Naalala daw niya nung sumama siya sa grupo namin nung summerblast nung kumakanta na yung silent silent sanctuary, umiiyak daw ako nun kasi naalala ko si #B sa kantang “Sayo”, tinititigan niya lang daw ako habang nakatingin ako sa stage. Iniisip daw niya kung gaano kaswerte yung mga lalaking minahal ko kaya lalo daw siyang nahuhulog sakin. Pag napapatingin daw ako sakniya nahihiya siya tumitingin sa ibang direksyon.
So ayun yung story niya sa feelings niya sakin. Alam naman niya yung limitations. Hindi naman daw siya naghahangad na magkagusto ako sakniya, ang mahalaga daw sa kaniya ma express niya yung feelings niya sakin. Syempre for me unfair yun sakaniya. Naniniwala kasi ako na love is a give and take process. Nag sorry ako at first, sabi ko pasensya na kasi hindi ko maibabalik kasi hindi pa talaga ako handa. Ayoko naman makasakit ng damdamin ng ibang tao. Pero sabi niya willing to wait daw siya. Wala akong magawa, siya ang nagdecide. Willing daw siya kahit masakit.
Still, May, 2016. Last week of May ata yon? Nag oojt na ko nun, halfday lang daw ang pasok kasi may aktibidad. Ganun din pala siya sa opisina half day din. Tinext niya ko nun na pauwi na daw siya. Eh ako palabas na din ng office. Sabay na daw kami umuwi, di ko siya nireplyan kasi di ko alam sasabay ba ko o hindi hanggang sa paglalakad ko nasa likod na pala siya.
“Di ka na nagreply.”
“Naubusan po kasi ako ng load.”
“Tara po sabay na tayo uwi.”
Pagtingin namin sa kabilang lane na dun kami sasakay pauwi, ang haba ng traffic. Dun kasing part yung may aktibidad. Sabi niya sa trinoma nalang daw kami sumakay para diretso yung biyahe. Pagdating namin ng trinoma, ang haba din ng pila. :( Hindi ko alam ko sinadya ba talaga ng pagkakataon na ganun. Inaya niya ko maglunch since lunch time na non. Nalibot na namin buong trinoma wala pa din kaming napiling kainan. Lumipat kami ng SM north, nalibot na namin ulit pero undecided padin kami. Nagdecide siya na sa Kenny Rogers nalang kami maglunch. First time ko kumain dun. HAHAHAHAHA Hindi naman kasi ako RK para kumain sa mga ganun. Jollibee, mcdo, kfc ganun lang mga alam ko at afford ko. So ayun back to the story, nagkwentuhan lang naman kami nun. After kumain, bumalik kami sa pilahan ng UV lalong humaba yung pila. Di ko alam kung planado ba to or what pero inaya niya manuod muna ng movie pampalipas oras. Wala na ko allowance kaya sabi ko wag nalang di ko afford. Pero sabi niya siya na ang bahala. Nanuod kami ng “Just the 3 of us”. Yung theme song “getting to know each other” na estado namin that time. First time ko manuod ng movie na lalaki kasama ko at dalawa lang kami. So dating na ba kami non? Dating na nga ata. Then umuwi na kami after ng movie.
Napatunayan ko sa sarili ko na sincere nga siya sakin tsaka nararamdaman ko nagugustuhan ko na din siya kaya lang nanaig padin yung takot ko masaktan. :(
June, 2016. We had a serious conversation with our feelings. Umamin ako that time. Malapit na ko ma-fall pero natatakot ako. Baka kasi wala nanamang sasalo sakin. Pero I felt his sincerity through his words.
“Handa akong saluhin ka. Handa akong maghintay hanggang sa maging handa kana. Gusto talaga kita, I guess mahal na nga kita.”
Simula nun, estado namin. “Courting.” And si #B, bigla nalang siyang nawala sa puso ko. Maybe, it’s so magical na ganun nalang nawala yung feelings ko kay #B. maybe, it’s an answered prayers. Pero paanong nagkagusto ako sakaniya? At first ayaw na ayaw ko sakaniya diba. Maybe it is God’s will and God’s plan for me. I felt God’s love through him that everything happens has a reason.
August, 2016. Maayos naman ang lahat. :) In that month, pinagpaalam niya ko sa Papa ko na kung pwede ligawan, pumayag naman si papa. And what’s special with that month? He chose to celebrate his birthday with me. Nag dinner date lang kami then pagkauwi hinatid niya ko sa bahay then at the same time pinagpaalam niya ko kay Mama kung pwede daw ba ko ligawan, pumayag din si Mama. :)
December, 2016. For the past few months wala naman kami naging problem. MU na kami after niya ko maipagpaalam sa parents ko. I celebrate my birthday with him, lunch date naman. Then nung gabi, celebration sa bahay with family and friends. Nandun din siya. Di siya mahilig magbigay or magregalo ng materyal. Niregaluhan niya ko ng cake nung birthday ko. :)
Sabi ko nung birthday ko pag napakilala niya na ko sa parents niya personally, sasagutin ko na siya. Though, alam naman na ng parents at kapatid niya syempre iba padin yung personal kang kilala.
December 19, 2016. The worst fight ever.
Few weeks ago. I had a chance to get his fb password accidentally. Pero that day, nacurious ako anong meron sa facebook niya so binuksan ko di ako nagsabi sakaniya. I checked his fb messages. Lahat ng pinagselosan ko tinignan ko kung may convo ba sila, yung iba wala yung iba meron pero wala naman masama sa conversation nila. But I found a conversation with named, Paula. Hindi ko siya kilala. Pero hindi ko alam kung bakit nacurious ako sa kaniya so bnack read ko hanggang sa may nabasa akong..
“Daddy, nasa office na ko. San kana?
“Otw na ko mommy.”
Bigla nalang tumulo yung luha ko ng di ko namamalayan. Last conversation nila yun, October 5, 2016. Mga panahong nanliligaw na siya sakin. Binackread ko pa hanggang sa malaman ko kung kailan sila nagsimula. June 4, 2016. Mga panahong nagsimula na siya manligaw sakin.
Sobrang sakit ng mga nababasa at nalaman ko. Di ko alam kung minahal niya ba ko for the past few months. Yung pakiramdam na mas updated pa siya sakniya kesa sakin. Yung katext ko siya ng midight pero kachat niya rin pala si Paula. :( Wala na, lahat ng pagmamahal ko sakniya napalitan na ng poot at galit dahil sa panloloko niya sakin sa loob ng apat na buwan, na may mommy at daddy na pala umeksena pa ko. Na pinaniwala niyang ako lang pero hindi naman pala. That day, wala na siya sa lugar namin. Family week niya kasi, umuwi siya sa Bulacan sa place ng magulang niya. Tinext ko siya..
“Sorry po kung binuksan ko po yung facebook mo at nagbasa ako ng messages mo. Hindi po ako nainform na may mommy kana pala at daddy ka pala niya. Sorry kung naabala ko yung relasyon na meron kayo. Itigil na po natin kung anong meron tayo. God bless po sa inyo ni Ka Paula.”
Habang tinatype ko yan hindi na ko makahinga sa sobrang sakit, ganto nalang ba lagi? Lagi nalang ba kong lolokohin? Pinanganak ba ko para lokohin? Durog na durog na ko. Akala ko iba siya sa ex ko, pero bakit pare pareho lang pala sila, na lolokohin ka lang. :(
Pagkasend ko sakaniya ng text na yan ayaw ko ng hawakan yung phone ko. Tinatawagan niya ko paulit- ulit. Mga 30th time ng tawag sinagot ko. Hindi ako nagsasalita. Pinapakinggan ko lang siya, umiiyak din sa kabilang linya. Humihingi ng sorry at nagpapaliwanag. After ng 12mins na end call na. Ni isang salita wala na siyang narinig sakin. Gusto ko ng matulog para mawala yung sakit pero hindi pala yun ang solusyon. Hanggang sa di ako nakatulog the whole night that day. Nagising ako na sobrang maga yung mga mata ko and napansin ng mama ko. Sobrang sakit pala makita yung Mama mo na umiiyak din during the time na nag open ako sakaniya about dun.
“Nagpapanata ka naman baka hindi lang talaga siya ang niloob sayo kaya nangyayari to.” –Mama
Niyakap ako ng mahigpit ni mama. Dun ko naramdaman yung pagmamahal na hinding hindi matutumbasan. Chineck ko yung phone ko andami niyang text and missed call but I chose to ignore. Tapos na, tinapos ko na.
Nagpaalam ako kay mama na may pupuntahan ako, isang kaibigan na alam kong mapagkakatiwalaan ko. Nagstay ako sakanila the whole day, sakaniya ako nag open ng poot at galit sa puso kasi baka di ko kayanin. Nag decide ako na saknila magstay at bukas nalang ako uuwi. Pero nakareceive ako ng text sa tita ko.
“Ann nasan ka? Umuwi kana nandito sa bahay niyo si #K.”
“Di po ako uuwi pakisabi salamat nalang, wala na po kaming dapat pag usapan.”
“Hindi siya uuwi hanggat di ka daw niya nakakausap pls umuwi kana nak.”
Naguilty ako. Past 8pm na yun nung pauwi ako galing kila monik. Nakarating ako ng bahay past 10 na naabutan ko siya nakaidlip na sa sala. Napansin ko na namamaga din yung mata niya. Ginising ko siya. Hindi siya makapagsalita di niya ko matignan. Niyakap lang niya ko and puro sorry. Naramdaman ko yung pagtulo ng luha niya habng sorry siya ng sorry sakin. Pinaliwanag niya naman lahat pero di parin maalis sa puso at isip ko na, NILOKO niya padin ako. :( Humihingi siya ng huling pagkakataon pero ang sinabi ko sakniya, “Pag-iisipan ko.” Wala naman silang iloveyouhan, talagang naging tawagan lang nila ay mommy at daddy at yung girl naman ang nagpasimula nun nakisakay lang siya, but still it’s cheating at aminado naman siya. And the time na nagstart sila is the day that I’m confused again with #B, birthday kasi ni #B nun. Pero mali padin siya kasi nagtuloy tuloy yung convo nilang as mommy and daddy. But anyway, wala na silang convo after ng October kasi narealize niya na mali yun. But it’s too late nakita at nabasa ko na ng hindi pa niya nasasabi sakin. Wala naman daw siyang gusto dun, flirting lang.
December 23, 2016. Ipinagpaalam niya ko kay mama at papa kung pwede niya ba kong isama sa 2 day stay nila sa Antipolo. Pumayag naman si mama, sinabi niya kasi na babawi daw siya sakin. Honestly that time, wala na kong gana sakaniya. :( Parang ayoko na pero wala akong choice. Pinakilala niya ko sa mama, papa at kapatid niya. Ok naman. The whole time na magkasama kami di ako ngumingiti, lagi lang akong tahimik. Pag andyan yung parents niya tsaka lang ako nagffake smile. Pursigido naman siya bumawi. But then naisip ko, naipakilala niya ko sa parents niya siguro pagsubok lang talaga yung nangyari samin.
December 28, 2016. Officially kami na.
April 18, 2017. My graduation day. Sinabi niya na sakin to before na after graduation niya ko hihilingin so that we will be official. So after that day hiniling niya na ko.
But for now, we’re not the same as before. Lagi na kaming away bati. Kasi hindi ko padin naibabalik yung dating trust ko sakaniya. Ako kasi once na nasira na yung tiwala ko mahirap na sa akin ang ibalik yon. Minsan ang cold ko na sakaniya, di ko na pinaniniwalaan sinasabi niya, kasi natatakot na ko na masaktan ulit at maloko ulit. :( Pero matiyaga padin siya, magtitiis nalang daw siya sa lahat ng masasamang paghihinala ko sakaniya, mahal niya daw ako kaya di niya daw ako iiwan tsaka in the first place kasalanan naman daw niya bat kami nagkaganito. Today, I always pray na sana bumalik na yung trust ko sakaniya. But it’s very hard for me. Hay, sana.. :(
0 notes
Text
Sun Kissed Skin in BALER
It’s actually my first time to travel.
Not literally the first time but in a sense that I’m the one who planned it, paid for it, and my parents was not with me.
Before I even got out of college, its been in my TO DO LIST to travel! And so I did, and my first destination was...
BALER!
I was with my cousins together with their partner! YES PO! cousinS, with s! Partner-partner ang dating bes! Good thing was I brought my bestfriend with me! So alam nyo na ang LIFE SAVER ng mga SINGLE! And another good thing was her boyfriend didn’’t come to our trip, if ever that he did joined us, BIGTI NA AKO BES! Hahaha but still it was worth every penny I paid which is Php 1,650.00!
So here’s a question for you, what is the first thing that comes in your mind when you heard BALER? Mine was SURFING! But then it’s just one of the things you can do in BALER, there are so many things you can experience in BALER and so many memories can be made to treasure.
So let’s start this ADVENTURE!
Our trip was 2 days 1 night trip. From Manila to Baler our travel time was 6 hours, we left Manila by 12 midnight and arrive at our 1st destination by 6am!
- - -DAY 1- - -
FIRST STOP: THE OLD BALETE TREE - MILLENIUM TREE!
Medyo disoriented pa ako nung bumababa kami ng sasakyan kasi chikka to the max kami ni bestfriend sa byahe kasi ang tagal naming hindi nagkasama, masyadong busy sa kanya-kanyang life so hindi ko pa na-a-appreciate and I was like “pwede bang matulog na lang ako”pero si bff “baba na daw tayo!”. Dahil I don’t have a choice and sayang naman kung hindi ko titignan bumaba na ako to look at the tree, and after a minute or two of staring in the tree I was like “Bat ba ang bagal nateng bumaba?!” Hahahaha nagising talaga ako. The tree was old and was very beautiful. I’m a kind of person who love and appreciate old or vintage things kaya naman the old Balete Tree captured me! The place is very INSTAGRAMMABLE! Umanggulo ka lang and pak ganern may pang IG post ka na. One more thing ibabalik ka ng punong ito sa childhood mo. Paano? Aakyatin mo kasi ang puno just to have IG worthy picture, and seriously ang saya nyang akyatin. Medyo madulas nga lang nung inakyat namin sya kasi medyo umulan before kami dumating, so if ever ma-experience nyo din sya all you have to do is be CAREFUL! 1st stop palang injured ka na pano pa ibang destination di ba? And may mga tao dun na very helpful, kasi katulad namin 8 kami pero laging 7 lang sa pic or selfie na lang but then may isa dun lumapit samin and helped us to take our picture. Then may panorama pics pa kami na ang galing ng kuha (see pictures below), and pwede mo din pasukin ang loob ng Balete Tree but may bayad sya I think 5 or 10 pesos per head pero hindi na kami tumuloy kasi ang daming tao sa loob so picture taking na lang kami sa labas! And yung helpful na kuya na kumuha ng picture namen hindi naman sya nagpabayad pero dahil ang ganda ng kuha nya samin binigyan namin sya ng tip.
SECOND STOP: MOTHER FALLS
So ito na po, liguan portion na i-ready nyo na ang mga swimsuits nyo pero if ako ang tatanungin mag rush guard na lang kayo. So ang Mother Falls po ay hindi nasa bukana ng gubat malayo-layo ang lakarin kaya naman nagbreakfast muna kami before kami maglakbay (yes ang lalim! hahaha) and may kasama po kayong tour guide and may parang entrance fee kayo mga 50 pesos I think. So dahil umaga na nagbreakfast muna kami, mura naman sya, depende sa kakainin nyo kasi ako I was satisfied with itlog na maalat na may kamatis and 2pcs. BBQ na bagong luto with one rice na nagkakahalaga ng 50 pesos o di ba ang mura? Pero syempre you have other choices like hotdog, gulay and mga lutong bahay na ulam. After namin kumain magpapahughog naman kami kaya sinimulan na namin ang paglalakad and along the way may nadaanan kaming Owl na ang cute cute! Harry Potter agad ang na-isip ko syempre picturan si Owl di ba? (see photos below). May 30-40 minutes ang lakad papuntang Mother Falls so magdala na po kayo ng tubig, towel, and phone cover (ung pang tubig hindi ko kasi alam ang tawag hehe). Along the way madadaan ang Shower Falls and Baby Falls, yes may anak po si Mother Falls. Yung Shower Falls hindi mo masyadong mapapansin kasi maliit lang sya so parang dadaan-daanan mo lang sya, si Baby Falls naman yun yung madadaanan mo before ka makarating ng Mother Falls pero hindi na kami lumapit masyado dun kasi mahirap yung daanan nya masyadong madulas pababa pa naman. And also because its nature of course may mga IG Worthy pictures nanaman kayo and mga buwis buhay na picture taking pang post lang. Pagdating ng Mother Falls you’ll be amazed ang ganda kasi nya talaga. And beware para pong umuulan dun sa lakas ng bagsak ng tubig and another beware para pong nagyeyelo ang tubig nya as in good luck sayo kung naka two piece swimsuit ka, pero kung keri mo naman edi GO! Medyo mabato din sya and may pagkamalalim so ingat ingat na lang sa mga hindi marunong lumangoy. Of course dahil tubig yun medyo madulas na po ang mga bato dahil sa lumot kaya naman kailangan talagang mag-ingat! After namin dun balik na ulit kami sa entrace and pagdating namin dun tuyo na kami and gutom so madami namang sasalubong sayong pagkain mamimili ka na lang at bibili and ang trinay ko was tupig 5 pesos sya pero malaman kaya naman sulit ang bayad mo.
After going to Mother Falls we checked in first in the transient house and okay naman yung transient house comfy sya and with aircon naman. Ang na amaze nanaman ako is that walang patayan ang tubig nila kasi galing pa sya dun sa falls so MALIMIG din sya! And isa lang tumatakbo sa isip ko nun ang sarap maligo sa Baler pagsummer kasi ang lamig ng tubig nila! Presko sa pakiramdam kahit hindi ka na mag-aircon keri na yun. Pagkadating dun kanya-kanyang palitan ang gora na sa kainan! Ang dahil masyado kaming matipid sa turo-turo kami kumain pero sulit ang bayad mo! Si kuya Teddy (yung driver ng van na sinasakyan namin) ang nagdala samin dun isang row sila ng kainan and halos mga grilled seafood and pork ang meron sila pero meron pa din namang ibang lutong bahay. So tipid-tipid kaya kami ni BFF share sa dalwang ulam, umorder kami ng isang inihaw liempo na kami ang pumili medyo malaki sya and malaman talaga and bagong lutong inihaw na pusit na malaki din and rice and tig-125 lang kami which is ok na din kasi compare sa price sa Manila ok na yun mga fresh naman talaga ihahain sayo.
THIRD SPOT: SABANG BEACH
We came at Sabang Beach around 2pm and left by around 6pm. Medyo makulimlim pa nun pero sige lang kami kasi may kakilala naman na si Kuya Teddy kaya meron din kaming upuan, lamesa and payong by the beach. And of course dito po ang SURFING! YES daming Surfer sa paligid may mga beginners meron din namang yung marunong na talaga. And kami umaura lang. Hindi na kami nagtry mag-surf, nakontento na kaming magpicture with the surf board hehehe. Pero kahit hindi namin na-try magsurfing naturuan ko naman ang bestfriend kong magpa-alon which is papadala ka lang sa alon. Pero meron pa din namang mga times na nakakain kami ng alon sa laki na nya. And dahil makulimlim ng dumating kami bumuhos na din ang ulan and tuloy pa din kami sa tubig kahit ganun! Basa na din naman ano pang pinagka-iba kung maulanan di ba? And kasama yan sa experience. Maglibot-libot lang kayo and makakahanap din kayo ng IG worthy spot para magpicture. And kung may pangtubig naman kayong camera or may cover naman against sa tubig ang phone nyo sa beach na mismo kayo magpicture, habang na-alon! Speaking of alon, muntik na din akong matamaan ng surf board sa mukha kasi dalwang alon na magkasunod ang dumating din hindi napansin nung nagsusurf na yung pwesto nya katapat ng pwesto ko kaya naman tinabig ko ang surf board nya para mapigilan ko, kesa naman tumama saken, kaya ingat-ingat pa din po sa pagpapa-alon! And dahil nasa beach kami may moments ang mga lovers kay naman kami ni bestfriend pose pose na lang! Hahahahaha. If nagugutom naman kayo may Shawarma Stand malapit sa entrance and guaranteed masarap po sya and nag-ooffer din sila ng Shawarma Burger must try!
And after Sabang Beach we decided to eat dinner first before heading back to the transient house para naman diretso pahinga na din kami. dun pa din kami kumain sa kinainan namen nung lunch, this time iba naman ang inorder namin maliban sa inihaw na liempo, inihaw na tuna belly and tanigue and it cost 145pesos per head, good for sharing naman yung order namin and fresh and bagong luto pagbinibigay.
- - -END OF DAY 1- - -
- - -DAY 2- - -
We had free breakfast on our second day courtesy of the owner of the transient house. We got hotdog, egg and rice for breakfast with newly cooked chicharon! Yes CHICHARON! Yung tinutuluyan kasi namin nagluluto sila ng chicharon nila then binebenta nila which is mabenta naman daw. Usually ubos daw lahat ng luto nila sa isang araw. Pero MASARAP talaga ang Chicharon nila and crispy pa!
And our adventure continues...
FIRST STOP: HANGING BRIGDE
Maganda sya pomise kaso nga lang di namin sya na-try kasi inaayos sya, may sira daw kasi gawa ng bagyo so sad life kami. Pero kahit may keep out sa hagdanan papunta sa hanging bridge gora pa din kami makapag-picture lang. See pictures below!
SECOND STOP: ERMITA HILLS
Gusto mong makakita ng magandang view? Ermita Hills is the best place for you! Ermita Hills ang pinakataas na lugas sa Baler kasi noon nagkabaha sa Baler sa Ermita Hills daw ang pinaka-safe na lugar. And para mas maganda ang view na makita mo and medyo kakaiba ang picture mo, sa naputol na puno and maganda ang view sa likod lakadin mo ang 268 steps ng Ermita Hills pagdating mo sa dulo may isang malaking Krus if hindi mo pa din feel dun lakarin mo pa yung trekking path meron kang makikitang punong naputol dun ang Sabang Beach ang view mo sa likod if magpicture ka!
THIRD STOP: ANIAO ISLETS
Bukod sa Mother Falls and Sabang Beach isa din sa favorite spots ko ang Aniao Islets! Ang ganda kasi nya talaga ang buti na lang hindi ako nakasapatos kaya keri lang ang maglakad sa tubigan. Ang ganda nya talaga tapos white sand sya. Then may mga maliliit na isda pa kahit sa may pangpang. But kelan maging maingat kasi mababato and madulas ang bato. Pero para sa pictures hala sige sugod sa tubigan at batuhan!
FOURTH STOP: DOÑA AURORA’S HOUSE, BALER CHURCH, AND MUSEO DE BALER
Doña Aurora of Baler ang asawa ng dating Presidente Manuel L. Quezon. Ang bahay nila ay maganda at maaliwalas, as in gusto ko ng tirhan. Sana ganun na lang bahay namin. May mga facts and articles about Doña Aurora and former President Manuel Quezon. Ang Baler Church naman ay nasa tapat lang ng bahay ni Doña Aurora. And uso sa Baler ang may mga nagbebenta ng mga gulay, prutas at iba’t iba pang pag-kain sa labas ng simbahan which is hindi naman na masyadong makikita naten sa mga simbahan. Sa likod naman ng Baler Church ang Museo De Baler, mga artifacts and iba’t ibang mga gamit noong sinauna ang makikita dito. Sa first floor mga lumang gamit, coins, mapa ng Baler, pictures ng pagbabago ng Baler, at mga gamit na ginamit sa movie entitled “Baler” under Viva Films pati na din ang awards na natanggap ng pelikula. second floor naman ay halos mga painting ang makikita at iba pang aart work. Meron din exhibit ng pictures ng iba’-ibang ibon. Isang napakagandang kultura ang meron ang Baler!
After our 4th stop, kumain na kami ng Lunch and we tried Gerry Shan’s Place. Eat-all-you can place for only 200 pesos.Sulit na yun from appetizer to main course to dessert to drinks! Piece of advise para naman sulit na sulit nyo ang 200 pesos mag-SEAFOOD na kayo! Masarap ang luto nila pero nadenggoy ako ng tokwa nila ang akala ko tokwa lang din oyster sauce ganern or pero yun pala pinaulanan ng sili. But I love their Ensaladang Paco tapos madaming salted egg. Sulit ang 200 pesos mo sa kanila.
LAST STOP: SOUVENIR SHOP
Para sa mga pasalubongbumili ako ng the usual 10 pesos keychain, then wallet na parang bayong na maliliit, shirts of course and sando para sa mga pamangkin ko, drawstring bag, mug, shot glass, and ref magnet which is what I love the most. Para sa murang souvenirs mag-ikot-ikot ka lang around sa may simbahan and makipagbaratan ka lang and you can have it!
So I think if you have Php 3,000.00 you can tour Baler for 2 days and 1 night and may souvenirs ka pa. But if sa tingin mo kulang then dagdagan mo na lang budget mo. Okay lang ang maypasobrang budget wag lang magkulang!
TOP 5 THINGS I LOVE WITH MY BALER TRIP
5. FOOD masarap na, fresh pa and mura lang!
4. FOOD TRUCK ang fastfood sa kanila naka food truck and that’s the first time I ever saw one!
3. HIKING dati kasi nung bata ako, minsan na-akyat kami sa bundok ng mga kaibigan ko but hindi na ngayon and form sya ng exercise (which I really need hahahaha).
2. BUWIS BUHAY PARA SA PICTURE para lang makakuha ng magandang picture sugod sa malamig na tubig, akyat ng puno, kahit kainin pa ng alon sige go lang!
1. TIME WITH MY COUSINS, BESTFRIEND AND NEW FOUND FRIEND hindi naman kasi lagi magkakasama kayo at nagkakabonding and hindi naman araw-araw tayo nakakakilala ng ibang tao!
Baler my first destination and many more to come! This would always be the memorable one for me. Thank you sa pag-invite saken Ate Irene and Daddy Nok, thank you sa pagsama Mejie (BFF). Thank you Roadtrip Travel para sa masaya and affordable experience for inquiries visit their FB which is www.facebook.com/@1983roadtrip or call them on 09283875905 And kay Kuya Teddy sa pagdadala samin sa murang kainan at souvenir shop. Thank you Thank you Thank you!
Atleast now I can say.
I HAD SUN KISSED SKIN IN BALER and
I LIVE MY LIFE WITH LOVE IN BALER!!!!
JUST WAIT AND THERE WILL BE MORE TRAVEL DESTINATION TO COME!!!!
-A
0 notes