#pambansang gunita
Explore tagged Tumblr posts
Text
1 note
·
View note
Text
Nagsasanngalang Pader at ang Kutang Santiago.
Sa aking pagpunta sa Intramuros at Fort Santiago, nagmistulang ako ay nanalamin sa makulay at masining na kultura ng Pilipinas. Sa panahon ngayon na kung saan abala na ang mga tao sa iba’t ibang midyum ng media, nakayuko at magdamagang nakatitig sa kanilang mga cellphone at kahit na anong uri ng teknolohiya, isang pribelehiyo na ang maglakbay patungo sa isa sa mga makasaysayang lugar sa Maynila. Maigayang pagdating sa Napapaderang Lungsod at sa Kutang Santiago.
Ang Intramuros o ang “The Walled City” ay ang pinakamatandang distrito at sentro ng kasaysayan sa lungsod ng Maynila. Habang ang Fort Santiago naman ay ang kuta na kung saan ito ay nagsilbing tagapagbantay ng lungsod.
Bilang isang tao na laging nasa bahay lang at naglalaro ng video games, isang napakagandang karanasan ang pumunta sa isang lugar na makabuluhan, na hinid pasyalan lang ang maibiibigay kung hindi isang pag-gunita ng mga hindi malilimutang kaganapan sa kasaysayan ng bansang Pilipinas.
Maligayang pagdating sa Napapaderang Lungsod at sa Kutang Santiago.
Sa aking pagkakaalala, nasa pito hanggang siyam na taong gulang ako nung ako ay nakapunta dito sa Intramuros. Kaya naman nung ika 1 ng Oktubre 2017, magkahalong sabik at kasiyahan ang aking naramdaman.
Simulan na ang paglalakbay sa kasaysayan ng Pilipinas. Magandang araw Intramuros.
Hindi mainit at hindi umuulan, makulimlim ang panahon. Kaya naman masarap maglakad ng maglakad at ikutin ang lugar na ito.
Ang Intramuros ay itinayo noong kapanahunan ng pagsakop sa atin ng Kastila, upang protektahan ang lungsod laban sa mga ibang mananakop.
Iputok ang kanyon, ipagtanggol ang bayan!
Maliban sa pasyalan dahil sa pagiging makasaysayan, ang Intramuros ay meroon ding Golf Course, para sa mga mahilig maglaro ng Golf at mahal ang kasaysayang Pilipino, Intramuros ang lugar para iyo!
Bawat imprastruktura at lugar na makikita sa Intramuros ay may kaakibat na kasaysayan. Makikita din dito ang ilan sa mga sikat na eskwelahan sa bansa tulad ng Lyceum of the Philippines University, Colegio de San Letran, at MAPUA.
Ang Colegio De San Letran, itinayo noong 1620 at kilala bilang isang Katolikong establisimento. Ang paaralan na ito ay may reputasiyon pagdating sa mga kursong Engineering, Accountancy, Business Management at Arts.
Lyceum of the Philippines University. Isang unibersidad na kilala pagdating sa kursong Culinary Arts at Tourism.
Matapos naming ikutin ang Intramuros, kami ay sumakay sa pedicab upang magtungo sa Fort Santiago.
Hindi kami bumaba mismo sa Kutang Santiago sapagkat gusto namin makita ang iba’t ibang lugar sa Intramuros bago namin pasukin ang Fort Santiago. Sa aming pagbaba, nakita namin ang Manila Cathedral at ang Palacio Del Gobernador.
Hindi nagpapasok ng mga turista sa Palacio Del Gobernador kaya naman kinuhaan na lang namin ito ng litrato.
May misa nung kami ay pumasok sa Manila Cathedral. Ako ay nagulat nung pagpasok ko ay air conditioned ang simbahan,dahil ang araw na iyon ay ang unang araw kong pagpasok sa simbahan na ito. Bilang nasa simbahan na rin ako, ako ay nagdasal saglit. Ako ay nagpasalamat sa Poong Maykapal at pinagdasal na ako ay gabayan at protektahan pati na rin ang mga mahal ko sa buhay.
Ang ‘La Pieti’ isa sa mga paborito kong gawa ni Michael Angelo. Dahil sa pagpapakita ng paghihirap at pagsasakripisiyo ni Hesu Kristo, ang rebultong ito ay nagsilbing simbolismo na hindi kahit kailanman iniwan at pinabayaan ni Hesus ang tao.
Ang Manila Cathedral ay isa sa mga makasaysayang simbahan sa bansa,kaya nararapat lang na bigyan ito ng renobasiyon at pagpapahalaga sapagkat ito ang Punong Basilika ng Pilipinas at ang pinakamataas na luklukan ng arsobispo sa bansa. Ang Katedral ay ilang beses na napinsala at nawasak dahil ang orihinal na katedral ay itinayo sa 1581.
Bago kami pumasok sa Fort Santiago, kami ay kumain muna ng sorbetes na sakto lang ang lasa, hindi masyadong matamis at hindi masyadong matabang. Sulit ang 25 pesos!
Kutang Santiago, mabuhay!
Siyempre, bago makapasok ay nagbayad kami ng entrance fee na nagkakahalagang 50 pesos. At hindi kami nagsisi sa aming pagtapak sa Fort Santiago, hitik na hitik na mga puno at napakalinis na kapaligiran, napaisip tuloy ako na sana ganito rin kalinis ang buong bansa.
Ang Fort Santiago (Fueza de Santiago) ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador na Kastilang si Miguel Lopez de Legaspi. Bago dumating ang mga Kastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman. Dito nakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan.
Ang bakas ng paglakad ni Rizal patungo sa Bagumbayan kung saan siya binaril. Mediyo ako ay nairita dahil narinig ko ang isa sa mga turistang nagtatanong kung ano ba daw ang mga footsteps na ito. Nagpapatunay na ang halos sa mga Pilipino ngayon ay hindi alam ang mga naganap noong panahon na sinakop tayo ng mga banyaga,
Rajah Sulayman Theater!
Sa aming pag-gala sa Forst Santiago, kami ay hindi nakaligtas sa isang pangyayaring kababalaghan. Naganap ito sa Baluarte de Santa Barbara.
Akala ko hindi gumana at niloloko lang ako nung sinabing umalis ako sa pagkakatayo ko sa Baluarteng ito. Nung pinakita sa akin ang litrato ay nangilabot ako. Hindi ko alam kung sadyang hindi gumana ng matino ang cellphone upang maging ganito ang kinalabasan:
Lahat ng aking litrato na kinuhaan, kasama man ako o hindi ay malinaw at hindi nagmistulang telebisyo na nawawalan ng signal.
Ako man ay natakot at kinilabutan sa pangyayaring iyon, inalis ko na ito sa aking isipan dahil kung patuloy ko pang iisipin iyon ay baka tumakbo na ako palabas ng Intramuros.
Ang watawat ng Pilipinas. Isang tanda ng nasyonalismo, pagka Pilipino at simbolo ng Perlas ng Silangan. Ang bansang Pilipinas ay sagana sa magagandang tanawin, maraming makukulay na kultura at isang kasaysayan na naging pundasiyon ng mga Pilipino upang ipaglaban ang bansang Pilipinas. Taas noo tayo’y Pilipino, ako, tayo ay Pilipino.
Dito na nagtatapos ang aking paglalakbay sa Intramuros at Fort Santiago. Ang mga lugar na ito ay nagsilbing isa sa mga sentro ng kasaysayan sa bansa. Kaya marapat lang na ito ay bigyan ng pansin dahil dito sinasalamin kung ano ang buhay ng mga Pilipino noong unang panahon. Ipreserba at alalahanin ang makulay na kasaysayan Mabuhay ang Pilipinas, dapat ingatan, alagaan at payabungin.
1 note
·
View note
Text
Gunita: Sa Mundong Kinagagalawan Natin Ngayon (Blog 2)
Naniniwala ang pangkat na sinasalamin ng sining at panitikan ang karanasang kolektibo ng komunidad kung kaya’t maaari nitong husgahan ang mga mapanganib na kaugaliang nakasanayan na. Mula sa pahayag na ito, papatunayan ng pangkat ang kakayahan ng sining at panitikan na maapektuhan ang lipunan gamit ang tatlong punto.
Ngunit bago tayo dumako sa mga argumento, linawin muna natin ang ibig sabihin ng mga salitang gagamitin. Una, kapag sinabing sining, tumutukoy ito sa medyum upang ipahiwatig ang ating nararamdaman sa mga bagay na nakapalibot sa ating buhay. Maraming uri ng sining: pagsusulat, pagsayaw, pagkanta, pagarte, pagpinta, iskultura, at marami pang iba.. Pangalawa, tumutukoy ang panitikan sa isang paraan upang itala ang nakaraan o ang kasaysayan ng nakararami; isa itong behikulo upang buksan ang katotohanan ng nakaraan sa lente ng mga saksi nito . Pangatlo, tumutukoy ang salitang lipunan sa mga taong nakapasaloob sa isang pamayanan; maaaring may iba’t ibang paniniwala subalit mayroon pa rin silang iisang pagkakakilanlan. Ngayong nalinaw na ang konteksto ng argumento, dumako na tayo sa mga patunay.
Una, masasabing palansak ng mga karanasan ng isang pamayanan at paalala ng mga pagkakamali ng nakaraan ang sining. Sa pamamagitan ng sining, natatawid ng mga kaisipan ang layo ng panahon. Ang mga sining na ginamit upang isiwalat ang kaharasan noon, maaaring gamitin upang ihayag ang patuloy na kaharasan ngayon. Isang halimbawa nito ang Spoliarium ni Juan Luna. Sa kanyang obra, isinalaysay ni Juan Luna ang pagtrato sa mga mandirigmang pinaglalaban noon sa Roma. Ikinakaladkad ang kanilang bangkay papalabas ng entabladong pinaglabanan nila para paghandaan ang susunod na sagupaan.
Masasabing representasyon ang Spoliarium sa marahas na pagtrato ng mga Kastila sa Filipino. Sinasalamin ng obra ang mababang pagtingin ng mga Kastila sa sinakop nitong kalupaan. Ang obra ni Luna ay ngayo’y nakapaskil sa Pambansang Museo kung saan maaari siyang masaksihan nang sino mang pumasok dito. Tunay na maaari paring ilapat ang mensahe ng Spoliarium sa kasalukuyang panahon. Hindi man mga Kastila ang umaapi sa karamihan ng Filipino, maaari paring sabihing ang mga mapangabusong indibidwal na may kapangyarihan naman ang umasam ng posisyon ng mga Kastila. Hanggat mayroong mas mababa ang pagtingin sa kapwa, patuloy na lalaganap ang mapangabusong kaugalian.
Pangalawa, nagsisilbing lente and sining at panitikan upang isiwalat ang kaugaliang hindi agarang natatanaw ng ating mga mata. Sa pamamagitan ng sining, nagagawa nating usisain ang mga nakasanayang kaugalian na hinahayaan nalang nating lumaganap. Maaaring maging mapanganib ang mga kaugaliang ito dahil sa kanilang implikasyon sa mga piling indibidwal. Isang halimbawa nito ang mga konsepto ng toxic masculinity at victim blaming. Tinalakay ang konsepto ng toxic masculinity sa tula ni Jonel Revistual na pinangalanang “Biyaheng Malandi”. Sa tulang ito, isinasalaysay ang kultura ng pagtrato sa kababaihan bilang bagay na maaaring gamitin, husgahan, at manipulahin. Inilalarawan nito ang kultura sa biyaheng patuloy nating sinasakyan kahit na alam nating wala itong mabuting kinahahantungan. Sinasabi niyang dapat natin pandirihan ang ganitong ugali at magsikap tayong baguhin ang nakasanayan nang kultura ng kaharasan.
Sa Belgium, matatagpuan ang museo na nagpaskil ng mga damit ng mga taong ginahasa upang talakayin ang konsepto ng victim blaming. Iginigiit nila na maling itanong sa biktima kung ano ang suot nila noong sila’y ginahasa na parang nakabase rito ang kanilang seguridad. Malawakan nang tinatanggap ang kaisipang ginagahasa lang ang tao kung sila’y nakasuot ng “malaswang” damit. Ngunit, sa pamamagitan ng pagsasalaysay na ito, inililinaw ng manlilikha na hindi nakadepende sa kasuotan ng tao kung sila’y magiging biktima. Datapwat ang manggagahasa lang ang dapat sisihin para sa krimen.
Pangatlo, masasabing katalista ang sining at panitikan bagkus hindi ito maituturing na proseso. Kapag hinarap ang indibidwal sa isang uri ng panitikan o sining, may sarili siyang mahihinuhang interpretasyon galing dito. Samakatuwid, naaapektuhan ng sining at panitikan ang kalagayan ng indibidwal. Ang indibidwal rin ang humuhulma ng kalagayan ng lipunan. Nagkakaroon ng pagdaloy ng kaisipan sa pamamagitan ng sining at panitikan kung saan kinakausap ng manlilikha ang mga nakakakita o nakakabasa ng kanilang obra. Naipaparating ng manlilikha ang kanilang saloobin tungkol sa iba’t-ibang paksa. Nang sa gayon, nagkakaroon ng pagkakataong pagnilayan ng indibidwal ang nais iparating ng manlilikha. Sa ganitong paraan din, nahuhusgahan ng indibidwal ang kanilang sariling moralidad at kakayahang makarating sa sarili niyang solusyon para sa ibinahaging paksa. Ang sining ang nagpapakita o nagsisiwalat ng “bakit” samantalang ang tao ang tutuklas sa “paano”. Mahihinuha rin dito ang konsepto ng imagined communities ni Benedict Anderson. Isa sa mga diskusyon ni G. Jethro Tenorio ang kahalagahan ng nasabing konsepto sa panitikan. Isinaad niya na dahil sa mga mumunting pagsisikap ng maraming manunulat ng panitikan lalo na yaong mga nilikha ni Gat. Jose Rizal, maraming Filipino napukaw sa realidad na kanilang tinatahak araw-araw. Subalit, hindi iginigiit ng mananaliksik na ang sining at panitikan ay ang nag-iisang nagbibigay pwersa sa pagyabong o kahit lamang sa pagbago ng lipunan na ating kinagagalawan.
Naiintindihan ng pangkat na magkaiba na ang konteksto ng mga problema noon at problema ngayon. Maaari ring ipangontra ang argumentong walang konkretong paraan ang aisning at panitikan upang baguhin ang kalagayan ng lipunan. Para sa unang kontra argumento, kahit na magkaiba na ang detalye at konteksto ng mga tunggalian sa lipunan, nananatili parin ang pangunahing sangkap ng tunggalian: ang tao laban sa sistemang mapang-api. Tumutugma rin ito sa sagot ng pangkat sa pangalawang kontra argumento. Sa pangatlong patunay ng aming sanaysay, kinilala na namin ang kahinaan ng sining upang maging konkretong paraan ng pagbabago sa lipunan kung kaya’t kinikilala ito bilang katalista at tagabigay ng saysay habang ang tao na mismo ang gumugugol kung paano makakamit ang napagtanto niyang mensahe ng kanyang nasubaybayan.
Samakatuwid, ang sining at panitikan ay sumasalamin sa karanasang kolektibo ng komunidad kung kaya’t maaari nitong husgahan ang mga mapanganib na kaugaliang nakasanayan na. Tulad na lamang ng nabanggit ng mga mananaliksik, isang kolektibong karanasan ang sining at panitikan at ito’y patuloy na nabubuhay dahil ito’y nagsisilbing paalala ng mga pagkakamali ng nakaraan. Ibinida rito ang Spoliarium ni Juan Luna na siyang patunay na ang sining ay tumataginting sa modernong lipunan. Lente rin ang sining at panitikan upang isiwalat ang kaugaliang hindi agarang natatanaw ng ating mga mata. Dito naibanggit ang konsepto ng toxic masculinity kung saan sa kasalukuyan paunti-unting nababawasan ang ganitong mapanganib na kaugalian. Sa huli, sinuri ang kaisipan na ang sining at panitikan ay nagsisilibing katalista kaysa mismong proseso ng pagbabago. Naisaad na visual aid ang sining at panitikan sapagkat mas ipinapakita nito ang sanhi o ang iba’t ibang suliranin ng lipunan at ang tao ang sasagot kung paano nito matutugunan ang mga isiniwalat nitong realidad. Hindi sa sining o panitikan babagsak ang responsibilidad ng pag-unlad, kung hindi sa taong nasaksihan ito.
0 notes